“bliss”
Chapter 9
marami pa kaming napagkwentuhan at mukhang nagkasundo naman si raymond at ang ate ko halos sila na nga lang ang nagbibiruan ako naman ay nakikitawa lang maloko kasi si raymond ang daming kwento, ang ate ko naman ay nakikinig sabay tatawa.
"Uwi na ko ate jean." maya maya paalam ni raymond, maghahapon na rin yun.
"hatid mo na sya car" baling naman sakin ng ate ko, tumango lang ako saka tumayo. "tara" sabi ko kay raymond
"sige po una na po ako" paalam ni raymond "balik ka huh" sagot ni ate jean. ngumiti lang si raymond saka tumuloy na kami palabas.
" kulit ng ate mo noh?" saad ni raymond habang naglalakad na kami papuntang sakayan. napansin kong nakangiti parin ito hanggang ngayon.
" makulit talaga yun. ate ko pa nga lang nakilala mo ung bunso namin mas makulit, na kala tita lang sya ngayon." sabi ko naman.
"next time tambay uli ako sa inyo huh." huminto pa to na aktong nagiisip bata.
"ayoko nga" iwas ko ng tingin sa kanya. "please" sabi nito sabay hawak sa kamay ko, para naman akong nakuryente kaya agad kong hinila ang aking kamay.
"oo na tara na mag-gagabi na oh" sabi ko saka naglakad napansin ko naman hindi sya sumunod sakin kaya lumingon ako. nakita ko sya nakatayo lang at nakangiti sakin. "tara" saad ko sa kanya. ngumiti lang sya, tumalikod ako sa kanya dahil ayoko makita niya ang mga ngiti ko. bakit ganito nararamdaman ko. kilig ba to.? nagulat nalang ako ng bigla syang sumakay sa likod ko.
"raymond aray hindi kita kaya ang bigat mo kaya." sabi ko na pinipilit alisin ang mga kamay niya sa pagkakayakap sa leeg ko. "sige na" sabi pa niya na todo ngiti.
"alis na masakit kaya" umalis naman sya. agad ko naman syang binatukan. "aray" reklamo nito. "ang bigat mo kaya." sungit ko sa kanya na ginantihan niya ng matamis na ngiti. di ko maintindihan nahuhulog na ata talaga ko sa lokong to pero hindi dapat unang una lalake sya, mali ito, maling mali..
"oh bakit" tanong ni raymond ng mapansing sumeryoso ako
"ah wala tara uwi ka na" sabi ko nalang
ilang minuto ng makaalis ang jeep na sinasakyan ni raymond pero tulala parin ako sa dereksyon na dinaanan nito. bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko sa kanya alam ko naman na kahit kailan hindi pwede, bakit kailangan ganito ang maramdaman ko. maaring mali lang ako siguro humahanga lang ako sa kanya. ngumiti naman ako. siguro nga.
August 20
alas tres palang ng madaling araw gising na ko karaniwan kasi ang gising ko dapat ay alas kwatro pa. tumayo na ko sa higaan at nagsimula magayos ng damit ko pangpasok ng matapos ay lumabas na ko ng kwarto at nagsimula magtimpla ng kape.
Lumabas ako ng bahay saka tumingala "ang ganda" nausal ko sa sarili ko ng mapagmasdan ang ganda ng kalangitan na punong puno ng mga bituin. ang sarap lang
pagmasdan.
libang na libang ako sa pagtingala ng may mapansin akong tao na nakaupo sa harap ng gate. nagtaka ako kaya lumapit ako. nakasumbrero ito kaya hindi ko makita ang mukha, kumuha naman ako ng pamalo para kung sakaling may gawin itong hindi kanais nais. unti unti ko namang binuksan ang gate base sa pangangatawan muka namang kaya ko labanan ito kung sakali.
Nang makalapit na ko para naman akong natulala ng makita na si alvin pala to. pinagmasdan ko muna ang mukha niya, halata ang pagod dito dahil sa himbing ng tulog nito. ano bang nangyare sa kanya saka paano niya nalaman kung saan ako nakatira kahapon lang nakita ko pa syang sumakay sa jeep. saka ko naman napansin ang gamit sa gilid niya.
"alvin" yugyog ko sa kanya ngunit di sya nagising, tinanggal ko sa ulo niya ung cap saka sinuot sa ulo ko. hang gwapo talaga niya, ilang sandali pa bago sya nagising.
"uy akin yan ah" pagkagising nito sabay turo sa sumbrero niya, ngumiti lang ako.
"ano naman ginagawa mo jan saka paano mo nalaman bahay namin at bakit ang dami mong dala , naglayas ka ba?" sunod sunod na tanong ko sa kanya, napakamot naman sya ng ulo.
"pwede isa isa lang?" pilit na ngiti ang binigay niya sakin, naintindihan ko naman. "tara pasok ka muna" yaya ko sa kanya agad naman syang tumayo bitbit ang dalawang bag na dala niya. aagawin ko sana yung isang bag pero nginitian niya lang ako.
sa kwarto na kami dumeretso para naman tong sabik na sabik sa kama.
"hoy magpalit ka muna ng damit bago humiga. saka ung damit ko baka malukot naman" baling ko sa kanya pero wala na kong nakuhang sagot mula dito dahil nakatulog na ito. lumapit naman ako sa kanya saka pinagmasdan ang mukha nito, halos ilang minuto din ako nakatulala sa mukha nito. ano nga bang problema ng lokong to.
binalik ko nalang sa lagayan ang mga damit ko at nagpasyang wag na pumasok sa araw na yun tutal monday naman, nagtext naman ako kay raymond na hindi papasok nagtanong naman ito kung bakit nereplayan ko nalang sya na tinatamad ako. maya maya pinatay ko nalang ang ilaw saka humiga sa tabi ni alvin. hanggang sa nakatulog na rin ako.
nagising ako na may humahaplos na ng mukha ko. pagmulat ko mukha ni alvin ang bumungad sakin todo ngiti pa . "ung kamay mo" saad nito na nakangiti parin kumunot naman ang noo ko sa kanya sabay tingin sa kamay ko. para naman akong binuhusan ng tubig ng makitang nakayakap pala ko sa kanya. agad ko naman tinaggal sa bewang niya ang kamay ko. hiyang hiya talaga ko kaya tumalikod ako sa kanya.
"ang gulo mo pala matulog" saad niya na umupo na saka naginat inat. "kulang nalang daganan mo ko eh"
"sana sa labas ka nalang natulog" sungit ko sa kanya di man ako nakatingin sa kanya alam ko nakangiti ito. naramadaman ko nalang niyakap niya ko mula sa likod tinatanggal ko nung una pero nagpumilit sya kaya pinabayaan ko nalang. "anu ba yun" asik ko sa kanya.
"thank you" hinilig pa niya ang mukha niya sa likod ko. pinabayaan ko lang sya ilang sandali kaming nasa ganoong ayos. hanggang maramdaman ko na parang basa na ung likod ko at marinig ang hikbi ni alvin. agad naman ako humarap sa kanya. "bakit" nag-aalala kong tanong.
"pwede dito muna ako" tanong niya tumango naman ako. "basta wag mo kong rerapin" biro ko pa na ikanatawa niya.
"para namang agrabyado ka kapag nirape kita?" sinipa ko naman sya. "aray naman" saad nito.
" magkukuwento ka ba o paalisin kita" nakatawa kong saad sa kanya bigla naman syang sumeryoso.
"gusto na kasing maghiwalay nila mommy at daddy" nakatungo nitong saad nakita ko naman umagos ang masaganang luha sa mata nito lumapit naman ako sa kanya saka hinagod ang likod niya.
"kinausap mo na ba sila?" umiling lang sya sa tanong ko. "maayos din yan" saad ko nalang "tara na kain na tayo sa labas."
pag labas ko ng kwarto laking gulat ko ng makita ko si raymond sa kusina habang naghahanda ng almusal. nakangiti lang to ng makita ako,
"tinamad na rin ako pumasok eh" paliwanag nito
"tatlo pa tayong sabay sabay na absent"sagot ko
"tatlo?" nangunot naman ang noo nito saka naman lumabas si alvin mula sa kwarto ko na todo ngiti. nagpaalam naman ako naccr lang. paglabas ko ng cr narinig ko pa ang tanungan nila.
"dito ka natulog?"
"oo anung almusal yan? lagi ka bang andito?"
"bakit dito ka natulog?"
"mahabang kwento"
"makikinig ako"
nakikinig lang naman ako sa usapan nila "tama na nga yan kain na tayo salamat sa almusal mond huh sino nagpapasok sayo" awat ko sa kanila.
"kuya mo umalis na sila kanina pa" sagot naman nito pero nakatingin parin kay alvin. si alvin naman nakangiti lang kay raymond.
"kumain ka na ba tol?" nakangiting tanong ni alvin dito.
"tara mond kain na" yaya ko naman sa kanya.
Tumayo naman si alvin saka pumunta sa cr. sakin naman tumingin si raymond na parang nagtatanong.
"ano namang tingin yan" kunot noong tanong ko sa kanya. "naabutan ko kasi jan sa gate kaninang umaga tapos yun pinalipat ko sa kwarto konti palang alam ko." paliwanag ko sa kanya. tumango naman sya.
"backstabber kaung dalawa noh" nakangiting saad ni ni alvin paglabas sa cr
"baliw" saad ko nalang.
pagkatapos namin kumain ay ako na ang naghugas pinabayaan ko lang sila manuod ng tv, dun ko lang napansin na malinis na ang bahay namin. tumingin naman ako kay raymond ngiti lang ang sagot nito. napangiti naman ako. ang bait naman.
pagkatapos ko maghugas at maglinis ng kusina ay dumeretso na ko sa sala. naabutan ko naman silang walang kibuan, nakatutuk lang sila pareho sa harap ng tv.
"seryoso ah" bungad ko sa kanila. pero wala sa kanila ang umimik. kaya naupo nalang ako sa sofa, lumipas pa ang ilang minuto ngunit wala paring nagsasalita kaya tumayo na ko para pumunta sana sa kwarto.
"saan ka pupunta?" tanong ni raymond
"ang boring nio eh matutulog muna ako" nakangiti kong saad sa kanila. tumayo naman si alvin saka pumuwesto sa likod ko. pagtingin ko kay raymond mukang aso naman to sa pagkakangiti ganun din si alvin.
"ano nanaman yun" kinakabahan na talaga ko sa tingin nila. hinaplos naman ni alvin ang likod ko para naman tumayo lahat ng balahibo ko sa ginawa niya kaya umatras ako patalikod pero bumangga naman ako kay raymond. halos kabog nalang ng dibdib ko yung naririnig ko ng mga oras na yun.
"ano ba kasi?" tanong ko sa kanila. lumingon ako sa pinto ng kwarto ko inisip ko baka kakayanin kong tumakbo sa kwarto at magsara ng pinto para makaiwas sa plano ng walahiyang dalawa na to. pero bago ko maisagawa ang plano ko ay mukang natunugan ni alvin ang gagawin ko kaya humarang sya sa tinitingnan ko.
" bakit ka natatakot" bulong ni raymond sa tenga ko. para naman akong naestatwa sa ginawa niya. ano ba plano ng dalawang to. nang makita ko na bukas ang cr tatakbo na sana ako pero nahawakan ni raymond ang kamay ko.
"ano ba?!" sigaw ko kay raymond para naman syang natauhan dahilan para mabitawan niya ko ganamit ko naman yung pagkakataon na yun para makapunta ng cr at magsarado.
" ang tanga mo tol bakit mo binitawan?" rinig ko pang sabi ni alvin umaray naman si raymond marahil binatukan ito ni alvin. ano ba kasi plano ng dalawang to. kinatok naman ako ni alvin.
"carlos joke lang yun paihi naman ihing ihi na ko eh" pakiusap ni alvin di naman ako sumagot. maya maya si raymond naman ang kumatok.
"carlos labas ka na jan aalis na ko" saad nito pero di pa rin ako sumagot hindi ako magpapauto sa dalawang to noh malay ko ba sa plano nila sakin. lumipas pa ang ilang minuto pero di parin ako lumabas kahit init na init na ko sa loob. nagpasya akong buksan ung pinto para sumilip, nakita ko naman silang naguusap nang mapalingon sila sa sakin agad ko naman sinarado ang pinto. narinig ko yung pagtakbo ng isa sa kanila.
"carlos kapag di ka pa lumabas jan magbabasag kami dito" pananakot pa ni alvin sakin "baliw ka ba" rinig ko pang kontra ni raymond. hindi parin ako sumagot.
"alvin tigilan mo yan" maya maya narinig kong sabi ni raymond. kasunod nun ay isang tunog ng nabasag na bagay. para naman akong natauhan kaya binuksan ko agad yung pinto nakita ko sa sahig ay isang picture frame, agad ko naman nilapitan kung anong picture yung binasag ng hayop na alvin na to. ngunit laking gulat ko ng picture ng parents ni alvin ang andun para naman akong natauhan..
"huli ka!" ngiting asong sabi ni alvin "hawakan mo na yan mond" baling nito kay raymond na nakangiti rin. nilock naman ni raymond ang kamay ko sa likod. para naman akong natulala sa nangyayare ano bang plano ng dalawang to halos maiyak ako habang tinatali nila ko sa isa sa mga bangko nilagyan pa nila ko ng piring sa mata. takot na takot talaga ko ng mga oras na yun.
"ano ba kasi gusto niyo sakin?" mangiyak ngiyak kong tanong pero tawanan lang nila ang narinig ko nagapir pa sila. ano ba ginawa ko sa kanila. humagulgol na ko ng mga oras na yun
"dahil kailangan ko pa basagin picture frame ng parents ko, humanda ka sakin." saad ni alvin habang hinihimas ang mukha ko. todo iwas naman ako sa kanya.
" gusto mo sayawan kita?" bulong ni alvin sa tenga ko habang nakahawak pa sa dibdib ko. "hayop" yun lang nasabi ko narinig ko naman ang pagngise niya. kung hindi lang ako nakatale nasapak ko na sya.
"music mond" narinig kong utos nito kay raymond maya maya may tumugtug na mabagal na kanta. naramdaman ko naman na sumasayaw si alvin si raymond naman ay tawa lang ng tawa. umiiyak parin ako ng oras na yun naramdaman ko pa ang palad ni alvin na nasa leeg ko. "makakaganti din ako sayo" bulong ko
"ano yun" tanong ni alvin na halos maglapat ang labi namin dahil sa lapit ng mukha nito ramdam na ramdam ko sa mukha ko ang hininga niya. "oooppppsss"
hawi ni raymond kay alvin "ako naman" saad pa nito. pumuwesto naman si alvin sa likod ko habang hinihimas ang buhok ko.
"carlos gusto mo makita kung ano suot ko.?" umiling lang ako na may kasamang hikbi.
"tama na please?" pagmamakaawa ko sa knilang dalawa.
"alvin tanggalin mo na yang nasa mata niya para makita niya ang katawan ko" narinig ko naman na halos hindi makahinga sa kakatawa si alvin. "ang hahayop niyo" nasabi ko nalang sa kanila. uunti unti naman tinggal ni alvin ang piring sa mata ko.
"HAPPY BIRTHDAY!!!" sigaw ni raymond na may hawak na cake. natulala naman ako.
hahaha. kala ko ano na.
ReplyDeleteShit ! Ansaya kakakilig naman :)
ReplyDeleteChapter 8 wala?
ReplyDelete