By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
***
Mama’s Boy
Nagsimula ang kuwento ko noong first year College na ako sa
kursong Management. Dahil first year
college, bago lang ako sa lugar, walang alam sa pasikot-sikot at sa mga tao.
Syempre, bago lang din sa boarding house na iyon. Iyon ang napili kong boarding
house dahil hindi kalayuan asa unibersidad. Wala pang labing-limang minuto kung
lalakarin at pangdalawahan lang ang boarders sa isang kuwarto, may sariling
banyo at may washing machine. Libre rin ang agahan. At hapunan.
“Mag-ingat ka sa ka-kuwarto mo, bully iyan. Lider iyan ng mga siga
sa school.” Ang pabulong na sabi sa akin ni Troy, ang isa sa mga
boarders na nasa tabi lang ng kuwarto ko ang kuwarto, kasama niya sa kuwarto ay
si Edcel. Pareho silang fourth year college ng Engineering at apat na
taon na rin sila sa boarding house na iyon. Sa pagpigil niya sa boses ng
kanyang pagsasalita, ramdam kong nasa loob na ang nasabing ka-kuwarto ko na
“siga”. Iyon kasi ang pinakaunang pagreport ko sa boarding house na iyon.
Hila-hila ko pa ang aking trolley bag.
“T-talaga?” ang medyo kinakabahan kong sagot.
“Oo. Marami nang ka-kuwartong umaalis d’yan dahil hindi nakatiis sa
ugali niyang ka-kuwarto mo. Jerome pala ang name n aka-kuwarto mo. 3rd
year management.”
Nahinto na lang ako, tiningnan siya dahil may naramdaman akong
kaba. Syempre, first year pa lang ako, walang kaibigan. Tahimik na tao, at ang
pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay gulo. At nagkataong pareho rin pala kami ng
department.
“Joke!!!” ang pagbawi rin ni Troy
sa kanyang sinabi nang mapansin niyang nakatingin na lang ako sa kanya. “Kalimutan
mo na ang sinabi ko, Biniro lang kita, pare. Ganyan din ako dati, biniro din
nila. Sabi, may nagbigti daw na estudyante sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung
totoo. Pero kung totoo man, okay lang. Di naman ako takot sa multo eh,”
Napangiti na lang ako sa sinabing iyon ni Troy.
“Welcome pala sa boarding house natin na magulo, pare!” ang
dugtong niya habang kinamayan ako.
Tinanggap ko ang kanyang pakikipagkamay atsaka pumasok na sa loob
ng kuwarto.
Bukas ang fluorescent na ilaw nang pumasok ako sa kuwarto. Pagpasok
ko pa lang sa kuwarto ay tamang-tama ang pag-ikot ng electric fan na nasa
dingding patungo sa aking mukha at nalanghap ko ang amoy ng sigarilyo na humalo
sa amoy ng pawis at paa. May ashtray na nakapatong sa mesa na puno ng upos ng
sigarilyo at abo, ang iba ay nagkalat sa mesa na puno ng alikabok. May nagkalat
din na mga basyo ng bote ng beer sa sahig, kasama ang mga maruruming damit, sapatos,
medyas, at iba pang gamit. Bahagyang nakabukas ang kanyang cabinet na may
iilang damit na naka hanger, ang iba ay nasa ibaba. Sa ibabaw naman ng kama ay ang
naka-puting brief lang na si Jerome, nakahigang naktaob, nakapatong ang ulo sa
unan, ang kumot ay magulong naka balandra sa kanyng tagiliran.
Dahan dahan kong tinumbok ang katabing kama. Nakita ko sa sahig
naman pinagitnaan n gaming kama ang dalawang dumbbells. Doon ko naisip kung
bakit may halong amoy pawis ang kuwarto dahil doon din pala siya nagi-exercise.
Halatang bagong ayos ang aking kama gawa nang naka-tiklop pa ang
kumot na ipinatong sa unan ngunit may bakas na hinigaan ito. Dumeretso ako sa
aking cabinet at inilipat ang aking mga damit doon mula sa aking bag. Inilgay
ko rin ang aking mga notebooks sa ibabaw ng aking mesa at binuksan ko ang aking
laptop.
Nang matapos ay babalik na sana ako sa may mesa ngunit sa hindi
inaasahan, aksidenteng nasipa ng aking paa ang isang bote ng beer at kumalampag
ito nang tamaan nito ang iba pang mga bote na nagsitumbahan.
Bigla akong nahinto. Tiningnan ko si Jerome na may takot sa aking
mga mata. Lumingon siya sa akin.
“Tangina naman nito o! Gago ka ba? Nakita mong may natutulog eh!
Puta!” ang sigaw niya na mistulang nanglilisik ang mga namumulamula pang mga
mata habang nakatingin sa akin.
“S-sory.” Ang sambit ko. Nilapitan ko siya at inabot ko ang aking
kanang kamay upang makipagkamayan. “Ako nga pala si Jul…” ang sambit ko. Ngunit
hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin gawa nang tumagilid siya patalikod
sa akin. Hindi niya ako pinansin.
“Kapag nag-ingay ka pa, babasagin ko ‘yang mukha mo!” ang sambit
niya habang isinubsob ang ulo niya sa unan at ipinagpatuloy ang pagtulog.
Napahiya, tumalikod na lang ako at ang kama ko naman ang aking
nilinis. Pagkatapos ay tinungo ko ang shower at laundry area. Dahil marami ring
kalat at dumi, nilinis ko ito. Nang makita ko ang kalat sa mesa niya, sumagi sa
isip ko na linisin na rin siya. Ngunit nagdadalawang-isip na rin ako na baka
magalit siya. Kaya tinungo ko na lang ang banyo at naligo at pagkatapos ay humiga
sa aking kama, nagmuni-muni, sinamsam ang excitement na sa wakas ay malapit ko
nang maabot ang aking pangarap na makapagtapos ng pag-aaral, makapagtrabaho.
Muli ko ring sinariwa ang aking mga karanasanan sa high school. Lalo na ang
high school classmate at lihim kong crusn na si Tyler.
Aaminin ko naman na simula pa lang noong high school, alam kong
may kakaiba na sa akin. Bagamat nakaroon din ako ng crush sa babae,
nagagandahan din ako sa kanila, nagpapantasy din ako sa kanila, ngunit nang
nag-transfer si Tyler sa school namin, mas mabigat ang crush na naramdaman ko
sa kanya. Maliban sa guwapo, maraming nagka-crush, ang bait pati noong tao,
sweet, at palaging nakangiti. Sa ngiti pa lang, mistulang lulutang ka sa ulap
sa sarap ng pakiramdam. At ewan ko rin ba, sobrang close niya sa akin. Iyong
kapag hindi niya ako nakikita ay hinahanap ako. Tapos kapag nahanap na ako at
tatanungin ko kung bakit iya ako hinahanap, ang isasagot sa akin ay, “Wala
lang… na miss lang kita.” Sobrang sweet. Tapos, yayayain niya akong isasama
kung saan siya pupunta, kahit sa loob lang ng campus. “Samahan mo nga ako sa
library, Tol… manghiram ako ng libro sa Math.” “Samahan mo ako sa Room 305
Tol…” Iyon ang simula sa kakaibang naramdaman ko para kay Tyler. Para
akong mababaliw kapag hindi ko siya nakikita. Hindi pa kasi nagagamit ang cell
phone at internet sa aming lugar noon dahil malayo kami sa kabihasnan. At
umuuwi si Tyler sa probinsya nila kapag walang klase. Kaya sobrang lungkot ko
kapag sasapit ang Sabado at Linggo o iyong bakasyon. Ngunit sobrang saya ko naman
kapag magkasama kami. Kay Tyler ko na-confirm na may kakaiba sa akin. Marahil
ay kung hindi lang ako takot na magladlad, niligawan ko na siya, sasabihin sa
kanya na may naramdaman ako para sa kanya. O baka rin siguro, naging kami. Kaso,
dahil sa panahong iyon ay mistulang pinandidirian at pinagtatawanan ang
pagiging bakla, naging duwag ako. Ayokong maging katulad sa ibang lantad na
binu-bully, pinagtatwanan, inaalipusta ang pagkatao. Ayoko nang ganoon. At
ayoko ring mapahiya at magalit sa akin ang aking inay. Single mom pa naman siya
at siya lang ang kaisa-isa kong pamilya. Maliban d’yan, palagi niya akong
kinukulit kung kailan ako magkaka-girl friend dahil gusto na niyang makakita ng
babaeng magbibigay sa akin ng inspirasyon at magiging katsikahan daw niya.
Pagkatapos na pagkatapos ng aming graduation, nilapitan ako ni
Tyler at sinabi niya sa akin na huwag akong mag-alala dahil magkikita pa rin
daw kami. nagpromise siya. Hinugot niya ang kanyang kwintas na may gintong pendant
na krus at isinukbit iyon sa aking leeg, souvenir daw niya sa akin. Ako naman,
dahil walang maibigay, iyong sailor knot bracelet ko ang tinanggal ko at
inilagay ko rin sa kanyang pupulsuhan. Iyon ang huling tagpo namin. Nang
makauwi na ako mula sa graduation, ibinuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko sa
pag-iiyak sa loob ng aking kuwarto.
Ngunit lumipas ang ilang araw ay wala na kaming komunikasyon ni
Tyler. Nalaman ko na lang mula sa ibang dating ka-klase namin na nasa Amerika
na raw pala siya at doon na mag-aaral. Lalo pa akong nasaktan. Ngunit pinilit
ko na lang ang aking sarili na kalimutan ko siya. Tanggap ko naman na walang
mangyayari sa amin. At hindi pa ako tapos sa aking pag-aaral. Iyan ang mahalaga
sa akin. Kapag nagtapos na ako sa aking pag-aaral, alam kong maging libre na
ako kahit ano man ang gagawin ko sa buhay, dahil may pera na ako, makakatayo na
ako sa sariling mga paa.
Naputol ang aking pagmumuni-muni nang biglang may narinig akong
kumatok sa kuwarto. Dahil ayokong ma-istorbo na naman ang tulog ng ka-kuwarto
ko, dali-dali akong bumangon at naglakad ng patiyad patungo sa pintuan. Nang
binuksan ko na, hindi ko naman akalain na ang inay ko pala ang dumating.
Palihim kong isinara ang pinto at hinarangan siya upang hindi pumasok.
“Wala na pong Parents-Teachers Association Meeting sa college Ma! Anong
ginagawa mo rito?” ang sarkastikong tanong ko na medyo tumaas ang boses.
“Anong ‘Anong ginagawa’? Nanay mo ako at karapatan ko na alamin
kung saan tumira ang kaisa-isa kong
anak, kung saan ang ang kuwarto niya, at kung sino ang mga taong nakapaligid sa
kanya. Mali ba iyan?”
“Mama naman eh. Malaki na ako. College na. Ayoko ng ganitong
pinapakialaman mo pa rin ang buhay-estudyante ko! Kainis ka naman, eh!” ang
sagot ko habang hinaharangan siya sa pintuan.
“Hoy Julyo!” iyan ang tawag niya sa akin kapag naga-argumento
kami. “Huwag mo nga akong harangan? Papasukin mo ako sa kuwarto mo!” ang sambit
niya.
“Hindi ko kuwarto iyan, ma. Kuwarto namin ng ka roommate ko. Tulog
ang siya at nakakahiyang istorbuhin, ma! Mahiya ka naman. Kabago-bago ko pa
lang dito, nang-iistorbo pa tayo.”
Nahinto siya, bumaba ang boses. “Titingnan ko lang ang kuwarto
mo.”
Tinitigan ko siya.
“Sige na. hindi ako
mag-iingay, promise. Sisilipin ko lang kung maayos ang tinutulugan ng aking
anak.”
“Promise mo iyan ha...” ang sagot ko.
“Oo na! Buksan mo na.”
Binuksan ko ang kuwarto at pinapasok siya. Nang nakita niya ang
mga kalat sa kuwarto, napa “Oh my God!” siya. Minuwestrahan ko siya na huwag
maingay, “Shhhhh!”
Kaya tumahimik siya. Ipinagpatuloy niya ang pag-imbistiga sa loob
hanggang sa banyo at laundry area.
“Ang baho ng kuwarto ninyo! Amoy lalaki!” ang sambit niya nang
nasa labas na kami ng kuwarto, nakaupo sa sofa sa sitting room ng boarding
house.
“Syempre naman ma! Lalaki ang nasa loob ng kuwarto! Magtaka ka kung
amoy babae!” ang pabalang kong sagot.
“I mean, ang baho ng kuwarto ninyo! Amoy pawis, amoy paa, amoy
sigarilyo… at ang kalat! D’yos ko!”
“Lalaki ang nasa loob, ma. Ano ba ang ini-expect mo?”
“Sabagay… at in fairness, malapit lang ito sa tinatrabahuhan ko.
Dalawang tumbling at isa at kalahating kembot lang mula sa opisina ko. Pede kitang
daanan dito araw-araw. At sabay na rin tayong umuwi kapag weekends.”
Doon na kumunot ang noo ko. Hindi ko naisip na malapit lang pala
ang boarding house na iyon sa opisina ng inay. Manager kasi siya sa isang
pagawaan ng mga RTW sa syudad na iyon. May sariling housing sila kaya lingguhan
siya kung umuwi. Hindi naman ako puwede sa housing nila dahil para lamang ito
sa mga empleyado. At ayaw ko ring makasama siya sa isang accommodation.
Syempre, gusto kong matikman iyong sinasabi nilang freedom and independence.
“Kapag sa sunod na pagpunta ko rito ay marumi pa rin iyang kuwarto,
ako na mismo ang maglilinis d’yan. Tandaan mo iyan.” Ang dugtong niya. Nahinto
siya sandali, ang mga mata ay mistulang mga bituin na kumukitikutitap. “In
fairness, ang guwapo ng kakuwarto mo! Ang ganda ng katawan, naka brief lang, at
ang umbok sa kanyang harapan, my goodness! Nakaka turn on siya! At ang mukha,
parang artista! Lord ba’t nandito lang pala siya? Ba’t huli siyang ipinanganak?”
Natawa na lang ako. Nakatihaya na kasi si Jerome nang pumasok
kami. Siguro ay nagising sa pagkatok at pagbukas ng pinto. At lantad na lantad
ang kanyang katawan at mukha, pati ang malaking bukol sa kanyang harapan. “Ma…
ka-edad ko lang iyong tao, mahiya ka!”
“Ano kung ka-edad mo! Hoy, mas matanda ka pang tingnan kaysa akin
no! Atsaka bakit si Vicki Belo may Hayden Kho? Sya lang ba ang may karapatan?”
“Vicki Belo iyon ma… Madatung.”
“May ganda naman ako. Di ba?” ang sagot niya.
Natawa uli ako. “Oo na. Kaya nga in love na in love sa iyo si Mang
Kanor, di ba?”
“Hoy! Wala akong interes doon. Di ko type ang Kanor na
iyan! Kahit mapera sya, ayoko sa kanya. Mayabang!”
“Wooh! Kunyari pa…”
“At puwede ba, huwag nating pag-usapan ang lovelife ko!”
“Uyyyy! Nag-blush! Kunyari ayaw. So ano ang pag-usapan natin?
Iyong ka-kuwarto ko na type mo? Kung kayo na lang kaya ang mag-roommate, ma?”
“Ito naman…” ang sagot niya na tinampal pa ang aking hita, tila
nahiya. “Kung kami ang magroommate, saan ka naman matutulog? Kawawa naman ang
unico hijo ko.”
“Magparaya ako ma, basta liligaya ka lang.”
Biglang tumaas ang boses niya. “Woi! Huwag kang ganyan baka
papatulan ko yang invite mo. Kala nito…”
“Ma! Don’t you understand sarcasm!”
“Sarcasm? Sa ganda kong ito?” ang sagot naman niya sabay tawa.
“Umalis ka na nga ma! May gagawin pa ako sa kuwarto! Bad trip ka
namang kausap eh.”
At doon na tumayo ang aking inay at nagpaalam. Ngunit may pahabol
pa siya bago umalis. “Pssst, paki-regards mo ako sa roommate mo ha? Ayiiiii!”
“Huwag ka na ngang bumalik dito. Nakakahiya!”
“I love you, nak. Mwah!”
“Ang landi! Arrgggghhhhhh!!!”
Ganyan kami kapag nag-uusap ng aking inay. Parang barkada ko lang
siya. Sa kanya, kaya kong sabihing, “Alis ka nga d’yan!” “Bad trip ka naman
eh!” “Ang landi mo!” kahit “Tangina!” kapag galit na galit na ako sa
pangungulit niya. In fairness naman ay hindii ako ni minsan pinapagalitan
niyan. Kaya love na love ko ang aking inay. At kahit maghanap pa iyan ng lalaki,
kahit may mga manliligaw iyan, kahit sumasama iyan sa pakikipagdate ng lalaki,
wala akong tutol. Naintindihan ko siya dahil alam ko, naghahanap siya ng
katuwang at pagmamahal na matagal na rin niyang hindi naranasan. Kaya siguro
ganyan din ang pagtrato niya sa akin, dahil niyanaranasan na magkaroon ng
lalaking katuwang sa buhay. Kaya siguro, ang turing niya sa akin ay ako ang
kanyang rock.Maganda pa rin naman ang aking inay. Bata pang tingnan. Halos
kaedad ko nga lang eh. Parang tunay na magkapatid nga talaga kami kung hindi
man ay magbarkada kapag nagsama. Kung hindi kami kilala ng tao, ang iisipin
talaga sa amin ay magkuya. Maalaga kasi ang inay sa kanyang katawan at figure.
Health conscious din siya. At ang pinakagusto ko, nasasabi ko ang lahat sa kanya. Well… maliban na lang
pala sa pinakatago-tago kong sikreto, ang tunay kong pagkatao.
Nang umalis na ang aking inay, muling pumasok ako sa kuwarto.
Nagkataon namang galing sa paliguan si Jerome, nakatapis lang ng tuwalya, iyong
pagkatapis pa na mababang-mababa na halos makikita na ang kanyang bulbol. Sa
kanyang dibdib naman ay may tattoo, iyong kalahati ng chest area niya ay
covered ng design na parang crop designs or symbols na kulay itim lahat
hanggang sa braso niya. Sa kanyang tainga naman ay may dalawang earrings na
itim, iyong parang butones na nakadikit lang.
Nahinto ako sa may pintuan at nakatingin sa kanya. Kapag tumuloy
kasi ako sa paglalakad, magkasagian ang mga katawan namin sa maliit na daanan.
Kaya huminto ako sa may pintuan at pinagmasdan siya. Hindi ko maiwasang humanga
sa kanyang tindig at ganda ng anyo. Nasabi ko tuloy sa aking sarili na tama nga
ang aking inay. Ang lakas ng dating ni Jerome. Matangkad, hunk, at sobrang
guwapo. Parang hindi kapani-paniwala na isa siyang lider ng mga siga sa campus.
Kahit magulo pa ang kanyang buhok, halatang kinuskos ng tuwalya habang nasa
loob siya ng banyo, lutang na lutang pa rin kapogian niya.
Hindi niya ako pinansin habang natulala akong nakatayo sa may
pintuan. Dumeretso siya sa harap ng kanyang mesa at nanatiling nakatayo roon.
Sa harap ng kanyang mesa kasi ay may bintana. Ibiniling niya ang kanyang
paningin sa labas habang ikinuskos ang kanyag kamay sa kanyang buhok. Habang
nakatayo siya roon, saka na ako gumalaw at tahimik na tinumbok ang aking kama.
Ngunit nang nasa gilid na niya ako, bigla siyang humarap sa akin
at hinawakan niya ng malakas ang aking panga. Hindi ako nakakilos agad sa bilis
ng pangyayari. Ang lakas niya, at malakas ang kanyang paghawak sa aking panga.
Masakit. Iyong halos iangat na niya ang aking buong katawan sa lakas ng kanyang
paghawak.
“Hep! Mama’s boy! Hindi ko gusto ang tingin mo sa akin! Habang
nakatayo ka sa may pintuan ah! Anong mayroon? Bat ganyan ka kung makatingin?
May masamang balak ka ba sa akin? O bakla ka at trip mo ako?”
“Eh… w-wala, wala p-pare! Wala akong masamang bakla… este balak!”
ang pautal-utal kong sabi. Pati ang pagkasagot ko ay nagkawindang-windang.
“So kung wala kang masamang balak, bakla ka? Sagot!!!”
“H-hindi p-pare. H-hindi ako bakla!”
“Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin???”
“Eh… s-syempre, b-bago pa lang kitang nakita. K-kinakabisado lang
kita.” Ang sagot ko uli
“Alam mo bang mahilig akong magpadugo ng ilong at bibig ng
kakuwarto?”
“O-oo p-pare. A-alam ko.”
“Paano mo nalaman?”
“N-narinig ko lang sa i-ibang b-boarders.”
“Alam mo rin ba na binubugbog at pinapahirapan ko ang mga bakla
dito sa boarding house na ito, pati na sa school?”
“H-hindi, p-pare.”
Tinampal ng isa niyang kamay ang ulo ko. “Ngayon ay alam mo na!”
ang sambit niya. “Ano pa ang alam mo tungkol sa akin?”
Nasa ganoon siyang paghawak sa aking panga at pagtatanong nang
naramdaman ko naman sa aking paa ang pagkalaglag sa sahig ng tuwalya na kanyang
itinapis.
Nahinto siya at binitiwan niya ang aking panga. Nanatili siyang
nakatayo at tinitigan ako. Kahit na wala nang nakatakip sa katawan niya,
nanatili pa rin siyang nakatayo na parang wala lang nangyari. “Pulutin mo.” Ang
utos niya sa akin sabay turo sa tuwalya sa sahig.
Walang imik na yumuko ako at pinulot ang tuwalya. Halos masagi sa
aking ulo ang kanyang pagkalalaki na bagamat malambot ay halatang mahaba at
mataba, ang kanyang bulbol naman ay trimmed. Napalunok ako ng laway. Sa buong
buhay ko ay noon pa lang ako nakakakita ng actual na ari ng isang mature na
lalaki.
Nang nahawakan ko na ang tuwalya at damputin na, bigla naman niyang
tinapakan ito. Napatingin ako sa kanya, ang aking mga mata ay nagtatanong kung
bakit niya tinapakan ang tuwalya. Nanatili akong nakayuko, hawak-hawak ko pa
ang dulo ng tuwalya, ang aking mukha ay halos madikit na sa kanyang
pagkalalaki.
“Ba’t ka nanginginig? Natatakot? O nasasabik sa titi ng lalaki?”
Hindi ko sinagot ang kanyang tanong. Hindi ko naman kasi alam kung
dahil sa takot kung bakit ako nanginginig o dahil sa pagkakita ng lalaking
hubad at actual na ari ng lalaki. Yumuko na lang ako.
Tinanggal din niya ang kanyang paa na nakatapak sa tuwalya. Nang
iniabot ko na ito sa kanya, inutusan na naman niya ako. “Itapis mo sa baywang
ko.”
(Itutuloy)
first commentor ba ako dito.. haha. astig tong kwento na ito ahh.... to muna basahin ko gat wala pang update si TokHang. hehe. kuya Mike.... petmalu ka talaga #werpa #Lodi haha
ReplyDeleteEto pala ung Part 1. Hindi ko mahanap sa Wattpad... Hahaha
ReplyDelete