Author's note...
Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Also kuya Peter! :D
Hi, kumusta po? Long-time no post na naman. Pasensya na po at hindi ako nakapagpost. Busy na naman ako dahil may isa pa akong bagay na sinusulat, pero hindi siya M2M. Ewan ko kung may nagbabasa pa rin nito, pero tatapusin ko ito hanggang sa huli.
Anyway, iyung isa pa na sinusulat ko ay rip-off ng Supernatural na sikat na sikat sa America. Although may halong politika nga lang dahil ginawa ko iyun sa kasagsagan ng eleksyon.
Well guys, pasensya na talaga at natagalan. Pero bukas, ipo-post ko na iyung katapusan ng unang kwento ni Aulric, then bukas ng bukas, ipo-post ko na iyung unang chapter sa pangalawang kwento ni Ren.
Salamat po sa paghihintay, nandito na ang Chapter 45.
Hey, alam niyo ba kung bakit nag-post ako ngayon? :D
Hi, kumusta po? Long-time no post na naman. Pasensya na po at hindi ako nakapagpost. Busy na naman ako dahil may isa pa akong bagay na sinusulat, pero hindi siya M2M. Ewan ko kung may nagbabasa pa rin nito, pero tatapusin ko ito hanggang sa huli.
Anyway, iyung isa pa na sinusulat ko ay rip-off ng Supernatural na sikat na sikat sa America. Although may halong politika nga lang dahil ginawa ko iyun sa kasagsagan ng eleksyon.
Well guys, pasensya na talaga at natagalan. Pero bukas, ipo-post ko na iyung katapusan ng unang kwento ni Aulric, then bukas ng bukas, ipo-post ko na iyung unang chapter sa pangalawang kwento ni Ren.
Salamat po sa paghihintay, nandito na ang Chapter 45.
Hey, alam niyo ba kung bakit nag-post ako ngayon? :D
Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15 | Chapter 16 | Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21 | Chapter 22 | Chapter 23 | Chapter 24 | Chapter 25 | Chapter 26 | Chapter 27 | Chapter 28 | Chapter 29 | Chapter 30 | Chapter 31 | Chapter 32 | Chapter 33 | Chapter 34 | Chapter 35 | Chapter 36 | Chapter 37 | Chapter 38 | Chapter 39 | Chapter 40 | Chapter 41 | Chapter 42 | Chapter 43 | Chapter 44
Chapter 45:
Keep Your Friends Close, And Enemies Closer
Geoffrey’s POV
“Samantala, nagkaroon ng barilan na nangyari sa gymnasium
ng Bourbon Brother’s University. Habang nagtatanghal ang mga estudyante para sa
isang Valentine’s Day Special, bigla na lang namatay ang mga ilaw at nakarinig
naman ang ilang mga estudyante ng tatlong putok ng baril. Pagkabalik ng ilaw ay
isang lalaki ang nakabulagta sa stage na kinilala na si-”
“At nakapuntos ng 3 points si Terrence…”
“Luke, bakit mo nilipat ang channel?” inis kong wika sa
kaniya na nasa harapan ko. Hindi ko namalayan na nasa kaniya ang remote ng TV.
“Pasensya na. Basketball na kasi. Ngayon ko lang
namalayan,” pagdadahilan niya.
“Ehh, nanonood pa nga ako ng balita tapos bigla mong
ililipat?”
“Ano ka ba? Napanood mo na iyun kanina pa. Hindi ka ba
nagsasawa?”
“Bagong balita ang pinapanood ko. Tsaka, baka…” Humugot na
lang ako ng buntong-hininga. “Hindi bale na lang. Mapapanood ko naman iyan
mamaya.”
Muling itinuon ko ang aking ginagawang pananaliksik sa
journal na nakuha ko mula sa isang
hindi-ko-masasabing-successful-at-hindi-ko-din-masasabing-palpak na raid sa
isang bodega ng mga droga. Hindi ko masasabing successful, dahil hindi namin
nahuli ang utak sa likod ng mga droga na nasabat namin sa warehouse. Nahuli nga
namin ang mga tauhan, pero may isang tao na biglang itinumba ang mga nahuli
namin. Hindi ko masasabing palpak, dahil may interesante akong bagay na nakuha
sa raid. Isang journal, at iyung mga nasabat naming droga.
Mga ilang oras ko na ring binabasa ang journal na nakuha
ko. Marami akong bagay na hindi maintindihan dahil gumagamit ang may-ari ng
journal na ito ng mga salitang teknikal, pero maraming bagay din ako na nalaman
tungkol sa bagong droga na kumakalat.
Journal Entry No. 1
“Wow! Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayong
araw. Mayroon akong bagay na natanggap mula sa isang hindi kilalang tao. Isang
parcel ng mga hindi ko alam na kemikal, ilang pera na nagkakahalaga ng mahigit
dalawang bilyon, at isang sulat. Ayon sa sulat, isa daw itong kemikal na
theoretically, pwede daw makagawa ng pambihirang epekto sa tao na malimutan
niya ang lahat-lahat sa kaniya. Gaya ng, amnesia, pero hindi marunong magsalita,
hindi marunong sumulat, sa madaling sabi ay parang naging isang baby ulit.
Iyung mga bata na ngawa lang ng ngawa ang alam. Pero sabi sa sulat, ang kemikal
na ito ay hindi pa perpekto dahil daw napakadelikado nito kapag na-consume ng
tao. Mawawalan nga siya ng alaala, pero mamamatay siya ilang minuto o oras
matapos gamitin ang kemikal na ito. Kaya kailangan daw ang isang matalinong
kagaya ko na humanap ng paraan para hindi mamatay ang sino mang tao na gagamit
ng gamot na ito. Bakit naman ayaw pa nila patayin? Hindi ba’t mas maganda na
iyun kesa naman buhay pa? Pero, gagawin ko ito. Gagawin ko ang hiling ng taong
nagpadala sa akin nito dahil makakatanggap daw ako ng malaking salapi kapag
nagawa ko ang gusto niya. Okay. Oras na para magtrabaho. Oo nga pala. Kailangan
mag-isip ako ng ipapangalan ko sa kemikal na pinadala sa akin. Ano kaya kung
‘Amn’? Maganda kaya iyun? ‘Amn’ mula sa salitang ‘amnesia’ na kinalimutan na
ang ‘esia’.”
Journal Entry No. 136
“Eureka! May interesante akong nalaman sa kemikal na ito.
May bagay akong nilagay sa ecstasy kasama ang ‘Amn’, na ginawa kong, parang
pills, o tabletas. Nang ipinasubok ko ito sa aking mga daga, naging mahalay ang
dalawa at mukhang inuubos nila ang katas ng isa’t isa. So far, wala pang
namamatay sa kanilang dalawa, pero hindi ko pa alam kung kapwa malilimutan nila
ang ginagawa nila ngayon, o kung magiging parang baby sila ulit. Siguro ay
umuwi na muna ako sa bahay para naman makapagpahinga ako saglit dahil hindi ko
namamalayan na ilang araw na pala akong hindi natutulog. Bukod pa riyan, may
appointment pa ako bukas kaya kailangan ay maging mukhang mas healthy ako sa
aking pasyente kesa ako ang magmukhang may sakit, hindi ba? Napaka-ironic naman
kasi kung magkaganoon. Naging doktor pa ako kung mukha namang ako ang sakitin.
Kailangan pa naman na healthy kaming mga doktor.”
Journal Entry No. 137
“Hindi ito maaari! Hindi ito maaari! Saka ko lang
napagtanto na maling gamot ang binigay ko sa aking pasyente. Ibinigay ko sa
kaniya ang tabletas na naglalaman ng ‘Amn’ at Ecstasy. Pati na rin iyung isang
bagay na nilagay ko kasama ng dalawa, na nakalimutan ko kung ano iyun, pero
hindi muna mahalaga iyun. Ang epekto pala ng bagay na iyun ay, iyun nga.
Magiging mahalay ang sinomang makakainom, pero makakalimutan ng uminom kung ano
ba talaga ang nangyari habang nasa impluwensya sila ng droga. Nako! Magiging
malaking problema ito kapag nagamit iyun ng aking pasyente. Sana naman ay hindi
pa niya nagamit ang kahit isang tabletas. Tumawag na ako sa pasyente kong ito
na puntahan agad ako dahil maling gamot ang naibigay ko sa kaniya. Ang tanga ko
talaga! Bakit kasi halos magkaparehas ng container ang nilagyan ko ng mga
tabletas na pampatulog, at ng tabletas ng ‘Amn’? Kailangan ay maghanap ako ng
bagong lagayan at doon ilagay ang tabletas ng ‘Amn’.”
Journal Entry No. 138
“Nakakahinga na ako ngayon ng maluwag. Mabuti naman at
hindi pa nagamit ng pasyente kong ito ang mga tabletas. Mabuti na lang talaga,
mabuti na lang talaga. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin matandaan kung ano
ang bagay na nilagay ko kasama ng ecstasy at ng ‘Amn’. Nang sinubukan kong
suriin ang tabletas, tanging ecstasy at ang ‘Amn’ lang ang nakita ko. Biglang
nawala ang bagay na nilagay ko kasama ng dalawa. Hmm, ano kaya iyun? Dapat ay
mahanap ko na ang bagay na iyun. Patuloy pa rin kasi nagpapadala ng pera ang
misteryosong tao na nagpadala sa akin nito, pero hindi na kasama ang kemikal na
‘Amn’. Marahil ay, limited edition lang ang kemikal na ito? Hindi ko alam. Pero
kailangan ay magmadali ako. Malapit na kasing maubos ang ‘Amn’. Mukhang
makakagawa ako ng limampu, o walompu? Hindi ko alam. Kailangang magmadali.”
Journal Entry No. 840
“Sa wakas, nagawa ko din! Nalaman ko na ang mga perpektong
sangkap para mawala ang isang side-effects ng ‘Amn’ sa mga tao! At iyun ay ang
hindi mamatay! Yes! Nagawa ko! Matapos ang ilang araw na pagpupuyat at
paghihirap, ilang daga na nagsakripisyo nagawa ko na din sa wakas! Pero, hindi
ako nakaabot sa pansarili kong kota. Sampu lang ang nagawa ko, at siyam na lang
dahil binigay ko ito sa aking benefactor na nag-sponsor sa akin. Mahirap ito.
Hindi ko tanggap na sampu lang ang nagawa ko. Bakit ba kasi mukhang imposible
na paramihin ang bagay na ito? Siguro ay kailangan kong mahalin ang presyo ng
drogang ito. Tutal naman, garantisadong makakalimutan talaga ng iinom ang lahat-lahat
sa kaniya. Kailangan ko ng ibenta ito.”
Journal Entry No. 850
“Ngayong araw, bumili ang Pamilya Villaflores ng isang
droga. Kahit na napakamahal ng offer ko sa kanila, kinagat pa rin nila ang
presyo. Mukhang kailangan na kailangan nila ang droga. Saan kaya nila gagamitin
iyun? Pero wala na akong pakialam doon. Ang importante ay marami na akong pera.
Mayaman na agad ako dahil sa drogang ito. Isang droga lang, limpak-limpak na
pera na ang binigay sa akin. Hay! Sayang! Kung naparami ko sana ang drogang
ito, o kung nalaman ko agad kung ano ang kailangan idagdag sa ‘Amn’ para hindi
mamatay ang taong makakainom nito.”
Journal Entry No. 853
“Ngayong araw, may resulta na ako sa ginagawa kong antidote
ng ‘Amn’. Pero sa kasamaang palad, walang resulta. Mukhang ang bagay na ito ay
hindi ka na talaga makakalingon sa pinanggalingan mo. Pero babalik ka talaga
kung saan ka nanggaling, sa pagiging bata. Teka? Tama ba ang mga sinabi kong
iyun? Anyway, napakasaya ko dahil siguradong walang antidote ang ‘Amn’. Bili na
kayo ng ‘Amn’! Mahal, pero garantisadong makakalimutan talaga nila kung sino
sila! ‘Amn’ tablet, bili na!”
Journal Entry No. 855
“Ilang araw, o buwan na ang nakakalipas, pero, wala parin
akong balita sa pamilya Vlilaflores. Nagamit na kaya nila ang gamot? Hmm,
interesado ako kung kanino nila ginamit at, naging epektibo ba ang gamot? Baka
kasi pumalpak ang produkto kong iyun. Sayang naman ang binayad nila kung
ganoon. Ayoko pa naman na ibalik na ang pera na binigay nila sa akin dahil
kailangan iyun ng pamilya ko. Pero kung hindi pa sila tumatawag, at wala akong
natatanggap na reklamo mula sa kanila, baka naman naging epektibo talaga ang
binigay ko sa kanila? Bibili pa kaya sila ng iba pa?”
Journal Entry No. 877
“Isang kagimbal-gimbal na balita ang aking natanggap. Noong
pumunta ang mga tauhan ko sa lugar ng mga Villaflores sa Laguna, wala na ang
mansyon nila. Sinunog ito, kasama na rin ang mga kamag-anak ng pamilya
Villaflores, bata, o matanda, lahat-lahat, wala na din. Ayon sa tauhan ng
pamilya Villaflores, na ngayong ay nagkawatak-watak na, habang nagsama-sama ang
buong pamilya Villaflores, inutusan daw sila ng boss nila na magsaya muna sa
malayo at bumalik na lang kinabukasan. Sinabi pa daw ng boss nila na kasama
nila ang kanilang mga pinakamagagaling na bodyguard nila kaya huwag na silang
mag-alala. Kaya tuwang-tuwa naman ang mga tauhan nila sa sinabi ng boss nila,
at sinunod ito. Pero nang pabalik na sila ng mansyon, tinutupok na ng apoy ang
mansyon, kasama din ang mga labi ng lahat ng miyembro ng pamilya nila.
Nakakumpol-kumpol daw sa Dining Hall, at mukhang doon daw muna sinimulan ang
sunog bago kumalat ito sa buong mansyon nila. Walang nakakaalam kung ano ba
talaga ang nangyari, basta ang alam nila ay brutal na pinagpapapapatay ang
bawat kasapi ng pamilya. Wala daw nakaligtas, kahit isa. At iyun ang hudyat ng
pagbagsak ng pamilya Villaflores. Nag-aalala ako. Paano kung, kami ang isunod
ng kung sinong may gawa ng bagay na iyun? May listahan kaya siya ng mga pamilya
na kailangan niyang sunugin ang buong kasapi ng isang pamilya? At tsaka, ano
kaya talaga ang dahilan kaya bumili ang pamilya nila ng ‘Amn’ sa akin?
Tinatanong ko si Hilda, ayaw naman niyang sabihin kung bakit. Basta, sikreto
daw ng pamilya nila iyun. Hmmpp, kaya lang, paano ko na malalaman? Pati siya ay
sunog na din at, patay na.”
Journal Entry No. 860
“Hindi ito maaari! Hindi ito maaari! May isang pulis na
nakaalam tungkol sa droga ko! At para hindi siya makapagsalita, wala akong
nagawa kung hindi ipinaturok sa kaniya ang isa sa mga gamot! Shit! Nakakainis!
Kung nalaman ko lang sana na undercover agent ang pulis na iyun, hindi sana ako
mababawasan ng isang tabletas! Sayang! Kailangan na mabawi ko ang nasayang na
tabletas! Ngayon, may limang tabletas na lang ang natitira. Ahh! Tama! Tataasan
ko ang presyo ng ‘Amn’ para mabawi ko ang mga nawala sa akin!”
At iyun ang huli niyang entry sa journal. Hmm,
napaka-useful naman ng ilang mga impormasyon na nakalap ko. Unang-una, may
pitong tabletas ng ‘Amn’ ang nasa sistema. Kung may gumamit ng isa sa mga ito
ay malalaman siguro namin. Siyempre, mame-media ito dahil biglang naging baby
ang isang ginoo, o ang isang ginang. At, walang paraan para maibaligtad ang
pagkawala ng memorya. Tanging tradisyonal na paraan na lang ang magagawa mo na
walang kasiguraduhan. Dapat talaga, mahuli namin ito kung sino man ang mga may
hawak ng ‘Amn’.
Nang iniligpit ko na ang journal, tumunog ang phone ko. Isa
itong tawag mula sa isang, importanteng tao. Si Mr. Simon Schoneberg.
Kasama ang phone, naghanap muna ako ng isang pribadong
lugar para mag-usap.
“Hello po, Mr. Schoneberg?” bati ko.
“Officer Geoffrey, mabuti naman at sinagot mo ang tawag
ko,” wika ng matanda sa kabilang linya. Rinig kong bumuntong-hininga ito.
“Kumusta ang pinapagawa ko sa iyo? May resulta na ba? Narinig kong naging
successful ang raid ninyo, pero namatay naman ang inyong mga posibleng lead.”
Napakamot ako sa aking ulo at hinawi ko ang aking buhok.
“Opo. Totoo po iyun. Pero may mga ilang bagay pa rin po akong nalaman. Hindi
rin naman po palpak ang raid.”
Mukhang napalunok ang matanda sa kabilang linya. “Ano
iyun?”
“Unang-una sa lahat, maraming salamat po sa pag-sponsor sa
amin ng mga makabagong armas, at kung ano-ano pa sa aming mga pulis. Napakalaking tulong po ng ginawa niyo kahit
na alam kong parang bawal,” panimula ko.
“Walang anuman. Pero, Officer Geoffrey, pakiusap. Huwag ka
ng magpaligoy-ligoy pa dahil medyo tight ang schedule ko,” medyo naiiritang
tugon ni Mr. Schoneberg.
“Yeah. Opo. Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Iyun nga, sa
latest naming raid, nalaman po namin na doon ginagawa ang drogang nainom ni Ren
kaya nawala ang kanyang mga alaala. At, ayon po sa nabasa kong journal, hindi
na po mababaligtad ang pagkawala ng memorya niya. Permanente na po iyun, gaya
ng isa naming kasamahan na bumalik sa pagiging baby ang ugali. Pasensya na po
Mr. Schoneberg. Mukhang sa tradisyonal na paraan lang po ang inyong solusyon
para maibalik ang mga alaala ni Ren.”
Natahimik ang kabilang linya. Hindi na ako nag-usisa kung
andyan pa ba siya, narinig ba niya ang mga sinabi ko, o choppy ba ako. Pero
kung narinig nga niya, sigurado akong nasasaktan si Mr. Schoneberg sa mga
nangyayari sa anak-anakan niya. Nararamdaman ko na kaya ang sakit, kahit na
hindi pa nangyayari ang mga bagay na ito kay Christian.
“Pero ayon po sa journal na nabasa ko, hindi magawang
paramihin ng doktor na ito ang pangunahing sangkap ng droga. Ayon sa journal,
iyung benefactor ng doktor ay isang beses lang siya pinadalhan ng pangunahing
sangkap, at mukhang mahirap itong makuha. Hindi ko nga lang po alam kung ano
ang sangkap na ito, pero siguro naman po ay magkakaroon ng resulta ang mga
doktor na sinasaliksik ang bagay na ito hindi po ba?” pampalubag-loob na dagdag
ko.
“I see,” mapait na wika nito. “Mukhang wala na akong
magagawa. Good job, Officer Geoffrey. Salamat sa serbisyo mo. Inaasahan kong
patuloy mo pa ring gampanan ang iyong trabaho. Kasabay nito, patuloy pa rin
akong magpapadala ng donasyon sa inyong kapulisan para mahuli natin ang mga
taong may hawak ng mga drogang ito, once and for all. Good night.”
Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Mr. Schoneberg dahil sa
ibinaba niya agad ang kanyang telepono. At tsaka para pagsabihan din siya na
tigilan na niya ang magbigay ng donasyon sa amin para lang maging maganda ang
baril namin. Modern na kaya ang mga gamit naming baril. Baka sa mga donasyon na
ibigay niya, bigla na lang maging laser ang baril namin.
“Geoffrey, pinapatawag ka na ni Inspector,” tawag sa akin
ni Luke.
Tumango na lang ako kay Luke. Isinarado ko ang journal at
dinala ito kasama ko. Kasama si Luke, pumasok kami sa opisina ni Police
Superintendent Arrie. Naabutan namin ito na nag-aayos ng mga papeles sa
kaniyang mesa.
Si Police Superintendent Arrie, medyo matanda na ang edad,
at mahahalata mo sa mga medalyang nakasabit sa uniporme niya na marami siyang,
award, obviously. Pero…
Bago muna nagsalita, sumaludo na muna kami. Pagkatapos ay
pinaupo na kami sa magkabilang upuan.
“Superintendent Arrie, heto nga po pala ang sinasabi kong
nakita ko nang bumalik ako sa pinangyarihan ng raid,” panimula ko. Maingat na
inilagay ko ang journal sa mesa niya at dahan-dahang itinulak ito papunta sa
kaniya. “Nang binasa ko po ito, naglalaman siyang ng ilang mga impormasyon sa
development ng ‘Amn’.”
Nanlaki ang mga mata ni Luke nang tumingin sa akin. Wari’y
sinasabi niya kung bakit sinabi ko kung bakit binasa ko ang journal. Nagkibit
lang ako ng balikat. Curious ako kaya babasahin ko talaga. Tsaka, wala naman
akong protocol o batas na nilabag sa pagbabasa lang nung journal.
Kinuha ni Superintendent Arrie ang journal, binuklat, at
mukhang binasa din ang nilalaman nito. Humugot siya ng buntong-hininga, at
dahan-dahan na nilipat-lipat ang mga pahina ng journal.
“Nabasa mo na ba ito lahat?” tanong pa nito sa akin.
“Nabasa ko na po lahat,” matapat na sagot ko. Wala kasi
akong magawa kaya binasa ko na.
“Kung ganoon, may mga ibang bagay ba na nabanggit ang
journal na ito? Gaya ng mga pangalan?”
“Pasensya na po, Superintendent Arrie. Wala po akong mga
pangalan ng tao na nabasa. Kung gusto niyo po, tanungin niyo po iyung taong
nagpunit nung ilang mga pahina ng journal, kung napapansin po ninyo.”
Natigil si Superintendent Arrie nang nililipat-lipat ang
pahina ng journal, at mukhang nakita na niya ang isang pahina na pinunit. “Good
job, Geoffrey.” Inilagay nito ang journal sa kaniyang aparador na nasa ilalim
ng kanyang mesa. “Ipapadala ko na ang journal na ito sa Department of Health,
at baka may malaman silang bago tungkol sa bagong drogang ito. Tsaka tungkol
pala sa bagay na tinatanong mo, wala daw talagang mahanap sa sample ng dugo na
pinapadala mo.”
Nadismaya ako sa aking narinig. Ang tinutukoy ni
Superintendent Arrie, may pinadala kasi akong blood sample ni Ren, na biktima
ng ‘Amn’, pero gaya ng nauna naming pinadala, wala din silang nakita.
“Paano kaya natin masusugpo ang drogang iyan?” naitanong ni
Luke sa kaniyang sarili.
“Hindi ko alam iyan, Luke,” sagot ni Superintendent Arrie.
“Pero isang bagay lang ang sinisigurado ko. Pili lang ang mga, sa tingin ko’y,
magiging posibleng biktima ng drogang ito. Una, tanging mga mayayaman lang ang
magiging target. Ano naman kasi ang makukuha nila kapag sa mahihirap nila ito
gagamitin? Kaya kung sino man sa inyo ang may kilalang mayaman, pagsabihan niyo
na. Balaan niyo sila sa kumakalat na bagong drogang ito.”
Tumunog ang telepono ni Superintendent Arrie. Humugot siya
ng malalim na hininga at sinenyasan kami na umalis na. Sumaludo muna kami ni
Luke at lumabas na ng opisina.
Pagkalabas sa opisina, luminga-linga muna si Luke at
pinatigil ako.
“Anong ginawa mo?” bulong nito sa akin.
“Ibinigay ang journal. Iyun lang,” sagot ko. “May iba pa ba
akong dapat ibigay sa kaniya?”
Tiningnan ako ng mariin ni Luke. “May tinatago ka.” Hindi
siya naniniwala sa sinasabi ko. Umiling-iling pa siya na parang, alam niya ang
iniisip ko. Pero, totoo naman kasi.
Inikot ko na lang ang aking paningin. “Oo. May tinatago nga
ako. Iyung mga bumili ng gamot ay mga kilalang tao dito sa lugar natin. At
hulaan mo kung sino ang isa doon?” bulong ko.
“Si Superintendent?” hula niya.
“Hindi. Pero kaibigan, o kakilala pa niya, marahil.”
Nagpatuloy na kaming naglakad at bumalik sa aming lamesa.
Gaya ng sinabi ko, totoo ang sinasabi ni Luke. May tinatago ako. Ang totoo, ako
ang nagpunit ng isang parte sa journal kung saan makikita dito ang mga bumili
ng ‘Amn’. Kasama na rito ay ang anak ni Superintendent Arrie.
“Teka, Geoffrey, makinig ka,” pang-aaburido ni Luke. “Iyung
hinuli mo ohh!” Tinuro ni Luke ang TV at itinuon naming lahat ang atensyon
dito.
“Isang preso ang nakatakas mula sa Bilibid. Kasabay ng riot
na naganap sa Bilibid kanina ay siya ding naging pagkakataon ng preso na si
Anthony Alcantara. Ayon sa mga pulis na nagbantay sa Bilibid, misteryosong
nawala umano ang nasabing preso mula sa kulungan nito at hindi na mahanap sa
buong compound ng Bilibid.”
“Anong nangyari sa bilibid? Nagkaroon lang ng riot, biglang
naging hi-tech sila sa loob na halos nagkaroon na agad si Anthony Alcantara ng
teleportation pad?” pagalit na reaksyon ko. Mukhang alam ko naman kasi ang
nangyari. Misteryoso daw na nawawala. Magic?
“Mukhang may koneksyon pa rin siya dito sa labas. Kaya
siguro nakatakas pa,” komento ni Luke. “Dapat Geoffrey, puntahan mo na iyung
biniktima niyang, kapatid ba iyun, o pinsan niya? Mabuti ng mawarningan na
natin sila at baka bumalik dito iyang taong iyan sa atin.” Umalis na si Luke at
pumunta sa opisina ni Superintendent.
Pagkaraan ng ilang segundo, tumayo na ako at pumunta sa
aking mobile. Kailangan ay mabalaan ko iyung Jonas na iyun. Wala pa naman akong
numero nung taong iyun.
Habang nagmamaneho, bigla akong nakarinig ng isang
pagsabog. Biglang huminto ang aking mobile. Letche! Mukhang sumabog ang gulong
ng mobile!
Inis na bumaba ako sa mobile at tiningnan ang gulong sa
likuran ng mobile. Tama nga ang hinala ko. Sumabog nga ang gulong.
Bigla akong nakarinig ng kaluskos, at isang pigura ang
umatake mula sa aking likod. Agad na nakasalag ako sa pagsuntok ng taong ito at
gumanti ng isang tadyak sa tiyan nito. Natamaan ko ang tiyan niya at lumayo sa
akin ng ilang metro. Pero hindi ito nasaktan. Bale wala ang tadyak kong iyun?
Magnanakaw? Isa kaya itong bagong modus operandi?
“Lakas ng loob nito!” inis kong sabi. Badtrip!
Agad na binunot ko ang aking baril. Pero bago pa ako
makatutok, nasipa ito nung tao at nabitawan ko ang aking baril. Sinubukan ulit
ng tao ito na sumuntok sa tiyan ko, pero nasalag ko ito. Tinulak ko ang kamao
ng taong ito, at mabilis naman na kinuha ang aking batuta. Tumigil naman
gumalaw ang taong ito, habang ako naman ay sinusubukan maaninag ang mukha niya
para malaman kung sino siya. Wala akong makita, maliban lang sa kanyang mga
mata. Mukhang nakatakip ang buong mukha niya.
“Mukhang magaling ka makipagsuntukan. Halata sa kilos mo na
bihasa ka,” pagpuri ko sa taong ito. Kung makikipagsabayan ako sa taong ito,
tiyak na matatalo ako.
“Salamat,” tugon niya, pero ang boses ay medyo kakaiba.
“Pero maiiwasan naman natin ito kung tutulungan mo ako sa aking hinahanap.”
“May hinahanap ka? At ano naman? Tiyak, wala ako noon.”
“Huwag kang magsinungaling sa akin. Alam kong nasa kamay mo
ang listahan ng mga taong bumili ng ‘Amn’. Kailangan ko iyun, pakiusap. Ibigay
mo na iyun sa akin.” Ang listahan ng mga bumili ng ‘Amn’.
“Pasensya na. Pero wala akong alam sa mga pinagsasasabi
mo,” pagtanggi ko. Ano naman ang kailangan niya sa listahan na iyun?
“Kung ganoon, wala akong magagawa,” May binunot ang taong
ito mula sa kaniyang bulsa at itinutok ito sa akin. “kung hindi ang kunin sa
iyo ng sapilitan.” May baril siya.
Kinabahan ako sa pagtutok ng baril niya sa akin. Ano ang
gagawin ko? Halata naman na walang laban ang batuta sa isang baril. Pero bahala
na.
“Oooops! Teka lang.” Dahan-dahan na ibinaba ko ang aking
batuta at itinaas ang aking dalawang kamay. “Suko na ako.”
“Kung ganoon, ibibigay mo na ba sa akin ang listahan?”
“Oo na. Ibibigay ko na ito sa iyo. Pero wala sa akin ang
listahan.” Sinenyasan ko ang aking mobile. “Nasa loob ito ng mobile. Kunin mo
kung gusto mo.”
“Ano ako, tanga?” Itinutok ng taong ito ang baril sa
sasakyan, at bumalik sa akin. “Ikaw ang kumuha.”
“Mas lalo naman na hindi ako tanga. Baka mamaya, habang
kinukuha ko ang listahan na sinasabi mo, barilin mo ako sa likod. Mas maganda
na mabaril sa harap, kesa sa likod.”
Humugot ang taong ito ng isang malalim na hininga. “Oo nga
pala. Bakit hindi ko iyun naisip na meron pala ako nun?” Anong pinagsasasabi
niya?
Habang lumapit sa akin, may isa pang bagay na kinuha ang
taong ito mula sa bulsa niya. Bigla na lang ako nakaramdam ng kuryente mula sa
aking katawan, at nawalan na ako ng malay.
Zafe’s POV
“Hindi ako ang may kasalanan. Hindi. Huwag.”
Minulat ko ang aking mga mata nang narinig ko ang isang
pamilyar na boses sa aking pagtulog. Naramdaman ko din na gumagalaw ang kama na
aking hinihigaan. Pagkatingin ko sa gilid ko, si Aulric lang pala iyun, at
binabangungot siya. Hanggang dito ba naman?
Kinabig ko siya papalapit sa akin at niyakap ng mahigpit.
“Aulric, nandito ako. Hindi mo iyun kasalanan. Wala kang ginawa,” pakonswelo ko
sa kaniya. “Gising na. Hindi iyun totoo. Masamang bangungot lang iyun.”
Lagi na siyang ganito simula nang may nangyari, isang buwan
na ang nakakalipas. Nagsasalita sa kalagitnaan ng gabi, at nagpupumiglas siya
na animo’y may pumipigil sa kaniyang paggalaw. Hindi ko alam kung paano
nangyari ang mga bagay na iyun sa amin. Kasalanan nga ba ni Aulric, o ako ang
may kasalanan? Pero paano nga iyun nangyari? Hindi ko alam na nalaman iyun ng
mga magulang ko.
「1 month ago…
Pagkabukas ng ilaw, agad na pinuntahan ko ang stage kung
saan, sa tingin ko, narinig kong nagmula ang mga putok ng baril. Nag-aalala
ako. Nadinig nga ang dasal ko na sana ay hindi matuloy ang kissing scene nila
ni Colette, pero hindi sa ganitong paraan. Putok ng baril? May natamaan kaya?
Natigilan ako nang nakita si Aulric na nakaluhod at
nakatingin siya sa nakahandusay na lalaki. Nakahinga ako ng maluwag nang makita
siya.
“Aulric, okay ka lang? May tama ka ba?” usisa ko agad sa
kaniya pagkalapit.
“Okay lang ako. Wala akong tama,” mabilis niyang tugon.
“Pero itong lalaki, meron. Tulungan mo ako, buhatin mo siya.”
“Okay.”
Dali-dali kong kinuha ang lalaki at binuhat ko siya
papalabas ng gym.
Pagkapasok ng group leader nila Aulric sa ambulansya,
nakahinga ako ng maluwag at nag-alay ng mabilis na dasal. Sana makaligtas ang
lalaking iyun na tinamaan ng baril.
“Aulric, anak!” naiiyak na sigaw ni Tita Ems matapos makita
si Aulric. Agad na niyakap niya ito. “Mabuti naman at walang nangyaring masama
sa iyo. Nag-alala ako matapos marinig na may nangyaring barilan sa school
ninyo!”
“Ayos lang po ako, Nanay. Salamat,” tugon ni Aulric sabay
sinagot ang yakap na Tita Ems.
“Nakita mo ba ang may gawa nito doon sa tao? Ikaw ba ang
target?” tanong naman ni Sir Henry na nasa likod ni Tita Ems.
Kumalas sa pagkakayakap si Aulric kay Tita Ems. “H-Hindi po
ako sigurado Tito Henry. H-Hindi ko po lubusang alam kung ano ang nangyari.”
“Aulric. Mabuti naman at ayos ka lang,” tawag sa kaniya ni
Jin at ito naman ang yumakap sa kaniya. Kumalas naman ito agad sa kaniya. Pwede
ba?
“Aulric, ikaw ang malapit doon sa biktima, tama? Pwede bang
magbigay ka ng iyong testamento sa pulis para masimulan na ang imbestigasyon?”
pakiusap ni Sir Louie.
“Opo. Magbibigay na agad ako.”
“Henry, Emma, hiramin ko lang ang anak ninyo saglit,”
paalam nito sa dalawa. “Aulric, sumunod ka sa akin.” Dinala ni Sir Louie si
Aulric kasama niya.
“Sasama ako,” dagdag naman ni Tita Ems at sumama sila kay
Aulric kasama si Sir Henry.
“Diyos ko! Ano ba ang nangyayari sa mundo natin ngayon?
Bakit may nagbabarilan sa araw ng mga puso?” mareklamong tanong ni Shai na
nagmula sa gilid ng ambulansya kasama si Ricky. “Hindi naman siguro si Aulric ang
target nung bumaril hindi ba?”
“Since hindi naman si Aulric ang nabaril, mukhang hindi
naman siguro siya ang balak patayin ngayon,” paliwanag ko. Hanggang may pumasok
na ideya sa utak ko. “Maliban na lang kung may balak talagang maghiganti sa
kaniya. Asaan nga pala si Sharina?” Hinanap ko si Sharina sa mga nagkukumpulang
tao pero hindi ko ito nakita.
“Teka, teka, teka,” pagpigil ni Jin na hinarangan ang aking
dinadaanan. “Bakit si Sharina ang hinahanap mo? Wala siya dito. Maaga siyang
umuwi sa mansyon namin para matulog.”
“Well, kung nasa mansyon man siya, o nasa eskwelahang ito,
pwede naman siguro siyang umupa ng hired killer para patayin si Aulric,”
nagagalit kong wika. “Asaan siya? Siguradong siya ang may pakana ng lahat ng
ito?”
“Zafe, huminahon ka nga,” saway ni Ricky. “Hindi naman
namatay si Aulric, ni hindi nga siya ang pinatay ng kung sinong tao iyung
bumaril. Tsaka huwag mo naman ibintang ang lahat kay Sharina. Lahat na lang ba
ng mga masasamang bagay na nangyayari sa inyo, si Sharina na ang may
kasalanan?”
Pinandilatan ko ng mata si Ricky dahil sa sinabi niya. “So
kumakampi ka na ngayon kay Sharina?”
“Zafe, hindi ko kinakampihan si Sharina. Ang sinasabi ko
lang, pwede bang kumalma ka? Kung ano-ano na kasi ang naiisip mo sa mga
nangyari.”
Inunat-unat ko ang aking ulo at huminga ng malalim, mga
tatlong beses. “Okay. Hihinahon ako ngayon. Pero sa oras lang na malaman ko
talaga na si Sharina ang may pakana sa bagay na ito, humanda talaga siya sa
akin.”
Humiwalay na ako sa kanila para sundan si Aulric kung saan
man sila pumunta. Nang narinig ko talaga ang putok ng baril kanina, bumilis
bigla ang tibok ng puso ko. Lalo na’t napakadilim at wala akong bagay na makita
maliban lang sa naririnig kong mga putok ng baril. Kahit sa dilim, nakikita ko
kung paano natamaan si Aulric at pilit na iwinawaksi ko iyun sa aking isipan.
Mabuti na lang talaga at walang nangyaring masama sa kaniya. Pero dapat ko ba
talagang sabihin ang mga bagay na ito ngayon?」
Aulric’s POV
「1 month ago…
Humugot ako ng buntong-hininga nang marating na namin ang
tamang panahon upang maghalikan kami, ayon sa kwento. Habang papalapit kami sa
isa’t isa, kasabay nito ay ang pagtugtog ng isang romantikong musika. Hindi ko
nga lang alam kung anong kanta ang ginamit, basta romantiko ito sa tenga ng mga
manonood. Hmmpphh! Babawi talaga ako kay Zafe pagkatapos ng eksenang ito?
Siguradong magseselos talaga iyun dahil hinalikan ko ang ex niya.
Nang nakalapit na kami sa isa’t isa, kapwa na nagpakawala
kami ng ngiti sa labi, at nagyakapan. Kunyari pa ay sabik na sabik kami sa
yakap ng isa’t isa, dahil iyun ang nakasaad sa kwento.
Humiwalay si Colette sa akin ngunit ang kanyang mga kamay
ay nakahawak pa rin sa aking balikat at ang isa nama’y tinutulay niya sa aking
mukha. “Mahal na mahal rin kita,” kunyaring pagko-confess ni Colette sa akin,
ayon sa kwento ng dula.
Napalunok ako nang tiningnan ko ang labi niya na kulay
pula. Heto na. Ang moment na maglalapat ang aming labi, ayon sa kwento, nang
biglang namatay lahat ang ilaw sa lugar. Teka, kasali pa ba ito sa kwento?
“Ano iyun?” nagtatakang tanong ni Colette at luminga-linga
pa sa lugar. “Kasama ba ito sa kwento? Tapos na ba iyung scene?”
“Ewan,” kibit ko ng balikat. Baka pinapa-cut na ng kung
sino ang scene natin dahil hindi maganda? Biruin mo, iyung ex ng syota mo,
hahalikan mo sa labi? Tapos syota mo pa iyung ex niya?
Maya-maya ay narinig namin ang usapan ng mga tao na
nagtatanong kung ano din ang nangyayari ngayon. Hanggang sa makarinig kami ng
tatlong putok ng baril. Nakarinig ako ng tilian ng mga babae, ganoon din si
Colette na agad akong niyakap. Pagkayakap niya sa akin ay dumapa kami.
“Oh my God, oh my God! Ano ang nangyayari?!” hysterical na
tanong niya.
Hindi ko masagot ang tanong niya. Kahit ako ay hindi din
alam kung ano talaga ang nangyayari. Basta ang ginawa lang namin ay dumapa.
Pero habang nakadapa kami, may naaaninag akong bagay na gumagalaw sa dilim.
Hindi ko alam kung ano iyun, pero hindi na ako nag-usisa pa. Baka kung ano ang
mangyari dito kay Colette kapag nag-usisa pa ako.
Maya-maya ay bumalik na ang ilaw. Parehas kami ni Colette
na nakahinga ng maluwag. Habang ginagala ang aking tingin sa mga nagtatakbuhang
estudyante palabas ng gym, may nakita naman akong tao na nakahandusay sa stage,
hindi kalayuan mula sa amin ni Colette.
“Aaaaahhhhh!” napakatinis na sigaw ni Colette nang nakita
din niya ang nakahandusay sa stage. “Oh my God! Sino iyun, Aulric?! Sino iyun?!
Patay na ba iyung taong iyun?!” Medyo nanginginig-nginig pa siya at
nagpa-panic.
“Huwag mo ng alalahanin iyan,” alog ko sa kaniya para
humarap siya sa akin at ituon ang buong atensyon niya. “Lumabas ka na kasama ng
mga tao papalabas, at huwag na huwag kang lilingon dito. Okay? Naiintindihan mo
ba ako?”
Tanging tango lang ang sinagot niya. Bumilis din ang
paghinga niya.
Binitawan ko siya at bahagyang itinulak sa direksyon na
dadaanan niya palabas. “Dali, dali, dali!” taboy ko sa kaniya.
Lumabas na siya palabas ng stage. Lumapit naman ako sa
nakahandusay na tao at siniyasat kung buhay pa siya. Nilagay ko ang dalawang
daliri ko sa leeg niya. May pulso pa, buhay pa ang taong ito.
Nang nalaman kong may pulso siya, nalaman ko naman na ang
taong nakahandusay na ito ay ang group leader namin. Hindi ito maaari.
“Aulric, okay ka lang? May tama ka ba?” usisa agad ni Zafe
sa akin. Na nasa tabi ko na pala siya.」
“Aulric, Aulric,” tawag sa akin ng isang boses na
nagpagising sa akin.
“B-Bakit? May sinasabi ka?” tanong ko kay Zafe na mukhang
kanina pa ako kinakausap. “Pasensya na. Hindi ko, napakinggan ang mga sinasabi
mo.” Umiwas ako sa tingin niya at tumingin sa dalampasigan. Bakit ba bumalik sa
isipan ko ang nangyaring iyun?
“Alam mo, nag-aalala na talaga ako kapag iniwan kita,” wika
niya. “Wala ka naman kasing kasalanan sa nangyari. Ni hindi mo nga alam kung
ano ba talaga ang nangyari, at paano nga ba nangyari ang bagay na iyun?”
“Iniisip ko ngayon Zafe, paano kung may isa pa akong
katauhan pero hindi ko lang alam ngayon?” Tumingin ako sa kaniya at nakita kong
umiling siya.
“Kung iyang sinasabi mong may iba ka pang katauhan, parehas
akong nag-e-enjoy sa inyong
dalawa." Maloko pa niya akong tiningnan.
Tiningnan ko siya ng masama. Anong ibig sabihin niya sa
sinabi niyang iyun?
“Hay, nako! Pwede ba? Nasa Boracay tayo ngayon. Bakasyon
natin ngayon at, buwan natin ito ngayon.” Hinawakan niya ang mga kamay ko na
may pagsuyo. “Kaya dinala kita dito para kahit paano ay makalimutan mo ang mga
bagay na nangyari nitong mga nakaraang araw, gusto mo naman na isama pa sila sa
bakasyon natin.”
“It will be kasi nasa reyalidad tayo. Hindi ko naman
basta-basta matatakasan ang mga problema ko,” tugon ko.
“But still, Aulric, ang bakasyon na ito, it’s all about us
only. At tandaan mo, hindi lang ikaw ang may problema dahil sa nangyari. Pati
ako.” Ay! Oo nga pala.
Nag-iwas ako ng tingin at umiling. “Pasensya na. Sanay lang
ako na ako lang ang may problema.” Humarap ulit ako sa kaniya. “Pero kasi, alam
kong, kapag ako talaga, wala akong pakialam. Pero, meron akong pakialam sa
kanila. Halos itinuring ko silang pamilya dahil, natatagalan nila ako. Oo, isa,
o dalawang tao ang nawala, pero parang hindi na kami buo. At naaapektuhan na
kaming lahat.”
Mula sa kabilang-dulo ng mesa, tumabi si Zafe sa akin at
hinawakan niya ang aking mga kamay at hinaplos-haplos. “Naiintindihan ko. Pero
Aulric, iyung ginawa mo ba, o kung ikaw nga ba talaga ang gumawa, walang bang
kapatawaran iyun? Iniisip mo ba na hindi na sila babalik sa iyo dahil lang
doon? Aulric, magtiwala ka sa akin. Babalik din sila, kapag handa na sila. Kaya
please, Aulric. Pwede, huwag mong ipakita sa akin ang pinakamahina mong side sa
akin, gaya nang ginawa mo kanina? Nakita ko na iyun dati noong akala mo na
makukulong ka. At ayokong makita ko ang side mong iyun kasi nalulungkot din
ako.”
Hindi ako nakasagot. Mukha ba talagang, nasa pinakamahina
akong side kanina? Peste! Hindi talaga ako ito kung ganoon. Nagiging, mahina na
ako nang nagkaroon lang ako ng mga kaibigan. Nakakainis.
「1 month ago…
Napakasaklap ng
nangyari sa group leader namin dahil namatay siya nang dumating sa ospital.
Hindi na daw kinaya ng mga emergency responders, dahil natamaan ng bumaril ang
mga pinakamahahalagang parte sa kaniya.
Pero habang nakatayo sa gitna ng dilim na iyun, kasama si
Colette, parang ako sana ang papatayin ng taong, bumaril sa group leader namin.
Nasa, harap lang namin iyun ni Colette. Pero, paano naman matatamaan ang group
leader namin kung nasa likuran siya? Pinuntahan kaya siya mismo ng bumaril? May
night vision ba siya para makakita sa dilim? O baka guni-guni ko lang iyun. Hay
nako! Kung ano-ano na ang naiisip ko. Palagi ko na lang iniisip na may taong
magtatangka ng buhay ko. Pero wala nga ba?
“Paano kaya kung ako ang target nung taong bumaril noon?
Paano kung, ako iyung namatay?” wala sa sarili kong tanong habang nakatingin sa
bintana ng library. Kasalukuyang kasama ko si Shai na nag-aaral para sa huling
exam namin.
“Hay! Pwede ba?!” singhag niya. “Saka, ayon naman sa mga
pulis, hindi talaga ikaw ang target. May inutangan palang shabu iyung group
leader niyo noon, kaya siguro itinumba.”
“Talaga?”
Rinig kong humugot si Shai ng malalim na hininga. “Hay! Ano
ka ba? Mag-aral ka na lang kaya diyan?”
“Pero napag-aralan ko na ito sa bahay ng mga ilang beses.
Kung tatanungin mo ako ngayon, masasagot ko iyan lahat.”
“Wow, ikaw na ang matalino.” Mukhang sinarado niya ang
hawak niyang libro at kinuha ang mga libro na pinag-aaralan ko. “Sige, sagutin
mo nga ang mga itatatong ko?”
Nagkaroon kami ng konting Q and A ni Shai tungkol sa mga
napag-aralan ko. At walang sala na nasagot ko itong lahat.
“Hindi ba? Nasagot ko lahat,” wika ko pero hindi sa
nagyayabang na tono.
“Ganito na lang? Bakit hindi mo pag-aralan ang mga subject
para sa susunod na taon?” mungkahi niya.
“May mga ganoong libro sila Tito Henry sa bahay,” iling ko.
“Napag-aralan ko na din lahat iyun. Kahit mag-masteral ako ngayon at kumuha ng
exam, masasagot ko na ang mga iyun.” Ibinaling ko ang tingin sa kaniya.
Sasabihin niya na mayabang ako. Sasabihin niya na mayabang ako.
“Ang yabang mo,” simangot niya. Sabi ko na nga ba.
Dumaan ulit ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Nagpatuloy ulit siya sa ginagawang pag-aaral habang ako naman ay nakatingin sa
bintana at, iniisip pa rin ang mga nangyayari nitong nakaraang araw. Sabi ni
Tito Henry, nagiging delikado na ang lugar namin dahil sa napakaraming kaso ng
krimen. Kaya kung pwede, umuwi daw ako bago magsimula ang pangalawang balita sa
gabi. Kailangan pa naman daw na present ako sa kasal nila bago ako tuluyang
mawala sa mundo. At nag-aalala din daw si Nanay sa akin. Wow, concern siya sa
kaligtasan ko. Pero sa relasyon namin ni Zafe, palagi pa rin naming
pinag-aawayan.
“Gusto mong lumabas tayo at manood ng sine?” yaya ni Shai
na binasag ang aming katahimikan.
“Tinatamad akong lumabas ngayon. Medyo mainit sa labas kaya
dito na lang ako sa library,” pagtanggi ko habang nakatingin pa rin sa bintana.
“Pero kapag nakatunganga ka naman diyan, maiisip at maiisip
mo iyung nangyari noong Valentine’s Day. Bakit ba kasi gusto mo na ikaw ang
target nung bumaril doon sa group leader ninyo? Gusto talagang mamatay? Ahh!
Alam ko na. Gusto mong may malaman na bago?”
“Hindi ako interesado,” malamig ko pa ring tugon.
“Napakasakit naman nitong magsalita. Sige na. Kahit
magkunyari ka lang para sa akin,” pakiusap niya.
“Hindi ako magaling magkunyari.”
“Ehh, di makinig ka na lang.”
“Sige nga. Ano ba iyun?” paghahamon ko sa kaniya at
ibinaling ang tingin sa kaniya. Pag ito, hindi interesanteng topic, hindi ko na
siya pagsasalitain.
“Gusto mo ba malaman kung bakit, ako ang umurong sa
engangement namin ni Andrew at hindi siya?” tanong niya. Teka, ang alam ko lang
ay para makalayas sa pamilya niya? Iyun iyung rason niya hindi ba?
“Bakit nga ba?” tanong ko.
“Umm, alam mo kasi, ampon si Andrew. At mahal na mahal niya
ang magulang niya kaya gusto niyang matuloy ang kasal. Pero dahil sa ayoko
naman sa kaniya at hindi ko siya gusto, at hindi ko naman mahal ang magulang ko
kaya ako ang umurong sa engagement,” paliwanag ni Shai. “Tapos, binantaaan pa
siya ng mga magulang ko na kapag umurong sa kasal namin, ibubunyag ng mga
magulang ko na ampon lang pala si Andrew, at hindi siya pwedeng maging
tagapagmana ng kompanya nila.”
“Tche! Napakaliit naman ng problema nila.”
“Ano ka ba? Iyung pamiya kasi nila Andrew, mahalaga na
sariling laman at dugo nila ang mamamahala sa kompanya nila.”
“Teka, hindi ba, Education ang kinukuha ni Andrew?”
“Tuwing summer, kumukuha siya ng Business Management.”
Dumaan ulit ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa pag-aaral. Tumunog naman ang phone ko at
binasa niya ito. Petsa ito sa paparating na kasal ni Nanay, at Tito Henry.
“Oo nga pala. Sa katapusan na ang kasal nila Nanay at Tito
Henry. Huwag ka ng pumunta,” diretsong sabi ko.
“Pupunta ako, natural,” nakangiting tugon ni Shai.
Inikot ko na lang ang aking paningin. Siguro, kung medyo
seryoso akong magsalita habang sinasabi ang mga bagay na iyun, baka hindi
pupunta si Shai. Pero, letse! Hindi natitinag.
Bumukas naman ang pintuan ng library. Pumasok si Zafe at
Ricky, saka lumapit sa amin.
“Shai, tara na?” rinig kong malambing na tanong ni Ricky sa
kapareha.
Tumango si Shai at humarap sa amin. “Mauna na kami,” paalam
niya sa amin.
Nang umalis na sila, lumabas na din kami sa library at
naglakad-lakad sa hallway. Oo nga pala. May kailangan pala akong gawin.
“Nasa bahay ba ang mga magulang mo?” tanong ko kay Zafe.
“Oo,” agad niyang sagot. Medyo lumiwanag ang kanyang mga
mata. “Bakit mo naman naitanong? May gusto ka bang gawin bago tayo umuwi?”
“Oo, may gusto akong gawin.” Tiningnan ko siya na may inis
sa aking mga mata. “Gusto ko kasi na personal kong ibigay ang mga imbitasyon
nila para sa kasal nila Nanay at Tito Henry.”
Mas lalong nagliwanag ang kanyang mukha. “Ohh? Talaga?
M-Magandang senyales iyan.” Hmm, mukhang ako lang ata ang may ibang iniisip ngayon.
“Mukha nga. Kaya pagkatapos ng klase natin, samahan mo ako
sa inyo at ibibigay ko ang imbitasyon sa kanila, personally.”
“Okay. Gusto mo, sa bahay ka na rin kumain,” yaya pa niya.
“Pagkatapos, bonding naman tayo. Manood tayo ng mga, kung anong-anong
papanoorin ko.”
“Okay. Tara na. Punta na tayo sa susunod nating klase,”
pagpayag ko.
Ilang araw ang nakalipas, ikinasal na si Nanay, at si Tito
Henry. Kasalukuyang nasa reception kami ng kasal, sa likod ng bahay ni Tito
Henry. Abalang-abala naman kami ni Derek na mag-entertain sa aming mga bisita.
Medyo marami ang mga bisita dahil maraming kaibigan si Derek, at marami ding
kaibigan ang mga magulang ng mga kaibigan ni Derek na pumunta din. Ang mga
bisita ko naman ay, ¼ lang sa dami ng bisita niya, habang ang kay Nanay ay ang
ilan sa aming mga kapitbahay. Dapat, hindi na sila inimbita pa.
Kumusta naman ako? Medyo happy. Sa wakas, natagpuan na ni
Tito Henry, este, Tatay Henry, at ni Nanay ang isa’t isa. Hindi ko maitago ang
aking saya para kay Nanay. Gusto ko kasing maging masaya siya sa kaniyang mga
natitirang buhay. Hindi na puro hirap at pasakit lang.
Nang natapos na ang ilang programa sa reception, nasa
iisang upuan na kami ni Zafe, kasama ang aming mga pamilya. Sa simula,
napakatahimik nilang lahat. Ayaw magsalita, ayaw nilang makipag-usap sa isa’t
isa. Hanggang sa, naglandian kami ni Zafe sa harapan nila. Kapwa naman na
pinigilan kami ng aming mga magulang, kahit na ang pangalan lang namin ang
kanilang tinatawag. Nang tumigil kami, nagsimula na silang magbatian sa isa’t
isa, nagkamustahan, nagbigay ng regalo ang mga magulang ni Zafe, at nag-usap
tungkol sa mga tao mula sa kanilang nakaraan. For a moment, na out-of-place
kaming mga anak sa usapan. Kaya nagpaalam na kami ni Zafe, at ni Derek sa aming
mga magulang para makausap namin ang aming mga kaibigan.
“No, wait,” pagpigil sa amin ni Tatay Henry. “Aulric,
pwedeng mag-usap tayo saglit. Privately.” Tiningnan nito si Zafe na nakahawak
sa aking kamay. Pero hindi gaya ng pagtingin niya noon na may halong, galit.
Binitiwan ako ni Zafe at sumenyas na kausapin ang bago kong
Tatay. Ngumiti naman ako at sinundan si Tatay Henry na nauna ng lumakad.
“May problema pa rin po ba?” tanong ko nang huminto siya sa
kusina.
“Wala naman,” iling niya. “Kasi, ngayong araw na ito,
ibibigay ko ang blessing ko sa inyo ni Zafe.” Humugot siya ng malalim na
hininga. “At kahit na ibibigay ko ngayon ang blessings ko, may pag-aalangan pa
rin ako kung tama ba o hindi ang ginagawa ko.
“Kung ganoon, pwede naman pong, huwag niyo na lang ibigay
at magkakaroon tayo ng problema sa hinaharap,” sarkastiko kong tugon. “Mas
maganda na iyun kesa pilitin ko po kayo, hindi ba?”
Hinawakan ni Tatay Henry ang aking mga balikat. “Pero,
kailangan, Aulric. Ayoko naman na lumayo ang loob mo sa akin, dahil sa plastik
akong magbigay ng blessings sa inyong dalawa. Ang sa akin lang kasi, hindi pa
rin ako tuluyang nagtitiwala sa mga magulang niya. Kahit nga ngayon na
kinakausap ko silang mag-asawa, nakikita ko pa rin iyung mga ngiti nila, iyung
pagiging smooth talker nila sa akin, iyung mga gestures nila, iyung mga ugali
bago nila ako traydorin. Hindi ko talaga kahit kailan makakalimutan ang mga
bagay na iyun. Kaya, Aulric, ibibigay ko ang blessing ko sa inyong dalawa ni
Zafe. Pero, ipangako mo sa akin na magiging maingat ka.”
Hindi na lang ako umimik sa sinabi sa akin ni Tatay Henry.
Niyakap ko na lang siya at ipinaramdam sa kaniya na masaya ako sa naging
desisyon niya, kahit na ayaw niya talaga sa pamilya ni Zafe.
Ang saya-saya, no? Pero kapag ganito, pakiramdam ko, may
masama na namang mangyayari. At dumating nga ang masama na naman ulit na
pangyayari?
Pagkatapos kong makuha ang mga pirma na kailangan ko para
sa clearance ko, pinatawag ako ni Shai sa likuran ng eskwelahan. Bakit naman
kaya? Madalas na pinapatawag niya ako sa library para mag-usap. Pero bakit
naman sa likuran pa ng eskwelahan?
Nang nakarating ako sa likuran ng eskwelahan, hindi si Shai
ang nadatnan ko, kung hindi si Andrew. Lumapit ako dito na mukhang ako talaga
ang hinihintay niya. Pero ang mga tingin sa akin ni Andrew, kakaiba.
“Asaan si Shai?” tanong ko sa kaniya. Luminga-linga ako at
baka paparating na din siya.
“Hindi siya makakarating dito,” sagot sa akin ni Andrew.
“Ganoon ba? Aalis na ako.” Iniwas ko ang tingin niya at
nagmamadaling umalis.
“Sandali,” sabi ni Andrew para tumigil ako.
Tumigil nga ako pero hindi ako humarap sa kaniya. Mukhang
napakasama ng mood ni Andrew. Ayokong makipag-usap sa mga tao kapag ganoon.
“Ang totoo niyan, galit na galit si Shai sa iyo kaya wala
siya dito. Gusto ka kasi niyang tanungin tungkol sa isang bagay. Pero,
pinigilan ko siya at nagpasyang ako na lang ang magtatanong.” Si Shai, galit sa
akin? Ano naman ang dahilan?
“At ang tanong? Ano iyun?” tanong ko nang hindi humaharap
kay Andrew.
“S-Sinabi mo ba kay Zafe ang sikreto ko sa kaniya?”
nag-aalangan niyang tanong.
“Ha!” natatawang nasabi ko. “Bakit ko naman sasabihin ang
isang sikreto na makakasira sa pamilya mo? Sige nga? Hindi naman ako ganoon
kasama para gawin ang bagay na iyun.” Napaharap ako kay Andrew. “Sandali lang.
Huwag mong sabihin na nalaman na ng magulang ni Zafe ang sikreto ng pamilya
ninyo, at ginamit na ang bagay na ito laban sa iyo? At ngayong nalaman na ng
pamilya niya, naglalaro na ba tayo ng laro ng sisihan?”
“Hindi, Aulric. Gusto ko lang malaman kung sino ang naging
dahilan kaya kumalat ang sikretong ito.
At-” Inilagan ni Andrew ang mga tingin ko. “Tama! Pagsabihan siya, at
sisihin siya. Aulric, hindi kasi dapat talaga malaman ito ng mga magulang ni
Zafe. Pero sa hindi ko malamang dahilan, nalaman nila. Sino?! Sino ang nagsabi
sa kanila at paano nangyari ito?! Ang mga magulang ko, namomorblema na ngayon
kung ano ang gagawin.”
“At problema ko na din iyun, hindi ba? Bakit kailangan kong
madamay sa problema ninyo?” Wala sa sarili kong sabi. “Dahil ba magkakaibigan
tayo kaya kailangan ko din madamay sa problema mo? At ngayong naghihinala ka na
sinabi ko si Zafe iyang sikreto ninyo, at sinabi naman ni Zafe sa mga magulang
niya, gusto niyong mamorblema din ako? Bakit pa? Baka gusto niyo na rin na ako
ang mag-solve sa mga problema mo?”
Parang binuhusan din ako ng malamig na tubig sa sinabi ko.
Hindi. Hindi dapat ganito ang mga sinasabi ko. Mali, hindi dapat iyun ang mga
sinabi ko. Pero huli na. Ang mga tingin ni Andrew sa akin, hindi siya
makapaniwala sa aking sinasabi.
Tatawagan ko pa sana siya, kaya lang, tumalikod siya at
umalis. Mali! Hindi dapat ganoon ang sinabi mo! Bakit ba ganoon ang sinabi ko?!
Madaling umalis ako sa lugar na iyun at kinuha ang aking
phone. Sinusubukan kong tawagin si Zafe para malaman kung nasaan siya. Habang
naglalakad, nakarinig ako ng sigawan sa hindi kalayuan ng corridor. May mga tao
na nagkakagulo kaya lumapit na ako. Si Zafe pala at si Ricky na nagsusuntukan.
“Tama na!” sigaw ko sa dalawa nang pumagitna ako.
Matagumpay ko naman na napaghiwalay ang dalawa. Pero galit
na galit talaga si Ricky na halos sugurin na naman si Zafe. Mabuti na lang at
pinigilan siya ng mga tao.
Dinuro kaming dalawa ni Ricky. “Mag-sama-sama kayo!”
Pagkatapos ay umalis.
Umalis na din ang mga tao dahil sa wala na iyung gulong
hinahanap nila. Siniyasat ko naman si Zafe kung okay lang siya. Mukhang hindi
pa naman napuruhan ang kanyang gwapong mukha.
“Ano ba ang nangyari doon?” tanong ko.
“Pinagbintangan niya ako na kinalat ang sikreto ni Andrew,”
singhag ni Zafe. “Sinabi ko na wala akong alam. Nagising na lang ako na nalaman
ng mga magulang ko ang bagay na iyun.”」
Bumalik ako bigla sa kasalukuyan. Nakatingin kay Zafe,
habang nakatingin siya sa labas ng bintana. Wala man sinasabi sa akin si Zafe,
nakikita ko sa kaniya na apektado siya sa mga nangyayari. Ang best friend din
niya, hindi na sila nag-uusap dahil sa nangyari.
“Zafe,” tawag ko sa kaniya. “mas maganda kung umuwi na
tayo.”
Nilingon niya ako. “Huwag. Dito muna tayo,” masiglang
pagtutol niya niya. “May mga bagay pa tayong hindi nasusubukan noong huling
punta natin. Gawin na natin iyun ngayon.” Pero ang totoo ay tinatago niya ang
kanyang kalungkutan.
“Pero, magiging masaya ba tayong dalawa kung parehas naman
tayong,” Nag-iwas ako ng tingin. “may pinag-dadaanan?”
“Malalampasan natin ito.” Lumapit siya at niyakap ako.
“Kung tunay natin silang mga kaibigan, babalik sila sa atin. Hindi naman kasi
palagi na hindi nag-aaway ang magkakaibigan. Minsan, nagkakatampuhan tayo ng
konti. Pero mawawala din iyun. Alam mo ba na nalampasan nila Andrew ang
problema nila? Napatunayan na nilang tunay talaga nilang anak si Andrew. At
balang araw, magmamana ng kompanya nila.”
Nagulat ako at humiwalay kay Zafe. “Ha? Paano nangyari
iyun?”
“Ewan ko. Pero mas maganda na ganoon, hindi ba, Aulric?
Kaya huwag na tayong mag-alala sa kanila. Sooner or later, babalik sila sa
atin. Magpapatawad, at magiging magkakaibigan ulit. Kaya Aulric, huwag na muna tayong
umalis. Huwag mo na muna silang isipin. Sa atin mo ituon ang atensyon mo,”
paliwanag niya.
Niyakap ko ulit siya, pero may pwersa iyung pagkakayakap
ko. Napahiga naman siya sa kama lakas ng aking pagkakatulak sa kaniya. Parang
nawala ang mabigat na pakiramdam ko dahil sa ibinalita niya sa akin. Mabuti na
lang at naayos ni Andrew ang problema niya.
Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Zafe sa aking buhok.
Hinahaplos niya ang aking buhok.
“Magiging maayos din ang lahat,” bulong niya.
“Oo,” tugon ko. “Sana nga.”
Kapag nagkita ulit kami ni Andrew, hihingi agad ako ng
tawad sa mga sinabi ko. Kung sinabi ko na ang totoo ng diretso sa kaniya, baka
siguro ay hindi siya nagalit sa akin. Pero hindi ganoon ang nangyari. Bakit
kasi bigla akong lumamig noong mga araw na iyun? Sana nga, maayos na itong
gusot namin. At kung sino man ang nagpakalat sa sikreto namin ni Shai, na wala
akong alam kung sino, humanda siya sa akin.
Pero sino kaya ang nakaalam bigla sa sikretong iyun?
Kami-kami lang naman ang may literal na may alam, ni hindi ako nagkikwento sa
ibang tao.
ITUTULOY…
Thanks so much s update.
ReplyDeleteMwahhh
-jomz r-