Followers

Saturday, March 10, 2018

Kuya Renan 28 (Last Part)

By Michael Juha
getmybox@hotmail.com

***


“Babe! Babe!” ang narinig kong sambit ni Kuya Renan. “Anong nangyari sa iyo” Ba’t ka nagsisigaw at humihikbi?”

Doon na ako nahimasmasan bagamat patuloy pa rin ang pagdaloy ng aking mga luha. “Kuyaaaaaa!” ang sigaw ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit. “Ayokong mawala ka, Kuya! Ayaw kong iwanan mo ako!!!” ang sambit ko habang niyakap siya nang mahigpit.

“Ano ba iyang pinagsasabi mo?” ang tanong niyang naguluhan sa pag-iiyak at paghihikbi ko.

“Nanaginip ako. May babae ka raw sa panaginip ko! At totoong-totoo ito! Binaril ka niya sa ulo, kuya at namatay ka!”

Sinuklian niya ang yakap ko. “Hindi mangyayari iyon dahil una sa lahat, wala akong girlfriend. Boyfriend mayroon. At nag-iisa lang siya, ikaw iyon. Pero girlfriend, hmmmm. Sandali, parang marami pala sila eh.” Ang biro niya.

“Huwag kang magbiro ng ganyan Kuya! Parang totoo sa panaginip ko na may masamang mangyayari sa iyo!” At doon ko na ikinuwento sa kanya ang detalye ng aking panaginip.

“Huwag ka ngang mag-alala. Hindi totoo ang panaginip.”

“May mga panaginip akong naging totoo, Kuya! Iyong pinakauna kong pagpunta ng Maynila, napanaginipan ko iyon. Nasa panaginip ko lahat ang porma ng mga building na una kong nakita sa pagpunta ko ng Maynila. Noong bago nagkasakit ang inay, nakita ko sa panaginip ko na dinadaing niya ang sakit sa kanyang dibdib. Masakit na masakit daw hanggang sa nawalan siya ng malay-tao. Iyon na pala iyon, may breast cancer siya… at iyon ang ikinamatay niya. At may ilan pa akong panaginip na naging totoo.”

Hinigpitan ni Kuya Renan ang yakap niya sa akin. Hinaplos niya ang aking buhok at hinalikan ako sa pisngi. “Puwes, hindi kita iiwan. Nandito lang ako para sa iyo. At hindi natin papayagang magkatotoo ang panaginip mo.”

“Promise iyan, Kuya ah.”

“Promise.”

Halos hindi na ako nakatulog sa buong magdamag. Hindi na rin ako bumitiw sa pagkakayakap ko kay Kuya Renan sa sobrang takot na baka magkatotoo nga ang aking panaginip.

Lumipas ang ilang araw at linggo. Nalimutna ko na ang panaginip kong iyon. Normal na ang lahat ng takbo sa buhay namin ng aking pamilya. At ang tinutukoy kong pamilya ay sina Kuya Renan at Jimjim, si Ms. Clarissa, at si Jake.

“Nagkagulo ang mga babe at baklang empleyado ng steel company natin nang ipinakilala ko kayo kanina na mga anak ng namayapang may-ari, ah! Kinikilig sila. Ang guwapo-guwapo raw pala ng mga anak ng may-ari ng kumpanya nila.” ang sambit ni Ms. Clarissa, ang pagtukoy niya sa akin at kay Jake. Nasa hapag-kainan kami noon, naghapunan.

“Oo nga… may narinig pa nga ako, ang sabi ang sarap daw ipa-kidnap lalo na si Bugoy.” Ang sambit ni Kuya Renan.

Inismiran ko naman si Kuya Renan. Alam kong kinakantyawan niya ako dahil sa takot ko sa panaginip kong iyon. “At ano naman ang gagawin nila sa akin?”

“Gagawin ka raw nilang stuffed toy. Mas cute ka raw kasi kapag stuffed toy ka!”

Tawanan.

Tumayo naman ako at kinagat ang leeg ni Kuya Renan. Sinuklian lang niya ako ng halik. “Mwah!”

“Bakit kaya sa akin ay walang kinilig?” ang pagsingit naman ni Kuya Renan. Naibalik na kasi si Kuya Renan sa kanyang dating puwesto bilang Sr. Manager ng steel company.

“Anong wala? May narinig din akong sabi nila na ipa-kidnap ka rin daw nila eh!” Ang pagsingit ko rin.

“Anong gagawin nila sa akin?” ang tanong ni Kuya Renan.

“Gagawin ka raw nilang chorizo. Masarap ka raw kasing i-ulam sa kanin.”

Tawanan.

“Tinira ka ‘Tol, ah!” ang sambit ni Jake kay Kuya Renan.

“Si Jake ano naman ang narinig mo sa kanya?” ang tanong ni Kuya Renan sa akin.

“Ah iba ito…” ang sagot ko habang itinuturo si Jake.

Tininingnan ako ni Jake. “Ayusin mo ang sagot, yari ka sa akin mamaya pag nagkamali ka.” Ang pananakot niya.

“Ang narinig ko ay gusto nilang kidnapin si Jake upang…”

“Upang ano?” ang pag-follow up ni Jake.

“Gawing rebolto. Ilalagay daw nila siya sa altar, pauusukan ng maraming kandila, dadasalan at pagkatapos ay luluhuran.”

Tawanan. Nilingon ako ni Jake habang binitiwan ang isang nakakalokong ngiti. “Luluhuran ha?”

“Oo.” Ang sagot ko. Alam kong malaswa ang nasa kanyang isip. “Pero ipako ka raw muna nila sa krus bago ilagay sa altar at luhuran.”

Tawanan uli.

“Haisst. Masalimuot talaga ang buhay natin ano?” ang sambit ni Ms. Clarissa. Tila isang nobela, isang fiction, isang kuwento na nababasa lang sa libro.

“Sobra Tita.” Ang sagot naman ni Jake.

“Pero at least… nalampasan din natin ang lahat. At salamat sa inyo dahil kayo ang nagpaurong sa kaso na inihain ng inyong ama laban sa akin.” Ang sambit ni Ms. Clarissa.

“Walang anuman po iyon, Tita. Para sa amin, hindi kayo deserving na makulong.”

“At si Elvira ay napawalang-sala rin. Buo na uli ang pamilya natin…” nahinto siyang muli. “Bagamat, namatay ang ama ninyo… iyan lang ang nakakalungkot na parte.”

“Sana naman din Tita ay naiintindihan niya tayo, naiintindihan niya ang sitwasyon. At sana ay napatawad na rin niya tayong lahat upang maging mapayapa na siya, saan man siya naroon ngayon.” Ang sagot ni Jake.

“At alam kong nagkita na rin sila ng inay ngayon. At least, magkasama na sila. May nabasa kasi ako, ang sabi ay kapag spirit na raw tayo, hindi na natin iniintindi pa ang mga bagay-bagay sa mundo at puro na lang kapayapaan ang nasa isip, puro pagmamahal, puro kagandahang-loob. Kaya kung ganoon, alam kong magiging masaya na sila ng inay sa kabilang buhay.” Ang sabi ko naman.

“Tama ka, Bugoy. Masaya na sila sa kabilang buhay. Iyan na lang ang ating ilagay sa ating isipan.”

“At gusto ko rin na isang araw ay ipagtabi ko ang mga libingan ng inay at Dad.” Ang dugtong ko.

“Magandang ideya iyan, Bugoy.” And pagsang-ayon ni Ms. Clarissa. “Sana ay tuloy-tuloy na ang ganitong kalagayan natin na masaya na tayo.”

“Syrempre, Tita. Basta palagi tayong supportive sa isa’t-isa at kuntento sa mg abagay-bagay, magiging okay pa rin ang lahat.” Ang sambit naman ni Jake.

Iyon ang akala namin.

Ngunit walang perpekto sa buhay. Kagaya lang din ng panahon. Minsan ay maulan, minsan ay mahangin. May panahon ng baha, may panahon ng bagyo, may panahong sakto lang. At may panahon ding iyong sinasabing “Calm before the storm” at “Calm after the storm.”

At ang masaklap pa niyang ay kapag ang isang bangungot ay nagkakatotoo …

Disyembre. Last day na iyon ng first semester. Sa private school kasi kung saan ako nag-enrol ay Disyembre ang kanilang huling buwan ng unang semestre. Galing ako sa eskuwela noon at naglalakad patawid ng kalsada. Sa di ko inaasahan, may biglang sumulpot na puting van sa aking harapan sabay labas naman ng isang lalaki mula sa loob nito at puwersahang hinila ako papasok. Sobrang bilis ng pangyayari na hindi man lang ako nakasigaw at nakapalag.

Nang nasa loob na ako ng van, may biglang nagtakip ng panyo sa aking mukha at nalanghap ko ang amoy na masangsang. Hindi ko alam kung ano iyon. Iyon na ang huli kong natandaan.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay-tao ngunit nang nagising ako ay nakahiga akong patihaya, nakatali na ang aking mga kamay sa aking harapan at ang aking mga paa ay nakatali mula sa aking bukong-bukong patungo sa aking binti. Halos hindi ako makagalaw. May piring din ang aking mga mata. Hindi ko alam kung saan ako naroon. Wala akong ideya.

Pinilit ko ang aking sariling kumawala ngunit mahigpit ang pagkakatali nila sa akin. Sinubukan kong makaupo na nakasandal ang likod sa dingding. Nang may narinig akong mga boses, doon ako sumigaw. “Tulong! Tulong poooo!!!”

Biglang nahinto ang kanilang pag-uusap. Natahimik.

Maya-maya ay may narinig akong mga yabag palapit sa akin. “Huwag kang maingay kung ayaw mong paputukan ko ang ulo mo! Sasabog iyan, sige ka!” boses ng isang babae!

“Ba’t ba ninyo ako kinidnap?!!”

“Sagabal ka sa pagmamahal ko kay Renan!”

Mas lalo pa akong kinabahan. Naalala ko ang aking panaginip. “Bakit sino ka ba?” ang tanong ko.

“Gusto mong malaman? Ako si Mariel! Ang girlfriend ni Renan sa Gensan! At dahil ikaw ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Renan sa Gensan, dapat na pahihirapan kita bago patayin!”

“Alam ba ito ni Kuya Renan na kikidnapin ninyo ako?”

“Malamang dahil hindi ka na makakauwi eh, di ba?” sabay pakawala ng isang mala-demonyong haklakhak.

“Pakawalan ninyo ako, please…”

“Hah! Pagkatapos mong agawin si Renan sa akin! Pagkatapos akong makunan sa aming baby dahil sa matinding lungkot na pinagdaanan ko sa pag-iwan niya sa akin, ganoon na lang?! Pahihirapan muna kitang demonyo ka!! At dahil anak-mayaman ka kailangan din naming magkapera. Mas mabilis ang pera sa ganitong negosyo. Atsaka, sa dami ba naman ng pera mo, siguradong bibigay din ang iyong pamilya. Kaya huwag kang maingay dahil hindi ka namin gagalawin sa ngayon maliban na lang kung magtangka kang tumakas o mag-iingay ka, o kung magsusumbong ang pamilya mo sa mga pulis. Nagkaintindihan ba tayo?!!!”

Hindi ako sumagot. “Tanggalan niyo na lang ako ng piring at tali. Hindi ako tatakas po.”

“Hindi puwede!!! Para ano? Para makilala mo kami?! Akala mo maiisahan mo kami! Hindi!!!”

“Pakawalan ninyo ako! Pakawalan ninyo ako!!!”

“Aba’t… ang ingay-ingay nito!” Naramdaman kong nilapitan ako ng nagsasalitang kasamang lalaking kidnapper dahil hinawakan niya ang aking panga. “Ang sarap pala nitong halikan! Makinis at parang babae ang mga labi. Mapupula!”

Nagtatawanan ang iba pang lalaki. Naramdaman ko ang mga yabag na lumalapit sa kinaroroonan ko. “Puwedeng-puwede nga, pare!” ang sambit ng isa.

“Nakakalibog naman!” ang dugtong din ng isang lalaking kidnapper.

“Payag kami!” ang sigaw rin ng iba. Tila nasa lima o anim silang katao.

“Pakawalan ninyo ako!!! Pakawalan ninyo ako!!! Pakawalan ninyo ako!!!”

Isang malakas na sampal ang tumama sa aking pisngi na tila mawalan ako ng ulirat.

“Gusto mong makatikim ng mas mahigit pa sa sampal gaya nito?” At tumama uli sa kabila kong pisngi ang isang masakit na sampal. “Sumigaw ka lang o mag-iingay at marami kaming sasampal at bubugbog sa iyo!”

Hindi na ako umimik pa. Umiyak na lang ako.

Muling may humawak sa aking panga at binulungan ako sa tainga. “Kung ayaw mong tirahin kita sa puwet, huwag kang magpapansin ha? Nalilibugan ako kapag sumisigaw ka. At kapag niyari kita, sigurado akong susunod ang lima ko pang kasama. Kaya mong tirahin sa puwet ng mga titi ng barako?” ang tanong niya. “Boss, puwede ko bang tirahin sa puwet itong karibal mo sa pag-ibig?” ang pagpapaalam niya sa kanyang boss na babae.

“Puwedeng puwede! Di naman virgin iyan eh. Sa laki ba naman ng ari ng hayop na Renan na iyon, siguradong laspag na iyang tumbong niyan. Kahit sabay-sabay ninyong i-rape iyan, matutuwa iyan!”

Tawanan.

Tinampal niya ang aking puwet. Malakas.

“Araykopo!”

“Nanggigil na ako sa iyo. Ang ganda ng puwet mo!” ang sambit niya.

Hindi ako kumibo. Tinanggal niya ang paghawak sa aking panga atsaka narinig ko ang mga yabag na papalayo. Walang ibang nasa isip ko sa sandaling iyon kundi sina Kuya Renan, Jimjim, Ms. Clarissa, at Jake. Iniisip ko na sana ay alam nila ang aking lokasyon at ma-rescue nila ako.

Tumahimik na lang talaga ako. Pigil ang pag-iyak.

“Hahalikan ko nga, ipatikim ko sa kanya ang sampol ng halik ko!” ang sambit ng isa.

At narinig ko uli ang yabag patungo sa akin. Hinawakan niya ang aking panga at idiniin ang hinlalaki at gitnang daliri sa magkabilang pisngi sa lugar kung saan nagkasalubong ang dulo ng pang-itaas at pang-ibabang ngipin at puwersahang idiniin iyon, dahilan upang mapabuka niya nang bahagya ang aking bibig.

Kahit nasa ganoong sitwasyon ako kung saan ay pilit na nakabuka ang aking bibig, pilit ko rin itong isinara. Ngunit nakapasok na ang kanyang dila, kasama ang malagkit at malambot ngunit manamis-namins na hindi ko mantindihang bagay. Nang tuluyang nakapasok ang bagay na iyon sa aking bibig, nilaro-laro pa niya ang kanyang dila sa loob ng aking bibig, ikiniskis sa aking gilagid, at sinisipsip-sipsip ang aking dila.

Hinid ako halos huminga habang ginagawa niya iyon. Narinig ko naman ang pagsisigawan ang kanyang mga kasama. Nang tinanggal niya ang kanyang bibig mula sa paglalaro niya sa bibig ko, doon ko na naamoy ang kakaibang baho. “Ang baho! Ang baho ng bibig mo! Amoy ebak!” ang sigaw ko.

Mas lalo pang lumakas ang kanilang tawanan. Ako naman ay sumuka. “Mga salbahe kayo! Ano iyon?!!”

Halos hindi sila matigil sa pagtatawa.

“M-magkano ba ang hiningi ninyong pera pantubos sa akin?”

“20 Million.”

“Ang laki noon ah!” ang sambit ko.

“Ininsulto mo ba ang sarili mo?!” ang sigaw ng kidnapper at kasabay din sa paglapag ng isang malakas na sampal sa aking pisngi. “Dapat nga ay hindi ka papayag na 20 million lang eh. Mas mababa lang ba sa 20 Million ang halaga mo?!”

“Hindi kami ganyan kayaman!”

“Anong hindi? Sinungaling ka!”

Maya-maya lang ay may naamoy akong pagkain. May narinig na naman akong mga yabag na papalapit. “Kumain ka!” ang utos ng kidnapper.

“Paano ako makakakain kung ganitong may tali ako?” ang daing ko.

At naramdaman sa aking bibig ang pagkain. Inamoy ko muna iyon. Baka kasi pinaglalaruan lang ako. Ngunit dahil gutom at naamoy ko naman na amoy pagkain siya, ibinuka ko ang aking bibig at kinagat ang isinubo niyang pagkain. Hamburger nga ito. Tahimik kong kinain ito. Hindi rin nagsalita ang kidnapper. Hanggang sa naubos ko ang pagkain. Muli na naman niyang idinampi sa aking bibig ang nakabukas na ulo ng bote ng tubig. Uminom ako.

Pagkatapos kong kumain, narinig kong nagkuwentuhan ang mga kidnapper. “Bukas ay tutubusin na ito. At dadalhin na natin sa isang lugar na pinagkasunduan. Dapat lahat tayo ay alerto sa mga dapat gawin upang hindi tayo mabulilyaso.” Ang sambit ng babaeng lider nila.

“So bale kapag ang pera ay naibigay na kay Hunter, itawag kaagad kay Sniper na nasa kanya na ang pera. At ‘Bang!’ babarilin kaagad ito.” Tumawa pa ng malakas. “Tapos tatakas na tayo sa nakahanda na getaway na motorcycle na dadalhin naman ni Biker. Ang getway vehicle naman ni Hunter ay naka parada lang sa labas ng kabilang building. Aakyatin lang ang pader at nasa deretso takas na. Ang pera ay dapat makita muna kung totoo, o wala bang lokohan. Kapag na secure na, sasabihin ang lugar kung saan nila makukuha ang hostage. Basta ang objective ay una, kunin ang pera. Pangalawa, patayin ang hostage. At pangatlo, successful na pagtakas. Entiendes?” ang paliwanag ng babae na nagpakilalang Mariel.

“Copy boss!”

“Good!”

“Matulog ka na. Bukas ay may pupuntahan tayo, tutubusin ka na raw ng mga kamag-anak mo.” Ang sambit ng mga kidnapper pagkatapos nilang mag-usap.

May tuwa akong nadarama sa narinig. At may takot din na baka kinabukasan ay iyon na ang aking huli. Ngunit may plano rin ako. Dahil alam ko na papatayin nila. Maghanap ako ng paraan at tyempo upang maka-eskapo. Bahala na. Kung papatayin lang nila ako. Baka may pag-asa pa akong mabuhay kapag tumakas ako.

Dahil hindi nila tinanggal ang piring sa aking mga mata, hindi ko alam kung anong oras na iyon. Basta nakatulog ako at nagising na lang sa ingay ng kuwentuhan at tawanan ng mga kidnapper.

“Gising na! Ito na ang huling araw mo sa mundong ibabaw. Kaya bago ka namin ibalik sa Kuya Renan mo, dapat ay nakabihis ka ng maayos. Ayaw naming sabihin ng taong mahal mo na pinabayaan ka namin. Pero bago iyan, papaliguan ka muna namin.”

Pinatayo nila ako atsaka dinala sa isang kuwarto. Nagpumiglas man ako ay wala akong nagawa. Ang hinintay ko na lang ay ang pagtanggal nila sa aking tali. Syempre, huhubaran ako at bibihisan, kailangang walang tali ang mga kamay at paa ko.

Ngunit may iba pala silang plano. Ang ginawa nila ay pinasinghot na naman ako ng pampatulog. Kagaya ng nakaraang araw, isang chemical din na idiniin nila sa aking bibig at bigla na lang akong nawalan ng malay. Wala na akong kaalam-alam sa kanilang ginawa sa akin.

Hindi ko alam kung ilang oras akong hindi nagkamalay. Nang magising ako ay nakaupo na ako sa tila isang van na umaandar. Ramdam ko ring bago na ang aking suot na mistulang long sleeves na makapal at ang aking sapatos ay may katigasan, hindi kagaya ng sinuot ko sa araw na kinidnap ako na rubber shoes lang. Ngunit hindi pa rin ako makagalaw gawa ng may tali pa rin ang aking mga kamay at ang aking mga mata ay may piring at may busal na ang aking bibig. Hindi ako makagalaw, hindi makakakita, hindi makasigaw.

Narinig ko ang pag-uusap ng mga kidnappers. “Huwag kalimutan, hunter, hihintayin ni Sniper ang tawag mo bago niya titirahin ang hostage natin.” Ang sambit ni Mariel.

“Copy boss.”

“At sniper, tandaan mo, sa noo dapat ang tama upang isang bala lang ay tumba kaagad iyan. At may silencer ang baril, huwag kalimutan.”

“Copy boss.”

“Kami ay nasa labas lang at kunyari at magmamanman at hindi magpahalata na kasama sa grupo natin. Ang getaway motorcycle ay dapat handa at nakaandar na ito, Biker 1 at Biker 2.”

“Copy Boss.” Ang sabay na sagot din ng dalawang kidnappers.

“Gising na ba ang ating hostage?” ang tanong ni Mariel.

“Gising na boss. Nakita kong gumagalaw na. Nakikinig lang sa atin iyan.”

“Good. At okay naman ang suot niya, ano.”

“Okay na okay, boss. Bagay na bagay sa kahit anong style ng kabaong ang paglalagyan sa kanya.”

Tawanan.

Maya-maya ay huminto ang aming sinasakyan. “Narito na tayo!” ang sambit ni Mariel.

Naramdaman kong may lumapit sa akin at nilagyan ng ear plugs ang aking dalawang tainga. Pinatayo ako, inalalayan upang makalabas ng sasakyan. Nang nasa labas na ay inalalayan muli akong maglakad ng halos 100 metros. Doon na ako pinahinto.

“Tayo ka lang diyan.” Ang utos sa akin.

Doon na ako muling kinabahan. Sa isip ko ay kasalukuyang nag-abutan na marahil ng pera sa puntong iyon at hinihintay na lang ng sniper ang hudyat ng pagbaril niya sa akin.

Tatakbo na sana ako nang bigla na lang may lumapit sa akin at hinawakan ang aking kamay. “Huwag kang tumakbo. Ligtas ka na.” Ang sabi niya habang tinanggal ang pagkakatali sa aking kamay. Pagkatapos ay tinanggal naman niya ang busal sa aking bibig at ang earplug sa aking tainga.

Nalito ako sa nangyari. “Nahuli na ba ang mga kidnappers?” ang tanong ko.

“Oo… Silang lahat ay nahuli na.” Ang sagot ng lalaki.

Doon na ako nagtatalon sa tuwa. Dali-dali kong tinanggal ang aking piring. Dahil matagal din akong nakapiring tinakpan ko muna ang aking mga mata sa aking palad dahil nasisilaw ako sa liwanag.

Ngunit nang unti-unti kong hinawi ang aking kamay na nakatakip sa aking mga mata, laking gulat ko nang makita ko ang paligid. Nasa harap pala ako ng may nasa 200 katao at karamihan sa kanila ay mga kaibigan at kaklase ko. Nang tiningnan ko ang aking likuran, isa itong altar. Nasa isang simabahan ako na puno ng mga palamuti, mga bulaklak, iba’t-ibang kulay ng balloons at ribbons. At nang mag gumalaw sa may bubong ng simbahan, unti-unting lumantad ang isang banner na may nakasulat, “Happy Birthday Bugoy!”

Halos maiyak ako sa nakita. Ngunit ang mas ikinagugulat ko ay ang nakasulat pa sa ibaba na mas malaki ang mga letra, “Renan-Bugoy Nuptial”. Doon na ako napatakip sa aking mga mata at di ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Humagulgol ako. At sabay sa aking paghagulgol ay nagsilaglagang mga confetti at ang nakakabinging pagpalakpakan ng mga kabibigan at bisita.

At lalo pa nang tumugtog ang piano kung nasaan ay si Ms. Clarissa mismo ang tumugtog. At nang nakita ko kung sino ang kakanta, lalo pa akong napaiyak. Si Kuya Renan ang kumanta habang nakatingin sa akin.

Loving can hurt, loving can hurt sometimes
But it's the only thing that I know
When it gets hard, you know it can get hard sometimes
It is the only thing that makes us feel alive

We keep this love in a photograph
We made these memories for ourselves
Where our eyes are never closing
Hearts are never broken
And time's forever frozen still

So you can keep me
Inside the pocket of your ripped jeans
Holding me closer 'til our eyes meet
You won't ever be alone, wait for me to come home

Loving can heal, loving can mend your soul
And it's the only thing that I know, know
I swear it will get easier,
Remember that with every piece of you
Hm, and it's the only thing we take with us when we die

Hm, we keep this love in this photograph
We made…

Lalo pang lumakas ang aking paghagulgol habang patuloy ang kanyang pagkanta at nakatingin sa akin. Iyon bang feeling na tila sobrang touched, na iyong mga pinagdaanan namin ay nanumbalik, mga masasakit at masasaya at ang lahat ng ito ay nasa liriko ng kanta na kanyang inaaalay at ang mensahe ay kahit “loving can hurt” ngunit iyan lang ang alam niya at ang isang bagay na nagpaalala na buhay kami. Iyong pag-ibig namin na ilalagay sa isang “photograph” upang palagi naming maalaala, iyong mga matatamis, masasayang alaala at ang mga natututunan namin at na maaari ko siyang ilagay sa aking bulsa at hindi na ako mag-iisa.

Para akong isang baliw na na nakangiti habang humihikbi na nakatingin sa kanya habang kumakanta. Parang sobrang hindi ako makapaniwala. Tila isang panaginip lang ang lahat.

Nang tiningnan ko si Ms. Clarissa na nakangiti habang tinugtog ang piano, tila nakita ko ang aking inay na katabi niya at masayang-masaya na nakatingin din sa akin. Kulang ang mga salita upang ilarawan ang aking tunay na naramdaman sa sandaling iyon.

Nang ibinaling ko naman ang paningin ko sa center aisle, nakita ko na nagmartsa sina Jake, Mico, Ken, James, Alex na kaibigan ni Kuya Renan sa Gensan, at lima pang mga lalaking dati naming classmate noong high school pa ako sa Tuguegarao. At ang nasa pinakadulo ay sina Churva na nakadamit babae at si Anne. Lahat sila ay kumaway sa akin at nakangiti, iyong ngiting parang nakakaloko, na tila may alam. “Mamaya lang kayo!” ang sigaw ko sa kanila.

Nakita kong nagtawanan sila.

Nang matapos ang pagkanta ni Kuya Renan ay tumayo naman ang mga dancers na nag flash mob noong mag-propose si Kuya Renan sa akin sa mall. Natuwa ako nang makita ko silang muli. Akala ko ay hindi na talaga matutuloy ang lahat.

Pinatugtog muli ni Ms. Clarissa ang piano at kumanta ang mga singers na kinontrata ni Kuya Renan. Emosyonal uli ako. Napaka meaningful din kasi ng kanilang kinanta ang “On This Day” ni David Pomeranz –

Here we stand today
Like we always dreamed
Starting out our life together
Light is in your eyes
Love is in our heart
I can't believe you're really mine forever

Been rehearsin' for this moment all my life
So don't act surprised
If the feeling starts to carry me away

On this day, I promise forever
On this day, I surrender my heart
Here I stand, take my hand
And I will honor every word that I say
On this day

Not so long ago, this earth was just a field
Of cold and lonely space without you
Now everything's alight
Now everything's revealed
And the story of my life is all about you

So if you feel the cool winds blowing through your nights
I will shelter you, I'm forever here to chase your fears away

On this day, I promise forever 
On this day, I surrender…

Napaluha na naman ako sa kanta. Napaka meaningful nito at akmang-akma sa aming pag-iisang dibdib ni Kuya Renan. At nabanggit pa sa isang linya ng kanta, “The story of my Life is all about you...” Napatingin ako kay Kuya Renan na sandaling iyon ay nasa dulo na ng center aisle. At muli akong humikbi. Napakaganda ng kantang pinili niya. Naglalahad ito ng kuwento ko, ng kuwento ng pag-ibig namin ni Kuya Renan, at kung ano kahalaga ang papel na ginampanan ng isang “Kuya Renan” sa buhay ko.

Nakita ko si Jimjim na nagmartsa sa center aisle, hawak-hawak ang kamay ng kanyang ama, dala-dala niya ang isang pulang box na nakapatong naman sa kulay pula at hugis-puso na sapin. Naka itim na tuxedo si Jimjim na may pulang rosas na nakasukbit sa harapang bulsa, itim ang kanyang suot na pantalon at ang kanyang itim na sapatos ay mistulang madudulas ang langaw sa kintab. Litaw na litaw ang kapogian ni Jimjim sa kanyang suot, lalo na’t nakangiti siyang nakatingin sa akin, halata ang excitement sa kanyang mga mata. Napaka-guwapong bata.

Ngunit doon na tila natunaw ang aking puso sa pagkakita ko kay Kuya Renan. Ternong-terno ang kanilang suot ni Jimjim. Litaw na litaw din ang kanyang kapogian na nakangiting nakatingin sa akin. Dala-dala niya ang malaking kumpol ng mga bulaklak.

Mistulang mawalan ako ng malay sa sobrang tuwa at pagka-touched sa mga ginagawa niya sa akin habang nakatayo lang ako sa may altar at pinagmasdan siya. Tila nakalutang ako sa mga ulap sa langit.

Nang nakarating na sila ng altar, ibinigay ni Kuya Rrenan sa akin ang dala niyang bulaklak. Abot-tainga ang kanyang ngiti. Nakakaloko. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.

“May utang ka sa akin!” ang bulong ko sa kanya.

“Babayaran ko mamaya.” Ang sagot niyang nakangisi pa rin.

“Hi Jimjim!” ang baling ko kay Jimjim sabay haplos sa kanyang pisngi.

Kumaway ang bata sa akin, bakas sa kanyang ngiti ang ibayong saya, “Hi papa Levi!” ang sagot niya. Nag-freeze ako sandali sa pagkarinig sa pagbati niyang iyon sa akin. “Oo nga pala. Papa na rin pala niya ako.” Sa isip ko lang. Yumuko ako at kinarga siya, hinalikan siya sa pisngi. “Papa mo na rin pala ako ah? Proud ako na naging papa mo.”

“Ako rin po. Proud po ako at happy na papa na kita Papa Levi.”

Nang nagsimula na ang pastor sa seremonya sa kasal, kunyari ay nagpalingon-lingon ako sa mga tao. Nang napansin ito ni Kuya Renan nagtanong siya. “Anong nangyari.”

“Wala, baka lang biglang susulpot na naman ang salbaheng Mariel na iyon. At baka totohanan na niya talaga sa pagkakataong ito.”

Natawa si Kuya Renan. “Wala na iyon. Guni-guni mo lang ang lahat.”

***

Sa isang mamahaling hotel idinaos ang reception. Doon na nagkabukingan ang lahat. Ang gumanap palang mga kidnappers ay sina Mico, James, Alex, ang best friend na Enginer ni Kuya Renan sa Gensan, si Ken, at dalawang “hired goons” na may malalaking pangangatawan na in-charge daw kapag manlaban ako. At ang gumanap na Mariel ay si Churva.

At pakana ang lahat ni Kuya Renan kung saan ay ibinase ang script nila sa kuwento ko sa kanya tungkol sa aking panaginip.

Halos hindi sila magkandaugaga sa pangangantyaw nila sa mga kabulastugang ginawa nila sa akin. “Sabi ko na nga eh! Napansin ko kasing bakla ang tinig ng Mariel na iyon eh!”

Tawanan!

“At sino sa inyo ang sumampal sa akin! Ang sakit noon ha! Mga hayop kayo!”

Nagturuan sina James at Ken. “Sabi kasi ng aming “hired goons” at consultant na lakasan daw ang pagsampal para kapani-paniwala. Pero ang totoo niyan, pigil kaming pinagtatwanan nila habang gingawa namin ni Ken iyon.” Ang sabi ni James.

“Langya. Muntik nang mabasag ang panga ko sa lakas! Mamaya... kayo naman ang pagsasampalin ko.”

Tawanan.

“At sino naman ang nagbanta sa akin na i-rape ako?”

Tumaas ng kamay si Churva, iyong kalmante lang na tila hindi siya interesado naka-focus lang sa pagkain.

Nagtawanan ang lahat.

“Ikaw???”

“Oo. Pinilit kong maging lalaki talaga ang boses ko.”

“Special request niya iyon, Tol.” Ang sambit naman ni James na abot-tainga ang ngiti.

“At ikaw, James, ano ang papel mo sa akin?”

“Ako ang humalik sa iyo at sumigaw ka ng ‘Amoy ebak ang hininga mo!’”

Tawanan.

Natawa na rin ako. “Ano ba iyon?” ang tanong ko.

“Pinakain nila ako ng durian bago makipaghalikan sa iyo!”

“Sabi ko na nga ba eh! Pero grabe ang halik mo ha? With feelings!”

“Eh sabi ay totohanan daw eh!”

“Ano kamo? With feelings?” ang tanong ni Kuya Renan.

“Wala, talang kailangang ipasok niya ang durian sa loob ng bibig ko eh.” Ang sagot ko naman.

Sandali, heto, hindi ko talaga mapatawad. “Sino ang nagsabi na laspag na ang tumbong ko? Sino? Hahambalusin ko ng silya!”

Nagkatinginan silang lahat kay Churva.

“Ako nga. Part ng script ko iyon eh.”

Tawanan uli.

Halos hindi kami matapos-tapos sa kakatawa sa mga pinaggagawa nila sa akin. Pero masaya, sobrang saya.

Ngunit may napansin lang ako sa grupo. Maliban kina Jake at Mico na kimumpirma na ang ang relasyon sa amin, si Ken at James naman ay sobrang close na sa isa’t-isa na tila may tinatago.

At si Churva, may dalang isang bagets na sweet na sweet rin sa kanya. Hinid ko alam kung san siya kumuha ng gayuma.

At si Anne, may dalang boyfriend na isang guwaposng Chinese.

***

Ngayong taon ay ga-graduate na ako sa kursong Business Administration. Either mag-MA ako or tutulong sa family business namin na pinamahalaan nina Ms. Clarissa, Jake at Kuya Renan pagkatapos ng graduation. Siguro pag-usapan pa namin ni Kuya Renan.

Si Jimjim? Grade 5 na siya at kasalukuyang palaging nasa top 1 ng kanilang klase. Ganoon pa rin siya. Mabait na bata, masipag, maalalahanin, at mapagmahal.

Marami nang nagbago sa amin simula nang ikinasal kami. Ngunit ang pag-ibig namin ni Kuya Renan ay nanatiling matibay at matatag.

Alam ko na habang buhay pa kami, marami pa ring unos ang aming susuungin. Ngunit kung nagawa naming lampasan ang mga matitinding dagok na pilit bumasag sa aming pag-iibigan, sigurado akong kaya rin naming pagtagumpayan ang ano mang hamon na haharapin. Hanggang matibay ang tali na nagbigkis sa aming dalawa, walang ano mang lakas ang maaaring sumira sa aming pagmamahalan.

Wakas.

***

Author’s Note:

Maraming salamat sa mga simubaybay sa kuwento nina Kuya Renan at Bugoy. Mahigit 2 taon ko ring itong binuno dahil minsan walang oras at higit sa lahat, halos mawalan na ako ng inspirasyon na ituloy pa ito. Ngunit dahil nakita ko namang maraming nag-aabang at nangungulit, kung kaya “napilitan” akong tapusin.

Sorry sa mga nasaktan ko, sorry sa mga nag-antay at nagalit dahil sa tagal at on-and-off na pagsusulat. Hindi ko alam kung anong excuse but tao lang din ako na may mga sariling personal concerns at priority, lalo na sa paghahanapbuhay.

Pasensya na rin sa mga mali-maling spelling, grammar, usage minsan. Wala na talaga akong time na mag-edit, dagdagan pa na tamad talaga akong magbasa, kahit sa sariling akda ko. Once tapos, ayoko nang balikan if possible.

Anyway, salamat sa pagsama ninyo sa akin sa ating paglalakbay sa pamamagitan ng kuwento ni Kuya Renan at Bugoy. Naway magsama uli tayo sa sunod pang kuwento.

Speaking of kuwento, i-promote ko po ang “TOK-HANG” Sana ay magustuhan niyo rin iyan.

Bye Kuya Renan.
Bye Bugoy.
Bye Jake.
Bye Mico.
Bye Ms. Clarissa.
Bye friends and followers.

Until next story. Take care all of you, guys and keep it safe!

-Michael Juha

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails