Followers

Wednesday, August 28, 2013

IF IT'S ALL I EVER DO--- TEEN BROMANCE



Jino
 
                       Paano ka mababago ng pagmamahal ko? Saan ako dadalhin ng kagustuhan kong mabago ang mundong ginagalawan mo...
                       Makikita mo kaya ang kabutihan ng ginagawa ko para sa'yo o hihilain mo lang ako sa mundong gusto kong iwan mo...
                      MAHAL KITA... hindi ko isusuko ang pagmamahal na iyon kahit katangahan at kahibangan na para sa iba...kahit pa sobra na akong nasasaktan at pauli-ulit na ang pagluha ko'y ikaw ang dahilan...

                     Maayos na sana ang buhay ko, matino na sana ang aking pagkasino ngunit nang minahal kita, naging magulo na ang dati ay kinainggitan ng maraming kabataan na narating ko, kasi ikaw daw ang mali sa buhay ko, ang tanging maling nakikita nila kaya napapariwara ako ngunit paano kita tatalikuran kung ang maling iyon ang pinakamahalagang ipinaglalaban ko, dahil ikaw...ikaw ang alam kong kulang na lang sa buhay ko!---- JINO
 
 
 
ROMEL
Maraming akong hindi maintindihan sa buhay ko, maraming mga katanungang hindi ko mahanapan ng kasagutan. Kahit pa sa dami ng mga aralin sa school ay di kayang sagutin ang magulong pinagmulan ko. Dahil hindi ko kilala at buong maintindihang ang pinanggalingan ko, nawalan na din ng direksiyon ang aking pagkatao. Gusto kong magalit ang mundo sa akin, gusto kong isuko na lang ako ng mga taong nagpapahalaga sa aking kabutihan, ngunit bakit kahit anong gawin ko lagi akong inuunawa, nadadarang ako sa pagmamahal, natutupok nito ang kagustuhan kong lumayo sila sa akin. 
 
Ano ang kayang isakripisyo ng pagmamahal mo para magising ako sa katotohanang mali ako at tama ka, na ikaw ang para sa akin at hindi siya. Ayaw kong matulad sa mga taong nagpalaki sa akin, hindi ko gusto ang buhay ng kagaya nila ngunit paano... paano ba turuan ang damdamin kong hindi dapat ikaw ang aking mahalin!
 

Lexi

Ginagawa ko ang lahat para unawain ka. Nasasaktan ako kasi mahal kita. Naniwala ako sa pangako mong ipaglalaban mo ang pagmamahal mo sa akin. Ngunit mahal mo nga ba talaga ako? Kung mahal mo ako ngayon, ang tanong hanggang kailan mo iyon mapapanindigan? Alam kong may mali ngunit ipinaglalaban ko din naman kung anong sa alam ko ang tama. Ngunit paano kung ang alam kong tama sa karamihan ay mali sa iilan?  


BASAHIN ANG KANILANG KUWENTO SA LINK NA ITO----

http://joemarancheta.blogspot.com/

 

2 comments:

  1. Nabasa ko na po but it seems like having a the same concept with your previous stories. nakakaumay na.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails