By: Yoseph D.
FB: https://www.facebook.com/yoseph.doms
"Secret Feelings"
Limang taon nang nakalilipas ng makasama ko ang high school crush este ang aking high school love. Shet! Tagal na din pala. Ako nga pala si Benedict Santos pero tawagin niyo na lang akong Beda. 5'7 1/2 ang aking height, mestiso at payat. Sabi nila may hawig ng konti kay Jiro Wang. Haynako simulan ko na nga ang storya ko.
Summer Season.
Nagmamadali ako sa school na papasukan ko dito sa Maynila. Actually, galing akong Bicol at kailangan naming lumipat dahil syempre sa trabaho ni Nanay at Tatay. Ako na lahat ng nag-ayos ng mga requirements ko para sa school na papasukan dito sa Maynila. Actually, isang private school ang papasukan ko dahil ayaw ng mga magulang ko na pumasok ako ng public school sa High School dahil daw kesyo magulo etc. Ayun, nagmamadali ako sa pagpunta sa Registrar's dahil sa malapit na ang lunch break. Habang tumtatakbo ako papunta sa registrar's office, biglang may nakabangga akong isang lalaki at napatumba siya pahiga sa akin. Napatitig pa ako sa kanya ng matagal at tumayo siya kaagad. Di ko akalain na inalok niya ang kamay niya para itayo ako at syempre naman inaccept ko din at after nun kinausap niya ako.
"Dude, wag ka masyado magmadali. Para ka namang hahabulin ng sampung kabayo niyan eh!"
Sumagot naman ako.
"Sorry po. Nagmamadali lang kasi ako papuntang registar's eh kaya tumatakbo na ako ng mabilis."
"Ahh.. Ganun ba? Eh break na eh."
"Awww... Ano ba yan! Ang malas ko shet."
"Okay lang yan, mamaya naman bukas na yan eh."
"Sa bagay.."
"By the way, I'm Sebastian Sto. Domingo! You can call me Baste. How about you?"
"Benedict Santos. Beda na lang for short."
"Hahaha epic nickname dude."
"Ikaw nga din eh."
"Parang pangalan ng school yung mga nicknames natin ah."
"Sa bagay..."
"Gusto mo bang samahan muna kita dito habang lunch break pa nila?"
|
"Sige ba."
"Yun! Hahaha."
Yung lalaking nakabangga ko kanina, siya si Sebastian Sto. Domingo aka Baste. He's 5'10", ayun gymfit siya and moreno, maraming nagsasabi na kamukha niya daw si Rodjun Cruz. Ewan ko kung ano nakain ko kung bakit ako pumayag sumama dun saglit. Siguro dahil ayoko maburyo dun sa school na yun na naghihintay. Pero mukha naman siyang nice kaya okay lang na samahan ko siya.
"So Beda, from what school ka galing?"
"Uhhmm.. Sa isang public school sa Bicol."
"Ahh.. bale 1st time mo lang siguro dito sa Manila?"
"Di naman Baste. Grabe ah! Ikaw ba?"
"Ahh... Dito na ako nag Grade School. Dapat nga lilipat ako kaso yung scholarship ko for Soccer naman sayang kaya dito na ako nag-aral."
"Wow naman. Kaya pala maganda katawan mo eh."
"Hahaha nako hindi naman dude. Kamukha mo yung sa Hana Kimi"
"Si Wu Chun?"
"Hindi yun! Yung isa."
"Ahh.. Si Jiro Wang?"
"Yes. Yun nga!"
"Ikaw nga kamukha mo si Rodjun eh."
"Yung brother ni Rayver?"
"Yes."
"Hahah mukha na pala ako ngayong artista ah? Haha."
"I guess mukhang masaya naman dito sa school na ito."
"Yes! Masaya dito sobra. Don't worry, mababait mga tao dito. Siguro kinakabahan ka for 1st day?"
"Mukha bang hindi?"
"Hahaha. Wait tignan ko na yung oras."
Tinignan nga ni Baste ang kanyang watch para tignan kung anong oras na.
"Dude, let's go na! Bukas na ang registrar's office"
"Sige sige"
Pumunta na kami kaagad doon sa registrar's office. Pero bago ako pumasok, kinausap ko muna saglit si Baste.
"Baste."
"Bakit Beda?"
"Kinakabahan ako baka masungit yung sa registrar's"
"Dude, hindi yan. Kaya mo yan! Samahan kita you want?"
"Sige."
Pumunta na nga kami doon sa loob ng sabay, ayun nung oras na yun natatakot ako pero nung natapos na ang usapan eh naging okay na din. Mabait yung mga tao sa school na ito and sinamahan na din ako ni Baste mag-enroll.
"Baste, salamat pala ah."
"Wala yun. Sana classmates tayo para masaya."
"Oo nga eh."
"Oo nga pala, meron ka bang cellphone?"
"Meron. Bakit?"
"Kunin ko sana number mo eh."
"Di ko dala eh."
"Ayyy.. Sayang naman."
"Okay lang. Sa pasukan mo na lang kunin kung okay lang sayo."
"Oo naman sige ba."
Tinignan ko ang relo ko dahil mukhang kailangan kong umuwi.
"Shet Baste! Kailangan ko na palang umuwi. Sige, aalis na ako."
"Sige Beda, ingat ka ah."
"Ikaw din Baste."
Umuwi ako nun ng masaya at tuwang-tuwa dahil may bago akong kaibigan dito sa Maynila. Mukhang excited na akong pumasok sa school dahil may kaibigan na din ako.
June. 1st day of my 1st year days.
Excited na ako shet! Nagising ako ng maaga para makapunta ng school at maaga-aga akong nagising. Naligo, nagbihis at nag-ayos na ako ng sarili ko at syempre yung mga kakailanganin ko for school. Pagkatapos nun ay umalis na din ako sa bahay at dumeretso na sa school. 6:00 pa lang eh nandito na ako sa school at tinignan ko ang list ng mga 1st year students para makita ko yung section ko. Ayun, mabilis ko lang naman nahanap at ang Section ko is I-B. Tumambay naman ako saglit sa may quadrangle para magpalipas-oras. Nagulat na lang ako nung may biglang tumapik sa balikat ko at iyon pala ay si Baste.
"Ay pusa ka!"
"Hahaha. Gulat ka ah!"
"Malamang."
"Ang aga mo ah! I guess masyado ka lang excited pumasok dahil bago ka lang."
"Syempre naman noh. Eh ikaw? Bakit ang aga mong pumasok Baste?"
"Wala. Excited din kahit matagal na ako sa school na ito dahil syempre new chapter ng buhay eh. High school! Kaso walang chicks dahil all boys ito eh."
"Sa bagay... Nakita mo na ba kung ano yung section mo?"
"Yep. I saw it na."
"Nice naman. Anung section mo?"
"Ikaw muna magsabi bago ako"
"Section B."
Nagulat si Baste nung sinabi ni Beda ang section niya.
"Seryoso ka dude?"
"Oo naman."
"Dude, kaklase kita!"
"Weh Baste?"
"Oo dude! Masaya na ito haha."
Biglang nag-bell ang school bell at dumeretso sila sa High School building at hinanap na nila yung room nila. Makalipas ng 10 minuto ay nahanap na kaagad nila. Pumasok na sila kaagad doon sa room. Sa pagkapasok nila, nandoon na ang adviser nila at nagkaroon ng tell me something about yourself. Pagkatapos noon ay binigyan sila ng 30 minute break para kumain. Niyaya ni Baste si Beda na sabay silang kumain.
"Dude, kain tayo sa canteen you want?"
"Okay lang Baste."
"Yun! Tara."
Sabay hinila niya ako papunta sa canteen. Nang pagkadating namin sa canteen ay pinaghanap niya na ako ng upuan kung saan kami kakain at siya na daw ang manlilibre sa akin. Nakahanap naman ako ng upuan at biglang may humarang sa akin na isang maangas na lalaki at biglang hinarangan ako.
"OY! Wag kang umupo diyan ah."
"Baket ah?"
"Eh teritoryo ko ito eh."
"Kahit sino pwede umupo dito ah. Wag kang magmaangas dito"
"Aba'y maangas kang bata ah!"
Biglang dumating si Baste at nakita niya ang pangyayaring iyon.
"Oy Karlo! Tigilan mo nga si Beda."
"Pagsabihan mo yang kabarkada mo ah."
Nag-walk out ba si Karlo at naghanap na siya ng ibang upuan. Nagtanong si Beda kung sino yung lalaking iyon.
"Baste, sino yung mokong na maangas na yun?"
"Ahh.. Si Karlo. Ganyan talaga yan, kinakatakutan ng lahat."
"Ganun ba, nakakainis lang siya sobra!"
"Pabayaan mo na lang yun.. Eto nga pala, nilibre na kita ng bistek at isang nata de coco juice"
"Ay, salamat kaso nakakahiya naman sayo."
"Beda, wag ka na mahiya sa akin eh friends naman tayo eh."
"Sa bagay Baste.."
Itutuloy....
Ok na sana kaso lang... Next time huwag mo na sana lagyan ng SHORT STORY ung title kung hindi mo lang din tatapusin sa isang publishing kasi hindi na siya matatawag na short story... Whether its a 2, 3 or up to 5 chapters only the fact na nagkaroon na continuation sa published story mo hindi mo pwede i-claim na short story ito.... Un lang....
ReplyDeleteSige sige poww. Salamat po sa payo :)
Deletegreat start :]
ReplyDeleteayoko ng magcomment regarding sa post na "sana wag lagyan ng short story........" baka maka-ani pa ako ng ibat ibang opinion when i'll explain the technicalities of categorizing whether a lit piece is a novel or a short story. HAHAHA
i-ENJOY na lang natin ang storya na nakalathala. Basta... I can sense na magiging maganda ito :]
Salamat po sa pagbasa ng story :).
Delete