Followers

Sunday, September 24, 2017

Endorsed To Love


Endorsed To Love
by gMore

...also by gMore,
        Midnight Blue

* The following short story has themes that may seem obnoxious to some readers. It contains gay sexual acts and vulgar words. Readers discretion is advised. 
* Photo not mine. CCTO

---------------------------***----------------------------

Endorsed to Love

Part 1

Fuck…fuck!” ang paulit ulit na mura ni Anthony sa kanyang sarili habang paulit ulit ding hinahampas ang manibela ng kanyang minamanehong kotse. 
Hindi niya matanggap ang ginawang pakikipaghiwalay sa kanya ng kanyang girlfriend…ang pagtataksil nito at ng kanyang matalik na kaibigan. 

Tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata na kanina pa niya pinipigilan. Hindi rin tuluyang nabura ng pagkalango sa alak ang sakit na kanyang nadarama. 

Hindi kayang tanggapin ng kanyang
ego ang ginawang pakikipaghiwalay ng kanyang gf, at mas lalong hindi kayang tanggapin ng kanyang puso ang pagkawala ng kanyang bestfriend

pagka-… natigilan siya, kinapa niya ang kanyang nararamdamn kung saan ba siya mas higit na nasaktan. 

Ang kanyang bestfriend na kasa kasama na niya mula pagkabat. Kasama sa lahat ng kalokohan. Sa mga…natigilan siyang muli. 

"Aahhhhh" pinikit niya ang mga mata at gumuhit sa mga alaala niya ang kanilang mga napagsamahan, ksabay nito ang ay pagtulo ng kanyang mga luha.

“Fuck!
” ulit niyang pagmumura. Naguguluhan siya sa kanyang mga nararamdaman. Mga tagong panghihinayang at pagsisisi sa mga sandaling itinago niya---… 

Napatigil siyang muli sa pagiisip at nagtataka sa kung anu anong pumapasok sa kanyang utak. Gulong gulo sya.

Kinabig niya ang manibela at iginilid niya ang kanyang sasakyan sa isang madilim na bahagi ng
highway, nangalumbaba siya sa manibela at napapikit siya ng mahigpit sa pag asang mawala ang nararamdaman niyang sakit at pait. 

Ilang minuto sya sa ganong ayos ng…

“Boss…” kasabay ng mga mahihinang katok sa bintana ng kanyang sasakyan. Out of reflex, pinahid muna niya ang mga luha at inayos ang kanyang nagulong buhok saka siya humarap sa taong kanina pa kumakatok sa kanyang bintana. 

Sa dilim ay naaaninag niya ang lalaking naka baseball cap na nagtakip ng mukha nito. Ibinaba niya ang salamin ng bintana ng kanyang sasakyan sabay ng paglayo bahagya ng lalaking kanina ay nagpupumilit na sumilip sa tinted niyang salamin, at duon ay tumama ang liwanag ng di kalayuang street light sa mukha nito at dagling nagsalubong ang kanilang mga mata.  

Sa di malamang kadahilanan ay kumabog ang dibdib niya at napamaang sa kagandahang lalaki nito. 

Matangkad ang lalaki, nakahapit na puting t-shirt at halata kahit sa dilim ang faded at tattered na pantalon. Naka rubber shoes ito na luma ngunit mas bumagay sa kanya. 

Lumapit ito at tumabing uli ang dilim sa kanyang mukha at tuluyang natakpan ng itim niyang baseball cap ang kanyang kaguwapuhan. 

“Boss,
pasensiya na sa pang aabala…pero kanina ko pa napapansin na…” hindi na narinig ni Anthony ang mga sinabi nito ng makalapit ng husto ang lalaki at naamoy niya ang halatang mumurahing pabango nito. Ng tingnan niya ito muli ay halos magkadikit na ang kanilang mga mukha dahil nasa lebel na ng bintana ng kanyang sasakyan ang mukha nito. 

Muli ay kumabog ang kanyang dibdib ng mapagmasdan niya ang kanyang angking kagwapuhan. Ngumisi ang lalaki. Ngunit halos kasabay din nito ang pagkunot ng kanyang noo at napalitan ng pag aalala ng mapagmasdan niya ang ayos ni Anthony. 

Alam ni Anthony na
callboy ang lalaking ito, huli na ng mapansin niyang nasa kahabaan siya ng QC Circle.

Napaatras ang lalaki ng kaunti at napatayo sa kanyang pagkakayuko. 

“Boss
…pa-…pasensiya na…ang a-..akala ko ay…ay…” nauutal nitong paliwanag.

“Hop in.
” ang putol niya. 

Natigilan ang lalaki at muli ay tumitig siya kay Anthony. 

Sumenyas siya, ng akmang pinapasakay nito ang lalaki. 

Ilang segundo ding nag-alinlangan ang lalaki bago ito naglakad paikot patungo sa
passenger seat ng kotse. 

Inabot ni Anthony ang lock ng pintuan at hinintay nitong pumasok ang lalaki. 

Walang imik na pumasok ang lalaki at naupo, tinanggal nito ang suot na sombrero at kinusot ang may pagkakulot na buhok na bumagay sa kanyang heart shape na hairline

Walang lingon at imik na pinaandar na ni Anthony ang sasakyan. 

“A…e…Geoff…” pagpapakilala nito sa sarili sabay lahad ng kamay. Ng di na niya matiis ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

Hindi s’ya nilingon ni Anthony at patuloy ito sa pagmamaneho. Binawi niya ang kamay at ngpakawala ng maikling pagak na tawa. Itinuon na rin nito ang tingin sa daan at hindi na umimik sa kabuuan ng byahe.

Halos kalahating oras din ang kanilang byahe ng marating nila ang pad ni Anthony, wala paring imik na pinatay nito ang makina at bumaba ng sasakyan, bumaba na din si Geoff, nagtama lang ang kanilang mga mata at waring nagkaintindihan dahil nagpatiuna na si Anthony at sumunod naman ang isa.


Maayos at maaliwalas ang loob ng pad, organisado ang mga gamit. Simple ngunit mamahalin ang mga furniture nito at kapansin pansin ang mataas na kalidad ng disenyo ng kabuuan nito. 

Inihagis ni Anthony ang susi sa may side table at dumiretso ito sa loob ng isang silid, maya maya pa ay dinig ni Geoff ang lagaslas ng tubig mula sa banyo sa loob ng silid na pinasukan nito, at mula sa nakaawang na pinto ay sinilip niya ang loob at nangahas na pumasok. 

Maluwag ang kwarto at tulad ng kabuuan ng pad magarbo ang mga gamit. Malaki ang kama at parang napakasarap mahiga dito. Hindi naayos ang higaan halatang hindi na ito tunipi at iniwan ng nagmamay ari. 

Lumapit siya sa may side table at hinila ang switch ng lampshade at dagling lumiwanag ang paligid niya, bumulaga sa kanya ang dalawang retrato na nakapatong mismo sa ilalim ng lampshade.

Ang una ay larawan ng lalaking nasa loob ng banyo at isang babaeng napakaamo ng mukha na nakaakbay sa kanyang likuran. Parehas silang nakatawa na animoy kanila ang mundo. Kita sa kislap ng kanilang mga mata ang saya at tila ba iniinggit ang kung sino mang kumuha ng litratong iyon. 

Inilapag niya ang hawak at kinuha niya ang pangalawa. Larawan ito ng lalaking iyon at dito ay mas umaangat ang kagwapuhan nito. Seryoso ang mukha nito na wari ba ay may malalim na iniisip at aakalain ng sinumang makakita ng larawang ito na ito ay stolen shot at kuha mula sa malayo at tanging ang mukha nito ang siyang subject ng photographer

Tila gumagalaw at sinasayaw ng hangin ang maikli at magulo nitong buhok. Bahagyang kapal ng mga kilay na binagayan ng medyo may kasingkitang mga mata. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labing bahagyang nakaawang na tila ba’y nagaanyaya ng ito ay halikan. 

Bumagay din dito ang tila bang nakalimutang ahitang balbas. 

Marahil ay natagalan siya sa kakatitig sa litratong iyon dahil hindi niya napansin na bumukas ang pinto ng banyo, napalingon siya dito ng marinig nito ang pagsara ng pinto at duon ay tumambad sa kanya ang lalaki sa letrato. 

Nakatapis ito ng twalya at nagtama ang kanilang mata. Muli ay natitigan nito ang mukha na kanina lang ay kanyang pinagmamasdan,ngayon sa personal at mas sumidhi ang paghanga niya sa mala Adonis nitong kaanyuan at tindig. 

Dahan dahan niyang inilapag ang hawak niyang litrato at akmang lalapitan niya ito...

“Hintayin mo ako sa sala…” ang walang kaemo emosyong bigkas ni Anthony. 

Ngunit para kay Geoff musika ito sa pandinig. Natigilan siya sandali at dahan dahang tinungo ang pinto palabas sa kwarto. “…hindi ko maintindihan ang taong ito.” aniya sa sarili. 

Naupo siya sa sofa at inaliw na lang ang sarili sa mga magasin na nakalapag sa may center table. 

Sumagi din sa isip nito ang kikitain niya, ang lalaking ito ang una ngayong gabi. 

Matumal ang kostumer ngayun di tulad ng nakaraang buwan o maaaring dahil din sa may pagka choosy sya sa kostumer. 

Napailing na lang siya na napapangiti. “kikita naman siguro ako ngayon sa lalaking ito..” nasabi niya sa sarili.


Lumabas si Anthony at dumetso ito sa kitchen at pagbalik ay may dala dala ng apat na beer in can. Inilapag niya ito sa center table nagbukas ng isa. 

Inabot ang remote at binuksan ang tv.

Sinulyapan lang siya ni Geoff, inabot ang isang beer at binuksan ito at itinuon na din niya ang tingin sa tv

Ilang minuto ding silang walang imikan at hindi na sya mapakali, at maya’t maya ay sinusulyapan niya ang kanyang mumurahing relo. Nawawalan na siya ng pagasa na may mangyayari at nagaalala siya na baka ay wala siyang kikitain ngayong gabi. Hindi rin niya magawang gumawa ng unang move tulad ng lagi niyang ginagawa sa kadahilanang kumakabog ang dibdib niya na wari ba ay dinadaga sya sa unang pagkakataon.

Nakailang beer na rin sila dahil maya’t maya ay panay ang kuha ni Anthony ng beer sa ref. 

Hindi na nakatiis si Geoff at akmang lalapitan na niya ito at simulan ang trabaho ng mapakunot ang noo nito ng nakita niyang nakapikit ito at nakasandal ang ulo sa backrest ng sofa“ang lintek tinulugan ata ako!…” umusog siya palapit dito at muli ay hindi niya mapigilang titigan ang kakisigan nito. 

Hindi nya napigilan ang sarili at itinaas nito ang kanyang mga kamay upang damhin ang mukha nito. Sa una ay hindi niya idinantay ang daliri. Sinusundan niya na animoy iginuguhit niya ang mukha nito at sa di kalaunan ay dahan dahang idinikit din niya ang mga daliri sa mukha nito…malambot, mainit, buhay. 

May kakaibang hatid na saya sa kanya ang mahawakan ang mukha ng lalaki. May kung anong ligaya ang kanyang nadama sa kanyang puso na ni minsan ay hindi niya naramdaman sa kahit na kaninong kostumer. 

Patuloy siya sa ginagawa ngunit napatigil ng walang anu ano’y biglang sumilay ang butil ng luha sa mga mata nitong nakapikit. 

Binawi niya ang kamay at napakunot ang noo’t tinitigan niya ito.

“Kiss me..” ang garalgal nitong sabi, nanatili itong nakapikit at ngayon kita ang pagtitiim bagang nito na tila ba ay nakakaranas ng sobrang sakit ng kalooban. 

“…kiss me.” Ulit nito. 

May pag alinlangang inilapit ni Geoff ang mukha niya at dahan dahang inilapat niya ang kanina pang uhaw niyang mga labi.Malambot, masuyo ang ginawa niyang pagdanday. 

Tanging ang mahinhing pagkislot lang ang naramdamn niyang tugon nito kaya inilayo niya bahagya ang mukha at tinitigan syang muli na puno ng pagtataka. 

“Please…d-don’t stop.” Sambit nitong muli. 

Sa mga sandaling iyon pawang sakit ang nadarama ni Anthony at sa halik ng estrangherong ito ay may gusto siyang patunayan sa kanyang sarili kung ang sakit ba na kanyang nararamdaman ay sakit ng pagkawalay ng minamahal o sakit ng pagkalito. 

Naramdaman niyang muli ang pagdantay ng mga labi ng lalaki, tumatantiya…masuyo…maingat. Kusa niyang iniumang ang mga labi at sa pakakataong iyon ay ginatihan niya ng isang mahinhin na halik ang lalaki. 

Tila ba iyon ang hinihintay na pagkakataon ng lalaki at naging mas mapangahas na ang mga halik nito. Dama sa bawat sipsip nito ang kakaibang kiliting hatid na ngayon lang niya naramdaman sa kapwa niya lalake. 

Tuluyang naiwaksi ang kaninang sakit ng damdamin dahil sa mga nagaaalab na halik nito. 

Malikot ang kanyang dila at nagawa nitong pasukin ang kanyang bibig at ginalugad nito ang loob. Sa isip niya ay nandon ang pandidiri at muntik na niyang itulak ito palayo, ngunit sa halip ay nadama niya ang kakaibang sarap na kahit sa kanyang girlfriend ay di niya naramdaman… 

ang kanyang girlfriend…

ang kanyang bestfriend…

Sa kaisipang iyon ay naitulak niya ang lalaki. Natigilan at napatitig ng may pagtataka si Geoff, ngunit napalitan ito ng pagaalala ng bigla ay tumulo muli ang mga luha sa mata ni Anthony.

Okay ka lang, tol?” tanong nito. 

“I’m sorry…I’m stupid.” Sa halip ay sagot ni Anthony.

“A…e..okay lang yun. Hmm first time mo ba?” huli na ng mapagtanto niya na napaka insensitive ng kanyang tinuran. “..sorry a…ang ibig kong sabihin…m-may problema kaba?” bawi niya.

“Just kiss me again…” sa halip ay balik utos nito.

Napamaang si Geoff ngunit dahil na rin sa nagising na ang kanyang kalibugan kanina, ay hindi na siya nagatubili. 

Kinuha nito ang kamay ni Anthony at ipinatong sa kanyang harapan at ipinadama niya dito ang kanyang bukol, at siniil niya ito ng halik. 

Saglit na nabawi ni Anthony ang kamay ng maramdaman nito ang pagkalalaki ni Geoff ngunit kusa rin itong bumalik doon at dahan dahang hinimas habang nagaalab ang kanilang halikan. 

Gumana na ang mga sanay na kamay ni Geoff at unti unti niyang nahuhubad ang kanilang mga saplot. 

Bumaba ang kanyang halik sa leeg ni Anthony at nahugot ng huli ang hininga ng maramdaman niya ang mga nagaalab nitong mga labi. Habang ibinababa nito ang pangibabang suot ni Anthony ay pinagsasawaan din niyang sipsipin ng salitan ang mga utong nito. 

Mga mumuniting kagat at paglakbay ng dila sa dalawang matitikas na teriroryong yoon. 

Napapaungol si Anthony sa mga bagong sensasyong hatid nito. 

Iba ang sarap, iba sa pakiramdam…mas nakakakiliti…mas nakakalibog…mas masarap.

Tumayo saglit si Geoff at walang pagngingiming hinubad niya ang pantalon sa harap ni Anthony at kasunod nito ang kanyang puting brief. 

Noon ay tumambad sa kanya ang may kalakihang naghuhumindig nitong pagkalalaki. 

Yumuko at pumatong siyang muli sa nakaupong si Anthony upang halikan sa mga labi at ramdam niya ang pagkiskis ng kanyang ari sa nakabukol na hinaharap niya na noon ay tanging ang brief na lamang ang suot. 


Naglakbay ang kanilang mga kamay. Hindi mawari ni Anthony kung bakit napakanormal para sa kanya ang mga hagod ni Geoff, wala siyang nadaramang pandididri bagkus ay ibayong srap.

“Oooohhh…” ungol niya ng maramdaman niya ang labi at ang dila ni Geoff sa kanyang puson. Pababa…pababa sa kanyang pagkalalaki na noon ay kanina pa gustong kumawala mula sa pagkakakulong sa kanyang brief. 

Napakasarap ng lalaking ito…sa isip isip ni Geoff. Hindi mo sya pagsasawaan.

Napakabango, malinis, makinis. Tila nanunudyo ay hinimas himas niya ang bukol nito habang walang sawa sa kakalaro ang dila niya sa bandang ibaba ng kanyang pusod. 

Manaka naka ay akmang kinakagat niya ang kabuuan ng bukol nito habang nasa loob pa ng kanyang brief

Sa kasabikan ay tuluyan na niyang hinubad ang underwear nito at tumambad sa kanya ang kanyang pagkalalaki. Makinis at mamula mula…animoy sundalong nakatayo sa hindi kalaguang mga buhok nito. 

Walang sinayang na sandali at isinubo nito ang ulo ng kanyang sandata. Napaliyad at napahalinghing si Anthony… “Ohhhh…shiiit…” tanging sambit nito. 

Ginanahan lalo si Geoff, umupo ito sa sofa sa tabi niya at yumuko at muling sinubo ang nagngangalit na sandata ni Anthony. Kinuha niya ang kamay nito at dinala sa kanyang ari. 

Hinawakan ni Anthony ang pagkalalaki ni Geoff at kinulong sa kanyang palad. Hinmas himas at hinagod hagod, habang sinususo siya nito. 

Magaling sumuso si Geoff, kaya nitong isubo ang kabuuan ni Anthony at sipsipin na siyang nagpapaliyad at nagpapaungol ng malakas sa kanya. Walang sawa na naglabas masok habang sinasabayan na ng pagkadyot ni Anthony sa bibig niya ay siya namang paglalatro nito sa saririling ari.

Ilang saglit pa ay halos magkasabay silang narating ang rurok ng kaligayahan.

“Ohhhhh…shiit…I’mmmm cummming…Ohhhh,,,” ungol ni Anthony at tuluyang sumabog ang kanyang katas sa loob ng bibig ni Geoff. Kasabay nito ay ang pagpulandit ng kanyang katas sa kanyang dibdib sa sofa at kumalat sa kamay ni Anthony na siyang nagjajakol sa kanya.

Hinimod ni Geoff ang natitirang katas ni Anthony, patuloy siya sa pagchupa hanggang wala ng natira pa sa katas nito. Nanlalatang sumandal ito sa sofa at nginitian niya si Anthony. 

Ngumiti din ito na syang lalong nagpatingkad sa kanyang kagwapuhan. Hindi niya napigil ang sarili at siniil niya muli ito ng halik.

Magkasama sila buong magdamag, at paulit ulit silang nagtalik, ngayon sa kama ni Anthony hanggang tuluyan ng gapiin ng pagod at puyat ang kanilang mga katawan at halos sabay na napaidlip.


*****

Naputol ang kanyang sasabihin ng napaubo siya ng sunod sunod at ngayon ay kailangan niyang habulin ang paghinga. 

Ng mahimasmasan ay ngumiti siya at akmang magpapatuloy sa sasabihin ng inunahan siya ni Nel.

“Sabi ko naman sayo pwede namang bukas na lang natin ipagpatuloy. kailangan mo ng magpahinga.” ani nito na itiniklop ang librong pinagsusulatan. 
Bakas sa mukha niya ang pagaalala… 

“isa pa wala naman tayong hinahabol na oras.” dugtong nito.

Ngumiti si Rob, at nabahiran ng lungkot ang malamlam nitong mata.

“Ayaw mu na bang makinig sakin?” mahina, animoy nagtatampo na tanong niya.

Napangiti si Nel, sino nga ba naman ang hindi mahuhulog ang loob sa isang tulad ni Rob? Sa napakaamo niyang mukha at mga matang pag tumingin ay tila ba nangaakit.  

Bumalik siya sa kinauupuan at hinawakan ang kanyang kamay. 

“Hmmm sabihin mo saken… hindi lang iyon ang una at huli nilang pagkikita, hindi ba?” tanong ni Nel.

“Parang ayaw ko ng makinig at magsulat…masyadong maiinit ang mga eksenang binigkas mo, napapaisip tuloy ako na maaaring inaakit mu lamang ako.” Dagdag biro pa niya.

“Ikaw ba, gusto mo?” ganting pabiro ni Rob.

Natigilan si Nel at napahagalpak ng tawa si Rob “Kung nakikita mo lamang sana ang itsura mo…” anitong pigil parin ang tawa. 

Namula si Nel at napamaang sa kadiretsuhan ni Rob, paano niya nagagawang biro ang lahat? Sa isip isip niya. 

“Haiss..sige ipagtuloy na lang natin ang kwento nila Anthony at Geoff.” Ang nasabi nalanang niya.

Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Rob at tila ba nahulog muli sa balon ng kanyang imahinasyon.

*****

Nagising si Geoff na magisa sa kama. Bihira siyang nakikitulog sa bahay ng kanyang mga nagiging customer at kung nagkataon man ay hindi sa ganito ka late nagigising. 

Bumangon siya sa kama ta bahagyang nagulat ng mapansin niya na buhay ang kanyang sandata. Napangisi siya at pilyong naisip na wla talagang kapaguran ang kanyang alaga. 

Hinanap niya ang mga saplot sa paligid at nadako ang paningin niya sa larawan na kagabi lamang ay pinamamasdan niya. 

Inabot niya ito at pinagmasdan at muli ay tinamaan siya ng libog. Sinimulan niyang laruin ang kanyang sandata at hindi niya tinigilan ito hanggat sumabog ang kanyang katas at tumalsik sa kanyang dibdid. 

Napangiti siya at tumayo, dumeretso sa banyo, naligo at nagpatuyo. Nagbihis.

Wala ni ang anino ng lalaking nakaulayaw niya ng paulit ulit kagabi. Lumabas siya sa sala at napansin niya ang puting papel na nakatupi at nakapatong sa center table. 

Kinuha niya ito at mas lalong lumaki ang kanyang pagkakangiti ng makita niya ang limang tig iisang libo sa loob nito, at isang note, sulat kamay… 

“thanks for lastnight, I enjoyed it. Leave the key under the placemat.” –Anthony
“Kakaiba talaga ang taong ito…” aniya sa sarili.

Umalis sya sa lugar na iyon na umaasang makita niyang muli ang lalaking iyon na Anthony pala ang panglan. “Anthony…Anthony…” ulit niya sa pangalan nito.

----

Hindi makapag concentrate si Anthony sa kanyang trabaho ng mga sandaling iyon. Tulala at mayat maya ay kung saan napapadako ang kanyang isipan. 

Naiinis siya sa sarili kung bakit ang mukha ng lalaking iyon ang laging sumasagi sa utak niya…

“Geoff…” usal niya

Hindi na niya mabilang kung ilang beases na niyang binigkas ang pangalan nito. Iniisip niya kung nandoon parin kaya siya at hinihintay siya sa kanyang paguwi? Parang gusto tuloy niyang hilain ang oras para matapos na ang maghapon. 

Brod, Okay ka lang?” tapik sa kanya ni Red isa sa mga malalapit niyang kaibigan. 

“Makaka move on ka din sa kanya, tol. At wag lang magpapakita sakin ang Rafael na  an at baka masapak ko lang” litanya nito na pigil ang galit. Si Rafael ang kanyang bestfriend na umagaw kay Gina, ang kanyang girlfriend.

Lihim na pinagalitan ni Anthony ang sarili sapagkat hindi na siya nakakaramdam ng kahit anumang kirot sa pagtataksil ng kanyang bestfriend at gf

Iba ang laman ng kanyang isip. Si Geoff.



Dumaan pa ang mga araw na may pangungulila sa kanyang puso si Anthony. Nakailang beses o ilang gabi at inaabot ng madaling araw na din siyang nakatanaw sa malayo kay Geoff habang nakatambay ito sa lugar kung saan ito madalas nakakakuha ng kostumer. Wala syang pakialam kung nagmumukha na syang detective o stalker

Natatakot lang siyang lapitan ito,  o marahil ay nahihiya. 

Isang gabi habang nakaparada siya sa di kalayuan ay tanaw niya si Geoff sa usual nitong pwesto at prenteng naghihintay. 

May humintong sasakyan sa pwesto nito at nakita niya kung paano niya ito nilapitan. 

Sa may kadilimang bahagi ay marahil nakikipagpresyuhan ito. Medyo matagal ng nakahinto ang sasakyan duon at makalipas ang ilang sandali ay umandar na ito papalayo. 

Hindi niya nakita si Geoff, marahil ay sumama ito. 

Madalas kasi sa kanyang pagmamasid, kung minsan ay hindi sumasama si Geoff. Namimili ito ng customers. 

Ilang minuto muna syang ngmasid. Sinigurado niyang wala siya doon bago siya naglakad patungo sa pwesto nito. 

Naupo sa madalas niyang inuupuan at doon ay nagmumunimuni. 

Ano ba ang nagyayari saking sarili, tanong na naglaalro sa kanyang utak. Bakit ba ko nagkakaganito sa isang lalaking--… hindi niya maatim na bigkasin kung anong klaseng lalaki siya at kung bakit sa kanya pa tumibok ang puso niya.

Napayuko siya at sinapo ng knayang mga palad ang kanyang ulo. Gulung-gulo na sya sa kanyang nararamdaman. 

“Malamok d’yan…” mula sa dilim ay lumabas si Geoff. 

Napatayo bigla si Anthony at animoy napako sa kinatatayuan. 

Kung maliwanag lang siguro ay kitang kita ni Geoff kung gaano siya namula sa pagkapahiya. 

‘A…e- nap-..napadaan lang a-ko.” Pautal na depensa ni Anthony.

Napatawa ng walang tunog si Geoff… “Ahhh..at halos gabi gabi kang napapadaan ditto?” 
Ngumiti ito ng makahulugan at animoy nanunukso.

Namutla si Anthony…sukol na siya. “A-alam mo na.,.na…” 

Tumawa uli ito, ngayun ay dinig ang impit na halakhak nito. Tiningnan lang niya ito ng makahuluan. 

“Tulad nga ng sabi ko malamok d’yan, kung gusto mo lakad muna tayo.  May alam akong kapehan d’yan lang sa malapit.” Nagpatiuna na ito ng lakad. 

Ilang Segundo din bago natauhan si Anthony at sinundan niya ito. Hinabol at sinabayan sa paglalakad si Geoff na nuon ay binabagalan na ang lakad.

“Siguro naman ay pwede kong tanungin kung bakit ka laging pumupunta dito at mukhang hindi ka naman namimick up?” Nakangiting tanong ni Geoff.

Hindi nakasagot si Anthony dahil hindi niya alam kung paano sasabihin sa kanya ang kanyang nararamdaman. 

“Nakita kita minsan habang sakay ako ng aking customer, ang akala ko hindi ikaw yon, pero sa mga sumunod na gabi ay palihim ko ng tinitingnan ka sa di kalayuan. I mean, mula dun sa pwesto ko.” 

Hindi parin siya sumagot hanggang sa narating nila ang isang stall na nagbebenta ng kung anu ano kahit halos hating gabi na. 

“Ate dalawang kape nga.” Sabay ng pagdukot nito ng bente pesos sa bulsa at iniabot sa inaantok na tindera. 

Nakamasid lang si Abthony at hindi nagtagal ay iniabot sa kanya ni Geoff ang isang basong styro na may lamang umuusok na kape. “Tara dun tayo.” Sabi nitong humigop sa kanyang kape.

Umupo sila sa isang kongkretong upuan sa lilim ng mga puno, medyo madilim at tanging ang liwanag lamang mula sa di kalayuang street light at pag tumamatama sa kanilang pwesto ang headlight ng mga panaka nkang pagdaan ng mga sasakyan.

Tulad ng dati wala na naman silang imik, nagpapakiramdaman lamang.

Sa di kalayuan ay natanaw nila na may humintong isang sasakyan sa isang na nakatambay na lalaki. Lumapit ito at nakipagusap sa bukas na bintana ng sasakyan. 

Ilang sandali lang ay may isa pang lalaki na lumapit din, mukhang mas bata at mas maganda ang katawan…nagkausap…nagkapresyuhan…at mayat maya ay umikot ang panglawang lalaki sa may passenger seat at sumakay ito.

Napatawa ng mahina si Geoff, dahil dito ay napatitig sa kanya si Anthony. Mas lalong lumalabas ang kakaiba nitong appeal kapag ito ay nakatawang ngiti at ang hagod ng boses na mahina. 

“Ganyan ang kalakaran dito. Mas gwapo, mas bata, mas maganda katawan…mas maraming kostumer at syempre mas malaki ang kita.” Sambit nito na nakangiti.

“Bakit niyo ginagawa ito?” ang tanong ni Anthony.

Nawala ang ngiti sa mga labi Geoff at gumuhit sa mga mata nito ang kakaibang lungkot. Salamat na lamang sa dilim at hindi iyon napansin ni Anthony.

“Ano nga ba sa palagay mo ang dahilan?” balik tanong nito at humigop muli sa kanyang kape.

“Pera.” Sagot nito sa tonong iyon lang ang maaring dahilan.

Naramdaman ni Geoff ang parang kurot sa kanyang dibdib sa tono ng pagkakasagot nito. 

Hindi niya pinahalata na sya ay nasakatan at pinakawalan na lamang niya ang isang pagak na tawa.

“Ano pa nga ba?...” sulsol pa niya. “Yun lang naman ang dahilan hindi ba?” dagdag pa nito. At hindi niya naitago ang pagigijng sarkastiko ng kanyang tinuran.

Marahil ay nakaramdam si Anthony, “Sorry I didn’t mean it… I didn’t mean to-…

“Okay lang. Totoo naman eh.” Pagputol niya sa mga sasabihin pa sana nito.

“Pera naman talaga ang dahilan, pera…” idiniin niya ang huling salita bago pinagpatuloy “pera ang nagpapaikot ng mundo.”

Tinitigan lang siya ni Anthony at pilit na inaaninag ang mukha nito sa dilim. Hindi siya maaring magkamaki na dama niya ang pait at paghihirap nito. Na sa bawat ngiti nito ay may nakatagong kirot.

Nanaig uli ang katahimikan sa kanilang dalawa. Ilang minuto din silang nagpapakiramdaman ng biglang tumayo na si Geoff.

“Panu ba yan…kailangan ko ng sumibat.” 

“Sandali lang..” napatayo na rin si Anthony. Humugot ito sa bulsa, inilabas ang wallet at kumuha ng dalawang libong buo sabay abot sa kanya.

“Thanks for the time.” Napatingin si Geoff sa perang iniaabot nito. Gumuhit ang kirot sa mukha nito ngunit nagawa nitong abutin ang pera. Kinuha nito ang isa at ibinalik niya ang isa.

“Sobra sobra ito…isa pa wala naman tayong ginawa. At wag mong ipilit na ibigay sakin yan dahil hindi ko tatanggapin..” nginitian niya si Anthony sabay talikod dito.



****

Hirap, ngunit nagawang buksan ni Rob ang isang box at duon ay may kung ano itong hinanap.

“Wag mung sabihing may regalo ka na naman sakin?” ang patuksong sabi ni Nel “Maniniwala na ako niyan na ako talaga ang paborito mo sa lahat samin dito. Well kung sabagay hindi kita masisisi… sa kapogian ko ba namang ito?” sabay lagay ng kanyang nakaunat na hinlalaki at hintuturo sa ilalim ng kanyang baba at kumindat sabay ng napakatamis na ngiti kay Rob.

Napailing lang at napangiti ito sabay kuha ng isang puting envelope sa box.

Sa nanginginig na kamay ay iniabot niya ito sa kanya.

“Ano yan?” tanong ni Nel ng may pagtataka.

“Buksan mu lamang yan pagkatapos mong maisulat ang kabuuan ng kwento ko.”  ang sabi nitong seryoso ang mukha. 

“Napakahalaga niyan sakin.” 

Inabot ni Nel ang puting envelope at nagtatakang nakatingin sya dito. Marahil ay matagal niyang pinagmamasdan at nagiisip kung ano ang laman niyon dahil ng lingunin niya si Rob ay payapa na itong natutulog. Marahil ay dahill sa kapaguran.

Napangiti si Nel at isinilid niya ang envelope sa loob ng librong pinagsusulatan niya. 

Kinuha niya ang kanyang bag sa may paanan ni Rob at tinungo ang pintuan. 

Bago siya tuluyang lumabas ay sinulyapan niyang muli si Rob na mahimbing na sa pagkakatulog.

Bukas kaya? Maitutuloy pa kaya nila ang kwentuhang iyon? Ang libro…seryoso kaya ito at naniniwala kaya itong maisusulat niya lahat ng kanyang ikinukwento? Magagampanan kaya niya ang ipinangakong siya ang magpapatuloy ng pinapangarap nitong makapagsulat ng isang libro? Isang kwento ng pag ibig, pag-ibig na hindi pa lubos na natatanggap ng lipunan.  

Mabigat at may pagaalalang isinara ni Nel ang pintuan.




Part 2

Halos araw araw bago umuwi si Nel ay dinadaanan nito si Rob. Kwentuhan at tuksuhan at kapag handa na itong ipagpatuloy ang kwento nito ay inilalabas na ni Nel ang bakanteng libro at duon ay ipinagpapatuloy niya ang pagsususlat sa bawat salita o namumutawi sa mga labi ni Rob. 

Kung minsan natutulugan siya nito at kailangan pa niyang basahin muli dito ang mga naisulat na niya ng gayon ay malaman ni Rob kung saan siya magpapatuloy. 

Sa edad nitong 38 ay humihina na ang memorya nito sa kadahilanang si Nel mismo ang higit na nakakaalam.

Waring buhay ang mga karakter nina Geoff at Anthony sa bawat pahinang naisusulat niya. 

Mga kathang isip na ngayon ay nagbibigay kulay sa buhay ni Rob. Maging si Nel ay nagkakaroon ng kakaibang excitement at matagal na niyang kinukulit ito kung ano ang magiging ending

Tanging ngiti lamang ang sinsagot ni Rob at pagkay tatanungin siya ng… “Hindi ko naisip kung ano ang gagawin ko sa kanila, ikaw Nel, ano ang gusto mong maging ending? Kung ipapasulat ko ba syo ang ending ng kwentong iyan ay isususlat mo ba para sa akin?”

Ngiti lang din ang naisasagot ni Nel at kung minsan ay nakikita niya ang kislap ng pag asa sa mga mata nito.


******

Napadalas ang pagkikita nina Anthony at Geoff at sa di malamang kadahilanan ay nahuhulog na ang loob nila sa bawat isa. 

Naulit din ang minsang pagtatalik ng mga ito ngunit hindi na tinanggap ni Geoff ang anumang kabayaran pagkatapos nila magniig. 

Ipinagpipilitan man ni Anthony ay wala parin itong nagawa. 

Naaalala pa niya kung panong parang kinurot ang kanyang puso ng iaabot sa kanya ni Anthony ang pera. Nainsulto at gusto niyang magalit. Ngunit ano ba siya sa buhay ng lalaking ito? Hindi bat isa syang hamak na bayarang lalaki lamang? 

Nagpatuloy parin siya sa pag sama sama sa ibat ibang kostumer, at tulad ng dati dahil sa maganda ang kanyang katawan at may ipinagmamalaki siyang angking kagwapuhan ay marami ang nahuhumaling sa kanya at pabalik balik upang siya ay tikman.

Si Mr. Lee, isang matandang intsik na naging kostumer na niya ang muli ay pumik up sa kanya gabing iyon. 

Mabait si Mr. Lee, isang beses lang siya nito natikman at simula ng makilala niya ito at nang nalaman nito ang kanyang hirap na buhay ay hindi na inulit ni Mr. Lee ang pagpapakasasa sa kanyang katawan, bagkus ay naawa ito at kapag siya ang kanyang nagiging kostumer ay nagsisilbi lang siyang isang escort na kasa kasama nito sa kung saan mang sosyalan na pinupuntahan nito. 

Sandali lang siya sa party kung saan sila pumunta ni Mr. Lee pinauwi din siya nito agad, at dahil sa nangangailangan siya ngayun ng malaki laking halaga ay bumalik siya sa pwesto, at doon nadatnan niyang muli si Anthony.

Papalapit palang sya ng sinalubong siya ni Anthony ng yapos at napakapusok na halik. 

Nabigla man ay hindi rin niya nagawang itulak ito bagkus ay ginantihan nito ang mga nagaalab na halik niya. 

Madiin ang halik niya, animoy nagmamadali na parang bang hayop na hayok na hayok. 

Kinailangan pa niyang itulak ito upang hugutin niya ang kanyang hininga dahil sa napakatagal nilang halikan. Tinitigan sya ni Anthony at tila ba nabingi siya sa lakas ng kabog ng kanyang puso ng marinig niya ang malamusika nitong boses.

“Geoff I love you. I can’t go on with my life without you.” Anitong tila nagmamakawa. 
“Please sabihin mong mahal mo rin ako. Sabihin mong kailangan mo rin ako, na hina hanap hanap mo rin ako, please…”

Sa halip na sagutin ay biglang hinalikan siya ni Geoff, halik na tila ba nagsasabing pareho sila ng nararamdaman.



Pagkasarang pagkasara palang ng pinto ng pad ni Anthony ay siniil na siya ng halik ni Geoff. 

Ginantihan niya ito ng mas maalab ding halik. Habang naglalakbay ang kanilang mga kamay sa unti unti ng nahuhubaran nilang katawan ay nagtatagpo ang kanilang mga dila. Animoy magkaaway na magkayapos kasabay ng mga tila de numerong galaw ng mga kamay ng walang pagmamadali.

Hagod na nagpatindi sa kani kanilang pagnanasa. Isa isang nahubad ang kanilang mga kasuotan at tanging mga puting saplot na lang sa kanilang nagngangalit na pagkalalaki ang tumatabing sa kanila. 

Mainit ang katawan ng bawat isa na lalong pinapadarang ng mas maiinit na halik. Naglakabay ang mga halik ni Geoff sa leeg ni Anthony, inilalabas nito ang dila at pinapadaan na animoy hinihimod nito ang anumang madaanan. 

Nakarating ito sa kanyang mga dibdib at duon ay manakanaka niya itong kinakagat sabay ng pagsipsip at paghalik sa nakatyo nitong utong. 

Ang kanyang kanang kamay hinihimas ang nakaumbok nitong harapan at ang isa ay mahinhing pinisil ang kabilang utong. 

Tanging ungol lamang ang naisasagot ni Anthony. Ang mga kamay nito ay napapakapit sa balikat at humahagod sa likod ni Geoff. 

Hindi nagtagal ay bumaba si Geoff at hindi na nito pinahirapan pa ang kanina pang gustong magpumiglas na pagkalalaki ni Anthony. 

Idinampi niya ang dulo ng kanyang dila sa pinakabutas ng ari nito at nalasahan niya ang maalat alat at manamis namis na pre cum niya. Napaliyad si Anthony sa pagdampi palang ng mainit na dila ni Geoff. 

“Ooohhhh…suck meee…pleeeaassee..” pagmamaka awang ungol nito. 

Waring nanunudyo pang diniladilaan lang ni Geoff ang ulo ng ari nito at pinapadaan ang dila sa kabuuan ng katawan nito pababa sa kanyang mga bayag. 

“…pleeaaasssee…” pagmamakaawa muli Anthony.

Pagkarinig niya doon ay tuluyan na niyang isubo ang kabuuan nito “Ooohhhh….” 

Napapaliyad na ungol ni Anthony. Isinagad ni Geoff ang pagsubo sa kabuuan nito at sinipsip na animoy bata na uhaw na uhaw. Sinuso niya ito at labas masok siyang nagpakasasa sa pagkalalaki ni Anthony. 

Naramdaman niya pagunat ng mga hita nito at kakaibang bilis ng pagkantot nito sa kanyang bibig, hinugot niya ang ari nito mula sa pagkakasubo “Wag muna…”aniya na tila ba asong ulol sa tindi ng libog. 

Hinila niya ito pababa, dalawa na silang nakasalampak sa carpeted na sahig. 

Hinalikan siyang muli ni Geoff “pasukin mo ako Anthony…gusto kong maramdaman ka sa loob ko.”bulong niya. 

Parang wala sa sarili na napatango lamang si Anthony. Pinahiga ito ni Geoff at muli ay bumaba ang halik niya sa nakatindig parin nitong ari. Sinuso niya muli ito ng ilang sandali. 

Mayat maya ay umayos ito ng pwesto at inupuan niya ang kanina pay itinutok niyang pagkalalaki ni Anthony. 

Ng maramdaman ni Anthony ang mainit na nakapalibot sa ulo ng ari niya ay nahugot niya ang hininga dahil sa ibayong srap nito kung kayat napaliyad siya at naikantot niya ang ari at naipasok ito ng buong buo at sagad na sagad sa kaloob looban ni Geoff. 

Napkislot si Geoff sa kirot na hatid ng hindi niya inaasahang pagkadyot ni Anthony. 

Hinayaan niyang naisagad ang kabuuan nito sa kanya at hinintay niyang ma relax ang kanyang muscle duon. Napalamas napakapit siya sa dibdib ni Anthony. 

Ng mahimas masan ay kusa na niyang iginalaw ang kanyang katawan upang mailabas masok ang ari nito. 

“Oooohhhh…shiitttt..ang sssaaarrrappppp.”ungol ni Anthony, hindi niya maipaliwanag ang kakaibang sarap na hatid ni Geoff. 

Dumapa bahagya si Geoff upang abutin ng kanyang mga labi ang mga labi ni Anthony at patuloy parin sya sa pagindayog sa saliw ng mga musikang ungol nilang dalawa, kasabay ng kanyang paghagod at pagbate sa ari nito. 

Bumilis na ang bawat ulos, at sinasalubong ito ni Geoff na sarap na sarap sa bumibilis na pagkantot ni Anthony…pasok na pasok…sagad na sagad…

“Ayyaaan naaaaa….Ooohhhhh…”

“Immm cummmmiiinng…Oooohhhh..Aahhhh”

Magkasabay nilang narating ang rurok ng kaligayahan.



*****

“Dapat ba talaga ganon ang isususlat ko? ang daming Oohhh, Aahhh?” tanong ni Nel. Sa aminin man niya o sa hindi nalibugan siya sa mga salitang namutawi sa labi ni Rob. 

Hindi rin siya sigurado kung naisulat niya ba ito ng maayos o ayon sa kagustuhan niya.

“Gusto mo sabihin ko ulit? Para maisulat mo ng maayos?” sabi nitong tila nanunukso, nakngiti ito at nangaakit ang tono. 

Tinapunan din nito ng tingin ang kanina pa nakaumbok na harapan ni Nel na bakat sa manipis niyang puting uniform.  

“Ulol!” ang nasagot ni Nel sabay tawa.

“Kiss me.” Anas ni Rob, seryoso ang mukha nito at nakatitig ng mapangakit.

Natigilan si Nel, at sa di malamang kadahilanan na tila bay nabato balani at dahan dahan nitong inilapit ang mukha sa nakahigang si Rob. 

Idadampi na lamang niya ang kanyang mga labi ng iniiwas ni Rob bigla ang kanyang mukha at pagak na tumawa.

Napatitig lang si Nel sa kanya, nagtatanong, nagtataka…

“Alam mong matagal ko ng kinalimutan ang mga bagay nayan…” sambit ni Rob na ngayon ay nakaguhit sa mukha ang kakaibang lungkot at paghihirap “Ikaw ang mas higit na nakakaalam. Alam mo ang kalagayan ko hindi ba? Ayokong may madadamay pa sa kung anung impyerno meron ako ngayon….” Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. 

Nakatitig lang si Nel, bakas sa kanya ang pagkaawa, ngunit wala syang nakikita sa mga mga mata nito ang pagkaawa o galit sa sarili. Wala ding pagsisisi siyang naramdaman, tanging sakit at paghihirap ng kalooban lamang.

“Hindi naman nakakahawa ang halik diba?” sambit ni Nel, tanong na sya mismo ang dapat na sumagot.

Nagtama ang kanilang mga mata…sa mga mata ni Nel ay kita ni Rob ang pagmamahal, pagmamahal ng higit pa sa nararapat. 

Pagmamahal na kakaiba mula sa kanyang natutuhan na ring mahalin na tagapag alaga, si Nel ang kanyang nurse.

Napapikit siya pagkat ayaw niyang makita ang pagmamahal na iyon sa kanyang mga mata, at dumaloy ang mga butil ng luha sa kanyang magkabilang pisngi.


----



Part 3


Mag aalas nuebe na ng gabi ng lisanin niya ang kwarto ni Rob. Hanggang alas sais lang ang duty niya araw araw, pero simula ng simulan nila ni Rob ang pagsusulat sa kanyang pangarap na libro ay lagi na siyang nasa tabi nito pagkatapos na pagkatapos ng kanyang duty

Sya ang paborito niyang pasyente, naaalala pa niya ng una itong ipinasok doon, at kung makailang ulit na ding nagpabalik balik doon hanggang sa ngayon nga ay naconfine na ito ng matagalan. 

Ayaw man niyang aminin hindi na bumubuti ang kalagayan nito. Patuloy ang pagbagsak ng katawan nito at prone sa halos lahat ng sakit dahil sa halos wala ng kakayahan ang katawan niya na labanan ang anumang mikrobyo na madikit dito. 

Patuloy din sa pagbulusok pababa ang kanyang CD4 T-cells count, tanda na tuluyan nang ginagapi ng AIDS ang kanyang katawan.


Kanina lang, halos wala siyang naisulat dahil sa hirap na itong magsalita dahil sa kanyang matinding pag ubo. 

Ilang araw na rin pinipilit na ipagpatuloy ang kanilang ginagawa kahit pa kung minsan ay pinapagalitan naniya ito dahil ayaw niyang magpahinga. 

Nagka Pneumonia na ito, isang kumplikasyon na kinatatakutan niya. 

Kung minsan ay napapaisip siya kung bakit napakaimportante ng kwentong kung susumahin niya ay pawang kalibugan lamang. 

Pinahid ni Nel ang namumuong luha sa kanyang mga mata ng tanawin niya ang kwarto kung saan ay mahimbing na natutulog ngayon si Rob. 

Si Rob, ang maamo niyang mukha, masayahin at tila ba hindi nauubusan ng buhay ang kanyang mga mata. Bata pa na sana ay ine enjoy palang niya dapat ang buhay. 

SiRob, na natutuhan na niyang mahalin sa kabila ng lahat.

Pagkadating sa bahay inilapag niya ang bag, naupo sa kama at tumitig sa kawalan. Madilim sa silid niya. Inabot niya ang switch ng lampshade at tila ba wala sa sarili na kinuha niya ang libro ni Rob sa kanyang  bag. 

Binuklat niya ito at muli ay nabuhay sina Geoff at Anthony sa kanyang imahinasyon…


*****

“I just don’t get it!” pabulyaw na sigaw ni Anthony. “Bakit ayaw mong tanggapin ang tulong na ibinibigay ko sayo at patuloy ka parin sa ginagawa mo.” Anito na pigil ang galit “Kaya naman kitang buhayin ah…”

Walang imik lang na nakikinig si Geoff sa litanya ng kanyang boyfriend. 

“Mahal na mahal kita Geoff, at handa kong ibigay lahat.” Anas nito na nanlulumo.

Nilapitan siya ni Geoff, niyakap “ssshhhh tahan na, pangako iiwan ko na ang pagiging callboy.”

Natingala sa kanya si Anthony “Promise?”

Promise.” Sagot nito, hinalikan siya sa labi.

Walang kaalam alam si Anthony ay patuloy si Geoff sa ginagawa. Bukod sa hindi siya matanggap tanggap sa anumang trabaho dahil wala itong pinagaralan ay wala ring nagtitiwala sa kanya kapag nalaman ng isa syang bayarang lalake. 

Tinatanggap niya ang perang binigay ni Anthony, pero suma sideline parin siya sa QC Circle dahil lingid sa kaalaman ni Anthony ay sa kanya lang umaasa ang pamilyang nasa probinsya.

Sya ang nagpaparal sa kanyang bunsong kapatid at maging ang tumatayong tatay sa anak ng kapatid niyang babae na nabuntis. 

Hindi alam ni Anthony ang lahat ng iyon dahil hindi rin niya ipinapaalam, ayaw niyang idamay pa ito sa magulong buhay niya at ayaw niyang dalhin pa nito ang mga problemang sya lang dapat ang pumapasan.




“May problema ba tayo?”tanong ni Anthony isang araw. Pansin kasi nito ang parang kawalan kibo ni Geoff nitong mga nakaraang araw. 

Ilang beses na din siya nitong tinanggihang makipagtalik. Hindi na nga niya maalala kung kalian ang huli na sila ay nagniig. Kung hindi pagod si Geoff ay sinasadya nitong wag syang dalawin sa pad nito o hindi siya nakikipagkita sa kanilang tagpuan. Iniiwasan sya nito.

“Wala…w-walang problema.” Tumingin ito sa mga sasakyang nagdaraan. Nasa isang kapehan sila ng mga oras na iyon. Hindi na nagtanong si Anthony.

“A-nthony… a e, may sasabihin ako.”

“Ano yun?”

“A…s-siguro, hindi mo muna ako makikita ngayung mga susunod na araw…m-magbabakasyon muna ako sa amin, sa Isabela…”

Napakunot ang noo ni Anthony “Hindi mo nasabi sakin na taga Isabela ka…hmmm pero sige, tama lang may ipapadalang tao ang kompanya namen sa Cebu malamang ako yun, yun na rin ang sabi sakin ni Mr.Perez, siguro mga isang bwan ako dun…ikaw? Hanggang kalian ang balak mong bakasyon?”

“Siguro mga isang bwan din.”

“Ah Okay, kailangan mo ng pera?”

“Ah hindi na, salamat.” sabi nitong may lungkot sa mga mata.



Nakaalis na si Geoff papuntang Isabela kahapon at huli na ng malaman ni Anthony na hindi pala siya ang ipapadala ng kumpanya. 

Nanghinayang siya dahil sana ay nakasama sya kay Geoff kahit hanggang dalawang araw lang sya doon, at kailangang bumalik para sa trabaho. 

Dahil walang pasok kinabukasan ay napagpasyahan niyang mag unwind sa isang bar bago umuwi.


Magulo at maingay sa loob, karamihan na sa mga tao roon ay lango na sa alak. 

Dumiretcho sya sa bar at umorder ng beer at iginala niya ang paningin sa mga tao roon. 

Nakailang tungga palang sya ng kanyang beer na mapadako ang paningin niya sa nakaawang na pinto ng VIP room, at doon ay tila may nakita syang pamilyar na tao – si Geoff.

Kumakabog ang dibdib na dahan dahan siyang lumapit sa kwarto, at mula sa salaming bintana ay pinagmasdan niyang mabuti ang mga tao sa loob nyon. 

Isang may edad ng lalake, parang Intsik dahil sa sinkit at maliit ito, ang nakayakap at tila ba inaalo ang lalaking nakasubsob sa dibdib nito…si Geoff nga!


Parang umakyat lahat ng dugo sa kanyang ulo sa kanyang nakita, at namuoo ang galit sa kanyang dibdib. 

Pabalibag niyang binuksan ang pinto na syang ikinagulat ni Geoff.

What’s the meaning of this?!” pabulyaw nitong tanong kay Geoff. Hindi niya napansin na mugto ang mga mata nito dahil na rin sa may kadilimang kwarto.

“A..A-nthony, h-hindi…” hindi na naituloy ni Geoff ang sasabihin dahil umigkas ang mga kamao ni Anthony at pinawalan nito ang isang suntok sa kanyang mukha. 

Natumba siya sa sahig at mabilis na inalalayan ng kasama nitong matandang lalaki.

“Hayop ka! Kailan mo pa ‘ko niloloko?! Tang ina mong pok-pok ka! Hindi paba sapat ang mga binibigay ko at kailangan mo pang maghanap!!!?” sigaw painsulto ni Anthony.

“Anthony, m-mali ang iniisip mo.” Sapo ang mukha at dumudugong ilong na balik sigaw ni Geoff.

Humugot si Anthony sa bulsa, inilabas ang wallet at mula doon ay naglabas ng mga perang papel.

“Ito…ito ang kailangan mo diba?!” sabay haggis sampal sa mukha ni Geoff ang mga salapi at nagkalat ito sa sahig. 

Tumalikod si Anthony at halos masira ang pinto sa lakas ng pagkakasara nito, dinig pa ni Geoff ang tila pagtabig nito sa nakaharang ng upuan o di kaya ay mesa.

Dahan dahang pinagpupulot ni Geoff ang mga nagkalat na pera at hindi niya mapigilan ang mga luha sa pag agos. 

Higit sa sakit na dulot ng suntok na iyon ni Anthony ay ang mga salita at ang pagdududa nito sa pagibig niya para rito. 

“Ito…” anas niya na hilam ng luha habang isa isang pinupulot ang mga salapi “…ito, ito naman talaga ang kailangan ko diba? Ito ang dahilan ng lahat, dahil dito kaya tayo nabubuhay..d-dahil…dito, k-kaya tayo nagpapakaputanagpapakadumi… dahil dito-…” may diin ang mga salita at impit ang ginawa niyang pagtangis. Hilam ng luha at dugo habang nakaluhod at tangan ang mga salapi.

Dahan dahang inalalayan siya ni Mr. Lee na nuon ay hindi mapigilan ang pagtulo ng mga luha. 

“Tahan na Geoff.”



Nagwala sa kanyang pad si Anthony, hindi niya maikumpara ang sakit na nararamdaman. 

Ang sakit ng pagtataksil, ng panlilinlang ng pagsisisnungaling. 

Ilang beses niyang pinagsususntok ang pader hanggang nabalian yata ang kanyang kamao at nagdugo, ngunit di niya alintana iyon mas malalim ang sugat na dinulot ni Geoff sa kanyang puso.

Ilang araw din siyang nagmukmok at wala siyang ginawa kundi sisihin si Geoff sa mga nagyayari. Ngunit sa kabila niyon ay may kung anong kirot na dulot ng pagkawalay niya ang kanyang nararamdaman. 

Hindi niya maitatatwa sa kanyang puso na mahal niya parin ito at handa niyang tanggapin muli ito sa buhay niya.

Nabuo ang isang desisyon at dali dali siyang nagbihis at nagpunta sa lugar kung saan madalas tumatambay si Geoff noon, ngunit nanlumo siya ng di niya mahanap doon ang lalaki. 

Pinuntahan na niya lahat ng mga pwedeng puntahan ni Geoff ngunit wala ito, pinuntahan niya sya maging sa inuupahan nitong kwarto at nangistorbo pa sa may ari ng paupahan upang alamin lang kung andoon si Geoff ngunit sinabi nitong hindi na umuupa doon ang lalaki.

Huling pinuntahan niya ang bar kung saan niya siya hulingh nakita ngunit wala din doon si Geoff. 

Palabas na siya ng Makita niya ang lalaking kasama niya sa loob ng VIP room noon, ang matandang Intsik. 

Pagkakita sa kanya ni Mr. Lee ay tumigas ang mukha nito at naaninag ang galit sa mga mata nito.

“Excuse me? Ako si Anthony, H-hindi ba ikaw ang kasama ni Geoff nung gabing…nung gabing…”

“Ako nga.” Sagot nito ng matigas na tinig, halata ang matinding poot sa lalaking kaharap.

“Gusto ko lang malaman kung alam mo kung nasaan sya?”

Tinitigan siya ni Mr Lee at kung nakamamatay lamang ang titig na iyon...

“Bakit mo siya hinahanap? At kung alam ko bakit ko sasabihin sayo?” matigas nitong sabi.

Please..kailangan ko lang syang makita…please.” pagsusumamo nito.

Tila walang narinig si Mr. Lee, tinitigan niya lamang ito at dinaanan na niya ito patungo sa bar.

Hinabol siya ni Anthony at hinawakan siya sa may braso…sa isang iglap ay kumawala ang isang napakalakas na sampal.

“How dare you!” puno ng poot na bigkas ni Mr.Lee “Ang kapal ng mukha mo…pagkatapos ng lahat…h-..” hindi mapigilan ni Mr. Lee ang emosyon.

“G-gusto ko lang malaman kung nasaan sya.” Mahinahong putol ni Anthony.

“P-Patay na s-siya…” anas ni Mr. Lee na hindi na napigilan ang kanina pa gustong tumulong luha.

--------

Part 4


“Patay n-na siya.” Sumilay ang mga luha sa mga mata ni Mr. Lee

Tila huminto ang mundo ni Anthony sa narinig, “Paanong…hi-hindi, kai-lan?” pautal niyang tanong.

Tanging mga luha lang ang nakuha niyang sagot kay mr. Lee, mga matang nanguusig, mga matang puno ng poot. 

“Hindi mo na sya kailangan Anthony…at hindi ka niya kailangan, hayaan at patahimikin mo na sya kung nasaan man sya ngayon.” 

Lumayo ito at iniwan si Anthony na nakatulala, naguunahang nahulog ang mga luha sa kanyang mga mata kaalinsabay ng mga alaala nila ni Geoff.



******

“Patay na sya? Ganun lang yon?” tanong ni Nel kay Rob “bakit ganon? Bakit mo siya pinatay sa kwento mo? Paano na si Anthony?” tanong ni Nel na halata ang pagkadismaya, “paano na natin ipagpapatuloy ang kwentong ito kung pinatay mo na ang bida.” 

Naaalala niya ang isang araw na iyon ng tinanong niya si Rob.

Dumilat si Rob mula sa pagkakapikit at tinitigan si Nel. 

Natigilan si Nel sa nakita, nangingilid ang mga mata ni Rob at kita niya ang kakaibang lungkot. Kakaibang sakit na ngayon lang niya nakita sa mga mata nitong lagi ay puno ng buhay at saya. 

Ngumiti ito, isang malungkot na ngiti.

“Alin ang mas malungkot?” halos bulong na tanong nito, hirap na ito sa pagsasalita “ang mawawala si Geoff na hindi na makikita ni Athony na buhay o ang siya ay mamatay?” 

“Parehong malungkot,” sagot ni Nel, “at kung ako ang masusunod, hindi ganyang ending ang isusulat ko.” Sagot ni Nel, na tila ba may kung anong nakaraan siyang biglang naalala. "I have my own dose of love and death..." pagpapatuloy niya sa kanyang isip. Napapikit siya at mula sa sulok ng kanyang ala ala ay sumaglit ang anino ng isang lalaking nagyoyosi sa may poste ng meralco. 

Sinalamin niya ang mga lungkot sa mata ni Rob,.

Tila nakita ni Rob ang mga lungkot sa kanyang mga mata, at natigilan din ito “nagmahal kana ba?” tanong nitong tila inosenteng tinatanong ang isang bata.

Ngumiti lamang si Nel, “tulad mo Rob, may mga bagay na din akong inilibing na sa limot, iba na ako ngayon,” napa buntong hininga ito “matagal ng wala ang dating ako, matagal ng wala si Midnight Blue.” Napapikit muli si Nel at tumulo na ang kanyang mga luha.

Iniiwas ni Rob ang tingin, bumaling siya at tumitig sa puting kisame.

“Tapusin mo ang kwento ko Nel,” anas nito… “hindi ba’t ipinangako mo sa akin dati na tatapusin mo ang kwentong iyan kapag hindi ko na kaya.” Nagmamakaawang tono nito.

“Ngunit paano? Pinatay mo na si Geoff, paano ko mabibigyan ng masayang katapusan ang kwentong ikaw mismo ay hindi malagyan ng saya at pag asa?” tanong ni Nel.

“May mga bagay tayong kailangang tanggapin ng maluwag at dapat maging masaya sa anu mang kahihinatnan nito.” Halos pabulong na sagot niya. “tapusin mo ang kwento Nel, mangako ka ulit.”

Hindi nakasagot si Nel, pinagmamasdan lamang niya si Rob hanggang gapiin na ito ng mahimbing na tulog.


***** 

Hindi pinaniwalaan ni Anthony ang mga sinabi ni Mr. Lee. Paanong mangyayari iyon? Bakit hindi nagpapakita sa kanya si Geoff, bakit kailangan niyang magtago? 

Hindi siya naniniwala sa paliwanag ni Mr. Lee na namatay ito ng gabi ding iyon. Paanong sya ay sasagasaan at bigla na lamang iiwan? Paanong hindi niya naramdaman ang pagkawala nito? Bakit hindi pinaniniwalaan ng kanyang puso na wala na ang taong kanyang iniibig?

Si Geoff, ang lalaking nagpabago sa kanyang buhay, ang nagpabago sa mga paniniwalang ni sa hinagap ay hindi aakalain na kanyang magiging tagapagligtas sa kalungkutan? 

Hindi niya mapigil ang muli ay pagpatak ng mga luha, hindi niya mapigil ang sakit at inuusig siya ng kanyang kunsensya… “N-nasaan k-ka… Geoff? Tangi niyang nausal.



Halos gugulin niya ang buo niyang maghapon sa kakahanap sa kanya. Ilang bwan na din siyang pabalik balik sa mga lugar na dati ay tinatambayan ni Geoff. Nagbabakasakaling doon ay makita niya siyang muli. 

Nilibot na din niya ang halos lahat ng mga hospital sa metro manila ngunit sadyang hindi niya mahanap si Geoff. Hinanap niya ang mga dating tinitirhan nito ngunit wala talaga ito. 

Tanging si Mr. Lee lamang ang siyang tulay niya sa katoohanang ayaw tanggapin ng kanyang puso. 

Alam niyang naaawa na rin si Mr. Lee sa kanya, ngunit tulad niya ay wala itong magawa dahil sa ayaw niyang tanggapin ang katotohanang wala na ito.



*****


“Uy, lalabas na pala siya ngayun.” Siko ni Arlene kay Nel ng pumasok siya sa araw na iyon. 

Nagkaroon siya ng dalawang araw na bakasyon at ngayun ay excited siyang pumasok sa hospital. 

Alam niyang isa si Rob sa dahilan kung bakit gustong gusto na niyang bumalik sa hospital.

Sinilip niya kanina ang kwarto nito ngunit mahimbing ang tulog nito kaya hindi na niya ito ginambala. Gusto sana niyang ipakita dito ang idinagdag niya sa kwento nito. Gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksyon niya, at higit sa lahat gusto niyang sabihin ditto na hindi niya alam kung papaano tapusin ang kwentong alam niyang tapos na. 

Ngunit bakit pinapangako niya siyang ipagpatuloy ito? Ano ang gusto niyang katapusan, hindi pa ba tapos ang kwento nina Geoff at Anthony gayung pumanaw na ang isa sa kanila?

“Uy…sabi ko lalabas na siya ngyung araw na to, dapat nung isang araw pa, pero sinabi niyang hihintayin ka daw niya.” Kwento ni Arlene.

“Bakit siya lalabas? Alam natin pareho na hindi pa siya magaling…”

“Sa tingin mo ba Nel gagaling pa siya?” anitong seryoso ang mukha.

Natigilan siya at nangilid ang kanyang mga luha, si Rob…ang kanyang si Rob, alam niyang darating at darating din sya sa araw na ito. Hindi pa man ay ramdam na niya ang espasyong iiwan nito sa kanyang puso.

“Iuuwi na daw sya sa probinsya,” patuloy nito ‘at dun na ipagpapatuloy ang gamutan, at ang sabi, baka daw ikukuha siya ng private nurse niya doon. At uy. alam mo bang may nagbabayad sa mga gastusin niya? Mahirap lamang siya… may kaibigan ata siyang siya ang nagpapagamot sa kanya.”

Tiningnan ni Nel si Arlene ng may pagdududa.

“Don’t tell me, hindi mo alam? Ikaw na paboritong nurse niya?” sabi nitong nanunukso “sayang sya no? ang pogi pa naman niya” dagdag pa nito.

Napatango lamang si Nel.



Dahan dahan niyang pinihit ang pinto. Medyo madilim sa kwarto. Lumapit siya sa kama kung saan payapang natutulog si Rob.

Pinagmasdan niya ang mukha nito. Humpak na ang mga pisngi, halata ang nangingitim na balat sa ilalim ng kanyang mga mata, maputla, wala na ang dating sigla na bumabakas sa kanyang mukha. 

“Rob,” bulong nito “I will miss you,” lumunok siya dahil may kung anong bikig sa kanyang lalamunan “I just want you to know that you’ve touched my life…” tuluyan ng tumulo ang luha sa kanyang magkabilang pisngi niya “binigyan mo ng bagong direksyon ang pananaw ko, na higit sa pagpapahalaga ng sariling buhay ay kailagan nating magmahal…alam ko mahal mo din ako, dama ko sa bawat titig at bigkas mo ang kakaibang ligayang hatid ng ating pinagsamahan…” napahikbi sya sa bigat ng nararamdaman… “I Love you, higit sa pisikal na pagmamahal…isa ka sa mga taong nagbigay pag asa sa buhay ko, ipinaramdam mong hindi hadlang ang anumang karamdaman para magmahal ng isang tao, I love you…” ulit niya.

Tinitigan niya ito, ang pagtaas baba ng kanyang paghinga, ang paghihirap na kung siya lamang ang masusunod ay gusto na niyang tapusin…tap- natigilan siya, at muli ay lumamlam ang kanyang mga mata.

“Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganon ang ginawa mo kay Geoff, sa kwento natin…” bulong nito, “ayaw mong tulad moy mararanasan niya ang kirot ng sumpang sakit na iyan, ayaw mong kahit sa imahinasyon lang ay matulad sayo ang taong binuo ng iyong panaginip…ang pagkukutya, ang panghuhusga ng lipunang ganid sa moralidad. Ang lipunang tulad ko ay nagbubulagbulagan sa katotohanang ang pagibig ay hindi lamang para sa kanila, kundi para rin sa atin…” impit ang mga hikbing anas niya.

Tumalikod siya, at tinungo ang pinto ng kwarto, isang huling sulyap at tuluyan niya itong isinara, hindi niya nakita ang dahan dahang pagdausdos ng mga luha sa mga pikit na mata ni Rob.



Inaayos ni Nel ang mga papeles na kailangan sa pag discharge kay Rob. Hawak niya ang patient chart na sa halos kalahating taon ay lagi niyang hawak, “Guttierez, Robbie” ang nakasulat sa nakadikit na puting papel sa bakal na cover ng patient chart. 

Nakatayo siya sa may nurse station at nangingilid ang mga luhang isinusulat ang kailangang ilagay sa discharge paper ni Rob. Hindi niya napansin ito na itinutulak na sa pasilyo ng isang utility staff ng hospital. 

Huminto ito sa harap niya “Nel…” nanghihinang tawag nito.

Itinaas ni Nel ang paningin at nagtama ang kanilang mga mata. Ngumiti si Rob ngunit wala ng buhay ang mga ngiting iyon.

Ahmmm…” tinanggal ni Nel ang namumuong bara sa kanyang lalamunan “P-pano ba yan, edi hindi mo na makikita ang pina cute na nurse dito?” Aniya na pilit pinasaya ang boses.

Ngumiti ito, at tila ba sinenyasan na lumapit, hindi halos nito maitaas ang kamay.

Lumapit siya dito, at hindi niya mapigilan ang yakapin ito, pigil ang mga luha.

“Sandali…” bumalik si Nel sa nurse station at kinuha ang libro sa may drawer, lumapit ito uli.

“Hindi ko pa tapos ang kwento nila Geoff at Anthony, ngunit may naidagdag ako…” pilit ang ngiti, “Dalhin mo ito, at gusto ko tapusin mo, tulad ng dati pwede mong ipasulat ito sa magiging nurse mo” 

Hinawakan ni Rob ang kamay niya na nakapatong sa librong dinala niya sa may kandungan nito, mahinang iniusog niya ito sa kanya.

“Nel,…t-tapusin mo.” Ngumiti ito, at tila ba gamit ang buo niyang lakas. 

Lumunok si Nel, upang matanggal ang bikig sa kanyang lalamunan, nasa harap niya ang lalaking hindi niya inaasahang mamahalin niya ng higit pa sa nararapat.

May kung anong lakas ng loob ang nagtulak sa kanya upang siya dampian ng halik sa mga labi, malamyos, masuyo…puno ng pagmamahal. Gumanti ng mahinang halik si Rob, at sa pagkakatong iyon napapikit silang pareho na animoy sa kanila ang mundo. 

Ang luhang kanina pa pinipigilan ay tuluyang binasa ang mga pisngi nilang halos magkadikit. 

Napatid ang halik na iyon na tinapos ni Nel ng napakahigpit na yakap.

Nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanila ang utility man at ang nurse supervisor na kanina pa nakamasid. Si Arlene pasimpleng pinahid ang mga luha sa kanyang mga mata, sa harap niya ay nasasaksihan niya ang isang pag ibig na bago sa kanyang paningin ngunit napakatotoo sa kanyang pakiramdam. Tumalikod ito at pumasok sa pantry.

“Ah eh ser,” putol ng utility man, “naghihintay na yung kapatid niya sa may cashier.”

“ah..wait, hintayin niyo na at nmatatapos ko na din ang discharge papers niya, hintayin niyo ang gate pass.” Sagot niya na pinupunasan ang mga luha.

“Ah kukunin na lang mamya ser sabi kukunin daw dito nung isa nilang kasama, hindi pa naman ata sila lalabas.” Anito na itinulak na si Rob.

Nakatanaw lang si Nel, habang tulak tulak si Rob papalayo, tila ba inilalayo ditto ang puso niya.

“Paalam Rob…” nayakap niya ang libro nito. May nahulog na sobre mula sa loob nito, at naaalala niya ng iaabot sa kanya ni Rob yon nung sinusulat palang nila ang kwento nito.
“Buksan mo ang sobreng iyan kapag natapos mo na ang kwento…napakahalaga sa akin niyan” tila narinig niyang sabi nitong muli.

Pinulot niya iyon, naglakad siya sa pasilyo at tinungo ang kwarto ni Rob, bakante ang kama.Tila ba kasing hungkag ng kanyang nararamdaman. 

Naglakad siya sa may bintana at hinawi ang asul na kurtina upang pumasok ang liwanag ng araw mula sa labas. 

Nanginginig na mga kamay ay binuksan niya ang sobreng hawak niya.

Isang larwan iyon, isang mukha na noon lang niya nakita. 

Tila gumagalaw at sinasayaw ng hangin ang maikli at magulo nitong buhok, bahagyang kapal ng mga kilay na binagayan ng medyo may kasingkitang mga mata. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labing bahagyang nakaawang na tila ba’y nagaanyaya ng ito ay halikan. Bumagay din dito ang tila bay nakalimutang ahitang balbas.

May kung ano siyang nararamdaman habang nakatitig sa mukha nito, na tila ba ay kilala niya ang lalaking nasa larawan, hindi niya maipaliwanag….

Natigilan siya ng may makapa pa siya sa loob ng envelope. Kinuha niya iyon at namangha sa nakita, isang perang papel. Isang libong buo na lukot na sa kalumaan . Binaligtad niya iyon at napamaang ng makita niyang may nakasulat doon Anthony’ at sa ilalim nito ay ang mga katagang ‘I Love You’

Biglang bumukas ang pinto at napatingin siya sa kung sinumang naroroon. 

Nanlaki ang mga matang napatitig siya sa lalaking nakatayo sa harap niya. Ang lalaking kanina lamang ay tinititigan niya sa larawang hawak niya. Maliban sa nag-iba ng bahagya ang itsura nito dahil sa medyo mahaba ang magulo nitong buhok at halatang matagal ng hindi nakapagahit ay hindi parin maitatatwa na siya ang lalaki sa larawan.

Where is he?” sambit nito na tila nagmamakaawa, “Nasaan si Geoff?” ulit nito.




---***---

“Where is he?” sambit nito na tila nagmamakaawa, “Nasaan si Geoff?” ulit nito.

Hindi nakasagot si Nel, ngunit tila binuhusan siya ng malamig na tubig ng napagtanto niya ang isang katotohanan.

“Nasaan si Rob? Nakaalis naba sya, sinabi kong kailangan niya akong hintayin.”mahinahong sambit ng isa pang lalaki sa likod nito, isang matandang tsinito.

Mula sa likod nila ay dumating si Arlene, “Sir, ahmm Mr. Lee eto napo yung gate pass.” Anitong natigilan ng makita niyang halos nagtititigan lang ag tao sa loob ng kwarto.

Napatingin ang unang lalaki kay Arlene at napadako ang mga mata nito sa hawak niyang gate pass

Bigla itong tumalikod at patakbo palayo.

Tanging si Mr. Lee, Arlene at Nel nalang ang nasa kwarto. Tiningnan ni Nel si Mr. Lee ng nagtatanong.

Kinuha nito ang gate pass, tumalikod na din ito at sinundan ang lalaking una ng umalis.

“Sya si Mr. Lee, sya ang nagbabayad sa lahat ng gastusin dito ni Rob…” kwento ni Arlene 

“Hindi ko kilala yung kasama niya, pero cute sya ‘no?” sabi nitong tila kinikilig.

Wala ng narinig pa si Nel sa mga sinasabi ni Arlene. Napatingin sya sa labas ng bintana sa ibaba, kung saan sa di kalayuan...


Geoff…” sigaw ni Anthony sa lalaking sakay ng wheelchair na itinutulak patungo sa may gate ng hospital

Napahinto ang nagtutulak at iniharap niya ang lalaking sakay ng wheelchair ayon na rin sa utos nito.

“Geoff…” bigkas ni Anthony, natigilan siya sa paglapit ng humarap sa kanya si Geoff. 

Nagtama ang kanilang mga mata, at sa isang saglit lang inilang hakbang lang ni Anthony ang distansya sa kanila ni Geoff, niyakap niya ito kaalinsabay ng mga luhang dumadaloy sa kanilang mga mata.



Mula sa itaas ay natatanaw ni Nel ang tagpong iyon, sa di kalayuan ay nakita niya si Mr. Lee na palihim na pinapahid ang mga luha. Mula sa kanyang kinatatayuan habang nakatanaw sa dalawang pusong nagmamahalan ay dama niya ang ligayang hatid nito sa kanyang puso. 

Batid niya na sa mga oras na iyon ay may dalawang pusong nagtapo at pinagtagpo ng kapalaran, ng pagibig na higit pa sa kamatayan.

Napabuntung hininga siya, sumilay ang mapait na ngiti sa kanyang mga mata at pinahid niya ang luhang dumaloy sa kanyang mga mata. 

Sa di kalayuan ay nakita niya ang dalawang labing naglapat. Dalawang pusong nasumpungan ang tunay na pagibig. Alam man niyang hindi na magtatagal ay iiwan din ng isa ang pusong nagmamahal ngunit alam niya at sigurado siya na ang pag ibig ni Anthony at Geoff...-ni Rob, ay magpapatuloy hanggang sa kabilang buhay, tulad din ng pag ibig niya na kahit sa huling hininga ay hindi niya malilimutan.

Binuklat niya ang huling pahina ng Librong tangan niya, inilakip niya ang litrato at ang perang papel dito, at sa kanyang malamyos at mahinhin na sulat kamay, ay inisulat niya ang alam niyang mga huling katagang kanyang isusulat sa buhay ni Rob.



- end -



Comments and suggestions are highly appreciated. :)

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails