By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
“Sino iyon?” ang tanong niya kaagad nang sinundan ko siya
sa loob ng apartment.
“Di mo kilala? Anak ng may-ari ng kabilang apartment?”
“Hindi kasi ako tsismoso kaya di ko kilala ang mga tao
rito. Sa susunod, ayaw kong makipag-usap ka kahit kanino! Naintindihan mo?!”
Doon ako nagulat. Iyon bang parang may pumitik sa aking
tainga at nag-init ito. Kaya sinagot ko siya. Medyo tumaas ang aking boses.
“Ano? Tama ba ang narinig ko na ayaw mong makipag-usap ako kahit kanino?”
Tiningnan niya ako. “Oo! Tama nga!” ang sagot din niyang
pasigaw.
“At bakit?”
“Bakit?? Huwag mong kalimutan na apartment ko ito! At ako
ang masusunod kung sinong tao ang makakapasok dito at dapat alam ko kung
sinu-sino ang mga kausap mo d’yan sa labas! Malay ko ba kung may sabwatan kayo
at may gagawing masama. Ngayon, kung ayaw mong sumunod sa rules ko, libre kang
umalis.”
“So iyon lang? Walang ibang mas logical pang rason maliban
d’yan?”
“Ayokong makipagdebate. Kung ayaw mo, o ‘di ‘wag. Wala
kang ibang choice. Either sumunod ka, o umalis.”
Doon na ako natahimik. Napaka-irrational talaga niya.
“So???” ang sagot uli niya.
Wala na akong nagawa kundi ang dumiretso sa kusina at
ihanda ang pagkain niya. Habang inaayos ko ang mesa, nakatingin naman siya sa
akin. Nakangiti pa, iyong ngiting nang-aasar, nananadya.
Nang nakahain na sa mesa ang lahat ng pagkain. “Kain nap o
kayo Senyorito…” ang sambit ko sabay talikod.
“Hey saan ka?” ang sigaw niya.
“Maghahanap po ng makakain sa labas ang alila.”
“Samahan mo ako sa pagkain!”
Nahinto ako at napalingon sa kanya. “Ayoko nga! Baka mamaya,
pati paghinga ko ay ipagbawal mo na rin sa dami ng utang na loob ko sa iyo.”
Ngunit hinabol niya ako atsaka hinarangan ang pintuan.
Habang nakaharang siya sa pinto, tila nagmakaawa naman ang kanyang tingin. Ewan
ko kung totoo o nang-aasar lang. “Please?”
Hindi ko siya sinagot. Tinitigan ko lang siya.
“Sige na please?”
“At bakit naman kita sasamahan sa pagkain mo? Dahil
may-ari ka ng bahay? Dahil may utang na loob ako sa iyo?”
“Hmmm. Parang ganoon na nga.” Ang sagot niya.
“Pwes lamuniin mo lahat ang mga pagkain mo d’yan! Magtae
ka sana!”
Ngunit ayaw niyang paawat sa pagharang niya sa pintuan.
“Ito naman hindi na mabiro. Naapreciate ko lang ang mga ginawa mo rito sa bahay
at sa mga ipinagawa ko sa iyong worksheets. Alam mo bang impressed na impressed
ang boss ko sa ginawa mo?”
“Syempre ma-impress siya! Ako ang gumawa noon, hindi ikaw.
At ginalingan ko talaga iyon!” ang mataray kong sagot. Pati ako ay hindi
makapaniwala sa sarili na nasabi ko iyon. Hindi naman kasi ako mataray ngunit
ewan ko ba, siguro ay sa sobrang inis ko lang sa kanya.
Napangiti naman siya. In fairness iyan ang pamatay niya.
Maganda kasi ang mga lips niya na kahit nakasimangot o kahit anong emosyon o
anong gawing porma niya sa lips niya ay cute pa rin siyang tingnan. Tapos lalao
na kapag ganyang ngiti. Iyong tila puputok sa tawa ngunit pinipigilan, may
pagka-pilyo. Iyon talaga ang isa sa mga naka-attract sa kanya.
Ngunit hindi ko ipinahalata na na-kyutan ako sa kanya. Hindi
pa rin ako sumagot. Tinitigan ko lang siya. Iyong titig na ippinakita talaga sa
kanya na inis na inis pa rin ako.
“Please… magiging mabait na ako sa iyo.”
Doon na ako natuwa. Pero sa loob-loob ko lang iyon. Hindi
ako nagpapahalata. “Promise?” ang tanong ko.
“Promise.” Ang sagot niya rin.
Kaya hayun, kahit may pagdadalawang-isip pa rin ako, bumalik
ako sa kusina at umupo sa silya na nakaharap sa kanya.
Habang kumakain siya, nanatili lang akong nakaupo at
tiningnan siya. Iyon bang ipinakitang nainis pa rin ako.
Nang mapansin niyang nakatingin lang ako at hindi kumain,
nahinto siya. Tiningnan ako. “Bat nakatingin ka lang sa akin? At yang nguso mo…
pedeng masabitan ng baldeng may laman na tubig. Hindi k aba napapagod sa
kakasimangot d’yan? Pahinga ka naman. Mas lalong papangit iyang lips mo.”
Napangiti lang ako. Iyong sarcastic. “Lips ko? Kung alam
mo lang. Ang daming nagpapantasya sa lips kong ito!”
Nahinto siya nang sandali at tiningnan ang bibig ko.
Natawa, iyong sarcastic. “Baka may problema sa paningin iyong nagpapantasya sa
iyo. Kawawa naman.”
“Sa guwapo kong ito?” At talagang sumabay ako sa pakikipaglokohan
sa kanya. Iyon bang parang ang isang side ng pagkatao ko, iyong ma-pride, mataray
ay ang siyang nag-take over. Siguro ay dahil iyon sa klase ng pananalita niya
sa akin.
“Guwapo nga, bakla naman.” Ang halos pabulong niyang sagot.
“Ano? Anong sabi mo???” ang may pagka-irita kong tanong.
“Iyong pag-iinarte mo, parang bakla. Kaina na! Dami pang
satsat. Putragis na iyan.” Sabay bitiw ng matulis na tingin.
“Wala akong tiwala sa iyo!” ang sagot ko ring dinilatan
siya.
“Ow??? O sige bahala ka. Basta ako, sinabi ko na sa iyo na
maging mabait na ako.”
Hindi na ako kumibo. Binaligtad ko ang nakataob na plato
at sumandok ng kanin at ulam. Nang akmang isubo ko na ang pagkain, tiningnan
niya ako. Binitiwan niya ang isang nakakalokong ngiti. Iyong feeling-panalo. At
may pailing-iling pa siya.
Hindi ko na siya pinansin. Itinodo ko na lang ang pagkain.
Nagutom kaya ako.
Kinabukasan, habang nasa work siya, ginawa ko uli ang
aking routine na nakasanayang trabaho. At ang pinakapaborito kong gawin kapag tapos
na ako sa trabaho at ganoong hapon na malapit nang lumubog ang araw ay ang
magtambay sa lawn. Nagandahan kasi ako sa ambiance. Marami pa nga akong gustong
gawin kagaya ng paglalagay ng balong at maliit na pond na may mga isda. Kaso,
dahil kailangan ng permiso ito sa may-ari at di ko pa naman siya nakita kung
kaya hanggang sa plano na lang ako.
Nasa ganoon akong pag-plano upang pagandahin pa ang lawn
nang muli ay sumulpot si Arjay. “Woi! Ang lalim ng iniisip mo Kuya, ah! Mag-aasawa
ka na ba?” Ang biglang pagsingin ni Arjay sabay bawi rin ng, “Joke lang!”
Hayun biglang sumigla naman ang tahimik kong paligid dahil
sa pagka masayahin niya at pagkakenkoy. Nasa ganoon kami kasayang paghaharutan
nang dumating si Ezie at muli ay nahuli kami.
Kitang-kita ko ang biglang pagsimangot ng kanyang mukha.
Dire-diretso lang siya sa loob ng apartment. Nang sinundan ko, halos hindi
ma-drawing ang mukha. Nagdadabog. Inihagis ang kanyang bag, pati sa pagbukas ng
kanyang laptop ay padabog.
“May assignment ka, nasa laptop ko, nakabukas na iyan.
Pag-aralam mo.” Ang mataray na pag-utos sa akin nang nakita niyang sinilip ko
siya sa kuwarto niya.
“Bakit ka nagdadabog?” ang tanong ko.
“Di ba sabi ko huwag kang makipag-usap sa taong iyon?”
sabay turo sa direksyon ng apartment ni Arjay.
“Bakit? Ano bang mayroon kay Arjay na ayaw mo?”
“Ayaw ko lang. Bakit, ano ba ang mayroon kay Arjay na atat
na atat kang makipag-usap sa kanya. At kung makatawa naman kayo, para kayo lang
ang tao sa mundo. Para kayong magsyota!”
“Aba… Bakit k aba nangingialam sa mga personal na bagay?
At ano ngayon kung magsyota kami?”
Bigla siyang natigilan at nilapitan ako, ang mga mata ay
mistulang nagliliyab. “So inamin mo rin na bakla ka?”
Ako naman itong mistulang hinataw sa ulo ng isang matigas
na bagay, tila natauhan, nagsisi kung bakit iyon ang sagot ko. “W-wala akong
sinabing ganyan ah!”
“Wala kang sinabi na bakla ka, pero okay lang na magsyota
kayo?”
“Di ba ikaw naman ang nagpahiwatig na para kaming magjowa?
Di sinakyan ko. Anong pakialam mo?”
“Di ba sinabi ko na, ako ang may-ari ng apartment na ito,
at may karapatan ako sa kung ano ang ayaw ko o hindi. Hindi puwede ang bakla!”
“Hoy, Mr. Eziekel, kung dati ay hindi ako kumikibo… hindi
na pede yan ngayon. Bakit kahit wala akong binabayad na rental sa iyo,
nagtatrabaho naman ako ah. Kaya dapat magrespetuhan tayo. Hindi ako alipin
dito! Kung ayaw mo sa akin, sabihin mong ayaw mo na at aalis ako. Ayoko namang
ipagsiksikan ang sarili ko sa taong ayaw sa akin.”
“Bakla k aba???” ang sigaw niya.
“Hindiiiii!!!” ang sigaw ko rin.
Hindi siya nakakibo. Marahil ay hindi niya inaasahan na papatulan
ko siya.
“Ano, aalis na ba ako? Dahil ngayon din ay aalis ako.”
“Halika nga rito! Tapusin mo na ang assignment ko.” Ang sagot
niyang bigla ring naging mabait.
Hayun, natahimik kami. Feeling ko naman ay nanalo ako.
Iyon ang drama niya. Parang may kakaiba talaga sa kanyang
inaasta sa akin. Hindi ko maintindihan kung ganyan ba talaga ang ugali niya,
possessive o nagseselos kahit sa taong hindi naman niya jowa. Basta di ko alam.
Kahit nga kapag may message alert ang cp ko at marinig niya, titingnan kaagad
ako niyan. At kapag binasa ko ang message, magtatanong, “Sino iyan?” Lalo na
kapag tawag, nakikinig at nagtatanong pagkatapos kung sino at bakit, ano ang
pakay.
Isang beses nga tumawag ang best friend kong si Chan.
Dahil alam niya na bawal ang landian sa aking tinitirhan, kaya behave ang bakla
sa aming chikahan. Kunyari straight kaming pareho. Binibiro niya ako na makamove-on
na raw ako kay Joseph dahil sa sitwasyon ko na may ka-roommate na guwapo. Na
maiinlove din daw ako sa kalaunan. Na baka raw kami ang itinadhana. Mga ganyan.
Alam naman natin ang mga bakla. Masyadong assuming minsan, kung makapagbigay ng
moral support ay akala mo, kahit iyong lalaking tumingin lang sa iyo ay
nakatadhana na kaagad. Tapos, dahil alam kong kahit nasa labas ako ng kuwarto
ni Ezie ay alam kong nagi-eavesdrop siya, sinagot ko ang friend ko ng, “Move
on? Nandito pa ang sakit. Kung saan man siya naroon, sana ay madapa siya
ngayong pinag-uusapan natin ang burikat na babaeng iyon!” Tapos magtatawa ang
bakla sa kabilang linya. “Babae talaga gurl? Baka tamaan ka ng kidlat d’yan!”
Nang matapos na ang kuwentuhan namin sa phone ng best friend ko, hayun umepal
na ang mokong. Nagpaparinig ng, “Hindi maka-move on ha? Ang sakit-sakit ha?
Madapa?” Sabay tawa, iyong nang-iinis. Inirapan ko na lang siya. “Sabi ko na
nga ba eh.” Sa sarili ko lang.
In fairness din naman, naglevel-up rin ang pakikitungo ko kay
Ezie. Kung sa una ay parang ang estrikto niya, ang tapang, nananakot, sa
pagkakataong iyon ay may pamblackmail na rin ako sa kanya. Ako kaya ang
taga-gawa ng trabaho niya, at bilib ang kanyang boss sa mga gawa niya. Ako rin
ang tagalinis ng apartment niya, tagaluto, taga-laba, taga-pamalengke, at
impressed na impressed siya at mga kapitbahay namin dahil sa ginawa ko sa lawn
ng apartment complex. Kaya kaya ko na siyang sagot-sagutin.
Hanggang sa dumating ang birthday ko. Ako kasi, nasanay na
walang celebration kapag nagbi-birthday. Hindi uso sa pamilya namin ang ganoon.
Basta makapagsimba lang, makapagpasalamat sa mga biyaya na natanggap at sa isang
taon na nabuo, sapat na. Kaya habang nasa opisina si Ezie, ako naman ay
nagpunta ng simbahan. Pagkatapos magsimba ay dumaan ako sa isang grocery at
bumili ng ice cream, iyong ice cream cone lang, pabirthday ko sa sarili.
Pagkatapos ay sumaglit naman ako sa tulay sa may likod ng simbahan at doon ay
pinagmasdan ang dagat. Ang tulay kasi na iyon ay nasa pinakadulo ng ilog kung
saan ito dumugtong sa dagat. Doon ay ninamnam ko ang tahimik na kapaligiran.
Sinariwa ko rin ang mga nangyayari sa aking buhay sa nakaraan na isang taon,
kasama na roon ang mga nagdaan namin ni Joseph; ang mga masasayang alaala at
ang masakit na hiwalayan.
Mag-aalas 3 na ng hapon nang bumalik ako ng apartment. Nang
buksan ko na sana ang pinto, laking gulat ko nang hindi ito naka-lock. Bigla
akong kinabahan. Sa pagkaalala ko kasi ay nilock ko iyon.
Dahan-dahan akong pumasok upang silipin kung may tao sa
loob. Doon na ako nagulantang nang biglang sumulpot si Ezie at may hawak-hawak
na cake na may kandila at ang nakasulat ay “Happy birthday Jim!” Natawa rin ako
sa kanyang pustora dahil naka-birthday cap siya at naka-clown nose. “Happy
birthday to you! Happy birthday to you...!” ang kanta niya.
“Paano mo nalaman na birthday ko? Walang nakakaalam sa
birthday ko ah!” ang tanong ko nang matapos na ang kanta niya.
“Di ba sa pag-apply mo sa apartment ko, tinanong kita?”
Napaisip ako. Wala naman kasi akong naalala na tinanong
niya ang birthday ko. Ang edad ko lang ang tinanong niya. “Ganoon ba? Ang
daya!” ang sambit ko na lang.
“Make a wish!” ang utos niya.
Nagwish ako at pagkatapos ay hinipan ko ang kandila.
Dinala niya ang cake sa ibabaw ng mesa habang nakabuntot
ako sa kanya.
“At dahil ikaw palagi ang naghahanda ng mga pagkain natin,
ako muna ngayon ang maghanda sa ating munting salo-salo. Kaya relax ka lang
d’yan, maupo ka lang.” ang sambit niya habang halos hindi naman siya
magkandaugaga sa pagbukas sa tatlong karton. Binuksan niya ang unang karton,
pansit ang laman na nasa bilao pa. Ang pangalawang karton naman ay isang buong
fried chicken, at ang pangatlong karton ay pizza. Pagkatapos ay binuksan ang
nakabalot pang wine at nagtagay ito sa dalawang wine glass. Nilagyan din niya
ng kandila ang gitna ng aming mesa.
Habang pinagmasdan ko siya ay tila mangiyak-ngiyak naman
ako sa sobrang pagka-touched sa kanyang ginawa. Sa tanang buhay ko, hindi ko
naranasan ang ganoon na may isang taong talagang nag-effort na bigyan ng
importansya ang birthday ko. Noong kami pa ni Joseph, papasyal lang kami sa
mall, kakain sa restaurant o manuod ng sine.
“Ok... kainan na!” ang sambit niya nang matapos na siya.
“P-puwede ba, magpasalamat muna ako bago tayo kumain?” ang
tanong ko.
“Sure, birthday boy!”
Yumuko ako. Yumuko din siya. “Lord, maraming salamat po sa
buhay na ibinigay ninyo sa akin at sa isang taon na nabuo. Sana po ay magiging
fruitful at productive po ang buhay ko, hindi lang para sa sarili kundi para sa
mga mahal ko sa buhay at sa iba pa pong nangangailangan ng tulong. Marami rin
pong salamat sa taong nagpapahalaga sa birthday ko. Ngayon ko lang po naranasan
na may isang taong nagbigay na espesyal na atensyon sa birthday ko.” Nahinto
ako sandali gawa nang hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking mga luha.
Pinahid ko ang mga iyon. “Marami pong salamat sa kanya. Bigyan niyo po siya ng
good health, palagi niyo po siyang gabayan, at naway maging masaya siya at
magiging matagumpay sa kanyang mga plano sa buhay.”
Pagkatapos kong magdasal ay tiningnan ko si Ezie na
binitiwan ang isang matipid na ngiti, nakatingin sa akin. Iyong tingin na
parang naawa, natuwa.
“Sensya ka na, emotional lang ako. Simula pa kasi noong
bata pa ako, hindi talaga ako nagbi-birthday. Naalala ko pa, may mga birthday
ako na nasa palayan kami, nagtatanim ng palay, o nasa bundok, nangongolekta ng
panggatong o niyog.”
“O sya... wag na nating isipin iyon. Happy birthday nga,
di ba?” ang sabi niya sabay sandok sa pansit at sinubuan ako.
Nag-aalangan man, hinayaan ko siyang ipasok sa bibig ko
ang pansit at kinain ko ito. Pagkatapos, siya naman ang nagsandok at kumain
gamit ang kutsarang isinubo niya sa bibig ko. Napatitig na lang ako sa kanya.
Ang aking isip ay napahanga sa kanyang ginawa.
Nang matapos na kaming kumain, lumipat kami sa may terrace ng
apartment at doon ay nagkuwentuhan. Sinabi niya sa akin na solong anak lang
siya at may kaya sa buhay ang kanyang mga magulang. Kung tutuusin daw ay
puweding hindi na siya magtrabaho o di kaya ay mag-boss na lang siya sa isa sa
kanilang business. Ngunit sa kagustuhang maging independent at ipakita sa mga
magulang niya na kaya niyang tumayong mag-isa kung kaya ay ginawa niya ang
ganoon. Isa raw na rason kung bakit lumayo siya ay ang kanyang girlfriend.
Hindi nila siya gusto dahil kahit professional at may trabaho bilang isang
guro, ayaw nila sa kanya. Wala raw silang maipagmamalaki sa isang guro lamang.
“Wow ha… mapagmataas pala ang mga magulang mo.”
“Masakit sabihin ngunit, oo… ganyan sila.”
“At mahal mo talaga ang girlfriend mo.”
“Oo. Mahal na mahal ko ang gagang iyon.” Sabay tawa.
Natawa na rin ako bagamat sa puso ko ay may nadarama akong
selos o inggit. Ewan. Nairelate ko kasi siya kay Joseph. Ang kaibahan lang,
hanggang salita lang si Joseph. Nang ginipit na siya ng kanyang mga magulang,
hayun, bumigay na. “Ang suwerte niya sa iyo…” ang sagot ko na lang.
Tahimik.
“Bakit sobrang istrikto mo noong unang nag-apply ako sa
iyo?”
Napangiti siya. “Wala. Gusto ko lang manakot. Kala ko kasi,
kagaya ka noong unang nag-apply na wala naman palang kaalam-alam, tapos
nagdadala pa ng barkada rito. Ginawa ba namang hang out itong apartment ko. Maiingay
pa, magugulo. Tapos, kapag pinagsasabihan ko ng maayos, ako pa ang masama. Kaya
mabuti na iyong sa simula pa lang, alam na niya na ako ang boss dito.”
“Eh bakit ngayon bigla kang bumait sa akin?”
“Wala eh. Ewan. Gusto ko iyong ugali mo, iyong kasipagan
mo.” Nahinto sandali. “Mabait minsan, tahimik, pero mataray din. Tapos kapag
inaaway ko, palaban.”
“Weeh. Ikaw yata itong mataray eh. Pagbawalan ba naman ako
nang kung anu-ano…”
Hindi siya kumibo. Tinitigan lang ako, iyong titig na
parang nakakaloko. Tumayo siya, tinumbok ang kusina at nang bumalik ay
dala-dala ang may sampung beer na inilagay sa isang balde na puno ng ice.
Binuksan niya ang isa at tumungga. Nagbukas uli ng isa at iniabot naman iyon sa
akin.
“Marami na ang naimom mo ah! Lasing ka na ata.” Ang sambit
ko.
“Kaya ko pa naman.” Ang sagot niya bagamat halatang parang
bata na siya kung magsalita, nauutal at ang mga mata ay mapupungay na.
Tahimik.
“Bakit mo ako pinagbawalan na makipag-usap kahit kanino?”
ang paggiit ko sa tanong.
“Gusto mo talagang malaman?”
“Oo naman.”
Naghintay ako sa kanyang sagot nang bigla naman siyang
sumuka atsaka bumulagta sa sahig. Sa gulat ko ay dali-dali ko siyang
inaalalayan upang makaupo sa silya. Ngunit muli siyang sumuka. Nagkalat ang
suka niya, pati na sa kanyang damit. Tila wala na siyang malay sa sobrang
kalasingan.
***
No comments:
Post a Comment