Followers

Wednesday, March 7, 2018

Kuya Renan 17

By Michael Juha
getmybox@hotamil.com

***

“Arrrrggggghhhhhh!” ang sigaw ko. Hinawakan ko ang aking ulo nang naramdaman ko ang sobrang sakit nito. 

“Boss! Bosss! Okay ka lang???” ang narinig kong boses. 

Nang tiningnan ko ang taong nagsalita, si Jake pala ito, naka-brief lang, nakaluhod at hinawakan ang aking kamay. Nalaglag pala ako sa higaan at nauntog ang aking ulo sa sahig. “P-panaginip lang pala ang lahat! Nakatulog pala ako noong bumalik ako sa aking kama nang tinanggihan ako ni Jake na makikipagtalik sa kanya.

“Ano ba ang napangainipan mo at nagsisigaw ka?” ang tanong niya uli.

Hindi ako sumagot. Hinaplos-haplos ko lang ang aking ulo na naumpog. Akma na niya akong kargahin, marahil ay upang ibalik sa kama, ang katawan ko ay nasa kanyang mga bisig na ngunit pumalag ako. “Huwag mo nga akong hawakan!” ang bulyaw ko. Nanumbalik kasi sa aking isip ang ginawa niyang pagtanggi sa gusto ko nang nakaraang gabi.

Pinilit ko na lang ang sariling bumangon at muling humiga sa aking kama, nagkunyaring hindi siya nag-exist sa aking tabi.

“Ano ba kasi ang pinag-iisp mo at kung anu-ano na lang ang napanaginipan mo?” ang sambit niyang umupo sa tabi ng aking kama. 

“Shut up!” ang galit kong bulyaw sa kanya sabay tagilid patalikod sa kanya.

Tahimik.

“G-galit ka ba sa akin, boss?”

Tila binuhusan naman ako ng malamig na tubig. “Hindi ah. Wala naman akong dahilan para magalit sa iyo, di ba?” ang sagot ko rin na nahimasmasan sa kanyang tanong. 

“Bakit parang galit ka kung makikipag-usap sa akin?”

“Hindi nga ako galit. Wala akong dahilan para magalit sa iyo. Huwag nang magdrama baka talagang magalit na ako. Okay lang ako. Pramis.” Ang sagot ko.

Naramdaman ko na lang ang paggalaw ng aking higaan. Nang nilingon ko siya, tinumbok na niya ang kusina at maya-maya lang ay narinig ko ang ingay ng tila pagpiprito.

Hindi na ako dinalaw pa ng antok pagkatapos noon. Sariwang-sariwa pa sa aking isip ang pangyayari sa aking panaginip. Akala ko ay totoo! Akala ko ay mamamatay na sina Mico at Kuya Renan!

Bumalikwas na lang ako at tiningnan ko ang aking cp. Doon ko na nakita ang mga texts ni Kuya Renan. “Sorry baby ko. Na-low bat ako sa pagbiyahe ko kaya di na ako nakatext. Sensya na po. I love you” ang unang text na nabasa ko. Tapos ay may kasunod pa, puro pangumusta at pag-inform sa akin sa kanyang biyahe, at na okay na siya, safe na nakarating.

Nagreply ako, sinabi ko sa kanya ang tungkol sa panaginip. Sinabihan lang niya ako na huwag maniwala sa ganyan…

Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo. Naligo si Jake. Hinitay ko na lang na matapos siya. Nang lumabas na siya ng banyo, nakatapis na siya ng tuwalya. “Good morning boss” ang sambit niya.

Hindi ko siya sinagot. Wala ako sa mood na makipag-usap. Dala-dala ang tuwalya ay dumiretso na ako sa loob banyo at naligo. 

“Magbihis ka na boss. Inihanda ko na ang bihisan mo. Kain na tayo pagkatapos mo.” ang sambit ni Jake nang nakalabas na ako ng banyo. Nakaupo na siya sa hapag-kainan. Handa na ang aming almusal. May dalawang sunny-side up na pagkaprito ng itlog, may hotdog, may toasted na mga tinapay na, may fried rice at may gatas at kape rin. Nang tiningnan ko ang ibabaw ng cabinet sa may labasan lang ng banyo, nakalatag doon ang aking bihisang brief, short, at t-shirt. 

Isa-isa kong sinuri ang mga ito. Iyong puting brief na wala pang isang buwan kong binili, iyong blue na short na binili ko sa mall ng syudad kasama siya na siya pa ang pumili dahil bagay daw iyon sa akin, at iyong t-shirt na sinabi ko sa kanya isang beses na paborito ko. Parang alam talaga ninyang ang mga iyon ay ang plano kong isuot sa araw na iyon. Sa totoo lang, na-sweetan pa rin ako sa ginawa niya sa paghanda noon. Pati ba naman brief ko ay siya pa talaga ang pumili. Para lang akong isang maliit na bata na inaaruga ng kanyang tatay.

Ngunit dahil sa tampo ko sa kanya, hindi ko ito isinuot. Hinayaan ko lang ang mga ito sa ibabaw ng drawer. “Ang pangit naman nitong napili mo!” ang sambit ko, sabay bukas sa drawer ng aking mga damit at ang pinili ko ay iyong mga pinakalumang damit at brief, iyong t-shirt ay kulay kupas na dilaw at may maliit na butas pa sa dibdib at bandang tiyan. Sinadya ko talagang baliktarin ang mga gusto niya. Ang sakit pa kaya noong sinabi niyang hindi niya ako gusto, at na pumayag lang siya noong unang ginawa namin iyon dahil boss niya ako. Ang saklap, sobra. 

Nang nakabihis na ako ay tiningnan ko siya, nakatingin din siya sa akin na nakangiti pa, siguro ay naaliw sa kanyang nakita. Walang bahid na hinanakit sa kanyang mukha sa kabila ng aking inasal. Siguro ay ganyan lang talaga ang mga lalaki. Hindi affected sa mga maliliit na bagay na may kinalaman sa pride o pagtatampo. Mga beki at babae lang yata ang masyadong emosyonal, sensitive, at ang maliliit na bagay ay pinapalaki… 

Umupo ako sa silyang nakaharap sa kanya sa hapag kainan. Siya naman ay tumayo at niligpit ang mga damit na hindi ko pinili, ibinalik ang mga iyon sa aking drawer. Ganyan siya ka-sinop. “Pasensya ka na doon sa mga damit na napili ko. Iba pala ang gusto mo.” Ang sambit niya.

Hindi pa rin ako sumagot. Para lang akong nag-iisa sa hapag-kainan na iyon.

Bumalik siya sa kanyang kinauupuan. Inalok niya sa akin ang gatas ngunit parang wala lang akong nakita. Gatas kasi palagi ang iniinum ko sa umaga. Ngunit sa pagkakataong iyon, kape ang inabot ko na nasa gilid lang niya. Ewan, parang gusto ko lang talagang ipamukha sa kanya na masakit iyong pagtanggi sa akin. Kaya kung ano ang ibibigay niya, iba ang aking kukunin.

“Saan ang lakad mo ngayon?” Ang tanong niya. 

“Wala. Sa bahay lang ako. Mag-aaral. Malapit na ang finals. Kung gusto mong mag-day-off, walang problema.” Ang sagot ko naman.

“Hindi na… 24 hrs a day ang pagbabantay ko sa iyo.” Ang sagot niya rin.

Hindi na ako umimik. Sa araw na iyon ay sa bahay lang talaga ako nag mukmok. Nag-aral, nagpatugtog ng music. Si Jake naman ay ganoon din, nasa loob ng bahay lang. Pero mga gawaing bahay naman ang kanyang pinagkakaabalahan. Pati ang paglalaba ng mga maruruming damit namin, beddings, kurtina ay ginagawa rin niya. Nagtatanggal ng mga alikabok, nagtatapon ng mga basura, inaayos ang mga laman ng cabinets, nagwawalis, nagbubot. Pagkatapos ay nagwo-work out naman, gamit ang dalawang dumb bells – sit-ups, bench press, push ups, kung anu-anong exercise para sa abs, biceps, triceps at sa hita.

Nakakadistract siya sa aking pag-aaral actually. Ang ganda kasi ng porma niya. Iyong naka-boxers lang siya at kitang-kita ang bukol sa kanyang harapan. Parang gusto ko siyang samahan dahil hindi lang ako nalilibugan sa kanyang porma kundi nae-engganyo rin at gusto ko ring magkaroon ng ganoong porma ng katawan. Pero dahil sa pride ay hindi ko kunyari siya napapansin. 

Kaya kunyari ay nag-aaral ako ngunit walang pumapasok na aking utak kundi ang kanyang nakakalibog na porma. Parang gusto ko na nga rin siyang bulyawan eh. Pero ewan, nag-eenjoy kasi ako. Ang ganda kasing tingnan niya. Lalaking-lalaki, hunk na hunk, malaki ang bukol sa harapan. Nakakainis na nakakalibog. Haisst. 

Pagkatapos niya sa kanyang pagwo-work out ay nagtungo siya sa terrace. May dalawampung minuto sa aking tantiya. Marahil ay nagpahinga o nagpahangin. Maya-maya lang ay pumasok na sa banyo. 

Sobrang distracted talaga ako sa kanya. Di ko lang maintindihan ang aking sarili. Lahat ng kilos niya ay napapansin ko. Ang porma niya sa kanyang pagwo-work out, lalo na ang nakakakiliting bukol sa kanyang harapan ay malinaw na malinaw na tumatak sa aking isip samantalang wala pa akong na-memorize na data sa subject na aking pinag-aralan.

Nang natapos na siyang maligo ay nagtungo naman siya sa terrace, bitbit ang kanyng gitara. Mahilig kasi siyang maggitara kapag ganyang bakante siya. At magaling siya noon. Magaling din siyang kumanta. Iyon ang nagustuhan ko rin sa kanya. May pagka loner na tao, lalaking-lalaki, astig ang klase ng trabaho at galing sa martial arts, ngunit may soft spot sa music. Atsaka ng ganda rin ng kanyang boses, may kakaibang quality ng boses, husky na parang iyong kay Ed Sheeran.

Nang nasa terrace na siya, may naririnig akong pagtitipa ng gitara. Mahinang-mahina lang ang aking narining ngunit parang gusto ko talagang pakinggan ang kinanta niya. Dala-dala ang aking mga libro, lumipat ako sa may pintuan ng kuwarto patungo sa terrace. Nakasara iyon kaya hindi ko talaga marinig kung ano ang kinanta niya. Dahil walang lamesa sa banda roon, sa sahig na lang ako nagbasa at nag-aral habang pilit na pinakinggan ang kanyang kanta.

Doon na lang ako nagtyaga. Hindi ko ma-fugure out kung ano talaga ang kinanta niya ngunit may nariringi akong salitang parang “Loving you” “Your smile's forever…” “we found love” “love me”. 

Maya-maya ay nabigla na lang ako nang biglang bumukas ang pinto at naumpog ang aking ulo dahil idinikit ko kasi ito sa pinto para marinig ang kinanta niya. Si Jake ang nagbukas ng pinto upang bumalik na sa kuwarto.

“O… ba’t d’yan ka nag-aaral?” ang tanong kaagad niya nang nakitang nakadapa ako sa sahig, kinakamot ang aking ulong naumpog.

“Gusto ko rito eh! Anong paki mo? Bat ka ba pumapasok lang nang hindi kumakatok? Naumpog tuloy ulo ko!” ang bulyaw ko sa kanya. At siya pa talaga ang sinisi ko.

“S-sorry na Boss. Di ko naman alam na nariyan ka eh. Ang akala ko kasi ay naroon ka sa study table mo. Ba’t ka pala d’yan nag-aaral?”

“Pakialam mo!” ang sagot ko na lang sabay ismid sa kanya at hindi na siya kinausap. 

Pailing-iling na tinumbok niya ang sabitan sa dingding at doon isinabit ang kanyang gitara.

Iyon ang drama namin ni Jake sa bahay. Sa panlabas ay galit ako ngunit sa loob-loob ko ay hinahabol-habol siya.

Samantala, sa eskuwelahan, parang wala lang nangyari sa kalagayan ni Mico. Normal siyang nag-aaral at sumasali sa mga discussion, maliban na lang sa pakikitungo naming sa isa’t-isa. Pinanindigan naman niya ang aming usapan na hindi na kami dapat magsama kahit saan. 

May isang beses habang nagkasalubong kami, tiningnan ko siya upang sana ay batiin. Ngunit yumuko siya at hindi ako pinansin. May isang beses din kung saan ay papasok ako ng library at ang mesa na lang kung saan siya naroon ang may bakanteng upuan. Doon ako naupo. Ngunit siya naman itong umalis. 

Nakakalungkot lang. Kahit naman ako ay nasaktan din na hindi na kami kagaya ng dati na palaging nagsasama, magkatabi ng upuan, sabay na mag-aral, sabay na kakain, kung anu-ano ang pinag-uusapan, kahit walang kwenta, at iyong sabay na magtawanan sa mga bagay na walang kalatoy-latoy. Alam kong matindi ang kanyang kalungkutan. Kitang-kita ko ito sa kanyang mga mata. Ramdam ko rin ang bigat ng kanyang dinadala na pilit niyang itinatago.

Ngunit wala akong magawa. Para sa akin ay iyon ang nakabubuti para sa amin. Hindi magandang pinapaasa ko siya samantalang alam ko namang wala siyang maaasahan. Mas lalo pa siyang masaktan at lalo na’t siya iyong taong kapag nagmahal ay pati buhay ay iaalay. Nakapanghihinayang ang kanyang pag-ibig. Ngunit hindi ko naman puwedeng turuan ang aking puso. Ito ang pinakamahirap na bagay sa pag-ibig, ang turuan ang sariling ibigin ang isang tao o ilipat ang iyong nararamdaman patungo sa taong gusto mo. Simpleng bagay lang sana ngunit napaka-kumplikado. Kaya wala ka nang magagawa kundi tiisin ang sakit. Para ring kanser na nasa terminal stage. Nararamdaman mo ang sakit ngunit hindi mo kayang gamutin. Siguro, ganyan ang kalagayan ni Mico. At siguro rin ay ganyan ang kalagayan ko. Kung kaya nga lang sanang ilipat ang cancer ng tao, inilipat ko na ang cancer na nararamdaman ko kay Kuya Renan kay Mico. Ngunit hindi ito posible. Kaya mas magandang ganoon na lang ang dapat na mangyari sa amin, ang turuan niya ang sariling limutin ako. Iyan na lang talaga ang puwede niyang gawin. Ganyan talaga siguro ang buhay; may mga bagay na dapat isakripisyo, mga damdaming dapat kitilin, mga pagkakataong dapat iwasan… kung ang mga ito ay ang ikabubuti ng lahat ng taong apektado.

Sa panig naman ni Anne, wala pa rin siyang ipinagbago sa kanyang pagka-matapobre at pagka-mayabang bagamat medyo lie low siya ng kaunti. Medyo nabawas-basan din ang kanyang mga kaibigan at kakampi. Tanggap na rin siguro niya ang pagkatalo. Ipinawalang-sala kasi ako sa kaso na inihain niya sa akin. At nasira pa siya dahil lumabas na siya itong ipinagsiksikan ang sarili niya kay Kuya Renan pati na iyong mga litrato nila na gagamitin sana niyang pamba-blackmail kay Kuya Renan. At isa pa, simula nang nalaman ng mga estudyante na adopted ako ng may-ari ng eskuwelahan, hindi na ako nakakaranas pa ng pambu-bully. 

Sa parte ko naman, dumarami na ang aking mga kaibigan, lalo na ang mga scholars na mahihirap na lumalapit na sa akin. Ako na ang kanilang iniidolo dahil sabi nga nila, naramdaman nila ang pakikisimpatiya ko sa estado nila. Nag-initiate kasi ako ng mga fund-raising para sa kanila, syempre sa sanction at suporta ng student council. Isa na roon at pinakabongga ay ang variety show kung saan ay hindi lang kami kumita kundi nadiskubre pa ang talents ng mga estudyante. At dahil mixed group ng mga mayayaman at mahihirap, nabawas-bawasan ang ilangan ng dalawang grupo, nabago ang pananaw ng ibang mga matapobre na mayayamang estudyante dahil nakita nila at naramdaman ang hirap ng buhay ng mga indigent scholars. Two-pronged ang targets ang na-achieved ng activity naming iyon; ang makalikom ng pondo para sa mahihirap na scholars, at ang ma-bridge ang gap sa gitna mayayamang grupo at ng mga mahihirap na estudyante. 

Masaya ang variety show naming na iyon. Lalo na ang highlight at tunay na nakakaaliw na bahagi kung saan ay may ”auction” ng mga hunk na estudyante, kasama si Jake. Nang mag-brainstorming kasi kami para sa variety show na iyon at ang mga talents na i-present, may biglang nagbiro na magpa-auction daw ng mga campus crush na puwedeng i-date sa Valentine. Bagamat na-weweirduhan ang iba at nagtawanan, ngunit dahil open ang karamihan na i-try dahil bagong concept nga daw ito at baka sakali lang na pumatok kaya naisali sa posibleng ilagay na segment. Aprobado naman ng majority. Nang nagbigayan na ng mga pangalan ng hunk na ilalahok, isinali ang pangalan ni Jake. Natawa na lang ako. Alam ko naman kasi na sa eskuwelahan ay maraming estudyanteng nagka-crush sa kanya, iyong iba pa nga ay pansin kong tumitili kapag nakita siyang naglalakad sa loob ng campus kasama ako. Kaya hindi na ako tumutol. Isa pa, nainis pa rin ako sa kanya kaya parang gusto kong makabawi. Natawa na lang ako sa aking sarili. Hindi ko kasi maimagine na siya na walang hilig sa mga ganyan ay mapipilitang magdisplay ng kanyang sarili sa mga tao. Nang nagbotohan na, siya ang nag #1 sa tatlong napiling ipapa-auction na lalaki! Kumbaga, sya ang most valuable auction-boy.

“Ikaw ang number 1 na i-auction sa variety show, ang most valuable auction-boy.” Ang sabi ko kay Jake nang nakarating na kami sa aming accommodation. Alam niya kasi ang tungkol sa variety show ngunit hindi niya alam na isasali pala siya.

Bigla siyang napalingon sa akin, nagulat. “Ano??? Ano iyon?”

“I-auction ka, at ang may pinakamalaking bid na amount ay magiging date mo sa Valentine!” ang sigaw ko.

Doon na tumaas ang boses niya. “Bakit niyo ba ako isinali riyan? Wala akong kaalam-alam jan, anak ng tokwa naman, o. Ayaw ko!” ang sagot niyang tumaas ang boses.

“OA mo naman! Kala mo naman, ganyan ka na ka-guwapo. Di ka naman artista para magpakipot.” Ang pang ookray ko pa.

“Kaya nga eh, bakit ako pa? Hindi ako guwapo! Maraming guwapo jan sa school ninyo!”

“Asowsss, kunyari pa ito!” sa isip ko lang. “Wala na kaming makuha no! Iyong mga guwapo na estudyante ay may mga date na sa Valentine!” ang sigaw ko rin. “Atsaka, ano lang ba iyan sa tulong na maiambag mo sa underprivileged naming mga estudyante? Iyan lang ba ay ipagkait mo? Napaka-selfish mo naman!” ang dagdag kong pangongonsiyensiya.

“Eh bakit hindi na lang ikaw?” ang sagot pa niya.

“Hindi ako puwede dahil ako ang nago-organize ng event! Busy ako that time kaya hindi puwede!” ang sagot ko.

“Eh, abala rin naman ako ah!”

“Anong abala? Abala sa pagbabantay sa akin?”

“Trabaho ko iyan eh!”

“Pwes mag day off ka muna sa araw nay an. Ako ang bahala kay Ms. Clarissa. Atsaka pede mo naman akong bantayan kahit rumarampa ka eh!”

“Arrgggh!” ang sigaw niya. 

“Ito na ang pagkakataong makatulong ka, magamit iyang pagpapaganda mo ng iyong katawan para sa isang makabuluhang layunin. Hindi iyong nagpapasexy ka lang para makaakit ng mga inosenteng babae na mabibiktima!”

“Mambiktima agad? Di be puwedeng pa-cute lang? At paano mo naman nasabi iyan? Hindi ako nagpapaganda ng katawan para sa kanila! Investment ko ito para ito sa aking trabaho, para ito sa fitness and wellness ko ito.”

“Kapag ganyang masyadong concerned sa katawan ang lalaki, either bakla, or babaero.”

“Ito naman… ibahin mo ako.” at tumingin sa akin ng parang nang-iirap. “Kung hindi lang kita boss ay namura o di kaya ay nasuntok na na kita eh.” Ang dugtong niya.

Doon na ako na-challenge. Nilapitan ko siya habang nakatayo siya sa harap ng gas range at abala sa kanyang pagluluto. Kinalabit ko siya. Nang humarap na inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, “Sige nga murahin mo ako at sapakin sa mukha? Okay lang sa akin basta magpa-auction ka lang!”

Mistula naman siyang natulala habang tinitigan ko ang kanyang mukha, naghintay sa kanyang sagot. Nakipagtitigan na rin siya. May 15 segundo siguro kaming nagtitigan. Iyon bang feeling na parang inisa-isa na iukit sa kanyang isip ang kaliit-liitang detaleye sa aking mukha na pakiwari ko’y matutunaw ako sa tindi ng kanyang pagtitig. 

At nang hindi ko na mapigilan ang aking sarili sa hiya ba, idinaan ko na lang sa pagbabagsik-bagsikan, “Sasapakin mo ba ako o ano?”

Mistulang binuhusan siya ng malamig na tubig at napangiti. “Gusto mo, kagatin ko na lang iyang mga labi mo?” ang sagot niya.

Mistula akong ibinayaw sa ikapitong alapaap sa sobrang kilig sa aking narinig. Nanatili akong nakatitig sa kanya. Hindi ako ngumiti, hindi nagpahalata ng reaksyon sa mukha, tinitigan lang siya nang ganyan. Maya-maya lang ay bigla ko na lang siyang itinulak. Iyong malakas na malakas!

Mabilis na na-outbalance siya, napatihaya siya sa sahig. Narinig ko pa ang malakas na pagbagsak niya roon. “Arekopppp!” ang sigaw niya hawak-hawak ang kanyang puwetan.

Ngunit hindi ko na siya pinansin. Tinalikuran siya na nagmamaktol ang isip, “Sabi kakagatin ako sa labi. Punyeta siya ang tagal? Naghihintay ako, wala? Pisti!” 

Nang matapos na kaming maghapunan, kinausap niya ako. “Ano ba ang gagawin jan sa letseng auction-auction na yan?” ang tanong niya.

Natuwa ako sa kanyang tanong. Pero syempre, hindi ko ito ipinahalata. “Tumayo ka nga?” ang sambit ko. Pumuwesto ka roon sa may pintuan tapos maglakad ka patungo sa may kama ko…” ang utos ko.

Tumalima naman siya. naglakad siya at pagkatapos, ako naman ang naglakad, astig kunyari, lalaking-lalaki. Narinig ko tumawa siya. Ngunit binulyawan ko. “Huwag mo nga akong pagtawanan! Ganyan ka dapat kapag naglalakad!”

“Parang exaggerated naman.”

“Di gawin mong natural, basta astig, may datin, iyong maghihiyawan ang mga tao sa kilig at pagnanasa!”

“Pagnanasa talaga?” ang sambit niya habang tumatawa.

Kaya hayun, tinuruan ko siya kung paano maglakad, kung ano ang gagawin upang iyong tila nang-aakit. Sobrang kilig ko naman habang tinuturuan siya at ppinagmasdan sa kanyang pagrarampa, galaw, at mga dapat gawin habang nagmamaktol naman siya, halos magmura na lang sa inis sa pinapagawa ko. Sobrang naku-kyutan talaga ako sa mokong. Iyon iyong look niya na kahit nakasimangot ay cute pa rin. Lalo na doon sa parte na naka-boxers shorts na lang siya. Ang ganda ng hita, ang ganda ng abs na may mga balhibo pang nakahilera mula sa kanyang umbok patungo sa kanyang pusod. 

“Ikaw na lang kaya ang mag-bid sa akin?” ang mungkahi niya nang matapos ko na siyang turuan.

“Wala akong pera ah! At kung mayroon man, anong gagawin ko sa iyo?” ang sagot kong pabalang. 

“Ano bang gagawin nila sa akin?”

“I-date sa Valentine.”

“Eh, di i-date mo ako.” Ang sagot niya.

“Tange! Akala mo makukuha mo ako sa ganyan-ganyan lang? Ano ako cheap?” ang sagot kong pang-ookray pa rin. 

Natawa siya, nag tone down ang boses na hindi tumingin sa akin, tila nang-ookray. “May nangyari na nga sa atin eh.”

“Noon iyon! Pero nagsisisi ako dahil B-O-S-S mo ako!” ang sarkastiko kong sagot. At inimphasize ko pa talaga ang salitang “boss”. Iyon naman kasi ang rason niya kung bakit niya ako tinanggihan sa pangalawang pagkakataon na gusto ko sanang matikman muli siya.

Hindi na niya ako sinagot. Tinitigan na lang niya ako.

Tumalikod ako. Iyan ang bagay na ayaw ko sa kanya. Iyong ganyang tititigan ka na tila may itinatago sa isip at hindi mo mahulaan. May pagkamisteryoso kumbaga. Hindi mo malalaman kung may gusto o wala.

Isang araw bago ang variety show ay nagkaubusan na ng ticket. Ngunit nagpa-imprinta pa rin kami ng halos kasing dami ng naunang tickets. Palibhasa, mga campus crush ang mga lalaking napili namin para i-auction. At syempre, si Jake. May mga ads din kasi kami kung saan ay naka-jeans lang ang tatlo na bahagyang nakabukas ang zipper, nakausli ang kanilang mga brief. Bentang-benta sa mga babae at mga bakla. At dahil variety show nga kung saan ay may mga kantahan, sayawan, at modelling, bentang-benta rin ito sa mga lalaki. Full-support din ang buong studentry at student council ng eskuwelahan sampo ng mga teachers at officials nito. Ngunit higit sa lahat, ang may suporta din ang mga taga-Tuguegarao sa activity. May mga pulitiko rin na umepal. May mga mayayamang tao ring nag-sponsor ng pagkain, tubig, snacks, etc. sa practice at sa actual event.

Dumating ang araw ng variety show at kitang-kita ang daming tao na dumalo. Punong-puno ang stadium, standing room only. Hindi naman mapakali si Jake sa tindi ng kaba. Sa buong buhay daw niya, iyon pa ang kauna-unahang pagkakataon na gagawa siya ng ganoong klaseng kabulastugan sa buhay niya. 

Naunang magpresent ang mga sayaw, alternate naman ang mga kakanta, may love team na duet, may comical skit din. Lahat sila ay magagaling at pinalakpakan. May nagpresent din ng magic tricks at valet dance. Ang ganda rin. Pati ang aming dalawang emcee na lalaki ay sobrang bibo at sinisingitan nila ng biro sa kanilang page-emcee. Walang dull momnets. Ang galing umad-lib. Kumbaga, sa mga banat ng emcee pa lang ay solved na. Para silang iyong pork-chop duo na may sariling original na mga jokes at pick-up lines.

Halos manginginig na ang tuhod ni Jake nang dumating na ang part nila. Gusto kong pagtawanan siya dahil, iyong bang hunk na hunk, ang tangkad at laking tao matapang, matikas ngunit ang katapat lang pala ay ang pagtungtong sa entablado. Habang nagpu-push up siya para raw mag-init ang kanyang katawan, hindi ko naman maiwasang hindi siya titigan. Touched din naman ako sa ginawa niyang iyon. Para sa akin daw iyon. Naalala ko pa isang beses na nag-practice kami. “Kung hindi lang dahil sa iyo ay hinding-hindi ko gagawin ito.” Ang pagmamaktol niya.

Sinagot ko siya ng, “Syempre, gagawin mo talaga iyan dahil Boss mo ako”. 

“Boss kita sa trabahong bantayan ka. Pero hindi ito kasali. Ano to, multi-tasking? Puwede naman akong tumanggi rito eh.”

Na sinagot ko naman ng isang hugot. “Kagaya ng pagtanggi mo sa akin???”

Hindi na siya nakasagot pa noong sinabi ko iyon. Hindi ko alam kung ano ang nasa kanyang isip.

Naputol ang aking pagmumuni-muni nang tinawag na ang una sa tatlong auction-boys. “Please welcome, Jeremy Calderon! Come on guys, make some noise!!!” ang pagtawag ng emcee sa kanya. Naghiyawan ang mga tao. 

Lumabas si Jeremy. May 5’11 ang height, naka long-sleeves, faded na maong at nakapaa. Tinumbok ang mikropono. Nagslita. “I’m Jeremy, 16 years young, a native of Tugeugarao and very much a virgin.” Nahinto siya dahil sa hiyawan ng mga tao. “I love playing basketball. My ambition is to become a successful businessman…” ang dugtong niya.

Nagpalakpakan ang mga tao at nagpapakita na siya sa kanyang pagdi-dribble sa basketball, ang talent niya. 

Pagkatapos niya ay tinawag ang pangalawa, “Please welcome Mr. Mark Anthony Villas!” ang sigaw ng emcee. Muli ay lumabas ang nasabing estudyante na may tangkad na 6’0” naka-maong din, naka t-shirt na puti na may overcoat na itim. Nag-introcude siya sa kanyang sarili at pagkatapos ay nagpresent na ng kanyang talent sa pagsayaw. Magaling din naman siyang sumayaw, in fairness. Nagpalakpakan muli ang mga tao sa kanyang ipinamalas na talent.

“And now, ladies and gentlemen… ang pinakaaabangan ng lahat! Ang pinaka valuable item sa auction natin, please welcome, Mr. Jake Zapanta!!!” 

Doon na naghiyawan ang lahat na halos gumuho ang buong auditorium sa matinding ingay. Dahil doon ako nakatambay sa backstage, sinundan ko pa siya ng tingin habang naglalakad siya patungo sa entablado. Tunay nga namang nakakain-love ang porma niya. Naka semi-fit na puting T-shirt lang at naka-jeans, iyong may mga butas-butas, at nakapaa lang. kahit sa ganoong porma lang siya, hindi mo maiwasan ang hindi mapahanga. Bakat ang magandang hubog ng kanyang katawan sa kanyang suot, pati ang ganda ng umbok ng kanyang puwet na proportioned sa ganda ng hubog ng kanyang katawan ay nakaka-libog.

“M-my name is Jake Zapanta…” ang pag-aalangan niya, halatang kinabahan. “I’m 6’2” and 25 years old. I’m an expert in martial arts. I’m a sharp shooter too.” 

Nagpalakpakan ang mga tao at may mga beking sumigaw ng, “We love sharp shooters!!!” 

Nang magpresent na siya ng talent niya, iniabot sa kanya ng stage assistant ang gitara at umupo siya sa upuang inilagay para sa kanyang talent presentation. “Gusto kong ihandog ang kantang ito sa isang taong nagbibigay sa akin ng valentines day araw-araw. Saan man siya naroon, sana ay marinig niya ito, at maisapuso niya na ang ang bawat kataga ng kantang ito ay hinuhugot ko mula sa aking puso.”

“Ohhhh!” ang reaction ng mga taong kinilig. Ako man ay nagulat sa kanyang sinabi. Hindi ko kasi akalaing hindi pa rin pala siya nakapag move-on sa sinabi niya sa aking girlfriend na nasa ibang bansa na. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Parang may naramdaman akong pagseselos. 

Thinking Out Loud Lyrics 
When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love?
Will your eyes still smile from your cheeks?
And darling I will be loving you till we're seventy
And baby, my heart could still fall as hard at twenty-three
And I'm thinking about how

[Pre-Chorus 1]
People fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Well me, I fall in love with you every single day
I just wanna tell you I am

[Chorus]
So honey, now, take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart, I'm thinking out loud
And maybe we found love right where we are

[Verse 2]
When my hair's all but gone and my memory fades
And the crowds don't remember my name
When my hands don't play the strings the same way
I know you will still love me the same
Cause honey your soul could never grow old, it's evergreen
And baby, your smile's forever in my mind and memory
And I'm thinking about how

[Pre-Chorus 2]
People fall in love in mysterious ways
And maybe it's all part of a plan
Well I'll just keep on making the same mistakes
Hoping that you'll understand

[Chorus]
So honey, now, take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart, I'm thinking out loud
And maybe we found love right where we are

[Chorus]
So baby, now, take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Oh darling, place your head on my beating heart, I'm thinking out loud
That maybe we found love right where we are
Oh baby, we found love right where we are
And we found love right where we are

Nang natapos na siyang kumanta ay nagpalakpakan uli ang mga tao. Ang ganda ng kanyang pagkadeliver sa kanta. May sarili siyang style na parang mas maganda pa yata kaysa original na rendition ni Ed Sheeran. To-the-max na talaga ang paghanga ko sa kanya. Nakaka-in love lang kasi. Nasa lahat na yata ng katangiang hinahanap ng lahat ng babae o bakla sa isang lalaki ay nasa kanya na. Ngunit ewan ko rin. Tila may isang bahagi ng aking isip na ayaw aminin ito dahil nga sa kanyang binitiwang salita na “Boss” lang ang turing niya sa akin. Parang kasing sakit lang ito ng binitiwang salita ng isang politico na ang mga bakla raw ay mas masahol pa sa hayop. Ang saklap lang.

Natapos ang unang round ng presentation ng tatlong “auction-boys”. Walang kaduda-dudang kung idinaan iyon sa contest, si Jake ang unanimous winner sa kanilang tatlo. Sa porma, sa pagdala sa sarili, sa talent presentation, talbog silang lahat. Pero siguro dahil siya rin ang pinaka matanda kaya kahit wala siyang interest at experience sa mga ganyan kaya angat pa rin ang pag deliver niya.

Ang sumunod na round ay ang pagrampa nila. Iyong rampa na parang nang-aakit. Tinawag ang unang auction-boy na nag catwalk habang unti-unting hinubad ang kanyang polo, pagkatapos ay ang t-shirt, at ang pantalon, ang naiwan ay ang kanyang brief. Ang lahat ng iyon ay itinapon sa audience. Sigawan ang mga estudyante at magulong nag-agawan sa mga itinapon na damit.

Ang sunod na tinawag ay ang pangalawa na halos ganoon din ang ginawa. Muli ay nagkagulo ang audience dahil sa paghuhubad at pag-aagawan ng mga damit.

Sa pagtawag pa lang kay Jake ay tila guguho na ang auditorium sa nakakabinging hiyawan ng mga tao. Syempre, naiimagine na nila ang hubad na katawan ni Jake. 

Nang bumulaga na sa entablado si Jake ay lalo pang lumakas ang ingay at tili. Para siyang isang artista na tinitilian ng mga fans. Habang naglalakad siya ay halata ang kanyang pagkailang. Seryoso ang kanyang mukha na may paminsan-minsang pagngiti na bakas ang kaba sa mukha. Naka-paa lang siya, bakat ang katawan sa suot niyang puti, manipis, fit na t-shirt, habang suot ang faded maong na may butas-butas. Dala-dala niya sa kanyang kaliwang kamay ang isang pitsil ng tubig. Nang nasa gitna na siya ng entablado, ibinuhos niya ang tubig sa kanyang dibdib, dahilan upang lalo pang bumakat ang kanyang katawan sa kanyang suot, lumuwa ang umbok ng kanyang matipunong dibdib, utong, at abs. Habang naglalakad siya sa ibabaw ng rampa patungo sa dulo nito, huminto siya sa gitna, yumuko, iyong inosenteng tiningnan ang kanyang harapan atsaka marahang binuksan ng isang kamay ang kanyang zipper. Napakaganda ng kanyang pagkaproject sa eksenang iyon. Kuhang-kuha niya ang itinuro ko. Perfect. 

Naghiyawang muli ang mga tao. Nang mabuksan na niya ang kanyang zipper ay binuhusan niya uli ng tubig ang kanyang harapan, sa loob ng nakabukas na zipper! 

Walang humpay ang pagtitilian ng mga tao. 

Ipiangpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa dulo ng rampa. Nang nasa dulo na siya, doon na niya hinubad ang kanyang pantalon atsaka inihagis ito. Pagkatapos maihagis ang kanyang pantalon ay pinunit niya naman ang kanyang t-shirt atsaka hinagis rin ito sa mga tao. Halos buong kaluluwa niya ay kitang kita na ng mga tao. Ang kanyang matipunong katawan, ang malaking umbok ng kanyang harapan na luwa na luwa na rin dahil sa pagkabasa ng kanyang boxer’s shorts, ang matambok niyang puwet... Sa porma pa lang niyang halos hubo’t-hubad ay solved na solved na ang lahat. Nakakasilaw naman ang mga nagkikislapang flash ng mga camera ng audience na karamihan ay nakikipag-agawang kumuha ng magandang anggulo. 

Sa gitna ng ingay at kaguluhan ay may isang babaeng talagang umakyat sa rampa at tumayo sa harap niya. Ikinagulat naming iyon. Muwestrahan ko na sana ang isang assistant na pababain ang babae ngunit naunahan kami sa ginawa ni Jake. Game na game na hinawakan niya ang dalawang kamay ng babae at iginiya ito sa kanyang dibdib, pababa sa kanyang abs! 

Muling naghiyawan ang mga tao. Lalo na nang walang kiyemeng ipinagapang pa talaga ng babae ang kanyang mga palad pababa sa abs ni Jake hanggang sa bukol niyang bumakat ang haba at taba sa basang suot na boxers shorts. Kitang-kita ko pang pinisil ng babae ang pagkalalaki ni Jake!

Doon ko na nakita si Jake na napaigtad na parang nakuryente. Siguro ay hindi niya akalain na lantarang sakalin ng babae ang alaga niya. Natawa na lang siya. Iyong feeling na nagulat at nahiya na parang nahimasmasan sa kanyang pinaggagawang kabulastugan. Lumingon siya sa aking kinaroroonan, nakangiti bagamat ngkangiwi ang mukha na parang ang sinasabi sa isip ay “Ayaw ko na!” 

Pero kahit sa reaction niyang iyon na pagkagulat, kyut na kyut pa rin siyang tingnan. Feeling ko nga ay mas lalo pa dahil wala siya noong magalit o magmaktol. Napakaganda ng kanyang reaction na kung crush mo lang siya, maiinlove ka na sa kanya sa ginawa niyang iyon. Iyon bang lalaking hunk na kahit ayaw ng kalooban niyang gawin ang mga bagay na iyon ngunit game na game pa ring ginawa ito, pilit na naki-enjoy sa mga naghihiyawang at nagwawalang mga audience, at nakangito pa rin kahit nilapastangan, game pa rin. Kung ibang lalaki siguro ang ginawan ng ganoon ay baka sinapak na niya ang babae. Nakaka good vibes.

Doon na siya tumalikod at naglakad muli pa-exit ng stage habang nagtatawa sa sarili, umiling-iling, kinagat-kagat pa ang labi na parang ang sa isip ay, “Ano ba itong pinaggagawa ko!” Nang nasa loob na siya. Kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mukha. “Ayoko ng ganito!” ang pagmamaktol niyang pabulong sa akin.

Tawa naman ako nang tawa. “Ang OA mo naman! Huwag ka ngang KJ! Para kang ano. Di naman nababasag iyang bayag mo ah!” ang sagot ko naman. Syempre, gusto ko siyang inisin. 

“OA ka jan! Bayag mo kaya ang ipahablot mo roon.” ang sagot uli niyang nagmamaktol turo sa stage.

Tawa lang ako nang tawa sa sarili. “Maghanda ka na sa Q & A. Last round na yan bago ang auction. Magbihis ka na!” ang utos ko na lang sabay kuha sa mga damit niyang isusuot para sa segment na iyon. 

“Ano pa ba ang magagawa ko? Letse. Bakit ba kasi ipinahamak pa ako rito eh!” ang sagot din niya.

Tinawag muli silang mga auction-boys para sa brief interview ng mga emcees.

Tinawag muli ang naunang auction-boy. Sa pagkakataong ito ay naka-civilian attire siya, at nakaupo lamang at bibigyan ng tatlong tnaong ng emcee at isang tanong mula sa audience.

Ang unang tanong ng emcee ay tungkol sa hobby, ang pangalawang tanong ay tungkol sa kung ano ang target niyang gustong makamit sa buhay, at ang pangatlong tanong ay ano para sa kanya ang valentine’s day. Nang may audience na piniling magtanong, ang tinanong naman ay kung ano ang gusto niyang mga katangian ng babae.

Magaling din naman ang pagkasagot ng auction-boy. Halatang matalino ito. 

Nang tinawag ang pangalawang auction-boy. Ganoon din ang mga tanong at ang tinanong naman ng audience ay kung paano siya ma-in love sa isang babae. Magaling din naman ang kanyang tanong. 

Nang tinawag na si Jake, pumutok muli ang isang masigabong palakpakan mula sa mga audience. Walang duda talaga na si Jake ang nagbibigay-buhay sa fund-raising na iyon.

“Physical talaga ang hobby ko. Iyong pagwo-work out, pampaporma ng katawan at iyong endurance training. Importante iyan para sa akin, dahil sa trabaho ko. On the lighter side naman, kumakanta ako.” Sabay bitiw ng matipid na tawa, iyong parang nahiya. Tungkol naman sa target ko sa buhay, simple lang akong tao kaya simple lang din ang pangarap ko; magkaroon ng sariling bahay at lupa sa probinsiya, kahit maliit basta akin, may kaunting pangkabuhayan. Tungkol naman sa Valentine’s day, para sa akin ay wala naman itong pinagkaiba sa isang normal na araw. It’s just a label na pwedeng mayroong meaning, puwedeng wala, depende kung may nagpapasaya sa iyo. So kapag may mahal ka na, magiging meaningful ang valentine’s day mo. Pero dapat ay araw-araw Valentine’s Day. May partner man o wala. Kasi, love makes the world go round, ika nga.”

Nagpalakpakan ang mga tao. Pinapili si Jake mula sa mga audience ng tanong, at ang napili niya ay isang estudyanteng babae. Pinalapit siya sa mikropono at nagsalita. “Sinabi mo sa iyong introduction na may isang taong nagbibigay sa iyo ng Valentines day araw-araw. Puwede bang malaman kung sino siya? Kilala ba namin siya? ”

Nagpalakpakan uli ang mga tao, ang iba ay nagtawanan.

Feeling ko naman ay namula si Jake. “Artista siya eh. Kaya kilala ninyo siya. L-S.” ang sambit niya. Ngunit siya na rin ang dumugtong. “Liza Soberano…”

“Really???” ang narinig kong sambit mula sa audience. Ngunit binawi rin ni Jake ito. “Joke lang po iyon. L-S na lang po. Hindi niyo po siya kilala.” Ang dugtong niya. 

Iyon na ang last round. Muling tinawag ang unang auction-boy at nagsimula na ang bidding. Sa bandang huli, ang may pinakamalaking bid sa kanya ay 20 thousand. Isang mayamang baklang fashion designer ang nakapanalo. Open kasi sa lahat ang bidding, hindi lang sa loob ng campus. 

Ang mechanics pala sa auction ay pagkatapos mapanalunan ang mga auction boys ang date nila sa mga nakapanalo sa kanila sa sa darating na February 13 ng gabi pa, sa darating na isang linggo. Gabi ng Feb 13 ang napili upang pagsapit ng hatinggabi, sabay nilang salubungin ang Feb, 14 ang araw ng mga puso. Pede nilang tapusin ang buong magdamag hanggang sa buong Feb 14. Date lang naman. Pero kung may sex na mangyari ay depende na iyan sa magpartner. Ini-explain iyan bago ang bidding para alam ng lahat ang scope and limitations ng obligations ng bawat panig. At dapat kung may sex ay may mutual consent. Walang pressure, at labas na ang pamunuan ng event na iyon at ng school kapag may legal o civil problems man resulta ng personal nilang agreement. Iyan ang klaro sa rules. 

Tinawag ang pangalawang auction-boy. Ganoon din ang proseso at sa bandang huli, ang pinakamalaking bid sa kanya ay 25 thousand. Ipinakilala ang nanalo. Isang babaeng estudyante. Sobrang lakas ng hiyawan ng mga audience na halos katulad din sa paghihiyawan nila kay Jake. Nang nasa entablado na ang babae, nakita ko naman na tila maiiyak ang lalaki na hindi mapakali samantalang ang babae naman ay ganoon din, hindi halos makatingin sa lalaki. Parang may kakaiba sa eksena. Syempre, nagulat din ako kasi estudyante pa lang iyong babae ngunit nakapagbigay na ng ganoon kalaking bid para lamang sa isang lalaki, bagamat mayaman naman talaga iyong estudyante na iyon. Ngunit ikinuwento sa akin ng isang assistant ang background. Ang auction-boy pala ay isa sa mga scholars ng eskuwelahan, mahirap lang ngunit nagkaroon ng crush sa mayaman na estudyante, iyong babaeng nakapanalo sa kanya sa bidding. Alam daw halos ng lahat ng estudyante sa batch nila ito. Ngunit dahil mahirap nga lang ang auction-boy, natakot siyang lumapit sa babae, o kahit makipagkaibigan man lang. Ang ginawa niya ay idinaan na lang ang kanyang nararamdaman sa mga cryptic messages sa fb like, “Solved na ang araw ko. Nakita ko ang crush ko, ang ganda-ganda talaga! Ingat ka palagi crush! Tandaan mo palagi, may lihim na nagmamahal sa iyo.” “Ouch! Ang sakit! May kasama si crush kanina. Parang pinupinit ang puso ko, Crush! Ang sakiittt!” “Nag lunch na ako crush, sana nag lunch ka na rin. Huwag magpaka-gutom, ayokong magkasakit ka. Mamamatay ako sa lungkot kapag nangyari iyan.” “Umuulan crush, may payong k aba? Sana ay payong na lang ako. Kapag ganitong umuulan at lungkot na lungkot ako, ako n asana ang hinahawakan mo.” “Nag-like si crush sa post ko! Para akong mamamatay sa kilig! Doctor, helllppp!” “Ligaw-tingin, halik-hangin. Ganyan lang talaga. Sa mga katulad ko, solved na ang puso.” Mga kagayang ganyan. Hanggang sa lumabas ang auction at doon na lang nalaman ni lalaki na si babae na crush niya, ay crush din pala siya. At ang babae na ang gumawa ng paraan, sampo ng mga kaibigan at classmates niya para manalo siya sa auction. Ang ingay ng mga tao, sigawan, kantyawan, palakpakan. Ang kulit-kulit nila!

Halos hindi ako makamove-on sa kuwento. Parang isang nobela rin sa sobrang nakakakilig na pangyayari. Nang tiningnan ko ang lalaki, mangiyak-ngiyak siya, nagpapahid ng luha. Grabe lang ang love story nila. 
Nang nakababa na ang mag-partner, si Jake na ang tinawag. Nagsimula ang price sa 10 thousand. Kinabahan ako na baka hindi niya malampasan ang persyo ng mga nauna sa kanya. Ngunit habang tumatagal, umabot ang bid sa 30 thousand, hanggang sa 40 thousand at ang pinakahuli at nanalo ay 50 thousand! Sobrang saya ko talaga sa naging resulta. Ngunit nang tinawag na ang nakapanalo, isa itong lalaki, at coach pa ng Basketball team ng school!

Kinuha niya ang mikropono at nagsalita. Good evening po sa lahat. Gusto ko lang pong ipaalam na itong pagsali namin sa bidding para sa most valuable auction-boy ay aming paraan ng buong basketball team upang sumuporta sa adhikain ng event na ito. Pero may sarili kaming motivation dito na kaming mga basketball boys ang nag-agree. Nagsimula sa katuwaan hanggang sa napasubo na at nagkaseryosohan sa pustahan. Itong ating MVP kasi, si James…”

Nahinto ang pagsasalita ng coach. Natabunan kasi ang kanyang salita ng mga hiyaw at palakpakan ng mga estudyante na umiidolo kay James. Si James kasi ay isa sa pinakasikat at pinakaguwapo kundi man pnakaguwapong estudyante ng school. Ang tawag nga sa kanya ay MVP at NCB o National Crush ng Bayan. Isa siyang mestizo-Columbian. Ang kanyang inay kasi ay isang single mother na inanakan ng isang Columbian. Ang totoo, ang pangalan niya ang lumabas na most valuable auction-boy sana ngunit may nagsabing pupunta raw siya ng Columbian embassy ng Maynila dahil ang inay niya ay nagfile ng request upang mahanap ang kanyang itay at pinatawag daw sila ng embassy at ang appointment nila ay maaga ng Lunes. Kaya wala siya sa Valentines day na Linggo dahil nasa Maynila na sila sa araw na iyon. Ngunit na-move daw pala ang schedule.

Nagpatuloy ang coach, “… Si James ang nagpasimuno na sumuporta sa fund-raising na ito. Nang magyaya siyang sumali kami, napagkasunduan naming na kahit hindi kami mananalo sa auction, ibibigay pa rin namin ang perang ibi-bid namin. Game ang lahat. Ngunit nagbitiw ako ng biro na kapag naipanalo ko ang auction ang makipagdate sa auction-boy ay ang MVP namin na si James. Siya lang kasi ang walang date sa Valentine’s day kaya ginawa namin ito para sa kanya. At guess what? Pumayag siya! Siguro ay hindi niya akalain na mananalo kami. Ang hindi niya alam ay lihim na nagkasabwatan at nag-ambagan kami rito upang maipanalo ang bid!” 

Napuno sa ingay ng hiyawan ang auditorium. Nagpalakpakan ang mga tao. Syempre, hindi nila maimagine na ang isang hunk na tinitilian na basketball player ay makikipag-date sa isang hunk din na auction-boy. Sobrang tuwa ng mga tao sa narinig at halos hindi magkamayaw sila sa pagtatawa, paglolokohan at paghihiyawan. 

Nagsalita uli ang coach. “At may isa pa kaming agreement. Dapat ay may mangyari sa date nila dahil kung wala, i-reimburse ni James ang 50 thousand, na forty thousand ang aking ambag.” At baling niya kay James, “Dapat ay may mangyari!” 

Sigawan uli ang audience. Ang iba ay hindi magkamayaw sa katatawa at kakahiyaw. 

Tinawag ng coach si James na naroon kasama sa buong puwersa ng basketball varsitarian team ng campus at kasalukuyang pinagloloko ng mga kasama, pinagtatampal ang puwet at ulo. Pabirong hinahalikan sa pisngi at ulo.

Game na game namang umakyat si James. Naka-t-shirt at jacket, iyong uniporme nila sa kanilang basketball team na kulay asul at may stripes na dilaw at pula sa mula sa balikat pababa sa sleeves at may logo ng eskuwelahan. Naka-jogging pants siya, iyong katerno ng kanilang unipormeng jacket. Doon ko lang napagmasdang maigi si James. Hindi kasi ako nanunuod ng basketball kaya naririnig ko lang siya sa mga usap-usapan ng mga estudyante. Alam kong sikat siya at guwapo dahil nakita ko ang kanyang facebook at tunay nga naman siyang kaakit-akit, pang artista talaga ang dating. Puno ang fb account niya ng friends at may libo-libong followers na karamihan ay mga babae. May fan page din siya at halos 100 thousand din ang likes. Kahit sa klase namin ay may mga naririnig din akong babaeng nagbabangkaan tungkol sa kanya. Mestiso, semi-kal ang buhok, makinis ang bukha, may makakapal na kilay at matangos ang ilong. Iyong lahing Latino na nahaluan ng lahing Pinay. Maganda ang mga mata, may magaganda at mapupulang labi. 

Dumiretso sa coach niya si James at nag bro-hug sila. Pagkatapos ay tinumbok naman niya si Jake na nakaupo sa isang silya ngunit tumayo nang nilapitan ni James at doon na sila nag bro-hug din bagamat halatang nagkahiyaan.

Nanatili na lang na nakatayo si Jake sa tabi ni James na hindi magkamayaw sa kakangiti na parang gago, hindi makatingin sa audience na nagsisipulan sa kanilang dalawa, siguro ay nagsisi kung bakit pinatulan pa niya ang hamon ng kanyang coach. 

Nang tiningnan sila ng coach, kinantyawn niya si James, “O ano… nagsisi ka ba ngayon o na-excite na nakita ang auction-boy mo?” ang patawa ng coach. “At wala nang bawian ito! Dapat ay may mangyari sa sa Valentine’s date!”

Naghiyawang muli ang audience. Nakakabingi ang sigawan, sipulan, palakpakan, at tawanan. Syempre pa, kinilig ang mga bakla at kababaihan. May sumigaw pa ng, “Three-some tayo mga parekoy!” May sumigaw rin ng “Orgy! Orgy!!!”

Bumaling ang coach sa audience at nagsalita, “Di ba bagay sila?” 

Hiyawan uli ang audience. 

“Magholding hands naman kayo!” ang biro uli ng coach. 

Nahiyang tiningnan ni James si Jake, nakangiting iyong halatang kinabahan, kamot-kamot pa ng isang kamay ang kanyang ulo.

Nginitian din naman ni Jake si James at marahil ay naramdaman ni Jake na nahiya si James, siya na ang umabot sa kamay nito upang mag holding hands sila. 

Nagtilian muli ang mga audience. Sa totoo lang, nainggit ako sa kanilang postura. Pareho ang kanilang tangkad, parehong guwapo, at kahit nasa 17 lang si James o 18 ay maganda rin ang hubog ng kanyang katawan. Para silang made for each other kumbaga.

Nanatili silang nag-holding hands nang may sumigaw naman ng, “Kiss! Kiss! Kiss!”

Napangiti ng hilaw silang dalawa ni Jake at James. Bumaling sa kanila ang coach. “Sample kiss daw o…”

Walang nagawa si James kundi ang bumaling kay Jake. Halatang nanginig siya at hinawakan ang mukha ni Jake at kiniss ang isang pisngi.”

Doon na mas lalong nagwala pa ang audience. Halos gumuho ang buong auditorium sa ingay. Alam kong halos lahat na naroon ay kinilig. Isa na ako sa kanila. 

Pagkatapos noon ay inabot ng coach ang mikropono kay James. Nangingiming tinanggap ito ni James, kamot-kamot ang ulo ngunit game na game na nagsasalita. “Actually, napasubo lang ako rito dahil sa pustahan namin ng mga hinayupak na teammates. Sinulsulan kasi akong hindi raw kaya ni Coach ang bidding. Pero, nang nakita ko naman ang most valuable auction-boy na...” nagbakla-baklaan na tiningnan si Jake, kinagat-kagat pa ang labi niya, “...ang guwapo pala niya! Kaya gow na ang lola ninyo mga vaklush!”

Tawanan ang mga tao. Pati si Jake ay napangiti na rin. 

Tapos nag-astang lalaki uli. “Coach, kapag nain-love ako rito kay Jake, ikaw ang dahilan ng lahat! Paki-explain mo na lang kay idol Manny Pacquiao!”

Hiyawan ang mga tao. Halos walang humpay ang tawanan nila sa eksenang iyon. Ang bansag nila sa tandem na MVP vs MVAB, o Most Valuable Player vs Most Valuable Auction-Boy. May iba ring sumigaw ng “J-J!”

Pagkatapos ng program ay may one-on-one meeting ang mga auction boys sa mga nakapanalo sa kanila. Iyon iyong mga set-up sa date, saan mag meet, anong venue, anong oras magkita, may dress code ba, o kung may gusto mang i-clarify ang bawat isa. Nag-usap sina Jake at James na hindi ako nakialam. Nasa di kalayuan lang at nakatingin sa kanila. Halata namang nagkahulihan kaagad sila ng loob. Nakakainggit nga ang kanilang tawanan at biruan na parang matagal nang magkakakilala. Marahil ay may 30 minutos din silang nag-usap. Nang matapos na ay saka na kami umalis.

Successful ang event kung sa successful. Nakalikom kami ng halos 500 thousand dahil sa daming taong bumili ng tickets. Sobrang saya ng lahat at kinilig sa mga eksena lalo na kina James at Jake. Ngunit kung gaano kasaya at ka sweet ang tagpong iyon, tila iba naman ang aking saloobin. Mistulang may kirot sa aking puso na hindi ko mawari. Parang nalito ako, disoriented sa mga bagay-bagay. Na-miss ko si Kuya Renan sa tagpo na iyon ngunit tila may kakaiba rin akong nararamdaman para kay Jake. Parang nabalot ng selos ang aking pag-iisip sa eksena nila ni James. 

Nang naglakbay na ang aming sinakyan pauwi ng accommodation, wala kaming imikan. Parang nahiya na akong magsalita. Nakakabingi ang katahimikang namagitan sa amin habang dina-drive niya ang aming sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngunit sa isip ko ay naglalaro ang eksena nila James at ang kuwento ng kanyang coach na dapat ay may mangyari sa kanila upang hindi niya bawiin kay James ang pera na nai-ambag niya sa bidding. Syempre naman, paano mababayaran ni James ang coach niya samantalang scholar lang siya ng eskuwelahan, mahirap lang ang mga magulang niya. Ramdam ko ang selos at inggit. Kasi, noong pangalawang beses sanang sinubukan kong makipag-sex sa kanya ay tinanggihan niya ako. Tapos heto, may nakaambang mangyayari sa kanilang dalawa ni James.

Marahil ay hindi rin siguro niya natiis. Binasag niya ang katahimikan. “Musta ka na Boss? Congrats pala sa success ng project mo.”

“Congrats din sa iyo. Mukhang nag-enjoy ka ah.” Ang malabnaw kong sagot.

“Di nga eh. Para nga akong matunaw sa mga pinaggagawa ko eh. Di ko nga maimagine ang sarili ko na nagawa ko ang mga iyon.”

“Salamat... Ikaw ang nagbigay-buhay sa fundraising event naming iyon.” 

“Wala iyon… Basta ikaw, okay lang sa akin. Ikaw pa. Ang lakas mo sa akin.” ang sagot din niya.

“Sa ganoon siguro, malakas. Pero sa ibang bagay, hindi.” Ang sagot ko namang ang tono ay bahid ng pagtatampo.

“Woi… sobra ka naman. Sa lahat ng bagay ka naman malakas sa akin.” Bahagya siyang natahimik. Pagkatapos ay tiningnan niya ako, diretso ang tingin niya sa aking mga mata na animoy nakikipag-usap. “Ang lakas mo sa akin, Boss... di mo lang alam.” Sabay hawak ng isang kamay niya sa aking kamay.

Agad ko namang inilayo ang kamay ko sa kamay niya. Gusto kong tumutol sa kanyang sinabi. Nalimutan na yata niyang tinanggihan niya ako sa gusto kong mangyari sa aming dalawa sa gabing iyon at sinabihan pa niya ako na Boss lang ang pagtrato niya sa akin. Naramdaman ko pa ang kirot na dulot ng kanyang pagtanggi. “S-sa Valentine’s date ninyo ni James... ipaalam ko na lang kay Ms. Clarissa na mag day-off ka.” Ang paglihis ko na lang sa usapan. Hindi ko kasi kayang sumbatan pa siya. Nahiya na ako.

“Huwag. Hindi papayag iyon.”

“P-paano kayo makapagdate kung hindi ka magday-off?”

“Kasama ka, syempre. Sasabihin ko kay James na isama kita.”

“Ganyan na kayo ka-close, ganoon?”

“Hindi naman. Maintindihan naman niya siguro iyon. Alam niya ang trabaho ko.”

“Tange. Nagbayad ng malaki iyon. Nakakahiya.”

Tahimik.

“M-may pustahan sila na m-mangyari raw sa inyo.”

“Hindi naman ako papayag sa ganoon ah. Di ba sinabi mo na nakasaad sa rules na kapag ganoong bagay ay dapat consensual?”

“Oo... pero hindi ang rules ang pinag-usapan jan, ang internal na pustahan naman niala na kapag walang nangyayari sa inyo, ibabalik ni James ang pera ng coach. Mahirap lang si James, walang pera iyon. Hindi ka ba maawa sa kanya?”

“Kung ikaw ba ang tatanungin ko ay papayag ka?”

Doon na tumaas ang boses ko. “Bakit ako ang tanungin mo? Konsyensya mo ang tanungin mo. Matiis mo ba si James na manghagilap ng perang pambayad? 50 thousand? Kawawa naman iyong tao!??”

“B-baka nagbibiro lang naman sila. B-baka naman hindi totoo iyon. Hindi naman siguro maaatim ng coach nila na singilin si Jmaes kapag nagkataon.”

“Kahit na, lalaki iyong tao, may paninidigan sa mga sinabi nila. Nakakahiya pa rin iyon sa side niya kung hindi niya panindigan ang mga pinag-usapan nila. Ikaw ba ganoon? Walang paninidigan?”

Hindi siya nakaimik.

“Tsaka, ano lang ba iyan? Nagpaparaos ka naman araw-araw, iyan pa ba ang ipagkait mo? Mas maganda nga iyan, may gagawa niyan para sa iyo, hindi ka na mahirapan, magi-enjoy ka pa.”

Napangiti siya, umiling-iling. “Ganoon? Araw-araw talagang nagpaparaos? Bakit binabantayan mo ba ako>”

“Hoy, Mr. Zapanta, assuming ka naman. Bakit kita babantayan? Bodyguard mo ba ako?”

“Paano mo nasabi na araw-araw kong ginawa iyon?”

“Bakit ka ba affected?”

“Hay naku…” ang sagot niya lang na halatang nakulitan. “Sige na nga. Araw-araw.”

“See? Sokaya mo iyon. Ang guwapo kaya ni James…”

Bigla naman siyang napalingon sa akin, naging seryoso ang mukha. “Hindi ako bakla na naghahanap ng guwapo. Hindi yan ang sukatan para ako ay makikipag-sex sa tao!”

“Ah bakit ka nakipagsex sa akin?” ang pabalang kong tanong. 

Hindi siya umimik. Hindi niya sinagot ang aking sinabi Tahimik.
. 
“Para namang ang dali lang gawin ah.” Ang sagot niya. At ibinalik din sa akin ang sinabi ko. “Ganyan ka ba? Madali lang sa iyo ang makikipagsex kahit kanino? Lalo na kapag guwapo?”

Ako naman ang hindi makasagot. Natameme. “Eh... d-depende siguro. Kagaya niyan, nakakaawa naman kung tanggihan mo.” Ang sagot ko. At ako naman itong bumuwelta sa kanya. “Ikaw ba madali lang sa iyo ang pagtanggi sa tao? Ang saktan ang kanilang damdamin? Kahit nakakaawa ang kalagayan?”

Hindi rin siya nakasagot agad. Tila nag-isip. Maya-maya ay muli niya akong tinitigan deretso sa mata na tila nagmamakaawa, seryoso ang mukha. Hinawakan ang isa kong kamay. ““S-sorry” ang sambit niya. 

Hindi ko alam kung nakuha niya ang ibis kong ipahiwatig. Pero dali-dali ko iwinaksi ang kanyang kamay at muling inilayo ko iyon sa kamay kanya. “Bakit ka nag-sorry? Para saan?”

“I-I mean, tama ka... S-siguro ay gagawin ko na lang ang gusto mo. Wala akong choice, ‘di ba? Ayokong makasakit ng damdamin...”

“Hindi iyon kagustuhan ko. Iyon ang hiningi ng pagkakataon. Iyon ang hininging kaunting ambag mo para makatulong sa isang taong nangangailangan.” 

Hindi na niya sinagot ang aking sinabi. Sa puntong iyon ay hindi na kami nag-iimikan. Sobrang nasaktan ako. Unang nagtampo na ako sa kanya pero heto, parang may gumapang na kakaibang damdamin naman ako para sa kanya at hayan, papayag na siya na may mangyari sa kanila ni James. Ang sakit lang isipin na sa gabing iyon ay magyayakapan sila, maghahalikan, magsipin, kung ano man ang posisyon nila, hinid ko alam. Parang pinaglalaruan lang ang aking damdamin ng pagkakataon. Gusto kong umiyak sa sandaling iyon. 

Hanggang sa dumating kami ng accommodation, hanggang sa matutulog na lang kami, wala pa rin kaming imikan. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Ngunit ako, tila naninibago sa aking sarili. Masakit ang aking kalooban. Litong-lito ang aking isip dahil sa naghalo-halong naramdaman.

Kinabukasan, balik na naman sa dating gawi. Iyong sa paggising niya ay magigising din ako dahil sa ingay ng pagbukas ng kanyang cabinet at makikita ko siyang nak-brief at ang walang pakundangang paghuhubad niya sa aking harapan. Ngunit hindi na ako nakatiis sa umagang iyon. Sinita ko na siya. “Puwede ba, huwag ka namang maghubad sa harap ko?” ang sabi ko.

Halata ko ang kanyang pagkagulat habang nilingon ako. “B-bakit? Dati ko namang ginagawa ito, di ba?”

“Dati iyon. Ngayon, ayaw ko na!” ang mataray kong sagot.

“Bakit nga?”

“Dapat pa bang itanong iyan? Basta ayaw ko!” ang sagot ko namang nagdadabog at tumagilid patalikod sa kanya sa aking pagkahiga sa kama. “Kulit!” ang dugtong ko pa.

“Okay… you’re the boss.” ang narinig kong sagot niya.

Iyon ang puntong aking natandaan kung saan ay sobrang nalito ako sa aking naramdaman para kay Jake. Upang maiwasan kong ma-distract ay idinaan ko na lang ang lahat sa pagti-text kay Kuya Renan. Minsan din ay pinapatawag ko siya para lang kami magkausap, o mag-chat sa skype.

Ngunit nanatili pa rin akong nadidistract kay Jake. 

Kinabukasan sa eskuwelahan, nagulat na lang ako nang sa breaktime ko ay may nakita akong isang malaki at pulang-pulang rosas na idinikit sa aking locker. Nang kinuha ko ito, may note na nakadikit. Binasa ko ito. “Hi Idol and crush! Congrats sa success ng fund-raising! Ingat ka palagi…” Napangiti na lang ako. Hindi ko kasi akalain na may magbibigay pa talaga ng rosas. Halos lahat kasi ng mga makakasalubong ko sa campus ay kino-congratulate ako dahil sa success ng aming fund-raising. Iyong iba nga, lalo na ang mga babae at bakla ay nagpapapirma nang autograph, lalo na kay Jake na pagkatapos niyang pirmahan ang mga notes o litrato na inihanda nila ay may kasama pang selfie. Tapos magsitakbuhan sila na parang sinaniban ng masamang espiritu na maglulundag at titili. 

Pinagmasdan ko na lang ang rosas, inamoy atsaka ipinasok sa aking locker.

Kinabukasan ay ganoon na naman. May nakuha na naman akong isang pulang rosas at ang nagkasulat naman ay, “Good morning idol…” Hanggang sa pangatlong beses, pang-apat. Doon na ako nagsimulang magtaka kung sino ba talaga ang naglagay noon. Hindi rin naman ako naniniwalang si Mico iyon dahil hindi na ako nagti-text sa kanya at siya ay hindi na rin nag-attempt na kumontact sa akin. Ni halos hindi nga kami magkikibuan sa eskuwelahan. Parang unti-unti na talaga kaming lumayo sa isa’t-isa. 

Hanggang sa dumating ang Feb 13, Sabado, ang araw na takdang mag-date ang mga auction-boys. Dahil may pasok pa ako sa Sabado ng umaga, may rosas uli sa aking cabinet. At sa pagkakataong iyon ay tatlo na. “Happy Valentine idol! Sana masaya ang Valentine mo. Love you!”

Dahil hindi ko nga kilala kung sino iyon, hinayaan ko na lang. Dinala ko sa bahay ang tatlong rosas kung saan ay binibiro pa ako ni Jake na may secret lover daw ako. “Anong pakialam mo kung mayroon! Inggit ka!” ang mataray ko namang sagot.

Alas 5 ng hapon ay hindi na ako mapakali. Nasanay kasi ako na sa akin lang naka-focus ang atensyon ni Jake. Ngunit sa oras na iyon, sumagi na sa isip ko ang eksena kung saan ay may iba siyang kasama. Syempre, kung sakaling mag-motel sila, hindi naman ako puwedeng sumama sa kuwarto. Alangan namang panuoring ko sila habang nagyayakapan sila, naghuhubaran, nagsusubuan, naghahalikan, umiindayog ang mga katawan. Hindi ko talaga ma-imagine ang eksena kung saan ay makipaghalikan si Jake kay James, lalo na siguro kung mago-oral sex pa sila or mag tirahan sa kanilang mga likuran. Ako nga, hanggang halik lang sa kanya, tapos subo. Tapos sila… baka magpatira pa si James sa puwet… Sobrang advanced talaga ng aking pagi-isip. Dagdagan pa na wala si Kuya Renan, wala na rin kami ni Mico, nakakalungkot lang, sobra. Nag-iisa ako sa Valentine’s day.

“Anong plano ninyo sa date ninyo?” ang tanong ko.

“M-magdinner Boss. Tapos… bahala na.” 

“Magdala ka ng condom ah” 

Napatingin siya sa akin. “Mukhang virgin naman ata iyon. Hindi na kailangan.” Ang sagot niya. Hindi ko alam kung biro lang ngunit talagang nasaktan ako.

“Basketball player iyon. Guwapo. Hindi ka nakasisiguro.”

Hinawakan niya ang aking balikat at tinitigan ako, diretso sa aking mga mata. “Ano sa palagay mo?” ang halos na pabulong niyang sagot.

Hindi ko na pinatulan ang kanyang sinabi. Inilihis ko ang aming usapan. “M-maghanda ka na ah. Baka ma late ka sa usapan ninyo.” 

“Tayo ang maghanda, Boss dahil kasama ka.” Ang sagot niya.

“Ayokong sumama ah!” ang pagreact ko.

“Ano ka ba, Boss. Nagpaalam na ako sa coach niya at sa kanya na kasama ka.”

Tumaas ang aking boses sa narinig. “Bakit mo ba sinabi iyon? Ako ang nag-initiate ng activity na iyan tapos ako rin ang sisira ng kasiyahan? Hindi mo ba naisip iyan? Hindi puwede. Dito lang ako.”

“Kasama nga rin ang lahat ng tropa nila eh, kasama rin ang coach nila. Kaya walang problema.”

“Sa dinner lang iyon?”

“Oo, sa dinner lang.” 

“S-sige, sa dinner lang ako sasama.”

Kaya wala na akong nagawa kundi ang ihanda ang sarili. Nauna siyang naligo at pagkatapos ay ako naman.

Casual lang ang suot ko patungo sa hotel/restaurant na venue ng date. Si Jake naman ay naka itin na coat at sa ilalim nito ay puting T-shirt, kapares ang itim na maong na stone-washed may butas-butas sa hita at tuhod at ang sapatos ay itim na pang-pormal. 

Nang nakarating na kami, nagpalakpakan ang buong ka-tropa ni James na nauna na pala roon at nakapuwesto na sa isang malaking mesa. Niloloko na naman nila ang MVP nila, ginulo ang buhok, inakbay-akbayan, pabirong hinahalikan ang pisngi. Pero napansin ko, may mga kanya-kanya silang dalang babae. Ang coach naman nila ay kasama ang misis niya.

Sinalubong kami ng coach nila at saka giniya patungo sa isang mesa sa gitna ng hall. May candle light ito, may valentine decorations, heart-shaped balloons, at dalawang upuan lang. Dahil alam ko namang hindi para sa akin ang isang upuan, nag beg-off ako na sa isang bakanteng mesa ako uupo, hindi kalayuan sa mesa nina Jake. Inimbita naman ako ng coach na sa grupo na lang nila ako maupo. Ngunit nahiya ako kung kaya ay pinili ko ang isang bakanteng mesa at doon umupo. Nang nakaupo na ako, tinawag ng coach si James upang samahan si Jake. 

Cute si James sa kanyang suot. Bagay na bagay sa kanya ang blue na coat, puting polo ang ilalim at naka bukas lang ang pang-itaas na butones. May suot siyang white gold na ear ring at ang nakakatuwa ay parang pinaghandaan talaga niya ang date nilang iyon dahil bagong gupit, iyong semi-kalbo at may pabilog pa na tabas sa kanyang gupit galing sa bandang noo patungo sa likod ng kanyang ulo at sa gitna naman ng kanyang ulo ay may mga nakahilerang apat na dots na kasing lalaki ng mga butones. Kulay blue din ang kanyang pantalon at kulay itim na pang-pormal na sapatos ang kanyang suot. 

Nang tumayo siya ay nakangiti pa ito kung saan ay bumakat sa kanyang dalawang pisngi ang dimples. “Ang guwapo niya!” sa isip ko lang. Nilapitan muna ako ni James at kinumusta, nakipag bro-hug. “Boss, sensya na ha? Napasubo lang… hiramin ko muna ang body guard mo.” ang sabi niya.

“Okay lang ano ka ba. Para kang timang!” ang sagot ko naman.

Medyo nahiya pang lumapit si James at halatang nag-aalangan. Nagpalakpakan naman ang tropa niya nang nakaupo na si James. Tila biglang naging seryoso naman si James nang nagkatinginan sina Jake. Para bang iyong babaeng kaharap ang crush niya sa isang date. Parang sobrang feeling awkward silang dalawa. Ewan kung tama iyong aking pagkumpara sa kanya sa babaeng naka-date ang crush o sadyang naweiduhan lang siya at si James sa tagpo na iyon.

Para akong nasisilaw sa postura nilang dalawa. Nakakainggit lang kasi. Sobrang sweet ng setting at sobrang sweet nilang tingnan. Sobrang bagay na bagay. Parehong hunk, parehong guwapo, parehong athletic, parehong hinahangaan ng marami. Napabuntong-hininga na lang ako.

Noong una ay halos wala silang imik habang ang mg aka-tropa naman ni James ay panay ang tingin at kantyaw sa kanila. Ewan ko din lang kung kinilig sila o nawi-weirduhan. Ako naman ay dedma lang. Nagdala kasi ako ng libro at kunyaring nagbabasa ako habang lihim na pinagmasdan sila.

Habang abala ako sa aking ginagawang lihim na pago-obserba sa kanila, hindi ko naman inasahang lapitan ako ng isa sa mg aka-tropa ni James. “Hi Boss… puwedeng makiupo?” ang sambit niyang nakangiti pa.

Nang tiningnan ko ang mga ka-tropa nila, lahat sila ay nakatingin sa akin at nag-thumbs up. “Walang date iyan, Bugoy!” ang sigaw ng isa.

Tiningnan ko rin si Jake na tila humaba ang leeg sa pagsilip sa akin at sa dumating na katropa ni James. Inusyuso talaga niya ang player na lumapit sa akin. Si James ay nakangiti rin na napalingon sa amin. At baling ko sa kasama nilang lumapit sa akin, “S-sure.” Ang sagot ko.

Nang nakaupo na siya, nagpakilala siya sa akin. “I’m Ken.” Sabay abot ng kanyang kamay sa akin.

Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. In fairness, may hitsura si Ken at mukhang mabait. Malinis tingnan, clean-cut ang buhok, may braces ang ngipin, chinito, makinis ang balat, maputi… at kahit hindi gym-fit ang katawan, proportionate ito sa kanyang tangkad. Nakakadistract. “Bugoy…” ang sagot ko. 

“Woi… kilala ko iyang book na hawak mo ah!” ang sambit niya. 

Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. M2M story kasi ito at syempre, sino bang straight ang magbabasa nito. “Eh… nabasa mo na ito?”

“Ano ka… nasa library natin iyan! Noong unang labas niyan sa library, pinilahan iyan ng mga bakla, babae, at lalaki.”

“T-talaga? Gay love story kasi ito eh.”

“Oo, pero story kasi. Kahit anong story – fantasy, science-fiction, straight, lesbian basta maganda ang kuwento, binabasa talaga.”

“So pati ikaw ay nagbabasa?” 

“Oo… tinapos ko talaga. Nagustuhan ko eh.” Ang sagot niya.

Parang gusto kong matawa sa aking sarili. Kasi ba naman kung straight talaga siya, hindi siya magbabasa ng ganoon. Pero naisip ko rin naman kasi ang alam ko ay may mga babae ring nagbabasa. So possible rin sigurong kahit straight ay nagbabasa rin ng ganoon.

Kaya doon napunta ang aming usapan sa libro. Nabasa ko na kasi ito kaya alam ko ang takbo ng kuwento. At iyon na ang pinag-usapan namin ni Ken. 

Nang dumating na ang mga order na pagkain, doon na na-divert sa pagkain ang focus ng mga ka-tropa nila. Pati sina James at Jake ay nag-uusap na rin. Iyon na ang simula ng kanilang kuwentuhan at tawanan. Mabuti na lang at nariyan si Ken dahil kahit papaano ay naibsan ang lungkot ko at pagseselos sa nakita kina James at Jake.

In fairness, nakakatuwang kasama si Ken. Ang saya niyang kausap, maraming jokes. Sa palagay ko ay alam niyang bakla ako. Kaya panatag ang loob ko sa kanya.

Habang nasa ganoon kaming pagkukuwentuhan, may lumapit sa harap nina James at Jake na waiter, tumayo sa harap nila. Nagtaka kami dahil nakatayo lang siya roon. Iyon pala ay hinintay ang pagtugtog ng background music at kumanta siya…

My Valentine By Jim Brickman
If there were no words, no way to speak
I would still hear you
If there were no tears, no way to feel inside
I've still feel for you

And even if the sun refused to shine
Even if romance ran out of rhyme
You would still have my heart until the end of time
You're all I need my love, my valentine

All of my life
I have been waiting for all you give to me
You've opened my eyes
And shown me how to love unselfishly

I've dreamed of this a thousand times before
In my dreams I couldn't love you more
I will give you my heart until the end of time
You're all I need my love, my valentine
La da da da da

And even if the sun refused to shine
Even if romance ran out of rhyme
You would still have my heart until the end of time
'Cause all I need is you, my valentine
Oh, you're all I need my love, my valentine

At maya-maya lang ay lumapit na rin ang iba pang mga waiters at waitresses at sinabayan sa pagkanta ang naunang waiter. Naging chorus nila para kina James at Jake! Parang mob dance na ikinamamangha ng lahat ng guests.

Nang tiningnan ko ang mga ka-tropa ni James, nagtawanan sila. Doon ko nalaman na isa pala iyon sa surprise ng coach nila. 

Pagkatapos nilang kumanta ay nagpalakpakan ang lahat ng mga tao. May isa pang waiter nalumapit at binigayn sila ng tig-iisang wine glass, nilagyan iyon ng wine at minuwestrahan silang dalawa na ilingkis ang mga brasong nakahawak sa wine glass, iyong ang kapareha ang iinum sa hawak ng wine ng isa, kagaya ng sa mag-asawa. 

Kahit naiilang ay ginawa pa rin nila ang pag-inum sa ganoong ayos. Palakpakan ang lahat ng mga tao, kahit iyong naroon lamang. Pagkatapos ng wine ay may isang waiter uli na nagdala ng isang tray na may pulang cake na hugis valentine at sa ibabaw nito ay may nakatirik na kandila. Minuwestrahan sin sila na hihipan ang mga kandila. Ginawa nila uli ito. Pagkatapos ay ang magsubuan naman ng cake. Mistula silang ikinasal sa kanilang ayos. Ang coach naman at mg aka-tropa ay hindi magkamayaw sa katatawa at siguro ay kilig na rin. 

Doon ko na rin napansin na naroon pala ang feature editor kasama ang photographer ng campus newsletter. Kumukuha sila ng litrato at nagsusulat ng notes ang editor.

Nang matapos na kami sa pagkain, nakita kong tumayo ang coach at mga players niya. Nilapitan nila kami, “Bugoy… sama tayo. Mag-bar kami, kasama ang valentine couple natin.”

“Eh… huwag na po.” Ang sagot ko. Syempre, hindi ko naman feel kasi na sumama. OP ako kumbaga. At parang hindi ko kayang pagmasdan sina Jake ang James.

Kaya kahit anong pilit sa akin ng coach na sumama, tinanggihan ko ito. Wala na siyang nagawa kundi ang tumbukin ang mesa nina Jake at ipaalam sa kanila na tutungo na sila ng bar.

“Boss…samahan mo naman ako oh.” Ang pakiusap sa akin ni Jake. Nilapitan pa talaga niya ako upang yayain.

Ngunit pati siya ay tinanggihan ko. Sinabi ko na lang na huwag mag-alala sa akin dahil okay naman ako, walang mangyayari sa akin, at na magkita na lang kami kinabukasan. Dagdagan pa sa pag-offer ni Ken na ihatid ako, wala nang nagawa pa si Jake. Kaya habang dumiretso ang grupo nila sa resto-bar, ako naman ay lumihis sa direksyon sa hintayan ng taxi. Nakita ko pa si Jake na tinitigan ako habang naglalakad ang grupo nila parungo sa resto bar na walking distance lang ang layo mula sa restaurant ng hotel. Hindi ko alam kung para saan ang titig niyang iyon. Tila may kakaiba. Parang nagtatanong. Malungkot, nag-alala na hindi ko mawari.

“Na-appreciate ko nang sobra ang paghatid mo sa akin, Ken. Maraming salamat.” Ang sambit k okay Ken nang marating na namin ang aking accommodation.

“Ako pa! Puwede ngang samahan na kita rito eh. Dito na lang ako matutulog.” ang sagot naman niya.

“N-naku, huwag na.” ang mabilis kong sagot. “Naghihintay na ang tropa mo sa iyo. Dapat ay mag-enjoy kayo. Okay lang ako rito. Makipag-skype din ako sa Kuya ko eh…” ang sagot ko na lang.

Naintindihan naman ni Ken. Kaya nagpaalam na lang siya. “Sige idol, alis na ako.”

Napangiti naman ako sa kanyang sinabing “idol”. “Salamat uli.” Ang sagot ko. 

Akala ko ay tuloy-tuloy na ang kanyang pag-alis ngunit bumalik pa talaga siya. “Puwede bang pa hug? Di pa kita na hug eh.” Ang sambit niya.

Natawa ako sa kanyang sinabi. “Sige ba. Hug lang pala eh.” Ang sagot ko sabay hug din sa kanya. “Salamat uli.” Ang dugtong ko.

Doon na siya tuluyang umalis. 

Nang nasa loob na ako ng kuwarto, tumunog naman ang message alert ng cp ko. Nang binasa ko ito, galing kay Jake. “Nag-kakantahan na kami rito. Sana ay narito ka, Boss.”

“Hayaan mo na. Hindi ako kasali sa activity na iyan kaya mag-enjoy ka na lang jan.”

“Ikaw kasi eh… isinali mo pa kasi ako nitong auction-auction mo eh.”

“Wala na tayong magagawa. Tapos na iyan. I-enjoy mo na lang ang moment mo kay James. Bagay kayo, promise!”

“Waaaahhh! Hindi ko kaya to! Bakla na rin ata ‘to eh! Nalalasing na, umaakbay-akbay at pasimpleng humihipo-hipo sa hita ko!”

“Sinulsulan siguro ng mg aka teammates.”

“Sinabi mo pa…”

“Iyan naman pala eh. Katuwaan lang iyan. See you bukas na lang. Enjoy your date!”

Maya-maya ay nagtext uli siya. “Boss, nagsialisan na sila. “Boss… sasama na ba ako sa hotel? Kinantyawan na nila si James eh.”

Mistula namang hinataw ng matigas na bagay ang aking ulo. Pero sinagot ko pa rin. “Gow!”

“Putcha naman o… Kainis!”

Hindi ko siya sinagot. 

Nag-text siya uli. “Pupunta na kami ng hotel Boss! Doon din daw pala sila magcheck-in kasama ang mga partner nila. Final question, sasama ba talaga ako? Di ako mapakali Boss.” 

“Gago. Syempre, dapat mong panindigan ang sinabi mo sa akin. At maawa ka Kay James. Walang perang pambayad iyan… mahirap lang iyan.”

“Okay…”

“Good luck!” ang huli kong text.

Hindi na ako nakarinig pa ng sagot ni Jake. Tiningnan ko ang aking relo. Alas 11 na ng gabi. Tinext ko si Kuya Renan upang sana ay makapag-Skype kami, tamang-tama ang oras na iyo para habang nagskype kami ay masalubong naming dalawa ang valentines day. 

Ngunit hindi siya sumagot. Tinawagan ko. Nasa “no coverage area” ang cp niya.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili. May naramdaman akong kaba at takot kung bakit hindi ko ma-contact si Kuya Renan ganoong parating sana ang pinakaimportanteng araw para sa amin. May naramdaman din akong inis. Dapat sana ay sa side pa lang niya ay siya na ang nag-initiate na tawagan ako. Pero wala. 

Naghintay ako ng isa pang oras. 

Wala pa rin siyang text at nang tinawagan ko ay ganoon pa rin, out of coverage pa rin siya. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapaiyak. Parang ang saklap ng Valentine’s day ko. 

Maya-maya ay may message alert. Excited kong binuksan ang cp ko. Ngunit disappointed ako dahil hindi galing kay Kuya Renan ang message kundi galing kay Mico. “Happy Valentine’s Day tol!” ang text niya.

Lalo naman akong napaiyak. Iyon bang naawa sa sarili. Nasabi ko tuloy sa aking sarili na mabuti pa si Mico, naalala pa ako. Pero si Kuya Renan ay hindi ko mahagilap. Sinagot ko ang text ni Mico. “Happy Valentine’s Day din ‘tol!”

Iyon lang. Naisip ko na lang na palipasin ang Valentine’s day sa pagtulog. Inilagay ko na ang aking cp sa loob ng aking drawer atsaka hinanda ang aking kama at nang matapos ay nagpatay ng mga ilaw, maliban sa lampshade. 

Naidlip na ako noon nang magising sa malakas na katok mula sa pinto na halos gigibain na ito. Bigla naman akong kinabahan. Tiningnan ko ang aking relo, mag-aala una na ng madaling araw.

“S-sino iyan???” ang sigaw ko.

Walang sumagot.

“Sino yannnnnn!!! May baril ako rito, babarilin kita!” ang pananakot ko.

“Ako ito. Buksan mo ang pinto!” ang boses na narinig ko.

“J-Jake?” ang sambit ko. Dali-dali kong binuksan ang pinto. “Bakit ka napauwi? Anong nangyari?” ang sunod-sunod kong tanong nang nakapasok na siya sa loob ng kuwarto at nai-lock ko na ang pinto.

“H-hindi ko kaya Boss, eh. Sorry.”

“Naman eh!” ang pagdadabog ko pa. “Nakakahiya! Ano na lang ang sasabihin nila sa pinaggagawa mo?!!! Kawawa naman iyong tao na magbabayad ng fifty thousand sa coach niya! Ano ka ba? Manhid ka ba? Wala ka bang konsiyensya? Bobo ka ba?”

“B-binayaran ko na siya, Boss.” Ang mahina niyang sagot.

“Anoooo??? Saan ka kumuha ng pera???” 

“May savings ako, nagwithdraw ako kanina habang nasa klase ka. Pangback-up ko lang kung sakaling umayaw ako.”

“Diyos ko naman Jake! Sinayang mo ang pera mo! Pinaghirapan mo iyon!”

“Ok lang sa akin. Di ko talaga kaya eh.”

“Simple lang naman iyon eh. Di ba pumayag ka naman sa akin dati? Bakit hindi sa kanya?”

“Iba ka naman. Iba rin siya…”

“A-anong ibig mong sabihin? Dahil nalibugan ka noon, ganoon?”

Umiling siya. 

“Dahil boss mo ako?”

Umiling pa rin siya.

“Dahil lasing ako?”

“Siguro ay dapat na sagutin ko muna ang tanong kung bakit ako umayaw sa pangalawang pagtangka mo sa akin...”

“B-bakit?” ang tanong ko.

Tinitigan niya ako, naging seryoso ang kanyang mukha na mistulang iiyak. Yumuko siya. “D-dahil na... n-nadevelop na yata ako sa iyo Boss. Iyong araw-araw na nagsasama tayo, iyong araw-araw na kinukulit mo ako, iyong araw-araw na inaalagaan kita, ewan... hinahanap-hanap ko eh. May kakaiba sa iyo na hindi ko ma-explain kung bakit nagustuhan ko, hinahanap-hanap ng sistema ko, ng isip ko. Hindi mo lang alam, palagi kitang lihim na minamasdan, natutuwa ako kapag ngumingiti ka, iyong sa isip ko ay ang sarap mong kagatin, nangigigil ako, at kapag nalulungkot ka, nalulungkot din ako. Kaya tinanggihan kita noon. Natakot ako na baka tuluyang mahulog ang loob ko sa iyo. Hindi dahil Boss kita, hindi dahil ayaw ko sa iyo, ang totoong dahilan ay natatakot akong mahulog ang loob sa iyo. Sinasarili ko ang naramdaman ko. Kung natandaan mo noong una, sinabi ko sa iyo na hindi ako nakikipagtalik sa isang tao kung hindi ko gusto? Totoo iyon. Kaya ako pumayag noong unang ginawa mo sa akin iyon... dahil gusto kita. I mean it. Ikaw ang taong nakakapagbigay sa akin ng Valentine’s day araw-araw.”

Mistulang may isang malakas na bombang sumabog sa aking harapan sa kanyang mga sinabi. Parang biglang nag-black out ang aking utak at nawala ang aking malay at hindi makapagsalita. At ang nasambit ko na lang ay, “Aw... n-nagbibiro ka yata.”

“Hindi biro ang 50 thousand na savings ko, Boss na ibinayad ko kay James. Hindi biro ang biguin ang mga taong ka-tropa ni James sa kanilang ini-expect na kahinatnan ng kanilang plano. Mahal kita Boss. Wala akong pakialam kung may Kuya Renan ka na basta gusto ko lang malaman mo na may naramdaman ako para sa iyo. At nakapagdesisyon na ako na pagkatapos ng graduation mo, magresign ako bilang bodyguard mo, maghanap ng ibang trabaho upang malaya kitang ligawan.

Hindi pa rin ako nakapagsalita sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Nanatiling nakatitig na lang ako sa kanya, hindi alam kung ano ang sasabihin.

“Happy Valentine, Mr. Levi Sarmiento…” ang dugtong niya sabay abot sa akin ng isang bouquet ng mga mapupulang rosas at isang box ng mga tsokolate. 

Tila naalipin ako ng kanyang hipnotismo at parang tuod na nakatayo na lang sa harap niya. Tinanggap ko ang kanyang mga bulaklak at tsokolate. Hanggang sa naramdaman ko ang mga labi niyang dumampi sa mga labi ko. Tinanggap ko rin ang mga ito...


(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails