Followers

Wednesday, March 7, 2018

Kuya Renan 13

By Michael Juha
getmybox@hotamil.com

***

By Michael Juha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

NOTE: Thanks to DVA for helping me retrieve chapters 13 - 18
------------------------------

“N-narito pala sila?” ang tanong ko kay Mico.”

“Di ko nga alam eh.” ang sagot naman ni Mico.

Hindi ko lubos maisalarawan ang aking nadarama sa pagkakita kay Kuya Renan na kasama pala sa biyahe naming iyon. Wala siyang dalang bag o kung anong gamit. Kung ano ang kanyang suot sa paghatid sa amin ay iyon na rin iyon. Kabaligtaran naman ang kay Anne, dalawang bag ang dala, ang isa ay bitbit ni Kuya Renan at may isang maliit na hand carry pa.

Matindi ang aking pag-alala at pagseselos nang nakita ko pa si Anne na kasama niya. Ang lakas ng kabog ng aking puso. 

Dumiretso silang dalawa sa bakanteng upuan sa aming likuran. “Hi Bugoy! Hi cuz!” ang excited na pag-greet ni Anne sa aming dalawa nang madaanan nila kami. Masayang-masaya siya. Parang nananadya pa talaga.

“Paano kayong nakahabol?!” ang sagot din ni Mico.

“Kapag may may pinaghuhugutan, may paraan.” ang sagot ni Anne. “Matalino ito, insan. Matalino...” ang dugtong niya sabay bitiw nang tawang nakakaloko.

“Di nga... paano ka nakakuha ng slot?” ang paggiit ni Mico.

“Ako pa! E ‘di noong birthday ni Bugoy. Naisipan ko kasi na mas masaya kung tayong apat ni Kuya Ren ang pupunta. Kaya dali-dali akong nag-nquire at nang may slot pa raw, nagpabook na. Hindi ko na sinabi pa ito kay Kuya Ren...” sabay baling niya kay Kuya Renan “...para surprise. O di ba masaya? Surprise!!!” sabay tawa uli.

“Paano naman ang mga gamit ni Kuya Renan. Wala siyang mga damit?” ang tanong uli ni Mico.

“Anong wala? Sa kanya itong isang bag. Ako na ang namili kanina. Kaya hindi ako nakapunta agad ng airport eh. Muntik na nga kaming maiwan ng eroplano, di ba?”

“Hindi na ako kumibo. Hindi ko rin sinagot ang pagbati ni Anne sa akin. Tiningnan ko lang si Kuya Renan na ngumiti sa akin. Parang masaya naman siya, parang hindi naman niya naramdaman na mistulang tinusok ang aking puso sa nakita sa kanila. Bagay din kasi silang tingnan. Kung tutuusin ay mas maganda pa si Anne kay Cathy. Baka wala pa sa kalingkingan. At hindi hamak na mayaman. Nakaramdam tuloy ako ng pagkaawa na naman sa aking sarili. Ibinaling ko na lang ang aking paningin sa labas ng bintana ng eroplano. Paakyat na ito sa himapapawid at kitang-kita ko na sa ibaba ang nagliliitang mga bahay. Parang gusto kong sumigaw ng “Paraaaaa!” kung isang jeep lang sana ito upang huwag na akong matuloy pa sa amanpulo. Gusto kong bitawan ang isang malalim na buntong-hininga ngunit pinigilan ko ang aking sarili upang hindi mahalata ni Mico na nasa tabi ko lang. 

Habang umaandar ang eroplano, wala kaming imikan ni Mico. Ang sakit lang kasi na sa pagkakataong iyon ay kami ang magsama at punuan namin ang mga taon na hindi kami nagkakasama. 

Maya-maya ay naramdaman ko ang kamay ni Kuya Renan na ginulo ang buhok ko mula sa aking likuran. Parang naglalambing? “Ba’t ang tahi-tahimik ng utol ko?” ang sambit niya.

Hindi ko sinuklian ang kanyang tanong. Hinayaan ko lang ang kayang kamay na igunuri-guri ang mga daliri sa aking buhok at pagkatapos ay sa aking leeg naman at tainga. Nagkunwari na lang akong natulog.

Habang nasa ganoon akong pagkukunwari, paminsan-minsan ko namang naririning ang tila pigil na tawanan nila ni Anne. parang ang saya-saya nila, na kabaligtaran naman sa amin ni Mico. Tahimik rin si Mico na tila naintindihan ang nilalaman ng aking saloobin.

Nang malapit na ang eroplano sa Amanpulo, kitang-kita ko ang ganda ng isla mula sa himpapawid. “Ang ganda!” sa isip ko lang. Hindi ko mapigilan ang hindi mapahanga. Si Anne naman ay halos magsisigaw na sa excitement sa nakita. Iyon bang halatang nagpapa-impress, iyong kumarengkeng talaga.

Nang lumapag na ang eroplano at nagsilabasan na kami, normal lang ang aking kilos. Pinilit kong huwag ipahalatang nasaktan ako. Parang napagod lang kunwari sa biyahe, nakatulog. 

Nang nakalabas na kami ng eroplano, may sumundo pa talaga sa amin na nagsabit sa amin ng mga bulaklak, habang kinantahan kami. 

nang narating na namin ang hotel, hindi ko maiwasan ang hindi mapahanga sa sobrang ganda nito. Presko ang hangin at pinapalibutan pa ng maraming kahoy bagamat moderno ang mga pasilidad. Maputi ang buhangin at nagkalat ang mga villas at tinatawag nilang casitas. At ang serbisyo nila, parang hari at reyna ang turing nila sa amin. Sa buong buhay ko, iyon na ang masasabi kong pinakamagandang resort na nakita ko. At tooong mayayaman lang ang nagpupunta roon. Maraming mga foreigners din ang naroon. Napag-alaman kong may connection ang may-ari ng isla sa pamilya nina Mico kung kaya ay may malaking discount sila.

Doon kami naka-reserve sa isang two-bedroom villa. Si Anne pa talaga ang humarap sa information at ipinakita ang ID niya pati special ID niya sa resort para sa may mga special privileges. Nang hinatid na kami sa aming villa, talagang hinawakan pa ni Anne si Kuya Renan upang sumunod sa kanya pagpasok sa kuwarto nila. Tiningnan ako ni Kuya Renan. Ibinaling ko ang aking paningin sa direksyon ng pintuan ng aming kuwarto na nasa tabi lang ng kanila.

Nang nasa kuwarto na kami. Halos matulala na lang ako. Hindi ko na kasi alam kung ano ang ginagawa nila. Iyon bang alam mong may pagnanasa ang babae sa lalaking mahal mo at nasa loob silang dalawa sa isang kuwarto, ano ba ang iisipin mo?

“Mukhang malungkot ka talaga, ‘tol... Gusto mo bang kami na lang ni Anne ang magpartner dito at kayo ng Kuya Renan mo sa kabila?” ang pagbasag ni Mico sa katahimikan.

Mistula akong binatukan sa sinabing iyon ni Mico. Iyon bang parang nagising sa katotohanan na hindi lang pala ako ang may damdamin. “Ah hindi ah!” ang sagot ko na lang.”

“Para ka kasing malungkot eh. Nalulungkot din tuloy ako.”

“Ah eh hindi naman ako malungkot. M-may naisip lang ako. Ito naman, o. H-hindi ako malungkot. Masaya nga ako na nakapunta ako rito eh. Grabe ang ganda ng lugar, siguro ito na ang una at huli kong pagpunta rito. Hindi ako makaka-afford ng ganito. Ni sa pangarap ay hindi ko kayang abutin ito.”

“Ito naman. Syempre kapag mag-utol na tayo, puwede...”

Ngumiti lang ako sa sinabing iyon ni Mico. Tila nawalan na kasi ako ng gana na matuloy ang kanilang pag-ampon sa akin. Sumagi kasi sa isip ko na kapag naging mag-utol na kami ni Mico, palagi na kaming magkakasama. At naiinis ako sa ipinakita ni Anne. 

“Sure ka ba na okay na tayo na ang magpartner sa kuwarto na ito?”

“O-oo. Okay lang sa akin.” Ang sagot ko na lang.

Tahimik.

“N-nakita ko kayo ni Kuya Renan mo na may ginawa sa kuwarto noong unang gabing dumating siya...” ang pagbasag niya sa katahimikan.

Mistula akong nabusalan sa sinabi niyang iyon. Hinid ko alam ang sasabihin.

“So, mag-boyfriend kayo ng Kuya Renan mo?” ang paggiit niya sa tanong.

“D-di ba sabi ko dati sa iyo ay hindi?”

“P-parang tayo lang?” 

“Oo... p-parang ganoon.”

Hindi na nagtanong pa si Mico. Tahimik na lang siya. Marahil ay nakuha niyang hindi totoo ang nakasulat na sinabi ko sa kanya sa streamer noong birthday ko. 

“S-sorry.” ang sambit ko. 

“S-saan?” 

“K-kasi, parang nagsinungaling na rin ako tungkol doon sa streamer na nakasulat na mahal din kita. Alam mo, gusto ko talaga na sana ay ganyan na lang ka simple. Iyon bang kung ano ang nasa isip kong tama ay second-the-motion na lang sana si puso. Pero hindi eh. May kanya-kanyang paninindigan ang puso at isip. Minsan ay magkasalungat ang mga ito, lalo na sa usaping pag-ibig. Kadalasan ay malambot ang puso ng isip; matigas naman ang ulo ng puso...”

“Wala iyon. Una, alam kong pakana lang ang lahat ni Anne. Kilala ko na iyang si Anne. Kapag may gustong gawin, hindi makapapayag na mabigo ang kanyang gusto. Mali ko nga rin kung bakit ko pa sinabi sa kanya ang lahat eh. Hindi ko naman kasi akalain na ganyan ang ugali niya. Dapat sana ay nanahimik na lang ako.”

“Ok lang iyon. Pero sandali, talaga bang wala kang alam na hahabol pala sina Kuya Renan at Anne.”

“Wala... Di ba ang sabi niya ay siya na ang bahala kay Kuya Renan mo sa Tuguegarao?”

SA PANANGHALIAN AY SAMA-SAMA kaming apat na kumain. Magkatabi sina Kuya Renan at Anne sa harap namin ni Mico. Pansin kong palagi nang hinahawakan ni Anne si Kuya Renan. Sa pagkain ay halos susubuan na lang din niya ito. Talagang inaaruga niya. Si Kuya Renan naman ay halatang nakikisakay lang bagamat siyempre, dahil mahal ko nga iyong tao, nasasaktan ako. Ngunit tiniis ko ang lahat, para kay Mico. Alam kong masasaktan siya kapag nagpakita ako ng pagseselos. 

“O heto Kuya Ren, masarap iyan, lobster. Nakatikim ka na ba ng lobster?” ang tanong ni Anne.

“Oo. May palaisdaan kami sa probinsiya eh. May mga pagkakataon na nakakahuli ang mga mangingisda namin.”

“Ay talaga? Masarap pala sa probinsiya ninyo?”

“Oo...” ang sagot ni Kuya Renan. Ibinaling ang tingin sa akin. “Marami akong masasayang alaala roon.”

“Siguro presko at sariwa ang hangin at lahat ng mga bilihin sa probinsiya ninyo, ano Kuya Ren?” ang tanong ni Ann. “Ay sandali, puwede bang ‘Babe’ ang tawag ko sa iyo?” ang dugtong naman ni Anne na ikinagulat naming lahat.

Nagkatinginan kami ni Kuya Renan. Si Mico naman ay tumingin kay Anne na parang hindi makapaniwalang nabanggit iyon ng kanyang pinsan.

“Bakit?” ang tanong ni Anne nang tinitigan siya ni Mico.

Hindi nakasagot si Mico. Yumuko na lang siya. 

“Kuya Ren... puwede bang ‘Babe’ na lang ang tawag sa iyo. Mahirap naman iyong may Kuya, parang ang tanda-tanda mo na. Kung Renan naman, ang baduy...”

Tiningnan ko si Kuya Renan na binitiwan ang hilaw na ngiti. “May babe na ako eh.” Ang casual na sagot ni Kuya Renan.

Ako man ay nagulat sa sagot niyang iyon. Syempre, sumagip sa isip ko na nawala pala siya sa aking ng ilang taon at malay ko ba kung may babae pala siyang iniwan sa Gensan.

“G-ganoon ba?” Ang tila nabigla na sagot ni Anne. “S-saan siya ngayon? Saan siya nakatira?”

“Sa puso ko...” ang casual pa ring sagot ni Kuya Renan.

Tumawa naman si Anne. Napatawa na rin si Mico. Ako man ay napangiti bagamat hindi ko makuha kung nagbibiro lamang siya o may katotohanan ang kanyang sinabi. Hindi ko naman kasi ina-assume na ako iyon kung totoo ngang may ‘babe” siya sa puso niya.

“Eh kung may Babe ka pala sa puso mo, puwede bang bigyan mo ako ng maliit na espasyo riyan sa puso mo?”

“Hindi naman ako ang nagmamay-ari ng puso ko eh, si Babe.”

“Maramot naman iyang babe mo pala. Eh, ikaw... saan ka na nakatira ngayon?”

“Sa puso niya...”

“Eh, saan naman siya ngayon?”

“Sa puso ko nga.”

“I mean iyong physical na babae, nasaan siya ngayon?”

Hinubad ni Kuya Renan ang kanyang t-shirt atsaka idinikit ang dalawang kamay na inihugis niya ng puso. “Nakita mo?” ang tanong niya kay Anne.

“P-puso?” ang sagot ni Anne na nag-aalangan.

“Hindi. Si Babe.”

“Niloko mo namna ako eh. Wala naman ah.”

“Di mo talaga nakita??

“Hindi.”

“Kasi si Babe lang ang nakakakita niyan. Siya kasi ang nagmamay-ari ng puso na iyan.” 

Natawa na lang si Mico habang si Anne naman ay hindi maitago sa mukha ang pagkainis. 

“Pagkatapos nating kumain ay magpahinga muna tayo sandali at pagkatapos ay mamasyal tayo. Da gabi naman ay sasali tayo sa beach party. mayroon daw mamaya eh.” Ang pagsingint ni Mico.

Alas 3 ng hapon ay namasyal kami sa isla. Pagsapit ng alas 6 ng gabi ay bumalik kami sa aming villa at napagdesisyunan na maligo sa swimming pool.

Una kaming dumating ni Mico sa pool. Binilhan ako ni Mico ng swimming trunk bago kami nagpunta ng isla at iyon ang isinuot ko. Habang si Mico ay nakahiga sa folding beach chair sa ilalim ng shade, ako naman ay nasa gilid ng pool, nakaupo.

Nang dumating na sina Kuya Renan, tila natuyuan ako ng laway sa pagkakita sa kanya. Ang ganda-ganda na ng porma ng katawan niya. Proportioned kasi ito. Parang porma lang ng katawan ng isang hunk na model. Ang dibdib niya ay bagamat hindi kasing laki ng sa isang wrestler ngunit chest-out na sculpted kumbaga, na parang si “machete” sa pelikula na inukit ng isang magaling na eskultor. Medyo makipot ang baywang, may tila-pandesal ng mga umbok sa tyan at mula sa ilalalim ng pusod ay nakahilera ang mg abalahibong-pusa patungo sa ilalim ng kanyang swimming trunk, sa kanyang bukol. Dagdagan pa sa bago niyang tunks na kulay navy blue na may stripes na dilaw sa gilid, mistulang busog ang aking mga mata sa nakabibighaning tanawin. Hindi ako magsasawang tingnan ang katawan ni Kuya Renan. Naisip ko tuloy ang hugis ng kanyang pagkalalaki sa ilalim noon. 

Nakangiti siyang dumiretso sa aking kinauupuan sa gilid ng swimming pool, ang dalawang paa ay nakalambitin sa tubig. Umupo rin siya sa aking tabi, ginaya ang aking porma at inakbayan ako. “Ang cute na talaga ng bunso ko. Binatang-binata na, at pormang-porma na ang katawan. Nakakagigil!” ang sambit niya habang inilapit ang kanyang mukha sa aking dibdib, inaninag ang katawan ko pababa sa aking paa na nasa tubig, ang boses ay halos ibulong na lang sa akin, tila ayaw niyang may makarinig.

“Ano ngayon kung binata na ako? Ngayon mo lang napansin dahil pinabayaan mo ako. Iniwan mo.” ang bulong ko rin.

“Ito naman o... babalik na naman tayo sa issue na iyan. Mahilig ka talagang mang-ungkat ng issue ‘no?” ang pabulong pa rin niyang sabi. Ganoon kami, nagbubulungan, pilit na itinago ang pag-aargumento.

“Totoo naman di ba?” 

“Ligo na lang tayo. Tara...” 

“Doon ka sa babe mo...” 

“Waaahh! Nagselos ba!” ang sagot din niya habang ginulo na ang aking buhok.

Hinayaan ko lang siya. Pero panay pa rin ang patama ko. “Bakit ako magseselos? Ano ba tayo?”

Nasa ganoon kaming pag-aargumento nang, “Kuya Ren, maligo na tayo!” ang pagsingit ni Anne na lumapit pa talaga sa likod namin.

“Sige, sabay na kami ng utol ko.” ang sagot naman ni Kuya Renan.

“Sabay na kayo. Sabay kami ni Mico eh.” ang pagsingint ko rin.

“O see? Sabay sila, huwag natin silang istorbohin!” ang sigaw ni Anne.

Wala nang nagawa pa si Kuya Renan. Tumayo siya at sumunod na lang kay Anne na hinawakan pa ang kanyang kamay. 

Sa inis ko ay nilapitan ko rin si Bugoy. “Ligo na tayo.” ang sambit ko. 

Agad namang tumalima si Bugoy at sabay kaming nagtatakbuhan patungo sa swimming pool at nagpaligsahan sa paglangoy. nang nasa parteng malalim na ako, nahinto si Mico. “Bakit?” ang tanong ko. 

“Hindi ako masyadong marunong lumangoy eh.” ang sagot niya. “Ang galing mo palang lumangoy!” ang sambit niya.

“Sanay sa dagat iyan kasi!” ang sigaw naman ni Kuya Renan na nakamasid lang pala sa amin at lumangoy na rin patungo sa akin. Kami ang nagpaligsahan. Syempre, hindi ako nagpatalo. Ngunit sadyang mabilis at mahaba ang kanyang resistensiya. Wala pa rin siyang ipinagkaiba noong nasa probinsiy pa kami kung saan ay palagi kaming maghahabulan at magpapaligsahan sa paglangoy sa dagat. Kapag ganoon kasi ang laro namin, hahabulin niya ako at kapag naabutan, ay hahawakan sa kamay at piliting yakapin. Papalag naman ako at pipiliting makaalpas sa kanyang pagyakap hanggang sa muli na naman niya akong hahabulin at kapag naabutang muli ay yayakapin. Hanggang sa mapagod ako at magpayakap na lang sa kanya. Dadalhin niya ako sa may mababaw na tubig. kakargahin sa kanyang mga bisig. Doon na magsimula ang aming kahalayan. At dahil gabi kapag naliligo kami kaya walang katao-tao sa dalampasigan. Malaya naming nagagawa ang silakbo ng aming pagnanasa.

Ganoon pa rin siya kalakas. walang ipinagbago. Ang kaibahan na lang siguro ay ang pagyakap niya na sa pagkakataong iyon ay hindi niya ginawa. Sobrang na-miss ko iyon. Lalo na sa tila pagbago ng kanyang na lalong kumisig, lalong gumanda ang katawan. 

Ako na ang unang huminto dahil sa pagod. “O give up ka na?” ang tanong niya.

“Ang daya mo kasi eh...” ang sagot ko na lang.

Tawa lang ang isinukli ni Kuya Renan. Ayaw niya akong patulan.

“Tayo naman ang maghabulan Kuya Ren!” ang sigaw naman ni Anne. 

Doon ko na nilapitan si Mico. Tinuruan ko siyang lumangoy habang ang kumakarengkeng na boses naman ni Anne ang umalingawngaw sa lugar na iyon.

Sa madaling salita ay natapos ang aming paliligo. Nag-enjoy rin naman ako kahit papaano. 

KINAGABIHAN, pagkatapos naming maghapunan dumalo kami sa beach party. Kahit papaano ay may saya akong naramdaman sa aming paggala na iyon. Naggagandahan kasi ang mga ilaw. December 22 na kasi iyon, malapit nang magpasko. Ang saya-saya lang ng mga tao, ang laki-laki ng kanilang mga ngiti. Parang napaka-friendly ng lahat. Dagdagan pa sa sobrang upbeat ang tugtog na nakakasaya, maganda ang kapaligiran dahil sa pino at puting buhangin, malamig at preskong simoy ng hangin, at ang daming pagkain at inumin. At ang ga-guwapo ng mga guests ng resort! Paano, maraming foreigners, maraming half-pinoy. At kagaya namin, karamihan sa kanila ay naka-shorts at tsinelas lang din. Nakasando lang din ang ibang kalalakihan, kagaya rin lang sa suot naming tatlo ni Mico at Kuya Renan. Feeling ko ay nasa paraiso talaga kami.

Masaya talaga ang party na iyon. At nakadagdag-saya ang ambiance ng paligid. Marami-rami rin ang naging kaibigan namin, nakikipagkilala. Sa sayawan ay may mga nakijoin sa sayawan namin, at kami rin ay naki-Sali rin sa grupong sayawan ng iba. 

May banda ring tumugtog na pasalit-salit sa disco music. Kahit tsansing nang tsansing si Anne kay Kuya Renan, panandaliang nalimutan ko ang aking pagseselos. Marahil ay dala na rin ito sa nainum ko at sa kasiyahan. Syempre, hindi nawawala ang inuman sa ganoong party kaya lalo pa itong nagbigay ng saya sa mga dumalo.

Maya-maya, habang nagsasayaw kami, napansin ko ang isang babaeng na sa tantiya ko ay nasa mahigit 30 na ang edad o baka mas higit pa dahil magaling lang siyang mag-alaga ng kanyang kutis at mukha. Maputi kasi siya, makinis, at iyong parang tipong nagpupunta palagi sa mga skin-care and beauty clinic. Nakaupo lang siya sa isang silya at nakatingin siya sa akin. Iyong tingin na tutok na tutok talaga. Siyempre, napahinto ako sa aking pagsasayaw dahil hindi ko maiwasang hindi magtaka. Nilingon ko ang aking likuran kung may tao ba. Ngunit wala naman. Ako talaga ang tiningnan niya. 

Marahil nang mapansin niyang nagtaka ako, kumaway siya. Nilingon ko muli ang aking likuran. Ngunit wala pa ring tao. Kaya kumaway na rin ako. 

Ngumiti siya nang kumaway ako. 

“Kilala mo ba ang babaeng iyon?” ang tanong ko kay Mico habang itinuro ko ang babae. 

Tiningnan ni Mico ang babae at inaninag. “Hindi. Bakit?”

Sinabi ko kay Mico ang nangyari. “Baka kakilala mo? Kamag-anak?”

“Hindi ko nga alam mga kamag-anak namin eh.”

Kinalabit ni Mico si Anne at tinanong kung kilala niya ang babae. Tiningnan din ni Anne ang babae. “Hindi ko kilala. I don’t remember seeing her.”

“Gusto mo, lapitan natin?” ang tanong ni Mico.

“Ay huwag na! Nakakahiya.” Ang sagot ko. 

Ngunit nilapitan pa rin siya ni Mico. Nang naroon na si Mico, nakita kong nag-usap sila at pagkatapos ay nagtawanan. Bumalik si Mico sa kinaroroonan ko. “May kamukha ka raw na pamangkin niya. Akala niya ay ikaw iyon.” Ang sambit ni Mico. 

“Ah...” iyon lang ang sagot ko. At ipinagpatuloy na namin ang aming kasiyahan sa pagsasayaw.

Hanggang sa lumampas na ng ala-una ng madaling araw at lasing na ako. Si Kuya Renan naman ay ang pinaklasing sa aming lahat dahil sumuka na ito at halos hindi na kayang tumayo. Kaya napagdesisyunan namin na umuwi na. Kaya pa naman naming maglakad ni Mico at Anne. Ngunit dahil halos hirap nang tumayo ni Kuya Renan, kailangan pa naming alalayan siya. Parang gusto kong matawa na mainis sa aming porma. Ako ang nasa kanan ni Kuya Renan na hinawakan ang nakaakbay niyang kamay sa aking balikat, samantalang si Anne naman ay nasa kabila, ganoon din ang ginawa. Iyon bang porma namin na parang mismong simbolismo ng pag-ibig ng dalawang taong nag-aagawan sa iisang lalaki. Si Mico kasi na gustong tumulong sana ay ayaw payagan ni Anne. Gustong siya na lang. Ayaw naman ni Mico na agawin ang puwesto ko dahil siguro, alam niyang ayaw ko rin. Mahal ko yata ang Kuya Renan ko. Gusto kong ako ang ang nariyan kapag nalasing siya. “Ikaw kasi, alam na hindi naman ito lugar natin hindi pa kinontrol ang sarili!”

“K-kaya ko pa naman ‘tol eh...” ang pangangatuwiran pa niya na ang boses ay parang bata sa kalasingan.

“Kaya. Sige nga maglakad kang mag-isa!” sabay bitiw ko sa kanyang braso. 

Bumagsak siya habang si Anne naman ay muntik madamay. 

“Iyan ba ang kaya pa?!!! Hindi ka pa talaga nagbabago! Ganoon ka pa rin! Lasenggero!” ang sambit ko uli habang muling pinatayo siya, tumulong na si Mico sa pagpapatayo sa kanya na hinawakan ang kanyang likod.

“Masaya lang ako ‘tol eh...”

“Masaya ka! Kami itong napupuruwisyo!” Inway ko talaga siya habang naglalakad kami. Para kaming mag-asawa. Si Anne naman ay 

“Tama na! Tama na! Huwag na kayong mag-away...” ang pagsingit naman ni Anne. “Wala namang problema kung malasing eh. Nag-eenjoy lang iyong tao.”

“Hmp! At gusto mo naman!” sa isip ko lang. “

Nakarating din naman kami sa villa namin nang matiwasay. Inihatid muna namin si Kuya Renan sa kanilang kuwarto. “Ako na muna ang bahala sa kanya. Ganito talaga siya kapag nalasing.” ang sambit ko. Alam ko kasi kung ano ang gagawin kapag ganoong lasing si Kuya. Ilang beses na kaya siyang nalasing na ako ang nag-alaga sa kanya. Huhubaran siya atsaka pupunasan ko ng maligamgam na tubig ang kanyang katawan. 

“Ako na ang bahala sa kanya, Bugoy. Bumalik na kayo sa kuwarto ninyo. Kaya ko ito. Promise.” Ang sagot naman ni Anne.

“Kuya ko iyan eh. Ilang beses na iyan siyang nalasing na ako ang nag-alaga.”

“Alam ko naman kung ano ang gagawin dito, Bugoy. Salamat. Pero sige na, balik na kayo sa kuwarto ninyo.” At baling kay Mico, “Dalhin mo na si Bugoy sa kuwarto ninyo cuz...”

“Tara na ‘tol... Kaya na niya iyan.” Ang sambit ni Mico na hinawakan ang aking kamay. 

Gusto ko pa sanang magpaiwan dahil sa totoo lang, natakot akong may mangyari sa kanila. Nagseselos ako. Nangangamba sa maaaring mangyari. Ngunit wala na akong nagawa. Nanaig pa rin sa aking isip ang hiya at respecto sa kanila.

Nang nasa aming kuwarto na kami ni Mico ay deretso sa higaan. Si Mico ay ibinagsak na ang pagod na katawan sa ibabaw ng kama sa sobrang pagkapagod at hilo. Ako naman ay halos maturete sa kaiisip kung ano ang nangyari sa loob ng kuwarto nina Anne at Kuya Renan.

Noong una ay pabaling-baling ako sa higaan. Feeling ko ay nawala ang aking kalasingan sa kaiisip kung ano na ang nangyari sa kanila. Parang gusto kong katuking ang kuwarto nila upang mahinto ang kung ano man ang ginagawa nila. Sobrang kaba ang aking nararamdaman na hindi ako mapakali. Nang tiiningnan ko si Mico sa kabilang kama, himbing na siya. Maya-maya ay bumalikwas ako sa aking kama at umupo sa silya sa harap ng salamin. Iyon na ang aking natandaan. Nakatulog na pala ako.

KINABUKASAN AY nagising ako sa ingay ng message alarm. Nang iminulat ko ang aking mga mata, ang cell phone pala ito ni Mico na nakalagay sa ibabaw ng drawer sa mismong harap ng salamin kung saan din ako nakatulog. Hinayaan ko lang ito. Hindi ko naman kasi ito pag-aari at tulog pa si Mico kung kaya ay hindi ko ito ginalaw.

Ngunit patuloy pa rin ang pagmessage alert nito. Siguro ay may walo o sampung beses na nagmessage. Naisip ko na baka emergency ito kung kaya ganoon na lang kabilis at kadami ang mga text messages. Dinampot ko ang cell phone niya at nang tiningnan ko ang message, nabasa ko ang pangalan ni Anne!

Bigla akong kinabahan. Hindi ko rin napigilan ang aking sarili na buksan kung ano ang mensahe. Baka kasi tungkol ito kay Kuya Renan. 

Message 1: OMG! Cuz, tagumpay ang plano natin!!!

Lalo pa akong kinabahan sa nabasa. Parang may masamang mga pangyayari na hindi ko alam. Isa-isa kong binuksan ang mga messages.

Message 2: Are you still sleeping? Get up! I have good news for you! I can’t believe this is happening!

Message 3: Come on, Cuz, reply to me! I’m so excited! Ang guwapo-guwapo talaga ni Kuya Ren! 

Message 4: Are you not getting up yet!???

Message 5: OK, you know how I love Kuya Ren since the first time I saw him, right? 

Message 5: And I told you that I will move heaven and earth to win him?

Message 6: And so that while I win Kuya Ren, you will also win Bugoy?

Message 7: Well, worry not Cuz! Something happened between Ren and I last night! Heto siya now, tulog pa, at hubo’t-hubad cuz! Can’t believe na ang lahat ng ito sa katawan niya ay naangkin ko! Buong-buo cuz! Ang sarap niya talaga, OMG!!!

Message 8: At ikaw, I told Bugoy that you’re gonna kill yourself kapag iniwanan ka niya. Kaya magdrama ka. Like malunod, maglaslas ng pulso. Pero kunyari lang. Sino siya para iaalay mo ang iyong buhay? Hindi siya worth. He’s poor, for God’s sake! Sobra-sobra na ang pagsakripisyo mo na sa kanya. Tama na iyon. Ang swerte-swerte nga niya na aampunin ng papa mo nang walang kaabog-abog! Mas mahigit pa siya sa nakapanalo ng mega-lotto. Alam mo ba ang reaction nina Tita at mga pinsan sa planong pag-ampon niya? Sabi lang nila, “Ewww!” He doesn’t even deserve to be our friend! Ang dami nilang negative na napansin sa kanya! Kahit si Lola had something negative to say about him! Anyway cuz, ito ay para lang mag-succeed ang ating plano. Scripted lang ang lahat. Okay? Ako na ang bahala rito.

Message 9: See the picture (May litratong nakapatong si Kuya Renan kay Anne na hubo’t-hubad, yakap-yakap niya si Anne na nagawa pang kumuha ng selfie)

Message 10: Marami pang litrato na iyan Cuz at may video pa! Ipakita ko ito kay Daddy upang... alam mo na, mapilitan si Kuya Ren na mag-stay sa Tuguegarao and he’ll find work here sa daddy ko and we’ll be together!

Tila gumuho ang aking kinatatayuan at umikot ang aking paligid sa aking nabasa. Hindi ko na rin nakayanan pang tingnan ang ibang mga litrato na ipinadala ni Anne sa kanyang message. Ang sakit! Sobrang sakit na tila dinurog ang aking puso sa mga nakakamatay na texts ni Anne. 

Dali-dali akong nagtatakbo patungo sa dalampasigan. Nag-iiyak, di malaman ang gagawin. Feeling ko sa mga oras na iyon ay sinaksak nila ako sa likod. Silang lahat ay taksil! Hindi ko akalain na magawa ni Kuya Renan iyon sa akin. Hindi ko rin akalain na may alam pala si Mico sa lahat ng mga plano ni Anne! akala ko ay kakampi ko siya, akala ko ay hindi matitinag si Kuya Renan.

Habang nag-iiyak a ypatuloy pa rin ako sa pagtatakbo. Hindi ko alam kung saan patungo, Hinayaan ko na lang na dalhin ako ng aking sariling mga paa. maya-maya lang ay naalimpungatan kong nakaupo na pala ako sa buhangin sa lilim ng puno ng niyog. Patuloy pa rin ang aking pag-iyak, hindi malaman kung babalik pa sa aming villa o magdesisyon na bumalik na lang sa Tuguegarao. Parang gusto ko nang magpakalayo-layo sa kanila. 

Doon ko na naman naalala ang aking inay. “Ang hirap pala, ng nag-iisa nay... hindi ko alam kung sino ang kakampi ko po. Hindi ko po alam kung kanino magtitiwala. Kung nakatingin man po kayo sa akin, sana po ay tulungan ninyo ako, Nay. Ayoko na po sa kanila...” ang bulong ko sa aking sarili habang patuloy pa rin ang paghagulgol. Mistula akong isang baliw sa kalagayan kong iyon. Naka-paa lang, ang damit ay iyong sinuot ko pa sa beach party ng gabing nakaraan. Hindi ko na rin pansin kung may tao bang nakakakita sa akin. Ang namayani sa aking isip ay pagtataksil ng mga taong inakala kong tapat sa akin. “Ayaw ko na po sa kanila, Nay. Tulungan niyo po ako... Hirap na hirap na po ako.”

“Hello! Are you okay?” ang narinig kong boses ng isang babae.

Inangat ko ang aking ulo. nakita ko iyong babaeng tingin nang tinngin sa akin sa gabi ng party. Seryoso ang kanyang mukha at halatang nag-alala sa akin. “A, eh...” ang nasambit ko na mistulang binuhusan ng malamig na tubig. Dali-dali kong pinahid ang aking mga luha at pilit na pinakalma ang sarili. “Okay lang po ako.” ang sagot ko.

Nakita kong umupo na rin siya sa buhangin, sa tabi ko. “Alam mo, kagabi nang makita kita, may naalala ako sa iyo. Kamukha mo siya, at pakiramdam ko ay talagang ikaw siya. hayan, iyong paglalakad mo, iyang postura mo, pananamit, hugis ng katawan, tinding, lahat...” ang sambit niya.

Hindi ako kumibo. Ramdam ko pa kasi ang sakit ng kanilang pagtaksil sa akin. At alam kong pamangkin naman niya ang kanyang tinutukoy, base sa sinabi niya kay Mico.

“Kung ano man iyang pinagdaanan mo ngayon, malalampasan mo rin iyan. Huwag kang gumive-up sa buhay.” 

HIndi pa rin ako umimik. 

“Kung gusto mo, sabihin mo sa akin ang iyong problema. Baka sakalign makatulong ako. Maintindihan kita.”

Tiningnan ko siya. “K-kahit ano po?”

“Oo. Kahit ano.”

Yumuko na lang ako. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang lahat ngunit tila may pumigil sa aking isip. “S-salamat na lang po. H-hindi pa ako handa eh.” ang sagot ko.

“Okay. Kung ganoon, hayaan na lang kitang samahan dito. Kumain ka na ba ng agahan? Gusto mong kumain tayo?” 

May pagdadalwang isip man, sumang-ayon na rin ako. Pakiramdam ko kasi ay mapagkakatiwalaan siya.

Kumain kami sa kanyang villa. Nag-order siya ng aming makakain. Habang kumakain kami, ikinuwento niya ang kanyang buhay. Biyuda raw siya, walang anak at nanirahan sa Maynila. Mayaman daw ang kanyang pumanaw na asawa at maraming negosyong iniwanan sa kanya. 

Sinabi ko rin ng ilang bagay tungkol sa akin, na taga Leyte ako, wala nang mga magulang, at napunta roon dahil sa mga kaibigan na binigyan ako ng pa-birthday. Hindi ko na sinabi kung bakit ako napunta ng Tuguegarao, hindi niya alam ito at hindi rin niya alam na may iniiwasan ako sa probinsiya namin.

May tatlong oras siguro kaming nagsama. Pagkatapos kumain ay nagkuwentuhan pa kami tungkol sa mga hilig niya, tungkol sa mga kaibigan niya at karanasan sa buhay. Masarap siyang kausap. Masaya, malalim na mayroon ding sense of humor. Sa tatlong oras na iginugol niya sa akin, tila kilalang-kilala ko na siya. 

“Kapag may problema ka, tawagan mo lang ako ha? I will be very happy to be of help to you. Kung gusto mong magpunta ng Maynila, sabihin mo lang sa akin. Ako ang bahala sa iyo. At tungkol pala sa naramdaman mo ngayon, kung handa ka nang sabihin ito sa akin, narito lang ako.” ang sabi niya sabay abot sa akin sa kanyang calling card. 

Tinanggap ko ito. Binasa ko ang pangalang nakasulat. “Ms. Clarissa Espanto. Businesswoman.”

“Tawagan mo ako. Anytime, ok?”

“O-opo...”

“Atsaka, ang tawag mo sa akin ay Tita. Tita Clarissa.”

“Opo...”

Bumalik ako ng villa. Alas 9 na iyon ng umaga. Habang palapit ako ng villa, nakita ko silang nasa porch at mistulang nabulabog. 

“Saan ka ba nanggaling?” ang tanong ni Kuya Renan, ang boses ay tumaas. 

“Wala kang pakialam!” ang sagot ko na tuloy-tuloy lang sa kuwarto. Nang nasa loob na akong kuwarto namin ni Mico, minamadali kong kinuha ang aking mga damit sa cabinet at isinilid ang mga ito sa aking bag, iyong pag-impakengnagdadabog na nagmamadali. 

“Saan ka pupunta?” ang tanong uli ni Kuya Renan na sumunod sa akin sa loob ng kuwarto at nakita ang aking padabog na pag-iimpake.

“Puede bang huwag mo na akong pakialaman? Hayaan mo na ako!” ang singhal ko.

“Anong huwag kitang pabayaan? Inihabilin ka sa akin ng iyong at ako ang may karapatan sa iyo!”

“Puwes, nagkamali ang inay! Kung buhay lang sana siya, babawiin niya ako sa iyo!” sabay tumbok sa pinto ng kuwarto.

Ngunit hinarangan niya ako. “Hindi ka pupunta kahit saan! Kung gusto mo, ako ang kasama mo!”

Tinitigan ko siya nang matulis. “Manigas ka!” Sabay pagpumiglas ko sa kanyagn paghawak. Nagtatakbo ako palabas ng villa. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan patungo. nang tiningnan ko ang aking likuran, hinabol pala nila ako. 

Dahil sa inis na hinabol pa rin nila ako, tinumbok ko ang dagat. Itinapon ko ang aking bag sa dalampasigan at patuloy na tumatakbo hanggang sa hindi ko na kaya ang lalim ng dagat at lumangoy pa rin ako. Ewan kung bakit iyon ang naisip ko pero tinumbok ko talaga ang direksyon ng dagat, patungo sa kabilang isla na may layong siguro ay nasa mahigit limang kilometro. Nang nilingon ko ang dalampasigan, nakita ko ang iilang taong nakiusyoso. Nakita ko ring naglalangoy sina Mico at Kuya Renan patungo sa akin, hinahabol nila ako. 

Binilisan ko pa ang aking paglangoy. “Trinaydor ninyo ako, puwes, hindi niyo na ako makikita. Kung maabot ko ang islang iyon, swwerte. Kapag malunod ako, handa na ako. Gusto ko nang sundan ang aking inay sa kabilang mundo. Ayokong sumama sa mga traydor na katulad ninyo!” ang pagpupuyos ng aking utak.

Marahil ay naka 20 minutos din ako sa aking paglalangoy nang biglang naramdaman ko ang sakit ng aking paad. Ramdam kong hindi ko na magalaw ito sa sobrang sakit. “Arrggg!” ang sigaw ko. 

Doon na ako kinabahan. Alam ko, mamamatay na ako dahil malayo na ako dahil malayo na ako sa dalampasigan. 

Nasa ganoon akong pakikipaglaban sa aking buhay at tila wala na akong lakas pa na ikampay ang aking mga kamay ay paa dahil sa sakit ng pagpulikat ng aking paa nang naramdaman ko namang may humawak sa aking buhok.

“Si Kuya Renan!” sa isip ko lang. Nang inaninag ko kung sino iyon, doon ko nakumpirma na siya nga. “Arggggg!!!” ang pilit kogn pagsigaw at pagtulak sa kanya. Talagang inipon ko ang kahuli-hulihan konglakas upang pilit na itulak siya. Para sa akin sa sandaling iyon, mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa sagipin niya. nag-aalab na tila sinakyan ng demonyo ang aking galit para sa kanya. 

Ngunit magaling si Kuya Renan sa ganoong sitwasyon. Sa aming paglaki sa tabi ng dagat ay alam niya ang technique kung paano sagipin ang isang nalulunod na hindi siya hahablutin at idamay sa paglubog. Alam niya kung paano ako i-lock sa na nakatihaya sa kanyang bisig habang lalangoy siya patungo sa kaligtasan.

Nagpalakpakan ang mga tao nang nakitang matagumpay na nailigtas ako ni Kuya Renan at karga-karga na sa kanyang mga braso patungo sa dalampasigan. Nang nasa buhanginan na kami, ibinaba niya ako. Magkatabi kaming nahiga, parehong habol-habol ang aming mga paghinga. 

Dahil may napulikat ako, may staff ng resort na nagmasahe sa aking paa at binti. Ilang minuto lang ay ramdam ko nang naibsan ang sakit. Sa puntong giyon ay pinilit ko nang tumayo. Kahit nahihilo pa ako at disoriented ang utak, nagumilit pa rin ako. 

Tumayo na rin si Kuya Renan at pilit akong inalalayan. Ngunit itinulak ko siya, “Lumayo kaaa!” ang sigaw ko sa kanya.

Doon na pumagitna ang isang babae. “Bugoy... sumama ka na lang muna sa akin sa villa ko ha?” 

Nang tiningnan ko ang babae, si Ms. Clarissa pala ito. Nasaksihan pala niya ang buong pangyayari. At baling niya kay Kuya Renan, “Sa akin na muna siya sasama hijo ha? Mukhang may pinagdaanan itong kasama mo. Kakausapin ko lang at tutulungang kumalma. Okay?”

Nakita kong tumango si Kuya Renan, binitiwan ang isang tingin na tila may matinding katanungan sa isip. Kaya hindi na niya ako kinulit pa. 

“K-kunin ko na lang po muna ang bag ko, T-tita...” ang sabi ko kay Ms. Clarissa.

“Huwag na.” Ang sagot niya at ipinakita sa akin ang isang bag. “Nakita ito ng staff ng resort kanina at kinuha ko na lang. Ito ba iyon?” ang dugtong niya.

Tumango ako.

Akmang aalis na sana kami ng dalampasigan upang tumungo sa villa ni Ms. Clarissa nang biglang dumating si Anne. Nanlilisik ang mga mata. Galit na galit. “Bugoy... kapag may nangyari kay Mico, hindi kita mapapatawad! Tandaan mo iyan!”

Nagulat naman ako sa kanyang inasta. “Bakit? Ano bang nangyari sa kanya?” ang sagot kong pasigaw rin.

“Nalunod siya! At nasa ospital siya ngayon dahil gusto ka niyang sagipin! Naunang hinatid siya ng ambulansya!” ang sagot niya, sabay abresyete sa bisig ni Kuya Renan “Tara na Kuya Ren.” At tatalikod na sana.

“Nalunod siya? Di ba bahagi ito sa ginawa mong script para sa atin? Scripted lang ang lahat ng ito, di ba?” ang sagot ko. 

Biglang humarap uli si Anne. Tila nagulat sa aking sinabi. Hindi agad nakapagsalita.

“O... natameme ka!” ang bulyaw ko.

“Wait! Wait!” ang pagsingit ni Kuya Renan. “Ano ang ibig sabihing scripted ang lahat ng ito?”

Hinarap ko si Kuya Renan. “Ewan ko! Itanong mo sa iyong babae!” ang pagturo ko kay Anne. “Kailan man ay hindi ka pa rin natuto! Kay Cathy, muntik na akong mamatay at dahilan pa upang mapunta ako sa punyetang lugar na ito at iwan si inay at ang aming bahay! Heto naman ngayon, ano ang nangyari? Ako na naman ang kinakawawa! Nang dahil sa pagpapatol mo sa mga babae mo, ako itong nagsakripisyo! Ako itong nagdusa! Ako itong winawasak! Ako itong pinapatay! At ngayon, nabasa ko sa text ng babaeng iyan na ang lahat ng ito ay scripted lamang! Scripted! At ikaw ang lover boy niya sa drama niya!” ang bulyaw ko. Gusto ko pa sanang idetalye ang mga hirap kong naranasan nang dahil sa kanya ngunit napahagulgol na ako. Bumaling na lang ako kay Ms. Clarissa, “Tara na po, Tita.” Ang sabi ko sabay talikod at mabilis na naglakad na halos iwanan ko na lang siya.

Hindi na sila naka-imik pa. Kahit nakatalikod ako, ramdam kong natulala silang lahat sa sinabi ko. Wala rin akong pakialam kung may mga nakakarinig. Wala rin akong pakialam kung mayayaman sila o professional ang mga asta. Basta 

Nang nasa villa ni Ms. Clarissa na kami, wala na akong nagawa kundi ang sabihin sa kanya ang lahat. Pati na ang buong kuwento ng buhay ko. Humagulgol ako habang ikinuwento ko sa kanya ang mga detalye, simula nang bata pa ako kasama ang aking inay, hanggang sa pagdating ni Kuya Renan sa aking buhay, sa mga lihim na bagay na ipinapagawa niya sa akin, sa naramdaman ko sa kanya bunsod ng paghanga ko sa kanya, hanggang sa pagpasok ni Cathy sa buhay niya kung saan ay nagkagulo-gulo na ang takbo ng lahat. Ikinuwento ko rin kung paano nakapasok si Mico sa aking buhay, hanggang sa pagtulong niya sa amin nang pinaghiwalay ang aming landas ni Kuya Renan, ang naramdaman ni Mico sa akin, ang pagsagip at pagsasakripisyo niya para sa akin... Sinabi ko rin sa kanya ang pangungulila ko sa aking ina, na pagod na pagod na ako, at na tila wala akong kakampi dahl sa ginawa nina Kiya Renan, Anne, at Mico sa akin sa panahong iyon. Halos hindi ko mabuo ang aking mga salita sa pagkuwento ko. 

Nang matapos na ang aking pagsasalita, namalayan kong na niyakap ako nang mahigpit ni Ms. Clarissa. Nang tiningnan ko siya, nakita ko ang mga luhang patuloy sa pagdaloy sa kanyang mga mata. Umiiyak din siya. Mistula kaming mga baliw na nag-iyakan. Ako, dahil sa mga nangyari sa aking buhay. Siya, dahil sa pakikinig sa aking kuwento. “I’m sorry Bugoy... I’m so sorry.” Ang narinig kong sinabi niya habang niyayakap niya ako.

Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon. Nang nahimasmasan na, kumuha siya ng tissue, inabot sa akin ang box at sabay naming pinahid ang aming mga luha. 

“S-salamat po sa pagdating mo. Marahil ay ikaw ang binulungan ng aking inay na tulungan po ako sa aking kalagayan. Naniwala po akong nariyan lang siya, nagmamasid sa akin.

Napangiti siya. “Sigurado ako niyan, Bugoy. Sigurado ako...” ang sagot niya. “So anong plano mo ngayon?” ang tanong niya. 

“G-gusto ko po sanang bumalik na lang po sa Tuguegarao. K-kung may pera lang sana ako ay magbo-boarding house na lang ako hanggang sa pag-graduate ko ng high school nitong darating na Marso. Kapag naka-graduate na po ako, uuwi na po ako sa probinsya namin. Doon po ako mag-college.”

“Paano ka naman mabubuhay roon?”

“M-maglalako po ako ng isda. Marunong naman po ako. Basta, mabubuhay po ako roon. May bahay Kmi ng inay roon. Mas gusto ko rin doon, na-miss ko na ang inay.”

“Ok. Kung ganyang decided ka nang bumalik sa Tuguegarao, ako ang bahala. Ako na rin ang bahalang mag-arrange ng flight mo pabalik doon. Ngayon, may business partner ako na nasa Tuguegarao nakabase, tatawagan ko siya upang mahanapan ka niya ng matirhan doon habang naghintay ka sa iyong graduation. Samantala, dumito ka muna sa villa ko dahil may meeting pa kami ng aking ibang business partners. Napadayo lang ako sa dalampasigan dahil sa mga nag-uusyusong tao. At nang nakita kong ikaw pala ang tinitingnan nila kaya natagalan ako.”

“P-pasensya na po talaga Tita Clarissa. Pati pa tuloy kayo ay nadamay.”

“It’s okay. Natawagan ko na sila na ma-delay lang ako. They understand naman.” ang sambit niya sabay abot sa akin sa susi. “Kailan mo pala gustong makabalik sa Tuguegarao?” dugtong niyang tanong.

“Kahit nga po ngayon na eh. Gusto ko na po talagang malayo rito.”

“Okay. Ang alam ko ay may flight mamaya. Kung may slot pa ay ipapahabol kita.”

“Talaga po?” ang sagot kong natuwa.

“Oo. I’ll do my best. In the meantime, dito ka muna ang just enjoy yourself, okay?”

“O-opo...”

Nang nakaalis na si Ms. Clarissa, nagkulong na lang ako sa kuwarto. Ini-lock ko pa ang pinto panigurong walang makakapasok kahit sino. Para akong na-praning sa pagkakataong iyon. Iyong feeling na takot magtiwala at makita ng kahit kaninong tao sa lugar na iyon.

Nag-ring ang aking cell phone ngunit nang nakita kong galing ito kay Kuya Renan, inignore ko ang tawag. Ngunit tumawag siya uli. At tumawag pang muli. Ang ginawa ko ay tinanggal ko ang sim card ng aking cp atsaka binasag ito, itinapon.

Alas 5 ng gabi ay dumating na si Ms. Clarissa. “May flight at 6 pm Bugoy at diretso na tayo sa airport.” Ang sambit niya. “Gusto mo bang mag-dinner muna rito?” dugtong niya. 

“S-sa Tuguegarao na lang po, Tita. M-magbaon na lang po ako ng mga sitserya o tinapay.”

“O sige. Gusto mo na talagang makalayo rito ha?”

“O-opo. Para pong may phobia na ako sa lugar na ito. P-para pong nanginginig ang aking kalamnan kapag nakita ko ang dalampasigang ito!”

“Okay. Naintindihan kita.” Ang sambit niya habang ibinigay niya sa akin ang ticket, at ilang detalye sa taong susundo sa akin pagdating ng Tuguegarao. “Dadaanan kita sa Tuguegarao, Bugoy pagkatapos ng aking mga appointments dito.” Ang sabi niya. Pagkatapos ay humugot ng pera mulasa kanyang wallet. Binigyan niya ako ng limang libo. 

“M-masyadong malaki po yata ito, Tita...”

“Wala iyan Bugoy. Wala kang source of income, mabilis maubos iyan.”

Nakarating ako ng Tuguegarao kinagabihan. Kung anong bilis ng aming pagpunta sa Amanpolo ay siya ring kabilis ng aking pag-uwi. Parang nanaginip lang ako, isang napakasamang panaginip. 

Maganda ang kuwartong ipinagamit ni Ms. Clarissa sa akin. Accommodation pala ito ng kanilang mga trabahante sa kanilang factory ngunit ang ibinigay sa akin ay para raw sa managerial position. Malayo-layo kasi ang lugar sa mismong city ng Tuguegarao. Pero dahil may mga shuttle buses naman, hindi problema ang pag-commute ko. 

Kinabukasan ay nagpunta kaagad ako sa bahay ng lola at Tita ni Mico. Kinuha ko ang aking mga damit na naroon at iba pang gamit na kailangan ko sa school.

Nagtaka ang kanyang lola at tita kung bakit ako aalis. Wala man lang daw sinabi si Mico sa kanila. Sinabi ko na lang na ako ang kusang nagdesisyon. Nagtanong din sila kung bakit nauna akong umuwi. Sinagot ko rin na may gagawin ako sa December break na iyon kung kaya ay kailangan kong umuwi nang maaga. 

Pinigilan naman nila ako na huwag umalis sa poder nila. Ngunit sa nabasa ko sa text ni Anne, nasabi ko sa sariling siguro kaplastikan na lang ang pagpigil nila sa akin.

Dahil nag-iisa na nga lang ako, hindi ko naman maiwasang magmukmok sa kuwarto. Ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa panunuod ng TV at internet. Nang tumugtog ang isang christmas song sa TV, don ko naalalang magpapasko na pala. Tiningnan ko ang kalendaryo na nakasabit sa dingding ng kuwarto. Doon ako mas lalo pang nalungkot. December 23 ang petsa. Iyon bang lungkot na nag-iisa ka na nga lang, tapos iyon pa ang nangyari, at parating ang pasko. Hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga pasko kasama ang aking inay kung saan ay sabay kaming magsimba, kumain sa noche buena na minsan ay tinapay lang na may star margarine na palaman kasama ng biko kapag may perang o di kaya ay putong malagkit. Simple lang ang buhay namin, simple lang ang kinakain ngunit dahil mahal ko ang inay at ramdam ko ang pagmamahal niya, masaya ako na tila ay wala nang mahihiling pa sa buhay. Naalala ko pa ang sinabi niya, “Hindi mahalaga ang masarap na mga pagkain o mamahaling damit at gamit sa pasko. Ang pinakamahalaga ay kasama mo ang iyong mahal sa buhay.” Ngunit sa pagkakataong iyon ay naitanogn ko sa sarili kung sino ba talaga ang mahal ko sa buhay? Sino ba ang tunay na nagmamahal sa akin? Napaiyak na lang ako sa sarili kong katanungan. “Wala naman talaga akong magagawa eh. Sana nga, namatay na lang ako doon sa Amanpulo. Sinagip pa kasi ako sa traydor na taong iyon!” sa isip ko lang.

December 24 ng gabi nang dumating si Ms. Clarissa. Tinupad niya ang kanyang pangako. Gusto raw niyang magcelebrate ng pasko na kasama ako dahil ilang pasko na raw na wala naman siyang matatawag na pamilya, kagaya ko rin. Kaya gusto niyang ako ang gagawin niyang pamilya at samahan niya ako sa aking pagcelebrate ng pasko. Parang sinagot din ang katanungan ko sa nakaraang araw. Kahit hindi ko naman siya tunay na kamag-anak, kahit papaano ay ramdam kong may malasakit siya sa akin. Parang concern siya sa akin. Parang mahal niya rin ako bilang anak. At siya rin ay walang kamag-anak o anak... Tila ipinagtagpo kami na maging pamilya sa paskong iyon. Naisip ko tuloy ang inay. Parang naniwala akong talagang giniyahan niya si Ms. Clarissa na tulungan ako, na sagipin ako dahil kung sabik siya sa isang pamilya, ganoon din ang aking naramdaman.

Sa isang five-star hotel siya nag check-in at ipinasundo lamang niya ako sa driver ng kumpanya niya upang makarating ako sa hotel niya.

Nagdinner muna kami at pagkatapos ay bumalik kami sa kuwarto niya. Doon ay nakipag heart-to-heart talk siya sa akin.

“Alam mo, Bugoy, hindi ako magpaligoy-ligoy ha, pinuntahan ako ng Kuya Renan mo sa villa at nakiusap siyang kahit kausapin mo man lang siya at mapatawad mo. Umiyak siya, lumuhod sa aking harapan. Ngayon lang ako nakakakita ng isang lalaking umiyak at lumuhod, gagawin ang lahat upang mapatawad. Ramdam kong mahal ka niya, Bugoy. Bigyan mo siya ng pagkakataon...”

“Tita... masakit po kasi ang ginawa niya eh. Nakadalawa na po siya. Nung una, nasira lahat ang plano namin, ang plano ko. Muntik na akong mamatay. Ngayon naman, trinaydor nila ako, parang pinatay na rin niya ako.”

“Bugoy, may mga bagay sa buhay na kailangan nating lawakan ang ating pang-unawa. Kasi kapag sarado ang ating isip, ito rin ang sasakal sa ating kaligayahan. Tandaan mo, walang perpektong tao sa mundo. Ang lahat ay nagkakasala. Kahit ikaw. Ngunit hindi ito dahilan upang isara natin ang pinto ng ating puso upang magpatawad. Kasi, kung ang lahat ng tao sa mundo ay hindi marunong umunawa o magbigay ng pangalawa, pangatlo o kahit ilang beses na pagkakataon sa ibang tao, magiging malungkot ang mundo natin. Kasi nga, lahat ng tao ay nagkakasala. Hindi masaya ang mundo. Walang halaga ang mga birthday, walang halaga ang Valentine;s Day, o ang pasko...”

Hindi ako nakakibo sa kanyang sinabi.

“Ikaw ba ay mahal mo ang iyong inay?”

“Ni minsan ba ay hindi mo siya sinuway? Hindi ka nagkasala sa kanya?”

“Eh... m-may mga pagkakataon din po.”

“Ilang beses?”

“M-maraming beses din po...”

“Pinatawad ka ba niya?”

“Opo... mahal naman niya kasi ako eh.”

“Ikaw ba, hindi mo mahal ang Kuya Renan mo?”

Doon na ako tula nabusalan. Hindi ako nakasagot sa tanong niyang iyon. Nanatiling nakatitig na lang ako sa kanya.

“Kapag mahal mo ang isang tao at siya itong taos-pusong nanghingi ng tawad, bigyan mo siya ng pagkakataon. Patawarin mo siya, lalo na’t mahal mo siya.”

Hindi pa rin ako nakakibo. Mistula kasing hinataw ng matigas na bagay ang aking ulo sa kanyang comparison ang pagpapatawad ng nagmamahal na inay sa kanyang anak na dapat kong gawin din sa minamahal kong Kuya. 

“Alam mo, ako... itinakwil ako ng aking pamilya, sa isang dahilan; isang bagay na hindi namin lubos na napagkasunduan. Masakit ngunit natutunan ko silang patawarin. Buwan-buwan ay pinapadalhan ko ang inay at mga kapatid ko ng card, email, texts ngunit hindi nila sinasagot. Pinapadalhan ko rin sila ng regalo. Ibinabalik nila. Sa puso ko, naintindihan ko sila, napapatawad. Kasi para sa akin, ang pagpapatawad ay characteristic ng isang upright na tao, at may malawak na pag-iisip. Kapag marunong kang magpatawad, tanggap mo na ang lahat ng tao ay talagang nagkakamali at kailangan lang bigyan ng pagkakataon. Upright ka dahil alam mo ang value at kahalagahan ng pagpapatawad. Kung mahal mo ang isang tao, huwag mong hanapin sa kanya ang perfection, dahil wala naman talagang perfect na tao. Kasi kung hanapan ka rin niya nito, siguradong bagsak ka rin. Pero bakit may mga relasyon na tumatagal? Bakit may mga taong ang relasyon ay totoo pa rin ang salitang ‘Walang iwanan’ or iyong sinasabi nilang ‘forever’? Dahil marunong silang magpatawad.”

“Babae lang naman kasi ang problema sa kanya...”

“Sa tingin mo ba ay kagustuhan niya ito? Mahirap rin namang ikulong natin siya sa isang kahon upang hindi na makikita ng mga tao, di ba? Gusto mo ba iyon para sa kanya? At granting na natukso siya, pinakasalan ba niya at kinalimutan ka? Maswerte ka pa rin kasi hayan siya, umiiyak at hinihingi ang iyong pagpapatawad. Sa kabila nang puwede niyang pakasalan ang babae at magkaanak sila, magkaroon ng pamilya, heto, ikaw pa rin ang hinahanap. Patawarin mo na siya. Lalo na... ilang oras na lang at pasko na. Di ba ang sabi nila ay sa pasko, dapat tayong magmahalan.” Ang sambit niya sabay hugot sa kanyang cell phone at may tinawagan.

Napangiti na lang ako ng hilaw, binitiwan ang isang malalim na buntong-hininga. Naalala ko na naman kasi si Kuya Renan. Sumagi sa isip ko ang mga bagay na kinasasabikan ko sa kanya. Ang mga masasayang ala-ala namin, ang mga harutan namin, biruan, tawanan... Lalo na, pasko na naman. At ilang taon na rin na hindi ko siya nakapiling sa pasko. Siya na lang ang nag-iisang tao sa mundo na mahal ko. At kailangan ko siya sa pasko. Tila naliwanagan ang aking isip sa sinabi ni Ms. Clarissa.

“O heto, may gustong kumausap sa iyo...” ang sabi ni Ms. Clarissa sabay abot sa akin ng kanyang cell phone.

Tinanggap ko ito. “Hello?” ang sambit ko

Doon na ako halos magtatalon nang sumagot ang kabilang linya ng, “Hello, patawarin mo ako ‘tol...” ang sagot sa kabilang linya. Si Kuya Renan!

Hindi ako nakasagot agad. Para akong nanginginig sa tuwa at sa kasabikan sa kanya. 

“Uuwi na ako...” ang sambit niya.

“Saan ka uuwi?!” ang sagot kong may bahid na pagkainis. 

Ngunit natawa na rin ako sa sagot niya. “Sa puso mo...”

“Tarantado! Doon ka sa babe mo!”

“Alam mo naman kung sino ang babe ko, di ba?”

“Si Anne?”

“Gago!”

“Si Cathy?”

“Arrrgggghhh!” at biglang naputol ang linya. 

Dinayal muli ni Ms. Clarissa ang number ni Kuya Renan. Ngunit out of service daw ito. Dinayal uli, ilang beses, ngunit wala pa rin.

“Ok, tawagan na lang natin siya uli. Baka busy ang line dahil pasko ngayon, hindi makapasok.” Ang sabi ni Ms. Clarissa. “In the meantime, may sorpresa ako sa iyo.”

“Talaga?”

“Oo. Tara punta tayo sa function room.” 

Dinala niya ako sa elevator at pumasok kami. Nasa 10th storey ang function room. Nang pumasok na kami, nagulat ako dahil may mga bisita pala siya. May mga palamuti ang kuwarto, may mga banderitas, may mga balloons, may mga pagkain at sa gitna nito ay ang Christmas tree kung saan ay sa ibaba nito naroon ang iba’t-ibang kulay at laki ng mga regalo. Naisip ko kaagad na isa roon ang para sa akin. 

Naka-ordinaryong kasuotan lang ang mga nag-attend. Kabaligtaran sa mga party nina Mico na naka coat and tie. May mga naka-maong lang, naka T-shirt, may mga naka-polo at polo shirt din. Parang depende sa kung ano ang kumportableng suot ng tao.

“Mga ordinaryong trabahante ng kumpanya sila Mico, from janitors to clerks and staffs. Sila iyong mga nagtatrabaho sa kumpanya ko na nasa malayo ang pamilya. Dahil malayo sa mga mahal sa buhay, bawat pasko ay ang mga sarili namin ang nagsisilbing pamilya. Alam nilang may bisita ako ngayon.”

Tumayo ang lahat nang pumasok na kami sa function room na iyon. 

“Gusto mo na bang kunin ang regalo ko sa iyon ngayon?

Napangiti ako. Syempre, nahiya na may kaunting excitement.

Pumalakpak si Ms. Clarissa. Huyat pala iyon upang umilaw ang isang spot light at tutunog ang isang fanfare. Nang matapos ang tunog ng fanfare na ginamitan ng trumpet at percussion instruments, umalingawngaw naman ang kantang* –

Oh babe, isang tingin mo lang 
Para na 'kong tinutunaw 
Pag ika'y lumapit na 
Ang dibdib ko'y puro kaba 

Oh babe, isang halik mo lang 
Ang mundo ko'y nagugunaw 
Pag ako'y niyakap mo 
Kalas lahat ang buto ko 
Oh babe, ako ay talagang patay sa 'yo 
Sa true love mo ako mahihimlay 
Ano nga bang tunay na sikreto mo 
At ako ay nabihag mo nang husto 

Oh babe, isang ngiti mo lang 
Pawi na ang aking uhaw 
Huwag ka lamang tatawa 
Baka ako'y malunod na

* “Oh Babe” by Singsing.

At habang tumutugtog ang kanta ay unti-unti namang bumukas ang kurtina ng stage. 

Doon na ako halos mawalan ng malay. Si Kuya Renan ang lumantad. Nakatayo siya sa gitna ng stage, ang suot ay T-shirt lang, naka-maong, hawak-hawak ang isang kumpol na mapupula at malalaking rosas. Nakangiti siya at nakatingin sa akin...

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails