Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.
Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe
Hintayin ko mga comments po ninyo. :))
Enjoy Reading!!!
--------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 14
(The Playful Truth...)
[Alex’s
POV]
“Ganyan
pala kayo.” Ang nautal ko.
“Totoo
ba itong nakikita ko?” tanong nung isa.
“Oo.
Ako at si Kian ay iisa. Wala naman talagang Kian eh, Alex ang totoo kong
pangalan at nakakadisappoint na malaman ko na ganyan ang pakikitungo ninyo sa
isang tulad ko.”
“Hindi
namin sinasadya... akala namin.”
“Akala
ninyo panget?! Ayon ba ang basehan ninyo sa lahat ng ito?! Hindi ko alam kung
ano ang napasok sa kokote ninyo para manglait ng ibang tao! Kala ninyo
kakaganda niyo!” Ang nasabi ko.
Lahat
sila napahiya.
Agad kong inayos ang basa kong damit.
Halos lahat sila
napatingin sa akin.
Nababadtrip na ako sa oras na ito.
Nakita ko si Ate Kate at
nilapitan ko.
“Okay
ka lang ba?” tanong niya
“Sapat
lang ate.. pero kailangan kong makausap si Kieth.”
“Ayon
siya oh..” sabi nito.
Nandito siya?
Ibig sabihin nakita niya ang lahat?
Agad
akong lumingon sa direksyon niya.
Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata.
Nakatingin lang siya sa akin at para bang nangungusap sa kung ano ba ang
nangyayari.
Nakita
ko sin si RD at si Arjay.
Kita ko naman ang galit sa mukha ni Arjay.
Lalapitan
ko na sana si Kieth pero nagmadali itong tumakbo.
Tinawag ko ito pero di
sumagot.
“Kieth!”
humihingal akong tumakbo papunta sa kanya pero hinarangan ako ni Arjay.
Isang
suntok ang iginawad niya sa akin.
“Manloloko!”
“Please..
wag ngayon.. kailangan kong...”
“Ano
makiusap kay Kieth? Akala ko totoo ka! Walang hiya ka!” akma sana akong
sasampalin ni Arjay pero naharangan ito ni RD.
“Ano
ba?!” sabi nito.
“Wag
mo akong pigilan RD.”
“Wag
kang makialam.” Sabi nito.
“So
magkasabwat kayo?”
“Wag
kang gumawa ng eskandalo.” Sabi ni RD.
“Oy
Kian o Alex… tandaan mo ito, babawiin ko si Kieth sayo. Babawiin ko siya!”
Agad
naman akong tumakbo.
Hinanap ang kinaroroonan ni Kieth.
Lumabas ako ng bahay at
nakita kong nakatayo sa may parking lot si Kieth.
Umiiyak ito.
“Kieth...”
mahinahon kong tawag sa kanya.
“Wag
kang lumapit.” Ang sabi nito.
“Hayaan
mo akong magpaliwanag.”
“Para
saan pa? Para lokohin ako? Para paikutin ako?”
“Hindi
sa ganon.”
“Kung
hindi ganon ano? Alam mo kung gaano kita kamahal pero ito ang igaganti mo?!”
sigaw niya
“Mahal
naman kita eh.”
“Pero
ano to?! Anong ibig sabihin nito?! Akala ko ba walang lihiman? Akala ko ba
magpapakatotoo tayo sa sarili natin? Bakit mo ako niloko?! Ang sakit!” sigaw
niya
“Hayaan
mo kasi akong magpaliwanag.” Ang sabi ko.
“Wag
na wag kang magpapaliwanag dahil hindi ako humihingi ng paliwanag sa isang
sinungaling na tulad mo!” ang sabi niya.
Nakakatakot
siya.
Hindi ako makagalaw sa kinaroroonan ko.
.
.
.
.
“Kieth...” naluluha na ako ng mga
panahong iyon.
“Wag
kang lalapit sa akin.”
Pero matigas ang ulo ko.
Lumapit ako sa kanya at
itinulak niya ako.
“Wag
kang lumapit sa akin!”
Natumba
ako.
Agad namang lumapit si RD sa akin.
Di ko namalayan na naroroon na pala
siya.
Nakita ko si Arjay na lumapit kau Kieth.
“Bagay yan sayo.” Sabi ni Arjay.
“Tama
na yan.” Sabi ni RD.
“Umalis
ka nga jan RD!” sabi ni Arjay.
Napatingin
siya sa braso ko.
“Ngayon alam ko na...” utal ni Kieth.
Lahat
kami napamaang sa sinasabi ni Kieth.
“Alam ko na kung bakit ka nagsinungaling.”
Tapos tumawa siya.
Pero bigla siyang umiyak...
Nasasaktan siya...
Nahihirapan siya....
Kasalanan ko lahat...
“Napaka
walang kwenta ko kahit kailan. Napaka uto-uto. Ginamit mo lang siguro ako.
Ginamit mo lang ako Alex... or may I say Kian...”
“Hindi
totoo yan.”
“May
relasyon kayo ni RD kaya ginamit mo ako. Bakit ba lagi ninyo na lang ako gusto
na nasasaktan? Hindi na ba kayo naawa sa akin?!”
Nakita ko ang muling pagtulo ng luha
sa kanyang mga mata.
“Kaya
ba nahuli niya kayong magkayakap noon sa park?” sabi ni Arjay.
“Wag
kang makialam Arjay!” sabi ni RD.
“Ikaw
ang wag makialam. Alam mo ba na napaka pakialamero mo! Lahat na lang inagaw mo!
Una si Arjay! Ngayon si Alex!!!” sabat ni Kieth
"Mali yang iniisip mo..."
"Langhiya naman yan.. mali pa rin? Lagi na lang akong mali..."
"Pre... pakinggan mo muna sasabihin ni Alex..."
"Tangina mo pre... mamatay ka na!"
Nakita
ko ang galit ni Kieth. “Kieth... please.”
“Umalis
ka na.”
“Kieth
pakinggan mo ako!!!”
“Bakit
pa kita papakinggan?! Para lokohin pa ako?! Alam mo kung gaano kita kamahal
pero eto ang ginawa mo!”
“Sabi
ko pakinggan mo ako. Wag mo nga muna ako talakan at makinig ka sa akin!” di ko
mapigilan na sumigaw.
“Hoy
ang kapal mo din na magalit.” Sabi ni Arjay.
“Wag
kang makialam dahil hindi ka kasali dito!”
“Wag
na wag mong gaganyanin si Arjay.”
Ouch,
ang sakit.
Mas pinagtanggol pa niya si Arjay.
Nakita ko ang ngiti sa mga labi
ni Arjay na sigurado akong nagbubunyi siya.
“Ang
sa akin lang.. sana pakinggan mo ako.... may dahilan naman ako kung bakit ako
nagpanggap...”
“Tama
na yan... sawang-sawa na ako sa mga lumang excuses na yan...”
“Bakit
ba ayaw mong maniwala sa akin? Bakit ba lagi ka na lang ganyan?” ang sabi ko.
“Dahil
hindi ako katulad mo na manloloko. Siguro kaya ka iniwan ng ex mo kasi ganyan
ka. Wala kang kwenta... kaya ka niya ibinasura kasi sinungaling ka at
manlolok...”
Hindi
na niya naituloy ang sinasabi niya nung suntukin ko siya.
Itinulak naman ako ni
Arjay pero nasalo ako ni RD.
“Ganyan
ba ang tingin mo sa akin ha?! Kieth ganyan ba ang lagi mong iniisip sa akin?!”
ang sabi ko.
Di
siya makaimik.
“Wala kang alam sa lahat ng nangyari sa akin. Wala kang alam
kung ano ang pinagdaaanan ko. Wala kang alam kung bakit niya ako iniwan, kung
bakit ako nagpanggap, kung bakit ako malungkot at kung bakit ako umaasta ng
ganito! Wala kang karapatan para husgahan ako dahil wala kang alam sa buong
buhay ko!” ang naisigaw ko.
Di
ko mapigilan ang mapaluha.
Nakaagapay naman sa akin si RD.
“Kieth.. mahal
kita.. mahal na mahal kita... nung nawala si Blake sa akin, naghirap ako ng
husto. Sobra akong nasaktan dahil sa iniwan niya ako. Pero ikaw, sinasaktan mo
ako. Unti-unti mong pinapatay kung ano ang mayroon ako. Ang sakit. Ang sakit-sakit.
Ngayon, kung ayaw mong maniwala or makinig sa akin, nasa sa iyo iyan... pero
tandaan mo... nasaktan mo na ako...”
Tumayo
ako at umalis sa lugar na iyon.
Unti-unti kong tinahak ang daan palayo sa
kanila.
Tinatahak ko ang daan na yun habang ang puso ko ay luhaan.
Di
ko namalyan si RD sa aking likuran.
Nang makalayo na kami, niyakap niya ako at
doon na ako tuluyang umiyak.
Pinagsusuntok ko ang dibdib niya.
“Bakit
bakit ayaw niyang makinig?”
“Baka
naman naguguluhan lang siya.” Sagot nito.
“Pero
bakit ganun ka harsh ang sinabi niya sa akin?”
“Nabigla
lang yun...”
“Ang
sakit.. ang sakit-sakit.”
“Be
with me..” sabi niya.
Napatingin
ako sa kanya at ang sunod na nangyari ay ang isakay ako sa kotse ko at umalis
kami papalayo sa lugar na iyon.
Iniiyak ko lang ng iniiyak ang mga nangyayari
sa akin.
Habang tinatahak namin ang kung saan ay hindi ko mapigilan ang humagulgol ng iyak.
Ang tanga-tanga ko kasi...
Bakit ba kailangan na mangyari pa ito?
Kasalanan ko ito.
Dinala
niya ako sa may condo niya.
Bingyan niya ako ng damit na maari kong gawing
pamalit.
Agad naman akong pumasok sa bathroom upang magshower at magbihis.
Habang
nasa loob ako ay hindi ko mapigilan ang mapaiyak sa nangyari sa amin kanina.
Hindi ko na lubusang maisip pa ang gagawin ko sa mga nangyari.
Kaya ko pa bang
humarap sa harapan ni Kieth ngayon nangyari na ang lahat?
Ibinabad
ko ang sarili ko sa ilalim ng shower at iniiyak ang lahat.
Wala akong pakialam
kung marinig man ito ni RD pero sige lang ako ng sige.
Mayamaya nakarinig ako
ng sunod-sunod na mga katok mula sa pintuan.
Masyado
na ata akong matagal sa loob.
“Alex...” sabi nito.
“Yup
palabas na ako.. sorry.” Sabi ko.
“Don’t
be... baka lang mapano ka jan kaya awat na.”
Nagsimula
na akong magbanlaw at ayusin ang sarili.
Nagsuot na muna ako ng damit.
Medyo na
consious ako sa damit na ibinigay sa akin.
Sando at fitted boxer, tsss.
Nang
lumabas ako ng banyo, nakita ko na napatigil si RD sa ginagawa niya at natuon
ang atensyon sa akin.
Nagtagal yung pagkakatitig niya hanggang sa gumawa ako ng
paraan para basagin ang katahimikan.
“Pwede
bang makahiram ng ibang shorts or boxers?” tanong ko.
“Lahat
ng boxers ko ganyan.” Ang sabi niya
“Ah
ganun ba.. sige sige.. salamat.” Ang nasabi ko na lang.
“You
have a nice body.” Sabi niya tapos ngumiti.
“Feeling
ko tumaba ako. Fitted tong boxer na to eh.”
“Mataba
ka pa ng lagay na yan?” sabi niya
Argsh
nakakahiya.
Nakita ko na hinahalikwat niya ang gamit ko.
Natulala na lang ako
ng makita ko na ang lahat ng gamit ko ay basa.
Pati cellphone ko ay basa kaya
nangihinayang ako, pinagipunan ko iyon at napakasentimental ng value na iyon.
Si
Blake pa ang pumili nun para sa akin at lahat ng laman ng cellphone na yun ay
importante.
Kinuha ko ito at pinilit na buksan, pero wala na.
Nahalata
siguro ni RD ang pagkalungkot ko kaya kinuha niya ito.
“Kaya ko tong ayusin.”
Sabi niya
Pinanood
ko na lang yung ginawa niya.
Kumuha siya ng blower at blinower ang cellphone
ko.
Di ko alam kung aasa pa ba ako na magagwa yun pero ano pa bang magagawa ko
kundi ang paasahin ang sarili ko.
Ngumiti
siya sa akin at ibinigay ang cellphone ko.
“Okay na.” At nagulat ako.
“Astig.”
Ang nasabi ko.
“Mukhang
wala kang bilib sa akin eh.”
“Hindi
naman. Feeling ko lang kasi ay imposible kaya ayon.”
“Galing
ko no? Kaya cheer up na.” Ang pilit niyang pagpapangiti sa akin.
“Salamat.”
Tapos ngumiti ako.
Ang problema lang ay sira ang sim.
“Alam
ko malaki ang problema mo. Ramdam ko yan kaya pwede mong ilabas yan sa akin.” Ang
sabi niya
Lumapit
siya sa akin at wala na akong nagawa kundi ang yakapin siya at iiyak ang
lahat-lahat.
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at ang ginawang
pagpapatahan sa akin.
“ganun
ba talaga ako kasama para pag-isipan niya ng ganun? Ang nagawa ko lang naman ay
ang magpanggap at magsinungaling pero ang mahalin siya, yun yung pinakatama
kong ginawa. Hindi ko naman siya niloko for my own sake. Nakakainis, ni hindi
man lang niya ako pinakinggan... huhuhu.” Ang iyak ko.
“Mahirap
din kasi sa side niya...”
“Naiintindihan
ko.. p-pero yung kampihan pa niya yung magaling ninyong ex boyfriend...
nakakasakit at nakakawala ng dignidad. Ang sakit na ipinapamukha niya na mas
handa siyang makipagpatayan para maprotektahan si Arjay! Huhuhu.”
“So
nagseselos ka?”
“Sino
bang hindi magseselos doon? Nakakainis kasi, nakakainis sobra!”
“Sige
lang iiyak mo lang.” Sabi niya
“Hindi
ba niya ako mahal? Rebound lang ba talaga ako? Ilang beses ko yan
pinag-iisipan. Nakakainis lang siya. Nakakainis ang isang Kieth Jerickson Lee.
Huhuhu.”
“Mahal
ka nun.. alam ko...”
“Sabihin
mo nga sa akin.. ganun na ba ako kasama para kamuhian niya?”
“Hindi
naman...”
“So
masama nga ako.”
“Hindi
nga sabi eh.”
“Bakit
ganun? Nakakainis! Nakakainis!”
“Paulit-ulit
ay. Kaya ayaw kong magmahal eh kasi ganito ang nangyayari.” Ang sabi niya
“Diba
mahal mo si Arjay? Diba gusto mo siya? Bakit hindi mo man lang siya binawi?”
Di
siya sumagot.
“Nahihili ako kay Arjay, sobrang swerte niya. Dalawa kasi kayong
nagmamahal sa kanya.”
Binatukan
niya ako kaya kumalas ako.
“Grabe ka ha namemersonal ka na.” Ang sabi ko.
“Para
ka kasing timang. Ikaw pa ang nainggit jan. Gusto mo sapak?”
“Ang
brutal mo. Para kang si Kieth.”
“Mag
bestfriend kami kaya ganun. At isa pa, wag ka nga, mas hamak naman na mabait
ako dun.”
“Mas
gwapo nga lang siya.”
“At
sinong may sabi?”
“Ano
bulag lang? Siyempre ako. Ang hina eh.” Pambara ko.
“Okay
ka na?”
“Hindi
pa...huhuhuhu.”
“Wag
ka nga umiyak. Para kang sirang megaphone eh.”
“Ganun
ba talaga kalakas ang boses ko ha? Si Kieth negaphone ang tawag sa akin.
Nakakainis. Ganun na ba ako kahalintulad ng isang wangwang ng megaphone?”
tanong ko.
“Seriously..”
“Ayusin
mo ang sagot mo!”
“Ano
ba? Nakakabinge ah.”
“Ano
nga?!”
“Ang
kulit mo.”
“Ang
panget mo.”
“Wag
mong sabihin na gwapo ka na eh gaganyanin mo na ako.”
“Bakit
ha? Gwapo naman talaga ako ah. Model pa nga ako eh.”
Bigla
niya akong hinigit at hinila papalapit sa kanya.
Napatitig ako sa kanya at
ganun din siya sa akin.
Namula ang mukha ko sa ginawa niya kaya pinilit ko na
kumalas sa kanya.
Ang weird ng taong to talaga kahit kailan.
“Bakit
pala may blower ka dito?” tanong ko.
“Wala
lang. Naiwan ata ng kapatid ko.”
“Wala
ka namang kapatid eh.”
“Ah
eh yung pinsan ko…”
“Aysus.
Nagamit ka pala ng blower ah. Ayiieh.”
“Tumigil
ka jan halikan kita jan eh.”
“Shut
up. Alam kong kissable ang lips ko kaya wag kang manyak.” Ang sabi ko at binato
siya ng unan.
Nakita
ko siyang umupo sa sala niya at binuksan
ang TV.
Seryoso ang pagkakaupo niya doon kaya binasag ko na naman ang
katahimikan.
“Thank you.”
“Para
saan?” tanong niya
“For
making me better.”
“Your
not better. Your good palang. Wag kang excited.”
“Im
okay na.”
“You
are not. Hangga’t may natitira pang luha jan sa iyong mga mata ay di ka pa
okay.”
“Alam
mo ngayon ko lang nalaman na ang corny mo pala.”
“Ganyan
talaga ang mga gwapo kaya you don’t belong to the clan.”
“Whatever.”
Ang sabi ko.
Napatingin
ako sa drawer niya.
Binuksan ko ito at napatigil ako sa nakita ko.
Nakita niya
yung ginawa ko kaya lumapit agad siya.
“Sorry.”
Ang sabi ko.
Lumayo
ako sa kanya ng bahagya.
“Bakit ka kasi nagingialam ng gamit?”
“Ang
seryoso mo kasi eh!”
“Gusto
mong gamitin ko sayo to?”
“Ang
manyak mo!.” Napatigil ako.
Hindi kaya kaya niya ako dinala dito aya dahil...
dahil...
dahil...
“Hoy
anong iniisip mo?”
“Wala.”
Ang sabi ko.
“Ano
nga?”
“Wala
nga. Paulit-ulit.”
Nagulat
ako nung binuksan niya iyon.
“Sige, gagamitin ko to kapag di ka nagsalita.”
“Wala
nga. Manyak.”ang nasabi ko.
“Kung
anong iniisip mo mali yan.”
“Wala
nga ang kulit.” Sabi ko.
“Eh
bakit ka namumula?”
“Eh
ewan. Lumayo ka nga... baka kung ano pang gawin mo sa akin eh.”
“Ano
bang nasa isip mo?”
“Change
topic.”
“Bakit
hindi ba ninyo ginawa yun ni Kieth?”
“Shut
up!”
“So
Virgin ka pa?
“Stop..”
“Hahaha.
I can’t believe this.” Tapos tumawa siya.
“Shut
up. Nakakinis ka!”
“Interesting...”
sabi niya
“Eh
ano ngayon?”
“Hahaha.
Wala lang.”
“Ewan
sayo. Siguro kayo nung jowa mo ginagawa ninyo yun? Yuck.” Ang sabi ko.
“Ang
arte mo.”
Pumunta
ako sa may sala at ako na lang ang nanood ng TV.
Habang nanonood ako ng TV ay
napansin ko ang picture ng isang batang lalaki.
Pamilyar sa akin ang lalaki at
unti-unti naalala ko kung sino yung lalaking yun.
Siya yung taong mahalaga sa buhay ko...
Ang taong unang minahal ko bago si Blake...
Ang taong pinangakuan ko ng habang buhay...
“Babs...”
ang nautal ko.
Lumapit
sa akin si RD at inagaw ang picture na nakadisplay.
“Wag ka nga makialam sa
gamit ko. Mamaya mga DVD na porn na Makita mo eh.” Ang pabirong sabi niya.
“Yung
bata...”
Nakita
kong tumingin siya sa akin at napatitig.
Nagtatanong ang mga mata niya at
parang naguguluhan.
“Ba-bakit... bakit nasayo yan?” tanong ko.
“Malamang
picture ko to kaya nasa akin to...”
Natigilan
ako.
Siya yung batang yun?
Imposible....
Pero paanong...
RD ang pangalan niya diba?
Naguguluhan ako...
“Babs... ikaw... ikaw yan?” ang nasabi ko.
Napatulala
siya sa akin ng gayon na lamang at di nakagalaw.
“Yats...” ang nautal niya.
(Flashback)
“Wag ninyo nga
siyang asarin!” tutol ko sa mga classmate ko na nang-aasar sa kanya.
“Pakialam mo ba
payatot ka?” sabi ng mga ito.
“Ang yabang ninyo
ah! Mga wala kayong utang na loob. Matapos niya kayong bigyan ng pagkain at mga
gamit ganito ang gagawin ninyo?”
“Ano bang mapapala
namin jan sa baboy na yan ha?”
“Wag ninyo siyang
tawaging baboy!” at sinugod ko sila.
Nakipagsuntukan ako
habang si Dan ay nakaupo lang at umiiyak.
Puro sugat ito gawa ng pagkakadapa.
Natigil lang ang aming suntukan ng mapabagsak ko sila.
Lumapit ako kay Dan
at hinila siya palayo sa kanila.
Iyak pa rin siya ng iyaka kaya sinigawan ko
siya.
“Ano ba?! Iiayak ka na lang ba ng iiyak jan?” tanong ko.
“huhuhu.”
“Kaya ka nila
inaasar eh!”
“Bakit ka ba
nakikialam ha?!” sigaw niya
“Ikaw na tinutulungan
ganyan ka pa...”
“Di ko naman sinabi
na tulungan mo ako ah!”
“Akala ko sila ang
baboy ng ugali, ikaw rin pala. Wala kang utang na loob.” Ang sabi ko at
tinignan siya ng masama.
Umiyak lang siya ng
umiyak.
Niyakap ko siya at nagulat siya sa ginawa ko.
“Alan mo... hindi naman
sa katawan nasusukat ang kabutihan ng tao. Dapat kasi hindi ka nagpapauto sa
kanila.”
“Lagi na lang akong
talunan.”
“Hindi ka naman
talunan eh... hindi ka lang lumalaban.”
“Bakit? Bakit mo ako
tinutulungan?” tanong niya
“Gusto ko lang...
gusto ko lang na maging kaibigan ka...” ang sabi ko.
“Bakit ako?” tanong
niya
“Wala lang. Feel ko
lang. Bakit ba? Kaya ngiti ka na.”
“Salamat.” Ang sabi
niya at niyakap niya ako.
“Ang dumi mo.” Sabi
ko.
“Sorry.”
“Siya umalis na tayo
at magbihis ka na.” Ang sabi ko.
“Di ako makapaniwala
na nagkaroon ako ng kaibigan na tulad mo.” Sabi niya
“Kasi magkaiba
tayo.” Sabi ko.
“Diba dapat kapag
magkaibigan eh magkatulad?”
“Mali ka doon. Hay
naku. Tumigil ka na kakatalak jan at umalis na tayo.” Sabi ko.
“Bakit ang tapang
mo? Sa payat mong yan?”
“Makapag payat ka
ah. Proket taba mo lang.”
“Payatot.”
“Taba.”
“Alam ko na itatawag
ko sayo.. Yats..” sabi niya
“Ang kapal mo. Gusto
mong suntukin kita ha?”
“Edi gawin mo. Sa
taba kong ito di uubra yan.”
“Alam ko na. Pag
tinawag mo akong Yats... ang itatawag ko sayo ay Babs...” at nagtawanan kami.
Naging mag
bestfriend kami.
Sanggang diit nga kami eh.
Lahat ng kalokohan ginawa namin.
We
were so young nung time na yun at di namin namamlayan kung ano ang nangyayari
sa aming paligid.
Dumating yung time
na kailangan naming maglipat ng bahay dahil namatay si papa.
Sobrang nalungkot
ako kasi aalis na ako at magkakahiwalay kami ni Dan.
Noon ko na lang siya
ulit nakitang umiyak mula noong nangyari yung insedenteng yun.
Siya lang ang
nag-iisa kong best friend.
“Wag kang.. wag kang
aalis...” sabi niya
“Di pwede..
kailangan eh..”
“Babalik ka pa ba?”
“Di ko alam...”
“Yats... wag mo
akong kakalimutan ha.. wag na wag mo akong kakalimutan...” sabi niya
“Oo Babs... ikaw
lang ang nag-iisa kong best friend...”
“mamimiss kita...”
“Ako din.. wag ka ng
magpapaapi ah. At isa pa magpapayat ka para pag nagkita tayo di ka na inaaway.”
Tumango siya
“Yats... may
sasabihin ako...” seryosong sabi niya.
“Ano yun?”
“Wag kang
magagalit... baka magalit ka... sabi niya
“paano ko malalaman
kung ayaw mong sabihin sa akin...?”
“Pakasalan mo ako
pag nagkita tayo!” nagulat ako sa sinabi niya at hindi nakapagsalita, ako ay
napatulala.
“Alex tara na.”
Sigaw ni mama
“Sige alis na
ako...” ang sabi ko.
Nakita ko naman na
nalungkot siya.
Hinalikan ko siya sa pisngi na siya namang nagpangiti sa kanya.
Niyakap niya ako ng mahigpit at muli tmulo ang luha niya.
“Hihintayin ko ang
pagkikita natin.” Ang tangi kong nasabi.
(End
of Flashback)
Di
pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko.
Pareho kaming natigilan, napatulala at
nanatiling tahimik.
Tinitigan ko siya at pinaniwala ang sarili na ganun na nga
ang nakikita ko.
Ang
dating mataba ay ngayon ay fit at sexy na.
He had muscles and chest.
Mula baba
pataas ko siyang sinipat at gayon din naman siya.
Nakita
ko siyang ngumiti kaya nagtaka ako.
Sumunod ng ngiti ay ang unting pagpatak ng
luha.
“yats...Yats.... Na-Nakita... nakita na rin kita... Sampung taon... Sampung tao kita hinintay...”
Hinawakan niya ang mukha ko...
Kinapa niya ito...
Sumunod
na dun ay ang pagyakap niya sa akin ng mahigpit.
Umiiyak siya.
Ngayon ko lang
siya nakita na umiyak.
“Babs... ikaw ba yan? Ikaw ba talaga yan?” tanong ko.
“Oo
Yats.. ako to. Si Dan... ang tagal kitang hinanap. Ang tagal kita hinintay...”
sabi nito
“Masaya
ako..” ang sabi ko.
“Mas
masaya ako.. nakita ko na ang best friend ko.. nakita na rin kita...” ang sabi
niya
“Anong
nangyari sayo?” tanong ko.
“Eto
gwapo na.. pumayat na ako tulad ng panagako ko.” Sabi niya
“Halata
nga eh. Nawala na yung bilbil mo. Macho mo na Babs. Hahaha.” Sabi ko.
“Ikaw
nga di na payatot eh... hahah.. kaya pala pamilyar ka sa akin.. kaya pala iba
ang dating mo sa akin... kasi... ikaw ang nag-iisang Yats ko..” sabi niya
“Hahahaha.
Masaya ako na nakita kita at nakasama. Akalain mo, unexpected to.” Sabi ko.
“Di
ako makapaniwala. Akala ko ba kababata mo sila Kieth?”
“Yup.
After mong lumipat, 3 taon matapos yun ay lumipat din kami.”
“Ah
kaya pala. Now I know.”
“Tinadhana
lang talaga na magkita tayo.” Sabi niya
“Ang
korny. Hahaha.” Sabi ko.
“Kwento
ka naman sa nangyari sayo.” Sabi niya
“Naku
mahabang kwento.” Sabi ko.
“Makikinig
ako.. namiss ita eh...”
“Basta
mahaba... hahaha.”
“Kamusta
si Kuya Hamilton?”
“Okay
naman ang ugok na yun.”
“Si
Tita ba?”
“Okay
lang din.”
“Eh
yung mama mo? namiss ko mga luto nun.”
“Miss
ka na din ni mama. Alam mo ba na kinukulit ko si mama para lang makita ka.”
“Sorry
nawalan tayo ng communication.”
“Ayos
lang... ang mahalaga magkasama na tayo.”
Niyakap
niya ako ng mahigpit.
Nagulat ako nung halikan niya ang noo ko.
Ayaw niya akong
pakawalan sa kanyang mga bisig.
Niyakap ko din siya at nakaramdam ako ng
kapanatagan.
“Tanda
mo pa ba? Tanda mo pa rin ba yug napag-usapan natin?”
“Ha?
Alin? Alin dun?” pag mamaang ko.
“Na
magpapakasal tayo kapag nagkita tayo..” di ako nakasagot sa tinanong niya.
(Itutuloy)
Gumanda ang story!!! :>
ReplyDeletemaraming salamat po. :))
DeleteThe reunion talaga..akalain m magkita pa cla.sa ganung sitwasyon. Galing kyle. Ano n mangyayari mtutuloy kya promises nila na magpakasal sa kbila ng may minamajal n clang iba?
ReplyDeleteRandzmesia
yan ang tutukan natin.. hahahah :)
Deleteit's awesome.....
ReplyDeletemaraming salamat po. hehehe
Deletesalamat sa update dylan kyle, gumaganda na ang story mo... i love it... masaya ako sa reunion nila rod at alex... nakakabitin....
ReplyDelete`paolo
maraming salamat po... tutukan ang susunod na kabanata. :))
DeleteWow an0 pa ba ang masasabi ko.,maganda,amazing,nice 1, lupit, an0 pa ba.,,grave ang ganda talaga sana saturday n bukas ehehe
ReplyDeleteJulmax
maraming salamat po... heheheh.... I'm happy na nagugustuhan ninyo yung story... hehehehe
Deletewag nyong sabihin na magkakabalikan si arjay at kieth??
ReplyDeletewhy am i pissed with arjay??
haha asteeg ng reunion ni dan at alex
-dino
heheheh.. maraming salamat po.. I hope magustuhan ninyo yung mga susunod na kabanata. :))
DeleteI'm hooked. I love the twist and turns. How you layout the plot was well executed. Kudos to you Dylan Kyle. You're a very talented and creative write. Looking forward to the rest of the chapters and your other works. :D
ReplyDeleteayiiieh.... maraming salamat po... nakakatuwa naman po na nagugustuhan ninyo yung mga twists.... maraming salamat po. :))
Delete