Followers

Wednesday, August 21, 2013

318 (My Second Attempt to Love) Chapter 7



318 (My Second Attempt to Love)

By: ImYours18/Niel
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph          
Wattpad Username: Nyeniel



Authors Note:



Guuuyyyss! Time for Chapter 7. Sorry po pala kung natagalan ang update. Im really really sorry. Hopefully after ng midterm is maging regular na ulit ang update ko. Sorry talaga guys.


Second, thank you nga po pala sa mga patuloy na sumusuporta sa akda kong to. Kayo po ang inspirasyon ko sa pagsusulat. Maraming salamat po.


Third, baka maguluhan po kayo sa umpisa ng chapter 7. Heto po pala ang continuation ng Chapter 5, but hindi na po POV ni Xander. Hihi ^_^



Maraming salamat po! ^_^


I hope na okay tayong lahat sa kabila ng nangyayaring pagsusungit ng panahon, pray lang po for our safety sa mga calamities na dumadating. God Bless ^_^



-nieL



PS: Pa-add naman po sa facebook ^_^ (nielisyours@yahoo.com.ph) Talamats! XD





Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.





Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:





Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph




About the cover photo:

I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.







ENJOY READING =)





Chapter 7





Colby’s Point of View:



“Hoy! Gising Xander! Magaalas-dose na oh? Hindi pa ba tayo uuwi?” Pang-gigising ko kay Xander habang nakahiga ang kanyang ulunan sa akin kandungan habang nasa park kami. Grabe! Mix-emotions ako ngayong araw na to. Hindi ko maintindihan kung masaya ba ako dahil kasama ko ang bestfriend ko – na mahal na mahal ko o magiging malungkot ako dahil sa napanuod namin kanina sa sinehan.


Natamaan kasi ako sa totoo lang. Parang kasing totoong-totoo ang kwento para sa akin, pakiramdam ko ay ako si Kim Chui sa kwento (kapal lang? XD) kung saan umiibig ako sa bestfriend ko na alam kong bestfriend lang ang tingin sa akin at kahit na pagbalik-baliktarin ko ang mundo ay hindi magiiba ang tingin sa akin dahil hindi naman siya tulad ko at alam kong never siyang magkakagusto sa kapwa niyang lalaki. Kaya naman halos palihim akong naluluha kanina habang nanunuod kami ng movie.


Nakaramdam man ako ng lungkot ay masaya pa rin ako sa loob-loob ko dahil nakasama ko naman siya sa araw na ito. Hindi ko din alam e, sa status namin ay para kaming mag-syota talaga tulad ng tingin sa amin sa school ngayon at noong highschool kami ngunit alam ko sa sarili ko na hanggang doon na lang iyon at mahirap nang umasa pa. Siguro nga ay ganun talaga ang ang isang ‘bestfriend’, pupunan lang ang kalungkutan mo, sasamahan ka sa lahat ng pagkakataon, sweet, at magsisilbing parang boyfriend o girlfriend mo. Nasa sayo na lang siguro kung paano mo dadalhin ang iyong emotion at expectation upang wag magkaruon ng hukay sa nararamdaman mo na lumalalim sa tuwing nage-expect ka sa mga obligasyong ginagawa ng kaibigan mo.


“Uy! Ano ba bes?! Gising na!” Pangigising ko pa sa di magising na si Xander. Napagod ata sa pamamasyal namin kanina. Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil nanaginip pa ata ang mokong. Nanunulis ang nguso niya. Nakakatawa man ang itsura niya ay hindi ko pa rin maiwasang di humanga sa kagwapuhan ng bestfriend ko. Grabe! Sino kaya ang hinahalikan ni Xander sa panaginip niya?


“Uhmmm. Bes?!” Gulat niyang sabi pagkamulat ng kanyang mata mula pagkakaidlip.


“Oh? Bat para kang nakakita ng multo?! E parang kanina lang bago ka makatulog magkasama naguusap tayo ah? Bat parang nagulat ka?!” Pabiro kong sabi sa kanya. Tumungo naman ito at kinusot ang kanyang mga mata.


“Ahh wala bes..” Tugon niya sa akin.


While we are walking, hindi ko namang mapigilang hindi mangisi at matawa sa nakita ko kanina. Grabe naman kasi! Ang epic pala mag-duct face ni bes. Partida, tulog pa yan at walang camera ah? Nako, buti na lang at hindi ko naisipang kunin ang cellphone ko sa bag ko ang kuhaan ng litrato si bes. Baka magalit e, hehe!


“Hoy! Ano nginingisi-ngisi mo dyan? May saltik ka na ba?” Pagtatanong niya sa akin.


“Wala ah?! Masama ba tumawa?!”  Tugon ko naman sa kanya.


“Oo masama! Lalong-lalo na kapag hindi ko alam ang dahilan ng pagtawa mo!” Padabog niyang sabi.


“Hahaha!” Patuloy na pagtawa ko.
Tahimik. Bigla namang nagbago ang mood ni bes, parang nairita ito sa patuloy na pagtawa at pagngisi ko.


“Hoy? Natahimik ka?” Pagtawag ko sa kanya.


Dedma.


“Bes!”


Dedma pa rin.


“Bes? Ano bang problema?” Seryoso ko nang tanong sa kanya.
Tumingin ito sa akin. Matagal na tingin. Nakakatunaw na tingin ngunit mistulang naiinis ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Sinabi kong wala, pagod na ako. Umuwi na tayo.” Walang gana niyang tugon.


“Umuwi ka magisa mo! Dito lang ako!” Pagmamatigas ko sabay hinto sa tapat ng isang puno malapit sa park na pinaglalakaran namin kanina.


“Ano ba bes? Gabi na oh? Umuwi na tayo? Inaantok na ako..” Malamig niyang tugon.


“Yoko!” Pagmamatigas ko.


“Bessss??!!”


“Hindi ako uuwi hanggat hindi mo sinasabi kung bakit ka nayayamot?!” Malamig ko na ring tugon. Technique lang yan para sabihin niya sa akin kung ano ba ang problema niya.


“Eh bakit ikaw? Hindi mo nga sinasabi kung bakit ka ngisi ng ngisi at kung bakit ka tawa ng tawa e..” Depensa naman niya.


“Ahh, so yun pala?”


“Oo! Malay ko ba kung pinagtatawanan mo na ako kasi may kulangot akong nakasabit! O di kaya may amoy na ako?” Sabi nya sabay amoy sa kanyang t-shirt. “Hindi naman ah?!”


“Wahahahahaha!” Pagtawa ko. Grabe! Ang cute nya nung sinabi niya yun. Minsan ang sarap pala rumesbak ng pangti-trip kapag may chance haha!


“Nyeh nyeh nyeh! Funny! Very funny!” Sarkastiko niyang tugon at tila naasar na sabay talikod at naglakad na ulit.


“Oy bes! Intay! Wuy! Sorry na! Bes?” Pagtawag ko sa kanya. Hinabol ko naman siya. “Bes? Sasabihin ko na kung bakit?”


“Bakit ba kasi?”


“Eh kasi ikaw e! Nakakatawa kaya yung itsura mo kanina habang natutulog..”


“Ano bang itsura ko kanina?”


“Ahhh.. Ehhh.. Ganito oh?” Sabay gaya sa ginawa niyang panunulis ng nguso habang papikit-pikit pa. Hindi ko na napansin kung naiinis o napipikon ba siya sa ginawa kong pagpo-portray sa itsura niya kanina. Bigla ko na lang narinig ang..


“Bwahahahaha!” Ang narinig ko. Pagkamulat na pagkamulat ng mata ko sa mula pagpoportray ng kanyang mukha ay nakita ko naman ang cellphone niya na nakatapat pa sa aking mukha. Arrrrggghh! Nag-stolen shot siya sa akin. Naisahan niya ako dun ah?


“Bes! Pakto ka! Burahin mo yan!” Sabi ko sa kanya.


“Bleeehhh! Habulin mo muna ako! Hahaha!” Pangaasar niya sabay takbo. Hinabol ko si bes. At naghabulan pa kami bago kami umuwi. Ano pa bang magagawa ko? Cellphone niya yun e. Hinayaan ko na lang! He should wait for my revenge! Bwahaha!


Ihahatid niya pa sana ako sa bahay ngunit hindi ko ito pinayagan dahil gabi na nga masyado. Kaya naman umuwi na lang kami in separate ways.







Monday. I feel uneasy. Ewan ko ba, dahil sa weather lang siguro. Ang init-init kasi dito sa classroom namin e. Badtrip din kasi yung professor namin sa psychology. Hindi naman ipinagbabawal na gamitin ang audio visual room. Bakit kaya dito pa kailangan magklase? Effort niya pa ang magdala ng projector at laptop niya araw araw.


And dumating na nga ang professor namin.


“Good morning class..” Masungit niyang pagkakasabi.


“Good morning ma’am..”


“I assigned all of you to create a one hundred words essay about your reaction to the Cognitive Perspective in Psychology right?”


Tahimik, walang sumagot. Ang iba kasi sa amin ay walang assignment at umaasa na lang na makalimutan ni ma’am yung assignment.


“Okay nice talking..” Napahiyang sabi ng professor namin. “Akala niyo siguro makakalimutan ko noh? Well? Okay, pass your assignment now..” Paguutos niya.


At buti na lang ay nakagawa ako kahapon kahit na halos hindi ako magkanda mayaw sa kilig sa bonding namin ni Xander noong sabado.


“Teh! Buti kapa may gawa..” Panghihinayang ni Nerrisse.


“Bakit wala kang gawa teh?”


“Kasi si Lemuel eh!”


“Oh anong meron kay Lemuel?”


“War kasi kami noong weekends. Ayun todo mukmok ako. Hindi tuloy ako nakagawa.”


“Ganun ba teh? Nako ayusin nyo yan. Pero, mas ayusin mo ang studies mo teh. Wag kang magpaapekto sa 
mga ganyang awayan..” Pagpapayo ko sa kaibigan.


“Okay class, lend your ears first to me.” Pagsisimula ng professor namin maglesson.


“Uhm, okay class. To start, I want to show you an image.” Sabi ng professor namin sabay pindot sa kanyang powerpoint presentation at pinakita ang image ng isang iceberg. “Okay, miss Rizza? What did you see in the image?” Pagtatanong niya.


“An iceberg ma’am?”


“Correct. That is an iceberg. Alam niyo ba class na ten percent lang ng iceberg ang madalas na’ting makita. Ang sabi nila ay yung ninety percent daw ng part ng iceberg ay nakalubog sa dagat. So, heto yung madalas na ginagamit na graphical presentation sa behavior ng isang tao.” Sabi niya. Namangha naman ako dahil nabasa ko na rin sa isang libro noon habang nagrereview kami ni bes for our entrance examination na partial part nga lang daw ng iceberg ang nakalutang at ang bigger part daw nito ay nakalubog sa dagat.


“According to the psychodynamic perspective in psychology, man’s behavior is driven by the unconscious, motives, desires and wishes. It simply means that, ang mga kagustuhan ng tao ang nagpapagalaw at ang ginagawang basehan ng pagaalam at pagiintindi ng paguugali ng isang tao.” Pagpapaliwanag ng aming professor. “Parang ang iceberg, our behavior was based on the large amount of unconscious activities done by us..”


Humanga naman ako sa mga information na ibinahagi sa amin ng aming prof. Ang sarap din pala pagaralan ng psychology dahil talagang maiintindihan mo kung bakit ganun ang ugali ng isang tao, at kung paano mo iintindihin ito. Dinagdag pa ni ma’am na ayon kay Sigmund Freud na isang psychologist ay napakahalaga ng mga childhood events sa ating buhay. Ngunit, isang impormasyon naman patungkol pa rin sa topic na yun ang nakapagpa-aroused ng curiousity ko na mas makinig pa kay ma’am.


“Also, Freud stated that man is born with two instincts. Those are sex and aggression.” Syempre nagulat naman ako dun. May mga ilang kaklase din akong tila na-curious sa sinabi ni Freund na nasa instinct pala ng tao ang sex.


“So, meaning ma’am lahat ng tao? Inborn sa pagiging malibog? Haha!” Pabirong tanong ni Rex.
Nagtawanan naman ang mga classmate namin.


“Shhhhhhh! Class?! Quite please?!” Paninita ng aming guro. “Very good question Mr. Rex. Hmmm? I just want to elaborate more na ang sex na sinasabi na perspective na ito is anything that is pleasurable, measurable and satisfying. Examples are, ang pagkain, ang pagtulog, ang paglalaro, ang pagtetext, or anything na makakapagpasaya o makaka-satisfy ng mandates ng tao ay maituturing na sex. And yeah, sexual intercourse is also a sex because it is pleasurable.” Pagpapaliwanag ng aming professor sa amin. Umani naman ng iba’t ibang reaksyon ang sinabi sa amin ni prof. Ngunit, isa lang ang pumasok sa isip ko. Si Xander.


So, ang ibig sabihin pala ay hindi siya aware or unconscious siya habang ginagawa niya ang nangyari sa amin noon? Ibig sabihin pa nun ay nagpadala lang siya sa libog na nararamdaman niya sa akin noon at hindi siya aware kung ano ba ang mangyayari after nun at kung ano man ang mararamdaman ko after ng ginawa namin? Ngunit sa kabilang parte ng utak ko ay hindi ko rin naman siya masisisi sapagkat ginusto ko rin naman ito. Kung sabihin man na’ting “trip” lang yun o tulad ng pinagaaralan namin sa psychology ngayon na “anything that is satisfying or pleasurable” lang ginawa niya ay hindi ko pa rin ito dapat seryosohin.


Natapos ng klase na parang wala ako sa sarili. Up to now kasi ay iniisip ko pa rin ang tungkol sa amin ni Xander. Ang sakit lang kasi isipin na nainlove ako sa bestfriend ko dahil sa sweetness, sa mga birong paghalik at sa ginawa namin noon. Dagdag pa ng wala akong masabihan at hindi ako makapag-unload dahil yung taong dapat kong sandalan ay siyang dahilan ng sakit na nararamdaman ko.


Pumunta ako ng library dahil nagtext sa akin si Xander na doon daw muna kami mag-stay. Break time ko kasi after ng psychology namin.


“Huy bes! Alaluts ka?” Pamumuna sa akin ni Xander habang nakatulala ako.


“Ahh.. Ehh..” Wala sa sarili kong sagot.


“Puyat ka na naman noh? Tsk tsk tsk! Sinabi na kasing wag dalasan ang pagsinghot e! Tsk tsk!” Pangaasar ni Xander. Loko to ah? Kung alam nya lang kung sino ang gusto kong singhutin! Siya lang at siya lang! Haha!


“Litsi! Badtrip to!” Naiirita kong sagot. Tumawa naman siya.
Tahimik.


“Bes? Next week na ang acquaintance party na’tin ah? Pupunta ka ba? Pagtatanong sa akin ni Xander.


“Uhm.. Baka hindi bes..” Seryoso kong sagot. Actually, wala naman sa balak ko ang dumalo sa acquaintance party dahil wala nga akong partner. Si nerrisse ay kapartner na ang boyfriend niya, same as Rizza. May cotillion kasi at gusto ko ding ma-experience ang makapagsayaw. Ang kaso wala naming ka-partner. Hayyss! Kung pwede lang sana tong si Xander e.


“Bakit naman?!” May pagtataas ng boses niyang reaksyon. Nagulat naman ako.


“Oh bakit galit ka? Wala kasi akong partner sa cotillion kaya ayaw ko nang umatend sana. Ang kaso pinipilit pa rin ako ng barkada na pumunta.” Sabi ko sa kanya.


“Pumunta ka na kasi. Hindi naman compulsory yung cotillion na yun e. Kung sino lang yung may gusto.” 


“Eh, ano ka ba bes? Noong prom nung high school wala akong naisayaw. Hanggang ngayon wala, maiingit lang ako. Teka? Ikaw ba may isasayaw ka?” Pagtatanong ko sa kanya.


“Oo bes, niyaya ako ni Trina e.” Pakarinig ko naman ng pangalang Trina ay kumulo agad ang dugo ko. What more pa kaya noong malaman kong isasayaw niya ang taong mahal ko? E di natuyo na ang dugo ko sa sobrang kulo? Tsk! Sa dinamidami ng babaeng isayaw si Trina pa? Wala ba tong idea na obsessed sa kanya yung babaeng yun? Para tuloy lalo akong na-discourage na dumalo sa acquaintance party next week.


“Bakit si Trina bes?” Disappointed kong sagot. “Alam mo naman yung babaeng yun kapag sinaniban e.” Sabi ko sa kanya.


“Wala akong magawa bes e. Baka kasi kung anong isipin ng mga classmates ko kapag tinangihan ko. Kaya pumayag na lang ako. Sayaw lang naman e.” Pagpapaliwanag niya. Napabuntong hininga na lang ako. Wala naman akong magagawa e. As if naman na may magawa ako di ba? Bestfriend lang ako. At- at hindi boyfriend.


“Okay.” Naisagot ko na lang.




Napansin ko naman na bigla siyang ngumiti. Hindi ko alam kung bakit ngumiti siya. Yun bang ngiting tagumpay at nakakaasar?! Loko to ah? Hindi niya ba alam na naasar ako na ka-partner niya sa cotillion ay kaaway ko.



Xander’s Point of View:



I saw him smiling. Hindi kaya? Hindi kaya nagseselos siya? How I wish na sana yung expression niyang iyon ay hindi lang dala ng inis. Sana talaga ay nagseselos siya dahil tinangap ko ang alok sa akin ni Trina. Dahil doon mapapatunayan ko na may special feelings sa akin si bes.


Assuming? Yeah, I know. But since noong may napanuod akong tv program at tinalakay doon ang “being in love with your bestfriend” ay nabuhayan ako ng loob. Ano nga bang masama kung i-take ko ang risk? Yeah, mahalaga sa akin ang friendship namin ni Colby. He was my bestfriend since highschool. But I have to get this out of my chest. Kailangan ko magtapat. Kailangan ko sumugal. Dahil hindi habambuhay matatago ko at mapipigilan ko ang nararamdaman ko para sa kanya.


But the problem is, paano ko maibabalik yung friendship namin after I confess? Ah, bahala na. Basta gagawin ko ang lahat. Para sabihin ang nararamdaman ko. Dalawa lang naman ang pwedeng maging resulta nito e. Kung iiwas siya o kung magiging kami, at gagawin ko ang buong makakaya ko upang manalo kung ano man ang maging resulta ng gagawin kong pagamin.


Alam ko, kaya ko to.


Para sa pagibig ko sa bestfriend ko.




Colby’s Point of View:



One day before the acquaintance party. Still, undecided pa din kung pupunta ba ako. Una, ayoko maburyo doon dahil nga isa ako sa mga nakaupo lang dahil majority ng mga classmates ko ay may kasayaw. Siguro ay lilima lang kaming walang kasayaw. Ayaw din naman kasi nila. At parang tinamad na rin kasi akong maghanap ng isasayaw.


Second, masasaktan lang ako kapag nakita kong hinihigad na naman ang bestfriend ko. At ayaw ko lang mapaaway dahil one thing is for sure, hindi ma-sasatisfied ang babaeng iyon sa pakikipagsayaw niya kay Xander. I know, gagawa na naman yun ng iskandalo.


Sa umagang iyon ay maaga ako pumasok upang makapagreview dahil may long test kami sa isang subject. Nasa gitna ako ng pagiisip kung pupunta pa ba ako bukas ng biglang..


“Teh!” Pagtawag sa akin ni Nerrisse sabay tapik sa balikat ko.


“Oh teh? Aga mo pumasok ah? Kamusta kayo ni Lem? Bati na ba?”


“Oo teh! Bati na din.” Tugon ni Nerrisse. “Oy teh! Sumama ka na bukas sa acquaintance. Minsan lang to oh?” Pagyayaya ni Nerrisse.


“E kasi teh!” Paalinlangan ko. “Baka hindi ako mag-enjoy dun?”


“Bakit naman?”


“Ehh kasi… teh.. kasayaw ni Xander yung impakta..”


“Oh? Si Trina?” Gulat niyang tanong.


“Oo yun.”


“Teka. Teka. Teka? Anong masama dun? Sayaw lang naman e.” Shit! Masyadong obvious na nagseselos ako. Walang idea si Nerrisse sa nararamdaman ko sa bestfriend ko. Tinignan ko siya. Nakangiting tagumpay. “Nagseselos ka na noh?” Sabay bulong sa akin ni Nerrisse. OMG! Nakuha niya.


“Ahh.. Ehh.. Hindi teh! Bestfriend ko yun! Ano ka ba? Hindi naman yun katulad ko e.”


“Hay nako teh! Natatandaan mo dati? Huling huli kita noong nakatingin ka sa kay Tristan? Doon pa lang, huling-huli na kita. Tapos yang mga actions mo na yan? Sorry teh! Pero kaibigan kita. At kilala kita.” Pangiintriga ni Nerrisse.


“Uy! Wag ka naman maingay dyan! Baka may dumating na classmates natin at marinig.” Pagsusuway ko sa kanya.


“So? Totoo nga?” Pangiintriga niya.


At dahil wala na rin akong takas ay napatango na lang ako. Hindi naman magkanda-mayaw sa pagtili si Nerrisse sa pagamin ko.


“Ang problema ko nga teh is bestfriend ko siya. Kapag umamin ako ano na lang ang magiging reaksyon niya? Mapapahiya lang ako. Masasaktan. Teh,hindi siya tulad ko. Natatakot ako na baka ma-risk yung friendship namin.” Pagamin ko kay Nerrisse.


“Alam niya na ganyan ka di ba?”
Napatango na lang ako.


“Kung bestfriend siya. Matatangap ka niya. And dahil alam niyang ganyan ka syempre dapat sa una pa lang inisip niya na maaring mangyari to.” Pagpapaliwanag ni Nerrisse. Sabagay. “Teh. Wag kang matakot sumugal. Kasi malay mo he also feels the same. Malay mo hinihintay ka lang niya na mauna dahil hindi din siya sure and vice versa.”


“Pero, pwede ding hindi mutual yung nararamdaman niya.”


“At least sinabi mo. Mahirap magtago sa isang sikreto na binabalak mong itago ng panghabambuhay. Nasasakanya na lang ang pagtangap. Oo nga’t pinahahalagahan mo yang pagkakaibigan nyo. Pero di ba more than that ang hinihiling mo? Hindi ka patatahimikin ng kagustuhan mo hanggat pinipigilan mo. Kasi the more na pinipigilan mo, lalong lumalala. So, much better na sabihin mo.” Tama si Nerrisse. She got the point. But, for me its just an alternative point na hindi ko kayang gawin. Xander was my bestfriend since high school, and it’s very difficult for me to confess. Hindi dahil sa nahihiya ako kung hindi natatakot ako na mawala siya.


“Its okay, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Basta akin lang teh, aminin mo kapag hindi mo na kaya. Kasi kapag mas tinatago mo mas masakit. Kapag pinipigilan mo mas lalo mo lang gugustuhin..” Pagcocomfort sa akin ni Nerrisse. Niyakap niya ako. Hindi na rin napigilan ng luha ko na tumulo noong yumakap ako kay Nerrisse. “Attend ka na lang bukas ah? I assure na mageenjoy ka. And I’m sure hindi mo makakalimutan ang mangyayari.”


“Huh?” Nagtataka kong tanong. Anong hindi makakalimutan?!


“Yeah, kasi hindi namin hahayaang ma-bored ka. Kaya pupunta ka bukas ah?” Sabi ni Nerrisse.


“Sige. Okay teh..”


Kaya naman napagdesisyunan kong umattend na lang ng acquaintance kahit na hindi ko gusto. May tiwala naman ako kay Nerrisse na hindi nila ako hahayaang mabagot sa party na yun e.


Sabay na sana kami ni Xander na pumunta sa venue kaso ang sabi niya naman ay mauna na daw ako dahil hindi pa daw siya prepared. Kaya naman nauna na lang ako na pumunta sa venue ng party.


Sa entrance pa lang ng venue ay napakaganda na. Halatang pinaghandaan talaga ang acquaintance party na ito. May mga kulay pink at blue na balloons at ribbon na nakasabit sa entrance at may mga nagkalat ding mga balloons and confetti sa sahig. Sa gilid ng entrance ang registration booth kaya naman before ako pumasok ay nagregister na muna ako para makakuha ng pass.


Pagkatapos ko magregister ay pumasok na ako sa loob ng venue. Napakaganda ng pagkakadesign ng venue. Everything was covered by color sky blue and pink. Actually, favorite ko kasi ang sky blue. Tapos mayroon pang mga instruments sa stage kung saan may tutugtog daw na sikat na banda mamaya. Parang yung setting lang nung Senior Prom naming, kaso mas bongga to!


Hinanap ko sila Nerrisse sa gitna ng napakaraming tao. Hala! Asan yun?! Bakit hindi ko sila makita. Late na nga ako halos dumating e. Kaya naman tinext ko na lang siya.


Ako: Teh? San kau?


Agad naman siyang nagreply.


Nerrisse: Papunta na kami dyan. Nagintayan pa kasi kami e. OTW na.


Hinintay ko nga sila and after five minutes ay sabay sabay nga silang nagdatingan. At ang pinagtataka ko ay kasabay nila ni Xander. Siguro ay nakasabay lang nila ito sa entrance.


Shit! Ang gwapo ni bes! Para akong hihimatayin sa ka-gwapuhan niya. Ayos na ayos kasi siya. Naka-long sleeve na white siya at may color brown na vest na mas lalong nakakapagpa-gwapo sa kanya. Nakakamatay ang mga ngiti nito kahit sa malayo pa lang. What more kapag lumapit pa?! Haysss!


Napansin ko naman na karamihan ng mga kakabaihan sa party ay tumitingin sa kanya. Shet! Attention seeker talaga ang kagwapuhan ng bestfriend ko!


At nagtipon-tipon na nga kami nila Nerrisse. Si bes naman ay pumunta na sa mga classmate niya ng hindi man lang ako pansinin at punahin ang ayos ko. Nakakatampo man pero anong magagawa ko?


At nagsimula na ang party. May mga banda na nagperform at may mga solo singer din na kumanta. Hindi man ganung kasikat yung mga singer pero magaganda naman ang boses nila na nakakapagpabuhay ng gabing iyon.


Noong upbeat songs na ang pinatutugtog ay hindi naman namin maiwasang magsayawan sa harap ng mga classmates ko. Hindi alintana ang mga dress and gowns na suot basta makapagsayaw na lang. Grabe! Laughtrip nga ako dahil noong tumugtog yung isang banda ng isang upbeat na kanta ay hindi napigilang mag head bang ni Rizza. Grabe! Tama si Nerrisse. It’s unforgettable.


At dumating na nga ang part na event na pinakakinaasaran ko. Ang cotillion dance. Isa isa nang nagsipuntahan sa harap ang mga magpapartner. Pati si Xander at si Trina ay nandun na rin. Napakaganda ni Trina ng gabing iyon, ang ganda niya at hindi halata sa itsura niya ang pagkamaldita niya. Bagay na bagay sila ni Xander (ouch!) kung titignan mo.


At nagsimula na ang cotillion.Ang sweet sweet ng mga magpapartner. Si Nerrisse at si Lemuel at masaya at malumanay na nagsasayaw. Ganun din ang iba kong mga classmates. Samantalang ako? Heto, nga nga. Ang lalaking pangarap kong maisayaw ay ayun. Sinasayaw ng bruha.


At nadako ang mata ko kila Xander at Trina. Bawat hakbang ng kanilang mga paa at sa pagdidikit ng kanilang katawan ay parang hinihimay-himay naman ang puso ko sa sobrang selos. Masakit? Yea, dahil nagseselos ako at mas masakit dahil wala akong karapatan magreklamo. Dahil.. bestfriend lang ako.


Pinagmasdan ko sila. Nakangiti si Xander. Hindi alintana kung nasasaktan ba ako dahil kasayaw nya ang taong minsang nangulo sa akin at patuloy na nangugulo sa ngayon, pero parang ang saya saya nya pa. Hayyyssst! Sana ay alam niya ang nararamdaman ko sa ngayon. Na ang isang taong mahalaga sa buhay niya ay nasasaktan niya ng hindi nya alam.


After ng tatlong kanta sa cotillion dance ay natapos na din ito. Sa wakas ay natapos na din ang paghihirap ng loob ko. Tsss! Pero, tatlong minuto na ang nakakalipas ay wala pa rin sila Nerrisse sa kanilang mga upuan. Tinignan ko sila sa di kalayuan at sinensyasan nila ako na magpapalit lang daw sila ng damit sa comfort room.


Habang tumutugtog ang banda sa stage ng party ay bigla namang nagvibrate ang cellphone ko. May tumatawag. At dahil maingay sa lugar namin ay pumunta ako sa may entrance upang sagutin ang tawag.
Noong kinuha ko ang cellphone ko ay nagpop-up sa screen ang. Calling bes.


“Hello bes?” Ngunit maingay din ang dating ng kabilang linya. Medyo choppy but naririnig ko na nagsasalita siya. “Hello bes? Hello? Choppy ka bes? He—“ Naputol na lang ang pagsasalita ko ng biglang may naramdaman akong pumulupot na tela sa mata ko. Shit! Ano to?!








-         -  I T U T U L O Y 

1 comment:

  1. ano yan di ko magets puro ganyan mas ok yung dating conversation pero bakit naging ganyan wew

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails