Followers

Monday, August 5, 2013

'Unexpected' Chapter 34

Hi!

Maraming salamat sa mga nagcomment, at nagbasa sa Chapter 33! I'm glad na maraming kinilig sa chapter na iyon. On a more serious note, thank you sa paghihintay ng update na ito. Malapit ng matapos ang story! Hope you stick with me 'til the end. :)

Happy Reading!

--

Chapter 34

Makalipas ang ilang araw ay mas lalong naging maganda ang samahan namin ni Josh. Everything felt different. Pakiramdam ko, mas malaya na ako. Tuluyang nawala na lahat ng mga inhibitions ko unlike before. Ngayong alam na niya ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi na ako naghe-hesitate iparamdam iyon sa kanya. Napakasarap pala sa pakiramdam na malaya mong naipapahayag ang pagmamahal mo sa taong mahal mo.

More importantly, ang pinakapaborito kong bagay ay iyong hindi na ako nag-aalala sa kung anuman ang iisipin o mararamdaman ni Josh, dahil... mahal din niya ako.

Tangina. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Hindi ko akalaing ang isang taong matagal ko ng pinapangarap ay heto, sinabing mahal din niya ako. I still feel like I’m on cloud 9. Maswerte ako, because the risk I took was worth it. Lahat ng efforts ko para mapansin niya ako ay hindi nasayang. Madalas na lang akong napapangiti ng wala sa oras, laging tulala dahil sa sobrang kaligayahan. Minsan napapatanong na lang ako kung ano ba ang nagawa kong mabuti sa mundong ito para bigyan ako ni Lord ng ganitong kagandang biyaya?

Sino ba ang mag-aakalang naghihintayan lang pala kaming dalawa?

Pero may dalawang bagay na bumabagabag sa akin.

Una, ano nga ba kami? Matapos naming mag-aminan ay alam naming pareho na higit pa sa magkaibigan ang estado ng relasyon namin, mas malalim.  Alam ko, alam ko. Dapat hindi ako nagmamadali. Pareho lamang kaming bago sa ganito... lalo na ako. Ang nakakapagtaka nga, eh parang wala lamang sa akin ang ganitong set-up: na pareho kaming lalaki. I don’t care even just a little bit. More importantly, ayokong madaliin si Josh, hindi lamang dahil bago lamang ito sa kanya, ngunit dahil alam kong nasa healing process pa siya. Ang importante ay may panghahawakan na ako, at na alam na namin ang damdamin ng isa’t-isa. Ang pagmamahalan namin sa isa’t-isa ay ang tanging bagay kung saan ako nakasisiguro.

Ikalawa, nag-aalala ako kay Josh. Palagi na lamang siyang lutang tuwing nasa klase. Tuwing magbibiro ako ay si Janine lamang ang tatawa. Tumatawa si Josh, ngunit alam kong hindi totoo ang mga tawang iyon. Ramdam ko mula sa kanya na nakikibagay lamang siya sa kanyang paligid, at may mabigat na dinadala. Hindi rin siya gaano nagkakakain, na siyang pinag-aalala ko lalo. Palagi ko namang ipinararamdam sa kanya na lagi lamang akong nandiyan para sa kanya. Si Janine naman ay hindi rin nagkukulang bilang isang kaibigan. Ngunit wala pa siyang alam tungkol sa pag-aaminan namin ni Josh.

Dalawang Josh ang nakikita ko araw-araw. Isang cold, aligaga, at parating lutang na Josh tuwing nasa school namin, ngunit ang ikinatutuwa ko naman ay bumabalik ang dating Josh na nakilala ko tuwing kaming dalawa lamang ang magkasama. I guess that explains na nasusulasok siya sa presensya ng school namin, knowing he might bump into Gab anytime. Kaya naman lahat ng mga kilos niya ay kalkulado, at sobrang conscious siya sa mga nangyayari sa paligid niya to the point na hindi na niya napapansin ang mga bagay-bagay na malapit sa kanya.

Alam ko... na si Gab pa rin ang dahilan ng lahat ng ito. Alam ko kung gaano ikinukulong ni Josh ang sarili niya sa nakaraan, sa mga alaala ng pinagsamahan nila, sa pagmamahal na ibinigay niya. Kita ko sa mga mata niya na sinisisi pa rin niya ang sarili niya sa nagawa niya kay Gab. Hindi ako nangahas na pag-usapan iyon, dahil alam kong hindi iyon isang teritoryo ng buhay niya na maaari kong pakialaman. Isa pa, oo nasasaktan ako tuwing nasasambit ang pangalan niya sa mga pag-uusap namin.

Naiinggit ako dahil sa lalim ng pinagsamahan nilang dalawa ni Josh. Hindi na nakapagtataka kung bakit ganito ang mga kilos ni Josh. Hell, he’s so scared. Alam ko ito ang pinakamalaking dahilan kung bakit hindi niya maibigay ng buo ang pagmamahal niya sa akin... and that frustrates me a lot. Pero like what I said, ang importante ay alam ni Josh na handa akong tulungan siya sa paggamot ng mga sugat na dulot sa kanya ng nakaraan.

Nakahanda ko.

Mahal ko siya, eh.

--

“Josh.” pagtawag ko sa atensyon niya. Kasalukuyan kaming nakasakay sa tricycle matapos ang klase namin. Hindi na naman siya sumagot. Napabuntong-hininga ako dahil sa ganitong ayos niya nitong mga nakaraang araw matapos ang pag-aaminan namin sa park. “Lutang ka na naman, bes.” matamlay kong puna sa kanya.

“Masama lang pakiramdam ko.” cold niyang sabi. Inilapat ko naman ang palad ko sa noo niya, at napasinghap. “Shit, ang taas ng lagnat mo!” nag-aalala kong pahayag. Ngunit parang wala lamang iyon sa kanya, na tila kanina pa niya alam na may lagnat siya. Napailing na lamang ako sa pag-iinarte niyang iyon. “Bakit hindi ka nagsasalita? Bakit hindi ka nagsabi na masama na pala pakiramdam mo kanina? Pinilit pa kitang magbadminton.” paglalabas ko ng sama ng loob.

“Matt, ok lang. Promise.” sabi niya. Ngunit alam kong hindi okay. Everything’s far from okay. Alam kong marami pa rin siyang kinikimkim na mga bagay-bagay. Isa pa, hindi niya ako tinawag na “bes”, kaya alam kong wala talaga sa loob niya ang kausapin ako. Pinilit ko ang sarili kong huwag na munang magsalita, dahil alam kong walang mabuting maidudulot iyon, seeing his attitude right now. “Doon na muna ako sa inyo.” huli kong sabi, at hindi ko na hinintay kung ano pa man ang magiging reaksyon niya dahil buo na ang desisyon ko.
Hinawakan ko na lamang ang kamay niya sa buong biyahe, at laking tuwa ko naman dahil hindi siya tumutol.

--

“Hijo, ano gusto mong kainin?” maligalig na tanong sa akin ni tita. Kasalukuyan kaming nasa kusina matapos naming dalhin si Josh sa kanyang kwarto upang makapagpahinga. “Nako, tita. Hindi na po. Thank you.” tugon ko sa alok niya. “Nahiya ka pa. Ipagluluto na rin kita. Pilitin mong kumain si Joshua, ha. Hindi kasi niya maiinom ‘yung gamot niya pag walang laman ang tiyan niya.” paalala sa akin ni tita na siyang tinanguan ko naman. Masaya ako dahil hindi na galit si tita sa akin. Ang gara nga, eh. Parang wala lamang nangyari at kinalimutan na lamang niya ang nangyari noong birthday ko. But who am I to complain? Maganda nga, dahil for once, some things are falling into place.

“Tita, hindi nga po siya nagkakakain nitong mga nakaraang araw. Tapos lagi na lang po siyang lutang, hindi makausap ng matino kapag nasa school. Nag-aalala po ako, sobra.” pagsusumbong ko kay Tita. Mataman naman niya akong tiningnan, at matapos ay ngumiti na siyang ikinataka ko ng lubusan. At hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin si tita patungkol sa naging reaksyon niya. “Ahhh, tita? Ano pong meron?” nahihiya kong tanong.

“Ang bait mo talagang kaibigan sa anak ko. Kaya gusto kita para sa kanya, eh.” ngiting pahayag ni tita Stella. Naramdaman ko naman ang pamumula ng mga pisngi ko sa naging komento niya. Alam na ba niya ang tungkol sa amin ni Josh? Tutol ba siya? Ilan lamang iyan sa mga tanong na kasalukuyang bumabagabag sa akin. “Ahh, salamat po. Mabait din naman pong... kaibigan si Josh sa akin kaya dapat po ganoon din ako sa kanya.” nakayuko kong pahayag.

I didn’t see this coming. Ano nga ba ang magiging reaksyon ng mama ni Josh? Eh ng papa niya? Hindi nila alam ang pagkatao ni Josh, at oo, lubusan ko iyong ikinatatakot. Paano kung hadlangan nila ang pagmamahalan namin? Anong gagawin ko? Hindi, hindi ko kaya. At doon ay naisip kong pwede ko naman siyang dalhin sa bahay when worst comes to worst. Alam kong maiintindihan naman ni papa, kahit hindi ko pa nasasabi sa kanya na nagkaaminan na kami. Alam na naman niya ang damdamin ko para kay Josh, eh. I guess matutuwa naman iyon dahil successful ako dito. Isa pa, magiliw naman si papa kay Josh kaya alam kong maluwag siyang tatanggapin nito.

Look at me, getting ahead of myself.

“Oo, napakabait ng anak ko. Ang gwapo pa. Kaya ang swerte talaga ng mapapang-asawa niya. Nako.” tila kinikilig na pahayag ni tita na siyang ikinalumo ko. Clearly, ay wala siyang alam. “Oo nga po. Napakaswerte niya kung sinuman siya.” mapait kong pahayag. Just the thought of him with someone else, nanghihina na ako ng lubusan. “Ikaw ba, Matt? Wala ka pa bang girlfriend? Sayang naman gandang lalaki mo.” kaswal na tanong ni tita habang nagpprito ng ulam. Gusto ko namang masamid sa naging pahayag ni tita. Dahil na rin siguro sa frustration at stress ng mga nakaraang araw ay bigla ko nalamang nabulalas ang mga saloobin ko bago ko pa mapigilan ang sarili ko.

“Tita, wala akong girlfriend. At hinding-hindi po ako magkakagirlfriend, dahil may mahal na po ako. Mahal ko po ang anak niyo.” matapang kong pahayag, na siyang ikinasisi ko matapos kong masabi iyon. Stupid, Matt! Tiningnan ko ang reaksyon ni tita. At natakot ako. Blangko lamang ang mukha niya, tila inaabsorb ang mga salitang sinabi ko kanina. “Hindi ko po lolokohin si Josh, tita.” dugtong ko, at matapos ay yumuko. I might as well go all the way. Nandiyan na, eh. Hinintay ko ang sasabihin ni tita.

Ngunit wala siyang sinabi.

Iniangat ko ang paningin ko, expecting na makikita ang galit na mukha ng nanay ni Josh, ngunit ikinagulat ko na lamang na bumalik siya sa pagpprito ng ulam na tila walang nangyari, na parang hindi big deal ang sinabi ko, na parang... matagal na niyang alam. Hindi ko alam kung paano ko iintindihin ang naging reaksyon ni tita, ngunit natatakot pa rin ako. Iyon lamang ang bagay na sigurado ako.

“Natahimik ka?” kaswal na tanong ni tita habang inilalagay ang niluto niyang corned beef sa dalawang plato. Nagtama ang aming mga tingin, at nakita kong relaxed naman ang mukha ni tita, na siyang ikinaluwag ng loob ko. “Ahhh, tita... okay lang po ba.. ah, iyong—basta kay Josh, ah...” nauutal kong pahayag. “Nako, matagal ko ng alam. Kaya hindi na ako nagulat.” ngiting baling niya sa akin matapos lagyan ng kanin ang dalawang plato.

“Hin—Hindi po kayo galit?” hindi ko makapaniwalang tanong. Umiling lamang siya at lalong lumawak ang ngiti sa mga labi niya. “Matagal ko ng alam na gusto ka ng anak ko. Sinabi niya sa akin dati.” tugon niya sa tanong ko. Sa loob-loob ko ay kinilig ako. Oo, kilig na kilig ako, dahil iniimagine ko pa lamang ang scenario ng pagsasabi ni Josh kay tita tungkol sa pagmamahal niya sa akin ay napapangiti na ako. “Nako, ikaw rin pala. Alam mo ba, sinabi ko na ‘yan sa kanya dati... kasi halata naman sa’yo, eh. Ang obvious mo kaya.” parang ka-barkada ko lamang si tita kung kausapin niya ako ngayon. Nahiya ako sa huli niyang pahayag.

“Nako, ewan ko ba sa batang iyon. Masyadong maraming iniisip. Deny ng deny. Nag-ooveranalyze lagi.” naiiling na sabi ni tita. Natawa naman ako at sumang-ayon sa kanya. “Oo nga po! Kaya po nahirapan ako sa kanya, eh. Pero okay na po ngayon. At least alam na namin pareho at—“ pinutol ako ni tita. “You mean, nagkaaminan na kayo?” natutuwang pahayag ni tita. Tumango lamang ako. “Ikwento mo, dali!” parang teenager na kinikilig na sabi ni tita bago umupo upang makinig sa kwento ko kung paano kami nagkaaminan ng anak niya.

--

“Bes, kain ka na. Kailangan mong uminom ng gamot.” mahinahon kong utos sa kanya. Agad naman siyang tumalima, ngunit matapos ang tatlong subo ay umayaw na siya. Napailing na lamang ako, at pinilit siyang kumain. “Isa pa, Josh.” pagmamakaawa ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako at ang plato, at muling ibinalik ang tingin niya sa akin. Napabuntong-hininga ako. “Fine.” pagsuko ko.

Agad kong kinuha ang plato, at naglagay ng pagkain sa kutsara at itinapat iyon sa bibig niya. Nangiti siya ng panandalian bago tuluyang sumubo ng pagkain. “Iyon lang pala ang gusto ng baby, subuan siya ni daddy.” natatawa kong biro sa kanya. Ngayon, wala na akong hiyang natitira sa pagbanat ng mga jokes, lalo na iyong mga romantic, dahil alam kong wala na namang iyon kaso sa kanya.

“Ikaw lang pala ang kailangan ko. Bumalik na gana ko.” balik niya sa akin na siyang ikinatawa ko. I like seeing this side of Josh. Simula nang magkaaminan kami ay tila nabuksan ng kaunti ang pintuan ng puso niya, at ngayon ay medyo hinayaan na niya ang sarili niyang mapalapit sa akin. Natutuwa ako dahil pati siya ay nakikisabay na rin sa mga banat ko. Parang since alam na niya na mare-reciprocate ko ang mga nararamdaman niya ay medyo nabuwag na rin ang pader na ginawa niya noong akala niya ay wala siyang pag-asang mahalin ko rin siya. Natatawa na lamang ako sa loob-loob ko.

Matapos niyang maubos ang pagkain ay pinainom ko muna siya ng gamot bago ko galawin ang pagkaing ginawa para sa akin ni tita. Hinawakan ko ang noo niya at nasipat kong sinat na lamang ang lagnat niya, dahil mas mababa na ang temperature niya kumpara kanina. Matapos kumain ay ibinaba ko ang pinagkainan namin, at hinugasan iyon bago bumalik sa kwarto niya. Tinext ko na rin si daddy na baka gabihin ako ng uwi dahil may lagnat si Josh. Hindi na ako nagtaka nang pagbalik ko ay nadatnan ko siyang mahimbing na natutulog, dahil natagalan din naman ako sa ginawa ko.

Pinagmasdan ko lamang siya mula sa gilid ng kama niya. Ngayon ay mas lalo kong naapreciate ang itsura niya. Sa mga ganitong pagkakataon kung saan malaya ko siyang napagmamasdan. Napangiti na naman ako sa tanawing nasa harap ko. Ang payapa niyang mukha, ang mapupungay niyang mga mata... no wonder I fell for him. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala na nahulog ako sa isang lalaki, pero ganoon naman talaga ang pag-ibig, ‘di ba? Love moves in mysterious ways, sabi nga nila.

Nasipat ko ang kamay niya at nakita kong may hawak siyang isang piraso ng papel na nakatupi. Curious, kinuha ko iyon mula sa kanyang pagkakahawak at tiningnan ang laman nito. Nagulat naman ako dahil sa akin naka-address ang isang sulat sa loob.

Matt,
Sorry nga pala sa inakto ko kanina... and nitong mga nakaraang araw na rin. Sorry dahil pinaghihintay kita. Sana hindi ka napapagod. I’m trying, believe me... Hindi naman magbabago iyon, eh. ‘Yun lang... and, salamat sa pag-aalaga. You’re the best nurse ever hehehehe.
- Bes

Napangiti ako ng todo matapos mabasa ang liham niya sa akin. It was so sweet of him to do that. “Haay, Josh.” wala sa sarili kong bulalas. Nag-uumapaw na ang pagmamahal ko para sa kanya. Humiga ako sa tabi niya, at ikinulong siya sa isang yakap. Naramdaman ko agad ang init ng katawan niya. Iba ang pakiramdam ko ngayon. Masayang-masaya. At bago pa ako tuluyang lamunin ng antok, binigyan ko muna ang sarili ko ng isa pang pagkakataong masulyapan ang mukha ng taong mahal ko.

--

Nagising dahil naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. Tiningnan ko si Josh sa aking tabi, at natuwa naman ako dahil nakayakap na siya sa akin. Agad kong tiningnan ang cellphone ko at nakita kong mag-aalas otso na pala ng gabi. Alam kong kailangan ko ng umuwi, ngunit muli kong tiningnan ang mukha ni Josh, and again, napangiti na lamang ako. Oo, ganoon na katindi ang epekto niya sa akin. Matapos ang ilang minuto ay maingat akong kumalas mula sa yakap niya upang tuluyan ng makauwi. Alam kong masaya akong uuwi dahil sa mga nangyari ngayong araw, at dahil sa unang beses ito kung saan naging napakalapit ko kay Josh physically.

Ngunit akala ko lang pala iyon.

Habang maingat na iniaalis ang braso niya ay bigla siyang nagsalita. Alam kong tulog siya at hindi buo ang malay-tao niya, ngunit tila isang bomba ang pinasabog niya sa harap ko na siyang nagwasak ng aking puso.

“Gab... huwag mo akong iwan... Gab...” pagpigil sa akin Josh.

Napatigil ako ng ilang segundo, pilit inaabsorb ang narinig ko. And in an instant, napailing ako, at napahinga ng malalim. Lumuhod ako sa tabi ng kama niya, pinagmasdan ang mahimbing niyang mukha, at hinaplos ang buhok niya. At doon ay bumigay na ako.

“Bes,” pagsisimula ko, matamang tinitingnan ang mga mata niya kahit nakapikit pa ito. “Ayokong nakikitang nasasaktan ka, lalo na dahil alam kong wala akong magawa para i-ease ang pain na nararamdaman mo. Josh... konti na lang nararamdaman ko ng susuko na ako. Ewan ko ba, paano ko ba maaalis sa’yo ang kalungkutan mo? Naffrustrate na ako sa sarili ko, Josh... kasi wala akong magawa para mapasaya ka.” pahayag ko habang patuloy na lumalabo ang mata ko dahil sa mga luhang naglalabasan mula rito. Agad kong pinunasan ang pisngi kong kasalukuyang basa na ng mga luha.

“Josh, mahalin mo na ako ng tuluyan... kalimutan mo na siya, please. Iyon lang ang kailangan ko. Pakiramdam ko kasi, kahit na sinabi mong mahal mo ako, hindi mo pa rin iyon maibigay sa akin. Ang sakit, bes, kasi ako ang nandito, pero siya ang iniisip mo.” nagmamakaawa kong sabi sa kanya, kahit alam kong tulog siya at hindi niya ako naririnig.

“Josh, I’m here. Sana makita mo na ako ng tuluyan. Mahal kita. Huwag mong kakalimutan iyon.” pagtatapos ko bago siya bigyan ng isang halik sa noo. Binigyan ko ang sarili ko ng isa pang sulyap sa kanya bago tuluyang lumakad tungo sa pinto palabas ng kwarto niya.


--

Itutuloy...

--

Author's note:
What do you think of this chapter? Let me know through your comments.

Oh, and pre-finale na ang next update! So abang-abang din. :) Thanks, guys! I love you all. :)

17 comments:

  1. nakakabwisit na si josh, talo pa ang babae.. oa n msyado, sori otor pero sa tingin ko hindi ko na tatapusing basahin ito, nawalan ako ng gana

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you for your input. I value this, to be honest. Matatapos na rin naman. Lahat naman ng bagay na nangyayari dito may rason. Iyon na lang muna ang masasabi ko. :)

      Delete
  2. Wala lang inis kay Josh naghahanap sa taong wala sa tabi nya. kawawa nman c Matt na nagtiyaga pa rin. Wag muna sana hintaying sumuko xa. Tnx sa update.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  3. Awesome chapter kaso bitin nga lang. hahaha.
    I'm usually a silent reader but I always read the updates of your story. Keep it up! Even though sometimes konti lang ang nagco-comment, always know that there are silent readers like me who read it. :D

    Nice one! so the next one is the pre-finale chapter. hahaha. I thought medyo matagal pa before the story will end because let's face it, who doesn't want a nice story not to end? hahaha.

    Kaya mo yan Matt! Konting tiis pa for Josh and Josh, bilisan din ang pag move on habang nariyan pa rin si Matt. hahaha!

    Awesome! Awesome! Awesome!
    Muntikan na akong mapaluha kaso nabitin. hahaha.

    Keep it up Mr. Author!
    Go! lang ng Go!
    -Jay! :)

    ReplyDelete
  4. naman.. naawa ako kay Matt.. but can't blame Josh' feelings for Gab since he had it for a long time thus makes moving on quite difficult ...

    nice .. great job :] can't wait for the next chapters :]

    ReplyDelete
    Replies
    1. Exactly. Haha. May rason kung bakit ginawa kong nakakairita yung ugali ni Josh (to be honest, kahit ako naiirita na sa kanya haha). Malalaman niyo sa finale. May rason naman para diyan. Thank you sa madalas na pagcomment. :))

      Delete
  5. hala nakairita na talaga si josh! ang arte ng peg! matatapos na nga at wala pa ring ka amor amor ang kwento. hayyyyssss... so weird talaga! what's happening to this country?

    ReplyDelete
  6. matt and josh na,
    Si Gab ay patuloy na bestfriend na lng ni josh,

    ReplyDelete
  7. matt and josh na,
    Si Gab ay patuloy na bestfriend na lng ni josh,

    ReplyDelete
  8. Lol.. Haha alam ko naman n mabubuset lang ako ngaun. I skipped reading.... Just read the words that caught my eyes... Lol umagang umaga kase want to read good vibes chapter to help me boost my positivity today haha. Reread this freaking nakakainis chapter pag nagfinale nah... Kung josh matt pag hindi waaaahhhh ewan ko na lang haha peace author...

    ReplyDelete
  9. Very Nice, Josh & Matt are both accepted by their families.
    Sana nmn Josh hnd mu hhyaang drating ung tym na mappagod c Matt sau tao lng din xa. I cant find any reason how u acted lately, bkit nmn kya????hmmmmmm
    tnx dear author 4 ds nice stori :)

    AtSea

    ReplyDelete
  10. wawa naman si Matt. Josh "LET GO" of Gab na kasi. Ayan pinanghihinaan na ng loob si Matt.kakainis arte2 mo Josh!

    -Just

    ReplyDelete
  11. hays sna d q nlng bnasa, na-BADTRIP lng aq lalo ky josh nasira 2loy araw q

    ReplyDelete
  12. Gravity!!! nakakalungkot..gusto ko talaga si matt please please please si matt nlang.

    ReplyDelete
  13. Hi author...thanks sa magandang story., , honestly first time ko d2 sa MSOB and ito lng ung sinubaybayan ko at first kino compare ko to sa MINAHAL NI BEST FRIEND may similarities kc nung una but habang sinusubaybayan ko na to u have your own flavour...worth reading khit nahabaan ako...honestly Kinikilig at nattuwa ako sa flow ng story :))
    Khit cnu piliin jan ni josh ok saken !!
    Thanks author keep it up....

    ReplyDelete
  14. Sana si matt na talaga :')

    -kyo

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails