Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15 | Chapter 16 | Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21 | Chapter 22 | Chapter 23 | Chapter 24 | Chapter 25 | Chapter 26 | Chapter 27 | Chapter 28 | Chapter 29 | Chapter 30 | Chapter 31 | Chapter 32 | Chapter 33 | Chapter 34 | Chapter 35 | Chapter 36 | Chapter 37 | Chapter 38 | Chapter 39 | Chapter 40 | Chapter 41 | Chapter 42 | Chapter 43 | Chapter 44 | Chapter 45
Chapter 46:
Beginning of Nightmare
Aulric’s POV
Pasukan na naman. Muli na naman akong naglalakad papasok sa
gate ng Boubon Brother’s University ng mag-isa. Last year, bago din ako
makapasok, sinalubong ako ni Shai na may ngiti sa labi. Napakalapad ng ngiti
niya habang ako ay nasa normal kung, pag-uugali. Hindi ngumingiti, hindi
sumisimangot. Iyung neutral lang.
Teka, tinatanong niyo ba sa akin kung asaan si Zafe? Iniwan
ko. Kahit na sabay pa kaming natulog dahil sa mga ibang gawain, hindi ko siya
inabalang gisingin. Magising siya mag-isa.
Pagkapasok ko, narinig ko ang isang pamilyar na tunog ng
makina. Tunog ito na nagmumula sa kotse ni Zafe, at medyo kabisado ko na ang
tunog na iyun. Sa wakas ay nagising na din siya.
Habang naglalakad sa hallway, agad na inakbayan ako ni
Zafe. Nagkatinginan kami, at nagpalitan ng ngiti sa isa’t isa. Hindi na ako
umangal o kung ano pa man, dahil iyun ang gusto niya. Pero bakit ganoon?
Nararamdaman kong may kulang pa rin sa akin. Akala ko ba, ang storya na ito ay
tungkol sa pagmamahalan, namin ni Zafe?
“Ahh! Andito na ang room natin,” wika ni Zafe.
Huminto kaming dalawa sa tapat ng isang classroom. Pumasok
kami dito, at diretso kaming umupo ng magkatabi sa isang upuan. Medyo nailang
naman ang ilan naming mga kaklase dahil sa nangyayari ngayon. Ahh! Baka mga
bagong kaklase namin ito.
“Zafe, pwedeng humingi ng pabor?” tanong ko sa kaniya.
“Ano iyun?” lingon niya sa akin.
“Pwede bang huwag mong i-nominate ang mga sarili natin para
maging Presidente, o Vice-President? O kahit alin man doon.” Ang tinutukoy ko
kasi ay ang pag-self nominate niya sa aming dalawa last year. At iyung mga
tarantado ko namang kaklase ay binoto kami.
“Umm, okay,” pagsang-ayon niya. “Pero paano naman ang mga
kaklase natin? Paano kung i-nominate ka nila?”
Kinuha ko ang phone ko at kumonekta sa group page ng mga
kaklase ko ngayon sa Facebook. Pinagbantaan ko silang lahat na may mangyayaring
masama kapag na-nominate kami ni Zafe sa alin mang posisyon.
“Inayos ko na.”
“Ang galing,” ismid ni Zafe.
“Alam mo kung bakit ayokong magpa-nominate ngayon? Gusto ko
kasi na madagdagan ang oras natin para sa isa’t isa. May Drama Club pa ako, may
Basketball Club ka, at masyado na silang time consuming.”
“Tama ka,” pagsang-ayon ni Zafe. “Gusto ko iyang ideya mo.”
Bahagyang kinurot ni Zafe ang aking pisngi. Ginantihan ko
na lang siya ng ngiti bago pumasok ang bago naming professor. At nagsimula na
ang araw namin.
Naghiwalay na kami ni Zafe para puntahan ang aming mga
sinalihan ng club. Agad naman akong pinapatawag ni Sir Arthuro, dahil may
ipapagawa ito sa amin. Balak ni Sir Arthuro na i-redecorate ang aming room.
Para daw kasi mabago ang atmosphere sa loob ng room. Dahil sa malaki ang
clubroom namin, nagpasya si Sir Arthuro na maglinis kami by pairs. At ang kapares
ko ay walang iba kung hindi si Caleb. Kami ang mamamahala sa Storage Room ng
club, kung saan nakatambak ang ilan sa mga props na ginamit ng nakalipas.
Tahimik kami ni Caleb habang naglilinis sa Storage Room.
Hindi man kapansin-pansin ang katahimikan sa aming dalawa, pero nahahalata ito
ng ibang tao. Nagtatanungnan na nga ang mga kaklase namin kung ano ang nangyari
sa aming dalawa. Nagpakawala na lang ako ng ngiti para sagutin ang tanong nila
imbes na lantarang sabihin na galit pa rin siya, or sila sa akin.
Makalipas ang ilang oras, halos tapos na kaming maglinis.
Isang kahon na lang ang natitira sa isang sulok, at ito na ang huli kong
tsansa, marahil, para kausapin si Caleb.
“Kumusta si Shai?” tanong ko habang nakaharap sa huling
kahon.
“A-Ayos naman,” nag-aalangang sagot niya habang patuloy pa
rin na naglilinis. Teka, parang hindi galit sa akin ang taong ito. Nakakausap
ko naman pala ng maayos.
“Wala ba tayong topic na mapag-uusapan kaya tahimik ka?”
naiinis ko ng tanong.
“Medyo sensetive ngayon si Shai. Baka magalit pa iyun lalo
kapag nakita tayong nag-uusap. Alam mo na. Iyung tungkol pa rin kay Andrew.”
“Pero, tapos na ang bagay na iyun. Hindi ba pwedeng
magkasundo-sundo tayo?”
“Hindi daw pwede hangga’t hindi mo inaamin kay Shai na ikaw
ang nagpakalat ng sikreto niya.”
Hindi ako makapaniwalang tiningnan si Caleb. “Wow! Ito ba
ang dahilan kaya ayaw nilang makipag-usap sa akin? Gusto talaga na umamin ako?
Caleb, may pride naman ako. Bakit ko aaminin ang isang bagay na hindi ko
ginawa? Dapat nga, alam ito ni Shai sa lahat ng tao. Hindi ako kahit kailan
nagkakalat ng sikreto sa ibang tao.”
Hindi ko namalayan na medyo nagtaas na ang aking boses.
Tumingin ako sa paligid, at mangilan-ngilan nga ang nakatingin sa akin.
Nabwisit na ako. Kaya pumunta na ako sa huling kahon para ilabas ito. Habang
binubuhat ang malaking kahon, isang litrato ang nahulog mula rito. Ibinaba ko
ang kahon at pinulot ito. Pagkatingin ko sa litrato, medyo pamilyar sa akin ang
isang tao. Ito si, Dart Aguire? Member pala siya ng Drama Club?
Bigla ko naman naalala ang pagkikita namin ni Geoffrey sa
restaurant.
「1 month ago…
Pagkapasok ko sa isang karinderya, hinanap ko agad si
Geoffrey. Sinalubong naman ako ng mga taong, kumakain. At abalang-abala ang mga
waiter nila sa pagse-serve ng mga order ng kanilang costumer.
Nang nagkakitaan na kami ni Geoffrey, sumenyas siya sa akin
na puntahan ko siya. Umupo naman ako sa kabilang upuan tsaka pinatawag ni
Geoffrey ang isang waiter. Bakit nga pala nakikipag-date ako ngayon kay
Geoffrey? Ang totoo, may sasabihin daw siya sa akin na isang importanteng bagay
kaya nandito ako. Ako naman ay interesado sa sasabihin niya, tapos may
kasalukuyan pa kaming, deal. Kaya makikinig ako sa sasabihin niya.
“May anomalya sa pagkamatay ni Dart Aguire,” panimula niya.
“Anong ibig mong sabihin? Hindi ba’t anomalya na nga iyun
ang pagkamatay niya?” sarkastiko kong saad.
“Hindi iyun.” Kumuha ng toothpick si Geoffrey at inilagay
iyun sa kaniyang bibig. “Nagsagawa ng masusing autopsy si Christian sa katawan
ni Dart Aguire. At lumalabas na iyung saksak na natamo niya, ay napatay siya,
agad.”
Nagulat ako sa gusto niyang sabihin. “Kailan mo ito
nalaman?”
“Sa kalagitnaan ng paglilitis sa iyo.”
“Bakit, hindi mo pa ito sinabi sa korte?”
“Aulric, nag-iisip ka ba? Kapag sinabi ko ang bagay na ito
sa korte, hindi ka mapapawalang-sala. At hindi mo ba nage-gets, kayo ni Sharina
ay pine-frame up. At iyung taong gumawa ng mga bagay na ito ay nasa paligid
niyo lang.”」
“Ahh, si Dart Aguire. Hindi ko ba nasabi sa iyo na dati
siyang member ng club na ito?” tanong ni Sir Arthuro na nasa tabi ko na.
Inilagay ko ang litrato sa kahon. “H-Hindi ko po alam.”
Nagsimula na kaming maglakad palabas.
“Naka isang taon lang siya sa club na ito. Tatlong taon
bago ka pa nakapasok. Pero sa isang taong iyun, nadiskubre niya na hindi lang
pala sa pagiging isang journalist siya magaling. Magaling din siya sa larangan
ng pag-arte. At nakikita ko iyun sa kaniya. Hanggang sa, iyun nga, nagpasya
siyang umalis,” kwento pa ni Sir Arthuro.
“What a coincidence. Isang tao na magaling umarte ang
nag-confess na si Sharina ang naglaglag sa baby ni Isabela,” bulong ko sa aking
sarili.
Nang nailabas ko na ang kahon, napatingin ako sa bawat tao
na nasa paligid. Iyung totoong may kagagawan sa pagkakalaglag sa anak ni
Isabela, at ang nag-frame up kay Sharina ay nasa paligid lang. Sino kaya sa mga
taong ito? At bakit naman nila gagawin ang ganoong bagay sa amin? Anong,
dahilan? Nakakainis! Ang hilig nila lumaban ng patago. Alam ata siguro nila na
hindi nila ako kaya labanan, ng harapan. Bakit hindi nila kaya subukan?
Natapos na ako, o kami sa paglilinis ng clubroom namin.
Pupunta sana ako sa cafeteria, nang naalala ko na baka nandoon din si Shai at
kumakain ng tanghalian. Panigurado na magkikita kami, at, ano kaya ang susunod?
Mag-aaway ba kami? Pero wala naman akong kasalanan. Ngayon ba ang tamang
panahon para magpaliwanag sa kaniya?
Hindi na ako nag-atubili pa nang ang unang hakbang ko ay
ang direksyon papunta sa cafeteria. Handa man ako, o hindi, heto na ako.
Nang nakarating na ako sa cafeteria, punong-puno ito.
Grabe! Unang araw pa nga lang ng klase.
Humugot lang ako ng malalim na hininga at hinanap sila
Shai. Gaya ng dati, nakita ko sila sa aming, karaniwang pwesto kapag kakain. At
may isang puwesto na lang ang natitira. Sakto!
Dire-diretso akong naglakad papunta sa pwestong nakita ko
na malapit kila Sharina. Kaya lang, kitang-kita ng dalawang mata ko na may
isang babae ang pwersahang pinaupo ni Sharina. At iyung babae naman ay sumunod.
Tinigil ko na ang paglalakad. Bwisit!
“Aulric,” tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.
Lumingon ako para malaman kung sino ang tumatawag sa akin.
Si Isabela pala, kasama ang kanyang mga bagong kaibigan. At may isang pwesto pa
sila, na ilalaan para sa akin?
“Dito ka na,” yaya pa niya.
Napatingin ako kila Sharina. Sinulyapan niya ako, pero
ibinalik niya ang kaniyang atensyon, sa kaniyang bagong kaibigan na pinulot
lang nila dito sa cafeteria.
Tumungo na lang ako sa pwesto nila Isabela. Umupo agad ako
at inilabas ang aking pagkain. Nagulat naman ang mga kasama niya sa ginawa ko.
Napanganga sila. At, dapat nga ako ang mapapanganga. May kaibigan pa pala si
Isabela?
“Girls, baka naman may pumasok na langaw sa ginagawa
ninyo?” paalala ni Isabela sa mga kaibigan niya.
“Pasensya naman. Nagulat ako,” sabi nung isang babae. At
nagpatuloy na sila sa kanilang pagkain.
Bumaling ng tingin si Isabela sa akin. “Aulric, sila-”
“Thank you, pero ayoko silang makilala. Mas maganda kung
anonymous na lang sila para sa akin,” pagputol ko sa kaniya. May balak siyang
ipakilala ang mga kaibigan niya sa akin.
“Fine!” rinig kong mataray na bulong ng isang kaibigan niya
sa kaniyang sarili.
Habang kumakain, napansin kong tumitingin si Isabela sa
mesa nila Sharina.
“May away ba kayo ng kaibigan mo?” tanong niya.
“Anong kaibigan ang pinagsasasabi mo? Doon ba ako nakaupo
ngayon?” sarkastikong wika ko nang ubos na ang nginunguya ko sa aking bibig.
Nagpatuloy ako sa aking pagkain. Pero mukhang gusto talaga
akong kausapin ng babaeng ito nang nakita ko siyang nakatingin sa aking
kinakain.
“Wow, chop suey pala ang baon mo? Iyung mama ba ni Zafe ang
gumawa niyan? Alam mo, napakasarap magluto ng mama niya ng chop suey.”
Nagtaka ako sa sinabi niya kaya inubos ko agad ang laman ng
aking bibig. “Huh? Kilala mo ang mama ni Zafe?”
“Oo. Business partners kasi ang mga magulang namin,”
pagkumpirma niya.
“Ganoon ba? Hindi ko alam. At tsaka, luto ko ito. Hindi ng
mama niya,” pagtatama ko.
Nagulat siya. “Talaga? Pwede bang tumikim?” excited na
tanong niya.
“Hindi,” pagtanggi ko agad. Hay, nako! Maling desisyon ata
na makasabay sa pagkain ang babaeng ito.
“Speaking of Mama ni Zafe, kumusta naman ang relasyon
ninyong dalawa?”
“Maayos naman, gaya ng mga karaniwang tao. Nakakainis lang
na may nangungumusta sa relasyon namin. Para silang nag-aantay na maghiwalay
kami,” pranka kong sagot.
Natawa si Isabela. “Nako! Hindi ako ganoon, Aulric. Hindi
ko naman hinihintay na maghiwalay kayo o ano. Baka, kung si Colette pa ang
nagtanong, ayun. Siguradong naghihintay iyun na maghiwalay kayo ni Zafe. Tsaka,
alam mo bang may chismis akong nalaman? Patay na patay pa rin si Colette kay
Zafe. At siguro, titigil lang ang kabaliwan niya kapag namatay na siya.”
“Mamatay na siya. Patay na patay nga siya kay Zafe. Si Zafe
naman ay, patay na patay sa akin. At ako, kanino ba ako patay na patay?”
Nagkibit-balikat ako.
Napangiti si Isabela sa sinabi ko. Matapos makipag-usap sa
akin ay nakipag-usap naman siya sa kaniyang mga, bagong kaibigan. Habang
nag-uusap sila, at ako naman na pinagpatuloy ang aking pagkain, nakatingin ako
sa pwesto nila Shai. Napakasaya nila. Tawa sila ng tawa. At nagmumukha silang
tanga dahil pinipilit nilang tumawa. Akala nila, hindi ko alam? Mukhang inaasar
ako ng mga taong ito!
Sa wakas ay natapos na akong kumain. Inayos ko na agad ang
aking pinagkainan at hindi na nagpaalam kay Isabela. Nagtungo ako sa harapan
para bumili ng inumin, at sana naman ay may naglagay ng gamot sa aking inumin
para mamatay ako.
Ilang minuto ang nakalipas, magkasama na kami ni Zafe. Pero
nasa library na kami. Gusto kasi basahin ni Zafe, ang mga bagong balita, at
comics sa isang pahayagan. Ako naman ay itinuloy ang aking pag-aaral, at
binabantayan si Zafe. Habang nagbabasa kasi siya ng comics, paminsan-minsan ay
hindi niya napigil na humalakhak. Kaya sinasaway tuloy kami ng librarian. At
para hindi na masaway ng librarian, ako ang magiging moderator ni Zafe para
naman mapigil ko ang paghalakhak niya. Imbes na ang librarian ang
nagpapatahimik, ako na lang. At paano ko ginagawa iyun? Sa normal pa rin na
paraan.
“Shh!” saway ko kay Zafe nang hahalakhak na naman ng
malakas.
“Sorry,” paghingi niya ng dispensa. Ano ba kasi ang
nakakatawa sa mga binabasa niyang comics?
Habang nag-aaral ako, nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan.
Humugot ako ng malalim na hininga at tumayo.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Zafe nang napansin niya na
tumayo ako.
“Huwag kang sumama sa CR,” saway ko agad.
Nakuha na niya ang ibig kong sabihin. Itinuon niya ulit ang
pagbabasa sa dyaryo, pero hindi na comics ang binabasa niya.
Habang pabalik sa library, hindi ko naman inaasahan na
makasalubong ang dalawa na sweet na sweet sa isa-isa. Napahinto sila Ricky at
Shai, saka tiningnan ako. Ginantihan ko din naman ng tingin ang dalawa. Palagay
ko, ito na ang tamang pagkakataon. Wala na kayong kawala sa akin.
“Nakakapagod na iyung ganito na nagkakasalubong tayo, tapos
hindi na tayo nagpapansinan na parang wala tayong pinagsamahan,” litanya ko
agad. Bumaling ako kay Shai. “Hindi pa rin ba tayo pwedeng mag-usap?”
Tumingin si Ricky kay Shai. Sumenyas naman si Shai na ayos
lang at mag-uusap kami. Kaya umalis si Ricky at iniwan kami.
Nginitian ko naman si Shai. “So, sino iyung bagong kaibigan
ninyo? Pwede ko bang malaman ang bagong pangalan niya?” tanong ko agad.
“Iyung bagong kaibigan ba namin ang pag-uusapan natin
ngayon?” tanong ni Shai.
“Of course, siya. Kasi siya ang ugat ng hidwaan sa pagitan
nating dalawa,” prangka at sarkastikong sagot.
“Well, hindi ito mangyayari kung hindi mo pinagkalat ang
sikretong sinabi ko. Traydor ka.” Matigas ang pagkakasabi ni Shai sa mga
salitang iyun.
“Well, wala namang makakalat na sikreto kung wala ding
nagkalat,” matigas na tugon ko din.
“At ngayon, naglalaro na tayo ng sisihan?”
“Ikaw ang nagsimula nito. Ikaw ang unang nagsabi na dahil
sa ikinalat ko ang sikretong sinabi mo sa akin. Pero, teka muna? Ako nga ba
talaga ang nagkalat ng sikretong iyun?”
“Oo, ikaw talaga. Kinumpirma ni Andrew noong tinanong ka
niya.”
Natawa ako. “Ang galing. Inamin ko daw,” sarkastikong wika
ko sa aking sarili. “Teka, ire-review ko ang sinabi ko.” Inisip ko ang
nangyaring sagutan namin ni Andrew. “Kung tama ang pagkakaalala ko, noong
panahon na iyun ay nagpaka-scumbag ako dahil ayoko sanang problemahin din ang
problema ni Andrew. Pero may inamin ba ako na ako talaga ang nagkalat ng
sikreto?”
“Malamang? Paano naman kasi nalaman ng mga magulang ni Zafe
ang bagay na iyun kung hindi muna manggagaling sa pinagsabihan ko ng sikreto?”
“Kaya ako ang dapat sisihin, ganoon ba? Hindi ba pwedeng
nagsagawa ng sariling imbestigasyon ang mga magulang ni Zafe tungkol diyan sa
sikreto ninyo? Hindi ba pwedeng, baka may isang tauhan ng pamilya ni Andrew ang
nadulas at sinabi ang sikretong niya? Hindi ba pwedeng mangyari ang bagay na
iyun? Sandali Shai, naitanong mo ba sa mga magulang ni Zafe kung paano nila
nalaman ang bagay na iyun? Hindi ba pwedeng i-reconsider ang ibang mga factor
at kailangan talaga na ako ang sisihin ninyo?”
Tumigil ako sa pagsasalita at humugot ng malalim na
hininga. Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin. Nag-ring naman ang bell
hudyat na tapos na ang isang shift. At may pasok na kami ni Zafe. Wala na akong
oras. Nagsimula namang magsilabasan ang mga estudyante sa kanilang mga
classroom.
“Alam mo Shai, nakaka-disappoint ka. Akala ko, ikaw ang
unang mag-iisip na hindi ko gawain ang magkalat ng sikreto. Kasi, mga ilang
taon mo na akong kilala. Marami-rami ka na ngang sinabing nakakahiyang bagay, o
sikreto sa akin. Pero lahat iyun, lumabas sa kabilang tenga ko. Hindi ko na nga
maalala kung ano-ano ang mga bagay na iyun.”
“Dapat kasi, hindi ka nagpaka-scumbag sa pagsagot kay
Andrew,” tugon ni Shai. “Hindi naman kasi mahirap ang itanggi ang bagay na
iyun, hindi ba? Hindi naman kasi mahirap na sabihin ang mga salitang, hindi ko
ginawa ang bagay na iyun. Andrew, wala akong pinagsabihan ng sikreto ninyo ni
Shai.”
Iniwan ako ni Shai, pagkatapos niyang sabihin ang mga
salitang iyun. Naiinis pa rin ako. Sa pag-uusap na iyun, walang kahit isang
bagay ang natapos. Wala. Mukhang patuloy pa rin na magkakaroon kami ng kaunting
civil war.
Nagpatuloy na akong naglakad pabalik ng library. Bago pa
ako nakapasok sa pinto, nadatnan ko si Zafe. Dala niya ang mga gamit ko, at may
kausap siya sa phone ko.
“Opo, nandito po siya,” wika niya sa kung sino man ang
kausap niya sa phone ko. Lumapit siya sa akin at ibinigay ang aking phone.
“Aulric, si, Tito Henry.”
Kinuha ko ang phone. “Bakit po? Uuwi na po ba kayo galing
sa honeymoon ninyo?” Naglakad na kami ni Zafe papunta sa susunod na klase.
“Oo. Uuwi na ako,” tugon ni Tatay Henry. “Oo nga pala,
sinabi sa akin ni Derek na hindi ka na daw umuuwi sa bahay. Ano to? Sa bahay ka
na ni Zafe tumitira? May problema ba kayo ni Derek sa isa’t isa?”
Natawa akong tumingin kay Zafe. “Hindi naman po, at wala po
kaming problema ni Derek sa isa’t isa. At tsaka naman po, kahit wala ako ay
masayang-masaya naman si Derek. May mga kaibigan po siya.” At ako iyung wala.
“Bakit hindi mo kaya subukan makipagkaibigan sa mga
kaibigan niya?”
“Ayoko po. Masyado pong mataas ang standards ko,” biro ko.
“Sige po. Baka po mga bukas, uuwi po ako diyan. May mahalaga kasing dinner ang
mga magulang ni Zafe, mamayang gabi.”
“Kilala mo ba kung sino?”
“H-Hindi ko po alam kung sino-sino.”
“Okay. Basta ha. Uwi ka bukas.”
“Opo, Tatay Henry. Ingat po kayo pag-uwi.”
Nang gumabi na, dumiretso na agad kami ni Zafe sa kwarto,
at naligo na. Medyo naglaro-laro pa kami ni Zafe habang naliligo, at hindi
naman maiaalis ang mga moment na nilalandi niya ako.
“Huwag. Hahanapin tayo ng Mommy mo mamaya,” natatawa kong
tugon habang naghahahalik siya sa leeg ko mula sa aking leeg..
“Mamaya pa naman iyun. Masyado pang maaga,” pakiusap pa rin
niya, at nagpatuloy na humalik sa leeg ko.
Masyado na akong nag-init sa ginagawa niya kaya pumayag
ako. Gumanti ako ng halik sa kaniya. Pero maya-maya ay tinulak niya ako dahilan
para mapahiga ako sa kama. Bahagyang bumanda pa ako sa kaniyang kama, at saka
naman siya paumaibabaw sa akin. Nang naghiwalay ang mga labi namin, gumulong
kami sa kama at nagpalit ng posisyon. Sinimulan ko ng ibaba ang paghalik ko sa
katawan niya, hanggang sa nakalabas pa rin niyang pagkalalaki. Hubad pa kaya
kami mula sa pagkakaligo namin.
Hinawakan ko ang kanyang pagkalalaki. Umungol si Zafe. Pero
naging mas malakas ang pag-ungol niya nang nilagay ko na sa aking bibig ang
pagkalalaki niya.
“Ang sarap, Aulric. Ahh!”
Habang nagtaas-baba ang bibig ko sa pagkalalaki niya,
hinawakan ni Zafe ang aking buhok, at iginalaw ang kaniyang ibaba para gawing
pansamantalang butas ng kanyang pagkalalaki. Nang tiningnan ko si Zafe, halos
namumuti na ang mata niya sa sarap.
Nang halos naabot na niya ang rurok, pinatigil niya ako sa
aking ginagawa. Sumenyas naman siya na bumangon ako at pumaibabaw sa kaniya.
Muli na namang nagtagpo ang aming mga labi habang nakahawak ang kaniyang mga
kamay sa aking puwitan. Habang naghahalikan kami ay umikot na naman kami para
magpalit ng posisyon. Habang humahalik naman siya ay nararamdaman ko ang
kanyang ngipin na medyo bumabaon sa aking balat. Gumanti naman ako sa
pamamagitan ng pagbaon ng ilang mga kuko ko sa balat niya. Gutom.
Sinimulan na niyang bumaba ng paghalik, hanggang sa siya
naman ngayon ang magtatrabaho sa akin. Napapikit na lang ako at ninamnam ang
kanyang ginagawa. Nang natapos na siya, pinatuwad na niya ako. Dahan-dahan na
pinasok ang tigas niyang pag-aari, at sinimulan ng gumalaw.
Natapos na kami sa aming ginagawa. Kasalukuyang nakahiga
ako sa hubad niyang katawan, habang nakayakap siya sa akin.
“Aulric, kapag nakapagtapos na tayo, ano ang gusto mong
gawin?” tanong ni Zafe sa akin.
“Hmm, gusto kong lumayo sa lugar na ito.” Umayos ako ng
higa sa kanyang dibdib at nakipagtitigan sa kisame. “Gusto kong magtayo ng
sarili kong grocery store, at imama-manage nating dalawa ang ating negosyo,
iyun ay kung sasama ka nga sa akin.”
Napangiti si Zafe habang nakatingin din sa kisameng tinitingnan
ko. “Siyempre naman. Sasama ako. Ako magiging trabahador mo ako, ako magbubuhat
ng iyung mga binebenta sa umaga, ikaw naman ang bubuhatin ko sa gabi…”
“Trabahador talaga? Hindi co-owner? Gusto talaga,
trabahador para magawa mo iyang mga kalibugan mo?” nagagalit kong saad.
“Nagbibiro lang.” Hinigpitan ni Zafe ang pagyakap sa akin.
“Tapos, iyung magiging anak natin, sasalubungin tayo ng may ngiti, magtatanong
kung kumusta ang araw natin, tapos tutulungan natin siya sa kanyang mga
assignments. Pagkatapos noon, matutulog na dahil nakaisa na kanina.”
“Ano pala ang gusto mong ipangalan sa anak natin, kung
lalaki o babae?”
Dumaan ang katahimikan sa aming dalawa. Marahil ay
nag-iisip pa kaming dalawa kung ano ang magiging pangalan ng, anak namin sa hinaharap.
“Zaulric,” nasambit ni Zafe sa pangalan ng magiging anak
namin.
“Anong klase namang pangalan iyan? Isang uri ba iyan ng
mineral?” naiinis kong tugon.
“Iyun ang pinagsama nating pangalan, gaya nung ginagawa ng
mga magulang ko. Zachary, Fe, kaya Zafe ang pangalan ko,” paliwanag pa niya.
“Baka naman ma-bully ang anak natin dahil sa pangalan
niya?”
“Andyan ka naman. Tuturuan mo ang anak natin na maging
katulad mo.”
“Hindi naman ata maganda iyun. Iyung tuturuan mo ang anak
mo na maging katulad mo. Mas maganda kung may sariling ugali iyung magiging
anak natin.” Bumuntong-hininga ako. “Pero, napakaganda ng pangalan. Parang
bago, out of this world. Sana nga, mangyari.”
“Mangyayari talaga. May bagay ba na makakapaghiwalay sa
atin? Wala ka naman sigurong atraso sa akin, wala din akong atraso sa iyo.
Hindi ba?” tanong niya.
“Zafe, may bagay ka na kailangang malaman.”
“Hindi ka naman siguro mag-iimbento ng dahilan para
maghiwalay tayo. Hindi kita palalabasin sa bahay ko,” matapang na pagkakasabi
niya habang hinigpitan pa niya lalo ang pagkayakap sa akin.
“Iyung nag-frame up sa akin na ako daw ang naglaglag sa
anak ni Isabela, hindi iyun si Sharina. Ayon sa kaibigan kong pulis,
imposibleng nakakapagsalita pa iyung si Dart sa natamo nitong saksak sa dibdib.
Ipinaliwanag pa ni Geoffrey sa akin kung bakit imposible nga. At ang konklusyon
niya, iyung taong may kagagawan ng lahat ng ito ay nasa paligid natin.”
“Hindi si Sharina ang pumatay? Ibig sabihin nito…”
“Iyung tunay na gumawa ng bagay na iyun, nasa paligid lang
natin. Hindi natin alam kung sino. Baka kamag-anak natin, kaibigan, kaaway sa
eskwelahan, kaharap sa kainan, pwede kong paghinalaan lahat. At mukhang
matalino ang taong may gawa nito. Alam na alam niya na madidiin ako, alam na
alam din niya na madidiin si Sharina.”
“Kung ganoon, sabay nating aalamin kung sino ang taong ito.
Mag-iimbestiga tayo?” pahulang tugon ni Zafe.
“Huwag na,” pagtutol ko. “Dagdag pasanin lang ang gagawin
mong iyan para sa akin.”
“Bakit naman dagdag pasanin? Mahal kita kaya mag-iimbestiga
din ako para sa iyo.”
“Alam ko naman iyun. Pero, iyung problema kasi ay sa akin
lang pumapaikot. Ayoko naman na pati iyung pamilya mo ay madamay pa. Ayoko din
naman na mapahamak sila, dahil lang sa may isang tao diyan sa labas na gusto
akong, pahirapan?” pakumpas kong saad. “Pero kung gusto mong madamay ang
pamilya mo, sino ba naman ako para pigilan ka?”
Biglang naputol ang pag-uusap namin nang tumunog ang phone
ni Zafe. Alarm iyun para sa aming dalawa. Isang hudyat na mga ilang minuto na
lang ay darating na ang mga hinihintay naming bisita.
“Maligo tayo ulit?” yaya niya.
Agad kaming bumangon tsaka naligo muli. Napakalamig ng
tubig ang gumagapang sa aming balat. At umiinit ang tubig kapag niyayakap ako
ni Zafe. Kaya lang, habang nakayakap siya ay sa ibang bagay naman lumilipad ang
isip ko. Ang nagtatago kong kalaban, sino kaya iyun?
Kahit na sa sariling bahay nila Zafe kami kakain, nagsuot
ang lahat ng pormal. Naglagay na rin kami ng gel sa ulo, para daw maging
presentable kami sa aming mga bisita. Nakakaintindi ba ang pamilya niya ng
sobra? Sobrang presentable kaya kami.
Nang bumaba na kami papunta sa hapag-kainan, nadatnan namin
na abala ang mga katulong sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa. Utos naman ng
utos ang pinakamatanda sa kanila, si Aling Eva. Nakarinig naman kami ng isang
busina ng sasakyan at biglang pumasok ang Mama ni Zafe sa eksena.
“Aling Eva, handa na ba iyung mga pagkain? In order na ba
lahat?” tanong ng Mama ni Zafe sa matandang katulong.
“Opo Ma’am. Nakahanda na po lahat,” tugon ng katulong.
Bumaling ng tingin sa amin ang Mama ni Zafe. “Kayo Aulric?
Ayos na ba kayo?” Hinawakan pa nito ang mga buhok namin. “Ayan! Okay na iyan!
Parehas kayong gwapo. Doon muna tayo sa pintuan para salubungin ang ating mga
bisita,” panuto nito sa amin. Nauna naman siya sa entrada ng bahay.
“Tara na,” yaya ko kay Zafe.
Pupunta na sana ako nang tumikhim si Zafe. Nakuha niya ang
atensyon ko, pero ang ginawa lang niya ay ayusin ang kaniyang sarili.
“Gwapo ka na,” puri ko. “Iyun ba ang gusto mong marinig
mula sa akin ngayon?”
“Hindi naman,” wika ni Zafe. “Matagal ko ng alam iyun. Ang,
gusto ko lang naman na mangyari ay…” Nang natapos na siyang magkumpas habang
nagsasalita, itinaas niya ang kaniyang kanang kamay.
Napangiwi ako habang nakatingin sa kaniya. Pagkatapos ay
inilagay ang aking kaliwang kamay. Pagkadampi ng aking kamay ay mahigpit niyang
hinawakan ang kamay ko, habang hinahaplos-haplos pa ito. Nginitian ako ni Zafe,
at mukhang masayang-masaya siya dahil nagawa na niya ang gusto niya. Kaya
nagsimula na siyang maglakad papunta sa entrada ng bahay, para sundin ang
sinasabi ng kanyang Mama.
Habang nasa entrada ng bahay, nalaman ko na kung sino ang
mga bisita namin sa gabing ito. At medyo marami pala ang mga bisita namin. Kaya
pala napakalaking mesa ang ihinanda ng kanyang Mama para sa okasyong ito. Ito
ay sila Isabela, Colette, at kasama ang kani-kanilang mga magulang. Kaagad na
binati ng Mama ni Zafe ang mga panauhin, at binati naman kami pabalik. Medyo
nakakailang naman ang tingin ng kanilang mga magulang sa amin ni Zafe, dahil
magkahawak ang aming mga kamay. At baka isipin pa ni Colette na insecure ako
kaya magkahawak ang mga kamay namin. For her information, si Zafe ang may gusto
na hawakan ang mga kamay ko.
“Pumasok na tayo,” yaya ng Mama ni Zafe sa mga bisita.
Nang nasa hapag-kainan kami, inayos ko na ang dapat na
ayusin kapag nasa ganitong okasyon. Napaka-awkward lang dahil sa sinabi ng Papa
ni Zafe sa akin.
“Aulric, pwede ka bang mag-lead ng prayer para sa amin?”
pakiusap ng Papa ni Zafe.
Biglang napatingin si Zafe sa akin, dahil alam naman niya
na hindi ko ginagawa iyun. Magsasalita na sana siya nang inunahan ko siya.
“Sure,” pagpayag ko.
“Sigurado ka bang ayos lang?” pabulong na tanong sa akin ni
Zafe.
“Hindi naman ako mapupunta sa impyerno sa isang dasal
lang,” pabulong ko ding sagot sa kaniya.
Ipinikit naming lahat, nilang lahat ang kanilang mga mata,
at ipinaghalik ang kanilang mga palad. At nagsimula na akong magdasal, kaya
lang ay nag-recite ako ng konti, at ipinagpasalamat ko ang mga bagay na
nakahain sa mesa. Kawawanag mga nilalang. Idine-disregard nila iyung mga
katulong na totoong nagluto ng mga pagkain namin. Dahil kung iyung mga
katulong, hindi namin maipagpapasalamat na may makakain kami ngayon.
Nang natapos na akong nagdasal, sinimulan na nila ang
pagkain. Bigla naman silang natahimik lahat habang patagong inoobserbahan ako
ng mga itp kung paano ang gagawin ko sa beefsteak na nakalagay sa plato ko.
Nahalata naman ito ni Zafe kaya natiiglan din siya, at palipat-lipat naman
niyang tiningnan ako, at ang aming mga bisita na nakatingin sa akin. Nginitian
ko naman silang lahat habang kinukuha ko ang isang tinidor, at isang maliit na
kutsilyo. Itinusok ang isang parte gamit ang tinidor, at dahan-dahan na hiniwa
ang steak sa pamamagitan ng maliit na kutsilyo. Nang nahiwa ko na, inilagay ko
sa aking bibig ang karne, habang nakatingin sa kanila.
Nilunok ko naman ang karne saka nagsalita. “Subukan po
ninyo ang steak. Luto po ito ni Aling Eva, at masarap ang pagkakaluto niya.”
Sumang-ayon naman silang lahat sa sinabi ko, tsaka
isa-isang sinubukan ang beefsteak. Ngumiti naman si Zafe sa mga bisita, at
kinain na rin ang steak na nakahain sa plato niya.
“A-Aulric, right?” tanong ng Mama ni Colette. “S-Saan mo
natutunan iyan?” Mukhang ang tinutukoy niya ay ang aking table manners.
“Ano po ang ibig ninyong sabihin?” maang ko kunyari. “Ahh!
Ang table manners ko po ba? Natutunan ko po iyun habang nagbabasa ng isang
libro. Etiquette po ata ang title ng libro. Kaya pamilyar po ako kung paano po
gamitin ang mga napakaraming kubyertos dito sa mesa.” Ayaw pa kasing sabihin na
paano natutunan ng isang hampaslupang katulad ko ang pagkain ng steak na hindi
ginagamit ang kutsara’t tinidor? Tandaan, magmumukha kang tanga kapag gumamit
ka ng kutsara’t tinidor sa pagkain ng steak.
“I-impressive,” puri naman ng Mama ni Isabela. Si
Councilor, hindi ko alam ang pangalan niya.
“Teka, hindi ba’t naging kaklase mo ang anak ko dati noong
high school pa lang kayo? Tama?” tanong naman ng Papa ni Isabela. Si Mayor, hindi
ko din alam ang pangalan niya.
“Yes. Totoo po iyun. Naging kaklase ko po ang anak ninyo,”
tugon ko na may ngiti sa labi. “Kung tatanungin pa po ninyo kung totoo ang mga
kwento niya tungkol sa akin, totoo po iyun."
Naguluhan na tiningnan ng Papa ni Isabela ang kanyang anak,
tsaka ibinaling ulit sa akin ang atensyon. “Anong kwento sa pagitan ninyong
dalawa?”
“Papa, noong high school ay hindi po kami magkasundo ni
Aulric. Baliw na baliw po kasi ako noon kay Jin Bourbon, to the point na
sinampal niya ako,” pabirong pagsingit ni Isabela. “Pero, past is past na po
iyun. Nagising ako sa katotohanan na hindi ako ang taong gusto ni Jin.” Medyo
awkward.
Pinagtinginan naman nila akong lahat, at na-picture ata
nila sa kanilang mga utak kung gaano ako ka bayolente.
“Pero in good terms na kayo ni Isabela, tama?” singit naman
ni Zafe habang nakatingin sa akin.
“S-So, totoo ba iyung binantaan mo ang buhay nung Mama ni
Kristel?” tanong naman ng Mama ni Colette.
“Opo, totoo iyun,” pag-amin ko. “At may kwento po sa likod
ng pagbabanta ko sa buhay nila, kahit na hindi naman talaga ako ganoon ka
seryoso, pero nasindak ko sila.” Humalakhak ako saglit. “Noong nasa Boracay po
kami ni Zafe, dala po ang kotse niya, naghahanap kami ng mapaparkingan ng
kanyang sasakyan. Tapos, summer pa noon, kaya halos puno ang parking lot sa
Boracay. Pero habang naghahanap kami, may isa namang sasakyan na hindi maayos
ang pagkaka-park dahil sakop niya ang dalawang parking lot, tapos naka-slant pa
ang posisyon ng kotse niya. Sa labas po ng kotse, nandoon si Kristel,
nakikipag-usap sa kung sino mang tao ang kausap ng babaeng iyun. Lumabas naman
si Zafe para pakiusapan siya, pero hindi alam ni Zafe na si Kristel ang taong
iyun. Kaya lang, kahit na napakagwapo pa ni Zafe, hindi niya ito pinakinggan.
Kaya nang bumalik na si Zafe sa kotse, ako na mismo ang lumabas at hinampas ang
pagmumukha ni Kristel sa hood ng kotse. Nagbabakasakali na baka magising siya
dahil hindi naman talaga tama ang ginagawa niya sa pag-angkin ng dalawang
parking space. Ipinagmalaki pa niya na siya naman ang may-ari ng hotel sa
malapit, pero hinampas ko pa rin ang mukha niya sa hood para magising siya.”
“Tapos, nalaman po ng Mama ni Kristel ang ginawa ni Aulric,
pero si Sir Arthuro ay pinagtanggol siya sa Boracay. Kaya dito sa lugar natin,
sinubukan nilang bawian si Aulric sa restaurant na pinagtatrabahuan niya, at
tapos na po,” mabilis na pagkikwento ni Zafe.
Naliwanagan naman silang lahat at pinagpatuloy ang kanilang
pagkain. Tiningnan ko naman si Zafe na nagkibit ng balikat. Mabuti na lang at
nahalata niya na medyo nagiging madaldal ako sa pagkikwento. At bakit ang
gustong gawing topic ng mga taong ito ay ako? Nakakahalata na ako.
“Ay! May naalala pala ako!” bulalas ng Mama ni Zafe.
Salamat sa Mama ni Zafe, nag-iba sila ng topic. Napunta
sila sa mga dati nilang kaklse, at kung ano-ano pa. Pinag-usapan nila iyung
nabuntis ni ganito, nabuntis ni ganiyan, at marami pang-iba. Pinag-usapan din
nila ang tungkol sa kanilang, business.
Sa kalagitnaan ng pag-uusap nila, si Zafe naman ay may
bagong pakulo. Nagsaksak siya ng parte ng steak sa isang tinidor, at itinapat
iyun sa aking bibig. Nginitian ko naman siya at nagpasubo sa aking bibig.
Awkward na nginitian ko naman iyung mga taong nakatingin sa amin, lalong-lalo
na si Colette. At least, hindi ako ang nagmumukhang insecure sa kainang ito.
Dahil si Zafe ang gumagawa. Mahal talaga niya ako.
Natapos na ang pagkain namin ng dessert, tinawag na ng Mama
ni Zafe si Aling Eva.
“Eva, ihatid mo na sila Colette at Isabela sa kanilang
kwarto,” utos ng Mama ni Zafe kay Aling Eva.
“Yes Ma’am,” tugon ni Aling Eva. “Sumunod kayo sa akin,”
wika niya kila Colette at Isabela.
“Dito sila matutulog?” pabulong na tanong ko kay Zafe
habang naglalakad kami, kasabay nila Colette at Isabela.
“Oo. Mag-uusap pa kasi iyung mga magulang ko ng kung
ano-anong mga bagay. Kaya dito na sila matutulog,” pabulong din na sagot niya.
Nauna kami ni Zafe na nakarating sa aming kwarto.
“Magandang gabi sa inyo,” bati namin ni Zafe, kila Colette
at Isabela.
“Good night,” bati din nila Colette at Isabela sa amin.
Pumasok na kami ni Zafe sa kwarto. Kaagad kong hinubad ang
aking pormal na kasuotan, at umupo sa kama. Napakabigat sa tiyan iyung mga
kinain kong pagkain. Dagdag pa ang pressure ng mga magulang nung mga babaeng
iyun.
“Nabusog ka ba?” tanong ni Zafe habang hinuhubad din ang
kanyang damit.
“Oo. Busog ako. Napakasarap magluto talaga ni Ate Eva,”
paglalarawan ko.
Tiningnan ako ni Zafe ng malagkit habang umupo siya sa tabi
ko. “Gusto mo, gumawa tayo ng paraan para matunaw iyang mga kinain natin?”
Naglapat ang mga labi namin at saglit na sinipsip ang isa’t isa.
“Gusto ko ng matulog Zafe. Kanina ka pa,” pagpapaalala ko
sa kaniya nang naghiwalay na ang mga labi na.
Nag-iwas ng tingin si Zafe, at pinagpatuloy ang paghuhubad
ng kaniyang mga damit. “Oo nga. Kanina pa ako. Tara, matulog na tayo.”
Sumampa na siya sa kama at humiga na kaming dalawa. Inayos
niya ang kumot para sa aming dalawa, at niyakap niya ako bago kami parehas
nakatulog.
Sa kalagitnaan ng gabi, nakaramdam ako ng uhaw. Medyo
malamig ang kwarto ni Zafe dahil sa aircon. Dahan-dahan na inalis ko ang kamay
ni Zafe, na nakayakap pa rin sa akin. Tumayo ako at dahan-dahan na binuksan ang
pintuan para pumunta sa kusina nila. Habang pababa ako ng hagdanan papunta sa
kusina, nakita ko si Aling Eva na nasa gilid ng pasukan papunta sa kusina.
Nakita naman niya akong pababa at sinalubong niya ako.
“Aulric, may kailangan ka ba?” tanong ni Aling Eva sa akin.
Kinusot ko ang aking mga mata. “Oo. Gusto kong uminom ng
tubig. Nauuhaw ako.”
“Sumabay na tayo papunta sa kusina.”
Habang papalapit sa kusina, nakarinig ako ng mga boses na
nag-uusap. Mukhang gising pa rin ang mga matatanda. Nadatnan naman namin sila
na umiinom ng alak.
“Aulric, Aling Eva, kanina pa ba kayo dito?” naitanong ng
Mama ni Zafe. “Anong ginagawa ninyo dito?”
“Kararating pa lang po namin. At tsaka po, nauuhaw ako.
Iinom lang po kami ng tubig ni Aling Eva,” magalang na sagot ko.
“Ganoon ba? Sige. Uminom na kayo.”
Habang umiinom ako ng tubig kasama si Aling Eva, napapansin
ko naman sa repleksyon ng maliit nilang oven na tinitingnan ako ng mga
matatandang ito. Ano ba ang meron at pinagtitinginan nila ako?
Matapos uminom ay sabay naman kami ni Aling Eva na umalis
sa kusina. Muli naman nagbatian kaming dalawa ng isang magandang gabi bago
pumasok sa aming mga kwarto.
Shai’s POV
Ilang araw na simula nang pasukan, hindi pa rin kami
nagbabati ni Aulric. Ang may kasalanan nito ay ang pride naming dalawa na
parehas palang mataas. Dapat ay mag-sorry siya sa kaniyang mga sinabi sa akin
bago ako makipagbati sa kaniya.
“Pwede bang magbati na kayong dalawa?” reklamo ni Isaac
habang kinakain ang kaniyang baon.
“Magbati na kayong dalawa,” dagdag ni Camilla.
“Ano, Andrew? Gusto mo ba silang magbati?” tanong naman ni
Caleb sa kaibigan.
“Aba, dapat lang! At tsaka, naayos na ang problema sa
pamilya mo,” sagot ni Knoll.
Hindi makasagot si Andrew. Napipi naman kaming dalawa ni
Ricky, na tahimik na pinapakinggan ang aking mga kaibigan.
“Alam mo Shai, tama sila,” pagsang-ayon ni Ricky sa
sinasabi ng mga kaibigan ko. “Magbati na kayo. Marahil, matagal pa para kay
Andrew na patawarin sila Aulric.”
“At take note. Walang inamin si Aulric na siya talaga ang
nagkalat ng sikreto. Halos kilala niyo naman iyung tao. Kapag ang atensyon niya
ay hindi talaga nakatutok sa atin, iyung naririnig niyan ay lumalabas sa
kabilang tenga,” dagdag pa ni Isaac.
“Pero paano nalaman nung mga magulang ni Zafe? Paano?
Paano?” tanong ni Andrew. “Bigyan niyo nga ako ng valid na sagot kung paano
nalaman ng mga magulang ni Zafe na hindi ako ang totoong anak.”
“Hindi sa sinasabihan ko na wala kayong mga utak, pero
malay mo ba naman. May sariling sources iyung magulang ni Zafe. Nag-imbestiga
sila at naghanap ng paraan para agawin sa pamilya mo ang kompanya nila,”
paliwanag ni Knoll. “Tandaan niyo. If there’s a will there’s a way.”
“Pero malinis ang pagkakabura namin ng pamilya ko sa mga
sensitibong impormasyon.”
“Pasensya na pero there’s no such thing as malinis ang
pagkakabura,” pagsalungat ni Ricky sa mahinang boses.
“Pero ang tanong naman talaga dito, may problema pa ba?”
pagtatanong ni Camilla. “Wala na, hindi ba? Iyung mga sarili natin ang problema
dahil, hindi tayo naniniwala sa tao. Yes, marahil ay napaka-scumbag sumagot ni
Aulric, pero hindi naman siguro siya ang pinanggalingan ng impormasyon.”
“Teka? Paano kung ganito? Bakit hindi na lang natin ito
pagbotohan?” suhestyon ni Isaac.
“Siguradong mananalo ang magpapatawad dahil ang dami
ninyo,” bulong ni Andrew sa sarili.
“Payag ako,” sabi ni Knoll.
“Kayo Ricky, Shai, Andrew? Payag ba kayo?” tanong ni Isaac.
Humugot na lang ako ng buntong-hininga. “Ano ba ang
magagawa ko?”
“Payag din ako,” dagdag ni Ricky.
“Ano, Andrew? Payag ka ba?” muling tanong ni Isaac sa
kaniya. “Kung hindi kayo makapagdesisyon, idaan natin ito sa demokratikong
paraan.”
Umiling si Andrew. “Game,” sagot niya.
“Okay. Simulan na iyan,” wika ni Knoll.
“Okay, kung sino ang gusto ng patawarin sila Aulric at
Zafe, itaas ang kaliwang kamay,” sabi ni Isaac.
Kaagad na nagtaas ng kamay sila Isaac, Camilla, Knoll,
Caleb, pati na rin si Ricky.
“Okay. Landslide victory?” komento ni Caleb.
Napailing na lang ako. “Paano ba iyan, Andrew? Wala na
tayong magagawa dahil nakapagpasya na silang lahat,” sabi ko sa kaniya.
“Bahala kayo.” Iniligpit na agad ni Andrew ang kaniyang
bag. “Aalis na nga ako. Malalim na ang gabi. Una na ako sa inyo.” Inilagay ni
Andrew sa kaniyang likuran ang kaniyang bag at naglakad na paalis.
Nang umalis na si Andrew, pinagtinginan nila akong lahat,
maliban lang kay Ricky. Ibinaba naman nila ang tingin sa phone ko, at
ipinapahiwatig nila na tawagan ko si Aulric. Itinaas ko na lang ang magkabilang
kamay hudyat na sumusuko na ako. Kinuha ko naman ang phone at agad na tinawagan
ang phone ni Aulric. Siguradong sasagutin niya ito dahil wala na siyang pasok
sa mga oras na ito.
Ilang ring lang sa phone ni Aulric, sinagot na niya agad
ito.
“Hello?” bati ni Zafe sa telepono.
“Ibigay mo ang phone kay Aulric. May pag-uusapan kami,”
utos ko sa boyfriend niya.
Narinig ko naman sila na may pinag-uusapang ibang bagay.
Marahil ay report.
Ilang segundo ang
nakalipas ay ibinigay na ni Zafe ang phone kay Aulric.
“Hello? Ano ang pag-uusapan natin?” tanong niya.
Inilagay ko sa loudspeaker ang phone ko. “Nakapag-decide na
kaming lahat,” diretso kong sabi. “na makipagbati sa iyo.”
“Talaga? Lahat kayo, nakapag-decide din sa wakas na
makipagbati sa akin?” pasarkastikong tanong pa niya.
“Hindi naman talaga lahat. Kami ni Andrew ay may
reservations pa rin kung makikipagbati kami.”
“Hoy, makipagbati kayo. Napagbotohan na natin ito at
kailangan ninyong sundin iyun,” angal naman ni Isaac.
Inirapan ko si Isaac. “Pero may reservations pa rin talaga
kami.”
“Si Zafe? Kasama ba?” tanong ni Aulric.
“Hindi,” sagot ko.
“Kasama,” sabay-sabay ng sabi nila Isaac, Caleb, Knoll, at
Camilla.
“Okay. Well, salamat. Kung may reservations pa kayo ni
Andrew na makipagbati sa akin, okay lang. Basta ako, alam ko sa sarili ko na
wala akong pinagsabihan ng sikreto ni Andrew. Wala. Kahit kay Zafe, wala akong
pinagsabihan ni isang kaluluwa,” wika ni Aulric. “Ngayon, ibababa ko na ito.
Busy kami ni Zafe gumawa ng report para bukas. Magkita na lang tayo bukas, at
ililibre ko kayo.”
“Tsaka pala Aulric,” singit ni Ricky. “pakisabi kay Zafe na
gusto ko siyang makalaro kinabukasan. Pakisabi sa kaniya na babawian namin si
James. Hanggang ngayon pa rin kasi, gago iyung taong iyun.”
Narinig ko sa kabilang linya na sinabi ni Aulric ang sinabi
sa kaniya ni Ricky. Narinig ko naman na natutuwa si Zafe at naalala pa siya ni
Ricky.
“Naka-loudspeaker pala ako? Okay daw sabi ni Zafe,” tugon
ni Aulric.
“Bye,” paalam ko kay Aulric at ibinaba ito agad.
“Okay. Ayos na ang problema. At sana ay magtuloy-tuloy
ito,” komento ni Camilla na sinisimulan ng ayusin ang gamit nila ni Knoll.
“Kaya tayo na at umuwi na. Medyo malalim na ang gabi. At mukhang tayo na lang
ata ang tao dito sa unibersidad.”
“Oo nga. Sinisimulan na nilang patayin ang mga ilaw,”
nagmamadali ding sabi ni Isaac.
“Magandang gabi sa inyong lahat,” paalam ni Caleb. Naglakad
na siya papunta sa labas. “At sana naman ay kompleto na tayo kinabukasan. Kahit
may reservations pa kayo,” pahabol pa niya.
“Oi, sabay na kami ni Camilla,” sabi ni Knoll nang hinabol
si Caleb.
“Magandang gabi sa inyo. Kita na lang bukas,” paalam ni
Camilla na kasabay si Isaac na lumabas.
“Ano? Tara na?” tanong naman ni Ricky na naghahanda ng
umalis.
“Bakit, sumang-ayon ka sa kanila?” naitanong ko dahilan
para tumigil si Ricky na magligpit ng gamit. “Bakit, gusto mo ng patawarin sila
Aulric at Zafe?”
Umupo ulit ng maayos si Ricky. “Shai, kasi naman, dapat ay
pinakinggan natin ang side nila. Pero hindi naman natin ginawa iyun. Tsaka
naisip ko, mag-asawa na tayo. Paano kung sa atin naman nangyari ang bagay na
iyun? May hindi tayo pinagkakaunawaan? Tapos basta-basta na lang tayo
naghiwalay ng hindi man lang nag-uusap? Gusto mo ba iyun?” paliwanag ni Ricky.
Nasapo ko ang aking ulo. Biglang pumasok sa isip ko na
napaka-careless ng ginawa ko kay Aulric. Tapos, umabot pa ng ilang buwan. Bakit
hindi ko naisip na kausapin siya? Bakit nag-conclude ako na siya talaga ang may
kagagawan ng nangyari kay Andrew?
“May point ka,” nasabi ko sabay inuuntog-untog ko ang ulo
ko sa mesa. “Bakit kasi hindi ko ginawa iyun? Paano na lang kapag naging habit
ko na ang ginagawa kong ito?”
“Hoy, tigilan mo na iyan.” Kinuha ni Ricky ang aking ulo at
inilapag niya ito sa kanyang balikat. “Baka mabagok ang ulo mo bigla at
magkaroon ka ng amnesia.”
“Walang nagkaka-amnesia sa pagbagok ng ulo sa mesa, Ricky.”
“Alam ko.”
Ipinikit ko ang aking mata habang nakalagay ang ulo ko sa
balikat ni Ricky. Muli kong sinariwa ang mga alaala namin, iyung unang
pagkikita namin, iyung nagkaroon kami ng koneksyon sa pamamagitan ni Aulric,
hanggang sa biglang ikinasal ako kay Ricky, sa likuran ng bakuran nila.
Natawa ako. “Ricky, kung magkaka-amnesia ba ako, ano ang
gagawin mo?” tanong ko.
“Ano ang gagawin ko?” pag-uulit ni Ricky sa tanong ko.
“Umm, subukang ipaalala sa iyo ang kwento ng pag-ibig natin? Kung paano tayo
nagkakilala, kung ano ang kinanta ko nang umamin akong may nararamdaman ako sa
iyo, kung paano tayo biglang nagpakasal.”
“Bakit nga pala bigla tayong nagpakasal?” wala sa sarili
kong tanong.
“Dahil gusto ni Papa na ipakasal tayo agad?” agad na sagot
niya. “Sabi daw ni Papa, hindi maganda na titira tayo sa iisang bubong nang
hindi pa tayo kasal. At mabuti na lang at hindi ka hinabol nung mga magulang mo
nang nalaman nila na kasal ka na sa akin.”
“Ako? Hahabulin ng mga magulang ko?” Ngumiwi ako. “Malabo.
Siguradong wala na akong gamit para sa kanila dahil sa may asawa na ako
ngayon.”
“Iyung mga magulang mo ba, napatawad mo ba sila dahil sa
mga pinaggagagawa nila sa iyo?” naitanong niya.
“Matagal na,” tugon ko. “Pero ewan ko lang sa kanila kung
napatawad nila ako nang bigla akong nagkaroon ng asawa.”
“Alam mo, minsan ay imbitahan natin sila na, mag-dinner sa
bahay. Kung sisipot sila, maganda. At kung hindi, okay lang.”
“Hindi magandang ideya iyan, pero ikaw ang bahala. Tsaka
magbago nga tayo ng topic? Ayokong pag-usapan ang katangahan ko sa buhay.
Kasama na doon ang mga magulang ko na hindi ako kahit kailan minahal.”
“Okay, change topic.” Hinaplos-haplos ni Ricky ang aking
buhok. “Ano ang gusto mong pangalan sa anak natin, kapag nakabuo tayo?”
“Hoy, bawal iyan ahh? Sabi ng Papa mo, bawal muna magkaanak
habang hindi pa tayo nakapagtapos,” pagpapaalala ko sa kaniya.
“Tanong lang naman sa pangalan. Hindi ko naman sinabi na
bumuo tayo agad mamayang gabi.”
“Sinabi mo iyan! Dapat ay pangalan lang muna. Huwag muna
iyung totoong bagay dahil hindi pa ako handa.” Nag-isip ako ng ipapangalan sa
magiging anak namin. “Kapag lalaki, Tyrion. Kapag babae, Shaira?”
Natawa siya. “Okay lang iyan, Shai. May ilang taon ka pa
para pag-isipan iyang mga pinili mong mga pangalan.”
Bumangon ako at marahang tinulak ang kaniyang balikat.
“Bakit? Pangit ba iyung mga pinili kong pangalan? Hindi naman ahh!” sabi ko
habang nakasimangot.
“Wala akong sinabi,” maang niya. “May sinabi ba ako? Baka
ikaw ang nagsabi na pangit?”
“Nakakainis ka! Tara na nga! Saka na natin pag-usapan iyang
mga plano sa hinaharap, sa bahay! Napakalalim na ng gabi at mukhang tayo na
lang ang natitira sa unibersidad.”
“Oo. Tara na nga.”
Sabay naming niligpit ang aming mga gamit. Naramdaman ko
naman na naiihi ako.
“Sandali. Punta muna ako ng banyo. Hintayin mo ako dito.
Okay?” paalam ko kay Ricky.
“Okay. Hihintayin kita dito.”
Tinumbok ko ang daan papunta sa comfort room. Nang
pinuntahan ko ang pinakamalapit na comfort room, sarado na ito. Napakamot ako
sa ulo at nagpatuloy na lang ako lumakad. Doon tuloy ako sa pinakamalayo, iyung
sa bandang pinakalikuran ng unibersidad.
Nang nakarating ako sa pinakalikuran, may ilaw pa akong
nakita. Bukas pa ito. Mabuti naman at hindi pa sarado. Konti na lang kasi at
mailalabas ko ng wala sa oras ang mga bagay na nasa loob ko.
Pumasok agad ako sa isang cubicle. Ilang segundo ang
nakalipas ay may pumasok pa atang isa o dalawang babae sa comfort room. At may
pinag-usapan silang bagay na hindi ko inaasahan.
“Nako! Sayang naman at hindi naagaw ng mga Neville ang
kompanya nung mga Nassau. Konting push pa lang sana, kaya lang, wala ehh.
Sayang iyung effort mo te,” wika ng isang babae sa kausap nito. “Biruin mo,
narinig mo lang iyung sikreto ng pamilya Nassau habang katabi mo sila, Aulric
at Shai ba iyun? Sayang talaga! Wala na tuloy iyung window of opportunity niyo
para mag-expand ang business ninyo.”
“Hoy, huwag ka nga masyadong maingay! Mamaya ay may
makarinig sa iyo, papatayin ko talaga kung sino ang makakarinig sa atin,” saway
ng isang babae na may pamilyar na boses para sa akin.
Biglang pinigilan ko ang aking pag-ihi, at bahagyang itinaas
ang aking mga paa, para hindi makita, o mahalata ng dalawang babae sa labas na
naririto ako at naririnig ang kanilang sinasabi. Biglang bumilis ang tibok ng
puso ko sa aking mga naririnig. Diyos ko! Hindi ko kaya ang mga naririnig ko
ngayon!
“Hoy, huwag ka naman magbiro ng ganyan. Tara na nga at
hinihintay na ako ng driver ko.”
Bumukas ang pinto at lumabas na ang dalawa. Nakahinga naman
ako nang maluwag dahil sa umalis na din sila. Ibinaba ko na ang aking paa at
dali-daling umihi. Grabe ang tibok ng puso ko. Napakabilis.
Nang lumabas ako sa CR, dali-dali akong naglakad pabalik
kay Ricky, nang may narinig akong kaluskos sa aking likuran. Napalingon ako, at
tiningnan ang paligid ng mabuti kung may sumusunod sa akin. Mukhang guni-guni
ko lang ata iyun.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Pero mas maingat na kesa
dati. Kailangan makasiguro ako na walang nakasunod sa akin. Kailangan ay
makalabas ako sa unibersidad na ito na buhay.
Bigla ko namang naalala ang ballpen na may kalendaryo sa
loob na niregalo sa akin ni Aulric noong pasko. Nakalagay ito sa aking bulsa,
kasama ang isang ballpen. Kinuha ko ang dalawang ballpen sa bulsa ko. Kailangan
mailagay ko man lang dito sa kalendaryo ng ballpen ko kung sino iyung isang tao
na nagsiwalat ng sikreto ni Andrew.
Nang natapos na, ibinalik ko na ang dalawang ballpen ko sa
bulsa at maingat ulit na naglakad. Mula naman sa malayo ay may nakita akong
pigura na papalapit sa akin. Teka, kilala ko ang pigurang ito. Sigurado akong
si Ricky ito.
“Shai, kanina pa kita hinihintay,” sabi niya habang patakbo
na siyang lumapit sa akin dala-dala ang ilan sa mga gamit ko. “Tapos ka na ba?”
“Oo. Tapos na ako,” tugon ko.
Binigay sa akin ni Ricky ang mga gamit ko, tsaka tiningnan
niya ako ng mabuti.
“Bakit pinagpapawisan ka?” Kinuha ni Ricky ang panyo na
nasa bulsa niya at pinunasan ang aking ulo. “Mainit ba?”
“Oo. Medyo mainit doon sa CR. Tara na. Tsaka dalian natin.”
“Halika na. Marami pa tayong pag-uusapan pagdating sa
bahay.”
Kahit sa dilim, kitang-kita ko ang mga ngiting ibinibigay
sa akin ni Ricky. Iyung mga ngiti niyang iyun, sa akin lang niya ibinibigay.
Sana, masilayan ko iyun ng habangbuhay. Hanggang sa aking pagkamatay.
Nang papalakad kami, napahinto ako dahil sa parang may
bagay na pumasok sa likod ng ulo ko. Hindi ko alam kung ano ang bagay na iyun,
pero biglang hindi na ako makagalaw. Si Ricky naman ay nakatingin lang sa akin,
at maya-maya’y patakbong sinalo ang aking katawan. May mga sinasabi sa akin si
Ricky, pero hindi ko na ito marinig. Teka, anong nangyayari sa akin?
Sinubukan kong magsalita, pero walang boses na lumalabas sa
aking boses. Nakita ko naman si Ricky na inalog-alog ang katawan ko. Habang
inaalog niya ako, nakita ko naman ang mga alaala ko noong bata pa ako, noong
lumaki ako, hanggang ngayon. Nag-replay iyun sa utak ko, at tandang-tanda ko pa
ang mga bagay na iyun?
Oo, medyo maraming mga masasakit akong naaalala dahil sa
mga magulang ko, pero lahat iyun ay nabago nang naging kami ni Ricky. Salamat
sa kaniya, at kahit papaano ay nabago ang pananaw ko sa mundo. Akala ko,
makukulong ako sa isang fixed marriage, habang nakatingin kay Ricky mula sa
malayo. Siyempre, siya talaga iyung lalaking gustong-gusto ko simula noong una.
Kaya para mapalapit sa kaniya ay ginamit ko ang koneksyon ni Aulric kay Zafe.
At dahil doon, nagkakilala kami ng mabuti, nag-uusap, at biglang nagkaroon ng
magic sa aming dalawa. Pagkatapos, inamin niya na may gusto siya sa akin, at
nang umalis ako sa mga magulang ko, sinalo niya ako, pinakasalan pa.
Napakabilis at hindi makatotohanan. Pero ganoon si Ricky at ang Papa niya. At
ang bawat oras na kasama si Ricky ay masaya talaga, para sa akin. Siya ang
dream boy ko na nakuha ko, at mahal na mahal ko talaga siya. Oo nga pala. Si
Aulric, patatawarin ko pa.
Nagulat na lang ako nang nakita ko pa na may pulang bagay
ang lumabas mula sa noo ni Ricky, at bumagsak din siya sa akin. Nang pumatong
na ang katawan niya sa akin, may patak ng tubig ang tumama sa aking mga mata.
Isa, dalawa, at marami pang patak na sumunod. At iyun na ang mga huli kong
alaala sa nangyari sa akin, sa aming dalawa ni Ricky.
Aulric’s POV
Parang unti-unting nawawalan ng buhay ang aking katawan
matapos makita si Nanay, si Ricky, at si Shai na ibinababa na sa hukay.
Pagkatapos namin gumawa ng report ni Zafe sa bahay ni Tito Henry, masamang
balita na ang bumungad sa amin nang bumaba kami. Si Randolf, ibinalita niya na
may sumaksak kay Nanay. Idinala niya daw ito sa pinakamalapit na ospital, pero
hindi na namin ito naabutan doon. At kinabukasan naman, nakatanggap ako ng
tawag kay Caleb na natagpuang patay sila Shai at Ricky sa school grounds ng
unibersidad. May mga balang nakita sa kanilang ulo, at iyun ang dahilan ng
kanilang pagkamatay. Kinabukasan ng mga balitang iyun, nagkagulo ang board of
directors ng unibersidad dahil sa nangyaring krimen, nagdalamhati kaming mga
kaibigan nila Shai at Ricky, si Tatay Henry naman ay halos buong araw na
umiiyak. At sa pagitan ng paghikbi niya’y may parang sinasabi siya.
“Kagagawan nila ito. Hindi ko sila mapapatawad,”
paulit-ulit na sinasabi niya nang naabutan ko siyang nagluluksa sa kwarto nila
Nanay.
Punong-puno ng kalungkutan ang linggo ko ngayon. Pero,
kinaya ko. Iniisip ko na lang na may random na loko-lokong tao ang gumawa nito,
kila Nanay, Shai, at Ricky. Pero hindi pa rin naaalis sa isip ko na baka may
tarantadong tao sa lugar namin ang may kagagawan ng lahat ng ito. Pero sa isang
araw nangyari? Imposible.
Magdamag sa kwarto ni Zafe, ilang araw pagkatapos ng
libing, wala lang akong ginawa kung hindi ay umupo sa tabi ng kama, at tumingin
sa malayo. Iniisip kung ano ang maaari kong gawin sa taong gumawa ng lahat!
Gusto kong malaman kung sino, pero ang mga pulis naman ay walang nalamang bago.
Wala silang lead. Mas mabilis silang may nalaman nang ako daw ang pumatay sa
anak na dinadala ni Isabela? Pero itong kaso ng pagpatay kila Nanay, Shai, at Ricky,
ay hindi nila malaman-laman kung sino?
Bumukas ang pinto at pumasok si Zafe na may dalang pagkain
para sa akin. Inilagay niya ito sa tabi namin at umupo sa tabi ko. Kagaya ko,
tumingin din siya kung saan ako nakatingin, at malayo ang kaniyang iniisip.
Marahil ay binubuhay niya sa kaniyang alaala ang mga nangyari sa kanila noon ni
Ricky.
“Hindi talaga ako makapaniwala,” nasambit niya. “Hanggang
ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Bakit walang lead ang pulis sa mga
nangyari sa bestfriend ko at sa kaniyang asawa?”
“Parehas tayo ng iinisip,” tugon ko.
“Sana ay panaginip lang ito.”
“Parehas tayo ng iniisip. Kaya lang, ito ang reyalidad.”
Humugot ako ng malalim na hininga. “Kung mahuli nga talaga ng pulis iyung taong
gumawa nito sa kanila, ano ang gagawin mo?”
Natahimik si Zafe at humugot din ng malalim na hininga.
“Hindi ko alam. Babarilin ko din ba ang taong iyun sa ulo? Pero kung babarilin
ko nga, hindi naman babalik sa akin ang best friend ko.”
Dahan-dahan na inilagay ni Zafe ang kaniyang mga bisig sa
akin. Saka ibinaon ang kaniyang mukha sa aking balikat. Muli, nabasa na naman
ng kaniyang mga luha ang aking balikat. Inilagay ko naman ang isa kong kamay sa
kaniyang ulo at hinayaan siya.
“Ako, hahanap ako ng gamot para maging immortal. Tapos,
ipapainom ko doon sa pumatay kila Nanay, Shai, at Ricky. Then, itatali ko siya
sa basement. At doon, papatayin ko siya ng paulit-ulit, paulit-ulit, hanggang
sa hihingin niya na mamatay siya. Pero hindi. Dahil immortal siya,” sagot ko sa
aking tanong na puno ng galit.
“Gamot para maging immortal? May ganoon bang gamot?”
natatawang tanong ni Zafe habang umiiyak. “Napakasama naman nung taong iyun.
Ano ba ang ginawa nila Ricky at Shai sa kaniya? Bakit nila kinuha ang mga best
friend natin?”
“Hindi ko best friend si Shai. Si Camilla ang best friend
niya,” pagpapaalala ko. “At sigurado naman ako na walang ginawang masama si
Shai at Ricky. Kilala natin ang mga taong iyun. Wala silang ginawang masama.”
Kumuha si Zafe ng panyo at pinangpunas niya ito sa kaniyang
mga mata. “Alam mo Aulric, napakalakas mo. Hindi ka humahagulgol katulad ko.
Nakaupo ka lang sa kwarto ko at nakatingin sa malayo.”
“Pero hindi naman ako lumalabas ng kwartong ito para
harapin ang katotohanan na nawala ang tatlong tao na mahahalaga sa atin. Hindi
ako malakas. Mahina din ako, katulad ninyo. It’s just, iba lang ang paraan ng
aking pagluluksa. Hindi ako umiiyak, pero sa loob ko, nasasaktan ako. I mean,
isang araw, maririnig natin ang mga balitang ito, pagkatapos lang natin gumawa
ng project? Ginagago ba ako ng buhay na ito?” litanya ko. Sinuklay ng aking mga
kamay ang aking buhok pa-itaas at umiling. Gusto kong magwala ngayon at
magbasag ng mga bagay-bagay. Kaya lang, bahay ko ba ito?
“Tara, Aulric. Lumabas muna kaya tayo?” yaya ni Zafe.
Napatingin ako sa bintana. “Pero gabi na. Saan naman tayo
pupunta?”
“Kahit saan. Basta, kahit anong lugar. Nababagot na ako
dito sa bahay. Alangan naman puntahan ko ang patay kong best friend sa libingan
niya para maglaro ng basketball,” sarkastikong sabi niya. “Tara na. Napakarami
ko pa namang dalang pera ngayon lalong-lalo na sa credit card ko. Sabi ni Mama,
lumabas-labas tayo at magpakasaya. Kalimutan muna natin sila, ng kahit isang
araw. Pero alam naman natin na hindi sila makakalimutan.” Inilahad ni Zafe ang
kaniyang kamay sa akin. “Sasama ka ba sa akin?”
Kinuha ko ang kaniyang kamay at tumayo. Lumabas kami ng
bahay niya at pumasok sa kaniyang sasakyan. Habang nasa daan, biglang dumating
ang napakalakas na ulan. Ramdam ko naman ang mainit na kamay ni Zafe na
nakahawak sa aking kamay. Gusto niyang sabihin na magiging okay lahat.
Muli naman napatingin ako sa malayo. Iniisip na paano kung
ako na ang susunod? Si Tatay Henry kaya, si Derek? Pero magkamali lang na ako
ang susunod na target ng taong iyun. Gagawin ko lang ang lahat, maipagtanggol
ko ang sarili ko.
Ilang minuto ang nakalipas, napansin ko na tapak ng tapak
sa preno si Zafe. Binitawan naman niya ang aking kamay at sinubukan ang handbrake
na nasa gilid niya.
“H-Hindi maaari. Ano ang nangyayari?” tanong ni Zafe sa
kaniyang sarili. “Bakit ganito? Mine-maintain ko naman ito ahh?”
“May problema ba?” tanong ko.
“Iyung brake ng sasakyan ko, hindi gumagana. Mine-maintain
ko ito at gumagana ito nang huli kong maintenance,” tugon niya.
Tumingin ako sa speed-o-meter ng sasakyan. Medyo mabilis
ang pagpapatakbo ni Zafe, at nakatapak pa rin siya sa gas. Hindi gumagana ang
brakes samantalang mine-maintain naman ito ni Zafe? Hindi kaya, kami na ang
susunod?
“Zafe, huwag mo ng tapakan iyung gas,” utos ko sa kaniya.
Sinunod niya ang sinabi ko. “O-Okay. Pagkatapos? Ano na ang
gagawin natin?”
“M-Mag-drive ka lang ng maayos. Siguraduhin mo na walang
babangga sa atin ng kahit ano, at huwag kang-”
Hindi pa natapos ang pagsasalita ko, biglang may sumulpot
na sasakyan mula sa gilid. Bago ko pa sabihin kay Zafe na huwag siyang lumiko
bigla, ginawa na niya ito. Nagkaroon tuloy ng hindi inaasahang pangyayari ang
ginawa niya. Gumilid ang sasakyan, at bumangga nga ito sa sasakyan na biglang
sumulpot sa gilid. May parang bagay naman sa daan na biglang nagpalipad sa
sasakyan, dahilan para gumulong-gulong ito sa lupa, at natigil ito nang
bumangga ito sa isang building. At iyun ang huli kong naaalala bago ko ipinikit
ang aking mga mata.
Zafe’s POV
Puting kalangitan agad ang aking nakita nang dumilat ako.
Pagkatingin ko sa aking gilid, nakita ko si Mama na tuwang-tuwa na nagising
ako. Lumabas siya ng kwarto at tinawag ata ang doktor. Napakasakit pa ng aking
katawan, at nanghihina ako. Teka? Ano ba ang nangyari? Hindi ko masyadong
naaalala.
Muli namang pinahiga ako ng doktor. May kinuha naman itong
parang flashlight, at itinapat sa aking mga mata. Sa ginawa ng doktor, doon ko
lang naalala ang nangyari sa amin ni Aulric. Napabilis ang takbo ng aking sasakyan,
saka ko lang nalaman na sira ang brake ng sasakyan ko, at biglang may sumulpot
na sasakyan sa gilid. Sinubukan kong iwasan ang sasakyan kaya agad kong iniliko
ang sasakyan. Pero dahil sa ginawa ko, bumangga pa rin ako sa sasakyan, at
gumulong-gulong kami. Iyun ang mga huling bagay na naaalala ko.
“Mama, asaan si Aulric? Kumusta siya?” tanong ko kay Mama
habang tinatangka kong bumangon.
“Sir, magpahinga muna kayo. Hindi pa kayo magaling,” sabi
ng Doktor habang sinisikap niya akong humiga.
“Mama, si Aulric? Asaan siya Mama?!” pasigaw ko ng tanong.
Nanlaki ang mga mata ni Mama. Umiling siya, at iniwasan
niya ang aking tingin. Naiwan naman si Papa, at napakalungkot niya habang
nakatingin sa akin, kagaya ni Mama. Hindi ko na sinubukang bumangon at tumingin
kay Papa.
“Hindi siya nakaligtas. Naiwan siya sa sasakyan, at
nasunog,” kwento sa akin ni Papa. “May isang tao ang tumulong sa inyo. Na-stuck
kayong dalawa ni Aulric sa sasakyan. Pero iniutos in Aulric na ikaw muna ang
iligtas. Babalikan pa sana ng nagligtas sa inyo si Aulric. Kaya lang, hindi na
siya umabot. Sumabog na ang sasakyan mo.”
Natulala ako sa sinabi sa akin ni Papa. Hindi maaari.
Mawala na ang lahat sa akin, huwag lang si Aulric.
Umiling ako at nagsimula ng tumulo ang luha sa aking mga
mata. “Hindi totoo iyan, Papa! Sabihin mong nagbibiro ka lang! Hindi totoo
iyan!”
ITUTULOY…
Nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Also kuya Peter! :D
Hey guys, pasensya na kung na-delay iyung kasunod na Chapter. Nag-promise pa naman ako na kahapon ko pa ipo-post iyung katapusan ng storya ni Aulric. Hindi ko kasi nalaman na magsasara iyung shop, at nakalagay pa naman sa phone ko iyung file. At kapag sarado iyung shop, wala akong Wi-Fi, hindi ko maipapadala sa Google Drive.
Pero heto na nga ang huling Chapter ni Aulric, sana nga ay magustuhan niyo.
Gaya ng sinabi ko, may update pa bukas. Bukas na ipagpapatuloy ang story ni Ren. Rest in peace Aulric.
Author's note...
Hey guys, pasensya na kung na-delay iyung kasunod na Chapter. Nag-promise pa naman ako na kahapon ko pa ipo-post iyung katapusan ng storya ni Aulric. Hindi ko kasi nalaman na magsasara iyung shop, at nakalagay pa naman sa phone ko iyung file. At kapag sarado iyung shop, wala akong Wi-Fi, hindi ko maipapadala sa Google Drive.
Pero heto na nga ang huling Chapter ni Aulric, sana nga ay magustuhan niyo.
Gaya ng sinabi ko, may update pa bukas. Bukas na ipagpapatuloy ang story ni Ren. Rest in peace Aulric.
Thanks so much.
ReplyDeleteKeepsafe sa lahat.
-jomz r