Followers

Saturday, August 24, 2013

Less Than Three- Part 20

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!




--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 20

(This day)



[Alex’s POV]


“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Kieth sa kanya.


“Binibisita ko lang siya. Eh ikaw? Ang kapal ng mukha mo na pumunta dito.” Sabi naman ni Mr. Bautista.


Hinawakan ko ang kamay ni Kieth. 


Alam kong makikipagtalo lang siya sa papa ni Arjay. 


Umupo na lamang siya sa tabi ko at nanahimik.


“Salamat po.” Sagot ko.


“Kamusta ka na?” tanong nito.


“Maayos naman po. Kakagising ko lang din po.”


“Mabuti naman. Halos mag-iisang lingo ka ng natutulog.” Sabi naman nito.


“Si Arjay po pala kamusta po?”


“nagpapahinga siya. Ayaw niyang lumabas ng bahay.”



“Ano po ba ang nangyari?”



“Mukhang hindi mo pa alam.” Sagot nito


“Ano pong meron?” tanong ko.


“Si Arjay…” biglang sabat ni Kieth.


“May nangyari bang masama kay Arjay?” tanong ko.


“Wala. Siya ang dahilan kung bakit nadugtungan ang buhay mo. Siya ang nagdonate ng dugo na nawala sayo.”


Bigla akong nakaramdam ng katuwaan sa sarili ko. 


Salamat sa kanya at narito ako at buhay. 


Kung hindi siguro dahil sa kanya ay wala ako ngayon.


“Nais ko siyang pasalamatan.” Sabi ko.


“Sa ibang araw na lamang. Pipilitin ko na pumunta siya dito.” Sabi ni Mr. Bautista.


“Salamat po Mr. Bautista.” Sabi ko.


“Tito Ralph na lang.” sabi nito.


“Ah eh ganun po ba? Hehehe.”


“Eto prutas para sayo.” Sabi nito.


“Salamat po.”


“Walang anuman. Ang mama mo nga pala nasaan siya?”


“May binili lang daw po sabi ni Kieth po eh.” Sagot ko


“Ah ganun ba. Gusto ko sana siyang makausap eh.”


“Baka mamaya pa ang dating ni mama.” Sabi ni Kieth.


“Babalik na lamang ako sa ibang araw. Masaya ako na maayos ka na. Magkikita pa tayong muli.” Sabi nito.


“Sige po sasabihin ko po sa kanya.”


“Ingat ka.” Sabi nito.


Alam kong may awkwardness pa rin sa pagitan nilang dalawa ni Kieth. 


HAixt buhay. Nakita ko naman na tahimik lang si Kieth sa isang tabi kaya tinawag ko ito.


“Babe… okay ka lang?” tanong ko.


“Yup.” Sagot niya


“Di ka okay eh… at wag mo ng i-deny.”


"Alm mo naman pala eh..."


"Alam mo ang sungit mo."


"Tsss."


"Halika nga..."


Lumapit ito sa akin at niyakap ako.


 “Kilala mo talaga ako ah.”


“Yang butas ng ilong mo kasi lumalaki na naman kaya nahahalata ko.”


“Babe naman.”


“Anong problema?” tanong ko.


“Sorry kung pinabayaan kita noon. Sorry kung hindi kita napangalagaan. Naging pabayang boyfriend ako sayo. Sinisisi ko tuloy kung bakit ka nandiyan sa ka…” hindi ko na pinatapos ang sinabi niya


“Kung naging pabaya ka, sana wala ka ngayon. Wala kang kasalanan at wag na wag mong iisipin na may kasalanan ka.”


Niyakap niya ako ng mahigpit. 



“Hinding-hindi na ito mauulit pangako ko sayo.” Sabi ko.


“Oo. Alam ko. Kaya kalma na. wag na wag kung anu-ano lumalabas jan sa isip mo.”


“Opo.” Sagot niya.


“sanay na naman ako sa ospital noon.”


“Dahil sa aksidente dati?”


“Oo.”


“Ang tagal naman bumalik ni mama.” Ang nasabi ko na lamang.


“Pabalik na rin yun.”


“Kamusta pala ang school?” tanong ko.


“Okay naman.Malapit na ang finals natin.”


“Kailangan ko pa man ding humabol. Sayang ang scholarship pagnagkataon.”


“Magpagaling ka muna bago ang lahat. Hay naku.”


“Opo master.”


“Tss. Bilisan mong magpagaling ha.”


“At bakit?”


“Para naman maka-home base na ako sayo.” At tumawa siya.


“Natatawa ako sayo. Saan mo naman natututunan yang mga salitang yan?”


“Tinesting ko lang. bagay ba?”


“Hindi. Mukha kang malambot na tae.”


“Tss.” At nagpout na siya ng labi.


“Ang gwapo ko babe.” Sabi niya


“Asa naman.”


“Pumayag ka na lang.”


“At dahil mahal kita.. sige pipilitin kong magsinungaling. Haha.”


Niyakap niya ako ng mahigpit at napansin ko na napatahimik siya.



“I miss your voice…” sabi niya



"Ang sweet naman..."


"I swear... na miss ko..."


"Salamat... yaan mo di na kita pag-aalalahanin pa."



Makalipas ang 20 minutes, dumating si mama. 



Malawak ang ngiti nito sa akin. 



Agad niya akong niyakap at kinamusta sa aking kalagayan. 



Namiss ko si mama ng sobra kaya sobrang higpit talaga ang mga yakap ko tuwing may pagkakataon ako.


“Anak… pinakaba mo kaming lahat. Masyado akong ninerbyos nang maaksidente ka.”


“Matibay ata to ma.”


“Sabi ng doctor kapag nagising ka daw, 3 days after nung oobserbahan ka at kapag wala na silang makitang mali sayo, pwede ka na nilang irelease.” Sabi ni mama.


“Gusto ko ng lumabas.”


“Kaya dapat magpagaling ka muna.” Sabat ni Kieth. 



Lumapit ulit siya sa akin at niyakap ako.


“Dapat alagaan mo ako ha.”


“Oo naman.”


“Kow naman.” Sabi ni mama.


“Ma naman. Wag na pong kontra.” At nagtawanan kami.


Buong maghapon, magkasama lang kami ni Kieth. 


Si mama pinauwi ko muna para makapag pahinga. 



Babalik na lang daw siya bukas. 


Si Kieth naman, pinapauwi ko na at may pasok siya bukas, pero matigas ang ulo.


“Nagugutom ka ba?” tanong niya sa akin.


“Medyo.” Tugon ko.


“Ano gusto mong kainin?”


“May nakita akong mansanas na dala ni mama. Yun na lang.”


“Inumin ba?”


“Tubig na lang.” tapos ngumiti ako.


“Mukhang may iniiisp ka ah?” tanong niya habang inaasikaso niya ang pagkain ko.


“Bored lang ako.” Sagot ko.


“Nandito naman ako ah.”


“Aysus. Wag mong sabihing magtatampururot ka?”


“Di naman.” 



Umupo siya sa tabi ko at sinubuan ako ng mansanas.


“Anong naramdaman mo nung naaksidente ako?”


“Ano ba namang tanong yan?”


“Sumagot ka na. batukan kita eh.”


“Brutal ha.”


“dali na.”


“Ayon. Okay naman. Haha De joke lang. Siyempre nag-alala ako. Siyempre halos di ako magkandaugaga sa kakaisip kung magiging okay ka ba.”


“Di ko alam kung ano ba ang dapat maramdaman ko.” Sabi ko.


“Dapat maging Masaya ka diba?”


“Alam ko. Pero bakit ganun? Bakit parang di ako buo? Parang may kulang?”


“Baka naman nasalin sayo yung emosyon ni Arjay.” Sabi niya.


Seryoso pa ang mukha niyang iyon ha. 


Nakatitig lang ako sa kanya ng mapansin niya na nakatingin ako. 


“What?” tanong niya


“Mukha kang timang.”


“Ako na ata ang pinakagwapong timang sa mundo.”


“Kapal.”


“Sus naman. Hahaha.”


“Paano kung di ako nagising?” bigla kong tanong.


Naramdaman ko ang pananahimik niya. 


Agad itong kumalat sa buong kwarto at ni-isa sa amin ay walang balak na umimik. 


Kinulbit ko siya kasi halatang galit siya.


“Ui.”


“Just shut up.” Sabi niya


“Sorry na.”


“Di kasi nakakatuwa yung tanong mo.”


“I’m just…. Wondering.”


“Ayaw mo na ba sa akin?” tanong niya


“Huh? Anong sinasabi mo? Bakit mo yan sinasabi?”


“Para kasing ayaw mo na sa akin. Gusto mo na bang lumaya sa akin? Naboboringan ka na ba sa akin?” sunod-sunod niyang tanong.


Hinawakan ko ang mukha niya at tumingin sa kanyang mga mata. 


Agad naman siyang napatigil sa gusto niyang gawin na pagsasalita. 


Hinayaan ko munang lumipas ang ilang minute bago ako magsalita.


“Sorry kung natanong ko yun. I’m just wondering kung ano ang feeling. Pero somehow natakot din ako. Bago ako mawalan ng malay noon, ikaw agad ang hinanap ko. Gusto kong Makita ang mukha mo bago man ako mawalan ng malay tao. Natatakot kasi ako na baka din a ako magising. Napakadilim kasi ng pakiramdam. Ikaw ang nasa isip ko. Kaya wag kang magsasalita ng ganyan ha. Alam mo, ikaw lang ang tatakbo sa buhay ko ngayon. Ipinagpatuloy ko ang buhay ko para sayo. Naging matatag ako para sayo.. yan ay dahil gusto kong mag tagal tayo… dahil mahal kita. Mahal na mahal kita.”


Naramdaman ko ang pagtulo ng kanyang mga luha. 


Napaka rare sa isang lalaki na magpakita ng luha na tulad nito. 


Di ko alam kung pang-ilang beses ko na bang nakita siyang umiyak. 


Or worse, baka ngayon ko pa nga lang siya nakita eh.


“tahan na babe… I love you.” Sabi ko.


“Matapang ako… pero pagdating sayo sumusuko ako. Astig ako… pero nagmumukhang duwag ako pag wala ka sa tabi ko. Matatag ako… pero nanlalambot ako kapag wala ka sa piling ko. Nung maaksidente ka, akala ko mawawala ka na sa piling ko. Lahat kaya kong gawin maibalik ka lang sa akin. Ayaw ko ng maramdaman na mawalan ng minamahal. Ang gusto ko lang ay makasama ka habang buhay…”


“Maswerte ako dahil ngayon ay tayo. Nagpapasalamat ako sa Panginoon kasi ibinigay ka niya sa akin. Kaya salamat sa pananatili sa akin.”


“Mukha na tayong timang dito.” Sabi niya


“Eh ikaw eh. Umiyak agad.”


“Di ko nakayanan.”


"Mukha kang batang inagawan ng candy..."


"Tsss."



“Hey yung apples ko.” Sabi ko.


“Wala na. matulog na lang tayo.”


“Mabuti pa nga. Pagod na rin naman ako.”


“Gawa na lang tayo ng baby.”


“Hey.”


“Just kidding. Haixt.”


“Buntong hininga talaga?”


“Alangang umutot ako?”


“Ewan sayo.”


“Paglabas mo… date tayo…”


Napangiti na lang ako at niyakap siya, hinalikan ko siya sa labi at nagsabing. 


“I love you.”


[Kieth’s POV]


Papunta ako ngayon sa bahay nila Alex dahil pinapakuha niya yung mga notes niya. 


Sabi ko magpahinga na lang siya kaso nabo-bored lang daw siya. 


Kasama niya ngayon sa ospital si Kuya. 


Si mama nasa bahay daw at nag-aayos ng bahay para sa paguwi ni Alex.


Nagpark ako sa tabi ng bahay nila Mama ng mapansin ko ang isang pamilyar na kotse. 


Ano bang meron sa kanya at lagi na lamng siyang nakikidikit kila Alex?


Pagkababa ko, papasok na sana ako sa gate ng marinig kong nagring ang phone ko. 


Agad ko namang sinagot ito. 


Si Jake. 


Anong meron kaya?


“Pre!!!” bungad nito.


“Aray. SAkit sa tenga. Tungunu pre…”


“Hahahah. Easy lang. Highblood agad?”


“Oh?”


“Suplado eh.”


“Bilis na.”


“Papatulong ako.”


“Saan?”


“Nililigawan ko best friend ng jowa mo.”


“Anong gagawin ko?”


“Ang plain pre? Shet lang?”


“Edi ligawan mo. Dalhin mo dun sa special place ko dati. Sayo na yun ngayon.”


“Ang corny naman.”


“Edi bahala ka jan.”


“Libre mo kami.”


“Neknek mo.”


“Dali na.”


“Ewan sayo.”


“Pre naman. Parang di tayo magbest friend eh.”


“Ewan. Hala sige na. nagmamadali ako.”


“Please pre…”


“Ang kuripot eh.”


“Minsan lang naman to.”


“Oo na. tatawagan ko si ate mamaya. Papaayos ko yung resto.”


“Thanks pre… ikikiss kita pagnagkita tayo.”


“Yuck pre”


“Asa. Sige salamat!” at binabaan ko ng loko.


Grabe talaga tong mokong nay un. 


Kainis. Hahaha. 


Pero napabaling ulit ang atensyon ko sa kotse ni Tito Ralph. 



Ano na naman ba ang kailangan niya?


Agad akong pumasok at nakita ko ang pagtatalo nilang dalawa. 


Agad silang natigilan nang Makita ako. 


Nakita ko ang galit sa istura ni tito Ralph.


“At nandito ka na naman ha?” bungad ni tito Ralph.


“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.


“Huh. Ang lakas talaga ng loob mo ah.”


“Wala na naman akong dapat katakutan pa.”


“Kieth… asaan si Alex?” tanong ni mama.


“Nasa may ospital pa rin po. Binabantayan ni kuya.”


“Anong ginagawa mo dito anak?”


“May pinapakuha lang si Alex po. Ginugulo po ba kayo ni Tito Ralph?” tanong ko.


“Hindi.. sige akyat ka na.”


“Hinahayaan mo lang siyang pumasok dito?”


“Wala kang pakialam.” Sagot ni mama.


“Meron at alam mo yon.”


“Manahimik ka.”


“Matagal na akong nanahimik. At isa pa, para malaman ng lalaking iyan ang lahat-lahat. Para rumespeto siya at matutong matakot.”


“With all due respect po sir, sana tigilan na po ninyo ako. Wag na wag po ninyong haharassin si mama.”


“Mama ha? Pareho talaga kayo ng ugali na papa mo. Masyadong mapapel.”


“Wag na wag po ninyong madadamay ang papa ko!”


“Ano naman?”


“Wala kayong karapatan!”


“Wala ka rong karapatan na makialam sa pamilya namin!”


“Wala na akong pinapakialaman sa inyo! Wala na kami ni Arjay! Kaya wag na kayong mag-alala.”


“Ikaw ang walang karapatan!”


“Inaano ko ba kayo? Nanahimik na ako dati! Hanggang ngayon ba guguluhin pa rin ninyo kami!”


“Gusto ko lang ipaalam sayo na dapat ginagalang mo ang nasa harapan mo!”


“Dati yun. Yung kayo pa ang ma ng minamahal ko! Pero ngayon! Hindi na! nawala na ang respeto ko sa inyo dahil sa ginawa ninyo.”


“Kieth tama na.” paki-usap ni mama.


“Hindi! Sige lang. yabangan mo pa ako. Tignan lang natin kung makakapagyabang ka pa.”


“Ralph.. wag.. please.”


“Hindi! Tapos na akong magtikom ng bibig. Hudas tong lalaking ito eh. Nang dahil sa kanila nagkasira kami! Ngayon di ako papayag na mapunta ulit siya sa anak ko!”


“Paulit-ulit pala talaga kayo ano? Diba wala na kami ni arjay!”


“Ralph.. wag!!!!” sigaw ni tita.


“Wag kang makialam.”


“May pakialam ako dahil anak ko ang nasa katayuan ngayon!”


“Ma?” tanong ko.


“Kieth umalis ka na. please… ngayon na.”


“Nagugulhan ako. Ano bang meron? Matagal ko na pong napapansin na may itintago kayo.”


“Usapang matanda lang ito…”


“Wala na tayong dapat itago pa.” sabi ni tito Ralph.


“Hindi! Tumigil ka.” Si mama.


“Hoy lalaking malaki ang sungay…”


“RALPH!” sigaw ni mama.


Ngayon ko lang nakita si mama na ganun magalit. 


Napatahimik ako pero hindi tumigil si toto Ralph.


“Wag mo akong alisan ng karapatan sa anak ko! May karapatn ako isiwalat na anak ko si Alex at gagawin ko ang lahat makuha lang siya!”


“Anak? Si Alex? Paanong?” nagugulhan ako.


“Oo magaling na lalaki. Anak ko lang naman yang taong minamahal mo!”


“Hindi… hindi ako naniniwala!”


“Wala akong pakialam kung ayaw mong maniwala! Anak ko si Alex at wala ka ng magagawa pa!”


“Malayo! Napaka layong mangyari iyon!”


“Ralph napakasama mo!!!”


“Hindi. Ikaw ang masama kasi itinago mo sa kanya ang lahat!”


Napaupo na lang si tita sa sahig. 


Agad ko nman siyang inalalayan at itinayo. 


Kita ko sa kana yang pagkalugi at pagkatalo. 


Unang beses kong Makita na ganito si tita. 


Na para bang walang buhay.


“Umalis na kayo tito!” sabi ko.


Bigla niya akong sinuntok kaya natumba ako sa sahig. 


Agad kong sinipat ang dugo sa aking mga labi. 


Agad namang lumapit si mama sa akin at sinigawan si tito Ralph.


“Bakit mo ginawa yon? Umalis ka na nga dito!”


“Hindi ko alam kung ano ang nakita mo jan sa lalaking yan, pero hindi ako papayag na maging sila ng anak ko. May karapatan ako sa anak ko kaya wala kang magagawa!” sigaw nito.


“Huh… yan naman kayo eh Magaling kayo jan sa pananakot ninyo. Napakaduwag ninyo dahil ginagamit ninyo ang pagkaama ninyo sa mga bagay na walang kwenta! Napakamalas lang talaga ni Arjay at naging tatay ka niya. Kahit na wala kami, nag-aalala ako sa kanya dahil nandiyan ka sa tabi niya! Nilamon na kayo ng galit ninyo! Ibang-iba na kayo!” sabi ko.


“Wala ka talagang modo! Manag-mana ka talaga sa tatay mo! Wag kang makialam sa pagiging tatay ko. Hinding-hindi ko nga pinakialaman ang papa mo! Ang kapal ng mukha mo na sagutin ako. Ako ang magiging bangungot mo!” sigaw niya


“At hindi ako papayag na ikaw ang dahilan ng pagkamatay ko!” sigaw ko.


Lalapit pa sana si tito Ralph ng bahagyang tumayo si mama at sinampal ito. 


Natigilan silang dalawa habang ako naman ay tumayo at inalo si mama.


“Umalis ka na! wala ka namang ginawang maganda sa amin! Ang kapal ng mukha mo na humarap pa sa akin! Wala kang karapatan na maging tatay sa anak mo dahil niloko mo lang kami. Tahimik na ang buhay naming kaya umalis ka na! umalis ka na ngayon sa pamamahay ko kung hindi tatawag ako ng pulis!”


“Babalik ako at kukunin ko ang anak ko. Makikita ninyo!”


Binalabag ni tito Ralph ang pinto at paharurot na umalis sa bahay nila Alex. 


Naiwan naman kami ni mama na tahimik at walang imikan. 


Agad kasi siyang umalis at pumunta sa kusina.


Ilang sandali lang din ay bumalik siya at  may dalang towel at yelo. 


Agad niyang hinawakan ang aking mukha at nilinis ang digo sa aking labi. 


Nakaramdam naman ako ng sakit.


“Di mo na dapat ginawa yun.” Sabi nito.


“Ano ang totoo mama?” tanong ko.


“Mas mabuting hindi mo alam ang totoo?”


“Kaya ba laging nadun si tito Ralph? Kaya ba siya nangngugulo sa inyo? Bakit hindi ninyo sinabi na ang tatay ni Alex ay si tito Ralph?” sunod-sunod kong tanong.


“Wala kang narinig at wala kang nalaman. Lakad na, inaantay ka na ng anak ko.”


“Hanggang kalian ninyo ito itatago mama? Hanggang kalian? Kapag wala na si Alex? Ha mama? Kapag dumating yung panahon na wala na kayong anak?!”


“Hindi ko alam! Hindi ko alam!” at humagulgol sa pag-iyak si mama.


“Ma… gusto kong malaman ang totoo.. naguguluhan ako…”


Pinakalma ko muna si mama bago ko siya pinagsalita. 


“Totoo na ang tatay ni Alex ay si Ralph.” Saad nito.


“Pero paanong nangyari po yon? Si Kuya rin po ba anak ni Tito Ralph? Si Bunso?”


“Magkaiba sila ng ama. Hindi ko anak si Hamilton. Anak siya ng naging asawa ko matapos akong lokohin ni Ralph. Alam ni Hamilton ang lahat ng nangyari.”


“Pero paanong nagkaanak kayo ni tito Ralph?”


“Dalaga ako noon at hindi ko alam na may asawa pala si Ralph. Nagkakilala kami sa isang bar na una kog pinuntahan. Doon, nagkakilala kami at nagkausap. Di rin nagtagal ay niligawan niya ako. Isang buwan lang din ay sinagot ko ito. Nahulog ang kalooban ko sa kanya. Nagtagal kami at di naglaon nangyari ang hindi dapat nangyari. Pinangakuan niya ako na pananagutan niya ako. Naniwala ako sa kanya dahil mahal ko siya.”


“Napakasama pala talaga ni tito Ralph.”


“Napakasaya ko nang malaman ko na buntis ako. Pero di naglaon, nalaman ko na isa lang pala akong kabit. Pinalayas ako ng mga magulang ko dahil sa nangyari at di ko inaasahan na ganun ang mangyayari.”


“Pero paanong magkaedad sila ni Arjay?”


“Hindi daw magkaanak-anak ang nanay ni Arjay at dahil doon, nawalan ng pag-asa si Ralph at naghanap ng iba. Ang gusto lang niya ay magkaanak. Pero hindi tama ang ginawa niya! Maling-mali! Niloko niya ako at ginamit lang niya ako.”


“Paano po kayo nagkakilala nung tatay ni Kuya?”


“Isang taon na si Alex nang magkakilala kami ni Ramon. Isang taon niya akong sinuyo dahil sa hindi na ako naniniwala pa sa pagmamahal. Biyudo na siya sa una niyang asawa. Mabait siya, mapagmahal, maaruga at higit sa lahat mapag-alaga. Napamahal siya sa akin ng hindi ko nababtid hanggang sa isang araw, narealize ko na siya ang dapat kong maging katuwang. Umabot ng 2 taon bago kami magpakasal at nagsama. Tanggap naman ni Hamilton ang sa amin ng papa niya. Itinago lamang naming kay Alex ang lahat.”


“Pero dapat malaman yun ni Alex.”


“Natatakot ako na baka magbago ang lahat. Na baka iwan niya ako.”


“Hindi ganyang tao si Alex ma. Maiintindihan ka niya. Naniniwala po ako na magiging maayos ang lahat.”


“Wag muna ngayon. Wag na muna.”


“Pero kailan pa? niloloko lang ninyo si Alex”


“Hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanya. Hindi ako papayag.”


“Pero aagawin siya sa inyo ni tito Ralph…”


Di pa kami natatapos mag-usap ng magring ang cellphone ko. 




Si Alex. 


“Ma.. si Alex.”


“Please.. hayaan mong ako ang magsabi sa kanya.”


“Sabihin po niyo sa kanya as soon as possible. Ayoko pong naglilihim sa kanya.”


“Kapag magaling na si Alex.. saka ko sasabihin…”


“Hello.” 



Bigla kong sinagot yung tawag nito. 



Kita ko naman agad ang kakaibang kaba sa mukha ni mama.


“Asaan na ang babe ko?” tanong ni Alex sa kabilang linya.


“Ah eh pabalik na ako.”


“Sige bilisan mo ah. Si Kuya sinasabutahe na ako dito.”


“Okay. I love you.” Sabi ko.


“Love you too… Miss you.” At ibinaba na niya.


“Mag-usap kayo ni Alex pagkadating niya ditto sa bahay ma.”


“Oo.. Sige na anak. Balik ka na doon.”


“Ayos lang po ba kayo dito?”


“Oo.” Kinuha ko muna ang pinapadaanan ni Alex at umalis na ako.


(Itutuloy)

8 comments:

  1. hey dylan kyle, thanks sa update, lagi ko itong inaabangan. ang ganda at interesting ang story. pati yung music ay saktong saktong sa bawat chapter...

    `paolo

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat po... nxia kung medyo bitin. hahahah salamat po sa pagbabasa. :))

      Delete
  2. hey dylan kyle, thanks sa update, lagi ko itong inaabangan. ang ganda at interesting ang story. pati yung music ay saktong saktong sa bawat chapter...

    `paolo

    ReplyDelete
  3. like it like it like it!!
    thanbk you sa update. :))
    uhm mukhang magkakaalamanan na talaga at sana namanmaging ok ang lahat at wag matulad si alex kay arjay na pinaikot ang buhay andun na mahal na mahal nia yung anak nia kaso di rin naman tama na sia ang magdesisyon sa bagay na alam niang masasaktan yung anak nia. at kay alex mukhang matatanggap naman ni alex kasi malawak isip nia at si kieth ee kaya naman nia ipaglaban si alex ee. push lang.!! hihihi at kay jay bagay sila ng bff ni alex haha kilig. hahaha thank you sa update. :))

    ReplyDelete
  4. Ang panggulong tito ralph...kmalas ni alex xa nging ama nya gagamitin n nman anak nya. Nice chapter dylan.

    Randzmesia

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails