Followers

Tuesday, March 27, 2018

Ang Roommate Kong Siga [2]



By Michael Juha
getmybox@hotmail.com

***

Shout-out

Dahil sa utos niya, tumungo ako sa likuran niya upang doon pumuwesto sa pagtapis sa tuwalya sa kanyang baywang. Nanginginig ako habang ginagawa ko iyon. Hindi lang dahil sa kaba kundi dahil sa mistulang pang-aakit niya. Syempre, habang inilingkis ko ang tuwalya sa kanyang baywang, mistulang niyayakap ko na rin siya. At halos dumikit na ang aking harapan sa kanyang umbok sa likuran. At nang nilingon pa niya ako at sinabihan ng, “Ayusin mo!” nalalanghap ko ang bango ng kanyang hininga, ang amoy ng toothpaste na kanyang ginamit.

Sa pagkakataong iyon ay mistulang may nag-udyok sa aking isip na talagang yakapin siya, siilin ng halik ang kanyang mga labi, bitiwan ang tuwalya, hayaan itong malaglag sa sahig at hahagurin ng aking palad ang kanyang pagkalalaki, laru-laruin ito hanggang sa tumigas.

Ngunit habang iniisip ko ang ganoong senaryo, lalo lang lumakas ang kalampag ng aking dibdid. At lalo na’t sumagi sa aking isip ang sinabi niya na galit siya sa mga bakla at sa kabaklaang ginagawa nila. Naisip ko na baka sinubukan lang niya ako. At kapag ganoong pumasok ako sa kanyang bitag, doon na niya ako saktan at pahirapan. Kaya pinilit kong pigilan ang aking sarili.

Marahang isiningit ko ang magkabilang dulo sa ilalaim ng kanyang braso na nakalaylay sa kanyang tagiliran. Nang napansin niyang nag-aalangan akong masagi ang kanyang siko, kusa niyang inangat ang kanyang dalawang braso. Doon ko naman nakita ang umuusling balahibo mula sa kanyang kilikili, na para sa akin ay sobrang nakaka turn on.

“Dalian mo!” ang sigaw niya.

Dalidali kong isiniksik sa kanyang tagilirin ang dulo ng tuwalya. Nang matapos, muli niya akong hinarap at hinawakan sa panga, “Simula ngayon, kung ano ang iuutos ko sa iyo, sundin mo! Dahil kung hindi, hindi ka na maaaring makapasok pa sa kuwartong ito. naintindihan mo, mama’s boy?” ang banta niya.

Tumango na lang ako.

Pagkatapos noon ay umalis siya. Hindi ko alam kung saan siya nagtungo. Nakahinga ako nang maluwag. Ang ginawa ko ay naghanda sa aking mga gamit at damit na isusuot kinabukasan. Excited ako dahil iyon ang pinakaunang pagtungtong ko ng college. Niresearch ko pa ang website ng eskuwelahan, binasa ang kanilang history, mission/vision, ang mga pangalan ng mga namahala, ang mga rules and regulations ng eskuwelahan. Hanggang sa nakatulog ako.

Halos hatinggabi na nang nagising ako sa kalampag na sanhi ng pagbukas at pagsara ng pinto. Balewala lang sa kanya na may taong kak-kuwarto niya na natutulog sa mga oras na iyon.

Nagpanggap akong tulog ngunit lihim na pinagmasdan ang kanyang ginawa. Naghubad siya ng kanyang t-shirt, sapatos, medyas, at pantalon. Nang tanging brief na lang ang naiwan, ibinagsak niya ang kanyang katawan sa kama. Naka-brief lang siya habang natutulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Alas 4:30 pa lang ay nasa banyo na ako at naliligo. Naisip ko kasi na baka magkagipitan sa oras at magkasabay kami ng gising, ako ang dehado ako sa shower dahil syempre, siya ang dapat na mauna at maghintay ako kung kailan siya matatapos. Ako ang mali-late. Kaya maaga akong naligo at nang matapos na, nagbihis din agad. Hindi ko binuksan ang fluorescent na ilaw gawa nang ayaw kong ma-istorbo siya sa kanyang pagtulog at mabulyawan na naman ako. Kaya nang binuksan ko ang aking laptop, study light lang ang gamit ko. Nag-facebook muna, nagbasa ng mga posts, at pagkatapos ay ang aking nakagawiang pagsusulat ng daily shoutout.

5:30 nang nilingon ko ang higaan ni Jerome. Tulog pa rin siya, nakatihaya at na walang takip sa katawan maliban sa kanyang puting brief. Naaninag ko pa ang magandang hubog ng kanyang katawan. Ang pormang-pormang chest na lalong nagpaganda dahil sa tattoo sa isang parte nito patungo sa kanyang braso, ang kanyang tiyan na may tila mga alon na abs patungo sa kanyang pusod. Ang puting kumot ay magulong nakabalandra sa gilid ng kanyang kama, ang dulo nito ay nakalaylay at sumagi sa sahig. Ang isang unan ay nakalukot sa ilalim ng kanyang ulo at ang isa naman ay nasa kanyang kanang tagiliran, ipinatong dito ang kanyang kanang braso. Aninag na aninag ko pa ang malaking bakat ng bukol sa ilalim ng kanyang brief. Pahilis ito ito at sa laki ng bukol ay masasabi kong tigas na tigas ang kanyang pagkalalaki. At kung hindi lang ito nakahilis, siguradong umusli na ang kabuuan ng ulo nito sa garter ng kanyang brief at umabot sa kanyang pusod. Alam kong mataba at mahaba ang kanyang kargada. Nakita ko na ito nang nakaraang araw nang nalaglag ang kanyang tuwalya.

Tumayo na lang ako at dahan-dahang binuksan ang pinto. Sa ganoong oras kasi ay puwede nang kumain sa mess hall ng boarding house dahil libre naman doon ang agahan at hapunan. Alas 6:00 na nang matapos akong kumain. Naisipan kong bumalik ako sa aking kuwarto upang kunin na lang ang aking mga gamit at dideretso na sa unibersidad.

Ngunit sa pagpasok ko sa aking kuwarto, si Jerome ay nakaupo sa harap ng aking mesa at kasalukuyang ginagamit ang aking laptop! Ni walang paalam, ni hindi man lang tumingin sa akin.

Sa pagkakita sa kanya, walang imik na inayos ko na lang ang aking mga gamit, inasahang kapag natapos na akong mag-ayos ay kusa niya itong i-endorso sa akin. Ngunit hindi siya natinag. Tila walang tao sa kanyang paligid. Kaya nang hindi na ako nakahintay, sinabihin ko siya, “Puwede bang kunin ko na ang laptop ko? Dadalhin ko sa school eh.”

Tiningnan niya ako. “Oh, first day ng klase ay maglalaptop ka kaagad? Iwanan mo na ito. Gagamitin ko muna.”

“Hindi. Dadalhin ko iyan dahil may gagawin ako riyan.”

“Ang damot mo naman!” ang sagot niya. “Ngayon nga lang ako nakahiram ng gamit mo, tapos ganyan ka pa. Hindi mo naman kailangan ito sa klase dahil magtsismisan lang naman ang mga estudyante at guro sa unang araw.”

“May gagawin nga ako eh.” Ang paggiit ko.

“Kung igigiit mo, hindi puwede. Gagamitin ko pa! Dadalhin ko na lang ito sa iyo mamaya sa school. Freshman ka di ba? Pupuntahan kita sa room  mo! Ako ang maghahatid nito sa iyo!” ang matigas niyang sabi.

Wala na akong nagawa kundi ang umalis. Kahit wala naman talaga akong gagawin, syempre, may mga personal na files ako sa laptop ko kaya gusto ko talaga siyang dalhin. Bagamat may password  naman ang mga files, hindi ako sigurado kung lahat ay nalagyan ko. Sa dami ba naman ng files at image ko roon.

Maayos ang unang araw ko sa school. Kumbaga na-meet ang expectations ko. Okay ang facilities, okay ang mga professors at mga kaklase. Iyon nga lang, natapos na ang lunch break nungit walang Jerome na dumating at nagsauli ng laptop ko.

Dahil vacant subject ko pagkatapos ng lunch, nagpunta ako sa 3rd year na mga classrooms at hinanap si Jerome.

“Pare nasa may botanical sa likod ng eskuwelahan. Try mong tingnan sa parte kung saan naroon ang lumang generator house. Minsan ay nagpupunta iyon doon.” Ang sambit ng isang 3rd year Business Management student.

“Thanks pare.” Ang sagot ko rin.

Dali-dali kong tinungo ang likuran ng campus, sa nasabing itinurong lugar. Nagtatanong ako at nang matumbok ko ang botanical, hinanp ko ang nasabing lumang generator house.

May kalayuan din ito sa sa main building. Halatang hindi na ginamit, at halatang walang mga taong nagpupunta roon dahil sa kapal at taas ng mga talahib sa paligid.

Nang nasa pinto na ako ng generator house, doon ko narinig ang sigaw ng isang lalaki. Sinilip ko ang pinanggalingan ng ingay. Nakita si Jerome at apat pang mga kalalakihan na kasama niya, nakaharap sa isang lalaking itinali nila sa isang poste, duguan ang bibig at ilong.

“Ang tapang mo ring magsalita dito sa kaibigan ko!? Anong sabi mo? Wala kaming pakialam kung bakla ka? Ha?” ang sigaw ni Jerome sa nakagapos na lalaki sabay bitiw ng isang malakas na suntok sa tiyan. At sinundan ng isa pa.

“Arggghhh! Ang sakit! Argggh!”

“Masasaktan ka talaga kung hindi ka sasagot! Kaya sumagot ka tanginaaa!” ang sigaw niya uli at sinundan uli ni Jerome ng suntok sa mukha.

Ngunit hindi pa rin sumagot ang lalaking nakagapos bagamat kitang-kita ko ang patuloy na pagdaloy dugo mula sa kanyang ilong at bibig.

“Isang tanong, isang sagot. Bakla ka ba o hindi?” ang tanong ni Jerome.

Nang hindi nakasagot ang lalaki ay sinigawan niya ito. “SAGGGOOOOOOOTTTTTT!!!”

Doon na sumagot ang lalaki. “H-hindi, p-pare. H-hindi!” ang nanginginig na sagot ng lalaki.

“May pakialam ba kami kung bakla ka o hindi! Sagooootttt!”

“M-may pakialam pare, m-may pakialam po kayo.”

Muling sinuntok ni Jerome ang tiyan ng lalaki. Napaigting naman ito sa sakit.

Sinundan uli ito ng malalakas na sampal at batok ng iba pang mga kasamahan ni Jerome.

“Simula ngayon, ayaw naming makita kang nagbakla-baklaan ka rito sa campus. Ayaw naming marinig na nagsisigaw ka at nagtitili! At lalo nang ayaw naming ininiinsulto mo kami. Naintindihan?!!!”

“O-opo. O-opo!”

“Good!”

“At huwag na huwag kang magsumbong kahit kanino. Kung ayaw mong mas malala pa riyan ang gagawin namin sa iyo. Nakita mo ito?” ang pananakot ni Jerome na ipinakita ang kanyang dalang mukhang ball pen ngunit nang pinindot niya ang dulo nito, biglang umusli ang ice pick na kasing haba rin ng ball pen. “Ibabaon ko ang kahabaan nito sa iyong leeg at mata. Naintindihan mo?!!!”

“O-opo. Opo…” ang takot na sagot ng lalaki.

“Ayusin mo ang sarili mo at ayaw kong makitang nagdidisplay ka sa labas na ganyan ang mukha mo. Pahiran mo ang dugo mo sa bibig at ilong upang walang makapansin na nabugbog ka! Kung may magtanong, sabihin mong nadapa ka dahil sa katangahan mo!”

Kinalagan ng mga kasamahan ni Jerome ang lalaki. Isiniksik naman ni Jerome ang ice pick sa bulsa ng kanyang pantalon. Iyon na rin ang puntong napadayo ang paningin ni Jerome sa kinatatayuan ko.

Dali-dali akong yumukyok upang hindi niya makita. Ngunit huli na.

“Opps! Sino yan! Nasa may pinto! Labas kung ayaw mong may mangyaring masama sa iyo!!!” ang sigaw niya.

Dahil kinabahan, natagalan akong magpakita, sumagi sa isip na tatakbo.

Ngunit, “LABBAAAAASSSSSSSS!” Ang malakas na sigaw ni Jerome.

Kaya wala na akong nagawa kundi ang lumantad. Nang nakita ni Jerome na ako pala iyon, minuwestrahan niya ako na lalapit sa kanya. Iyon na ang punto na nakalagan na ang kanilang binully na estudyante at sa akin naman sila nakatingin.

“Halika rito!” ang sigaw ni Jerome.

“Ano Boss. I-good time natin?” ang sambit ng isa sa mga kasamahan.

“Alis na kayo. Roommate ko ito.” ang sagot ni Jerome.

Kaya nagsialisan ang apat na lalaki.  Nagpaiwan naman ang kanilang binully at at paika-ikang tinumbok ang lumang gripo at doon ay naghilamos.

“Anong gingawa mo rito?” ang tanong ni Jerome, mataas ang boses at ang mukha ay halatang galit.

“S-sabi mo kasi… i-iyong laptop ko ay ihahatid mo sa akin.”

“At naniwala ka naman?”

“Sinabi mo kasi...”

“Tanga ka! Naniniwala ka talaga sa akin? So gusto mong magmukha akong alipin mo. Dadalhin ko ang gamit mo at hahanapin kita kung saang lupalop ka at ihatid sa iyo ang gamit mo?”

“Wala naman akong sinabing ganyan. Nag-expect lang ako na tuparin mo ang sinabi mo.”

“Pwes next time, huwag kang mag-expect, gago! Iyan lang pakay mo kaya’t napunta ka rito?”

Tumango ako.

At iyon, isang malakas na sampal ang tumama sa aking pisngi.

Galit na napatitig ako sa kanya habang hinaplos ng aking palad ang nasampal na pisngi. Tinitigan din niya ako nang matulis.

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang ipahiwatig sa sampal niyang iyon. Ngunit matindi ang kaba na naramdaman ko.

“Pasalamat ka’t sampal lang iyan… Hintayin mong isang araw ay paputukin ko iyang ilong at labi mo kagaya nang isang bakla na iyan.” Ang pahabol niyang sabi sabay turo sa estudyanteng binugbog nila.

Sinundan ko na lang siya ng tingin habang naglalakad palayo.

“Binully ka rin?” ang sambit ng estudyanteng binully nila. Tapos na niyang linisin ang kanyang mukha, bagamat bakas pa rin ang pamumula ng latay nito sa kanyang bibig na pumutok.

“Ah… O-oo. P-pinagbantaan din.”  Ang sagot ko.

“Salbahe talaga iyang Jerome na iyan! Makikita niya. Ipabugbog ko sa mga tauhan ng daddy ko iyan.” Ang sagot niya.

“M-magsusumbong ka sa daddy mo?”

“Hindi. Ayaw kong lumaki ang issue. Uutusan ko lang ang mga tauhan ng daddy.”

“May mga bodyguards ang daddy mo?”

“Mga tauhan na nagsisilbe ring body guards.”

“Ah politiko ang daddy mo?”

Tumango siya.

“So talagang ipabugbog mo siya?” ang tanong ko uli.

“Sigurado iyan. Hindi lang para sa akin kundi para na rin sa ibang estudyante na nabully na at iyong ibubully pa nila. Pero huwag mong sabihin kahit kanino ha?” ang pakisuyo niya.

Tumango ako. Sa isip ko ay may tuwa rin na sa wakas ay matuldukan na rin ang pananakot niya sa mga estudyante.

Doon ko kami nagkakilala ni Paul Florencio, ang nabugbog na estudyante. Second year siya sa parehong kurso ko, Business Managent. Marami siyang sinabi sa akin tungkol sa school, sa mga patakaran nito, sa mga estudyante at professors, at higit sa lahat, tungkol kay Jerome na kinatatakutan ng mga estudyante. At nalaman ko rin na kahit ang mga professors ay sumakit din ang ulo sa kanya. Halos isang oras din kaming nagkuwentuhan ni Paul sa may lumang generator house na iyon.

Alas 7 ng gabi nang nakarating ako ng boarding house. Sa pagpasok ko pa lang ng room ay nakita ko na ang aking laptop, sa ibabaw ng mesa ko. Nakabukas ito at naka-connect pa rin ang charger.

Dali dali kong tiningnan ang aking laptop, kung ano ang maaaring binasa niya na mga files ko. Doon ko nalaman na hindi ko pala nasara ang files ng mga shout outs ko. Araw araw kasi sa paggising ko at bago ako matulog ay isinusulat ko ang mga nararamdamn ko. Mabuti na lang at per school year ang file ko. Dahil kung sa lumang file ko pa rin isinulat ang shoutout ko, siguradong malalaman niya ang nararamdaman ko tungkol kay Tyler. Kaya ang nabuksan niyang file ay ang mga shoutouts ko lang sa nakaraang dalawang araw simula nang pagdating ko sa boarding house na iyon. Ngunit doon kumalampag ang dibdib ko nang binasa ko ang mga isinulat kong shoutouts. May nakasulat palang, “Excited for my new Boarding Home!” at iyong sa gabi naman ay, “Ang Roommate kong Siga!” ngunit may karugtong na, “Pero aminin… ang guwapo niya! Type ko! Superrr!”

Doon na ako nanlumo at natakot. “Alam niya!” ang sambit ko. Hindi ako mapakali sa aking nalaman. Matinding kaba ang aking naramdaman sa sandaling iyon, lalo na kapag dumating na si Jerome. Hindi ko malimutan ang sinabi niya sa may lumang generator house, “Pasalamat ka’t sampal lang iyan…” Doon ko na analyze na dahil pala siguro sa nabasa niya sa aking laptop.

Nagmamadali akong kumain at nagbihis at pagkatapos ay chineck ko ang lahat ng aking mga files at nilagyan ng password. Pati ang pagbukas mismo ng laptop ay may password na rin.

Alas 8 ng gabi nang makarinig ako ng yabag at pagbukas ng pinto. Hindi ko ipinahalatang natakot ako. Kunyari ay abala ako sa pagbabasa sa mga posts sa facebook. Wala siyang imik. Inihagis niya ang kanyang knapsack sa ibabaw ng kanyang study table. Ni ho ni ha ay wala. Parang siya lang ang tanging tao sa loob ng kuwarto na iyon. Pati sa paghubad ng damit ay direderetso rin T-shirt, pantalon at pati brief. Saka kinuha ang tuwalya at dumeretso sa banyo. Naligo.

Hindi ko alam kung ano ang balak niya. Basta sa sandaling iyon ay ramdam ko ang malakas na kalampag ng aking dibdib.

Nang matapos na siyang maligo, nandoon na naman ang tuwalyang nakatapis sa kanyang baywang. Ganoong porma uli, halos makita na ang kanyang bulbol sa sobrang baba ng pagkatapis. Nang dumaan siya sa aking upuan, bigla niyang hinawakan ang aking panga habang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko, ang kanyang tingin ay matulis. “Hoy, Mama’s boy! Dapat mong ilagay sa kukote mo na hindi ako pumapatol sa bakla. Never in my wildest imagination na papatol ako sa iyo! Hintayin mo lang ang timing mo na ikaw naman bubugbugin namin sa school. Kaya ngayon pa lang ay magpakabait ka na sa akin dahil markado ka na!” ang banta niya sabay bitiw sa paghawak ng aking panga. “Naintindihan mo?!”

“N-naintindihan ko, Jerome...” ang sagot ko. Iyon na ang kumpirmasyon na alam niya pala talaga ang lihim ko.

Iyon lang. Tinungo niya ang kanyang cabinet at nagbihis at pagkatapos ay umupo sa silya sa harap ng kanyang study table, ipinatong ang dalawnag paa sa mesa at naninigarilyo. Nakakairita. Sa totoo lang ay para akong mawalan ng hininga kapag nakaamoy ng usok ng sigarilyo. Ngunit hindi ko masabi-sabi ito sa kanya. Takot ako. Kaya tiniis ko na lang.

Kinabukasan, wala pang alas 7 ng gabi ay nasa boarding house na ako. Sakto namang dumating ang aking inay.

“Sa labas na lang tayo Ma, dahil baka mamaya ay darating ang ka-kuwarto ko.” Ang sambit ko bagamat ang totoo, nahiya rin ako dahil may amoy pa rin ito at makalat ang aming kuwarto. At ayaw kong kausapin ng aking inay si Jerome. Madaldal kasi ang aking inay.

“Oh-Em-Gee! Ang ka-kuwarto mo? Ioyng pogi? Ano nga uli ang name niya?”

“Jerome”

“Wow! Jerome! Alam mo bang ang Jerome ay isang Greek name na nagpapahiwating ng masculinity!” nahinto siya sandali at nilingon ako, “Bagay nga sa kanya ang name niya. He’s so masculine!” at inilagay ang kanynag hintuturo sa kanyang sentido na tila nag-iisip ng malaswa. “I can imagine...” ang dugtong niya sabay bitiw ng pilyong ngiti. “Oh my God!”

“Ma... umandar na naman ang kalandian ninyo.”

Nahinto ang inay. “Ka-KJ mo naman! Parang ikaw ang tatay dito at ako ang anak mo. Magpalit na nga lang tayo ng role?”

“Ano pala ang pakay ninyo at napunta kayo rito? May gagawin pa ako sa kuwarto.” Ang paglihis ko sa usapan.

“May sorpresa ako sa iyo...” ang sambit ng inay habang binitiwan ang ngiting may dalang excitement.

Syempre, na excite ako. “Ano iyon Ma?”

“Tara...” at hinawakan niya ako sa braso at masayang hinila palabas ng boarding house, sa may gate. “Jaraannnnnn!” ang sambit niya habang itinuro ang sorpresa niya.

“Wow!!!” ang sigaw ko. “Ang ganda! Tamag-tama ma hindi na ako maglalakad patungo sa school! Ang ganda ng nabili mong motorsiklo Ma!”

“Syempre naman. Mas kumportable ka kapag may sasakyan ka, anak patungo sa school at boarding house. Mas mabilis. Kung may mas malaking pera lang sana ako, bibilhan kita ng kotse. Pagtyagaan mo na muna iyan.”

“Mama naman eh. Happy na ako sa motorsiklo. Kahit nga wala eh, happy pa rin ako dahil nariyan ka Ma.” Ang sambit ko. “Magkano ba ang bili mo niyan?” ang dugtong ko.

“Kung cash, nasa 50K. Pero nag down lang ako ng 10K at ang iba ay monthly na.”

“I love you, ma.” Ang sambit ko sabay unat sa aking braso para yakapin siya.

“I love you rin anak.” Ang sagot niya habang sinuklian ang aking yakap.

Umalis kaagad ang inay nang maibigay na niya ang sorpresa niya para sa akin. Ako naman na hindi magkamayaw sa tuwa ay sinakyan ko ito at nagpaikot-ikot sa downtown.

Alas 9 na ng gabi nang nakabalik ako sa aking kuwarto galing sa pagiikot ng bago kong motorsiklo. Pagpasok ko ay naroon na si Jerome sa loob, nakaupo sa silya, ang dalawang paa ay ipinatong sa study table niya habang naninigarilyo. Paborito niyang posisyon. Hindi na niya nagamit ang laptop ko gawa nang may password na ito.

Agad kong inilagay ang susi ng motorsiklo ko sa aking mesa atsaka tinumbok ang aking cabinet, kumuha ng damit at tuwalya at dumeretso sa paliguan.

Sobrang saya ko sa araw na iyon. Habang nag-shower ako, may pakanta-kanta pa. “Here I go again, tripping on my own feet, lately it seems I’ve been being old foolish me. Mumble when I try to talk, stumble when I try to walk. Like I’m in a state of shock, when I’m with you. Think I’m in love again. Grinning that silly grin...”

Nang nakalabas na ako sa shower ay wala na si Jerome. “Saan na naman kaya iyon?” Bulong ko sa sarili.

Tinumbok ko ang aking mesa at umupo sa silya, atsaka binuksan ang aking laptop. Binuksan ko ang aking shoutout files at ang isinuat kong shoutout sa gabing iyon ay, “From mom with love. A new motorbike!”

Nang matapos kong isulat iyon, naisipan kong kunan ng litrato ang motorsiklo ko. Ngunit nang tingnan ko ang ibabaw ng mesa kung saan ko inilagay ang susi, wala ito roon! Wala sa ibabaw ng aking mesa! Sigurado akong doon ko inilagay iyon! “Saan napunta iyon???” ang sigaw ng aking utak.

Dali-dali akong lumabas ng kuwarto at tinungo ang pinaradahan ko noon. Ngunit pati ang motor ay wala na rin!

Sobrang kaba ang naramdaman ko sa sandaling iyon. Kung sa pagbigay ng aking inay ay abot-langit ang tuwa ko, sa pagkakataong iyon ay abot-impyerno naman ang kaba ko at galit na rin kay Jerome. Alam kong siya lang ang kumuha noon dahil bigla siyang nawala kasabay sa pagkawala rin ng susi at ng motorsiklo. At siya lang ang nakakita kung saan ko inilagay ang susi.

Hindi ako nakatulog sa kahihintay kay Jerome sa gabing iyon. Halos maga-alas 12 na ng hating gabi nang dumating siya.

“Jerome, nasaan ang motorsiklo ko?” ang pagkumpronta ko kaagad sa kanya.

“Anong motorsiklo mo? Wala akong alam sa motorsiklo mo? Bakit mayroon ka ba?” ang sagot niya.

“Jerome! Kabibigay lang noon ng inay ko! Makonsyensya ka naman!”

“Wala nga sa akin, ano ka ba?!”

Kung ayaw mong ibigay iyon, i-report kita sa pulis. Kakasuhan kita! Makikita iyan sa camera ng boarding house na ito kung sino ang lumabas d’yan sa gate at may dala ng motor. Ayaw mong aminin sige, ireport na kita ngayon din!” at dali-dali kong tinumbok ang pinto ng kuwarto upang tumungo sa police station.

Ngunit bago ko pa man mahawakan ang door knob ng pinto ay bigla niya akong niyakap upang hindi ako makalabas. Nakipagbuno ako sa kanya. Ngunit dahil mas malakas siya, tumilapon ang katawan namin sa ibabaw sa kanyang kama na mas malapit sa may pinto. Nakatihaya ako at siya naman ay nakadapa sa babaw ng aking katawan. At dahil hawak-hawak niya ang aking dalawang braso, hindi ako makagalaw.

“Palabasin mo ako tanginaaaa!” ang sigaw ko.

“Okay aaminin ko, ako ang gumamit ng motorsiklo mo.”

Doon ko na siya sinigawan. “Ginamit mo ang motorsiklo ko? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin!!!” Nasaan na ang motor ko! Nasaaaaaaannnn!” ang sigaw ko.

Natahimik siya sandali. Tinitigan ako. “Ibinenta ko.” Ang kalmanteng sabi niya.

“Diyos ko poooo! Ibinenta mo? Kabibili lang noon ng inay ko, binenta mo! Hayop ka!” doon na ako nagwala at nakaalpas sa kanyang paglock sa akin sa kama niya. Tumayo ako at sinapak ang ulo niya. “Gago ka! Motorsiklo ko ibenenta mo! Ni hindi mo alam ang sakripisyo ng inay ko para doon! Ni hindi pa nga nabayaran ng buo iyon at ngayon ay ikaw ang nakinabang?! Nasaan ang konsyensya mo! Nasaan ang pera!!!”

Bumalikwas si Jerome mula sa kama at naupo sa silya sa harap ng mesa niya. Nagsindi ng sigarilyo na parang wala lang. Ako naman ay nasa likuran niya at panay ang batok sa ulo niya.

Hindi naman niya pinansin ang pambabatok ko. Parang wala lang ang mga iyon sa kanya ito. Sinampal ko pa siya. “Hayop ka! Ano ang sasabihin ko sa inay? Anoooooo!!!”

Doon na siya pumalag sa sampal ko. Hinawakan niya ang kamay ko at sumigaw. “Masakit iyon ha!”

“Wala iyan sa sakit na naramdaman ko, gago! Ano nga ang sasabihin ko sa aking inay! Anooo???!”

“Kapag nakaluwag-luwag na, ibibili kita ng bago at kaparehong motor!”

“Tangina mo! Paano kita paniniwalaan?”

“Tangina pala ha! Wala ka palang tiwala sa akin, ha?” ang sambit niya na tumayo at hinawakan ang aking panga, ang mga mata ay tila nagbabaga.

“Paano kita paniwalaan! Kahapon ang sabi mo ay ihahatid mo sa akin sa school ang laptop. Naghintay ako. Wala! Ang sabi mo, tanga ako! Nanaiwala sa iyo! Paano kita paniwalaan? Paano???!!!”

“Eh ganito na lang. Kung sasabihin ko kaya sa iyong inay at sa buong boarding house, pati na rin sa campus na bakla ka, at type mo ako, hindi ka pa rin maniniwala?”

Hindi ako nakasagot. Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. “Ano ang proof mo na ganoon nga ako? Ano ang proof mo na type mo nga ako???” ang sagot ko.

Hinugot niya ang cell phone niya mula sa kanyang bulsa. Binuksan iyon at ipinakita niya sa akin ang screen shot ng shoutout ko.

Bigla akong nanlumo.

“At hindi lang iyan. Ibalato pa kita sa mga manyank kong kasama. Ipabugbog kita, at pagkatapos, ipaparape kita. Gang bang! Silang lahat! Ipa video ko at ipost sa internet. Gusto mo iyan? Gusto mo???!!!” ang sigaw niya.

Tuluyan na akong natahimik. Walang nakakaalam na bakla ako. Lalo na ang inay. At ayaw kong pagtawanan sa school o sa boarding house na bakla ako. Siguro, kapag ilalantad ni Jerome ang sikreto ko, iyon na marahil ang katapusan ng mundo ko. Hindi ko alam ang gagawin kapag nalaman nilang lahat na ganoon ako.

“Kaya magtiwala ka! Maghintay! Ikaw rin, masasayang iyang scholarship mo, masasayang iyang kapogian mo.” At inilapit sa aking tainga ang kanyang bibig, “Sayang iyang tumbong mo, lalaspagin lang ng mga sunog-baga.” Ang bulong niya sabay pakawala sa panga ko. Ngunit nang binitiwan niya ang panga ko, isang malutong na sampal naman ang tumama sa aking mukha. “Natuto ka nang manampal sa akin ah!”

“Salabahe ka! Hayop! Demonyo!”

Tumawa lang siya. “I take that as a compliment. Thank you!”

“Ikaw ang pinakademonyong tao na nakilala ko!”

“Woi, hindi mo na ako malilimutan niyan!”

Talo ako. At wala na akong nagawa kundi ang magmukmok. Humiga na lang ako sa aking kama, itinalukbong ko ang aking kumot upang hindi niya makitang umiyak ako. Iyon bang sobrang helpless mo sa sitwasyon na sobrang inaapi ka, sobrang galit mo ngunit walang ni isa mang makakatulong sa iyo.

Kinabukasan ay ganoon pa rin ang routine namin. Maaga akong gumising at naligo. Nang tiningnan ko si Jerome, tulog pa siya, kagaya ng mga nakaraang umaga, ganoon pa rin ang kanyang porma sa kama. Halos walang ipinagbago. Nakatihaya, nakadisplay ang malaking umbok ng kanyang pagkalalaki sa ilalim ng kanyang brief.

“Ang sarap sabuyan ng gasolina at sunugin!” ang bulong ko sa sarili. Hindi ko talaga maiwasang kumulo ang dugo sa pagkakita sa kanya. Demonyo siya sa tingin ko, walang katulad ang kahayupan.

Kumain akong mag-isa at dumeretso sa school. Hindi p arin ako nakamove on sa nawalang morosiklo ko. Naglaho na parang bula. Nasakyan ko siya ng mahigit dalawang oras at sa paggising ko ay panaginip lang pala ang lahat. Iyong 50 thousand worth na babayaran ng aking inay sa motor na iyon ay katumbas lamang sa mahigit dalawang oras na pagdrive ko noon at pag-ikot ko sa downtown. Napakamahal ng motorsiklo na iyon. “Tangina!!!” ang sigaw ko sa aking isip.

Alas 7 ng gabi at dumalaw muli ang aking inay. Kinumusta niya ako. “Ba’t ka na naman narito, Ma?” ang med’yo nairita kong tanong. Ayoko kasing malaman niya na nawala ang motor na bigay niya para sa akin.

“Di ba sabi ko sa iyo, palagi kitang dadalawin dito, ano ka ba? Hindi ka masaya na dinadalaw kita rito?”

“Masaya naman pero weekends na dapat tayo magkikita, Ma! Busy ako sa mga gawain sa klase during school days!”

“Ano ka ba, i-invite lang kita ng dinner sa labas dahil... promoted ang inay mo! Sr. Manager na ako! Gash, iba ang nagagawa sa ganda at talino na pinagsama!”

“Andiyan na naman, puri nang puri sa sarili.”

“E, ano pa nga ba. Sariling anak hindi naman pumupuri! Hmp!”

“O sya, maganda ka, at matalino. In love na in love sa iyo si Mang Kanor!”

“Ay buwesit na yan! Maganda na sana isiningit pa ang pangalang nong hinayupak na iyon.”

Nasa ganoon kaming paghaharutan ng aking inay nang siya ring pagdating ni Jerome at papasok na sana sa kuwarto namin.

“Jerome!” ang pagtawag ng aking inay sa kanya.

“Ma!!!” Ang pigil na sambit ko naman, pahiwatig na tutol ako sa pagtawag niya. Ayaw kong lumapit si Jerome sa amin.

Ngunit huli na dahil nakalapit na si Jerome. “Ako po ang tinatawag ninyo?” ang tanong niya.

Tumayo ang aking inay at parang teenager na kinilig. “Oo, tinawag kita. Ikaw pala ang ka-kuwarto nito si July?”

“O-opo. Ako nga po.”

“Opo. Ako nga po...” ang lihim ko namang paggagad kay Jerome. Naplastikan kasi ako sa pa po-po niya samanatalang kapag kaming dalawa lang ay puro kademonyohan ang ipinakita.

Iniabot ng aking inay ang kanyang kamay kay Jerome. “Ako ang mama nitong si July na roommate mo.”

Tinanggap ni Jerome ang kamay ng aking inay. At take note, hindi siya nakipagkamay kundi hinalikan niya ang kamay ng aking inay!

Kitang-kita kong kinilig ang aking inay sa inastang iyong ni Jerome. Hindi ko alam kung plano niya talaga na inisin ako o iyon talaga ang naramdaman niyang gawin.

Gusto ko namang masuka sa eksenang iyon. Bagamat kung titingnan ay batang bata pa rin ang aking inay, sexy na halos ka-edad lang ni Jerome, parang hindi ko matanggap na ganoon naman kabata ang papatulan niya. At lalo na si Jerome. Dahil sigurado akong sasaktan lang siya nito.

“Gusto kong i-invite ka sana sa dinner. Tayong tatlo ng anak ko. Na-promote kasi ako sa trabaho.” Ang sambit ng inay.

Doon na lalo pang nainis ako sa aking inay. Kung puwede lang sanang busalan ko ang bibig niya ay ginawa ko na sa harap ni Jerome, o di kaya ay i-untog ko ang kanilang mga ulo.

Napatingin si Jerome sa akin. Nakasimangot ako at ibinaling ko ang paningin sa ibang direksyon.

“S-si July ay papayag ba na sasama ako?” ang tanong niya sa aking inay.

“Papayag iyan. Syempre, ako ang nanay niyan, eh.”

Nahinto si Jerome. Nag-isip. Alam kong tinitigan niya ako. Ngunit hindi ako tumingin sa kanya.

“Ok po. Sasama ako.” Ang sagot ni Jerome.

Mas lalo pa akong nadismaya sa sagot ni Jerome na iyon. “Tanginaaaaa! Ka-bad trip!” ang sigaw ko sa aking sarili.

“Ito naman. Huwag mo na akong po-poin. Steff na lang ang itawag mo sa akin. Steffanella ang buong name ko kaya Steff na lang. Okay?” ang sambit ng aking inay.

“Okay Steff. Sasama ako. My pleasure!”


(Itutuloy)

2 comments:

  1. naawa naman ako kay july di pa alam ni mama nya na binenta yung motor. tsk. pero i think my softspot si jerome. hhehehe

    ReplyDelete
  2. Tangena laughtrip tong chapter na to haha pero seryoso nakakaawa si july..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails