Author's note...
Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila. Pati na rin po pala iyung mga kanta.
Hello po sa inyong lahat! Heto na po ang Chapter 58! Ito na muna ang huling chapter na ire-release ko sa buwan na ito. Sa susunod na buwan, or bago mag-pasko na naman ako magre-release. Medyo bilisan ko na ang pagsusulat dahil malapit na ang pasukan. Maraming salamat po sa mga patuloy na sumusubaybay sa kwento ni Ren!
Chapter 58:
Excuses
Edmund's POV
Sa isang restaurant, pinaghanda ko si Gerard ng upuan. Nagulat naman ang waiter sa ginawa ko. Gawain nila dapat iyun pero ginawa ko na.
Anyway, ngumiti si Gerard at umupo sa upuan. Nang nakaupo na ako sa isa pang upuan, kinuha na namin ang mga menu at umorder ng pagkain. Nang natapos na kaming umorder, nagkwentuhan na muna siya tungkol sa mga nangyari sa kaniya noong mga araw na hindi kami nagkita. At ako din, nagkwento, pero hindi ko inilahad ang lahat.
Dumating na ang pagkain at kumain na kami. Habang kumakain ay sumeryoso na ako dahil sa partikular niyang tanong.
“May mga plano ka na ba sa hinaharap?" naitanong niya.
“Umm, wala pa," sagot ko habang kumakain. “Nag-iisip pa rin ako, kaya lang mahirap isemento sa utak ko. Ikaw, may naisip ka ba? I'm sure meron kasi nagtanong ka."
“Of course," masayahing tugon niya. “Naisip ko na magtayo tayo ng business. Business like, mga board game na ipaparenta natin. Iyung ganoon. Tapos may mga pagkain and likes."
“Business, what a good idea," puri ko. “I like it."
“Talaga?" ngiti niya. “Thank you. I feel assured na magiging maganda ang future nating dalawa, like I always wanted."
Ginantihan ko din siya ng ngiti. “Ako din naman." Pero naging masama ang timpla ng mukha ko. “Well, except na nabalitaan ko na ginamit mo si Ren bilang leverage?"
Kita kong gulat na gulat si Gerard sa sinabi ko. Napatigil siya sa pagkain at nag-iisip, ng mga palusot?
“I don't do that. Saan mo naman nalaman ang bagay na iyan?" As expected, itinanggi niya.
“Hindi mo na kailangan malaman kung kanino galing dahil sigurado akong alam mo." Tinuro ko ang pagkain niya. “Ipagpatuloy mo na ang pagkain mo."
“Hindi ko makain ang pagkain na iyan habang meron kang alegasyon sa akin na hindi totoo," matapang niyang sabi.
“Hindi mo makain? O baka dahil totoo ang sinasabi ko?"
“Hindi totoo iyang nabalitaan mo tungkol sa akin."
“Then eat. Ubusin natin ang pagkain and laugh about it na may ganoong balita laban sa'yo," wika ko na may ngiti.
Dumaan ang katahimikan sa aming dalawa. Hinawakan ulit ni Gerard ang mga kubyertos. Nang isasaksak na niya ang kutsilyo sa manok, binitawan niya ito at inilapag ulit.
“Hindi mo talaga kaya kainin ang isang bagay sa harapan mo habang lantaran kang nagsisinungaling sa akin." Nagpatuloy pa din ako sa pagkain. “Gerard, ano na naman ba ang problema? Akala ko ba, tapos na ang episode ng buhay na ito, nang ginawa na ninyo ang bagay na iyun?"
Ibubuka ang bibig, hindi itutuloy, lunok, ibubuka na naman ang bibig, hindi ulit itutuloy, buntong-hininga. Pinagpatuloy ko pa rin ang pagkain ko habang sinusubukan pa rin niyang magpaliwanag.
Tinuro ko ulit ang pagkain. “Kumain ka. Alam ko na totoo iyung alegasyon, gusto mong magpaliwanag, pero ang pagkain, dapat mo pa ring kainin. Kumain ka ulit."
Kinuha ni Gerard ang napkin sa kandungan niya at pinunasan ang kaniyang bibig. “Excuse me. Magsi-CR lang ako."
Tumayo siya at dali-daling umalis.
Natigil naman ako sa pagkain nang hindi na siya nakita. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga at nasapo ko ang aking ulo. Hay! Problema na naman. Pero kung maka-naman ako, parang maraming beses na nangyari ito. I mean, pangalawa pa lang naman ito. Kaya lang, medyo mabigat dahil ginawang leverage si Ren. Sino ba naman ang hindi magagalit? Ipapahamak si Ren kapag ginawa ni Keifer ang hindi niya gusto? Tapos, knowing him, siguradong gagawin talaga niya.
“Excuse me. Pupunta lang ako sa restroom," rinig kong sabi nung lalake na halos katabi namin ng mesa.
Hindi sinasadyang sinundan ko ng tingin ang lalake na pumunta sa restroom. Habang sinusundan ko ng tingin, na-realize ko na naglalakad siya sa salungat na direksyon na nilakad ni Gerard. At naabot ng lalaki ang restroom. Teka, nandoon ang restroom.
Napatingin ako sa likod at na-realize na umalis na si Gerard. Teka, tumakas siya?!
Bigla akong kinabahan. Dali-dali kong kinuha ang walet ko at nag-iwan ng dalawang isang-libong papel saka umalis sa lugar na iyun. Huwag naman sana!
Keifer's POV
Mag-isa akong nag-aaral sa apartment ko. Hindi ko naman maiwasan na mag-alala dahil sa mga sinabi ko kay Edmund. Nako! Nasira na kaya ang date nila? Ang relasyon kaya nila sa isa't isa? Nako! Hindi talaga pwede ito! Dapat hindi na lang ako nagsalita!
「5 hours ago...
“Anong pagkakamali ang sinasabi mo?" tanong ni Edmund.
“Mga pagkakamali na posibleng madawit siya at magpapahamak sa kaniya?" hindi ko siguradong sagot.
“Gaya nang?"
“Mga bagay na ginawa naming dalawa. Mga bagay na kami lang dapat ang nakakaalam."
Nasapo ni Edmund ang kaniyang ulo. Naguguluhan siya. Siguro ay nag-iisip siya kung ano ang dapat niyang gawin. Alam ko na pagdating ng araw, gusto niyang tumira sa bahay ni Ren. Hindi bilang syota o kung ano kung hindi bilang kaibigan at tagasunod. And someday, kasama din niya doon si Gerard.
Hindi na lang siya umimik at umalis sa lugar na iyun. Sinundan ko na lang siya ng tingin at tinanong ang aking sarili. Ano kaya ang mangyayari pagkatapos nito?」
Kahit na walang kumakatok, hindi ko talaga maiwasan ang mapatingin sa pintuan. Pupunta kaya si Gerard dito? Kapag ba may kumatok sa pintuan at siya pala ang taong iyun, papapasukin ko kaya siya? Or, didiretso kaya iyun sa bahay ni Ren at ipapahamak siya?
Napatayo ako sa kinauupuan ko. B-Bakit hindi ko naisip iyun? Baka nga pumunta iyun sa bahay ni Ren.
Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at hindi na inayos ang mga bagay na nakalagay sa mesa. Nang binuksan ko na ang pintuan para lumabas, nadatnan ko si Gerard na nakatayo sa harap ng pintuan at akmang kakatok dito. Bigla kong isinara ang pintuan pero napigilan niya agad ito. Ginamitan niya ng pwersa ang pintuan para hindi magsara. Ngayon, naglalaban ang mga pwersa namin sa pintuan.
“Hayop ka! Bakit sinabi mo kay Edmund?!" galit na galit na tanong niya.
“Pasensya ka na! Maaalahanin ang boyfriend mo!" sagot ko habang tinutulak ang pintuan. “Hindi katulad mo na ginagamit pang leverage si Ren para makuha mo ang gusto mo!"
“At dahil sa ginawa mo, magbabayad ka! Magdasal ka na mas malakas ka kesa sa akin. Ahh! Hindi pala! Magdasal ka na kaya akong pigilan ng pintuang ito!"
Sa kakatulak ko, naisara ko din ang pintuan. Hindi ako makapaniwala! Nanalo ako!
Dali-dali ko namang ni-lock ito pero huli na ang lahat. Malakas na sinipa ni Gerard ang pintuan dahilan para bumukas ito ng pwersahan. Umm, lagot kami sa landlord nito!
Galit na galit na lumapit siya sa akin. Kinuha ko naman ang kahoy ng mop na malapit lang sa akin at hinampas siya gamit nito. Pero isinalag niya ang mga atake ko gamit lang ang kaniyang mga braso, at hindi man lamang siya nasaktan. Sa kakahampas ko, nagkaroon siya ng pagkakataon na mahawakan ang mop. Pwersahan niya naman itong ginamit para hampasin ako. Umilag-ilag ako sa mga ginagawa niya hanggang sa iniba niya ang paraan ng pagkakagamit dito. Itinama niya sa aking ulo ang mop dahilan para mapaatras ako at medyo mahilo-hilo.
“Kung hindi ka lang talaga nagsalita, hindi ito mangyayari. Kaya ngayon, yari ka!" wika ni Gerard na naghahanda ulit na umatake.
Sa kakadaldal niya, may nakita akong isang cup na abot-kamay ko lang. Kinuha ko agad ito at ibinato sa ulo niya. Nabasag ang cup nang tumama ito sa ulo niya, pero hindi siya natinag. Napapikit lang siya para hindi matamaan ang mata niya ng mga bubog o kung ano-ano. Ginamit ko naman ang pagkakataong iyun na sipain ang hawak niyang mop paitaas at suntukin ang mukha niya gamit ang buo kong lakas. Pero napigilan niya ang kamay ko at ginamit naman ang pagkakataong iyun para i-takedown ako. Agh! Ang sakit ng ginawa niyang iyun!
“Nakalimutan mo na ata kung sino ang nagturo sa iyong lumaban. Sa tingin mo, gagana iyang mga tricks mo sa akin?" sabi niya habang naglalakad at hindi ko alam kung saan siya pumunta.
“Bakit tayo umabot sa ganito, Gerard? Bakit?" tanong ko habang sinusubukan kong tumayo.
“Dahil may pinag-usapan tayo at hindi ka tumupad," sagot niya habang may hawak na kutsilyo sa kamay. “Akala mo ata, hindi ko totohanin ang mga sinabi ko. Hindi ako si Gerard kapag hinayaan kita."
Nakuha ko ulit ang mop na abot-kamay ko pa rin at hinampas ulit sa kaniya. Tumama ako sa sikmura niya, pero hindi pa rin siya natinag. Sinubukan ko naman tamaan ang kaniyang lalamunan pero nasalag na niya. Nakuha na naman niya ang kontrol sa mop at hinampas-hampas ako. Umilag-ilag ako at hindi nga siya tumama. Pero nagalit na siya at sinundot na ang aking sikmura. Habang sinusundot niya ako sa sikmura, mabilis na lumapit siya sa akin para hawakan ang aking kwelyuhan, at kinaladkad ako palayo sa pintuan. Sinibukan kong lumaban pero hindi ko talaga siya kaya.
“Dito ka lang at hindi ka makakalabas!" galit na galit na sigaw niya.
Habang kinakaladkad niya ako, nakarinig naman ako ng nabasag na bote sa kung saan. Binitawan ako ni Gerard at bigla na lang siyang bumagsak. Tiningnan ko kung sino ang gumawa noon. Nakita ko si Edmund na may hawak na basag na malaking bote. Ito siguro ang hinampas niya sa ulo ni Gerard.
Dali-daling lumapit si Edmund at tinulungan akong tumayo. “Kaya mo pa ba?"
Tiningnan ko ang walang-malay na si Gerard. “Siya, hindi," sagot ko habang tumatayo.
“Dalian mo. Mag-impake ka na. Dalhin mo ang mga importante at kaya mong dalhin," panuto niya sa akin habang tinuturo ang kwarto ko.
“Saan ako pupunta?" naguguluhang tanong ko.
“Sa lugar na, hindi dito?!" sarkastikong tugon niya. “Bilisan mo bago pa siya magising ulit!"
Tumalima na lang ako at nagmadaling pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang malaki kong bag at, kunin daw ang importante at ang mga kaya kong dalhin!
Natigil naman ako nang nakita ko ang Mr. Lion costume. Importante, pero hindi ko kayang dalhin.
Dala ang aking bag ay lumabas na ako sa kwarto. Nadatnan ko si Edmund na inaayos ang katawan ni Gerard.
“May problema ako. Hindi ako pwedeng umalis dito," wika ko.
“May problema din ako. Hindi ka pwedeng hindi umalis dito at baka mapatay ka ni Gerard!" nanggagalaiti niyang sabi. Hinawakan ni Edmund ang braso ko. “Tara na! Umalis na tayo dito!"
Sa kotse ni Edmund papunta sa kung saan, idinikit ko ang ice pack sa ulo ko habang nakatingin sa bintana. Medyo malalim pa ang gabi dahil, hating-gabi pa lang. Tulog na dapat ako sa mga oras na ito. Kaya lang, nabwisit si Gerard sa akin.
“Come on. Sisihan time na," pagbasag ni Edmund sa katahimikan naming dalawa.
“Sinisisi ko po si Gerard," sarkastikong sabi ko. “Ang mga ganitong bagay talaga, mangyayari kapag pinagbantaan ka niya at hindi ka sumunod sa mga gusto niya."
“Ano ba kasi ang ginawa mo?" tanong pa niya. “Bakit ganoon na lang ang galit niya sa iyo? Hindi ba dapat, kayong dalawa na massacre buddies, magkasundo?
“Okay, unang-una sa lahat, hindi kami massacre buddies. Kung sino ang mas o ang pinakamaraming pinatay sa isang gabi lang ay ako. Si Gerard, nakaupo sa kotse at ginagawa ang kaniyang parte. Wala pa siyang pinatay pero iyung pangyayari na iyung bago pa doon, napakarami na. At iyung muntikan ka ng namatay, hindi mo ba naaalala na si Janice ang nagmamaneho sa taxi noon?" pakumpas na litanya ko.
“Ehh, posible ka bang makapatay ng maraming tao sa isang gabi kung hindi niya ginawa ang parte niya? Papasok ka ba doon at makikipagbarilan sa mga tauhan?"
“Okay, panalo ka na. Pero hindi kami massacre buddies since isang beses lang nangyari iyun." Nilagay ko ulit ang ice pack sa aking ulo. “Ngayon, ano na ang gagawin ko? Saan na ako titira? Saan ko na pag-aaralan iyung mga aralin kong masakit sa ulo?"
Habang nakatingin sa bintana, napansin ko ang pamilyar na arko nung lugar. Kahit madilim na, alam ko kung nasaan kami. At iyung mga gwardya na nagbabantay, pamilyar sa akin.
Napatingin ako kay Edmund. “Sabihin mong makikitira ako sa mansyon ni Mr. Schoneberg."
“Gago ka ba? Hindi ka pwede doon," balik niya. “Doon ka kay Ren. Bantayan mo siya kung sakaling pumunta nga doon si Gerard."
“Pero nandoon din sila Joseph at ang Mama niya."
“Exactly. Kung matino pa ang pag-iisip niya, hindi naman niya ata idadamay ang mag-ina dahil wala namang ginawang ang mga ito sa kaniya."
Diretso ko lang siyang tiningnan. “Hindi pa ba kayo break ni Gerard pagkatapos ng mga nangyari kanina?" tanong ko.
“Hindi," tipid na sagot niya.
"Ha! Hinampas mo sa ulo ang boyfriend mo pero hindi pa rin kayo break. Mukhang iyung bote lang ang na-break."
“Listen, makikipag-break ako sa kaniya ng harapan. Hindi sa pamamagitan ng text, o sulat, dapat harapan. Hinampas ko lang siya ng bote sa ulo para iligtas ko ang buhay mo. Hindi ibig sabihin nun na break na kami."
Naguluhan akong umupo at nilagay ulit ang ice pack sa ulo. “Babae nga na binubugbog ng asawa, nag-iisip na nga makipaghiwalay."
“Problema nila iyun. Itong problema na kinakaharap ko, baka kailangan lang ng konting suntok at tadyak sa sikmura. Tsaka, Gerard can withstand them. Also, hindi din nakipag-break si Gerard kanina. Tumayo lang siya at nag-excuse na pupunta sa CR."
Dumating na kami sa bahay ni Ren. May konting ilaw pero tahimik. Mukhang mahimbing ang tulog ng kung sino ang may hawak doon phone na may koneksyon sa lock ng bahay ni Ren.
“Sino iyan?" tanong ng isang boses. Nagkamali ako. May nagising.
“M-Mrs. Reyes. Magandang gabi," bati ni Edmund.
“Edmund, ikaw pala iyan." Kinusot-kusot pa nito ang mga mata habang bumababa. “Anong ginagawa mo dito? Nagising ako sa ingay nung alarm ng phone."
“Opo, kami po iyun. Tapos si Keifer, kasama ko." Inilahad ni Edmund ang kamay niya sa akin para malaman ni Mrs. Reyes. “Umm, hindi na po ako magpaligoy-ligoy pa. Si Keifer po dito ay pinalayas na sa kaniyang tinitirhan, at kailangan niya ng pansamantalang matutuluyan."
“Huh? Ano ang nangyari?" tanong sa akin ni Mrs. Reyes.
“Well, nawalan na po ng pera ang kaniyang mga magulang para sustensuhan ang apartment na tinitirhan niya," sagot ni Edmund bago pa ako makapagsalita. “At since wala na siyang matitirhan, humingi siya ng tulong sa akin. Ako naman, dahil sa gipit din, unfortunately ay hindi rin siya matulungan. Kaya naisip ko po na since ang bahay ni Ren ay may ekstra pang isang kwarto, naisip ko po na patirahin siya dito hanggang makapagtapos na siya ng pag-aaral." Isang magandang palusot na hindi ko naisip.
Natahimik ang Mama ni Joseph. Marahil ay nag-iisip.
“Keifer," tapik ni Edmund. “siguro naman ay gumagawa ka din sa bahay? Maglaba, maglinis, magluto and likes?"
“O-oo. Gumagawa din ako sa bahay," sabi ko.
“Ohh! Maganda iyan," humangang wika ni Mrs. Reyes. “Sige. Pumapayag na ako. Pero Keifer, naalala ko na may nakaraan kayo ni Ren."
“Hindi po ako gagawa ng mga bagay na labag sa inyong kalooban," agad na sagot ko. “Sinisigurado ko po iyan."
“Okay. Ilagay mo na ang mga gamit mo sa itaas."
“So, okay na po tayong lahat? Everybody happy? Great! Alis na po ako Mrs. Reyes," paalam ni Edmund habang naglalakad paatras.
“Saan ka pupunta?" tanong ko.
“Saan pa ba?" kibit-balikat niya.
“Tulungan na kita diyan Keifer?" tanong naman sa akin ni Mrs. Reyes na nakaturo sa mga dalahin ko.
“Kaya ko na po iyan. Salamat," pagtanggi ko.
Edmund's POV
Imbes diretsong umuwi sa mansyon, pumunta muna ako sa apartment nila Keifer. Pagkapunta sa apartment niya, nakabuka pa rin ang pintuan. Mukhang kailangan ng ayusin.
At sa loob ay nakaupo naman si Gerard, na mukhang hinihintay ako.
“Okay ka lang?" tanong ko kahit na ako ang humampas sa kaniya.
“Oo, okay lang ako," sagot niya. “Medyo masakit nga lang ang ulo ko. At, alam mo talaga kung saan ako pumunta nang tumakas ako."
“Acutally, hindi ko alam. Sumugal ako na dito ka pupunta kay Keifer."
Ngumiti siya ng nakakaloko. “Hmm! I guess, dapat ay kay Ren ako pumunta at siya ang inuna ko. Nang sa ganoon, buhay si Keifer, patay si Ren."
Kinabahan ako sa sinabi niya. “Naririnig mo ba iyang sinasabi mo? Seryoso ka ba sa mga pinagsasasabi mo? Gerard, ano na naman ba ito? Ano ang nangyayari sa iyo?" sunod-sunod na tanong ko.
“Naghihiganti?" nakakalokong sagot niya.
“Naghihiganti? Para naman kanino?"
“Para sa Mama ko."
Nagulat ako. “What? Para sa Mama mo?"
“Oo, para sa Mama ko." Kumuha si Gerard ng upuan at isinipa niya ito sa harapan ko. “Noong bata pa si Keifer, well, after patayin ng mga amo ko ang mga magulang niya, ang Mama ko ang nag-alaga sa kaniya. Tapos, ganito ganyan, sumunod na nangyari ay umuwi na lang si Mama na isang malamig na bangkay."
“At iniisip mo na si Keifer ang pumatay sa kaniya?"
“Masyadong imposible na isang bata ang gumawa noon, pero ganoon na nga. Hindi sa paraan na alam ko, pero sa ibang paraan. Ano ang ginawa niya para sapitin iyun ng Mama ko?"
Humugot ako ng malalim na hininga. “Look, condolences sa iyo, at tumigil ka na. Hindi ba dapat na ang managot sa nangyari ay ang pumatay? Sino ba ang pumatay sa Mama mo?"
“Ang mga amo ko, ang Tito at Tita ni Keifer ang pumatay sa kaniya."
“At kung tama ang pagkakaalala ko ay pinatay na sila ni Keifer. Tama? At sa pangyayari ding iyun, nawala sa kaniya si Ren. Gerard, hindi pa ba sapat iyun? Patay na sila!"
“Sapat na iyun, para sa akin? Hindi," iling niya. “Kailangan din niyang magbayad!"
“At mawawala naman ako sa iyo!"
Hindi makapaniwala si Gerard sa mga sinabi ko. “Anong sinasabi mo?"
“Gerard, mahal kita. Lahat sa iyo, tinanggap ko. Ang kadiliman mo, tinanggap ko! Pero itong mabababaw na rason ng paghihiganti mo, hindi ko ito matatanggap," galit na duro ko sa kaniya. “Namatay na ang pumatay sa Mama mo, tapos pagbabalingan mo si Keifer?! Baliw ka ba?! Bakit hindi mo na lang ipagpatuloy ang buhay mo?" Hindi ko namalayan na may tumulo ng luha sa mata ko.
“Dahil hindi mo ako naiintindihan," rason niya.
“Oo, hindi kita maintindihan. Dahil para sa akin ay napakababaw ng rason mo! Kaya ngayon, papipiliin kita. Tayo o ang paghihiganti mo? Mamili ka!"
Inilahad ko ang aking kamay sa kaniya at umaasang kunin niya ito. Pero umupo lang siya at tumingin sa kamay ko. Maya-maya at tumayo siya, pero tinalikuran niya lang ako. Gumuho ang mundo ko sa nangyari. Bakit ganito? Bakit pinipili niya ang paghihiganti kesa sa akin?
“Umalis ka na. May pintuan pa akong aayusin," wika ni Gerard habang nakatalikod.
Ikinuyom ko lang ang aking kamay at tinalikuran siya. Sana ay magsisi siya sa gagawin niya. Sana pagdating ng araw, malalaman din niya na mali ang ginawa niyang desisyon.
Joseph's POV
Alas-kwatro na ng hating-gabi. Maaga akong nagising para tulungan si Mama sa mga gawain niya. Magluto ng agahan, magluto ng baon namin, at kung ano-ano pa. Ano kaya ang lulutuin ko ngayon? Pero si Mama ba ang gagawa o ako?
Dumiretso ako sa kusina para simulan nang tulungan si Mama.
“Good morning," bati ng pamilyar na boses.
Humikab ako. “Good morning din," balik-bati ko.
Na-suspend bigla ang mahabang paghikab ko nang napagtanto ko na hindi si Mama ang bumabati sa akin. Hindi rin si Ren dahil kakatingin ko lang sa kwarto niya at mahimbing pa rin siyang natutulog. Ang bumati pala sa akin ng magandang araw ay si Keifer. Huh?
“Nakipag-inuman ba ako at nakitulog sa ibang bahay?" tanong ko sa aking sarili.
Tumingin ako sa sala at napagtanto na bahay talaga ito ni Ren. Tumingin ulit ako sa kusina at nakikita si Keifer na may inihahanda. Kumuha siya ng sibuyas at mabilis itong hiniwa. Nilagay niya ang kaniyang ginawa sa isang maliit na lalagyan at kumuha siya ng isa pang pansahog sa- sandali lang? Bakit nandito siya?
“Keifer, ikaw ba iyan?" paniniguro ko.
“Oo," sagot niya pero hindi man lang ako tiningnan sa mata. Sa halip ay pinagpatuloy niya ang kaniyang ginagawa.
“Anong ginagawa mo dito? At asaan si Mama?" sunod-sunod na tanong ko.
Maya-maya ay nakarinig ako ng buhos ng tubig. Mukhang naliligo na si Mama. Ha! Si Mama talaga. May paliguan naman sa kwarto niya at dito pa rin sa kusina naliligo. Okay, nasagot na iyung pangalawang tanong ko.
“Pinalayas na ako sa apartment ko dahil wala na akong pambayad sa renta. Kaya humingi ako ng tulong kay Edmund," kwento niya habang gumagawa pa rin. “Hindi naman makatulong sa akin si Edmund kaya pumunta kami dito at nakiusap sa Mama mo na makitira ako dito. Swerte naman at pumayag ang Mama mo kaya, dito ako makikitira sa inyo hanggang sa makatapos ako ng pag-aaral."
“So wala kang binabalak kay Ren ngayong abot-kamay mo na siya?" tanong ko pa.
“Meron," diretso niyang sagot na tiningnan ako sa mata. “Kaya lang, kung ang kapalit naman ay mapapalayas ako dito, hindi ko na lang iyun itutuloy. Sa ngayon, mas importante sa akin na meron akong matitirhan hanggang sa makatapos ako, at mag-aaral ulit ako sa ibang bansa, kesa naman sa wala."
“Or sumugal kay Ren at hindi lang matitirhan ang makukuha mo, kung hindi matitira din. Kung hindi mo naitatanong, mukhang inlababo si Ren sa iyo kahit na nakadikit si Allan."
Hinugasan na niya ang kamay niya sa lababo. “Ang bastos talaga ng bibig mo at alam mo iyun," patay na sabi niya. “pero ayoko pa rin."
Kagalit-galit ang sinabi niya pero hindi ako nagalit. Para pa ngang pinupuri niya ako sa mga sinabi ko.
“May maitutulong pa ba ako dito?" tanong ko habang tinitingnan ang mga hinanda niyang mga sangkap. Mukhang kaunti na lang ang maitutulong ko bilang isang mabuting anak.
“Mukhang wala na."
Sumimangot na lang ako. Ano ba iyan?! Wala talaga akong gagawin? Pero sa bagay. Ayoko naman na may gawin. Ihanda ko na lang ang sarili ko para pumasok pagkatapos kong umudlip ng konti.
Ilang minuto ang lumipas, nakahanda na ako para pumasok. Kakaiba ang panaginip ko kanina. Nanaginip ako na makikitira si Keifer sa bahay dahil pinalayas na siya sa kaniyang tinitirhan. Weird! Siguro may binabalak siya kaya gusto niya na makitira sa bahay ni Ren. Baka hindi lang makitira ang gusto niya kung hindi tumira din.
Lumabas ako ng kwarto ko at kumatok sa kwarto ni Ren. Bumukas naman ang pintuan niya at niluwa siya nito. Nakahanda na rin si Ren para pumasok.
Bumaba na kami papunta sa hapag-kainan para mag-agahan. Nagulantang naman ako nang nakita si Keifer ang nakaupo sa isa sa mga upuan. Hindi pala panaginip iyun.
“Magandang araw," bati niya sa amin na may ngiti na siguradong para kay Ren.
“K-Keifer, magandang araw din," masayang bati din ni Ren.
“Weird! Naging totoo ang panaginip ko," sabi ko sa aking sarili.
“Nagkausap kaya tayo kanina," pagpapaalala niya.
“Okay, okay. Hindi nga panaginip iyun."
“Ohh? Ano pa ang tinatayo-tayo ninyo diyan? Upo na at kumain na kayo" sabi ni Mama habang hinahain ang mga pagkain.
Kumuha kami ng mga upuan at umupo. Nang umupo na kami lahat, nagdasal naman si Mama at nagpasalamat kay God sa biyayang binigay niya sa araw-araw. Habang nagdadasal, napansin ko si Ren na hindi nakapikit at nakatingin lang kay Keifer. Iyung tinitingnan naman niya, taimtim na nagdadasal.
“Amen!" sabay-sabay naming sabi pagkatapos ng dasal.
Nagsimula na kaming kumain ng agahan. Napansin ko naman na iba ang lasa ng ulam na kinakain namin. Halatang hindi si Mama ang nagluto ngayon kung hindi si Keifer.
“Ang sarap talaga ng luto mo Mama," puri ni Ren dito.
Tumigil sa pagkain si Mama. “Ren, hindi ako ang nagluto ngayon. Si Keifer ang nagluto ng pagkain na iyan."
Bahagyang namula ang mukha ni Ren sa hiya. “Pasensya na, Keifer. Hindi ko alam."
“Okay lang. Naiintindihan ko. Most requested mo ba ang luto ng Mama mo?" tanong ni Keifer sa kalagitnaan ng pagkain.
“H-Hindi naman. Ano lang kasi, masarap talaga kaya kailangan purihin kita, o si Mama." Itinuloy niya ang pagkain.
“Si Daryll nga, nagluto din dito ng agahan noong isang araw. Pinuri ni Ren dahil, masarap naman talaga magluto ang pagong na iyun," singit ko nang ubos na ang pagkain sa bibig ko. Pero hindi ko nakikita si Ren na namula sa hiya noong akala na naman niya na si Mama ang nagluto noong nagluto dito si Daryll.
Uminom ng tubig si Mama at humugot ng malalim na hininga. “Siya nga pala. Since napansin ninyo na kasama natin sa hapag-kainan si Keifer, pansamantala muna siyang maninirahan sa bahay. Wala na kasing pambayad sa renta ang kaniyang mga magulang. At dahil gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral sa Schoneberg, patutuluyin ko muna siya dito hanggang sa makapagtapos siya," paliwanag ni Mama. “So, may problema ba kayo o kung ano man sa pagtira ni Keifer? Sabihin niyo lang. Makikinig ako."
“Warang problumu sa'ken," iling ko habang puno ang aking bibig.
“Ako din po, Mama. Walang problema sa akin," sagot ni Ren na nakikinig talaga ng mabuti.
“Pero kay Allan, ewan ko lang," sabi ko nang wala na namang laman ang aking bibig.
“Ay nako! Bahala si Allan sa buhay niya," agad na bulalas ni Mama.
Natawa na lang ako sa sinabi ni Mama. Ayaw talaga niya kay Allan dahil sa mga ginawa nito.
“H-Huwag naman kayo ganyan kay Allan," pagdepensa ni Ren dito.
Sa kalagitnaan ng pagkain, tumunog ang phone ni Mama. Sa tunog pa lang ng phone, alam ko na hindi ito tawag or text. May pumasok na naman sa bahay ni Ren.
“Magandang umaga po!" rinig kong magiliw na bati ni Allan mula sa pintuan pa lang ng bahay.
“Ayan na. Rayot na iyan. Away na iyan," natatawang sabi ko sa aking sarili.
Lumingon agad si Ren sa kaniyang likod. “Allan, magandang umaga din!"
Diretsong lumakad si Allan papuntang hapag-kainan at bigla siyang natigil nang nakasalubong niya ng tingin si Keifer. Kasunod naman niya ay si Ronnie na tuwang-tuwa nang nakita niya ang kaibigan.
“Aba! Keifer, magandang araw," bati ni Ronnie. “Sobrang aga naman ata nang pagbisita natin."
“Ay, Ronnie, hindi. Dito na siya nakatira ngayon. Unang araw pa lang niya dito," paliwanag ko agad.
“What?" sabay na sabi nila ni Allan na gulat na gulat.
“Kumain na ba kayong dalawa?" tanong dito ni Mama. “Keifer, hainan mo nga itong dalawa. At kayong dalawa, sabayan niyo kami sa pagkain."
“Salamat po," magalang na sagot ni Ronnie.
Tumalima naman si Keifer. Habang naghahain, dali-dali namang umupo si Allan sa tabi ni Ren.
“Ano po ang nangyari at nakatita na siya dito?" medyo pabulong na tanong ni Ronnie.
Pinaliwanag ulit ni Mama ang sinabi niya kanina.
Nadismaya si Ronnie sa narinig. “At hindi mo ako tinawagan dahil?" tanong niya kay Keifer na inilagay na sa harapan niya ang kanin.
“Ayokong may tao na magsusustento para sa akin sa kasong ito," malumanay na sagot ng kaibigan niya.
“Ayaw magpasustento, o baka dahil nandito ang objectives mo?" nanghihinalang tanong ni Allan na tinitingnan na ng masama si Keifer.
Napatingin si Mama sa orasan. “Mmm! Saka na iyang pag-uusap ninyo." Tinuro niya ang orasan. “Male-late na kayo kung magdedeskusyon pa kayo dito. Saka na iyan kapag nasa eskwelahan na kayo. Keifer, kung papayag ka na tulungan nila Ronnie, okay lang. Basta kung kailangan mo ng pansamantalang matitirhan, bukas na bukas ang bahay na ito para sa iyo."
“Salamat po ulit," wika ni Keifer.
Keifer's POV
Pagkatapos kumain, niyaya ako ni Ronnie na sa kotse niya sumakay para makapag-usap kami. Si Allan naman ay nagpasya na sasakay na lang siya sa kotse nila Ren.
“Ano ba talaga ang nangyari?" tanong ni Ronnie habang minamaneho niya ang kaniyang sasakyan.
“Nag-away kami ni Gerard," sagot ko.
“Huh?! Kayo ni Gerard, nag-away lang?!" gulat niyang sabi. “Gaano ba kalaki ang away na iyan at nagpasya kang umalis doon sa apartment na pag-aari ninyo?!"
Natigil ako dahil hindi ko alam ang isasagot. Siguradong makakapagsinungaling ako nito. May nakahanda na akong kasinungalingan, pero hindi ko alam kung sasakay ba si Gerard sa kasinungalingan ko. Ngayong may matindi kaming alitan sa isa't isa, at ayokong makipag-communicate sa kaniya dahil papatayin niya ako, o si Ren, siguradong malaki ang tyansa na sasabit kami. Nakakainis! Kasalanan ko ito!
“He is getting paranoid," pagsisinungaling ko. “Nararamdaman niya kasi na may mga matang nakatingin sa kaniya. At pakiramdam niya, nagbabalak na patayin siya ng taong ito. Hulaan mo kung sino ang pinaghihinalaan niya na nagbabalak patayin siya?"
“Ikaw?!" hindi sigurado niyang sagot.
“Wala ng iba. At sa sobrang paranoid niya, iniisip niya na ako ang pumatay sa pamilya ko. Ipinunto niya na hindi ako pumunta noong pasko hanggang bagong taon kaya malamang, ako daw ang taong iyun. Pero alam ko na hindi naman totoo iyun kaya itinuro ko din siya. Baka naman kaya napa-paranoid na siya dahil siya ang pumatay kay Tito at Tita! At ang mga nakatingin sa kaniya ay ang mga multo nila na nagbabalak siyang pahirapan dahil sa mga ginawa niya. Ipinunto ko din na hindi din siya pumunta sa Bulacan noong pasko at bagong taon. Dahil doon, nag-away kami. Itinanggi niya na ginawa niya ang bagay na iyun at nagpatayan kaming dalawa sa apartment. Swerte ko lang na dumating iyung boyfriend niya, at pinigilan kaming dalawa. Ngayon, i-connect mo iyun sa mga nangyayari ngayon, at nakatira na ako sa bahay ni Ren."
“Ang swerte mo!" hindi makapaniwalang sabi ni Ronnie. “Narinig ko pa naman na magaling si Gerard sa mga bagay na, alam mo na. Buti na lang at hindi ka natuluyan. Gusto mong resbakan natin si Gerard?"
“Huwag!" agad na pagtanggi ko. “Sakit lang naman ng katawan ang inabot ko at hindi pa ako patay."
“So aantayin nating mamatay ka at saka tayo reresbak?!"
“Mas maganda kamo na huwag na lang! Sigurado akong bigla-bigla na lang iyan mamamatay si Gerard dahil, palagay ko'y malapit lang sa kaniya iyung tunay na pumatay kay Tito at Tita. Napakalakas kaya ng pandama ng taong iyun. Kung nararamdaman niya na may mga matang nakatingin sa kaniya na gusto siyang patayin, siguradong totoo iyun."
“Kung malapit sa kaniya, ibig sabihin ay malapit din iyun sa iyo dahil iisa lang naman ang apartment ninyo."
“Lumapit siya sa akin," matapang na saad ko.
Natahimik na naman si Ronnie. Imbes na masanay sa mga pinagsasasabi ko, nag-aalala pa rin siya. Alam ko naman na wala kaming close relationship. Pero nag-aalala talaga siya. Dahil ba sa ako na lang ang buhay sa pamilya namin? O baka may ibang plano pa siya sa dark side na kasama ako?
Mapait siyang ngumiti. “Hindi talaga approve sa akin itong mga ginagawa mo. Tinatapon mo ang buhay mo dahil alam mong wala kang ginawang masama. Kaya lang, paano kung hindi ganoon ang pananaw nung tao? Paano kung kahit gaano ka pa kabait, gaano ka man kalinis, paano kung magpasya siyang patayin ka? Alalahanin mo, Keifer. Naging parte ka pa rin ng pamilya mo. Alam mo ang mga ilegal nilang gawain. Pero kahit ganoon, wala ka man lang ginawang aksyon. Hindi mo sila nagawang isumbong sa pulis o kung ano."
“Hindi mo naiintindihan Ronnie. Hawak ng pamilya ko ang kapulisan," balik ko na halos matatawa ako. “Kung iniisip mo na may hustisya akong makukuha para sa mga batang dinukutan ng lamang-loob, ginawang eksperimento para sa bago nilang produkto na droga, nagkakamali ka. Dahil parehas naman nating alam na mauuwi lang sa wala iyun. Kaya siguro itong taong ito na pumatay sa pamilya ko, ganitong paraan na lang ang naisip. Dahil may makukuha siyang hustisya sa ginagawa niya. Ronnie, balang araw, magiging ganito ang mangyayari. Mapapagod ang mga mabubuting tao sa paraan ng pagkuha nila ng hustisya. Kaya ang gagawin ng tao ay dadaanin nila sa madalian. Kapag napatay nila, isipin mo na lang iyung mga taong posibleng inagrabyado nung masamang tao na namatay. Nakakagaan pa ng loob. Wala man lang guilt dahil feeling mo ay ginawa mo ang tama."
Humugot siya ng malalim na hininga. “You sounded like ikaw ang pumatay sa pamilya mo."
“Yeah, parang ganoon nga," pag-amin ko. “Siguro, ganoon talaga kapag iniisip mo ang perspektibo ng isang tao na pumapatay sa pamilya ninyo."
Nang nakita kong malapit na kami sa eskwelahan, nagsimula na akong maglagay ng gel sa aking buhok.
“Napapansin ko lang, wala kang sales pitch para pumunta ako sa bright side katulad mo. Hindi ba ako kwalipikado na mapunta sa side mo?" tanong ni Ronnie nang papasok na kami ng gate.
“Wala akong sales pitch. Sa halip, pinapakita ko sa iyo ang nangyayari sa pamilya namin. Sapat na iyun para makapag-isip-isip ka bago mo manahin iyung business ng mga magulang mo," huling sinabi ko saka lumabas ng sasakyan.
Sales pitch? Hindi pa ba sapat iyung mga nangyayari? Namatay lahat ang mga kamag-anak ko, na pinatay ko dahil sa mga kasalanan nila. Hindi ko siya pipilitin na magbago o kung ano. Dahil ngayon, nakikita niya ang mga posibleng mangyayari sa kaniya kapag pinagpatuloy ng pamilya nila ang ginagawa ko. Pero kung ako ba ang gagawa ng bagay na iyun sa kanila, hindi. May isang tao, o dalawa ang lalabas para lang maghiganti at bigyan ng hustisya ang mga taong inagrabyado nila. Maaaring hindi sa henerasyon niya kung hindi sa susunod, o sa susunod, o sa susunod.
Nang lumabas ako, sakto naman na dumating na din ang sasakyan nila Ren. Unang lumabas si Allan. Hinawakan ko agad ang balikat niya at naglakad kami ng ilang metro. Medyo pumalag-palag siya pero sumunod naman.
“Makinig ka, dalhin mo si Ren kung asaan ka. Kahit iihi ka sa banyo, dalhin mo. Wala akong pakialam," agad na sabi ko.
“Ohh! Iyung karibal ko, baka kapag gusto kong magpa-"
“Sure, pwede, go ahead!" pagputol ko sa sinasabi niya. “Abusuhin mo ang bibig niya diyan sa titi mo, wala akong pakialam. Siguraduhin mo lang na hindi malapit si Gerard sa kaniya. Kapag may nangyaring masama kay Ren, sisiguraduhin kong wala ka ng maabusong bibig diyan sa titi mo."
Tinapik ko ang kaniyang balikat at umalis na. Hindi ko man nasaksihan o kung ano, sigurado akong may nagawa ng kabulastugan itong si Allan kay Ren. Hindi naman ako tanga. Habang may pagkakataon, sige. Ang problema nga lang niya ay kapag naibalik ni Ren ang kaniyang alaala.
Allan's POV
Hindi pa rin ako umalis sa pwesto ko matapos ang mga sinabi ni Keifer. Pero rumehistro sa utak ko na mag-ingat kay Gerard.
Bumalik ako kila Ren at Joseph na kabababa lang. Lumakad na agad si Joseph papunta sa klase niya habang si Ren naman ay kinuha ko ang kaniyang balikat.
“Ren, pwede ba kitang mahiram muna ang buong araw mo sa buong taon?" tanong ko.
Nagulat naman siya at nag-aalalang tiningnan ako. “Huh? Bakit buong araw sa buong taon?"
“Kasi may nasagap akong balita na iyung mga masasamang tao na nagpawala ng alaala mo, malapit lang sa atin," dahilan na naisip ko.
“H-Hindi nga? Totoo ba iyan?" Tumingin-tingin siya sa paligid.
“Kaya huwag kang lumayo sa akin. Okay?"
Tumango si Ren. Approve sa kaniya ang mga sinabi ko.
Kahit na si Gerard lang naman pala ang kailangan kong ilayo kay Ren, naisip ko na mas maganda na ilayo si Ren mula sa lahat ng tao, hangga't maaari.
Sa buong araw, hindi madali ang ginagawa ko na bantayan si Ren mula sa lahat ng tao. Lalong-lalo na kapag kay Geo. May mga plano na sila ngayong araw na ito pero mauunsyami lang dahil sa kailangan ay nasa tabi ko lang siya.
“Huh? Kailangan na nasa tabi mo palagi si Allan?" nayayamot na wika ni Geo. “Alam ba ito nila Joseph?"
“O-oo. Alam ito nila Joseph. Siyempre, para sa kaligtasan ni Ren." Sineryoso ko ang mukha ko. “Kaya Geo, pasensya na. Hangga't nananatiling misteryo para sa amin ang nangyari kay Ren noong kalagitnaan ng pasko at bagong taon, kailangan ay bantayan ko si Ren ng sarili ko. Naiintindihan mo naman hindi ba?"
Bumuntong-hininga si Geo. “Sa bagay. Kahit ako, nag-wa-wonder kung ano ba talaga ang nangyari kay Ren noong mga panahon na iyun?"
“Natutulog?" singit ni Ren na halatang wala talaga siyang alam sa mga nangyari noon.
Habang nag-iisip, naisip ko kung bakit dapat ilayo si Ren kay Gerard. Ano ang problema kay Gerard at pinapalayo kami ni Keifer? Teka, hindi kaya may kinalaman ang dalawa sa mga nawawalang alaala ni Ren?
Habang nag-uusap kami ni Geo, napansin ko si Gerard na tapos na din makipag-usap sa kaklase namin. Kinuha nito ang mga gamit at hindi man lang tumingin sa direksyon namin. Ito ba ang pinapalayo sa amin ni Keifer? Parang ngang wala pa rin siyang pakialam sa akin hanggang ngayon.
Ilang minuto ang nakalipas, nagpraktis na naman kami ng mga dapat i-praktis. Si Ren naman ay nakaupo sa bench habang nakikipag-usap kay Keith. Hanggang ngayon, ayos pa rin ang lahat. Hindi ko nasulyapan ang kahit hibla ng buhok ni Gerard sa lugar. Ano ba itong pinapagawa ni Keifer. Bantayan ko daw, wala naman iyung threat sa paligid.
Nang nakatapos na kami ng isang quarter, humingi ako ng payo.
“Ano kaya kung lumipat din ako sa bahay nila Ren?" tanong ko.
Lumingon sa akin ang dalawang katabi ko.
“Bakit hindi?" sabi ni Alexis sa kaliwa.
“Napakahirap niyan," sagot naman ni Marcaux sa kanan.
Parehas na rumehistro sa utak ko ang sinabi ni dalawa. Pero ang nangingibabaw ay ang sinasabi ni Marcaux.
“Bakit naman?" baling ko kay Marcaux.
“Hindi naman opisyal ang relasyon ninyong dalawa. Para lang kayong naglalaro ng bahay-bahayan," paliwanag ni Marcaux.
“Pero bago naman noong mga panahon na iyun, opisyal namang kami. Hanggang sa..." Inalala ko ang limang araw na hindi kami nagkita.
“At tsaka, bakit ka naman lilipat sa bahay ni Ren?" tanong ni Marcaux.
Patay kong tiningnan si Marcaux. “Si Mama, busy sa kaniyang bagong love life kaya laging nasa Maynila. Si Larson, palagi lang sa shop. Kaya sa gabi, wala akong kasama sa bahay. Tapos, si Keifer pa, sa bahay na ni Ren nakatira."
Nagulat si Alexis. “Huh? Bakit, paano na siya nakatira doon?"
“Pinalayas si Keifer sa tinitirhan niyang apartment. Iyun iyung kwento niya sa amin," paliwanag ni Marcaux nang natapos na itong uminom ng tubig. “Ahh! At si Keifer pa ang karibal mo. Napakahirap talaga. Isang taong halos tahimik, at hindi mo alam kung ano ang iniisip niya. Baka habang nakatira na siya bahay ni Ren, tinitira din niya iyun."
Mahinang sinuntok ko ang kaniyang braso pero hindi naman siya nasaktan. “Huwag ka nga, captain. Isang araw pa lang naman si Keifer doon," paglilinaw ko. “Tsaka si Keifer, mukhang may trabaho ata sa bahay nila Ren."
“Huhulaan ko. Gumagawa din siya sa bahay?" Pinatunog ni Marcaux ang kaniyang dila. “Nako! Delikado ka na. Napakaraming pogi points niyan kapag nakikita mo ang isang tao na gumagawa sa bahay. Hindi mo ba alam na doon sa bahay nila Keith, sinasamahan ko siyang maghugas ng plato, maglaba, at kung ano-ano pang gawaing bahay? Dahil kapag nakikita nung magulang ng minamahal mo na isa kang mapagmahal na partner at marunong ng ilang mga gawaing bahay, madali ka nilang tatanggapin."
“Pero-"
“At huwag mong sabihin na porke't hindi naman niya totoong mga magulang sila Joseph at ang Mama niya, hindi iyun magma-matter," pag-aburido ni Marcaux sa akin matapos malaman niya agad, kahit hindi ko pa sinasabi, ang iniisip ko.
Pinag-isipan ko ang sinasabi ni Marcaux. Oo nga ano. Paano kapag naging kami na nga ni Ren? Paano kung hindi malinis ang mga bahay namin, paano kung napakarami naming huhugasin? Sino ang magluluto ng mga pagkain, sino ang maglalaba ng mga damit namin? Siya? Paano naman kapag nagkasakit siya? Sino naman ang gagawa ng mga bagay na iyun? Ako. Pero may mga katulong naman. Magha-hire na lang kami ng katulong.
Sa gitna ng pag-iisip ko, naisip ko naman kung paano kapag si Keifer ang nakatuluyan niya. Sa imahinasyon ko, si Keifer ay ang maalagang boyfriend ni Ren na pinapagaan ang kaniyang buhay. Kapag nagkasakit si Ren, siya ang naglilinis ng bahay, naglalaba ng kanilang mga damit, nag-aalaga sa kaniya. Tapos nang gumaling na si Ren, ibinigay niya ang kaniyang sarili kay Keifer dahil sa pinapagaan niya ang buhay niya, at sinabi pa niya na tama ang naging desisyon niya na si Keifer ang pinipili niya. Hindi naman nag-aksaya ng panahon si Keifer at kinuha agad ang kaniyang premyo. Hindi dapat mangyari ang imahinasyong ito!
“Tara na!" tapik ni Alexis sa akin na ikinagising ko mula sa aking imahinasyon.
Tumayo na kami para ipagpatuloy ang praktis. Nilingon ko muna iyung pwesto nila Ren kung saan siya dapat nakaupo. Nandoon pa rin siya kasama si Keith. Ngumiti naman siya nang nagkasalubong kami ng tingin.
Pagbalik ko naman sa praktis, nadaan naman ng paningin ko si Gerard kasama si Ronnie. Mukhang nanonood silang dalawa, at bakit magkasama sila ni Ronnie? At base pa sa galaw ng labi ng dalawa, may pinag-uusapan sila.
Natapos na ang praktis namin at oras na ng huli naming klase. Sabay pa rin kami ni Ren pumunta kasama si Alexis, dahil sa parehas naman kami ng klase. Sa pagpunta namin ay nakasabay ko si Ronnie.
“Pre," tawag nito sa amin.
Huminto kami at nag-fist bump muna, maliban lang kay Ren na nakita na si Geo, at sumabay na rin dito.
“Oo nga pala. Nakita ko kayong nag-usap ni Gerard," panimula ni Alexis, na ako dapat ang mag-point out.
“Ah! Si Gerard, magkaibigan kami pero hindi ganoon na magkaibigan," magulong paliwanag niya. “Magulo. Basta, ganoon."
“Talaga? Ano pa kaya ang hindi ko alam?" sarkastikong wika ni Alexis sa sarili. Ehh, paano naman kasi? Iyung mga importanteng bagay lately, si Alexis ang huling nakakaalam? Para na ngang hindi ko siya best friend dahil sa ginagawa ko. Pero best friend pa rin kami.
“Hindi ko din kaya alam na magkaibigan sila ni Gerard," dagdag ko. Tinapik ko ang balikat ni Alexis. “Ano, bente?"
Matalim na tiningnan ako ni Alexis. “Singkwenta."
“Deal!"
Nag-shake hands kami sa harap ni Ronnie na naguguluhan.
“Anong ginagawa ninyo?" tanong ni Ronnie.
“So, Ronnie? Nagpapaturo ka ba kay Gerard sa mga subject na may kinalaman sa course natin?" balik-tanong ko.
Hindi makapaniwalang tumingin si Ronnie sa akin. “Huh? Si Gerard? Magtuturo? Baka bumuka ang lupa at kainin siya kapag nagturo ang taong iyun?!"
Nagulat kami sa aming nalaman na ngayong lang namin alam. Ang ginagawa namin kanina ni Alexis ay nagpupustahan kami kung ano ang pinag-usapan ni Ronnie at Gerard. Ang pusta ni Alexis ay nagpapaturo si Ronnie, habang ako naman ay ang kabaligtaran. Ginagawa namin ang pustahang ito dahil kilala si Gerard na tinuturan sa mga kaklase namin kapag may mga parte silang hindi naintindihan sa aralin. Mukhang hindi nga talaga kaibigan ni Ronnie si Gerard o kung ano man. Pero kung hindi ito nagpapaturo, ano naman kaya ang pinag-usapan ng dalawa? Nagkakamustahan kaya sila? Well, normal naman ata siguro iyun since magkakilala sila and all.
Tuwang-tuwa naman ako habang inaabot ni Ronnie ang singkwentang papel sa akin. Well, palagi kaya akong talo sa pustahan naming dalawa pagdating kay Gerard dahil laging tama si Ronnie. Ngayon lang siguro siya mali.
“Iyung prof natin, andyan na. Tara!" untag sa amin ni Ronnie.
Keifer's POV
Natapos na kaming kumain ng gabihan kasama sila Joseph, at ang mga kasama ngayon ni Allan na bumisita. Habang umaalis na ang lahat para pumunta sa sala, nanatili naman kami ng Mama ni Joseph para iligpit at hugasan ang mga pinagkainan. Hindi ko naman inaasahan na bumalik si Allan para agawin ang trabaho ni Mama Joseph.
“Tita, pwede po bang ako na diyan?" sabi niya dito na may ngiti.
Si Joseph naman na papunta palang sa sala ay napahinto at hindi makapaniwalang tumingin sa amin.
“A-Allan, bisita ka namin," pagtanggi ng Mama ni Joseph. “Doon ka na sa sala at kaya na namin ito ni Keifer."
“I-I insist po. Kung hindi niyo po naitatanong, magaling po ako maghugas ng pinggan," nininerbyos na tugon niya. At mabilis pa ang pagkakasabi niya. Halatang nagsisinungaling siya! At isa pa, walang nagbubuhat ng sariling bangko pagdating sa bagay na ito!
Nahuli ko naman si Alexis na papatawa sa sinasabi ni Allan. Kahit iyung best friend niya ay alam kung ano ang mangyayari!
“Mama, siguradong pagod na pagod po kayo sa dami ng ginawa ninyo kanina. Bakit hindi po kayo magpahinga agad? Hayaan niyo na po diyan si Allan na magaling maghugas ng pinggan," nang-aasar na wika ni Joseph. “Halika, Mama. Mamasahiin ko po ang kamay ninyo." Siguro ay alam din niya na nagsisinungaling si Allan sa bagay na iyun at gusto siyang pahiyain. Pero, hindi niya na dapat ginawa iyun!
“S-Sa bagay. Medyo masakit-sakit na rin ang kamay ko sa kakahati ng mga karne," tugon ng Mama niya habang minamasahe ang kaniyang kamay. “Pasensya na Allan, pero sige. Tulungan mo si Keifer na maglinis ng mga pinagkainan." Naglakad na ito papunta kay Joseph.
“Sige po. Magpahinga lang po kayo at sigurado na malinis na malinis po ang mga pinggan ninyo," confident na sabi ni Allan. Huwag kang tanga! Huwag mong hukayin ang sarili mong libingan!
Nang umalis na sila Joseph, nagsimula na si Allan sa mga gawain. Kinuha niya ang mga pinggan. Kaya lang ay napakabagal ng ginagawa niya dahil paisa-isa ang kuha niya sa mga ito. Bagay na hindi ginagawa ng mga taong self-proclaimed na magaling maghugas ng pinggan.
Matapos makuha ang lahat ng pinggan sa mesa, mga apat na minuto ang inabot niya na isang minuto lang para sa akin, tiningnan niya ang mga pinggan ng mga ilang minuto. Tiningnan ko lang siya para wala siyang makuhang ideya kung ano ang dapat gawin ngayon. Marahil ay iniisip kung ano dapat ang gagawin pagkatapos, dahil wala naman talaga siyang alam sa bagay na ito!
“Hindi ka talaga magaling maghugas ng pinggan ano?" naitanong ko nang nakatengga na ang mga pinggan ng mga isang minuto.
“Wala talaga akong alam," confident na tugon niya na may ngiti pa sa labi.
“Nagmumukha kang tanga ngayon, alam mo ba iyun? Ganito. Tuturuan kita."
Tinuruan ko si Allan sa basics ng paghuhugas ng pinggan, sa paraan na alam ko. Matapos ng ilang sample, nakuha din niya agad. Pinasubok ko na siya pahugasin para malaman ko kung nakuha niya ba talaga o hindi. Bad news, at good news. Nakuha niya talaga iyung itinuturo ko, kaya lang ay sobrang bagal niyang kumilos.
“Magkakaroon na siguro ng world war 3, hindi ka pa tapos diyan," naiinis kong sabi.
“Maghintay ka nga! Ang hirap kaya! Tapos babasagin pa iyung plato," rason niya. “Kapag nakabasag ako, babayaran mo? Babayaran mo?"
“Nakakainip kang panoorin. Hindi ka na lang sana nag-volunteer para sa kabagalan mo. Ako na nga diyan! Ikaw na lang iyung tagapunas!"
Ibinigay ko sa kaniya ang tuyong tela na ginagamit sa pagpapatuyo. Pagkatapos ay inagaw ko ang platong hinuhugasan niya. Aantukin ako sa ginagawa niya. Parang tanga lang! Magyayabang pa na magaling siyang maghugas ng plato.
“Matanong ko lang. Saan mo nakilala si Ren?" tanong ko habang tinutulungan na rin siyang magpunas ng plato. Seriously, natapos na ako sa paghuhugas. Ultimo pagpupunas lang ng plato, ang bagal-bagal pa rin!
“Sa Pusok. Doon sa bandang bakery na may katabing kompyuteran," sagot niya.
Bigla kong naalala ang lugar na binanggit niya. “Ahh! Alam ko ang lugar na iyun. Doon kami nagla-last game kapag pauwi na si Ren sa kanila."
Nagulat si Allan. “Talaga?" Natawa siya sa kaniyang sarili. “What a coincidence. Doon din kami nagla-last game ni Ren."
“Naglalaro ng video game," sabay naming nasabi ni Allan.
Natigil kaming dalawa. Hindi na namin pinagpatuloy ang sinasabi dahil mukhang parehas ang ginagawa namin sa kompyuteran na iyun. Maglalaro kami ng isang video game. Pipiliin ni Ren ang kaniyang paboritong character sa larong iyun. Sadya kaming magpapatalo. At gagawin niya iyung combo finish na iyun lang ang alam niya. Siyempre, tuwang-tuwa iyun kapag nagagawa niya iyun. Pakiramdam niya, may na-achieve siyang malaki.
“So, ikaw pala ang kalaro ni Ren sa MABES kapag hindi umaalis si Kuya Larson," sabi niya matapos ilagay ang babasaging pinggan sa lagayan.
“Base iyun, hindi MABES," paglilinaw ko. “Elementary School kaya iyun sa lugar na iyun. Military Airforce Base Elementary School?"
“Parang hindi naman ata iyun ang meaning ng MABES. Anyway, nag-aaral ako doon sa bandang new bridge. Kaya lang, hindi ko na matandaan kung ano iyung pangalan ng eskwelahan na iyun." Nag-isip si Allan. “Ang tanging natatandaan ko lang ay iyung palaruan na pinupuntahan ko kasama si Ren. Hmm, may natatandaan ko. May reklamo si Ren sa mga kalaro niyang magugulo. Kayo ba iyun?"
“Magugulo? Talaga?" Nag-isip din ako. “May isa pa kayang grupo na kalaro si Ren?"
“Sabi pa niya, ayaw niya kalaro iyung mga taong iyun dahil palaging nag-aaway."
Napahinto ako sa ginagawa. Ahh! Kami nga talaga ang tinutukoy ni Ren. Si Harry kasi, palaging nakikipag-contest sa akin kung sino ang mauna sa mga bagay-bagay na may kinalaman kay Ren. Siyempre ako, ayoko naman na mauna siya. Siya din naman, ayaw niya na mauna ako.
“Kami iyun at si Harry," pag-amin ko.
“Okay. Si Harry pala? Asaan na?"
“Hindi ko alam. Wala na akong balita sa kaniya," pagsisinungaling ko.
Sa sobrang bagal ni Allan, at dahil na rin may kwento siya tungkol kay Ren, sinadya ko ding bagalan ang pagtutuyo. Nakakatuwa, nakakalungkot din. May mga bagay na alam ko, at meron ding hindi. Ganoon din siya. Kagaya ni, Mr. Lion.
“Ayan!" Nilagay ni Allan ang pinupunasan sa lalagyan. “Iyun na iyung huling plato."
“Congratulations! Merry christmas and a happy new year!" pang-aasar.
“Grabe naman 'to! Bagong taon na bang nang natapos ako?"
Pumunta na kami sa sala at sinamahan na ang mga tao, na nag-antay sa amin ng isang oras. Oo, isang oras ang inabot namin ni Allan sa paghuhugas lang ng plato.
Nadatnan namin sila Alexis, Ren at Ronnie na naglalaro ng board game.
“Akala ko, hindi na kayo matatapos sa paghuhugas ng plato," wika ni Ronnie.
Inikot ko ang aking paningin. “Sabihin mo iyan sa magaling maghugas ng pinggan."
“Tara! Sali na kayo!" yaya sa amin ni Ren.
Habang naglalaro ng board game, nagkaroon naman ng flash report sa TV.
“Patay ang isang trenta anyos sa pamamaril kaninang umaga sa Quezon City. Namimili lang ng pagkain sa lugar ang biktima nang bigla siyang pagpuputukan ng riding-in-tandem. Dead on the spot ang biktima na si Hank Faustiano. Nagtataka naman ang mga kapit-bahay ni Hank dahil sa isang mabait na tao ito. Wala namang naiisip na kaaway o kagalit ang mga kapit-bahay. Wala rin naman itong record sa kapulisan. Kasalukuyang inaalam pa rin ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay," paliwanag ng reporter.
Napahinto ako sa paglalalro nang narinig ang pangalan ng pinatay sa balita. Si Hank Faustiano, distant na kamag-anak siya ni Gerard. Hindi ko lang alam kung kilala nila ang isa't isa. Pero, tauhan din si Hank sa isa ko pang Tito na hindi ko na kinilala dahil pinatay ko siya. Anong nangyayari? Sino ang kaya ang posibleng pumatay sa kaniya? At bakit naman siya papatayin? Alam ko naman na sangkot din sa mga ilegal na gawain si Hank, pero hindi naman ganoon kalaki ang partisipasyon nito sa mga bagay na iyun. Isa lang naman siya sa mga tauhan ng pamilya ko.
“Kamag-anak kaya iyun ni Gerard?" biglang naitanong ni Allan.
“Keifer, ikaw na ang titira," untag ni Ren.
“Ewan ko. Hindi ko alam," iling naman ni Ronnie. “Baka ka-apelyido lang ni Gerard, ganoon."
“Keifer, kasama ka ba sa field trip ng section niyo?" biglang naitanong ng Mama ni Joseph na komportableng umuupo sa pang-isahan na sofa sa sala.
“Hindi po," sagot ko. “Masyado pong mahal iyung mga babayarin. Hindi po kaya ng kasalukuyang pera ko."
“Problema ba iyun. Ililibre kita," biglang nasabi ni Ronnie.
Nagulat ako sa sinabi niya at napatingin sa kaniya. “Nako! Huwag na lang. Ayokong magpalibre. At tsaka, ang laki-laki ng babayaran."
“Seriously, barya lang sa akin iyung mga babayaran sa field trip. Tsaka huwag ka ng tumanggi. Ito na nga lang ang maitutulong ko sa iyo. At, kung tama ang pagkakaalala ko, first time mong makakapunta ng Baguio."
Lumawak ang ngiti ni Ren. “Baguio! First time ko din makapunta doon."
“Ako din. First time ko din sa Baguio," dagdag ni Allan.
“Nakalimutan niyo ata na magkakaiba tayo ng course at section. Per course at section kaya ang field trip," pagpapaalala ko.
“Pero pwede magsama ng mga kaibigan sa ibang course at section," pagpapaalala Alexis.
Hindi na ako makasagot. Wala na akong naiisip na posibleng dahilan para hindi makasama sa kanila. Sa totoo lang kasi, ayoko talagang magpalibre o ano. Gusto ko na ako ang nanlilibre. Pero wala na akong magagawa. Siguro ay papayag na lang ako.
Humugot ako ng malalim na hininga. “Sige, sasama ako."
“Yehey!" masayang sigaw ni Ren.
ITUTULOY...
tuwang tuwa si ren nararamdaman kaya nya na may nakaraan sila ni keifer...,
ReplyDelete