Author's note...
Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Also kuya Peter! :D
Hello, heto na po ang susunod na Chapter sa Loving You... Again. Ngayon, nagbabalik na tayo sa kwento ni Ren. At bago niyo basahin ang chapter na ito, muli akong nagpapasalamat sa mga nagbabasa pa rin nito, at doon sa mga nag-drop, okay lang. Huwag niyo ng basahin. Sana nga ay matapos ko ito ng maayos, at may maayos na ending. Rest in peace ulit Aulric.
Heto na po ang Chapter 47.
Hello, heto na po ang susunod na Chapter sa Loving You... Again. Ngayon, nagbabalik na tayo sa kwento ni Ren. At bago niyo basahin ang chapter na ito, muli akong nagpapasalamat sa mga nagbabasa pa rin nito, at doon sa mga nag-drop, okay lang. Huwag niyo ng basahin. Sana nga ay matapos ko ito ng maayos, at may maayos na ending. Rest in peace ulit Aulric.
Heto na po ang Chapter 47.
Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15 | Chapter 16 | Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21 | Chapter 22 | Chapter 23 | Chapter 24 | Chapter 25 | Chapter 26 | Chapter 27 | Chapter 28 | Chapter 29 | Chapter 30 | Chapter 31 | Chapter 32 | Chapter 33 | Chapter 34 | Chapter 35 | Chapter 36 | Chapter 37 | Chapter 38 | Chapter 39 | Chapter 40 | Chapter 41 | Chapter 42 | Chapter 43 | Chapter 44 | Chapter 45 | Chapter 46
Chapter 47:
Zombies Of The Past
Edmund’s POV
Bumaba ako mula sa aking sasakyan na naka-ayos ang buhok,
at may dalang bulaklak. Pinagtinginan ako ng mga tao dahil sa ayos ko ngayon.
Lumakad ako papunta sa tinutuluyan nila Gerard at huminto sa pintuan. Bago
kumatok, hiningahan ko ang aking bibig kung bad breath ba ako o ano. Pero hindi
naman. Okay. Handa na ako sa pinakaunang date namin ngayong taon.
Kumatok ako sa pinto. Bigla naman akong kinabahan. Bumilis
ang tibok ng aking puso. Ilang araw na ang nakalipas simula nang hindi kami
nagkita, at isang araw ay nag-text siya sa akin. And then, niyaya ko agad siya
na mag-date kami, ng opisyal? Pero nag-reply naman siya sa akin na may kasamang
petsa at oras sa date namin. So, oo ba iyun, o hindi?
Bumukas bigla ang pintuan. Napanganga ako dahil nakita ko si
Gerard, na hubo’t hubad. At sa galaw ng kanyang mga mata, at ayos ng buhok
niya, mukhang kagigising lang niya. Kinuha ko agad ang phone ko upang makita
ang mensahe niya, sampung minuto na ang nakalipas.
“Handa na ako,” reply niya sa text ko.
Tiningnan ko ang inaantok pa na si Gerard. “Iyan ba ang
paraan mo ng paghahanda?” kalmado kong tanong sa kaniya.
“Yeah. Sa ayos kong ito, handa na ako,” tugon niya na may
nang-aakit na tingin. Hindi kaya…
Biglang sinunggaban niya ako para papasukin sa loob ng
kanyang apartment at sinara niya agad ang pintuan. Sumugod naman ang kaniyang
labi para makipag-espadahan sa aking dila. Sinubukan ko namang paghiwalayin ang
aming mga sarili, at naging matagumpay naman ako.
“Sandali,” saway ko sa kaniya sa mahinang tono. “Paano kung
lumabas si Janice sa kwarto niya? Makita niya tayo dito sa labas na, ginagawa
ang mga dapat gawin sa isang pribadong kwarto?”
“Janice? Wala na siya dito. Umuwi na siya,” tugon niya.
Muli siyang sumugod sa akin, at dahan-dahan na hinuhubad
ang aking damit. Ibinaba naman niya ang paghalik sa aking leeg.
“Paano naman ang date natin? Paano na itong paghahanda ko?”
tanong ko pa rin sa kaniya.
Tumigil siya at tumingin sa aking mga mata. “I-reschedule
na lang natin iyun. At ang paghahanda mo?” Tiningnan niya ang kabuuan ko na may
damit pa. “Hindi sayang iyan. Napaka-unfortunate nga lang dahil huhubarin mo
iyang damit mo.”
Mapusok na naman niya akong hinalikan, pero pinigilan ko pa
rin siya.
“How about, Keifer? Nandito ba siya?” tanong ko.
Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Gerard. “Edmund,
taglibog ako ngayon. Mag-isip ka pa ng mga palusot para pigilan ko. Tumawag ka
pa ng mga buhay, o patay, pero walang makakapigil sa akin ngayon.”
Napalunok ako sa mga tingin ni Gerard. “Pagbibigyan kita.”
Ako naman ngayon ang humalik sa kaniya ng mapusok. Hindi ko
na namalayan na tinulak niya ako sa isang pader, at ibinaba na niya ang
kaniyang paghalik, na dumaan sa aking dibdib. Dali-dali niyang tinanggal ang
aking sinturon, at ibinaba ang mga dapat ibaba sa baba ko. Tumingin ako sa
ibaba ko kung ano ang ginagawa niya. Nagpang-abot naman ang aming mga tingin,
habang hawak-hawak niya ang aking naghuhumindik na pagkalalaki.
Napatingin ako sa itaas habang nararamdaman ang kaniyang
dila na pumapalibot sa aking ari. Hindi ko din mapigilan ang aking pag-ungol sa
sarap. Hindi ako makapaniwala. Masasabi kong napakagaling niya sa kaniyang
ginagawa.
“Umm, ipagpatuloy mo iyan Gerard.” Hinawakan ko ang kaniyang
ulo at pinipilit siya na ipalunok sa kaniya ang aking kabuuan. “Ha, shit! Ang
sarap.”
Binitawan ko na ang kaniyang ulo. Tumigil naman siya sa
pagsubo at tumayo para makipag-espadahan ulit sa aking labi. Muli ay inalis
niya ang aking mga damit, pero ngayon ay nagawa na niya iyun ng maayos.
Naihubad na niya ang lahat ng aking mga sapin sa katawan.
“Kanina pa ako handa,” wika niya sa pagitan ng halikan
namin.
Tumalon siya at ipinulupot niya ang kaniyang mga paa sa
aking bewang. Agad ko naman sinuportahan ang kaniyang katawan upang hindi ito
mahulog. At dali-dali akong pumunta sa kwarto niya, o isa sa mga kwarto na
naroon. Hindi ako sigurado. Basta pagpasok ko lang sa isang pinto, may kama na.
At ayos na iyun.
Marahang ibinagsak ko si Edmund sa kama, at hinalikan ang
kaniyang katawan pababa. Nagulat naman ako nang nakita ang kaniyang butas na
handa na. Medyo papasara na ito. Hindi nga siya nagsisinungaling na kanina pa
siya handa.
Nang tumayo ako para tingnan ang kabuuan ni Edmund,
nabighani ako sa ganda ng kaniyang katawan. Medyo napakalaki nito, at may ilang
peklat sa magkabilang gilid ng kaniyang katawan. Ang kaniyang mga mata naman na
nakatingin sa akin ay nag-aanyaya na gawin na ang kaniyang gusto.
“Titingnan mo lang ba ang pagkain mo?” sensual tanong ni
Edmund.
Muli akong napalunok. Ipinabuka ko ang kaniyang mga paa
para magbigay daan sa akin. Ipinasok ko ang aking pagkalalaki, at marahas na
gumalaw.
“Ahh! Iyan! Gusto ko iyan!” malakas na ungol niya. “Sige
pa! Ibigay mo ang lahat ng makakaya mo! Pero siguraduhin mo lang na kaya mo
gawin iyan hanggang gabi! Ahh!”
Napatigil ako sa ginagawa at inilapit ang mukha ko sa
kaniya. Nang-aasar naman niyang tiningnan ako habang hinahaplos ang aking
mukha.
“Huwag mo akong hahamunin,” bulong ko sa kaniya. “Hindi mo
ba alam na ang unang naka-sex ko noong high school, umabot kami ng kalahating
araw.”
“Talaga? Mabuti,” pabulong na tugon din niya habang
nakikita ko sa mata niya na palipat-lipat ng tingin sa labi ko at sa aking mga
mata. “Let’s put that to the test, shall we? Kung sino ang unang aayaw,
susundin niya ang sasabihin ng nanalo. Pwede ba iyun?”
“Game.”
Hinalikan ko siya ng mapusok habang siya naman ay
ipinulupot ang kaniyang paa at kamay sa akin. At sa hudyat na iyun, nagsimula
ang kaniyang hamon.
Ilang oras ang nakalipas, hapong-hapo ako na nakahiga sa
kama. Si Gerard naman ay lumabas ng kwarto upang maligo. Nailagay ko naman ang
aking kaliwang kamay sa aking ulo. Hindi ako makapaniwala. Natalo ako.
Nakadalawang oras lang ako. Bakit ba kasi ako nagyabang na kaya ko ang
kalahating araw? At saan ba nanggaling iyun? Hindi kaya ako kahit kailan na
nakipag-sex sa isang tao na umabot sa kalahating araw.
Bumukas ang pintuan ng kwarto at niluwa nito sa Gerard na
may hawak na isang basong tubig.
“Uminom ka,” sabi niya.
Bumangon ako para kunin ang baso na may tubig at nilaklak
ito. Si Gerard naman ay tumabi sa akin sa kama, at inaasar niya ako sa
pamamagitan ng paghaplos sa aking dibdib, at sinisipsip pa nito. Dinidilaan pa
nga niya ang aking utong.
Nilagay ko ang baso sa katabing maliit na mesa. “Tigilan mo
nga iyan. Oo na. Nagsinungaling ako, at natalo ako.” Inikot ko ang aking mga
mata.
Tumigil si Gerard sa kaniyang ginagawa at marahang
hinalikan na lang niya ako sa labi. “Mag-practice kaya tayo para mas tumagal pa
ang pagse-sex natin?” sensual na tanong niya. Sinusubukan na naman niya akong
akitin.
“Iyang boses mo. Ayusin mo na iyan, pwede ba?” saway ko sa
kaniya.
Humiga muli ako sa kama at tinabunan ang aking katawan
gamit ang puting kumot na nasa kama. Narinig ko naman na tumawa si Gerard
habang inaayos niya ang kaniyang sarili. Ilang minuto ang nakalipas, nakatingin
lang ako sa kisame ng kwarto niya. Naghihintay ng isang bagay, o isang kwento
kung ano ang nangyari sa kaniya nitong nakaraan. Isang kumpisal kung bakit,
halos patayin niya ako noong nakaraang taon? I mean, tama ba iyun? Dapat talaga
akong magalit sa kaniya. Hanggang sa nakita ko ang kaniyang mukha bago ako
saksakin. May lungkot sa mga mata niya habang ginagawa niya iyun. Ako naman si
tanga na, mahal na mahal siya, pinagbigyan siya? Well, on top of it all, buhay
pa rin naman ako. Dapat ba akong magpasalamat sa kaniya na sinaksak niya ako sa
maayos at tama na paraan? At nakipag-sex pa ako sa kaniya ngayon?
Hindi ko na napansin na nakayakap lang si Gerard sa akin,
at nakatingin sa aking mga mata. Nakangiti pa siya.
Pilit ko naman iniiwasan ang mga tingin na iyun. Pero hindi
siya natitinag at nakatingin pa rin siya sa akin.
“Hindi ka ba mangungumpisal sa ginawa mo sa akin noong
nakaraang taon?” tanong ko sa kaniya nang nagawa ko ng tingnan si Gerard sa
kaniyang mga mata.
Bahagyang ngumiti siya at inamoy ang aking katawan. “Well,
kung natatandaan mo, may sinabi ako kanina. Kung sino ang unang aayaw, susundin
niya ang sasabihin ng nanalo,” pagpapaalala niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Teka, seryoso
iyun? Susundin ko ang bawat sasabihin mo? Gaya ng ano? Magpasaksak ulit ako sa
iyo at matulog ng ilang buwan?” sarkastikong wika ko.
Tumango-tango si Gerard. “Oo. Pero, come on Edmund.”
Hinaplos niya ang aking panga pababa sa aking dibdib at sinusundan pa niya ito
ng tingin. “Ikukumpisal ko iyun sa iyo, lahat. Iyun ay kapag natalo mo ako sa
patagalan nating dalawa? Kaya bakit hindi tayo magpraktis pa?” Pinipilit talaga
niya ako.
“Gerard, ayoko,” pagtanggi ko. “Kahit na sinabi mo kanina
na dapat kong sundin ang mga sinabi mo, hindi lahat ay susundin ko. May
limitasyon naman ako.”
“Alam ko. At hindi naman isa pang-sex mula sa iyo ang
hinihingi ko ngayon. Buhay pa naman ako at, napakaraming araw pa ang natitira
sa akin para maghintay ako sa susunod. Isa pa, gusto kong i-pursue itong,
naiibang relasyon natin. Dati, parte ka lang ng plano ko, planong saksakin sa,”
Hinihimas-himas niya ang aking sugat sa tiyan na may sulsi, at kung saan niya
ako sinaksak noon. “tiyan na ito, hanggang sa nahulog ako sa iyo. Maniwala ka
man, o hindi, nahulog talaga ako sa iyo. Pero may mga bagay na kailangan ko
talagang gawin para makuha ko ang aking gusto. At, kinagagalak kong sabihin sa
iyo na nakuha ko na ang gusto ko. At ikaw na lang ang kulang doon, Edmund. Ikaw
lang.”
Diretso ko lang siyang tiningnan sa kaniyang mga mata, at
pinipilit na hindi madala sa mga sinasabi niya. Napakaganda ng mga sinabi niya
na ako na lang pala ang kulang sa kaniya. Mabuti. Pero kailangan ko pa ring
magmatigas.
“At ano ang kinalaman dito ni Ren?” tanong ko.
Bahagyang nag-iba ang timpla ng mukha ni Gerard nang
nabanggit ko si Ren. Pero maya-maya ay bumalik ang kaniyang ngiti sa labi. May
kinalaman talaga siya.
“Edmund, bakit hindi mo ikwento mo sa akin ang mga nangyari
kay Ren bago tayo nagkita?” tanong niya. “Okay ba siya?”
Napasinghag ako. “Hindi ko masabi. At ganito ang nangyari
bago tayo nagkita ulit.”
「1 month ago…
Sa opisina ni Sir Simon, nakakulong pa rin kami nina
Joseph, Daryll, Franz, Erika, at ni Jasper. Mga ilang oras na rin na nakakulong
kami dito. Makikita pa nga sa labas ng bintana na ang kalangitan ay mamula-mula
na. Hudyat na pababa na ang araw, at kakatapos lang umulan.
Ngayon, magkaharap-harap kami ni Joseph, Erika, at Jasper
na kumakain sa maliit na lamesa na may malinaw na salamin. Si Daryll naman at
Franz ay nagsusubuan, ng pagkain sa mesa ni Sir Simon.
“Well, at least hindi tayo kinulong dito ni Tito para
magutom,” wika ni Erika na kakatapos lang kumain at pinupunasan ang kaniyang
bibig. “Magpoprotesta talaga ako kung ginutom niya ako.”
“Ako din. Magpoprotesta talaga ako,” pagalit na sabi ni
Joseph na halatang naiirita na.
“So, Edmund, Erika, ano ang plano natin?” tanong ni Jasper.
“Magsasalita ba tayo tungkol sa mga nalalaman natin?”
Nasapo ni Erika ang kaniyang ulo. “Well, ano pa ba? Nakita
naman natin na walang malay si Ren na dinadala ni Tito. Oras na talaga para
isiwalat natin ang ating mga nalalaman.” Umiling si Erika. “Kahit na ang
kapalit nito ay pagagalitan talaga tayo ng ama mo. At sana, kung ano man ang
nangyari kay Ren, sana ay maging okay siya. Or mas mabuti, na hindi siya
mamatay. God! Nagtiwala kaya tayo sa mga maling tao kaya ito ang nangyari kay
Ren?”
Hinalikan ni Jasper ang kaniyang dalawang kamao na
magkadikit. “Hay, nako! Makita ko lang iyung Keifer na iyun, babangasan ko ang
pagmumukha ng taong iyun! Malaman ko lang talaga na kagagawan niya iyung nangyari
kay Ren.”
“Hindi naman ata,” pagdipensa ko kay Keifer. “Pero kung
siya talaga, humanda siya sa akin. Tulog pa naman ako ng ilang buwan kaya hindi
ko na alam kung ano ang nangyari kay Ren noong mga panahon na iyun.”
“Oo nga pala, hindi pa tayo nagkakilala. Pwede ko bang
malaman ang pangalan mo?” tanong ni Joseph sa akin na may maamong mukha. Bingi
ba ang taong ito? Ilang beses na akong tinatawag ni Jasper sa pangalan ko.
“Edmund Miles,” pagpapakilala ko sa kaniya. Inangat ko ang
aking kamay para makipagkamay sa kaniya.
“Joseph Arthur Mendoza Reyes,” pagpapakilala ni Joseph sa
akin.
Itinaas niya ang kaniyang kamay para makipagkamay. Pero
binawi ko ang aking kamay, at ganoon din siya. Inilagay namin ito sa ilalim ng
aming baba at...
“Wowowee,” mabilis na sabi naming dalawa habang iniiwasan
ang tingin ng isa’t isa. Sinasabi ko na nga ba.
“Umm, Joseph, heads up lang. Kung gusto mong makipag-away
diyan kay Edmund, huwag mo ng ituloy iyan. Masasaktan ka lang,” babala ni Erica
sa kaniya.
“Wala akong balak. Wala lang akong magawa ngayon dahil
nakakulong tayo sa kwartong ito!” nagagalit na sigaw ni Joseph.
Bigla naman nagulat sila Daryll at Franz na kasalukuyang
naghahalikan.
“Elepante, babaan mo nga iyang boses mo,” saway ni Franz sa
kaniya.
“At kayo, Shrek at Pagong, alam niyo naman na nasa iisang
kwarto lang tayo. Kaya pwede bang huwag kayong maghalikan sa harapan namin.”
“At mas lalong huwag kayong maghalikan sa harap niya,”
pabulong na dagdag ni Erika.
“Hindi nag-a-apply sa kwartong ito na kumuha kayo ng sarili
niyong kwarto para ipagpatuloy niyo iyang paghahalikan ninyo! Because we are in
a freaking room!”
“Bakit hindi ka na lang tumingin sa ibang direksyon para
hindi ka mailang na naghahalikan kami ni Franz?” palaban na sabi ni Daryll.
Bigla akong
napatayo. “Okay. Kalma lang. Kalma lang, pwede ba?” saway ko. “Huwag tayong
mag-contest sa kwartong ito ng pataasan ng boses. Hindi healthy iyan. Mabilis
tayong tatanda kapag lagi tayong sumisigaw.”
“Yeah. Okay. Hindi ako titingin sa inyo habang
naghahalikan. Pero pakiusap lang na pwede bang ang volume ng paghahalikan ninyo
ay nasa pinakamababang decibel? Dahil ang iingay ninyo habang naghahalikan!”
patuloy pa ring sigaw ni Joseph.
“Daryll, alam mo naman siguro kung paano humalik ng walang
tunog. Bitter itong si Joseph. O mas mabuti na tumigil kayo,” saway naman ni
Jasper.
“Sabi ng taong
sumabutahe sa akin,” pagalit na wika ni Joseph nang bumaling siya kay Jasper.
“Umm, ako talaga iyun,” pag-ako ni Erika sa sinasabi ni
Joseph.
“Okay. Tama na talaga iyan.” Pumagitna ako kila Joseph at
Jasper, na mukhang malapit ng mag-away. “Alam kong nakakulong tayo sa kwartong
ito, walang daan palabas dahil gwardyado din ng mga gwardya ang buong mansyon,
pero mas maganda na ito kaysa makulong talaga tayo sa isang totoong kulungan.
Plus, pinapakain pa tayo sa tamang oras. Kaya mga bata, pwede bang umupo na
lang tayo at maghintay? Sooner or later, magbubukas din ang pintuang iyan, at
magpapaliwanag sa atin si Sir Simon. Pwede ba?” Binalingan ko ng tingin ang
dalawa.
Singhag lang ang itinugon ni Joseph. Pero umupo na siya
ulit sa kaniyang upuan, pagkatapos ay sumunod na rin si Jasper.
“Okay. Maraming salamat sa inyong kooperasyon.”
Bumuntong-hininga ako at umupo na sa aking upuan. “Ngayon, habang naghihintay
tayo na bumukas iyung pintuang iyan,” Tinuro ko ang pintuan ng opisina. “bakit
hindi na muna natin aliwin ang mga sarili natin?” Bigla akong may naalala at
napatayo ako. “Bakit hindi tayo maglaro ng baraha?”
“Pre-emptive sugal para sa burol ni Ren?” biro ni Joseph,
na hindi nakakatawa.
“No, Joseph! Stop that joke!” saway ni Erika. “Hindi pa
patay si Ren, o ano pa man. Gusto mo bang makulong tayo ng habangbuhay sa
kwartong ito?”
“Well, ang gusto ko lang ay makalabas sa kwartong ito dahil
hindi ko talaga alam kung bakit ako kasama!”
Inikot ni Jasper ang kaniyang paningin. “Well, nasa iisang
club kayo ni Ren. At kung hindi ako nagkakamali, na-witness mo ang, isang parte
ng lovelife niya. Na ayaw naman ni Daddy.”
“Huh? Bakit naman? Pumayag naman siya kay Shrek at Pagong.
Bakit hindi siya papayag kay Ren?”
Pinigilan agad ni Franz na tumayo si Daryll. “Joseph, grabe
ka!” sabi niya.
“Mahabang storya,” nasabi na lang ni Jasper nang nakita
niyang bumukas ang pintuan ng kwarto.
Niluwa ng pinto si Sir Simon, at ang isang doktor, na
tumitingin kay Ren noon. Agad namang tumabi sila Daryll at Franz sa upuan ni
Sir Simon.
“Doktor, sabihin mo na sa kanila,” utos ni Sir Simon dito
nang umupo agad siya sa kaniyang inuupuan.
“Wait, pwede po bang lumabas na ako?” pakiusap ni Joseph na
tumayo mula sa kaniyang kinauupuan. “Hindi ko naman po kaibigan si Ren, at,
kapamilya o ano. Pero pwede po ba?”
“Joseph, hindi ka din pwedeng lumabas,” mahinahon na
pagtanggi ni Sir Simon.
Hindi makapaniwala si Joseph. “B-Bakit naman po?”
“Basta. Makinig ka na lang.”
Nagkibit na lang ng balikat si Joseph at umupo ulit.
“Umm, para simulan itong sasabihin ko sa inyo, may bagay
kayong dapat malaman bago ko sabihin ang tungkol sa, kaibigan, kapamilya, niyo
na si Ren,” panimula ng doktor. “Dito sa lugar natin, may isang bagong droga na
nadiskubre ang mga pulis. Ito ay may mga kakaibang sangkap, pero hindi na
mahalaga iyun. Ang drogang ito ay may kakayahan na alisin ang lahat ng memorya
ng isang tao, sa isang dose lang nito.”
Nagulat ang lahat sa sinabi ng doktor, maliban lang kay
Daryll na hindi agad nakuha ang sinasabi ng doktor. Nakatingin siya kay Franz at
nagtanong dito kung ano ang sinasabi ng doktor. Ipinaliwanag naman ito ni Franz
sa kaniya, at nakuha nito ang ibig sabihin.
“Ibig sabihin po ba nito ay naging biktima si Ren ng
drogang ito, at ngayo’y na-amnesia siya?” tanong ni Jasper.
“Tama ka,” pagsang-ayon ng doktor.
“A-Akala ko ba ay sa pagkabagok lang ng ulo nagkakaroon ng
amnesia?” tanong naman ni Daryll.
“Umm, Cuz, may iba’t ibang paraan para magka-amnesia ang
isang tao, at hindi lang pagkakabagok sa ulo, o pagkakasaksak sa dibdib para
magkaroon ng amnesia ang isang tao,” paliwanag naman ni Erica. “May dalawang
uri pa nga ng amnesia kung tama ang pagkakaalala ko. Anterograde, at retrogade.
Anterograde, iyung hindi mo maaalala ang kasalukuyan, kalimitang nakikita sa
mga party drugs. Retrogade, iyung hindi mo maaalala ang mga alaala mo bago ka
magka-amnesia. At sa isang bagay naman, may dalawang bagay na alam ko para
magkaroon ng amnesia ang isang tao. Pag-consume ng isang bagay na magti-trigger
ng amnesia, kagaya ng mga pinagbabawal na gamot, at ang pagkabagok ng iyung
ulo.”
Na-impress ang doktor sa paliwanag ni Erika. “Wow! What an
impressive explanation Ms. Erika. Saan mo nalaman ang mga bagay na iyan?”
tanong ng Doktor.
“M-May similar case po kasi na nangyari sa akin noon, at
nakinig talaga ako ng mabuti sa sinasabi nung Doktor,” nahihiyang sagot niya.
“Pero, wala naman pong dapat ipag-alala sa kondisyon ngayon ni Ren, right? I
mean, amnesia lang naman iyun. Makakapagsalita pa rin siya, maaalala niya ang
lahat?”
“I’m sorry pero hindi iyan ang kaso ngayon,” malungkot na
dugtong ng Doktor. “Iyung drugs kasi na nasa sistema ni Ren, may naunang
biktima na. Umm, kung tama ang pagkakaalala ko ay isang pulis ang nabiktima ng
drugs na ito. At hindi maganda ang naging epekto nito sa pulis, most worse sa
taong normal na nagkaka-amnesia.” Humugot ng buntong-hininga ang Doktor. “Ren
has suffered a full degression.”
“Okay, mukhang masama ng marinig ang full, at ang
degression sa isang salita,” komento ni Joseph. “Ano po ang nangyari kay Ren?”
“Unliterary, isinilang siyang muli. May instant baby kayo
na nasa large size.”
Natahimik kami sa sinabi ng doktor. Hindi katulad ni
Daryll, nakuha namin ang ibig sabihin ng doktor.
“Dok, ano po ang ibig ninyong sabihin?” tanong ni Daryll.
“Well, si Ren ay, isinilang muli. At kasabay ng pagsilang
niyang muli, iyung mga bagay na karaniwang ginagawa niya, kailangan na naman
niyang matutunan ang mga iyun. Pagtayo, paglakad, pagkain, mga talento niya,
lahat-lahat, kailangan na naman niyang matutunan ulit. At hindi lang iyun.
Iyung mga dati niyang ugali ay mawawala. Halimbawa na lang ay, kung dati ay isa
siyang bayolenteng tao, pwede niyo ulit palakihin na mas mabait na ngayon. Kung
dati ay nahuhuli siya sa sa mga bagay, pwede niyo siyang palakihin na
dumarating sa tamang oras. At lahat na magiging bagong traits niya ngayon,
dadalhin niya ito hanggang sa huli. Kahit na maalala pa niya ang kaniyang
dating sarili,” mahabang paliwanag ng Doktor.
“Wow! Hindi pala totoo na walang restart button sa buhay.
Pwede po bang bilhin ko iyung drogang ginamit kay Ren?” sabi ni Joseph.
“Joseph, too soon,” saway ni Erika. “Nawala na tuloy iyung
taong tutulong sa akin para tumulong sa paggawa ko ng thesis.”
“Kaya ngayon, si Ren ay kailangan ng constant care.
Kailangan may magpalaki sa kaniya ng maayos,” sabi ni Sir Simon.
“Okay. Problema niyo na po iyan. Aalis na ako,” paalam ni
Joseph na handang-handa na para umalis. Tumayo siya sa kaniyang inuupuan at
pumunta na sa pintuan.
“Sino po ang mag-aalaga sa kaniya?” tanong ko habang
nakatingin kay Sir Simon. “Kung tama po ang pagkakabasa ko sa schedule ninyong
dalawa ni Madam Veronica, may mga sarili kayong business trip ngayong taon.
Hindi niyo naman po siguro iniisip na ipaalaga si Ren sa iba, at mas
lalong-lalo na sa aming mga bata na hindi pa lalampas sa 30?”
Napatigil si Joseph sa pagbukas ng pinto. Umikot, at
tiningnan ng diretso sa mata si Sir Simon. “Sandali, huwag niyo pong sasabihin
na ipapaalaga niyo sa amin ni Mama?” kunot-noong tanong niya.
Napatingin ang lahat kay Joseph, pati ako. Kung pagbabasehan
ang ugali at kinikilos ni Joseph, hindi siya maayos na pinalaki ng kaniyang
Mama. Pero mapagmahal naman siya sa kaniyang Mama.
“T-Tito, pwedeng mag-volunteer ang mga magulang ko?” agad
na sabi ni Erika na itinaas pa ang kaniyang kaliwang kamay. “Okay na sa amin
ang isang Joseph, huwag lang po dalawa, pwede po ba?”
“Anong ibig mong sabihin doon Erika? Gusto mong batukan
kita?” banta agad ni Joseph.
“Iyan! Iyan!” pasimpleng duro pa ni Jasper. Umiling siyang
tumingin sa kaniyang Papa. “Hindi ko ma-imagine na magiging ganyan si Ren kapag
iniwan niyo siya kay Joseph.”
“At ano naman ang masama sa ugali ko, huh?” Agad na
nilapitan niya si Jasper at inambahan.
“I second the motion. Medyo bayolente po ang taong iyan,”
rinig kong bulong ng Doktor.
“Excuse me, hindi ko masyadong kilala iyang si Ren. Pero
okay lang naman na ipaalaga niyo siya sa amin. Gagawin namin ang lahat ng
maganda para sa kaniya,” pagprisinta naman ni Franz na kinikilig pa.
“Shrek, shut up ka nga! Hindi nga ako payag!” sigaw ni
Joseph sa kaniya.
“Teka, sandali. Mas lalong hindi din ako pumapayag na ikaw
ang mag-aalaga kay Ren,” pagtutol ni Erika sa sinasabi ni Franz. “Baka mamaya,
palakihin mo si Ren na maging katulad mo. Hoy Franz ha, enough na ang isang
katulad mo.”
“Ha! Sabi ng taong nagpakita sa amin ng litrato ni Ren na
nagsusuot ng maliit na gown, kulay pink na ribbon, tsaka naka-lipstick na pula
pa,” salaysay ni Joseph. Teka, hindi ko alam ang bagay na iyun.
Kumunot ang noo ni Sir Simon. “Ano? Ginawa mo iyun kay
Ren?” hindi makapaniwalang tanong nito kay Erika.
Humarap si Erika kay Sir Simon. “Tito, let me explain.
Well, noon, naglalaro-laro lang kami, at alam mo pa noon na gusto kong maging
isang fashion designer. At ang isang fashion designer ay kailangan ng isang
model, kaya si Ren ang ginawa kong model noon. At Tito, napaka-gorgeus ni Ren
habang suot-suot iyung maliit na gown na iyun.”
“Erika, nandito naman ako. Bakit hindi ako ang gawin mong
model?” nasasaktang sambit ni Franz, sabay yakap kay Daryll.
Biglang tumayo si Sir Simon. “Okay, enough! Tumahimik na
kayo!” malakas na sigaw niya.
Sa sigaw niyang iyun, nagulat ang lahat. Tahimik lang
nilang tiningnan si Sir Simon, at maya-maya’y umupo, maliban kay Joseph na
mukhang ayaw ng umupo.
“Erika, alam ko na busy din ang mga magulang mo sa taong
ito, kaya there is no way na maaalagaan ng pamilya mo si Ren. At iyung narinig
kong ginagawa mong model si Ren para sa pangarap mo, hindi ko gusto iyun,”
mahinahong salaysay ni Sir Simon sa kaniya.
Nahiya naman si Erika sa sinabi ni Sir Simon. Ibinaba na
lang niya ang kaniyang tingin at pinaglaro ang kaniyang mga daliri.
“Pero, nakapagdesisyon na ang mga matatanda sa usaping ito.
Joseph, pumayag na ang Mama mo na alagaan si Ren, pansamantala.”
“Sandali, sandali, sandali,” nayayamot niyang sabi. “Mr.
Schoneberg, nais kong sabihin sa inyo na hindi lang po kayo ang busy na tao sa
mundong ito. Pagdating ng umaga, busy po ang Mama ko na pumunta sa palengke
para sa business niya. Hindi niya gaanong maalagaan si Ren.” Mukhang ayaw niya
talagang alagaan si Ren.
“Bakit? Buong araw ba ang magulang mo sa palengke? Joseph,
let me define to you the word ‘busy’ in my, in our vocabulary,” sabi ni Sir
Simon habang bahagyang ipinabaling niya ang atensyon ni Joseph kay Erika. “Wala
kami sa aming mga bahay para maalagaan ang mga anak namin ng buong araw. At,
kita mo naman kung anong nangyayari,” Tiningnan naman niya sila Daryll at
Jasper. “sa mga anak namin na minsan lang sa isang buwan namin makita. Hindi
namin sila nasasabayang kumain sa agahan, sa tanghalian, o kahit sa gabihan man
lang. Hindi nga sila excited na makita kami kapag umuuwi dito sa bahay.”
“Papa, noon iyun,” pagdadahilan ni Jasper.
“Oo. Alam ko,” tugon niya kay Jasper. Pero napalitan na
naman iyun ng matalas na tingin kay Jasper, sa akin, at kay Erika. “Pero hindi
ko na uulitin ang pagkakamaling iyun. You see, this time, kailangan ito ni Ren.
At kahit na napakarami kong pagdududa na magagawa niyo ito ng tama, nagtitiwala
naman ako sa puso ng iyong Mama.”
“Hindi pa rin ako payag,” mapait na tugon ni Joseph, at
lumakad papalabas ng kwarto. “Kakausapin ko si Mama para magbago ang isip
niya.” Malakas na kumalabog ang pintuan paglabas niya.
“Ako din, lalabas din. Kakausapin ko din si Joseph, at baka
magbago ang isip niya,” paalam ni Franz. Hinalikan na muna niya sa labi si
Daryll, at lumabas na ng pinto.
Lumakad din si Erika papalabas ng pinto. “Hey, ako din.
Kakausapin ko-”
“Not so fast Erika,” pagpapatigil ni Sir Simon sa paglabas
ni Erika.
Huminto naman si Erika. Napakuyom siya sa kamao at mukhang
nagsisisi na hindi siya sumabay kay Franz. Muli siyang humarap kay Sir Simon,
at umupo ulit kung saan siya nakaupo.
“Doktor, maraming salamat sa tulong ninyo. Daryll,
pakihatid siya sa labas,” utos ni Sir Simon dito.
Tumalima si Daryll sa inutos ni Sir Simon. Sumama naman ang
Doktor sa kaniya, at sabay silang lumabas ng pinto. Bumalik ulit ang
katahimikan sa pagitan naming apat. Kaming lahat naman ay iniiwasan ang mga
tingin ni Sir Simon, dahil sa tingin pa lang niya ay malalaman mong galit siya.
“So, may nais bang mag-confess sa akin ng mga nalalaman
ninyo, na hindi ko alam, tungkol kay Ren?” Bahagyang ginalaw-galaw ni Sir Simon
ang kaniyang upuan, pero hindi pa rin kami nilulubayan ng kaniyang nagagalit na
tingin.
Sa panig naman namin, nagtitinginan kami nila Erika, at
Jasper. Nag-uusap kami sa pamamagitan ng aming tingin. At ang sinasabi ng mga
tingin namin ay, may isa dapat na magsalita. At mukhang, hindi sila willing na
magsalita, kahit ako, hindi gustong magsalita.
Humugot ng malalim na hininga si Erika. “Okay. May alam
ako.” Nagpalit siya ng kanyang posisyon sa pag-upo. “Nitong huling summer,
meron siyang naging boyfriend-”
“Boyfriend?!” hindi makapaniwalang pagputol ni Sir Simon.
“Nakatakda ba ang lahat ng mga bata sa mundong ito na magtago ng sikreto sa
kanilang mga magulang?”
“I guess, gaya nung isang anak po ninyo,” pabulong ni Erika
sa kaniyang sarili.
“At nag-break na po sila. Mga dalawang buwan na,” kwento
naman ni Jasper.
“Nag-break na sila?!” hindi ulit makapaniwalang wika ni Sir
Simon. “Napakabilis naman! Ngayon, ano ang pangalan ng taong ito?”
“Keifer Salvador,” sagot ko.
Binalingan naman ako ng masamang tingin ni Sir Simon.
“Edmund, may alam ka din talaga dito? At alam mo ito, kailan pa?”
“Noong summer din, nakita ko silang naghahalikan sa sofa.”
“Naghahalikan sa sofa?! Pwede bang huwag ninyo sa sabihin
sa akin na may nangyari sa kanilang dalawa?”
“Umm, actually, sa vibe pa lang nung Keifer na iyun,
masasabi kong,” Gumawa ng ilang gestures si Jasper para maipaliwanag niya ang
kanyang nais sabihin. “maraming beses na.”
Nasapo ni Sir Simon ang kaniyang ulo. Hindi makapaniwala sa
kaniyang mga naririnig mula sa amin. Pero noong nalaman naman niya ang mga
bagay-bagay mula kay Daryll, tungkol sa relasyon nila ni Franz, hindi siya
ganito. Nako! Huwag niyang sabihin na iba ang mga bagay-bagay pagdating kay
Ren.
Binuksan ni Sir Simon ang drawer sa kaniyang mesa, at
mukhang may hinahanap na. “Wow! That makes sense! Ipapakilala ninyo sa akin na
kaibigan niyo lang. Pero ang totoo ay may ginagawa na kayo kapag nakatalikod
ako.”
“Hey, ikikwento pa ba natin ang tungkol kay Allan?”
pabulong na tanong ko kay Jasper.
“Saka na iyun. Baka lumala pa ang sitwasyon kapag pati iyun
ay ikwento pa natin,” sagot niya sa akin.
“Ahh! Heto pala!” Naglabas si Sir Simon ng isang folder na
may pangalan ni Keifer. Tiningnan naman niya ang mga papeles na nakalagay dito.
“Ito, talaga, ang ayaw ko! Alam ninyo, okay lang na magtago kayo ng sikreto
para kila Daryll, at para sa iyo Jasper. Pero sinabi ko na huwag kayong magtago
ng sikreto kapag si Ren na ang pinag-uusapan!”
“For the record Papa, kayo lang ni Mama ang may ganoong
agreement,” rebut ni Jasper.
Napaisip bigla si Sir Simon, at tiningnan naman ako ng
masama. “Alam ko iyun Jasper. Hindi pa ako matanda para malaman ang bagay na
iyun. Ang pinagsasabihan ko ay si Edmund. Ang sabi ko, balitaan ako kung may
iregularidad bang nangyayari kay Ren, hindi itago.”
“I’m sorry,” paghingi ko agad ng tawad, at baka matapos na
ito agad.
“Sandali lang Edmund. Wala pa tayo sa parteng magsasabi ka
ng sorry. Gusto kong malaman ninyo kung ano ang naging epekto ng hindi niyo
pagsasabi sa akin ng mga nangyayari tungkol kay Ren! Si Ren, may gumahasa sa
kaniya.”
Biglang napatakip ng bibig sa Erika. Hindi makapaniwalang
tiningnan niya kami ni Jasper.
“At alam niyo ba kung ano ang aking gagawin, hahabulin ko
ang taong may gawa nito sa kaniya!” galit na galit na salaysay ni Sir Simon.
“Pero, paano ko naman malalaman kung sino ang hahabulin ko, kung wala akong
alam sa mga nangyayari kay Ren? Huh?! Sabihin ninyo sa akin, Edmund, Jasper,
Erika? Paano ko hahabulin ang taong may gawa nito sa kaniya kung may mga bagay
kayo na itinatago sa akin?!”
Napalunok na lang ako habang nakikinig sa sermon ni Sir
Simon. Napakalaki ng kasalanan ko sa nangyari kay Ren.
“Hay! Pero mabuti na lang, at napakaswerte ni Ren. May
taong sumagip sa kaniya, at tumapos sa taong may gawa nito sa kaniya. Kaya
ngayon, kayong tatlo,” Pinagtuturo kami ni Sir Simon. “kasama si Daryll, kung
may alam kayong mga bagay tungkol kay Ren, simula ngayon, huwag naman kayong
mahiyang sabihin sa akin. Pagkatiwalaan niyo naman ako ng ilan sa inyong mga
sikreto sa akin. Lalong-lalo na ikaw Jasper, pupusta ako na marami ka pa ring
mga bagay na tinatago mula sa akin. ”
“Pupusta din po ako na wala akong alam sa mga bagay na
iyun,” sabat ni Erika.
Masama na tumingin si Sir Simon kay Erika.
“Pasensya na,” paghingi agad ni Erika ng dispensa.
“Kaya ngayon, Edmund, bilang parusa, suspended ka ngayon sa
trabaho mo,” anunsyo ni Sir Simon. “Pero dahil sa alam ko ang kalagayan mo
ngayon, pwede kang tumira doon sa quarters mo, pwede ka ding kumain, pero wala
kang sweldo ngayong buwan.”
Aapela pa sana sila Jasper at Erika, pero pinigilan ko
sila.
“Okay lang,” bulong ko sa kanilang dalawa.
“Dismiss. Lumabas na kayo ng kwartong ito.” Umupo ulit sa
kaniyang upuan si Sir Simon.
Tumayo na kaming lahat sa aming mga kinauupuan at naglakad
na palabas ng pinto. Pero bago pa namin mahawakan ang doorknob, bumukas ito at
niluwa ang isa sa mga katulong ng mansyon.
“Sir, may bisita po kayo,” sabi ng katulong. 」
Gerard’s POV
「2 months ago…
“Umm, okay. So malapit mo na akong mapatay sa oras na iyun.
And binuhay mo pa ako dahil hindi dapat sa akin iyun. Ahh! Okay. Okay. So
magtatanong pa ba ako kung ano ang talagang balak mo?"
Iniwasan ko ng tingin si Edmund at hindi umimik.
“Hoy, tumingin ka naman sa akin."
Tiningnan ko ulit siya ng diretso sa mata. “Ang tunay ko
talagang plano ay-”
Natigil ako sa pagsasalita nang tumunog ang phone ko. Isa
itong text message at binasa ko ito.
“Ipinapapapatay na nila tayo. Kailangan na natin
magmadali,” basa ko sa mensahe ni Kei.
“Sinasabi ko na nga ba,” nasabi ko sa aking sarili.
“Bakit? Anong meron?” tanong ni Edmund.
“Pasensya na pero aalis na ako. Mawawala lang ako ng mga
ilang araw," sagot ko at tumayo.
“Ha? Saan ka pupunta?”
“Huwag kang mag-alala. Babalikan kita Edmund. Hindi ako
mawawala sa tabi mo kung iyan ang gusto mo. Magiging totoo ako sa iyo.”
Nginitian ko siya. “I am really looking forward sa magiging takbo ng relasyon
natin kasama ka. Antayin mo ako. Magiging totoo na ako kapag natapos na ito
Edmund.”
Lumingon na ako palabas, at saglit na nasalubong ang
kaniyang magulang. Sa hallway, napalingon ako pabalik sa kwarto niya. Sayang
naman. Dapat pala, umalis ako na may parting gift, kahit halik man lang sa
kaniyang pisngi. Yeah, maraming beses na ata akong nagsinungaling sa kaniya.
Pero pagkatapos ng lahat ng ito, magpapakatotoo talaga ako.
Dali-dali akong pumunta sa parking lot ng ospital. At
habang naglalakad, nararamdaman ko na may taong sumusunod sa akin. Nang halos
wala ng nakatingin sa akin, kinompronta ko ang taong ito, at nalaman kong ito
na ang mamamatay-tao na pinadala sa akin ng pamilya nila Harry, dahil alam na
nila na traydor ako. At sinadya ko talagang malaman nila, dahil parte din ito
ng mga plano ko.
“Hey, alam mo ba na ang dami kong bagay na alam sa iyo?
Ngayon, kapag sinunod mo ang mga sasabihin ko, pababayaan ko sila. At kapag
hindi,” Ipinakita ko sa mamamatay-tao ang mga litrato ng taong mahal niya.
“isa-isa ko silang papahirapan bago mamatay. Kaya mamili ka ng mabuti. Kasi
sinasabi ko sa iyo, hindi mo gugustuhin na makaaway ako.”
Sa aking minamahal, malapit ko ang bagay na pinakagusto mo.
Konting panahon na lang, at matatapos na itong lahat. Pero pasensya na.
Pagkatapos na ito, ibabaon na kita sa limot dahil nakakita na ako ng taong,
magmamahal sa akin. Alam mo, sa araw-araw na nabubuhay ako, lagi kitang nasa
isip ko. Kahit sa panaginip. Kung mabubuhay ka lang muli, mamahalin kita, at
ikaw pa rin ang pipiliin ko. Sasabuhin ko sa iyo na mahal na mahal kita. Pero
kailangan ay harapin ko ang reyalidad. Hindi ka na mabubuhay muli pa.
Pagkarating sa harap ng bahay ni Ren, nakita ko ang katawan
ni Kei na nakabulagta sa kalsada. At may parang pulang likido ang tumutulo sa
kaniyang katawan.
“Hindi, hindi, hindi!” sigaw ko habang papalapit sa katawan
ni Kei. “Kei, Kei, Keifer Salvador?! Gumising ka?!” 」
Edmund’s POV
“Gerard!” pagkuha ko sa atensyon niya nang napagtanto ko na
nakatingin lang siya sa mga mata ko, at mukhang napunta siya sa sarili niyang
mundo.
Nagulat naman siya at parang nagising sa katotohanan. “Ha?
Bakit?”
Kumunot ang aking noo. “Kanina ka pa ba na hindi nakikinig
sa akin. Nakatitig ka lang sa akin habang nagkikwento ako.”
“Well, bakit ba ako makikinig sa kwento mo? Kung pwede
naman kitang titigan ng titigan? At may titigas sa akin ng titigas?”
“Pero gusto mong pakinggan ang kwento ko, hindi ba?” tanong
ko.
“Oo,” sagot niya. “Pero napakagwapo mo sa aking paningin.
Kaya titingnan na lang kita ng buong araw.” Nakatingin lang siya sa akin at
parang tangang nakatingin.
“At alam mo ba, turn mo na para magkwento,” pagpapaalala ko
sa kaniya.
Humikab agad si Gerard. “Inaantok na ako. Next time na
lang.” Ipinikit niya ang kaniyang mga mata.
“Hoy, teka, huwag kang pumikit,” pagpigil ko, pero huli na
ako. “Okay, wala na talaga akong magagawa kapag nakapikit na siya.”
「1 month ago…
Pagkalabas ni Sir Simon sa opisina niya, saka naman kaming
lumabas tatlo mula dito. Kitang-kita naman namin si Sir Simon na nagmamadaling
bumaba.
“Hay! Paano na iyan Edmund?” nag-aalalang tanong ni Erika.
“Saan ka na titira? Paano ka na kakain? Saan ka kukuha ng pera?”
“Teka, Erika, pera lang ang problema ni Edmund ngayon,”
pagpapaalala ni Jasper. “Buti nga at pwede pa rin siyang tumira dito sa
mansyon, at pwede rin siyang kumain. Dahil kung sa akin talaga nagalit iyun si
Papa, well, siguradong grounded ako sa pamamahay na ito ng isang taon. And,
happy new year to me!”
“Jasper, huwag mong lokohin ang sarili mo. Sa tuwing
hinahatulan ka ng Papa mo na grounded ka ng ilang araw, sa susunod na oras ay
makikita ka na lang namin sa bintana na tumatakas,” komento ko.
“Pero guys, hindi pa natin sinabi ang tungkol kay Allan,”
wika ni Erika. “Okay lang ba iyun? I mean, itong isang bagay na lang ang hindi
natin sinasabi.
“Okay Erika, hayaan na natin iyun,” nag-aalalang sabi ni
Jasper. “Mamaya ay biglang maisip ni Papa na hindi niya ako ma-grounded, kaya
puputulin niya ang mga credit cards ko. At ang kailangan natin ngayon, maging
cool lang tayo. At mula talaga ngayon, sasabihin natin kay Papa ang lahat.
Magsasabi na tayo ng totoo sa kaniya.”
Suminghag ako. “Kaya mo ba iyun?” tanong ko kay Jasper.
“Fine, Edmund. Alam kong hindi.”
“Tara na nga. Pumunta na tayo sa kwarto ni Ren,” yaya ni
Erika.
Tumungo kami sa kwarto ni Ren. Pagkabukas ng pinto, nagulat
kami sa aming nakita. Si Larson at Allan ay nandito, kasama pa rin ang halos
lahat ng tao dito sa mansyon.
“Pwede siya sa amin. Aalagaan ko po siya,” pagprisinta ni
Allan na alagaan si Ren.
“Tama! Dahil MIA iyung ex-boyfriend ni Ren, bakit hindi ko
kunin ang pagkakataon na ito para ako na boyfriend niya mismo ang mag-alaga sa
kaniya?” sarkastikong sabi ni Joseph. Salamat sa pagsasalita.
“Alam mo Erika, napakasarap talaga nitong bigwasan si
Joseph,” pabulong na sabi ni Jasper.
“Halos lahat naman, gusto siyang bigwasan,” tugon ni Erika.
Nakita na naman namin ang pagmumukha ni Sir Simon, na hindi
makapaniwala sa mga naririnig. Muli ay tiningnan na naman kami ng matalim.
Sinabi nga namin na may isang boyfriend si Ren, pero hindi namin sinabi na
nag-break sila, at si Ren ay nakahanap na ng pangalawa. At hindi ko alam na
boyfriend na pala ni Ren si Allan?
“Wala kaming alam,” kunyaring pagulat naming sabi.
“Umm, Joseph, kayong lahat, pwede bang lumabas muna kayo?
May natutulog?” pakiusap ng Mama ni Joseph.
“Ay! Teka! Tamang-tama! Handa na pala ang hapunan natin!”
anunsyo ni Madam Veronica. “Bakit hindi tayo pumunta sa hapag-kainan, at
pag-usapan ang mga bagay-bagay doon? At meron din kaming pie. Kaya kapag hindi
niyo gusto ang mga naririnig ninyo sa nagsasalita, bakit hindi niyo batuhin
nung pie?”
Nagtatago ako sa isang counter na malapit sa hapag-kainan.
Siyempre, dahil suspended ako sa trabaho ko, kaya wala akong tyansa na
makalapit sa kanila. Pero naririnig ko pa rin silang nag-uusap mula sa counter
na ito. Kaya lang, napakatahimik ng mga tao sa hapag-kainan.
Dahan-dahan naman akong tumayo para makita ko ang mga mukha
nila mula sa counter. Okay naman ang lahat, maliban lang kay Sir Simon na
nakatingin lang kay Allan at sa kapatid nitong si Larson. At base sa tingin
niya ay kinikilatis niya ang dalawa ng mabuti. Ano ba iyan?! Akala ko, si Madam
Veronica lang ang nakakatakot kapag nakatingin ng seryoso. I guess, wala pa
ring makakatalo kay Sir Simon.
“So Allan, pwede ko bang malaman kung may alam ka ba kung
ano ang nangyari kay Ren?” tanong ni Sir Simon habang matilim pa rin ang tingin
sa kausap.
“Sa totoo lang po, wala po akong ideya,” panimula ni Allan.
“Noong pumunta po kasi ako sa bahay niya, wala pong Ren na lumabas. At sinabi
naman po ng Mama ko sa akin na pumunta daw po kayo sa aming bahay para
magtanong tungkol kay Ren.”
“Maliban sa iyo, may iba pa bang kakilala si Ren? Maliban
sa mga taong nakikita mo ngayon sa hapag-kainan, at pati na rin iyung, Keifer
Salvador?”
Isa-isang tiningnan ni Allan ang mga tao sa hapag-kainan.
“May isa pa po. Ang pangalan niya ay, Harry Villaflores.”
Tiningnan naman ni Sir Simon ang mga anak niya pati na rin
si Erika. “Kilala niyo ba itong Harry Villaflores na kaibigan daw ni Ren?”
Nagkatinginan sila Jasper at Erika. Ako, kilala ko si Harry
Villaflores. Kung tama ang pagkakaalala ko, siya ang nagtangka noon kay Ren na
gahasain siya. Oo nga. Siya ang taong iyun. Hindi kaya si Harry din ang
gumahasa kay Ren ngayon?
“Wala po, Tito,” matipid na sagot ni Erika. “Ang mga kilala
naming ibang kaibigan ni Ren ay itong si Allan, at si Keifer. Wala na pong
iba.”
Ibinalik ni Sir Simon ang tingin kay Allan. “So Allan,
sabihin mo sa akin. Ano na ba ang lebel ng relasyon ninyo ni Ren?”
Ngumiting tiningnan ni Allan sila Franz at Daryll. “Kagaya
po nila.”
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Allan. Kahit ang kapatid
niyang si Larson ay hindi makapaniwala. Totoo ba ang sinasabi niya? Napakabilis
naman mag-move on ni Ren.
“Nagsisinungaling ka,” malumanay na wika ni Larson habang
diretsong nakatingin kay Allan.
“Ano ba kayo? Biro lang.” Tumawa saglit si Allan.
“Napakaseryoso niyo naman kasi. Cheer up, people!”
Walang tumawa sa pagbibiro ni Allan. Si Sir Simon naman ay
napailing na lang. Bad timing ng biro mo, Allan. Alam mo naman iyung kalagayan
ni Ren ngayon, nagbibiro ka pa ng ganyan.
Pagsapit ng gabi, napakalamig ng simoy ng hangin nang
lumabas ako ng mansyon. May habit ako na lumabas sa mansyon para gumala-gala.
At para makita ang buwan na kalahati lang ang liwanag.
Sa pagliliwaliw ko, bigla kong nakarinig ng boses nila Sir
Simon at Larson. May pinag-uusapan sila malapit sa mga hardin. Aalis pa sana
ako, nang narinig ko ang pag-uusap nila tungkol sa isang bagay at dali-dali
akong nagtago para makita at marinig ang pinag-uusapan nila.
“Napakatagal na rin, tama? Ilang taon na ba ang nakalipas
simula nang itinakwil ka ng Tatay ni Ren?” tanong ni Sir Simon. Ha? Tatay ni
Ren?
“Hindi ko po na binibilang ang mga taon na iyun, Tito
Simon,” tugon ni Larson.
“Bakit nagpakita ko ngayon? Akala ko, matagal ka ng patay.
Iyun pala, nandito ka lang pala sa paligid.” Ininom ni Sir Simon ang tasa ng,
marahil ay kape o tsaa. Iyun ang mga iniinom niya tuwing gabi.
“Dahil sa kinakapatid ko. Dito sila lumipat para magsimula
ulit.” Humugot si Larson ng malalim na hininga. “At kung iniisip po ninyo na
nandito ako para bantayan ang kapatid ko, hindi ko ginagawa iyun. Marahil,
isang beses lang, o dalawa, pero hindi ako nagbabantay. Hinahayaan ko lang
siya.”
“Maiba nga tayo. Harry Villaflores daw ang pangalan nung
isang kaibigan ni Ren. Kung tama ang pagkakaalala ko, Villaflores ang apelyido
ng kaaway ng pamilya ninyo. Sila ba ang may gawa ng bagay na ito kay Ren?”
“Sila nga.” Kinuha ni Larson ang phone sa bulsa niya at may
pinakita kay Sir Simon. “At ngayon, wala na sila. Iyan iyung balita kanina.”
Gusto ko pa sanang lumapit sa kanila para malaman ang bagay
na pinapakita ni Larson. Pero hindi na ako makakalapit pa dahil baka ay
mahalata na nilang nakikinig ako sa usapan nila.
“So, safe na si Ren? Kukunin mo na ba ang kapatid mo?”
tanong ni Sir Simon. Kung ganoon, si Larson ang kapatid ni Ren?
Kita kong ngumisi si Larson. “Hindi ko na siya
responsibilidad. Kaya naman niya ang sarili niya, hanggang sa nangyari ang bagay
na ito sa kaniya. At isa pa, masasabi kong napakaganda ang pagpili niyo sa mga
taong mag-aalaga kay Ren. Sa ngayon, gagawin ko ang karaniwan kong ginagawa.
Ang tumingin sa malayo, ang bantayan siya paminsan-minsan. Huwag po kayong
mag-alala, Tito Simon. Isang araw, kapag nakaipon na ako ng sapat na lakas ng
loob, magpapakita ako sa kaniya, at magpapakilala.”
“Larson, bakit? Ano ba ang nangyari sa inyo ni Ren? Bakit
gusto mong malayo sa kaniya?”
“Iyung totoo? Ako ang responsable sa kondisyon niya ngayon.
Iyung, may masakit na pangyayari sa kaniya, at mawawala ang lahat ng alaala
niya? Kagagawan ko iyun. Kaya gusto kong malayo sa kaniya.” Tumayo si Larson at
nagsimula ng lumakad papalayo kay Sir Simon. “Salamat po sa oras ninyo Tito
Simon.”」
Nasilaw ako sa liwanag na nagmula sa bintana nang minulat
ko ang aking mata. Mukhang inabot na ako ng umaga dito sa tinitirhan ni Gerard.
Tapos kagabi, bago matulog, lumandi pa siya bago pa ako tuluyang natulog. At
nakakain na ba ako ng hapunan?
Pagkabangon ko, tumunog agad ang aking tiyan. Napansin ko
naman na hindi ko na katabi si Gerard. Nilibot ko ang aking paningin sa kwarto.
Kung tama ang pagkakaalala ko, nasa sahig ang damit ko.
Pero bago ko pa pulutin ang isa sa mga damit ko, nakita
kong may damit sa nightstand na mukhang nakahanda na para sa akin. Pinulot ko
muna ang aking mga damit, saka nilagay sa nightstand. Sinuot ko naman ang mga
damit na nakalagay rito. Kasyang-kasya para sa akin ang itim na sleeveless at
ang ka-partner nito na batman na short.
Inamoy ko kung damit ba ito ni Gerard, pero amoy bago ang
damit. Sobrang damit niya kaya ito?
Pagkalabas ng kwartong iyun, sumalubong sa akin ang tunog
ng isang pagkaing piniprito. Sa bandang kusina, nakita ko si Gerard na
ginagalaw-galaw pa ang frying pan na kaniyang hawak. Pinapatalon pala niya ang
iskrambol na itlog mula dito, at binabaliktad-baliktad hanggang sa maluto ang
magkabilang side.
Nang humarap siya para ilagay sa plato ang itlog, nakita
niya ako at ngumiti ng matamis. Inilagay naman niya sa plato ang niluto.
“Good morning,” bati niya sa akin at humarap ulit siya sa
kalan. “Sandali lang ha. Maya-maya ay maluluto na ang kanin. Ano nga pala ang
gusto mong inumin?”
“K-Kape,” matipid na tugon ko.
Umupo ako sa isa sa mga upuan na naruon. Habang naghihintay
sa kanin, wala akong ginawa kung hindi tingnan lang ang likuran ni Gerard
habang gumagalaw siya. Hindi ko na napansin na nakatulala na ako habang
nakatingin sa kaniya. Nagising lang ako nang mabilis na hinalikan ako ni Gerard
sa labi.
“Nakatulala ka diyan?” tanong niya sa akin habang nakangiti
pa rin siya ng matamis. “Kain na. Handa na ang kanin. Maliban na lang kung
busog ka pa.”
Iniwas ko ang aking tingin nang nag-ingay ang aking tiyan.
“Tara. Umupo ka na at sabay tayong kumain,” yaya ko sa kaniya. Nakakahiya.
Umupo siya katapat ko, at nagsimula na kaming kumain.
“Kainin mo iyung itlog ko. Masarap iyan,” sabi niya habang
inilalagay sa aking plato ang niluto niyang itlog. “May gusto ka pa bang add-on
sa itlog na niluto ko? Ketchup, mayonnaise, Mang Tomas? Masarap ang itlog ko
kapag may add-ons.”
Hindi na ako sumagot pa dahil sa hindi ko alam kung may
hidden meaning iyung mga sinabi niya. Tumango na lang ako para malaman niya na
ayos na ako.
“Kain na tayo,” nasabi ko na lang.
Habang kumakain, wala namang ispesyal ang kanyang itlog na
niluto, or so I thought. Napakalinamnam nito kagaya ng mga kinakain kong
iskrambol, pero may kakaiba dito. Ewan kung anong hiwaga ang meron sa itlog na
ito, pero para sa akin ay mas masarap ito sa mga natikman ko.
“Masarap?” biglang naitanong ni Gerard habang nilalagyan
niya ng ketchup ang sa kaniya.
“Oo, masarap,” tugon ko. “Pahingi nga ng ketchup. Tingnan
ko kung masarap.”
Ibinigay sa akin ni Gerard ang ketchup, at nilagyan ko ang
itlog. Pagkatapos ay naghanda na ako para sumubo. Pagkarating ng kanin at ng
itlog sa aking bibig, mas sumarap pa ito ng ilang ulit. Napakasarap talaga.
“Hinay-hinay lang at baka mabulunan ka. At, kain lang ng
kain. Napakarami ng kanin natin at, tayo lang namang dalawa ang narito. Wala
namang tao na biglang papasok dito at aagawin ang lahat ng mga pagkain natin.”
Nagsimula na rin siyang kumain.
“Tologo?” sabi ko habang medyo puno pa ang bibig ko, at
naghahanda isa pang subo. “Wolo ko no bong
kosomo dito ngoyon? Si Jonice, osoon?”
Natawa si Gerard habang naghahanda pa siya ng isang subo.
“Edmund, hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Huwag kang magsalita kapag puno
ang bibig mo.”
“Nopokosorop kosi. Ot moromi din okong tonong so iyo
ngoyon.”
“Hay nako! Mamaya na iyang mga tanong mo. Sasagutin ko rin
iyan lahat. Huwag kang mag-alala.” Tumingin siya sa akin ng mga ilang segundo.
“Teka, iyung bibig mo, may…” Pinupunasan kunyari ni Gerard ang kaniyang sarili
sa bandang kaliwa ng kanyang labi.
Pinunasan ko na din ang aking kaliwang labi, pero wala
namang bagay na dumikit sa labi ko, o kahit bagay na nasagi ng aking kamay.
Sinubukan ko naman ang kanang parte ng labi ko at baka iyun ang tinuturo ni
Gerard, pero wala din.
“Ako na nga.”
Tumayo siya para punasan ang ibabang parte ng labi ko. Kita
ko naman na may nahagip na ketchup ang kaniyang hintuturo. Nilagay naman niya
ito sa kaniyang bibig at dinilaan.
“Ayan, wala na.”
“Salamat,” tugon ko nang nailunok ko na ang lahat ng kanin
sa bibig ko.
Habang kumakain, napapansin ko na laging ngumingiti si
Gerard. Napakasaya niya ngayon. At ilang oras na ba siyang nakangiti?
Natatandaan ko, simula kahapon, nakangiti siya sa akin habang nagse-sex kami,
habang kinikwento ko sa kaniya ang mga nangyari kay Ren nitong nakaraan, habang
natutulog siya, at hanggang ngayon. Dati, noong dinala ko siya sa sinehan para
manuod ng pelikula, hindi ko siya nakikita na matagal ngumingiti.
“May maganda bang nangyari sa iyo ngayon at, ngiti ka ng
ngiti?” naitanong ko dahil sa nahihiwagaan na ako.
“Marami,” sagot niya na nakangiti pa rin, at mas buhay ang
pagkakasabi niya. Pero napaisip siya. “Umm, hindi naman ganoon kadami. Pero
napakalaki. Pakiramdam ko kasi, magiging maganda ang mga mangyayari ngayong
taon sa akin. Simula sa iyo. At nangyari nga.”
Medyo nagulat ako sa sinabi niya. “Wow. Napakaganda
pakinggan sa tenga ang mga sinasabi nmo.”
“Talaga? At hindi lang iyan ang magandang bagay na
maririnig mo ngayon. Alam mo ba na ikaw pa lang ang boyfriend na hinainan ko ng
aking itlog?”
Natigil ulit ako, at hindi na naman alam ang aking isasagot
sa sinabi niya. “Thank you?” hindi ko siguradong sabi.
“You see, iyan lang kasi ang bagay na kaya kong lutuin.
Pagdating sa iba, hindi ko na alam.”
Huminto siya sa pagsasalita at nagkatinginan kami.
Pakiramdam ko, nagsisinungaling siya sa sinasabi niya ngayon.
“Joke! Marunong talaga akong magluto!” biro niya saka
humalakhak.
Iyung pagtawa pa naman niya, parang, masayang-masaya talaga
siya sa ginawa niyang pagbibiro sa akin. Iyung halos wala ng bukas ang pagtawa
niya. Kailan niya mapapansin na siya lang ang tumatawa ngayon?
“Hay, nako! Para akong tanga sa kakatawa,” sabi ni Gerard
nang napansin niya na siya lang talaga ang tumatawa. “Pasensya na. Nag-uumapaw
lang ang kaligayahan sa loob ko.”
“Sino ka? Asaan ang tunay na Gerard?” pabiro kong tanong.
“Iyung naka-sex mo kanina? Wala, tulog, umalis,” pabiro din
niyang sagot. At muli na naman siyang tumawa, pero mas mahina na kesa sa kanina
na tuwang-tuwa talaga siya.
“Alam mo, nahihiwagaan na ako sa iyo. Masasabi kong
napakalaki ang pinagbago mo, ng ilang buwan?”
“Oo. Malaki talaga ang pinagbago ko ngayon. At alam ko na
gusto mong malaman kung ano iyun,” sabi niya habang ang mga tingin niya sa akin
ay nang-aakit.
“Magtatanong na ba ako kung ano ang mga nangyari nitong
huli? Sasabihin mo na ba sa akin kung ano ang kinalaman ni Ren sa lahat ng
ito?”
Natigilan siya, pero hindi pa rin umalis ang masayahin
niyang mood at ang kaniyang ngiti sa labi. “Sasabihin ko, mamaya. Pagkatapos
nito, dalhin mo ako sa bahay ni Ren. At sasabihin ko sa iyo kung ano ang lahat
ng ito.”
Nagpatuloy na kami sa aming kinakain. Medyo na-excite ako
kung ano ang sasabihin sa akin ni Gerard, at kung ano ang kinalaman ni Ren sa
lahat ng ito. At siguro, kapag sinabi niya sa akin ang lahat, mamahalin ko pa
rin siya, tama? Hindi magbabago ang pagtingin ko sa kaniya dahil gusto ko siya,
tama?
Gamit ang aking sasakyan, pumunta kami sa bahay ni Ren.
Pagkarating namin sa bahay ni Ren, nakita ko na may nakapark na sasakyan sa
tapat. Nakilala ko naman ang may-ari ng sasakyan dahil sa nakita ko na ito. Ito
iyung sasakyan nila Allan.
Sabay na bumaba kami ni Gerard, at bumukas ang gate ng
bahay. Niluwa ng gate sila Allan, at Larson. At nagkita-kita kami.
“Hindi ko alam na dadalaw pala ang boyfriend Ren. Hindi ka
na maaalala nun!” pang-aasar ko kay Allan.
Kita kong bubuka pa ang bibig ni Allan para kalabanin ang
aking sinasabi. Pero napako ang mga mata ko kay Larson, na mukhang nakatingin
sa direksyon namin. Tiningnan ko ang direksyon na tinitingnan niya, at nalaman
kong nakatingin siya kay Gerard. Si Gerard naman ay mukhang gulat, na gulat na
parang nakakita ng multo. Sa sandaling iyun, bigla akong nakaramdam ng kaba sa
pagtitinginan nila.
“Lars,” rinig kong winika ni Gerard, at punong-puno ng
lungkot ang kaniyang boses.
ITUTULOY…
Update n po agd plssssssssssssss
ReplyDelete