Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By: Baste31 - j.a.c.
Chapter 21: Panibagong Buhay
Nagising
ako na halos hindi makakilos sa sakit ng katawan. Sa kaliwang kamay ko
nakakabit ang isang dextrose na naka sabit sa isang bakal na stand. Parang
hindi pa maayos ang takbo ng isip ko ng mga sandaling magising ako, nakahiga
lang ako sa isang puting higaan na may puting kumot medyo tuliro.
Pagligid ng
mga mata ko nakita ko si Mama nakaupo sa isang gilid malapit sa pintuan,
nakayuko lang na parang nagdarasal. Humugot ako ng lakas para magsalita pero
parang tuyong tuyo ang lalamunan ko kaya "Ma.." lang ang nasabi ko.
Napabalikwas si Mama sa kinauupuan nya, magkahalong saya at pag-aalala ang
nakita ko sa mukha nya. Agad namang tumayo si Mama sa upuan at lumapit sa akin,
"Thank God anak gising ka na!" kasabay non ang pags-sign of the cross
ni Mama.
"Ano nararamdaman mo anak? May masakit ba sa'yo?" ang tanong
ni Mama habang mangiyak ngiyak na sa harapan ko.
Umiling
ako at sinabi kay Mama na "i'm ok Ma.." pagkatapos hinawakan ni mama
ang kanang kamay ko ng mahigpit, ramdam ko ang matinding care at pagpapasalamat
ni Mama na ok lang ako sa hawak nya sa akin.
"Wag ka munang kumilos,
tatawagin ko lang ang Papa mo at ang doktor sa labas, anak." nang lumabas
si Mama ng pinto, saka ko lang narealize ang mga nangyari. Naalala ko ang
pagsalpok ng sasakyan ko sa pader kasama si Paul.
Wala pang isang minuto ng
bumukas ang pinto at pumasok si Papa kasama sa likuran niya si Louie. Kahit
medyo may naramdaman akong pagtatampo kay Louie, nanaig pa rin ang pag-aalala
ko para kay Paul. Hindi ko na pinansin ang pangangamusta ni Papa at hinanap ko
si Paul.
"Pa, si Paul nasan? Ano lagay nya? Gusto kong makita si Paul
Papa!" bigla naman akong natakot sa pagbabago ng reaksyon sa mukha ni
Papa, mula sa matinding pag-aalala napalitan yon ng pagyuko at lungkot.
"Pa! Sabihin mo ano nangyari, ano ba Pa?! Ano nangyari kay Paul?"
halos maiyak na ako sa pagsigaw kay Papa pero hindi naman sya kumibo at
nanatiling hindi makatingin sa akin. Nagsikip ang dibdib ko sa hindi pagsagot
ni Papa at kung ano-ano ang pumasok sa isip ko. Sa naaalala ko kinabig ni Paul
ang manibela dahil may sasakyang tutumbok sa kaliwa ko at dahil doon bumangga
kami sa isang pader si Paul ang nasa kanan kaya inisip ko na si Paul ang
napuruhan.
Wag naman sana pero sa hindi pagsagot ni Papa parang.. F*ck!! Ayaw
kong isiping ang nangyaring di maganda kay Paul! Ilang saglit pa ay bumukas
ulit ang pinto, pumasok ang isang nurse at isang doktor at tiningnan ang
kalagayan ko. Hindi daw kami dapat mag-alala dahil maayos namanang lagay ko, in
fact pwede na raw akong makalabas. Pero kung makakaramdam ako ng kakaiba or
pagsakit ng ulo dapat daw ay agad ipaalam sa kanila.
Ng matapos akong tingnan
ng doctor lumabas ito kasama ang nurse, si Papa naman ay nagpaalam para hanapin
si Mama at may pag-uusapan lang sila kaya ibinilin nya ako kay Louie. Nang
lumabas si Papa naiwan si Louie na nakaupo sa upuang malapit sa pinto. Nang
tumingin sa akin si Louie umiwas ako ng tingin, medyo hindi ko pa ata sya
kayang kausapin. Parang umuugong naman ang tenga ko sa sobrang katahimikan pero
hindi ko na lang pinansin. Hindi nagtagal nagsalita na rin si Louie.
"galit ka?" ang sabi nya.
Hindi naman ako sumagot, at medyo kumunot
ang noo. "Bakit hindi mo ako hinintay? Di ba ang sabi ko ihahatid
kita?!" mababa ang boses ni Louie may halong pagpapakumbaba at pag-iingat.
"baka kasi busy ka pa kay Diane o kung ano man yung ginagawa nyo."
"ano ba ang sinasabi mo Christian?" "hindi mo alam? Heh, sabagay
normal lang naman sa magboyfriend ang magholding hands at mag'halikan'!"
napansin kong yumuko si Louie, magkahawak ang dalawang kamay at parang ang
lungkot.
Akala naman nya maaawa ako sa kanya. "akala ko pa naman Christian
ikaw ang unang makakaunawa sa kalagayan ko.. Ang hirap hirap ng kalagayan ko
Christian, hindi ko alam kung ano ang dapat gawin, kung saan ako dapat
lumugar.. Kahit ano ang gawin ko, isa pa rin sa inyo ang masasaktan ko..
Nahihirapan na ko.." kitang kita ko ang namumuong luha sa gilid ng mata ni
Louie.
At hindi naman ako bato para hindi maramdaman ang paghihirap nya, at isa
pa tama si Louie parang kahit ano ang gawin nya may masasaktan at masasaktan pa
rin sya. Napaka selfish ko talaga!! Wala na akong inisip kung hindi ang sarili
ko. Laging nagpapadala sa emosyon, nagpapadala sa galit at laging pabigat sa
ibang tao! "sorry Louie.. Ang selfish ko.. Alam ko nahihirapan ka.. Pero
pinairal ko na naman ang tigas ng ulo, at saradong isip! Wag ka ng malungkot
Louie, wag ka ng magalit. Mahal mo pa rin ba ako kahit ganto ako?"
tumingin sa akin si Louie na parang nangungusap at lumapit sa akin. Umupo sya
sa gilid ko at umakbay, hinawakan ang kamay ko.
"hindi naman ako nagalit
at hindi naman mawawala ang pagmamahal ko sayo Christian. Pagpasensyahan mo na
lang ako kasi hindi ko mahiwalayan si Diane.. Ayaw kong magsinungaling sayo
pero nahihirapan talaga akong gawin yon. Alam mo naman ang pinagdaanan nya.
Pero kung ano man ang gawin namin, hindi ka naman mawawala dito sa puso ko ikaw
lang naman ang laman nito. Basta wag kang susuko, aayusin ko ang lahat,
pangako!"
"hihintayin
ko ang pangako mo Louie. Mula ngayon hindi na ako magseselos. Mula ngayon
ibibigay ko naang buong tiwala ko."
"Mahal na mahal kita, tandaan mo
yan Christian!" sasagot na sana ako ng mahal rin kita Louie pero bumukas
ang pinto ng kwarto kaya agad na dumistansya si Louie sa akin at hindi na ako
nakapagsalita. Ng pumasok sa pintuan ang parents ko nakiusap si Papa kay Louie
na kumuha ng wheelchair, dadalin daw nila ako sa kwarto kung nasaan si Paul
kaya agad na umlis si Louie para kumuha ng isa. Bumalik si Louie na may dalang
wheelchair at inalalayan naman ako ni Papa para makaupo ng maayos at nilagay
ang dextrose sa stand sa kanang likuran ng wheelchair. Si Louie ang nagtulak ng
wheelchair palabas ng pinto patungong hallway.
Ilang mga kwarto pa ang dinaanan
namin ng makarating kami sa mga kwarto na may ICU ang nakasulat. Huminto kami
sa isang kwarto at sabi ni Mama dito raw ang kwarto ni Paul nasa loob rin daw
ang parents nito. Nagkausap na raw sila ni Mama, medyo disappointed raw sila sa
akin pero hindi ito ang time para mag-argue, kailangan tayo ni Paul at kung ano
man raw ang masabi nila sa akin wag raw akong magagalit.
At intindihin na lang
ang pinagdaraanan nila. Ng pumasok kami sa loob ng kwarto dinatnan namin ang
parents ni Paul na nagbabasa ng Bible, nakaupo pareho sa silya malapit sa
higaan ni Paul. Nang mapansin nila ako tumayo ang Mama ni Paul at agad na
lumapit sa akin. Biglang umagos ang luha nito at humahagulgol na yumakap sa
akin. "Christian.. Si Paul.. Huhuhu.." sa tindi ng awang naramdaman
ko hinagod ko ang likod ni Tita. Pilit pinapakalma at pinapalakas ang loob.
"Si Paul, Christian hindi namin kakayanin kapag nawala sya sa amin ng Papa
nya.. Siya ang buhay namin.Huhuhuh.." tuluyan na ring pumatak sa mga mata
ko na kanina pa namumuong mga luha na nagpapalabo ng paningin ko.
Si Mama naman
ay yumakap na rin sa Mama ni Paul at sinabing may awa ang Diyos. Ng makalma na
ng bahagya ang Mama ni Paul inalalayan ito ni Mama sa upuan at inabutan ng baso
ng tubig. Matapos yon inilapit ako ni Louie sa higaan ni Paul. Nang makita ko
si Paul na puno ng sugat, naka oxygen, dextrose at may aparato na nagpapakita
na tumitibok pa ang puso nya ngunit walang malay, napuno ang isip ko ng pagsisi
sa sarili at awa kay Paul.
Kahit nasa bingit ng kapahamakan ako pa rin ang
inisip nya hindi ang sarili. Naalala ko tuloy ang sinabi ko sa kanya noon..
"hindi talaga lahat ng bagay kaya nating makuha kahit marami pa tayong
pera lalo na ang pag-ibig. Love is unfair, minsan may mahal ka pero may mahal
namang iba ang mahal mo, maswerte ang taong nagmahal at minahal ng taong mahal
nya. Tapos hirap pang iprove kung mahal mo talaga ang isang tao.
Naalala ko
tuloy yung teacher natin sa English at ang sabi nya "how will you know if
that is true love? If you are willing to sacrifice your life to the one you
love, then we can say that your love is true" e adik naman kasi si Maam,
wala nang saysay malamang true love kung patay ka na!"
Hindi ko alam na
ganon ako kamahal ni Paul, na kahit sarili nya kakalimutan para sa akin. Hindi
ko akalaing kaya nyang magsakripisyo ng buhay para sa mahal nya. Kaya humanga
ako sa pag-ibig ni Paul para sa akin at inisip kung kaya ko ring patunayan ang
pagmamahal ko para kay Louie gaya ng ginawa ni Paul. Habang naririnig ko ang
beep-beep.. Sa loob ng kwarto na yon nahirapan akong tanggapin ang sinapit ni
Paul ng dahil sa akin, lalong bumigat ang loob ko ng sabihin ni Mama na kung
hindi pa magigising si Paul within 24hours, declared si Paul in the state of
coma.
Naiyak ako ng marinig ko kay Mama 'yon, hinawakan ko ang kamay ni Paul
"huhuh.. Kasalana ko Paul.. Ako dapat ang nakahiga dyan hindi ikaw, kaya
gumising ka na Paul.." halos di na ako makakita dahil sa luha sa mga mata
ko. "alam ko naririnig mo ako Paul, kaya gumising ka na dyan! Kapag
gumising ka magpapakabait na ako, ikaw ang guardian angel ko Paul. Ikaw ang
naglayo sa akin sa maling pananaw ko sa buhay noon kaya please Paul gumising ka
na!! Huhuhu. Ako ang dapat nandyan.. Paul!!"
Nang
makita nila Papa na masyado na akong naapektuhan sa mga nangyari nakiusap si
Papa kay Louie na ilabas muna ako ng kwarto. Paglabas namin ng kwarto ni Paul
dinala ako ni Louie sa isang maliit na chapel sa may gitna ng building. Dinala
ako ni Louie sa harapan ng chapel tabi ng upuan at tapos lumuhod si Louie sa
tabi ko at sabay kaming nagdasal. Panginoon wag nyo pong kukunin sa amin si
Paul, kahit ano po gagawin ko hayaan nyo lang po syang mabuhay. Ako po ang
pasaway kaya ako dapat ang kunin nyo hindi sya. Nagmamakaawa po ako sa inyo..
Hindi pa man ako nagtatagal sa pagdarasal napahagulgol na naman ako sa sama ng
loob. Ng makita ako ni Louie pilit nya akong kinalma at hinimas ang likod.
"Alam ko sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari kay Paul, Christian pero
lalong malulungkot si Paul kapag nakita kang nahihirapan, ako rin nalulungkot
na makita kang ganyan kaya dapat tatagan mo loob mo, papakinggan tayo ng Diyos
kaya wag tayong mawalan ng pag-asa."
"huhuhuh.. Ako naman kasi dapat
ang nandon hindi si Paul. Pinilit ko pa syang sumakay sa kotse kahit lasing
ako, at kahit nasa piligro buhay namin ako pa rin ang iniisip nya..
Huhuhu.." halos baybayin ko ang mga salita na sinasabi ko sa sobrang
paghikbi.
Si Louie naman ay umakbay sa akin at sinabihang maaayos rin ang
lahat. Pagkatapos naming magdasal bumalik kami papunta sa kwarto ni Paul, medyo
kalma na ako ngayon at nakaramdam na rin ng gutom. Inabutan namin si Papa at
ang parents ni Paul sa labas ng kwarto nakaupo sa isang mahabang puting upuan.
Paglapit namin sya namang paglabas ni Mama sa kwarto, sabi ni Louie kami muna
ang magbabantay kay Paul kaya pumasok kami ulit. Itinabi ni Louie ang
wheelchair sa higaan ni Paul tapos ay kumuha sya ng mansanas sa table at
nagbalat. Hinawakan ko ang kamay ni Paul at kinausap sya. "Paul.. Alam ko
naririnig mo ko.
Paul magpakatatag ka at wag mo kaming iiwan, kayanin mo para
sa akin. Kapag may nangyaring masama sayo hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Habang buhay kong dadalhin na ako ang dahilan ng pagkawala mo, gusto mo ba yon?
Pangako ko sayo kapag gumising ka magpapakabait na ako, kapag gumising ka kahit
anong gusto mo gagawin ko.. Kaya please Paul.. Gumis-"
"talaga? Kahit
ano gagawin mo?" magkahalong gulat at tuwa ang naramdaman ko ng marinig
ang isang napaka-familiar na boses. Si Louie man ay nabigla sa nangyari, pero
masaya.
"wala ng bawian Ian kaya.." sa sobrang tuwa ko nayakap ko si
Paul, nawala sa isip ko na dapat ay maingat ako sa kanya. "aww.."
"Paul!! Gising ka na! Hahahah.. Oo kahit ano ang gusto mo gagawin ko..
Hahaha! " agad na lumabas si Louie at sinabi kina Mama at sa parents ni
Paul ang magandang balita. Agad nagpasukan ang lahat sa kwarto at tuwang tuwa
sa paggising ni Paul. Niyakap ng Papa ni Paul ang mama nya at nagpasalamat sa
Diyos. Si Mama naman ay hinimas ang balikat ko ng may ngiti sa labi.
Tumawag ng
doctor si Louie. Pagbalik nya kasama ang doctor at nurse lumabas muna kami nila
Louie at ng parents ko sa kwartong yon, umupo sila sa upuan mga apat na hakbang
mula sa pinto ako naman ay nasa hallway nakaharap sa kanila. Habang kinakausap
ako ng parents ko sa magandang nangyari, bumalik si Louie sa loob at may dalang
nabalatang mansanas pagbalik sa'min. "eto, kumain ka muna Ian, alam ko
kanina ka pa gutom." "salamat!" pagkatapos nun inabot ko yung
pagkain mula kay Louie. "Louie hijo, kanina ka pa rin hindi kumakain, heto
bumili ka muna ng makakain. Ibili mo na rin kami ng mga Tita mo please, thank
you." ang utos ni Papa kay Louie sabay abot ng pera. Madali namang sumunod
si Louie at umalis para bumili ng makakain.
Matapos tingnan ng Doctor si Paul,
lumabas na ito ng kwarto kasama ang nurse. Sinabi nito sa amin na under
observation pa si Paul sa ngayon maliban sa mga sugat nya wala naman daw silang
iba pang findings, kakailanganin nga lang daw ni Paul ng isang mahabang pahinga
at physical theraphy para sa mga nabugbog na muscles.
Masaya kami nila Mama na
pumasok sa kwarto ni Paul, humingi naman ako ng sorry sa parents ni Paul sa
paggiging iresponsable ko dahilan para malagay sa alanganin ang buhay ng
kaibigan ko at bukas loob naman silang nagpatawad ngayong maayos na ang lagay ni
Paul kahit papaano.
Dumating
si Louie dala ang mga pagkain galing sa isang fastfood. At habang kumakain ang
lahat maliban sa amin ni Paul nagring ang cellphone ni Louie. "hello,
Diane.. Nasa ospital pa.. Mabuti na.. Oo.. Ikaw kumain na? Mabuti.. Ngayon na?
Uhm.. Sige.. Bye.. Love you too.." pagkatapos ko marinig yon hindi naman
ako nakaramdam ng selos. Tumingin sa akin si Louie, tingin na parang
nagpapaalam na gusto nyang puntahan si Diane. "puntahan mo na.. Hinihintay
ka na ng Gf mo.. Ayee.." ang sabi ko kay Louie.
Kinulit ko lang sya sa
harap nila Papa pero sa loob ko, gusto ko dito muna sya sa akin, samahan
ako,alagaan ako pero hindi ko naman masabi. Nagpaalam lang si Louie kay Paul at
sa mga parents namin pagkatapos umalis na sya at pinuntahan si Diane.
To Be Continued
paul-ian nalang sana. bet ko tandem nila. next na agad agad pls.
ReplyDeletesiguro ang magkakatuluyan ay sina paul at ian dahil sa pangako ni ian nagagawin niya ang lahat ng gusto ni paul bastat gumising lang ito... yon lang.. :P
ReplyDeleteButi naman at ok lang sila and fir louie ano bang kalandian yan pipili lang naman sia... haist tnx sa update.. :-) :-) :-) :-)
ReplyDelete