Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By: Baste31 - j.a.c.
Chapter 14: Tunay Na Nararamdaman
Please Click The Link For Previous Chapters: COMPILATION
Gusto
ko sanang idilat ang mga mata ko pero parang may kaba akong naramdaman kaya
hindi ko na nagawa. Saglit lang ang halik na yon pagkatapos ay naramdaman kong
may yumakap sakin mula sa kanan, malamang si Paul. Kung kanina inaantok pa ako
ngayon gising na gising na ang diwa ko buo na sa isip ko na malamang si Paul
ang humalik sakin. Pero bakit? Bakit nya ko hinalikan? Ibig ba nyang sabihin
ako yung taong mahal na tinutukoy nya noon?
Dapat bang i-confront ko sya kung
bakit nya ako hinalikan? Ang daming gumugulo sa isip ko. Hindi ko na nagawang
alisin ang kamay ni Paul na nakayakap sa akin, nagpanggap na lang akong
natutulog hanggang isa isa nang nagising ang lahat. Nagpanggap na lang akong
walang alam habang nag-aalmusal kami ng pandesal at kape nila Louie. Humihingi
naman ng pasensya ang nanay ni Louie dahil papag lang daw ang meron sila hindi
kama.
Sabi ko ayos lang naman yon sa akin, humingi na rin ako ng pasensya sa
abala namin. Dahil kami ang natulog sa papag at sila naglatag lang ng karton at
banig sa lapag. Matapos naming kumain nagpaalam kaming uuwi na, plano ko sanang
kausapin na si Paul kaya lang sumama sa pag-uwi namin si Louie, gusto daw nyang
kausapin ang Papa ko kaya pinagpaliban ko na lang muna ang plano ko. Inihatid
muna namin ni Louie si Paul at nagpaliwanag sa parents nya na dun na kami kina
Louie uminom at nakitulog kaya inumaga na kami ng uwi.
Pagkatapos umuwi na rin
ako sa bahay kasama si Louie. Nang makarating na kami sa bahay pinuntahan nya
agad ang parents ko at nakipag-usap. Hindi ko alam ang pinag-usapan nila ni
Papa at pagkatapos umuwi na rin agad si Louie. Hindi ko na rin naitanong kay
Louie kung ano ang pinag-usapan nila dahil magulo ang isip ko.
Kinabukasan
t-next ko si Paul para makipagkita at makipag-usap sa kanya. Kaya lang busy daw
sya buong araw at kung ok lang gabi na kami magkita. Pumayag naman ako na
magkita kami sa isang park ng 7pm. 15 minutes early ako dumating pero nauna pa
pala sa akin si Paul dumating sa park. Naka printed blue shirt sya at maong
pants, suot din nya ang bracelet na regalo ko sa kanya nung isang araw.
Nang
makita nya akong papalapit sa kina uupuan nya tumayo sya at lumakad papalapit sa
akin. Nakangiti pa syang papalapit sa akin at ng magtagpo kami ni Paul hindi na
ako nakapagpigil at isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa mukha nya.
"ano ba problema mo Ian?"
"Tarant*do ka Paul, bakit mo ko
hinalikan kahapon? Akala mo hindi ko alam ha?" hindi makatingin sakin ng
derecho si Paul, hinihimas lang ang mukha nyang tinamaan ng suntok ko.
"
Ano? Bakit di ka magsalita? Bakla ka ba? Ano?!" ilang saglit pa
tumingin na sa akin si Paul ng direcho.
"Gusto mo talagang malaman? O
sige! Oo hinalikan kita, kasi MAHAL KITA!!" ang pasigaw na sagot ni Paul
sa akin di alintana ang mga taong nakatingin sa amin sa di kalayuan.
"Mahal kita Christian! Ngayon alam mo na, masama ba yon?!"
"Bakit? Bakit Paul?!"
"Hindi ko alam, natatakot akong sabihin
sayo, natatakot akong lumayo ka kapag nalaman mo! Pero mabuti na rin, ngayon
alam mo na!" pagkatapos nyang sabihin yon tumalikod na sakin si Paul
parang nagpahid ng luha at naglakad palayo.
"Layuan mo na ako Paul, akala
mo ba maaawa ako sayo? Argghh!!" ang sigaw ko sa kanya at napatingala na
lang ako patong ang kamay sa noo. Pagkatapos umuwi na ako sa bahay namin.
Pagdating ko sa bahay, direcho agad ako sa kwarto. Ibinagsak na lang ang
katawan ko sa kama, nakatingin lang sa kisame. Mas gumulo pa ang isip ko sa
pag-uusap namin ni Paul at kapag naaalala ko ang malungkot nyang mukha
pagkatapos ko syang suntukin parang may guilt akong naramdaman sa nagawang
pananakit sa pinakamatalik kong kaibigan.
"Gusto mo talagang malaman? O
sige! Oo hinalikan kita, kasi MAHAL KITA!!"
"Mahal kita Christian!
Ngayon alam mo na, masama ba yon?!" parang paulit-ulit kong naririnig ang
boses ni Paul sa loob ng isip ko.
Hindi talaga maalis sa isip ko ang nangyari
kanina sa park, kaya tinawagan ko si Louie para may makausap naman ako kahit
hindi ko alam kung pano sasabihin sa kanya ang ginawang pag-amin ni Paul. Ilang
ulit ko ring tinawagan ang cellphone ni Louie pero hindi nya sinasagot, kung
kelan naman kailangang kailangan ko ng makakausap at saka naman hindi sya
macontact pambihira talaga.
Buong gabi akong hindi makatulog sa sobrang
pag-iisip. Pabaling baling na ako sa kama, halos lahat na ng position nagawa ko
na pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Kinabukasan kung kailan naman
nakatulog na ako panay naman ang katok ni Mama sa pinto ng kwarto ko.
"Christian, anak gumising ka na!" hay Mama wrong timing naman ang
paggising mo sa 'kin. Ngayon pa lang ako matutulog eh, hay. Ang pagmamaktol ng
isip ko.
"Christian, baka nakakalimutan mo ENROLLMENT ngayon for second
semester anak!" on nga pala, enrollment ngayong araw. Nang maalala ko yon,
kahit inaantok bumangon na ako sa pagkakahiga.
"Ok Ma, magp-prepare na
ako." ang sagot ko kay mama sabay higab ng malakas.
Pagdating ko sa
school, wala pa rin itong pinagbago. As ussual ang daming tao, mga magkakabarkada
nagkikita kita ulit, mga nakapila para mag-enroll at magbayad sa cashier. Sa
paglalakad-lakad ko para mag-enroll, naabutan ko ang kumpulan ng mga classmates
ko nakaupo sa tiles ng plant box malapit sa pila ng mga mag-eenroll.
Lalapitan
ko sana sila pero ng mapansin kong kasama sa umpukan nila si Paul at nakatingin
sya sa 'kin umiwas na lang ako. Napatingin na rin sa akin ang ibang classmates
namin ng makitang nakatingin sa akin si Paul. Kumaway pa sila sa akin, inaaya
akong sumama sa kanila. Pero tinuro ko na lang na pipila pa ako para mag-enroll
para makaiwas kay Paul.
Habang
nakapila hindi ko maiwasang mapatingin sa pwesto nila Paul, kita ko sa mukha
nya na pilit lang nyang nililibang ang sarili hindi alintana ang pasa mukha nya
na tinakpan lang ng bandage. Nang makatapos ako sa pag-eenrol, inisip ko agad
kung saan ba ako mag o-OJT. Naalala ko na naman na plano namin ni Paul na
magkasama kung saan man kami mag o-OJT, pero nagbago na ang isip ko, hindi ko
na ata sya kayang makasama.
Sa isip ko, kahit saan na lang dahil pareho lang
naman ang lahat ng mga company. O kaya sa business na lang namin, para ok lang
kahit hindi na ako pumasok at gumala na lang kung saan. Tama yun na nga lang
ang gagawin ko hindi ko pa kailangang pumunta sa mga company para magpasa ng
papers for OJT. Gawa ng pagod at kawalan ng tulog umuwi na lang ako sa bahay
pagkatapos mag-enroll.
Nang makasalubong ako ni Mama binanggit ko na sa kanya
na sa business na lang namin ako mag-o-OJT na sya naman nyang kinatuwa. Maganda
raw at maituturo na nya sa akin kung papaano patakbuhin ang business namin at
hindi ko alam kung nagbibiro lang sya o hindi at ang sabi pa nya sa akin
"Pagbutihan mo anak ha, at si Mama at Papa ang magbibigay ng grade
sayo!" sabay tawa ng mahina. Pagkatapos namin mag-usap ni Mama pumanik na
ako sa kwarto ko, hindi na rin ako nakakain ng dinner ng gabing yon.
Kinabukasan pagkagising na pagkagising ko pa lang hinagilap ko na agad ang c.p.
ko at agad na tinawagan si Louie. Nakailang ring din bago may sumagot sa kabilang
linya, hindi pa man sya nakakapag-hello agad naman akong nagsalita..
"Hay,
sawakas sinagot mo rin Louie! Nung isang gabi pa ko tawag ng tawag sayo pero di
mo sinasagot, ano ba ginawa mo? Magkita tayo ngayon may gusto akong sabihin
sayo!!"
"hello.. Kuya Christian ikaw ba yan?" sa boses pa lang
alam ko nang hindi si Louie ang nagsasalita.
"ahh.. Oo, si kuya Christian
to, Lito ikaw ba yan?"
"opo.."
"si Kuya Louie mo
nasan?"
"Wala po sya e.. Umalis."
"ahh.. Saan daw
pupunta?" rinig ko sa kabilang linya ang boses ng nanay ni Louie,
tinatanong kung sino ang tumatawag.
"ah, hello.. Christian ikaw ba
yan?" tanong ni Nanay Mila.
"ahh opo Nay, si Louie po nasaan?"
"ay umalis sya kahapon, pumunta ng probinsya.?"
"probinsya ho?
Ano po gagawin nya doon? Diba ho may trabaho pa sya sa amin?"
"oo mga
dalawang buwan sya don.. Nagpaalam na sya sa Mama at Papa mo. Dadalawin daw nya
si Diane. hindi ba nya sinabi sayo" ang lakas ng tibok ng puso ko ng
marinig ang mga sinabi ni Nanay Mila.
Parang nagsikip ang dibdib ko na di ko mapaliwanag
hindi tuloy ako agad nakasagot sa nanay ni Louie.
To Be Continued
napakaikli naman lagi ng kwentong ito??
ReplyDeletesi louie siguro ang gusto ni chirstian.
ReplyDeletebharu