Followers

Saturday, August 10, 2013

Sam (Tagalog Version)

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com



First year college na ako noon nang matuto akong maging adventurous o enterprising sa buhay. Tumikim ako ng sigarilyo, ng alcohol, bagamat hanggang doon lang naman. At dahil medyo may pagka-aloof ako at mapili sa kaibigan, kaunti lang ang masasabi kong close ko talaga. Ito iyong mga naging barkada ko na halos sa lahat ng oras sa season ng klase ay magkasama kami.

Ang paborito naming hangout ay ang lugar namin. Malapit lang kasi ito sa aming eskuwelahan. Nilalakad ko nga lang ito kapag ako ay pumapasok. At ang isang kagandahan ay ang dalawang-palapag na bahay ng aking nakakatandang kapatid na babae, na nakatirik lang sa tabi ng bahay ng aking mga magulang. Iniwan ito sa akin upang ako ang maglinis, magmentina. Lumipat kasi ang buong pamilya nila sa Batangas, kasama ang asawa niya at dalawang anak gawa nang taga-roon ang kanyang napangasawa at doon na raw sila magsimula sa kanilang buhay. Kaya doon na ako tumira, doon na natutulog. Parang independent na talaga ako, maliban lamang sa pagkain kung saan ay doon pa rin ako kumukuha ng supply sa bahay ng aking mga magulang.

Kung kaya ay ang bahay niya ay naging paborito naming hangout kapag ganyang katatapos ng pasulit, o kapag may selebrasyon kagaya ng birthday.

At ang gagawin namin ay ang manghuli ng isda sa malapit na ilog, kumain ng buko dahil may niyogan din naman kami, o kaya ay magsaing kamote o di kaya ay saging. At kung season naman ng mais, kasama iyon sa aming iniihaw. At hindi nawawala ang pagbabarbecue namin ng manok. May poultry kasi ang aking itay, iyong native na manok kung kaya minsan kukuha na lang kami ng isa at siyang aming katayin.

Kadalasan, sa hapon kami magsimula, hanggang gabi na iyon. Syempre, hindi nawawala ang paborito naming inumin, ang tuba. At kapag ganoong naabutan kami ng gabi, magbo-bonfire kami sa gitna ng aming niyogan at tuloy lang ang pag-inum.

Masaya ang grupo naming iyon. Kasagsagan kasi ng kabataan at dahil puro nakatira sa boarding house, malayang nakakapag-gala dahil walang mga magulang na naghahanap.

Isang araw, naisipan naming uminum sa loob ng bahay kasi maulan-ulan sa labas. Birthday iyon ng isa sa aming barkada, si Sam at doon namin naisipang i-celebrate ang birthday niya.

As usual, tagay system kami. Usap-usap, tawanan, kuwentuhan ng kung anu-ano sa klase, biruan. Hanggang sa naramdaman na namin ang alkohol sa aming katawan. Kumbaga, isa-isa nang na knock-out. Hanggang sa natahimik na ang lahat. At syempre, dahil ako ang host, ginulangan ko sila sa pag-iinum. Ayoko kayang mas mauna pang malasing sa kanila. Ako kaya ang host at kahit papaano, nasa poder at responsibilidad ko sila.

Kaya umakyat na ako sa second floor kung saan naroon ang kuwartong malaki. Isa-isa ko silang ginising at pinaakyat. Dahil lasing na, kanya-kanya na lang ng puwesto sa sahig. Bagamat malaki naman ang kama, queen size, walang nangtanggkang humiga roon. Alam mo naman, mga lalaki, may something yata sa isipan nila na kapag tumabi sila sa paghiga sa kapwa lalaki sa kama parang may iba na...

Ngunit tila taliwas yata ang nasa isip ni Sam. Nang tangkang patayin ko na sana ang ilaw upang makatulog na ang lahat, biglang pumasok si Sam sa kuwarto. Naiwan pala siya dahil umihi pa at nang nasa ganoon akong posisyon na nakatayo sa gilid ng pintuan at hawak-hawak pa ang switch ng ilaw.

“Huh! Lasing na akooooo!” ang sambit niya sabay higa sa ibabaw ng kama.

Napangiti na lang ako. Sa isip ko lang, malaki naman ang kama kung kaya ay walang problema.

Tuluyang pinatay ko na ang ilaw para mahimbing na makatulog ang lahat.

Isang minuto, dalawang minuto, tatlong minute, limang minuto, sampung minuto… hindi ako dalawin ng antok. Ewan ko ba. Siguro dahil sa saya ko sa gabing iyon na naroong ang barkada.

Maya-maya may sumigaw. “I love you Ma’am Cathy, Paano ka kaya magiging akin?!”

Si Sam pala. Pumutok sa ingay ng tawanan ang kuwarto. “Ang ganda nga niya di ba?” ang pagsang-ayon naman ng iba naming barkada.

Si Sam pala ay ang pinakamatandang miyembro n gaming barkada. Labing siyam na siya, may maganda at matipunong katawan, matalino, matangkad, at… guwapo. Ang totoo niyan, maraming nagka-crush sa kanyang mga babae sa campus. Dahil sa angking kakisigan, ang tawag ng mga kababaihan sa kanya ay “campus crush.”

Guro naman naming si Cathy sa Psychology. Baguhan lang din siya, bata na nasa edad na 23. Matalino, maganda, may mahabang buhok, maputi at magaling magdamit. Parang modelo nga ang dating. At ang bango-bango pa! Kumbaga palaging presko. Kapag nadadaanan ka niya, nalalanghap mo talaga ang kanyang bango. Magtitinginan na lang kami niyan kapag napadaan na sa amin. At kapag nakikita naming paparating siya, sasadyain naman naming tutungo sa daanan niya upang maamoy lamang ang kanyang halimuyak. At kapag ganyang nakadaan na siya, magbiru-biruan na kaming matutumba na parang sobrang heaven ang dating sa amin. Syempre, hindi niya alam. Kaya, habang ang kababaihan ay bilib na bilib sa talino niya at galing sa pagtuturo, ang mga lalaki naman ay nabubuwang sa kanyang angking kagandahan.

Nakita ninyo siya nitong umaga na nakaupo sa teacher’s desk sa harap ng klase? Wah, grabe! Naka-glue ang mga mata ko sa harapan niya, sa gitna ng kanyang legs, pare! At habang nagdi-discuss siya tungkol kay Sigmund Freud, ang isip ko ay lumilipad sa ulap at nagpapantasyang natuhog ko siya pre, sa mismong harap ng klase! Grabe talagang libog ko na halos magpaparaos na ako sa harap niya eh!” sambit ni Sam.

“Hahahahahaha!” ang tawa ng tropa.

“Oo mga pare! At sa tingin ko, in love na ako sa kanya! Noong tinawag niya ako upang tanungin ako kung ano ang Psychology… muntik ko na siyang masagot ng, ‘Ma’am… Psychology is having sex with you – a lot!’ Arggghhh! Baliw na baliw na ako sa kanya, mga tol!”

Tawanan.

“Sana nandito siya sa tabi ko ngayonnnnn! Uhhhhhh! Cathy! Cathyyyyyy!” sabay tagilid sa akin at pabirong niyakap ako na parang ako ang kanyang Cathy at idiniin-diin pa ang kanyang malaking bukol sa aking harapan. At hinahalik-halikan pa ang pisngi ko!

Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginawa. Hanggang sa naisipan kong mag-imbento ng kuwento. “Imagine mo na lang na nandito sa kuwarto si Miss Cathy at naka-nightie lang ng manipis na manipis, kitang-kita ang puting panty niya…”

“Hah??? Saan banda?” ang sagot ni Sam.

“Nasa may pintuan… kakapasok lang at ngaton ay nagsasayaw na sa harap mo.”

“Ahhhh, ang galing niyang kumembot! Tapos ano pa ang ginawa niya?”

“Habang nanatili siyang sumayaw, unti-unti niyang tinanggal ang kanyang nightie at nang natanggal na, inihagis iyon sa sahig. Panty na lang ang kanyang suot at nanatili pa ring sumasayaw sa harap mo. Pagkatapos, dahan-dahan namang tinanggal ang kanyang panty. Dahan-dahan lang, habang ang mga mata niya ay nakatutok sa iyo, kinakagat-kagat ang kanyang mapupulang mga labi, dinidila-dilaan, nanaunukso ang kanyang tingin…”

“Shiitttt! Ansarapppp! Ano pa ang sunod na ginawa niya?”

“Nang natanggal na ang kanyang panty, ito naman ang inihagis niya sa sahig….”

“Waahhh! Pagkatapos??? Daliiii!”

“Tapos, biglang sumulpot ang ating Theology professor na si Father Bernard at nanlaki ang mga mata. Napaantada at sinabuyan kayong dalawa ni Miss Cathy ng holy water sabay sigaw ng ‘The power of Christ compels you! The power of Christ compels you! The power of Christ compels you...!’

“Arrrggggggghhhhhh!! Shittttt! Ba’t ka ganyan Mike? Ano bang kinalaman ni Father Bernard dito? Sinira mo ang concentration ko eh!” sigaw ni Sam.

Humagalpak ang malakas na tawanan.

“Lapit na sana… tanginga naman o! Sige na, tuloy na huwag nang isali iyong pari at holy water. Kainis ka!”

At nagpatuloy ako. “Ok… umupo si Miss Cathy sa gilid ng kama mo at habang nakahiga ka, marahan niyang hinaplos ang iyong buhok, ilong, at mukha. Pagkatapos, inabot niya ang iyong pantalon atsaka ibinaba ang iyong zipper hanggang sa nakalabas ang iyong naghuhumindig na pagkalalaki…”

At naramdaman ko na lang na tinanggal ni Sam ang butones sa kanyang pantalon atsaka narining ko pa ang ingay ng pagbukas ng kanyang zipper at pagkatapos, ipinalabas ang kanyang pagkalalaki. Nagpatuloy pa rin ako, “Hinipo niya ang pagkalalaki mo. Mainit-init ito at pumipintig-pintig pa. Hinawakan niya ito at sa isang nakakabighani at nang-aakit na boses, bumulong siya sa iyong tainga, ‘Sam… hipuin mo ang katawan ko. Igapang mo ang iyong kamay sa aking buong katawan. Gawin mo Sam…”

Ginawa naman ni Sam ang aking sinabi. Iginapang niya ang kanyang kamay sa bahaging sinabi ko. Talagang hinaplos niya ang katawan ko! At dahil nag-init na rin ako, pinabayaan ko na lang siya at ipinagpatuloy ko ang pagkuwento. “Hinipo mo ang kanyang dibdib at iginapang ang iyong mga daliri sa umbok noon, hinawakan ang mga ito ng iyong palad, nilamas. Maya-maya, iginapang mo uli ang mga daliri mo sa kanyang leeg, sa batok, sa mukha, sa ilong, sa kanyang mga labi… Umungol si Miss Cathy, ‘Ahhhhh! Ahhhh! Oh Sam, ang galing mo, ang sarap-sarap ng ginawa mooooo’ habang ipinagpatuloy ng iyong mga kamay ang pagpipisil-pisil sa kanyang utong. Hanggang sa ibinaba mo ang iyong kamay sa kanyang tiyan, sa kanyang pusod, at sa baba pa…”

At talagang sinunod ni Sam ang lahat ng aking mga sinabi… ginawa niya iyon sa akin! At hinayaan ko siya gawa nang naalipin na rin ako ng kalibugan.

“Baba pa Sam, baba pa…” sambit ko. At ibinaba naman ni Sam ang kanyang kamay at isiningit iyon sa ilalim ng aking brief at hinawakan doon ang aking naghuhumindig na pagkalalaki! Hindi ako makapaniwalang tila naalipin si Sam ng kung anong kapangyarihan at sunod nang sunod na lang siya sa bawat iuutos ko.

Kaya dali-dali kong hinubad ang aking pantalon at brief upang malaya niyang paglaruan ang aking pagkalalaki. Hinubad ko na rin ang aking t-shirt. At pati si Sam ay naghubad na rin.

“Ahhhh!” ang mahina kong pag-ungol nang ipinagpatuloy ni Sam ang paglalaro sa aking ari. At dahil sa kalibugan at sarap na naramdaman, nalimutan ko na ang pagkukuwento tungkol kay Miss Cathy. Ang lumabas na lang sa bibig ko ay, “Ang sarap Sam, shiiittt! Ang sarapppp!” habang ibinubulong ko iyon sa tainga ni Sam kung saan ang ulo niya ay niyapos ko na rin.

Maya-maya, hinawakan ni Sam ang isa kong kamay at iginiya iyon sa kanyang pagkalalaki. Wala na akong nagawa kundi ang paglaruan na rin ang kanyang pagkalalaki. Habang nasa ganoon kaming ayos na naghihipuan, nilalaro ang pagkalalaki ng bawat-isa, nilingon ko ang aming mga barkadang nakahiga sa sahig, nag-alala na baka naramdaman nila ang ginawa namin ni Sam, napansin kong tahimik silang lahat. At nang inaninag ko, ang mga kamay nila ay gumagalaw! Lahat din sila ay nagsasarili!

Kaya binilisan ko na ang paglalaro sa pagkalalaki ni Sam habang ganoon din ang ginawa niya sa akin. “Ahhhhh! Ahhhhhh!” habang ang aming mga ungol ay hinayaan na lang naming marinig ng aming mga ka-tropa.

Nasa ganoong level ng sarap ang aking naramdaman nang nagulat naman ako sa sunod na ginawa ni Sam. Pumuwesto siya sa itaas ko habang ako ay nakatihaya at hinalikan niya ang aking mga labi!

At dahil nasa ruruk na ako ng kalibugan, pinatulan ko rin ang kanyang halik. Naglaplapan kami, sipsipan ng laway, espadahan ng dila habang hindi bumibitiw ang aming mga kamay sa paglalaro sa pagkalalaki ng isa’t-isa. Tapos, iginapan niya ang kanyang bibig sa aking leeg, sa aking dibdib. At nang sinisipsip at kinagat-kagat pa niya ang aking uton, hindi na ako nakapagpigil pa, “Nand’yan na ako Sam… Sammmm!!!” habang binilisan naman niya ang pagtaas-baba ng kamay niya sa aking pagkalalaki.

At ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Alam kong malapit na rin siya kung kaya ay binilisan ko na rin ang pagtaas-baba ng aking kamay sa kanyang pagkalalaki.

Hanggang sa, “Ugggggghhhhhhh, Ummmmmmmmmm! Ahhhhhhhh!” Ang ungol niya na halos kasabay sa pagpulandit ng aking katas.

Naghalo ang dagta naming dalawa sa aming mga hubad na katawan.

HALOS magtatanghali na nang magising ako at ang buong tropa. Medyo masakit ang ulo dahil sa hangover. Nilingon ko ang aking tabi, wala na si Sam. Dali-dali akong bumaba upang hanapin siya. Ngunit wala akong Sam na nakita. Ang sabi ng aking pamangkin, maaga raw siyang nagising at nagpaalam sa aking magulang habang tulog pa kaming lahat.

Sa isip ko naman ay baka may importanteng bagay lamang siyang pupuntahan kung kaya ay nagmamadaali.

Ngunit pagdating ng araw ng klase, naramdaman kong umiiwas na sa akin si Sam. Ganoon din ang iba pa naming mga ka-tropa, napansin nilang iniiwasan din sila ni Sam. Kahit sa aming psychology class kung saan ay paborito niyang maupo sa harap mismo ni Miss Cathy, sa pinakalikod na siya umuupo at tahimik na parang ang lalim ng iniisip.

Alam ko, may problema siya.

Kaya isang hapon, nang nakita ko siya sa library, nag-iisa at tila malungkot, nilapitan ko siya. “Puwede ka bang makausap?” sambit kong ang boses ay may bahid na pagkainis.

“Wala na akong oras Mike. Talagang busy ako…” ang sagot nyang akmang tumayo at aalis na.

“Ok… kung busy ka, hindi kita iistorbuhin. Ngunit ito lang ang sasabihin ko, na-miss ka ng tropa, at ibang-iba kapag hindi ka kasama namin. Kaibigan ka namin. At kung itinuring mo kamign kaibigan, walang makakasira ng ating pagiging magkaibigan, kahit gagawin pa natin ang mga bagay na tanging mga baliw lamang ang nakakagawa, manatili ang pagigng magkaibigan natin. Karapatan naming malaman kung ano ang problema mo, kung bakit ayaw mo nang sumama sa amin. Ikaw an gpinakamatanda sa grupo at mas alam mo iyan kaysa sa amin, Sam. Kung desisyon mong tumiwalag sa grupo, wala kaming magagawa. Ngunit tandaan mo, nagdusa rin kami sa pag-iwas mo sa amin.” At dali-dali na akong umalis.

“Mike!” ang narinig kong tawag niya. “P-puwedeng mag-usap tayo? Sa Botanical Garden.  May sasabihin ako tungkol sa tanginang utak na to.”

Nang makarating na kami sa Botanical, umupo ako sa damuhan sa lilim ng malaking puno ng akasya. “Sige nga, pakinggan ko ang laman ng tanginang utak mo?” ang biro ko sabay tawa. Parang kagaya lang ng dati.

Ngunit seryoso pa rin siya. Umupo siya sa tabi ko, ang notebooks at libro ay inilatag sa kanyang gilid. “Mike, alam mo naman na obsessed ako kay Ma’am Cathy, di ba?”

“Alam ng lahat iyan, kaya… oo.”

“At naalala mo pa rin ba ang gabing iyon kung saan ay nalasing ang tropa, tumabi ako sa higaan mo at…” nahinto siya sandal “…m-may nangyari sa atin?”

“Dahil sa imbentong kuwento k okay Cathy mo? Oo… At saan naman ang tumbok ng tanong mo na ito?”

“Oo… totoong obsessed na obsessed ako kay Ma’am Cathy na palagi kong inaasam-asam na makikita sa bawat oras. Ngunit nang nangyari ang insidente sa ating dalawa, lalo pa akong nalito.”

“Shittt! Apektado ka sa ginawa natin???” ang sarcastic kong sigaw. “Oo naman, medyo apektado rin ako ng kaunti. Ngunit hindi naman sa ganyang sisipain ko ang mga kaibigan ko o iiwasan silang lahat. May mga bagay-bagay na nangyayari sa mga magkakaibigan, Sam. Mga kabalbalan, mga katarantaduhan, mga gawaing tunay na magkaibigan lamang ang nakakaintindi at nakakaunawa. At kapag mas malalim ang pagkakaibigan, mas malalim ang  katarantaduhan.”

“Mike… hindi mo nakita ang punto ko. Hindi iyan. Oo… guilty ako at tanggap ko ang responsibility sa nangyari. Ngunit bagamat nababaliw ako kay Ma’am Cathy, hindi rin nawawala sa isip ko ang ginawa natin. Bumabalik-balik siya. At nababaliw na ata ako!”

“So...?”

“So, nararamdaman ko pa rin ito, tangina!” Yumuko siya, ang mga kamay ay itinukod sa kanyang ulo. “At hindi siya nawawala sa isip ko… ikaw!” ang sigaw niya na halos iiyak na, hindi makatingin-tingin sa akin.

“Hindi pa rin kita maintindhian, Sam. What’s the big deal?” ang pasigaw ko ring tanong.

Nahinto siya sandali. Hinawakan niya ang aking balikat at tiningnan ako. “Na… t-tila may naramdaman ako para sa iyo, Mike; n-na p-pagmamahal.” At yumuko. “That’s the big deal! Ngayon, happy ka na?!” sigaw niya habang kitang-kita ko ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Para akong nakakita ng multo sa sobrang pagkabigla. Parang gusto ko ring sumigaw ng, “Woi!!! Ang campus prince charming ay na-in love sa akin!” Ngunit ang tanging nagawa ko na lang ay ang tingnan siyang may bahid nang pagkaawa. “P-paano si Miss Cathy?”

“K-kaya nga nalito ako Mike. Di ko alam. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Mahal ko si Ma’am Cathy ngunit hindi rin maalis sa isip ko ang mga nangyari sa atin.” Sambit niya habang pinahid ang luha sa kanyang pisngi.

“Sa sinabi ko na sa iyo Sam… it’s no big deal. Pero kung nalito ka, wala na akong magagawa pa roon. Aaminin ko, nagustuhan ko ang nangyaring iyon sa atin. Ngunit hanggang doon lang iyon, wala nang iba. Bilang kaibigan, I like you, sobra. Pero hindi ko alam kung kaya ko rin bang magmahal ng… katulad mo, lalaki. That is to be honest.” Ang seryoso kong sabi. “Ngunit kung liligawan mo ako, bigyan mo lang ako ng panahon, o baka tsokolate at puwede na.” ang dugtong ko pang biro.

Ngumiti si Sam. “Tarantado!” Nahinto nang sandali. “Kung puwede nga lang sana eh… Ngunit hindi ko maimagine ang sarili na mangligaw ng kapwa lalaki, tangina!”

“Greatest achievement ko iyan kapag nagkataon! Imagine, ang campus idol ay nanligaw sa akin? Para na rin akong nanalo ng Mr. Universe title!” sabay tawa.

Tahimik.

“M-mas makakatulong siguro Mike kung lumayo muna ako sa tropa hanggang ma sort out ko na ang mga bagay-bagay sa aking sarili at handa na muli akong bumalik sa grupo…”

“Akala ko ba ay liligawan mo ako?”

“Mike… I am serious.”

“Ok, I’m sorry. Kung ano man ang desisyon mo, sige, go... Suportahan ka naming. Isipin mo palagi, naghihintay ang tropa sa iyo, lalo na ako.”

Niyakap niya ako at nag handshake, iyong fraternal handshake namin at nag-good bye na siya at tumayo.

“At oo nga pala. Sikreto lang natin iyon, pangako mo sa akin!” Sambit niya habang lumingon sa akin na nanatiling nakaupo sa damuhan at pinagmasdan siyang lumayo.

“Yes Sir!” ang sagot ko.

May dalawang buwan ang nakaraan simula nang lumayo si Sam sa grupo. Lahat kami ay nasasabik sa kanya. Parang ibang-iba na ang grupo na nawala siya. Ngunit ang sinasabi ko lang sa grupo ay may problema lang siya na kailangan niyang harapin at kailangan niyang mapag-isa. Walang nakakaalam sa tunay na dahilan ng kanyang pagbabago, maliban sa akin.

Sa dalawang buwan na iyon, hindi ako kinakausap ni Sam. Ni hindi siya kumukontak. Kapag nagkasalubong kami sa corridor ng eskuwelahan o kahit saan sa loob ng campus, “Hi!” lang ang bati naming sa isa’t-isa at pagkatapos, dire-diretso na kami sa kung saan man ang tungo naming. Bagamat nililingon ko siya, siya naman ay tuloy-tuloy lang. Sa bawat pagsasalubong namin, tila may sumusundot-sundot sa puso ko. Hindi ko lang maintindihan kung ano iyon. Iyon bang feeling na nariyan lang ang best friend ko ngunit hayan, “Hi!” lang ang masasabi ninyo sa isa’t-isa atsaka bigla na lang siyang mawawala na parang hindi kami magkakilala. Sa loob-loob ko ay may puwersang gustong tawagin siya at kausapin ng matagal kagaya nang nakagawian namin. Ngunit nangingibabaw pa rin ang pagnanais na tuparin ko ang usapan namin. At marahil, pride na rin. Feeling ko kasi, siya ang may gusto sa akin kung kaya ay dapat siya rin ang maunang gumawa ng hakbang upang mag-usap kami, kung gusto niya talaga akong makausap.

Kahit sa Psychology class namin, hindi na rin siya umupo malapit sa amin. Parang ibang-iba na talaga siya. Hindi na siya iyong Sam na nakilala namin.

Sa lumipas pang mga araw, naramdaman kong parang may malaking kulang sa buhay ko. Nararamdaman ko na ang lungkot sa paglayo ni Sam sa aming grupo. Nasasabik ako sa kanya, at hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit palagi na ring sumisingit sa aking isip ang nangyari sa amin at ang pag-amin niya ng isang bagay sa botanical garden sa ilalim ng punong acacia, na may naramdaman siya para sa akin; na mahal niya ako.

Isang linggo bago ang first semestral break, tinawag ni Miss Cathy si Sam pagkatapos ng klase. Tatayo na sana ako upang umalis nang narinig ko ang pagtawag, “Sam, please remain, I’d like to talk with you.” Ang sambit ni Miss Cathy. At nakita ko na lang na may mga minimuwestra silang hindi ko maintindihan. Parang may mga sign language sila na sila lang ang nakakaalam.

Mistulang sasabog ang aking dibdib sa lakas ng kalampag nang marinig ang tawag na iyon at masaksihan pa ang mga pagmumuwestra nila. “Niligawan kaya ni Sam si Miss Cathy at iyan ang kanilang pag-uusapan? Bakit parang ganyan na sila ka-close?” Sigaw ng utak ko. “At bakit ganito ang naramdaman ko? Bakit ako nasasaktan?” Talagang nalilito ako sa aking naramdaman.

Kinabukasan, hindi ko na talaga napigilan ang aking sarili. Isiningit ko ang isang note sa loob ng notebook ni ni Sam. “Sam… puwedng makausap kita? Botanical garden, alas 4 ng hapon sa araw na ito. -Mike-”

Alas 3:30 pa lang ng hapon ay naroon na ako sa Botanical Garden, sa ganoong lugar pa rin, sa ilalim ng malaking Akasya na iyon. Hindi ko lubos maisalarawan ang aking naramdaman. Excited na makausap siya ngunit nag-alala rin na baka may marinig akong sasabihin niya na ikakasakit ng aking kalooban.

Ngunit hindi sumipot si Sam. Hanggang sa alas 5 na lang ng hapon. Naghintay pa rin ako hanggang alas 5:30. Ngunit wala pa ring Sam ang sumipot.

Nang umuwi ako ng bahay sa gabing iyon, umiiyak ako. Naiinis ako kay Sam, nagalit ako sa aking sarili. Sobrang pagkalito ko. At hindi ko rin alam kung bakit ako naiinis, kung bakit ako nalilito. “Ganito kaya ang naramdaman ni Sam noong sinabi niyang nalito rin siya para sa nararamdaman niya para sa akin?” ang bulong ko sa aking sarili.

Huling araw na iyon ng semester nang napansin ko ang isang maiksing note sa aking notebook. Hinugot koi to at binasa, “Free ako alas 3 ng hapon sa araw na ito. Botanical Garden.”

Galing kay Sam. Sobrang excited ako sa mensahe niyang iyon.

Eksaktong alas 3 ng hapon nang nakarating ako sa Botanical Garden. Pinili ko talaga ang parehong lugar kung saan niya sinabi ang naramdaman niya sa akin. Pakiwari ko ay bumabalik-balik sa akin ang tagpo na iyon. Tanda ko pa ang pagbunyag niya sa akin sa kanyang naramdaman, ang kanyang pag-iyak, at ang kasunduan namin na lalayo muna siya pansamantala. Binitiwan ko na lang ang isang malalim na buntong-hininga.

Nasa ganoon akong pagsasariwa sa mga ala-alang iyon nang biglang may narinig ako mula sa aking likuran. “Sorry I’m late!”

Si Sam.

“Naisipan kong dumaan muna sa canteen at bumili ng makakain natin habang nag-uusap tayo ng ganito. At treat ko na rin sa iyo.” Sambit niya habang ipinakita sa akin ang dala-dalang supot na naglalaman sa binili niyang pagkain, nanatiling nakatayo sa harap ko, halos abot-tainga ang ngiti sa pagkakakita niya sa akin.

Simula nang naging kaibigan ko si Sam, noon lang ako napahanga sa taglay niyang kapogian. Pamatay ang porma niya sa kanyang suot na jeans at puting Nike na sapatos, sweatshirt na puti na may dalawang asul na stripes sa braso, ang kanyang tangkad na nasa 5’10, ang proportioned na katawan na bakat ang porma ng kanyang dibdib. Mahaba ang kanyang buhok, straight ito at maayos. Halata rin ang mga mapuputi at pantay na mga ngipin, dagdagan pa sa kanyang mga dimples, makinis na mukha, mapupulang mga labi, at matang mistulang nakikipag-usap. Ngunit ang pamatay niyang sandata ay ang kanyang ngiti. At ewan ko ba kung bakit noon ko lang napansin ang mga iyon. Marahil ay dahol may naramdaman na ako sa kanya. “Kaya pala tinagurian siyang campus crush…” sa loob-loob ko lang.

“Ano??? Tititigan mo na lang ba ako???” ang sigaw na niya nang napansing nakatutok ang mga mata ko sa kanya at natulala na lang.

Mistula akong binuhsan ng malamig na tubig sa pagsingit niyang iyon. “Eh…” ang sambit ko at dali-daling tumayo at niyakap siya. Ganoon naman kami dati kasi. Kapag nagkita, nagyayakapan at pagkatapos ay mag handshake na, iyong fraternal handshake namin. Pagkatapos, sabay kaming naupo sa damuhan at inilatag niya ang supot ng pagkain sa harap namin.

“Hindi ako makapaniwalang nandito ka na! Akala ko ay i-ignore mo na lang ako at hindi ka na talaga makikipag-usap pa sa akin!” sambit ko.

“At bakit naman kita i-ignore? Ako??? I-ignore si Mr. Michael Juha? Ang pinaka-cute na estudyante sa campus at pangatlong pinaka-intelihenteng nilalang sa college na ito?” sabay tawa. Nakita na pala niya ang pangalan ko sa honors’ list ng bulletin. “Ikaw ang best friend ko at kahit wala pa ang pangalan mo sa top list ng kung ano pa man, walang makakapagbago niyan. Sobrang saya ko na natagpuan ang note mo at sabik na sabik na akong makausap ka ng ganito!” dugtong pa niya.

“Na-miss ka ng tropa…” ang sagot ko.

“Wow!” at binitiwan ang nakakalokong ngiti. “Wala bang particular na kaibigang na-miss ako?”

Humagalpak ako ng tawa. “Kung ako ang tinutukoy mo, Sam, syempre, sobrang miss kita. Na miss kita nang higit pa sa combined na pagkasabik nilang lahat sa iyo!”

“Talaga? So nagbunga pala ang hindi ko paglalapit sa inyo. Ano nga pala ang sinabi mo sa note mo na may sasabihin ka, Mr. Juha?” sabay higa sa damuhan, ang kanyang ulo ay idinantay sa aking hita habang binuksan setserya, humugot ng laman, at inihagis iyon sa kanyang bibig.

Hinayaan ko lang siyang gawing unan ang aking hita. “H-hindi ko alam kung paano simulant eh. Sandali…” ang sagot ko. Sa isip ko kasi ay ibubunyag ko na talaga ang naramdaman ko, na kapareha ng sinabi niyang naramdaman para sa akin. At kung magkasundo kami, puwedeng mag-eksprimento kami sa isang lihim na relasyon.

“Sige na dali. May sasabihin din ako sa iyo.” Sagot niya.

“A-ano?”

“Ikaw muna.”

Nahinto ako sandal. “Eh… n-naalala mo iyong dito rin sa lugar na ito kung saan m-may s-sina…”

“Ay sandali, ako na lang muna ang maunang magsabi sa good news ko.” Ang pagsingit niya. Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin sana.

“S-sige.” Ang pag-aalangan kong sagot. Naudlot kasi ang sasabihin ko.

“Good news… si Cathy at ako ay may relasyon na! Yessss!!!” ang pasigaw pa niyang sabi.

“A-anooo?!” ang bigla ko ring pagreact at mataas ang boses sabay pagtulak sa kanyang ulo na nakadantay sa aking hita dahil sa inis ko sa narinig. Pakiramdam ko ay sinaksak ang aking puso. Tila may sumabog na kung ano sa kaloob-looban ng aking dibdib at gumapang sa aking katawan ang matinding pagkadismaya, galit at selos. Parang iiyak na ako. Ngunit hindi ako nagpahalata.

Naupo na lang din siyang paharap sa akin gawa nang pagtulak ko sa ulo niya na nakadantay sa aking hita. “NiIakasan ko ang loob kong sulatan siya isang buwan na ang nakalipas. At sinagot niya ang lahat kong sulat! At nang nakaraang linggo, pinag-usapan naming iyon at iyon na!”

“G-ganoon lang kadali? Easy pala siya! Di ba unprofeesional iyon? Unethical, o immoral na ang isang guro ay may romantic na relasyon sa kanyang estudyante? Puwede siyang matanggal sa trabaho, puwede rin siyang maakusahan ng corruption of minor!”

Tumawa siya ng malakas. “Corruption of minor! Nakakatawa...” sambit niya na inimphasize pa talaga ang salitang “corruption of minor”.

Hindi ako kumibo.

“Nagbibiro ka, di ba?” ang tanong niya sa akin nang mapansing hindi ako natawa.

“Hindi!”

“O Mike, na o-overreact ka na naman!” sabay kamot sa kanyang ulo. Unang-una, 19 yrs old na ako at si Cathy, 22 lang. Pangalawa, single si Cathy ay single, at single din naman ako. At pangatlo, anong gamit ng salitang ‘secret’ kung hindi namin gagamitin ito? Napagkasunduan naming ilihim ang lahat at tayong tatlo lang ang nakakaalam nito. Di ka ba maligaya para sa akin?”

“Eh… m-maligaya naman. Congrats!” sabay hawak ng kanyang kamay. “At Cathy na lang ngayon, hindi na Ma’am Cathy?”

“Syempre, girlfriend ko na eh!” ang pagyayabang pa niya.

“P-paano na i-iyong s-sinabi mo sa akin? Iyong feelings mo p-para sa akin?”

Nahinto si Sam sandali at pakiwari ko ay sadyang inignore niya ang aking tanong. Tanong din ang kanyang isinagot, “Kumusta na pala ang tropa natin?”

At dahil sa inis ko, ang naisagot ko na lang na medyo padabog ay, “Kalimutan mo na iyon! Wala iyon! Gusto ko lang malaman kung ano ang nangyari sa iyo sa Cathy mo!” iyon bang reaksyon na parang nagpapapansin na magtanog siya ng, “May problema ka ba? Or may problema ba tayo?”

Ngunit insensitive si Sam sa aking pagpaparamdam. O… hindi ko rin alam kung sinadya rin ba niyang hindi pansinin ang pagpaparamdam ko. “So… dapat ay mag celebrate tayo, di ba? Dahil sa pagbalik ko sa tropa, at sa amin ni Cathy, at sa pagiging third mo sa honor’s leist sa buong departamento! At dahil walang pasok bukas, gawin natin ang selebrasyon na iyan sa inyo mamayang gabi na! Ano sa palaay mo?” sambit niyang tinitigan ang mukha ko, binitiwan ang nakakalokong ngiti.

Tila rin nahimasmasan ako sa kanyang mungkahi. Bagamat may galit pa ako, mayroon din akong naramdamang tuwa na babalik na uli siya. At bagamat ang isip ko ay gustong sumigaw ng, “Selebrayonin mong mukha mo!” Ang mga katagang lumabas naman sa aking bibig ay, “T-tayong dalawa lang?”

“Syempre! Ang lahat ng mga tarantado ay nagsiuwian na sa kanilang mga lugar dahil sem break na bukas, di ba? Yessss! Masosolo ko rin ang best friend ko!” sigaw niya. Pakiwari ko ay ang saya-saya niya talaga.

Dumating ang takdang oras. Syempre, excited ako. “Treat ko ito sa iyo, Mike, paraan ko para makabawi sa dalawang buwan na nawala ako sa iyo. Kaya hayaan mong ako ang gagawa ng lahat.”

“OK, you’re the boss!” sambit ko. Ganyan naman palagi si Sam. Kahit sa grupo, kapag nagba-bonding kami, siya ang gumagawa ng paraan kung paano gagawin ang mga bagay-bagay. Siya ang gumagawa. Siya ang magluluto, mag-ihaw, maghugas ng kainan, magdala ng kung anu-ano, or bibili ng mga gamit. Puno siya ng sigla, ng sipag, ng saya.

Nang natapos na siya, tinwag niya ako sa hapag kainan at, “Jan-jarannnnn! Hayan… Ang salita sa gabing ito ay ‘inihaw’: inihaw na manok, inihaw na isda at posit, kumpleto sa mga rekados – sauce, kamatis, sibuyas, sili at ang all-time favorite mo!”

Dinampot niya ang kanyang knapsack at hinugot mula roon ang isang malaking kandila, sinindihan ito at inilagay sa gitna ng mesa. Pagkatapos, may hinugot uli siya mula sa kanyang knapsack, isang streamer na may nakasulat na “To the Best Friendship of Sam and Geoff!” Ipinaskil niya ito sa dingding.

“Wowwwww! Romantic – GRRRRRRRR!” ang sarcastic kong sabi. “Huwag mong sabihing may rosas ka rin!” biro ko.

Tawa lang ang iginanti niya. Tumawa na rin ako habang hinila niya ang isang upuan at minuwestrahan niya akong umupo roon.

Pagkatapos ng dinner naming, pumunta kami sa terrace. Doon kami nag-inuman. Kuwentuhan kami ng mga bagay-bagay tungkol sa school, ang mga ginagawa ng tropa habang wala siya, mga plano naming sa sunod na semester, at sa future.

Mag-aalas 10 na nang medyo nalasing na kmaing pareho. Ang usapan ay nalihis na sa mga controversial na topic.

“Sam, mahal mo ba talaga si Miss Cathy?” tanong ko.

“Syempre...” sagot niya sabay tungga sa baso ng  tuba at pagkatapos ay nilagyan uli iyon at tinungga na naman.

“Anong nangyari sa… sinabi mong n-naramdaman mo para sa akin?”

Hindi siya sumagot.

“Sensya na, binuksan ko pa talaga ang topic na iyan. Alam ko, inignore mo ang tanong na ito kanina sa botanical...”

“Oo… sinadya kong hindi sagutin iyan. At promise ko sa sarili ko na hindi na ako magsasalita tungkol d’yan. Para saan? Hindi naman nakakatulong iyan o wala ring patutunguhan, di ba? At granting na may patutunguhan, ayaw ko. Ayaw ko lang talaga. At sana, respetuhin mo na lang ako.”

“I-ibig sabihin, nagsisinungaling ka nang sinabimo iyon sa akin?”

“Hindi ako nagsisinungaling, Mike. At hindi ako sinungaling! Wala akong sinabi sa iyong kasinungalingan!” ang sambit niya habang tumaas ang boses.

“Kung ganoon, bakit hindi mo masabi nang diretsahan kung may naramdaman ka pa sa akin o wala na?” sagot kung tumaas na rin ang boses.

“Wala akong masabi dahil wala naman talaga akong dapat sabihin eh. Tingnan mo, Mike, nilunok ko na ang pride ko nang sabihin ko iyan sa iyo noon. Hindi pa ba sapat iyon? Ano pa ba ang gusto mong malaman? Ba’t hindi mo na lang damhin? Heto… alam mo ba kung bakit ako narito? Hindi mo ba napansin na sinadya kong wala ang ibang mga barkada natin upang tayo lang ang dapat na narito? Hindi mo na nakita ang tanginang candle light dinner na ginawa ko para sa atin? At ang streamer? Para saan iyon? Hindi mo rin napansin? Kung hindi, then hindi ka deserving na maisama ang pangalan mo sa honors’ list Mr. Michael Juha. Kasi, you are an idiot!” sigaw niya atsaka isinubsob na ang ulo sa mesa habang humahagulgol.

Para akong na-shock sa kanyang inasta. Hindi ko alam kung umiyak siya dahil sa kalasingan o talagang naramdaman niya ang kanyang sinabi. At habang pinagmasdan ko siya sa ganoong posisyon, pakiramdam ko naman ay napakaselfish ko, insensitive at judgmental. Akala ko kasi, kilala ko na si Sam. “Oo… tama ka Sam. Kailangan ko lang na maramdaman ito, at maintindihan.” Bulong ko sa aking sarili.

Maya-maya, tumayo siya at tinungo ang kubeta. Sobrang lasing na niya na hindi na siya makalakad nang maayos. Kaya tinapos na namin ang aming pag-iinum at inalalayan ko siya patungo sa kama. Kumuha ako ng face towel at pinunasan ko ang kanyang mukha, leeg, braso, tinanggal ko ang kanyang t-shirt at pantalon upang palitan ko na lang ng aking shorts. At habang nakatihaya siya sa kama na halos wala nang ulirat at tanging ang puting brief lang ang suot, hindi ko maiwasang hindi mapahanga sa kanyang taglay na anyo: ang kanyang abs, ang mga balahibong nakahilera galling sa kanyang pusod patungo sa ilalim ng kanyang brief, ang kanyang makinis na balat, matipunong dibdib… ang kanyang mga labi, ang mahabang buhok, ang matungis na ilong, at ang mukhang tila napaka-inosenteng tingnan sa sandaling iyon. Ang tanawing iyon ay tila nagpahinto sa aking paghinga. “Narito ang taong ito, puno ng sigla at saya at kung saan ay maraming taong humahanga at umiidolo, ngunit narito lang sa aking harap, halos walang malay at maaari kong pagsamantalahan kun ggugustuhin ko.” Bulong ko sa aking sarili.

Isinuot ko sa kanya ang isa kong short pants atsaka pinatay ang ilaw. Humiga ako sa kanyang tabi.

Maya-maya, tumagilid siyang paharap sa akin. Inilingkis niya ang kanyang bisig sa aking katawan at ang kanyang binti na idinantay sa aking harapan. At naramdaman ko na lang na gumalaw ang kanyang kamay at kinabig ang ulo ko palapit sa mukha niya.

Naglapat ang aming mga labi. Naghalikan kami. Mainit, nag-aalab. Hanggang sa ang mga ungol na lang naming ang maririnig sa loob ng kuwartong iyon at naipalabas namin ang bugso ng aming nag-uumapaw na damdamin.

Nang matapos na kami, nagpahinga kami sandali atsaka inulit naming muli ang pagpapaligaya sa aming mga sarili. Hanggang sa napagod kaming pareho.

“Mike, sensya na, nagalit ako kanina. Pero sasabihin ko sa iyo… mahal kita, totoo!”

Inabot ng aking daliri ang kanyang bibig at tinakpan ito. “Shhhhhh, hindi mo na kailangang sabihin iyan, Sam. Naramdaman ko na ito…”

Naglapat muli ang aming mga labi. At muli, tanging mga ungol namin ang naririnig sa loob ng kuwartong iyon…

Nang mag semestral break, tatlong beses sa isang lingo si Sam bumibisita sa akin. Bagamat hindi siya natutulog overnight sa bahay, hanggang alas 11:30 ng gabi naman siya naroon. Dahil may 25 kilometro ang layo ng bahay nila sa bahay namin, darating iyang naka-motorsiklo. Minsan din, dadalhin niya kao sa ibang lugar, field trip kumbaga, adventure lang. Minsan din, pupunta kami sa park, sa beach, or sa bahay lang at maligo sa ilog na nasa malapit lang ng bahay. Isa iyon sa pinakamasayang school break ko.

Isang araw, inimbita ako ng mga magulang ni Sam sa kanilang bahay para sa isang dinner. Alam kasi ng mga magulang niya na ako ang best friend ni Sam atitinuring nila akong myembro ng kanilang pamilya.

Sa hapag kainan, tinanong ako ng daddy ni Sam. “Narinig kong nasa top three daw ang pangalan mo sa honors’ list nang nakaraang semester Mike?”

“O-opo…” ang sagot kong tumingin kay Sam. Hindi ko kasi alam kung kanino nila nalaman ang balitang iyon.

“Congratulations! And Keep it up!”

“S-salamat po…”

“Pero itong kaibigna mong si Sam… napansin kong ang mga grado ay mas mababa kaysa inaasahan kong kaya ninyagn abutin. At narinig ko pa itong isang guro raw na may crush siya? Sana ay hindi ito ang dahilan kung bakit mababa ang mga grado niya. Nililigawan ba ito ni Sam?”

Mistula naman akong biglang nadaganan ng isang mabigat na bagay na halos hindi makahinga. Iyon bang feeling na naipit. Hindi ko kasi akalain na iyon ang tanong na maririnig ko galling sa kanyang daddy. “A… e…” ang nasambit ko.

“Dad… huwag mo namang dalhin dito ang topic na iyan please…” ang pagsingit ni Sam na ang boses ay nagmamakaawa.

“Sam… si Mike ang kausap ko. Gusto ko lang makasiguro na walang kinalaman ang pagkakaroon mo ng crush sa ito sa iyong pag-aaral.”

Napatingin ako kay Sama na ang mukha ay tila nagpahiwatig na ang isagot ko ay ‘hindi’ sa tanong ng daddy niya kung nililigawan ban i Sam si Ma’am Cathy. Ngunit sumagot pa rin ako. “Ah… sa crush po, opo. Kasi, lahat naman po kaming mga lalaki ay may crush sa kanya eh.”

“Ilang taon na ba sya?”

Tiningan ko si Sam. Tila nagmamakaawa ang kanyang tingin. Nugnit yumuko na rin siya, inaasahang sagutin ko rin ang tanong. “Mahigit 22 lang po si Miss Cathy at mukhang mas bata pa kaysa kanyang edad.”

“Dad please…” Ang pagsingit muli ni Sam.

Ngunit hindi siya pinansin ng kanyang daddy at itinuloy pa rin ang pagtanong. “Anong pangalan ng guro na ito?”

“Miss Cathy po.”

At sa sinabi kong iyon, doon na tila nagduda ang daddy ni Sam. “Mike, si Geoff ba ay dumadalaw sa iyo araw araw?”

Tiningnan ko muli si Sam. Nalito kasi ako kung bakit isiningit ang tanong na iyon. Nungit yumuko lang si Sam. At sinabi ko ang totoo. “Eh… h-hindi po.”

“Naitanong ko iyan dahil halos gabi-gabi ay hindi iyan natutulog dito. At kung uuwi man, minsan madaling araw na. At kapag tinanong ko, palaging Mike ang dahilan. Kesyo, nag-inuman kayo. Kesyo, namasyal kayo. Kesyo, nagpasama ka sa kanya sa kamag-anak na nasa malayo…”

Mistula namang hinataw ng isang matigas na bagay ang aking ulo. Sobrang pagkagulat ko talaga sa narinig at pakiwari ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko patungo sa aking ulo. Hindi naman kasi ako araw-araw na dinadalaw ni Sam at kapag dinadalaw man, uuwi rin siya bago mag alas 12 ng hatinggabi.

Tiningnan ko si Sam. Halatang nagulat din siya sa sinabi ng kanyang ama, hindi makapaniwalang sa harap niya mismo malaman ko ang masakit na katotohanang ginamit lang niya ako.

Nakita ko na lang na tumayo si Sam at padabog na umalis.

“Sam! Saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos kumain?” Sigaw ng mommy niya.

Hindi na sumagot ni Sam. Tuloy-tuloy lang siya na halatang masama ang loob sa kanyang daddy. Nagkatinginan kaming tatlo.

“Tingnan mo? Tingnan mo!” ang sambit ng daddy niya sa akin. “Ibang-iba na siya ngayon. Hindi ko na alam kung siya ba ay anak ko pa! Napansin kong iba na ang mga inasta niya at ginagawa. Nagbago na siya! Absent-minded at kadalasan ay wala sa bahay!”

“Intindihin na lang natin ang kalagayan niya, Bert. Nasa ganyang edad ang anak natin. Mahirap ang nasa ganoong edad.” Ang sagot naman ng mommy ni Sam.

At bagamat halos puputok ang aking dibdib sa sobrang sakit sa ginawa ni Sam, tinakpan ko pa rin siya. “E… p-pumupunta naman po si Sam sa amin normally sa mga araw ng Lunes, Miyerkules, at Biyernes. Ngunit dumadalaw din naman po siya sa iba naming mga kaibigan.”

“Sana nga Michael. Kasi, may ilang beses kong nakikita iyan kapag narito sa bahay na halos uusok ang land line sa pakikipag-usap niya sa isang babaeng ‘Cathy’ rin ang pangalan. Ano ba ito, coincidence lang? O ito iyong Cathy na guro ninyo?”

Tila lalo pang tinadtad ang aking puso sa narinig. Parang bumaligtad ang mundo ko. Tila gusto ko nang mag walk out at magtatkbo dahil ayokong makita nila ang aking pag-iyak. Alam ko si Miss Cathy nga ang kausap niya sa telepono. Kasi wala akong ibang Cathy na kilala sa Campus na kaibigan ni Sam. Tumahimik na lang ako. At dali-daling tinapos ang pagkain atsaka nag-cr. Hindi ko kasi napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Sa loob ng cr, doon ako umiyak nang umiyak.

Hinintay ko pa rin si Sam sa bahay nila. Nagkunyari na walang nangyari at nakikipag-usap pa rin ako sa mommy at daddy niya sa kanilang sala.

Paglipas ng isang oras, bumalik si Sam. Gusto sana ng mga magulang ni Sam na doon ako matulog sa bahay nila ngunit dahil sa inis ko kay Sam kung kaya ay nagpaalam kaagad akong umalis nang nakarating na siya. Kaya nagpaalam ako sa mga magulang ni Sam na uuwi at inutusan nila si Sam na ihatid na lang ako.

Parang lalo pa akong nagalit. Ngunit hindi na lang ako pumalag upang huwag maghinala ang mga magulang niya na may kakaiba sa aming pagiging magkaibigan ni Sam. Umangkas na lang ako sa likuran ng motor. At nang nakaandar na ang motorsiklo, sumigaw siya ng, “Mom, kina Mike na po ako matutulog!”

Pakiwari ko ay gusto kong batukan si Sam sa sinabi niya. Ngunit wala na akogn nagawa kundi ang mag-bye at binitiwan ang isang pilit na ngiti sa mg amagulang ni Sam na nakatingin sa amin.

Nang nasa malayo-layo na kamin. “Bakit mo ako ginamit Sam! Bakit!!!??? Anong ginawa ko para ganituhin mo???” ang sigaw ko sabay suntok ko sa likod niya.

Sumigaw din si Sam. “Pag-usapan natin ito s abahay mo, ok?!”

Ngunit hindi ako huminto sa pagsusuntok sa kanyang likod. “Gusto kong marinig ngayon na! Bakit mo ginawa sa akin to? Bakitttt???!!!”

Hindi na sumagot si Sam. Hinayaan na lang niya ang mga suntok ko sa kanyang likod habang pinaharurot naman ang motorsiklo sa top speed niya na kahit sa mg akurbada ay hindi nagme-menor.

Doon naman ako kinabahan. “Angong ginawa mo???!!!”

“Mabuti pang sabay na lang tayong mamatay!!!” ang malakas na sigaw niya.

Kaya natahimik na lang ako at nanatiling nakayakap nang mahigpit sa kanyang baywang nang dahil sa matinding takot na baka mabangga kami.

Nang makarating na kami ng bahay, dumeretso na ako sa aking kuwarto nang walang imik.

Sumunod siya, umupo sa gilid ng aking kama, nakayuko ay iginuri-guri ang kamay niya sa kanyang relo na parang isang batang pinapagalitan. Walang imik.

Pinakiramdaman ko lang siya atsaka tumagilid patalikod sa kanya.

Maya-maya, nagsalita siya, “Mike… patawarin mo ako sa aking ginawa. Hindi ko sinabi sa iyo na dumadalaw ako kay Cathy dahil ayaw kong masaktan kita. Hindi ko talaga alam kung ano ang aking gagawin. Litong-lito ako. Araw-araw, naiisip kita. Naiisip ko rin si Cathy. Ang totoo, tinangka kong k-kalimutan ka upang maging libre na ang lahat para sa amin ni Cathy. G-gusto kong tahakin ang landas ng pagiging lalaki… d-dahil iyan naman ang tama, di ba? Ang magkaroon ng mga anak, ng isang masayang pamilya. Ngunit hindi kita mabura sa aking isip. Palagi kang nand’yan at hindi ko maintindihan ang aking sarili. Hindi ako makapag-isip ng diretso. Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi kita kayang limutin.

Napaiyak na lang ako sa kanyang sinabi. Totoo naman kasi. Kapag piliin niya ang landas patungo kay Miss Cathy, mas maligaya siya, magkakaroon ng anak at pamilya, at walang problema sa mga tao at lipunan ang relasyon. Ako man ay ganoon din ang pangarap sa buhay. Ngunit kahit ito ang tama para sa aking isip na gawin niya, nagdulot naman ito ng matinding pagkaawa ko sa aking sarili. Iyon bang tanong na “Ganyan ba talaga? Wala na bang karapatang lumigaya ang ganitong klaseng pagmamahal?” Parang sinaksak ang aking puso sa matinding sakit.

Nanatili lang akong tahimik, hinayaan ang mga luhang pumatak sa aking unan.

Nagpatuloy siya. “Tama ang daddy ko. Nagbago na nga ako. Hindi na niya ako maintindihan, at pati na rin ako, hindi ko maintindihan ang aking sarili. Parang lahat ng tao ay kalaban ko na, pati ang aking pamilya. At hindi ko na rin alam ang aking magiging bukas. Hindi ko alam ang tamang gagawin Mike…” At narinig ko na lang ang kanyang paghagulgol.

Naramdaman ko na lang na humupa ang aking galit. Tumagilid akoo paharap sa kanya. Inabot ko ang kanyang kamay at pinisil ito.

Hinayaan niya ako sa pagpisil sa kanyang kamay. Hindi siya umimik bagamt ramdam ko pa rin ang kanyang paghikbi.

Bumalikwas ako sa kama at tumabi sa kanya.

“Ikaw na lang ang nag-iisang taong nakaintindi sa akin Mike. Ayaw kong mawala ka sa akin. Patawarin mo ako.H-Huwag kang magalit sa akin please???” sambit niya habang isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.

Hinaplos ko ang kanyang buhok at hinalikan ang kanyang pisngi. “Naintindihan kita Sam. Naintindihan kita…” ang sambit ko.

May ilang minutos din kami sa ganoong ayos. Nanatiling magkayakap, hinahaplos-haplos ko ang kanyang buhok, ninamnam ang init ng aming mga yakap.

Tumayo ako at bumaba sa kusina upang kumuha ng beer. Binuksan ko ang mga iyon atsaka dinala pabalik sa kuwarto. Doon na kami nag-inum ni Sam.

“M-may sasabihin ako sa iyo, Mike...”

“A-ano iyon?”

“Nalala mo pa ba noong tinanong mo ako tungkol sa naramdaman ko para sa iyo? At hindi ko ito pinansin?”

“O-oo. Bakit mo nabuksan ang issue na iyan?”

“T-tungkol kasi iyan sa atin; sa status natin…”

“Bakit ano ba ang status natin?”

“Na kahit ganito tayo, nagsisipping… ang gusto ko ay ang pagiging magkaibigan natin. Gaano man kalalim o kalaki ng naramdaman natin para sa isa’t-isa, manatili tayong magkaibigan. Ang pagiging magkaibigan kasi ay tumatagal, hindi nawawala. Nariyan lang kahit sa paglipas ng panahon, hanggang sa pagtapos ng buhay. Iyan ang gusto ko para sa atin.

“A-anong ibig mong sabihin?”

“Naalala mo noong sinabi kong kailangan lang natin ang tiwala sa isa’t-isa, at ang maramdaman ang nasa puso natin na hindi kailangang sabihin natin ang ‘I love you’? Dahil iyan ang bagay para sa atin. Ayaw kong mag-commit ka sa akin… hindi dahil ayaw ko kundi dahil iyan ay ang nararapat… Kung alam mo lang sana Mike kung gaano katindi ang pangarap ko n asana ay maisigaw ko sa buong mundo na… m-magsyota tayo. Ngunit ayaw ko dahil kung gagawin ko iyan, masisira ko ang buhay mo, ang kinabukasan mo.” Nahinto siya sandal. “Mike, matalino ka, miyembr ng student council at isang araw, malaki ang tsansang maging president nito. Alam ko iyan dahil maraming taong humahanga sa iyo, timitingala sa iyo, umiidolo sa iyo, naniniwala sa iyo. Malinis ang pangalan mo sa eskuwelahan Mike, mabango… Maimagine mo ba kung isang araw, may magtatanong sa iyo ng, ‘Mike, kasintahan mo ba si Sam?’ Kaya mo ba kung ang mga tao ay mag-iba ang tingin sa iyo? Kaya mob a na habang naglalakad ka sa kalsada o sa corridor ng eskuwelahan, may mga taong nagbubulungan at ang iba ay nagtatawanan? At heto… hindi ka ba nangarap na magkaroon ng anak? Ng pamilya na siyang aagapay sa iyo sa iyong pagtanda? Karamihan ng tao ay nangarap nito, Mike at kung hindi ka nangarap, isa kang idiot. Kaya… ang gusto ko sa ating dalawa ay kung darating man tayo sap unto n gating buhay na kailangan natin ang isa’t-isa, nariyan lang tayo, magtulungan tayo, alagaan natin ang isa’t-isa, ramdamin ang pagmamahal, ang tiwala at ang pagiging magkaibigan. Ayaw mob a niyan?”

Hindi ako nakaimik sa sinabing iyon ni Sam. Ang mga salita niya ay tila mga sibat na tumusok sa aking damdamain. Tila natulala na lang ako, naawa sa sarili ngunit may naramdamang pagkahiya. Hanggang sa namalayan ko na lang na umiyak ako at humagulgol sa mga bisig ni Sam.

“H-hindi ko intension na saktan ka Mike.”

“P-paano tayo Sam? Paano ako?”

“Walang pagbabago. Lahat nan gating ginagawa, gagawin pa rin natin. Palagi pa rin akong dadalaw sa iyo rito at kung kailangan mo ako, nariyan ako para sa iyo. Walang pagbabago. Promise. Sa sinabi ko na, huwag lang nating bigkasin ang mga salitang ‘I Love You’. Kailangan lang nating maramdaman ito sa ating sarili…” sabay giya sa aking kamay patuingo sa kanyang dibdib. “May malaking bahago ka sa aking puso, Mike. Naramdaman mob a ang pintig nito?”

“Inilapat ko ang aking palad sa kanyang dibdib. Matagal, pinakiramdaman ko ang bawat pintig ng kanyang puso. “N-naramdamn ko Sam…”

Hindi na nagsalita pa si Sam. Niyakap niya ako ng mahigpit at idiniin ang mga labi niya sa aking mga labi. Hinubad namin ang aming mga saplot sa katawan at nahiga sa ibabaw ng kama, ipinalabas ang nag-uumapaw naming pagnanasa sa isa’t-isa.

Hanggang nabalot sa ingay ng aming mga ungol ang buong kuwarto…

Nang pasukan muli at bumalik na rin si Sam sa grupo. Syempre, masaya. Kagaya nang mga nakagawian namin, naroon na naman ang aming bonding. Iyong week-end get-together, iyong paliligo naming sa ilog, pamimingwit o panghuli ng isda, pagpipicnic, inuman, kuwentuhan… Tila normal lang ang lahat maliban na lang sa lihim naming ni Sam at lihim ni Sam at Miss Cathy. Walang nakakaalam sa mga sikreto naming iyon. At kapag wala ang grupo, kaming dalawa lang ni Sam ang nasa bahay o ang magba-bonding. Pakiwari ko ay perpekto na ang lahat. Kuntento na ako na may kahati sa kanya, kuntento na habang nasa ganoon kaming sitwasyon, nai-enjoy namin ang lahat.

Ngunit sabi nga nila, ang buhay ay parang gulong ng palad. Minsan nasa masayang dako ka ng iyong buhay ngunit darating at darating din ang araw kung saan ay haharapin mo ang mga pagsubok. Ilang araw bago matapos ang semester, pumutok ang balita tungkol sa relasyon nina Sam at Miss Cathy. At ang pinakamasakit na balitang narinig ko… buntis Miss Cathy.

Tila gumuho an gmundo ko sa pagkarinig sa balitang iyon. Akala ko ay tanggap ko na ang katotohanang may babae si Sam sa buhay niya. Hindi pala. Lalo na sa ganoon kabilis na pangyayari.

Naisip kong kumprontahin si Sam tungkol dito. Ngunit hinayaan ko na lang. Para kasing nawalan na ako ng pag-asa pa. Parang biglang na out-of-place ako sa aming kalagayan, parang isang lugar na biglang nabura sa mapa. Nang marinig ko ang balitang iyon, dali-dali na lang akong umuwi, hindi na pumasok sa isa ko pang klase. At sa bahay, nagkulong ako sa kuwarto, umiyak...

Alas 9 ng gabi nang dumating si Sam. Hindi na lang ako nagpahalata. Pinapasok ko siya sa bahay na parang wala lang nangyari. Dumeretso kami sa kuwarto at nang nasa kuwarto na, umupo siya sa gilid ng kama, nakayuko samantalang ako ay umupo sa silya ng isang maliit na mesa sa loob. Hapong-hapong tingnan ang kanyang mukha, tila maraming bumabagabag sa isip. “Mike… alam kong alam mo na ang tsismis…” sambit niya.

“A-anong tsismis?” ang pag-iinosentehan ko pa.

“T-tungkol kay Cathy. B-buntis k-kasi siya eh. Nitong araw na ito, na-terminate na siya sa pagtuturo.” Sambit ni Sam na halata sa tono ng kanyang pananalita ang kalituhan.

Hindi ko lubos maisalarawan ang aking sarili, kung maawa ba ako sa kanya o magalit. Ngunit ang katotohanang maaari siyang mawala sa akin ang nagpatindi sa aking kalungkutan. “A-anong plano mo ngayon?” ang sagot ko.

“H-hindi ko alam eh. K-kapag nalaman ito ni Dad… sigurado, magaglit iyon. Pangalawa, hindi ko alam kung paano ito i-handle ni Cathy. Nagulo ang buhay niya, at ngayon ay wala na siyang trabaho… d-dahil sa akin.”

“At buntis pa siya… nang dahil sa iyo.” Ang sarcastic kong dugtong.

Tahimik. Nanatili lang siyang nakayuko.

“Oo… ang lahat nang ito ay sahil sa iyo Sam.” Ang pagbasag ko sa katahimikan. “Sahil gago ka, selfish ka, at ang gusto mo lang ay ang lahat ng tao na intindihin ka. Ako… naramdaman mo ba ang naramdaman ko? Alam mob a kung gaano kasakit para sa akin na heto, may relasyon tayo, at may kahati ako sa puso mo? At heto ngayon, buntis siya, may laban ba ako? May magagawa ba ako? Ang sakit… sobra!!!” ang halos pasigaw ko nang paninisi sa kanya.

“Ano ka ba, Mike?! Di ba nag-usap na tayo tungkol dito? Kailangan ko bang sabihin sa iyo lahat? Kung nagsi-sex ba kami ni Cathy. Nang nalaman mo na kami nni Cathy ay may relasyon, ano ba ang ini-expect mo kapag nagsasama kami? Nagno-novena? Nagdadasal?” Ang sagot din niyang tumaas ang boses.

“Oo. Pero sinabi ko naman sa iyong mag-ingat ka at maging responsable, di ba? At puwede namang magkaroon ng relasyon na walang sex ah! Tingnan mo ngayon kung ano ang nangyari? Lahat nang ito ay dahil sa kagaguhan mo!”

“Ok… nakuha ko ang punto mo, at tanginang punto ng mga tao. Ngayon ano? Gusto mong magpakamatay na lang ako? Tinanggap ko naman na dahil sa kagaguhan ko kung bakit nangyari ang lahat nang ito ito eh. Ang kailangna ko ngayon ay hindi paninisi, Mike! Kailangan ko ang paoy mo kung ano ang gagawin ko upang maibalik ko ang buhay ko… ang buhay natin! Tangina!!!”

Natahimik na lang ako. “Hindi ko alam Sam. Hindi madali ang lahat…”

“Mike, ang lahat ng lahat tao… ako ang itinuturong dahilan ng lahat. Kahit sariling pamilya ko, ako ang sinisisi. Ikaw na lang ang taong nakakaintindi sa akin. Sana, huwag mo akong iwan Mike.” At humagulgol na si Sam na parang isang paslit.

Nanatili pa rin akong nakaupo sa silya. Hindi ko siya nilapitan. “Alam ko, Sam. Iyan naman palagi ang sabi mo di ba? Na intindihan kita, na pakiramdaman ko ang naramdaman mo… Iyan naman palagi ang role ko eh.” Feeling ko talaga ay piniga ang aking puso sa pagkakataong iyon. Iyon bang inaapi ka na nga, lugmok na sa hirap at bigat ng kalooban at hayan, sa iyo rin pala siya lalapit upang huhugot ng lakas. Hindi ko alam kung isa itong masakit na biro o pang-iinis.

Natahimik ako sandali. Sa isip ko, binalikan ko ang aming nakaraan, kung paano nagsimula ang lahat sa amin, iyogn unang nangyari sa amin, iyong sinabi niya ang kanyang naramdaman sa akin doon sa botanical garden, iyong pag-iwas niya sa amin, iyong pagdalaw niya sa akin muli na may candle-light dinner na treat niya. Hanggang sa pagdating ni Miss Cathy sa buhay niya. At sa halos kasabay sa pagbuo sa isang malaking desisyon sa aking isip ay ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. “Pakasalan mo si Miss Cathy Sam…” sabay tayo at takbo sa cr upang hindi niya makita ang aking pag-iyak. Hindi ko na rin hinitay pa ang isasagot niya.

Binuksan ko ang CR at sa loob ay pigil akong nag-iiyak, humikbi ngunit pilit na huwag lumabas ang ingay. Ang sakit. Parang mapatid ang aking hininga sa sakit ng pagdurugo ng aking puso.

“Mike… hindi mo kailangang sabihin iyan. Pipilitin kong hindi ako makasal kay Miss Cathy. Maghanap ako ng paraan.” Ang sambit ni Sam na nasa labas lang pala ng CR.

“Kung ganoon, tatakasan mo ang iyong responsibilidad.”

“Hindi… ipagpaliban lang hanggang sa handa na ako. Kukumbinsihin ko si Cathy at ang mga magulang ko na tapusin ko muna ang aking pag-aaral.”

Tila nahimasmasan ako ng kauntin sa sinabi niyang iyon. Ngunit naisip ko rin si Miss Cathy. Papayag kaya siya? At ang kanyang mga magulang na alam kong relihiyoso, tatanggapin kaya ang plano na iyon ni Sam? “Hindi ko alam Sam. Hindi ko alam…”

Hindi nagtagal si Sam. Sobra ang pag-alala niya sa lahat at gusto niyang makauwi upang harapin ang kanyang mga magulang.

Kinabukasan, hindi na pumasok si Sam. Nalaman ko na lang na sinuspinde na siya hanggang sa katapusan ng semester at bibigyan na lang dawn g special assignments upang ma-comply ang requirements sa mga subjects niya. Kagaya ni Miss Cathy, hindi ko na rin siya mahanap sa silid aralan na iyon kung saan ay dating magkaklase kami habang si Miss Cathy ay nagtuturo sa amin. At ang hindi ko pagkaalam kung ano na ang nangyari kay Sam ay nakadagdag sa aking pagkalito.

Sa gabi ng huling araw sa klase, dumalaw si Sam sa bahay. Bakas sa mukha niya ang matinding lungkot. Ang mga mata niya ay namumula na mistulang hindi natutulog ng ilang araw, at nawala na ang dating masayahing taong nakilala ko.

“M-Mike…” ang unang salitang lumabas sa kanyang bibig na tila nahirapang itulo yang sasabihin. “Napagdesisyonan na nila ang lahat. I-ikakasal kami ni Cathy…”

Mistula akong dinaganan ng isang mabigat na bagay sa aking narinig. Inexpect ko na kasing marinig ang masakit na mga salitang iyon bagamat hindi ko inakalang ganoon kabilis ang lahat. Yumuko na lang ako at hinayaan pumatak ang aking mga luha sa sahig. Hindi na lang ako kumibo. Sa isip ko ay wala rin namang mangyari.

“Sa Linggo na next week ang kasal. Pagkatapos ng kasal, doon na kami manirahan ni Cathy sa probinsiya nila at maghanap siya ng trabaho roon. Doon ko na rin ipagpatuloy ang aking pag-aaral sagot ng aking mga magulang hanggang sa makapag tapos ako.” Ang pagpapatuloy niya.

Saobrang sakit ng aking nadarama. Tila sinaksak ng maraming beses ang aking puso. “S-sila ang nagdesisyon niyan Sam? Akala ko ba ay ipagpaliban mo muna ang pagpapakasal? Akala ko ba ay ikaw ang maghanap ng paraan, ng lusot… pansamantala?”

“Dad ko ang nagdesisyon, Mike. Hindi ako makapalag. Alam mo na kapag nagalit ang daddy…”

Wala na akong nagawa kundi ang tumahimik, yumuko, at humagulgol.

Maya-maya, naramdaman ko ang mga bisig ni Sam na inilingkis sa aking katawan. “S-sorry, Mike.”

Hinayaan ko lang siyang yakapin ako. Ako naman, pinilit ang sariling palakasin ang loob, na tanggapin ang lahat; na kapag nasa ganoong relasyon ang dalawang lalaki, ang lahat ay talagang hahantong sa hiwalayan dahil sa bandang huli, sa isang babae rin mapunta ang buhay niya, dahil nga sa sinabi niyang pangarap na magkaroon ng pamilya at mga anak.

Maya-maya, tila humupa na ang matinding sakit na naramdaman ko. Niyakap ko na rin si Sam. Nagyakapan kami. Umiiyak. Para kaming mga basing sisiw na na iniwan ng inahin, o dalawang dalawang walang kalaban-labang mga tao na inapi ng buong mundo.

“G-gusto ko Mike na naroon ka sa kasal ko. G-gusto kong ikaw ang best man ko.” Sambit niya habang hinaplos ang aking pisngi ng basing-basa ng luha.

Tiningnan ko siya. Isang tango ang aking binitiwan.

“Itim na coat at may puting rosas sa dibdib. Itim na pantalon, sinturon, at sapatos…”

Tumango uli ako.

Nag-inuman kami pagkatapos noon. Halos walang imikan. Nang malasing na kaming pareho, ipinalabas namin ang bugso ng aming mga pagnanasa. Naghalikan kami na parang iyon na ang huling paghahalikan namin. Nagyakapan kami na parang hindi na namin masilayan pa ang bawat isa.

At ilang ulit pa naming ginawa iyon, hanggang sa kaya pa ng aming mga katawan.

Magtatakip-silim na nang magdesisyon si Sam na umuwi. “Mike, tandaan mo palagi, ano man ang mangyayari, nandito ka palagi sa puso ko.” Sambit niya habang tinanggal ang kanyang white gold na hikaw at ibinigay iyon sa akin. Pagkatapos kinuha naman niya ang kanyang jacket at t-shirt na nakasabit sa isang sabitan sa gilid ng pinto ng kuwarto ko. At sa loob ng bulsa ng jacket, hinugot ang isang maliit na bibliya. Ibinigay niyang lahat iyon sa akin. “Para sa iyo… para palagi mo akong maaalala.”

Tinanggap ko ang mga iyon. Tinungo ko rin ang aking cabinet at hinugot mula roon ang paborito kong t-shirt. Ibinigay ko iyon sa kanya. “Iyan ang pinakapaborito kong t-shirt. Iyan ang isusuot mo, Sam. Tapos tinanggal ko ang silver bracelet ko at isinukbit iyon sa kanyang pupulsuhan.

Isinuot ni Sam ang t-shirt na ibinigay ko. “Mike, kung sakaling sa panahon na wala ako at kailangan mo ako, ilagay mo lang ang kamay mo sa iyong dibdib at pakiramdaman ang tibok ng iyong puso. Dahil kapag naramdamn mo ang pagpintig nito, alam mong kasabay niyan ay ang pintig din ng aking puso.” At hinawakan niya ang aking kamay at iginiya ito sa kanyang dibdib.

Habang nakalapat ang aking palad sa kanyang dibdib, pinakiramdaman ko lang ang pagpintig ng kanyang puso at ang tila sabay na ritmo ng pagpintig noon sa pagpintig din ng aking puso.

“Naramdaman mo ba ito?” ang tanong niya.

Tumango lang ako at pagkatapos, naramdaman ko na lang ang halik niya sa aking mga labi.

Nagyakapan muli kami hangang sa kumalas siya at nagmamadaling tinumbok ang pinto at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay.

Sinilip ko siya sa bintana at sinundan ng aking mga mata ang kanyang pag-angkas sa motorsiklo, sa pagpapaandar nito, hanggang sa tuluyan na niyang paglaho sa aking mga mata.

Hindi kolubos maipaliwanang ang matinding sakit na aking nadarama. Sa isip ko, iyo na marahil ang huli kong pagkakita sa kanya na masasabi kong single pa siya, wala pang taong nagmamay-ari. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ko alam kung kanino ako mag unload ng sama ng loob at mabigat na dinadala.

Dumating ang takdang araw ng kasal. Bagamat may isang bahagi ng aking isip ang nagsabing huwag akong dumalo sa kasal, nanaig pa rin ang pangako ko kay Sam na mag-best man ako sa kasal niya. Ipinalabas ko ang lahat ng tapang na kaya kong panindigan sa sandaling iyon. Ginawa ko iyon hindi lang dahil sa aking pangako sa kanya na maging bestman kundi dahil na rin sa simbolismo nito na kung hindi man magiging akin si Sam sa mata ng mundo, ang pagiging best man, kung saan ay ako ang numero unong taong nadyan para dumamay sa kanya sa kapag darating ang panahon na kailangan niya ng karamay, suporta at pagmamahal… ako ang taong magbibigay sa kanya niyon. At siya ang pumili sa akin. Sa sandaling iyon, gusot kong patunayan na taos-puso kong tinanggap ang responsibilidad na iyon sa buhay niya. Iyon na lang ang aking pakunsuwelo sa sarili. At hinarap ko ang lahat sa kabila ng sakit ng pagkukunyari sa harap ng maraming tao na masaya ako kahit ang puso ko ay nagdurugo at nagluluksa.

Sa altar, nakikita ko si Sam habang nakatayo siya roon. Napaka-guwapo niya sa suot niynag suit na itim at putting rosas sa kanyang dibdib habang hinihintay si Miss Cathy. Bagamat kinalbo niya ang kanyang mahabang buhok na pinakaingat-ingatan, pahiwatig sa matinding pagprotesta ng kanyang saloobin sa kasal, tila lalo pang lumutang ang angkin niyang kapogian. Nang tingnan ko ang kanyang pupulsuhan, nakita kong suot-suot pa rin niya ang aking bracelet.

Tinitigan ko ang mga mata ni Sam, hindi nito naitago ang matinding lungkot bagamat kagaya ko, binibitiwan ang mapagkunyaring ngiti. Malalim ang kanyang tingin, pahiwatig na may dala-dala siyang malalim na iniisipisip. Para siyang isang taong tanging ang katawan lamang ang naroon ngunit ang kanyang espiritu at humiwalay, lumipad sa malayo… kasama ako.

Nang tinanong na si Sam kung tanggapin niya si Cathy bilang asawa, parang sasabog na ang aking dibdib. Ibinaling ni Sam ang tingin niya sa kanyang likuran, tila may hinahanap. At nang nagtagpo ang aming mga tingin, inilapat ko ang aking palad sa aking dibdib. “Naramdaman kita Sam…” bulong ko sa aking sarili.

At nang sumagot na si Sam ng, “Opo Padre…” doon na kusang pumatak ang aking mga luha. Yumuko na lang ako at lihim na pinahid ko ang mga ito. Sa kalagayan ko, tila ako na lang ang nag-iisang tao sa mundo. At sa bawat tanogn ng pari sa kanya na sinagot niya ng “Opo Padre…” tila paulit-ulit akong namatay…

Pagkatapos ng kasal, nagpaalam akong umuwi na. Nagdahilan na lang ako na masama ang aking pakiramdam. Gusto sana ni Sam na manatili ako kasama ang tropa naming ngunit sinabi ko na lang sa kanya na hindi ko kayang manatili, tatawa at ngingiti sa kabila ng pagdurugo ng aking puso.

Pumayag naman siya bagamat bakas sa kanyang mga mata ang matinding lungkot at maaaring pagkaawa niya sa akin.

Nang nakauwi na ako, nilock ko ang aking kuwarto at doon, walang humpay ang aking pag-iyak. Naimagin ko na habang ako ay nag-iisa, naroon si Sam kasama si Cathy. Alam ko na kahit papaano, masaya din siya. Sinabi niya kasi sa akin na mahal din niya si Cathy.

Sinariwa ko sa aking isip ang mga Sandali naming ni Sam. Iyong unang pag-amin niya na may naramdaman siya para sa akin sa lilim ng acacia, at paano ko siya pinagtawanan, kung paano ako tinablan ng pagmamahal na rin sa kanya, at ang mga sandaling magkasama kami na tila pag-aari naming ang mundo. Naalala ko rin ang candlelight dinner na ibiniyagy niya sa akin, ang mga munting argumento namin, iyong pagaangkas ko sa motorsiklo niya kung saan ay sasadyain niyang bilisan ang pagpapaandar upang sa takot ko ay yayakap ako sa kanya, iyong mga bagay-bagay na nagpapatawa at minsan ay nagpapaiyak sa amin. Sariwa pa sa aking isip ang lahat. At dahil ang hinigaan ko ay saksi sa aming pagmamahalan, inunat ko na lang ang aking mga kamay at iginapang sa lapad ng kama at hinanap si Sam doon.  Ngunit nag-iisa na lang ako. Walang patid ang aking pagluha.

Bumalikwas ako sa aking higaan. Tinumbok ko ang aking locker at kinuha ang t-shirt at jacket ni Sam. Isinuot ko ang mga iyon, pati na ang kanyang hikaw. Ngunit may malaking kulang pa rin sakong nadarama. At nang napansin ko ang bibliyang ibinigay niya, binasa ko ito… isinaisip ang mga nakasulat at hinanapan ng kasagutan kung bakit ako ay kailangang magdusa, o kailangang pakawalan ang mahal at kung bakit ito nangyari sa amin ni Sam.

Hindi ko nahanap ang kasagutan bagamat sa mga nakasulat tungkol sa mga pahiwatig sa buhay; na ito ay puno ng pagsubok at hirap, at na may mga tao rin sa mundo na nagdusa sa buhay at pilit na nagpakatatag at naniniwala, tila naibsan ng kaunti ang aking dinadala.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nagbasa. Ngunit nagpasalamat na lang ako na nalampasan ko ang gabing iyon. Iyon ang pinakamasakit na gabi ng buhay ko. Pilit akong nagpakatatag, pilit na bumangon, pilit na pinulot ang mga nabasag kong mga pangarap at kaligayahan.

Dumating ang sunod na semester na wala na si Sam at Miss Cathy. Para akong isang kasisiliang pa lang sa mundo na-disoriented dahil may mga bagay akong hinahanap sa paaralang iyon na hindi ko na mahanap. Maliban sa malaking puno ng akasya na nagpapaalala sa akin kay Sam, tila nag-iba na ang lahat sa eskuwelahang iyon. Pati mga estudyante ay tila mga bago sa aking paningin.

Hanggang sa unti-unti kong natutunan ang sariling tanggapin ang lahat. Iyon nga lang, sobrang sakit ang pagsisimula. Ngunit, ramdam kong kaya ko.

Si Sam naman, patuloy na nakikipag-communicate sa amin at sa grupo. At tinotoo naman niya ang kanyang pangako na kapag nakadalaw siya sa probinsiya namin, puntahan niya ako sa bahay at pinapayuhan niya ako sa mga bagay-bagay. Tila nagging mature na ang kanyang pag-iisip. Siguro, nagbunga ang pagiging may asawa niya. At nang isinilang naman ang una niyang anak, ang buong tropa ay inimbitahan niya sa binyag. At isa ako sa mga ninong.

Lumipas pa ang dalawang taon, tumakbo ako bilang student council president at nanalo, base sa mungkahi na rin sa akin ni Sam. At sa induction ceremony naroon si Sam, bilang isa sa mga invited guests ko. At sa panahong iyon, nakapag move on na rin ako. In fact, may girlfriend na rin na ipinakilala ko pa kay Sam na masayang umaproba sa girlfriend ko para sa akin.

Ngayon, may apat na anak na si Sam samantalang ako at may asawa na rin at dalawang anak. At kahit kanya-kanya na kaming pamilya, ang pagiging matalik na pagkakaibigan naming ni Sam ay nananatili. Iminungkahi pa nga ni Sam na ang kanyang panganay na anak na lalaki na 15 years old na ay ipares naming sa panganay ko ring babaeng nasa 10 years old na dahil kung matuloy dawn a magkatuluyan ang dalawa, sila ang magdugtong at makapagpatupad sa aming naudlot na pagmamahalan.

“Samuel! Napadalaw ka yata? Sambit ko nang nakita ko sa harap ng aming gate ang panganay na anak ni Sam.

Isang tipid na ngiti na tila nahihiya ang kanyang isinukli.

“Uy... manliligaw ka kay Michelle ano?” ang biro ko. Napansin ko kasi ang mga rosas sa kanyang likod na mistulang itinatago sa akin.

“P-papayag po kayo Nong?”

“Ay oo naman! Bakit hindi? Pinayagan ka naman ng daddy mo?”

“Opo... siya nga po itong atat na atat na aakyat ako ng ligaw po kay Michelle eh.”

Napangiti na lang ako. May kilig akong nadarama. Kahawig na kahawig si Samuel sa daddy niyang si Sam. At bigla kong naalala ang aming kahapon. “Halika, pasok. Welcome na welcome ka sa bahay na ito. At nang nakapasok na kami ng bahay, tinawag ko na ang panganay kong si Michelle. “Michelle1 May bisita ka!”

Nang makalabas ng kuwarto niya si Michelle, kitang-kita ko ang excitement sa kanyang mga mata nang makita si Sam. Alam ko, ang feeling na iyon... Magkahalong excitement at kilig.

Ngayon, naging magkasintahan na ang aming mga anak ni Sam. At ang wish lang namin ay magkatuluyan sila. At kami ni Sam, kahit 35 na si Sam at ako ay 32, kapag nagkikita kami idinadantay pa rin namain ang aming palad sa aming dibdib, pagpapatunay na nariyan pa rin… magkasabay na tumibok ang aming mga puso at naramdaman ang pagmamahal ng bawa’t isa. At kapag ginawa namin iyan sa harap ng maraming tao at may makakapansin, magtatawanan na lang kami dahil kami lang ang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin noon.

Habang nabubuhay ako, manatiling espesyal si Sam sa aking buhay. At habang may naramdaman pa rin akong pintig sa aking puso, alam kong sumasabay din dito ang ritmo ng pintig ng puso ni Sam.

Masasabi kong wala akong pinagsisihan sa buhay. May mga pagsubok, may mga hirap at masakit na karanasan ngunit sa huli, nalampasan ko pa rin ang lahat dahil pinilit kong magpakatatag at lumaban. Nawasak man minsan ang aking mga pangarap, pilit na pinulot ko pa rin ang mga basag nito at pinagdugtong-dugtong hanggang sa nabuo ko muli ang aking buhay.

Kung biyan man akong muli ng pagkakataong ibalik ang buhay at pumili ng taong makakasama at makabahagi ko nito, isang tao pa rin ang pipiliin ko – si Sam.

Wakas.

5 comments:

  1. WOW grabe ang ganda ng story

    ReplyDelete
  2. ang ganda ng story...wala po akong masabi... thumbs up.. :)


    lummier

    ReplyDelete
  3. Salamat author. Madami akong napulot sa story mo na ito. Lalaban ako sa buhay.

    ReplyDelete
  4. True story po talaga ng author yan tsaka ex lover nya noon

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails