Followers

Tuesday, March 27, 2018

Ang Roommate Kong Siga [3]



By Michael Juha
getmybox@hotmail.com

***

Huwag Pamarisan, Adik Kami!


Nang pumasok si Jerome sa kuwarto upang iwanan muna ang kanyang mga gamit, doon ko na sinisi ang aking inay. “Ba’t mo ba inimbita iyon? Hindi pa natin kilala iyon!”

“Syempre, anak, gusto ko namang makilala ang friends mo. Lalo na ka-kuwarto mo. Kapag may nangyaring hindi maganda sa iyo, gusto kong siya ang mag-alaga sa iyo kung wala ako, o siya ang magreport sa akin kung need mo ng tulong. I need that. Alam ko namang may pagka-introvert ka at pihikan sa mga kaibigan. Gusto kong suportahna kung sino man ang mapipili mong kaibigan.”

“Hinid ko iyan kaibigan ma! And he will never be my friend!”

“Hindi mo kaibigan pero magkasama kayo sa kuwarto. In the long run ay magiging kaibigan mo rin iyan, nak. Or assuming na hindi mo magiging kaibigan iyan, siya ang unang taong makakaalam kung ano ang mangyayari sa iyo.”

“Yeah, right.” Ang sarkastiko kong sagot. Tama nga naman siya. Iyong Jerome na iyon talaga ang unang taong makakaalma kung ano ang mangyayari sa akin. Kagaya nang pagnakaw niya sa motorsiklo ko, kagaya ng pangha-harass niya sa akin kapag kaming dalawa lang sa loob ng kuwarto. At malamang, kapag napatay niya ako, syempre, siya ang unang makakalam. At baka siya lang ang tanging makakaalam. “Kaka bad-trip talaga kayo Ma.” Iyon na lang ang nasabi ko. Sinarili ko na lang ang lahat ng pagkadismaya.

Nang lumabas si Jerome mula sa aming kuwarto, nakangiti si Jerome na tiningnan kami. Hindi naman siya talaga ngumingiti kapag kami lang. At never ko pa siyang nakitang nakangiti. Palaging galit ang mukha na tila kaaway ang lahat ng tao sa mundo. Maliban na lang kung tulog saka ko makikita ang kampanteng mukha niya. Iyo pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang ngumiti. At di ko maipagkaila sa sarili na kahit galit nag alit ako sa kanya, mistulang lumambot ang aking puso sa pagkakita sa ngiti niyang iyon. “Ang guwapo niya!” ang sigaw ko sa aking sarili. Nakasuot siya ng butas-butas na itim na jeans at puting rubber shoes. At kahit iyong suot niyang puting semi-fit na t-shirt na may print na “Kiss Me, I’m Yours!” na kupas na dahil sa kalumaan ay bumagay pa rin sa kanya. Ganyan tlaga siguro kapag sadyang guwapo ang isang tao, may tindig at porma, kahit ang pinakapangit na damit ay ipasusuot mo, babagay pa rin ito sa kanya at lilitaw at lilitaw pa rin ang kanyang kapogian. Dagdagan pa na sobrang confident siya sa kanyang sarili, lalaking-lalaki sa paglalakad at postura, pati sa pananalita.

Pinuri na naman siya ng inay. “Ang pogi-pogi talaga ng roommate ng anak ko!” ang sambit niya.

“Hi Steff! Sensya na sa damit ko. Sensya na, wala akong damit. Wala namang dress code ang restaurant, di ba?” ang sambit niya.

“Diyos ko! Ano k aba Jerome! Walang paki ang mga tao sa restaurant na iyon. Kahit maghubad ka pa ng pang-itaas wala silang pakialam. At granting na may dress code nga, di ka nila puweding palabasin. Sa guwapo mong iyan.” Ang sagot ng inay.

“Tara na ma. Sayang ang oras sa walang ka-kwenta-kwentang usapan.” Ang pagsingit ko naman.

Tumalima naman ang aking ina pagkatapos niyang muestrahan ng ngiti si Jerome na itinuro pa ako sa mata, na ang mensahe ay, “Nagseselos!”

Tinungo namin ang kotse ng inay na nakaparada sa glid lang ng kalsada, sa labas ng gate ng boarding house. Sa driver’s seat umupo ang inay, tumabi ako sa kanya. Si Jerome naman ay nasa likuran.

Nang nagsimula nang umandar ang sasakyan, “Ma, mag-ingat ingt tayo sa pagtitiwala sa mga tao…maraming traydor at ahas sa paligid.” Ang sambit kong patutsada kay Jerome na isinama pa talaga niya.

“Sa work ko, okay naman ang mga trabahante roon. Alam mo naman tayo, palakaibigan, palabiro, very approachable. Tuwang-tuwa nga sila na ako ang na-promote eh. Botong-boto silang lahat sa akin.” Ang sagot ng inay.

“Hindi iyan ang ibig kong sabihin, ma, iyong mga taong hindi pa natin lubos na kilala…” ang dugtong ko.

Na siya ring pagsingit ni Jerome.  At doon ako namula. “May point si utol July Steff.” At utol pa talaga ang tawag niya sa akin! “Kasi ako, iyong dati kong roommate, binibest friend ko iyon. Close ko talaga. Amputsa, naalimpungatan ko na lang isang gabi na umuwi akong lasing, ginapang ba naman ako! Nagising ako na subo-subo na niya ang ari ko! Matagal na pala akong pinagnasaan ng baklang iyon!”

Mistulang nabusalan ako sa sinabi ni Jerome. Sinilip ko siya sa salamin sa itaas ng driver at nang nagkasalubong ang aming mga tingin ay dinilaan ba naman ako! Nang-iinis talaga siya!

“Oh my God!!!” ang sagot ng aking inay. “Pati ba bakla ay hindi maka-resist sa kamandag mo? Ang lakas kasi ng dating mo. Talo mo pa nga iyang ibang artista d’yan sa tindi ng appeal mo!” ang sagot ng inay.

Natawa si Jerome. “Hindi naman, Steff...”

“Hindi naman Steff!” ang lihim kong paggagad kay Jerome.

“Anong ginawa mo sa baklang dating roommate mo?”

“Binugbog ko nga! Pinadugo ko ang ilong at bibig. Bnigyan k ong black eye, at ewan nabali ko ata ang buto noon sa kamay. Hayon, umalis.”

“Ang savage mo naman! Hindi mo na lang pinagbigyan.” Ang biro ng inay sabay tawa.

“Hindi ko kasi masikmura ang bakla!” ang sagot naman ni Jerome. Alam kong ako ang pinapatutsadahan niya.

At doon na ako muntik mabilaukan nang sumagot ang inay.“Dito kay July, makakasiguro kang hindi ka gagapangin nito. 101% sure ako dyan! Lalaking-lalaki ang anak ko” sabay patong ng palad niya sa ibabaw ng aking binti. At baling sa akin, “Di ba, nak?” ang tanong niya.

Nilingon ko muli si Jerome sa salamin sa may ulohan ng driver, nakatignin siya sa akin. At nang sinagot ko ang tanong ng inay ng “Syempre naman, ma! Ako pa!” nakita kongg ngumisi siya, iyong sarkastiko.

“At mabait pa itong anak ko, Jerome. Hindi ka mahirapan dito. Walang kaaway ito at napaka understanding na bata.” Ang dugtong pa ng inay.

Doon na umusog si Jerome sa likuran ng sandalan ko. Kumiling siya sa akin, halos tumayo na para lang maabot ako saka inilingkis ang kanyang dalawang braso sa aking leeg, feeling close. “Kaya nga close na close ko siya eh. Mag best friends actually kami. Sobrang bait niya, nakaka-touch!” At nilingon ako, “Di ba, Bes?” At “Bes” pa talaga?

At dahil sa inis ko sinagot ko na siya ng pabulong iyong pinipigil na galit. Halos hahalikan na lang kasi niya ako sa pisngi sobrang lapit ng aming mga mukha at natabunan ng mukha niya ang mukha ko sa paningin ng inay. “Fuck You!” at baling sa aking inay, “Bes pa talaga? Ang Bes ay para sa mga aha slang!”

Na sinagot din niya ng, “Di ba gumagapang naman ang mga ahas, Maggapangan nga din tayo minsan, Bes!” sabay bitiw ng malakas na halakhak.

Hindi na ako kumibo. “See Steff! Namula si utol!” ang malakas pa rin niyang tawa.

“Hindi kasi sanay iyan sa ganitong biro. Parang siya nga ang tatay ko eh. Sobrang seryoso niyan. Aloof, introvert. Pero alam mo, Jerome, pangalawa ka pa lang sa naging best friend niyan.” Ang sambit ng inay.

“Ma naman! Ba’t ako ang topic dito! Kainis!” ang pagtutol ko.

“O sige ako na lang ang pag-usapan niyo Steff.” Ang pagsingit din ni Jerome.

Nilingon ko siya at binulungan. “Ulol!”

Sinagot din niya ako ng pabulong. “Pangalawa na lang pala ako, Bes? Nakaka-insecure naman iyan…” At baling niya kay inay, “Sino naman Steff ang una niyang best friend?”

“Tyler ata iyon?” ang sagot ng inay.

Tiningnan ako ni Jerome at muli niya akong binulungan. “May Tyler ka na pala ha? Kuwento ka naman mamaya pag-uwi natin, Bes.” At baling niya kay inay, “Saan na ngayon si Tyler Steff?”

“Nasa US na. Doon na nag-aaral.”

“Ah…”

“Kaya solo ka nang best friend ni July. Gusto ko talagang magkaroon ng close friend iyan, Jerome kasi nagwo-worry akong mahilig mag-isa iyan eh. Iyong social life niya ay parang may kulang. Puro na lang pag-aaral, library, kuwarto, internet. Parang hindi normal ang ganoon. Di ba?”

“Ma… please stop it!” Hindi nakakatuwa iyan ah!” ang pagtutol ko.

Ngunti sinang-ayunan siya ni Jerome. “Tama ka diyan, Steff. Huwag kang mag-alala, ako ang bahala rito sa baby mo. Akong bahala kay utol.” Ang sagot naman ni Jerome na abot-tainga ang ngiting nakakalalaki habang nakatingin sa akin. At hindi talaga niya tinanggal ang paglingkis niya sa kanyang kamay sa aking leeg. Iyon pa ang unang pagkakataon na napansin kong madaldal siya, parang masaya na ewan, nang-aasar. Kapag kami lang kasi sa kuwarto ay tahimik lang siya at kapag nagsasalita, siguradong pananakot lang sa akin ang lalabas sa kanyang bibig. Mistulang nagpalit siya ng pagkatao. O ginawa lang niya iyon dahil may balak siyang masama.

Nanatili lang akong nakasimangot. Pinilit kong isingit ang isang kamay ko sa loob ng nakalingkis niyang bisig upang matanggal ang pagyakap niya sa akin.

Ngunit lalong hinigpitan niya ang paglingkis niya ng kanyang mga bisig sa akin. “Huwag kang pumalag, gago! Malilintikan ka. Hayaan mo lang ako!” ang pigil na pagsasalita niya, nakadikit ang kanyang bibig sa aking tainga.

“Yayain mo nga iyang si July sa mga outing mo Jerome. Sa mga night life kung may time ka.” Ang sambit ng inay.

“Gusto ko iyan, Steff! Hayaan mo, ilalabas ko itong si utol.” Ang sagot din ni Jerome.

Hindi na ako nagsalita sa sobrang inis ko. Ngunit sa isip ko ay sa oras ng kainan, isambulat ko sa aking inay ang pasabog na ninakaw ni Jerome ang motorsiklong bigay niya. Hindi pa naabutan ng kinabukasan, wala na sa kamay ko. “Tingnan ko kung magugustuhan pa niya yang hayop na ‘yan.” Ang pagmamaktol ko sa sarili.

Nang pumasok kami sa restaurant, ang upuan na pinili ko ay ang kaharap na upuan ng aking inay. Nag CR pa kasi si Jerome nang pumasok kami. Umupo na siya, ang pinili naman niya ay ang katabing upuan sa akin, sabay akbay sa akin.

“Sobrang happy talaga ako Steff na for the first time, nakabonding ko kayo. Lalo na itong si utol ko…” sabay lingon sa akin. “Di ba. Tol?”

“Tanggalin mo nga iyang kamay mo sa balikat ko. Ang bigat eh!” ang pagbara ko sa kanya sabay hawak ko sa kamay niya at tinanggal ito mula sa aking balikat.

Natawa naman ang aking inay. “Para talaga kayong magkapatid.”

“Huwag ka ngang tumawa d’yan ma. It’s not funny!”

PIlit naman niyang pinigilan ang sarili na huwag tumawa, nakatingin kay Jerome. Iyong parang nag-uusap ang kanilang isip at natatawa sila sa aking inasta. Parang ganyan na sila ka-close.

“Spoiled kasi itong utol ko, Steff. Kahit sa kuwarto, ako palagi ang nagpapaubaya sa kanya. Kagaya ng sa electric fan, kapag ayaw niya, papatayin niya iyan kahit naiinitan ako. Sa shower, dapat ay palagi siyang mauna. Minsan nga, nanghirap ako sa laptop niya, nagalit. Ngayon hindi na ako makakagamit dahil may password na.”

Bigla naman akong napalingon sa kanya. Iyon bang lumaki ang mga mata at hindi makapagsalita dahil na shock sa sobrang kasinungalingan niya. “Grabe ka ah! Nagbibiro ka ba? O ganyan ka talaga kasinungaling.”

“Uy, uy July. Huwag kang magsalita ng ganyan.” Ang sambit ng inay.

“Hindi kasi siya nagsasabi ng totoo, Ma.”

“Okay, ako ang sinungaling.” Ang sagot ni Jerome, iyong may paawa effect. At ang galing niyang umarte.

“What???” ang tanging nasabi ko na lang, hindi makapaniwala sa galing talaga niyang magtwist ng katotohanan.

“Okay, okay. Dahil magkakuwarto kayo, dapat ay mag-usap kayo kung may disagreement man. Tapos, ikaw naman July, huwag kang madamot sa mga gamit mo.”

Doon ay nadouble-shock naman ako, hindi makapaniwala na ako pa ngayon ang madamot at masama. “Ma… hindi mo alam ang pinagsasabi mo!”

“July… inay mo ako. Mas matagal na ako rito sa mundo.” Ang sambit ng inay

“Tama…” ang pagsingit naman ni Jerome na tumango-tango pa.

Sobrang disoriented talaga ako sa mga pangyayaring iyon. Sa pagsasalita lang niya ay tila nabago ang pananaw ng aking inay tungkol sa akin. Para akong nagkaroon ng culture shock, hindi alam kung ang utak ko lang ba ang naglalaro sa akin o nasa tamang lugar ba ako. Hindi ko rin alam kung ano ang nasa isip ni Jerome kung bakit ganoon ang inasta niya. Maaaring sumipsip lang siya sa aking inay, o alam niyang type siya ng aking inay at gusto niyang sirain ang aming relasyon, o gusto niyang gamitin ang aking inay sa kung ano mang maitim na balak ang nasa isip niya. At kung ano man iyon, doon ko napatunayan na manggagamit si Jerome. Magaling sa magpaikot at magmanipulte ng ulo ng tao. Magaling manloko. Manggagantso. Mananantso, Aliwaswas. Switik. Demonyo.

Hindi na ako nagsalita pa. Para kasing hindi ako pinaniwalaan ng aking inay. Hindi ko rin alam kung dahil sobra siyang humanga kay Jerome, nabulag lang siya sa kapogian ng ungas, o hospitality lang ang kanyang pinaiiral dahil siya ang nag-imbita rito. Ewan,di ko maintindihan.

At habang naghintay kami sa pagkain, pansin ko namang panay ang pagpapa-cute ni Jerome. Ang inay naman ay mistulangkinilig. Naalibadbaran ako. Nasusuka. Kung puwede lang sanang talian ang leeg ni Jerome at idugtong ang tali sa leeg ng aking inay at isabit silang dalawa sa bubong ng restaurant na iyon at lagyan ng paskil na “Huwag Pamarisan! Adik Kami!” ay ginawa ko na.

“Wow! Mukhang masarap ng mga pagkain dito, ah!” ang sambit ni Jerome nang inilatag na ng waiter ang mga pagkain sa mesa.

“Kaya dito ko kayo dinala kasi masarap talaga ang pagkain dito. Dinala ko na rito si July isang beses noong maliit pa siya. Ewan kung naalala pa niya.”

“Hindi ko na po naalala” ang sagot ko sa sobrang pagkainis bagamat tandang-tanda ko pa iyon. Nasa elementary pa ako noon, birthday ko.

“Ito tikman mo ang tom yum nila.” Ang dugtong ng inay sabay sandok sa sabaw gamit ang kanyang kutsara at talagang iniabot niya iyon sa bibig ni Jerome. “Tikman mo. Sabaw pa lang iyan, ha?”

At talaga namang hinigop ni Jerome ang sabaw na galing sa kutsara ng inay.

Doon na naman ako nandiri.

“Di ba?” ang tanong niya kay Jerome. Pagkatapos ay sumandok uli siya ng sabaw at sa akin din niya isinubo. Nag-aalangan man dahil sa inis, isinubo ko na lang ang sabaw na galing din sa kanyang kutsara. Ayokong mapahiya siya.

Inilapit ni Jerome ang kanyang bibig sa aking tainga, “Laway ko natikman mo. Lalo kang ma-in love sa akin niyan.” Ang bulong niya.

Marahil ay napansin ng aking inay ang paglaki ng aking mga mata pagkatapos akong bulungan ni Jerome, Nagtanong siya. “At ano naman ang pinagbubulungan ninyo?”

“Eh... ang bastos niya ma!” ang naisagot ko.

“Ano bang sinabi?”

“Sabi niya, parang mga bata daw kami na kailangan mo pang subuan.”

Napatingin ang inay kay Jerome na mistulang na-offend. Napangiti naman ako. “Ikaw lang ba ang marunong?” sa sisip ko.

“Eh.. ang ibig kong sabihin Steff ay napaka caring mo, napaka-maalalahanin. Napakaswerte ni July na nagkaroon ng mama na katulad mo.”

Napangiti naman ang inay na parang touched. “Huwag kang mag-alala Jerome. Mula ngayon, dahil best friend ka ni July, baby na rin kita.

Bigla akong napaubo. Parang gusto ko na ngang sumuka eh. Kaya doon ko na naisipang sabihin ang ginawang pagnakaw ni Jerome sa motor na ibinigay ng inay sa akin. “Ehem... Ma, napansin mo ba ang motorsiklo ko?” ang tanong ko.

May laman pa ang bibig ni Jerome nang sinabi ko iyon. Ngunit pinilit niyang lunukin ang pagkain nang mabilisan upang makasingit. “Oo nga pala, Steff... iyong motorsiklo ni Jerome, hiniram ko. Hinatid ko kasi ang aking itay sa kabilang lungsod dahil nagkasakit ang lola ko. Eh nasa liblib nalugar ang bahay ng lola ko at walang masakyan dahil hindi pa puwedeng pumasok ang tricycle o jeep. At gabing-gabi na kasi iyon. Ngayon, nagkataong na-flat ang gulong. Eh wala namang vulcanizing shop sa bukid kaya iniwan ko muna roon.”

“Ah ganoon ba? Okay lang iyan. At least nakatulong ang motorsiklo.”

“Ma… hindi siya nagpaalam sa akin! Basta na lang niya kinuha ang motorsiklo!”

“Nagpaalam kaya ako. Nasa shower ka nga noon eh. Kumakanta. ‘Think I’m in love again… grinning that silly grin.’” At kinanta pa talaga niya ang kanta ko noon. “Iyan ang kanta mo noon, di ba?”

“Oo. Iyan ang kanta ko. Pero wala po akong narinig na nagpaalam ka, BESSSSS!” ang sarkastiko kong pag-emphasize sa salitang “Bes”

“Nagpaalam lang ako. Huminto ka nga sa pagkanta sandali eh, at ang narinig ko ay ‘OK’. Kaya dali-dali kong kinuha ang motorsiklo mo dahil nga kailangang-kailangan!”

“Tapos, binenta mo. Iyan ang sabi mo eh.”

“Ito naman, hindi na mabiro. Joke lang iyon, Tol…” ang seryoso niyang sabi, na may paawa effect na naman.

“Okay, okay. Basta Jerome, kapag naayos na ang motorsiklo at hindi na ginagamit, isoli mo na lang ha?” ang sambit ng inay.

“Walang problema, Steff. Syempre, ayaw kong magalit sa akin itong si Utol.”

Dahil doon ay hindi na ako kumibo. Tinapos ko na rin ang aking pagkain. Dahil patapos na rin naman sila, tumayo ako. “Tapos na po ako!” ang sambit ko sabay walk out. Tinumbok ko ang pintuan ng restaurant nang hindi lumilingon sa kanila. Wala na akong pakialam sa naramdaman ng aking inay.

“July, saan ka patungo? Julyyyy!” ang sigaw ng aking inay.

Ngunit hindi ko siya sinagot. Nagmamadali ako sa aking paglalakad at nang nasa labas na ng restaurant, tumakbo ako patungo sa likuran ng katabign building upang hindi nila makita. Walang katao-tao sa lugar at nang makita ko ang isang sementong upuan ay doon ako umupo. At dahil sa sobrang inis at walang ibang mapagsabihan, napaiyak na lang ako.

Ngunit nakita pala ako ni Jerome at nasundan. “Nandito ka lang pala.” Ang sambit niya.

Lihim kong pinahid ang aking mga luha. Hindi ako nagpahalatang umiyak. “Umalis ka! Tangina mo!”

Ngunit hindi siya umalis. Bagkus, tinabihan pa niya ako sa pag-upo sa sementon bangko na inuupuan ko.

“Tangina, alis d’yan!!!” ang sigaw ko uli.

“Hinanap ka ng mama mo, o…” ang sambit niya.

“Hinanap pala eh. Di puntahan mo. Kayo ang magsama!”

“Sorry na. Pasensya na.” ang sambit niya na nanunuyo ang boses.

Doon na ako na nagwala. Tumayo ako at sinapak ang ulo niya. “Sorry? Napakasingunaling mo! Bakit mo ako ginaganito! Ginalaw mo ang laptop ko, ninakaw ang motor ko at pinalabas mo na pumayag ako, at ngayon ay gusto mo naman agawin ang atensyon ng inay ko? Ano ba an gplano mo? Sirain mo ang buhay ko? Mahal na mahal ko ang inay ko! Siya na lang ang tanging pamilya ko, bakit tangka mong sirain ang relasyon namin? Bakit ang sama-sama mo!!!” ang pagsisigaw ko habang hindi ko tinigilan ang pagsapak sa ulo, katawan, at mukha niya.

Hindi gumanti si Jerome. Hinayaan lang niya akong saktan siya. Hindi rin siya nagsalita. Nasa ganoon akong pagsasapak sa ulo at katawan niya nang, “July!!! Anong ginawa mo?” ang sigaw ng aking inay habang nagtatakbo at nilapita niya si Jerome. “Bakit mo siya sinaktan! Hindi lumalaban iyong tao pero patulo ymo siyang sinaktan?”

“Sa eskuwelahan, nanakit yan ng tao. Pinapadugo niyan ang ilong at bibig ng binu-bully niya. Sanay na iyan ma! Balewala iyan sa kanya. Halang ang kaluluwa niyan!”

“Huwag kang magsalita ng ganyan, July. Hindi kita tinuruan na manakit ng tao. Masama ang ginawa mo, July!” ang sigaw ng aking inay. Noon ko lang siya nakitang ganoon kagalit sa akin. Iyon ang pinakaunang pagkakataon na pinagalitan niya ako.

“That’s it. Ito ang unang pagkakataon na pinagalitan mo ako ma, dahil sa taong iyan!” ang sigaw ko habang itinuro si Jerome. “Hindi mo na ako mahal ma!” at tumakbo ako na nag-iiyak.

“July! Anak! Wait!!!” ang narinig kong sigaw ng aking inay.

Ngunit hindi rin ako nakalayo. Hinabol ako ni Jerome at sa pagkakataong iyon ay ako naman ang ginamitan niya ng lakas upang makabalik sa aking inay. Kahit nanlaban ako, wala iyon sa kanyang lakas. Nilock pa ng kanyang braso ang aking leeg at kinaladkad habang nakatihaya ako.

Nang nasa harap na kami ng inay, pipnatayo niya ako.

“Tama ang sinabi ng iyong anak. Sinungaling ako. Halang ang aking kaluluwa! Bully! At binubugbog ko ang mga estudyanteng mapagtripan namin sa eskuwelahan. Hinaharass ko ang anak mo! Blinackmail ko siya! Ginamit ko ang laptop niya nang walang paalam, pati ang motorsiklo niya ay ninakaw at binenta ko. Masama akong tao kaya iwasan ninyo ako! Hndi ako karapat-dapat para sa inyo!!!” ang sigaw ni Jerome sabay talikod at nagtatakbo na lumayo.

Hindi kaagad nakapagsalita ang inay habang pinagmasdan si Jerome na nagtatakbo palayo. “Oh my God…” ang sambit ng inay na halos matulala sa nalaman. “I’m sorry anak. I’m so sorry…”

Ay iyon, nag-iyakan kami ng aking inay. “I love you, ma…”

“I love you too, anak. Pasensya ka na na nasigawan kita. I was thinking na he was the right person na maging kaibigan mo. I was wrong!”

“Okay lang iyon ma…”

“I want yo to find a new boarding house as soon as possible, nak. Ayokong magdusa ka sa kamay ni Jerome.”

“S-sige ma. M-maghanap ako.”

Alas 8 ng gabi ay nasa boarding house na ako. Dahil may test ako kinabukasan, pinilit ko ang sarili na mag-aral bagamat halos hindi pumapasik sa isip ko ang aking pinag-aralan. Ginawa ko na lang din ang iba ko pang assignment. Natapos ako hanggang alas 10 ng gabi. Ngunit ayaw ako dalawin ng antok. Hanggang alas 12 na lang ng gabi, wala akong ginawa kundi ang mag-internet.

Hindi pa rin dumating si Jerome. Hanggang maga-alauna na lang ay wala pa rin siya. Nahiga na lang ako upang dalawin ng antok. Hanggang nakatulog ako.

Kinabukasan ay bigla akong nataranta dahil lampas alas 6 na ng umaga ako nagising. Dali-dali akong bumalikwas sa higaan at naligo. Ni hindi na lang ako kumain ng agahan dahil alas 7 kasi ang unang subject ko at iyong subject na iyon ay may pagsusulit. Nagbihis kaagad ako at nang nakabihis na, dali-daling lumabas ng boarding house. Alam kong mali-late na ako kapag lalakarin ko lang patungo sa eskuwelahan. At sa oras na iyon ay halos walang masakyang tricycle dahil iyon din ang oras ng sakayan ng mga estudyante sa elementarya, sa high school at sa college patungo ng eskuwelahan.

Nang nasa labas na ako ng boarding house at hindi malaman kung mag-abang ng sasakyan o magtatakbo patungo ng eskuwelahan, biglang sumulpot si Jerome. At may dalang bisekleta!

“Halika na! Angkas! Mali-late ka!” ang sambit niya.

HInid ko siya pinansin. Bagkus ibinaling ko ang aking paningin sa malayo, baka may ibang masasakyan na tricycle. Ngunit lahat ng dumadaan ay puro puno.

Dali-dali akong naglakad. Ngunit hinarang ni Jerome ang kanyang bike sa aking daanan.

“Sumakay ka na! Tangina! Ibaba mo ang pride mo at sumakay ka!”

Kaya napilitan na lang akong umangkas sa bisekleta niya. Wala akong choice eh. Mali-late na ako sa klase at sa test ko.

“Saan mo naman ninakaw itong bike na ‘to?” ang tanong ko.

“Hindi ko ninakaw to! Binili ko ‘to! Ito iyong sobra sa pera ng pagbenta ko sa motor mo.”

“Pera ko to? So akin to!” ang sabi ko.

“Atin.”

“Walang atin dahil aalis na ako sa boarding house na iyan! Sabi ng inay ay maghanap ako ng ibang boarding house dahil ayaw niyang makita ang anak niyang sinasaktan ng ibang tao!”

“Lalaki ka! Dapat ay tumayo ka sa sarili mong paa!”

“Oo, tatayo ako. Ngunit hindi magpaalipin. Hindi magpapa-bully!”

Hindi siya kumibo.

“Ba’t ka nagsinungaling kagabi? Ba’t ka nag-imbento ng kuwento? Sadya bang ganyan ka kasama?”

“Oo! Ganyan ako kasama! Putang-inang buhay tooooo!” ang sigaw niya, sabay paharurot sa kanyang bisekleta na tila isang motorsiklo ito na full speed. Pakiwari ko ay gusto niyang magpakamatay. Pati ang one way na daanana ang kina counter-flow niya at mistulang nagpatentero ang aming bisekleta sa mga sasakyan at tao.

“Jerome bagalan mo naman! Kung gusto mong magpakamatay, huwag kang mandamay!!!”

Ngunit hindi siya sumagot. Patuloy lang ang pagpaharurot niya sa kanyang bisekleta.

“Hinaan mo na Jerome, pleaseeee!!!” ang pagmamakaawa ko uli. Gusto ko sanang tumalon ngunit sobrang bilis ng pagpapatakbo niya at may mga tricycle at mga sasakyan pa kaming nakakasalubong. “Ano bang problema mo!”

Hindi pa rin siya sumagot. Kaya ang ginawa ko ay ang ilingkis nang mahigpit ang aking braso sa kanyang katawan. Bahagyang tiningnan niya ang aking kamay na nakalingkis sa kanya. Hindi siya pumalag sa aking ginawa at patuloy lang siya sa kanyang mabilis na pagpadyak. Mistulang humiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan sa sandaling iyon.

Hanggang sa wakas ay nakarating din kami sa eskuwelahan. Doon doon napawi ang aking takot. Pagbaba ko nang pagbaba sa bisekleta niya, imbes na magpasalamat ay sinapak ko ang ulo niya. Hindi siya gumanti. Nanatili lang siyang nakaupo sa bisekleta niya at tinitigan ako.

Tumalikod at nagmamadaling tinungo ang main door ng building. Bago ako pumasok ay nilingon ko siya. Naroon pa rin siya sa ganoon pa ring posisyon, tinitingnan ako habang pumasok sa building.

Maayos naman ang aking araw sa eskuwelahan. Pati ang test ay na perfect ko. Kaya masaya pa rin ako sa araw na iyon. Maga-alas 7 na ng gabi nang nakalabas na ako ng building upang umuwi. Nang nag-abang na ako ng masasakyan, nandoon na naman si Jerome, biglang sumulpot sa kanyang bisekleta.

“Sakay na!” ang sambit niya.

Nairita na naman ako nang makita ko siya. “Sinusundan mo ba ako?”

Ngunit hindi niya ako sinagot. “Sakay na!”

“Ba’t ako sasakay? Ayaw ko pang mamatay, gago!” ang sagot ko.

“Biglang sumungit ang kanyang mukha at tinitigan ako ng matulis. “Bakla! Sakay na!”

Gulat na gulat ako sa kanyang pagtawag sa akin ng ganoon. Napalingon ako sa aking paligid. Mabuti na lang at walang nakakakilala sa akin. “Sakay na bakla! Gusto mong mabugbog?” ang medyo nilakasan pa niyang boses.

Wala na akong nagawa kundi ang sumakay.

“Kumapit ka!” ang utos niya.

Inilingkis ko ang aking kamay sa kanyang katawan. Saka naman niya pinaharurot ang bisekleta.

“Balita ko’y binugbog mo raw ang isa sa mga kaklase ko.” Ang sambit ko.

“Mayabang na bakla. Nilalandi ako.”

“Eh kung hindi ka naman nagpunta sa lugar namin hindi ka sana lalandiin! At bakit ka ba nagpunta sa klase namin? Sino ang hinahanap mo?”

Hindi siya sumagot.

“Bakit ba pinag-iinitan mo ang mga bakla, Jerome??? Ano bang kasalanan nila sa iyo. Grabe ka naman! Wala ka bang puso? Kawawa iyong kaklase ko! Halos hindi makalakad!”

Iyon ang issue ko sa kanya sa pags

Malapit na kaming umabot sa boarding house nang nasa may bahagi na kami ng kalsada kung saan ay madilim at sira ang ilaw, may anim na kalalakihang biglang pumara sa aming sinasakyang bisikleta.

Doon na ako kinabahan.

Nang huminto na si Jerome. Agad siyang kinuwelyuhan ng pinakamalaki sa kanila. Agad na nanlaban si Jerome at kahit anim na malalaking tao ang kalaban niya, nahirapan silang patumbahin si Jerome.

Hanggang nahawakan siya ng apat na tao. Pinagsusuntok siya nang dalawa. Ngunit nakaalpas pa rin si Jerome.

“Tumakbo ka!” ang utos niya sa akin.

Kaya tumakbo ako ngunit nagsisigaw. “Saklolo! Saklolooooo!”

May mga nagsilabasang tao atsaka bumaik ako sa lugar na pinag-awayan. Nang nakabalik na ako, si Jerome na lang ang nakita kong nakabulagta sa may kalsada. Duguan, at tila hindi na gumagalaw.

“Jerome! Jeromeeeeeeee!!!”

(Itutuloy)

4 comments:

  1. Gaanda ng plot ng kwento na to.

    ReplyDelete
  2. Saan na yung next chapter??
    Sarap magbasa basa while holiday pa.

    ReplyDelete
  3. im so proud of you Jerome hehe... umamin siya sa kasalanan niya. Tama ang sinabi ng iyong anak. Sinungaling ako. Halang ang aking kaluluwa! Bully! At binubugbog ko ang mga estudyanteng mapagtripan namin sa eskuwelahan. Hinaharass ko ang anak mo! Blinackmail ko siya! Ginamit ko ang laptop niya nang walang paalam, pati ang motorsiklo niya ay ninakaw at binenta ko. Masama akong tao kaya iwasan ninyo ako! Hndi ako karapat-dapat para sa inyo!!!” ang sigaw ni Jerome sabay talikod at nagtatakbo na lumayo.

    ReplyDelete
  4. meron... hehe part 2 ng comment ko... yung pakay talaga niya sa building nila july ay si july kaso napag trip an siya ng bading na cma8 ni july kaya nabugbug.. hayss jerome lalambot na puso mo. hehe

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails