Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By: Baste31 - j.a.c.
Chapter 15: Unfair
Please Click The Link For Previous Chapters: COMPILATION
"ahh
ganon po ba Nay, sige po salamat." hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman
ko matapos malaman ang balitang pagpunta ni Louie kina Diane sa probinsya. At
ang masakit pa di man lang nya sinabi sa akin na aalis sya. Ngayon pang may
problema ako saka naman nya ako iniwan! Kaya dali dali kong pinuntahan si Mama
para kausapin.
"oh Christian what's wrong?" "Ma, bakit di mo
sinabi sa 'kin na nagpaalam sa 'yo si Louie na aalis sya?"
"ah e
magkasama kayo di ba? I thought alam mo na."
"e bakit di mo
pinigilan?" "bakit ko naman sya pipigilan anak? Isa pa nagpaalam sya
ng maayos at pumayag kami ng Papa mo.. There's no reason para pigilan namin
sya."
"saan daw po bang probinsya sya pumunta?" "hindi na
namin tinanong ng Papa mo, ang sinabi lang nya bibisitahin nya ang kababata
nyang si Diane.."
"hay.. Ok Ma." isang malalim na bugtong
hininga na lang ang nagawa ko.. Ano pa nga ba magagawa ko wala na nakakaalis na
si Louie, gustohin ko mang puntahan sya ilang araw na lang magsisimula na ang
second semester.
Kapag naiisip kong pinuntahan ni Louie si Diane parang
nahihirapan ang kalooban ko, parang nagseselos ako na hindi ko mapaliwanag.
Bakit kailangan pa nyang iwan ang cellphone nya, para ano? Para ba hindi ko
sila maabala ni Diane? Hay ang hirap naman kapag wala kang kaibigang
mapagsabihan ng mga nasaisip mo. Arghh..
Ilang
linggo ang lumipas at walang pinagbago sa sitwasyon ko. Pumapasok ako sa
company namin pero halos hindi ko iniintindi ang mga itinuturo sa akin ni Papa,
yung mga pinapagawa nya pinapagawa ko din sa sekretarya nya. Kadalasan pa
tumatakas lang ako sa office at gumagala, humahanap ng lugar kung saan
matatahimik ang isip ko. Nandyan na uminom ako sa bar, makipagflirt sa mga girls
at umuwi ng dis-oras ng gabi. Hindi naman ako pinagsasabihan ni Papa kahit
ganon ang ginagawa ko.
Pinalitan ko na rin ang wallpaper ng cellphone ko at
yung bracelet na bigay sa'kin ni Paul sa Palawan di ko na rin sinusuot.
Nakakabagot ang buhay, napakahirap mag-ubos ng oras kapag di ka nag-eenjoy sa
mga ginagawa mo. Isang araw pag-uwi ko ng bahay galing ng office sinalubong ako
agad ni Mama, gusto raw nya akong makausap. Sinabi sa akin ni Mama na dumalaw
daw ang parents ni Paul kanina.
Pagkakita pa lang daw nya sa kanila alam na raw
nya na may problema ang mga ito. At ng magkausap daw sila ikinuwento nila ang
di maganda nararamdaman nila sa mga ikinikilos ni Paul magmula ng umuwi ito ng
may pasa sa mukha. Sabi daw ni Paul na nauntog lang sya kung saan. Medyo may
duda nga si Mama sa mukha ng kinukwento nya yun. Sa mga tingin nya sa akin
parang sinasabi nyang
"hindi naman sana ikaw ang dahilan ng pasang yon
Christian?" na sya namang hindi ko pinansin. Oo nga raw at pumapasok ito
sa isang malaking company sa Makati pero parang wala namanitong kabuhay buhay.
Kapag aalis ng bahay matamlay at kapag uuwi naman malungkot at kung minsan
hindi na nakakakain ng dinner.
Kaya minabuti na raw nilang kausapin si Mama sa
mga nangyayari pero dahil wala rin naman daw syang alam sinabi na lang ni Mama
sa parents ni Paul na kakausapin nya ako para malaman kung ano nangyayari at
tatawagan sila kung sakali. Pagkatapos i-kwento yon ni Mama k-nonfront nya ako.
"Christian tumingi ka sa'kin. I know there's something wrong. Alam ko yon
dahil Mama mo ako. And whatever it is na pinag-awayan nyo ni Paul, i think its
better na pag-usapan nyo. Ganon talaga ang mga magkakaibigan minsan may
misunderstandings, for the sake of your friendship ibaba nyo muna ang pride nyo
at mag-usap. And I hope hindi ikaw ang dahilan ng pasa ni Paul sa mukha. Kilala
ko rin si Paul alam kong willing syang makipag-usap malamang nahihiya lang
syang lumapit sayo." wala naman akong maisagot kay Mama kung hindi
"opo" sa mahabang advice nya sa akin.
"ano Christian? Promise to
me na kakausapin mo si Paul."
"susubukan ko Ma."
"Promise
me!"
"hay.. Ok I promise"
"good" um-oo na lang ako
para matapos na ang pangungulit ni Mama. Pagkatapos non binigay ni Mama ang
skedule ng pasok ni Paul sa company na pinapasukan nya at inaya nya na akong
mag dinner. Mga ilang beses ko rin sinubukang puntahan si Paul sa company na
pinapasukan nya bago ako umuwi galing sa office.
Pero nasa baba pa lang ako ng
building nila parang hindi ko makaya na maglakad pa papunta sa kinaroroonan nya
kaya nauuwi din ako sa hindi pagtuloy na makipagkita sa kanya. Isang beses
pagkagaling ko ng office naisipang kong gumala, ewan ko ba kung bakit pero
parang hinihila ako ng paa ko papunta sa pinapasukan ni Paul kahit alam kong
malamang nag-out na yon dahil 5pm na.
Sa paglalakad ko nahagip ng mata ko si
Paul naglalakad ng mag-isa kaya sinundan ko lang sya ng palihim. Palakad lakad
lang sya pero wala naman pala talagang pupuntahan. Parang napaka lalim ng
iniisip nya at ang tamlay tingnan.
Lalapitan ko na sana sya ng may lumapit na
dalawang lalake, uniform pa lang alam ko nang sa school namin sila nag-aaral
kaya hindi na muna ko lumapit at sinundan na lang sila. Umakbay yung isang guy
kay Paul at nagsalita. Hindi ko marinig yung pinag-uusapan nila dahil nasa
likuran nila ako pero sa tingin ko sa kanila parang kinukulit nila si Paul o
kung ano.
Ilang segundo pa mukhang nagkakainitan na sila sa pagtatalo,
hinawakan si Paul sa kamay. Mukhang nasasaktan na si Paul sa ginagawa ng isang
lalake at kahit na kayang lumaban ay ayaw niyang gawin. Kaya ng hindi na ako
nakapagpigil, ang bilis kong nakalapit sa kanila at binanatan ang mga lalakeng
humaharass kay Paul.
"HOY
MGA GAG* KAYO, ANO GINAGAWA NYO KAY PAUL HA?!!" syempre di sila umubra sa
kamao ko, kaya ayun nagtatakbo yung dalawa na parang tuta at nagbanta ng kung
ano-ano. Dahil sa gulong ginawa namin lahat na halos ng dumaraan sa lugar namin
nakatingin na kaya hinablot ko ang kamay ni Paul at inilayo kami sa kalyeng
yon. Nang makalayo kami ni Paul pwersahan nyang inalis ang kamay nya na
hinahahawakan ko.
"teka nga, bakit ka ba nakikialam Ian? Hiningi ko ba ang
tulong mo?"
"ikaw na nga tinutulungan ikaw pa galit. Sinasaktan ka na
nung mga lokong yun, ano gusto mong gawin ko manuod lang?" ngumisi si Paul
tapos nagsalita.
"hih, ayos ha. Kapag iba ang mananakit sa'kin magagalit
ka! Pero kapag ikaw AYOS LANG?!!" hindi naman ako nakasagot at makatingin
kay Paul sa mga sinabi nya. Tama naman sya, nasaktan ko sya. Yumuko na lang ako
at humingi ng tawad sa kanya.
"Sorry Paul, im sorry nasaktan kita. Hindi
ko sinasadya, nabigla lang ako at.. Kaya nga gusto kitang makausap, para
mag-sorry sayo." nang mapansin kong tahimik si Paul, gumilid ang mata ko
papunta sa kinatatayuan nya. Naglakad na pala palayo si Paul.
"Ok lang
yon, wala na yon sa'kin." ang sabi ni Paul na mukhang lumuwag na ang
dibdib.
"talaga? Hindi ka na galit sa 'kin?" excited ako na sumunod
kay Paul.
"galit pa rin! Gusto nga kitang sapakin ngayon sa mukha mo para
makaganti." napangiti na lang ako kasi hindi pagalit ang tono ni Paul ng
sabihin nya yon.
"Sige suntok na.. Dito oh para makaganti ka na.
Heheh" tinuturo ko pa mukha ko sa harap nya pero hindi naman nya ko
sinuntok.
Kaya lalo akong napangiti dahil napakabait talaga ni Paul sa akin
hindi sya yung tao na nagtatanim ng sama ng loob, agad syang nagpapatawad kapag
may humingi sa kanya ng sorry. Kaya ang ginawa ko inakbayan ko sya, napatingin
naman sya sa akin at nagsalita.
"oh bakit ka umaakbay?"
"wala,
masaya lang ako. Bawal ba umakbay sa bestfriend ko?" ang tanong ko kay Paul
na may halong kalokohan.
"hindi, nakakaasiwa lang kasi alam mo
namang-"
"-teka lang Paul, pwede ba tayong mag-usap?" kaya
nagpunta kami ni Paul sa isang bar at doon nag-usap ng masinsinan.
Pumili kami
ng pwesto na makakapag-usap ng maayos at nag order kami ng beer at pulutan pero
halos hindi naman namin nagalaw. Ni hindi tinikman ni Paul yung beer sa baso
nya nawalan na nga ata ng lamig. Nagkwentuhan kami ni Paul, nanghingi ako ng
sorry at pinatawad na rin naman nya ako. Nang makuha ako ng pagkakataon..
"Mahal mo ba talaga ako Paul?" Parang napipi ata si Paul at hindi
nagsalita. Sa di pagsagot ni Paul parang nag-iba ang masayang mood namin
kanikanina lang kaya..
"ah OK lang wag mo nang sagutin pasensya ka na sa
ta-" "Oo" ang sagot ni Paul na pumutol sa pagsasalita ko.
Tuluyan nang naging siryoso ang usapan namin ni Paul nang mga sandaling yon.
"pano kung-"
"hindi mo naman kailangan magbago, hindi ko naman
sinabing mahalin mo rin ako Ian."
"tingin mo ba fair yun sayo?
Masasaktan ka lang kapag pinagpatuloy mo pa yan."
"alam ko yon, kaya
ayaw kong ipaalam. Alam kong may magbabago sa atin."
"saka pano mo
naman nasabing Love na yan? Pano mo nasabing mahal mo ako? Kaya mo bang
patunayang mahal mo ako?"
"hindi ko alam kung pano papatunayan. Pero
hindi ibig sabihin non.."
"pano kung may gusto na akong iba? Lalo
lang kitang masasaktan. Tingin mo ba fair sa akin yon?"
"hindi,
pero.." hindi na tinuloy ni Paul ang dapat ay sasabihin nya at sa mga oras
na yon hindi namin napansin na halos maubos na namin yung beer na inorder ko.
Umorder ulit ako ng beer at pulutan, hindi na kami nag-usap ni Paul at para
kaming uhaw na uhaw na inubos ang beer at nagpakalasing. Nang matapos kaming
mag-inuman sumakay kami ng taxi pauwi una akong dinaan ng taxi sa bahay, dala
ng kalasingan kinailangan pa akong alalayan ni Paul para makapasok ng bahay.
Gulat na gulat ang parents ko sa bikas namin ni Paul, hindi na rin pinayagan ni
Mama na umuwi si Paul at sa amin na sya pinatulog.
Binayaran na lang ni Mama
yung taxi at pinaalis na. Sinigurado ni Mama na nakapanik na kami ni Paul sa
kwarto ko at nagbilin na kung gusto ni Paul maglinis ng katawan at magpalit ok
lang na gamitin nya ang mga damit ko. Pagkatapos non bumalik na si Mama at Papa
sa kwarto nila.
Pero
hindi na rin naman nakapagpalit si Paul ng damit at binagsak na lang ang
katawan sa kama. Siguro dala ng alak at gulo ng isip bigla akong naging
madaldal, sinasabi ko kay Paul lahat ng gusto kong sabihin.
"hindi talaga
lahat ng bagay kaya nating makuha kahit marami pa tayong pera lalo na ang
pag-ibig. Love is unfair, minsan may mahal ka pero may mahal namang iba ang
mahal mo, maswerte ang taong nagmahal at minahal ng taong mahal nya. Tapos
hirap pang iprove kung mahal mo talaga ang isang tao. Naalala ko tuloy yung
teacher natin sa English at ang sabi nya "how will you know if that is
true love? If you are willing to sacrifice your life to the one you love, then
we can say that your love is true" e adik naman kasi si Maam, wala nang
saysay malamang true love kung patay ka na!" kahit napipikit na mata ko
tiningnan ko pa rin kung gising pa si Paul. Nang makita kong gising pa rin sya
at nakikinig tuloy na naman ako sa pagsasalita.
"hindi ko naman maisip
kung bakit ako pa napili mong magustuhan. Hay, sana paggising ko nasa bahay na
tayo nila Louie nag-iinuman kasi fiesta at birthday mo. Sana panaginip lang
lahat to." nang mapagod ako kasasalita lumapit ako kay Paul.
"Paul,
sorry ha.. Sorry sa mga nagawa ko. Sorry nasaktan kita" wala namang imik
si Paul pero kita ko ang lungkot sa mukha nya sa mga sinabi ko.
Parang ang
lungkot tuloy ng paligid at kinailangan kong yakapin si Paul ng mahigpit. Hindi
man yumakap si Paul alam kong matagal na nyang gustong maramdaman ang yakap ko.
At bago pa man ako makatulog humalik ako sa labi nya.
To Be Continued
awwwts kilig much!
ReplyDelete