Followers

Monday, August 26, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Book 2 : Chapter 8]






Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 8]







By: Crayon






****Kyle****






10:24 pm, Friday
April 30




Hinihintay ko na mag-online si Lui nang muli akong i-message ni Renz.



Renz: jellyfish?


Ako: hmmmm?


Renz: pagod?


Ako: medyo po. Bakit gising ka pa?


Renz: hinihintay kita mag-online eh...


Ako: aysus!



Iyon lamang ang nasabi ko kay Renz dahil biglang nag-alert yung account ko sa skype. Online na din si Lui.




"Hoy kutong lupa ka! Bakit ngayon ka lang nagparamdam ha!", masungit kong bati kay Lui.



"I miss you too! Hahahaha", natatawa niyang bati mula sa screen ng aking laptop. 



"At bakit topless ka pa? Siguro busy ka sa pagsho-show ng katawan mo sa mga ka-chat mo no?!", pambibiro ko sa kanya. Namiss ko din kasi siyang kausap.



"Hahaha, hindi no. Inaakit lang kita! Ok ba?", mayabang niyang sabi habang nagfle-flex ng kanyang muscle sa harap ng camera.



"Kadiri ka! Hahahaha", natatawa kong sagot sa kanya.



"Hehehe pasensya ka na ha. Busy kasi ako ngayon sa business namin eh, sumasabay pa si Chay. Sinugod ba naman ako dito sa Antipolo.", pagkukwento niya.



"Ha? Bakit?"



"Eh di ba sabi mo makipag-break na ko. Eh di nakipag-break na ako. Kaso ayaw pumayag at kinukulit ako ngayon."



Matagal din kaming nagkwentuhan ni Lui. Katulad ng sinabi niya ay nakipaghiwalay na siya kay Chay dahil hindi na raw niya mahal ito. Nakaramdam naman ako ng pagkaaawa sa babae. 



Ikinuwento ko rin sa kanya ang mga nangyayari sa trabaho at mataman lang siyang nakinig sa akin. Nang matapos ako magkwento ay inutusan niya akong mag-resign na at maghanap na lang ng ibang trabaho.



"Feeling pogi din talaga yang Aki na yan no! Basta mag-resign ka na dyan ha! Sinasabi ko naman kasi sayo na pakasalan mo na ako! Ihihiga kita sa pera, hindi mo na kailangan magtrabaho!", mahabang sermon sa akin ni Lui.



"Umiral na naman ang built-in aircon mo sa katawan! Hindi ako nagtatrabaho para lang sa pera no! Tsaka gusto ko nga na magkaayos kami ni Aki kaya tinitiis ko na lang ang pagkamasungit niya ngayon. Hindi naman siguro tatagal at magiging okay din kame. Alam mo naman di ba yung nangyare sa amin kaya may dahilan rin siya para magalit sa akin.", pagdepensa ko kay Aki.



"Ah basta, ayaw kong pinapahirapan ka nila. Ako ngang araw-araw mong sinusungitan dati eh hindi ka magawang awayin eh tapos sila gaganunin ka na lang! Kung gusto mo sa amin ka na lang magtrabaho.", pangungulit ni Lui.



"Iba naman kasi yung nagawa ko kay Aki. Nasaktan ko yung damdamin niya at binalewala iyon para sa pansarili kong kapakanan."



"Bakit ako ba tingin mo hindi nasaktan sa ginawa mong pambabasted sa akin at pagde-declare na friends lang tayo?", biglang naging seryoso at malungkot ang mukha ni Lui.



May punto naman siya sa kanyang sinabi. Hindi ko lang alam kung bakit hindi ko makumbinsi ang sarili ko na paniwalaan ang sinasabi ni Lui.



"Lui naman eh.", malungkot kong sagot sa kanya. Hindi ko naman kasi magawang kontrahin ang sinasabi niya. Ayaw ko na may masabi akong makakasakit pa sa kanyang damdamin.



"Haaayyy... Bahala ka na nga. Alam mo namang hindi kita matitiis eh, basta kapag sinaktan ka niyang Aki na yan, ako mismo ang magsasampal ng resignation letter mo sa mukha niya.", sumusukong wika ni Lui. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa ginawang pagsuporta sa akin ni Lui.



"Thank you Lui.", nakangiti kong tugon sa kanya.



"Pasalamat ka mahal kita.", nakangisi nang sagot ni Lui.



May isang oras din kami nag-usap ni Lui bago kami nagpaalam sa isa't-isa. Nakalimutan ko na ngang ka-chat ko si Renz dahil sa busy ako sa pakikipagkwentuhan kay Lui. Nang balikan ko ang aking facebook account ay nagulat ako sa dami ng message ni Lui.




Renz: nga pala kukunin ko yung number mo, kung okay lang sana.

Renz: jellyfish?

Renz: jan ka pa?

Renz: uy?

Renz: ok lang naman kung ayaw mo ibigay number mo. Dito na lang tayo sa fb mag-usap. ;)

Renz: kyle? :(

Renz: galit ka ba?

Renz: may nasabi ba ako kahapon na hindi maganda? 

Renz: ui, jellyfish....

Renz: sori kung may nasabi akong di mo nagustuhan...

Renz: sagot ka naman po.

Renz: haaayyy

Renz: sori kung nakukulitan ka na sa akin...

Renz: tulog ka na ba?

Renz: kyle ko? :((

Renz: T-T

Renz: sorry po kung may nasabi ako o nagawa na di mo nagustuhan. Eto pala number ko 0906-xxx-xxxx, text mo lang ako kung gusto mo kausap.

Renz: mukhang di ka na talaga magrereply. :'(

Renz: good night po jellyfish. Tulog na ako.




Nakaramdam naman ako ng guilt. Agad kong kinuha ang number ni Renz at tinext ko siya ng good night bago ko ipinikit ang aking mga mata.






****Renz****






11:36 pm, Friday
April 30





Hindi ako mapakali sa aking higaan. Kanina lamang ay ka-chat ko pa si Kyle sa facebook pero bigla na lamang siyang nawala ng walang paalam.



Hindi ko mapigilang isipin na baka may nasabi akong masama o di niya nagustuhan kaya niya pinili na hindi na lamang ako pansinin. Isang oras ko din siyang hinintay pero wala na akong nakuhang reply mula sa kanya. Iniisip ko na baka ayaw niyang ibigay sa akin ang kanyang contact number kaya bigla na lang siya nawala. Maaaring gusto niyang panatilihin ang distansyang namamagitan sa amin. Nalungkot naman akong bigla sa isiping iyon.



Nakaramdam na ako ng antok kaya minabuti kong patayin na lang ang aking laptop at matulog na lamang. Pero agad rin nawala ang aking antok ng ioikit ko ang aking mga mata. Labis akong nababalisa sa hindi pagsagot sa akin ni Kyle. Nangangamba ako na baka hindi niya na ako muling kausapin pa kahit sa facebook. Nainis tuloy ako sa sarili ko dahil naisipan ko pang kunin ang number niya.



Nasa ganito akong pag-iisip ng biglang umilaw ang aking cellphone. Nang tingnan ko kung sino ang nagtext ay isang unknown number ang nakalagay.



Binasa ko ang mensaheng aking natanggap at laking tuwa ko ng makitang mula iyon kay Kyle. Nagpaalam ito na matutulog na. Dali-dali naman akong nag-reply sa kanya ng 
Goodnight. Agad ko rin ang sinave ang number niya sa aking mga contacts.



Mukhang hindi naman siya galit base sa kanyang text. Nakahinga naman ako ng maluwag sa aking nalaman at ilang minuto lang matapos noon ay nakatulog na din ako.








****Kyle****






7:00 am, Wednesday
May 30





Isang oras pa bago ang aking takdang oras ng pasok ngunit nagsisimula na ako ng trabaho sa opisina. Isang buwan na rin buhat ng magsimula akong magtrabaho sa kumpanya ni Aki. Kahit na isang buwan pa lamang akong nagta-trabaho pakiramdam ko ay malapit na akong sumuko sa aking ginagawa.



Ganoon pa rin ang pakikitungo sa akin ng dati kong kaibigan. Masungit pa rin at madalas ay pinupuna ang aking mga ginagawa kahit na ang maliliit na mga pagkakamali. Halos sa araw-araw na pasok ko ay inihahanda ko na ang aking sarili sa panibagong sermon sa akin ni Aki. Minsan hindi ko tuloy mapigilang isipin na ang tanga-tanga ko dahil wala akong magawang tama. 



Alam kong kinaaawaan ako ng kaibigan kong si Sam. Hindi niya gusto ang ginagawang trato sa akin ni Aki. Ayon dito ay strikto talaga si Aki pero hindi niya pa ito nakita na ganito kahigpit sa trabaho. Ilang beses ko nang narinig na kinausap ni Sam si Aki tungkol sa pagtrato nito sa akin pero ang laging sagot na naririnig ko mula kay Aki ay "Kung hindi niya kaya ang gawain dito sa opisina ay mag-resign na lamang siya.". May punto naman si Aki, may option naman ako na mag-resign kung hindi ko na kaya ang mga trabaho ko. Pero kabaligtaran ang ninais kong gawin, pinili kong manatili para patunayan na kaya kong gawin ang kung anumang iutos niya sa akin. Hindi ko lang siguro alam kung hanggang kailan ko kayang panindigan ang aking sinabi dahil para akong nauupos na kandila sa tuwing sesermunan ni Aki.



Pilit kong iwinaksi ang mga bagay na iyon sa aking isip at nag-focus nang muli sa ginagawa kong report. Gusto ni Aki na gawan ko ng report ang status ng mga major client ng aming accounting firm. Sa halip na kumalap na lamang ng mga naunang report mula sa ibang department ay gusto niya na magsimula ako sa mga raw data. Halos mabuwang na ako sa kagagawa nito sa nakalipas na dalawang linggo. Deadline na ng report ko bukas pero medyo malapit na din naman na akong matapos. 



Busy ako sa pagbabasa ng bumukas ang pinto ng aming opisina. Nakita ko si Aki sa may pinto ng lumingon ako, karaniwan naman kasing kaming dalawa ang unang dumarating sa opisina.



"Good morning Mr. Del Valle!", magiliw kong bati kay Aki habang nakangiti. Tinapunan niya lamang ako ng saglit na tingin at naglakad nang muli. 



"Coffee sir?", alok ko sa kanya, umaasa na baka paunlakan niya ako this time.Kahit kasi binara niya ako noong unang beses na alukin ko siya ng kape ay walang mintis ko pa din siyang binabati tuwing umaga ng good morning sabay alok ng kape. Umaasa kasi ako na isang araw ay maganda ang kanyang magiging gising at magagawa niyang gantihang ang magiliw kong pagbati sa kanya at kahit na saglit ay babalik yung Aki na kakilala ko.



Pero katulad ng aking inaasahan ay hindi niya pinansin ang aking sinabi saka dumiretso sa kanyang opisina. Medyo sanay na ako sa ganoong tagpo at hindi ko na masyadong iniinda. Batid kong pagdating ni Lyka ay magtitimpla ang babae ng kape saka dadalhin sa opisina ni Aki, na ikinaiinis naman ni Sam dahil gawain niya iyon dati. 



Sa amin kasing dalawang assistants ni Aki ay hindi naman maipagkakailang mas paborito nito si Lyka. Mas madalas niya itong kausapin ng kaswal hindi tulad ko na kakausapin lamang niya kapag kailangan utusan o kaya ay sermunan. Madalas ring kumain ang dalawa sa labas kapag lunch. Kadalasan ay iimbitahin ni Aki si Sam na sumama pero madalas ay tumatanggi ang huli dahil sa naaawa ito sa akin kung kakain ako mag-isa. Sinabihan ko naman si Sam na okay lang sa akin na kumain mag-isa dahil sanay naman ako sa ganoon. Ayaw ko naman na labis akong kaawaan ni Sam kahit na nasasaktan din ako kung minsan sa hindi pamamansin ni Aki. 



Hindi ko rin mapigilan na maiinggit minsan aa tuwing nakikita kong walang ginagawa si Lyka samantalang ako ay hindi na makahinga sa dami ng ginagawa. Ma-pr kasi ang babae kaya madalas ay ito at si Sam ang kasama ni Aki sa mga meetings nito at ako ang naiiwan para gumawa ng sang-katerbang mga report. Gumagawa din naman ng report kung minsan si Lyka pero madalas ay yung mga mabilis lamang gawin at hindi masyado kailangan ng mga computations at graphs.



Ilang beses ko na ring naisip na baka ito ang ginagawang ganti sa akin ni Aki sa mga nagawa ko sa kanya noon. Sa halip na magalit ay parang mas nagiging madali sa akin na tanggapin o gawin na lang ang kanyang mga inuutos. Iniisip ko na lang na sa paggawa ng mga nakamamatay na reports na ito ay makababayad ako kahit papaano sa mga kasalanan ko sa kanya. 



Fifteen minutes before eight ay dumating na rin si Lyka, binati ko ito ng magandang umaga at tumango lamang ito sa akin. Matindi ang pagkainis ni Sam dito dahil raw sa ugali ng babae. Madalas ay tinatawanan ko lamang si Sam kasi hindi ko naman magawang mainis kay Lyka dahil wala naman itong ginagawang hindi maganda sa akin.



Matapos ilagay ni Lyka ang kanyang gamit sa lamesa ay nagsimula na ito magtimpla ng kape. Nang dadalhin niya na ang kape sa opisina ni Aki ay narinig ko pa ang malaks nito pagbati kay Aki.



"Good morning beh! Coffee?", rinig kong sabi ni Lyka, narinig ko din ang pagtawa ni Aki sa kanyang assistant.



Nakaramdam naman ako ng isang pamilyar na awkwardness sa aking sistema ng marinig ko ang paraan ng pagtawag ni Lyka kay Aki. Beh. Anu un? Baby ang tawagan nila ng kanyang boss?



Binalik ko ang aking tuon sa hawak kong papel masyado pang maaga para masira ang araw ko. 



"Uy ang sipag mukhang excited sa unang suweldo niya!", malakas na bati ni Sam. Natawa naman ako sa kanyang sinabi at sa aking sarili. Ngayon ko lang kasi na-realize na ngayon nga pala ang unang suweldo ko sa kompanya. Bigla namang gumaan ang aking pakiramdam sa isiping iyon. 



"Hindi naman.", maiksi kong sagot kay Sam at bumalik na sa aking ginagawa.




------------------------




Bandang alas onse ay ipinatawag kami ni Aki sa kanyang opisina para sa isang meeting. Ayon dito ay nakaschedule ang susunod na board meeting sa susunod na buwan. Quarterly na lang kasi ngayon ang board meeting ng kumpanya dahil sa maganda naman ang nagiging takbo ng negosyo.



Dahil sa ako ang laging gumagawa ng mga reports ay batid kong may mga discrepancy sa ilang bagay na ginagawa ng ibang mga departments. May mga nawawalang pera ang kompanya at iyon ang nais na pagtuunan ng pansin ni Aki sa darating na meeting.



Mataman lamang kaming nakikinig nila Sam at Lyka. 



"That's it for now. Sam and Lyka, i need you two this lunch.  We'll be on a meeting in Ortigas. So gather your things and we'll go in a few minutes.", wika ni Aki habang nakatingin sa dalawa.



"Are we going to eat first before the meeting?", masayang tanong ni Lyka.



"Yes, we'll have lunch out, my treat.", nakangiting sagot ni Aki.



"How about Kyle?", naguguluhang tanong ni Sam.



"He still has some reports to do.", malamig na sabi ni Aki habang nakatingin sa akin. Napayuko na lamang ako dahil mukha akong tanga dahil sa maiiwan ako mag-isa sa opisina.



"Why don't we take him to lunch and he can just get back here after eating?", apelang muli ni Sam.



"No, im okay. I'd rather stay here. I have a lot to do.", nakangiti kong sagot kay Sam para hindi na humaba pa ang argumento.



"Make sure that report is done by tomorrow. You may go now.", striktong sabi ni Aki sa akin.



"Yes, Mr. Del Valle.", sabi ko sabay tayo sa aking kinauupuan.



Sumunod na sa akin palabas sina Sam at Lyka.



"Sigurado kang ayaw mong sumama? Gusto mo lunch muna tayo tapos hahabol na lang ako sa kanila sa Ortigas?", nag-aalalang tanong ni Sam habang inaayos ko ang gamit ko sa aking desk.



"Okay nga lang daw siya di ba? Bakit ba ang kulit mo Ms. Tumandong?", biglang singit ni Lyka at mukhang sinadya nitong tawagin si Sam sa last name nito para lalo itong mainis.



"Eh bakit ang epal mo?", ganting sagot ni Sam. Hindi naman na sumagot pa si Lyka.



"Ok lang talaga ako Sam. Medyo madami pa din kasi akong gagawin.", palusot ko na lang sa kanya. Tumango na lamang si Sam at bumalik na sa pag-aayos ng kaniyang gamit.



Nang makaalis sila ay bumalik ako sa pag-gawa ng aking report. Pinasya kong isantabi muna ang di ko maipaliwanag na nararamdaman at nilunod na lang ang sarili sa trabaho.



Makalipas ang halos isang oras ay pinasya kong lumabas ng opisina at tumungo sa aming canteen. Mukhang masarap naman ang mga nakahaing pagkain sa pantry pero mukhang nawalan ako ng gana na kumain. Pinasya kong bumili na lamang ng biscuit at bumalik na ako sa aming opisina. Nagtimpla na lang uli ako ng kape, at bumalik sa paggawa ng report habang kumakain. 



Nasa kalagitnaan ako ng pagtipa sa aking keyboard ng bumukas ang pinto ng opisina. Dumating na pala si Sam, kasunod niya sina Aki at Lyka na masayang nagkwekwentuhan. 



"Kumain ka na Kyle?", agad na tanong ni Sam.



"Oo, kakatapos lang."



"Lunch ba ang tawag mo diyan sa Sky flakes at kape?", turan ni Sam sa pinagkainan ko na nasa isang tabi ng aking mesa. Nakita ko naman na napalingon sa aming direksyon si Aki pero ng magtama ang aming tingin ay agad din itong pumasok sa kanyang opisina.



"Diet ako eh.", biro kong sagot kay Sam.


"Tara nga sa baba, kumain ka sa pantry.", pangungulit ni Sam.



"Hindi na busog pa ako.", pagtanggi ko kay Sam. Wala na din kasi talaga ang gana ko na kumain pa.



"Sam.", narinig kong tawag ni Aki sa kanyang sekretarya.



Nagpaalam sa akin si Sam at dumiretso sa opisina ng aming boss.










****Aki****







2:30 pm, Wednesday
May 30




Pinatawag ko si Sam sa loob ng aking opisina para sana ipagpa-deliver ng pagkain si Kyle. Narinig kong sinabi ng aking sekretarya na tanging biskwit lang at kape ang kinain nito. Ngunit sinabi ni Sam na wag na raw akong mag-abala pa dahil wala na din ganang kumain si Kyle.



Intensyon kong hindi siya isama sa aming pinuntahan kaninang lunch. Hindi kasi ako komportable na kasama siya at nagiging iritable ako sa tuwing nasa paligid ko siya.



Higit isang buwan ko na rin siyang nakakasama sa trabaho at alam kong hindi maganda ang nagiging pakitungo ko sa kanya. Dahil siguro sa galit ko sa kanya ay mas naging strikto ako at kusa kong napupuna ang mga pagkakamali niya. Inuulan siya ng sermon sa akin. Sa kanya ko rin ipinagagawa karamihan sa mga report dahil mas gusto kong nanduon lamang siya sa isang sulok ng opisina malayo sa akin.



Ngunit ng malaman kong hindi siya nakakain ng maayos kaninang lunch ay medyo nakaramdam ako ng guilt. Nais ko sana siyang padalhan ng pagkain para makabawi man lang pero agad akong pinigilan ni Sam.



May bumubulong naman sa aking isip na tama lang ang ginawa ko at hindi ko kasalanan na pinili niyang kumain lang ng biskwit. Hindi ako dapat na magpadala sa ginagawa niyang pagpapaawa sa akin. Katulad ng ginagawa niyang pagbati sa akin tuwing umaga, alam kong kinukuha niya lamang muli ang aking loob. At hindi ako papayag na mangyari uli iyon dahil alam kong sasaktan niya lang ako muli kapag nagpadala ako sa pang-uuto niya.



Lumipas ang maghapon at hindi na kami nagkausap pang muli ni Kyle. Pinili kong iwasan siya para hindi ko na siya masungitan sa paghapon. Pinauna ko na ding umuwi sina Sam at Lyka. Marami pa din kasi akong ginagawa.



Bandang alas siyete ng maisipan ko ng umuwi. Paglabas ko ng opisina ay nakita ko si Kyle na tumitipa pa sa kanyang keyboard. Hanga din ako sa sipag ng isang ito sa pagtapos ng kanyang report. So far umaabot naman siya sa mga deadline na tinatakda ko kahit minsan ay sinasadya kong iklian ang oras para matapos niya ang isang report. 



Naglakad ako ng dahan-dahan palabas ng opisina, hinihintay ko kung babatiin niya ako. Nakagawian niya nang batiin ako sa umaga at sa pag-uwe ko kahit na ni minsan ay hindi ko siya ginantihan ng mainit na pagbati.



Nasa tapat na ako ng kanyang lamesa ngunit hindi pa rin siya nagsasalita. Mukhang galit siya sa akin at wala ng pakialam sa akin. Alam kong nakita niya na akong papauwe dahil napalingon siya sa aking direksyon ng bumukas ang pinto ng aking opisina kanina.



Palabas na ako ng pinto nang marinig ko siyang magsalita.



"Ingat po sa pagdi-drive sir.", rinig ko ang pilit na sigla sa kanyang tono pero hindi naman tunog sarcastic. Marahil ay pagod na siya sa maghapon.



Hindi ko na siya nilingon pa at dumiretso na ako ng labas ng silid na iyon.



Hindi ko alam kung bakit ako nakangiti habang hinihintay na bumukas ang pinto ng elevator ang alam ko lang ay masaya ako. Siguro dahil araw ng sweldo. Napailing naman ako sa idinahilan ko sa aking pagngiti.














....to be cont'd....

2 comments:

  1. more please, ganda ng kwento!

    kylie

    ReplyDelete
  2. hhaaayyyyy.. wag kana magmatigas aki... hmmmmmmmmm..

    -arejay kerisawa

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails