Followers

Friday, March 9, 2018

Loving You... Again Chapter 64 - Fix You





  



Author's note...



Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila. Pati na rin po pala iyung mga kanta.

Hi guys. Magandang gabi or araw sa inyong lahat. Obviously, malapit nang matapos ang Book 3. Well, pasensya na kung hindi naka-focus kay Ren ang kwento. More like ang kwento ng Book 3 ay tungkol sa mga buhay-buhay sa paligid ni Ren matapos mawalan siya ng gabundok na ala-ala at dahan-dahan na itong bumabalik sa kaniya.

Ngayon naman, ang chapter na ito ay naka-focus kay Kurt at sa mga tao sa buhay ni Aulric. Ano ang nangyari kay Zafe matapos mawala si Aulric sa buhay niya?

Pagkatapos ng kwentong ito ay babalik tayo sa kwento nila at tatapusin na din ito. Makakakuha ba sila ng masayang pagtatapos or hindi? I mean, patay na si Aulric hindi ba?

Heto na po ang Chapter 64! Happy reading!







Book 1: | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |


Book 2: | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 |
 
37 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 |


Book 3:
47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 54 | 55 | 56 | 57 | 58 | 59 | 60 |
61 | 62 | 63 |











Chapter 64:
Fix You






























Kurt's POV



          “Kriiiiing!"



          Dinilat ko ang aking mata matapos marinig ang ingay ng alarm clock. God! Pagkadilat ko ngayon, alam ko na agad na sira na iyung araw ko. Kakagising ko lang at sira na talaga.



          Bumangon ako at inayos ang aking sarili. Pagkalabas at pagkababa ay nadatnan ko si Mama na sinusundan ang trail ng mga damit papunta sa kwarto ng mga guest sa bahay namin.



          “Mama!" tawag ko dito para makuha ko ang atensyon niya.



          Tumigil naman si Mama at nilingon ako. “Kurt, andyan ka pala." Tumingin si Mama sa mga damit at tinuro ito. “Ano ito?" tanong niya.



          “D-Damit," pautal-utal na sagot ko.



          “Kaninong damit?" sunod na tanong ni Mama.



          “Kay Zafe."



          “Kay Zafe? Bakit nandito siya at..." Sinundan ng tingin ni Mama ang trail ng mga damit at napasapo sa ulo.



          “Dahil ako ang bagong subtitute best friend na dapat umayos sa kaniya at napwersa lang ako pero naaawa ako sa kaniya," kwento ko habang naglalakad papalapit kay Mama.



          “Good morning Mama," bati ko habang yakap-yakap si Mama. “Welcome home. Nakakain na po ba kayo?"



          Kumalas ng yakap si Mama. “Oo, kumain na ako."



          “Okay. So magpahinga na po kayo dahil nasa TV pa kayo mamaya. At ako naman ay aayusin ito."



          “By the way, bakit kayo-kayo ang nag-aalaga diyan kay Zafe? Hindi ba kaya ng mga magulang niya o ano?"



          “Zafe is totally broken. Simula nang nawala ang best friend at ang best friend ng boyfriend niya, to his boyfriend, well, nag-resort na siya sa alak, babae, sigarilyo, cabaret, bar at nightclub. Wait, hindi pa pala siya naninigarilyo. So iyun nga, nabahala iyung mga magulang niya sa ginagawa niya kaya, kinausap siya. Short story, hindi gumagana. Kaya kaming mga may pakialam pa sa kaniya, nag-aalala."



          Umiling si Mama. “Dealing with loss. Hah! Mahirap iyan. Kung gaano siya ka-grabe magmahal, grabe din ang epekto sa kaniya kapag nawala iyun. Kung walang magawa ang kaniyang pamilya sa kaniya, paano pa kaya kung kayong mga kaibigan niya?"



          Humugot ako ng malalim na hininga. “Mama, kaming mga kaibigan niya ay medyo shaken pa rin sa mga nangyayari. You know, one time, buhay pa. Kinabukasan, nabalitaan na napatay iyung isa, o dalawa sa school grounds. Pinagluksa namin. Weeks later, si Aulric ang sumunod. Tapos, kasalanan pa ni Zafe dahil hindi siya nag-check ng brakes kaya ganoon ang nangyari. Tapos nagluksa na naman kami. Mama, that was like 3 people dead in a single month? Mapapaisip ka, anong nangyayari? Bakit bigla silang pinapatay? Okay lang sana na isang hindi inaasahang aksidente ang naging dahilan na pagkawala nila bigla, medyo matatanggap ko."



          “Anak, namatay si Aulric sa isang aksidente."



          “Na pinagplanuhan ng isang-"



          Naputol ang aking pagsasalita nang nakita kong may babae na lumabas mula sa guest room. Napanganga ako nang nalaman ko kung sino ang babae.



          “Beatro?" tawag ko sa pangalan niya.



          “Kurt, bahay mo pala ito," wika niya. “Kumusta po kayo?" bati niya kay Mama.



          “Kumusta ka din hija. Do you need anything? Food, drinks, condom?" tanong ni Mama.



          “Ay! Mama, matulog na po kayo. Male-late na naman po kayo sa inyong trabaho," sabat ko.



          Tumingin si Mama sa pambisig na relo niya. “Ahh! Oo nga pala. Mga dalawang minuto pa at hindi na makukumpleto ang beauty sleep ko." Hinalikan ako ni Mama sa pisngi. “Mag-iingat ka, at good luck. Also, pakibalik iyung ‘poke' ko sa iyo sa Facebook." Umakyat na siya papunta sa kwarto niya.



          “Mamaya na po."



          “Umm, isang basong tubig nga?" request ni ‘Katya'. “Ang daming kong naisuka kanina bago ako lumabas."



          Nasa kusina kami at nagkwentuhan. Habang iniinom niya ang isang basong tubig ay kinikwento niya ang nangyari sa kanila kagabi ni Zafe. Ang awkward naman nito.



          “Medyo mataba iyung sa kaniya. Tapos ang galing-galing niya. Grabe," kwento ni Katya sa karanasan niya kay Zafe. “Kaya lang, na-turn off ako kapag binabanggit niya iyung pangalan ng boyfriend niya. Ano ba siya, hindi pa nakakamove-on sa nangyari?"



          Nagpakawala ako ng malalim na hinga. “Hindi ba halata? I mean, ikaw ang mawalan ng best friend at boyfriend sa loob ng isang buwan. Mabuti nga at hindi pa namamatay iyung mga magulang. At siya, hindi pa rin nagpapakamatay."



          “Hmm, but in the end, wala siyang magagawa kung hindi mag-move on. Patay na sila, the end. Ang dapat na lang niyang gawin ay maghanap ng bago." Tinungga na niya ang isang basong tubig na kanina pa niya hawak. “Ugh! Mahirap pa naman maghanap ng panibagong best friend. Isa pa nga."



          Kinuha ko ang kaniyang baso at sinalinan ng malamig na tubig. “Si Keith? Kumusta na?" tanong ko. Binalik ko sa kaniya ang baso.



          “Buhay pa rin naman at may boyfriend na. Iyung captain ng Basketball Club iyung syota," sagot ni Katya. Napatingin siya sa kwarto na pinanggalingan niya. “At speaking of basketball, wala na namang magandang laban dahil broken iyung ace player. At si Ricky, God! Crush ko pa naman din iyun at magaling din iyun maglaro. Ano ba ang nangyayari sa paligid natin at pinagpapatay iyung mga tao na, normal?"



          “Namatay si Aulric sa isang aksidente, pero alam kong bullshit iyun."



          “Bakit? May nalalaman ka ba?"



          Natahimik lang ako habang diretso nakatingin si Katya sa akin. “Sabi ng mga pulis, pumalya daw iyung brakes ng sasakyan ni Zafe. Pero, alam kong bullshit din iyun. I mean, Zafe is Zafe. Kahit noong boyfriend niya si Aulric, hindi pumapalya na i-maintain ang kaniyang sasakyan daily."



          Naintriga si Katya. “Paano mo alam?"



          “Tsismoso ako at medyo malakas magsalita si Aulric. Narinig ko si Aulric, habang sabay silang umuuwi. Pinapili niya si Zafe kung sino ang mahal niya. Iyung kotse niya na araw-araw mine-maintain o siya. Of course, Zafe can have them both. Hello. Isang buhay na tao na mahal na mahal ka at isang bagay na naging sasakyan papunta sa mahal mo. At iyung namatay si Ricky, nadatnan ko na mine-maintain niya ang kotse niya. Kaya sigurado ako na iyung sinasabi nilang pumalya ang brake ng kotse ni Zafe, kahina-hinala. Alam mo ba ang motto ni Zafe? You cannot forget Zafe in the word safety."



          “Kahina-hinala nga." Ininom niya ang isang baso ng tubig. “Pinapatay siya ng magulang ni Zafe?" kaswal na sabi niya habang nilaro-laro iyung tubig na nasa baso.



          Nabahala ako sa sinabi niya. Isa ring malaking posibilidad iyun dahil si Zafe ay way up. At si Aulric ay way down. Cliche masyado. Sana ay hindi totoo.



          Bumuntong-hininga si Katya. “Hay! Buhay! Sana man lang bago ako mamatay, matikman ko sila Aldred, Jonas, Paul, pati iyung boyfriend ni Keith para may achievement ako na natikman ko silang dalawa." Tumawa siya.



          “Ang kati nito ba. Bakit kaya iyung nga gusto mo ay may mga boyfriend? At bakit parang karamihan sa mga kakilala ko, may boyfriend? Latest trend?" sunod-sunod na tanong ko.



          “Umm, dahil mahal nila ang isa't isa? Or baka masarap ka-sex kapag nasa kama na kaya naging bakla," tugon ni Katya.



          “Okay. Mahal nila ang isa't isa," nayayamot kong sabi.



          Napailing na lang ako sa mga sinasabi ni Katya. Ang landi-landi ng taong ito kapag kakilala mo at kinakausap mo. Pero sa totoo lang, wala iyang kalandian niya kapag sa wider audience na. Paano kaya natagalan ni Keith ang best friend niya?



          “Okay ka na ba? May kailangan ka pa ba?" usisa ko.



          “Wala na," iling niya. “Ang kailangan ko ay ang kwento mo kapag naayos niyo na si Zafe. Anyway, aalis na ako."



          “Ihahatid na kita sa labas."



          “Thank you.



          Nang hinatid ko siya sa labas, nang lumabas kami ay nadatnan namin si Larson na akmang magdo-doorbell. Nagulat ako dahil nandito siya ngayon na wala man lang pasabi. I mean, kailangan ko bang malaman na pupunta siya? Oo, kailangan.



          “Hi Kuya Larson," bati ni Katya. “Condolence nga po pala sa pagkamatay ni Mang Luke."



          “Condolence," nasabi ko din nang naalala ko na hindi ko naipahatid iyung sa akin.



          “Salamat Katrina," tugon ni Larson.



          “Katya," reklamo niya agad. “Bye." Matapos magpaalam ay lumakad na siya paalis.



          “Pasok ka Larson," yaya ko.



          “Salamat."



Larson's POV



          Nang pumasok ako sa bahay niya, napansin ko ang trail ng mga panlalaking damit papunta sa guest room nila.



          “Oh, shit!" rinig kong mahinang mura ni Kurt habang pinupulot ang mga damit.



          “Wow! Napakainit naman nang naging tagpo mo dito," sabi ko.



          “H-Hindi. Mali ka ng iniisip," pagtanggi niya. “Hindi sa akin ang mga damit na ito at lalong hindi ang ka-partner ng taong nagmamay-ari ng mga damit na ito."



          Nang napulot na niya ang mga damit ay kaagad pumunta siya sa pintuan ng guest room nila at tinapon doon ang mga damit.



          “So, bakit ka nandito? Ano ang kailangan mo?" tanong ni Kurt.



          “Katulad pa rin ng dati," sagot ko. “Gusto kong malaman iyung nangyari noong dinukot tayo."



          Tumingin siya sa akin ng diretso. “Hay! Larson, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ko nga din matandaan. Look, kung may natatandaan man ako, sasabihin ko din naman sa iyo." Nag-iwas siya ng tingin at tumungo sa kusina nila. “Kumain ka na ba?"



          “Talaga bang wala? Nararamdaman ko kasing may tinatago ka ehh."



          Habang nakatingin sa kaniya, lumilikot ang kaniyang mga galaw. Hindi siya mapakali. Ano ba ang ginawa ko at ayaw niyang sabihin sa akin iyung nangyari noon?



          “Look-"



          “Ugh! Ang sakit ng ulo ko," singit ng isang boses mula sa likod ko.



          Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Nakalagay sa kaniyang ulo ang kamay ng lalaki habang naglalakad papalapit sa kusina.



          “Zafe, nagising ka na din." Naglabas ng isang bote ng beer si Kurt mula sa kanilang ref. “Beer?"



          Nagulat ako sa ginawa niya. “Hindi ba masyadong maaga pa para diyan?"



          “Ugh! Salamat," saad ng lalaki.



          Akmang kukunin na sana ng lalaki ang bote nang kinuha ito ni Kurt at binuksan.



          “Salamat," saad ulit ng lalaki.



          Muli, kukunin pa sana ng lalaki ang bote nang ibinaligtad ni Kurt ang bote sa lababo dahilan para matapon ang laman.



          “Oi, Kurt, huwag!" sigaw ng lalaki na kinuha na ang bote sa kamay ni Kurt. “Sayang," sabay tungga ng laman nang bote.



          “Anong trip nito?" tanong ko.



          “Ahh! Namatayan ng best friend at ng boyfriend, nabaliw," sagot ni Kurt. “May alam ka ba kung paano gawin ito?"



          “I have worse. Namatayan ako ng mga magulang at isang kapatid sa isang araw. Iyung sa dalawa ay murder, iyung isa ay dahil sa katangahan ng kapatid ko."



          Kita ko ang gulat sa mukha niya nang umamin ako. Iyung lalaki na umiinom ay natigil at tumingin sa akin.



          “Dude, hindi iyun malala," sermon ng lalaki. “Mga magulang natin can go to hell dahil mas maaga silang mamamatay kesa sa atin. Iyung mga kapatid natin, well, wala akong kapatid kaya hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Pero ang taong minamahal natin, ang best friend natin, iyung mga taong gusto mo kasama hanggang sa tumanda-"



          Nainis ako sa sinasabi ng lalaki. Kaya ninakaw ko ang bote na hawak niya at na ipinukol ito sa ulo niya. Naka-survive ang bote pero iyung lalaki, bagsak. Si Kurt naman ay nakatingin lang sa katawan ng walang malay na lalaki.



          Nagkibit-balikat lang siya. “Salamat ha. Nakakainis marinig iyang sinasabi niyang iyun. Na mas mahalaga iyung kaniyang boyfriend at iyung kaniyang best friend tapos iyung ibang tao sa buhay niya ay hindi nagma-matter."



          Lumapit si Kurt sa lalaki at kinuha ang pulso sa leeg. “Buhay pa siya. Pero iyung ginawa mo sa ulo niya, hmm. Dadalhin ko ba siya sa doktor?" tanong niya.



          “Yeah. Dalhin natin sa doktor para makasiguro ako na hindi ako nakapatay dahil sa aking galit," sagot ko. “Halika, tulungan mo akong buhatin siya papunta sa kotse niyo."



          Tinulungan niya akong buhatin ang lalaki papunta sa kotse niya. Habang bumibyahe ay kiniwento niya sa akin ang nangyari sa lalaki.



          “So ito pala iyung Zafe Neville, si Aulric Melville iyung boyfriend niya, at si Ricky Rizal iyung best friend niya. Ang sama naman ng magulang niya," komento ko.



          “Iyan din ang hula mo sa nangyari?" tanong ni Kurt.



          “Bata, araw-araw mo mine-maintain ang kotse. Biglang nagkaroon ng aberya dahil pumalya ang brakes ehh nasa garahe ng bahay ang sasakyan? Sino ang sa tingin mo ang sumabutahe? Hindi naman pwede si Zafe na kanina pa nagsasalita habang walang malay at sinasabi na pupunta sila sa malayong lugar kasama ng boyfriend niya."



          “Aulric, punta tayo ng Canada at magpakasal na tayo," sabi ng walang malay na lalaki.



          “Pero hindi ba napakadelikado kung ang magulang niya mismo ang nanabutahe sa kaniyang sasakyan? I mean, may chance na mamatay din siya sa aksidenteng iyun. Himala nga lang na nakaligtas siya sa nangyari," punto niya.



          “May sense," pag-amin ko. “Kaya lang, who else ang mananabutahe kung sila-sila lang naman ang nasa bahay?"



          “Pwede rin naman na may nanabutahe sa sasakyan mula sa labas."



          Nginitian ko si Kurt. “May ideya ako para malaman natin ang bagay na iyan. Ano kaya kung iuwi natin siya sa bahay niya? Pwede natin malaman sa CCTV nila. Mayaman sila kaya imposibleng wala silang CCTV sa bahay nila."



          Nagliwanag ang mukha ni Kurt. “Magandang ideya."



Kurt's POV



          Natapos nang inspeksyunin ng doktor ang ulo ni Zafe. Yup, ayos lang siya matapos ipukol ni Larson ang bote ng beer sa ulo niya.



          Nang natapos na ay nilapitan ko siya para alamin ang kalagayan niya. Hindi niya naaalala ang nangyari kung paano siya nawalan nang malay.



          “Kakainom mo iyan kaya nawalan ka ng malay at bumagsak," sagot ko sa tanong niya kung paano siya nawalan nang malay. “Ano, iinom ka pa?"



          Ibinaba niya ang kaniyang tingin. “Kasalanan ko iyun," nasabi na naman niya saka umiyak.



          “Oh, come on!" Inalo ko siya. “Hindi mo kasalanan ang nangyari. Aksidente iyun at walang makakapagsabi kung kailan darating. Tigilan mo na iyang paninisi sa sarili mo."



          Damn! Nakakapagod kayang paulit-ulit na sinasabi ko ito sa kaniya. Hindi talaga siya convinced na hindi niya kasalanan ang nangyari. Paano kaya kung sabihin ko sa kaniya ang totoo? May magbabago ba? O baka lalala lang ang sitwasyon? Ugh! Pero wala pa naman akong mga patunay.



          “Kung sana, sinagip din siya ng taong sumagip sa akin, kung sana ay nagkamalay ako para sagipin siya," wika niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.



          Bago magpatuloy, gusto kong ikwento ang narinig kong kwento mula sa taong nagligtas kay Zafe. Ayon sa nakakita, may malay daw ang isang lalaki matapos bumaligtad iyung sasakyan. Ang lalaking ito ay sinisigaw ang pangalan ni Zafe habang sinusubukan makawala sa sitwasyong iyon. Nagpasya nang tumulong ang saksi dahil nakikita niya na nagiging delikado na ang sitwasyon. Ano mang oras ay sasabog na ang sasakyan at hindi makakaligtas ang dalawa. Tutulungan sana ng saksi si Aulric. Pero pinahinto siya nito at nakiusap na si Zafe ang unahin. Matapos mailigtas ng saksi si Zafe, babalik sana siya nang sumabog na ang sasakyan kasama si Aulric. Hindi na daw makilala ang bangkay ni Aulric nang ni-recover ng kaniyang benefactor. Kaya napagpasyahan nito na ipa-embalsamo ang bangkay ni Aulric.



          Nang nalaman ito ni Zafe nang gumising siya, lubha siyang nasaktan sa nangyari. Mas nasaktan pa siya nang itinanggi ni Sir Henry na bigyan si Zafe kahit na kakarampot na abo ni Aulric. Sinisi pa siya nito sa pagkamatay ng anak-anakan.



          “Hay nako! Sana nga ay si Aulric na lang iyung nabuhay," diretsong sabi ko. “Iyun, siguradong hindi iiyak. Ipagluluksa ka lang ng mga ilang linggo, at magmo-move on na siya. Kasi iyun ang dapat niyang gawin. Kahit wala ka na, dapat pa rin siyang magpatuloy. Ehh wala. Ikaw ang natira na umiiyak ng mga ilang buwan na? Hay! Kalahating taon na ata?" litanya ko. “Hanggang kailan ka ba iiyak?! Tanggapin mo na wala na siya! Huwag mo namang sayangin ang pagkakataon na ibinigay niya sa iyo! Sa tingin mo, gusto niya ba na ganito ang gawin mo ngayong wala na siya?! Gusto mo bang hilingin niya kay San Pedro na ibalik ang oras tapos iligtas na lang ni Aulric ang sarili niya?!"



          “Hindi siya naniniwala kay San Pedro," wika niya.



          “At aantayin mo pa ba na maniniwala siya?! Zafe, again, sinakripisyo ni Aulric ang sarili niya para sa iyo. Hanggang sa huli, mahal ka niya. At sa tingin ko, wala nang mas hihigit pa sa ginawa niya. The least that you can do is make the most of life. Mabuhay ka para sa kaniya hanggang sa mamatay ka ng natural. At kapag namatay ka na, makikita mo siya sa langit. At magiging maligaya kayo habang buhay doon."



          “Hindi siya naniniwala na maaalala ko siya sa langit. More like makakalimutan ko pa nga siya."



          Tumingala ako sa taas. “Potang ina mo naman, Aulric!" naiinis na sigaw ko. “Basta Zafe, nasabi ko na ang mga nasabi ko. Bahala ka na kung ano ang gusto mong gawin. Diyan ka na nga muna at babayaran ko iyung bill mo."



          Inikot ko ang aking paningin at lumabas para bayaran ang doktor na tumingin sa kaniya. Pagkalabas ay nasalubong ko si Larson na matyagang naghihintay.



          “Kumusta siya?" tanong niya.



          “Ayun, okay lang naman," sagot ko. “Kaya pala ganyan kasi iyung boyfriend niya, nagsabi ng mga bagay na hindi nakakagaan ng loob. Sabi ko, magkikita din sila sa langit. Sabi naman niya, makakalimutan naman siya nito kung mapunta sila doon. Ano ba naman iyun? Tama bang sabihin mo iyun sa boyfriend mo?"



          “Reyalista lang naman siguro ang tao. Alam mo kasi, wala namang patunay na mapupunta tayo sa langit o impyerno."



          Nasapo ko ang aking ulo. “God, pati pala ikaw?!"



          “What? Ehh, totoo naman. May mga storya na nagiging multo sila o ano, ang kabilang mundo o ano. Pero para sa akin, mananatiling storya ang mga iyun. Ang kabilang buhay ay isang napakalaking misteryo sa ating mga tao. Malaki ang tyansa na wala lang ang kabilang buhay, pero hindi ko alam. Hindi pa naman ako namamatay. O kaya baka mabuhay ulit iyung mga namatay at napunta lang sa mga bagong panganak na bata. Iyun talaga, pwede. Kaya lang hindi mo maaalala ang nakaraan mong buhay dahil hindi mo naman utak iyun. Ang utak natin ang humahawak ng ating mga alaala kaya-"



          Napagod na ako sa kakapakinig sa kaniya kaya lumakad na ako papunta sa counter ng doktor. Napakatalino niya. Ni hindi ko na nga maintindihan ang mga sinasabi niya. Siguro ganoon talaga kapag tumatanda. Pero bakit ako? Bumobobo ng bumubobo? What if matalino ako noong bata pa ako at kabaligtaran naman ang nangyayari sa akin? Palpak pa ang choices ko sa mga girlfriend ko?



          Napatulala ako sa counter matapos maisip ang isang bagay. Hmm, may maganda at hindi magandang ideya ako na naisip. Kaya lang...



          “Hoy!"



          Bumalik ang kamalayan ko sa paligid nang pinatunog ni Larson ang kaniyang mga daliri malapit sa mukha ko.



          “Okay ka lang?" Nagpatunog pa siya ng mga ilang beses pa.



          “Okay lang ako. May naisip lang akong ideya," matamlay na sabi.



          Matapos bayaran ang serbisyo ng doktor ay kaagad na kinuha ko agad ang aking phone. Hinanap ko ang pangalan ni Colette at tinawagan siya. Sumagot naman agad ito.



          “Hello, Kurt? Napatawag ka?" tugon ni Colette.



          “Mahal mo pa rin si Zafe, hindi ba?" diretso kong tanong.



          “Umm, Kurt, hindi pa ngayon ang tamang panahon para sa ganitong usapan."



          “Naku naman. Colette, kalahating taon na atang patay si Aulric. Tapos na iyung hit na ‘Tamang Panahon' na pinapanood ng mga tao sa TV. Naghihintay ka din ng ‘Tamang Panahon Season 2'? Alam mo bang nagkasiraan na rin iyung mga artista na gumanap?"



          “Kurt, nasasaktan pa rin si Zafe sa pagkawala ni Aulric. At ako, nasasaktan din sa mga nangyayari sa tuwing nasasaktan siya."



          “Ohh! Kung nasasaktan ka na rin lang para sa kaniya, bakit hindi ka gumawa ng paraan para mawala din iyan? Para ‘hitting two birds with one stone'?"



          “I'm not sure."



          “Hoy, maging sure ka na agad. Kasi baka kung ano pa ang gawin ni Zafe sa sarili niya habang nagtagal. Baka biglang maisip ni Zafe, tama na ang pagpapakalasing, magpapakamatay na lang ako. Baka gusto mong ako na ang sumunod na magpapakamatay dahil wala man lang akong nagawa para maipagpatuloy niya ang kaniyang buhay? Colette, gusto kong malaman niya na nandito pa tayo. Parehas nating alam na hindi lang si Aulric or si Ricky ang makakapagpasaya sa kaniya."



          “Umm, bata," tapik ni Larson sa likod ko.



          “May kausap pa ako sa phone," sabi ko.



          “Alam ko. Pwede bang gawin mo iyan habang hinahanap mo si Zafe? Wala na siya sa kwarto niya."



          Nagtaka akong hinarap siya. “Pero ito lang ang tanging daanan."



          “Bata ka pa talaga. Look, lahat ng building, may fire exit."



          Naglakad ako papunta sa inukupahan niyang kwarto. “See, ito ang sinasabi ko sa iyo Colette. Alam kong kaya mong pagalingin ang puso ni Zafe. Ikaw ang first love at mahal mo pa rin siya ngayon. This time, hindi ako eepal o walang eepal."



          Ibinaba ko na ang phone ko. Nasapo ko lang ang ulo ko matapos makita na bakante na ang kwarto na inukupa ni Zafe. Oo nga. Ano ba ang inaasahan ko matapos sabihan ako ni Larson?



          Luminga-linga ako kung merong CCTV. “May CCTV. Malalaman ba natin kung saan siya pupunta?" tanong ko kay Larson.



          Nanlaki ang mata niya. “Umm, mukha bang nasa shop tayo?"



          “What? Anong ibig mong-"



          Natigil ako sa pagsasalita matapos malaman ang mga proseso na ginagawa niya sa bagay na iyun. Hindi naman pwedeng basta na lang tanungin iyung receptionist. Ay! Shit! Si Zafe! Nakakalayo na iyun!



          Nag-text ako sa mga kaibigan ko na may pake kay Zafe. Pinakiusapan ko sila na hanapin si Zafe bago pa ito may gawing permanente.



          Kasalukuyan akong nasa kalsada at nagmamameho para hanapin si Zafe. Wala akong ideya kung saan ko siya hahanapin. May choice din ako na hanapin si Zafe na hindi alam kung saan siya pupunta. Or hanapin si Zafe sa tulong ni Larson.



          “May grace period na 25 minutes para gawin ko iyun," paliwanag ni Larson.



          “What?!"



          Tumingin siya sa relong pambisig. “May 15 minutes pa tayo at pwede ko nang i-check ang mga CCTV. Pwede tayong maghanap na susuyurin pa natin ang buong Rizal, or bumalik sa shop at manalangin na madadatnan pa natin siya kapag nakita natin."



          Humugot ako ng hininga at ginalaw ang manibela. “Pero kapag nag-text ang kaibigan ko na nahanap na nila sa Zafe, aalis agad tayo doon."



          “Walang problema."



          Hindi ako mapakali habang tumitipa si Larson sa kaniyang computer. Parang ilang oras na rin siya na naghahanap. Nakikita ko naman na nakikita na niya si Zafe sa isang footage, tapos lilipat na naman siya at nakita din si Zafe. Kaya lang, hindi ba sign na iyun para umalis na kami at puntahan na si Zafe?



          Habang nakatingin sa kaniya ay bigla kung naalala kung bakit pumunta siya sa bahay namin. Gusto niyang malaman kung ano ang nangyari nang dinukot kami ni Hela. Sa totoo lang, naaalala ko ang nangyari, malinaw na malinaw pa sa aking isip. Kaya lang, kung sasabihin ko ang bagay na iyun...



          “Nahanap ko na siya," wika ni Larson. “Paandarin mo na ang sasakyan. Papalitan ko lang ang dapat palitan sa server."



          Sinunod ko ang sinabi niya at pinaandar ang sasakyan. Nang handa na itong umandar ay saktong lumabas siya mula sa shop.



          “Sa parke malapit sa lawa," sabi ni Larson nang minaneho ko ang sasakyan.



          Sakto naman na nag-text din ang isa sa mga kaibigan ko. Kinumpirma ni Knoll na nandoon si Zafe na may kalakip pang litrato. Wala pang nangyayari sa kaniya kahit ilang minuto na ang nakalipas.



          Habang nagmamaneho ay bigla kong naalala ang isang bagay. Sa lawa itinapon ng step-father ni Aulric ang kaniyang mga abo. Magandang senyales ba na nandoon si Zafe?



          Nadatnan namin siya at si Knoll sa lugar. Nakaupo silang dalawa habang may ilang case ng beer sa tabi nila. Seryoso ka ba?!



          “Dito ka lang. Kaya ko na ito," lingon ko kay Larson na balak pa sana akong samahan.



          Nang lumapit ako, tahimik lang silang dalawa na nakaupo sa blanket na dala ata ni Knoll. Sa tabi pa pala ng isang case ng beer, may isang plastik ng lechon manok. Hindi ko alam kung ilan.



          “Kurt, nandito ka na pala," salubong sa akin ni Kurt. “Upo ka, upo ka."



          Umupo din ako sa malapit sa kanila. “So ano-"



          “Shh!" pagpapatahimik pa ni Knoll. “Huwag ka muna maingay. Mamaya na iyan."



          Hindi ko alam kung anong meron sa dalawa pero sumakay na rin ako. Habang tahimik kaming pinapanood ang lawa, isa-isa naman na nagsidatingan ang iba pa niyang mga kaibigan.



          Nang kompleto na ata kami, humarap sa amin si Zafe at tumayo.



          “Umm, guys, magandang hapon sa inyong lahat," panimula niya. “Ngayon, nandito tayo para maglasing ulit at para harapin ang mga bagay na kailangan kong harapin. Mag-aanim na buwan na nang namatay sila Shai, Ricky at Aulric. At gusto kong i-special mention ang Mama ni Aulric. Naipagluksa natin sila Shai at Ricky, naihatid pa natin sila sa huling hantungan, pero hindi si Aulric. Bigla siyang kinuha ng kaniyang step-father, pina-embalsamo at sinisi ako sa pagkamatay niya. Well, hindi naman siya mali dahil responsable ako sa nangyari. Kung hindi sana ako nagmaneho nang mabilis noong gabing iyun, kasama pa rin natin siya ngayon. Anyway, ngayong hinaharap ko na ito kasama niyo, gusto kong alalahanin natin ang mga mabubuti at mga masasama kay Aulric." May tumakas na butil ng luha sa kaliwang mata niya. “At hindi lang si Aulric. Ulitin natin ulit iyung kila Shai at Ricky. Gawin natin iyun habang umiinom at kumakain." Kinuha niya ang isa sa mga beer sa case. “Huwag nga pala kayong mag-alala na malasing dahil 1% ang alcohol content nito. Bagong product ng pamilya namin."



          “Meron na din kayo?" nagtatakang tanong ni Jin.



          “Yeah," sagot ni Zafe.



          “Cool. Meron din kami kaya lang hindi pa namin nila-launch."



          “Kahit sa amin din, hindi pa nila-launch."



          “Dapat nagdala ka din Jin. Patalbugan kayo ng 1% alcohol na iyan," suhestyon ni Andrew.



          “Hey, alalahanin natin na hindi tayo nagpapatalbugan ng beer dito," singit ni Camilla.



          “Maalala ko. Iyan ba iyung klase ng beer na pinangako mo kay Aulric?" tanong ni Caleb.



          “Yeah. Ito iyun," sagot ni Zafe. “Naaalala niyo ba kapag nag-iinuman tayo tapos siya lang iyung ayaw uminom dahil malakas agad ang tama ng alak sa kaniya?"



          “Ahh! Naaalala ko iyun. Paano, ginawa ba naman na parang softdrinks iyung beer kaya malakas iyung tama sa kaniya," natatawang wika ni Knoll. “Kaya simula noon, ayaw na niyang uminom ng beer."



          Natawa kaming lahat sa sinabi ni Knoll. Habang nagtatawanan kami ay binuksan ni Zafe ang bote. Lumapit siya sa lawa at binuhos ang laman.



          “Ayan! Hindi ka na malalasing agad," sabi ni Zafe sa lawa.



          “Ma-try ngang tunggain," sabi ko.



          Kumuha ako ng isang bote at itinungga ang lahat ng laman.



          Nasapo ko ang aking ulo. “Medyo nahihilo ako."



          “Ay! Huwag niyo na muna ubusin iyung mga beer. Magtatagal pa tayo dito," saway ni Camilla.



          Nagtagal nga kami sa lugar na iyun hanggang gumabi. Iyung iba, naglagay ng mosquito catcher sa tabi para hindi kami kagatin ng mga lamok.



          Sa buong magdamag, walang ibang bukambibig ng mga tao kung hindi ang mga bagay na naaalala nila kay Shai, Ricky, at Aulric. Wala silang itinira. Kahit magandang kwento, pangit na kwento, sinabi nila lahat. Pero hindi iyun nakabawas sa pagkatao ng mga pumanaw na. Sa halip, mas nakilala ko pa sila kahit na pumanaw na sila.



          “Parang timpla ito ng pamilya namin ahh?" rinig kong wika ni Jin sa sarili habang iniinom ang beer na dala ni Zafe.



          “Talaga?" pabulong kong tanong sa kaniya.



          “Oo naman. Nainom ko din naman iyung sa amin doon. Talagang pamilyar para sa akin ang lasa. Hindi ako nagkakamali." Napatingin siya kay Zafe.



          “Baka naman nagkataon lang iyan. Alam mo naman na magkaribal ang pamilya ninyo sa negosyo. Baka parehas kayong nakaisip ng sangkap para sa inumin na ito."



          Tumango-tango si Jin. “Baka nga." Uminom ulit siya sa bote.



          Sa hindi kalayuan, napansin kong hindi na humaharap si Zafe sa amin. Doon na siya nakatingin sa lawa na mukhang pinakikinggan pa rin ang mga kwento ng kaibigan niya. Tumayo ako at lumapit sa kaniya.



          “Para sa bagong buhay," sabi ko habang ipinakita ang hawak kong bote.



          “Para sa bagong buhay," sabi din naman ni Zafe na bahagyang ibinangga ang kaniyang bote sa akin.



          Umupo ako sa tabi niya. “Para na ba talaga iyan sa bagong buhay?" tanong ko.



          Napasimangot siya nang tumingin sa akin. “Oo naman. Seryoso kaya ako."



          “Talaga?"



          Itinuon ulit niya ang tingin sa lawa. “Pagkatapos ng gabing ito, ito ang huling beses na iiyakan ko siya. Kurt, tama ka. Sigurado ako na magagalit sa akin si Aulric kapag pinatagal ko pa itong kalungkutan ko. Binigay niya sa akin ang buhay niya kapalit ng buhay ko. Siguro, ang magiging huling kahilingan niya ay maging maligaya ako kahit wala siya. At ganoon din ang magiging kahilingan ko sa kaniya kung kabaligtaran ang nangyari."



          Napangiti ako. “Mahal niyo talaga ang isa't isa ano? Napakaganda pero masakit ang istorya ninyo."



          “Oo nga pala. Kumusta ka nga pala? Naaalala ko na dinukot ka nung ex mo." Bumaling ang tingin niya sa akin. “At wala man lang akong ginawa noong mga panahon na iyun kung hindi ang magpakalasing."



          “Ahh! Matagal na akong okay, Zafe. Tsaka patay na sila."



          Nagulat siya sa sinabi ko. “Huh? Talaga? Pinatay mo?"



          “Hindi ako ang pumatay," iling ko. “Hindi ko alam kung sino ang gumawa, pero hindi ako ang pumatay sa kaniya."



          “May ideya ka ba kung sino?"



          “Wala. Baka iyung kasama ko, meron. Pero wala siyang naaalala sa nangyari. Anyway, bakit ba ako ang pinag-uusapan natin? Bumalik tayo kila Shai, Ricky, at Aulric."



Larson's POV



          Nanatili naman ako sa kotse habang pinapanood ang mga magkakaibigan na kumakain. Nakakainggit. Noong mga kabataan ko, hindi ako nagkaroon ng ganyang mga kaibigan. Ang tanging kaibigan ko lang ay si Allan. Siguro dahil hindi rin ako nakapag-college. May mga kaibigan naman ako sa shop. Pero laging party sa Dota 2 o ganoon. I guess it counts.



          Habang nag-iisip ay lumapit sa akin si Kurt na may dalang pagkain at bote ng beer na hindi pa bukas.



          “Kain ka muna," yaya niya. “Kanina ka pa dito. Pasensya at nagtatagal tayo dito."



          “Okay lang. Kailangan mo pa naman ako ‘di ba?" Kinuha ang mga binigay niya sa akin.



          “Umm, yeah. Kahit na mukhang magiging okay na si Zafe, curious pa rin ako sa nangyari sa sasakyan niya," paliwanag niya habang nakatingin sa kaniyang mga kaibigan. “Hindi basta-basta nasisira ang isang bagay na inaalagaan ng may-ari."



          “Same here. Oo, nga pala. Hindi pa pala bukas iyung beer na binigay mo."



          Lumingon siya sa akin at inabot niya ang kaniyang kamay. “Ay! Sorry. Akin na at bubuksan ko doon."



          “Hindi na. Kaya ko na buksan ito," pagtanggi ko. “Salamat. Bumalik ka na doon sa mga kaibigan mo."



          “Sigurado ka?" tanong niya habang naglalakad papunta sa mga kaibigan niya at nakaharap sa akin.



          “Oo."



          “Umm, kung kailangan mo pa ng mga pagkain, lapit ka lang sa amin," bilin niya.



          Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang nakarating siya. Inilagay ko ang mga binigay niya sa akin sa sasakyan at pumunta sa likod.



          “Ahh! Dumating ka nga," magiliw na wika ko nang nakita si Gerard na nagtatago sa dilim.



          May inabot siya na isang bote sa akin at isang papel. “Of course. May hinihingi kang bagay sa akin na meron naman ako."



          Tiningnan ko ang bote na nakuha ko. “Ha! Nagulat naman ako na meron ka talaga nito." Inalog-alog ko ang bote na tumunog naman. “Napakadami naman nito. Kanino mo gagamitin iyung ibang laman?"



          “Sa ibang tao na kailangan iyan. Ikaw, kanino mo gagamitin?" Napatingin siya sa salo-salo ng mga kaibigan ni Kurt. “Neville."



          “Kilala mo din?" Tumingin din ako sa nangyayaring salo-salo at itinuon ang atensyon kay Zafe. “Ahh! Oo nga pala. Bakit halos lahat, kilala mo sila?"



          “Trabaho ko iyun. Siyempre, kailangan ng amo ko na may mga listahan siya ng posibleng magamit na leverage kapag nagkagipitan na."



          “Sinong amo?"



          “Iyung patay."



          Nagtawanan kaming dalawa. Sumalangit nawa iyung amo niya.



          “Pero iyung pamilya niya, nag-o-operate pa rin ba?" tanong ko.



          “Hindi pa rin tumitigil. Basta may malaking pera na pumapasok. Ganyan siguro kapag iyung negosyong iyun ay ang dahilan na makaalis ang ninuno siya sa kahirapan."



          “Ganyan din sana kami kung hindi lang in-adopt ang Tatay ko ng mga pamilyang iyun."



          “Totoo iyan. Kita mo ang Schoneberg ngayon. Tinuruan iyan ng Tatay mo at mayaman na sila. At kung hindi dahil sa kanila, hindi magiging ligtas si Ren. Well, hanggang sa nakita siya namin."



          Kahit na walang biro doon, natawa ako. Tumingin naman ako kay Gerard at nakita na hindi siya nasisiyahan sa ginagawa ko.



          “Umm, maliban sa pamilya ng Tito ni Keifer, may iba pang tao na nadamay at namatay. And on top of it all, may mga taong namatay," naiinis niyang wika.



          Natigil ako sa pagtawa. “Pasensya na," paghingi ko ng dispensa. “Hindi ko alam."



          “Anyway, balita ko, may bago nang business ang pamilya Neville." Itinuon niya ang atensyon sa nangyayaring salo-salo. “Ohh! Magkaibigan nga pala sila ng bago nilang business."



          Hinanap ko si Zafe at nakita siya na kausap niya si Jin. “Anong klaseng business naman?" naiintrigang tanong ko.



          “Secret."



          Habang nag-uusap kami ay biglang tumunog ang phone niya. Nang tiningnan niya kung anong meron, hindi na maganda ang timpla ng mukha niya.



          “Aalis na ako. May kailangan pa akong puntahan," sabi niya habang ibinalik ang phone sa bulsa at humugot ng malalim na hininga.



          “Okay. Mag-ingat ka," magiliw na sabi ko.



          “Ikaw din. Bye."



          Bago siya umalis, nagkatinginan kaming dalawa. Napansin ko na nawawala ang ngiti sa kaniyang mukha. Sa tuwing naghihiwalay kami, hindi pumapalya ang saglit niyang ngiti. Kahit na may masamang bagay na nangyari, palagi siyang naglalaan ng ilang segundo para ngitian ang taong hihiwalayan niya. Nararamdaman kong may dinadalang mabigat na pasanin si Gerard. Siguro dahil sa tumawa ako nang sinabi niya na dahil nakita nila si Ren. Pero humingi na ako ng patawad. Ano kaya ang nangyayari ngayon sa kaniya?



Kurt's POV



          Mukhang patapos na ang gabi dahil sa halos tahimik na ang lahat. Marahil nag-iisip ang iba kung paano kapag buhay pa ang mga pinagtutungkulan namin. Sigurado kami na mas marami pang kwento ang maibibigay namin kung mas nakasama namin sila ng matagal. Kaya lang, tanggap na namin na hanggang doon lang ang kwento nila. Sa amin nagtatapos ang kwento nila at pahahalagahan namin iyun sa aming mga puso, hanggang sa mamatay kami.



          Tumayo si Zafe at kinuha ang huling bote sa case na dinala niya. Tumahimik lang ang lahat habang pinapanood siya. Gaya nang ginawa niya noong una, binuksan niya ang bote at lumapit sa lawa. Ibinuhos niya ulit doon ang laman ng bote.



          Nang bumalik na si Zafe, kinuha ni Andrew ang kaniyang gitara.



          Nagpatugtog siya ng ilang strings. “Alam niyo iyun?" pabulong niyang taong sa amin.



          Tumango kaming lahat. Ipinagpatuloy ni Andrew ang pagtugtog at kumanta kamimg lahat.



Kung ito man ang huling awiting aawitin

Nais naming malaman niyo kayo'y bahagi na ng buhay namin

At kung may huling sasabihin

Nais namin sambitin, nilagyan niyo ng kulay ang mundo



Kasama namin kayong lumuha

Dahil sa inyo kami'y may pag-asa



Ang awiting ito'y para sa inyo

At kung maubos ang tinig, di magsisisi

Dahil inyong narinig mula sa labi namin

Salamat, salamat

Haaaa, yeah yeaah



Sana'y inyong marinig, tibok ng damdamin

Kayo ay mahalaga sa amin, ang awitin nami'y inyong dinggin

At kung marinig ang panalangin

Lagi kaming naroroon, humihiling ng pagkakataon



Masabi namin sa inyo ng harapan

Kung gaano namin kayo kailangan



Ang awiting ito'y para sa inyo

At kung maubos ang tinig, di magsisisi

Dahil inyong narinig mula sa labi namin

Salamat, salamat

Haaaa, yeah yeaah



Ito na ang pagkakataon

Walang masasayang na panahon

Mananatili kayo sa puso namin kailanman

Para sa inyo kami'y lalaban, kami'y lalaban



Ang awiting ito'y para sa inyo

At kung maubos ang tinig, di magsisisi

Dahil inyong narinig mula sa labi namin

Salamat, salamat



          Nang natapos na ang kanta, hindi napigilan ni Zafe ang umiyak. Iyung iba naman, pinipigilan ang pagluha.



          Lumapit naman kaming lahat at niyakap siya. Gusto namin maramdaman ni Zafe na hindi siya nag-iisa. Hindi lang siya ang nawalan kung hindi kami din.



          “Okay. Tama na iyan," wika ni Kuya Larson na kasama namin sa pagyakap. “May isang bote pa. Inumin mo na tapos itapon mo sa lawa iyung iba."



          Mangiyak-ngiyak na kinuha si Zafe ang beer na bigay ni Larson. Ininom niya ito nang walang pag-aalinlangan. Teka lang, kasama na namin ngayon si Larson?



          Nang na-realize nang lahat na may mali, napalingon kaming lahat sa kaniya na may pagtataka sa aming mga mukha.



          “Larson, bakit ka nandito?" nagtatakang tanong ko.



          Nagulat kaming lahat nang may narinig kaming bote na nabasag. Nang nilingon namin si Zafe, bumagsak na siya sa kamay ni Larson.



          “Kurt, inaantok na pala itong kaibigan mo. Ayaw mo pang patulugin?" tanong niya sa akin.



          Hindi ako makapagsalita sa bilis ng nangyayari ngayon. Pero nakukuha ko na may pahiwatig ang sinasabi ni Larson. Hindi ko nga lang matukoy kung bakit niya ginagawa ito.



          “P-Pasensya na. Hindi ko alam," tugon ko. Nilingon ko ang aming mga kasama. “Oo nga pala guys. Kaibigan ko, si Larson. Larson, mga kaibigan ko."



          “Kumusta kayong lahat," bati niya.



          “Guys, iligpit niyo na iyung mga kalat natin dito. Iuuwi na namin si Zafe sa kanila. Larson, dalhin mo na siya sa kotse," panuto ko sa mga tao.



          Sumunod naman ang lahat. Binitbit na ni Larson si Zafe sa kotse.



          “Okay ka lang?" pabulong na tanong ni Caleb.



          “Caleb, kahit isigaw mo pa iyang tanong mo," sarkastikong sagot ko. “Okay ang lahat dito. Magligpit lang kayo."



          Lumakad ako papunta sa kotse at naabutan si Larson na isinakay na si Zafe sa kotse. Sisigawan ko pa sana siya nang may naaninag akong isa pang tao sa likod niya.



          “Derek," tawag ko dito.



          “Hi," nahihiyang bati niya. Lumapit siya sa akin. “Mukhang nahuli na ako. Pasensya na."



          “Okay lang. Ang mahalaga, nakarating ka at least."



          Napatingin siya sa kotse. “Anong nangyari kay Zafe?" nagtatakang tanong niya.



          “Ha? Ahh, inantok lang kaya natulog na agad. Tsaka baka dahil sa bagong beer na gawa nila kaya nakatulog agad," paliwanag ko. “Matanong ka lang. Alam mo ba kung saan ang abo ni Aulric? Makikiusap sana ako para kay Zafe na bigyan sana siya kahit konti."



          Habang nakikipag-usap kay Derek ay nakita ko si Larson sa gilid ko na mabilis umiling.



          “Gusto ko sana. Kaya lang, na kay Papa iyung mga abo niya," nalulungkot na sagot niya. “Nasa ibang bansa na siya, by the way."



          Tumango ako. “Naiintindihan ko." Nasaktan talaga ang Papa niya dahil namatay iyung pangalawang asawa niya at ang anak pa nito.



          “O sige. Uwi na ako. Kita na lang sa school," paalam niya.



          “Okay. Ikaw din."



          Tumalikod na siya at naglakad palayo sa akin. Nang hindi ko na matanaw si Derek ay pumasok na ako ng sasakyan. Nasapo ko lang ang ulo ko nang hahawakan ko sana ang manibela ng sasakyan.



          “Larson, ikaw nga ang magmaneho para masigawan kita. Kapag kasi ako ang nanigaw habang nagmamaneho, sigurado kasing babangga tayo," pakiusap ko.



          Nagpalit na kami ng puwesto.



          “Bakit mo ginawa iyun?!" pasigaw na tanong habang minamaneho ni Larson ang kotse.



          “Nagiging emosyonal kayo. Ayoko naman maging killjoy sa kalagitnaan ng ginagawa ninyo," natatawang paliwanag niya.



          “Dapat man lang ay nagsabi ka man lang sa akin na paiinumin mo ng pampatulog iyung tao!"



          “Wala ng panahon para doon. At sigurado naman na hindi ka papayag sa binabalak ko."



          “Pwede tayong makiusap habang gising siya!"



          “At ipapaalala na naman iyung namatay niyang boyfriend? Pinapa-move on na nga ang tao. Tsaka hindi mo dapat hinihingi iyung abo ng boyfriend niya. Hayaan mong siya ang gumawa ang bagay na iyun. Dapat hindi ka pakialamero sa mga bagay na hindi mo dapat pakialaman."



          “Okay! Huwag na kaya nating i-check iyung CCTV sa bahay nila Zafe dahil masyado na tayong pakialamero?!" sarkastikong suhestyon ko.



          “No, hindi tayo pakialamero. Curious lang tayo sa isang bagay na hindi natin masyado maipaliwanag kung bakit nangyari ang bagay na iyun. Kuha mo?"



          “Hindi ba pakikialam din iyun?!"



          “Ayaw mo na bang malaman ang katotohanan?"



          Natigil ako sa makipag-argumento sa kaniya nang nakita ko ang gate ng bahay nila Zafe. Naalala ko bigla na hindi ko pa binibigay ang address ng tao, pero alam na niya agad kung saan pupunta. Paano?



          Humugot ako ng malalim na hininga. “Let's go."



          Bumusina si Larson nang ilang beses at lumabas ang isang gwardya. Binuksan ko naman ang tinted na bintana para makita ni guard si Zafe.



          “Inaantok," turan ni Larson. “Ihahatid namin sa loob para mapanatag kami."



          ”Teka lang sir."



          May tinawagan ang gwardya sa kaniya phone. Nang natapos na ang tawag ay pinapasok na kaming dalawa ni Larson na buhat-buhat si Zafe. Paakyat na sana kami sa kwarto niya nang sinalubong kami ng mga magulang ni Zafe. Mukhang aalis sila base sa mga suot nila.



          “Ayos lang ba siya?" nag-aalalang tanong ng Mama niya.



          “Natutulog lang po," sagot ko.



          “Ako na ang bubuhat sa kaniya," sabi ng Papa niya na kukunin si Zafe.



          “Okay lang po, okay lang po," pagmamatigas ni Larson. “Asaan po ang kwarto niya?"



          “Sa pinakakaliwang pintuan," sagot ng Mama niya.



          “Bata, alalay ka kung hindi mahuhulog tayong tatlo." Nakalagay kasi sa likuran niya si Zafe.



          “Sige po. Ihahatid na po namin si Zafe." Inalalayan ko ang likod ni Larson habang umaakyat na kami sa pangalawang palapag.



          “Okay lang ba talaga siya Kurt?" pahabol na tanong ng Mama niya.



          “Okay na po. Naka-move on na siya."



          Parang narinig ko na nakahinga ng maluwag ang mga magulang niya. “Okay. May pupuntahan pala kami ng asawa ko. Aalis na kami."



          “Mag-ingat po kayo," paalam ko.



          Ibinagsak ni Larson ang katawan ni Zafe sa kama. Wala namang nangyaring masama sa tao dahil sa lambot ng kama niya.



          Lumabas na kami ng kwarto at nag-isip para sa susunod na gagawin namin.



          “Nasa ground floor iyung security room nila," sabi ni Larson.



          “Paano mo alam?" nagtatakang tanong ko.



          “Nakita ko iyung blueprint ng bahay nila.



          “At saan mo iyun nakita? Kasama kita buong araw."



          “May mga koneksyon ako. Alam mo, pwede natin gawin ito sa shop para safe."



          “Ay! Huwag na sa shop! Baka mawala na iyung kuryosidad ko kapag nandoon na tayo. Ngayon na natin gagawin. So, anong plano?"



          “Anong oras na?" tanong niya.



          Tumingin ako sa pambisig na relo ko. “13 to 1," sagot ko. “Bakit mo tinatanong?"



          “Tara sa kusina. Lumakad lang tayo ng normal."



          Tumungo na kami sa kusina sa unang palapag. Nang pumunta kami dito ay naabutan ang isang maid na nagtitimpla ng kape.



          “Kunin mo ang atensyon niya," panuto ni Larson na pumasok agad.



          Kinuha niya agad ang atensyon ng maid. Akala ko ba ako ang kukuha ng atensyon ng maid?



          “Hello," bati ni Larson dito.



          “Hello kuya," bati ng maid. “Ano po kailangan niyo?"



          “Kape ba iyan?"



          “Oo kuya. Para sa mga sekyu dito sa loob. Pagtitimpla ko kayo?"



          Pumasok na ako. “Ate, ako muna. Gusto ko ng malamig na tubig."



          “Ay! Sandali lang sir."



          Nang ginawa ko iyun ay may kinuha si Larson sa bulsa niya. Nagbukas siya ng isang bote at kumuha ng dalawang sachets ng kung ano mula dito habang ang maid ay abala sa paghahanda ng tubig ko. Ibinuhos niya ang mga laman sa kape at hinalo-halo ang mga ito. Nang humarap na ang maid sa amin dahil sa ginagawa niyang paghalo ay kunyari'y inamoy niya ang mga ito.



          “Ang bango-bango naman. Anong klaseng kape ito?" tanong ni Larson.



          Binigay sa akin ng maid ang pinapagawa kong tubig. “Normal kopi lang iyan kuya. Gusto niyo po na gawan ko kayo?"



          “Hindi na. Salamat na lang," pagtanggi niya. “Kukuha na lang ako ng tubig para sa sarili ko."



          “Okay. Iwan ko na kayo dito. Hatid ko lang ito sa mga sekyu," magalang na paalam ng maid.



          “Salamat."



          Umalis na ang maid sa kusina



          “Ngayon, ay magihintay na lang tayo ng mga limang minuto," wika ni Larson.



          Tumingin ako sa pambisig na relo ko. 11 to 1 na. Habang naghihintay ay ininom ko ang binigay na tubig sa akin. Ang bilis nang tibok ng puso ko sa mga nangyayari ngayon.



          Bigla naman akong napasukan nang ideya sa nangyari. May nagbabantay pala sa mga CCTV sa bahay nila. Pumalya kaya talaga si Zafe na i-maintain ang sasakyan niya?



          Napatingin ako kay Larson habang nag-iisip. Siguro, alam na niya na may dalawang sekyu ang nagbabantay sa security room ng bahay nila Zafe. Alam niya din siguro na tuwing ganitong oras ay naghahanda ng kape ang maid para sa mga sekyu. Sa totoo lang, pwede naman talaga na sa shop nila kami mag-imbestiga. Pero bakit dito talaga sa bahay ni Zafe gagawin? Ipinapakita niya ba sa akin na may mali sa mga nangyayari?



          “Bakit?" nakakalokong tanong niya habang nakangiti ng nakakaloko.



          “Hindi ako tanga," sumbat ko. Napatingin ako sa pambisig na relo niya. “6 to 1."



          “Tara."



          Tumungo na kami sa security room ng bahay ni Zafe. Dahan-dahan na binuksan namin ang pintuan. Nang bukas na ay nakita namin ang mga sekyu na tulog na tulog.



          Pumasok kami at isinara ang pintuan. Nang napatingin kami sa mga monitor ay live ang mga ipinapakita. Nandoon din kasi ang feed ng security room sa loob. Kung sabutahe mula sa labas, malalaman agad ng mga taong ito. Kung may magbabalak na sumabutahe mula sa labas, malaki ang tyansa na makita ito ng mga sekyu dito sa loob. Siguro, kakaibang swerte ang dapat na mangibabaw para hindi malaman ng mga sekyu na may sumabutahe mula sa labas. Maliban na lang kung...



          Dahan-dahan na itinulak ni Larson sa gilid ang natutulog na sekyu. Umupo siya sa server at nagtipa. Sinabi ko sa kaniya ang eksaktong date nang nangyari ang aksidente.



          “Walang record," sabi ni Larson. May kinuha naman siyang USB mula sa bulsa niya.



          “Kaya mo bang i-recover iyun?" tanong ko.



          “Huwag kang mag-alala. Hindi ako si Larson kung hindi ako marunong mag-recover."



          Ngayon, kakaiba na ito. Kung anong meron sa nawawalang feed ay ang sagot sa mga tanong ko.



          Na-recover na ni Larson ang CCTV feed. “Ayan!"



          Habang nanonood kami, nakita namin na may pinapasok ang gwardya sa gate. Pumunta agad ito sa garahe at doon sinabutahe ang sasakyan ni Zafe. Kaagad naman itong lumabas ng gate na parang wala lang. At ang taong gumawa ng pananabutahe ay kilala ko.



          “Hindi ba, iyan si-"



          “Shh!" pagputol ko sa sasabihin ni Larson. “Burahin mo iyung recorded feed sa atin at umalis na tayo."



          “Okay."



          Umalis na kami sa bahay ni Zafe at bumalik sa bahay namin. Napasapo ako sa ulo ko dahil sa mga nalalaman ko.



          Nang pumasok kami sa bahay ay nasalubong namin si Papa na mukhang aalis na.



          “Si Mama po?" tanong ko.



          “Nauna na," sagot niya habang nag-aayos ng butones. “Tamang-tama. Nagluto ako ng pagkain ngayon. Larson, pwede mo ba kaming saluhan sa pagkain?"



          “Wala pong problema," magalang na sagot ni Larson.



          “Tara na sa hapag-kainan."



          Tumungo na kami sa hapag-kainan.



          Inakbayan ako ni Papa habang naglalakad kami. “Kumusta ang araw mo anak? Mukhang masyado kang ginabi ngayong araw."



          “Okay naman po, Papa. Pumunta lang kami sa isang munting salo-salo para sa mga namatay naming kaibigan."



          Natawa si Papa. “Ganoon ba? Akala ko ay magdamag kayong nag-computer kila Larson."



          “Sana nga po ay hindi na. Bano po maglaro ang anak niyo," sabat ni Larson.



          “Manahinik ka nga!" naiinis na sigaw ko.



          Habang nag-salo-salo kami sa hapag-kainan, hindi ko masyadong napapansin ang pagkain na ginawa ni Papa. Si Papa naman ay nakikipag-usap kay Larson na nagpapasalamat sa pag-aalaga sa akin. Si Larson naman ay panay tukso sa akin na hindi ko na pinapansin. Iyung taong iyun, siya pala ang sumabutahe sa sasakyan nila Zafe. Kung hindi dahil sa kaniya ay buhay pa sana ngayon si Aulric.



          “Masarap ba anak?" tanong ni Papa.



          “The best Papa, as always," sagot ko.



          Tumunog ang alarm ni Papa. “Ay! Oras na." Pinunasan niya ang kaniyang bibig. “Anak, malapit na iyung bakasyon ninyo. May naisip ka na bang lugar para sa family bonding natin this year?"



          “Wala pa po. Nag-iisip pa lang po ako. Si Kuya Kim, bakit hindi niyo po tanungin? Baka may alam siya na maganda destinasyon ngayong taon?"



          “Bakit si Kuya Kim pa ang pipili?"



          “Hindi po ba maraming alam iyun?"



          Natawa si Papa. “Ahh! Ikaw ha. Sige. Tatanungin ko si Kuya Kim kung saan maganda magbakasyon ngayong taon." Tumayo si Papa at hinalikan ako sa pisngi. “Love you."



          “I love you din po. Mag-ingat po kayo sa daan."



          “Ikaw din." Umalis na si Papa sa hapag-kainan.



          Nang umalis na si Papa ay nabalot ng katahimikan ang paligid. Si Larson na madalas na maingay ay tahimik ngayon.



          “Umm, Kurt," tikhim niya. “Iyung tungkol nga pala sa nangyari noong isang buwan, kung ayaw mong i-share sa akin, okay lang. Hindi na kita kukulitin kung ano ba talaga ang mangyari noon."



          Bumalik sa mundo ang lumilipad na isip ko. “Umm, yeah! Iyung nangyari noon. Right. Alam mo, sasabihin ko sa iyo. May ginawa kang malaking pabor para sa akin ngayong araw. Kaya lang, sa taas tayo."



          “Okay," kibit-balikat niya.



          Umakyat kaming dalawa sa kwarto ko. Habang umaakyat ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Nagsinungaling ako sa kaniya na wala akong naaalala sa mga nangyari noon. Ang totoo, naaalala ko ang lahat at malinaw na malinaw iyun.



          Nang pumasok si Larson sa kwarto, hindi ko mapigilan ang aking sarili na yakapin siya mula sa likod. Nang tinurukan siya ni Hela ng kung ano, may itinurok din sa akin si Hela. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nag-init ang katawan ko. Kinalagan nila kaming dalawa ni Larson at inilapit sa isa-isa.



          1 month ago...



          “Larson, okay ka lang?" usisa ko. “Ano ang ginawa nila sa'yo? Ano ang itinurok nila sa'yo.



          Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya kung hindi halik sa labi. Nagpumiglas ako pero hindi sumusunod ang katawan ko. Ibinaba ni Larson ang halik niya sa aking leeg. Ang sarap ng ginagawa niya.



          Habang nangyayari iyun ay naririnig ang tawanan ng mga tauhan ni Hela at siya mismo. May nakita naman akong video camera na nakatutok sa akin.



          “Larson, huwag," mangiyak-ngiyak kong pakiusap sa kaniya. Ngunit patuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawa.



          “Larson, ano ba? Tumigil ka," pakiusap ko pa rin. “Kinukunan nila tayo ng camera. Ginagawa niya ang ginawa ko sa kanila ni Shade."



          “Wala ka ng magagawa doon. Gawin mo na lang ang lahat ng makakaya mo ngayon," tugon ni Larson.



          Lahat ng kahalayan ay ginawa ni Larson sa akin. Pero imbes na mandiri ako, hindi mapigilan ng katawan ko na magustuhan ang ginagawa niya sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang tama at mali.



          “Ahh! Larson, fuck me!" ungol ko habang binabayo niya ako mula sa aking likuran.



          Sumunod na lang ako sarap ng buhay. Hindi ko na muna inisip ang aking mga problema. Shit! Ang sarap ng ginagawa ni Larson sa akin.



          “Fuck! Lalabasan na ako," ungol ni Larson.



          “Ako din Larson. Ahh! Sabay tayo magpalabas," tugon ko.



          Napalayo sa akin si Larson nang hinalikan ko siya sa labi. Kakaiba talaga ang aking nararamdaman kahit wala na ako sa impluwensya ng droga. Iyung ginagawa ni Larson, gusto kong ulitin niya iyun.



          “Naaalala ko na," bulalas niya. “Pero, bakit? Anong ginagawa mo?"



          “Gusto kong mangyari iyung nangyari noon. Gusto ko gawin natin ulit iyun. Pero nahihiya talaga ako dahil hindi naman ako bakla. Larson, please. Fuck me," pakiusap ko habang nakaluhod sa kaniya. “Gagawin ko ang lahat, maulit lang ang nangyaring iyun doon."



          “Well, fuck! Good news, bakla ka na!" sigaw niya.



          “I don't really care," iling ko. Naglakad ako papalapit sa kaniya habang nakaluhod. “Then so be it. Please. Fuck me Larson. I'm broken. And I'm begging you to fuck me. So you can fix me. Fuck me as hard as you can."



          Lumunok lang siya at sinimulan na niyang ibaba ang pantalon na suot niya. “Kung ganoon, Kurt Lee, suck my dick. And I'll fuck you real hard."



          Tiningnan ko ang brief niya kung saan nagtatago ang bagay na iyun. Dahan-dahan na ibinaba ko ito para makita ang bagay na nagpabago ng buhay ko. Ang laki niya. Paano ito nagkasya sa puwitan ko.



          Walang pag-aalinlangan na pinasok ko ang aking bibig at simipsip ito na parang ice cream.



          “Not enough. Ipasok mo sa bibig mo ng buong-buo," utos niya.



          Sinubukan kong ipasok iyun ng buong-buo pero nahirapan ako. Nabibilaukan ako sa laki. Kaya hinawakan ni Larson ang ulo ko at umulos. Kahit na nabibilaulan ako, ang sarap sa pakiramdam. Gusto kong ilabas niya iyung katas na lumalabas mula sa bagay na iyun. Gusto ko na sa bibig ko iyun ilabas.



          “Ang sarap ng bibig mo Kurt. Shit!" ungol niya. “Ito ba talaga ang gusto mo? Kung ganoon, bubuntisin ko iyang bibig mo."



          Pabilis ng pabilis ang ginagawa niya. Halos maubusan na ako ng hangin nang naramdaman ako na may lumabas sa bagay na iyun. Nilunok ko lahat iyun. Kakaiba ang lasa.



          Itinayo ako ni Larson. “Pagsisisihan mo na nakiusap ka sa akin. Hindi mo ito makakalimutan kahit kailan."



          “Okay lang. Nakapagpasya na ako."



          Hinawakan ko ang shirt niya. Na-e-excite ako na makita ang balat sa likod ng damit niya.



          “Ngayon naman, buntisin mo ako. Buntisin mo ako habang magkaharap tayo sa isa't isa at magkayakap."



ITUTULOY...


8 comments:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails