Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com
Sa mga nag-aabang, ito na po ang part 5 ng story. Muli po akong nagpapasalamat sa mga taong nagbigay ng komento sa last post ko. Hindi ko na naman inaasahan ang dami ng naging comments doon.
Nais ko pong ipaalam na sa part 6 na ipopost ko sa mga susunod na araw ay abangan niyo naman ang point of view ng isa pang bida sa kwentong ito.
Any comments and criticisms are welcome. Kung may napansin kayong mali o flaws pakisabi po agad para masagot at maayos ko. Sa totoo lang po ay amateur pa lang ako sa paggawa ng ganitong klaseng kwento kaya pagpasensyahan niyo na lang po ang paraan ko ng paglalahad ng mga detalye.
Happy Reading!
(Andrew POV)
Tatlong beses akong sumubok na tawagan si Dina ngunit hindi niya sinasagot ang kanyang cellphone kaya itinigil ko na muna. Bumalik na ako sa aking kinauupuan sa tabi ng kama ni nanay.
Habang nakatingin sa aking nakaratay na ina ay sinariwa kong muli sa aking isip ang lahat, simula nung araw ng atakihin si nanay sa puso hanggang sa kanyang pagkakaopera. Doon ko naisip na ang lahat pala ng mga nangyaring iyon ay naging pabor sa amin. Inaamin ko sa aking sarili na talagang nasiyahan ako. Pero sa kabila nito ay may mga bagay na gumugulo pa rin sa aking isip.
Nasa kasagsagan ako ng aking pag-iisip nang biglang pumasok si Dr. Luis para sa check-up ni nanay.
"Ah doc. matatagalan pa po ba bago magising si nanay?" ang aking tanong sa kanya.
"One of these days ay magkakamalay na siya. Kaunting tiis lang iho." ang kanyang tugon habang abala sa pagsusuri kay nanay.
"Oo nga po. Excited na kasi akong makausap siyang muli. Marami na rin kasi akong sasabihin sa kanya."
"Naiintindihan kita."
"Alam niyo po doc, naisip ko na hulog kayo ng langit sa aming mga mahihirap." ang di ko naiwasing isambit dala ng aking kasiyahan.
Napatingin naman sa akin ang doktor na may kasamang ngiti. "Bakit mo naman nasabi yan?"
"Kayo po ang nagligtas kay nanay sa kapahamakan. Kayo po ang naging susi para madugtungan pa ang kanyang buhay. Dahil sa inyo ay magkakasama pa ulit kaming dalawa."
"Kaw talagang bata ka...Ginagawa ko lang ang aking trabaho. Alam mo bang sa halos 20 taon ko na sa propesyong ito, ngayon lang ako nakarinig ng ganyan sa kamag-anak ng aking pasyente?" ang natutuwa niyang pahayag.
"Humahanga lang po ako sa inyo kasi magaling at mabait kayo." ang di ko naiwasang sabihin. Sa puntong iyon ay naramdaman ko na parang ang gaan ng loob ko sa kanya sa di maipaliwanag na dahilan.
"At laki talaga ng pasasalamat ko sa kaibigan kong si Dante, kung di dahil sa kanya ay hindi tayo magkakakilala at higit sa lahat baka natuluyan na talagang mawala sa akin si nanay." ang aking pagpapatuloy.
"Tama iho..."
"Ah doc... Paano po pala kayo napapayag ng kaibigan ko na mag-opera kay nanay?" ang bigla kong naitanong sa kanya.
"Sino, yung Dante ba? yung kaibigan mong pumupunta dito?"
"Opo doc..."
Nagtaka naman ako sa sagot niyang iyon na para bang hindi niya gaanong kilala si Dina.
"Actually iho mga dalawang beses ko pa lang siya nakakausap. Pinakilala lang siya sa akin ng anak kong lalaki. At iyon din yung araw na nagrequest ang anak kong iyon sa akin na ako na ang mag-opera sa iyong ina."
Lubusan ko namang ikinabigla ang mga nalaman ko sa kanya.
"So Doc, ibig sabihin na wala palang ibinayad sa inyo si Dante sa operasyon?" ang aking naitanong sa kanya.
"Oo naman."
Sa aking mga narinig ay nagkaroon na ako ng ideya kung bakit sinasabi nina Dina at Dr. Luis sa akin na hindi ko na kailangang bayaran pa sila.
"Maiba pala ako iho, galing kayo sa probinsya di ba?" ang sunod niyang tanong na nagputol sa aking pag-iisip.
"Ah opo sa Bicol."
"Pero dati na rin kayong tumira dito sa Manila...tama?"
"Actually, sa Tondo po talaga ako lumaki. Nung pinaalis kami doon 2 years ago ay nagpasya kami na manirahan na lang sa bayan ni nanay."
"Ah ok. Kamusta naman ang naging buhay niyo sa probinsya?"
"Maayos naman po. Nairaraos naman namin ang mga gastusin sa araw-araw. Katunayan nga niyan, mayroon kaming maliit na negosyo. Nagtitinda po si nanay ng isda sa palengke, samantalang ako ay may sideline bilang helper sa ibang mga nagtitinda doon."
"Mabuti kung ganoon. May balak pa ba kayong bumalik doon kapag magaling na ang iyong nanay?"
"Sa ngayon ay hindi na muna siguro dok. Sa kondisyon kasi ni nanay ay hindi na siya maaaring makapagtrabaho ulit tulad ng dati. Bale ako na lang ang maghahanap ng trabaho para sa amin. Parang magsisimula ulit kami."
Matapos kong sabihin iyon ay lumapit sa akin ang doktor at naramdaman ko ang pagpatong ng isa niyang kamay sa aking balikat.
"I admire you iho, Isa kang napakabuting anak, maaalalahanin sa magulang, napakabait at masipag. Hindi na ako magtataka pa kung bakit madaling mahalin ang isang tulad mo. And you deserve our help."
Napatingin ako sa kanya dahil sa aking narinig. Iniisip kung bakit siya nagsasalita ng mga ganito sa akin at kung ano ang ibig niyang ipakahulugan sa mga salitang kanyang sinabi. Isang ngiti lang ang nakita ko sa kanyang mukha.
__________
Nasa kasarapan ako ng aking pag-iglip sa tabi ni nanay nang may maramdaman akong may humahaplos sa aking ulo dahilan upang akoy magising.
At sa pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko ang nagkamalay kong ina. Sa sobrang kasiyahan ko ay niyakap ko siya agad.
"Nay mabuti naman at nagising ka na. Ang tagal kong hinintay ang oras na ito." ang aking masayang sambit matapos siyang yakapin.
Nilibot niya ang kanyang mata sa paligid.
"Nasaan tayo anak?"
"Sa ospital po dito sa Manila."
"Teka lang anak, di ba ayaw mo na dito?"
"Wala na po akong choice nay."
"Pero... paano ako napunta dito? Saan ka nakakuha ng pera anak para ipagamot ko?"
Bigla kong naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Dr. Luis.
"Ah nay huwag niyo po munang isipan niyan. Ang mahalaga po ay ligtas na kayo. At ngayon po nay ay magaling na kayo. Magkakasama pa ulit tayo," ang nasabi ko na lang. Hanggang ngayon kasi ay naguguluhan pa rin ako tungkol sa bagay na ito.
Isang pagtungo na may kasamang matipid na ngiti ang isinagot niya sa akin kasabay ng haplos ng isa niyang kamay sa aking ulo.
Maya-maya lang ay pumasok na si Doc kasama ang isang nars. Muli nilang sinuri si nanay.
"Ah nay siya nga po pala si Dr. Luis. Isa siya sa mga tumulong sa atin. Siya ang nagsagawa ng operasyon sa inyo." ang masaya kong pagpapakilala sa kanya sa doktor.
"Maraming salamat po sa pagtulong ninyo sa amin ng anak ko Doc."ang pahayag ni nanay dala ng kaligayahan.
"Walang anuman po iyon. Maswerte ka at nagkaroon ka ng isang mabait at mapagmahal na anak na tulad niya."
"Tama po kayo. Mabait na bata po talaga si Andrew."
Nagkatawanan kaming lahat.
"Wala namang problema. Lahat naman sa kanya ay normal kaya magaling na siya. Pwede na siyang makalabas next week." ang pahayag ng doktor matapos nila siyang suriin ng nars.
Natuwa kaming dalawa sa aming narinig.
"O siya maiwan ko muna kayong mag-ina diyan para makapagbonding kayo. Marami pa akong aasikasuhing pasyente."
"Sige po Dok. Maraming salamat po ulit." ang aking sinabi sa kanya.
Pagkaalis ng doktor ay tinawagan ko ang lahat ng aking mga kakilala. Ang aking mga kaibigan sa probinsya at si Troy. Lahat sila ay masaya para sa amin.
Ang huli kong tinawagan ay si Dina.
"Hello Dina. Gising na si nanay at pwede na siyang ilabas sa susunod na linggo!" ang masaya kong sambit sa kanya.
"Talaga? Mabuti naman kung ganoon. Sa wakas ay tapos na ang iyong problema. Im happy for you friend."
"Salamat ulit sa mga tulong mo sa aming mag-ina."
"Youre welcome... At ngayong maayos na si Tita, panahon na siguro para malaman mo ang lahat friend."
"Anong ibig mong sabihin?" ang agad kong tinanong sa kanya.
"Mamaya mo malalaman pagdalaw ko diyan."
Sa puntong iyon ay naalala ko ulit ang mga sinabi sa aking ni Dr. Luis at ng mga kaibigan ko sa probinsya. Naisip ko na ito na siguro ang kasagutan sa lahat ng mga bagay na gumugulo sa aking isipan noon pa.
__________
Habang naghihintay sa pagdalaw ni Dina ay nilahad ko kay nanay ang lahat simula nung araw na atakihin siya sa puso. Sinabi ko rin sa kanya ang aking ginawa sa aming negosyo at sa bahay namin sa probinsya. Napag-usapan din pala namin ang aming magiging plano sa mga susunod na araw paglabas niya ng ospital.
At makalipas ang dalawang oras ay dumating na ang taong aking hinihintay.
"Magandang hapon po Tita." ang magiliw na pagbati ni Dina kay nanay sabay mano bilang paggalang. "Masaya ako at ligtas na kayo."
"Oo nga Dante. Sabi ng aking anak na isa ka sa tumulong sa amin. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa iyo. Hayaan mo at kapag lubusan na akong magaling ay babawi ako sayo."
Napatingin bigla sa akin si Dina na ipinagtaka ko. Maya-maya ay nagsalita ulit siya.
"Ah Tita, nakilala niyo na po ba yung doktor na naggamot sa niyo?"
"Oo, kanina nandito siya para sa check-up ko. Nagpasalamat na rin ako sa mga naitulong niya sa amin."
"Ok. Ah Andrew..." sabay baling niya sa akin. "Nung unang makilala mo ang doktor, wala ka bang napansin sa kanya?"
"Napansin? Hmmm...." saglit akong nag-isip. "Wala naman pwera lang yung mukha niya na parang pamilyar sa akin. Hindi ko kasi matandaan kung saan ko siya nakita."
"Iyon lang?" bigla siyang natawa sa aking sinabi. "Sa buong pangalan naman niya wala ka bang napansin?"
Saglit akong nag-isip.
"Dr. Luis.... Dr. Luis Sebastian... wala naman."
Muling natawa si Dina. Nakaramdam naman ako ng pagkainis sa kanya.
"Anong tinatawa-tawa mo dyan Dante!?"
"Relax ka lang friend. Tinawag mo na naman akong Dante. Alam mo naman na I hate that name."
Hindi ako kumibo.
"Sorry naman friend. Nagtataka lang naman ako kung bakit hindi mo pa napansin eh matalino ka naman."
"Ewan ko sayo Dina. Pwede bang deretsuhin mo na ako kung ano ang dapat kong malaman" ang medyo naiinis ko pa ring pahayag.
"O sige. Pero promise mo muna na hindi ka na magagalit sa akin."
"Oo na... oh ano ba kasi iyon?"
"Ooops.. Galit ka pa rin eh. Smile ka muna sa akin. i want to see your handsome face friend."
Hindi ko naiwasang matawa. "Ikaw talaga Dina, binobola mo na naman ako."
"Yan. Good at ngumiti ka na rin. O siya ito na."
"First of all Tita and Andrew, gusto ko lang po linawin na ang lahat ng natanggap niyong tulong ay hindi galing sa akin. Ang totoo po niyan ay nung araw na tawagan ako ni Andrew para humingi ng tulong ay agad kong kinausap ang isang tao na malapit talaga sayo Andrew at may kakayahang tumulong talaga sa inyo."
"Andrew, siya ang anak ni Dr. Luis Sebastian."
Isang nagtatakang tingin ang pinukol ko kay Dina kasabay ng pag-iisip kung sino ang tanong tinutukoy niya na talagang tumulong sa amin na anak ng doktor.
"Dr. Luis..... Sebastian...."
"Sebastian...."
"Luis...."
At doon na ako nakakuha ng idea kung sino ang taong sinasabi ni Dina.
"Alam ko na Dina kung sino..." ang aking nasabi matapos ang malalim na pag-iisip.
At doon ko napagtanto ang lahat. Kaya pala parang pamilyar sa akin ang doktor. Naalala ko na siya yung nakita ko sa family picture nung unang araw ng pagpunta ko sa kanilang bahay para sa part time na pagtutor at talagang magkamukha silang dalawa.
"Napakatanga ko naman talaga oh!" ang aking nasabi sa aking sarili.
"Gusto ko siyang makausap Dina." ang agad kong nasambit.
"Hmmm... sa tingin ko naroon na siya ngayon sa clinic ng kanyang dad. Pwede mo na siyang puntahan doon ako na muna bahala dito kay Tita." ang sagot sa akin ni Dina.
Mabilis ko namang tinungo ang silid ni Dr. Luis. Nasa pinto na ako at akmang kakatok na nang marinig ko ang pag-uusap ng dalawang tao sa loob. Sa puntong iyon ay may naramdaman akong kakaiba, parang pagkasabik na makikita ko na ulit siya pero hindi pa rin maalis sa akin ang lungkot at sakit sa nangyari sa amin noon.
Nagpatuloy pa rin ako sa pagkatok. At nang marinig ko ang tinig ni Dr. Luis ay tumuloy na ako. Sa pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa aking harapan ang mag-ama na masayang nag-uusap sa kanyang mesa.
Agad kong binaling ang aking tingin sa kanyang anak na nakaupo. Sa nakalipas na dalawang taon ay wala pa ring nagbago sa kanyang pisikal na anyo at itsura. Sa kanyang pagtayo ay naroon pa rin ang ganda ng kanyang tindig, tangkad at katawan. Makinis pa rin ang kanyang mukha. Clean cut na ang kanyang buhok. Ang pagngiti niya sa akin ang lalong nagpadagdag sa kanyang angking kagwapuhan.
Doon ko rin napansin ang kanyang ayos. Sa suot niyang polo na nakatupi hanggang siko na hapit sa kanyang katawan at itim na slacks na pantalon ay masasabi kong isa na siyang propesyunal, iba sa pagkakilala ko sa kanya noon sa school na siga at nangbubully ng mga estudyante.
"Hi Andrew." ang magiliw na bati niya sa akin na sinuklian ko ng isang matipid na ngiti.
"Oh Andrew iho, hindi ko na kailangan pang ipakilala sayo pa ang aking panganay na anak sa iyo tutal ay matagal na kayong magkakilala." ang pahayag naman ng doktor. "Upo ka iho."
Ang aking pakay lang naman sa talaga sa kanila ay ang magpasalamat lalo na kay Bryan pero ngayong kaharap ko na sila ay hindi na ako makapagsalita. Parang kinakabahan ako na ewan.
"Hindi mo ba ako babatiin man lang Andrew?" ang sabi niya ulit sa akin.
Agad ko nang inayos ang aking sarili.
"Ah Bryan, long time no see... Kamusta ka na?"
"Eto. Guwapo pa rin." ang kanyang nakangiting sagot sabay kindat. Isa pa sa hindi nagbago sa kanya ay ang kanyang over-confidence sa sarili.
"Sabi nitong anak ko na mag schoolmate daw kayo nung college at naging close kayong dalawa maliban kina Troy and Michael." ang pagsingit naman ng kanyang ama.
"Ah opo Dok."
"Alam mo ba akala ko na hindi na siya magbabago pa. Kaya nang mabalitaan ko na isa na siyang ganap ng engineer at nagtatrabaho na sa isang sikat na telecommunications company."
Sa aking narinig ay nalaman ko na isa na palang engineer si Bryan kaya pala ganoon ang kanyang ayos. Hindi ko maiwasang malungkot dahil ganito na rin sana ako ngayon kung di lang ako nagkaroon ng problema.
Maya-maya lang ay naramdaman ko isang kamay na pumatong sa aking balikat.
"Dahil sayo ay natuto nang magseryoso sa buhay itong anak ko. Kaya thanks to you iho."
"I know kung ano ang nararamdaman mo Andrew. At syempre gusto ko ring mangyari sayo ang nararanasan ko ngayon. Nanghihinayang ako nang malaman kay Dad na maapektuhan na naman ang pag-aaral mo. Kaya... gumawa ako ng paraan para makapagpatuloy ka pa rin. Personal akong nagpunta sa inyong province para lakarin lahat para sa pagtransfer mo dito sa Manila. Sayang naman ang talino mo di ba? And doon ulit sa university na pinasukan natin noon ka pala mag-aaral sa darating na pasukan."
Sa sinabi niyang iyon ay nalaman ko na siya pala ang tinutukoy ng aking mga kaibigan na pumunta doon sa pinasukan kong unibersidad sa probinsya.
"I want to you to be successful also like me para sa iyong ina kaya ko ginawa ang lahat ng ito." ang kanyang pagpapatuloy.
Hindi ko na maitago pa ang kasiyahan at napayakap ako sa kanya dala ng matinding emosyon. Naramdaman ko ang pagsukli din niya ng yakap sa akin.
Itutuloy....
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Mr. Author bakit isang chapter lang??? Huhuhuhuhu... thanks anyway...
ReplyDeleteArejay kerisawa
OMG! kilig much ako haha. ayon malinaw na ang lahat. ang ganda talaga haha...i salute to the author. this is now the starting point of their true love.
ReplyDeletethanks sa update and i hope chapter 6 is following soon.
but may flaws sa story. i was expecting kasi na mas magpakipot pa ngayon si andrew basing dun sa previous chaps. as in ayaw na talaga nyang umibig pa uli with same sex.
Deletethen on being clueless sa name ng doktor. so convinced talaga akong nadala na si andrew at nakalimutan na si Luis Bryan Sebastian. pero, omg! nawala lahat ng pinundar mo author at seems nawasak ang plot mo when they see each other again. hayyyyssss!
Alam ko na may mag-iisip ng ganyan haha...
DeleteAng masasabi ko lang ay... nakaka 5 parts pa lang ang story meaning nagsisimula pa lang ito at marami pang mangyayari.
Remember na may mga characters pang nawawala hehehe...
Oist! there u go again with your forte. gowrah ilabas mo na ang ibang characters but no way to Brayan's bruha mother baka maghasik na naman ng lagim. nakakastress talaga sya. excited much to your unpredictable twists haha. when ang next update?
DeleteMAGTIGIL KA PALOMA!!! Ang Mudra ni Bryan ang PinakaFAVORITE KO!!!
Deletemaybe mapaubo ang daddy ni bryan dahil sa yakapang nangyayari plus labi sa labing kissing scene haha ang halay ng peg! his dad will say: "ahem...may ibang tao po dito. doon kayo sa hotel para walang disturbo." hahaha...
Deletebut alam ba ng daddy niya na may past relationship sila? tsk tsk tsk...
aba sumulpot na naman si Marian. magkano ba ang binigay ng bruhang mudrang yan at pinagtanggol mo sya? haha kklk talaga!
Deletewow ngkita na uli sila at sana mgkatuliyan na rin
ReplyDeletegumaganda na ang story sana may kasunod kagad
ReplyDeletebitin po!
ReplyDeleteNaexcite na naman ako.
Happy together na sanang muli cna.andrew at bryan. Wala na sanang hahadlang. Tnx daredevil.
ReplyDeleteRandzmesia
Sobrang xcited sa muling pagkikita Andrew-Bryan :)
ReplyDeleteGood 4 Bryan successful career nya sana c Andrew din.
Anu nmn kya magiging takbo kwento ng Pag-ibig ngaun??? hehe
AtSea
ayon may update na. basa mode muna.
ReplyDeleteso pareho pala sila ng course ni Andrew. parang di naman nabanggit ito doon sa Campus Trio. salamat sq update kahit maikli lang talaga.
ReplyDeleteyeheeey nagkita na talaga sila. parang kinilig naman si andrew haha. naku inlababu na naman ang bida natin. go bryan...ligawan mo na uli!
ReplyDeletemr. dj
May ganun talaga?
DeleteRemeber Andrews principle about his lovelife haha!
you mean Daredevil ayaw na talaga ni Andrew kay Bryan? naku patay tayo jan!
Deletegets ko na ang peg mo mr. author. sana nga pakipot to da max si andrew sa panliligaw uli ni bryan para super kilig ang peg hahaha
Deletemr. dj
EHEK! I cant imagine kung ano talaga feelings nila sa isat isa when they met. Oh my baka maghalikan sila sa harap ng Dad ni Bryan sa sobrang pagkamiss nila sa isat isa....ehek, ehek!
ReplyDeleteHi Joey Boy nandito ka rin pala? Musta na si kuya Carl? bawal magbasa ng love story ang mga baby. lagot ka ni kuya Ponse at nag over da bakod ka aha
DeleteHAHAHA... EHEK EHEK ang cute ne Joey Boy.. inaabangan ko din un lage
DeleteTsalap...tsalap...tsalap!
ReplyDeleteAng galing.. nadadala ako sa story. Hehe.. good job author. Cant wait for the next chapter.
ReplyDeleteI did enjoy reading this chapter. I want to know the POV of Bryan when he first saw again Andrew. Paano kaya nya diniscribe si ANdew? Please Mr. Author gamitan mo ng sandamakmak na superlative adjectives para maihi kami sa sobrang kilig lols. Kaya chapter 6 na agad agad.
ReplyDeleteDiegs, Davao
halatang miss na miss na nila ang isa't isa. i was carried by the scene. kakaiyak grabiiiii
ReplyDeleteJokots
OIC tatay pala ang doktor ni Brayan. Halatang boto naman siya kay Andrew. 2 thumbs up!
ReplyDeleteNice chapter.hoping to see the next one asap. Bakit ngayon lang nagkaroon ng idea si andrew sa lahat ng nangyari. Sa name na lang ng doctor at ang pagkakahawig nila ni bryan ay magiisip na kaagad siya ng kaugnayan dito.
ReplyDeletepareho talaga tayo ng koment mr anon. ito yong inconsistency ng story. ang talino kaya ni Andrew. unless, Andrew has a selective amnesia. remember what's Dina said to him? the author is playing game with us haha...peace po Mr. Daredevil. only the twist could justify.
Deletekudos kuya author... not the typical story na nababasa ko na lagi na lang nagiinarte yung bida. thanks!
ReplyDelete-Just
ahaha parang alam ko Just kung anong story yan. cge i-lind item nalang natin dahil ako unexpected ko ring ganon na kalala ang pag inarte nya. yon lang ang masasabi ko. getz nyo? haha
DeleteKAkatuwa ka Edwin hehehe pagmaka blind item naman wagas. grabe gets ko kaagad hehe sana upper case nalang ang word na yon para obvious na lols...
Deletemr. dj
Ayan kasi at ang daldal ni Edwin!!! Ahahaha!!! Lagot ka sa Mudra ni Bryan!!! HALA!!! HAHAHA!!!
DeleteAY AKO ALAM KO RIN YAN MATATAPOS NA NGA YAN HAHA KAYA ALAM KO GETS NYO NA. KAKAINIS TALAGA ANG BIDA SOBRANG PARANOID NA.UNEXPECTED TALAGA NA GANON ANG ENDING. KAYA DITO NA TAYO SA TRUE LOVE AT NAKAKAKILIG PA ANG MGA MOMENTS NG MGA BIDA PRAMIS...
Deleteexcited na ko sa next chapter..
ReplyDeleteyay nagkita na tlaga sila. bitin na bitin ako. next na please. thanks.
ReplyDeleteGanda....the best..kakakilig
ReplyDeletekilig to the bones ako while reading. para akong ingot nag emote lalo na yong tagpong nagkita na sila. kumukutitap ang kanilang mga mata...nangungusap at feel ko ang lakas ng mga kabog. arrrgggzzzz sobrang nakarelate. goid job author! gusto ko nang mabasa ang kasunod daliiii...
ReplyDeleteAndrew
sabi ko na nga bat ama ni Bryan ang doktor. ang galing! sobra!
ReplyDeleteTHANKS PO SA UPDATE. SOBRANG IKLI LANG. NABITIN AKO EEEWWWW! SANA MAHABA NA ANG KASUNOD PARA TULOY TULOY ANG LIGAYA.
ReplyDeletedaming commens... andami talaga naming sumusubaybay.
ReplyDeletegaling mo po mr. author :]
sana magopen for public ulit ung site mo..
Ngayon ko lang nalaman na may chapter 4 & 5 na! And after reading I feel like I'm on Cloud 9. Haha :D kakilig kasi nagkita na sila ni Papa Bryan <3
ReplyDeleteKahit na hindi ganong kahaba ang bawat chapter at least naaupdate. At sana masundan agad ang chapter 5 ng dalawang chapter (demanding) haha :D Anyways, good job Mr. Daredevil. It's a nice piece of work! Good luck, more powers & God bless! :">
Andrew-Bryan talaga forever! kilig much to the extent. Sana makahanap ako ng katulad kay Bryan hehehe. I can't wait too long sa susunod na kabanata. So excited na talaga!
ReplyDeleteang taray mo teh!
Deletebakit? mala andrew ka ba sa character, talino at mukha?
Deleteay ang taray nga!
Deletemy personality is a total opposite with andrew. basta nagEnjoy lang ako sa kwentong ito haha...
Gravity! tulala na kung tulala si Andrew. Mabuti nalang at di siya nahimatay sa kagwapuhan ni Bryan. Parang tumigil din ang pahinga ko habang nagbabasa hihi parang nanood lang ako ng telenovela. Boboy here.
ReplyDeleteNice chapter. Salamat Daredevil at napasaya mo ako. Nadala nga ako sa kwento lol
ReplyDeleteleoj
yon oh at nagkita na sila. ano kaya ang sunod na mangyayari? ang haba na naman ng hair ni andrew hahaha...
ReplyDeleteJames
nice... araw araw ko inaabangan to.... hayz.. sana may kasunod na... thank you author!!!
ReplyDeleteAsan na yung next chapter ?
ReplyDeleteAng tagal nman ? Hehehe
wait ka lang kuya raffy. wag maxado atat hihi. same here=))
Deletejuice ko! this is it. this is really, really it! for more than 2 years nagkita rin sila. im sure na super cheesy ang next chapter. thanks daredevil. pls wag ming tagalan pls pls x100 ahaha....VINCE OF MEXICO (Pampanga).
ReplyDeleteCHARRRR!!!
Deletekailan kaya ang next update nito. ang ganda na kasi pramis.
ReplyDeletepls ipost na po ang chapter 6 wag mo na po kaming pahirapan.
ReplyDeletetwo thumbs up for this chapter ang ganda worth it naman ung paghihintay namin sana may UD agad.
ReplyDeletericO
Hi daredevil. I'm a fan of your works. I really love this story. On how started with campus trio and how it develop to true love. Looking forward for the rest of this story and your other works. Hope you would be able to grant me access to your blog. Good bless and wish you all the best. - melvsjose
ReplyDeletewala pa ring update?
ReplyDeleteEhek...saan na ang kasunod? Ang tagal naman!
ReplyDeleteTodo na to to the highest level hihi next na please
ReplyDeletesumilip lang baka meron nang update. excited na kasi ako sa susunod na kabanata. hayyyssss!
ReplyDeleteHey guys
ReplyDeleteKasalukuyan ko pa pong ginagawa ang part 6. Maybe mga tuesday or wednesday this week ko ito mapost.
Pasensya na po, medyo busy rin kasi ako :D.
ok go lang ng go daredevil at least may time frame ka na. pls pakihabaan naman at madaming kilig moments. thanks and more power!
Deletemr author....i think...i fall in love with you
Delete??? me ganon? wag ka namang spoiler dude.
DeleteSige sa wednesday nalang ako mag OL for sure. mahal kasi bayad sa net cafe. Thanks Daredevil.
ReplyDeleteexcted much ako sa next chapter gusto kung mkta na sa eksena witch na nanay ni bryan anu na namn keang role nia tsaka mukang interesting ung Lui bka mgng kaagaw ni bryan eun.hoho
ReplyDelete