Followers

Saturday, September 16, 2017

Loving You... Again Chapter 57 - Disclosure





  



Author's note...



Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila. Pati na rin po pala iyung mga kanta.

Hello po sa inyong lahat! Heto na po ang Chapter 57! Bukas, hindi niyo na mamamalayan at nandito na ang Chapter 58! Chill chill lang po tayo! :D






Book 1: | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |


Book 2: | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 |
 
37 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 |

Book 3:
47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 54 | 55 | 56 |








Chapter 57:
Disclosure





































































Joseph's POV



          Halos inaantok na ako habang nagle-lecture iyung professor namin tungkol sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa kursong kinukuha ko. Psychopath, sociopath, megalomaniac, napaka-delikado talaga ng mga ganitong uri ng tao. May mga kaibigan ba akong ganoon? Hmm, wala. Mabuti naman.



          Sa kalagitnaan ng leksyon, lumakad si Divine habang hawak-hawak nito si Ren sa kaniyang pulsohan. Hay! Isang normal na araw na naman. Teka lang?! Lumalakad si Divine habang hawak-hawak nito si Ren?



          “Okay class. Magkakaroon muna tayo ng short quiz tungkol sa mga pinag-aralan natin ngayon," anunsyo ng prof namin. Ay! May quiz! Pambihira! Bahala na muna sila! Grades ko muna ang uunahin ko bago sila problemahin!



          Nang natapos na ang klase, tinawagan ko agad si Allan. At hindi ako sinagot. Nasa likuran ko lang pala.



          “Anong ginagawa mo? Bakit nahuli siya ni Divine?" tanong ko.



          “Nag-CR siya bigla, sinundan ko siya, at ayun na nga. Kinakaladkad na siya ni Divine kung saan man siya pinunta," paliwanag niya.



          “Kinaladkad?"



          “Hyperbole, Joseph. Hyperbole."



          Binunot ko ang aking phone at nag-dial.



          “Sinong tatawagin mo?" tanong niya.



          “Iyung employer namin," sagot ko. “si Mr. Schoneberg. Titingnan ko kung may magagawa siya dito." Sinagot agad ni Mr. Schoneberg ang phone niya. “Manahimik ka muna Allan. Mr. Schoneberg, magandang araw po. Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Nahuli na ni Divine si Ren."



          “Nahuli? May ginawa bang masama si Ren sa academe?" tanong ni Mr. Schoneberg.



          “W-Wala naman po. Napakabait nung inaanak ninyo. Nakakainis iyung pagiging mabait niya. Bale ang nangyari po, 'di ba nung last month ba iyun, nakipag-fencing si Ren kay Divine at nanalo siya. Nagkaroon na naman siya ng bagong nickname bilang ‘Mystery Fencer', tapos naghinala na si Divine na baka si ‘Mystery Man' at ‘Mystery Fencer' ay iisa. Ano na po ang gagawin namin ngayon?"



          Rinig kong bumuntong-hininga si Mr. Schoneberg sa kabilang phone. Pakiramdam ko, naglalakad siya ng paroon, parito, at hindi mapakali sa mga nangyayari. Gagamitin niya kaya ang kaniyang kapangyarihan bilang may-ari ng eskwelahang ito? Nako! Siyempre naman. Si Ren na kasi ang pinag-uusapan dito. Imposibleng hindi niya gagawin iyun.



          “Wala kayong gagawin," sa wakas ay kalmadong sagot din niya.



          Binigyan ko si Allan ng nagtatanong na tingin. “Huh? Pakiulit po?"



          Rinig kong humugot ulit siya ng malalim na hininga. “Yes, Joseph. Narinig mo ako. Wala kayong gagawin."



          “Pero kapag wala po tayong gagawin, ibubulgar natin si Ren sa eskwelahan." Ano kaya ang rason sa likod ng desisyon niya?



          “It's okay, Joseph. Hindi ko na dapat itinatago si Ren."



          “Pwede niyo po ba akong paliwanagan kung bakit?"



          Humugot ulit siya ng buntong-hininga. “Okay. Ganito. Nitong araw lang, may natanggap akong isang magandang balita para kay Ren. Iyung mga taong naghahanap sa kaniya na gagawan siya ng masama, namatay na silang lahat," paliwanag ni Mr. Schoneberg.



          Napatulala ako sa paliwanag niya. Ang bigat naman nung sinasabi ni Mr. Schoneberg. ‘Iyung mga taong' ‘gagawa ng masama kay Ren', 'patay' na ‘silang lahat'. Hay! Iyung pinapabantayan sa amin ni Mr. Schoneberg ay- okay! Wait, patay na silang lahat. Okay! Good! Patay na silang lahat! Iyung mga problema sa buhay ko, kailan kaya silang lahat mamamatay?



          “Kaya hindi na dapat itinatago si Ren. Kung itatago ko pa siya, sooner or later, mangyayari na naman ang bagay na ito," dagdag paliwanag pa niya. “Although, iyung tungkol sa kakayahan ni Ren sa teknolohiya, iyun talaga ay hindi na dapat makalabas pa. Wala na akong pakialam kung mag-artista pa si Ren o kung ano, makilala na siya ng lahat. Kasi ngayon, ang mundo na ginagalawan ni Ren ay hindi na ganoon ka-delikado. Nakuha mo ba ang sinasabi ko?"



          “So, iyung pag-aalaga namin kay Ren, tapos na ba?"



          Sumimangot si Allan. “Bakit ganyan na ang mga tinatanong mo?" naguguluhan niyang tanong.



          Rinig kong humalakhak ng konti si Mr. Schoneberg sa kabilang linya. “Nice try, Joseph. Pero hindi ikaw ang magpapasya niyan kung hindi ang Mama mo." Shit! Si Mama pa pala ang magdedesisyon! Paano kung panindigan ni Mama ang pagiging Nanay kay Ren?



          “Ibababa ko na ang phone. May meeting pa ako. Magandang araw," paalam ni Mr. Schoneberg saka ibinaba na ang telepono.



          “Ohh? Anong sabi ni Mr. Schoneberg?" tanong ni Allan.



          “Wala daw tayong gagawin," kaswal na sagot ko habang binabalik ang phone sa bulsa.



          Nanlaki ang mata niya. “H-Hindi pwede iyan!"



          Naglakad na ako sa ruta papuntang Music Room.



          “Joseph, saan ka pupunta?" tanong ni Allan.



          “Wala namang problema dito kaya magsi-siesta na ako. Kung may problema sa paglalantad ni Ren sa school, ikaw na lang ang umayos. Bye!" kaway ko.



          Humikab ako. Wah! Inaantok talaga ako ngayon. Masarap mag-siesta ngayong araw na to.



Allan's POV



          Wala man lang akong magawa habang nakatingin kay Joseph na naglalakad papalayo sa akin. Wala daw siyang gagawin sa nangyari ngayon kay Ren. Wala, as in wala! Paano ito? Anong gagawin ko? Hindi pwede ito! Kailangan may gawin ako.



          Sa paglalakad ko papunta sa student council, nadaanan ko si Keifer. Mukhang kakatapos pa lang niya sa trabaho niya para sa araw nito. Teka, bakit parang napakabilis ng shift niya? Nako! Hindi ko alam kung paano gumagana ang trabaho sa eskwelahang ito.



          Kinapalan ko ang mukha ko. “Keifer," tawag ko sa kaniya.



          Huminto siya at nilingon ako. “Bakit?" Iyung mata niya, hindi masigla. Binababaan ba niya ako ng tingin?



          “Kay-kailangan ko ang tulong mo," nahihiya kong sabi. “para kay Ren."



          Inaasahan ko na mag-iiba ang timpla ng tingin niya sa akin. Pero ilang segundong pagtitig ko sa kaniya, wala itong pinagbago. Hindi man lang ba siya interesado sa sinasabi ko?



          Bumuntong-hininga siya. “Anong tulong?" payak na tanong niya.



          Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. “Teka, interesado ka ba o ano? Bakit napaka-plain ng emosyon mo? Parang hindi ikaw iyung nakipag-away sa akin kanina."



          “Gusto mo bang suntukin kita para magbigay ng punto?" banta niya pero hindi sa pagalit na tono. Inangat ni Keifer ang kaniyang kamao, pero ibinaba niya na para bang hindi talaga siya seryoso sa binabanta niya. “Magsalita ka lang. Titingnan ko ang magagawa ko."



          “Okay, okay. So, si Ren, nahuli na ni Divine. Kailangan ko ng tulong ng kahit na sino para hindi mangyari ang mangyari."



          Nag-isip muna si Keifer. “Gaya ng?"



          Tiningnan ko lang siya ng diretso. “Keifer, baka hindi mo narinig ang sinabi ko? Nahuli na ni Divine si Ren."



          “Okay? Tapos?" Hindi niya ba naririnig ang sinabi ko?



          “Baka ipakilala ni Divine si Ren sa buong school at marami ang magkakainteres sa kaniya. Siyempre, bilang mga suitor, ayaw nating mangyari iyun."



          “May punto ka doon." Naririnig nga niya talaga ako?



          “Tapos Patrick, tinawagan ni Joseph si Mr. Schoneberg para kunsultahin siya. Ehh naging resulta, walang gagawin si Joseph. Ibig sabihin, wala ng pakialam si Mr. Schoneberg kung magiging sikat si Ren sa buong school."



          “Teka, sino si Patrick?" tanong niya. Na-realize naman kung sino iyun. “Ohh! Ito na ba ang mga tawag natin sa isa't isa. Hindi bagay." Kilala niyo na iyun kung sinong Patrick iyun.



          “Keifer, focus."



          “Ohh! Sige. If that's the case, hayaan na lang din natin."



          Hindi ako makapaniwalang tiningnan si Keifer. “Excuse me?!"



          “Bakit ba? Hindi ba kapag ganoon, hindi na tayo mahihirapan na itago siya dahil hindi na siya magtatago."



          “Tapos sinasabi mong may punto ang sinasabi ko kanina na hindi maganda ang malantad siya, dahil bilang mga suitors-" Napakamot na lang ako sa ulo at hindi itinuloy ang aking sinasabi.



          “Hay! Nako, Allan, parang hindi natin kilala si Ren. Alam naman nating dalawa na ako ang gusto ni-"



          Bago pa man matapos ang sinasabi ni Keifer, bumagsak ang kaniyang katawan. Gumana naman iyung reflexes ko at nasalo siya agad.



          “Hoy, Keifer, gaba sa imuha!" (“Hoy, Keifer, buti nga sa iyo!") sampal ko sa mukha nito.



          Siniyasat ko ang kalagayan niya. Medyo mainit ang katawan niya. Sinisinat, nilalagnat, o kung ano, hindi ko alam.



          Sa wakas ay nakarating din ako sa clinic. Sakto naman na may tao kaya tinulungan ako nito na ihiga si Keifer.



          “Anong nangyari sa kaniya?" tanong sa akin ng lalaking nurse.



          “Nahimatay. Medyo mainit din siya," salaysay ko.



          Siniyasat agad siya ng nurse. isinaksak na muna nito ang thermometer sa kili-kili niya. Ilang minuto ang nakalipas, lumabas na ang resulta ng thermometer. Medyo mataas ang temperatura ng katawan niya. Ano ba ito? May problema ako kay Ren, problema pa itong si Keifer.



          “Okay lang po ba siya?" tanong ko sa nurse.



          “Medyo mataas ang temperatura niya, pahinga lang ang kaniyang kailangan," paliwanag ng nurse. “Ngayon, ano ba ang gagawin ko? Ahh! Nakita mo ba ang ID niya? Tawagan natin iyung guardian niya para maipasundo siya. Teka, kilala mo ba ang guardian niya?"



          “Hindi ko po siya kaibigan," sabay naming sabi ni Keifer.



          Nilingon ko si Keifer. Gising siya pero parang gusto pa niyang matulog. May dinudukot ito sa bulsa niya at ibinigay sa nurse. Iyung ID niya pala iyun.



          “Okay. Keifer, pahinga ka muna saglit. Tsaka uminom ka muna ng ilang gamot para hindi lumala iyang nararamdaman mo. Tawagan ko lang ang guardian mo," payo ng nurse. Iniwan kami nito sa kwarto.



          “Talaga? Hindi tayo magkaibigan?" sabay naming tanong sa isa't isa. Obvious ba? Hindi naman talaga.



          “Ano ba iyan? May problema pa ako kay Ren, poproblemahin pa kita. Diyan ka na nga."



          Aalis pa sana ako nang hinawakan niya ang pulsuhan ko. Medyo may pwersa ang pagkakahawak niya. Sandali nga, may sakit ba talaga ang taong ito?



          “Dito ka lang, panoorin mo akong matulog. Antayin mo ang guardian ko," sabi niya.



          “Talaga, Keifer? Papanoorin pa kitang matulog?"



          “Kapag ako talaga, bumangon, susuntukin kita hanggang sa hindi ka na magustuhan ni Ren," banta na naman niya pero galit na galit talaga siya.



          “Isusumbong kita sa mga pulis."



          “Ipapaputol ko iyang ari mo."



          “Ay! Ano laro natin ngayon? Bantaan?"



          “Papatayin ko Mama mo," banta pa rin niya.



          “Patayin na lang kita dito hanggang mahina ka pa."



          Sinubukan kong iwaksi ang kamay niya sa pulsuhan ko. Okay, hindi talaga bumibitaw. At isa pa, at isa pa, at isa pa. Ayaw talaga bitawan ni Keifer ang mga kamay ko. Pumapalag-palag pa rin siya kahit may sakit.



          “Oo na! Uupo ako at panonoorin kitang matulog!" sigaw ko sa kaniya.



          Bumalik ang nurse sa kwarto namin. “Keifer, tinawagan ko na ang emergency contact mo. Wait ka lang daw. Parating na siya. At heto na ang gamot ng mga kailangan mong inumin." Ipinainom na ng nurse sa kaniya ang mga gamot.



          “Nurse, pakibantayan nga to. Baka tumakas. Inuntog ako nito kasi sa ulo," sabi dito ni Keifer.



          “Teka, hindi iyun ang nangyari! Hinimatay ka!"



          “Huwag ka kasing umalis. Para namang saglit lang na dito ka muna, mamamatay ka na."



          “Alam mo naman na may priorities ako."



          “Kayo na ang mag-ayos ng gusot niyo," ngiti ng nurse saka iniwan na kami.



          “Sige." Binitawan niya ang pulsuhan ko saka siya bumalik sa paghiga at ipinikit ang mata. “Umalis ka na."



          Binawi ko ang aking pulsuhan at minasa-masahe. Nako! Ano ba ang gagawin ko? Nagpapa-awa siya. Aantayin ko ba ang guardian niya? Teka, Allan, antayin mo lang naman ang guardian? Ano ang masama doon? Ilang oras lang naman ang kailangan kong ilaan.



          Umupo na ako sa upuan na naroon at binunot ang aking phone. Kung hindi ko na siya mapuntahan, tatawagan ko na lang siya para at least, malaman ko kung ano na ang nangyayari sa kaniya.



          Ilang beep lang, sinagot ni Ren ang phone. “Hello? Umm, okay. Sige." Mukhang hindi ako ang kausap niya pagkatapos ng hello.



          “Teka, Andyan ba si Divine? Anong nangyari sa iyo?" tanong ko agad.



          “N-Naglalakad kami," sagot niya.



          “Okay? Naglalakad papunta saan?"



          Bumukas bigla ang pintuan ng clinic. Nagulat ako nang ang niluwa ng pinto ay sila Divine at Ren, magkahawak pa ng kamay. At si Ren, hawak-hawak pa rin ang phone malapit sa tenga niya. Teka, bakit nandito si Divine sa clinic?



          “Hindi ko alam na seryoso ka talaga na ako ang nilagay mo sa emergency contact," wika ni Divine nang lumapit ito kay Keifer. Napansin naman ako nito. “Allan, nandito ka din." Teka? Ano?! Si Divine ang nasa emergency contact ni Keifer? Kaya ba gusto niya akong manatili dito sa clinic?



          “Y-Yeah. Ako iyung nagdala sa kaniya dito." Tinuro ko si Keifer.



          Ilang segundo ang nakalipas, napansin naman ni Divine ang hawak kong phone sa tenga. Tumingin naman siya kay Ren na hawak-hawak din ang phone niya. Tapos, bumalik ang tingin niya sa akin, at pabalik-balik na ang tingin niya sa aming dalawa.



          “Allan, sino iyang kausap mo sa phone?" tanong ni Divine na may naghihinalang tingin. “Ang kausap mo ba ay ang taong nasa likiran ko?" Tinuro ng daliri niya si Ren kahit na nakaharap siya sa akin.



          “Yup! Siya nga ang kausap ko," pag-amin ko.



          Hindi ito makapaniwalang tingnan ulit kami ni Ren. Ibinuka niya ang kaniyang bibig pero halos hindi siya makapagsalita. “Magkakilala kayo?" naitanong din niya.



          “Hindi lang basta magkakilala. Boyfriend ko siya."



          Pagkatapos ng sinabi ko, ilang minuto ang nakalipas, pinaliwanag ko sa kaniya kung paano kami nagkakilala. Mula simula.



          “And we lived happily ever after, hanggang sa naging obsess ka sa kaniya," pangwakas na sinabi ko sa kwento ko.



          “At kasalanan mo iyun dahil hinayaan mo siyang makipag-fencing sa akin. Nice story, pero kailangan ko pa rin siyang ilaban kay Aries," wika ni Divine.



          “Kahit na sabihin kong matatalo siya?" tanong ko.



          “Huh? Paano naman matatalo si Ren? Parehas kami ng istilong ginagamit ni Aries. Kung kaya niya akong talunin, bakit hindi si Aries?"



          Inalala ko iyung mga sinasabi ni Keifer. “Umm, kung hindi mo alam, medyo may crush si Ren sa iyo, inobserbahan ka pa niya ng mabuti. Pero pagdating kay Aries, wala siyang motibasyon na manalo. Sabihin na lang natin na sa iyo lang. Tamad si Ren sa mga bagay na hindi niya trip."



          Saglit lang iyun pero medyo namula si Divine at napatingin kay Ren. Na-flatter talaga siya na ginawa ni Ren?



          “Even so, gusto ko pa rin siyang ipalaban kay Aries," pasya ni Divine. “Manalo, matalo, desisyon ni Ren kung sasali siya o hindi. Tsaka, pwede naman na maging miyembro siya ng Fencing Club kahit na vice-president siya ng Music Club, hindi ba?"



          “Pero-" Bumaon agad sa ulo ko ang mga sinabi ni Divine matapos ipahayag sana ang aking pagtutol. “Ohh! Okay, talaga?"



          “Narinig mo ako. See you tomorrow. Iwanan niyo na kami ni Keifer."



          Nang sinabi niya iyun, dali-dali kong kinuha si Ren mula sa kaniya at lumabas na kami.



Keifer's POV



          Nang nakita ko si Divine na pumasok sa kwarto, nakaramdam agad ako ng pagkaantok at niyakap agad ang kadiliman. Buti at napapirmi ko si Allan kahit papaano.



          「1 year ago…



          Nagpapahinga ako sa sala ni Ren. Hindi ito isang magandang araw sa akin. Lumabas lang ako para linisin ang swimming pool ni Ren habang tirik na tirik ang araw. Ang siste, medyo mainit ang temperatura ko at hindi ko ito kinaya ng katawan ko.



          “Sabi ko naman sa'yo ehh! Huwag mong linisin ang pool kahit tirik na tirik ang araw!" sigaw ni Ren. “Nako! Paano ba ito? Ano ba ang gagawin ko?"



          “Pagpahingahin mo lang ako," tugon ko. “Maya-maya, bubuti ang pakiramdam ko. Brr!" Nanginig ako. “Napakalamig naman ng bahay mo."



          “Hindi kaya malamig. Ikaw lang iyun dahil napakainit mo." Hinawakan ni Ren ang noo ko. “Medyo bumababa na ang temperatura mo."



          Pinagmasdan ko lang ang nag-aalalang mukha niya. Napaka-cute niya, kaya lang ay hindi niya alam ang gagawin sa mga panahon na ganito. Kapag nagkakasakit kasi siya, si Edmund ang nag-aalaga sa kaniya.



          “Ren, may tanong ako," wika ko.



          “Ano iyun?" tanong niya.



          “Ako o si Divine?"



          “Tumigil ka nga!"



          Noong isang araw, may nadiskubre akong isang notebook. Ang laman, picture ni Divine, sketch ng mga stance niya, mga solusyon kung paano siya talunin sa mga stance na ginagawa niya, obsess siya kay Divine!



          “Teka, si Divine ba iyung nasa gate?" Tinuro ko ang labas.



          “Kei, huwag mo nga ako niloloko," naiinis niyang sabi.



          “Ren, may tanong ako?"



          “Ano iyun?" Medyo naiinis na siya.



          “Pwede bang dito tayo matulog sa sala?" tanong ko ulit. “Medyo ayoko umakyat sa kwarto mo. Titirahin lang kita kapag doon tayo natulog."



          “Natatandaan mo ba iyung may nangyari sa atin sa sala?" naiinis pa rin niyang pagpapaalala. “Sige. Maglalatag tayo sa sala." Tumayo siya at aakyat sa taas nang tumigil siya. “Teka, sigurado ka ba na pahinga lang ang kailangan mo?"



          “Oo. Pahinga lang ang kailangan ko. Huwag kang mag-alala."



          “Okay."



          Bago tumayo, lumapit siya sa akin at biniyayaan ako ng mabilis na halik. Dali-dali na siyang umakyat para kumuha ng banig.」



          “Pre, pre," tawag sa akin ng isang boses.



          Dahan-dahan na binuka ko ang aking mga mata. Si Aries na ang nasa tabi ko imbes si Divine. Teka, umalis na sila? Ilang oras na ba akong natutulog?



          “Pre, magsasara na ang school. Kailangan mo ng umuwi," sabi ni Aries. “Pinapahatid ka sa akin ni Divine. Umalis kasi siya dahil may emergency daw ang mga magulang niya."



          Bumangon na ako. Ugh! Medyo masama pa rin ang aking pakiramdam.



          “Ayos ka lang, pre? Kailangan mo pa bang alalayan?" nag-aalalang tanong ni Aries. Napakabait naman ng taong ito. Kahit na mukhang pwede kong agawain mula sa kaniya si Divine.



          “Okay lang ako," tugon ko. “Kailangan ko lang ng ilang segundo at..." Tumayo ako. “Tara na po."



          “Okay. Kilala mo na siguro ako, hindi ba? Aries, iyung ‘boyfriend' ni Divine?" pagpapakilala niya sa akin. Iyun! Naka-emphasize talaga iyung salitang ‘boyfriend'.



          Kinuha ko ang mga gamit ko sabay lumapit sa kaniya. “Hindi ko siya type." Tinapik ko ang balikat niya sabay diretso labas.



          “Mabuti na ang malinaw," pahabol pa niya.



          Nang nasa labas na kami, umuna si Aries sa paglalakad papunta sa kotse. Nang halos makarating na kami sa kotse, nakita naman kami ni Ronnie na agad lumapit sa akin.



          “Keifer, saan ka pupunta?" agad na tanong niya. Tiningnan niya ang kabuuan ko. “Mukhang masama ang pakiramdam mo. Kailangan mo ba ng tulong?"



          “Hindi na, salamat," pagtanggi ko. “Ihahatid naman ako ni Aries pauwi sa amin." Tinuro ko si Aries na pinapaandar na ang sasakyan niya.



          “Ha? Sa kaniya ka sasabay? Naku! Huwag na kaya. Sa akin ka na lang sumabay. Ako na lang ang maghahatid sa'yo."



          “Pero, nauna ng nagyaya si Aries."



          “Keifer, tara na?" tawag sa akin ni Aries mula sa kotse.



          “Ay! Pre, hindi siya sa'yo sasakay. Sasabay na lang siya sa akin," wika ni Ronnie.



          Naguluhan ako sa sinasabi niya. “Teka, Ronnie? Anong sinasabi mo?"



          “Keifer, sumabay ka na lang sa akin. Please?" pagmamakaawa pa niya.



          Tiningnan ko si Ronnie. Mukhang nag-aalala ito sa akin. Teka, dati naman, hindi siya ganito kung makapag-alala sa akin. Priority niya si Harry kesa sa akin. Bakit ngayon, nag-iba na? Dahil ba wala na si Harry?



          “Teka lang ha, pupuntahan ko lang si Aries. May sasabihin ako sa kaniya." Lalakad pa sana ako papunta kay Aries nang pinigilan ako ni Ronnie.



          “Huwag na. Kung ano man iyan, dito mo na lang sabihin. Mas maganda kapag ganoon," pabulong niyang sabi sa akin. Huh? Naguguluhan na talaga ako sa inaasal ni Ronnie. May problema ba siya kay Aries? Nakaaway niya ba ito?



          Tiningnan ko si Aries na nakadungaw mula sa kaniyang bintana. Nagtatanong na tingin lang ang ginagawa nito. Mukha namang hindi magkakilala ang dalawa. Pero bakit ganito kung makapag-alala si Ronnie? Hindi kaya dahil sa may isang tao na gusto akong patayin na ako lang naman iyun?



          “Ronnie, pakisabi kay Divine na thank you! Iyun lang!" sigaw ko.



          “So hindi ka na sasabay?" tanong niya.



          “Hindi na. Okay na ako," sagot ko. “Sasabay na lang ako sa kaibigan ko."



          “Okay. Basta ingatan mo ang katawan mo. Sabi iyun ni Divine. At isa pa nga pala. Napaka-iconic daw na sa unang araw ng trabaho mo, hinimatay ka kaagad. Bye!"



          Isinara na ni Aries ang bintana ng kotse niya. Nang naisara na niya ito ay umandar na siya paalis ng eskwelahan. Binitawan naman ako ni Ronnie sa pagkakapigil niya sa akin at sabay na kaming lumakad papunta sa kotse niya.



          “Ronnie, ano iyun? Bakit nagpumilit ka na sa iyo ako sasakay?" tanong ko.



          “Dahil pasakay ka sa hukay mo," sagot niya.



          Pagkabukas ng kaniyang sasakyan ay pumasok na din ako.



          Naguluhan ako sa sinasabi niya. “Sasakay ako kay kamatayan? Anong sinasabi mo? Si Aries lang naman iyun. At disente magmaneho?" Nagsuot ako ng seatbelt.



          “Nagbibiro ka ba? Hindi iyun ang aking pinaparating sa iyo." Pagkatapos paandaring ang sasakyan ay nagmaneho na siya agad.



          “Hoy, mag-seatbelt ka," saway ko. “Parang ikaw iyung susunduin ko sa kamatayan."



          Isinuot din niya ang kaniyang seatbelt. “Hindi mo ba natatandaan iyung pamilya ng Aries na iyun? Dating partner niyo iyun dati sa negosyo."



          Inikot ko ang aking paningin. “Sa negosyo na hindi ako interesado."



          “Okay. Paano kung sabihin ko sa iyo na ang pamilya nila ang pinaghihinalaan na pumatay sa pamilya mo?"



          “Wait, may nag-iimbestiga pa rin doon?"



          “Hangga't hindi pa namamatay ang may kasalanan. Alam mo naman na maraming tao ang nag-invest sa kanila. At hanggang hindi pa nakikita o nababawi ang mga pera nila, hindi sila titigil. Alam mo ba na doon sa bahay ninyo sa Laguna, walang mga nakitang sunog na pera ang mga pulis. Ang hinala nila tuloy, pinagnakawan nila ang pamilya mo. At sila, gustong hanapin ang mga nawawalang pera. Ang una nilang sinampolan ay iyung pamilya Marasol. Nag-imbestiga sila kung iyung pamilya ba nila ang nagnakaw ng pera at ginawa nila ang lahat para malaman iyun. Pero wala pala doon sa kanila ang pera."



          Medyo nahiga na ako sa inuupuan. “Anong klaseng imbestigasyon ang ginagawa nila? Pinapa-sumite ng SALN? At gaano naman sila kasigurado na ang pamilya Marasol ang may hawak ng pera? Hindi mo ba alam na nag-divorce kami nung Disyembre at siya ang nagsimula?" Humikab ako. Medyo inaantok ako dahil sa lamig ng sasakyan.



          “Nag-divorce? Kayo? Dito sa Pilipinas? Paano?" nagtataka na tanong ni Ronnie.



          “Well, pera. Hindi ko alam kung gaano kadaming pera ang pinamudmod ni Janice. Basta, ganoon. Hindi na niya ako mahal, like, ngayon lang ba niya nalaman iyun? Hindi ko din siya mahal dahil fixed marriage iyun. Alam mo, ang ingay ng babaeng iyun. Kapag hindi ka mahanap, sisigaw sa apartment. Tapos sa loob pa magsisisigaw ehh sound proof iyung apartment. Teribleng tao," sabi ko habang umiiling. Kasinungalingan. Kasabwat namin iyun si Janice. At, hindi totoo na maingay iyun, palagi. Kapag may nilalaro kami at nananalo siya, doon lang iyun nag-iingay. Ipagyayabang nun na nanalo siya ng mga, ilang gabi? Ay!



          Natawa si Ronnie. “Ganoon ba? Pero huwag ka ng mag-alala. Pinatay na din ang taong iyun."



          Nanlaki ang mata ko at halos pumalya ang katawan ko sa narinig. What the hell? Ano ang nagawa ko?



          “Ano? Anong klaseng imbestigasyon ang ginawa nila?" tanong ko habang nakatingin sa labas.



          “Torture."



          Halos sumabog ako sa galit pero pinigilan ko. Aagawin ko sana ang manibela ni Ronnie at ihihinto sa tabi tsaka tatanungin siya kung sino-sino ang mga gumawa ng bagay na iyun kay Janice. Ito ba ang bunga ng aking mga ginawa? Sa pagbago ko sa mundo Ren, isang buhay ang nawala. Hindi dapat magkaganito.



          「7 months ago…



          Pakanta-kanta ako habang nagluluto ng agahan. Tagumpay ang ginawa ko. Kaya lang, nawala naman ang alaala ni Ren, sa hindi ko inaasahang paraan. Akala ko, mawawala ang alaala niya kapag ipinagtapat ko sa kaniya ang lahat-lahat. Iyun pala, sa gamot na ‘Amn' pala mawawala. Pero okay lang iyun. Isang maliit na sakripisyo para sa mas magandang mundo niya.



          Habang nagluluto, tumunog ang phone ko. Tiningnan ko kung sino. Si Janice.



          “Hello. Good morning," masayang bati ko.



          “Hello, Keifer. Congratulations," masaya ring bati ni Janice. “Mukhang successful ang plano ninyo."



          Napangiti ako. “Ikaw din. Congratulations!" Nawala naman ang ngiti ko. “Hindi ko akalain na kasabwat ka pala. Ginawa ko pa ang lahat ng pag-iingat para hindi mo malaman ang relasyon namin ni Ren. Tapos kasabwat ka pala namin?"



          “Sisihin mo si Gerard. Siya kaya ang nagplano nito."



          “Si Gerard. Laging advance mag-isip."



          “So advance, kung nadiskubre mo lang iyung parang notebook ng mga plano niya. Tapos may mga ‘if' at ‘else' na mga keyword, iyung gaya sa computer coding. His family lived up to their reputation."



          “Nakakahiya lang na hindi kila Tito ang kaniyang loyalty kung hindi sa sarili."



          “Teka, hindi loyal sa iyo si Gerard?"



          Umiling ako. “I doubt it. Pero palagay ko, hindi naman niya ako ta-traydurin. Like, may ginawa ba akong masama sa kaniya? Ikaw, may ginawa ka bang masama sa kaniya?"



          “W-Wala naman."



          Naghinala ako sa isinagot niya. “Bakit medyo nag-aalangan kang magtapat? May ginawa ka siguro sa kaniya ano?" Inilagay ko sa plato ang aking niluluto gamit ang malakas na kamay ko.



          Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Janice. “Okay. Noong nandiyan ako, medyo inaabala ko si Gerard. Iyung mga araw na may individual project tayo, sa kaniya ko karaniwan pinapagawa," paliwanag niya.



          “Alin doon?" tanong ko. Nagtimpla naman ako ng kape.



          “Dear god, Keifer. Hindi ko keri ang course ko diyan! Alam mo naman na hindi iyun ang gusto ko. Actually, ang gusto ko ay civil Civil Engineering. Gusto kong gumawa ng mga building na may mga lihim na lagusan."



          “Teka, iyung pagiging clingy mo ba kahit sa course, kay Gerard din?" Nilagay ko na ang mga ginawa ko sa mesa.



          “Get the point, Keifer!" pagalit niyang wika.



          Tumawa na lang kami pagkatapos. Then, naghintay kaming dalawa na may isa sa amin ang magsalita. At walang nagsalita.



          “So, ano? I guess, this is goodbye? Is this the part that we part ways?" malungkot na tanong ni Janice.



          “Janice, no. This is not goodbye. Magkaibigan pa rin naman tayo hindi ba?" tanong ko. “May kasalanan ka ba sa akin para kalimutan natin ang isa't isa? ‘di ba, wala? Naging kasabwat ka nga namin, pero that doesn't mean na-"



          “I know," pagputol niya. “Nag-aalala lang ako na baka hindi na ganoon ang tingin mo sa akin pagkatapos ng lahat. Good thing na hindi."



          Kapwa humugot kami ng buntong-hininga. Oo, partners-in-crime kami ni Janice. Pero hindi ibig sabihin na pagkatapos nito, kalimutan na lang basta-basta? Hindi naman laging nakakairita kapag andito si Janice. She is actually kind and caring. Natatandaan ko na subsob ako sa pag-aaral. Kapag hindi ko na namamalayan na nakatulog na ako, kinukumutan na pala niya ako. Teka, alam kong iyung isang tao na may gusto din kay Ren, ang roommate ko. Like, gagawin niya ba iyun para sa akin? Kung siya iyun, gigisingin ako at sasawayin na matulog sa kwarto. Pero si Janice, hahayaan lang ako. Iyun nga, kukumutan lang, at aalis na siya. And yup, pumapasok minsan si Janice sa apartment namin ng mga alanganing oras. Hindi ko nga lang alam kung bakit siya pumupunta, basta.



          “Keifer, nabalitaan ko kay Gerard iyung nangyari kay Ren, na nawala na naman ang mga alaala niya," pagbasag ni Janice sa katahimikan naming dalawa.



          “Yeah."



          “Makinig ka, huwag mong sisihin ang iyong sarili sa mga nangyari. I know na ayaw mong mawala ang alaala ni Ren dahil, masyadong precious ang alaala ninyo noong nakaraang taon."



          Tinusok ko ng tinidor ang niluto kong hotdog. “I know. It's a big sacrifice that I have to take, for him."



          “At hindi na mababalewala ang sakripisyong iyun. Ang kailangan mo na lang gawin ay ulitin iyun. Love him, again. Do it all, again. So do me a favor. Kapag nagkita tayo ulit, gusto ko na kayo na ulit ni Ren. Gusto ko na mag-exhibition na naman kayo sa pool area habang busy ako na manood ng Pretty Little Liars."



          Nagulat ako sa sinasabi niya. “What?! Alam mo iyun?!"



          “Umm, hindi ko alam. Iyung parang katulong ni Ren, si Edmund ba iyun? Feeling ko, nang-ii-stall habang kinakausap ako? Kaya Keifer, kaya mo iyan."



          Umiling ako habang isinusubo ang hotdog. “Oo, kaya ko ito. At Janice, next time na magkita tayo, ipakilala mo naman sa akin iyung lalaking gusto mo ha?"



          “Ay! Sure," pagpayag niya agad.



          “Talaga? Aasahan ko iyan! Bye!"



          “Bye din, Keifer. Good luck ulit."



          Diretsong tono ng phone ang sumunod nang ibinaba na ni Janice ang phone. Ito na siguro ang huli naming tawag sa isa't isa, ngayong taon lang, siguro.」



          “Keifer," tapik sa akin ni Ronnie. “andito na tayo."



          Dumilat agad ang mga mata ko nang naramdaman ko ang kamay niya. Iginala ko agad ang aking paningin kung nasaan ako. Nakumpirma ko naman na nasa tapat na ako ng apartment. Hay! Mabuti naman at makakapagpahinga na din ako.



          Inayos ko na ang sarili ko para lumabas. Bubuksan ko sana ang pintuan nang inunahan na ako ni Ronnie mula sa labas.



          “Kailangan mo ba ng tulong?" tanong niya sa akin.



          “Hindi na, Ronnie," iling ko habang lumalabas sa kotse. “Kaya ko na ito. Salamat sa paghatid sa akin. Kita na lang tayo sa susunod."



          “Umm, okay. Teka, may gamot ka ba sa loob?" nag-aalala pa rin niyang tanong.



          “Hindi na kailangan, Ronnie. Pahinga lang ang kailangan ko," pagtanggi ko ulit.



          “Nako! Hindi pwede iyan. Sandali lang."



          Umalis si Ronnie at pumunta sa pinakamalapit na tindahan. Ako naman ay tumayo na saka pumunta na sa aking apartment. Malapit ko ng buksan ang pintuan nang naabutan ako ni Ronnie. May bitbit siyang plastik at agad itong ibinigay sa akin.



          “Umm, heto ang mga kailangan mong gamot," wika niya.



          Magsasalita pa sana ako kaya lang kinontra niya agad.



          “Kailangan mo iyan, inumin mo, no, nag-aalala ako. Kaya aalis na ako habang wala ka pang sinasabi," sabi pa niya habang naglalakad palayo sa akin.



          Umiling na lang ako habang sinusundan siya ng tingin hanggang sa sumakay na siya sa kaniyang kotse. Sakto naman pag-alis niya, dumating na din si Gerard gamit ang kaniyang mga paa. Nang magpang-abot na kami, pinikit lang niya saglit ang kaniyang mga mata para i-acknowledge niya ako kahit papaano.



          “Narinig mo ba iyung balita?" tanong ko sa kaniya nang nilampasan ako.



          Narinig ko ang pagbukas niya ng pintuan. “Oo," sagot niya. “Pero, nahuli ako. Saka ko lang nalaman ang bagay na iyun. Kaya nang pinuntahan ko siya, huli na ang lahat."



          Habang nagpapaliwanag siya, may mga imahe na nabubuo sa isip ko. Imahe ni Janice, at ni Gerard. Imahe ni Janice na hinuhuli ng mga masasamang tao, imahe ni Gerard na hindi na naabutan si Janice.



          “May plano ka ba kung ano ang dapat nating gawin para pigilan sila?" tanong ko.



          “Wala," mabilis na sagot niya.



          Hinarap ko siya at inambahan. “Anong sinasabi mo?!"



          “Wala tayong gagawin, o mas klaro na wala akong gagawin. Hindi naman ako maaapektuhan kung ano man ang gawin nila," kalmado pa rin niyang sagot.



          “Kahit ba may mga nadadamay na inosente?!"



          “Kahit ano man ang mangyari, hangga't hindi ako apektado, wala akong gagawin."



          Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit hanggang sa napilitan akong bitawan siya.



          “At naging malinaw naman ako sa bagay na iyun, hindi ba, Kei? Pagkatapos nang ginawa natin sa bagong taon, wala na akong kinalaman sa mga problema mo. Kung sa pinansyal na problema, tutulungan kita. Pero sa ibang bagay, hindi. At subukan mong gumawa ng kalokohan para ma-involve ako, alam mo na kung sino ang mapapahamak." Sinamaan pa ako ng tingin ni Gerard.



          “Kaya ba lumalapit ka pa rin kay Edmund? Iyun ba ang dahilan mo kaya dumidikit ka pa rin sa kaniya? Para ba mapalapit ka kay Ren at gawan siya ng masama kapag dumating ang panahon? Mahal mo ba talaga siya?!"



          Inambahan naman ako ni Gerard. “Huwag kang magsalita ng ganyan. Kung ano man ang nararamdaman ko sa kaniya, sa amin lang iyun. Bakit Kei? Naiingit ka ba sa relasyon namin? Nawawalan ka na ba ng chance kay Ren? Nananalo na ba si Allan?" Pinatunog niya ang kaniyang dila. “Kawawa ka naman Kei."



          “Alalahanin mo na ikaw ang nagbigay sa akin ng mga options na iyun."



          “At alalahanin mo rin na ikaw ang nagdesisyon sa bagay na iyun."



          Ibinaba ako ni Gerard saka pumasok na sa apartment niya. Pumasok naman ako sa apartment at dumiretso sa kwarto ko. Agad ko ihiniga ang aking katawan habang nakatitig sa kisame.



          “Aaaaaaaahhhhhhh!" malakas na sigaw ko.



Allan's POV



          “Sigurado ka ba na lalabanan mo si Aries?" nag-aalala kong tanong kay Ren habang nagpapalipas kami ng oras sa library.



          “Bakit? Natatakot ka ba na manalo ako?" balik ni Ren sa tanong ko.



          “Actually, kabaligtaran ng iniisip ko. Natatakot ako na matatalo ka."



          “Paano mo naman alam iyun? Nilabanan mo na ba ako sa fencing? Natalo mo na ba ako sa fencing?"



          “Hindi. Pero labanan mo ako sa basketball, siguradong talong-talo ka sa akin."



          Sumimangot si Ren. “Paano, hindi mo naman ako pinagbibigyan na manalo ehh."



          “Ikaw nga din. Hindi mo rin naman ako pinagbibigyan na manalo sa fencing."



          Tumawa kaming dalawa hanggang sa sinaway kami ng librarian. Progress siguro ito. Medyo mayabang na si Ren. Malapit na malapit sa naunang siya bago mawala ang alaala niya.



          “Kuya Allan, interesado ka ba sa gagawing field trip ng school? Iyung papuntang Baguio?" tanong niya.



          “Huh?" Nagulat ako sa itinanong niya. Interesado siya sa field trip ngayong taon?



          Ngumuso siya. “Gusto ko kasing sumama. Tapos, niyaya ko si Kuya Joseph, ayaw naman niya. Sabi niya, hindi siya interesado."



          “Bakit hindi mo yayain si Kuya Allan mo?"



          Nagliwanag ang mukha niya saglit, at nawala. “Pero, kailangan may guardian na kasama."



          “Huh? Hindi kaya. Pirma lang ng guardian ang kailangan. At kung kailangan mo ng guardian, nandito naman ako. Nagbabantay sa iyo, palagi. Hindi ba, Ren?" Inabot ko ang kaniyang kamay at hinawakan ito.



          Nahihiyang ngumiti sa harapan ko si Ren. “Alam ko naman iyun. Alam ko na kahit sa anong panganib, andyan ka para protektahan ako."



          「11 years ago...



          Sa kalagitnaan ng paghahabulan namin ni Ren, biglang may pumatid sa paa ni Ren. Hindi naman tumayo siya agad tumayo at umiyak na lang. Iyung taong pumatid sa kaniya, natatandaan ko. Ito din iyung parehas na bata na pumatid sa kaniya noong isang araw.



          Napuno na ako sa ginagawa ng bata na ngumingisi lang habang nakatingin kay Ren. Ni hindi man lang tinulungan si Ren na makatayo. Talagang sinasadya niya na patirin si Ren. Kaya hindi na ako nagsalita.



          Galit na sinugod ko ang bata at tinulak ito dahilan para matumba ang bata. Nang natumba na ito ay pinatungan ko ang bata saka pinaulanan ng suntok. Dumating naman ang mga kaibigan nung bata para tumulong, sana. Sinubukan nila akong ialis sa bata pero hindi sila nagtagumpay. Wala lang akong inisip kung hindi bugbugin ang bata. Tarantadong bata siya, ibabalik ko sa kaniya ang mga ginawa niya kay Ren na pitong ulit.



          Natigil lang ako sa pagsuntok nang may dalawang kamay ang pumulupot sa aking likuran. Kamay pala iyun ni Larson na rumesponde na sa mga nangyayari.



          “Pagtarung ba!" sigaw niya. (“Umayos ka!")



          Nang inilayo niya ako mula sa bata, saka lang ako natauhan. Bumalik ako sa aking uliran. Pero kapag naaalala ko ang ginawa ng bata kay Ren, hindi ko mapigil na magpumiglas para dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya. Galit na galit talaga ako.



          “Tama na iyan," pakiusap naman ng isa pang boses.



          Bumalik ulit ako sa uliran nang narinig ko ang boses ni Ren. Niyakap pa niya ako para tumigil na sa pagwawala. At muli, bumalik na naman ang alaala nung ginawa ng bata kay Ren. Pero ngayon, imbes lalong magwala, unti-unting nawawala ang galit sa puso ko nang pinigilan ako ni Ren. Kung gusto niya akong tumigil, titigil ako.



          Ilang minuto ang nakalipas, umidlip muna si Ren dahil sa pagod.



          “Ngano man na imong gi kulata ang bata?" litanya sa akin ni Larson. “Basig mauspital na. Maayo gani na gisyagitan ko iyung yaya at dili maguwang ang niharap sa akua." (“Bakit ba binugbog mo iyung bata? Kung naospital iyun. Mabuti na lang at nadaan ko sa sigaw dahil yaya iyung nakausap ko at hindi iyung magulang ng bata.")



          “Gipatid nung bata si Ren," paliwanag ko. “kaya gikulata ko para di na mausab." (“Pinatid nung bata si Ren, kaya binugbog ko siya para hindi na niya ulitin.")



          “Ang pagkulata sa bata, mao gani ang sulbad?" (“At ang pagbugbog sa bata, iyun ang solusyon?")



          “Gibuhat ko lang ang di mo buhaton," sarkastikong balik ko. “Imo ngang igsuon, wala ka man labot para sa iyaha. (“Ginawa ko lang ang hindi mo gagawin. Kapatid mo nga, wala kang pakialam sa kaniya.")



          “Saba diha! Hoy, Allan, di na tinuod!" Kumunot ang noo niya sa galit. (“Manahimik ka diyan! Hoy, Allan hindi iyan totoo!")



          “Oo, Kuya Larson," sarkastikong tawag ko sa tunay niyang pangalan.



          “Shh!" galit na pagpapatahimik niya sa akin. “Dili isulti ang angayan na isulti." (“Huwag mong sabihin ang hindi dapat sabihin.")」



          Napaurong ang dila ko sa sinabi niya. Oo, kahit sa anong panganib. Pero, paano sa mga panganib na hindi ko man lang alam? Paano sa mga panganib na wala ako?



          “Alam mo iyan," mapait na tugon ko. Tumingin ako sa orasan ng library. “Ren, oras na." Nagsimula na akong magligpit.



          Matapos ang pagtatambay namin sa library, dumiretso na kami sa room ng Fencing Club. Dito, naghihintay sila Divine at Aries, sila lang dalawa. Gumawa kasi ako ng last minute na request kay Divine na kaming apat lang dapat ang nasa loob. Walang hidden camera, maliban sa camera ng eskwelahan. Teka, paano nga ba kung may gagong magkakalat ng video dito sa loob?



          Nagsuot na ng fencing gear si Ren. Pagkatapos ng ilang formalities ng fencing, nagsimula na sipang maglaban.



          Ilang minuto ang lumipas, natapos din ang laban nila Ren. At ang nanalo ay si Aries. Kapansin-pansin nga lang na medyo malapit ang score ng dalawa. Hindi ko alam kung ganito dapat ang i-expect ko. Kasi ang sinabi ni Keifer, ano ba iyun? Hindi niya seseryosohin ang itong si Aries kasi hindi naman siya ni Divine? Pero parang may pamilyar sa laban ng dalawa.



          Nag-bow na ang dalawa at nagpasalamat sa isa't isa. Pagkahubad ng fencing gear ni Aries, nag-usap sila ni Divine. Hindi ko masyasong naririnig dahil ang focus ko ay kay Ren.



          “Ang galing mo doon," puri ko sa kaniya. “Sigurado ka ba na ayaw mong sumali sa Fencing Club?"



          “Ayoko," agad niyang pagtanggi.



          “Hindi mo pa nga nasusubukan."



          “Ayoko talaga," iling pa niya.



          “Bakit? Wala ka namang ginagawa sa Music Club."



          “Iyun nga ang gusto ko. Ang walang masyadong gawin," nahihiya niyang sabi. “Siyempre, kapag wala akong masyadong aktibidades, may oras ako para mapanood ka sa pagpa-praktis mo ng basketball." Ibinaba niya ang kaniyang tingin.



          Hinawakan ko ang ulo niya at pinatingin sa akin. “Gusto mo bang mag-quit ang mga bagong recruit namin dahil ginagalingan ko ang paglalaro?" seryosong tanong ko.



          “H-Hindi sa ganoon."



          “Ganoon iyun. Kapag nandyan ka at nagtsi-cheer, parang gusto kong talunin ang mga kalaban ko."



          Nanlaki ang mata ni Ren. “Ginagaya mo talaga si Marcaux ano?" Tumawa siya.



          Nagulat ako sa sinabi niya. “Huh? Si Marcaux? Hindi ahh!" Hindi ko na pala original words iyun?



          “Alam mo bang iyan din ang sinasabi niya kay Keith?"



          “Ehem!" tikhim ng isang boses.



          Natigil ang pag-uusap namin nang nagpapansin na iyung dalawa. Itinuon na namin ni Ren ang atensyon sa kanila.



          “Ano, Ren. Hi, ako nga pala si Aries," pagpapakilala niya. Hindi niya ginawa iyun kanina.



          “Ren," tipid din niyang pagpapakilala.



          Tiningnan lang ng dalawa si Ren. Teka, naghihintay ata sila na sabihin niya ang kaniyang buong pangalan.



          “Ren," muli pa rin niyang pagpapakilala pero sa mas malakas na boses.



          “Teka, narinig namin na Ren. Ano ang buo mong pangalan?" tanong ni Divine.



          “Ayoko," pagtanggi niya.



          “Umm, ayaw ni Ren magpakilala sa buo niyang pangalan," singit ko.



          Napakamot ng ulo si Aries. “Ganoon ba? So Ren, napakaganda ng laban natin. Kahit na nanalo ako, gusto sana kitang isali sa club namin. Alam mo-"



          “Ayoko," mabilis na pagtanggi niya sa gitna ng pagsasalita ni Aries.



          “-magaling ka, huh?!"



          “Ren, patapusin mo muna siyang magsalita," sabi ko.



          “Hindi. Ayoko talaga," pag-uulit pa niya. “Kahit gaano pa kahaba ang sasabihin niya, kahit sabihin niya na magaling ako, ayoko pa rin." Mabilis na pumunta siya sa likuran ko at nagtago. “Umalis na tayo kuya." Ay! Napakalaki na niya, pero nagtatago pa rin siya na parang bata. Ay! Oo nga pala. Bumalik siya sa pagkabata.



          “Umm, narinig niyo naman ang sinabi niya hindi ba? Ayaw niya." Pilit akong ngumiti sa kanila ni Divine na halatang dismayado sa sinasabi ni Ren. Nag-expect.



          Humugot ng malalim na hininga si Divine. “Well, hindi kami mamimilit," sabi niya. “Salamat sa pagpunta mo, and it's nice to meet him. Good luck sa darating na Battle of the Bands."



          “Kayo din," tugon ni Ren. “Good luck din sa darating ninyong tournament."



          Nauna na kaming naglakad papalabas ng room. Bahagya akong napangiti dahil sa mga sinasabi ni Ren. Kahit na medyo maganda ang opportunity na nasa harapan niya, pinili niya ako. Teka, maganda ba talaga ang opportunity niya pagdating sa Fencing Club?



          “Alam mo, hindi naman masama kung makilala ang boyfriend ko sa pagpe-fencing. Mas nakakatuwa kung naging international champion ka," pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa.



          “Medyo sobra na ata iyun, Kuya Allan. Ako, magiging international champion?" nguso niya.



          “Bakit hindi? Halata naman na mas magaling ka kay Aries," pagpuri ko pa sa kaniya.



          “Magaling ba iyun? Ehh, tinalo nga niya ako?"



          “Tinalo ka niya o nagpatalo ka?"



          Huminto si Ren at gulat na tumingin sa akin. Tumigil din ako sa paglalakad at ibinalik ang tingin niya.



          Ibinaba ni Ren ang kaniyang tingin. “Alam mo?" tanong niya.



          Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad.



          Napakamot ako sa ulo. “Ang totoo, hula ko lang. Pero kung napahinto ka sa sinabi ko, ibig sabihin ay totoo."



          “Oo, totoo iyun. Nagpatalo ako," pag-amin din niya.



          “Bingo!"



          “Pero paano mo nalaman na nagpatalo ako?" naitanong niya.



          Itinuro ko ang aking mata. “Dahil dito. Pinanood ko kaya nang mabuti iyung kayo pa ni Divine. At ngayon, kay Aries," paunang paliwanag ko. “Halata naman na sa simula pa lang ay magkapareho na ang stance at technique na ginagamit ni Aries at Divine. At iyung mga opening na ginawa mo kay Divine, nagawa mo rin kay Aries. Kaya lang, dahil sa nakapagpasya ka na bago pa ang laro, sinadya mo ng magpatalo sa paraan na hindi nila mahahalata."



          Nanlaki ang mata ni Ren. “Wow. Iyun nga talaga ang ginagawa ko." Ang galing. Iyun talaga?



          “Kilala mo talaga ako, Kuya Allan." Hinigpitan niya ang paghawak sa aking bisig.



          “Hindi. Magaling lang akong mag-obserba." Nakita ko ang building ng cafeteria mula sa nilalakad namin. “Ice cream?" yaya ko.



          “Sige," masayang pagpayag niya.



Keifer's POV



          “Dalawang ice cream nga?" request ni Allan habang nakangiti kasama si Ren. “Iyung tig-singkwenta. Strawberry sa akin at-"



          “Chocolate," pagputol ko sa order niya. “Yeah, alam ko ang paboritong flavor ni Ren."



          “Oo, chocolate ang paborito ko," masayang pagsang-ayon ni Ren."



          Hinanap ko agad sa freezer ang mga gusto nilang ice cream. Merong strawberry at, oops! Walang chocolate.



          Imbes sabihin sa kanila na wala ang gustong flavor ni Ren, kumuha ako ng cookies and cream. Pangalawa sa paborito niya kapag wala ang chocolate.



          “Bakit cookies and cream?" reklamo ni Allan.



          “Okay na iyan," sabat ni Ren. “Paboritong flavor ko din naman ang cookies and cream." Masayang kinuha niya ang kanilang sorbetes.



          “Oo nga pala. Anong meron? Masayang-masaya kayong dalawa?" tanong ko.



          “Wala naman," sagot ni Allan. “Isang magandang araw lang para mag-ice cream."



          “Tinalo ko si Aries pero hindi nila alam na pinagbigyan ko siya," pabulong na sabi ni Ren.



          “Oi, akala ko ba sikreto nating dalawa iyun? Bakit sinasabi mo kay Keifer?" protesta ni Allan.



          “Bakit ba? Kaibigan din naman natin si Keifer hindi ba?"



          Binigyan ako ni Allan ng patay na tingin. “Okay. Kaibigan natin siya. Tara na, kainin natin ito sa room ng Music Club."



          “Tara."



          Lumakad na ang dalawa papunta sa kwarto ng Music Club. Magkahawak pa ang kanilang kamay. Napakahirap naman ng sitwasyon kong ito. Hanggang tingin at usap na lang ako kay Ren. Hindi ko siya magawang halikan o hawakan man lang ang kaniyang kamay, iyung mga bagay na kami lang dapat ang nakakaalam. Hindi ko talaga inaasahan si Allan. Hay!



Edmunds's POV



          Nagsisimula ng lumubog mula sa itaas ang araw nang dumating ako sa eskwelahan. Medyo napaaga ang day-off ko dahil sa, wala ng masyadong gagawin sa mansyon. Lahat ng gawain ay ubos na. Siyempre, hindi naman ako isang malupit na ‘mas mataas' na katulong. At pabor sa akin kapag maaga kaming natapos.



          Balak ko kasing yayain ngayon si Gerard na lumabas, mamasyal-masyal ng konti, tsaka diretso sa paborito niyang parte kung saan balak niyang dilaan ang buong parte ng katawan ko.



          Nang napadaan ako sa cafeteria, napansin ko si Keifer na inaasikaso ang mga estudyante. At ang huling customer na inaasikaso niya ay sila Ren at Allan. Teka, nagtatrabaho na siya?



          “Keifer, magandang hapon," maligayang bati ko.



          Nilingon niya ako pero tingin lang ang ginawa niya. “Uhh," walang siglang tugon niya.



          “Stressed?" concern na tanong ko.



          Hindi siya nagsalita at umiling na lang. Okay. Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya.



          “Si Gerard, nakita mo ba? Alam mo ba kung saan siya tumatambay?" tanong ko ulit.



          “Boyfriend mo, hindi mo alam kung saan siya posibleng hanapin?" malamig na tugon niya.



          “Alam ko naman. Kaya lang mas mabilis ko siyang mahahanap kung baka sakaling nakita mo."



          “Kung ganoon, bakit hindi mo siya puntahan kung saan mo alam? Masyado bang marami ang posible niyang puntahan?"



          Inisip ko kung saan ang mga posibleng lugar na kailangan niyang puntahan. Hindi naman ganoon kadami. Pero iyung pakikipag-usap ni Keifer, bakit parang iba?



          “May problema ba tayong dalawa?" tanong ko.



          “Hindi tayo ang may problema," iling na naman niya. “Pero sa ating mga buhay, meron. Ang tanong, kanino."



          “Ikaw, siguradong si Allan."



          “Ikaw, siguradong si Gerard."



          Nagulo ang kalooban ko sa sinabi niya. Problema ko si Gerard?



          “Anong sinasabi mo?" tanong ko.



          “Narinig mo ang sinabi ko. Pero kung ano ang problema ninyo, hindi ako ang magsasabi," paliwanag niya. “Bakit hindi mo kaya alamin kung ano iyun?"



          Bago pa ako makapagtanong ulit, umalis na si Keifer sa kaniyang pwesto. Mukhang tapos na ang shift niya. Ano kaya ang problema na tinutukoy niya? Concerned ba siya sa takbo ng relasyon namin ni Gerard?



          Sa mga lugar na iniisip ko kung saan si Gerard, nakita ko din siya sa library, na naman. Sa huling lugar ko pa na naiisip. Pero hindi pala ako ang nakahanap sa kaniya. Siya ang nakahanap sa akin.



          “Hey, mukhang maaga ang off mo ngayon," nagtatakang wika ni Gerard sa akin.



          “Oo, maaga kasi akong natapos," nakangiti kong tugon. “Meron ka pa bang klase pagkatapos nito?"



          Ngumiwi siya. “Can't hardly tell na may klase ako mamaya since alam ko na ang mga coverages." Napalitan agad ang kaniyang mukha ng ngiti. “Pero kung nagtatanong ka para makalabas tayo agad, wala."



          Pinatunog ko ang aking dila. “Nako! Hindi pwede iyan. Paano kung mag-quiz ang professor niya at wala ka dahil nakipag-date ka sa akin?"



          “Nah! Okay lang ang lahat ng iyun basta gagalingan mo mamaya?" makahulugang sabi niya na kumindat pa.



          “Kahit na. Tapusin mo muna lahat ng mga subject mo ngayon. At kapag tapos na, puntahan mo lang ako sa parking lot. Alam mo naman kung saan naka-park hindi ba?"



          “Pero ikaw ang huling subject ko. May mga test nga ako na-D ang nakuha ko, at gusto ko talaga makakuha ng D."



          Alam ko na mga innuendo ang mga pinagsasasabi niya pero hindi tumama sa akin ang mga salita niya. Matibay ako. Hindi gagana sa akin ang mga innuendo niya.



          Diretso ko pa rin siyang tiningnan. “Pumasok ka, okay? Aalis na muna ako para magpalipas ng oras." Dahan-dahan na akong umatras.



          Pinatunog naman ni Gerard ang kaniyang mga dailiri. “Sayang," nanghihinayang niyang sabi. “Hindi ba magbabago ang isip mo?" panunuyo pa niya.



          “Pasok."



          “Okay. Ingat ka."



          Palihim na nag-flying kiss si Gerard sa akin. Sinagot ko naman ito.



          Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita. Ngayon, saan kayang restaurant kami kakain?



          Pumunta ako malapit sa opisina ni Sir Simon. Kinuha ko ang aking phone at kumonek sa WiFi. Gamit ang phone, naghanap ako ng mga pwede naming puntahan ni Gerard. Sa pagtambay ko, saktong-sakto naman na dadaan si Keifer sa daanan ko.



          Nang nagtagpo ang mga tingin namin, tumakbo agad kaming dalawa. Si Keifer, palayo sa akin, ako naman ay humahabol sa kaniya. Gagong Keifer iyun! Bakit tumakbo?!



Keifer's POV



          Mula sa pinagtataguan ko, binabawi ko ang aking hininga. Hindi ko alam kung bakit, pero sabi ng instinct ko, tumakbo ako mula kay Edmund. At ginawa ko nga! Kaya lang ay humahabol din siya. Medyo mabilis siya pero mas mabilis ako. Partida, may bag pa akong dala. Kaya medyo nasa pinakamabilis ako. Hu! Grabe! Medyo nahihilo na ako. Teka, nabawi ko na ba ang hininga ko? Ang init ng paligid, o ako lang iyun.



          Nasa storage room ako nagtatago kung saan hindi maiisip ng kahit sinong tao na pwede kang magtago sa storage room. Kasi naman, baka pagpasok mo, nandoon iyung janitor, nagpapahinga, kumakain, o kung ano-ano, papalpak ang pagtatago. Pero napakaswerte ko ngayon. Nakita ko kasi na naglilinis iyung mga janitor. Kaya matagumpay kong natakasan si Edmund. At tatakas na ako mula sa kaniya habang buhay. Hmm, siguro dapat ay lumabas na ako.



          Humugot ulit ako ng malalim na hininga. Okay na. Nabawi ko na ang mga nawalang hininga ko. Tumakbo naman ngayon ang isip ko kung saan-saan dahil sa sinabi ko kanina sa kaniya. Nadala ako ng aking inis sa nakita ko kay Allan at Ren. Yeah, masaya sila habang ako ay hindi, pero hindi ko na dapat ipinagsabi pa kay Edmund. Paano kung totohanin ni Gerard ang mga banta niya? Paano kung ma-realize niya na hindi niya talaga mahal si Edmund? Paano kung iwanan niya talaga ito habang buhay, at si Ren naman ang kapalit? Hindi, hindi, hindi! Hindi ko dapat ipinagkatiwala sa pagkakataon ang lahat. Hindi dapat ganito. Bakit naman kasi biglang nag-iba ang ihip ng hangin kay Gerard nang pinatay ko na ang pamilya ko? Parang hindi namatay ang problema sa pamilya ko at siya naman ang pumalit.



          Sa pag-iisip ay gumana na naman ang utak ko ng mas mabilis. Sa mga ganitong pagkakataon, kailangan ko ng mga plano. Dapat ay gayahin kong mag-isip si Gerard. Medyo kilala ko siya at kung paano siya mag-isip, kaya kahit papaano naman siguro ay malalaman ko ang mga- Hay! Hindi talaga pwede! Ibang plano naman, iba! Ahh! Tama! Either magtago ako sa kaniya ng habang buhay, o mag-isip na ako ng mga posibleng palusot kapag nagkita kami!



          Tumingin ako sa aking pambisig na relo. Pambihira! Sampung minuto na akong late sa klase ko! Nakakainis! Ikaw naman kasi Keifer, chill lang kasi! Kailangan ko na talagang umalis sa lugar na ito.



          Dahan-dahan na binuksan ko ang pintuan. Nagulat ako nang bigla itong bumukas. Dali-dali ko namang isinara ulit ang pintuan pero huli na. Nakatayo si Edmund sa harapan ng pintuan at parang hindi siya nahahapo. Mukhang hindi tumakbo ang taong ito nang hinabol ako. Hindi kaya alam niya kung saan ako posibleng magtago?



          “Nahuli mo ako," natutulala kong sabi. Masyado namang maaga.



          “Ganoon talaga kapag alam mo kung saan ka magtatago," tugon ni Edmund. “Hindi mo ba alam na alumni ako dito? Hindi mo rin siguro alam na may mga matatandang bully sa eskwelahan na ito noong nang-aaral pa ako." Itinaas niya ang kaniyang kamay at nag-peace sign. “Kapag inaaway nila ako, may dalawa akong mga naisip na solusyon. Suntukin sila to death para madala, or magtago para wala ng away. Pinili ko, pareho sa magkaibang panahon. Nagtago ako dito, at pinaglaban ko ang aking sarili na nasa tama."



          “Anong nangyari pagkatapos?" tanong ko.



          “Nagalit iyung magulang nung bata. Nagbanta na i-expel ako, kasuhan, at kung ano-ano pang masasamang bagay na para bang ako pa iyung mali. Ako na nga itong na-bully. Biruin, sinabihan pa ako ng magulang na hindi ako mabu-bully kung hindi ako nagpa-bully."



          Nanginig ako sa kwento niya. “Wow! Kung nakakamatay ang kwento mo, gusto ko ng mamatay."



          “At hindi ka mamamatay ngayon." May nakita siya sa labas. “Labas na diyan. Parating na iyung janitor."



          Hinawakan ni Edmund ang aking braso! Aghh! Bwisit! Ang sakit ng pagkakahawak niya!



          “Ano ba? Ang sakit!" pagpupumiglas ko.



          Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. “Tumakas ka kanina. Hindi na ako papayag na makatakas ka pa. Sunod!"



          Dinala niya ako sa kotse niya. Pinapasok niya ako habang bukas ang pintuan at ibinababa niya iyung bintana. Sinara niya ang pintuan at dumudungaw na lang siya sa bintana.



          “Ngayon, tatanungin kita? Ano ang problema namin ni Gerard?" tanong niya habang ang tingin niya'y matalim. Lagot! Patay na! Gusto niya talagang malaman!



          Natahimik ako. Nag-aalangan ako, at gusto kong sabihin kung ano iyun. Pero sa talim ng pagkakatingin ko kay Edmund, natatakot na akong sabihin sa kaniya. Baka kung ano ang mangyari. Nako naman! Bakit kasi ako nagpadala sa inis ko nang nakita kong masaya sila Allan at Ren?



          “Ano?!" galit na agad na pagkakatanong ni Edmund.



          Nagulat ako nang sumigaw na siya. Nakakatakot, baka kung ano ang magawa niya kay Gerard kapag nagsalita ako.



          Habang nasa loob ako ng kotse, dumaan na naman sa paningin ko ang dalawa. Dahil sa pagdaan nila, nagkaroon ako nang lakas ng loob para sabihin ang mga nalalaman ko. Tama. Para malinaw ang lahat. Bahala na! Lahat naman ng gagawin natin, may lasting consequences. Ipapaubaya ko na ang lahat sa bukas.



          Tiningnan ko si Edmund. Ang mga mata niya na may galit ay nandoon pa rin.



          Humugot ako ng malalim na hininga. “Si Gerard, binantaan niya ako. Kapag may ginawa akong pagkakamali at idinawit pa siya, papatayin niya si Ren," pag-amin ko.




ITUTULOY...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails