Chapter 17
Hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayare pero gusto kong subukan, pipilitin kong kalimutan ang nararamdaman ko kay alvin, si raymond na ang pinipili ko, kahit alam ko magulo ang papasukin namin kahit natatakot ako, bahala na.
Kinabukasan ay pumasok na kami ni ramond napagdesisyunan namin na kumilos lang ng katulad ng dati para walang makahalata pero sa tuwing walang nakatingin ay hinahawakan niya yung kamay ko, sinasamaan ko lang sya ng tingin sa tuwing ginagawa niya iyo.
" morning sa niyong dalawa." bati samin ni alvin
" morning din" ngiti ko lang sa kanya , ngumiti lang din si raymond
" parang may iba sa inyong dalawa.?" takang tanong ni alvin
" anong iba.?" kunwareng tanong ko sa kanya, nahalata niya ba kami? Mukang tanga naman kasi tong si raymond eh. Pinilit kong ngumiti. Saka tiningnan ng masama si raymond
" ah wala antok lang siguro ako." saad nito saka tumuloy sa upuan nito.
" sama mo naman makatingin wala naman akong ginagawa?" saad ni raymond habang nagaayos ng gamit niya.
" raymond naman eh wag kang masyadong halata.?" hinawakan ko sya sa braso nakita ko naman na tiningnan niya yung kamay ko.
" paranoid mo? Mahahalata tayo kasi kung makahawak ka sakin wagas?" agad ko naman tinangal ung kamay ko sa braso niya. " kumilos ka lang ng tulad ng dati pwede mahal?" bulong niya pa sakin kumunot naman ang noo ko sa huling salita na sinabi niya. " mahal daw" ulit ko sa utak ko.
" anong sabi mo mond.?" maang na tanong ko sa kanya saka nilapit yung mukha ko sa mukha niya.
" gusto mo halikan kita?" asar niya sakin kaya agad ko na lang nilayo yung mukha ko. Saka umayos ng upo.
" good,morning carlos!" bati ni irish saka humalik sa pisnge ko, kahit ako nagulat sa ginawa niya.
" morning din bakit nanghahalik ka sige ka baka masanay ako nyan?" biro ko sa kanya, nang lingunin ko naman si raymond ay nakasimangot lang to.
" amazona pahiram ng notes mo kahapon?" saad ni alvin na nakalapit na pala.
" uy close na kayo?" saad ko, nagkatinginan naman si irish at alvin, pero ngumiti lang si alvin.
" may inamin yan sakin kahapon kaya close na kami" saad ni irish sabay ngiti sakin nang pagkatamis tamis.
" inamin? Anong inamin niya" tanong ko naman
" ah wala nevermind carlos pakiss nga uli?" sabay yuko nito sakin para muling humalik ngunit napigilan nato nang kamay ni alvin. Kaya ang kamay ni alvin ang nahalikan niya
" tigilan mo nga irish" sabi ni alvin saka hinila sa irish. Lumingon naman ako kay raymond pero nakasimangot parin to. Kaya kinalabit ko sya.
" mond?"
" what.?" tanong nito pero hindi sakin nakatingin.
" bakit ka nakasimangot?"
" nagustuham mo yung halik ni irish noh?" saad ito na ikinangiti ko
" muka kang tanga mond huh." biro ko sa kanya. "mas gusto ko yung halik mo." bulong ko sa kanya saka tumayo.
" san ka pupunta.?"
" cr lang" tumango naman sya ako na naglakad palabas ng room. Nang makarating ako sa cr naabutan ko ang barkada ni niel duon tiningnan lang nila ako pero hindi ko sila pinansin at dumeretso lang ako sa isang cubicle duon. Pagkatapos umihi ay pumunta naman ako sa salamin habang nagsasalamin ay lumapit sakin si elmer.
" hello carlos."
" hellow.?"
" kamusta kayo.?" umakbay naman ito sakin ngunit tinanggal ko agad.
" nino.?" takang tanong ko may alam ba sila samin ni raymond. Paano nila nalaman.
" ni raymond di ba kayo na.?" todo ngiti pa to. Para naman akong naestatwa." kamusta kayo?" ulit pa nito lumingon naman ako kala neil at allen nakita ko naman na tumatawa ang mga ito.
" hindi kami. Kaya pwede tigilan niyo ko " saka nagmamadaling lumabas ng cr. Habang naglalakad naman ako pabalik ng room ay may lumapit sakin na classmate namin.
" kayo na.? Bakla ka pala tol" nagtaka naman ako sa sinabi nia.
" what.?" naguguluhan na tanong ko? Paano nila nalaman unang pumasok sa isip ko si raymond kaya nagmamadali akong pumunta sa room hinarap ko naman si raymond. Paglapit ko kay raymond biglang nagtawanan yung mga nasa likod ko. Saka sabay sabay nagsabi ng " uuyyy"
" pinagkalat mo ba.?" gigil na bulong ko sa kanya pero kumunot lang ang noo nia. Nagsimula naman tumulo ang luha ko.
" ano bang nagyayare sayo.?" maang na tanong nito pero sinamaan ko lang sya ng tingin.
" tol sinong naglagay nito sa likod mo?" saad ni alvin na may kinuha sa likod ko. Pinakita naman ni alvin kung ano iyon , isang typriting na may nakalagay na "Kami na ni raymond." halos mamula naman ako sa sobrang hiya. Naalala ko naman yung pag-akbay sakin ni elmer.
" mga bwisit talaga yung mga yun.?" saad ko nalang.
" sino carlos sasapakin ko.?" tanong ni alvin pero umiling lang ako ayoko na palikihin pa yung gulo. Umupo na ko sa tabi ni raymond.
" gusto mo suntukin ko mamaya yung mga yun." bulong sakin ni raymond. Halatang gigil na gigil din ito
" wag na mond."saad ko nalang.
" humanda sila sakin mamaya."
" mond wag na nga. Kulit mo."
" basta."
" subukan mo lang iiwasan na tlaga kita." para naman biglang nagbago ang expression ng mukha nito kaya napangiti ako
" wag naman? Sasapakin ko lang sila" dagdag pa nito.
" edi iiwasan nalang kita." hamon ko sa kanya. Nagkamot naman to ng ulo.
"ok" nasabi nalang niya.
Katulad ng dati sabay sabay parin kaming tatlo sa paglalakad papuntang sakayan. Kaibahan lang wala masyadong nagsasalita tuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang basagin ni alvin yung katahimikan.
" carlos may kasalanan ako sayo." pilit ang ngiti ni alvin ng harapin ako kumunot naman ng noo ko sa kanya saka tumingin kay raymond wala naman akong nakita kakaiba sa reaction nito.
" ano naman yun.?"
" nasabi ko kasi kay raymond yung ginawa natin nung linggo.?" napangiwi naman ako, " sorry" saad pa nito sakin.
" nasabi niya nga sakin na ikinuwento mo ung kabaliwan mo na dinamay mo pa ko." saad ko nalang sa kanya. Saka tumuloy sa paglalakad si raymond naman ay natatawa lang.
" sorry na.?"
" oo na."
" hindi ka galit.?"
" hindi na, nagalit na kasi ako kahapon nung sinabi ni raymond na nakwento mo sa kanya. Pinagkakalat mopa kung gaano ako ka-hot." biro ko nalang sa kanya.
" wow huh." reactions nito.
" may ikinuwento naman si raymond sakin pati pala yun nakwento mo sa kanya hindi ka man lang nahiya." tumingin naman si alvin kay raymond na parang nagtataka. Ngumiti lang ako sa kanya.
" ano sinabi niya.?" tanong niya sakin pero kay raymond parin nakatingin. Si raymond naman nakangiti lang.
" nakuwento mo daw sa kanya yung pagsubo mo sa ano ko.?" saad ko sa kanya halos humagalpak naman ako ng tawa sa gulat na nakarehistro sa mukha nito tumingin naman ito kay raymond.
" tang ina mo raymond huh wala akong sinabing ganun. Gusto mo masapak?" banta nito kay raymond.
" wala ka bang sinabi? alam ko meron eh.?" asar ni raymond.
" hui carlos hindi ko ginawa yun ah?" baling nito sakin.
" anong hindi. Eh di ba?" asar ko din.
" kapal mo huh hindi ako bakla tang ina niyong dalawa huh.?" napatawa nalang ako dahil hindi ko na mapigilan ang tumawa ganun din si raymond si alvin naman nakasimangot lang.
" joke lang tol" akbay ko sa kanya. Pero nagulat ako ng bigla niya kong halikan sa labi. Napatingin naman ako sa paligid kung may nakakita sa ginawa niya buti nalang walang tao sa paligid tiningnan ko naman si raymond kahit ito kita sa mukha ang gulat.
" hayop ka alvin bakit nanghahalik ka." inambahan ko lang sya ng suntok.
" gusto ko lang bakit?" nakangiti nitong saad. " inggit ka noh." baling nito kay raymond. Nakita ko naman na sumimangot lang ito pero sinamaan ko lang sya ng tingin dahil baka masabi nito kung anong relasyong meron na kami.
" tang ina mo alvin huh lakas nanaman ng trip mo.?" asik ko pa dito. Pero ngiti lang ang sagot nito.
" tara na sa kalsada pa kayo naglalandian." saad ni raymond saka tumuloy sa paglalakad.
" mond?" nasabi ko na lang.
"tara na" singit naman ni alvin saka umakbay sakin hinayaan ko naman sya sa ginawa niya saka lumapit kay raymond
" mond.?" tawag ko sa kanya.
"hui raymond?" tawag naman dito ni alvin ngunit hindi man lang to nagbigay kahit isang sulyap nagtuloy lang to sa paglalakad. Tinangal ko nalang yung kamay ni alvin sa balikat ko saka umakbay kay raymond.
" mond mahahalata tayo.? Umayos ka nga?!" bulong ko sa kanya.
" maayos naman ako ah?"
" kapag tayo nahalata humanda ka sakin.?" banta ko sa kanya, tinanggal naman nito ang kamay ko sa balikat niya. Saka humarap samin sabay ngiti.
" ok na?" baling nito sakin. Dahil sa inis ko naglakad nalang ako sumunod naman si alvin sakin.
" may problema ba kayo.?" tanong ni alvin
" wala naman?" sagot ko saka lumingon sa likod nakita ko lang si raymond na tuloy lang sa paglalakad na parang hindi kami nakikita.
" eh bakit ganyan kayo ngayon.?"
" eh kasi nanghahalik ka." saad ko sabay para ng tricycle at sumakay.
" carlos?!" habol sakin ni alvin pero umandar na yung tricycle.
Dahil ayoko pa umuwi ay nagpahatid nalang ako sa sementeryo. Naiinis talaga ko kay raymond ng mga oras na yun kaya pati driver ng tricycle ay nasungitan ko buti nalang mabait ito.
" salamat po manong" saad ko ng makababa na ngumiti lang to sakin saka umalis din. Napabuntong hininga naman ako. Naglakad ako papunta sa mataas na bahagi ng sementeryo saka umupo sa isang puntod duon.
Tama nga ba ang desisyon ko na maging kami ni raymond bakit parang nahihirapan ako handa na ba talaga kami sa ganito. Tanong ko nalang sa sarili ko. Isang malalim na buntong hininga muli ang ginawa ko..
kinikilig nman ako kay alvin at raymond.. haha sino kya sa dalawa ang the right guy
ReplyDelete