Followers

Thursday, August 4, 2016

Loving You... Again Chapter 48 - Cross Fiction




  



Author's note...

Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Also kuya Peter! :D

Last update for the month, sa susunod po ulit. At ang kantang nasa ibaba, ang title po niya ay Adore by Paramore. Siguro naman, ano, malalaman niyo na kung sino si ano, at ano si ano, so ano kaya ang mangyayari? Heto na po ang Chapter 48.











Chapter 48:
Cross Fiction















































Joseph’s POV



          Kasalukuyang nakatingin ako kay Ren habang sinusubuan niya ang kaniyang sarili. Kakaturo ko lang kasi sa kaniya ng bagay na ito at mukhang nakukuha niya agad. At isa pa, napapagod akong subuan ang isang malaking tao, na hindi lang alam kung paano isubo sa kaniya ang pagkain ng mag-isa.



          “Okay, tama ang ginagawa mo,” pamumuri sa kaniya habang nakangiti ng natural. Nakakapagod talaga ngumiti ng natural, at nakakapagod din purihin ang isang tao na dapat marunong ng sumubo ng pagkain para sa sarili niya.



          Namangha si Ren sa pamumuri ko sa kaniya. Pagkabalik niya ng atensyon sa pagkain ay ginawa niya ulit ang itinuro ko. Pero imbes na purihin ko ulit siya, nginitian ko na lang. Tama na siguro ang isang beses?



          Bumukas naman bigla ang pintuan ng bahay niya. Agad akong lumingon para makita kung sino ang pumasok, para makasigurado na kakilala ko ang pumasok. Iyung security system daw kasi ng bahay ni Ren ay hindi maaayos. Naka-lock kasi ang kompyuter niya, at tanging si Ren lang daw ang nakakaalam ng password sa kaniyang computer. Dahil dito, binigay ni Jasper sa Mama ko ang natatanging phone niya na may susi sa gate ni Ren. Tinuruan naman niya ito, habang itinuro sa akin ni Jasper kung paano buksan ang gate nang hindi ginagamit ang susi kay Mama. At nang tinuruan ako ni Jasper, hindi lang ako ang nakakita. Si Shrek, nanood ng mabuti. Kaya kung sino ang biglang pumasok sa pamamahay ni Ren, si Franz lang ang taong iyun. At kasama pa din niya ngayon si Daryll.



          “Hi Ren,” magiliw na bati ni Franz sa kaniya habang papalapit sa hapag-kainan.



          “Hi po, Tita Franz. Hi din po Kuya Daryll,” bati din ni Ren na pamamaraan ng mga limang taong gulang.



          “Franz, kailan ka pa naging Tita?” pagalit kong tanong nito.



          Ibinigay ni Franz ang isa sa kaniyang pisngi. “Ang kiss ko?” Ngumuso pa ito.



          Pinunasan ni Ren ang kaniyang labi at hahalikan niya sana si Franz, nang pinagalitan ko siya.



          “Teka, teka, teka?! Anong sabi ko sa iyo? Huwag mong hahalikan si Shrek, dahil baka magiging ogre ka. Wala ka bang natutunan sa panonood ng Shrek?” pagsusungit ko kunyari.



          Natigil naman itong halikan si Franz. Pero kapalit ay nalungkot siya sa narinig, at tumungo na lang. “Pero Kuya Joseph, ogre na noon pa si Princess Fiona.”



          “Mine, ako na lang halikan mo. Sa lips, pwede pa,” makesong salo ni Pagong sa kaniya.



          “Ay! Gusto ko iyan,” malanding wika ni Franz.



          Tuwang-tuwa naman si Franz sa offer ni Daryll, at agad itong hinalikan sa labi. Nilagay ko naman agad ang kanang kamay ko sa mga mata ni Ren para kahit papaano ay maprotektahan siya sa mga taong ito na naghahalikan pa sa harap ko.



          “Oi, pwede ba? May bata dito? Huwag kayong maghalikan sa harap niya,” pananaway ko.



          Pero hindi ako pinakinggan ng mga taong ito at patuloy pa ring naghahalikan. Humugot na lang ako ng malalim na hininga nang tumigil na sila, at tinanggal ko na rin ang mga kamay ko sa mata ni Ren.



          “Kuya Joseph, ano ba iyung ginagawa nila kanina?” inosenteng tanong ni Ren. “Sabi ni Kuya Daryll, pwede siyang halikan ni Tita Franz sa lips?”



          Malumanay ko siyang pinagsabihan. “Ren, anong sabi ko sa iyo? Ubusin mo muna ang pagkain mo bago mo alalahanin ang mga matatanda. ”



          Walang salita na tumango na lang si Ren, at nagpatuloy kumain.



          “Franz, Daryll, hindi pa ba kayo kumain? May kanin pa sa rice cooker. Kumain kayo,” yaya ko sa kanila.



          “Naks! Nagyayaya na kumain. Bigla ka atang bumait Joseph?” pang-aasar ni Daryll.



          Walang emosyong kong tiningnan si Franz sa mata. “Kung hindi mo alam ay may tinuturuan ako ditong bata na kapag may taong biglang pumasok sa pamamahay niya at nahuli siyang kumakain ng pagkain, maging magalang sa pananalita at alukin silang kumain. Gusto niyo ba na ang ituro ko kay Ren ay murahin ang mga taong papasok sa pamamahay niya kapag nahuli siyang kumakain? Kaya maging mabuti kang katulong ko, at pumayag sa inaalok ok. Pwede?”



          Bigla kong naalala na si Daryll ay hindi tinuruan ng tamang asal sa pamamahay nila, o tinuruan nga ba? Pero kung tinuruan nga, baka nakalimutan na niya.



          “S-Sige Joseph! Kakain din kami,” biglang sinabi ni Franz nang natahimik na ang lahat. “Ganoon Ren. Kapag niyaya kang kumain ng isang tao, pumayag ka. Tapos ubusin mo ang pagkain nila.”



          Mabagal na tumango si Ren. Bahagyang nakabukas pa ang kaniyang bibig, pahiwatig na may natutunan na naman siyang bago.



          Hmm, ilang linggo na din ang lumipas nang tumira kami dito ni Mama sa bahay ni Ren. Pero hanggang ngayon, hindi talaga ako makapaniwala sa tuwing nakikita ko si Ren. Iyung ngumingiti siya sa harap namin, iyung mga ginagawa niya para sa amin sa Music Club, hindi mo maiisip na ang isang katulad niya ay mag-isa lang naninirahan, sa napakalaki niyang bahay. Pero ilang taon na siyang, mag-isa dito? Nalaman ko mula doon kay Edmund na paminsan-minsan lang may ibang tao na bumibisita kay Ren. Si Edmund, Mr. at Mrs. Schoneberg, isang beses lang sa isang buwan. Si Jasper daw, madalas. Bigla ko tuloy naaalala ang kalagayan ni Franz. At least si Franz, pupunta sa amin para makipagkulitan. Pero si Ren, wala lang siyang ibang kasama kung hindi, ang bahay niya. Healthy ba ang pamumuhay niya?



          Sa gitna ng pag-iisip ko, hindi ko napansin na inaalog-alog ako ni Ren. Aksidenteng natingnan ko siya ng masama. Kaya tumigil siya sa pag-alog at, minamadali na naman ang pagkain. Haixt! Natakot ko ata.



          “Ano iyun Ren?” malumanay ko na pagtanong.



          Narinig ko naman ang mahinang bungisngis nung mag-syota sa kabilang mesa. Tiningnan ko muna sila ng masama, at ibinalik ko ang tingin ko kay Ren.



          “S-Si Kuya Allan? Kailan ba siya dito bibisita?” inosenteng tanong niya.



          Napakamot ako sa ulo. “Ren, ilang beses ko ng sinabi sa iyo na hindi mo Kuya si Allan? At, oo nga ano?” Napatingin ako sa labas. “Wala pa sila.”



          “Baka paparating na iyun. Mag-antay ka lang,” kinikilig na tugon ni Franz. “Pagdating dito ng Kuya Allan mo, maglalaro kayo sa likod, maliligo sa pool, at tuturuan ka niya lumangoy, tapos konting hipo dito at doon…”



          “Francisco!” saway ko. “Baka magtanong si Ren? Hindi pa ako handang sagutin iyung mga tanong na ganyan. Sabi pa nga ni Mama, huwag na muna.”



          “Mine, gusto mo maglaro tayo sa likod? At maligo sa pool? Dala ko ang mga pamalit natin,” yaya ni Daryll dito.



          Napabuntong-hininga na lang ako at tinakpan ang mga mata ni Ren. Sinenyasan ko na lang si Ren na tapusin ang kaniyang kinakain. Kung bakit ginagawa ko ito, gaya ng sinabi ko ay utos ni Mama. Sabi ni Mama, huwag daw muna ipaturo kay Ren ang mga crush, crush na iyan. Pati ang mga love, love na iyan, huwag muna. Gusto niya na maging baby damulag niya si Ren, habang may panahon pa.



          Nito kasing mga nakaraang araw, bumisita ang Doktor para tingnan ang kalagayan ni Ren. Namangha naman ito dahil sa mga mabibilis at malalaking pagbabago kay Ren. Iyung iba daw na pasyente nung Doktor na may amnesia dahil sa isang droga, nag-aaral pa lang na lumakad. At nang pumunta ang Doktor para bisitahin si Ren, nag-aaral na ng Grade 7 textbook. Ang talino nga.



          Bumukas ulit ang pintuan ng bahay. Niluwa naman nito ang aking higanteng Ina- este, may higanteng puso kong Ina. Bago pa ako makasalubong kay Mama, tumayo na agad si Ren at sinalubong siya. Teka, Mama ko iyan?! Bakit ikaw ang nauunang sumalubong?



          Agad yumakap si Ren kay Mama. “Welcome home po, Mama,” maligayang bati ni Ren.



          Hinalikan naman ito ni Mama sa pisngi saka kumalas sa pagyakap. “Andito na ako. Nagpakabait ka ba habang wala ako?” tanong dito ni Mama habang ibinababa ang mga plastic bag na dala-dala nito. “Inaalagaan ka ba ng mabuti ni Kuya Joseph mo?”



          Lumapit din ako kay Mama. “Ma, pwedeng pa-kiss sa pisngi?” tanong ko.



          “Ay! Isa itong himala Joseph. Nagpapa-kiss ka ngayon sa akin?” Hinalikan ako ni Mama sa pisngi. “Ayan.”



          “Nice! Dahil diyan, tutulungan kita Ma.”



          “Ako din, ako din, gusto ko ng kiss Mama?” sabat ni Franz.



          “Tumigil ka Shrek!” Bumaling ako kay Ren. “At ikaw, hindi pa tapos ang pagkain mo. Tapusin mo iyun.”



          Tumango-tango ulit si Ren, at bahagyang ngumiti. Nag-iwas naman ako ng tingin, at hindi mapigilan na magtanong sa sarili. Napaka-weird ng ginagawa ko ngayon. Ang laki-laki na ni Ren, at hindi pa at kailangan pa siyang pagsabihan.



          “Joseph, may gustong pumasok sa gate,” untag sa akin ni Mama. “Kilala mo ba ito? Ito ba si Allan?”



          Ipinakita niya sa akin ni Mama ang isang live feed sa gate ng bahay ni Ren. Isang lalaki, at hindi ko ito kilala.



          Ipinakita sa akin ni Mama ang phone. Hindi ko din ito kilala kaya umiling ako. Pagkatapos ay tumungo sa kusina para ilagay ang mga plastic bag na dala-dala ni Mama.



          “Patingin nga,” sabi ni Franz.



          Tiningnan din niya ito at umiling. Pagkatapos niya ay ipinasa naman niya ito kay Daryll.



          “Wait, Tita, kilala ko po ito. Dati kong kaibigan ito. Si Ronnie, dati kong kaklase noong high school at naging school mate ko na lang,” paliwanag ni Daryll.



          “Dati mong kaklase? Ano ang relasyon niya kay Ren? Magkaibigan ba sila?” tanong ni Mama.



          “Ewan ko lang po. Baka, dating kaibigan? Sa iisang high school lang sila nag-aral.”



          “Pero sabi ni Mr. Schoneberg, walang naging kaibigan si Ren noong high school,” pagpapaalala ko.



          “Baka kakilala ni Ren sa internet, hindi kaya?” hula ni Franz.



          “Kung ganoon, pumunta kayo sa gate at, kausapin ang taong ito. Dito lang ako sa loob para tapusin ang mga dapat gawin dito,” sabi sa amin ni Mama. Ibinigay ni Mama sa akin ang kaniyang phone. “Joseph, ikaw muna ang humawak nito.”



          Tumango lang ako. Kasama si Shrek at Pagong, pumunta kami sa gate at sinalubong ang dating kaibigan ni Daryll, o ni Ren. Binuksan ko ang gate para makausap ang Ronnie na ito.



          “Hi! Daryll, long time no see,” sabi ng lalaking ito na ang pangalan ay Ronnie.



          “Ronnie, ikaw din. Matagal din tayong hindi nagkita,” tugon ni Daryll.



          Saglit na nag-akapan ang dalawa, at mahigpit pa ang pag-aakapan nila. Mukhang matagal na silang magkakilala.



          “Kumusta ka na? Sila Tita, kumusta na?” tanong ni Daryll. “Balak ko sana silang bisitahin ngayong nakita na kita. Kababalik mo lang ba sa ibang bansa?”



          Bahagyang hindi nakasagot si Ronnie. “Okay naman. Sila Mama at Papa, nagpaiwan sa ibang bansa. Kaya ako na lang ang mag-isa dito sa Pilipinas.”



          “Ay! Oo nga pala! Ronnie, si Joseph, at Franz,” pagpapakilala ni Daryll sa amin. “Joseph, Franz, si Ronnie. Matagal ko ng kaibigan. Pasok ka Ronnie.”



          “Umm, sandali lang,” singit ko. “Kung tama ang pagkakarinig ko sa sinabi ng Papa mo, bawal siya pumasok dito,” pabulong kong sabi kay Daryll, sapat na para siya lang ang makarinig, at si Franz.



          “Huh? Bawal ba siya?” Kumunot ang noo ni Daryll.



          “Oo nga pala, Mine. Nandoon din ako sa orientation kaya, bawal si Ronnie dito,” pabulong din na dagdag ni Franz.



          Tumango-tango si Daryll. “Oo nga pala, Ronnie. Tara sa mansyon. Tamang-tama at uuwi na ako.”



          “Ahh! Ganoon ba? O, sige.”



          “Teka lang at maghanap lang ako ng ekstrang helmet sa loob. Dalawa lang kasi ang helmet na dala ko.”



          Isinarado ko ang maliit na gate, habang si Daryll ay pinapagana ang motor. Si Franz naman ay kinuha ang mga helmet nila, at may bitbit din siya na isang asul na helmet. Binuksan ko na ang malaking gate. Ibinigay ni Franz ang asul na helmet kay Ronnie, at sumakay na din ito sa motor. Matapos magpaalam ni Franz sa akin, pinaharurot na ni Daryll ang motor, pabalik sa mansyon nila.



          Bumalik na ako sa loob ng bahay. Naabutan ko naman si Mama na tinuturuan na ngayon si Ren na linisin ang sarili niyang pinagkainan. Hmm, dapat ay hindi na ako pumasok pa para sila na ang maghugas sa lahat.



          Tumungo na lang ako sa Game Room ng bahay ni Ren at binuksan ang isang makina doon. Nilaro ko iyung baril-barilan na laro at mag-isa itong tinapos. Maya-maya ay pumunta naman si Mama sa Game Room ni Ren.



          “Sila Franz?” tanong niya agad.



          “Umuwi,” tugon ko habang bumabaril-baril. “Dating kaibigan pala ni Daryll iyung nasa gate kanina. Ronnie ang pangalan niya.”



          “Ahh! Ganoon ba? Sige, balik na ako kay Ren.”



          “Teka lang Ma,” pagpapatigil ko dito. “laruin natin ito. Baril-barilan.”



          “Ay! Ayoko,” pagtanggi ni Mama. “Mamaya, masira ko pa ang machine na iyan. Baka pagbayarin pa tayo.”



          “Mama, hindi niyo naman po sasakyan ang machine para maglaro. Kunin niyo lang po ang baril at subukan niyong patamaan doon sa kalaban,” turo ko.



          “Sige, subukan ko.”



          “Huwag niyo lang po higpitan ang pagkakahawak sa baril at baka po masira.”



          Bahagyang pinalo ako ni Mama sa braso. Umiwas naman ako, pero tumama pa rin. Nang kinuha na ni Mama ang baril, nagsimula na kaming maglaro. Sa paglalaro namin, medyo magaling si Mama umasinta. Kaya lang, nawawala ang konsentrasyon niya kapag may tumatama sa kaniya. At halos umiilag-ilag pa siya na akalay mo’y tatamaan siya ng bumaril sa laro.



          Ilang minuto ang nakalipas, umayaw na si Mama.



          “Hay! Ayoko na, Joseph. Lagi akong namamatay,” sabi ni Mama habang binabalik ang baril sa lalagyan nito.



          “Salamat sa pakikipaglaro sa akin Mama. Nag-enjoy ako maglaro. Laruin natin ulit ito sa susunod,” yaya ko.



          “Ahh! Ayoko na!” pagtanggi niya. “Yayain mo na lang sila Franz at Daryll sa susunod. Hindi talaga ako magaling sa baril-barilan na iyan. Babalik na ako kay Ren.”



          “Sige Mama.”



          Pinagpatuloy ko na ulit ang paglaro. Bago pa makalabas si Mama sa Game Room, huminto ito at lumingon sa akin. Nakatingin lang siya sa akin, at mukhang may sasabihin siya. Kaya pansamantala kong hininto ang paglalaro.



          “May problema ba, Mama?” tanong ko dito.



          “Ahh, wala,” iling niya. “May sasabihin sana ako, kaya lang, nawala na sa isip ko. Siguro, sa susunod na lang at baka maalala ko pa.”



          Tumango ako at bumalik ulit sa paglalaro habang si Mama ay lumabas na ng Game Room.



          Pagkalipas ng ilang minuto, tinapos ko na ang paglalaro at hinanap sa library sila Ren. Habang naghahanap ay aksidenteng narinig ko ang kanilang pinag-uusapan, at hindi ako nagpakita para mapakinggan ng buo kung ano ang pinag-uusapan nila.



          “Mama, may problema po ba kayo?” inosenteng tanong ni Ren. “Kanina pa po kayo nakatulala.”



          “Ahh! May nakita lang kasi ako kanina sa tinitirhan namin. Nakita ko ang, dati kong asawa,” malungkot na sagot ni Mama. Si Papa?”



          “Si Papa?”



          Akala ata ni Ren na Papa niya talaga ang Papa na nag-iwan sa amin. Hindi pa kasi namin pinapaalam kay Ren na hindi kami ang mga tunay niyang pamilya. Iyun ang mungkahi ni Mr. Schoneberg.



          “Oo. Si, Papa mo.”



          “Talaga? Magkakabalikan na po ba kayo?” natutuwang tanong ni Ren.



          Nakita kong umiling si Mama. “Hindi na mangyayari iyun.”



          “Bakit naman po? Hindi po ba, mahal na mahal niyo si Papa?” malungkot na tanong pa ni Ren.



          “Oo. Mahal na mahal ko ang Papa ninyo. Pero noon iyun. Kapag kasi minahal ko ang Papa ninyo ngayon, masasaktan lang ako. Si Papa mo kasi, may ibang pamilya na kaya hindi na pwede.”



          “Bakit po ganoon? Ano po ba ang nangyari? Akala ko ba, kapag nagmamahalan ang dalawang tao, walang makakapigil sa kanila? Iyun po kasi ang natutunan ko sa panonood ng telenovela sa TV.”



          “Hay nako! Ren, iba kasi ang napapanood natin sa TV. Karamihan naman kasi sa katapusan natin na nakikita sa TV, laging masaya. Iyun kasi ang ginagawa nila para tangkilikin sila ng mga manonood. Pero sa totoong buhay, hindi laging masaya ang katapusan. Kung minsan pa nga, masaklap. Kagaya ng Kuya Joseph mo.”



          “Kay Kuya Joseph po? Ano po ba ang nangyari? Pwede niyo po bang ikwento sa akin?”



          “Halika nga rito.”



          Kita kong lumapit si Ren para mayakap ni Mama. Habang nagyayakapan, hinahaplos-haplos ni Mama ang buhok ni Ren.



          “Ren, sa ngayon, kahit ikwento ko sa iyo ang lahat na nangyari, hindi mo pa iyun maiintindihan. Baby ka pa kaya, huwag mo muna isipin ang love, love na iyan.”



          “Pero gusto ko pong malaman. Curious po ako.”



          “Curious ka nga. Kaya lang, hindi pa ngayon ang tamang panahon para ipaliwanag sa iyo ang love, love na iyan. Gaya nga ng sinabi ko, bata ka pa. At habang bata ka pa, i-enjoy mo muna ang buhay mo. Huwag kang magmadali. Huwag kang tumulad sa mga ibang bata diyan. Biruin mo, 10 years old pa lang, aba, pinoproblema na ay ang love life. Terible pa naman ang balik nito sa iyo kapag hindi sumasang-ayon sa iyo ang mga nangyari.”



          “Gaya po ng?”



          “Hmm, sabi ko kanina, hindi natin iyun pag-uusapan.” Kumalas si Mama sa pagkakayakap. “Hala, mag-aral ka na ulit. At, huwag kang magsasabi kay Kuya Joseph mo na napag-usapan natin si Papa mo, maliwanag ba?”



          Tumango-tango na lang si Ren at bumalik ulit sa pag-aaral. Umalis na lang ako sa lugar na iyun na para bang walang narinig. Nagkita lang naman si Mama at Papa, walang kaso sa akin iyun. Ang may kaso lang sa akin ay kung, magpipilit pa si Papa na makipagbalikan kay Mama.



          Habang busy ako manood sa telibisyon, bigla na naman ulit bumukas ang pintuan. Nagulat ako dahil akala ko kung sino ang pumasok. Si Allan lang pala, at paano siya nakapasok dito?



          “May susi ka ba sa gate ni Ren?” tanong ko.



          “Wala akong susi. Si Larson, meron,” sagot ni Allan na may dala-dalang ice cream. “Si Ren?”



          “Nasa Library, nag-aaral.”



          “Kumusta na siya?”



          Humugot ako ng malalim na hininga. “Buhay pa naman. Bumabalik na iyung, katalinuhan niya. Nasa Grade 8 na ang pinag-aaralan niya ngayon.”



          Galing sa Library, lumabas si Ren. Nagliwanag naman ang mukha nito nang nakita si Allan.



          “Kuya Allan,” masayang tawag niya dito.



          Tumakbo siya papalapit dito at niyapos niya ang kaniyang Kuya Allan. Tuwang-tuwa naman si Allan habang yakap-yakap siya nito. Pagkatapos yumakap, mabilis na hinalikan ni Ren si Allan sa labi. Sino ang nagturo sa kaniya ng ganoon?



          “Oi, oi, ano iyun? Bakit hinalikan ka ni Ren sa labi? Wala akong tinuturo sa kaniya na ganoon?” biglang tanong ni Mama. Mukhang nakita din niya iyun.



          Biglang bumukas ulit ang pinto at niluwa nito si Larson. “Umm, pasensya na po. Mukhang si Allan po ang nagturo sa kaniya ng bagay na iyun,” paghingi ng dispensa nito.



          “Allan?” Masamang itong tiningnan ni Mama.



          “Umm, pasensya na. Hindi ko naman po akalain na gagawin ni Ren ang sinabi ko,” natutuwang paliwanag ni Allan.



          “Umm, tapos na po ba mag-aral si Ren? Pwede na ba?” tanong ni Larson kay Mama.



          “Ahh! Oo, Larson. Kakatapos ko lang mag-check ng mga sagot niya sa libro. Nasagot naman niya lahat,” paliwanag ni Mama. “Doon na kayo sa likod. Maghahanda lang ako ng inumin ninyo. Ganoon pa rin ba ang gusto niyong inumin?”



          “Opo, salamat po.”



          “Tara Ren. Punta tayo sa likod, kakain ng ice cream, at kakantahin natin ang pinakagusto mong kanta,” sabi ni Allan habang kinukurot ang pisngi.



          Tumango-tango si Ren at pumunta na sa likod. Tumungo naman si Allan sa isang kwarto para marahil ay kunin ang gitara na naka-display sa Game Room.



          “Larson, bantayan mo iyang kapatid mo ha. Paturo-turo pa na halikan siya ni Ren sa labi, mamaya, kung ano na ang ituro niyan,” wika ko habang dinuduro si Allan sa likod.



          “Hayaan mo Joseph. Babantayan ko siya ng mabuti. Hindi ko din kaya gusto na makita ang kapatid ko na tine-take advantage porke’t wala siyang maalala,” sabi ni Larson habang tinitingnan si Allan na dumadaan na sa harapan namin.



          “Hindi ako nagte-take advantage. Ginagawa ko lang ang lahat para maalala niya ako. Na ako ang kaniyang boyfriend. Ayoko naman na biglang sa iba mapupunta ang mahal ko, ‘di ba?” nang-aasar na sabi ni Allan habang nakatingin sa akin at habang naglalakad patalikod papunta sa likuran ng bahay ni Ren.



          “Gusto ko siyang sapakin,” sabi ko habang diretsong nakatingin kay Larson.



          Inikot ni Larson ang paningin niya. Tinaas pa niya ang kaniyang kamay. “Ako din, gusto ko din siyang sapakin. Pero Joseph, easy lang. Mas lalong mang-aasar iyan si Allan kapag pinatulan mo pa. Trust me. Nakasama ko ang taong iyan ng maraming taon.”



          Pumunta na sa likod si Larson para samahan sila Allan. Muling humarap na lang ako sa telibisyon para ipagpatuloy ang panonood.



Allan’s POV



I don't mean to run,

But everytime you come around I feel,

More alive, than ever

And I guess it's too much,

Maybe we're too young,

And I don't even know what's real,

But I know I've never wanted anything so bad,

I've never wanted anyone so bad,



If I let you love me,

Be the one adored,

Would you go all the way?

Be the one I'm looking for?

If I let you love me, (If I say,)

Be the one adored, (It's okay,)

Would you go all the way? (Stay,)

Be the one I'm looking for?



          Pagkatapos ng kanta, nakita kong nakangiti si Ren na nakatingin sa akin. Iyung mga tingin niyang iyun, naaalala ko tuloy ang nakaraan sa kaniya.



          “Alam mo Kuya Allan, parang naaalala ko na kinanta na natin ito ng maraming beses na,” wika ni Ren.



          “Totoo iyan,” sabat ni Larson na umiinom ng juice. “Iyan kaya ang theme song ninyong dalawa. Palagi niyang kinakanta iyan kapag nami-miss ka niya.”



          “Tumahimik ka nga diyan, Larson,” saway ko dito. “Bakit ka kasi nandito? Bakit hindi ka na lang manood ng basketball kasama si Joseph?”



          Inilagay ni Larson sa maliit na bakal na mesa ang kaniyang baso at umiba sa de-kwatrong posisyon sa pag-upo. “Nagbabantay ako. Tsaka nangako ako sa Mama ni Joseph na hindi kita hahayaan mag-isa kasama si Ren.”



          Nakasimangot akong humarap kay Ren. “Ren, kiss mo nga ako.”



          Bago pa makatutol si Larson, mabilis na inilapit ni Ren ang kaniyang labi sa akin. Ngumiti naman ako nang naghiwalay na kami.



          “Salamat. Napasaya mo ang Kuya mo sa ginawa mo,” sabi ko.



          Nasapo ni Larson ang kaniyang ulo. “Alam mo, kapag bumalik si Ren sa sarili niya, ano kaya ang gagawin niya sa iyo?”



          “Bumalik ako sa sarili ko? Anong ibig niyang sabihin?” inosenteng tanong sa akin ni Ren.



          “Ang ibig niyang sabihin, kapag naaalala mo na lahat. Na napaka-sweet natin sa isa’t isa, na palagi tayong naghahalikan, at kung ano-ano pa,” sagot ko sa tanong ni Ren. “Ren, alam mo ba noon, sabi mo na kung pwede mo lang ako pakasalan noon, magpapakasal ka sa akin?”



          “Magpakasal? Ano iyun?”



          “Hoy, hoy, hoy,” pang-aaburido ng Mama ni Joseph mula sa likod namin, na may dala-dalang niluto na french fries. Nilapag niya ito sa maliit na mesa kung saan nasa malapit nakaupo si Larson. “Allan, pakiusap naman? Alam kong ikaw ang nakalimutang boyfriend ni Ren, pero pwede bang huwag mo muna siyang imulat masyado? Nag-e-enjoy pa ako na, kapatid siya ni Joseph, at bunsong anak ko siya.”



          “Hindi po sapat na pagsabihan ninyo iyan si Allan. I-banned niyo siya dito sa bahay, at huwag nang palapitin si Ren sa kaniya,” dagdag ni Larson na may nang-aasar pa na tingin, sabay kuha ng french fries.



          “Band? Ano iyun?” muling inosenteng tanong ni Ren.



          “Allan, humanda ka talaga sa akin. Tandaan mo. Ako ang Mama ni Ren. Kapag nakapagdesisyon na ako sa isang bagay na hindi mo magugustuhan, mangyayari talaga,” banta sa akin ng Mama ni Joseph.



          “Tita, huwag naman po ganoon. Hayaan niyo po. Mula ngayon, susundin ko na po ang mga gusto ninyo. Ako, si Allan Mercer ay nangangako.” Itinaas ko ang kaliwa kong kamay habang nangangako. “Magiging inosenteng baby niyo si Ren, hanggang sa dumating ang tamang oras.”



          Tumango-tango ang Mama ni Joseph. “Mabuti naman Allan at nagkakaintindihan tayo. Sana ay mapanindigan mo na iyan. Oh, sha. Mag-enjoy kayo dito. Ren, anak, mag-enjoy ka. Papasok na si Mama. Pakabait ka,” paalam nito kay Ren.



          “Opo,” tugon ni Ren.



          Lumakad na pabalik sa bahay ang Mama ni Joseph, habang kinakawayan ito ni Ren.



          Hindi naman makapaniwalang tiningnan ako ni Larson. “Kapag tinataas mo ang kaliwa mong kamay habang nangangako, nagsisinungaling ka,” wika niya.



          Muling humarap ako kay Ren at sumimangot. “Ren, pa-kiss nga.”



          Muli, mabilis na inilapit ni Ren ang kaniyang labi sa akin. Napakasarap ng mga halik niya, lalo na’t isang inosenteng tao siya ngayon. Walang iniisip na malisya, basta ang gusto niya lang ay mapasaya niya ako. Dati, ako ang gumagawa ng bagay na iyun. Pero ngayon, siya na. Kaso nga lang, iyun nga, nag-warp sa kasalukuyang panahon ang utak niyang inosente.



          Naglaro kami ng naglaro, hanggang sa inantok na si Ren, at mukhang oras na ng katawan niya para mag-siesta. Binuhat ko ang natutulog niyang katawan paakyat sa kwarto niya, at pinahiga siya sa kama niya. Habang nakatingin sa kaniya, naiisip ko ang mga oras na hindi ko siya nakita. Noong Pasko at Bagong Taon, ano ba ang nangyari sa kaniya? Bakit pagkabalik niya ay nawala ang lahat ng alaala niya? Sino kaya ang taong dumukot sa kaniya, at bumura sa mga alaala niya? May nalaman kaya si Ren na hindi dapat? At sino ang taong lumapastangan sa kaniya?



          Noong tinitingnan siya ng doktor, may mga sugat at bugbog si Ren. May mga kissmarks din siya sa katawan, at may nakitang senyales ang doktor na posibleng may bagay na pumasok sa puwitan ni Ren. Hindi ako tanga kung ano kaya ang posibleng bagay na pumasok doon, kasabay ng mga kissmarks sa katawan niya.



          Hindi ko na namalayan na ikinuyom ko ang aking kamao, at handa ko ng suntukin ang bagay na masuntok ko. Pero kailangan ay kontrolin ko ang sarili ko, dahil hindi ko kwarto ito. Pero kung sino talaga ang taong may gawa nito kay Ren, bubugbugin ko talaga. Walang kapatawaran ang ginawa nilang ito sa kaniya. Gusto kong patayin ang taong iyun.



          “Allan,” untag sa akin ni Larson.



          Nagising bigla ako sa pag-iisip nang tinawag ako ni Larson. Nilingon ko siya at masamang tiningnan niya ang mga kamao ko.



          “Pasensya na, Larson,” paghingi ko ng dispensa. “Iniisip ko lang kung ano ba talaga ang nangyari kay Ren noong mga panahon na nawawala siya. At ano kaya ang posibleng gawin ko sa taong may kasalanan nito?” Inayos ko ang kumot para matabunan ang kalahati ng katawan ni Ren. “Larson, may alam ka ba sa kung ano talaga ang tunay na nangyari kay Ren?”



          Tiningnan ko si Larson, at naghihintay sa isasagot niya. Pero tumingin lang siya kay Ren, at tumahimik. Nilingon ko ulit si Ren. May alam nga talaga si Larson, pero inililihim na lang talaga niya ito sa sarili niya.



          Tumalikod si Larson sa akin at lumabas ng kwarto. “Huwag kang gumawa ng kalokohan. Bababa na ako.”



          Bago sundan si Larson, binigyan ko si Ren ng mabilis na halik sa noo, at hinihiling na sana ay maganda ang mapanaginipan niya habang nakapikit ang mga mata niya. Minsan, ang mga mata natin ay nakakakita ng hindi magagandang bagay. To the point na hinihiling natin na sana ay bangungot lang ang nangyari. Pero hindi iyun kahit kailan mangyayari, dahil iyun ang katotohanan. Kawawang Ren.



          “Uuwi na si Kuya Allan mo. Matulog ka ng mabuti,” paalam ko dito.



          Nahagip naman ng mga mata ko ang isang life-sized na stuffed toy ng isang leyon. Kinuha ko ito at itinabi kay Ren. Sana ay may maganda kang mapanaginipan.



          Nagpaalam na kami kila Joseph, at nangangako ulit ako na bibisitahin pa si Ren, habang bakasyon pa. Pagkalabas namin ni Larson, may isang sasakyan naman ang kararating lang. Sasakyan ito ni Edmund, at mukhang may kasama siya ngayon.



          “Hindi ko alam na dadalaw pala ang boyfriend Ren. Hindi ka na maaalala nun!” pang-aasar sa akin ni Edmund.



          Makikipag-asaran pa sana ako kay Edmund, nang napansin ko ang timpla ng mukha ng kasama ni Edmund, at nalaman na si Gerard pala ang kasama nito. Napansin kong nakatulala ito, at mukhang hindi makapaniwala na nakatingin sa katabi ko na mukhang si Larson. Tiningnan ko naman si Larson, at nanlaki naman ang mata niya.



          “Lars,” tawag ni Gerard sa kaniya, at punong-puno pa ng kalungkutan sa boses.



          “Pumasok ka agad sa kotse,” bulong sa akin ni Larson.



          Dali-daling tinulak ako ni Larson papasok sa kotse, at isinara niya agad ito. Mula sa loob, wala akong halos naririnig, pero nakikita ko ang galaw ng kanilang bibig. Nang ngumiti si Larson, may sinabi pa siya na hindi ko narinig. Dali-daling pumasok sila Gerard sa kotse. Sumunod naman si Edmund na naguguluhan sa mga nangyayari. Umandar ang sasakyan nila Edmund, at umalis na sa lugar. Teka, si Lars ay ang kakambal ni Larson hindi ba? May nakaraan ba silang dalawa?



          Matapos mawala sa paningin namin ang kotse, nawala ang ngiti sa labi ni Larson. Humugot muna siya ng malalim na hininga, at pumasok na sa kotse.



          “Tinawag ka ni Gerard sa pangalan ng kakambal mo, at mukhang iiyak pa ata. Anong meron doon?” tanong ko.



          Bago ini-start ni Larson ang kotse, kinuha niya ang kaniyang phone saka sinuot ang headset na nakakonekta dito. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Ibig sabihin ay ayaw niyang pag-usapan ang bagay na iyun. Nagkibit-balikat na lang ako at tumingin sa labas ng bintana kung saan nakikita ko ang bahay ni Ren. Kumaway pa ako na animo’y nasa labas si Ren, at kumakaway sa akin.



Joseph’s POV



          Pagkatapos kumain ng hapunan, nagsimula na akong magligpit ng pinagkainan namin kasama si Ren. Napansin ko naman si Mama na nakahawak sa kaniyang ulo.



          “Mama, masakit ba ulo ninyo?” Tumungo agad ako sa medicine cabinet para maghanap ng gamot.



          “Oo anak. Abutan mo nga ako ng gamot. Tsaka pwede bang ikaw muna ang maghugas ng mga pinagkainan natin ngayon?” pakiusap ni Mama.



          “Ako din po. Tutulungan ko si Kuya Joseph,” alok din ni Ren, at masayang-masaya siya na tutulungan niya ako.



          “Nako, Ren, hindi na. Matulog ka na at hayaan mo si Kuya Joseph na maglinis dito,” utos ni Mama dito. “Tsaka Joseph, huwag kang masyadong magpapagabi. Napapansin ko na nakakahiligan mo na ang manuod sa TV ng magdamag.”



          Kumuha ako ng isang tableta ng paracetamol at kumuha ng isang basong tubig saka ibinigay ito kay Mama.



          “Kayo din po. Magpahinga na kayo ng mabuti,” wika ko habang hinihimas-himas ko ang likod ni Mama.



          “Aakyat na kami ni Ren. Halika nga dito at alalayan mo si Mama.”



          Lumapit si Ren kay Mama, at inalalayan niya ito paakyat sa mga kwarto nila. Nang nawala na sila, sinimulan ko na ang aking mga gawain. Matapos maghugas, binuksan ko ang telibisyon para panoorin mag-isa ang isang pelikula. Kumuha naman ako ng popcorn at kinain ito habang nanonood. Pagkatapos ng pelikula, napansin ko naman ang isang kahon sa ibaba ng maliit na mesa. Na-curious ako kung ano ang laman nito kaya binuksan ko ito.



          Nalaman ko na naglalaman pala ito ng mga cards, at may drawing ito ng isang leyon. Pagbukas ko sa mga card na ito, naglalaman pa ito ng mga creepy na mensahe. Gaya ng, nakabantay ang taong ito kay Ren, smileys, nagluto ang taong ito para sa kaniya, at mostly mga isang salita na mensahe lang. Kahit na kinikilabutan ako, hindi ko mapigilan na magbasa pa, at magbasa pa sa bawat sulat na makita ko. Baka sakaling may sulat dito na may malalalim na laman, o kahit kakaiba man lang.



          Sa paghahanap ko, natigil ako nang nakita ang isang sulat na marami ng laman. Hindi ko akalain na meron palang isa na kakaiba. At ang nilalaman ng sulat ay ganito.



          “Dear Ren, ito na marahil ang huling sulat na ibibigay ko. Kung mababasa mo ang sulat na ito, baka huli na ang lahat. Baka patay na ako, at may pumalit na sa akin. Pero kahit ganoon, tagumpay ay hindi, huli na ito. Hindi na ako muling magpapakita pa sa iyo. Nangyari na ang nangyari, natupad na ang kailangan matupad. Nakamit ko na ang gusto ko, ang makalaya ka sa mga humahabol sa iyo. Ngayon, kahit lumabas ka na, wala ng tao ang magbabalak na kunin ka. Wala na sila dahil, tinapos ko na nga silang lahat, para sa iyo. Ren, mahal na mahal kita kaya ginagawa ko ang bagay na ito. Sana, kahit wala ako, ipagpatuloy mo ang buhay mo. Kapag dumating na muli ang pasukan, siguradong mahuhulaan mo na kung sino ako. Matalino kang tao kaya alam ko. At oo, ako nga ito. Kung paano, o kailan pa, pasensya na. Hindi ko na maipapaliwanag ang mga bagay na iyun sa iyo dahil ibabaon ko na ang lahat kasama ko. Muli, gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Maging maganda sana ang kapalaran mo ngayon, at magpakailanman. Loving You… Again, Mr. Lion.”



          Mr. Lion, huh? Base sa iba pang mga sulat, masasabi ko na si Mr. Lion ay ang secret admirer ni Ren. At ang taong ito, palagay ko’y nakakapasok siya sa bahay. Baka nga nakakausap pa niya. Pero, kawawa naman si Ren. Nakaligtas kaya ang taong ito sa kung ano man ang nangyari sa kaniya? Para kasi akong nagbabasa ng isang sulat na mamamaalam na.



          Bigla naman akong nakarinig ng isang pinto na binubuksan, at mukhang ang pintuang iyun ay papunta sa likuran ng bahay. Dali-dali akong pumunta dito at nadatnan ko si Ren na nasa gilid ng pool, nakatayo. Huminto ako matapos malaman na siya lang naman pala ang nanggulat sa akin. Akala ko kung sino na.



          “Ren, malalim pa ang gabi. Dapat ay tulog ka pa ngayon,” tawag ko dito.



          Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay tiningnan lang niya ang bilog na buwan, at parang inaabot pa ito ni Ren gamit ang kaniyang mga kamay.



          “Ang ganda ngayon ng kalangitan. Pero ikaw, kailangan mo ng matulog. Halika na dito Ren. Bumalik ka na sa bahay para matulog,” sabi ko.



          Naalarma ako nang nagsimula na siyang maglakad papunta sa pool. At sa isang hakbang na ginawa niya, nahulog siya sa pool. Nagmadali akong lumusong sa pool para iligtas si Ren. Hindi naman ako masyadong nahirapan, pero nang bumalik na kami sa ibabaw, walang malay si Ren. Bumilis bigla ang puso ko at nag-alala sa kung anong mga pwedeng mangyari kapag wala akong ginawa. Agad akong nagsagawa ng CPR sa kaniya, lahat ng klase. Pagbibigay sa kaniya ng hangin sa bibig, pagpapalabas ng tubig sa kaniyang tiyan, lahat ginawa ko. Mabuti na lang at may lumabas na tubig mula sa kaniyang bibig hudyat na ligtas na siya sa panganib.



          Dumilat ang mga mata ni Ren, at kasabay ng pagdilat niya ay ang pag-agos ng kaniyang luha.



          “Kuya Joseph!” humahagulhol na sigaw ni Ren sabay yakap sa akin.



          “Tama na, okay ka na. Tumigil ka na sa pag-iyak,” pagpapatahan ko sa kaniya. “Ligtas ka na Ren, huwag ka ng umiyak.”



          Nang natigil na si Ren sa pag-iyak, kumuha agad ako ng tuwalya para pampatuyo sa aming dalawa. Pagkatapos ay sinamahan ko naman siya sa kaniyang kwarto para palitan ang kaniyang mga damit.



          “Kuya Joseph, n-nanaginip ako,” naiiyak pa rin na wika ni Ren.



          “Anong napaginipan mo?” tanong ko habang inaayos ang kaniyang damit.



          “M-May napanaginipan akong isang tao sa pool. N-Nakatayo siya doon, a-at may suot siyang maskara sa ulo, k-kagaya ng isang leyon. N-Nagtanong ako kung sino siya. W-Wala siyang isinagot. P-Pero iniabot niya sa akin ang kaniyang kamay. T-Tapos, hindi ako nag-isip na kinuha ko iyun.” Nagsimula na naman siyang umiyak. “T-Tapos, t-tapos, b-biglang dumilim at natakot ako.”



          Yumakap siya sa akin, at mukhang takot na takot siya sa kaniyang napanaginipan.



          “K-Kuya Joseph, n-natatakot na akong matulog. B-Baka, mangyari na naman iyung nangyari kanina sa akin. B-Baka mamaya-”



          “Shh, shh,” pagpapatahan ko sa kaniya. “Huwag ka ng mag-alala. Hindi na mangyayari iyun kaya tumahan ka na. Okay.”



          “P-Pero Kuya Joseph, natatakot talaga ako. P-Paano kung maulit na nama nang panaginip ko kanina kapag pumikit ako? P-Paano kapag nangyari na naman iyun?”



          Kumalas ako ng yakap sa kaniya. “Huwag kang mag-aalala. Nandito ako. Gusto mo, samahan ka ni Kuya Joseph mo matulog? Siguradong matatakot sa akin iyung bangungot kapag kasama ako. Ano? Gusto mo iyun?”



          “T-Talaga? S-Sasamahan mo akong matulog?”



          Ngumiti ako ng pilit. “Oo naman. Basta para sa kapatid ko. Sandali lang at magpapalit ako ng damit at, basang-basa din ako. Okay?”



          Tumango si Ren. Nang gabing iyun, sinamahan ko siyang matulog sa kaniyang kwarto at hindi na siya binangungot. Kaya nga lang sa magdamag, nanginginig siya, hindi dahil sa lamig ng kwarto niya, kung hindi dahil sa natatakot pa rin siya kahit na kasama niya ako. Nagpasya naman akong yakapin siya para maramdaman niya na kasama niya ako. Epektibo naman ang ginawa ko dahil hindi na siya nanginginig at nakatulog na siya ng mabuti.



          Kinabusan, pumunta ulit sila Allan at Larson sa bahay. Kahit na alam kong kailangan itawag sa Doktor ang nangyari, hindi ko na ginawa dahil alam ko na kung ano ang nangyayari. Unti-unti ng bumabalik ang mga alaala ni Ren.



          “Larson,” mahinang tawag ko dito.



          “Bakit?”



          Sinenyasan ko siya na lumapit sa mesa para kausapin ko. Umupo naman siya sa sofa katabi ko. Kiniwento ko sa kaniya ang nangyari kay Ren kagabi at bakit siya naglalakad ng tulog. Pagkatapos magkwento, sa ilalim ng mesa, kinuha ko ulit ang kahon na pinagtataguan ni Ren ng mga sulat ni Mr. Lion para sa kaniya. Pinabasa ko lahat ito kay Larson, at nagulat siya.



          “G-Gawa ito ni Mr. Lion, pero sino?” tanong niya sa sarili.



          “Kilala mo si Mr. Lion?”



          Tinupi ulit ni Larson ang isang sulat. “Oo naman. Ako at ang kakambal ko ang gumawa sa kaniya. Isa siyang helmet na may ulo ng leyon, tapos sinusuutan namin ng suit. Tapos sa loob ng helmet, may kakaiba itong boses na inilalabas kapag nagsasalita ka, at para hindi makilala ang taong may suot nito. Sa pagkakatanda ko, isa sa mga kababata ni Ren ang may hawak nung orihinal na Mr. Lion set. Maliban na lang kung...” Napaisip si Larson at tumayo. Tiningnan niya ang kabuuan ng bahay, pati ang mga CCTV ng bahay. “So hindi lang pala ako ang nakakapasok sa bahay na ito ng walang nakakaalam. May iba pa.”



          “Huh? Nakakapasok ka sa pamamahay ni Ren nang hindi niya alam?” gulat na tanong ko.



          Umupo ulit si Larson. “Oo, nakakapasok ako dito na hindi nalalaman ni Ren, suot-suot ang helmet ni Mr. Lion, pero hindi ako nagpapakita sa kaniya. At sinasabi ko sa iyo, mahirap kalaban si Ren pagdating sa seguridad ng kaniyang bahay.”



          “Pero, the fact na sinabi mong may nakakapasok sa bahay ni Ren, nag-aalala na tuloy ako sa seguridad namin. Baka masamang tao itong si Mr. Lion at, baka ang taong ito ang dumukot kay Ren.”



          “Pero sinabi nung nasa sulat na, huli na ito at hindi na siya magpapakita pa. Baka wala na talaga ang Mr. Lion na ito at hindi na magpapakita. Baka nga patay na siya. Ang sulat na ito,” Ipinakita sa akin ni Larson iyung sulat na mahaba. “mukhang namamaalam na. At Joseph, salamat at ipinakita mo sa akin ang mga sulat na ito. May ideya na ako kung sino ang posibleng gumawa nito.”



          “Sino?”



          “None of your business. Pero sisiguraduhin ko na magiging maayos ang lahat.” Tumayo si Larson at ibinalik ulit ang hawak niyang sulat sa kahon. “Babantayan ko na sila Allan at baka kung ano pa ang gawin ni Allan. At, itago mo na ito agad. Siguradong malulungkot si Allan kapag nakita niya ito.” Tinapik pa niya ang likod ko bago umalis.



          Ilang araw na ang lumipas, pasukan na muli sa Schoneberg Academe. Nakahabol na si Ren sa mga dapat niyang aralin, at tinuruan na siya ni Mama na magpigil sa kaniyang katalinuhan. Utos kasi iyun ni Mr. Schoneberg na hangga’t maaari ay magpigil si Ren dahil makakabuti ito sa kaniya. Hindi naman ito kinwestyon ni Mama.



          Kasalukuyang binibihisan ni Mama si Ren. Matapos ipasuot kay Ren ang uniform nito, inayos ni Mama ang kaniyang buhok. Bagama’t pinaalala ni Mr. Schoneberg na hindi dapat takaw-pansin si Ren, nag-insist si Mama na ayusin ang buhok nito. Pero sa opinyon ko, wala pa ring makakapansin si Ren dahil pangit mag-ayos si Mama ng buhok. Kaya si Ren ngayon, mukha talagang baby Rizal.



          “Pakabait ka doon sa school ha. Sundin mo iyung sinasabi ng Kuya Joseph mo,” pagpapaalala ni Mama kay Ren habang pinisil-pisil ang pisngi nito.



          Tumango-tango si Ren pahiwatig na oo ang sagot niya.



          “Mama, hinay-hinay lang sa pagpisil sa pisngi ni Ren. Baka lumobo,” saway ko dito.



          Tumayo si Mama at lumapit sa akin. “Nako! Selos ka lang kay Ren dahil gustong-gusto mo din magpapisil sa pisngi.” Pinisil din ni Mama ang pisngi ko.



          “Mama, tumigil na po kayo. Baka lolobo.”



          Natigil lang ang pagpisil ni Mama nang nakarinig kami ng busina ng sasakyan. Heto na iyung sasakyan para ihatid kami.



          “Ayan na iyung sasakyan. Kiss ko?” Ngumuso si Mama at itinuro ang kaniyang pisngi.



          Nag-alangan ako bigla kung hahalikan ko ba si Mama sa pisngi. Masyado na kasi akong matanda para gawin ang bagay na iyun. Pero si Ren, walang hiyang hinalikan si Mama sa pisngi at lumabas na para sumakay. Wala na rin akong nagawa kung hindi halikan din si Mama sa pisngi at tumakbo na din palabas. Mabuti na lang at walang nanonood habang ginagawa ko iyun. Kasalanan ito ni Ren. Simula noong inalagaan namin si Ren, gustong magpa-sweet lagi ni Mama. Ako naman iyung anak niyang selos na selos dahil si Ren ay go lang ng go. Hindi pa rin niya siguro nare-realize na nakakahiya ang ginagawa niya.



          Bago pa kami pumunta sa aming mga classroom, dumiretso kami ni Ren sa Music Room. Dito, nadatnan ko sila Paul at Geo na naghahalikan. Bago pa makapasok at makita si Ren, isinarado ko agad ang pintuan. Nagtaka naman si Ren kung bakit ginawa ko iyun.



          “Maghintay ka diyan, pwede?” sabi ko sa kaniya.



          Ilang segundo ang lumipas, binuksan ko ulit ang pintuan. Pero patuloy pa rin sila sa paghahalikan kaya isinara ko na naman ulit ang pinto.



          “Paul, may inosenteng bata dito. Tigilan niyo iyan,” sabi ko habang naka-awang ang pinto.



          “Joseph naman kasi. Bakit ba ang aga mo?” naiinis na tugon ni Paul. “At sino naman iyang kasama mo na inosenteng bata? May pre-school bang nag-aaral dito?”



          “Okay na. Pasok na,” sabi ni Geo.



          Binuksan ko na ang pintuan at pumasok kaming dalawa ni Ren. Nadatnan namin sila Paul at Geo na maayos na nakaupo sa sofa. Nagkatinginan naman sila Ren, at hindi umimik sa isa’t isa. Maya-maya ay tumawa si Paul.



          “Inosenteng bata? Akala ko naman kung sino. Si Ren lang naman pala,” natatawang sabi ni Paul.



          Tumayo si Geo at lumapit kay Ren. “Hi Ren. Ang tagal na nating hindi nagkita.”



          Bago pa man makalapit ng tuluyan si Geo, nagtago si Ren sa likuran ko habang nakahawak sa kaliwang bisig ko. Natakot siguro siya dahil sa paglapit ni Geo, kagaya noong unang beses na lumapit sa kaniya sila Allan at Larson.



          Nagtaka naman ang dalawa dahil sa inasal ni Ren. Sinubukan ulit lumapit ni Geo, pero lumipat si Ren at tumungo sa kanang bisig ko. Palipat-lipat naman ang tingin sa akin ng dalawa. Nag-iisip kung ano ba ang nangyayaring ito at bakit ganito umasta si Ren? Marahil, nakuha na nila kung ano ang gusto kong sabihin kanina. Marahil ay naisip na nila na may amnesia si Ren kaya umaakto siya ng ganito.



          “Kayo na bang dalawa ni Ren?” hula ni Paul.



          “Mukha bang para kami sa isa’t isa?” naiinis kong tugon.



          “Pwede. Bagay naman kayong dalawa. Hindi ba, Geo?”



          Mukhang sasagot pa sana si Geo nang tiningnan ko ito ng masama dahilan para mapipi siya.



          “Ren, ipapakilala kita sa mga kaibigan mo. Ayan si Geo, classmate mo,” turo ko kay Geo. “at iyung nakakatakot na taong iyun ay si Kuya Paul.” Tinuro ko naman si Paul. “Ren, magsalita ka, batiin mo sila.”



          Kahit natatakot, sinubukang umusog ni Ren sa kanan ko para makita siya ng dalawa. “G-Good morning po, Kuya Paul. Good morning din, Geo,” bati niya sa dalawa sabay tago ulit sa kanang bisig ko.



          “Ahh! May amnesia si Ren,” sabi ni Geo sa sarili.



          “Ha?! Hindi nga?!” hindi makapaniwalang sabi ni Paul. “Paano? Anong nangyari? Nabagok ba ang ulo niya?!”



          “Ren, lapit ka kay Geo. Hindi ka naman kakainin niyan. Mukha ba siyang monster?” tanong ko sa kaniya. “Friend mo iyan. Huwag ka ng magtago diyan sa likod ko.”



          Dahan-dahan, lumapit si Ren kay Geo. Natuwa naman si Geo at sinamahan si Ren papunta sa mga instrumentong makikita sa Music Room. Ako naman ay umupo sa sofa at ipinaliwanag kay Paul ang mga nangyari kung bakit naging ganoon si Ren. Isa-isa naman na nagsidatingan ang mga ka-banda, at isa-isa ko din silang ipakilala kay Ren, maliban kila Aldred at Blue na hindi pa rin dumarating sa Music Room. Masyado kaya kaming maaga na dumating.



          Katulad ni Paul, nagtaka sila kung bakit, at paulit-ulit na kiniwento ko ang mga nangyari nitong bagong taon, at ang tunay na dahilan kung bakit nalipat sa Pebrero ang pasukan ng Schoneberg Academe. Habang ikinikwento ang mga nangyari kay Ren, biglang nagkaroon ng interes sila Jonas at Nicko sa nangyari sa kaniya.



          “Akala ko naman, nawala ang mga alaala ni Ren dahil sa paghihiwalay nila ni Kei,” sabi ni Jonas.



          “Huh? Alam mo iyung sakit ni Ren?” tanong ko sa kaniya.



          “Hindi sila masyadong close ni Ren kaya hindi niya iyun alam,” sabat ni Nicko.



          “So, kumusta ka sa pag-aalaga mo sa kaniya nitong mga nakaraang araw?” tanong ni Ethan.



          “Okay naman. Hindi siya ganoon kahirap alagaan. Hindi lang ako sanay na humahawak siya sa kamay ko kapag natatakot. Kapag kasi may biglang humahawak sa bisig ko, akala ko ay fangirl ko pala. Iyun pala, si Ren lang,” paliwanag ko. “Oo nga pala. Nakatira kami sa bahay niya. Napakalaki nung bahay. Mag-isa lang pala siya na nakatira doon. At marami siyang console games.”



          Bumukas ulit ang pintuan ng Music Room, at niluwa nito sila Blue, at Aldred. Sakto naman na nasa pintuan si Ren, dahil sa naglalaro sila ni Geo ng habul-habulan. Hindi ko alam kung anong meron, pero nang nagtagpo ang paningin ni Aldred at Ren, dali-dali naman itong lumapit kay Geo at nagtago sa likod niya.



          “Kuya Joseph, tulong. Nakakatakot na tao. Nakakatakot na tao,” sabi ni Ren habang tinuturo si Aldred mula sa likuran ni Geo.



          Naguluhan iyung dalawa dahil sa inasal ni Ren. Bahagyang humakbang papalapit si Aldred, at dali-dali namang umalis si Ren sa pwesto niya. Pumunta siya sa akin at yumakap sa akin ng mahigpit habang umiiyak. Anong ginawa sa kaniya noon ni Aldred at takot na takot siya dito?



          “Okay. Okay. Huwag ka ng umiyak at huwag diyan sa uniporme ko,” pagpapatahan ko kay Ren. “Uumbagan ko iyang si Aldred kapag sinaktan ka. Tama na. Tama na. Huwag ng umiyak.” Nakakasira din pala ng imahe itong si Ren.



          Binigyan ko ulit ng isang round ng paliwanag ang dalawa sa mga nangyari nitong nakaraang araw. Bakit ba naman kasi ngayon lang sila dumating, ilang minuto na lang at pasukan na?



          Nang oras na ng pasukan, isa-isa naman na umalis ang mga ka-banda ko. Habang lumalabas sila ng Music Room, ginagaya naman nila si Ren kung paano magsalita at kung paano ito magsalita noong nakita si Aldred. Nainis naman ako dahil sa ako iyung inaasar nila. Kalma lang Joseph, kalma lang. Hindi mo habang buhay na aalagaan si Ren kaya kalma lang, kalma lang.



          Nang kami na ang lalabas, kinausap ko si Geo.



          “Basta, kapag oras ng recess niyo, lunch break, vacant, pumunta ka dito sa Music Room. At iyung mga pinagbilin sa iyo ni Mama, huwag na huwag mong kalilimutan,” bilin ko kay Ren. Alam mo naman iyun siguro hindi ba?”



          Tumango-tango si Ren bilang pagsunod sa mga sinabi ko.



          “At ikaw Geo, kung may iba kang pupuntahan at gusto mong dalhin si Ren, huwag mong iwawala ang tingin mo sa kaniya. Yari tayo nito sa Ninong niya kapag naiwala mo siya. At kung ayaw mo siyang isama, iwanan mo siya dito sa Music Room. At kung walang tao, wala kang magagawa kung hindi samahan mo siya. Pupunta din agad ako dito kapag vacant ko, o break para magtao dito sa room,” bilin ko naman kay Geo.



          “Okay. Walang problema, Kuya Joseph,” tugon ni Geo na ginagaya kung paano magsalita si Ren.



          Sinamaan ko naman ito ng tingin. “Huwag mo ng uulitin iyan.”



          Tumalab naman ang tingin ko kay Geo. “Tara na Ren. May pasok pa tayo,” sabi niya habang palabas ng room. Hinawakan niya ito sa pulsuhan.



          Okay, mukhang ayos na ang lahat. Oras na para simulan ang sarili kong buhay ngayon.



Allan’s POV



          Habang kasabay si Alexis, pumunta na kami para sa una naming klase. Nadaan naman namin sila Geo at Ren na papunta na din sa una naming klase. Dumaan kami sa harapan nila. At gaya ng inaasahan, sinunod ni Ren ang sinabi ko na sa school ay hindi kami magpapansinan. Dahil iyun nga, iyun ang gusto ng kaniyang Ninong. At sino ba iyung nag-ayos ng buhok niya? Bakit medyo mahaba pa rin ang buhok ni Ren? Mabuti na lang at walang patakaran ang school na ito para sa tamang sukat ng buhok.



          Habang papunta sa una naming room, nadaanan ko ang classroom ng magiging unang klase ni Kei. Tumigil ako saglit para tingnan kung asaan ba siya. Nang hindi siya nakita, nag-antay pa ako ng isang minuto at baka magpakita na siya. Wala pa rin.



          “Allan, sino ba ang hinihintay mo?” tanong ni Alexis. “Tara na. Malapit na kaya tayong ma-late sa klase natin.”



          “Tara na,” nasabi ko na lang.



          Ilang oras ang lumipas, muli ko namang pinuntahan ang mga kwarto sa susunod na klase ni Kei. Wala din akong nakita, kahit iyung asawa niya ay hindi ko mahagilap. Bakit kaya? Lumipat na ba sila ng college? Kung lumipat nga, mabuti. Wala na iyung mga existing kung karibal kay Ren. Magandang balita ito. Dapat ay mag-celebrate ako.



          “Tara Alexis. Libre kita ng pint,” yaya ko dito nang natapos na akong tumingin sa classroom at nagsimula na ulit lumakad papuntang cafeteria.



          “Wow? Talaga? Anong meron?” tanong niya habang sumusunod.



          “Wala naman. Nararamdaman ko kasi na oras na para mag-ice cream tayong dalawa. Anong masasabi mo?”



          Ngumiti si Alexis. “Maganda iyan. Tara.”



          Habang naglalakad papunta sa cafeteria, nasalubong ko naman si Larson na palinga-linga habang naglalakad. Nang nakita kami ni Alexis, tumigil naman ito sa harapan namin.



          “Anong ginagawa mo dito?” agad na tanong ko.



          “Wala naman,” tugon niya agad. “May hinahanap lang ako at wala akong kailangan sa iyo ngayon. Oi, Alexis, umitim ka ata? Kumusta iyung beach na pinuntahan ng pamilya ninyo?”



          “Alexis, una ka na kaya sa cafeteria para i-reserve mo agad tayo ng lugar,” utos ko dito. “May pag-uusapan pa kami nito.”



          “Okay. Bye Kuya Larson,” paalam ni Alexis bago pa tumuloy sa cafeteria



          “Kung hinahanap mo si Gerard, palagay ko, nandoon siya sa Library ngayon,” sabi ko.



          “Ahh? Ganoon ba? Tss! Hindi si Gerard ang pinunta ko dito. Si Ren. Asaan ba siya? Hindi ka ba nakabuntot sa kaniya na parang aso?”



          “Hindi dahil ganoon ang usapan namin. Walang pansinan. Baka kapag kinausap ko siya ay bigla siyang mapansin ng ibang tao. At kung si Ren nga ang hanap mo, try mo doon sa lugar ng Music Room. Doon iyun siguradong naglalagi.”



          “Salamat sa tip. Alis na ako,” paalam ni Larson.



          Nang umalis na si Larson, tumuloy na ako papuntang cafeteria.



          Ilang oras ang lumipas, natapos na ang last period namin. Ngayon naman, naglalakad na kami ni Alexis papunta sa Basketball Club.



          Umarte ako bigla na sumasakit ang ulo. “Alexis, tumigil nga muna tayo. Ang sakit ng ulo ko.”



          Huminto si Alexis at tumingin sa akin. “Aba, kung masakit pala ang ulo mo, huwag ka munang pumunta sa practice. Balita ko, dodoblehin ni Marcaux ang pag-eensayo ngayon dahil muntikan na tayong matalo ng Bourbon Brother’s University.”



          “Oo nga eh. Ang galing kasi nung Jin, at, Zafe ba iyun? Partida, wala iyung isa pang magaling na si Ricky. Tiyak na talo talaga tayo kapag nagsama iyung tatlo,” pagsang-ayon ko.



          “Gusto mo, i-excuse kita kay Marcaux? Pagbibigyan ka naman siguro nun dahil, naipanalo niyo naman iyung game,” alok ni Alexis.



          “Aba, dapat lang. Hindi pa kaya sapat sa akin iyung long vacation natin.” Kunyaring hinaplos-haplos ko ang aking mga paa at kamay. “Ang sakit-sakit pa rin kaya ng katawan ko dahil sa larong iyun.”



          “Sige, ipagpaalam na kita kay Marcaux. Uwi ka na agad at nang makapagpahinga ka.” Lumakad na muli si Alexis.



          “Salamat ha. Sabihin mo, pramis. Babawi ako,” pahabol ko.



          Nang hindi ko na makita si Alexis, bumalik ako sa dating sarili at maingat na pumunta sa Music Room. Sasamahan ko ngayon si Ren na ihatid siya pauwi.



          Nang pumunta ako sa Music Room, nadatnan ko silang dalawa ni Joseph na naghihintay. Pagkasara ng pinto ay agad namang lumapit sa akin si Ren, at tuwang-tuwa na niyakap ako.



          “Pa-kiss nga si kuya?” sabi ko kay Ren.



          Gaya ng dati, agad naman itong humalik sa aking labi.



          “Tama na iyan,” saway ni Joseph. “Ngayong andito ka na, alis na tayo. Ikaw lang pala ang hinihintay nitong si Ren.”



          Pumunta na kami sa parking lot. Nakasakay na kaming lahat nang biglang may naalala si Joseph.



          “Ay! Shit! Naiwan ko iyung phone ko,” sabi ni Joseph. “Asaan kaya iyun?”



          “Baka nasa Music Room, naiwan mo,” suhestyon ko.



          “Baka nga. Sandali lang at antayin niyo ako. Babalik ako sa Music Room para kunin iyung phone ko. Allan, iyang si Ren, bantayan mo,” bilin niya.



          “Opo. Babantayan na po,” sarkastikong sabi ko. “Ren, behave kang umupo diyan.”



          Ilang segundo ang lumipas, bigla akong napatingin sa labas ng bintana at nag-isip kung ano ba ang dapat kong gawin ngayong baka wala na talaga si Kei sa eskwelahan. Malapit na ang Valentine’s Day. Ano ang gagawin ko? Papayag kaya ang Mama ni Joseph? Sa summer break, ano kaya ang gagawin namin? Sa paparating na mahal na araw, sa birthday niya, sa liga namin, sa susunod na Battle of the Bands, Halloween, pasko, bagong taon? Ano kaya ang gagawin namin? Nako! Dapat ay magplano na ako dahil tiyak, magiging masaya ito ngayong wala na si Kei dito sa eskwelahan. Pagkatapos, ipapakilala ko na siya kay Mama, magpapakasal agad kami, gagawa ng magagandang memories, at kung ano-ano pa. Ay! Hindi ko ito kaya! Kinikilig ako masyado dahil sa napakadali lang ng mga bagay-bagay, at pumapabor ang lahat sa akin. Sure naman akong walang magkakagusto bigla kay Ren ngayon. Pero kakayanin ko ito. Tsaka Allan, marami ka pa namang oras para mag-isip. Chill lang. Chill.



          “Hoy, Allan?! Asaan si Ren?!” sigaw ni Joseph.



          Naputol ang pag-iisip ko nang nilingon ko si Joseph na nakadungaw sa bintana. “Huh? Si Ren? Nandito lang?”



          Sinamaan ako ng tingin ni Joseph. Bigla akong nanlamig nang hindi ko nakita si Ren sa harapan ko. Patay. Sa kakaisip ko, hindi ko na namalayan na umalis si Ren. Patay!



          “Manong driver, nakita niyo ba si Ren na lumabas dito?!” pasigaw ulit na tanong ni Joseph.



          Umiling naman ang driver, at mukhang busy pa ito sa paglalaro sa cellphone nito.



          Sasabog sana sa galit si Joseph, kaya lang ay pinigilan niya ang sarili niya. Bumuntong-hininga siya ng maraming beses, at kalmadong tiningnan ako.



          “Ikaw na dapat nagbabantay sa kaniya ngayon, lumabas ka diyan at ngayon din, hanapin mo si Ren. Huwag kang babalik sa kotseng ito hangga’t hindi mo siya nahahanap, naiintindihan mo? At kung nahanap mo na si Ren, bumalik kayo agad dito at i-text niyo ako sa phone para makauwi na tayo. At Allan, magdasal ka na hindi ako ang unang makahanap kay Ren dahil kapag nahanap ko siya, ako mismo ang magiging hadlang sa pagmamahalan ninyong dalawa, at hindi kayo magkakaroon ng happily ever after kagaya ko. Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi ko?” tanong niya habang nakaturo ang mga kamay sa akin. “Naiintindihan mo ba?!” sigaw niya nang hindi ako sumagot.



          Imbes na sumagot, lumabas agad ako sa kotse at sinimulan ng hanapin si Ren. Nako! Hindi maganda ito. Mukhang seryoso pa naman si Joseph sa mga sinasabi niya kanina. Kailangan maunahan ko talagang mahanap si Ren.



          Pinuntahan ko ang mga lugar na posibleng puntahan ni Ren. Sa Music Room, nadatnan ko sila Jonas at Nicko.



          “Pumunta ba dito si Ren?” mabilis na tanong ko.



          “Hindi siya nanggaling dito,” sagot ni Nicko.



          Agad na sinara ko ang pintuan ng Music Room at naghanap agad sa posibleng puntahan ni Ren. Pinuntahan ko ang library kung saan madalas siyang pumupunta, pero wala din siya doon. Pumunta ako sa cafeteria at baka bumili lang ng pagkain si Ren, pero wala din siya doon. Sa kada-segundong dumadaan, natatakot ako na hindi ko mahanap si Ren at pumunta na ito sa kaniyang Kuya Joseph. Kahit na napakagandang bagay iyun, masyadong bitter ngayon si Joseph kaya dapat ay ako talaga ang maunang makahanap kay Ren ngayon.




          Ilang segundo ang nakakaraan sa paghahanap, nakita ko si Joseph na naghahanap pa rin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi pa ako natatalo. Bigla ko naman naisip na baka pumunta si Ren sa isa sa mga CR ng eskwelahan dahil naiiihi na siya. Ginalugad ko naman ang buong CR ng eskwelahan hanggang sa nakita ko siya. At nanlamig ako dahil hindi siya nag-iisa nang nakita ako. Hindi maaari.



          Nakita ko si Ren na lumabas sa isang CR, kasama ang isa pang tao na ayaw na ayaw kong makita, katabi man, o kasama niya. Itong tao pa namang ito ang nagwasak sa nakaraang puso ni Ren. Si Keifer Salvador.



          “Kuya Allan,” tawag sa akin ni Ren habang patakbong lumalapit sa akin.



          Lumapit agad si Ren at hinawakan ko agad ang kaniyang kamay. “Narito ka lang pala sa CR. Bakit hindi ka nagpaalam sa akin na magsi-CR ka? Nag-alala tuloy kami ni Kuya Joseph mo kung ano ang nangyari sa iyo. Baka napaano ka na,” sabi ko kay Ren habang nakatingin kay Kei. Ang taong ito, nakangisi habang tinitingnan ko.



          “Ren, bakit hindi ka nagpaalam sa mga nakakatanda sa iyo?” tanong ni Kei. “Masama iyang ginagawa mo. Sa susunod, magpaalam ka sa kanila bago ka pumunta sa kung saan-saan. Pinag-alala mo tuloy ang Kuya Allan, at ang Kuya Joseph mo. Ngayon, humingi ka ng tawad sa kanila.”



          “Pasensya na po, Kuya Allan kung hindi ako nagpaalam sa inyo. Sa susunod, magpapaalam na po ako,” inosenteng paghingi ng dispensa ni Ren. “Pasensya na talaga.”



          “Okay lang, okay lang. Tara na. Umuwi na tayo at nag-aalala na si Kuya Joseph mo sa iyo,” sabi ko.



          Agad na hinawakan ko ang kamay ni Ren, at dali-daling umalis sa lugar na iyun. Nagkamali ako. Nandito pa pala si Kei.



          “Sa susunod, huwag mo siyang iwawala sa paningin mo! Baka kung ano ang nangyari kapag nalingat ka, Allan! Itali mo siya sa iyo kung gusto mo! Hindi masama iyun! At iyung pag-aantay mo sa classroom ko kung nag-e-exist pa rin ako, maganda iyun!” nang-aasar na pahabol ni Kei habang naglalakad kami paalis.



          Napalingon ako pabalik upang tingnan si Kei. Nakita ko ito na nakangisi habang hinaharap nito ang mukha sa pasalungat na direksyon. Kahit hindi ko nasaksihan ang pagkikita ni Ren, at Kei, mukhang alam niya na na-amnesia si Ren. At alam din niya na hinahanap ko siya sa classroom niya. Bukod pa roon, ang mga sinasabi niya na halos pasigaw, na okay lang na marinig ng asawa niya. May gusto pa rin siya kay Ren? Pero hindi ba, may asawa na siya? Maliban na lang kung, naghiwalay ang dalawa? Hindi maganda to.



ITUTULOY…

8 comments:

  1. Next chapter plssssssssssszzz

    ReplyDelete
  2. Next chapter na plsssssssssss


    Mj10311987

    ReplyDelete
  3. Di ba Patay na si Kiefer?

    ReplyDelete
  4. Where chapter 49 plssssss update agad plssssssssssss

    ReplyDelete
  5. Thanks so much again.
    Welcome back mr authot.
    -jomz r-

    ReplyDelete
  6. Na hilo2x ako sa chapter na ito

    ReplyDelete
  7. buhaaaaay ngaaaaaaa....,

    ReplyDelete
  8. ang tagal kong hinintay ang pagbabalik ni rin..haha..halos mag iisang taon na rin..sana tuloytuloy na..first time kong mag comment..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails