Followers

Wednesday, March 7, 2018

Kuya Renan 19

By Michael Juha
getmybox@hotmail.com

***


“Ako, m-mahal mo pa rin ba?” ang sunod kong naitanong.

Tinitigan niya ako. Iyong titig na tila nagtatanong ang mga mata. “Importante pa ba iyon?” ang sagot niya.

“B-bakit hindi? Kailangan kong malaman. May karapatan ako.”

“May karapatan? Pagkatapos mong magkipagtalik sa bodyguard mo? Pagkatapos mong sirain ang tiwala ko… may karapatan ka pa rin sa akin?”

Doon na tuluyang bumagsak ang mga luha sa aking mga mata. “Bakit ikaw? Heto’t nalaman kong may babae ka, at nabuntis mo pa. Di ba ikaw ang mas naunang nagtaksil? Hindi ba ikaw ang mas naunang sumira sa tiwala na iyan?” ang sagot kong medyo tumaas ang boses, hindi alintana na may mga pasaherong nakarinig.

Mistula namang natameme siya. “Mamaya na tayo mag-usap. Hindi ito ang tamang lugar kung saan ay mag-argumento tayo.”

“Ang sama mo…” ang sagot ko habang pahid-pahid ng aking palad ang mga luhang dumaloy mula sa aking pisngi. Hindi na lang ako umimik. Alangan namang gumawa pa ako ng eksena.

Hindi na rin talaga siya nagsalita. Nakasimangot na lang siya hanggang sa lumapag ang eroplano sa airport ng Tuguegarao. Kinarga pa rin niya ako hanggang makalipat ng wheelchair. Pati mga bagahe namin ay siya ang nagdala, ang iba ay kinandong ko. Siya na rin ang nagtulak ng wheelchair ko.

“Alam ba ni Tita Clarissa na nagpunta ka ng Gensan at nasagasaan ka?”

“Bakit, isinumbong mo ba ako?”

“Mama mo iyon. Dapat alam niya ang mga kaganapan sa iyo,”

“So isinumbong mo ako?”

Inihinto niya ang pagtulak ng wheelchair ko. Nasa loob na kami ng airpot noon sa may conveyor. Nang nilingon ko, nakita kong hinugot niya ang kanyang cp mula sa kanyang bulsa at may tinawagan. “Nandito po kami sa airport Tita, kami ni Bugoy. Galing po kaming Gensan.” Ang narinig kong sabi niya. May sinasabi sa kabilang dulo ng line ngunit hindi ko narinig ito. Ang mga sagot lang na narinig mko mula sa kanya ay “Opo, opo.” “Ako na po ang bahala.”

Maya-maya, iniabot niya sa akin ang cp.

Wala na akong nagawa kundi kausapin si Tita Clarissa. Hindi naman siya nagalit bagkus ay nag-alala siya para sa akin. Tinanong din niya ako kung bakit ako nagpunta ng Gensan. Sinabi ko sa kanya ang lahat, na nagalit si Kuya Renan sa akin at umuwi ng Gensan. Kaya sinundan ko siya.

“At bakit naman nagalit siya sa iyo?”

“Eh… ano po” ang nasambit ko. Nagi-guilty kasi ako sa ginawa ko.

“O, tinanong ka kung bakit ako umalis ano?” Ang pagsingit ni Kuya Renan. “Akin na nga at ako ang magsabi kung ano ang ginawa ninyo ng bodyguard mo!” sabay hablot ng cp niya.

Ngunit naagapan ko ito, at naghilahan kami. “Akin na nga ito! Kausap ko pa eh!” ang sigaw ko.

Doon na niya binitawan ang cp.

“Bastos mo. May kausap iyong tao eh!”

“Ano bang nangyari d’yan?” ang tanong ni Tita Clarissa.”

“Eh… si Kuya Renan po kasi, gustong bawiin na ang cp niya.” Ang sagot ko sabay ismid naman kay Kuya Renan.

“Saan ba kasi ang cp mo?” ang tanong ni Tita Clarissa.

Sasagutin ko na sana si Ms. Clarissa nang biglang naramdaman ko na lang na pinitik ni Kuya Renan ang aking tainga.

“Araykop! Ano ba???” ang bulyaw ko sa kanya.

“Sinungaling ka talaga no? Ganyan ka na ba? Marunong ka nang magsinungaling?” ang sambit niya.

“Ano na naman iyan, Bugoy?” ang narinig kong pagsingint ni Ms. Clarissa.

“Pinitik niya po kasi ni Kuya Renan tainga ko po. Masakit po.”

“Ano ba kasi ang nangyari sa inyo? Ibigay mo nga kay Renan ang telepono. Kauspin ko siya.”

Bigla rin akong natauhan sa narinig. “Huwag na lang po. Ganyan naman po siya eh. Nang-aasar.”

“Nang-aasar!” ang narinig kong paggagad ni Kuya Renan sa akin, iyong ang mukha ay nang-iinis.

“Hay naku kayo talaga. O ano ang dahilan at iniwanan ka ni Renan d’yan at nakaabot ka ng Gensan?”

“Eh… wala po iyon Mommy. Basta po, okay lang po kami… ako na po ang bahala sa kanya Mommy.” ang sagot ko na lang.

“Ako na lang po ang bahala sa kanya Mommy…” ang muling paggagad sa akin ni Kuya Renan.

Hindi ko na lang siya pinansin pa. “Bye Mommy!”

“Sandali, bakit hindi pala kita ma-contact kahapon at noong isang araw? Nasaan ang cp mo?”

“Eh… n-na snatch po ang cp ko po…” ang pag-aalibi ko.

“Diyos ko po! Mabuti at walang nangyari sa iyo! Iyan na ba ang sinasabi ko. Bakit hindi mo kasama si Jake?”

“Okay lang naman po ako Mommy. S-si Jake kasi ay… eh… s-sinabihan ko na huwag na lang po akong samahan.”

“Sinabihan mo rin ba siya na huwag tumawag sa akin?”

“O-opo…”

“Bugoy… alam mo bang hindi maganda iyang ginagawa mo? Dapat ay nagpaalam ka, at tinawagan mo ako.”

“S-sorry po Mommy.”

“Sa sunod ay huwag mo nang gawin iyan ha?”

“Opo…”

“Okay mag-ingat kayo riyan ha? Ikumusta na lang ako kay Renan, at kay Jake na rin!”

“Okay po Mommy.”

Narinig ko na lang ang pag-off ng cellphone ni Ms. Clarissa. Padabog ko namang ibinalik kay Kuya Renan ang kanyang cp.

“Hindi mo sinabi na naaksidente ka ano?” ang tanong niya kaagad.

“Bakit ko sasabihin? Buhay naman ako! E, kung nataranta si Ms. Clarissa, o di kaya ay atakehin sa puso, ikaw ba ang mananagot? Kasalanan ko pa!”

“Aba… ang taray! Hindi mo rin sinabi na ang tunay na dahilan kung bakit mo ako sinundan ng Gensan ay dahil nagalit ako sa nakita na sarap na sarap ka habang tinitira ng bodyguard mo?”

“Gusto mo ba mag-away tayo rito? Maraming tao rito, masarap gumawa ng eksena. Ano… gusto mo ba? Magsisigaw ako?” ang pananakot ko.

Doon na siya natahimik. Itinuloy ang pagtulak ng wheelchair ko hanggang sa pagsakay namin ng taxi. Sa likuran ng driver kaming dalawa umupo.

Nang nasa loob na kami ng taxi, doon na muli siyang nagsalita. “Ba’t hindi mo sinabi kay Tita Clarissa na naaksidenta ka?”

Kung saan ay bulyaw ang aking isinukli. “Wala kang pakialam!”

Doon na rin tumaas ang kanyang boses. “Respeto na lang sa taong umampon sa iyo! Ganyan ka ba? Kung may galit ka sa akin, huwag mong idamay ang ibang tao! Lalo na sa mga taong nagmamahal sa iyo!”

“Oo! Mali ang pagtago ko kay Ms. Clarissa sa nangyari sa akin! Mali! Dahil siya lang naman ang nagmamahal sa akin eh! Siya lang! Ang iba riyan, puro pagkukunyari! Puro pagsisinungaling!”

“Mahal mo pala ako. Ba’t pinagtaksilan mo ako?”

Doon na mas lumakas pa ang pagbulyaw ko. “Pinagtaksilan??? Di ba ikaw ang unang nagtaksil sa akin?! Di ba buntis na ang babae mo? Di ba nag-live in kayo??? Pinagtaksilan mo na ako bago pa ang nangyari sa amin ni Jake!” Doon na ako umiyak. Humagulgol.

Hindi siya nakaimik. Narinig ko pa ang pagpakawala niya ng malalim na buntong-hininga. Maya-maya ay nagsalita siya. “Sorry.”

“Sorry? Iyon lang?” Pagkatapos ng lahat? Pagkatapos mo akong lokohin?!!!”

Nahinto ang aming paga-argumento nang huminto ang driver at sumingit, “Sir nandito na po tayo sa address ninyo.”

Nakasimangot na lumabas si Kuya Renan sa taxi at inayos ang wheelchair ko. Pagkatapos ako naman ang kanyang kinarga upang makasakay sa wheelchair.

Nang nasa harap na kami ng bahay, kinuha niya sa akin ang susi at binuksan ang pinto. Nang mabuksan na, kinarga na naman niya ako at nang nasa loob na ay sa kama niya ako ibinaba, halos ibabagsak na lang.

“Ano yan?! Napilitan ka lang eh! Kung gusto mong dagdagan ang bali ko, dapat sa bintana mo ako nilaglag!”

“Shut up!” ang sagot lang niya habang tinungo ang cabinet ng mga damit at ipinasok doon ang dala ninyang mga damit. Nang may nakita siya roon na naiwang brief at sando ni Jake, ibinato niya ang mga ito sa mukha ko.

“Ano yan! Tangina!” ang sambit ko nang tumama sa mukha ko ang brief.

“Brief ng boyfriend mo! Remembrance niyo! May nadikit pang mga dagta eh! Sarap na sarap siguro yun, tangina! Imaginin mo na lang siya!”

Doon na ako nagpumilit na tumayo, kahit nakasemento pa ang is kong binti at kahit masakit pa ito. Hinambalos ko sa kanya ang brief ni Jake. “Bat ka ba nang-aasar sa akin!” ang sigaw ko sabay hambalos sa likod niya ang brief ni Jake.

Nagulat siya nang nilingon akong pilit na tumayo. Dahil nakita niyang naa-out balance ako, dali-dali niya akong kinarga sa kanyang mga bisig.

Nagpupumiglas naman ako. Sinuntok-suntok ko ang kanyang dibdib. “Manloloko ka! Taksil! Taksillllll!” Hindi ko talaga tinantanan ang pagsuntok-suntok ko sa kanyang dibdib.

Hindi naman niya pinansin ang mga suntok ko. Bagamat alam kong nasaktan siya, kinarga pa rin niya ako pabalik sa higaan. Tinulungan niya akong makaupo sa gilid ng kama at pagkatapos ay inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko at nagsalita, halos pabulong. “Hindi ako ang unang nagtaksil, Bugoy… Ikaw. Alam kong bago ang nasaksihan kong pagtatalik ninyo ni Jake, may una nang nangyari sa inyo. Naroon ako nang nangyari iyon. Hindi mo lang alam. Sorpresahin sana kita. Ngunit sa nakita ko sa inyo, nanlumo ako, at lihim na umuwi na lang. At imbes na pagagalitan ka, hinayaan kita. Hindi ko ipinahalata sa iyo ang lahat. Hinintay ko na ikaw mismo ang magsabi o magdesisyon kung ako pa rin ba, o siya. Sabi ko sa sarili, baka nalimutan mo na ako. Naisip ko na maaaring iyon na rin ang punto na dapat na akong mag move on sa iyo, at hanapin ko na rin ang aking sarili… Ngunit hindi kita matiis. Kung kaya ay bumalik ako rito upang sana ay hanapin ang sagot kung kung tama ang desisyon kong pakasalan ang babaeng nabuntis ko. Nang makita ko sa sarili kong mga mata ang ginawa ninyo ni Jake, doon ko nakumpirma na pinagtaksilan mo ako. Ss nakita ko ay sarap na sarap ka sa kanya. Ramdam kong may namagitan sa inyo. Kaya napagdesisyonan king umalis na lang… at tuluyang pakasalan ang babaeng nabuntis ko.”

Hindi ako kaagad nakapagsalita sa kanyang sinabi. Napatitig na lang ako sa kanya.

“Ganyan kita kamahal.” Ang dagdag niya sabay talikod at muling tinumbok ang cabinet, ipinagpatuloy ang pag-ayos ng kanyang damit.

“Kung mahal mo ako, ba’t ka nagkaroon ng babae? At nabuntis mo pa! Ganyan ba ang nagmahal!!!” ang sigaw ko uli.

“Mahabang kuwento.” Ang casual niyang sagot na hindi man lang lumingon sa akin.

“Sabihin mo!”

“Para ano pa? Buntis na siya at ikakasal na kami.”

Hindi na ako nakaimik pa sa kanyang sinabi. Tila may bumara sa aing lalamunan at may tumusok sa aking puso sa sobrang sakit. Sa bibig niya mismo ko nakumpirma.

“Invited ka pala para maging best man ko.” Ang dugtong niya.

Sa sinabi niyang iyon ay doon na nagsibagsakan ang aking mga luha. Lihim kong pinahid ang mga ito at humiga na lamang sa kama upang hindi niya mapansin ang aking pag-iyak. Nagtalukbong ako at nagkunyaring natulog at hindi na nagsalita pa.

Maya-maya lang ay narinig ko ang pagbukas ng main door. “Saan ka?” ang sigaw ko.

“Bibili ng supply natin at pagkain!” ang sagot niya.

“Huwag ka nang bumalik!”

Hindi na niya ako sinagot pa. Halos isang oras din ang lumipas nang narinig kong muli ang pagbukas ng main door. Nang tiningnan ko, nakita ko siya na hindi magkandaugaga sa mga pinamiling supply namin.

Maya-maya lang ay narinig ko na ang ingay ng kalampag ng mga gamit sa kusina. Tila nagluluto siya. Tiningnan ko ang aking relo. Alas 6:30 na ng gabi. Hinayaan ko na lang siya.

“Anong gusto mong ulam?” ang sigaw niya.

“Huwag ka nang magluto! Ayaw kong kumain ng luto mo baka may lason iyan!” ang sagot ko bagamat nakaramdam ako ng matinding gutom.

“Okay…” ang sagot lang niya at ipinagpatuloy ang kanyang pagluto.

Maya-maya lang ay naamoy ko na ang kanyang niluluto. Ang bango! Sa totoo lang, ramdam ko ang paglalaway. Paborito ko ang kanyang niluto. Humba ang tawag sa amin. Parang adobong baboy din pero may kakaiba siyang lasa. Manamis-namis na parang lumutang sa mantika at taba. Bigla akong nakaranas ng pagki-crave sa ulam na inihanda niya. Ang tagal ko nang hindi nakakain ng ganoong ulam. Parang sa probinsya lang nmin yata iyon niluluto, at magaling magluto ang inay, at si Kuya Renan.

Naalala ko pa noong nasa kina Kuya Renan na ako nakatira, wala na kasi ang inay noon kung kaya ay inampon nila ako. Umuwi ako noon galing eskuwela. Kumain na sila gawa nang may lakad ang inay ni Kuya Renan kaya kailangang kumain muna siya bago umalis. Si Kuya Renan na lang ang naiwan sa bahay. Gutom na gutom ako noon kaya dumiretso na ako ng kusina. Ngunit nang tiningnan ko ang kaldero, isang napakaliit na hiwa na lang ng humba ang naroon. Nang tiningnan ko rin ang kaldero ng kanin, siguro ay may apat na kutsara na lang ang natira.

Ang ginawa ko ay ibinuhos ko ang kanin sa kaldero mismo na may kaunting natirang humba, doon ko sila pinaghalo. Dinala ko pa talaga sa ibabaw ng mesa ang kaldero at ginawa koi tong plato.

Nasa ganoon na akong kasarap sa pagkain ng aking hapunan nang nakita ako ni Kuya Renan at pinagtatawanan niya. Iyon bang nakakagago lang. Halos tumungtong na rin kasi ako sa mesa dahil hindi ko naaabot ang pagsalok sa lalim ng kaldero na ginawa kong plato.

Ngunit binulyawan ko siya dahil nga gutom na gutom ako tapos bitin pa ang ulam at pagkain. “Alam mong paborito ko ‘tong ulam hindi mo ako tinirhan?! Ikaw ang nag-ubos ng ulam sy kanin no?” ang paninisi ko pa sa kanya.

“Oo naman! Paborito ko rin kaya yan.” Ang sagot niyang nakangising-aso pa.

“Naman eh!!! Gutom na gutom ako tapos iyan lang ang tinitira mo sa akin! Ikaw naman ang nagluto bakit hindi mo ako tinirhan!” ang sigaw ko pa. Binato ko rin siya ng kutsara at tinidor. Paano, ang sarap niyang magluto ng humba, may kakaiba sa kanyang style. Iyong bang maliban sa kakaibang sarap ng lasa, ang taba at balat ng baboy ay napakalambot na naging malagkit na ito bagamat ang texture ng laman ay buo-buo pa ngunit malambot din.

Tawa pa rin siya nang tawa. Ibato ko na rin sana ang kaldero sa kanya ngunit nakatakbo siya.

Syempre, ano pa ba ang magagawa ko. Feeling ko ay bigla akong na depressed sa sitwasyong iyon. Iyong pagod na pagod ka galing school, gutom na gutom, tapos halos wala nang kanin ang natitira, pinagtatawanan ka pa. Parang gusto kong umiyak. Bigla akong naawa sa aking sarili. Naisip ko ang aking kalagayan na nakitira lamang sa kanila, naisip ko rin ang aking namayapang inay. Sa isip ko lang ay hindi mangyayari ang ganoon kung buhay pa sana siya.

Hindi na ako kumibo. Pinigilan ko na lang ang aking sarili upang huwag umiyak. Sinimot ko ang kahuli-hulihang butil ng pagkain.

Pagkatapos kong hugasan ang kinainan ko, dumiretso ako sa kuwarto namin. Agad akong humigang nakatalikod, tinakpan ang katawan ng kumot. Tabi kasi kami ng higaan. Marahil ay nakita niya ako sa ganoong posisyon, kinulit niya ako at hinila upang tumagilid paharap sa kanya. Iyong bang nakikipaglaro. Ngunit seryoso ako at nainis ako sa kanya. Nakipagbuno ako hanggang sa doon na ako bumigay sa pag-iyak.

Kitang-kita ko ang kanyang pagkagulat. “Anong nangyari?” ang tanong niya.

“Nagtanong ka pa! Hindi ninyo ako mahal!”

“Bakit mo nasabi iyan?”

Hindi ko na siya sinagot pa. Muli akong tumalikod sa higaan at humagulgol.

“Tahan na bunso. At sorry. Tara sa kusina, may ipakita ako sa iyo.” Ang sabi lang niya.

“Ayoko!”

“Sige na… halika.”

Nagmatigas ako at talagang pinanindigan kong huwag makipagharutan sa kanya. Ngunit kinarga niya ako. Nakipagbumo man ako, nadala din niya ako sa kusina. “Diyan ka lang ha, may kukunin lang ako.” Ang sambit niya habang ibinaba niya ako sa upuan sa harap ng mesa.

Binuksan niya ang isang drawer ng cabinet, iyon nasa pinakataas at may kinuha. Dalawang topperware. Nang inilatag niya ang mga ito sa mesa at binuksan, tumambad sa aking paningin ang humba at kanin. Itinago niya pala roon.

“Gusto ko lang namang biruin ka eh. Ang cute mo kayang asarin. Love ka ni kuya, kung alam mo lang…” ang sabi niya.

Bagamat natuwa ako sa nakitang pagkain, hindi pa rin ako kumibo. Gutom pa kaya ako. Ngunit nainis pa rin ako sa kanya.

“Okay, subuan na lang kita.” Ang sambit niya sabay kuha sa kutsara, sumandok ng pagkain at isinubo niya sa akin.

Ngunit ayaw kong ibuka ang aking bibig. Syempre, playing hard-to-get dahil nga sa inis ko pa rin sa kanya.

Paang patigasan lang ng pride, pataasan ng ihi. Ngunit talo pa rin ako. Nang nag-ala clown na siya kung san ay nagduling-dulingan siya at ang bibig ay sinira ang porma, doon na ako natawa. Doon na rin niya tuluyang ipinasok sa bibig ko ang kutsara na may kanin at humba.

Sa bilis ng pagpasok niya nito sa aking bibig ay hindi na ako nakapalag pa, na halos sinabayan pa niya ng pagyakap sa akin at hinalikan ako sa pisngi. “I love you bunso… kain ka na ha?” ang bulong niya.

Kaya doon na ako tuluyang natawa sa kanya, at pumayag na subuan niya. Sino ba kasi ang hindi kiligin sa inasta niya? Alam niya kung paano ako asarin, ngunit alam din niya kung paano ako suyuin at pangitiin… Talagang magaling siyang mag-psycho sa akin. Alam niya ang kiliti ko, at alam niya ang ayaw ko.

Iyon… nang balik-tulog na kami sa aming kuwarto, may nangyari na naman sa amin.

“Noon iyon, bata pa ako at kaya ko panglunukin ang aking pride.” Ang bulongko sa aking sarili habang pinakawalan ang isang malalim na buntong-hininga.

*****
Kuya Renan 19 (1 of 2)

KUYA RENAN 19 (2 OF 2)

Nahinto ang aking pagmumuni-muni nang nakita kong dinala niya ang maliit na mesa at inilapag iyon sa gilid ng aking kama at pagkatapos, tumungo uli siya sa kusina at nang bumalik ay bitbit naman ang lagayan ng kanin at ang mangkok na nilagyan niya ng humba. Bumalik uli siya sa kusina at ang dala naman niya nangbumalik ay ang dalawang plato, dalawang kutsara, dalawang tinidor, at isang mangkok uli ng leafy salad at na may dressing.

Nang nakalatag na ang lahat, umupo siya sa sahig, naka cross-leg lang. mababa lang kasi ang mesa. Tumagilid naman ako patalikod sa kanya at sa pagkain na inihain niya.

“Kain na…” ang sambit niya.

“Di ba sabi ko, ayokong kumain dahil baka may lason iyan! Atsaka bakit ka diyan naglatag ng kainan! Sinabi ko naman sa iyo na ayokong kumain!”

“Alam ko naman na nagugutom ka eh. Lika na. kain na. Tulungan na kitang makabangon.” Ang sambit niya habang tumayo at akmang papatayuin na sana ako.

Ngunit binulyawan ko siya. “Sabi nang ayaw kong kumain eh!”

Nahinto siya at bumalik sa kanyang upuan. “Okay…” ang sambit niya. Nagsimula siyang kumain habang ako naman ay tumagilid uli paharap sa kanya.

Habang kumakain siya, sinadya pa talaga niyang mag-ingay sa kanyang pagnguya. Iyong bang ingay ng pagnguya ng baboy habang kumakain. Siguro ay ginawa niya iyon para matukso ako.

Gusto kong matawa sa ayos niya. Hindi naman kasi siya ganoon kapag kumain. Ngunit galit pa rin ako sa kanya kaya hindi ko pinansin.

“Sarap talaga ng humba! Lalo na pag ako ang magluto!” ang patutsada pa niya. At talagang inangat niya ang isang hiwa na kakainin niya. “Tingnan mo ang lambot-lambot ng balat at taba. Sobrang sarap!!!” sabay subo naman nito sa kanyang bibig at pagkatapos ay nginuya. At iyon na namang tunog ng ingay-baboy na pagnguya.

Tiningnan ko lang siya na parang wala lang akong reaksyon bagamat pinigil ko ang aking paglalaway. “Ganyan ka rin ba kumain kapag nagsama kayo ng babae mo?” ang tanong ko.

Nahinto siya nang bahagya at napatingin sa akin. “Oo… at paborito din niya ang luto ko.”

Tila sasabog ang aking dibdib sa kanyang sagot. Ngunit hindi pa rin ako nagpahalata. “Dapat pala ang pangalan ng anak ninyo ay Humba kapag babae at kapag lalaki ay Humbo.”

Natawa siya. “Good suggestion. Sasabihin ko iyan sa girlfriend ko. Si boyfriend-bodyguard mo, ano ang paborito ninyo? Marunong ba siyang magluto ng humba?”

“Actually, karekare ang specialty niya. At karekare na rin ang paborito ko.”

“Ah ganoon ba? Kaya pala mukhang karekare yugn jowa mo.”

“Kung makapanglait naman ito. Ang ganda kaya ng katawan noon. At sobrang sweet! Hindi katulad ng iba d’yan na sadista.”

Doon na siya humalakhak. “Eh, kung hindi sadista iyon, nasaan na? Bat ka niya iniwan? Ba’t ako pa rin ang narito? Ganyan ba siya ka sweet?”

Mistula naman akong natameme. Hindi nakasagot agad. “Hindi niya ako iniwan! Umuwi siya dahil na-aksidente ang kanyang inay!” ang pagsisinungaling ko na lang.

“Ah… tapos hinahabol-habol mo ako sa Gensan dahil nangungulila ka, dahil ang jowa mo ay wala sa tabi mo. Ganyan din ang ginawa mo sa akin, di ba? Wala ako sa tabi mo kaya siya ang ginawa mong jowa.”

“Hindi mo alam ang pinagsasabi mo!” ang bulyaw ko sa kanya sabay tagilid patalikod. “Umalis ka nga riyan!”

“Lihis-topic agad? Ganyan ka kapag na-corner at walang maisagot… ”

“Oo na! Panalo ka na!”

Hindi na siya umimik. Maya-maya lang ay narinig kong tila nagligpit siya sa kanyang pninagkainan at naghugas ng pinggan sa kusina..

Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari. Naidlip kasi ako. Nakatulog akong kumukulo ang tyan sa gutom, at tila tinadtad ang puso sa sakit.

Nagising ako nang biglang gumalaw ang kama ko. Nang iminulat ko ang aking mga mata, nakita ko si Kuya Renan na nakahiga sa aking tabi. Nang inaninag ko pa ang kanyang katawan na nailawan ng lampshade, doon ko nakitang wala siyang saplot sa katawan maliban sa puting boxer’s shorts.

“Ba’t dito ka humiga?!” ang bulyaw ko.

“Ba’t saan ba ako dapat hihiga?” ang mataas ding boses niya. Doon ko naamoy ang kanyang hininga. Nakainom siya.

“Doon o!” ang turo ko sa kama sa kabilang gulid ng kuwarto.

“Ano ka? Doon mo ako patutulugin sa kama ng boyfriend mo? Ikaw na lang kaya roon. Na-miss mo ata siya eh!”

“Letche! Ako na nga lang ang lilipat!” ang sambit ko habang tinangka kong bumalikwas. Ngunit sumakit ang aking nakasementong paa at nahirapan akong mumalikwas. “Ouchhhh!”

Sa pagkakita niyang babalikwas sana ako, doon na siya sumigaw. “Tangina! Huwag kasing mag-inarte!!! Kahit mahirap ay gagawin mo para lang itaboy ako? Ibaba mo naman ng kaunti iyang pride mo!”

Nagulat ako sa lakas ng kanyang pagbulyaw. Noon ko pa siya narinig na sumigaw ng ganoon kalakas, ganoong galit. “Ba’t ka ba naninigaw!”

“Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang manigaw? Hayan… natulog kang hindi man lang kumain. Tama ba yan? Nang dahil lang galit ka sa akin ay hahayaan mong manginig ka sa gutom? Tama ba iyan? Nakita mo bang ganyan ako? Kahit gaano ka ka ma-pride, kahit gaano ka-taray, kahit gaano kagalit sa akin, kahit sinasaktan mo na ako, nagagalit ba ako sa iyo? Hindi! At kahit nasasaktan ako, hindi kita kayang saktan. Alam mo kung bakit?”

Hindi ako nakaimik sa kanyang sinabi. Tila sinampal ako ng maraming beses. Tama ang kanyang sinabi. Naalala ko isang beses, wala na ang inay ko noon at nasa bahay na nila ako nakatira, nahuli niyang may ginawa kami ni Mico. Galit na galit siya sa akin noon, pinagsasabihan niya ako at tinakot na palayasin sa kanila. Ako naman, dahil sa inis at sama ng loob, hindi umuwi sa bahay nila. Doon ako nagtambay sa tabing-dagat, sa lilim ng malaking kahoy. Ilang oras din ako roon, hanggang sa nakatulog ako. Nagising na lang ako nang halos gabi na pala at gilid ng aking hinigaan ay naroon si Kuya Renan, binantayan ako. Nang Makita niyang gising na ako, ang sabi sa akin, “Tara na, uwi na tayo. Di na ako galit…” sabay bitiw ng nakakabighanign ngiti. Nakaka-touched.

At hinid lang iyon. Marami pang halos mga ganyang insidente na siya ang kusang magbababa ng kanyang pride upang suyuin lang ako, upang ipadala sa akin na importante ako sa kanya at mahal niya ako.

Naputol ang aking pagmumuni-muni nang muling sumigaw siya, “Ayaw mong malaman kung bakit hindi kita kayang saktan?”

Napatitig na lang ako sa kanya. Bagamat galit ako dahil sa babae niyang nabuntis at ikakasal na sila, mistulang may naramdaman din akong awa. “Bakit…” ang tanong ko.

“Dahil mahal kita… tol.” Ang mahina niyang sagot na halos bulong na lang.

Doon na ako muling tumagilid patalikod sa kanya. Di ko kasi alam kung nang-iinsulto ba siya o nagbibiro lang. Doon ko na rin naramdaman ang mga luhang dumaloy sa akig mga mata. Hindi ko na siya sinagot pa. Hinawakan niya ang aking balikat at hinila upang tumagilid ako paharap sa kanya. HInaplos niya ang aking ulo, ang aking buhok. Naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang bibig sa aking ulo.

“Gusto mong mag-inuman tayo? Para mas maganda ang kuwentuhan natin, iyong lahat ay puwedeng ipalabas, kahit iyong galit mo sa akin.” Ang sambit niya sabay tayo at tumbok sa kusina. Sinundan ng aking mga tingin ang kanyang pagtayo at paglalakad. Sinamsam ng aking isip ang sarap ng aking nakita. Isang guwapong hunk, naka-boxer’s shorts lang, matangkad, proportioned ang katawan na tila sa isang modelo, nakapaa, at pansin ang matambok na umbok ng kanyang likuran na bumakat sa kanyang puting boxers.

Muling nanumbalik sa aking isip ang mga panahon kung kalian ay wala pa akong kamuwang-muwang sa sex at siya ay nasa 18 gulang din lang, wala ring karanasan. Sa akin siya unang nakaranas. At siya rin ang unang nagturo sa akin kung paano gawin iyon. Hanggang sa natuto ako at may nangyari sa amin. Hanggang sa naranasan ko na rin ito sa iba – kay Mico, kay Jake. At ganoon din siya, sa babae naman; kay Cathy na siyang dahilan upang magkaletse-letse ang buhay namin, at kay Anne. At nitong huli, ay ang babae niya sa Gensan.

Mistulang isang talon ang mga alaalang kusa na lang nagsilabasan sa aking isip. Iyon bang parang lifeline ko lang kung saan ako unang namulat sa mundo. Iyong mga masasayang araw ng buhay ko nang buhay pa ang inay na tila kumpleto na ang mundo ko bagamat wala akong itay. Hanggang sa pagkawala ng aking inay kung saan nagsmulang bumaligtad ang aking mundo at natuto akong mag-isa, natutong humarap sa buhay na wala na siya at tanging kay Kuya Renan lang ako humuhugot ng inspirasyon at lakas, hanggang sa minahal ko na siya ngunit naroon ang lahat na mga hadlang dahil sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Ang mga luha na iniyak ko, ang mga hinanakit sa buhay, ang mga sama ng loob na kinimkim ko dahil sa kagagawan ng mga tao... Parang sobrang dami na ng nangyayari sa buhay ko bagamat 16 pa lang ako. At tila pagod na ako, tila susuko na. Gusto ko nang gumive up. Iyon bang feeling na napakaraming tao sa mundo ngunit nag-iisa ka lang? Iyong may mahal ka nga ngunit may kaagaw ka naman. At talo ka dahil hindi ka naman babae. Ramdam ko tuloy ang pagkaawa ko sa aking sarili. Na-miss ko ang aking inay, na-miss ko ang aking pagkabata kung saan ay kasama ko pa siya, na kahit mahirap lang kami ay masaya naman ay walang ganoon kalaking problema.

Pinakawalan ko na lang ang malalim na bungtong-hininga. Muling naramdaman ko ang pagdaloy ng aking mga luha.

Nang bumalik na siya ay bitbit niya ang maliit na mesa na pinagkainan niya at sa ibabaw nito ay may nakalatag na pagkain… at isang mangkok na puno ng humba. Tinumbok niyang muli ang kusina at nang bumalik ay dala naman niya ang isang case ng beer na may labing-dalawang bote ang laman. Nang nailatag na niya ang mga ito ay tinulungan niya akong makaupo sa gilid ng kama. “Syempre, kakain ka muna…” ang sambit niya habang kinuha ang plato ng kanin at sumandok ng humba at inilagay doon. Umupo siya sa tabi ko. Nang subuan na sana niya ako, doon niya napansin ang aking pag-iyak.

Inilatag niyang muli sa mesa sa harap namin ang pagkain at pinahid ng kanyang kamay ang aking pisngi. “Bakit ka umiiyak?”

“Wala…” ang sagot ko na lang.

Inakbayan niya ako atsaka hinalikan sa ulo. “Mahal naman talaga kita eh…” ang sabi niya.

“Akin na nga iyong beer ko!” ang padabog kong sabi. Nainis kasi ako na sinabi na naman niya iyon samantalang ikakasal na siya.

“Oppps! Hindi puwede. Kumain ka muna at alam kong gutom ka. Hayan o, humba, paborito mo. Sarap niyan.” Ang sabi niya sabay subo uli sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang kumain. Habang sinusubuan niya ako, muli na naman akong nalungkot. Sumisiksik na naman kasi sa isip ko nab aka iyon na ang huling pagiging sweet niya sa akin. Ang sakit lang isipin. Iyong taong mahal mo ay iba na ang magmamay-ari…

Nakailang subo rin siya sa akin nang kinuha ko na lang ang plato mula sa kanyang kamay. “Ako na!” ang sabi ko.

“Ayaw mo na bang magpasubo?”

“Hindi naman ako baldado para subuan mo. Paa ko lang ang may bali, hindi kamay.”

“O-okay…”

“Atsaka, ayaw kong masanay. Gusto kong simula ngayon, kakayanin kong tumayong mag-isa. Ganyan naman talaga ang buhay ng bakla eh. Kahit sasabihin pang paulit-ulit ng lalaki na mahal nila ang baklang karelasyon, sa kalaunan ay maghahanap din sila ng babae na aanakan nila at aasawahin. Kumbaga, para sa kanila, pamg-practice lang kami. Parang punching bag lang ng mga boksingero. Kapag ang boksingero ay magaling nang manuntok, doon na nila isabak ang kanilang mga kamao sa tunay nilang pinaghahandaan. Kaming mga punching bag, hayan, nilalaspag nila at pagkatapos ay itinatapon na lang sa basurahan….” Ang sambit ko sabay kuha sa plato at nagsimulang kumain.

“Hindi ka naman punching bag eh.”

“Iyan nga ang masakit eh. Tao ako ngunit ginawang punching bag.”

Hindi na siya kumibo. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Binilisan ko. “Akin na nga ang beer ko!” ang padabog kong sabi nang matapos na akong kumain.

Binuksan niya ang isang bote ng beer atsaka iniabot niya ito sa akin. Agad ko naman itong nilagok.

Naka-tatlong bote na ako ng beer nang magsalita siyang muli. “Galit ka pa ba sa akin?”

“Ano sa palagay mo? Gusto mong mag-celebrate ako? Magtatalon sa tuwa dahil ikakasal ka na? Tapos ganyan, sasabihin mong mahal mo ako pero magpakasal ka sa babae mo?”

“Ano ba ang gusto mo?”

Natameme naman ako sa tanong niyang iyon. Hindi ako nakasagot agad. “Ano ang gusto ko…? Gusto kong pumatay ng tao! Yan… yan ang gusto ko!”

“Mahal mo pa rin ba ako?”

“Ano bang klaseng tanong iyan? Letse! Ikakasal ka na tapos magdadrama ka pa ng ganyan? Ano ito? Pataasan ng level ng insultuhan?”

“Si Jake ba ay mahal mo?”

“Arrrrgggghhh!!!” ang sigaw ko. “Ba’t ba ganyan ang mga tanong mo?! Kapag nagtanong ka pa ng ganyan, aalis na ako rito, bahala na kung ano ang mangyari sa akin sa labas.”

“Ganyan ka naman eh. Itong mga issues ay dapat na hinaharap natin, pinag-uusapan kung ano ang mas makakabuti. Natural lang na magkakaroon tayo ng problema, ng conflict dahil walang perpektong tao sa mundo. Lahat tayo ay nakakamali, lahat ay nagkakasala. Pero dapat ay bukas ang ating mga isipan na umintindi, alamin ang dahilan kung bakit nangyari ang problema upang mas maunawaan ito at mabigyan ng solusyon. Kaya dapat ay nag-uusap tayo, suportahan natin at intindihin ang isa’t-isa, talakayin ang mga dapat gawain. Hindi ‘yang ganyan na tinatakasan natin ang mga tanong at problema. Hindi porket may nagawa akong mali sa iyo ay isara mo na ang puso mo para sa akin dahil kung ganyan ang gagawin mo sa lahat ng mga taong mahal mo at nagkasala sa iyo, darating ang panahon na mag-isa ka na lang sa mundo… dahil lahat ng tao ay nagkakamali, nagkakasala. Kuya mo ako, bunso kita. Marami tayong pinagsamahan sa buhay. Masasaya, malulungkot, mga problema, iyong paglalambing mo sa akin, hindi ko malilimutan ang lahat ng ito. At ayaw kong sa isang pagkakamali lang ay magkalayo tayo. Alam ko namang marami akong pagkukulang sa iyo. Wala eh… minsan kahit gugustuhin natin, hindi natin kontrolado ang mga pangyayari sa buhay. Kaya sana, intindihin mo ako.

Natameme ako sa aking narinig. Feeling ko ay binatukan ako sa aking pagka-aroganteng sumagot sa kanya. Narealize ko na tama siya. Lahat ng tao ay nagkakamali.

Nagpatuloy siya. Ikinuwento niya ang kanyang babae. Kapwa engineer daw sila, magkasama sa trabaho. May isang beses na may project sila sa malayong lugar. Nasira ang kanilang sasakyan at naabutan ng dilim sa gitna ng highway na napaligiran ng gubat. Dahil walang signal sa cell phone, naghintay sila ng dadaang mga sasakyan. Ngunit walang dumaan na sasakyan. Habang naghintay, ininum nila ang isang bote ng alak na ibinigay sa kanila ng isa sa mga kasamahang engineers. Nang malasing, doon na nangyari ang lahat. Nagkasundo silang gawing sikreto ang nangyari at kalimutan na parang wala lang. Ngunit nabuntis ang babae at nalaman ng kanyang pamilya ito. Binugbog siya ng kapatid at pinagbantaan na kung hindi siya pakakasalan ay papatayin niya si Kuya Renan. Natakot daw sila dahil ang kapatid na lalaki noong babae ay ex-convict at drug lord. Kahit daw saan magtungo si Kuya Renan ay mahahanap daw niya dahil sa mga connections niya sa militar na cuddlers at protectors niya. Kaya walang nagawa si Kuya Renan. Lahat daw ng preparations sa kasal ay handa na, ang pamilya ng babae ang naghanda.

“Kailan ang kasal ninyo?” ang tanong ko.

“Sa sunod na buwan.” Ang sagot niya.

“G-graduation ko.” ang bulong ko sa aking isip. Tila may isang sibat na tumusok sa aking puso. Napaka ironic lang. Nag-expect ako na magiging valedictorian ngunit ito iyan ang regalo niya sa akin. “Siguro, dahil abala na ang utak niya sa kaiisip sa kasal nila sa babae kung kaya ay nalimutan niyang graduating ako. “Ang pag-giit ko na lang sa isip ko.

“Ako… walang ibang hihilingin pa sa buhay kundi ang palagi kang makasama. Mahal kita eh. Ano man ang mangyari, hahamakin ko ang lahat, huwag ka lang mawala sa buhay ko…” ang dugtong niya.

“Madaling sabihin, mahirap gawin. Nakulangan lang ako. Siguro din dahil okay lang ang kalagayan mo. Nagkamali ka sa relasyon natin at sa isang babae ngunit hayan, pakakasalan mo siya. Ngunit ako, nagkamali sa relasyon natin at sa isang tao ngunit hayan… pareho ninyo akong iiwan. Wala akong kakampi. Panalo ka. Talo ako.” Ang sagot ko.

“Bakit? Sa tingin mo ba ay masaya ako?”

“Hindi ka masaya? Tapos magpapakasal ka? Ano iyon?”

“Kaya nga tinanong ko sa iyo kung ano ang plano mo, ano ang opinion mo?”

Muling tumaas ang boses ko. “Ano bang dapat na plano ko? Iyong pupunta ako sa kasal ninyo at pagbabarilin ko kayo? O ‘di kaya ay dadaan ako sa simbahan at hahagisan ko kayo ng granada? Ganoon?”

“So basta-basta ka na lang papayag na ikakasal ako? Hindi mo ako ipaglaban? Kapag tinanong ng pari kung may hahadlang sa kasal namin, hindi ka tatayo upang isigaw ang iyong pagtutol?”

“Bakit ba ako tatayo, e hindi naman ako pupunta!”

Natahimik siya.

“Dapat nga ay hindi na darating pa sa ganyan eh. Kung mahal mo ako, dapat ikaw na mismo ang naghanap ng paraan upang hindi aabot sa kasalan. Bakit umabot pa roon?”

“Eh narito na nga, umaabot na sa ganito eh. Hindi naman maso-solve ang sitwasyon kung sisisihin mo lang ako. Dapat ay may gagawin tayo. Hindi ka ba tututol?”

“Bakit ako tututol kung masaya ka naman? Kung umabot sa ganyang parte ng kasalan na, ibig sabihin niyan ay gusto mo rin. ”

“Kaya nga kinunsulta kita ngayon eh.”

“Puwes, huli na ang lahat. Ang pagkunsulta mo sa akin ngayon ay para na ring ikinondisyon mo na lang ang utak ko na tanggapin na lang ang lahat dahil napagdesisyunan niyo na. Para mo na ring sinabi na mas mahal mo iyong babae mo kaysa sa akin, na magiging mas masaya ka sa kanya, na siya ang tunay mong pinangarap na makasama sa buhay.”

“Okay… kung iyan ang desisyon mo.” Ang sagot ni Kuya Renan.

Hindi pa rin pala talaga maalis-alis sa isip at puso ko ang galit, at ang pride na parang ginawa na lang niya akon option, second choice, plan b… Hindi niya ako binigyang halaga. Parang nakulangan ako sa kanyang sinabing pagmamahal.

Hindi na ako umimik. Iyon na rin ang huli kong narinig mula sa kanya. Nalasing na ako at nakatulog.

Marahil ay dahil sa tindi ng sama ng aking kalooban, kahit sa aking panaginip ay dala ko pa rin ito. Nasa loob daw ako ng simabahan, nakaupo sa gitna ng pinakaunang hilera ng mga upuan malapit sa altar. Hindi ko alam kung bakit ako nakaupo roon samantalang hindi naman ako best man o sponsor.

Punong-puno ng mga palamuti ang simbahan. Mga mamahaliing bulaklak, iba’t-ibang kulay. Maraming tao ang dumalo. Sa harap ng altar ay magkatabing nakatayo si Kuya Renan at ang babaeng kanyang pakakasalan. Naka tuxedo si Kuya Renan at ang babae naman ay nakadamit ng mamahaling pangkasal na halatang may laman na sa kanyang sinapupunan. Pareho silang nakaharap sa altar. Nang tiningnan ko ang aking suot, parehong-pareho rin ng kay Kuya Renan. Pati ang aming mga sapatos ay ganoon din. Hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko lubos maisalarawan ang aking nadarama sa tagpong iyon. Litong-lito kung bakit ako naroon at halos hindi ko makayanan ang sakit. Tila sasabog ang aking dibdib sa sobrang bigat. Gusto kong magwala, magsisigaw at umiyak ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Hinayaan ko na lang na pumatak ang aking mga luha habang patago ko itong pinapahid sa aking palad.

Maya-maya ay nagsalita ang pari, “Kung sino man sa inyo ang tutol sa kasal na ito ay maaaring tumayo at ipahayag ang inyong pagtutol…”

Natahimik ang lahat. Nakita kong lumingon sa aking kinatatayuan si Kuya Renan. Sa aking panaginip ay mistulang nag-slow motion ang paglingon sa akin ni Kuya Renan, kitang-kita at tumatak sa aking isip ang kanyang mga matang nagmamakaawa, tila naghintay na tatayo ako at sisigaw na “Tutol ako!!!”

Ngunit kahit nagkasalubong ang aming mga tingin, hindi ako tumayo at sumigaw ng pagtutol. Bagkus ay nagwalk-out ako at dali-daling tinumbok ang pinto ng smbahan na hindi man lang lumingon sa kanila.

Nang nasa labas na ako, nagtatakbo na akong nag-iiyak, pumara ng taxi at umuwi. Nang nasa bahay na ako ay wala pa ring humpay ang aking pag-iyak. Ang huling imahe ni Kuya Renan na tumatak sa aking isip ay ang paglingon niya sa akin kung saan ay nagkasalubong ang aming mga tingin, ang kanyang mga mata ay tila nagmamakaawa na sagipin ko siya mula sa kanyang pagpapakasal.

Ngunit pinanindigan ko ang aking desisyon. Matinding sakit man ang nadama ko, ang sumagi sa aking isip ay kagagawan niya ang lahat at na kung talagang mahal niya ako ay siya na mismo ang tututol, ang hindi sisipot sa kasal, ang magmungkahi na magtanan kami at magpakalayo-layo. Ngunit hindi niya ito ginawa. Kaya napagtanto ko na talagang hindi na niya ako mahal. Palabas na lang niya na tututol kunyari ako upang ako ang makonsyensya, na ako ang masisisi.

Lumipas ang ilang taon at hindi ko na alam kung nasaan na si Kuya Renan. Hindi ko na rin inalam pa. Wala na kaming communication at wala akong balak na hanapin pa siya. Ngunit ang tumatak sa aking isip ay ang huling tingin niya sa akin sa simbahan. Palagi siyang sumisingit sa aking isip, iyong nagmamakaawang tingin…

Lumipas pa ang ilang taon at nakailang palit din ako ng kasintahan. Puro mga lalaki. Ngunit walang tumagal sa kanila. Karamihan, ang habol lang ay pera. At dahil mayaman naman si Ms. Clarissa, marami ako noon. Hanggang sa pati si Ms. Clarissa ay pumanaw na rin at naiwan akong mag-isa.

Lalong tumindi ang aking pangungulila sa buhay. Feeling ko ay nag-iisa na lang ako sa mundo, walang nagmamahal. Habang pataas nang pataas ang aking edad ay nakadama ako ng takot at insecurity sa pag-iisa. Nahahabag ako sa aking sarili. Lalo na nang umabot pa ako sa edad na 70 at wala nang lalaking pumatol pa sa akin. Naubos na rin ang aking pera at mga ari-ariang namana ko kay Ms. Clarissa nang dahil sa mga karelasyon ko. Sa pagbibigay ko sa kanila ng luho upang huwag nila akong iwan, doon pa rin pala ang hahantungan ng lahat. Hanggang sa wala na talagang natira sa akin at sa isang barong-barong na lang ako nakatira, malayo sa kabihasnan, malayo sa mga kapitbahay. Doon ay kinondisyon ko na ang aking sarili na tanggapin ang lahat; na ganyan na talaga ang buhay ko at hindi na maaaring magbago pa ito. Nag-iisa, walang kakampi, at puno ng hinanakit… At isiniksik ko na lang din sa isip na sa lugar na iyon ko na hihintayin ang paglubog ng araw ng aking buhay.

Lumipas pa ang ilang taon at nagkasakit ako nang matindi. Hindi makatayo. Habang nasa ganoon akong kalagayan at naghihintay na lang sa aking huling hininga, paulit-ulit na naglalaro sa aking isip ang imahe ni Kuya Renan sa simabahan. Malungkot ang kanyang mukha, nagmamakaawa ang kanyang mga mata habang nagsasalita ang pari, “Kung sino man ang tututol sa kasal ay tumayo na at ipahayag ang pagtutol!!!” Patindi nang patindi ang eksenang iyon sa aking isip. Palakas nang palakas ang sigaw ng pari. Tila tino-torture ako habang ako naman ay naga-agaw-buhay. Doon ko na naramdaman ang matinding pagsisisi.

Wala na akong nagawa kundi ang umiyak. Nang hindi ko na makayanan ang eksenang iyon sa aking isip, hinugot ko ang aking kahuli-hulihang lakas at sumigaw na nag-iiyak, “TUTOL AKO SA KASAL!!! AYAW KONG MAKASAL ANG KUYA RENAN KO!!! MAHAL NA MAHAL KO ANG KUYA RENAN KO!!!”

Iyon lang. Ang sunod na narinig ko ay ang sigaw ni Kuya Renan. “Tol! Tol! Nananaginip ka! Gising tol!!!”

Nang naimulat ko ang aking mga mata, mahigpit na niyakap ko si Kuya Renan. “Ayaw ko Kuya! Hindi ako papayag na makasal ka sa babaeng iyon! Ayaw ko po! Ayaw kong iwanan mo ako kuya! Mahal na mahal po kita Kuya!” ang sambit ko habang nag-iiyak at patuloy ko siyang niyakap ng mahigpit na mahigpit.

“Talaga?” ang sagot niya.

“Opo…”

“E, di bukas na bukas din ay tatawag ako sa Gensan at sasabihin kong hindi na ako babalik doon dahil sasamahn ko na ang aking mahal na bunso…”

“Talaga po? P-paano na iyong ex-convict kapag hahanapin ka noon?”

“Di ba may listahan naman si Duterte? Ang pangalan niya ay naroon. At sumurender na siya sa pulis.” Ang sambit niyang nakangiti.

Tinitigan ko siya. Matagal. Sariwa pa kasi sa aking isip ang imahe ng mukha niya sa aking panaginip kung saan ay nagmamakaawa siya sa akin na. Gusto kong makasigurong iba iyon, na hindi totoo iyon.

“Ba’t ganyan ka kung makatitig?” ang tanong niya sa akin, hindi natiis ang matagal kong pagtitig sa kanya.

“Wala, wala...” ang sagot ko.

“Ay... ano kaya iyon?” ang pangungulit niya.

“Wala. Guwapo kasi ng kuya ko eh. I love you Kuya.” Ang sagot ko na lang.

“Yun naman pala eh. I love you too baby ko…”

Niyakap ko siyang muli. Sinuklian niya ng mas mahigpit pa ang aking yakap. Hanggang sa naglapat ang aming mga labi at naghalikan kami na tila wala nang bukas…

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails