Followers

Friday, March 2, 2018

Loving You... Again Chapter 62 - Security





  



Author's note...



Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila. Pati na rin po pala iyung mga kanta.

Dalawa pa.

Heto na po ang Chapter 62! Happy reading!







Book 1: | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |


Book 2: | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 |
 
37 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 |


Book 3:
47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 54 | 55 | 56 | 57 | 58 | 59 | 60 | 61 |











Chapter 62:
Security



























Edmund's POV



          Pumasok na kami sa abandonadong mansyon. Napakalaki ng bakuran sa mansyon ng Pallas. Kung tama ang pagkakatanda ko, nagkaroon ng salo-salo ang pamilya Pallas kasama ang ilan nilang mga kaibigan. Hanggang sa sinugod sila ng mga armadong lalaki at pinagbabaril silang lahat. Iyun ang kwento ng mga pulis. Pero sa kwento ni Sir Simon, nagsasaya ang lahat hanggang sa pinakita ng ilan nilang mga ‘kaibigan' ang kanilang totoong kulay. Kwento pa niya, imbitado ang pamilya niya sa kasiyahan na iyun pero nagpasya siyang hindi pumunta. Noong mga panahong iyun, alam na ni Sir Simon ang tunay na mukha ng pamilya Pallas.



          “Mukhang malaki ang lugar. Maghiwalay kaya tayo?" suhestyon ko agad. Kailangan mahanap namin ang matanda.



          “Sige," pagpayag ni Gerard.



          “Huwag," pagtutol naman ni Larson.



          “Larson, kailangan natin masiguro na buhay ang hinahanap natin," komento ko.



          “Ano ba ang inaalala mo?" tanong ni Gerard.



          “May mga lihim na lagusan sa loob. Nag-aalala ako. Paano na lang kung biglang sugurin tayo ni Anthony mula sa mga lagusang iyun?" paliwanag ni Larson. Lihim na mga lagusan?



          “Kaya kong alagaan ang aking sarili, pati si Gerard," sabi ko. “Kung gusto mo, magsama kayo ni Gerard sa paghahanap. Kailangan talaga natin mahanap iyung matanda bago pa mahuli ang lahat."



          “Sige, sasama ako kay Gerard."



          Naghiwalay na kami nila Gerard at Larson. Sila sa loob ng mansyon, ako sa paligid ng mansyon.



          Naging mapagmatyag ako habang naglalakad sa paligid ng mansyon. Sa bandang likuran ng mansyon, may iba pang gusali na para siguro sa mga bisita kung sakaling manatili sila dito ng mga ilang araw pa.



          Isa-isa akong naghanap sa mga gusaling ito. Sa isa sa mga gusaling iyun, nakita ko na may maduduming gamit. May lumang plato, kubyertos, at ilang pang mga plastik. Mukhang dito naglalagi iyung matandang hinahanap namin.



          Pumasok pa ako sa gusali pero hindi ko nahanap ang matanda. Naghanap pa ako sa isa pa hanggang sa nasuyod ko ang mga gusali sa likod ng mansyon. Yup, marami silang guest house. Kumusta na kaya sila Gerard? Nagse-sex kaya sila habang naghahanap?



          Nang napatingin ako sa malaking mansyon, napansin ko ang parang pababa na hagdan. Lumapit ako dito at nakita na may pintuan papunta sa basement. Nang binuksan ko ito, kaagad kong isinara ang pintuan. Bumalik ako sa entrada at tumawag kay Gerard.



          Sinagot ni Gerard ang tawag. “Hello."



          “Nandito si Mang Luke sa basement," panimula ko.



          Habang tumatawag ay nakarinig ako ng mga yapak. Palagay ko ay ito iyung yapak ni Larson na papunta dito sa kinatatayuan ko.



          “May tama sa ulo. Patay na siya."



          Ibinaba ni Gerard ang phone niya. Lumingon ako bigla sa pinanggalingan ng yapak. Nandito na si Larson.



          Iniwasan ko siya ng tingin dahil hindi ko siya kayang matingnan sa mata. Nilampasan niya ako at dumiretso na sa basement. Saktong-sakto naman na dumating na si Gerard.



          “Itawag na natin sa pulis para maimbestigahan," panuto sa akin ni Gerard.



          Habang sinasabi niya iyun, napansin ko ang pagiging blanko ng kaniyang ekspresyon. Bumaba siya papunta sa basement at palagay ko'y inaalo si Larson. Nakakarinig kasi ako ng paghikbi mula sa kinatatayuan ko.



          Dumating na ang mga pulis, ang mga kaibigan naming pulis. Sila ang pinatawag ko kaysa sa ibang pulis. Parehas lang naman. Magiging sarado ang kaso na wala man lang hustisya na matatanggap.



          Habang naghihintay, nag-group message ako sa mga taong malalapit naming kaibigan pati na rin kay Sir Simon.



          “Dito kami sa loob ng village. Sa abandonadong mansyon ng pamilya Pallas, nakita namin iyung matandang baliw. Patay na. Posibleng si Anthony ang gumawa dahil sa CCTV footage na nakita ni Larson," text ko sa kanila.



          Dumating na si Christian at si Geoffrey kasama ang SOCO. Pagkakita sa akin ni Geoffrey ay lumapit siya sa akin.



          “Iyung matandang baliw iyun ahh?" wika ni Geoffrey. “Ano nga pala ang ginagawa ni Larson dito? Nakita ko siya sa kotse mo."



          “Siya iyung nag-aalaga sa matanda kaya maayos iyung appearance," sagot ko.



          Tumango-tango si Geoffrey. “Ehh dito? Ano ang nangyari?"



          “Hindi ko alam. Patay na nang nadatnan namin. Pero ang alam ko, may nalalaman talaga iyung matanda kung sino ang pumatay doon sa kaibigan ko."



          “May ideya ka na ba kung sino?"



          “May ideya ako, kaya lang ay mahirap magturo dahil mukhang malaki ang binabangga namin. Iyung pumatay sa matanda ay walang iba kung hindi si Anthony."



          Tumilim ang tingin ni Geoffrey. “Anthony? Iyung Anthony na nakalabas daw ng piitan? Ehh, hindi ba nakumpirma nga ng mga kaibigan ninyo na nasa loob pa?"



          “Sa mga oras na iyun, oo. Pero kapag ipinakita ko sa iyo iyung CCTV ng shop, hindi ka maniniwala sa makikita mo na nasa labas iyung Anthony na iyun."



          Bumuntong-hininga si Geoffrey. “Wala bang magagawa iyung pera ni Schoneberg sa Bilibid?"



          “Meron naman. Kaya lang ay delikado kung gagawin niya ang bagay na iyun."



          “So ano na ang gagawin niyo ngayon?"



          “Kapag pumunta kami sa Bilibid, siguradong nandoon si Anthony na para bang hindi siya lumabas." Tumunog ang phone ko. “Kailangan natin na mahuli siya dito sa labas at ipalabas na nanlaban siya kapag nahuli natin."



          “Hoy, hindi ko gawain iyan o kahit ni Christian. Ipagawa mo na lang iyan sa ibang pulis na game diyan sa binabalak mo."



          Sasagot pa sana ako nang tumunog muli sa simula ang ringtone ng phone ko. “Pag-usapan natin iyan Geoffrey. May maganda akong dahilan para diyan."



          “Wala na tayong pag-"



          “Hello," sagot ko agad sa tawag. Nilagay ko pa ito sa loudspeaker mode.



          “Umm, Edmund. May masamang balita," sabi ni Keifer. “Tumawag kanina si Jonas na may masamang balita. Wala na daw si Anthony sa Bilibid."



          Nagkatinginan kami ni Geoffrey.



          “Huh? Paano mo alam?" tanong ko.



          “Kaninang umaga, pumunta sila Jonas sa Bilibid para bisitahin ang Tita ni Nicko, na doon na din nakakulong. Specifically, ni-request nilang dalhin ay iyung Tita ni Nicko at si Anthony. Iyung Tita ni Nicko lang ang binigay ng mga guard doon. Pero wala si Anthony. Dito na naghinala si Jonas at pinatawag na iyung warden ng Bilibid. Nagreklamo siya dito na hindi maibigay ng mga guard si Anthony. Kaya nagsagawa sila ng malawakang head count. Gaya ng inaasahan, may mga kulang at kasama na doon si Anthony," paliwanag niya.



          “Okay. Salamat sa report mo," ibinaba ko na ang phone habang nakatingin kay Geoffrey. “So, hindi ka pa rin ba game sa binabalak ko?"



          “Nire-request mo na gumawa ako ng human rights violation. Hindi pa rin ang sagot ko diyan."



          “Come on Geoffrey. Sige. Ipagpalagay natin na huhulihin ulit natin si Anthony. Tapos sa sumunod na araw, mababalitaan na naman natin na nakalabas siya ng kulungan. Huli ulit, labas ulit. Hindi ba nakakapagod?"



          “Oo, nakakapagod pakinggan. Pero pulis ako. Hindi ko gagawin iyang iniisip mo. Kayo ang inaagrabyado, I say na kayo ang gumawa ng iniisip mo."



          Tinapik ni Geoffrey ang balikat ko saka umalis kasama ang SOCO na may dala sa bangkay ni Mang Luke. Umiling na lang ako saka lumabas ng mansyon.



          Sa labas, kitang-kita ko naman na inaalo ni Gerard si Larson. Tumingin lang ako ng mga ilang minuto saka lumapit na sa kotse ko. Oras na para umalis sa lugar na ito.



Larson's POV



          Sa sementeryo, ipinalibing ko na agad si Mang Luke. Kasama sila Edmund at Gerard, nag-alay kami ng bulaklak habang hinuhukay na siya ng mga trabahador. Mang Luke, mami-misss kita.



          Lumapit sa akin si Gerard. “I'm sorry. Kung hindi sana ako nagpadala sa ngiti mo-"



          “Hayaan mo na iyun," pagpapatigil ko sa sinasabi niya. “Ginusto nating dalawa iyung nangyari. Walang may kasalanan sa ating dalawa. Hindi ko lang inaasahan na pupunta sa shop si Anthony para lang takutin si Mang Luke. In the first place, paano niya kaya nalaman iyun. Parang may mga spy siyang pinapadala sa shop. Sa tuwing may gagamit ng banyo, siyempre, makikita nila si Mang Luke."



          Tumango si Gerard. “Baka nga ganoon." Napatingin siya sa nakahandang lapida ni Mang Luke. "Bakit may lapida agad si Mang Luke? Parang alam na alam ng sepulturero na mamamatay si Mang Luke." Pinaghihinalaan niya ang sepulturero.



          “Ahh! Hindi. Iyung pamilya kasi ni Mang Luke, laging handa. May lapida agad na nakahanda. Tingnan mo nga iyung lapida, mukhang kalalagay lang nung date ngayon na namatay si Mang Luke. At matagal ng bayad iyan."



          Nang hindi ko na makita ang kabaong ni Mang Luke, tumalikod na ako at umalis. Nang makalayo sa puntod, hinarap ko sila Edmund at Gerard na sumunod sa akin.



          “Ano na ang gagawin natin?" tanong ni Gerard.



          “Bibigyan natin ng hustisya ang pagkamatay ni Mang Luke," sagot ko. “Kaya lang, kung paano, hindi ko alam."



          “Iyung mga guard na nagpapasok kay Anthony doon sa village, pinatanggal na ni sir Simon. Sila Geoffrey at Christian, ipapakalat na ang wanted poster ni Anthony. Kung tatanga-tanga ang taong iyun, mahuhuli siya ng mga tao," wika ni Edmund.



          “Pero paano kung nasa ibang village iyung taong iyun? Sa village na hawak nila?" nag-aalalang tanong ko.



          “Wala tayong magagawa kung hindi maghintay. Makikipag-ugnayan ako sa mga guard na nakabantay kila Jonas at Nicko kung sakaling mahuli nila si Anthony. Tiyak na babalikan niya iyung dalawa isa sa mga araw na ito."



Edmund's POV



          Nang naiuwi na namin si Larson sa kanila, hindi ko maiwasan na tumingin sa salamin ng itaas ng kotse kung saan nakikita ko ang mga mata ni Gerard na may sinasabi. Kahit na lumabas na si Larson, sinusundan pa rin niya ito ng tingin. Parang may pinapahiwatig siya. Parang iyung tingin niya noong una akong nagising. May handa siyang sabihin kay Larson.



          Iba na ang tingin niya sa akin nang nagtama ang paningin namin. Humiwalay agad siya ng titig nang napansin niya ang mga tingin ko.



          “May bagay kang alam na gusto mong sabihin kay Larson," wika ko. Pinaandar ko na ang sasakyan para ihatid siya.



          “Ayokong pag-usapan ang bagay na iyun sa'yo," tugon niya. “Gusto kong siya ang unang makakaalam."



          Medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi dahil sa ayaw niyang sabihin sa akin ang tinatago niya, kung hindi dahil nakikita ko ang tinatago niya. Kaya pala humihingi siya ng tawad sa tao. Ginawang panakip-butas lang niya ang ginawa nila ni Larson dahil parte iyun ng plano niya.



          “Gerard, ipangako mo sa akin na ang taong iyun ay ang huling bangkay na may kinalaman sa ginagawa mo? Pakiusap, huwag mo ng dagdagan pa. Sa ginagawa mong iyan, mas lalo kang mababaon," pakiusap ko.



          “Hindi ako mangangako, pero susubukan ko," tugon niya.



Allan's POV



          Sa bahay ni Ren, kasalukuyang nagsi-siesta ang mga tao. Naglatag kami ng banig at ilang mga unan sa sala. Si Keifer, nasa kwarto niya at doon natutulog.



          Tulog na tulog ang lahat maliban sa akin. Ako kasi, gising na gising dahil pinagmamasdan ko si Ren na mahimbing na natutulog. Napakapula talaga ng labi niya. Kaya lang, medyo malamya iyung pagkapula. Walang buhay, walang sigla.



          Kinuha ko ang aking bag at naglabas ng lip balm. Nilagyan ko ang labi ni Ren. Ayan! Masyadong kissable na ang labi niya.



          Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinalikan ang labi niya. Ibinuka ko ang kaniyang labi at ipinasok ang aking dila. Sa ginagawa ko, nagising si Ren. Sumagot din siya ng halik. Hinayaan niya ako sa aking ginagawa nang tumunog ang phone ni Joseph.



          Kaagad na naghiwalay kami. Pagkagising ni Joseph ay agad niyang tiningnan kung bakit nag-iingay ang phone. Mukhang may bumibisita sa amin ngayon.



          “Ronnie at Alexis. Allan, ikaw na ang sumalubomg at inaantok ako. Gusto ko pang matulog," tinatamad na utos ni Joseph na bumalik ulit si pagtulog.



          Mabilis na humalik ako sa labi ni Ren bago umalis. Napakasarap ng labi niya. Lasang mansanas. Teka, mansanas pala iyung prutas na kinain nila kanina. Palagi bang kumakain si Ren ng mga prutas kaya nananatiling pula ang labi niya?



          “Shh!" salubong ko sa dalawa nang nakasalubong ko sila.



          “Mga tulog?" tanong ni Alexis.



          “Alas-dos, siesta." Sinenyasan ko sila na sumunod sa akin para pumasok sa likod ng bahay.



          “So may plano ka ba mamaya? Laro tayo sa shop niyo?" tanong ni Ronnie.



          “Sige."



          “Ohh! Shop agad? Parang ayoko maglaro ng computer ngayon. Nakakasura," hindi sang-ayon na wika ni Alexis. “Try naman kaya tayo ng bago. Ano kaya kung dito tayo maglaro sa likod? Laro tayo ng habul-habulan."



          “Tapos si Ren ang laging taya?"



          “Ay, Allan. Ganoon talaga. Kapag hindi ka mabilis humabol, wala kang matataya. Kapag pabagal-bagal ka, matataya ka."



          Pumasok na kami ng bahay mula sa likuran.



          “Time Crisis na lang kaya?" suhestyon ni Ronnie.



          “Tss! Natapos na natin iyun nang mga ilang beses na. Tsaka parang computer na rin iyun," wika ni Ronnie. “Habul-habulan."



          “Sali ako," sabat ni Keifer na kararating lang. “Papataya ako kay Ren tapos hahabulin ko kayo."



          “Ay hindi! Ako na lang," pagkontra ko. Pambihira. Si Keifer pa ang gagawa ng bagay na iyun.



          “Ano? Game?" tanong ni Ronnie.



          “Game," tugon ni Alexis. “Teka, isasali na natin si Joseph?"



          “Huwag na," pagtutol ko. “Matanda na iyan."



          “Anong sabi mo?" tanong ni Joseph na nakatayo na pala sa tabi ng refrigerator.



          “Ahh, wala. Laro daw tayo ng habul-habulan."



          Uminom ito ng malamig na tubig na kinuha mula sa ref. “Game."



          “Okay," sarkastikong sabi ko. Nako! Magiging kalaro pa namin si Joseph.



          Nagsimula na kaming maglaro ng habul-habulan. Mga isang oras at kalahati na non-stop takbuhan, lalong-lalo na si Ren na ginagawa ang kaniyang makakahaya na mahabol kaming lahat. To the point na naawa na kami at nagpahabol na lang.



          Na-miss ko ang larong ito. Dito lang ako sa Rizal nakakapaglaro ng ganito at lagi kong kasama si Alexis. Pumupunta kami ng parke para makisali sa mga bata. Alam niyo kasi simula nang insidente ng unang pagkikita namin ni Larson, iyung muntik na akong mabundol ng sasakyan, ayaw na akong palaruin ni Mama sa mga larong malapit sa dinadaanan ng sasakyan. Payag lang siya kapad sa palaruan lang naglalaro dahil napaka-safe at siguradong walang sasakyan na mag-aararo sa iyo.



          Ahh! Bigla kong naalala si Alexis. Siya ang unang kaibigan ko dito sa Rizal. Nagkakilala kami noong grade school sa isang basketball game. Tapos naging magkaibigan kami. Dahil sa kaniya kaya nakakalabas ako ng bahay para makipaglaro sa iba pang bata. At habang inaalam namin kung ano ang mga gusto namin at ayaw, naging best friend ko siya dahil nilalaro din niya ang paborito kong online games. Nililibre ko siya sa shop para maglaro kasama ko. Naging best friend ko siya. Pero iyun ba ang tingin niya sa akin? Baka ang tawagan namin sa isa't isa ay best pero hindi bukal sa loob namin?



          Teka, sandali lang? Kahit kailan, tinawag ko ba siyang best o ano? Hmm? Basta, parang ang nangyari kasi, naging masaya siyang kasama. Lagi kaming nagkakausap, nakilala ang kaniyang mga magulang, hindi kahit kailan boring kasama si Alexis. Tapos si Alexis, kilala ko ang mga kaibigan din niya, at most of the time, kinakausap niya ako. Hmm, mag-bestfriend ba kaming dalawa?



          “Taya!"



          Nagising ako sa pag-iisip nang nataya na pala ako ni Alexis. Umupo agad ito sa damuhan nang nataya niya ako at hinabol ang kaniyang hininga. May patakaran kasi kami na hindi mo pwedeng ibalik ang taya sa tumaya sa iyo.



          Ahh! Oo. Best friend ko nga ang taong ito nang biglaan. Kung best friend din niya ang tingin niya sa akin, iyan ay hindi ko alam.



          “Allan, habulin mo na sila. Tagalan mo para makapagpahinga ako?" nakangiting wika ni Alexis.



          Sa gitna ng habulan, napapansin kong hindi pa kahit kailan natataya si Keifer. Paano, pina-parkour iyung mga obstacle na tinatakbo niya. Kapag dumadaan sa lamesa, dumadaan siya sa ibabaw. Kapag sa corner ng pool, tumatalon.



          “Taya!"



          Habang naglalaro, itinaya na naman si Ren. Kunyari kaming tatakbo kapag ganoon. Pero ang totoo, magpapataya kami. Para kay Ren, achievement na niya iyun. Lahat kami, ganoon. Maliban lang kay Keifer. Tumatakbo talaga siya.



          Ngayong taya si Ren, hinahabol naman niya ngayon si Keifer. Nagpapansin naman kaming lahat sa harapan niya kaya lang ayaw niya. Si Keifer talaga ang hinahabol.



          Napansin iyun ni Keifer. Kaya ngayon, sine-seduce niya si Ren na habulin siya. Kunyari, nagpapataya siya pero iniilagan niya si Ren. Nakakainis panoorin.



          “Pagkaisahan natin si Keifer," bulong ko kay Alexis. “Sabihin mo din sa iba."



          Tumango si Alexis at ipinasa ang aking binulong sa iba. Lahat naman sila ay tumango.



          Nagkalat kami sa bakuran at dahan-dahan na lumapit kay Keifer habang siya ay busy na i-seduce si Ren. Hindi niya napansin na balak namin hanggang sa dumikit na siya kay Ronnie. Hinawakan siya ni Ronnie ng mahigpit sa bewang. Pumapalag-palag naman si Keifer pero hindi niya kaya ang ginagawa ng kaibigan.



          “Hoy! Huwag!" pakiusap ni Keifer.



          Nakalapit na si Ren at naitaya siya. Humiwalay agad si Ronnie at natuwa kami sa nangyari. Si Ren naman ay masaya din habang hinahabol niya ang kaniyang hininga. Napaupo siya sa damuhan sa sobrang pagod.



          “Ayoko na. Ang daya niyo. Pinagkaisahan niyo ako," natalong wika ni Keifer.



          “Boo!"



          Nag-apir kaming mga natira. Akala niya, hindi siya matataya.



          Ilang minuto pagkatapos noon, napagod na kami at nag-ayawan na. Si Keifer ay lumabas na may handang inumin at meryenda. Kumuha kaming lahat at umupo sa damuhan.



          “Kapagod," wika ni Alexis habang kumakain.



          “Oo nga ehh," pagsang-ayon ko. “Oi, maglalaro pa tayo mamaya."



          “Tang ina, 'yoko muna. Nanawa na ako kakalaro. Siguro mga bukas na lang."



          “Sige na best," pakiusap ko.



          “Ay! Bahala ka!"



          “Hindi ka naman nagbabayad sa shop ehh!"



          “Alam ko. Kaya lang Allan, pagod na talaga ako. Susunod na lang talaga."



          “Sige na. Ganyan ka. Palibhasa hindi mo ako best friend."



          “Hala! Ganoonan! Huwag mo ngang gawing batayan iyan ng pagkakaibigan natin. Ikaw lang din naman ang best friend ko kaya, bukas na," naiiritang sabi ni Alexis. “Bakit ba kasi ikaw lang ang close kong kaibigan ehh?"



          “Gago! Pasalamat ka at nakakatagal ako sa'yo."



          “Oo na, oo na. Gago ka."



          Itinuloy na namin ang pagkain habang patuloy pa ring nagpapalitan ng mura. Ha! Talagang mag-bestfriend kaming dalawa.



Ren's POV



          Habang nagmumurahan si Kuya Allan at Ronnie, tahimik lang ako na pinagpatuloy ang pagkain. May iniisip kasi akong isang bagay.



          Habang hinahabol si Keifer hanggang sa nataya, may nag-trigger na mga konting alaala. Ang naaalala ko, naglalaro din kami ng habul-habulan dito. Apat kami. Naitaya na namin ang lahat maliban kay Keifer. Naging ako na naman ang taya. Since marunong na akong habulin iyung iba, pinili ko si Keifer na target. Naghabulan kami. Nang nainip na ang mga natitirang manlalaro, tinulungan nila akong hulihin si Keifer. Nahuli nga siya ng isang lalaki hanggang sa nataya ko siya.



          “Naaalala mo ba?" tanong sa akin ng isang boses. Si Keifer lang pala na nasa tabi ko na.



          Tumango ako.



          “I think that was last year. Probably mga ganitong petsa din." Uminom si Keifer sa hawak nitong baso. “Fun times."



          “Asaan na pala iyung ibang tao sa alaala ko?"



          Humugot siya ng malalim na hininga. “Iyung isa, baka hindi mo na makita kahit kailan, sana. Iyung isa, makita mo sana, kaya lang ay hindi na pwede."



          Naguluhan ako sa sinabi niya. “Ha? Hindi kita maintindihan?"



          “Maiintindihan mo din iyun," huling sinabi niya bago umalis para gawin ang kaniyang mga dapat ginagawa ngayong oras. Maiintindihan ko din?



Allan's POV



          Sa shop namin, naglalaro kami ni Ren at Keifer. Bakit ba sumama pa siya?



          “Allan, tingin huy!" sigaw ni Keifer na may pini-ping sa mapa ko.



          “Oo, nakikita ko."



          “Alis na diyan."



          “Andyan na ako," sabi ni Ren.



          Kasalukuyan kaming naglalaro ng league para maibalik ang alaala ni Ren. Siguro, ngayon ang una niyang laro simula nang nawala ang alaala niya. Dahil hindi maalala ni Ren ang kaniyang account, gumawa kami ni Keifer ng bago para samahan siyang maglaro. Kagaya ng mga taong first time maglaro, hindi marunong si Ren. Kahit na sa simula ng laro, kalaban namin ay mga AI, napapatay siya ng mga ito. Hindi kaya marunong maglaro ang mga AI sa larong ito. Pero si Ren, napapatay siya.



          Ilang laro ang nakalipas, nakakita ako ng improvement sa galaw ng kaniyang mga kamay. Hindi na siya mabagal magpindot ng mga hotkeys sa keyboard at kabisado na niya ito.



          “Victory!"



          “Ayan! Panalo! Apir!" masayang bulalas ko.



          Itinaas ko ang aking kamay at nakipag-apir kay Ren. Si Keifer naman ay umiling at sumimangot.



          “Bakit? Anong problema mo?" tanong ko sa kaniya.



          “Buhat," mahinang sabi niya na sinadya para siguro siya lang ang makakarinig.



          “Ehh ano naman? Panalo naman."



          “Nanalo ka lang dahil magaling mag-support si Ren. Kung wala ako, siguradong talo kayo palagi," pagmamayabang pa niya. “Ano ba kasi ang ginagawa mo? Kita nang mga baguhan lang siguro iyung mga kalaro natin, napapatay ka pa? Saan na iyung pinagyayabamg mong diamond account?"



          “Mga smurf siguro iyung mga kalaban natin. Hindi mo naisip iyun? Tsaka Keifer, napakareklamador mo naman. Nanalo na nga tayo, may reklamo ka pa rin."



          “Ren? Sino sa amin ang pabigat?"



          Tumingin si Ren sa scoreboard at nahihiyang tinuro ako. Natawa naman si Keifer dahil sa ginawa niya.



          “Sino mas gwapo sa aming dalawa?" tanong ko.



          Itinuro ulit ako ni Ren.



          “Sino ang mahal ni Ren?"



          Tinuro pa rin ako ni Ren.



          “Ano ka ngayon?"



          Tumunog ang phone ni Keifer. May tumatawag sa kaniya.



          “Hello," sagot niya sa tawag. “Oo. Sige." Ibinaba na niya ang kaniyang phone. “Ren, uwian na."



          “Huh? Hindi ba nakiusap ako na hanggang 6 pm lang?"



          “Oo. Alam ko. Pero nakita mo na ba kung anong oras na?"



          Tumingin ako sa computer. 7 pm na pala.



          “Kuya Allan, sa susunod na lang tayo maglaro. Uwian na ehh," sabi ni Ren.



          Napakamot ako sa ulo. “Sige. Alis na tayo."



          Naghanda na kaming lumabas nang may humabol pa.



          “Oi, pasabay ako," habol sa amin ni Ronnie na mukhang katatapos lang maglaro.



          “Hindi ba may sasakyan ka?" nagtatakang tanong ni Keifer.



          “Nag-commute lang kaya ako. Kaya nga nagpapasabay hindi ba?"



          “Okay lang. Sakay ka na Ronnie," ngiti ko na pinagbuksan ko pa ng pintuan.



          “Thank you."



          Habang bumibyahe, narinig ko iyung bulungan ni Ronnie at Keifer. Ako pala ang nagmamaneho ng sasakyan.



          “... balitaan ko... iyung matanda na namatay? ... nila iyun?" hindi malinaw na pagkakarinig ko sa sinasabi ni Ronnie.



          “Ahh. Kinukupkop nila iyun. Parang pamilya na nga ang turing nila dito sa pagkakaalam ko kaya pwede naman," sagot ni Keifer.



          “Ano iyun?" pag-interrupt ko sa pag-uusap nila.



          “Umm, Allan, condolence nga pala sa pagkamatay ni Mang Luke. Pasensya na at hindi ako nakilibing man lang," sabi ni Ronnie.



          “Salamat at okay lang. Pagkalabas kasi ng bangkay sa purenarya, pinalibing na agad ni Larson."



Keifer's POV



          Habang nagmamaneho si Allan, may sasakyan ang bumangga sa amin mula sa gilid. Dahil sa ginawang pagbangga sa amin, bumangga naman kami sa isang pader. Sakto naman na nakahawak ako sa kung anong mahawakan ko para lang hindi masaktan sa impact na ginawa ng sasakyan. Ano na naman ang trip ng mga taong ito?



          Tumingin ako sa harapan ng kotse. Nag-activate ang air bag kaya medyo okay lang ang mga tao sa harapan. Si Ronnie naman ay hindi okay. Mukhang nawalan siya ng malay dahil bumangga siya sa gilid ng kotse.



          Iyung sasakyan na bumangga sa amin, may naglabasan na ilang mga tao dito. Armado sila ng mga basic na baril.



          Binuksan nila ang pintuan ng sasakyan sa harapan at kinuha si Ren. Binuksan din nila ang pintuan sa side namin at kinukuha ako. Sinikmura naman agad ako ng isa para siguro makasigurado na hindi ako makakalaban. Ang hindi nila alam ay binibilangan ko kung ilan sila.



          “Dali! Isakay niyo na iyan!" sabi ng isa.



          Natapos na akong magbilang. Apat. Apat? Apat lang ang mga kidnapper na ito o kung ano? Hindi. Lima. Hindi pa lumalabas ang driver nila. Okay.



          Nang nakatapak ako ng maayos, siniko ko ang taong nakahawak sa akin sa kaliwa. Siniko ko din ang tao sa kanan. Nakita kong bumubunot na ng baril ang unang taong binanatan ko kaya agad ko itong dinisarmahan. Nang nakabunot na din ang isa, hinayaan ko lang siya at ginamit na pananggalang ang taong binabanatan ko. Gaya ng inaasahan, binaril nga niya ito pero sa bandang paa siya tumama. Binabalak kami ng mga kidnapper na ito na dukutin kami ng buhay.



          “Ahh!"



          Natigil ang isa niyang kasamahan nang napagtanto niya na mali ang kaniyang nabaril. Kaagad ko naman na binali ang leeg ng taong hawak ko at kinuha ang kaniyang baril para barilin ang kasama niya, sa ulo. Rumesponde naman ang dalawa pang tao na mukhang binabalak din kunin si Ronnie. Kaagad na binaril ko ang mga ito sa ulo. Tumama ang mga bala.



          Bigla kong naalala si Ren na nasa loob ng sasakyan. Kaagad kong binuksan ang sasakyan at nakita ko ang walang malay niyang katawan. Nalaman ko din na walang tao sa loob ng sasakyan maliban lang kay Ren. Weird. Nagpaplano sila ng kidnapping pero hindi nakahanda ang driver para makaalis sila agad?



          Kaagad na kinuha ko ang aking phone at tumawag ng tulong.



          Ilang minuto ang nakalipas, dumating na ang tulong. Dumating na rin ang pulis at sila Joseph. Kaagad na hinanap ni Joseph si Ren. Nang nakita niya si Ren na walang malay, nakahinga siya ng maluwag.



          “Anong nangyari?" tanong niya.



          “Attempted kidnapping," sagot ko.



          Lumapit sa akin ang isang volunteer. “Sir, kailangan niyo ba ng assistance?"



          “Hindi na. Sila na muna ang asikasuhin ninyo. At si Ren. Tingnan niyo ang kalagayan niya."



          Sa ospital na pinagdalhan namin, naghihintay ako sa hallway. Hinihintay ko ang mga magulang ni Allan na pumunta dito. Grabe. Last week, nandito si Larson. Ngayon, si Allan at Ren. Ano ba ang nangyayari sa lugar na ito? Hindi ito iyung safe na mundo na tinutukoy ko kay Ren.



          Sa kinatatayuan ko, nakita ko na gumagalaw na si Ronnie. Pumasok ako sa kwarto niya para alamin kung okay lang siya.



          “Okay ka lang Ronnie?" tanong ko dito.



          “Oo, medyo masakit nga lang ang ulo ko," sagot niya. “Ano ba ang nangyari? Ibinangga ba tayo ni Allan sa pader?"



          “H-Hindi tayo binangga ni Allan sa pader. May bumanggang kotse mula sa gilid natin at sinubukan ata tayong kidnapin."



          “Na-kidnap ba tayo?" naguguluhan niyang tanong.



          “Hindi. Bale ano..."



          Bigla kong naalala na hindi ko dapat ikwento sa kaniya ang tunay na nangyari. Ang alam ni Ronnie ay may phobia ako sa baril. Ginawa kong dahilan iyun para hindi niya ako paghinalaaan na ako ang gumawa sa nangyari noon sa pamilya Villaflores. Kapag nalaman niya ang bagay na iyun, tiyak ay hindi niya ako mapapatawad. Tiyak ay papatayin niya ako.



          “May tumulong sa atin na lalaki. Siya iyung pumatay doon sa mga kumidnap sa atin. Siya din iyung dahilan kaya nandito tayo ngayon sa ospital," kwento ko.



          “Talaga?" Bahagyang bumangon si Ronnie. “Nandito ba siya ngayon?"



          Napakamot ako sa ulo. “Umalis siya nang dumating na ang tulong. Teka, tatawagan ko muna doktor para ipatingin ka. Huwag kang babangon ha. Diyan ka lang."



          Lumabas agad ako ng kwartong iyun. Baka kasi magtanong pa siya kung kilala ko ba ang taong nagligtas daw sa kanila, namumukhaan ko ba o kung ano-anong paraan para malaman kung sino. Siyempre, ako lang naman iyung taong iyun at hindi niya pwedeng malaman iyun.



          Ngayon, ano ang gagawin ko? Paano kapag dumating ang mga pulis? Paano kapag magtanong sila? Paano kung mag-check sila? Shit! Problema ito. Napakadali lang nito kung nasa panig ko si Gerard. Kaso nasa sarili siyang panig. Ano kaya ang magandang gawin para maitago ang sikretong ito?



          Sa ibang kwarto naman, nakita ko si Ren na gumising na at nakayakap sa Mama ni Joseph. Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa kwarto. Napansin naman agad ako ni Ren at nginitian niya ako. Kumalas siya sa pagkakayakap sa Mama ni Joseph.



          “Hi Ren. Okay ka lang ba?" tanong ko.



          “Okay naman," sagot niya.



          “Naaalala mo ba iyung nangyari kanina?"



          Nag-isip saglit si Ren. “Oo. Habang nasa byahe, biglang may bumangga sa atin at nawalan na ako ng malay."



          Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at naaalala niya, at mabuti naman na hindi niya nakita ang ginawa ko. Kung nakita pa iyun ni Ren, mahirap siyang turuan na magsinungaling lalo na't nandito sila Joseph.



Allan's POV



          Idinilat ko ang aking mata. Pagkadilat ko, napansin kong nasa isang kwarto ako. Bigla akong napabangon nang naalala ang nangyari kanina. May bumangga sa aming kotse kaya bumangga kami sa isang pader.



          Tiningnan ko muna ang paligid. Mukhang nasa ospital ako.



          Bigla naman akong may naalala. Si Ren! Kumusta kaya siya?



          Nagmadali akong bumangon matapos i-check ang sarili. Ayos lang ako, walang masakit o ano maliban lang sa ulo ko.



          Nang nakalabas ako ng kwarto, nakikita ko mula sa kinatatayuan ko na nag-uusap sila Joseph, ang Mama niya, si Ren, at si Keifer. Binuksan ko ang pintuan para pumasok.



          “Niligtas mo na naman si Ren, Keifer," rinig kong puri ni Joseph sa kaniya.



          Napahinto ako at inilayo ang kamay ko sa knob. Niligtas na naman ni Keifer si Ren? Hindi lang isang beses kung hindi pangalawang beses na.



          Nanakit ang puso ko sa mga salitang iyun. Bigla ko na naman naisip ang nangyari sa Baguio, at nag-imagine sa nangyari ngayon. Ako dapat ang gumagawa ng mga bagay na iyun. Hindi dapat si Keifer.



          “Allan, andito ka na pala," rinig kong wika ni Ren na nasa harapan ko na pala. “Mabuti naman at okay ka lang din." Nginitian niya ako ng matamis.



          Alam kong hindi dapat pero idinampi ko ang labi ko sa kaniya. Wala akong pakialam kung nakikita iyun ng Mama ni Joseph. Pero iyun lang ang naisip kong gawin. Kasalanan ko ang nangyari ngayon. Kung naging attentive ako sa kalye, hindi sana kami bumangga sa pader. Umuwi kami ng ligtas kung hindi dahil sa aking kapabayaan.



          “Mukhang okay ka na rin pala Kuya Allan," masiglang sabi ni Ren nang naghiwalay ang aming mga labi.



          “Pasensya na ha. Kasalanan ni kuya ang nangyari. Kung naging attentive ako sa kalye habang nagmamaneho, hindi sana tayo babangga."



          “Hindi mo naman kasalanan ang nangyari Kuya. Kasalanan iyun nung mga taong gusto tayong dukutin. Mabuti na lang at may vigilante na tumulong sa atin."



          Nagtaka ako sa sinasabi ni Ren. “Huh? Akala ko ba si Keifer ang nagligtas sa atin?"



          “Ahh! Hindi iyan totoo Allan," pagtanggi mismo ni Keifer. “Kung hindi mo alam, binaril iyung tatlong tao na kumidnap sa atin. At may phobia ako sa baril dahil ganoon namatay iyung mga taong malalapit sa akin. Imposible naman na ako ang bumaril."



          “Talaga? Kahit malapit na manganib ang buhay natin?" sarkastikong tanong ko.



          “Allan, tigilan mo nga iyan," saway ni Joseph.



          Sa hallway, napansin kong papalapit sa amin iyung mga pulis. It's investigation time.



          “Allan, mukhang dumiretso ka kaagad dito nang gumising ka. Balik ka muna sa kwarto mo at tatawag ako ng doktor para sa iyo," payo ni Joseph. “Tsaka ikaw Ren, balik na muna sa loob. Mukhang may itatanong sa iyo ang mga pulis."



          Tumango si Ren at sinunod ang sinasabi ng kaniyang Kuya Joseph. Habang pumapasok ay nakatingin ito sa akin habang nakangiti. Ako naman ay bumalik na sa kwarto ko. Ano ba itong iniisip ko? Nag-aasume na niligtas na naman ni Keifer ang araw.



          Habang nag-iisip ako, bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Nakita ko si Mama, na naman, kasama si Tito Jude at Larson. Si Mama na dalawang beses nang pumunta sa ospital dahil palaging sangkot ang kaniyang mga anak sa gulo o ano man.



          Mangiyak-ngiyak akong niyakap ni Mama. “Anak!" Ha! Oo, ako iyung tunay na anak. Pero napaka-OA naman ni Mama. Hindi na pwede iyung katulad na ginagawa niya kay Larson?



          Pinalo ako ni Mama nang kumalas siya ng yakap. “Ano ba ang nangyari at nandito ka sa ospital?"



          “Aray!"



          “Nagmaneho ka ba ng lasing? Nakatulog ka ba sa byahe? Mabilis ka bang magpatakbo ng sasakyan?"



          “Mama, may bumangga sa amin. Tsaka hindi ko kasalanan ang nangyari."



          Niyakap ulit ako ni Mama at hinalik-halikan. Ramdam ko talaga na nag-aalala sa akin si Mama.



Keifer's POV



          Mula sa hallway, tinitingnan ko ang bawat isa habang iniimbestigahan nila Geoffrey at Christian ang mga kasama ko sa aksidente. Wala pang kalahating oras at tapos na nilang kausapin ang tatlo.



          Lumapit na sila sa akin para kunin ang statement ko. Pumasok naman ako sa isang hindi gamit na kwarto para doon kami mag-usap. Doon ko binigay ang nakahanda kong statement.



          Habang binibigay ang statement ko kay Christian, may naghihinalang tingin naman si Geoffrey.



          “Keifer, payag ka bang magpa-paraffin test para mapatunayan ang statement mong iyan na hindi ikaw ang bumaril sa apat na taong iyan?" tanong ni Geoffrey. Patay.



          “Huh? Bakit naman ako magpa-paraffin test?" inosentent tanong ko.



          “Ayon sa witness na nakuha namin, nakita niya na lumaban iyung isang kinikidnap ng mga kidnapper. So kung hindi si Ren, hindi si Allan, hindi si Ronnie, malamang ay ikaw iyun. Ayon sa mga volunteer, ikaw ang naabutan nilang conscious sa eksena. At itong may vigilante na tumulong sa iyo ay isang malaking bullshit. Hindi magma-match ang statement ng nakuha naming witness at ang statement mo. Kaya malinaw na malinaw na isa sa inyo ay nagsisinungaling. Kaya ipa-paraffin test ka namin kung totoo ba na vigilante ang tumulong sa iyo."



          Nasapo ko ang aking ulo sa narinig. May witness pa pala na hindi ko napansin.



          “Keifer, ano ba talaga ang nangyari?" tanong ni Geoffrey.



          “Yeah, ako ang gumawa," pag-amin ko. “At huwag mong isusulat," pagpigil ko kay Christian na mukhang sinusulat ang bawat salita na lumalabas sa bibig ko. “Ako ang bumaril sa tatlo, iyung isa, kasamahan niya ang bumaril."



          “Bali iyung leeg nung isa," pagtatama ni Christian.



          “Ako din iyun."



          “Pero, bakit ka magsisinungaling? Ano ba ang dahilan?" tanong pa rin ni Geoffrey.



          “Kasi ang alam nila ay may phobia pa rin ako sa paghawak ng baril."



          “Hindi ba maganda iyun na na-overcome mo na iyung phobia mo?"



          “Ayokong malaman nila na wala akong phobia sa baril."



          “Dahil?"



          “Intindihin niyo ako kapag sinabi kong hindi niyo na kailangan malaman iyun."



          Sumeryoso ang mukha ni Geoffrey. “Okay. Subukan mo kami. Ano ang dahilan kung bakit ayaw mong malaman nila na kaya mo nang humawak ng baril."



          “Pinatay ko ang pamilya Villaflores, lahat sila."



          Nagulat ang dalawa sa sinabi ko.



          “Noong Christmas Eve, dinukot ng pinsan ko si Ren. Dinala niya ito sa Laguna kung saan kasalukuyan nakatira ang buong pamilya nila. May tradisyon ang pamilya Villaflores na magsama-sama tuwing bagong taon para pag-usapan ang kanilang matagumpay na taon. Matagumpay na shipment nila ng shabu, matagumpay na pagpatay nila sa kanilang mga kaaway, matagumpay na pag-export sa mga bata, at matagumpay na kita na pumapasok sa kanilang bulsa. At ang pinakamatagumpay sa lahat. Ang pagkaubos ng pamila Villarica dahil magiging asawa na ng pinsan ko si Ren," kwento ko.



          “Sandali, miyembro ng pamilya Villarica si Ren?" naitanong ni Christian.



          “Not a full pledged member. Adopted family lang sila ng pamilyang iyun," paliwanag ko. “Magsisimula ang selebrasyon sa pagpasok ng bagong taon. Kaya sa kalagitnaan ng New Year's countdown, pumasok ako at ibinaon ang bala sa kanilang mga sentido. Sa kwarto ng pinsan ko, naabutan ko si Ren na nananakit na ang ulo. Itinurok na ng pinsan ko ang ‘Amn' sa kaniya. At iyun ang dahilan kaya isa na siyang bagong Ren. Ngayon, kung bakit ayokong malaman na wala na akong phobia sa baril, si Ronnie. Best friend niya ang pinsan ko. At kagaya ng pamilya ng pinsan ko, mga masasamang tao din sila. So kapag nalaman ni Ronnie na wala pala akong phobia sa baril, maghihinala na siya na baka ako ang pumatay sa pamilya Villaflores. Magigising na lang ako na hostage niya ang mga taong malapit sa akin at papatayin niya ang mga ito. Iyun ang mga mangyayari kapag sinabi niyo kung ano talaga ang nangyari kagabi."



          Natahimik ang dalawa sa kwento ko. Nagkatinginan naman sila at parehas na tumango.



          “Gusto mo bang bantayan namin si Ronnie?" offer ni Christian.



          “Huwag na. Nasa ibang bansa ang operasyon ng pamilya nila," pagtanggi ko.



          “Okay. We will stick with your statement at ipalabas na nagkamali ang witness namin ng pagkakakita sa pangyayari," wika ni Geoffrey.



          “Pero iyung anggulo, bakit hindi natin ngayon pag-usapan? Kidnapping? Pero sino?" naguguluhang tanong ni Christian.



          “Kaming lahat?" hula ko. “Since parang mga rich kid kami at nakatira sa rich na village, bakit hindi kami kikidnapin? At tsaka itong mga kidnapper na ito, baguhan. Iyung kotse nila na walang naiwan na driver. Full force talaga sila para dalhin kami sa kotse."



Edmund's POV



          “Pinagtangkaang dukutin ng mga kidnapper ang mga binatilyo sa Rizal. Mabuti na lang at may isang vigilante ang nagligtas sa kanila-"



          Pinatay ko ang radyo ng sasakyan nang nakita ko na ang bahay na tinuturo ni Ronnie. Medyo malaki din ito gaya ng tinitirhan ni Ren, at mag-isa lang kaya siya sa bahay na iyan?



          “Sige. Dito na ako bababa. Salamat sa paghatid," wika ni Ronnie habang bumababa ng sasakyan.



          “Mag-iingat ka. Kita tayo bukas," paalam ni Keifer dito.



          Hindi ko agad pinaandar ang sasakyan para umalis. Sa halip ay nagmasid muna ako nang mga ilang saglit.



          Matapos ang ilang doorbell na ginagawa ni Ronnie, pinagbuksan siya ng gate ng isang maid na naka-uniporme. Pagkapasok niya ay saka na kami umalis ng lugar na iyun.



          “Naisip niyo ba na pabantayan si Ronnie sa mga pulis?" tanong ko kay Keifer.



          “Nag-offer si Geoffrey kanina, tinanggihan ko," sagot ni Keifer.



          Kumunot ang aking noo. “Huh? Bakit nag-offer si Geoffrey? At bakit mo naman tinanggihan?"



          Lumipat sa harapan si Keifer. “Nalaman nila na hindi totoo iyung kwento ko na may vigilante na tumulong sa amin. Apparently, may nakakita sa nangyari. Kaya na-pwersa ako na magsabi ng totoo. Kasabay ng pagsasabi ng totoo, nag-kwento din ako kung bakit hindi dapat malaman ni Ronnie na wala talaga akong phobia sa baril. Anyway, kung isu-surveillance natin si Ronnie, sayang lang iyun. Kasi ang operasyon ng mga magulang, nasa ibang bansa."



          “Kahit na palagay ko na may kinalaman siya sa mga masasamang nangyayari sa mga tao lately?"



          “Edmund, hindi porke't siya ang bagong lalaki sa lugar natin at ang pamilya ay mga masasamang tao, hindi ibig sabihin na siya na iyung masamang tao. At tsaka iyung nangyari kay Larson, imposible naman na si Ronnie ang nagpasimuno nun. Ang mga masasamang nangyayari sa atin, natural na iyan."



          Hinihilot-hilot ko ang aking ulo. “Basta ako, ayokong magpaka-kampante sa lalakeng iyun. Kapag dumating ang araw na siya nga talaga iyung pasimuno sa mga nangyayari, huwag ninyong sabihin na hindi ko kayo binalaan."



          “Hay nako. Naiintindihan kita Edmund. Pero hinay-hinay lang. Siguro, mag-alala tayo kapag nalaman niya na wala akong phobia sa baril."



          “Pero paano kapag nalaman niya iyung ginawa mo? Keifer, itutumba mo siya?" naitanong ko.



          Kita kong humugot siya ng malalim na hininga. “Kung kinakailangan, bakit hindi. Ayoko siyang mga balakit sa kapayapaan na natatamasa ni Ren ngayon. Hindi ako papayag," malamig niyang sagot.



          Nang naihatid ko na si Keifer sa bahay nila Ren, dumiretso na ako sa mansyon. Inayos ko muna ang aking sarili bago pumasok.



          Sa aking pagpasok, nasalubong ko si Jasper na tipid ang ngiti na lumabas ng mansyon.



          “Hello," bati niya sa akin habang naglalakad papalabas.



          “Gabi na ahh?" nagtatakang sabi ko. “May pupuntahan ka?"



          Huminto siya at hinarap ako. “Yeah. Iyung boyfriend ko, naghahanap ng ka-sex kaya pagbigyan."



          “Oh! Good! Good! So may boyfriend ka na. Alam ba nila Sir Simon ito?"



          “Hmm, hindi pa. Pero someday. In fact, ipapakilala ko siya sa kanila one of these days."



          Napangiti ako sa sinabi niya. “Aba! Mukhang seryoso ka diyan sa bago mo ahh? Anong pangalan?"



          “Andrei Kent Lee."



          Halos mawala iyung ngiti ko sa pangalan na narinig. “Sabihin mo nga ulit iyung pangalan?" Bingi na ba ako?



          “Ang sabi ko, his name is Andrei Kent Lee."



          “Ohh! Parang pamilyar iyung pangalan niya. Parang pangalan nung callboy na malapit sa simbahan."



          “Actually, siya ang taong iyun."



          Nakangiti lang ako kay Jasper. Pero ang totoo, iyung kaluluwa ko, naguguluhan sa narinig. Andrei Kent Lee. Hah! Pamilyar talaga sa akin ang pangalan kung hindi lang nagkwento sa akin si Gerard na natikman din niya ang taong iyun ng isang beses.



          “Is there something wrong?" tanong ni Jasper. “May atraso ba ang tao sa'yo?"



          “W-Wala naman," iling ko. “It's just, iyung boyfriend mo, natikman din niya iyang boyfriend ko ngayon. Napaka-popular talaga niya dito sa lugar natin."



          Napaisip si Jasper. “So anong kwento ng boyfriend mo tungkol kay Kent?"



          Humugot ako ng malalim na hininga. “Unang-una, it's complicated. Pangalawa, well, iyun nga. Callboy, famous sa mga paminta kasi gwapo daw at masarap tumira, suki nung motel na pinagtangkaan na ipasara ng kaibigan ng kapatid ni Ren. Pumupunta daw doon ng halos gabi-gabi or every other day. Maliban lang doon, wala na."



          “Really?"



          “I hate to break it to you, pero napakalaking chance na hindi iyan gagana dahil alam mo na. Alam mo iyung sinasabi ni Heneral Luna na huwag maniwala sa pag-ibig ng isang puta?"



          Nawala ang ngiti sa mukha ni Jasper. “Hindi ikaw ang magsasabi niyan. Believe me. I will make this one work. Alam mo ba kung ano ang natutunan ko sa mga past relationships ko? I will never let this one go. Gagamitin ko ang aking kapangyarihan para lang maging akin siya." Damn! Nakakatakot talaga ang mga Schoneberg kapag ganito sila ka-seryoso sa gustong gawin.



          “Good luck. Gusto kong mag-work iyan para maging masaya ka."



          “Bakit hindi mo patunayan sa akin?" Inilahad ni Jasper ang kaniyang kamay sa akin.



          “Good luck?" Nagkamay kaming dalawa ni Jasper.



          Natawa siya. “Not shaking hands with me. Ano, gusto kong umupa ng mga tauhan. May mga contacts ka ba diyan?"



          “Goons?"



          “Guards. Ano ka, si Mama? May contact sa mga goons?"



          Naglakad ako papunta sa aking sasakyan. “Actually, sa akin kaya galing iyung mga goons na iyun. May mga contact ako tapos iyung nasa security ang kumukuha ng credit."



          Sumunod si Jasper sa akin. “Akala ko ba ikaw ang kanang kamay ni Papa?"



          Binuksan ko ang sasakyan at kumuha ako ng isang papel at ballpen sa isa sa mga compartment ng sasakyan. “Sa division ni Ren, ako iyun."



          “Ganoon na rin iyun. Kumusta na pala siya? I heard na kasama na naman siya sa isang aksidente."



          Sinulat ko ang number at pangalan ng aking contact. “Okay pa rin naman. Hindi pa bumabalik ang kaniyang alaala. Bisitahin mo din siya minsan. Baka maalala niya si Kuya Jasper."



          Humugot siya ng malalim na hininga. “One of these days. Siguro, bago matapos ang taong ito? At hindi buhat-buhat ni Papa."



          Pagkapunit ng papel ay binigay ko ito sa kaniya. “Here. I wish you all the best."



          “Same to you, Edmund. I wish you all the best too." Naglakad na siya papunta sa kotse niya.



          “Ingat ka."



          Tiningnan ko lang siya habang pumapasok sa kotse niya. Natitipuhan niya si Andrei Kent Lee na isang callboy? Ohh? Talaga? Sa bagay, ako din naman, pseudo-callboy ang natipuhan ko. Pero sana talaga ay mag-work sila. Can't say I'm sure pero ayokong mag-break si Jasper kapag hindi na naman ito gumana.



          Pagkapasok ng mansyon, sinalubong ako ng isa sa mga maids.



          “Edmund, dumiretso daw po kayo sa dining room," magalang na sabi nito.



          “Thank you."



          Sa dining room, naabutan ko si Sir Simon kausap ang medyo matanda na tao. Ang namamahala sa pangkalahatan na seguridad sa bahay na ito. Si Manong Gardu.



          “Magandang gabi po Sir Simon," magalang na bati ko.



          “Edmund, nandito ka na. Both of you, sit. Saluhan niyo akong kumain habang may pinag-uusapan tayo," wika ni Sir Simon.



          Sinenyasan ko ang maid na nakatayo malapit kay Sir Simon at gumalaw agad ito. Umupo naman kami ni Manong Gardu sa gilid ng paningin ni Sir Simon.



          “How's Ren? Is he okay?" tanong ni Sir Simon na napatigil sa pagkain at tiningnan ako ng diretso sa mata.



          “Okay naman po siya," sagot ko. “May ilang sugat siyang natamo pero okay naman po siya."



          “Is it true na namatay lahat iyung mga taong balak silang kidnapin?"



          “Yeah. Actually, nakausap ko iyung isa sa mga kaibigan niya na nakakita sa mga nangyari. Si Keifer Salvador."



          “That person really do a good job. What do you expect from the person who killed his own family?" sabat ni Mang Gardu na kumakain.



          Nagulat ako sa sinabi ni Mang Gardu. “Excuse me?"



          “Gardu, wala pa tayong pruweba o patunay na si Keifer Salvador ang gumawa ng bagay na iyun," pagpapaalala ni Sir Simon. “Remember, the guy has some sort of phobia with guns. Iyung ang nakalagay sa medical record niya."



          “Can be faked. Not unless it's an allergy, Simon. Kapani-paniwala pa kung ganoon."



          “As of now, there is no such allergy like that aside from the rare human contact. Kadalasang mga allergy ngayon kapag kinakain ang isang bagay," paliwanag ko. “By the way, ano po ba ang pinagsasasabi niyo na pinatay ni Keifer Salvador ang buong pamilya nila?"



          “You know Edmund, na-realize ko, everything is fine with Ren hanggang sa nagkaroon siya ng kaibigan," sabi ni Sir Simon. “Kaya nang na-realize ko ang mga bagay na iyun, nagsagawa ako ng imbestigasyon sa mga naging kaibigan ni Ren. And I found out na apat sa mga kaibigan niya, may ties sa mga crime family."



          Napatigil ako sa pagtikim ng soup na nakahain. Umm, napakagaling talaga mag-imbestiga ni Sir Simon.



          “I apologize, Sir Simon," paghingi ko ng dispensa. “Hindi ko po alam."



          “It's fine," tugon niya.



          “Don't worry. Ngayon lang din namin iyun na-realize. Alam mo naman si Sir Simon, ayaw niyang maramdaman ni Ren na sinasakal siya na pati mga kaibigan niya ay iniimbestigahan. Ngayong wala siyang naaalala, bakit hindi?" wika ni Manong Gardu.



          “So I investigated Keifer and found his roots. Original name is Keifer Villaflores. Medical records are good except that he's a phobic. Also, happens to be the only member of Villaflores family alive. What are the chances? Mag-iisang taon na pero buhay pa rin."



          “Baka dahil mabait siya?" hula ko. Oo, alam ko. Siya iyung pumatay sa pamilya nila.



          “Hindi. Siya ang pumatay sa kanila," wika ni Mang Gardu.



          “Gardu, how many times I've told you not to make that assumption?" iling ni Sir Simon. “But if that's the case, I'm sure that Ren is in the right hands now that he is around. Kaya lang..."



          “Anyway, since we are all here, I would like to inform you all that we found a mole in our ranks." Wow! Bago. Mole.



          “That's rare," komento ko.



          “We never have that kind of news before." Mukhang naging interesado si Sir Simon sa narinig. “Ano ang nakuha mo sa mole na ito?"



          Bumuntong-hininga si Mang Gardu. “Wala, mula sa kaniya. Pero sa mga gamit niya, meron. Mukhang binabalita niya ang mga activities mo, kung ano ang mga ginagawa mo sa iyong computer at pinapakinggan ang mga tawag mo."



          “Gaano na katagal ang mole na ito sa atin?"



          Nag-isip si Mang Gardu. “Hmm, kung tama ang pagkakaalala ko, mga bandang February or March siya nagsimulang magtrabaho?"



          “M-Medyo matagal," kumento ko ulit.



          Saglit na nag-isip si Sir Simon. “Binabantayan ng mole ang kilos ko. Bakit naman kaya? Wala naman akong binangga na malalaking tao, o kung meron man ay maayos ko silang tinatanggihan. Wala namang nangyaring hindi maganda nitong mga nakaraang araw or buwan. Bakit niya binabantayan ang mga kilos ko? Para kaya makakuha ng mga impormasyon tungkol sa aking mga ginagawa?"



          “Bakit po Sir Simon? Sa mga nakuha o binibigay niyong impormasyon mula sa inyo, may magagamit po ang mole na ito para ma-exploit ang isang bagay?"



          “Marami, Edmund. Maraming-marami. Pero kung ganito katagal ang mole na ito sa atin at wala man lang nangyayaring masama o disadvantages sa akin, nakakapagtaka. Hindi ko maintindihan."



          “So ano? Torturin na natin?" tanong ni Mang Gardu.



          Pinandilatan siya ni Sir Simon pahiwatig na tutol ito sa iniisip ni Mang Gardu.



          “Subok lang. Dapat magkaroon na agad tayo ng impormasyon bago pa mahuli ang lahat. Paano na lang kung biglang sumugod ang taong pinagsisilbihan ng taong ito? Ehh 'di, yari na. Magiging paranoid na tayo sa isang bagay na hindi tayo sigurado kung kailan aatake.



          “Mas mabuti na ang ganoon." Humugot ng malalim na hininga si Sir Simon. “Mag-iba tayo ng strategy. The usual. Ibigay natin kung ano ang gusto niya para magsalita."



          “Pwede. Kaya lang, gagana kaya? Unang kaso pa naman natin ito na may traydor sa sarili mong sambahayan."



          “Hindi ko alam, Gardu. Pero sana, gumana para matapos na agad ito." Dahan-dahan na Ininom ni Sir Simon ang isang baso ng red wine.



          Biglang may pumasok na tauhan sa dining area. Mukhang tumakbo pa ito dahil hinahabol ang niya ang kaniyang hininga.



          “Sir, may nangyari po sa traydor natin!" wika ng tauhan na ito.



          Nagkatinginan kaming tatlo at halos sabay-sabay na tumayo. Kaagad namin pinuntahan ang lugar kung saan nakakulong ang sinasabi ni Mang Gardu na traydor.



          Sa kulungan ng traydor, nadatnan namin ang isang katawan na nakahandusay. Parang may kung anong bula ang lumalabas mula sa bibig nito. Nilalason siya.



          “Lockdown!" sigaw ni Mang Gardu.



          Kaagad na kumilos ang mga tauhan sa dibisyon ni Mang Gardu. Tiyak akong isasara nila ang pasukan at labasan ng mansyon.



          Habang ginagawa nila ang kanilang trabaho, lumapit ako sa lalaking nakahandusay. Nilagay ko ang aking daliri sa bandang leeg nito.



          “Edmund, ano ang kalagayan niya?" tanong ni Sir Simon na nasa tabi ko.



          Tumayo ako at umiling. “Patay na po siya."



          “Gardu, i-check ang lahat ng mga CCTV sa mansyon. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari dito," utos nito sa tauhan.



          Tumango lang si Mang Gardu at umalis na sa eksena. Naiwan naman kami ni Sir Simon sa kwarto, parehas nag-iisip kung anong meron sa pangyayaring ito.



Ronnie's POV



          Pagpasok ng bahay, sinalubong naman ako ng dalawang pigurang nakasuot ng itim na damit. Sa kaliwa ay si Anthony at sa kanan ay si Gerard. Kapwa na bahagya silang yumuko nang nakita akong pumapasok ng bahay.



          Hindi ko pinansin ang dalawa at sa halip ay dumiretso ako sa hapag-kainan. Gutom na gutom ako dahil sa mga nangyari.



          “Pasensya na sa nangyari kanina," paghingi ng tawad ni Anthony. “Hindi ko natansya na babangga pala kayo sa konkretong pader."



          “Wala sa akin iyun," kibit-balikat ko. “Ang mahalaga ay nagawa ninyo ang mga parte ninyo. So ano ang nangyari? Tama ba ang iniisip ko na may phobia siya sa baril?"



          Nagkatinginan silang dalawa ni Gerard. Sumagot naman si Gerard ng isang tango kay Amthony.



          “Mali ang iniisip mo. Talagang nakakahawak siya ng baril. At ang pagtira niya sa mga tao natin, asintado. Walang duda na siya ang taong pumatay sa pamilya Villaflores."



          Sa galit, naihampas ko ang aking kamao sa mesa. Bakit? Bakit niya ginawa iyun sa pamilya niya?



ITUTULOY...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails