Followers

Sunday, August 25, 2013

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala 23

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By: Baste31 - j.a.c.
Chapter 23: Panahong Nakalaan
Please Click The Link For Previous Chapters: COMPILATION



Kinabukasan kasama ang kapatid ni Louie na si Lito namili kami sa isang mall sa Ortigas ng mga gamit nila. Sobrang excited si Lito, ilang beses na raw siya nasama ni kuya Louie nya dito pero hindi naman raw sila bumibili ng kahit ano. 
"Ang mahal kasi ng tinda dito kuya Christian eh, kaya di kami bumibili dito!" tawang tawa talaga ako kasi napaka bibo ng kapatid ni Louie, nasabi nya yon sa harap ng isang sales clerk na napakainosente ng dating. Silang dalawa ang dahilan kung bakit ang napakaborin na bagay para sa akin tulad ng pamimili ay nagiging masaya at may kahulugan. Lahat na ng mga gamit nila nabili na namin magmula sa bags, notebooks, ballpens, t-square hanggang sa uniform nila Louie at Lito, wala kaming pinalagpas. 
Ng matapos kaming mamili, kumain kami ng tanghalian sa mall. Ang sarap tingnan ng dalawang kumain, pakiramdam daw ni Lito birthday nya, dahil nakakakain lang daw sya ng ganito kapag birthday nya o kaya dumadalaw kami sa kanila, ordinaryong pagkain lang naman yon para sa akin pero kapag-appreciated nagiging special. 
Habang kumakain kami napansin ko na tingin ng tingin si Lito sa salaming wall ng fastfood na kinakainan namin. Ng silipin ko kung ano ang kanina pa nya tinitingnan napansin ko ang isang game corner ng Mall. Siguro hindi pa rin nakakapaglaro sa ganon si Lito kaya tinanong ko sya kung gusto nyang subukang maglaro. 
"Lito, gusto mo laro tayo doon?" 
"talaga kuya?" 
"oo, pumunta tayo don pagkakain." "yey!" 
"Ian, dami na nating nagastos oh. Ayos na siguro to.--Lito sa susunod sasama kita ulit dito ha, maglalaro tayo. Madami nang binigay sila kuya Christian sa atin kaya dapat magpasalamat tayo." 
"sige sa susunod na lang kuya Christian. Salamat po!" halata sa mukha ni Lito ang lungkot kaya pinilit ko si Louie na maglaro kami. 
"ayos lang yun Louie, minsan lang naman kaya payagan mo na kami. Alam mo nung bata ako gusto ko maglaro dito kaya lang wala naman akong makasama. Ngayon lang to, sige na.." napatingin si Louie sa kapatid nya. Hindi maitatago sa mukha ni Lito ang pag-aasam na pumayag si Louie na makapaglaro siya. 
"hay, talo na ko dalawa kayo eh.." "
yon! Ayos Lito payag na kuya mo! Tara na baka magbago pa isip nyan. Heheh.." 
"heheh.. Sige!" ang sabi ni Lito ng napaka sigla. dali dali namin binitbit yung mga plastic ng pinamili namin at inilagay sa bagage counter ng isang tindahan ng mall at dumirecho kami sa palaruan. Bumili ako ng maraming token para makapaglaro kami ng kahit ano. 
Naglaro kami ng race car, basketball, zombie batle napakaraming laro. Kakaibang saya ang naramdaman ko ng mga oras na yon, para akong bumalik sa pagkabata. Ngayon ko lang naranasang makipaglaro ng ganto kasaya sa buong buhay ko, siguro dahil na rin wala akong kapatid kaya parang lumipas ang panahon na hindi ko na-experience ang ganto. Habang abala si Lito sa paglalaro nagpasalamat ako kay Louie dahil pinagbigyan nya ako na makipaglaro kay Lito. 
Sya pa raw ang dapat magpasalamat sa lahat dahil, halos imposible daw na makapagsaya sila ng ganito dahil sa hirap ng buhay. Pero ngayon makakapag aral na si Louie, di magtatagal magiging maayos na rin lahat sa kanila ang sabi ko. Sa daming nangyari nitong buwan halos malimutan ko na ang pinakamahalagang araw ng buhay ni Louie, malapit na pala ang birthday nya. 
Pero ayos lang ready na naman ang regalo ko sa kanya, nakapagpagawa na ako ng singsing na kamukhang kamukha ng suot ko na bigay sa akin ni Louie, sana magustohan nya. Magt-twenty five na sya pero parang magkasing edad lang kami kung titingnan, halos tatlong taon ang tanda nya sa akin. Alam ko na sa darating na birthday ni Louie hindi lang ako ang nag-iisip na makasama sya, nandyan rin kasi si Diane. 
Pero ayos lang yon, dahil hindi ko man makasama si Louie ng gabi kasama ko naman sya buong umaga kaya masaya pa rin ako. Ang problema nga lang, kinukulit pa rin ako ni Paul tungkol sa pangako ko sa kanya. Ang sabi ko humahanap pa ako ng magandang pagkakataon pero ang kulit talaga ng bestfriend ko. Kaya ngayong birthday ni Louie ang huli ko daw chance para tuparin ang pangako ko sa kanya kung di magtatampo na si Paul. 
Hay, pambihira talaga si Paul! Ano sasabihin ko kay Louie, "happy birthday Louie! Sya nga pala, dati alam mo, sinadya ko talaga na bungguin si Diane. Kaya sya nasisante at napahamak. I love you!" adik lang di ba? Pero may magagawa nga ba ako? Tsk tsk.
Hapon, araw ng Birthday ni Louie inaya ko sya sa bahay nila Paul. Naghanda kami ni Paul ng kaunting pagkain at isang cake para kay Louie. Simpleng birthday celebration lang ang ginawa namin, dahil para sa amin ni Louie basta magkasama kami special na yon palagi. Habang kumakain kami nila Louie, tingin ng tingin sa akin si Paul. 
Parang sinasabi nya sa akin 'sabihin mo na kay Louie'. Napailing ako at nag-isip ng magandang gawin, kaya nagpaalam ako kay Paul na pupunta kami ni Louie sa kwarto nya, may sasabihin lang akong importante. Syempre alam na ni Paul ang ibig kong sabihin kaya pumayag naman sya. Pagpasok namin ni Louie sa kwarto, naupo kami sa kama ni Paul. 
"oh bakit? Mukhang malungkot ka Christian?" ang tanong ni Louie. 
"wala to.. May gusto lang kasi akong sabihin sayo.." "ano yun? May problema ka ba?" 
"kasi.. Hindi ko alam kung papano sasabihin sayo.." tumingin lang sa akin si Louie, punong puno ng pang-unawa. Pakiramdam ko pwede kong sabihin ang kahit ano sa kanya ng walang takot kaya inamin ko sa kanya ang aking kamalian. 
"natatandaan mo ba dati, nong araw na una tayong magkakilala, nong nabunggo ko si Diane sa restong dati nyang pinagtatrabahuhan?" 
"ano?" 
"ang totoo non, binalak ko talagang sagiin si Diane para ma-out of balance. Gusto ko sanang magpapansin sa kanya at saluhin sya pero hindi umayon ang lahat sa plano ko at nagkabasag ang dala nya. Dahilan para masisante sya." hindi ako makatingin ng direcho kay Louie ng mga oras na yon, hiyang hiya ako sa kanya at sa sarili ko. 
"siguro kung hindi ko ginawa yon, hindi sana sya na-rape! Sorry sa nagawa ko Louie, hindi ko naman sinasadya." bigat sa kalooban ng pag-amin ko parang pinagsakloban ako ng langit at lupa ng sandaling yon. Pero nagulat ako sa reaksyon ni Louie sa sinabi ko. 
"Salamat Christian." at yumakap sa akin si Louie. 
"Matagal ko ng alam yon, hinihintay ko lang na sabihin mo sakin. Medyo nainip na nga ako eh." hinihintay ko na talaga na magalit si Louie sa akin pero iba ang naging reaksyon nya. Nagtataka ako kung papaano nya nalaman, pero nalaman ko ang sagot sa mga sumunod nyang mga sinabi. 
"Matagal na akong kinausap ni Paul, at pinaliwanag nya na ang lahat. Sinbi nya na wag akong magalit dahil hindi mo naman sinasadya at isang araw sasabihin mo rin sa akin ang totoong nangyari. At di naman ako nagkamali." 
"sorry talaga sa nagawa ko Louie.." sabi ko, na nakayakap pa rin sa kanya. 
"wag mo nang isipin yon. Ang isipin mo pagsubok lang ang lahat, kung hindi nangyari yon baka ngayon hindi tayo magkakilala. Hindi ba?" tama si Louie, malamang kung hindi nangyari yon hindi kami nagkakilala. Naisip ko si Paul. Hindi naman pala talaga ako pinabayaan. Inayos na pala nya ang lahat para sa amin ni Louie. 
At ngayon masasabi kong wala na talaga kaming tinatago sa isa't isa. Napaka swerte ko at nagkaroon ako ng kaibigang tulad ni Paul. Hindi ko na tuloy maisip kung papano makakabawi sa kabaitan nya sa akin. Ng medyo nahimasmasan na ako, dinukot ko sa bulsa ang regalo ko para kay Louie. Kinuha ko ang kaliwang kamay niya at inilabas ko sa isang maliit na box ang isang singsing. 
"tanggapin mo ang singsing na to Louie, ito ang katibayan ng pagmamahal ko sayo.." at nilagay ko sa ring finger nya yung singsing. "binabalik mo na ba sa'kin to?" 
"hindi, eto yung bigay mo oh. Nakahanap na ng kapares" binigay ko sa kanya yung isa pang singsing, yung galing mismo sa Tatay ni Louie at siya naman ang naglagay ng singsing sa daliri ko.

"para sa nag-iisa sa puso ko.. Tanggapin mo ang katibayan ng pagmamahal ko." parang nagdiriwang ang kalooban ko sa ginawa namin ni Louie. 
"ngayon kasal na tayo. Hindi na tayo magkakahiwalay kahit kailan." ang sabi ni Louie sa akin. 
"mahal na mahal kita Louie.." 
"mahal na mahal rin kita Christian." isang matamis na halik ang isinukli namin sa isat-isa. Muli, naabot namin ni Louie ang langit. Ipinaramdam namin sa isa't isa ang mainit naming pagmamahalan. Pinagsaluhan namin ang tamis ng aming pagmamahalan. Medyo natagalan bago kami bumalik sa kinaroroonan ni Paul. 
At ang loko may kakaibang ngiti parang may halong malisya. Heheh.. Kung ano man ang iniisip ni Paul, hindi ko alam. Pero kung pareho kami ng iniisip, hindi sya nagkakamali. 
"ano, nagawa nyo na?" ang tanong ni Paul na dalawa ang kahulugan para sa amin ni Louie. 
"nagawa ang alin?" ang tanong ko na medyo mataas ang boses 
"alin pa ba, de nag-usap! Hahaha.. Bakit may iba pa ba kayong ginawa?" mabuti day-off ng kasambahay nila Paul at walang ibang makakarinig ng pinag uusapan namin. 
"hahaha.. Oo nagawa na namin. Nakapag-"USAP" na kami Paul." ang sagot ni Louie na may kakaibang ngiti. 
"hahaha.. Mabuti! Oh ubusin na natin to." Habang inuubos namin ang pagkaing handa namin para kay Louie, hindi naiwasang mapansin ni Paul ang parehong singsing na suot namin ni Louie. 
Ngumiti si Paul sa akin at ngiti lang din ang naisagot ko sa kanya. Bago mag-alas singko hinatid na ako ni Louie sa bahay namin at umuwi na sya sa kanila. Alam kong magkikita sila ni Diane pero pinilit kong wag magselos, tiningnan ko na lang ang singsing sa kamay ni Louie habang kumakaway ito papalayo. 
Natapos ang April at May ng mabilis. Balik na ulit ako sa trabaho ko sa business namin, si Paul naman ay tuluyan nang nakarecover mula sa aksidente at nakakapagtrabaho na ulit. Hindi na rin ako banned sa pagd-drive dahil nag-uumpisa na ring mag-aral si Louie ng Architecture sa university nila kaya halos sabado o linggo na lang sya nasa amin para magdriver. At dahil maliit na lang ang oras nya para ipagdrive kami, tuwing sabado at linggo ay nasa bahay namin si Louie. 
Sa amin na rin sya gumagawa ng mga assignments at plates nya sa mga subjects nya at tinuturuan ko rin sya minsan lalo na sa mga hindi nya alam. Natutuwa sila Mama at Papa sa pinapakitang kasipagan ni Louie, dahil pagkatapos mag-aral, nagagawa pa nitong maglinis ng bahay, minsan maging hardinero, cook at karpintero, hindi raw sila nagkamaling pag-aralin sya. Kahit halos kulang ang twentyfour hours para kay Louie, hindi sya nawawalan ng oras na nakalaan para sa akin. 


To Be Continued

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails