Chapter 12
Pagdating namin sa room ay papasok na ang teacher namin sa first subject nakahinga naman kami ng maluwag dahil alam namin na masungit yung teacher namin na yun. Muntik na kaming mabugahan ng apoy. Hahah
Pero mpagkatapos nang first subject namin ay pinatawag kami sa faculty. Nagkatinginan nalang kaming tatlo. Haixt sermon ito. Agad naman kaming sumunod sa faculty. Pagdating namin dun nabungaran namin ang nakataas na kilay ng teacher namin.
"bakit sabay sabay kayong absent kahapon.?"
" ah eh " di alam ni alvin ang sasabihin
"mahabang kwento po eh" singit naman ni raymond
" make it short " sungit ni mrs. Cruz
" birthday ko po kasi kahapon "
"eh ano kung birthday mo? Nagparty kayo?" alam ba yan ng parents niyo? Alam niyo bang pumunta dito ang parents ni alvin kahapon at hinahanap sya?"
"pumunta sila dito.?" Maang ni alvin
"oo natawagan ko na rin sila, on the way na daw sila.?" saad ni mrs Cruz kami naman ni raymond ay nakikinig lang. Si alvin naman ay tumungo lang. "susunod wag ka ng maglalayas alvin pwede mo naman kausapin kaming mga teacher mo eh" wala parin nagsalita kahit isa samin.
" at kayong dalawa, magsabi kayo ng totoo bakit kayo absent?" napatingin naman ako kay mrs Cruz ganun di si raymond nakita ko naman na hindi na masyadong galit ang expression ng mukha nito.
" uhmm kasi po dumating po si alvin sa bahay ng madaling araw kahapon kaya di rin po ako nakapasok at totoo pong birthday ko kahapon " paliwanag ko naman. Tumingin naman si mrs. Cruz kay raymond
" ah eh kasi po nagtxt si carlos na di sya papasok kaya tinamad na poh ako. Kaya po pumunta na lang po ako sa kanila. " ngiwing paliwanag ni raymond. Tumaas naman ang kilay ni mRs. Cruz kaya tumungo na uli kami.
" magkakaibigan nga kayo. Kung di lang kayo kasama sa mga nangunguna sa klase paparusahan ko kayo. Huwag niyo na uulitin at magpapaalam kayo. At raymond anong nagyare dyan sa leeg mo?" napangiti naman ako.
"ah eh kinagat po."
"nino" lumingon naman sakin si raymond tinapakan ko lang ang paa niya.
"ah eh kinagat po ng insekto ang hot ko daw po kasi." biro nalang ni raymond.
"patingnan mo sa clinic baka kung mapano pa yan saka ung sabi mong hot ka joke ba yun?" di ko na talaga napigilan tumawa ganun di si raymond.
"ma'ma naman" nakangiting reklamo ni raymmond tinawanan lang kami ni mrs. cruz
Pinaupo kaming tatlo sa sofa na naroon wala kaming imikan habang inaantay ang parents ni alvin. Halatang halata dito ang kaba. Nginitian ko lang sya ng tumingin sya sakin. "ok lang yan" bulong ko sa kanya ngumiti lang din sya sakin pero halata sa mata niya ang lungkot. Maya maya may pumasok na magasawa, mga bata pa ito at halatang halata na may kaya dahil sa mga suot na damit, lumapit ito kay mrs. Cruz tinuro naman kami. Agad naman silang lumapit samin.
" anak ok kalang ba?" nag-aalalang tanong ng mama ni alvin. Nakita ko naman na tumulo ang luha ni alvin agad naman itong niyakap ng mama niya. "anak naman eh wag ka ng umiyak." ang daddy naman ni alvin ay nakatingin lang.
"maghihiwalay na ba kayo talaga ni daddy?" tanong ni alvin sa gitna ng mga hikbi.
" hindi anak nagkaroon lang kami ng hindi pagkakasunduan ng mama mo pero ayos nanaman" saad naman ng daddy niya.
" talaga po" naluluhang saad ni alvin.
"oo anak" sagot ng mama ni alvin at muli silang nagyakap mag-ina.
" so ikaw si carlos" baling sakin ng papa ni alvin napatango lang naman ako. "salamat sa pagpapatuloy sa anak ko huh." ngumiti lang ako. tumingin naman ito kay raymond. "raymond po" pagpapakilala nito tango lang ang sagot ng papa ni alvin.
Lumabas muna kami ni raymond para magkausap ang pamilya nila. Masaya na kami dahil ayos na ang problema nito at wala na kaming poproblemahin hehe
" pwede ba kapag naglayas ako sa inyo din ako matutulog?" baling sakin ni raymond. kumunot naman ang noo ko.
"at bakit ka naman maglalayas?"
"kung lang naman?" nakatawa nitong saad
"recess na pala" pagiiba ko ng usapan, maya maya lang nakita namin na papalapit si irish.
" di man lang kayo nagpapasabi na aabsent pala kayo." bungad na tanong nito.
" wala naman sa plano yun tara na carlos canteen na tayo" sagot raymond.
" sama ako?" inis na saad ni irish
"tara." sabi ko nalang umangkla naman sya sa braso ko pero pinabayaan ko lang sya si raymond naman naunang maglakad.
Sumapit na ang uwian namin tulad ng nakasanayan sabay sabay kaming tatlo sa paglalakad kailangan pa kasing kunin ni alvin mga gamit niya sa bahay. Masaya na kami dahil ayos na muli ang pamilya ni alvin balik nanaman sya sa pagiging makulit.
Nauna ng umuwi si raymond si alvin naman ay sumabay pa sakin para sa mga gamit niya na naiwan sa bahay tinulungan ko nalang sya magayos ng mga gamit niya.
" alvin iwan mo na lang yung mga gamit dyan ako nalang maglalaba." saad ko sa kanya.
" dalhin ko na papalaba ko nalang tapos hatid ko nalang dito para hindi ka na mapagod.?" tumingin naman ako sa kanya, nakangiti lang sya sakin.. Yung mga ngiting yun ang sarap lang tingnan. " hoy tulala ka na jan?" gulat nito. Hindi pwede to kakalimutan ko na to.
" ah wala?" umupo naman ako sa kama.
" uhm carlos.?"
" yes?" tumingin naman ako sa kanya
" thank you sa lahat huh?"
" sus wala yun.. Wag mo nga ako titigin ng ganyan baka matunaw ako?" biro ko sa kanya dahil dun natawa lang sya.
"mahal na ata talaga kita?" nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
" ano sabi mo?" tanong ko sa kanya.
" ah wala?" umiwas naman sya ng tingin. Mahal nga ba talaga niya ko parang imposible.. Pero paano kung totoo, mali mali hindi dapat, bigla ko naman naisip si raymond.., haixt mali talaga. Hindi ko pwedeng mahalin si alvin. " alis na ko?" paalam ni alvin, naputol naman ang pagiisip ko..bumuntong hininga nalang ako pero nagulat nalang ako ng bigla niya kong halikan sa pisnge.
itutuloy...
Salamat sa update... I was having fun reading ur story.... Miss ko tuloy yong hyskul life ko...
ReplyDeletethanks. abang n nmn ng ksunod khit madling araw na. hehe.
ReplyDeletebharu
ang daming upadte.. tnx po
ReplyDeletenapapasaya mo ang araw ko