Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 7]
By: Crayon
****Aki****
10:30 pm, Thursday
April 29
Nakaupo akong muli sa silya sa maliit na terrace sa labas ng aking kwarto. Humihigop ako ng tsaa habang nagmumuni-muni sa mga nangyari sa maghapon.
Unang araw ngayon ni Kyle sa pagtatrabaho. Late siyang dumating sa opisina, pagkakataon ko na sana iyon na sermunan siya sa unang beses kung hindi niya lang kami nahuli ni Lyka na magkahalikan.
Lyka Alejandrino. Undeniably beautiful and sexy. Strong personality. Totally liberated.
We we're waiting for Kyle to arrive so i can give them a brief orientation of what i'm expecting them to do as my assistants. Since Kyle came in late, i guess Lyka got bored and so she started a conversation. I dont plan to do much rapport with her but she's quite perky, she got me talking. I recall her asking me if i had a girlfriend after i answered no, she was teasing me that maybe i'm a lousy kisser that's why i dont have any partner. On a normal day i would've just ignore her or reprimand her because of what she is saying, but for some strange reason i challenged her to a kiss. It's easy to tell that she's flirting. I didn't expect her to be so bold to walk over to me, sit on my lap, and give me a taunting kiss, which i wasn't able to resist. We've been kissing for bout half a minute already when i heard someone enter the room. I can see the shock on the face of the people standing by my door. Lyka walked silently back to her chair while i try to put a poker face on, not showing any sign of embarassment.
I made a cold statement about Kyle's tardiness and ask Sam to give him a briefing about the company's rules about attendance. Then i heard Sam mocking me about what they saw. I decided to stay silent and just gave them a cold stare while they exited my office.
After Kyle saw me kissing Lyka, i tried avoiding him for the rest of the day. I mostly spent my time talking to Lyka and giving her instructions and background of what i wanted her to accomplish. It doesn't seem though that she's embarassed that we were caught kissing by her colleagues. I don't even think she regret that she kissed me. Although she did not mention anything about the kiss, i could tell from the way she looked at me that she was teasing me again. As if inviting me to another lustful kiss.
The day ended and i didn't spoke to him again. Sam was more than happy to take care of him the whole day.
Hindi ko alam kung anong dapat itawag sa nararamdaman ko pero parang after kaming mahuli ni Kyle, hindi ko magawang magpakita sa kanya. Hindi ko alam kung nahihiya lang ako dahil boss niya ako at nakita niya akong nakikipaghalikan sa oras ng trabaho o kung may iba pang dahilan maliban doon. Kung tutuusin ay single naman ako kaya walang kaso kung makipaghalikan ako kanino ko man gustuhin, ang mali ko lang siguro ay ginawa ko ito sa oras ng trabaho.
Ang higit kong kinaiinis ay ang parte ng puso ko na nag-uudyok sa akin na magpaliwanag kay Kyle. Alam kong dapat ay wala na akong pakialam sa dapat niyang isipin sa akin pero napakalakas ng pagnanais ko na magpaliwanag sa kanya.
Inubos ko na ang aking tsaa at bumalik na ako sa pagkakahiga sa aking kama. Naisip kong may pasok pa ako bukas at walang saysay din naman ang aking iniisip.
****Kyle****
10:46 pm, Thursday
April 29
Wala naman ako masyadong ginawa sa opisina pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ngayong araw. Hindi ko alam kung ganoon talaga kapag unang araw ng pasok mo sa trabaho o sadyang madami lang nangyari sa araw na ito gaya ng late kong pagdating sa trabaho dahil sa trapik, malamig na pakikitungo ni Aki sa akin at higit sa lahat ay ang mainit na halikan ni Aki at Lyka. Halos buong araw kong pilit iwinawaksi sa isip ko ang nakita kong eksena kanina. Hindi na ako nakapag-focus sa mga sinasabi sa akin ni Sam kanina dahil sa bagay na iyon.
Kahit anong kumbinsi ang gawin ko sa aking sarili ay hindi ko mapigilang hindi isipin o maapektuhan sa aking nakita. Bakit nga ba ganito ang reaksyon ko? Hindi naman ako boyfriend ni Aki para magselos. Single naman ata siya kaya pwede siyang makipaghalikan kanino niya man gustuhin. Dapat nga ay ikatuwa ko pa na nababaling sa iba ang atensyon niya ng sa ganoon ay hindi na gaanong mabigat ang pakiramdam niya sa akin oras na makipag-ayos ako sa kanya.
Dahil sa pakiramdam ko ay pagod na ang utak ko sa kakaisip ay pinasya ko munang buksan ang aking facebook account para makapagrelax.
Sinubukan kong tingnan kung online si Lui, dahil gusto ko siyang makausap. Masuwerte namang online siya kaya sinendan ko siya ng isang smiley. Habang hinihintay ko siya na magreply ay tumingin-tingin muna ako sa newsfeed, nang may mag-chat muli sa akin. Inakala kong si Lui iyon pero ibang pangalan ang aking nakita.
Renz: hindi ko alam na nocturnal pala ang mga jellyfish. :))
Napangiti naman ako sa pang-aasar na iyon ni Renz. Ilang araw na rin kaming magkachat sa facebook. Sa tuwing mag-log in ako sa aking account ay saktong online din siya kaya madalas kaming magkausap sa chat.
Ako: oo, may problema ka ba dun?
Ganti kong sagot sa biro niya
Renz: wala naman. Cute nga yung nocturnal eh. Kamusta ka? ;)
Ako: okay naman, kumpleto pa din ang mga galamay, hahaha. Ikaw kamusta ang mga buhangin sa dagat? Mukhang wala ka lagi ginagawa at puro facebook ka lang ah...
Renz: hindi ah! Busy kaya ako kaiisip sayo. :) First day mo ngayon sa work di ba? Kamusta ang pagiging Makati boy?
Ako: ayun, late ako kanina. Buwisit na trapik yan.
Renz: baka naman kasi nakikipaglandian ka pa habang papasok kaya ka na-late... :/
Ako: hindi naman, konti lang.... selos ka ba? :D
Renz: oo... >:[
Ako: guk! Umiral na naman ang sakit mo... haha
Renz: seryoso ko. Ako na lang maghahatid sayo papasok bukas para hindi ka na malate. Anong oras ba pasok mo?
Ako: tingin mo naman, papayag ako? :p
Renz: ansunget mo naman. Sumeksi ka lang, hindi mo na ako pinapansin. :( parang wala ka nang pakialam sa akin.
Ako: hahaha, napakamaramdamin mo namang starfish ka.! :)) ayoko lang naman na may maabala ako kaya wag mo na ako sunduin. Try ko na lang gumising ng mas maaga para makaiwas ako sa trapik. Salamat sa concern though.
Renz: okay. :((
Ako: aysus! Nag-inarte talaga siya.
Renz: :'(
Ako: para kang sirang starfish ka. Smile na dali para pogi ka na uli.
Renz: :[
Ako: ngumiti ka na nga jan. Hindi bagay sayo yung ganyan! dali ngiti na.. :)
Renz: T-T
Ako: ay bahala ka jan, matutulog na ko.
Renz: hoy! Hoy! Hoy! Saglit lang!!!
Ako: ano?
Renz: huwag ka muna matulog...
Ako: eh nagmamaasim ka na eh...
Renz: naglalambing lang naman ako, namiss kasi kita eh...
Ako: wala ka talagang pinagbago. Hehe ano bang ginagawa mo at gising ka pa?
Renz: iniisip ka lang... <3 div="">
Ako: whoaaaa! Pinagpapantasyahan mo na naman ang musmos kong katawan!!! Hahaha
Renz: hahahaha tado!
****Renz****
11:49 pm, Thursday
April 29
Halos isang oras din kaming nagkukulitan ni Kyle sa facebook bago siya magpaalam na matulog. Ayaw ko pa sana siyang paalisin ngunit naisip ko na kailangan niya pang gumising ng maaga bukas dahil sa trabaho niya kaya hinayaan ko na rin siya sa huli.
Medyo mabigat na ang pakiramdam ng aking mata dahil sa antok. Maghapon ko kasi hinahantay na mag-online si Kyle. Hindi ako halos mapakali kanina sa opisina ng shop dahil hindi ko siya nakikitang online, noon ko naisip na first day nga pala niya sa trabaho at marahil ay busy siya maghapon.
Pagkarating ko sa bahay ay nag-log in ako agad sa aking facebook account at hinintay na mag-online si Kyle. Umaasa ako na bago siya matulog ay maisipan niya mag-fb. Hindi naman ako nabigo dahil bandang alas onse ay nakita ko rin ang pangalan niyang naka-online. Nangiginig pa ang kamay ko habang nag-sesend ako ng message sa kanya.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil mukha akong tanga sa aking mga ginagawa. Gusto ko sanang kunin ang number ni Kyle kanina kaso naunahan ako ng hiya. Para akong isang high school student na natatakot mabusted ng nililigawan niyang crush. Napailing ako sa isiping iyon. Ang dating matinik na si Renz Angelo Razon ay nahihiya na ngayong manghingi ng number. Kabaligtaran noong unang beses ko na hingin ang number ni Kyle sa isang bar.
Mukhang mapupuyat uli ako bukas sa paghihintay sa kanya na mag-online. Ngayon pa lang ay nasasabik na akong makausap siyang muli. Hindi na rin ako makapaghintay na magkita kami. Haaayyy... nakakainip din pala... Ang lapit na ni Kyle sa akin pero parang dagat pa rin ang namamagitan sa aming dalawa.
Dalawang taon ko siya hinintay na bumalik at ngayong nandito na siya ay hindi ko gagawing sumuko. Handa ako maghintay at bigyan siya ng panahon hanggang sa maibalik namin ang dati naming samahan. Mahal ko na talaga ang jellyfish na yon...
****Kyle****
6:30 am, Friday
April 30
Kahit na inaantok pa ako ay nakaupo na ako sa aking desk at binabasa ang mga papers na diniscuss kahapon sa akin ni Sam. Dahil sa pagkatuliro ko kahapon ay wala ako masyadong naintindihan sa mga sinabi niya kaya minabuti kong basahin muli ito ngayon para lubos kong maintindihan.
Makalipas ang isang oras ay naisipan kong magtimpla ng kape, may maliit na table sa sulok ng opisina kung saan maaari kang magtimpla ng kape. Dama ko ang init ng aking inumin dahil medyo giniginaw ako sa lakas ng aircon. Bumalik ako sa pagbabasa ng may pumasok sa loob ng opisina. Nagulat ako ng makita si Aki sa may pinto. Naisip kong magandang pagkakataon ito para kausapin siya. Kaya hindi na ako nag-atubili pang magsalita.
"Good morning Aki!", pinili kong tawagin siya sa kanyang palayaw para mas friendly ang maging dating. Napalingon naman siya sa aking direksyon habang papalakad siya patungo sa kanyang opisina. "Coffee?", alok ko sa kanya ng mapansin kong nakatingin siya sa akin.
"I prefer you call me Mr. Del Valle, and no i don't drink coffee.", seryoso niyang tugon sa akin pero hindi ako nawalan ng pag-asa.
"Di ba favorite mo noon ang coffee?", nakangiti kong pangungulit sa kanya. Hindi ko iniinda ang blangko niyang tingin sa akin.
"That was before. People change, you should know that, you said it once.", yun lamang ang sinabi niya at dumiretso na sa loob ng kanyang opisina.
Hindi na ako nagsalita dahil napahiya na naman ako. Natatandaan kong may sinabi nga akong ganoon dati pero kay Renz ko ata yun sinabi ng minsan niyang pansinin ang malakas kong pag-inom ng alak. Inisip ko na lang na baka masama ang gising ni Aki kaya siya masungit ngayon. Hindi ako pwede magpaapekto dahil hindi na naman magiging produktibo ang araw ko.
Ilang saglit lang ay dumating din si Sam at masaya akong binati.
"Good morning pogi! Kamusta naman ang pagkakape mo?"
"Eto medyo mapait.", nakangiti kong sagot. Naalala ko ang pambabara ni Aki kaya iyon ang naisagot ko kay Sam kahit na hindi naman talaga mapait ang aking iniinom.
"Gusto mo pagtimpla kita ng bago?", magiliw na tanong ni Sam sa akin.
"Hindi na, salamat na lang."
"Ok, napansin mo ba kung dumating na si boss?"
"Oo, magkasunuran lang kayo halos. Nandoon na siya sa office niya.", sagot ko.
"Ok wait lang pagtimpla ko lang siya ng kape.", nagulat naman ako sa sinabi ni Sam dahil kanina lang ay tinanggihan ako ni Aki sa alok kong kape.
"Nagkakape ba siya?", hindi ko mapigilang itanong kay Sam.
"Oo, ipagtitimpla ko nga di ba?!", natatawang sagot ni Sam. Napangiti na lamang ako ng hilaw dahil nagmukha tuloy akong tanga sa sinabi ko.
Habang nasa loob si Sam ay dumating naman ang kasama kong si Lyka.
"Good morning Lyka!", masaya kong bati sa makakatrabaho ko. Hindi kami masyadong nakapag-usap kahapon dahil mostly si Aki ang kausap niya. Kaya pinasya kong batiin siya para mas makilala ko naman siya pero isang tango lamang ang natanggap ko mula sa kanya bilang tugon.
Lumabas mula sa opisina ni Aki si Sam at tila umasim ang mukha ng makita si Lyka. Buti na lamang at nakatalikod ang huli kaya hindi nito nakita ang reaksyon ni Sam ng makita siya. Napangiti naman ako sa inasta ni Sam. Mukhang hindi malayo na mag-away ang dalawa sa mga darating na araw.
Mabilis na lumipas ang maghapon. Ganoon pa rin ang pakitungo sa akin ni Aki. Kinakausap niya lang ako kapag may iuutos siya sa aking gawin o kung may kailangan siyang ipaliwanag tungkol sa mga dapat kong gawin. Si Lyka naman ay hindi rin gaanong namamansin pero makikita mo ang pag-iiba ng kanyang aura sa tuwing nasa paligid si Aki. Hindi mo maipagkakailang may pagkagusto ito sa aming boss.
Mabuti na lamang at nandiyan si Sam kung hindi ay malamang sa mapanisan ako ng laway at matuyot ang utak ko sa pagkainip. Likas na madaldal si Sam kaya kahit na may ginagawa kaming pareho ay walang tigil ang aming kwentuhan. Siya rin ang kasama ko na nag-lunch. Inaya ko si Lyka pero tumanggi siya. Bago kami lumabas ni Sam ng opisina para maglunch ay nakita namin na tinungo ni Lyka si Aki sa kanyang opisina para siguro ayain ito kumain. Hinila na ako ni Sam palayo sa kanila dahil siguro sa inis kay Lyka.
Nang makarating ako sa bahay ay muli akong nag-online. Binuksan ko rin ang aking skype para sana makapag-video call kami ni Lui pero hindi siya online ng mga panahong ito.
Narinig ko ang pamilyar na tunog ng chat sa fb.
Renz: jellyfish?
....to be cont'd...
3>
haaaayyyy.. ang sarap lang talaga ma in-love... salamat sa update crayon... muaahh!
ReplyDelete-arejay kerisawa
nice... magaling..
ReplyDeletemarc
Deadma lng ni aki.,,galit parin hahaha
ReplyDeleteJulmax