By Michael Juha
fb: Michael Juha Full
***
Ang
Mapa Ng Sri Lanka
Agad ko siyang nilapitan. Inalog ko ang katawan niya. Doon ko naaaninag
na duguan pala siya. “Jerome! Jerommeeeee! Sagutin mo ako, tangina mo!
Jeromeeeee!” ang sigaw ko.
Doon na ako nahimasmasan nang umungol siya.
“Tulungan niyo po ako! Tulungan niyo po ako!” ang sigaw ko nang
may dumaaang mga estudyante.
Ngunit dahil kilala nga si Jerome na notorious na bully, hindi palakaibigan
kaya siguro dinaanan lang nila kami. Ang iba ay nakiusyoso, may nag-video pa kahit
med’yo may kadiliman sa parteng iyon. Hindi ko naman din sila masisisi. Ako man
ay ganoon din siguro ang gagawin dahil sa inis ko sa kanya at sa awa ko na rin
sa mga estudyanteng na bully at nabugbog niya.
Ngunit wala akong magawa sa pagkakataong iyon kundi ang tulungan
siya. Hindi lang dahil ako ang kasama niya, ako ang ka-kuwarto nya, ngunit
dahil siguro kahit sino man na may nagyaring ganyan na nangangailangan ng
tulong ay dapat tulungan, regardless kung criminal siya, or rapist siya,
magnanakaw… hindi importante ang issue niya sa buhay. Ang importante sa
sandaling iyon ay kailangan niya ng tulong, at lalo na urgent ang kalagayan
niya, maaaring between life and death. At kahit papaano din naman ay pinakitaan
niya ako ng kabaitan sa araw na iyon sa pamamagitan ng paghatid at sundo sa
eskuwelahan.
“Dalhin kita sa ospital!” ang sambit ko.
“Huwag na. Uuwi na lang tayo sa boarding house. Kaya ko ito.” Ang
sagot niya habang pinilit ang sariling tumayo. Doon ko talag napansin ang
tapang niya. Tila normal lang sa kanya ang nangyari. Feeling ko ay mas ako pa
ang takot.
Ngunit kahit anong pilit niya, hindi niya kayang tumayo.
Kitang-kita ko sa kanyang mukha na nasaktan siya habang pilit niyang igalaw ang
kanyang katawan.
“Dalhin na nga kita sa ospital.” Ang sabi ko.
“Wala akong pera, ‘Tol. Wala akong pambayad. Sa boarding house mo
na lang ako dalhin.” ang galit niyang sabi.
Hindi na ako umimik. Dahil wala namang tumulong at wala ring
dumaang tricycle, kinuha ko ang bisekleta, pinatayo iyon at isinandal siya sa
aking tagiliran. Sa kabilang tagiliran naman ay hinawakan ko si Jerome at pilit
na ipinatayo. “Magbisekleta tayo. Kaya mong sumakay?” ang tanong ko sa kanya.
“K-kaya ko iyan.” Ang sagot niya.
Tinulungan ko siyang makaangkas muna bago ako sumakay. Nahirapan
man at namilipit sa sakit, pinilit niya ang kanyang sariling maupo sa likurang
upuan. “Kapit ka sa akin upang hindi ka malaglag.” Ang utos ko nang nakaupo na
siya at handa ko nang patakbuhin ang bisekleta. Kumapit naman siya. Inilingkis
niya ang kanyang braso sa aking baywang.
“M-may saksak ako sa may kaliwang balikat... sa bandang kilikili.
Myroon din sa kanang braso nang nasangga nito ang saksak sana na sa dibdib ko
tatama.” Ang sambit niya nang pinapatakbo ko na ang bisekleta.
“Yan! Tapos ang sabi mo ay huwag magpa-ospital. Gago ka!” at
pinagalitan ko talaga siya. Dahil sa sinabi niyang iyon ay inilihis ko ang
bisekleta sa daan patungo sa ospital imbes na sa daan patungo sa boarding
house.
Nang napansin niyang lumihis ako ng kalsada, doon na siya nagalit,
“Saan mo ba ako dadalhin? Dapat sa boardinghouse!” ang pilit niyang pagsasalita
bagamat halatang nahirapan.
“Tumahimik ka nga!”
Hindi na siya nagsalita. Marahil ay nawalan na siya ng lakas dahil
napansin kong lumuwag ang pagkapit niya sa akin. Dahil doon ay binilisan ko ang
pagpadyak sa bisekleta. Hanggang nakarating kami sa ospital. Doon ko na nakita
na halos mabalot ng dugo ang kanyang damit ast pantalon, at noon ko lang din
naramdaman na may dugo rin ang aking kamay at basa ang aking likod.
Inasikaso naman siya kaagad ng mga taga Emergency. kinuha ang mga
basic na information sa akin dahil halos mawalan na nang malay si Jerome.
Tinawagan ko ang aking inay. Hindi ko kasi alam ang aking gagawin.
“Ma… si Jerome! Nabugbog at may saksak siya sa katawan! Nandito ako ngayon sa
ospital ma!”
“Oh my… Sige nak, pupuntahan kita ngayon din. Hintayin mo ako!”
“Sir… kilala niyo po ba ang mga magulang o kamag-anank na nasaksak?”
ang tanong sa akin ng nurse.
“Hindi po Miss eh.”
“Kailangan kasi niya ng dugo… dapat ay maabunuhan siya agad.”
Dahil wala akong ibang maisip, “M-miss, p-puwede kaya akong
mag-donate? Kung puwede ang dugo ko?” ang nasambit ko.
Dali dali akong dinala sa laboratory at ineksamin ang aking dugo.
Sa isip ko ay sana, pareho nga kami ng dugo ni Jerome upang hindi na siya
gagastos pa sa pagbili ng dugo. Nang lumabas ang resulta, doon na ako natuwa
dahil puwede raw akong magdonate ng dugo sa kanya!
Agad akong kinunan ako ng dugo. Doon na rin ako naabutan na inay
sa laboratory.
“Kumusta ka na anak?” ang tanong ng inay na nakaupo sa gilid ng
aking kama kung saan ako kinunan ng dugo.
“Okay naman, ma…”
“Akala ko ba ay galit ka kay Jerome.” Ang sambit ng inay.
“Walang choice ma. Roommate ko siya at nagkataong ako pa ang sakay
sa bisekleta niya nang binugbog siya.”
“Sumakay ka sa bisekleta niya?”
“Opo ma. Mali-late na kasi ako sa test ko kaya niya ako hinatid.
Tapos pag-uwi ay sinundo rin niya ako.”
“Mabait naman pala…” ang sambit ng inay.
“Siguro nga ma. Nang binugbog na siya, prinotektahan pa talaga
niya ako. Inutusan niya ako na tumakbo upang hindi madamay. Nang may humabol
naman sa akin na isa sa mga bumugbog sa kanya, hinabol din niya ito at sinipa,
pinaulanan ng sinuntok. Kaya hayun, siya ang napuruhan.”
“Hmmm.”
“Tulungan natin siya, ma. Ayaw sana niyang magpa-ospital gawa nang
walang pambayad. Hindi ko rin alam kung paano ma contact ang pamilya niya eh.
Nakakaawa naman.”
“Okay anak. Tulungan natin siya sa mga bills niya sa ospital.” Ang
sagot ng aking inay. “So… hindi ka na lilipat pa ng boarding house?”
“Lilipat ako, Ma… hintayin lang natin na gumaling na si Jerome. O
kung may kamag-anak siya na tutulong sa kanya, puwede na akong umalis sa
boarding house.”
“May kilala ka bang kamang-anak niya?”
“Hindi ko alam, ma eh. Magtatanong pa ako sa mga kasama namin sa
boarding house.”
“Okay anak. Siguro naman kung susulpot ang mga kamag-anak niya ay
matutulungan siya.”
Dahil hindi namin alam ang mga kamag-anak niya, ang inay muna ang
nag-shoulder sa lahat ng gastusin ni Jerome sa ospital.
Mag-uumaga na nang tinungo namin ng inay ang kuwarto ni Jerome.
Nakita ko ang dugo na dinonate ko sa bag na may tube patungo sa pupulsuhan ni
Jerome kung saan naman ay nakaturok ang karayom sa kanyang ugat. May nakalagay
ring oxygen tubes sa kanyang ilong. Nakabitin ang kanyang kanang paa na may
semento dahil may bali raw ito. Naka hubad ang pang-itaas niyang katawan ngunit
may bendahe ito dahil sa saksak sa kanyang balikat at braso na may bendahe rin.
“Ligtas ka na.” Ang sabi ko sa kanya.
“Puwede bang umalis na ako mamaya?”
“Tatalong araw ka pa raw dito. Obserbahan pa nila ang kalagayan
mo.”
“Kahit bukas na lang?”
“Sasabihin ko sa doktor.” Ang sagot ko.
“Saan ba ang mga kamag-anak mo Jerome?” ang tanong ng inay.
Tiningnan niya ang inay atsaka ibinaling ang kanyang paningin sa
kisame. “Wala na akong mga magulang, Steff. Kung mayroon man, wala silang
pakialam.”
Nagkatinginan kami ng inay. Nahiwagaan sa kanyang sagot. “Anong
ibig mong sabihin?” ang tanong uli ng inay.
“Ah, basta wala akong mga magulang.” Ang sagot uli niya na tila
ayaw pag-usapan ang tungkol sa kanyang mga magulang.
“Ah okay...” ang sagot na lang ng aking inay. “Wala ka rin bang
kapatid?” ang dugtong niyang tanong.
“Huwag na natin silang pag-usapan, Steff. Ayoko ng drama.” Ang
sagot niya uli habang binitiwan ang isang pilit na ngiti.
“Okay, it’s up to you, Jerome. I’ll respect that kung ayaw mong
sabihin.”
“Pasensya ka na pala doon sa inasta ko sa pag-invite mo sa akin.”
Ang sambit niya sabay tingin sa akin, pahiwatig sa kanyang pang-aasar sa akin
sa tagpo na iyon.
“Kay July ka manghingi ng sorry, Jerome. Siya ang nasaktan mo.”
Tiningnan ako ni Jerome. Tiningnan ko rin siya, iyong halatang may
inis.
“Galit iyan sa akin eh.”
“Hindi iyan galit. Siya nga ang nagdala sa iyo rito, di ba? At iyang
dugo na inabuno sa iyo” turo niya sa bag ng dugo na nakalambitin sa gilid ng
kama niya. “Sa kanya iyan…” Ang sambit ng inay.
Napatingin si Jerome sa dugo ng bag. Pagkatapos ay ibinaling niya
ang kanyang tingin sa akin, binitiwan ang isang matipid na ngiti. “Sorry…” ang
sambit niya.
Ewan. Ngunit sa pagkarinig ko sa sorry niyang iyon ay tila
lumutang ako sa ulap. Iyong may halong kilig na sobrang saya. Alam kong sa nature
ni Jerome, wala sa bokabularyo niya ang salitang sorry. Para sa kanya ay isang
weakling ang taong nagso-sorry. Ngunit binanggit niya ito sa akin.
Hindi ko sinagot ang sorry niya. Hindi naman sa hindi ko tinanggap
iyon. Ngunit parang may nag-udyok sa akin na huwag ipakita sa kanya na kuntento
na ako sa sorry niya.
“May galit pa talaga sa akin, Steff.” Ang sambit niya sa aking
inay.
“At ano naman ang gusto mong isagot ko? ‘Thank you, come again’
ganoon? Tapos, pagbalik mo sa boarding house, ganoon na naman ang ugali mo!” ang
mataray kong sagot.
Napangiti naman ang aking ina. Iyong ngiti na pilit itinatago.
“Bat’t ka napangiti, Ma?” ang inis kong tanong.
“Naala ko lang ang Tito mo, ang kuya ko. Parang ganyan din kami.
Nag-aaway, nag-aasaran...”
“Hay naku Ma... hindi mo lang alam.” Ang sambit ko na lang.
“O sya, sya... huwag na tayong mag-argumento. Aalis muna ako upang
makapaligo at papasok na sa work.”
Sumabay ako sa aking inay sa pag-uwi. May pasok pa kasi ako.
Idinaan niya ako sa boarding house.
Alas 6 ng gabi nang matapos ang klase ko. Dinaanan ako ng aking inay
at dumeretso kami patungo sa ospital. Nang mapansin ko ang mga prutas sa
likurang upuan ng sasakyan, biniro ko siya. “Ang caring-caring mo naman!”
“Syempre, may karamdaman ang best friend mo.” Ang sagot din niyang
biro.
“Ma!!! Ayoko ng ganyang biro ah! Hindi ko iyan puwedeng maging
kaibigan.” Ang inis ko namang sagot.
“Ok, fine. Sasabihin na lang natin na dinalhan natin ng prutas ang
kaaway mo.” Ang sarcastic ding sagot ng inay sabay tawa.
Nakitawa na rin ako. Nang may naalala ako. “Hindi ba kailangan
niya ng mga personal na gamit sa ospital ma?”
“Ah oo nga pala. Baka kailangan niya ng tooth brush, tooth paste,
shorts, brief. Kahit wala na siguro ang T-shirt at may damit naman uniporme ang
mga pasyente.” Ang sagot ng inay.
“Okay. Bili na lang tayo ng tooth brush at tooth paste doon sa
drugstore sa harap ng ospital. Iyong short at brief naman, baka need din niya
ng T-shirt, daanan ko na lang sa boarding house.” Ang sagot ko
Kaya iyon ang ginawa namin. HInalungkat ko ang cabinet ni Jerome.
Sobrang kalat ng mga gamit niya. Naghalo ang malinis at gamit na niyang mga
damit at gamit. Kaya upang malaman ko kung bagong laba o kaya ay gamit na,
inamoy ko talaga. Madali akong nakahanap ng bagong-labang t-shirt at shorts.
Pero ang brief ay nagsawa talaga ako sa ka-aamoy. Di ko kasi malaman kung alin
ang gamit na o hindi pa. Iyong iba, ay amoy singit at panis na polbos. Iyong
iba naman ay parang may parteng inalmerol na may halong amoy panis na chlorox, iyong iba naman ay may bakat ng tila mapa ng Sri Lanka sa harapang
bahagi ng brief. Mayroon ding may amoy NH3. Naghahanap nga rin ako kung mayroon
siya noong may bakat at amoy ng durian eh. Ngunit in fairnees, wala pa siya
noon. Pero nag-enjoy naman ako sa kaka-amoy sa kanyang brief. Sa totoo lang,
tinigasan ako doon. Na-imagine ko lang iyong bakat ng harapan niya habang
natutulog siya tapos hayun, inamoy-amoy ko na ang brief niya. Pero dahil galit
ako sa kanya, nag-aalburoto pa rin ang isip ko. Parang may sumisigaw sa utak ko
ng, “Galit ka sa mga bakla ha! Binubugbog mo sila??? Sige gaganti ako sa
pamamagitan ng pag-aamoy ng mga brief mo! Tangina mo! Wala ka nang
maipagmamalaki pa! Kilala ko na ang baho mo!” Parang ganoon. Sa pag-aamoy lang
ng brief niya naipalabas ko ang aking galit sa kahayupan niya. Siguro ay masasabi
kong achievement na iyon. Nagawa kong ipaghiganti at ipaglaban ang dangal ng
mga bakla. Isa akong bayani. Puwede na akong gawan ng rebolto na itabi sa mga
rebolto nina Lapu-lapu at Andres Bonifacio. May hawak silang itak samantalang
ako ay may hawak na brief.
Pagbalik ko sa kotse ay dala-dala ko na ang mga personal na gamit
ni Jerome.
“Uy... parang masaya ka ah! Nakangiti pa!” ang sambit ng aking
inay.
“Fresh na fresh ang feeling.” Ang sagot ko.
“Bakit ano ba ang nasinghot mo?”
Napatingin naman ako sa aking inay. Iyong tingin na pahiwatig na
kumukontra sa kanyang sinabi. At sinagot ko na lang siya ng, “Secret!” Siguro
ay totoo nga ang sinasabi nilang sadyang matindi ang pang-amoy ng mga ina.
Nang dumating kami sa kuwarto ni Jerome, wala nang nakakabit sa
kanya. Normal na siyang nakahiga. Kitang-kita ko naman sa mga mata niya ang
ibayong tuwa. Bagamat hindi siya nagsasalita, ramdam ko iyon sa kanyang
pagtitig sa akin.
“May dala kaming prutas Jerome.”ang sambit ng inay.
“Binili ng mama iyan.” Ang pagsingit ko.
“At may dala rin kaming mga personal mong gamit, si July ang
kumuha niyan mula sa iyong cabinet.”
“Sa utos ng mama ko iyan.” Ang pagsingit ko uli.
Napatingin naman sa akin ang aking inay. Iyong tingin na
nagtataka. “Di ba ikaw ang nagsuggest na magdala tayo ng personal na gamit
niya?” ang sambit niya.
“Nabasa ko lang iyon sa isip mo, Ma. Kaya ako na ang nagsabi para
sa iyo.” Ang sagot ko.
Napangiti na lang ang inay na napailing. Napangiti rin si Jerome.
“Nakakahiya naman sa inyo.” Ang sabi niya.
“Talagang nakakahiya.” ang sambit ko. Gusto ko pa sanang dugtungan
ng, “Bistado na kaya kita. Naamoy ko na ang lahat ng baho mo! At alam ko na
ngayon na hawak mo ang lihim na mapa ng Sri Lanka! Wala ka nang maipagmamalaki
pa!” Ngunit sa isip ko na lang iyon.
Nang nakita ng inay na pinilit ni Jerome na i-angat ang pang-itaas
nyang katawan, agad na lumapit ang inay at tinulungan siya. Hinawakan ng inay
ang kanyang dibdib, halos iangat na lang si Jerome.
May inggit naman akong nadarama. Nang nakaupo na si Jerome nang
maayos, dinala ng inay ang prutas niya atsaka Pinakain si Jerome. Sinubuan niya
ng ubas at kinagat naman niya.
Ngunit kunwari ay wala lang sa akin iyon. Dinampot ko ang magazine
na nasa sofa at kunyari ay nagbabasa ako samantalang paminsan-minsang
sinusulyapan sila.
“Kumusta na ang pakiramdam mo?”
“Ayos na ako, Steff. Kaya ko na ang katawan ko.”
“Mabuti naman. Ano ba talaga ang nangyari?”
“Naunahan lang ako. Binanatan ba naman ako ng dos por dos sa ulo
kaya doon ako nanghina. Pero kahit papaano, may mga baling buto rin ang dalawa
roon. Nadale ko ang dos por dos at iyon ang hinataw ko sa dalawa. Kaya
nagsi-atrasan din sila. Kung hindi lang ako nasaksak ng mga iyon, kaya ko sila.”
“Sana naman Jerome ay huwag mo nang tahakin iyang magulong
buhay...” ang sambit ng inay.
“Steff, simula pa lang noong bata pa ako, magulo na ang buhay ko.
Sanay na ako. Maswerte nga’t kahit papaano ay nag-aaral ako. Ngunit baka
mahinto rin ako. Ewan kung matatapos ko pa itong semester na ito.”
Doon ako naantig sa sinabi niyang iyon. Parang may malalim siyang
pinaghugutan sa buhay. At iyong hindi na makapag-aral, mistulang may kumurot sa
aking puso.
“Ah... bakit ka mahinto sa pag-aaral?”
“Isa, itong nangyari sa akin.”
“Pangalawa?”
“Pangalawa... ito pa ring nangyari sa akin.” Sabay tawa.
“Huwag mo ngang idaan sa biro ang kalagayan, mo Jerome.”
“Bata, okay lang ako, Steff. Salamat sa concern. Pipilitin ko pa
ring makapag-aral syempre.”
Tahimik.
“Oo nga pala, pinayagan na akong makalabas ng ospital bukas. Hindi
naman malubha ang sugat ko sa balikat at sa braso, at ang bali ko sa paa ay
puwede namang sa bahay na magpagaling. Pati itong sugat ko sa ulo, gawa ng
pagpalo nila ng dos-por-dos ay balat lang naman daw ang napinsala kaya wala ito.
Literal na matigas talaga ang ulo ko.” Ang sambit niya sabay tawa.
“Ah ganoon ba? Mas mabuti. Bukas ay daanan ka uli namin dito at
ihahatid ko kayo sa boarding house ninyo. May wheel chair naman ang kasama ko
sa trabaho na hindi ginagamit, hihiramin ko iyon para magamit mo.” Ang sambit
ng inay.
“Hindi na yata kailangan, Steff. Kaya ko na atang maglakad.”
“Kayang maglakad eh, may semento ka sa paa!”
“Kaya ko iyan...” ang sambit niya.
Paalis na kami nang, “Kung dito ka na lang kaya, July para may
bantay si Jerome sa buong gabi.”
Napatingin naman ako sa aking inay. “Kaya niya iyan, Nay.” Ang
sagot ko.
“Huwag na, Steff. Nakakahiya kay July.” Ang sambit ni Jerome.
Ngunit nang tiningnan ko siya, tila iba ang mensaheng ipinaabot ng
kanyang titig sa akin. Mistulang nagmamakaawa.
Kaya “Sige na nga!” ang sambit
kong nagmamaktol.
Kaya nagpaiwan ako. Nang kami na lang dalawa ang nasa loob ng
kuwarto, wala kaming imikan. Nakahiga siya sa kama at ako naman ay naupo sa
sofa, kunyari ay nanuod ng TV bagamat hindi pumapasok sa isip ko ang aking
pinapanuod. Sabagay, ganyan din kami sa kuwarto, walang imikan. Kapag nagkausap
naman kami, murahan, bangayan. Paano, hindi ko pa rin malimutan iyong pagnakaw
niya sa motorsiklo ko.
Maya-maya ay nagsalita rin siya. “Salamat sa pagtulong mo sa
akin.”
Na sinupalpal ko naman ng, “Sa inay ka magpasalamat. Siya ang
nagbayad ng bills mo sa ospital.”
“Iyong pagdala mo sa akin dito.”
“Hindi ko ginawa nang dahil sa iyo. Ginawa ko iyon dahil ayaw kong
mamatay ka na ako ang kasama mo. Takot akong makasuhan, baka ako pa ang
mapagbentangan na nakapatay sa iyo.”
“Iyong dugo mo na inabuno sa akin.”
“Hindi thank you, iyon, tanga! Idagdag mo iyon sa bayad mo sa
motorsiklo ko na ninakaw mo!”
Napangiti siya. “Galit ka pa ba talaga sa akin?”
“Ano sa palagay mo? Ang motorsiklo ko ninakaw mo. Nasaan ang
sinabi mong babayaran mo ako? Wala ka ngang pera eh! At iyong pangha-harass mo
sa akin sa kuwarto? Iyong pambabatok mo sa akin? Iyong pamba-blackmail mo sa
akin... na sasabihin mo ang lihim ko kapag hindi ako sumunod sa iuutos mo. Malilimutan
ko ba ang mga iyon? Kung puwede nga lang ay babaliin ko pa yang isa mong paa
eh.” Ang sabi ko. Ewan ko rin ba. Hindiko rin maintindihan ang sarili ko. Sa
loob-loob ko ay may awa akong nadarama sa kalagayan niya ngunit sa ipinakita
niyang kayabangan ba, o sadyang ganyan lang talaga ang mga matatapang o siga na
lalaki, hindi nagpapakita ng kahinaan, kaya inis na inis pa rin ako sa kanya.
“Ahh. Shittt!” ang narinig kong daing niya. Pinilit pala niyang
bumalikwas at tumayo.
“Saan ka ba pupunta?” ang tanong ko.
“Naiihi ako.” Ang sagot niya.
Dahil hindi ko rin natiis sa nakitang nahirapan siyang maglakad patungo
sa banyo, agad ko siyang inalalayan. Nang nasa loob na siya ng banyo, walang
kiyemeng hinila niya pataas ang kanyang damit pang-pasyente dahil mahaba ito at
inipit sa kanyang baba. Tapos ay hinawi naman ng kanyang kamay ang kanyang
brief upang lumabas ang kanyang ari. Ako na ang nagkusang tumalikod. Ganyan
naman talaga ang mga lalaki. Kapag kapwa lalaki ang kasama, bale-wala lang kung
makita ng kasama ang kanilang ari.
Nang matapos na siyang umihi abot-tainga ang kanyang ngiti na tila
may nagawang kabulastugan.
“Bat ka nakangiti?” ang tanong ko
“Wala... naihian ko ang damit ko, pati na ang brief!” ang sagot
niyang tumatawa. Marahil ay dahil nahirapan siyang igalaw ang kanyang isang
kamay, dagdagan pa sa kanyang paang may semento kung kaya ay nagkaletse-letse
ang kanyang pag-ihi.
“Eww.”
Paika-ikang bumalik siya sa kanyang higaan at pinindot iyong switch
na pantawag ng nurse. Nang pumasok ang nurse, doon siya binigyan ng bagong
damit.
Nang nakaalis na ang nurse, walang kiyeme pa ring hinubad niya ang
kanyang damit pampasyente. Kahit hirap na hirap siya sa pagtanggal noon. Pati
na ang kanyang brief. At itinapon pa talaga niya ang brief niya sa mukha ko.
“Salbahe ka!” ang sambit ko. Ang hindi lang niya alam ay nasinghot
ko na ang iba’t-ibang klaseng amoy ng kanyang maruruming brief.
Tumawa lang siya.
“Hindi ka ba nahihiyang maghubad sa harap ko?”
“Bakit ako mahihiya? Nakita mo na ang pagkalalaki ko noong unang
araw mo pa lang sa kuwarto natin, ‘di ba? Anong ikahihiya ko? Atsaka ikaw, kung
gusto mong maghubad, puwede ka namang maghubad ah! Wala naman akong pakialam
kung may bayag ka o wala.”
Hindi ko na pinatulan pa ang kanyang sinabi. Nang nakita kong
magbihis na sana siya, doon na ako nagkumento. “Magbihis ka na hindi man lang
naligo?”
Bawal mabasa itong semento sa paa ko at mga sugat ko, kaya hindi
ako puwedeng maligo. Puwede sanang kahit punas na lang sa katawan. Kaso wala
namang puwedeng pupunas sa katawan ko.” Ang pagpaparinig pa niya.
“E di, may isang tao naman siguro rito sa kuwarto na ito na kung
pakisuyuan lang ng maayos ay baka papayag naman. Ba’t hindi ka makisuyo sa
kanya?” ang sarkastiko kong sabi.
“Ah, talaga? Papayag kaya siya?”
“E di, subukan mo, tanga! Malay natin.”
“Nasaan pala siya?”
“Gago! Makaalis na nga rito! Mabuti pang sa labas na muna ako para
may makausap namang matino.” Ang pagmamaktol ko.
“Huwag ka nang lumabas, bakla. Punasan mo muna ang katawan ko.”
Doon na lumaki ang aking mga mata sa sinabi niyang salitang
“bakla”. Sa lahat ng ayaw ko pa naman ay iyong tawagin akong bakla. Nilapitan
ko siya. “Anong sabi mo? Ulitin mo nga? Mag-ingat ka sa pinagsasabi mo, Jerome.
Tandaan mo, tayong dalawa lang nang nandito sa kuwarto na ito. At sa kalagayan
mong iyan ay wala kang kalaban-laban kung ano ang gagawin ko sa iyo. Puwede
kong baliin iang kabila mong paa o kahit iyang isa mong kamay ay puwede kong
hamablusin iyan. Nakita mo iyang flat TV? Lalanding iyan sa mukha mo kapag
hindi ka umayos!” Ang pananakot ko.
Napangiti siya. “Ang harsh mo naman. Nakakatakot! Mas nakakatakot
pa kaysa anim na lalaking nakasagupaan ko.” Ang sarkastiko niyang sabi. “Ang
sabi ko lang naman ay punasan mo ang katawan ko.” Dugtong niya.
“Kung ganoon, huwag kang feeling amo at basta na lang utusan ako.”
“Paano ko ba sasabihin?”
“Ano ba ang sasabihin mo kapag nakikisuyo ka sa akin?”
“Punasan mo ang katawan ko, bakla.”
Doon ko na siya binatukan at pinaghahampas ang kanyang sinementong
paa bagamat hindi ko naman nilakasan. “Bakla pala ha bakla pala! Tangina mo!
Kahit ganyan na ang kalagayan mo, wala ka pa ring ipinagbago? Salbahe ka pa
rin? Ulitin mo! Ulitin mo!”
At inulit nga niya. “Punasan mo ang katawan ko, bakla.”
“Hindi iyan, putangina! Ginalit mo talaga ako ah!!!”
“Ano ba dapat?”
“Lagyan mo ng please!!!” ang sigaw ko.
“Punasan mo ang katawan ko, bakla. Please...”
Napatitig na lang ako sa kanya. Sa isip ko ay hopeless talagang
kausap ang isang salbahe. “Ewan ko sa
iyo, Jerome.” Ang sambit kong nagdadabog, tinumbok ang banyo. Naglagay ako ng
tubig na mainit sa maliit na palanggana. Sinadya kong purong mainit na tubig ilalagay.
Nang nasa kalahati na ng palanggana ang tubig, dinala ko ito sa kama ni Jerome.
May labakara din naman akong dala, iyon ang ginamit ko.
“Purong mainit na tubig ito kaya huwag kang magmatigas d’yan kung
ayaw mong malapnos ang balat mo!”
“Opo bakla.”
“Jerome! Hindi ka ba titigil sa katatawag sa akin ng bakla?”
“Tayong dalawa lang naman, dito, di ba? Sikreto natin iyan, bakla.”
“At paano kung masanay ka at magkamali iyang bibig mo” at tinampal
ko talaga ang kanyang bibig “...at sa harap pa ng aking inay ikaw magkamali,
aber?”
“Tangina ang sakit noon ah!”
“Paano nga kung magkamali ka?”
“Ako na ang bahala roon! Pati ang sikreto mo na super crush mo
ako, sikreto rin natin iyon. Magkunwari na lang ako na hindi alam para hindi ka
naman mahihiya sa akin. Promise di ko talaga alam na bakla ka!” Ang sarkastikong
sagot naman niya na binitiwan pa ang nakakalokong ngiti na may pakindat-kindat
pa, iyong kindat na nang-aakit.
In fairness, ang guwapo talaga ng mokong sa ginawa niyang
pagpapa-cute. Lalo na sa kanyang binitiwang ngiti. Tila iyon ang kanyang ultimate
na pamatay talaga! Ang sandata niya upang madisarmahan ang sino mang taong gusto
niyang mabighani. Iyon pa lang yata ang pangalawa o pangatlong pagkakataong
nakita ko siyang ngumiti. Ganoon kadalang siyang ngumiti, ngunit kapag ngumit
naman ay tila mawawala ka sa sarili, mistulang maaalipin ka sa kanyang
kapangyarihan. Sulit. At bagamat normal lang na pagpapa-cute niya, walang ka
effort-effort, talagang litaw ang kapogian niya.
Napatitig ako sandali sa kanya. Nabighani. At... “Gago! Hindi na
kita crush no! At wala akong crush na kawatan ng motorsiklo!” ang sagot ko namang
pagdadabog sabay dampi sa mainit na labakara sa ibabaw ng kanyang tiyan, na
dahil sa sobrang init ay nabitawan ko at dumikit sa ibabaw ng kanyang tiyan.
Napaigting naman siya at nataranata. At sa kanyang pagkataranta ay
simbilis ng kidlat na dinampot niya ang labakara sa kanyang tiyan at itinapon
ito sa sahig. “Tangina ang initttt!!!” ang sigaw niya.
Dali-dali akong tumayo at naupo sa sofa na hindi magkamayaw sa
sobrang pagtatawa dahil sa bilis niyang gumalaw na akala mo ay hindi nabalian
at nasaksak. Hanggang sa napaluha ako sa katatawa. “Parang hindi ka baldado sa
bilis ng pagdampot at pagtapon mo sa labakara ah!” ang biro ko habang patuloy
pa rin siyang pinagtatawanan.
“Bakla, kapag ako naman ang naka-isa sa iyo... humanda ka.” Ang
pagbabanta niyang tumawa rin.
“Iyan ang sinabi ko sa iyo. Mag-ingat ka dahil tayong dalawa lang
dito at kahit ano ang gagawin ko sa iyong baldado ka, wala kang magagawa.” Ang
sambit ko habang tumatawa pa rin.
Natahimik na lang siya. Nakangiting tinitigan ako habang tumatawa.
Ewan kung ano ang nasa isip niya. Na-kyutan ba siya sa pagtatawa ko, o gusto
lang niyang manahimik.
“Talagang sinadya mong magpatawa upang mapansin ko iyang braces sa
ngipin ano?” Ang paglihis niya sa topic.
Bigla akong nahinto sa pagtatawa. May braces kasi ako dahil iyong
dalawang tulis na ngipin ko ay umusli sa linya.
“Kahit hindi ako pumapatol sa bakla, naku-kyutan ako sa braces mo.
Braces mo ha, hindi iyang pagmumukha mo.” Ang dugtong niya.
“Ulol! Dati na akong cute. Kung alam mo lang, may mga secret
admirer din ako.” Ang sabi ko. Totoo naman din na may mga secret admirers ako.
Marami ring nagka-crush sa akin. Sa katunayan, halos limang libo na ang listahan
ng friends ko sa fb at may mahigit limang libo pang nakapending na friend
requests.
“Mga babae?” ang tanong niya.
“Alangan namang mga lalaki. Nagka-crush ba ang lalaki sa kapwa
lalaki?” ang pabalang kong sagot.
“Mayroon! Iyong lalaking katulad mo.” Bahagyang nahinto siya.
“Kawawang mga babae.”
Hindi ko na siya sinagot. Mistulang hinataw ang aking ulo ng
matigas na bagay sa sinabi niya at bigla akong natauhan. Naisip ko kasi ang
sinabi niyang kawawang mga babae na nagka-crush sa akin. Parang ako lang din,
kawawa. Isang bakla na nagkaroon ng crush sa isang lalaki, na hindi lang bully
at salbahe, imposible pang pumatol sa isang katulad ko. Tila may gumapang na
lungkot sa aking sistema sa sinabi niyang iyon.
Tahimik na pinulot ko ang labakara na nasa sahig at nilabhan iyon
sa banyo. Pagkatapos ay bumalik ako sa kama niya. Hindi na mainit ang tubig.
Tama lang ito. Kaya itinuloy ko na ang pagpunas sa katawan niya.
Habang pinupunasan ay kinakausap ko siya. “Kapag magaling ka na,
aalis na ako sa boarding house at lilipat na ako. May dating ka batch ako sa
high school na sa schoolmate din natin, sa Education department naman siya. May
isang bakante raw sa boarding house nila, puwede ako roon.” Ang seryoso kong
sabi.
“Iiwanan mo na ako?”
“Oo. Di ba iyan naman palagi ang target mo? Ang takutin at i-bully
ang roommate mo upang umalis? At least sa akin, hindi masisira ang record mo na
walang tumatagal na roommate. Ikaw pa rin ang nag-iisang siga sa boarding house
na iyan. Isa ka pa ring alamat sa pagpapalayas ng ka roommate”
Hindi niya pinatulan ang sinabi ko. Nanatili siyang tahimik.
“Wala ka ba talagang mga magulang? O kapatid na mag-aalaga sa
iyo?” ang tanong ko. Gusto ko pa sanang sabihin na mas maaga akong aalis kapag
may mag-aalaga sana sa kanya.
“Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko?” ang sagot niya.
“Parang hindi naman totoo.”
“Nasa iyo iyan kung ayaw mong maniwala. Atsaka okay lang naman
kung walang mag-aalaga sa akin. Hindi mo obligasyon iyan, at wala kang
obligasyon kahit na katiting sa akin. Kahit may mangyari pa sa akin ay hindi mo
ako sagutin. Sino ba ako sa iyo? Ano ba kita? Di ba?” Ang seryoso niyang sabi.
Medyo natameme ako sa sinabi niyang iyon. Nahinto ako sa aking
pagpunas sa kanyang katawan. Ang tanong niyang iyon ay mistulang isang sibat na
tumusok sa aking puso. Tama nga naman siya. Wala akong obligasyon na alagaan
siya. Wala kaming relasyon. Maliban sa ninakaw niyang motorsiklo ko, hindi na
dapat ako nag-abala pa ng panahon, pagsisikap, pera, at kahit dugo ko sa kanya.
Tila bull’s eye na natumbok niya ang pinakasentro ng mga katanungan kung bakit
binibigyang halaga ko siya, kung bakit nanatili ako sa poder niya sa kabila ng
kanyang pagkasalbahe, sa kabila ng hindi ko siya kadugo o kapamilya.
Napabuntong-hininga na lang ako. “Bakit nga ba? Dahil ba crush ko siya? Iyon
lang ba ang dahilan?” ang tanong ko sa sarili. Hindi ko na sinagot ang tanong
niyang iyon. Pansamantalang itinabi ko ito sa aking isip bagamat nag-iwan ito
ng malalim na marka.
Itinuloy ko ang pagpunas sa kanyang dibdib, patungo sa kanyang
tiyan. Nang nasa may bandang gitnang katawan na ako itutuloy ko pa sana ito sa
may singit niya ngunit biglang hinawakan niya ang aking kamay kaya nahinto ang
aking pagpunas.
Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin. Nagtitigan
kami. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.
Bigla kong hinablot ang aking kamay. “Tangina! Ang arte-arte!
Huwag kang mag-alala, hindi ko pagsamantalahan iyang ari mo! At wala pa akong
karanasan sa sex, lalo na sa kapwa lalaki. At kung gusto ko mang makipagsex, siguraduhin
kong gusto rin ako ng lalaki! Hindi ako manyak. Hindi ako rapist! Hindi ako
mapagsamantala!”
Hindi siya sumagot. Binitiwan niya ang aking kamay kaya itinuloy
ko ang pagpunas sa kanyang singit. At syempre, dahil wala naman talaga akong
masamang intensyon, pati ang ari niya at hinawakan ko at pinunasan ang kabuuan
noon. Hindi naman siya tumutol. Hanggang pinunasan ko na rin ang kanyang bayag,
ang kanyang singit patungo ng kanyang tumbong.
Sa totoo lang, nag-init ang aking katawan sa ginawa kong iyon. Iyon
ang pinakaunang karanasan ko na makahawak ng ari ng lalaki. Iyon ang
pinakaunang karanasan ko na sa harap ko ay nakatihaya ang aking crush,
ipinagkatiwala sa akin ang kanyang sandata. Sa buong buhay ko ay hindi pa ako
nakaranas ng sex. Sa nakita ko sa ang ari niya, nahawakan pa, kulang na lang na
paglaruan ko ito sa aking mga kamay o isubo sa aking bibig. Ngunit syempre, sa
sinabi ko na, hindi ako mapagsamantala at ayaw ko rin iyong pilit na
pakikipagtalik. Nanggigigil at nasasabik man ako, nanaig pa rin ang hiya kung
ipagpilitan ko ang aking sarili. Nanaig ang takot na baka pagkatapos ko siyang
pagsamantalahan ay ipagkakalat niya na ginamit ko siya, at bababa ang pagtingin
niya sa akin at alipustain niya ako. Tama nang alam niya na crush ko siya.
Hindi ako bababa pa sa level na ako na mismo ang bumalahura sa pagkatao at reputasyon ko. Iyon lang ang maipagmamalaki
ko.
Nang matapos ko na siyang punasan kinuha ko ang brief na dinala ko
para sa kanya. Doon na siya nagreact. “Parang wala yata akong natatandaang
brief na ganyan...” ang sambit niya.
“Talagang wala dahil brief ko to!” ang sagot ko naman.
“Pinapasuot mo ako ng brief mo?”
“At ano ang ipapasuot ko sa iyo? Iyong mga brief mo na butas-butas?
Iyong mapanghi? Amoy ewan? Puro marurumi?”
“Inamoy mo ang mga brief ko?”
“Jerome, kahit hindi ko pa amuyin ang brief mo, kahit nasa labas
pa ng kuwarto ang tao, amoy na amoy na ang mabaho mong brief na nakatambak sa
labahan mo!” ang mataray kong sagot. “Huwag ka nang mag-inarte. Limang beses ko
pa atang nagamit iyang brief na iyan. Bagong laba iyan.” Ang dugtong ko habang sinimulan
ko na itong isukbit sa kanyang paa. “Magpasalamat ka pa nga na kahit papaano ay
may maisuot ka!”
“Wala kang buni?”
Tinampal ko ang bibig niya. “Kung may buni man sa ating dalawa,
ikaw iyon dahil sa dumi ng mga gamit mo!”
Wala na siyang nagawa pa kundi ang isuot ang aking brief.
Iyon ang eksena namin sa ospital. Okrayan, bangayan, barahan,
patutsadahan, at mayroon ding seryosohan at prangkahang usapan. Ngunit kahit
ganyan kami, hindi ko maipagkaila sa sarili na iyon ang isa sa pinakamasayang
gabi ng aking buhay. Kahit pagod ako at walang tulog, parang napakataas na
aking energy. Ewan. Galit ako sa kanya ngunit may kakaiba akong naramdaman sa
kaloob-looban ng aking puso.
Kinabukasan ay sinundo kami ng aking inay. Dahil wala namang pasok
kung kaya ay hindi kami nagmadali. Ang inay naman ay may dadaluhan daw na
meeting kaya hindi rin siya nagtagal.
Nang nasa loob na kami ng aming kuwarto. “Dahil baldado ka na,
gusto kong ang rules ko ang masusunod sa kuwartong ito habang nandito pa ako.”
Ang sambit ko habang nakahiga siya sa kanyang kama.
“Aba... exciting ito.” Ang sarkastikong sagot niya.
“Una, ako ang masusunod sa mga channel ng TV. Ako ang hahawak ng
remote. Pangalawa, dahil baldado ka nga, papayagan kitang manigarilyo sa loob
ng kuwarto ngunit kapag hindi ka na baldado, kung gusto mo talagang
manigarilyo, sa labas. O mas maigi ay huwag nang maninigarilyo. Pangatlo, dapat
ay walang kalat sa kuwarto na ito. Dapat ang lahat ay nasa basurahan. Dapat ay
malinis ang sahig at lahat ng gamit. Kung may lumabag sa rule na ito, babalian
ko ng buto sa binti o di kaya ay sasaksakin ko sa braso o sa balikat....”
Natawa siya dahil iyon ang mga natamong pinsala niya.
“Pang-apat, ang mga labahan ay dapat labhan kaagad. Hindi iyong
ipinaghalo ang marumi sa malinis. Kapag may naamoy akong brief na mabaho,
isasabit ko iyan sa labas ng pinto ng kuwarto na ito, at tatakan ko ng pangalan
ng may-ari ng brief.”
Tumawa uli siya. Alam niyang siya ang pinatatamaan ko sa lahat ng
rules na iyon.
“Approved ba ang rule na ito sa iyo, Dado?”
“Dado ka d’yan. Anong Dado?”
“Short for baldado. Dado!”
Natawa siya. “Okay. Approved sa akin iyan, bakla!”
Tawanan kaming dalawa.
Ngunit may pahabol siya. “Kapag gumaling na ako, rules ko naman ang masusunod.”
“Yes, dahil kapag gumaling ka na. Bago na ang ka-kuwarto mo at
siguradong takot iyon sa iyo.” Ang sagot ko rin.
Natahimik siya sa pagkarinig niya sa sinabi kong iyon. Tila may
lungkot sa kanyang mga mata. Ngunit hindi ko na ito binigyang pansin.
Sumunod naman siya sa rule. Ngunit sa akin pa rin ang bagsak ng
marami. Dahil baldado nga siya, ako ang naglilinis ng kuwarto, ako ang
naglalaba ng aming mga damit, pati ang mga brief niyang halos inaamag na. Ako
ang nag-aalaga sa kanya, nagdadala ng pagkain sa kuwarto para sa kanya na halos
ay susubuan ko na lang, ako ang taga-bili ng kung anong gusto niyang ipapabili,
ako ang taga-paligo sa kanya. Ako ang alila.
Pero sa kabuuan, happy pa rin ako. Akin ang lahat nang gawain
ngunit unlimited ang motivation. Palagi kaming nag-aalaskahan ngunit sobrang
inspired.
Isang araw ay may kumatok sa pinto ng aming kuwarto. Nang binuksan
ko ay nakita ko ang lalaki na nasa 30 ang edad. May hitsura, maganda ang
pangangatawan. Kasing tangkad ni Jerome. Makinis ang kutis, magarang manamit,
at mamahalin ang kanyang mga suot na gamit. Sa tingin ko ay anak-mayaman siya o
galing sa isang mayamang angkan.
“Sino po ang kailangan nila?” ang tanong ko.
“Nariyan ba si Jerome?” ang tanong niya.
“N-nandito po.” Ang sagot ko. At baling kay Jerome na kasalukuyang
nanunood ng TV, “Jerome! May bisita ka!”
“Itanong mo ang pangalan. Kung siya si Allan ay huwag mong
papasukin. Itanong mo kung ano ang pakay.”
“K-kayo po ba si Allan?”
Tumango ang lalaki.
Agad akong lumabas at isinara ang pinto. “Ang sabi ni Jerome ay
itatanong ko na lang daw sa iyo kung ano ang pakay ninyo.” Ang sambit ko.
Kitang-kita ko sa mukha ng lalaki ang pagkadismaya. “Tsk! Tsk!
Lintek na buhay ito, o...” ang narinig kong pagmamaktol ng lalaki. Agad niyang
tinungo ang pinto at kinatok ito nang kinatok. “Jerome! Tol! Papasukin mo ako!
Kausapin mo ako! Gusto kang makausap ni Dad!”
“Wag niyo akong gamabalain Tangina ninyooooooo! Wala akong
pakialam sa inyoooo!” ang sigaw ni Jerome sa loob ng kuarto.
Ako mang ay nagulat sa inastang iyon ni Jerome. “S-sir, kung
maaari ay bumalik na lang po kayo sa ibang araw. O puede ring kung may mensahe
kayo sa kanya, ako na lang ang magsasabi kay Jerome.” Ang sambit ko.
May hinugot siyang sulat mula sa kanyang bulsa. “Pakibigay na lang
ito kay Jerome” ang sabi niya.
Pagkatanggap ko ng sulat ay dali-dali ring umalis ang tao.
Agad kong ibinigay kay Jerome ang sulat. Binuksan niya ang
envelope at binasa iyon. Pagkatapos niyang mabasa, galit na nagalit na
nilamukos niya ang sulat at itinapon sa basurahan.
“PUTANGINA NILAAAAAAAA!!!” Ang galit na galit na sigaw ni Jerome.
Very very nice story ...kinilig ako...ehehe EHEK"""kailan po update Nang 5 ....excited napo ako
ReplyDeleteWow super very nice love story......kinilig ako......ehehe EHEK... KAILAN PO UPDATE NG CHAPTER 5 I'm excited much
ReplyDeleteKailan po update ng chapter 5...I'm so excited...super very nice story....
ReplyDeleteKailan po update ng chapter 5...I'm so excited...super very nice story....
ReplyDeleteVery very nice story ...kinilig ako...ehehe EHEK"""kailan po update Nang 5 ....excited napo ako
ReplyDeletebrad. alam ko yung EHek na yan ahh.... ANG BABY BOY. hehehehe.
Deleteganda ng story..... thank you author
ReplyDelete“Uy... parang masaya ka ah! Nakangiti pa!” ang sambit ng aking inay.
ReplyDeletehaha ndi maubos tawa ko sa Line na ito ni july at mama niya.
“Fresh na fresh ang feeling.” Ang sagot ko.
“Bakit ano ba ang nasinghot mo? ETO pa.
“Bistado na kaya kita. Naamoy ko na ang lahat ng baho mo! At alam ko na ngayon na hawak mo ang lihim na mapa ng Sri Lanka! Wala ka nang maipagmamalaki pa!” ANG SRI LANKA. hahahaha,
Nice story thank you author 😊
ReplyDelete