Followers

Sunday, August 11, 2013

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala 16

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By: Baste31 - j.a.c.
Chapter 16: Tsismis
Please Click The Link For Previous Chapters: COMPILATION

Nagising ako nang tanggalin ni Paul ang kamay kong nakayakap sa kanya. Kahit medyo masakit pa ang ulo ko tumayo na rin ako. Tahimik lang si Paul na nagpuntang banyo, pagkatapos nyang maghilamos at magmumog ako naman ang sumunod. Hindi man lang umiimik si Paul, parang hindi nya ako kasama o nakikita kaya ako na ang unang nagsalita. 
"ok ka lang?" 
"ok lang." 
"aga mo namang gumising?" 
"oo, uuwi na ko para makapagpalit at makapasok." 
"ahh.." balak ko sanang ihatid si Paul kaya kumuha ako ng damit at pantalon sa closet ko para magpalit. 
"oh teka teka.." ang sabi ni Paul sa akin. 
"bakit?" 
"ano ginagawa mo?" 
"nagbibihis, ano pa ba?" 
"dito? Dito ka pa maghuhubad e nandito ako." 
"hah? E ano naman? Lalake ka, lalake rin ako, ano problema dun?" 
"ayun yung banyo oh, dun ka magpalit." 
"gusto ko dito e, saka kwarto ko naman to ano ba problema?" 
"ahh, o sige lalabas na lang ako." ang sagot ni Paul na parang nairita na sa kapilyohan ko. 
Hindi ko naman pinayagang makalabas sya kaya mabilis akong pumunta sa pinto para humarang kahit nakapaghubad na ako ng polo ko. 
"ano ba? Bakit ba humarang ka sa pinto?" 
"shhh.. Wag kang maingay baka marinig ka nila Papa." 
"ano ba kasi problema mo? Akala mo ba hindi ko alam na pinagtitripan mo ako Ian?" 
"bakit ba kasi ang lamig lamig mo sa 'kin? Akala ko ba ok na tayo, ang labo mo naman kasi Paul!?" 
"bakit mo ba ako hinalikan kagabi ha?! Ano ba ibig sabihin non o wala lang yon sayo?" hindi naman ako nakasagot sa tanong ni Paul. Ano nga ba para sa akin ang halik na yon? Kahit lasing na lasing ako kagabi hindi ko naman nakalimutan na hinalikan ko si Paul sa lips. 
"ahh.. Eh.." 
"see! Di mo alam! Alam mo naman ang nararamdaman ko sayo Ian, pinaglalaruan mo ba ako?" 
"hindi Paul, bakit ayaw mo ba sa ginawa ko?" 
"hindi iyon ang point Ian.. Ang hirap sayo wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba! Sa ginawa mo, pinapaasa mo lang ako na mamahalin mo rin ako."
"sabing wag kang maingay, maririnig tayo nila Papa. Sorry na, wag ka na magalit. Ano ba gusto mong gawin ko para mawala galit mo?" 
"gawin mo, kunwari hindi mo alam na mah--" 
"alam na ano?"nahiya pa e alam ko namang mahal nya ako. Hehehe.. 
"kunwari hindi mo alam ang nararamdaman ko, ibalik mo lang yung dati ok?" 
"yun naman pala e, kaya dyan ka lang magbibihis lang ako ok?" tapos nilock ko yung pinto at nagpalit ng damit sa harap ni Paul. Natatawa na lang ako kasi tumalikod talaga sya sa akin para di makita ang maganda kong katawan. Hahah.. 
After ko magbihis kinatok namin ang kwarto ng parents ko para magpaalam. "Ma.. Pa.. Uuwi na si Paul." di naman natagalan at bumukas na yung pinto ng kwarto nila Mama. 
"Ang aga nyo namang nagising? Wag kayong maingay ha at natutulog pa ang Papa mo, Paul ok ka lang ba?" 
"Yah Tita i'm ok." 
"Kayo ni Christian, Ok na ba kayo?" 
"Oo Ma, Ok na kami ni Paul. Don't worry di na kami magkagalit. Di ba Paul?" pagsingit ko sa usapan. 
"Ikaw ba tinatanong ni Tita? Di ba ako? Nakikialam ka kasi eh.." ang makulit na sabi ni Paul. 
"huh, nakikialam ha? Bakit galit ka pa ba?" natawa na lang si Mama sa pagtatalo namin ni Paul, i'm sure alam na nyang wala nang gap between the two of us, kaya after kaming tanungin ni Mama kung gusto muna naming kumain ng breakfast at sinabi kong makikikain na lang ako kina Paul pinayagan na kami ni Mamang umalis. Gamit ang kotse ko hinatid ko si Paul pauwi sa kanila. 
Nakakabingi naman ang katahimikan sa buong byahe namin Paul, walang nagsasalita, walang imikan. Naisip ko tuloy na may mga bagay pala talagang nagbabago kapag may nadiskubre kang sikreto ng isang tao. Na kahit anong pilit kong gawin ang normal kong ginagawa, nagkakaroon pa rin ito ng ibang kahulugan sa akin at kay Paul. Kung dati open ako kay Paul sa lahat ng bagay ngayon parang may hadlang sa pagitan namin na pumipigil sa'kin sa mga kilos ko. 
Ayaw kong masaktan sya kung iiwasan ko sya, pero ayaw ko ring masyadong mapalapit sa kanya dahil ayaw kong mag-expect sya ng higit pa sa pagkakaibigan namin at sa huli masaktan ko pa rin sya. Kaya kahit nahihirapan ako, inisip ko na lang na mas makakabuti na magset ako ng bounderies sa pagitan namin. Pagdating namin sa bahay nila Paul, nagsorry agad ako sa parents nya sa hindi pag-uwi ni Paul kagabi. Pero wag daw akong mag-alala dahil nagtext naman daw si Paul na hindi makakauwi at tinawagan din pala sila ni Mama at sinabing nasa amin si Paul at dun na matutulog. 
Pagkatapos makapag-ayos ni Paul, kumain na kami sa kanila ng agahan, nagkwentuhan ng kaunti tungkol sa napuntahang kumpanya ni Paul at nakwento ko na rin sa kanila na sa business namin ako napunta. Naging maganda naman ang pagpunta ko sa bahay nila Paul, dahil sa nakita ng parents nya na bumalik na ang sigla ng anak nila hindi na napag-usapan kung ano ang nangyari sa pagitan namin ni Paul. Ako na rin ang naghatid kay Paul papasok sa company na pinapasukan nya pagkatapos dumirecho na ako sa business namin. 
At habang nasa byahe ako may narecieve akong text mula kay Paul. "Salamat Ian, ok na 'ko. Ingat" at mula non halos balik na sa normal ang lahat sa'min ni Paul. Sa mga nagdaang araw na wala si Louie medyo nanibago ako. Medyo malungkot pa rin, walang araw na hindi sya pumasok sa isip ko. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko, hindi ko na alam kung namimiss ko lang sya o may nararamdaman na akong kakaiba para kay Louie. 
Nakakainis, bakit ba kasi ang tagal nya don, bakit dalawang buwan? Yang ang mga tanong na hindi ko mabigyan ng sagot hanggang ngayon. Ang buong akala ko ok na ang lahat, pero sabi nga nila "kung kailan akala mong ok na ang lahat saka naman darating ang problema." Nakarecieve ako ng text mula sa ilan namin classmates, may kumakalat daw na tsismis na bading daw si Paul at ang malala pa raw.. 
Ako daw ang boyfriend nya. Gulat na gulat ako sa mga text ng classmates ko kaya tinawagan ko pa sila para i-deny ang issue, sinabi ko pa na kung sino man ang gumawa ng istorya na yan napaka desperado naman nya para manira. 
Kaya pagkatapos tinawagan ko si Paul para sabihin sa kanya ang nalaman ko, pero alam na pala nya ang kumakalat na tsismis tungkol sa amin at napag-usapan naming wag na lang pansinin ang issue dahil mawawala rin yon. 
Tama naman si Paul, ano nga naman ang magagawa namin? Magpapresscon at magsabing "wala pong katotohanan ang kumakalat na tsismis na magboyfriend kami ni Paul, magkaibigan lang po kami." ayos parang showbiz lang ang dating di ba?

Pero one time magkasama kaming pumunta ni Paul sa school para ipasa ang nakabookbind na documentation ng thesis namin at doon ko napansin na hindi maliit na issue ang kumakalat na tsismis. Dahil pagpunta namin sa building namin, halos lahat ng madaanan naming grupo ng studyante ay nakatingin sa amin. Dahil ba sa tsismis o paranoid lang ako na may meaning ang tingin nila sa amin? 
Isa pa ako yata ang pinakagwapo at pinakapopular na student ng school (heheh), at si Paul naman ang pinakamatalino sa lahat. Pero lalong luminaw ang lahat na may gustong manira sa amin ng may nakakairitang gay na kung sino na lumapit sa'min ni Paul at ang ingay ingay. 
"totoo va? Kayo na ni Paul? Wow BONGGA, nakakainggit naman. Infairness, bagay kayo pareho kayong yummie.. Heheh.. Ok lang yan, wag kayong mahiya ang mahalaga nagmamaha-" natigilan lang ang baklang mukhang ipinaglihi sa sama ng loob ng magulang nya ng mapuno na nya ako at itapat ko ang kamao ko sa hindi ko pa man binabasag ay basag na nyang mukha. 
"Hoy BADING, TIGILAN MO NGA KAMI!! Kung ano man yung nasagap mong tsismis HINDI TOTOO yon. May nililigawan nang BABAE si Paul at kung mangungulit ka pa parang di mo ako kilala, bumabasag ako ng MUKHA!" 
"sorry tao lang.. Tse.." matapang pa rin si bading at nagawa pang umirap sa 'kin bago umalis. At pagkatapos non tiningnan ko rin ng masama ang mga studyanteng malapit sa amin, at lahat sila natahimik at umiwas ng tingin dahil umalingaw-ngaw ang boses ko sa buong corridor sa galit. 
Umalis na lang ako sa kinatatayuan ko nang sabihin ni Paul na "tara na Ian. Hayaan mo na sila." Matapos yon, dumirecho na kami sa adviser namin para ipasa ang mga papers namin. 
Pero kahit na nakakairita si bading, may isa naman syang nagawang maganda! Binigyan nya ako ng idea, hindi lang mawawala ang tsismis tungkol sa amin ni Paul magagawan ko pa ng paraan para mawala ang "pagkagusto" nya sa akin. 


To Be Continued

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails