Followers

Friday, August 23, 2013

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala 22

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By: Baste31 - j.a.c.
Chapter 22: Para Sa Ating Kinabukasan
Please Click The Link For Previous Chapters: COMPILATION




Apat na araw ang nagtagal si Paul sa ospital, ako dalawang araw pa lang pinayagan na ng doctor na makauwi pero araw araw naman naming binibisita si Paul. Minsan pa nga dumalaw sila Clare at Diane kay Paul may dalang mga prutas. Iniwan pa nga namin silang dalawa para magbigay "privacy" sa love life ni Paul. Heheh..
 Mukha talagang may future ang Clare at Paul love theme kaya binuyo talaga namin silang dalawa ng madevelop ang kanilang mutual understanding. Heheh.. 
Halos araw araw ay pumupunta ako kina Paul para alagaan sya, para man lang makabawi sa nagawa ko. Isang umaga pinaalala ni Papa sa akin na gusto na nyang i-enrole si Louie para sa darating na school year pero hindi naman nya ito nakakausap tungkot doon at hindi rin daw alam ni Papa kung ano ang gusto ni Louie kuning corse kaya sinabi ko kay Papa na ako na ang bahala kay Louie. 
Nang dumating si Louie sa bahay kakatapos ko lang maligo at nakapagbihis na rin, handa na para dumalaw kina Paul. Pumanik si Louie sa kwarto ko at naupo sa kama habang nagto-toothbrush ako sa banyo, bukas ang pinto. Pagkatapos kong magtoothbrush kinausap ko si Louie tungkol sa corse na gusto nyang kunin sa pasukan. Tumabi ako sa kinauupuan nya at hinawakan ang kanang kamay nya. 
"tinatanong ni Papa kung ano ang corse na kukunin mo sa pasukan.. Ano ba ang gusto mo?" 
"oo nga pala no, sa dami ng nangyari muntik ko nang makalimutan.. Ang totoo nyan Christian pangarap kong maging architec. Highschool pa lang ako yun na ang gusto ko sakaling makatungtong ng college, kaya lang hindi namin kinaya, mahal kasi magcollege." 
"talaga? Kung iyon talaga ang gusto at hilig mo, de iyon ang kunin mo! Isa pa ikaw naman ang pinapapili ni Papa. This week samahan kita mag-enrole. Ano ok ba yon?" 
"Salamat Christian, masaya talaga ako na matutupad na ang pangarap ko! Ang laki na talaga ng utang na loob ko sa pamilya nyo, hindi ko na alam kung papano makakabawi." 
"Wag mong isipin yon, tumatanaw lang naman kami ng utang na loob. Kung hindi dahil sa'yo hindi magiging masaya at kumpleto ang pamilya namin. Kami nga ang dapat magpasalamat." 
"Wala naman akong nagawa, mabait ka naman talaga. Pilyo nga lang! Heheh.." 
"Pilyo ha! Ganto ang pilyo! Heheh.." isang mabilis na halik ang idinampi ko sa pisngi ni Louie kasabay non ang pagngiti nya. 
"Louie, i Love you." ngumiti naman si Louie at sumagot. 
"alam ko Christian, at mahal na mahal rin kita. At itong singsing na nasa daliri mo sumisimbulo na kinasal ka na sa akin kaya palagi mong susuotin at iingatan yan ha?" 
"oo, pangako" naisip ko kung kasal na kami ni Louie dapat may singsing din sya galing sa akin kaya balak kong magpagawa ng singsing na kapareho nitong suot ko. Palabas na kami ni Louie ng kwarto ko ng yumakap sya galing sa likod ko. Ang higpit ng yakap ni Louie, hindi ko alam kung bakit nya ako biglang niyakap ng ganon. Kaya sa pagtataka ko tinanong ko si Louie habang nakayakap pa rin siya. 
"Bakit ganyan ka kung makayakap?" 
"Wala naman.. Gusto ko lang yumakap sayo." 
"dapat sinabi mo.. Sige yayaka"- 
"wag.. Hayaan mo lang ako.."
"..." hindi ko maintindihan ang pakiramdam ng yakap na yon ni Louie. Mahigpit, parang punong puno ng pananabik at pagmamahal kaya pinabayaan ko na lang siya. Ilang saglit pa naisipan na naming bumaba, baka hinihintay na kami ni Mama. 
Handa na ang breakfast pagbaba namin ni Louie sa kitchen, hinihintay na kami ni Mama. Nakaalis na pala si Papa kanina pa kaya kay Mama ko na lang naikwento ang balak kunin ni Louieng corse. Natuwa naman si Mama dahil hindi daw nya akalaing Architecture ang gustong kunin ni Louie, pangarap daw nya yon dati pero iba ang gusto ng Lolo kaya bussiness ad. rin ang kinuha ni Mama gaya ng sa akin. 
Dumirecho na kami sa bahay nila Paul pagkatapos kumain ng breakfast. Dahil sira pa yung kotse ko van na lang ang ginamit namin. Grabe, dadalawa lang kami ni Louie van pa ang dala namin, para kaming mag-a-outing. Pero ayos na rin kesa magcommute, at least madaling pumunta sa mall para bumili ng pagkain para kay Paul. Sa daan habang papunta kina Paul bigla na lang pumasok sa isip ko kung saan natuto si Louie magdrive kaya iyon ang napagkwentuhan namin. 
May kapitbahay pala silang jeepney driver at dati sumasama sya dito para maging caller ng pasahero at kapag may pagkakataon tinuturuan daw siya nito kung papano magdrive. 
Nabigla ako ng tanungin ko sya tungkol sa driver's license nya, sa tagal nya kaming ipinagd-drive student license lang pala meron ang loko, buti maingat syang magdrive at alam na alam ang mga pasikot sikot dito kaya hindi 'pa' naman kami nahuhuli. 
"Pero siryoso, dapat ipa-pro mo na yan, alam na ba yan ni Papa?" 
"hindi.. Hindi naman kasi nagtatanong ang Papa mo eh.. Sige papa-pro ko to. Mahal naman kasi" napakamot na lang si Louie ng ulo tapos nagtawanan kami. Pagkatapos dumaan lang kami saglit sa pizza parlor tapos tumuloy na kina Paul. Dumating kami sa bahay nila Paul pasado alas-9 na. Pagpasok namin sa bahay nila Paul naabutan namin siya ni Louie na naglalakad palabas ng kitchen nila. 
"nandyan na pala kayo. Tara, upo muna tayo sa sala." dali kong pinuntahan si Paul para alalayan, iika-ika pa kasi sya maglakad. At tinanong kung nasaan ang Mama nya. 
"oh, bakit pagala gala ka na sa loob ng bahay nyo? Nasan si Tita?" 
"pinapasok ko na, hindi naman pwedeng palaging absent si Mama sa trabaho." 
"oh sige, umupo ka na muna dito." inilapag naman ni Louie ang box ng pizza sa sidetable at umupo na sa tabi ni Paul. 
Ilang minuto ang lumipas nagdala ang kasambahay nila Paul ng sandwitches at orange juice para sa amin. Napunta naman ang kwentuhan namin ni Paul sa real status nila ni Clare at ang sagot nya "ayun nililigawan pa rin nya ako!" tawanan naman kaming lahat sa sinabi ni Paul. 
"sagutin mo na kasi! Heheh" sakay ko sa joke nya. "hahaha.. Alam mo Paul ang GWAPO MO, gwapo mo talaga!" sabi ni Louie na may pang-asar na tono. "sabihin mo na kasi Paul, ano sinagot ka na ba?" ang tanong ko.. 
"hahaha.. Ako talaga ang pinagdiskitahan nyo no? Hindi pa.. Kapag kami na syempre sasabihin ko sa inyo!" 
"ayee.. Nagbibinata na ang bunso natin Louie! Hahaha.." 
"oo nga. Wag mong papaiyakin si Clare ha? Kundi 'Palo' ka sakin.. Hahaha.." ganyan kami nila Louie kapag binibisita namin si Paul. 
Laging may tawanan, biruan at kulitan, palagi kaming masaya. Isang araw pumunta ako sa bahay nila Paul ng hindi kasama si Louie. Nagkasakit kasi ang Nanay nya kaya naiwan sya sa bahay nila para mag-alaga kaya kami lang ni Paul ang magkasama. Kaya lang kapag talaga kami na lang ni Paul ang naiiwang magkasama hindi maiwasang maging siryoso ang usapan. 
"di ba nga sabi ko kahit ano gagawin ko? Ano nga 'yon?" 
"gusto ko sabihin mo na kay Louie ang totoong nangyari sa resto noon." 
"ha? Ang gara naman! Bakit naman iyon? Ang dami dami namang pwedeng hilingin, iyon pa?!" 
"gusto ko lang maging open kayo sa isa't isa, para wala ka nang dinadala dyan sa isip mo." 
"pano kung magalit si Louie, baka layuan nya ko pag sinabi ko yon! Gusto mo bang mangyari 'yon?"

"Pano kung HINDI? Naaalala mo pa ba yung ikinuwento mo sa akin noon, nung unang beses kang ihatid ni Louie sa bahay nyo at makita ng Papa mo ang pasa mo ng makipag-away ka sa bar? Sabi ni Louie sayo 'Tol, kapag may ginawa ka kasing pagkakamali wag mong takasan harapin mo at humingi ka ng tawad! Huwag mo ding gawing sagot ang kasalanan sa isa pang kasalanan. Tanggapin mo yung kalalabasan ng ginawa mo dahil alam mo na mali ang ginawa mo!' di ba naging dahilan yon ng pagkakaayos nyo ng Papa mo?" 
"Kumpletong kumpleto pa talaga ang bawat salita ha?! Bakit, ikaw sabihin mo nga kung bakit ka umuwi noon? Sabi mo na-ospital ang Mama mo, pero nagkasalubong kami minsan at nalaman kong nagsinungaling ka." natahimik saglit si Paul sa sinabi ko. Naalala ko na lang 'yon bigla ng banggitin ni Paul ang nangyari dati. Hindi siguro nya akalain na nalaman ko ang ginawa nyang pagsisinungaling noon. 
"siguro tingin mo ok lang magsinungaling basta walang makakaalam?" 
"bakit hindi mo pa ba alam ang dahilan? Umuwi ako kasi noon.. Naiinis akong makita kang nakikipagflirt sa babae sa bar!" napalingon ako sa paligid, iniisip kong baka narinig kami ng kasambahay nila Paul. Mabuti wala ito sa paligid. 
"hinaan mo nga ang boses mo. Hindi ka ba natatakot marinig ng Kasambahay nyo?" 
"oo na, lumalayo na ang usapan natin. Gagawin mo ba ang hiling ko o hindi ka talaga marunong tumupad sa pangako?" sa sinabing yon ni Paul parang wala na akong nagawa kundi ang pumayag. Kahit na maaaring maging dahilan ng pagkakagalit namin yon ni Louie hindi ko naman magawang tumanggi. 
"sige.. Payag na ko." 
"Ayos! The best ka talaga Ian! Hehehe.." dahil utang ko ang buhay ko kay Paul naisip kong gawin ang hinihiling nya sa akin. 
Martes ng umaga, araw ng enrolment ni Louie maaga kaming nagkita at umalis papunta sa isang semi-private school. Pinaka malapit na University yon kina Louie, gusto daw nya kasing malapit lang sa kanila para hindi magastos sa pamasahe. Sabi ni Papa ok lang kahit saan dahil sya naman ang magbibigay ng lahat ng kailangan ni Louie pero pinili parin nya na sa University na yon mag-enrole. 
Pagdating namin sa school hindi naman kami nahirapan hanapin ang mga lugar doon dadalawa lang naman kasi ang building ng campus nila isang apat na palapag at isang para sa admin. Hindi na ako nagtatakang halos lahat ng studyante sa school na yon ay magkakakilala, pero marami namang corse na ino-offer kaya maganda na rin. May entrance exam din sila na same day din ang labas ng result kaya one day lang ang enrolement. 
Habang nagsusulat si Louie ng mga corse code may isang lalakeng nanghiram ng ballpen, nalimutan daw nya magdala. Totoo namang wala syang dalang ballpen pero bakit kailangan pa nyang magpacute kay Louie, loko rin to eh Halata namang bi. Pero anyway pinahiram pa rin namin sya ng kailangan nya. Sa buong pag-eenrol namin hindi ko maiwasang pansinin ang mga enrolee na tingin ng tingin sa amin, parang ngayon lang nakakita ng dalawang gwapong lalake kung makatingin kaya napangiti na lang ako. 
Matapos ang mahaba habang pag-eenrole, makapagbayad ng tuition fee, makuha ang class cards at makapagpapicture si Louie para sa I.D. naisipan kong mag-ayang kumain sa isang fastfood. Parang nagc-crave ako sa chicken inasal at rice kaya iyon ang hinanap namin. Habang naglalakad kami ni Louie papunta sa kotse ko (Buo na ulit, pinagawa na ni Papa. Grounded nga lang ako sa pagd-drive dahil sa nangyaring aksidente.) inilabas ni Louie sa envelope yung certificate of registration nya at pinakita sa akin. 
"nakikita mo to Christian?" 
"oh." 
"eto na ang umpisa, matutupad na ang pangarap ko!" 
"heheh.." 
"pagbubutihan ko to Christian, para may ipagmamalaki na ako sa Papa mo, para sa kinabukasan natin!" natouch talaga ako sa sinabi ni Louie, hindi ko akalaing ganoon kalayo ang vision ni Louie sa nararamdaman naming Love sa isat-isa. Napaisip tuloy ako kung gaano ko ba talaga kamahal si Louie, ano ba ang kaya kong ibigay para sa kanya?
 Pero sa kabuoan masaya naman ako sa sinabi nya. Kumain lang kami ni Louie ng tanghalian pagkatapos saglit dumaan kina Paul at umuwi kami ng bahay namin. Hinintay ni Louie na makauwi si Papa para ipaalam ng personal na nakapag-enrol na sya. 
At binigyan na rin ni Papa si Louie ng pera para sya na rin ang bumili ng gusto niyang gamit. Kahit nahihiya, hindi naman maitago ni Louie ang excitement dahil hindi pa talaga sya makapaniwala na makakapasok na sya sa isang university. Buong pamilya namin masayang masaya para kay Louie, parang nakatagpo sila Mama at Papa ng isa pang anak sa katauhan ni Louie.


To Be Continued

2 comments:

  1. ayun buti naman pala kung makakapasok na ulit si louie sa school uhm sana naman makatapos talaga sia dahil mukhang matalino at ginagawa nia alhat para sa pamilya nia at sana anman tumagal yung relasyun nila kasi mahal naman nila ang isat isa at buti naman at sadyang mabait ang parents ni ian.hehe at sana magkatuluyan talaga si paul at clare at sna maayos na ni louie yung gusot nia kay diane. haha again salamat sa update. :))

    ReplyDelete
  2. hayyysss ang hirap naman ng role ni Ian ang pagiging isang kabit. di ata maganda kung ganon. unfair! unfair! unfair!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails