By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
***
getmybox@hotmail.com
***
“Ha??? T-totoo po???!!!” ang
gulat kong sagot nang narinig ko mula sa bibig ni Ms. Clarissa na buhay raw ang
aking itay. “N-nasaan po siya???” Ang dugtong kong tanong na nanginginig ang
boses bunsod ng matinding pagkagulat at excitement. Tila himatayin ako sa
nalaman.
“Bago kita sagutin, ano ba ang
alam mo tungkol sa iyong ama?” ang kalmenteng tanong ni Ms. Clarissa.
“P-patay na raw ang aking itay.
At… may kalaguyo raw itong isang b-bakla. Totoo po ba?”
“Hindi totoong namatay siya,
Bugoy. Kalaguyong bakla ay… hindi rin totoo sa panahong iyon. Ang totoo ay napilitan
o nalinlang lang ang iyong ama. Ang baklang iyon ang sumira sa pagkatao ng
iyong ina. Ginawan niya ito ng kuwento na may ibang lalaki raw. May ipinakitang
mga litrato na hubo’t-hubad sila ng lalaki, magkayakap sa ibabaw ng kama. At
ikaw… na nasa sinapupunan pa niya ng panahon na iyon ay nadamay. Itinakwil ka ng
iyong ama dahil nga sa paninira ng baklang iyon sa iyong ina. Kaya umalis ang
iyong inay sa bahay ng iyong itay nang hindi na niya nakayanan ang lahat.”
“P-paano po ninyo nalaman ang
kuwentong ito?”
“K-kapatid ko sa ina ang iyong
inay. Half sister ko siya.”
“T-Tita kita sa totoong buhay?”
Tumango siya.
Napatitig na lang ako sa kanya.
Nang niyakap niya ako, sinuklian ko ang kanyang yakap. “Tita…” ang sambit ko.
“Mommy.” Ang pagtama niya sa
sinabi ko.”
Napangiti ako. “Mommy Tita…”
ang sabi ko.
Natawa rin siya.
“B-bakit po h-hindi sinabi ng
inay na may kapatid pala siya?”
“Ewan ko. Baka sa sobrang sakit
na naranasan niya kung kaya ay gusto niyang makalimot. Maaari ring sinadya niya
ito dahil ayaw niyang makita at maalala ang mga tao o bagay na kunektado sa
kanyang paghihirap.”
“A-ang itay ko po? N-nasaan na
siya?”
Hindi siya nakasagot agad.
Tinitigan niya ako at pagkatapos ay binitiwan ang isang malalim na buntong
hininga. “Mayaman ang iyong itay Bugoy. Sobrang yaman niya. May nakapagsabi na
nasa Amerika na raw siya. May nakapagsabi naman na nasa Europe. Ang nakakita sa
kanya ay kakilala ko at kaibigan din ng iyong inay, at alam ang kuwento nila. Nakita
niya raw ang itay mo sa isang hotel nang magpunta siya ng France. Ngunit hindi
niya siya nakausap. May isang kaibigan naman ako na nagsabing nakita rin daw ang
itay mo ng kaibigan niya sa New York naman, sa isang restaurant.”
“G-ganoon po ba? H-hindi na
kaya siya umuuwi rito?”
“Hindi ko rin masabi. Wala na
kasing nakakakita sa kanya rito, eh.”
“Iyon pong kalaguyo niyang bakla,
kasama pa rin kaya niya hanggang ngayon?”
“Maaari. Ang haka-haka ay baka
nagpakasal sila sa Amerika o Europe eh.”
Doon na ako nakaramdam ng
panlulumo, lungkot, at nagalit. “K-kawawa naman ang inay… Kahit pumanaw na pala
siya, hindi pa rin pala niya nakamit ang hustisya.”
Niyakap ako ni Ms. Clarissa.
“Di bale, nakapagpahinga na rin siya. Alam ko, sa kinalalagyan niya ngayon,
mapayapa na siya...”
“Kawawa rin ako dahil kahit kung
totoong buhay pa nga ang aking ama, malamang na hindi ko rin malalasap ang
pagmamahal niya dahil itinakwil na niya ako eh. Kaya pala hindi man lang niya
ako hinanap. Kaya pala balewala ako sa kanya. Kung tutuusin nga, dahil sa kanya
kung bakit nagdusa ang inay, kung bakit heto ako, nagdusa. Kung darating pa ang
pagkakataon na magkrus ang aming landas, susumbatan ko talaga siya, isusumpa ko
pa siya!”
Hinaplos-haplos ni Ms. Clarissa
ang aking likod. “Huwag naman Bugoy. Pakinggan muna natin ang kuwento niya.
Baka may mabigat na dahilan kung bakit hindi na siya nagpakita.”
“Mahirap pong intindihin iyan,
Mom. Lalaki siya. May pera. Bakit ang baklang iyon ang mas pinili niya? Ang
sakit po… Ang sakittt!” Hindi ko na napigilan ang sarili na humagulgol.
“Sana ay mahanap din natin
siya, Bugoy upang maliwanagan na ang iyong isip.”
“Sana po, Mom. Sana…”
“Nararamdaman ko na kung
sakaling makita ka niya, makita niyang ganito ka na kalaki, ka-guwapo na kamukhang-kamukha
niya at napakatalino pa, sigurado ako… hindi ka niya kayang itatakwil, Bugoy.”
“Marami siyang dapat
ipaliwanag, Mom. Malaki ang utang niya sa aking inay at sa akin. Hindi ko siya
tatanggapin kung hindi ako makuntento sa kanyang paliwanag.”
“Basta ang maipapayo ko, Bugoy,
lawakan mo lang ang iyong pag-iisip. Isipin mo na kahit ano man ang mangyari,
ama mo pa rin siya.”
Iyon lang ang laman ng
rebelasyon ni Ms. Clarissa tungkol sa aking ama. Bitin, at imbes na ma-excite
ako dahil buhay siya, nadagdagan pa ang sama ng loob ko sa kanya.
Lumipas ang ilang araw, tila
may naghilahan sa aking isip kung hahanapin ko ba ang aking ama, o hayaan na
lang na kalimutan ko siya. Parang gusto ko tuloy magtampo kay Ms. Clarissa
dahil sa pagbunyag niya na buhay pa pala ang aking ama. Imbes na natahimik na sana
ang aking isip sa pagkakaalam na patay na siya, hayan buhay nga siya ngunit ang
sakit pala na malamang itinakwil ka ng taong dapat ay nariyan para sa iyo at
ibang tao ang mas mahalaga sa kanya. Ang sakit… halos siya na lang ang laman ng
aking isip.
Nang nasa harap ako ng computer
ay ginoggle ko talaga ang name niya. Ngunit nakailang google na lang ako ay
walang lumabas na pangalan niya. Kahit sa facebook ay wala rin. Kahit saang
site ko na lang siya hinanap ngunit wala pa ring ganoong pangalan.
Nang sinabi ko ito kay Ms.
Clarissa, sinagot lang niya ako na parang hindi raw iyon mahilig sa internet. Kasi
siya man ay sinearch na rin niya ngunit wala siyang nakita. Wala akong nagawa.
Sabi ko na lang sa sarili na marahil ay sinadya na rin ng tadhana na hindi ko
siya makita dahil kapag nagkataon, baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at
kung anong masasakit na salita ang aking masabi sa kanya. Iyon na lang ang
isiniksik ko sa aking isip.
Isang araw, nakatanggap ako ng
text mula kay Albert, “Tol… nandito si Kuya Renan mo sa atin. Nasa bahay nina
Cathy.”
Mistulang may sumabog na bomba
sa aking harapan nang mabasa ko ang text na iyon ni Albert. “Kailan pa siya
nand’yan ‘Tol?” ang dali-dali kong sagot.
“Hindi ko alam ‘Tol eh.
Nabalitaan ko na lang sa isa nating kaibigan na nakita rin daw ng kaibigan niya
si Kuya Renan mo sa bahay nina Cathy.”
Dali-dali kong tinawagan si
Albert. “S-sure ba siya na si Kuya Renan daw iyon? Nasa Gensan si Kuya Renan,
eh.”
“Sure daw siya, ‘Tol dahil
nakausap pa raw ng kaibigan niya si Kuya Renan mo.”
“Nariyan pa ba siya?”
“Hindi ako sigurado ‘Tol.”
“P-uwede mo bang i-confirm sa
kaibigan natin? O may number ka ba sa kanya, ako na ang tatawag.”
Binigay ni Albert ang number ng
kaibigan namin at tinawagan ko. Nang nakausap ko na, hindi na raw nila niya
alam dahil hindi na siya nakabalik pa sa lugar nina Cathy.
“Ito ba iyong bahay nina ni
Cathy na nasa highway, malapit sa bahay nina Mico?”
“Hindi. Lumipat na sila.
Pinaalis sila roon, matagal na, ilang taon na ang nakalipas.”
“Saan na pala ang bahay nila?”
“Ang alam ko ay malayo-layo na
ito sa highway. Sa may bandang patungo ng bundok.”
“G-ganoon ba?”
Sa pagkadismaya ko ay tinawagan
ko ang numero ni Kuya Renan. Ngunit patay ito, hindi ma-contact. Lalo pa akong
nalungkot. Naglalaro sa aking isip ang maraming katanungan. “Nagkabalikan ba si
Kuya Renan at Cathy kung kaya ay inilihim niya ito sa akin?” “Bakit kailangan
niyang balikan si Cathy gayong alam naman niya na ang babaeng iyon ang dahilan kung
bakit muntik na kaming mamatay, nadamay pa si Mico at siya ring dahilan kung
bakit nagkawatak-watak kami?” Bigla ko tuloy naalala ang Engineer C na sinabi
ni Alex sa Gensan na ang tawagan nila ay honeypie ngunit nang tinanong ko si
Kuya Renan tungkol doon ay lalaki raw ang engineer na iyon. Pareho kasi ang
kurso nina Kuya Renan at Cathy, Engineer. Kaya hindi ko mawaglit sa isip na baka
si Cathy iyon at nagsinungaling lang sa akin si Kuya Renan.
Doon ay mas lalo pa akong nadismaya.
Iyon bang feeling na sinaksak ka ng patalikod ng mga tao. Nag-iisa ka na nga
lang sa mundo, iyong mga taong nakapaligid pa sa iyo ay tila pinagkaisahan kang
pagtaksilan. At lalo na iyong nag-iisang taong mahal mo na sana ay nariyan sa
iyong tabi, kaagapay mo sa hirap na pinagdaanan, ngunit wala siya, at nagtaksil
din sa iyo. Sobrang sakit.
Sinubukan ko uling magdial sa
number ni Kuya Renan. Nag ring siya ngunit mas lalo pa akong nasaktan nang
bigla rin itong pinatay. Nagdial uli ako. Ngunit tuluyan nang hindi ma-contact ang
kanyang cp kahit nakailang subok ako.
Wala na akong nagawa kundi ang
magmukmok sa kuwarto at umiyak. Nabuo na talaga sa isip ko na may pagtataksil
na ginawa si Kuya Renan sa akin. Tila hindi ako makahinga sa aking naramdaman.
Ang bigat ng aking dinadala, ang sakit sa dibdib, at wala akong masabihan. Gustuhin
ko mang mag open kay Ms. Clarissa ngunit may pag-aalangan ang aking isip. Pati
sa kanya ay takot na rin akong magtiwala. Kaya hindi ako lumabas ng aking
kuwarto.
Nang sumapit ang alas 6:00 ng
gabi, hinanap ko si Ms. Clarissa upang magpaalam na lalabas ako. Ngunit ang
sabi ng katulong ay umalis daw si Ms. Clarissa. Ipinagbilin lang sa kanya na sabihin
sa akin na kapag may kailangan ay tawagan ko lang siya.
Nagpahatid lang ako sa driver
patungong mall. Nang naroon na ako, sumaglit ako sa isang restaurant. Magsisimula
na sana akong kumain nang bigla nang may naramdaman akong kamay na ipinatong sa
aking balikat, halos kasabay ng, “Musta po!”
Gulat kong nilingon ang
pinagmulan ng boses. Nakangiti siyang tinitigan ako. Si Jake.
Mistulang nag freeze ako sa
aking kinauupuan. Ang bilin kasi ni Kuya Renan sa akin ay mag-ingat ako kay
Jake dahil may masamang balak ito sa akin at kay Ms. Clarissa kung kaya ay kung
anu-ano na lang ang sinasabi niya laban kay Ms. Clarissa. Gusto kong maniwala sa
sinabi ni Kuya Renan. Ngunit sa ginawa naman niyang pagtaksil sa akin ay hindi
ko na alam kung saan ako magtitiwala.
“Ey… musta?” ang pagbati ko na rin
sa kanya.
Tinumbok niya ang isang silya na
nakaharap sa akin at doon ay naupo. “Na-miss kita, B-boss.” Ang sambit niya.
“Eh…” ang naisagot ko na lang.
“Huwag nang Boss. Hindi ka na nagtatrabaho sa amin eh.”
“Nasanay na kasi ako.”
“G-gusto mong kumain? Mag-order
tayo?” ang paglihis ko sa topic.
“S-sige nagutom din ako.” ang
sagot niya sabay tawag sa waiter.
Nag-order siya ng pagkain niya.
Tinitigan ko lang siya. Ang guwapo pa rin ni Jake. Clean-cut, makinis, malinis
tingnan. Ang ganda pa ng kanyang katawan, proportioned ang hita na bumakat sa
kanyang pantalon, matipuno ang dibdib, at biceps, chest out na parang isang
militar. At ang galing magdala ng damit. Walang ipinagbago.
Nang makaalis na ang waiter,
agad ko namang ibinaling ang aking paningin sa mesa.
“Uy… tinitigan mo ako ah!” ang
sambit niya.
“Hindi kaya…”
“Nakita kita. Huwag kang
magdeny.”
“Hindi nga, kulit mo.”
Tinitigan niya ako, iyong
nagtatanong, nangongonsiyensyang titig.
“Okay, tinitigan kita. Ano
ngayon?” ang mataray ko namang tanong.
“Crush mo pa rin ako?”
“Luh! Wala naman akong sinabing
may crush ako sa iyo.”
Tinitigan niya akong muli.
Iyong mistulang may higanteng question mark na nakalambitin sa ibabaw ng
kanyang ulo, nangongonsiyensya uli ang mga mata.
Ibinaling ko ang aking paningin
sa ibang direksyon, itinukod ko ang aking kanang braso sa aking baba, iginuri-guri
ko ang aking kaliwang mga daliri sa mesa na kunyari ay inosente ako sa kanyang
inasta, kinakagat-kagat ang labi, lumilipad ang isip.
“Okay, hindi mo ako crush,
hindi mo ako na-miss, hindi ako nagi-exist, nag-iisa ka lang, wala kang kasama,
wala kang kausap. Wala.” Ang pag basag niya sa katahimikan.
“Luh! Anong drama naman iyan?”
“Wala, naglalambing lang.”
sabay bitiw ng isang pa-cute na ngiti.
“Hindi na ako pede maglandi,
Jake. Alam mo iyan, di ba?”
“Oo naman. Naintindihan ko.
Naglamabing lang ako dahil nga di na kita Boss, di kagaya noong dati na dapat
ay behave ako. Sa trabaho naman ay seryoso ako. Pero sa mga kaibigan, depende
rin sa kaibigan ay… makulit naman ako.” Ang sagot nyia. “Atsaka, kung makalusot
lang din naman.”
Tawanan. Siya namang pagdating
ng inorder niyang pagkain.
Nagsimula kaming kumain. “Hindi
mo talaga ako na-miss?” ang tanong niya uli.
“Na-miss kita bilang bodyguard
ko. Iyon lang.”
“Sa ibang bagay, wala?”
“Woi wag kang ganyan. Tapos na
iyon. Kinalimutna ko na. Masaya na kami ng Kuya Renan.”
“Talaga?”
“Alam mo, ang kulit-kulit mo talaga
ngayon, ibang level. Ba’t nag-iba ata ang ihip ng hangin?”
Tumawa lang siya ng malakas.
Na ikinaiinis ko naman. “Naka-drugs
ka no?”
“Huh! Bawal sa akin iyan!”
“Ba’t makulit ka ngayon?”
“Di ba sinabi ko na sa iyo? Na-miss
kita. Na-miss ko ang samahan natin, ang konting away. Na-miss ko ang katarayan
mo… at iyong bagay na iyon na-miss ko rin.”
“Weeee!”
“At masaya ako na nakita kita
rito at solo natin ang oras. Wala si Kuya Renan mo, wala si Ms. Clarissa.
Walang istorbo.”
“Bakit? Ano bang mayroon.”
“Wala naman. Pero alam mo naman
na may puwang ka rito sa puso ko, eh.”
Hindi ako nakakibo sa sinabi
niya. Naalala ko pa iyong araw na sinabi niya sa akin ang naramdaman niya. At
ramdam ko rin sa kaloob-looban ko na may nararamdaman din ako sa kanya. Hindi
ko lang alam kung pagnanasa lang iyon, paghahanp kay Kuya Renan, o isang
paghanga lang sa kanya. Pero alam ko, gusto ko rin siya. Kahit sa mga oras na
iyon, naroon pa rin ang kiliti at kilig ko para sa kanya. Yumuko na lang ako.
“Pero, sa sinabi ko na…”
hinawakan niya ang aking mga kamay na nasa ibabaw lang ng mesa, “…tanggap ko na
kayo ni Renan ang nakatadhan para sa isa’t-isa. At okay lang iyon sa akin dahil
kitang-kita ko naman na mahal ka ni Renan eh. At ikaw, alam kong mahal na mahal
mo rin siya.”
Hinayaan ko na lang siya na
hawakan ang aking mga kamay. Ngunit sa kaloob-looban ng isip ko, gusto kong
sabihin sa kanya na may tampo ako kay Kuya Renan, na natakot ako sa relasyon
namin. Gusto kong sabihin sa kanya na malungkot ako, na nasaktan ako sa ginawa
ni Kuya Renan.
“M-may problema ka ba?” ang
naitanong niya. Bigla kasi akong nalungkot at maaaring napansin niya ito sa
aking mga mata.
“W-wala. Okay lang ako. Ano ka
ba.”
“Sure ka?”
“Oo…”
“Happy ako na happy ka kay
Renan.” Ang sabi niya habang binitiwan ang isang matipid na ngiti.
“S-salamat.”
“At mas okay na rin na ganito ang
nangyari. Di na kita boss kaya pede na kitang kulit-kulitin at pangigilan, gaya
nito…” kinurot niya ang magkabilang pisngi ko.
Hindi ako nagreact. Natawa na
lang ako. Nandoon pa rin naman kasi ang feeling na na-kyutan ako sa kanya.
“Pangalawa, para focus na rin ako
sa aking mission.” Ang dugtong niya.
“M-mission? Ano iyon?” ang
tanong ko.
“Ang makahanap ng babae sa
buhay ko. Hindi lalaki, babae. B-a-b-a-e” ang pag-empahsize niya sa salitang
babae, sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.
“Baliw!”
Tahimik.
“Ano nga pala iyong sasabihin
mo sa akin?”
“Naalala mo pa noong sinabi ko
sa iyo na mag-ingat ka kay Ms. Clarissa?” ang seryosong sambit niya.
Tumango ako.
“Naniwala ka?”
“Di ko alam…” ang sagot ko.
Nalilito naman kasi ako. Gusto ko pa nga sanang idagdag na hindi naniniwala si
Kuya Renan sa sinabi niya at ako ay nagdadalawang-isip dahil mabait naman sa
akin si Ms. Clarissa. Ngunit sinasarili ko na lang ito.
“Okay. Pagkatapos nating kumain
ay sa isang bar tayo tutungo. Iyong inuman lang, iyong may privacy. Sasabihin
ko sa iyo ang lahat.” Ang sambit niya.
Hindi na ako nagsalita pa. Iyon
naman kasi ang pakay ko, ang mag-inom upang makalimot sa sakit na naramdaman. Itinuloy
namin ang pagkain hanggang sa natapos. Nang hiningi na niya ang bill namin,
bigla siyang humugot sa kanyang wallet. “Ako na, ako na!” ang giit ko. Alam ko kasing
wala pa siyang trabaho.
“No, no… ako na. Promise may
pera ako.”
“Okay… kung mapilit ka. Pero
ako ang maglibre sa iyo sa bar mamaya.”
“Deal.” Ang sagot niya.
Lampas alas-7 na iyon ng gabi
ng nakarating naman kami sa isang bar. Nag-order siya ng beer. Sa una ay wala
kaming imikan. Maliban sa sama ng loob kay Kuya Renan, may kaba rin akong
naramdaman na hindi ko mawari.
Nang nakatitig-apat na bote na
kami, pansin ko ang pamumula ng kanyang mukha. “Lasing ka na ah.” Ang sabi ko.”
“Lasing ka d’yan. Ikaw yata
itong lasing eh.” Ang sagot niya.
“Ano nga pala iyong sasabihin
mo? Ituloy mo na.”
Biglang naging seryoso ang kanyang
mukha. “Tungkol kay Ms. Clarissa…”
“Bakit ano ba ang tungkol sa
kanya?”
“Sa sinabi ko, mag-ingat ka sa
kanya. Palagay ko ay may masamang binabalak siya sa iyo. Hindi ko lang alam
kung ano iyon.”
“B-bakit mo naman nasabi iyan?”
“Maniwala ka kaya kung
sasabihin ko sa iyo ang totoo?”
“Oo naman. Bakit hindi?”
Muli siyang natahimik. Yumuko…
Nang muli siyang magsalita,
mistulang may isang malakas na bombang ang narinig ko sa aking tainga. “Ang aking
ama ay pinatay ni Ms. Clarissa. Ang yaman ni Ms. Clarissa ay yaman ng aking ama.”
“Oh my God!!!” ang pigil kong
pagsigaw, ang aking kamay ay itinakip ko sa aking bibig gawa ng matinding pagkagulat.
“Kaya huwag kang magtiwala sa
kanya. Ngunit huuwag kang magpahalata na may alam ka sa pagpatay niya sa aking
ama. Baka mapahamak ka rin.”
“Oh my God… nananaginip ba ako?
Ganyan ba talaga siya kasama?”
“Oo… kaya mag-ingat ka.”
“Paano mo ito nalaman?”
“Alam mo ang background ko di
ba? Guamgawa ako ng mga intelligence works. May training ako niyan.”
“At sure ka talaga na siya ang
pumatay?”
“Oo…”
“Paano.”
“Saka ko na ikuwento sa iyo.
Basta ang importante ay mag-ingat ka.”
“Bakit niya pinatay ang iyong
ama?”
“Dahil sa pera.”
“Sandali… Ang papa mo at si Ms.
Clarissa ay mag-asawa o mag live-in?”
“Anak ako sa pagkadalaga ng
aking inay. Iyan ang sabi ng aking kinikilalang legal na itay. Nabuntis ang
aking inay noong teenager pa lang siya. Nagtrabaho ang aking inay noon sa isang
fast food chain at doon sila nagkita. Akala ng inay ay seseryosohin siya ng
aking ama ngunit nang nabuntis na siya, nawala itong parang bula. Hindi ko
talaga alam ang tunay na pangalan ng aking itay. Palayaw lang ang alam ko sa
kanya. Ngunit alam ng kinikilala kong ama ang address ng bahay. Nang natunton
ko ito, ang nakausap ko ay ang katulong na nagsabi sa akin na wala raw ganoong
pangalan sa bahay na iyon. Bago lang daw siya. Ngunit ang sabi ng mga kapitbahay
ay doon nga raw siya nakatira ngunit matagal nang hindi nila nakikita. Iyong
isang matagal nang katulong ng isang kapitbahay ay nagkuwento na may isang
hatinggabi raw na nakarinig siya ng boses ng isang lalaki na nanghingi ng
saklolo. Tapos biglang nawala ang tinig.”
“May solid evidence ka ba na
talagang si Ms. Clarissa ang nagpatay sa kanya?”
“Sa ngayon ay wala pa. Ngunit
alam ko, malapit na. Kung hindi niya ako sinesante ay malamang na lumabas na
ang katotohanan.
“Wala namang nagsumbong sa
kapulisan?”
“May nagreport sa pagkawala ng
aking ama. Ngunit wala naman kasi silang ebidensya kaya walang nagawa ang mga
pulis. At isa pa, makapangyarihan si Ms. Clarissa.”
“Nakakatakot pala siya...”
“Kaya mag-ingat ka.”
“E, ‘di noong nagtrabaho ka sa
kanya ay may iba ka palang motibo?”
“Oo. Gusto kong malaman kung saan
inilibing ang aking ama. Nang natiktikan niyang nanghalungkat ako ng mga
dokumento sa drawer niya at nilitratuhan ko ang loob at labas ng bahay niya,
doon na siya nagalit. At iyon, sinsesante ako.”
Tahimik.
“A-alam mo, T-tita ko siya…”
ang sambit ko.
“Ha???” ang gulat na sagot ni
Jake. “Kamag-anak mo siya?”
“Oo.”
Tinitigan niya ako. “At naniwala
kang kamag-anak mo siya?”
“Parang... Tugma naman kasi ang
lahat na sinabi niya tungkol sa aking inay eh. Kahit birthday ng inay ko ay
alam niya. Alam din niya ang lugar ng inay ko, kung saan siya isinilang. At may
litrato rin siya ng aking inay na magkasama sila.”
“G-ganoon ba? May sinabi ba ang
iyong inay na may kapatid siya?”
“W-wala. Pero hindi rin kasi
nagsasalita ang inay ko tungkol sa pamilya niya. Ang alam ko lang ay taga
Palawan ang lahi namin. At iyon din ang binganggit ni Ms. Clarissa. Gusto nga
niyang tumungo kami sa mismong lugar ng bahay ng mga magulang niya. Ikinuwento
din niya sa akin ang pamumuhay nila noon, kung ano ang ikinamatay ng mga lolo
at lola ko.”
“Baka totoo nga na kapatid siya
ng iyong inay.”
“Kaya nga naguguluhan ako eh.”
“Basta mag-ingat ka pa rin.
Hindi natin alam kung ano ang nasa isip niya.” Nahinto siya sandali. “K-kung
gusto mo, sa akin ka muna sumama para sigurado ang iyong kaligtasan.”
Hindi ako nakasagot agad.
“S-saan ka ba nakatira?”
“Nakikitira lang ako sa isang kaibingan.”
Napaisip ako. Kapag ganyan kasi
ang status niya, alam kong mahihirapan lang kami. Magiging pabigat lang ako
dahil alam kong wala naman siyang trabaho, at ako ay mag-aaral pa ng college.
“K-kaibigan?”
“Oo…. Ngunit wala namang
problema. Matalik kong kaibigan ang tinitirhan ko. Alam niya ang kuwento ng
buhay ko. Mabait iyon. Wala kang problema doon. Malapit lang dito sa sentro ang
bahay nila.”
“S-salamat na lang Jake. O-okay
lang na kay Ms. Clarissa muna ako.”
O, sige… basta kapag may
napansin kang hindi maganda, o namimiligro ang iyong buhay, tawagan mo ako kaagad
ha?”
Tumango na lang ako.
“Kumusta na pala kayo ni
Renan?”
Doon na biglang nagshift ang
aking emosyon. Tila nabilaukan ako sa kanyang tanong. “Eh…” ang naisagot ko na
lang.
“Bugoy… alam ko may problema
kayo. Sabihin mo sa akin, makinig ako.”
“S-si Kuya Renan… nagpunta raw
sa probinsiya namin at nasa bahay raw nina Cathy, iyong dating girlfriend niya
noon. Nakakasama lang ng loob dahil di naman niya sinabi ito sa akin. At nang
tinawagan ko pa, patay ang kanyang cp. Bakit ganoon? Ang sakit. Minsan ay
naiisip ko na baka hindi niya talaga ako mahal eh.”
“Tol… lalaki kasi ang Kuya
Renan mo. Madalang kang makakakita ng isang lalaking nai-in love sa kapwa
lalaki. Kung ma in-love man ito, which is mahirap mangyari, malaking porsyento
pa rin sa pagkatao niya ang maghahanap ng babae.”
Tila nagsisi ako sa pagsiwalat
ko kay Jake sa aking problema. Lalo pa tuloy akong nasaktan sa kanyang sinabi.
“Bakit ikaw, g-ganoon din ba?”
Tumango siya.
“Bakit mo ako niligawan? At
bakit ang sabi mo sa akin ay mahal mo ako? Niloloko mo lang ba ako?”
“Hmmm… sasabihin na natin na pareho
kami ng kaso ng Kuya Renan mo. Maaaring nagkaroon lang ng emotional attachment
sa iyo iyong tao dahil malambing ka, makulit, mataray, iyong kuwento mo sa
buhay at mga pinagdaanan mo ay sabihin na nating nakakahatak ng matinding
simpatiya. Ngunit higit sa lahat, sweet ka at syempre, may hitsura. May mga
ganyang sitwasyon kasi. Lalo na, may mga studies na may mga kaso ng straight na
mga lalaki na ok lang makikipag-sex sa kapwa lalaki”
“Huh! May ganoon talaga?”
“Oo. Narinig mo na iyong mga
‘locker room’ stories ng mga lalaking football players, basketball players, o
kahit magbarkada o magkaklase?”
“Naranasan mo na ba iyon?”
“Hindi. Ngunit may narinig
akong mga kuwento ng mga barkada rin.”
“To the point na mahulog din
ang loob nila sa isa’t-isa?”
“Oo... kapag sobrang attached
na nila sa isa’t-isa. Pero over time, kapag nahanap din nila ang babae para sa
kanila, kalimutan na nila ang experience na iyon sa buhay nila. May nabasa nga
rin akong isang ‘confession’ sa isang site. Nang nasa college daw siya, grabe
ang love niya sa kanyang professor na lalaki na siya lang ang laman palagi ng
kanyang isip. Iyong description niya sa kanyang nararamdaman ay iyong ‘true
love’ talaga na sinasabi. Nai-excite, kinikilig, pakiwari niya ay nasa heaven
siya kapag tinitingnan siya nito o lalo na kapag kinakausap, at para siyang
mamatay kapag hindi niya nakikita ang professor niya sa isang araw, mga ganyan.
At hindi lang iyan, pinagnasaan niya ang kanyang professor at palagi niyang
pinagpapantasyahan kapag nag-iisa siya. Kapag nga raw magkausap sila, hindi
niya mapigilan ang tigasan siya. Ganyan niya ka in-love ang professor niya.
Ngunit nang gumraduate na siya at nalimutan na niya ang professor niya, na-in
love siya sa isang babae. Nagpakasal sila at nagkaroon ng tatlong anak. Kapag
naaalala raw niya ang experience niya sa kanyang professor, natatawa na lang
siya ngayon. Sabi pa nga niya, ‘Good thing hindi ako pnatulan ng aking
professor. Kung pinatulan ako, baka nag-iba na ang takbo ng aking buhay.’”
“Grabe naman... Lalo tuloy
akong naguluhan. Lalo akong nasaktan. Lalo mong pinatindi ang aking
pagka-insecure…”
“Kung ano iyong totoo lang
naman ang sinasabi ko, ‘Tol. Isiksik mo palagi sa isip mo na hindi mo siya
kontrolado. Kahit siya, hindi niya kontroladio ang sarili niya. Kung sakaling
magmahal siya ng babae, dapat ay open ka sa posibilidad na iyan. ‘Di ba sabi
nila, kapag mahal mo ang isang tao, palalayain mo siya. Kung babalik man siya
sa iyo, para talaga kayo sa isa’t-isa. Ngunit kung hindi man, may iba pang mas karapat-dapat
para sa iyo…”
Hindi na ako kumibo pa. Hindi
ko na rin napigilan ang lumuha. Nakaramdam kasi ako ng awa sa aking sarili.
Hindi ko alam kung kanino magtitiwala. Si Ms. Clarissa na Tita ko raw ay may
lihim at may balak na masama sa akin. Si Kuya Renan na siyang inaasahan ko na
sana ay nariyan sa aking tabi ay mukhang iiwanan din pala ako. At si Jake,
hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya sa pagtulong sa akin. “U-uwi na ako,
Jake.” Ang pagpapaalam ko sabay tayo.
“Sorry, kung nasaktan kita,
‘Tol… Gusto ko lang kasing open ka sa katotohanan, eh.”
“O-okay lang ako Jake. I
understand. Salamat…” ang sagot ko na lang.
“Ayaw mo na bang makipag-usap
sa akin?”
“Uuwi na ako. Baka hinahanap na
ako ni Ms. Clarissa.”
“O sige, ihatid na kita sa
labasan hanggang sa makasakay ka na ng taxi.”
“O-okay. Tatawagan ko na lang
ang driver para sunduin ako.”
“Basta huwag mong kalimutan ha?
Tawag ka sa akin pag may napansin kang hindi maganda.”
Tumango lang ako. Hinatid niya
ako sa labasan. Hanggang sa dumating ang sasakyan ay umalis na rin si Jake.
Pagdating ko ng bahay ay naroon
na si Ms. Clarissa na nakaupo sa isang sofa, nakangiti sa akin pagpasok na
pagpasok ko pa lang. “Good evening Bugoy!” ang sambit niya. “Saan ka
nanggaling?” ang dugtong niya.
“D’yan lang po. Gusto ko lang
pong mag-bar na mag-isa.”
“Nag-enjoy ka naman?”
“Opo.” Ang sagot ko habang
dire-diretso kong tinumbok ang aking kuwarto
“Kumain ka na ba? Baka nagutom
ka.”
“Tapos na po.”
Akmang bubuksan ko na sana ang
pinto ng aking kuwarto nang, “M-may sasabihin sana ako sa iyo, Bugoy.” Ang
pahabol niya.
Ngunit nawalan ako ng ganang
makipag-usap gawa sa mga sinabi sa akin ni Jake, tungkol kay Kuya Renan at
tungkol din sa kanya. “Bukas na lang po, mom… pagod po ako.” Ang sagot ko na
hindi man lang siya nilingon. Pakiwari ko ay isang kriminal si Ms. Clarissa na
nagdamit-anghel, naghintay ng tamang timing upang makapambiktima.
Nang nasa loob na ako ng
kuwarto, sinubukan ko uling tawagan si Kuya Renan, nagbakasakali na sana ay
sumagot siya upang mapawi ang aking pangamba na tuluyan na niya akong ipagpalit
sa iba, at nang maibahagi ko rin sa kanya ang aking mga nalalaman tungkol kay
Ms. Clarissa.
Ngunit bawat dial ko sa numero
niya ay wala raw itong coverage.
Doon na ako sobrang nagdamdam.
Nasabi ko sa sarili ko na marahil ay niloloko lang talaga ako ni Kuya Renan. Di
ko tuloy maiwasan na isisingit sa aking isip ang sinabi ni Jake na lalaki si
Kuya Renan at dapat na magiging bukas ang aking isip kung sakaling darating ang
panahon na iiwan niya ako para sa isang babae.
“Ayoko na sa iyo…” ang bulong
ko sa aking sarili. Dahil sa matinding sama ng kalooban ko ay nakapagdesisyon
na akong hindi na ako aasa pa kay Kuya Renan. At kung maaari ay hindi ko na rin
siya kausapin o pansinin. Sa gabing iyon ay natulog ako na may matinding
hinanakit kay Kuya Renan.
Kinabukasan sa aming agahan.
“Bugoy, darating ang Kuya Renan mo mamayang gabi.” Ang sambit ni Ms. Clarissa.
Pakiwari ko ay naglulundag sa
tuwa ang aking puso sa pagkarining sa sinabi ni Ms. Clarissa. Ngunit
panandalian lamang ito. Nang sumagi sa isip ko ang ginawa ni Kuya Renan,
napalitan ito ng inis. Ako na karelasyon niya ay hindi man lang tinawagan. “May
pasorpresa ba si Mayor? Hindi na ba uso na tawagan ang jowa kung may importanteng
balita? Sa nanay na ba ipinapadaan ang lahat?” Sa isip ko lang. Gusto ko nga
sanang sagutin ng, “Hindi po ako na-inform.” Pero tahimik na lang ako. Bagamat
may isang bahagi ng utak ko ang kumawala sa tuwa, pilit ko itong nilabanan.
Alas 6:00 ng gabi, muli akong
nag-bar. Pinayagan naman ako ni Ms. Clarissa bagamat hanggang ala 8 lang daw ng
gabi dahil nga darating si Kuya Renan. Sumang-ayon ako. Tinawagan ko si Jake.
Subalit hindi siya available gawa nang nasa malayong lugar siya, may mahalagang
inasikaso. Kaya ako na lang mag-isa ang nag-inom sa bar. Nang naka-tatlong bote
na ako ng beer, nagpasya akong lumabas. Nasumpungan kong puntahan ang plaza. Umupo ako roon at
nagmuni-muni.
Habang nasa ganoon kaabala ang
aking utak sa pag-iisip sa mga pinagdaanan ko, napansin ko ang isang lalaking nasa
parehong edad ko at isang batang nasa anim na taong gulang na sa tinign ko ay
mag-kuya. Ang kukulit nilang dalawa, ang iingay habang naglalaro. Pagkatapos
nila sa seesaw, sa nag-swing naman sila. Habang ang bata ang nasa swing ang
kuya naman niya ay siyang taga-tulak. Ang cute nilang tingnan. Pagkatapos sa
swing ay inikot pa nila ang lahat ng laruan sa plaza kagaya ng slide,
merry-go-round.
Napako ang aking mga mata sa
kanila. Ngunit kung gaano sila kasaya, kabaligtaran naman ang aking naramdaman.
Naawa ako sa aking sarili. Naalala ko naman ang aking mga masasakit na
karanasan kung saan ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ama. Si Kuya
Renan naman na sana ay nariyan sa aking tabi sa mga oras na iyon ay tila lalayo
na rin sa akin.
Patuloy kong pinagmasdan ang
magkapatid at lalo na sa bata. Maya-maya, habang naghahabulan sila, nadapa ang
bata. Dali-dali itong pinatayo ng kanyang kuya at nang nakita ng bata ang tuhod
na dumudugo, umiyak ito. Nataranta naman ang kanyang kuya, hindi malaman ang
gagawin.
Dahil may hand sanitizer akong
dala, nagtatakbo akong nilapitan sila at inabot ko ito sa kuya. “Bibili ako ng
band-aid.” Dugtong ko pa. Malapit lang naman kasi ang drugstore, nasa gilid
lang ng plaza.
Nagulat man sa bigla kong
pagsulpot, tinanggap ng kuya ang hand sanitizer. “S-salamat pare.” Ang sambit
niya.
Nang nakabalik na ako, kasalukuyang
nalinis ng kuya ng bata ang kanyang sugat. Gusto kong matawa dahil ang bata ay
humihikbi. Iniabot ko ang band aid. Habang inilapat ito ng kuya sa tuhod ng
bata, ang bata naman ay hindi mapakali sa pagyayakap sa kanyang kuya. “Masakit
kuyaaaaa.” ang sigaw ng bata.
Panay naman ang suyo ng kuya
niya sa kanya.
Sobrang na-kyutan ako sa eksena
nila. Iyong bata na kahit nasaktan at natakot ngunit buo pa rin ang tiwala niya sa kanyang kuya at hinayaan niya
itong ilapat ang band-aid sa kanyang sugat kahit nakaramdam siya ng sakit.
Iyong ang tingin niya sa kanyang kuya ay parang hero o superman na hindi siya
iiwanan sa ere at ipagtanggol siya sa lahat ng masasama.
May inggit din akong nadarama. Sa
isip ko ay biglang sumagi na marahil ay masarap ang magkaroon ng kapatid na
nakababata. Hindi ko maiwasang mangarap. “Siguro, kapag may little brother ako,
hindi na ako malulungkot. Siguro, magmamature na rin ang aking pag-iisp…” ang
bulong ko sa sarili.
Tiningnan kong muli ang magkuya
na naglalakad palayo sa plaza. Binitiwan ko ang isang malalim na
buntong-hininga.
Biglang sumagi sa isip ko si
Albert. Agad ko siyang tinawagan at tinanong kung anong balita tungkol kay
Jimjim. Ngunit hindi na raw sumipot pa ang bata sa lugar nila. Muli na naman
akong nalungkot.
Maya-maya ay nagring muli ang
aking cp. Si Ms. Clarissa. “Bugoy, nandito na ang Kuya Renan mo. Umuwi ka na
ha? Saan ka ba naroon at ipasundo kita sa Kuya mo?”
“Huwag na Mom, pauwi na ako.”
Ang sagot ko. Ngunit may iba akong balak. Imbes na umuwi, bumalik ako sa bar at
doon ay nag-order ng kalahating case ng beer. “Maghintay kayo, huh!” ang bulong
ko sa aking sarili.
Nakasampung bote ng beer na ako
at pakiramdam ko ay umiikot na ang aking paligid. Nang pinilit ko ang aking
sarili na tumayo upang pumunta ng CR at doon ay sumuka, na out-of-balance ako.
Babagsak na sana ako sa semento nang naramdaman kong may sumalo sa akin.
“Iyan kasi… nag-iinom, hindi
naman kaya ang katawan. Ano ba ang nangyari sa iyo?” ang narining kong boses.
Tiningnan ko kung sino ang
sumalo sa akin. Nang nakita ko ang mukha niya, saka naman ako napasuka. Tumapon
ito sa damit ko, sa pantalon, at ang iba ay tumapon sa semento.
“Tingnan mo. Sumuka ka na,
nakakahiya ka, nagtitinginan ang mga tao sa iyo.” Ang sambit uli ni Kuya Renan
na ang boses ay pigil ngunit halatang nainis.
Kahit hilong-hilo, sinagot ko
siya. “Nakakasuka kasi mukha mo! At wala akong pakialam sa mga tao! To hell
with them!”
“O siya, uwi na tayo.” Ang
sambit niya habang akmang kakargahin niya ako sa kanyang bisig.
“Bitiwan mo ako! Kaya kong
maglakad na mag-isa.” Ang mataray kong sagot.
Binitiwan nga niya ako. Ngunit
natumba ako at bumulagta sa sahig.
“Sabi ko na nga ba eh!” ang sigaw
niyang paninisi sabay tangka uli na kargahin ako.
“Don’t touch me!” Ang sigaw ko
rin. At baling sa mga tao, “Hoy people, ito iyong kuya ko na sobrang sweet sa
akin sa araw pero ‘wag ka, sinusungkit ako niyan sa gabi!”
Kahit lasing ako, ramdam kong
natigilan ang mga tao at itinutok ang kanilang mga tingin kay Kuya Renan.
“Aba’t loko to ah!” ang sagot
niya. At baling din niya sa mga tao, “Pasensya na po. Lasing lang po ‘tong utol
ko…” sabay takip ng kamay niya sa bibig ko. Puwersahan din niyang kinarga ako
sa kanyang mga bisig.
“Hindi ako lasing!” ang pilit
kong pagsigaw habang pumapalag sa pagkarga niya sa akin. Ngunit wala akong sapat
na lakas. Hanggang naipasok niya ako sa sasakyan. Nang nasa loob na kaming
dalawa, agad rin itong pinaandar ng driver.
“Ang bastos ng bibig mo!” ang
sambit ni Kuya Renan habang umaandar na ang sasakyan.
“Wala kang paki!” ang sagot ko.
Iyon lang. Wala kaming imikan
hanggang sa nakarating kami ng bahay. Kinarga muli ako ni Kuya Renan papasok sa
loob. “Tita, kakausapin ko lang muna ito sa kuwarto.” Ang sabi niya kay Ms.
Clarissa habang karga-karga niya ako patungo sa aking kuwarto.
Sa loob ng aking kuwarto ay
agad niya akong inilatag sa kama. Bagamat hilong-hilo ako, mulat pa rin ang
aking isip. Naramdaman kong pilit niyang tinanggal ang aking T-shirt at
pagkatapos ay binuksan ang butones ng aking pantalon. Nang hinila na niya ito
pababa, umalma ako. “Ano bang gagawin mo? Nalilibugan ka na naman no? Ayoko ngang
makipag sex sa iyo!” ang pilit kong pagsasalita.
“Tarantado!” sabay batok niya
sa ulo ko. “Pupunasan ko yang katawan mo para matauhan ka!”
“Hayaan mo ako! Ayokong punasan
mo katawan ko!”
Hindi na siya sumagot. Ngunit itinuloy
pa rin niya ang paghubad sa aking katawan, halatang nagdadabog, puwersahan ang
pag-hubad niya ng pantalon ko, pati na ang brief.
“Ayaw ko nga sabiiii.!” Ang
pilit kong pagtutol.
“Huwag ka ngang maarte!
Tangina, maglalasing nang hindi naman kaya!”
Wala na akong nagawa. Mapilit
siya. Maya-maya lang ay nakita kong tumayo siya, tinungo ang shower room. Nang
bumalik ay naramdaman ko na lang sa aking katawan ang mainit-init na pamunas.
Pinunasan niya ang aking katawan mula sa mukha, sa leeg, sa dibdib, sa aking
gitnang-katawan, pati ang aking singit at pagkalalaki ay hindi niya pinalampas.
Hanggang sa paa. Nagmamaktol man ako, wala akong nagawa upang mahinto. Hanggang
hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Nahimbing ako.
Nagising ako kinabukasan dahil sa
ingay ng pagbukas ng kuwarto. Nang iminulat ko ang aking mga mata at tiningnan
ang wall clock alas 8 na ng umaga. Nakita ko si Kuya Renan na siyang pumasok,
dala-dala ang tray ng pagkain. Hindi ko siya pinansin. Akmang tatagilid sana
ako sa paghiga, ramdam ko naman ang sakit ng aking ulo at nasusuka ako.
Dali-dali akong tumayo at tumakbo sa banyo. Doon ako sumuka.
“Sumuka ka na naman?” ang
sambit niya nang nakabalik na ako at nahiga sa kama.
“Oo… nakita ko na naman pagmumukha
mo eh. Nakakasuka.” Ang casual kong sagot.
“Ito naman. Sorry na kung may
nagawa man akong hindi mo nagustuhan.”
Hindi ako umimik. Nanatili
akong nakahiga, tinalukbong sa buong katawan ko ang kumot.
“Heto may gatas o… para
malagyan ng laman iyang sikmura mo. Kagabi ka pa sumusuka. Halika, inom ka
muna.” Ang sambit niya habang umupo sa gilid ng kama. “Ano bang gusto mo…”
sabay hawi sa kumot na nakatakip sa aking mukha.
“Alak kung mayroon ka. Gusto
kong mamatay sa kalasingan.”
Natahimik siya. “Ok, alam ko
naman kung ano ang ikinagalit mo eh. Sorry na. Magpaliwanag ako.” Ang sambit
niya. “May aaminin ako. Pero promise na hindi ka magagalit ah.”
“Paanong hindi ako magagalit,
hindi mo pa naman sinabi, tanga!” ang bulyaw ko.
“Okay, aaminin ko. Pumunta ako
sa probinsya natin…”
“See??? Sabi ko na nga ba eh! At
pinuntahan mo roon si Cathy, di ba???” ang bulyaw ko.
“Oo…”
Doon na ako lalo pang nagdadabog.
“At may nangyari na naman sa inyo? Tapos pinangakuan mo siya na kayo na uli? At
pagkatpos niyan, hindi na naman ako makakauwi sa atin dahil ipapa-salvage na
naman niya ako kapag bumalik roon. Ganoon ba? Bakit ka ba ganyan? Bakit ba lagi
mo na lang akong sinasaktan at ipinapahamak???” ang bulyaw ko uli.
“Ito naman o. Patapusin mo nga
muna kasi ako…” ang medyo takot niyang boses.
“Dalian mo kasi! Palalabasin
kita rito sa kuwarto ko pag di ka nagsalita!”
“Singit nang singit ka kasi
eh...”
“Tangina ako pa ang may
kasalanan?”
“O sige, may ipapakita na lang
ako sa iyo. Basta promise huwag kang magalit.”
“Maghubad ka na naman d’yan.
Ipapakita mo na naman sa akin iyang matigas mong ari at ipasalsal sa akin para
di na ako magalit?”
“Hindi iyan! Gago.” Doon na
siya natawa.
“Hindi ako nagbibiro!”
“Opo. Narito na po!”
“Ipakita mo na! May pa
suspense-suspense ka pa!”
Nang tumayo siya, dali-dali kong
tinanggal ang kumot na nakatakip sa aking mukha. Nakita ko siyang lumabas ng
kuwarto. Nang bumalik, hindi ako makapaniwala sa aking nakita na hila-hila niya
pagpasok ng kuwarto. Isang bata.
“Jimjimmmmm!!!” ang sigaw ko. Dali-dali
akong bumalikwas sa kama at niyakap ko ang bata. “Oh my God! Hanap ako nang nang
hanap sa iyo! Saan ka ba nagtungo?”
Kitang-kita sa mukha ni Jimjim
ang pagkagulat nang nalaman na ako pala ang nasa kuwarto. Kitang-kita ko rin
ang tuwa sa kanyang ngiti. “Kuya!!!” ang sigaw din niya. “Hindi na po kasi ako nakabalik
doon kuya kasi, tinatakot po ako ng mga bata. Papatayin daw po nila ako kapag
bumalik sa lugar nila. Natakot po ako eh. Kaya doon na lang po ako naglagi sa
kabilang lungsod.”
“Oh my God! Mabuti at…” nahinto
ako nang sandali, nagtaka kung bakit kasama niya si Kuya Renan. Nilingon ko si Kuya
Renan. “Ba’t kasama mo ’to?” ang tanong ko habang itinuro ko ang bata.
Dahil napansin niyang natuwa
ako nang makita ang bata, binitiwan niya ang abot-taingang ngiti sabay pose ng
pa-cute, iyong inilagay ang daliri sa ilalim ng kanyang bibig, nagpapa-imress. “Syempre…
ako pa.”
Ngunit nainis ako sa inasta
niya. Naalala ko pati ang galit ko pa sa kanya. “Bakit kasama mo siya???” ang
bulyaw ko.
Doon na ako tuluyang nagulat
nang sumingit si Jimjim, “Tatay ko po siya…”
Mistulang hinataw ng isang
matigas na bagay ang aking ulo sa aking narinig. Tiningnan kong muli si Kuya
Renan na nakangiting aso at nakapose pa rin ng pagpapa-cute. “Guwapo kaming
mag-ama, di ba?”
Doon ko na siya kinurot sa tyan
sabay tulak sa kanya sa kama. “Bakit di mo sinabi agad???” ang sambit ko habang
nasa ibabaw kami ng kama, patuloy pa rin ang pangungurot ko sa kanya.
“Di ka naman nakikinig kasi
eh!” ang sagot din niya habang sinasangga ng mga bisig niya ang aking
pangungurot. “Woi! Nakatingin si Jimjim o!” ang dugtong niyang tumatawa.
Nahinto ako sa pangungurot.
Nilingon ko si Jimjim. “Halika, higa tayong tatlo sa kama.
Nahiga si Jimjim sa gitna
namin. Doon na ikinuwento ni Kuya Renan ang lahat. Ang ina ni Jimjim na si
Cathy ay na-salvage dahil drug pusher at addict ito. Iyon din ang dahilan nang madaliang
pagpunta ni Kuya Renan sa lungsod namin nang wala sa plano dahil may
nakapagsabi sa kanya na ang anak niya kay Cathy na si Jimjim ay nagpalaboy-laboy
na lang sa lansangan. At kung bakit hindi siya nakatawag sa akin ay na-snatch
ang cp niya. Nang siya naman ang tumawag ay naka off ang cp ko. Sinadya ko
naman talagang i-off ang cp ko dahil nga sa inis ko sa kanya.
“Ano, galit ka pa... Babe?”
“Ewan ko s iyo!”
Niyakap ni Kuya Renan si Jimjim
at ako. Niyakap ko rin siya at si Jimjim na nasa gitna namin. Nagyakapan kaming
tatlo sa ibabaw ng aking kama. Hinalikan ni Kuya Renan si Jimjim sa pisngi.
Hinalikan ko rin sa pisngi ang bata.
Ang sarap lang ng pakiramdam. Pakiwari
ko ay perpekto na ang aking lovelife. May Kuya Renan na ako, may bonus pang
isang Jimjim.
Totoo nga ang sabi nila, ang
sarap pala talagang magmahal.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment