Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By: Baste31 - j.a.c.
Chapter FINALE: Pagtupad Sa Pangako
Please Click The Link For Previous Chapters: COMPILATION
Masaya naman ako ngayon sa buhay ko kapiling si
Diane at ang aming mga anak. Nawala man si Louie hindi naman sya nawala sa puso
ko. At kahit wala na sya tinupad pa rin nya ang pangako nyang magiging maayos
rin ang lahat. Gaya ng pagtupad ni Louie sa kanyang mga pangako, iingatan kong
mabuti ang pangako ko sa kanya pati na rin ang aking mga ala-ala.
Sa
unang pahina ay may nakaipit na envelope na may lamang liham at ang nakasulat
na pamagat ng scrabook ay "Ito ang Aking mga Ala-ala"
Binuksan ko ang
envelop at binasa ang mga sulat.
Dear Christian,
Patawarin mo ako dahil nagulo
ang pamilya nyo dahil sa'kin. Hindi ko sinasadyang bigyan ka ng problema sa
mismong araw ng birthday mo kaya imbes na makipagtalo sa Papa mo umalis na lang
ako ng bahay nyo. Pasensya ka na dahil hindi kita mapuntahan, nahihiya na kasi
ako sa Papa at Mama mo dahil sa kabila ng kabutihang ipinakita nila sa akin at
sa pamilya ko wala akong naisukli sa kanila kundi problema. Inisip ko rin kung
ipagpapatuloy pa ng Papa mo ang pagpapaaral sa akin.
Isang araw pag-uwi namin
ni Nanay galing ospital pumunta ang papa mo sa amin at kinausap ako,
ipagpapatuloy daw nya ang pagpapaaral sa akin kung lalayo ako sayo. Hindi ko na
gugustohing makapagtapos ng pag-aaral kung kapalit non ay pagsuko ko sa'yo kaya
tinanggihan ko ang Papa mo.
Kaya tumigil ako sa pagpasok sa school at
sinubukang puntahan at kausapin ka pero pinipigilan ako ng Papa mo at sinabing
kung makikipagkita ako sayo ay dadalhin ka nya sa America. Kaya sinulat ko ito
at ipinakisuyo kay Paul para ipaalam sa'yo na wag kang susuko at mahal na mahal
kita.
-Louie
humagulgol ako sa sulat na yon ni Louie. Mali ang naging disisyon
kong pumayag na pumuntang America para matupad ni Louie ang kanyang mga
pangarap. Mali ako at hindi ko ipinaglaban ang pagmamahal namin sa isat-isa.
Wala na talaga akong nagawang tama! Huhuhu.. Napatingin ako kay Louie, pero
wala pa rin itong reaksyon tulala pa rin at nakatingin sa malayo. Pinilit kong
tatagan ang sarili at binasa ang kasunod na sulat.
Dear Christian,
Huli na ang
lahat ng nalaman ko ang nangyari. Wala ka na at nakalipad na papuntang America.
Hindi pala nakarating sa'yo ang sulat ko. Masamang masama ang loob ko sa
pag-alis mo, hindi dahil umalis ka kundi dahil hindi kita naipaglaban at hindi
man lang nakausap. Pasensya ka na kung ngayon ko lang sasabihin sa'yo ang
totoong kalagayan ko. Ang totoo may Alzheimer's disease ako dati pa, hindi ko
lang masabi sa'yo dahil kapag magkasama tayo hindi umaatake yung sakit ko.
Paminsan minsan ay nawawala yung ala-ala ko at naliligaw ako, hahanapin ako ni
Nanay at Lito, bago ko pa nalaman nakita na nila ako.
Noong una hindi ako
naniniwal dahil bumabalik naman ang memorya ko pero isang araw nagising na lang
akong hindi alam kung nasaan at kung papaano napunta sa lugar na yon. Kaya
magmula noon bawat araw na nawawala ang memorya ko at babalik ito isinusulat ko
sa scrapbook ang petsa at mga nangyari sa akin na di ko na matandaan. Magmula
ng araw na magkakilala tayo hindi na naulit ang pag-atake ng sakit ko pero
natakot akong baka isang araw mawala na ng tuluyan ang ala-ala ko at hindi na
kita maalala kaya lahat ng mga nangyaring ayaw kong malimutan isinusulat ko na
rin sa scrapbook ko. Ginawa ko ito para magsilbing patunay at ala-ala na
talagang nagmamahalan tayo sakaling dumating ang araw na hindi ko na makilala
kahit ang sarili ko. Sabi ng doctor may posibilidad daw na ang kasiyahan na
nararamdaman ko kapag kasama ka ang pumipigil sa sakit ko at wala daw
makakapagsabi kung kailan aatake ulit ang sakit ko. Wala pa raw gamot na
makakapagpagaling sa sakit ko kaya hindi na ako ganong nagpapadoctor.
Hihintayin ko ang pagbabalik mo Christian. At kahit na hindi ko alam kung
papano makakarating sayo ang mga sulat ko palagi akong susulat sayo. Mahal na
mahal kita. -Louie
Dear Christian,
Hindi ko alam kung papaano sasabihin sa'yo
ang nangyari. Kahit si Paul ay hindi ka rin macontact dahil walang sumasagot sa
mga e-mail nya. Patawarin mo ako dahil may nagawa akong kasalanan sa'yo. Buntis
si Diane at ako ang ama. Dalawang buwan na syang nagdadalang tao. Humihingi ako
ng tawad sa nagawa ko kay Diane at gusto kong panindigan ang bata. Lilipat na
rin kami ng bahay, wala na kasi kaming maipambayad sa renta sa bahay kaya
nagdisisyon kami ni Diane na sa Panggasinan na tumira. Malamang pag-uwi mo may
anak na kami pero wag na wag mong iisipin na hindi na kita mahal. Ikaw lang
naman ang laman ng puso ko. Isa pa hanggang nasa akin ang singsing na bigay mo
aasa pa rin ako sa pag-uwi mo. Tingnan mo ang hulihan ng sketchpad ko,
nakadikit doon yung lisensya ko. Pinaproffessional ko na tulad ng pangako ko.
Heheh.. Umuwi ka na agad hinihintay na kita mahal ko.
-Louie
Lalo
akong napaluha sa mga sulat sa akin ni Louie. Tulad ng pinangako nya tinupad
nya na kumuha ng lisensya at hintayin ang pagbabalik ko. Binuklat ko ang dulong
pahina ng scrapbook ni Louie at doon nakitang nakadikit ang lisensya nya.
Nakangiti si Louie sa litrato, parang walang mabigat na problemang dinadala.
Hindi iniinda ang sakit na unti-unting kumakain sa ala-ala nya. Sa dulong
pahina ng scrapbook ni Louie ay may nakasulat rin. Binasa ko ito dahil wala pa
sa dulong page ang mga notes sa scrapbook ni Louie may nakasulat na agad sa
likod.
"Natatakot ako na hindi ko na maalala ang kahit na ano. Kahit
pangalan ko. Kaya sana kung sakaling hindi na ako makaala-ala ibigay nyo ito
kay Christian, sa pinakamamahal ko. Christian mawala man ang ala-ala ko hindi
ka naman mawawala sa puso ko. Pakiusap ko lang sana sakaling sa pagbabalik mo
at wala na ako ingatan mo si Nanay, Lito, Diane at ang magiging anak namin.
Ingatan mo rin ito at ang mga ala-alang nawala na sa isip ko. Ikaw na lang ang
mapaghahabilinan ko. Salamat mahal na mahal kita. -Louie Anghelo Antonio
Tantoco
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap si Louie ng mahigpit
habang patuloy na dumadaloy ang luha sa mga mata ko. Kahit walang reaksyon si Louie
at hindi na alam ang mga nangyayari sinabi ko pa rin sa kanya ang matagal ko ng
dapat sabihin.
"Sorry Louie umalis ako!! Sorry hindi kita pinaglaban kay
Papa!! Hindi ko alam dati kung ano ang pangarap ko pero ngayon alam ko na! Ikaw
lang ang pinapangarap ko, tutuparin ko lahat ng hinihiling mo."
Tutuparin ko
lahat gaya ng pagtupad mo sa mga pangako mo. Sabi mo hindi mo ako kakalimutan,
heto bumalik na ako, ang pinakamamahal mo! Si Christian! Tuloy pa rin ang
pagdaloy ng luha ko na parang walang katapusan. Pero hanggang sa huli tumupad
pa rin sa pangako si Louie sa akin.
Dahil kahit wala na itong nakikilala,
pangalan ko lang ang palagi nyang binabanggit. Ilang araw ang nakalipas
pagkagising ko sa bahay nila Nanay Mila hindi na gumising si Louie. Sa lamay
nya dumalaw si Paul, Clare at iba sa mga naging classmate nya sa university.
Malaki ang galit ko sa parents ko nang dumalaw rin ito sa lamay ni Louie kaya
ipinagtabuyan ko sila paalis. Walang araw o gabi na hindi pumasok sa isip ko si
Louie.
Hindi pa rin ako makapaniwala na sa mga litrato ko na lang makikita ang
maamo nyang mukha. Na kahit kailan hindi ko na mararamdaman pa ang yakap at
halik ni Louie. Palagi kong tinitingnan ang scrapbook nya at mga voice at video
recording na nakasave sa cellphone nya. At pinapakinggan ang mga paborito nyan
kanta na nagpapaalala sa mga masasaya naming pagsasama.
Sinabi ni Louie na
magpakatatag ako at kayanin ang lahat ng pagsubok na pagdaraanan namin kaya
iyon ang ginawa ko. Ilang buwan makalipas ilibing si Louie, ako ang tumayong
ama sa anak nila ni Diane.
Pinakasalan ko na rin si Diane para hindi ito malayo
at maalagaan ko ito gaya ng pangako ko kay Louie. Hindi rin naman magtatagal
matututunan rin naman namin mahalin ang isat isa dahil hindi naman mahirap
mahalin si Diane, mabait ito at maganda pa, isa pa alam nya ang nakaraan namin
ni Louie at hindi nya ako hinusgahan dito.
Ang singsing na pagmamay-ari ni
Louie ang nagsilbing wedding ring namin, para kahit papaano gagabayan kami ni
Louie sa bawat araw ng pagsasama namin ni Diane. Pinagpatuloy ko ang
pagpapaaral kay Lito gaya ng gusto ni Louie na makatapos ito. Nagpagawa na rin
ako ng bahay sa Panggasinan at dito ko na binuo ang pamilya ko at biniyayaan
kami ni Diane ng dalawa pang anak. Si Paul naman ay ikinasal na rin sa
bestfriend ni Diane na si Clare .
Dalawa na ang kanilang anak, isang adopted na
batang lalake ang panganay nila at isa ay ang bunga ng kanilang pagmamahalan.
Napatawad ko na rin si Papa sa nagawa nya sa akin bago ito bawian ng buhay
matapos itong ma-stroke. Nagsisisi sya sa nagawa nya sa amin ni Louie at
sinabing sana ay hindi nya kami pinaghiwalay, hindi sana nawala sa kanya ang
nag-iisa nyang anak at masaya pa rin ang aming pamilya. Pero totoo nga na nasa
huli ang pagsisisi. Ganon rin naman si Mama, napatawad ko na rin sya. At kasama
si Nanay Mila, magkatuwang sila sa pag-aalaga sa kanilang mga apo habang ako
ang nagpapalakad ng business namin.
hi baste31
ReplyDeletemaraming salamat sa napaka gandang kwento...
sinubaybayan ko ito.....
next story please....
joe.....
Nagulat ako at biglang ending na pala.... Hehehe. Pero nice story dahil realistic naman siya. Hahaha,
ReplyDeletethank you baste31, super iyak talaga ako sa kwentong to. more power
ReplyDeleteI love the whole story. ..now ko lang naiintindihan kung bakit ganyan ang pamagat...hindi ko alam kung true to life to or what basta one thing for sure makatotohanan ang ending at napa iyak ako :((
ReplyDeleteTo you baste31...thanks for sharing this one of a kind story. ..job well done :))
More power...kudos !!
grabe halos mamatay ako kakaiyak apakagaling mo kuya magsulat. saludo ako maraming salmat talga. matgal din ako naging fan ng mga alala ni louie, sana mag sulat ka ulit idol mwa <3
ReplyDeleteMaganda sana ang story, but alzheimer at an early age of 30 (?), I don't know about that
ReplyDeletemas ok sana ang ending kung bumalik saglit ala-ala nya at nakapag-usap sila ni ian bago namatay para mas mabigat ang dating,hehe
ReplyDeleteibang ang ending nice nice..
ReplyDeleteVery nice story but very sad as well.. Just a few critics though, Alzheimer's Disease occurs to people 65 years up, AD causes an individual to have difficulty in learning, which means, they do not have the ability to take in new ideas as this will not be retained, in the case of Louie, this did not happen as he is still able to remember everything, masyado ding naging mabilis ang progression ng AD ni Louie, on the average 7 years to 14 years after diagnosis dapat..
ReplyDeleteactually ang alzheimer's hindi lang sa matatanda, meron din nagkakaroon na mga early 30 tpo 40's at depende din s progression ng sakit pwdeng advance agad at nauwi s dementia
DeleteAng ganda ng story.. Sinubaybayan ko sya mula umpisa.. Very nice story
ReplyDeletenapaiyak ako hayz..lungkot!!
ReplyDeleteAng ganda ng story
ReplyDelete... haist
Napaiyak ako dun ...
Napaiyak ako sa kwento
ReplyDeleteEven though mabilis ang phasing ng ending ... that was genius story
at hindi na nga tumigil ang akin pagluha. Bow!
ReplyDeleteSuper nice ng ending
ReplyDeleteThanks for your wonderful story Baste31
e2 nnman ako UMIIYAK haixt ...........
ReplyDeletedame kong narealize hay salamat s story
Part 1-25 deserves a score of 8.5/10. Except the finale which seemed to be from a different story but was forcedly proceeded to a whole different genre.
ReplyDeleteIt is a well composed story with very realistic characters and a reasonable turn of events except an unexpected ending which lost the consistency and rationality of the Piece. What could have been a piece of light narrative has ended with a dramatic panorama that leads the story to a confusing genre. Finally lost the essence with the conclusion to an anticipated ending that beaten its uniformity.
This could have been a very wonderful story to make you smile and fall in love again if the author was able to make the plot consistent. I have been reading a light love story all throughout and enjoy the portrait of Very Realistic characters and events with unprecedented fast-paced consequences. If the author would like to make this a tragic story, he should have at least introduced a bit of gloomy outlook in any of its part which I have not seen in the entire story. Consequently, making the pre-meditated ending a conflict to its sum. The ending was like from a different piece that a has an apparent disconnect to the original design.
Part 1-25 deserves a score of 8.5/10. Except the finale which seemed to be from a different story but was forcedly proceeded to a whole different genre.
ReplyDeleteIt is a well composed story with very realistic characters and a reasonable turn of events except an unexpected ending which lost the consistency and rationality of the Piece. What could have been a piece of light narrative has ended with a dramatic panorama that leads the story to a confusing genre. Finally lost the essence with the conclusion to an anticipated ending that beaten its uniformity.
This could have been a very wonderful story to make you smile and fall in love again if the author was able to make the plot consistent. I have been reading a light love story all throughout and enjoy the portrait of Very Realistic characters and events with unprecedented fast-paced consequences. If the author would like to make this a tragic story, he should have at least introduced a bit of gloomy outlook in any of its part which I have not seen in the entire story. Consequently, making the pre-meditated ending a conflict to its sum. The ending was like from a different piece that a has an apparent disconnect to the original design.
True to Life Story po ba to?
ReplyDeleteD ko mapigilang maiyak .binasa ko lng to kaninang umaga at ngyon ko lng natapos.bigat ng nararamdaman ko,. KUDOS SA WRITER nito...
ReplyDeletenice@@
ReplyDeletemaybe not the best ending but it was epic.... :'(
ReplyDeletehappy to read the story......
Sana yong walang namamatay sa ending. Napakalungkot ng kwento. Parang di ko kakayanin.
ReplyDeleteSana di namatay si Louie okie lang yung wala na sya maalala para kasama pa din sila nina Ian, Diane, nanay Mila at Lito. Ambilis lang na namatay sya dahil sa early Alzeimer's. Pero overall, I love how the story flowed. Maganda maganda, yung ending lang yung di ko sure pero maganda talaga. Salamat sa pagpapaiyak sa mga readers at madami akong napulot sa kwentong ito na matutong magpahalaga sa bawat oras at panahon dahil maiksi lang ang buhay, di natin alam kung hanggang kelan lang tayo mabubuhay. Enjoy life and love.
ReplyDeleteSana di namatay si Louie okie lang yung wala na sya maalala para kasama pa din sila nina Ian, Diane, nanay Mila at Lito. Ambilis lang na namatay sya dahil sa early Alzeimer's. Pero overall, I love how the story flowed. Maganda maganda, yung ending lang yung di ko sure pero maganda talaga. Salamat sa pagpapaiyak sa mga readers at madami akong napulot sa kwentong ito na matutong magpahalaga sa bawat oras at panahon dahil maiksi lang ang buhay, di natin alam kung hanggang kelan lang tayo mabubuhay. Enjoy life and love.
ReplyDelete