Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By: Baste31 - j.a.c.
Chapter 24: Hanggang Kailan
Please Click The Link For Previous Chapters: COMPILATION
Patuloy ang naging buhay namin ni Louie, kahit
medyo lumiit ang oras na magkasama kami sinusulit namin ang bawat araw na
magkasama kami. Paminsan minsan dumadaan ako sa school nila para makita sya
kapag pareho kami ng oras ng uwi. Ipinakilala rin sa akin ni Louie ang ilan sa
mga classmates nya na naging kaibigan nya.
Minsan sumasama ako sa kanila kapag
gumigimik sila, kuya nga ang tawag nila sa amin ni Louie dahil sa age gap namin
sa kanila. Pero ok na yon kesa "tatang" na tawag nila kay Louie kapag
nagbibiruan sila. Hehe.. Mabilis namang dumating ang 23rd birthday ko.
Ayaw ko
nang maghanda kasi napaka ordinaryo na non para sa'kin kaya sabi ko kina Mama
na huwag na lang. Sabi ko lalabas na lang kami nila Paul para gumimik, pero ang
totoo, ako at si Louie lang ang magkasama. Kinausap ko na si Paul na ang sabi
ko sa parents ko ay magkikita kita kami pero ang gusto ko sana ay maging
special 1st date namin ito ni Louie.
Mula kasi dati hindi pa kami nagkakaroon
ni Louie ng official date, at dahil birthday ko pumayag naman si Paul sa gusto
ko kaya masaya akong kami lang ni Louie ang magkasama sa birthday ko.
Naghalf-day lang ako sa trabaho ko ng araw na yon. Sakto namang 3pm lang ang
uwian ni Louie galing school. Paglabas nya ng gate ng school nila hindi ko
maitago ang saya at excitement na nararamdaman ko.
Napapa-hum pa ako at
nagt-tap sa stirring wheel ng kotse ko. Ang gwapo talaga ni Louie sa suot nyang
uniform, white polo, black slacks na sakto ang sukat sa kanya, black shoes,
naka back pack din at may dalang t-square na nakalabas sa zipper ng bag nya.
Studyanteng studyante ang dating pero napaka gwapong tingnan, ang sarap yakapin
ni Louie, lalo na ng mapangiti sya ng makita ang nakapark kong sasakyan sa di
kalayuan, hay.. Nakakatunaw talaga ang tingin nya.
Nang
makalapit na si Louie sa kinaroroonan ko, agad nyang binuksan ang pinto ng
kotse at sumakay. Pagsara nya ng pinto, happy birthday Christian agad ang
sumalubong sa akin at isang nakakatunaw na ngiti, ngumiti rin ako sa kanya.
Gusto nya sana akong ipagdrive pero ok lang naman sa aking magdrive,
"ako
na lang, baka mahuli pa tayo. Wala ka pa namang lisensya! Hehehe.." ang
biro ko sa kanya.
Sa daan nag-isip kami ni Louie kung saan magandang pumunta at
napagkasunduan namin na manuod ng sine, siya daw ang taya. Nakakapagtabi pa
naman daw sya ng pera, at isa pa tuwing lalabas kami ako daw ang palaging
nagbabayad. Pumayag naman ako sa gusto nya, sarap ngang isipin na ang date
namin mismo ang regalo nya sa akin. Nagpark lang kami ng kotse at tinungo ang
cinema ng Mall. Iniwan naman ni Louie ang gamit nya sa loob ng kotse ko. Hindi
ako mahilig manuod ng tagalog kaya Harry Potter ang pinanuod namin, at tulad ng
napag-usapan si Louie ang nagbayad ng ticket at bumili ng makakain namin habang
nanunuod.
Weekdays at langaning oras non pero medyo maraming tao pa rin ang
nanunuod. Pumwesto kami sa bandang gitna kung saan maluwag at doon inilapag ang
dala naming pagkain. Habang nanunuod kami ng movie, buong oras naming hawak ang
kamay ng isa't-isa. Minsan pa nga bigla na lang kaming magkakatingin nan at
pareho kami ng tanong "bakit?" tapos magkakangitian na lang kami at
hahawakan ng mahigpit ang kamay ng isat isa.
Wala namang makakapansin sa amin
dahil may dalawang space na upuan bago ang kasunod na katabi namin. At isa pa,
malamang hindi naman namin sila mga kilala kaya hindi naman ako nag-aalala. Ang
pinaka hindi ko makakalimutan ay ang pag-akbay sa akin ni Louie sa kalagitnaan
ng palabas, kaya masasabi kong this is a real date! Heheh.. Pagkatapos ng
movie, kumain kami ni Louie sa isang fastfood restaurant at naglakad lakad sa
Mall.
Ng may madaanan kaming photo booth inaya nya akong magpapicture kami ng
magkasama. Hindi ko na pinansin ang tao sa paligid at parang magkabarka kami ni
Louie na pumasok sa booth. Medyo private naman dahil may kurtina, hindi kita sa
labas ang mga nagpapakuhang tao sa loob. Nang maghulog na ako ng coins, nag-umpisa
ang timer ng camera at nagpose kami ni Louie ng nakakatawang mga pose, nandyan
yung susungayan ko sya, straight body na akala mo magpapakuha ng 2x2 i.d., may
feeling macho pa na magpapakita ng muscle.
Pero ang last two shots ang hindi ko
inaasahan, yung una ay umakbay sya sa akin at ngumiti ng matamis sa camera at
yung huli ay humalik sya sa pisngi ko. Nang matapos ang picture taking namin,
agad namang lumitaw ang pictures sa machine. Napakasaya ko ng tingnan namin
yung pictures namin, mini wallet size lang yon pero kuhang kuha lahat ng saya
at imosyon namin habang nagpapakuha.
At pinaghatian namin ni Louie ang mga
pictures. Sakin napunta yung picture na humalik sya sa akin at kay Louie naman
napunta yung litratong nakaakbay sya sa akin. Ito na yata ang pinaka
unforgettable birthday ko sa lahat, walang party, walang beer, pero masaya, I
mean sobrang saya! Nang magdidilim na, hindi nagpahatid si Louie sa kanila, sa
halip sumama sya sa bahay namin para maihatid ako hanggang makauwi. Sinalubong
kami ni Mama pagpasok ng bahay, si Papa naman ay nagbibihis daw kakauwi lang.
Inalok kami ni Mama ng food pero tumanggi kami ni Louie, sabi namin kakakain
lang namin "nila Paul" sa labas at nagpaalam na papanik muna sa
kwarto ko. Pumayag naman si Mama at hinayaan na kaming umakyat. Nang makapanik
na kami ni Louie sa kwarto binati nya ulit ako ng Happy Birthday, hindi na rin
daw sya magtatagal dahil may pasok pa sya bukas.
Pero hindi ko matiis na hindi
sya yakapin at halikan kaya bago sya lumabas ng kwarto niyakap ko muna sya ng
mahigpit at humalik ako sa kanya ng masiil. Nasa ganoong posisyon kami ni Louie
ng bumukas bigla ang pinto ng kwarto ko. Napabalikwas ako sabay layo kay Louie
ng makita ko si Papa na nakatayo hawak ang paper bag na mukhang regalo para sa
akin, sa labas ng kwarto.
"Pa!"
sa isip ko patay kami ni Louie nito kay Papa. Walang pangangatwiran ang
makakapagpalusot sa amin ni Louie sa problema naming ito.
"Whats --?!
Louie ano ang ibigsabin nito?" humarang ako kay Louie na mukhang nabigla
rin sa nangyari at kinausap si Papa.
"Pa, let me explain."
"explain what? Ano ba ang explanation sa nakita ko." lumapit si Papa
sa kinaroroonan namin ni Louie.
Binagsak na lang niya ang dala sa sahig at
malakas na hinawi akong parang papel. Sabay suntok sa mukha ni Louie. "Walang
h*ya ka! Tinrato kita bilang anak pagkatapos, ito ang igaganti mo sa akin h*yop
ka!" bagsak si Louie sa kama sa suntok na yon ni Papa. Madali naman akong
pumunta sa likod ni Papa para ilayo sya kay Louie.
"Hindi ko akalaing
ganyan ka Louie! Bakla! Kalimutan mo na ang lahat ng pangako ko sayo! Lumayas
ka sa bahay ko h*das!" hindi makagalaw si Louie sa kinaroroonan nya at
kitang kita ko kung papano nya pahirin ang dugo na dumadaloy palabas sa gilid
ng labi nya.
"Umuwi ka na Louie, ako na bahala kay Papa." ang utos ko
sa kanya.
"h*yop ka, hindi ka na nakuntento sa kabaitan namin sayo. Pati
ang anak ko --!" Tumayo si Louie at lumakad papunta sa pinto, magsasalita
sana si Louie ng dumating si Mama at si Manang.
"Diosmio, ano ang nangyayari
dito?" ang sabi ni Mama. "Umalis ka na dito h*yop ka!! Baka hindi ako
makapagpigil at kung ano magawa ko sa inyo!" napatakip na lang ng bibig si
Mama sa nakikitang pagwawala ni Papa.
Si Louie naman ay dumirecho na pababa ng
bahay at umalis. Ng hindi na makagalaw si Papa sa pagkakayakap ko sa kanya,
parang nawalan naman ito ng lakas at napaupo na lang sa sahig malapit sa kama.
Si Mama naman ay agad na lumapit kay Papa at inutusan si Manang na kumuha ng
tubig.
"Pa ano ba ang nangyari? Bakit kayo biglang nag-away dito?"
ang lalim ng hinga ni Papa ng sandaling iyon, nakayuko lang.
"kailan nyo
pa kami niloloko at hanggang kailan nyo kami gustong lokohin Christian?"
To Be Continued
kilig much! pero sad ang last part. paano na kinabukasan ni louie? maharot kasi si christian at di nakapagpigil. tsk tsk tsk!
ReplyDeletewawa naman si kuya louie... u u u u u uwaaaahhhhh!!!
ReplyDelete