Followers

Friday, August 2, 2013

His Husband (22) and (23)



PREVIOUS 4 PARTS:

     PART 18 AND 19     PART 20 AND 21




Author's Note:

      Emeged Nanaginip ba ako sa comment niyooo...? Emeged wag po kayo magexpect sa taong katulad kong wala pang experience sa mga nangyari sa istoryang itooo.!




When He Says 22

KRISTEN’S SIDE: 
“Kristen ko, ano pa gusto mong gawin.?” Hindi ako sanay sa ganyan, hay hinahanap-hanap ko pa rin ang ‘babe’…

Nandito kami sa MOA, sinagot ko si JP kahit hindi naman siyang mukhang nanligaw. Sabi kasi ni Kuya na kailangan ko daw magmove-on pero hindi eh, wala talaga yung ‘magical’ moments pag kasama ko si JP, hindi tulad ng kay Evo kahit na nakaupo lang kami sa sofa feel ko ang saya at ang sarap mabuhay..

“Kristen ko.?” Tanong nito at nag-snap sa harap ng mukha ko.
  
“Oh.?” Tanong ko.

“Sabi na eh, hindi ka nakikinig.” Sabi niya habang nakangiti.

“Timezone tayo gusto mo.?” Tanong niya, pasimple na lang akong tumango.

Pumunta nga kami sa Timezone, pero hindi ako mapalagay parang may masamang nangyari.. Ninenerbyos  ako ng wala namang dahilan..

Naglaro lang kami sa Timezone kahit na sobrang saya ng atmosphere hindi ko magawang maging masaya, may bumabagabag sa kaloob-looban ko..

“Yeeees. ! asan na kiss ko Kristen ko.?” Nagpustahan kasi kami kapag natalo niya yung score duon sa basketball may kiss siya sa’kin.

*Tsup*

“Ang tagal mo eh, kinuha ko na yung prize ko.” Sabi niya sabay kindat.

Nakakadalawang halik na siya sa’kin pero hindi ko maramdaman, ibang labi ang gusto ng labi ko.. Pag hinahalikan niya ‘ko yung tibok ng puso ko parang sumasayaw ng Super Bass.
  
“JP, uwi na tayo.?” Nakita ko naman na parang naga-alala siya.

“Bakit JP lang tawag mo sakin.?” Sabi niya at ngumuso.

“Sige na JP ko, uwi na tayo.” Pamimilit ko sa kanya.

Ngumiti lang siya at inakbayan ako, amoy na amoy ko yung pabango niya.. Pero isang amoy lang ang hinahanap-hanap ng ilong ko..

Sumakay na kami sa Bike niya at tinahak ang daan sa bahay namin, ramdam ko pa rin ang nerbyos… Bakit kaya ganun.?

Bumaba na kami nung nasa tapat na kami ng bahay namin.. Pansin ko ang titig ni JP, parang naga-alala na ewan.

“Kanina ko pa pansin ang lalim ng iniisip mo, may problema ba.?” Sabi niya sabay hawak sa mukha ko.

“Wala naman pagod lang siguro ako.” Sagot ko sa kanya.

“Baka naman pinagsisihan mo yung pagsagot mo sa’kin.?” Sabi niya na parang disappointed.

“It’s not that, masama lang ang pakiramdam ko..” pagdadahilan ko.

“Ok pahinga kana, I love you.” He said.

“Sige thank you.” I said.

“Hihintayin ko ang panahon na masasabi mong mahal mo rin ako.” Sabi niya at ngumiti.

Paano kung hindi ko masabing mahal kita, may magagawa kaba.?

“Papasok na ko.” Sabi ko at pumasok na ko sa bahay.

Pumasok ako sa bahay, hindi ko alam pero iba talaga ang nararamdaman ko.. Pumasok ako sa loob ng kwarto at umiyak, hindi ko alam pero gusto kong umiya..Nagring ang cellphone ko, yung kaba ko lalong tumindi.

Sinagot ko ito..

“Hello.” Ang sabi ng nasa kabilang linya kung hindi ako nagkakamali.

“Mom.” Sagot ko.

“Kristen, my son needs you.. Alam kong galit ka sa kanya pero Kristen nagsisisi ang anak ko, Kristen he attempted to suicide.” Pagkasabi ni Mom ay nandun lalong bumuhos ang luha ko.

Kaya pala ganuon na lang ang kabang nararamdan ko, dahil pala ‘yun kay Evo.. Mahal na mahal ko siya at alam kong kailangan niya ko ngayon..

“Saan pong Hospital Mom.?” Tanong ko sa pagitan ng paghikbi.

“Sa Manila Medical Center.”

“Sige po, pupunta ako.” Sabi ko at ibinaba na ang telepono.

Hindi pa ako nagbibihis kaya bumaba na ko at nakita ko sina Kuya at si Mama and Papa na nasa salas.. Nakatingin sa’kin si Kuya, parang alam niya na aalis nanaman ako.

“Saan ka pupunta bunso.?” Tanong ni Kuya.

“Sa MMC kuya.” Sabi ko tumayo siya at hinarangan ako.

“Kuya padaanin mo ‘ko.” Sabi ko.

“Hindi ka pupunta dun Kristen.” Sabi ni Papa, si Mama naman pinipigilan lang si Papa.

“Hindi kailangan ako ng asawa ko.” Sabi ko at tumulo nanaman ang luha ko.

“Hindi bunso.” Sabi ni Kuya at hinawakan ako sa braso.

“Wag kayo magulo, kailangan ako ng ASAWA ko ngayon.. Padaanin niyo ko.” Sabi ko at nagpupumiglas kay Kuya.

Nakakawala ako at tumakbo papalabas ng pintuan.

“Ganyan ka na ba Kristen.? Sinusuway mo na kami.” Nahawakan ako ni Papa sa damit nung nasa pinto na ko.

“Kayo ang nagpasok sa’kin sa ganito, ipinakasal niyo ko.. Ngayon ako naman ang sundin niyo, hindi ko kayang mawala si Evo kasi siya ang Buhay ko, siya ang kaligayahan ko, siya ang kailangan ko dito sa mundo.” Sabi ko habang umiiyak, unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Papa sa damit ko.

“Pa.” inis na sabi ni Kuya.

“Hayaan mo siya, sige na anak..Puntahan mo na siya.” Sabi ni Papa..ngumiti na lang ako at tumakbo.

Sumakay ako ng taxi, ma-traffic pa nga ‘nun, kaya kung saan-saan kami umikot pero mga 30 minutes na ay nakarating na rin ako ng MMC.

“Kristen.” Biglang salubong ni Mom at niyakap ako.

“Ano pong nangyari kay Evo.?” Tanong ko habang nakayakap.

“Hawak niya yung divorce papers at ang cellphone niya nung naglaslas siya, sobrang sama yata ng loob niya.” Sabi ni Mom.

“Pasensya na po kayo.”  Sabi ko at tumungo, patuloy lang ang pagpatak ng luha.

“Naiintindihan kita Kristen, pakinggan mo ang paliwanag ng anak ko, hindi naman kasi natin alam kung ano talaga ang totoo.” Sabi ng Mama niya.

“Mhie si Evo.!” Biglang sigaw ni Dad.

Lumapit kami sa Emergency Room, nagkakaroon ng seizures si Evo.. Diyos ko po, wag po siya please, Mabilis sumugod ang mga doctor at chinek ang vitals niya.. Naagapan naman agad pero mukhang mahina pa rin ang asawa ko.

Lumabas ang duktor mula sa Emergency Room at isinabit ang stethoscope sa leeg nito, umiiyak habang yakap-yakap ni Mom si Dad, maski ako tulo ng tulo ang mumunting patak ng luha ko.

“Sino ang pamilya ng pasyente.” Sabi nung doctor.

“Kami po.” Sagot ko.

“Maraming nawalang dugo ang anak niyo, sobrang hirap hanapin ng blood type dahil isa ito sa pinaka-rare na dugo sa buong mundo.. Almost 1% lang ng population ang mayroon blood type na AB RH.” Sabi nung doctor.

“Kailangan niya ng blood donor ganun.?” Tanong ko, tumango lang ang doctor.

AB Rh, ganuon ang dugo ko, magkamatch kami..

“Ako ganuon ang blood type.” Sabi ko, nakita kong nagulat ang doctor.

“Talaga.?” Sabi nung doctor at hindi makapaniwala.

“Opo, kaya simulan na natin ang transfusion.” Sabi ko.
  
“Sumunod ka sakin, kailangan pa ng testings.” Sabi nung doctor.

Sumunod ako sa kanya at naiwan ang mag-asawang nagbabantay kay Evo, maski ako nagulat na ang blood type kop ala ay bibihira lang. Nakarating kami sa isang room na may storage ng dugo, parang blood bank ng ospital.

“Kaano-ano mo ang pasyente.” Tanong ng doctor.

“Asawa ko po siya.” Sagot ko.

“Alam mo ba na sobrang bihira lang talaga ng blood type niyo, may kasabihan din na ang may gantong dugo ang nagkakatuluyan.?”

“T-talaga po.” Tanong ko.

“Oo, may kilala din kasi akong ganyan ang dugo at sobrang tibay ng relasyon nila.” Sabi niya.

“Simulan na po natin.” Sabi ko.

Tinest niya ang vital signs ko kung healthy ba at pati ang dugo tinignan kung pareho ba talaga, hindi nga ako nagkamali dahil pareho talaga ang blood type namin.

“I think you’re ready for blood transfusion.” Sabi nung doctor.

Lumabas na kami duon sa kwarto at pumunta sa emeegency room, nakaratay pa rin si Evo..

Pinahiga nila ako sa tabi ng kama niya at may itinusok sa ugat ko at sa ugat niya.. Nakaramdam ako ng pagkahilo sa unti-unting paglabas ng dugo ko.. Nakakahilo..Pero masaya ako kasi ito ang sagot para mabuhay ang asawa ko.

Maya-maya pa ay itinanggal na ang karayom sa ugat ko.. Nakakapanghina, nakakhilo..

“Mr. Yu, ok lang po ba kayo.” Tanong ng doctor.

“Opo doc, medyo nakakahilo lang po.” Sabi ko sabay hawak sa aking sentido.

“Normal lang ‘yan. I advice na umuwi ka muna at magpahinga.” Sabi ni Doc.

 “Sige po.” Sabi ko.

“Kamusta Kristen.?” Tanong ni Mom.

“Ok lang po.” Sabi ko.

“Umuwi ka muna, kami na muna ang magbabantay.”

Umuwi na ulit ako sa bahay, pinagpahinga ako ni Mama at ni Papa, alam ko naman na may tampo pa rin sa’kin si Kuya.. Pero ang hirap ng sitwasyon ko ngayon.. Paano ko matatakasan si JP.? Sa sobrang kakaisip at pagod ay nakatulog na ako.


BIM’S SIDE:
Pagkagising ko ay agad kong chineck ang phone ko, mataas na ang araw at dumadampi na sa katawan ko ang init at ,konting hapdi ng dahil sa pagkabugbog, binasa ko ang text galing kay Alexander.

“Bro, Evo committed suicide.” Sabi ni Alexander sa text.

Nakokonsensya ako, tama ba yung ginawa ko..? Nagmamahal lang din naman ako at gusto ko lang naman na sumaya si JP sa taong mahal niya..

Tinext ko si Alex at nasa MMC nga daw si Evo.. Pumunta ako sa ospital at nakita ko si Kristen na nasa loob at kausap si Evo, nakangiti sila pareho.. Ngayon tumutubo ang konsensya ko.. Sana pala hindi ko na lang ‘yun ginawa.

“Bro..” tapik sa’kin ni Alex habang nakatingin duon sa pintong may salamin.

“Mapapatawad  ka ni Evo, kilala naman natin siya.” Sabi ni Lawrence.

Maya-maya pa ay lumabas na si Kristen sa Kwarto, tinignan niya ko ng masama.. Siguro alam niya na rin ang nangyaring pagtra-traydor ko.

Pumasok ako sa loob kasama ko sina Lawrence at Alexander..

“Bro.” sabi ko.

“Bakit ka nandito.?” Tanong niya, bakas pa rin ang sobrang galit sa mata nito.

“Gusto ko sanang mag-sorry at magpaliwanag.” Sabi ko at umupo duon sa gilid ng kama niya.

Hindi siya sumagot at isa-isa kong kwinento ang pangyayari, ang pagtawag saakin ni JP nuong gabi, ang pagpapakilala niya kay Roxanne..

“Hindi ko alam na kaya mong gawin ‘yan, ano ba ang dahilan.?” Tanong ni Evo habang salubong ang kilay.

“Mahal ko si JP, Evo.” Sabi ko, kita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila lalo na sa mukha ni Alexander.

“Tatangapin ako ang sorry mo dahil naiintindihan kita, ganyan talaga ang nagmamahal.” Sabi ni Evo.

Ngumiti ako, at ganuon na din ang barkada.

“Group Hug.!” Sabi ni Lawrence.

“Gago kayo masakit hahaha.” Sabi ni Evo na ikinatawa na lang namin.
  

SOMEONE’S SIDE:
 (OBVIOUS NAMAN KUNG SINO)

“Si JP ang nagsabi sa Mom and Dad mo ang tungkol sa inyo ni Dustin dati, at nung nabuntis ka si JP pa rin ang nagsumbong sa magulang mo.. Itinakwil ka nila dahil kay JP.” Sabi ni Yaya ko.
  
“Pero Manang hindi kayang gawin ni JP yun sa’kin.” Sabi ko.

“Nagawa na niya, sa tingin mo bakit ganyan ang buhay mo ngayon.?” Tanong niya.

Napaisip ako, sagad hanggang langit na ngayon ang galit ko kay JP.. Hayop siya maghihiganti ako sa inyong tatlo kasama ng Kristen at nung asawa niya… Humanda kayo.

Dahil sa kanila ay ipinalaglag ko ang anak ko, kung hindi sana kay JP masaya na kami ni Dustin ngayon.. 

“AHHHHHHHHHHH.” Sigaw ko at ibinato ang hawak kong bato sa ilog kung saan akong kumukuha ng balita kay Yaya.


When He Says 23

ROXANNE’S SIDE
3rd year college ako nuon, yet mayaman kami hindi ako yung tipong mayabang sa kung anong meron ako.. Mapagbigay akong tao, marami akong kaibigan at lahat sila alam kong loyal sa’kin.. I have a boyfriend also, si Dustin. Siya ay isang nerd pero ubod ng gwapong achiever ng school.

“Hmmm, Roxanne.. Mahal mo pa ‘ko.?” He asked, andito kami ngayon sa tambayan naming dalawa.. Sa likod ng lumang building pero maraming halaman.

“Malamang, mahal na mahal kita.” Sabi ko at piningot ang nose niya.

Hindi alam ng mga magulang ko ang tungkol sa’min ni Dustin, hindi naman sa tutol sila pero gusto muna nila akong matapos ng pag-aaral, Scholar kasi si Dustin.. Pangit mang sabihin pero hindi mayaman ang pamilya niya.. Salat sila sa pera kaya nagpupursige si Dustin na makapagtapos.

“Punta ka sa bahay mamaya, tayo lang dalawa hehehe.” Mahilig talaga itong BF ko, ilang beses na namin yun ginagawa at siya ang nakauna saken.

“Hahaha ang hilig mo talaga.” Sabi ko sabay hampas ko sa braso niya.

“Hehehe.” Tumawa na lang sya.

Nasunod din naman ang gusto niya, Pumunta kami sa bahay nila.. Hindi man kalakihan pero may sarili syang kwarto dahil yung kapatid niyang isa ay babae.

Hinalikan niya ko, habang nila-lock ng kamay niya yung pinto, gumanti ako sa halikan na ‘yon.. Si Dustin ang una kong experience sa sex, masaya naman ako na siya ang naka-una sa’kin.. Ang lalaking mahal na mahal ko.

Natapos ang pagniniig namin ni Dustin, nakatulog siya sa tabi ko. Napangiti ako, siya ang magiging tatay ng anak ko, ang asawa ko..

“Mahal kita.” Ang huling salitang naisambit ko at unti-unti na akong nilamon ng antok.

**
Maraming araw at linggo ang lumipas, ilang beses pang naulit ang sexy time namin ni Dustin, pero isang araw naramdaman ko na  lang na parang naduduwal ako, sumuka ako sa CR ng kwarto ko.. Hindi ko ipinaalam at pumasok na lang ako sa school na masama ang pakiramdam.

“Mahal ko, may problema ba.?” Sabi ni Dustin sakin.

“Masama yung pakiramdam ko Dust.” Sabi ko.

“Namumutla ka nga, anong masakit.?” Sabi nito at hinawakan ang leeg ko at dinama kung nilalagnat ako.

“Hindi ka naman nilalagnat, uwi na lang tayo gusto mo.?”

“May klase pa tayo.” Sabi ko.
  
“NO, halika na.” sabi niya.

Tumayo kami sa pagkakaupo sa batibot sa likod ng lumang building at unti-unti akong nawalan ng ulirat at ng malay.

**
Nalaman ni Dustin ang lagay ng girlfriend na ngayon ay nagpapahinga na lang sa isang ward ng ospital, Malaki ang tuwa sa puso niya dahil sa wakas ay isa na siyang ama. Nang makalabas sila ng ospital ay sobra sa pag-aalaga si Dustin kay Roxanne, alam niyang wala sa panahon ang pagbubuntis nito pero masaya sila at yuon lamang ang importante.

Umuwi si Roxanne nuon dala ang balitang buntis siya, nadatnan niya ang pinsan niyang si JP na nasa 1st year high school pa lang. Dahil sa sobrang kasiyahan ay nagawa niyang i-kwento kay JP ang tungkol kay Dustin at ipinagbubuntis nito, sobra kasi silang magkalapit na magpinsan kaya sobra ang tiwalang binigay niya kay JP para magtago ng sikreto.

Pero nang lumipas ang dalawang araw ay laking gulat niya nung pagpasok niya ng bahay ay bigla na lang sumalubong sa kanya ang isang napakalakas na sampal sa kanya ng kanyang ama.

“Hanggang kailan mo balak itago.?” Sabi ng kanyang ama na nagpupuyos sa galit.

“Ang alin dad.?” Pinipilit niyang isinasambit sa pagitan ng paghikbi.

“Yang disgrasya mong anak.” Sabi ng kanyang ama.

Umiyak na lang nun si Roxanne, wala siya maapuhap na sagot para mapakalma ang tatay niya, nakita niya lang si Roy ang nakakatanda niyang kapatid na naawa sa kanya.

“Lumayas ka sa pamamahay ko Roxanne, ayaw kong makita ang bastardo mong anak.” Sabi ng kanyang ama.

“Dad, please.” Napaluhod siya sa kanyang ama pero hindi sumayad ang binti niya sa lupa dahil hinila siya sa braso nito at inilabas sa gate ng bahay nila.

“Wag na wag kang babalik dito.!” Malakas na sigaw ng tatay niya.

Umiiyak ang kanyang ina habang pinipigilan ang asawa nito. Umalis si Roxanne sa harap ng bahay nila ng walang dala kahit cinco at damit. Pumunta siya sa bahay ni Dustin para sana makituloy dito, pero malamig na hangin na lang ang laman ng bahay nito, nalaman niya na nagibang bansa ang buong pamilya ni Dustin.. at ang perang ginamit ay ang pera ng magulang niya.

Duon nagsimula ang kalbaryo ni Roxanne, nalaglag ang bata dahil sa wala siyang makain nuon ng halos isang linggo wala kasi siyang malapitan na kaibigan nuon.. Ang inaakala niyang mga loyal na kaibigan ay hindi pala totoo, sobra ang kalungkutan niya ng mamatay ang anak niya.. Ayaw niyang masisi siya ni Dustin pagdating nito kaya sinabi niya kay JP na ipinalaglag niya ang bata. Inaabutan na lang siya ng pera ng kanyang yaya nang mamatay ang anak niya, galing sa kanyang ina ang pera kaya hindi na niyang magawang tumutol pa.

**
ROXANNE’S SIDE:
Umiiyak pa rin ako at ramdam ko pa rin ang sakit pag naalala ko ‘yun.. Kung si JP ang may pakana ng lahat sinisugurado ko na luluhod ka sa harap ko.

Pumunta ako sa ospital kung saan nakaratay si Evo, Umpisa na ito ng kanyang plano.. Nakarating ako dun at nakita kong nagu-usap at nagtatawanan ang mag-asawa, magandang pagkakataon :)


KRISTEN’S SIDE:
Mga tatlong araw na rin simula nung nangyari kay Evo, papalabas na siya ng ospita.. Naiipit pa rin ako kay JP at hindi ko pa rin nasasabi sa kanya na ayaw ko na sa kanya kasi hindi ko naman siya mahal at hindi ko siya kayang mahalin.. Siguro kung huhusgahan  niyo ‘ko sasabihin niyong ang sama ko kasi pinaasa ko lang si JP.. Hindi naman ako nagpapaasa.. Gusto ko lang naman na makamove-on pero hindi ko talaga kaya.. Kasi si Evo lang talaga ang nagmamay-ari ng puso ko.

“Lalim ng iniisip babe, ilang lalaki ba ‘yan.” Nag-snap ang walanghiya kong asawa sa harap ko.

“Leche, tumigil ka.. Nakahiga ka nga diyan snap-snap ka pa.!”

“Si JP ba.?” Tanong nito na lalo kong ikinasimangot.

“Wag mo muna silang isipin please.” Sabi niya at ngumuso.

“Hahaha oo na sige na.” sabi ko.

Nagulat na lang kami ng biglang may pumasok sa kwarto, napataas ang kilay ko sa bisita ng asawa ko.

“Anong kailangan mo.?” Tanong ko sa babaeng ikinama ng asawa ko.

“Gusto ko sanang humingi ng tawad at magpaliwanag.” Sabi nung babae.

“Ako nga pala si Roxanne.” Sabi nung Roxanne, iba ang awra niya ngayon..

“Magpaliwanag kana.” Sabi ni Evo.

“Uhm sige, Kristen wala talagang nangyari sa’min ng asawa mo, Nasukahan niya ko ‘nun kaya napilitan ako maghubad at pati rin siya..Maniwala ka Kristen wala talagang nangyari sa’min, at tsaka hello.. 21 na ko asa pa ko sa asawa mo.” Sabi niya.

“Totoo ba yan talaga.?” Hindi ko maiwasang matanong, naninigurado lang.

“Oo, pasensya kana ulit.” Sabi nito sa nahihiyang tono.

“Ok lang.” I said.

“Tss, pasalamat ka at bati na kami ni Kristen kung hindi baka mapatay kita.” Sabi ng gago kong asawa.

“HAHAHA.” Napuno na lang ng tawanan ang buong kwartong iyon.

Mga tanghali nang magpaalam si Roxanne sa’min, nakagaanan ko na siya ng loob dahil hindi naman siya mahirap pakisamahan para ko na siyang ate.

“I love you Babe.” Sabi ni Evo habang hinahanda ko ang pagkain niya.

“Tss I love you too.” Sabi ko.


JP’S SIDE:

“Hello.” Ang sabi ko sa kabilang linya.

“Cous.”

“Bakit.?” Irritable kong tanong.

“Nagkabalikan na sina Evo at Kristen.” Sabi ni Roxanne na lalong nagpahigpit sa hawak kong cellphone.

“Ano.?” Sabi ko.

“May plano ako.” Ani nito.


Sinabi niya sa akin ang plano niya.. Kaya ko kayang gawin.? 





A/N:
     LAST 3 CHAPTERS.. ! HAHAHA ANO KAYA ANG MANGYAYARI..? HMMM MABILIS ANG TRANSITION NG CHARACTERS HAHAHA.. ALAM KO PO 'YUN.. ITO PA WALANG NANGYARI KAY ROXANNE AT EVOOO. :D 

16 comments:

  1. naku Last 3 chapters na pla :(
    pro aus prin kc kla ko magka-affair pa sla Kristen-JP w/c i hate 2 happen hehe pro kung nabuntis ne Evo c Roxxane accidentally ok lng atleast my baby ang lovely couple Kris-Evo hehe
    Tnx a lot mr.Author

    AtSea

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman sila magkaka-baby, wala pong nangyari kay Roxanne and Evo :3

      Delete
  2. Sana si papa evo at krestin parin
    Yehey... Sila na ulit..
    Love it,

    #rio

    ReplyDelete
  3. Un oh..3 chapters to go..em so excited
    Ayaw tlga tantanan sila ng mga asungot
    Go kristen..

    ReplyDelete
    Replies
    1. HEHEHEH, asungot po talaga ! :D , Salamat po sa comment ! :D

      Delete
  4. sila pa rin in the end. tapos magbabalikan si R at D. tapos si Bim at si... hahaha. nabasa ko na ito sa wattpad. :")

    ReplyDelete
    Replies
    1. nabasa ko na rin sa wattpad. u brought ne there. si bim ang nakatuluyan ni jp haha at of course, si tenten at evo pa rin forever! ang ganda talaga!

      Delete
    2. aba pati ba dito pasaway ka? hayyyyssss...

      Delete
  5. Evil na evil si JP. :D
    Kawawa si Roxanne. A simple girl turned into a b*tch. =(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehehe oo nga eh, nung ginagawa k din 'to naawa ak kay Roxanne ! :D

      Delete
  6. well done author, now lng ako ngcomment pero inabangan q talaga to, maganda yung story at nkakabitin naman kung last 3 chaps na lang. madami pa kasing mga dapat linawin.

    magaling ka author, edit edit na lang ng grammar kpg may time kung baga para mas maganda pa lalo, pro pag binabasa ko naman eh hindi ko na mSyAdo pinapansin yun kasi nagegets naman, ayun lng gusto ko lng yun sabhin para na rin naman yun sayo para gumaling ka pa at mas maganda yung next na story na isusulat mo. good luck author, promise may talent ka at iimprove mo pa lalo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Weeee salamat po Kuya Andy ! Actually bangag po kasi ako nung ginawa ko 'to kaya maraming mali, nung binasa ko nga siya eh nakita ko na ang dami ko nga pong maling grammar :D Salamat po talaga :3

      Delete
  7. AwsoMe !!


    Atat n ako maBAsa ang last 3 chapTers ng His husbAnd !!


    Keep it up .! AuThor ganda ng story mu !

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails