Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.
Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe
Hintayin ko mga comments po ninyo. :))
Enjoy Reading!!!
--------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 20
(This day)
[Alex’s
POV]
“Anong
ginagawa mo dito?” tanong ni Kieth sa kanya.
“Binibisita
ko lang siya. Eh ikaw? Ang kapal ng mukha mo na pumunta dito.” Sabi naman ni
Mr. Bautista.
Hinawakan
ko ang kamay ni Kieth.
Alam kong makikipagtalo lang siya sa papa ni Arjay.
Umupo na lamang siya sa tabi ko at nanahimik.
“Salamat
po.” Sagot ko.
“Kamusta
ka na?” tanong nito.
“Maayos
naman po. Kakagising ko lang din po.”
“Mabuti
naman. Halos mag-iisang lingo ka ng natutulog.” Sabi naman nito.
“Si
Arjay po pala kamusta po?”
“nagpapahinga
siya. Ayaw niyang lumabas ng bahay.”
“Ano po ba ang nangyari?”
“Mukhang
hindi mo pa alam.” Sagot nito
“Ano
pong meron?” tanong ko.
“Si
Arjay…” biglang sabat ni Kieth.
“May
nangyari bang masama kay Arjay?” tanong ko.
“Wala.
Siya ang dahilan kung bakit nadugtungan ang buhay mo. Siya ang nagdonate ng
dugo na nawala sayo.”
Bigla
akong nakaramdam ng katuwaan sa sarili ko.
Salamat sa kanya at narito ako at buhay.
Kung hindi siguro dahil sa kanya ay wala ako ngayon.
“Nais
ko siyang pasalamatan.” Sabi ko.
“Sa
ibang araw na lamang. Pipilitin ko na pumunta siya dito.” Sabi ni Mr. Bautista.
“Salamat
po Mr. Bautista.” Sabi ko.
“Tito
Ralph na lang.” sabi nito.
“Ah
eh ganun po ba? Hehehe.”
“Eto
prutas para sayo.” Sabi nito.
“Salamat
po.”
“Walang
anuman. Ang mama mo nga pala nasaan siya?”
“May
binili lang daw po sabi ni Kieth po eh.” Sagot ko
“Ah
ganun ba. Gusto ko sana siyang makausap eh.”
“Baka
mamaya pa ang dating ni mama.” Sabi ni Kieth.
“Babalik
na lamang ako sa ibang araw. Masaya ako na maayos ka na. Magkikita pa tayong
muli.” Sabi nito.
“Sige
po sasabihin ko po sa kanya.”
“Ingat
ka.” Sabi nito.
Alam
kong may awkwardness pa rin sa pagitan nilang dalawa ni Kieth.
HAixt buhay.
Nakita ko naman na tahimik lang si Kieth sa isang tabi kaya tinawag ko ito.
“Babe…
okay ka lang?” tanong ko.
“Yup.”
Sagot niya
“Di
ka okay eh… at wag mo ng i-deny.”
"Alm mo naman pala eh..."
"Alam mo ang sungit mo."
"Tsss."
"Halika nga..."
Lumapit
ito sa akin at niyakap ako.
“Kilala mo talaga ako ah.”
“Yang
butas ng ilong mo kasi lumalaki na naman kaya nahahalata ko.”
“Babe
naman.”
“Anong
problema?” tanong ko.
“Sorry
kung pinabayaan kita noon. Sorry kung hindi kita napangalagaan. Naging pabayang
boyfriend ako sayo. Sinisisi ko tuloy kung bakit ka nandiyan sa ka…” hindi ko
na pinatapos ang sinabi niya
“Kung
naging pabaya ka, sana wala ka ngayon. Wala kang kasalanan at wag na wag mong
iisipin na may kasalanan ka.”
Niyakap
niya ako ng mahigpit.
“Hinding-hindi na ito mauulit pangako ko sayo.” Sabi ko.
“Oo.
Alam ko. Kaya kalma na. wag na wag kung anu-ano lumalabas jan sa isip mo.”
“Opo.”
Sagot niya.
“sanay
na naman ako sa ospital noon.”
“Dahil
sa aksidente dati?”
“Oo.”
“Ang
tagal naman bumalik ni mama.” Ang nasabi ko na lamang.
“Pabalik
na rin yun.”
“Kamusta
pala ang school?” tanong ko.
“Okay
naman.Malapit na ang finals natin.”
“Kailangan
ko pa man ding humabol. Sayang ang scholarship pagnagkataon.”
“Magpagaling
ka muna bago ang lahat. Hay naku.”
“Opo
master.”
“Tss.
Bilisan mong magpagaling ha.”
“At
bakit?”
“Para
naman maka-home base na ako sayo.” At tumawa siya.
“Natatawa
ako sayo. Saan mo naman natututunan yang mga salitang yan?”
“Tinesting
ko lang. bagay ba?”
“Hindi.
Mukha kang malambot na tae.”
“Tss.”
At nagpout na siya ng labi.
“Ang
gwapo ko babe.” Sabi niya
“Asa
naman.”
“Pumayag
ka na lang.”
“At
dahil mahal kita.. sige pipilitin kong magsinungaling. Haha.”
Niyakap niya ako ng mahigpit at napansin ko na napatahimik siya.
“I
miss your voice…” sabi niya
"Ang sweet naman..."
"I swear... na miss ko..."
"Salamat... yaan mo di na kita pag-aalalahanin pa."
Makalipas
ang 20 minutes, dumating si mama.
Malawak ang ngiti nito sa akin.
Agad niya
akong niyakap at kinamusta sa aking kalagayan.
Namiss ko si mama ng sobra kaya
sobrang higpit talaga ang mga yakap ko tuwing may pagkakataon ako.
“Anak…
pinakaba mo kaming lahat. Masyado akong ninerbyos nang maaksidente ka.”
“Matibay
ata to ma.”
“Sabi
ng doctor kapag nagising ka daw, 3 days after nung oobserbahan ka at kapag wala
na silang makitang mali sayo, pwede ka na nilang irelease.” Sabi ni mama.
“Gusto
ko ng lumabas.”
“Kaya
dapat magpagaling ka muna.” Sabat ni Kieth.
Lumapit ulit siya sa akin at niyakap ako.
“Dapat
alagaan mo ako ha.”
“Oo
naman.”
“Kow
naman.” Sabi ni mama.
“Ma
naman. Wag na pong kontra.” At nagtawanan kami.
Buong
maghapon, magkasama lang kami ni Kieth.
Si mama pinauwi ko muna para makapag
pahinga.
Babalik na lang daw siya bukas.
Si Kieth naman, pinapauwi ko na at may
pasok siya bukas, pero matigas ang ulo.
“Nagugutom
ka ba?” tanong niya sa akin.
“Medyo.”
Tugon ko.
“Ano
gusto mong kainin?”
“May
nakita akong mansanas na dala ni mama. Yun na lang.”
“Inumin
ba?”
“Tubig
na lang.” tapos ngumiti ako.
“Mukhang
may iniiisp ka ah?” tanong niya habang inaasikaso niya ang pagkain ko.
“Bored
lang ako.” Sagot ko.
“Nandito
naman ako ah.”
“Aysus.
Wag mong sabihing magtatampururot ka?”
“Di
naman.”
Umupo siya sa tabi ko at sinubuan ako ng mansanas.
“Anong
naramdaman mo nung naaksidente ako?”
“Ano
ba namang tanong yan?”
“Sumagot
ka na. batukan kita eh.”
“Brutal
ha.”
“dali
na.”
“Ayon.
Okay naman. Haha De joke lang. Siyempre nag-alala ako. Siyempre halos di ako
magkandaugaga sa kakaisip kung magiging okay ka ba.”
“Di
ko alam kung ano ba ang dapat maramdaman ko.” Sabi ko.
“Dapat
maging Masaya ka diba?”
“Alam
ko. Pero bakit ganun? Bakit parang di ako buo? Parang may kulang?”
“Baka
naman nasalin sayo yung emosyon ni Arjay.” Sabi niya.
Seryoso
pa ang mukha niyang iyon ha.
Nakatitig lang ako sa kanya ng mapansin niya na
nakatingin ako.
“What?” tanong niya
“Mukha
kang timang.”
“Ako
na ata ang pinakagwapong timang sa mundo.”
“Kapal.”
“Sus
naman. Hahaha.”
“Paano
kung di ako nagising?” bigla kong tanong.
Naramdaman
ko ang pananahimik niya.
Agad itong kumalat sa buong kwarto at ni-isa sa amin
ay walang balak na umimik.
Kinulbit ko siya kasi halatang galit siya.
“Ui.”
“Just
shut up.” Sabi niya
“Sorry
na.”
“Di
kasi nakakatuwa yung tanong mo.”
“I’m
just…. Wondering.”
“Ayaw
mo na ba sa akin?” tanong niya
“Huh?
Anong sinasabi mo? Bakit mo yan sinasabi?”
“Para
kasing ayaw mo na sa akin. Gusto mo na bang lumaya sa akin? Naboboringan ka na
ba sa akin?” sunod-sunod niyang tanong.
Hinawakan
ko ang mukha niya at tumingin sa kanyang mga mata.
Agad naman siyang napatigil
sa gusto niyang gawin na pagsasalita.
Hinayaan ko munang lumipas ang ilang
minute bago ako magsalita.
“Sorry
kung natanong ko yun. I’m just wondering kung ano ang feeling. Pero somehow
natakot din ako. Bago ako mawalan ng malay noon, ikaw agad ang hinanap ko.
Gusto kong Makita ang mukha mo bago man ako mawalan ng malay tao. Natatakot
kasi ako na baka din a ako magising. Napakadilim kasi ng pakiramdam. Ikaw ang
nasa isip ko. Kaya wag kang magsasalita ng ganyan ha. Alam mo, ikaw lang ang
tatakbo sa buhay ko ngayon. Ipinagpatuloy ko ang buhay ko para sayo. Naging
matatag ako para sayo.. yan ay dahil gusto kong mag tagal tayo… dahil mahal
kita. Mahal na mahal kita.”
Naramdaman
ko ang pagtulo ng kanyang mga luha.
Napaka rare sa isang lalaki na magpakita ng
luha na tulad nito.
Di ko alam kung pang-ilang beses ko na bang nakita siyang
umiyak.
Or worse, baka ngayon ko pa nga lang siya nakita eh.
“tahan
na babe… I love you.” Sabi ko.
“Matapang
ako… pero pagdating sayo sumusuko ako. Astig ako… pero nagmumukhang duwag ako
pag wala ka sa tabi ko. Matatag ako… pero nanlalambot ako kapag wala ka sa
piling ko. Nung maaksidente ka, akala ko mawawala ka na sa piling ko. Lahat
kaya kong gawin maibalik ka lang sa akin. Ayaw ko ng maramdaman na mawalan ng
minamahal. Ang gusto ko lang ay makasama ka habang buhay…”
“Maswerte
ako dahil ngayon ay tayo. Nagpapasalamat ako sa Panginoon kasi ibinigay ka niya
sa akin. Kaya salamat sa pananatili sa akin.”
“Mukha
na tayong timang dito.” Sabi niya
“Eh
ikaw eh. Umiyak agad.”
“Di
ko nakayanan.”
"Mukha kang batang inagawan ng candy..."
"Tsss."
“Hey
yung apples ko.” Sabi ko.
“Wala
na. matulog na lang tayo.”
“Mabuti
pa nga. Pagod na rin naman ako.”
“Gawa
na lang tayo ng baby.”
“Hey.”
“Just
kidding. Haixt.”
“Buntong
hininga talaga?”
“Alangang
umutot ako?”
“Ewan
sayo.”
“Paglabas
mo… date tayo…”
Napangiti
na lang ako at niyakap siya, hinalikan ko siya sa labi at nagsabing.
“I love
you.”
[Kieth’s
POV]
Papunta
ako ngayon sa bahay nila Alex dahil pinapakuha niya yung mga notes niya.
Sabi
ko magpahinga na lang siya kaso nabo-bored lang daw siya.
Kasama niya ngayon sa
ospital si Kuya.
Si mama nasa bahay daw at nag-aayos ng bahay para sa paguwi ni
Alex.
Nagpark
ako sa tabi ng bahay nila Mama ng mapansin ko ang isang pamilyar na kotse.
Ano
bang meron sa kanya at lagi na lamng siyang nakikidikit kila Alex?
Pagkababa
ko, papasok na sana ako sa gate ng marinig kong nagring ang phone ko.
Agad ko
namang sinagot ito.
Si Jake.
Anong meron kaya?
“Pre!!!”
bungad nito.
“Aray.
SAkit sa tenga. Tungunu pre…”
“Hahahah.
Easy lang. Highblood agad?”
“Oh?”
“Suplado
eh.”
“Bilis
na.”
“Papatulong
ako.”
“Saan?”
“Nililigawan
ko best friend ng jowa mo.”
“Anong
gagawin ko?”
“Ang
plain pre? Shet lang?”
“Edi
ligawan mo. Dalhin mo dun sa special place ko dati. Sayo na yun ngayon.”
“Ang
corny naman.”
“Edi
bahala ka jan.”
“Libre
mo kami.”
“Neknek
mo.”
“Dali
na.”
“Ewan
sayo.”
“Pre
naman. Parang di tayo magbest friend eh.”
“Ewan.
Hala sige na. nagmamadali ako.”
“Please
pre…”
“Ang
kuripot eh.”
“Minsan
lang naman to.”
“Oo
na. tatawagan ko si ate mamaya. Papaayos ko yung resto.”
“Thanks
pre… ikikiss kita pagnagkita tayo.”
“Yuck
pre”
“Asa.
Sige salamat!” at binabaan ko ng loko.
Grabe
talaga tong mokong nay un.
Kainis. Hahaha.
Pero napabaling ulit ang atensyon ko
sa kotse ni Tito Ralph.
Ano na naman ba ang kailangan niya?
Agad
akong pumasok at nakita ko ang pagtatalo nilang dalawa.
Agad silang natigilan
nang Makita ako.
Nakita ko ang galit sa istura ni tito Ralph.
“At
nandito ka na naman ha?” bungad ni tito Ralph.
“Anong
ginagawa mo dito?” tanong ko.
“Huh.
Ang lakas talaga ng loob mo ah.”
“Wala
na naman akong dapat katakutan pa.”
“Kieth…
asaan si Alex?” tanong ni mama.
“Nasa
may ospital pa rin po. Binabantayan ni kuya.”
“Anong
ginagawa mo dito anak?”
“May
pinapakuha lang si Alex po. Ginugulo po ba kayo ni Tito Ralph?” tanong ko.
“Hindi..
sige akyat ka na.”
“Hinahayaan
mo lang siyang pumasok dito?”
“Wala
kang pakialam.” Sagot ni mama.
“Meron
at alam mo yon.”
“Manahimik
ka.”
“Matagal
na akong nanahimik. At isa pa, para malaman ng lalaking iyan ang lahat-lahat.
Para rumespeto siya at matutong matakot.”
“With
all due respect po sir, sana tigilan na po ninyo ako. Wag na wag po ninyong
haharassin si mama.”
“Mama
ha? Pareho talaga kayo ng ugali na papa mo. Masyadong mapapel.”
“Wag
na wag po ninyong madadamay ang papa ko!”
“Ano
naman?”
“Wala
kayong karapatan!”
“Wala
ka rong karapatan na makialam sa pamilya namin!”
“Wala
na akong pinapakialaman sa inyo! Wala na kami ni Arjay! Kaya wag na kayong
mag-alala.”
“Ikaw
ang walang karapatan!”
“Inaano
ko ba kayo? Nanahimik na ako dati! Hanggang ngayon ba guguluhin pa rin ninyo
kami!”
“Gusto
ko lang ipaalam sayo na dapat ginagalang mo ang nasa harapan mo!”
“Dati
yun. Yung kayo pa ang ma ng minamahal ko! Pero ngayon! Hindi na! nawala na ang
respeto ko sa inyo dahil sa ginawa ninyo.”
“Kieth
tama na.” paki-usap ni mama.
“Hindi!
Sige lang. yabangan mo pa ako. Tignan lang natin kung makakapagyabang ka pa.”
“Ralph..
wag.. please.”
“Hindi!
Tapos na akong magtikom ng bibig. Hudas tong lalaking ito eh. Nang dahil sa
kanila nagkasira kami! Ngayon di ako papayag na mapunta ulit siya sa anak ko!”
“Paulit-ulit
pala talaga kayo ano? Diba wala na kami ni arjay!”
“Ralph..
wag!!!!” sigaw ni tita.
“Wag
kang makialam.”
“May
pakialam ako dahil anak ko ang nasa katayuan ngayon!”
“Ma?”
tanong ko.
“Kieth
umalis ka na. please… ngayon na.”
“Nagugulhan
ako. Ano bang meron? Matagal ko na pong napapansin na may itintago kayo.”
“Usapang
matanda lang ito…”
“Wala
na tayong dapat itago pa.” sabi ni tito Ralph.
“Hindi!
Tumigil ka.” Si mama.
“Hoy
lalaking malaki ang sungay…”
“RALPH!”
sigaw ni mama.
Ngayon
ko lang nakita si mama na ganun magalit.
Napatahimik ako pero hindi tumigil si
toto Ralph.
“Wag
mo akong alisan ng karapatan sa anak ko! May karapatn ako isiwalat na anak ko
si Alex at gagawin ko ang lahat makuha lang siya!”
“Anak?
Si Alex? Paanong?” nagugulhan ako.
“Oo
magaling na lalaki. Anak ko lang naman yang taong minamahal mo!”
“Hindi…
hindi ako naniniwala!”
“Wala
akong pakialam kung ayaw mong maniwala! Anak ko si Alex at wala ka ng magagawa
pa!”
“Malayo!
Napaka layong mangyari iyon!”
“Ralph
napakasama mo!!!”
“Hindi.
Ikaw ang masama kasi itinago mo sa kanya ang lahat!”
Napaupo
na lang si tita sa sahig.
Agad ko nman siyang inalalayan at itinayo.
Kita ko sa
kana yang pagkalugi at pagkatalo.
Unang beses kong Makita na ganito si tita.
Na
para bang walang buhay.
“Umalis
na kayo tito!” sabi ko.
Bigla
niya akong sinuntok kaya natumba ako sa sahig.
Agad kong sinipat ang dugo sa
aking mga labi.
Agad namang lumapit si mama sa akin at sinigawan si tito Ralph.
“Bakit
mo ginawa yon? Umalis ka na nga dito!”
“Hindi
ko alam kung ano ang nakita mo jan sa lalaking yan, pero hindi ako papayag na maging
sila ng anak ko. May karapatan ako sa anak ko kaya wala kang magagawa!” sigaw
nito.
“Huh…
yan naman kayo eh Magaling kayo jan sa pananakot ninyo. Napakaduwag ninyo dahil
ginagamit ninyo ang pagkaama ninyo sa mga bagay na walang kwenta! Napakamalas lang
talaga ni Arjay at naging tatay ka niya. Kahit na wala kami, nag-aalala ako sa
kanya dahil nandiyan ka sa tabi niya! Nilamon na kayo ng galit ninyo! Ibang-iba
na kayo!” sabi ko.
“Wala
ka talagang modo! Manag-mana ka talaga sa tatay mo! Wag kang makialam sa
pagiging tatay ko. Hinding-hindi ko nga pinakialaman ang papa mo! Ang kapal ng
mukha mo na sagutin ako. Ako ang magiging bangungot mo!” sigaw niya
“At
hindi ako papayag na ikaw ang dahilan ng pagkamatay ko!” sigaw ko.
Lalapit
pa sana si tito Ralph ng bahagyang tumayo si mama at sinampal ito.
Natigilan
silang dalawa habang ako naman ay tumayo at inalo si mama.
“Umalis
ka na! wala ka namang ginawang maganda sa amin! Ang kapal ng mukha mo na
humarap pa sa akin! Wala kang karapatan na maging tatay sa anak mo dahil niloko
mo lang kami. Tahimik na ang buhay naming kaya umalis ka na! umalis ka na
ngayon sa pamamahay ko kung hindi tatawag ako ng pulis!”
“Babalik
ako at kukunin ko ang anak ko. Makikita ninyo!”
Binalabag
ni tito Ralph ang pinto at paharurot na umalis sa bahay nila Alex.
Naiwan naman
kami ni mama na tahimik at walang imikan.
Agad kasi siyang umalis at pumunta sa
kusina.
Ilang
sandali lang din ay bumalik siya at may
dalang towel at yelo.
Agad niyang hinawakan ang aking mukha at nilinis ang digo
sa aking labi.
Nakaramdam naman ako ng sakit.
“Di
mo na dapat ginawa yun.” Sabi nito.
“Ano
ang totoo mama?” tanong ko.
“Mas
mabuting hindi mo alam ang totoo?”
“Kaya
ba laging nadun si tito Ralph? Kaya ba siya nangngugulo sa inyo? Bakit hindi
ninyo sinabi na ang tatay ni Alex ay si tito Ralph?” sunod-sunod kong tanong.
“Wala
kang narinig at wala kang nalaman. Lakad na, inaantay ka na ng anak ko.”
“Hanggang
kalian ninyo ito itatago mama? Hanggang kalian? Kapag wala na si Alex? Ha mama?
Kapag dumating yung panahon na wala na kayong anak?!”
“Hindi
ko alam! Hindi ko alam!” at humagulgol sa pag-iyak si mama.
“Ma…
gusto kong malaman ang totoo.. naguguluhan ako…”
Pinakalma
ko muna si mama bago ko siya pinagsalita.
“Totoo na ang tatay ni Alex ay si
Ralph.” Saad nito.
“Pero
paanong nangyari po yon? Si Kuya rin po ba anak ni Tito Ralph? Si Bunso?”
“Magkaiba
sila ng ama. Hindi ko anak si Hamilton. Anak siya ng naging asawa ko matapos
akong lokohin ni Ralph. Alam ni Hamilton ang lahat ng nangyari.”
“Pero
paanong nagkaanak kayo ni tito Ralph?”
“Dalaga
ako noon at hindi ko alam na may asawa pala si Ralph. Nagkakilala kami sa isang
bar na una kog pinuntahan. Doon, nagkakilala kami at nagkausap. Di rin nagtagal
ay niligawan niya ako. Isang buwan lang din ay sinagot ko ito. Nahulog ang
kalooban ko sa kanya. Nagtagal kami at di naglaon nangyari ang hindi dapat
nangyari. Pinangakuan niya ako na pananagutan niya ako. Naniwala ako sa kanya
dahil mahal ko siya.”
“Napakasama
pala talaga ni tito Ralph.”
“Napakasaya
ko nang malaman ko na buntis ako. Pero di naglaon, nalaman ko na isa lang pala
akong kabit. Pinalayas ako ng mga magulang ko dahil sa nangyari at di ko
inaasahan na ganun ang mangyayari.”
“Pero
paanong magkaedad sila ni Arjay?”
“Hindi
daw magkaanak-anak ang nanay ni Arjay at dahil doon, nawalan ng pag-asa si
Ralph at naghanap ng iba. Ang gusto lang niya ay magkaanak. Pero hindi tama ang
ginawa niya! Maling-mali! Niloko niya ako at ginamit lang niya ako.”
“Paano
po kayo nagkakilala nung tatay ni Kuya?”
“Isang
taon na si Alex nang magkakilala kami ni Ramon. Isang taon niya akong sinuyo
dahil sa hindi na ako naniniwala pa sa pagmamahal. Biyudo na siya sa una niyang
asawa. Mabait siya, mapagmahal, maaruga at higit sa lahat mapag-alaga.
Napamahal siya sa akin ng hindi ko nababtid hanggang sa isang araw, narealize
ko na siya ang dapat kong maging katuwang. Umabot ng 2 taon bago kami
magpakasal at nagsama. Tanggap naman ni Hamilton ang sa amin ng papa niya.
Itinago lamang naming kay Alex ang lahat.”
“Pero
dapat malaman yun ni Alex.”
“Natatakot
ako na baka magbago ang lahat. Na baka iwan niya ako.”
“Hindi
ganyang tao si Alex ma. Maiintindihan ka niya. Naniniwala po ako na magiging
maayos ang lahat.”
“Wag
muna ngayon. Wag na muna.”
“Pero
kailan pa? niloloko lang ninyo si Alex”
“Hindi
ko pa pwedeng sabihin sa kanya. Hindi ako papayag.”
“Pero
aagawin siya sa inyo ni tito Ralph…”
Di
pa kami natatapos mag-usap ng magring ang cellphone ko.
Si Alex.
“Ma.. si
Alex.”
“Please..
hayaan mong ako ang magsabi sa kanya.”
“Sabihin
po niyo sa kanya as soon as possible. Ayoko pong naglilihim sa kanya.”
“Kapag
magaling na si Alex.. saka ko sasabihin…”
“Hello.”
Bigla kong sinagot yung tawag nito.
Kita ko naman agad ang kakaibang kaba sa
mukha ni mama.
“Asaan
na ang babe ko?” tanong ni Alex sa kabilang linya.
“Ah
eh pabalik na ako.”
“Sige
bilisan mo ah. Si Kuya sinasabutahe na ako dito.”
“Okay.
I love you.” Sabi ko.
“Love
you too… Miss you.” At ibinaba na niya.
“Mag-usap
kayo ni Alex pagkadating niya ditto sa bahay ma.”
“Oo..
Sige na anak. Balik ka na doon.”
“Ayos
lang po ba kayo dito?”
“Oo.”
Kinuha ko muna ang pinapadaanan ni Alex at umalis na ako.
(Itutuloy)
hey dylan kyle, thanks sa update, lagi ko itong inaabangan. ang ganda at interesting ang story. pati yung music ay saktong saktong sa bawat chapter...
ReplyDelete`paolo
maraming salamat po... nxia kung medyo bitin. hahahah salamat po sa pagbabasa. :))
Deletehey dylan kyle, thanks sa update, lagi ko itong inaabangan. ang ganda at interesting ang story. pati yung music ay saktong saktong sa bawat chapter...
ReplyDelete`paolo
salamat po. :)
Deletelike it like it like it!!
ReplyDeletethanbk you sa update. :))
uhm mukhang magkakaalamanan na talaga at sana namanmaging ok ang lahat at wag matulad si alex kay arjay na pinaikot ang buhay andun na mahal na mahal nia yung anak nia kaso di rin naman tama na sia ang magdesisyon sa bagay na alam niang masasaktan yung anak nia. at kay alex mukhang matatanggap naman ni alex kasi malawak isip nia at si kieth ee kaya naman nia ipaglaban si alex ee. push lang.!! hihihi at kay jay bagay sila ng bff ni alex haha kilig. hahaha thank you sa update. :))
maraming salamat po at nagugustuhan po ninyo. :))
DeleteAng panggulong tito ralph...kmalas ni alex xa nging ama nya gagamitin n nman anak nya. Nice chapter dylan.
ReplyDeleteRandzmesia
heheheh. salamat po. :))
Delete