Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By: Baste31 - j.a.c.
Masaya
kaming naglakad ni Louie pauwi ng bahay habang umuulan. Hindi pa rin ako
makapaniwalang nasabi ko kay Louie na mahal ko sya at heto kami, masayang
naglalakad pauwi. Hindi pa rin ako makapaniwalang mahal rin ako ni Louie.
Hindi
ko naisip na may pagtingin rin sya para sa'kin. Sana hindi ako nananaginip.
Dumating kami sa bahay ng basang basa. Medyo nagulat si Mama ng makitang
bumalik si Louie, at pinakuha si Manang ng towels para mapunasan namin ang
sarili namin.
Nagtataka nga si Mama dahil may hawak pang payong si Louie, pero
basang basa kami. Sabi ni Louie nahiram nya ang payong sa gwardya kaya lang
medyo malakas ang ulan kaya nabasa kami. Hindi naman napansin ni Mama ang
paglabas ko ng bahay kanina at inakalang hinatid ko si Louie hanggang gate ng
subdivision.
Pagkatapos pinapanik na kami ni Mama sa kwarto ko, pinagpapalit
kami ng damit at baka magkasakit pa raw kami. Sinabi ko na rin kay Mama na sa
amin na matutulog si Louie dahil gabi na at umuulan pa. At agad kaming pumanik
sa kwarto at nagpalit ng damit. Pati underwear nga pinahiram ko na rin si
Louie. Hehe.. Pagkatapos sinigurado naming naka-lock ang pinto at nahiga kami
ng si Louie ay nakayakap sa akin.
Pero
sa gabing ito napakarami pa ring tanong na pumapasok sa isip ko. Kaya kinausap
ko si Louie ng seryoso.
"Louie.."
"oh bakit?"
"mahal
mo rin ba talaga ako?"
"oo, matagal na hindi ko lang masabi. Hindi ko
rin maamin sa sarili ko na talagang mahal kita, hindi ko rin alam kung kailan
nagsimula. Nagising na lang akong masaya kapag kasama ka, hindi kumpleto ang
araw kapag di ka nakikita. Basta naramdaman ko na lang na mahal kita. Nung
ipagtapat sa'kin ni Paul na mahal ka rin nya nagdalawang isip ako na sabihin
sayo, at ng magkita kami ni Paul ng may pasa sya, lalo akong nahirapan.."
"kaya ka ba umalis?"
"oo"
"pano si Diane?" hindi
naman agad nakasagot si Louie sa akin.
Kahit ako sa sarili ko hindi ko alam
kung ano ang gagawin kung ako man ang nasa katayuan ni Louie, tiyak magiging
magulo ang lahat.
"pag-iisipan ko pa kung ano ang gagawin ko. Sa ngayon
ang mahalaga alam mo na na mahal kita at mahal mo rin ako."
"sorry
Louie.."
"bakit ka nagso-sorry?"
"alam ko nahihirapan ka,
dahil sa'kin.."
"tumingin ka nga sa akin Christian.. Wag ka ng
mag-alala, dahil masaya ako sa ginawa ko at nagmamahalan tayo, hindi magtatagal
maaayos rin ang lahat." At sa pangalawang pagkakataon muli kong nahalikan
ang mga labi ni Louie, pero iba ito kesa noon.
Ngayon gising si Louie at ang
halik ngayon ay puno ng pagmamahal. Ang sarap ng pakiramdam na nandito ako
ngayong gabi at umuulan kasama ang mahal ko nakahiga sa iisang kama. Dahil sa
sarap at init ng halik at mga yakap, nadala na kami ni Louie ng pagnanasa.
(deleted for public reading)
Sa sobrang pagod at antok nakatulog na kami ni
Louie ng mahimbing habang umuulan. Kinaumagahan nagising kami ni Louie ng
maaga, naglinis ng katawan, naghilamos pagkatapos ay nagbihis. Nang makapagsuot
na kami ng damit niyakap ko si Louie, hinalikan naman nya ako at sinabing
"Mahal kita Christian, kahit ano pa man ang mangyari hindi kita
iiwan"
"Mahal din kita Louie at kahit mahirapan pa ako titiisin ko,
basta magkasama tayo!"
"Teka, naalala ko.." pumunta si Loui ng
banyo at tila may hinanap sa suot nyang pantalon na nabasa kahapon ng ulan. Ng
mukhang nakita nya na bumalik sya sa akin.
"heto, tanda ng pagmamahal ko
sayo!" kinuha nya ang kamay ko at inilagay sa daliri ko ang isang
singsing.
"hindi yan purong ginto pero ala-ala yan ni Tatay, ibinibigay ko
na sayo yan, sana alagaan mo." "salamat, oo aalagaan at iingatan ko.
Sandali Louie.." at kinuha ko sa drawer ko yung regalong dapat ibibigay ko
kay Louie.
"ito naman ang regalo ko sa'yo.." kunuha ko ang kaliwang kamay
ni Louie at isinuot sa kanya ang isang silver bracelet. "
hindi gold ang
binili ko alam ko namang hindi mo tatanggapin, saka para na rin maisuot mo ng
hindi na tatanungin ng iba kung sino ang may bigay."
"Salamat
Christian! Bayaan mo iingatan ko ito at ang mga binigay mo sa akin." At
pinagsaluhan namin ang mainit na halik at mga yakap ni Louie. Bago pa man
kumatok si Mama ng pinto binuksan na namin ang pinto ni Louie nagtatawanan at
nagkukulitan. Nagbreakfast lang kami ni Louie at dala yung payong at mga basang
damit nya na nilagay namin sa plastic hinatid ko sya sa gate at umuwi.
To Be Continued
aw auz auz sabi ko na nga ba ei ahahhaha updat ulit inaabangan ko kasi to ei ^_^ may gianwa din me baka kung may maling grammar na isinulat ko :D sa uulitin aabangan ko to
ReplyDeleteaw auz auz sabi ko na nga ba ei ahahhaha updat ulit inaabangan ko kasi to ei ^_^ may gianwa din me baka kung may maling grammar na isinulat ko :D sa uulitin aabangan ko to
ReplyDeleteaw auz auz sabi ko na nga ba ei ahahhaha updat ulit inaabangan ko kasi to ei ^_^ may gianwa din me baka kung may maling grammar na isinulat ko :D sa uulitin aabangan ko to
ReplyDeletepanu si Diane
ReplyDeletepanu si diane? e di wala lang siguro. gumaganda n istorya, at s palagay ko pag maganda n smahan may kasamang lungkot. bka mhuli sila ni diane at dun magkakaroon n ng gulo s knilang 3 hehe.
Deletekilig much! pero ang pamagat ay obvious na magkahiwalay sila. tsk tsk tsk
ReplyDeleteHahaaha kilig much kaso paano si paul??sana makahanap din sia ng mamahalin nia and for dianne mabait sia at for sure matatanggap nman nia kung ano man ang sasabihin ni louie alangan bigla magshift yung charatec na na bitchu di bagay sa kanya and she has a loving heart :-) :-) sa dlawa atleast happy sila at sana makataoos nga din si louie pero ang tanong yung sa tittle si louie at aking mga alaala sana nagkatuluyan namam sila. Kudos!! Thank you Godblessed!! :-) :-) :-) :-) :-) :-) :-)
ReplyDelete