Followers

Thursday, October 5, 2017

Loving You... Again Chapter 59 - Kennon Road





  



Author's note...



Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila. Pati na rin po pala iyung mga kanta.

Hello po sa inyong lahat! Heto na po ang Chapter 59! Happy October po sa inyo. Dalawang buwan na lang at PASKO na. Isang buwan na lang at ALL SOUL'S DAY and ALL SAINT'S DAY. Mauuso na naman ang mga ghost stories. Noong nanood ako ng "Ang Probinsyano" last month, iyung ni-reveal na napanaginipan ni Cardo si Bella Padilla (hindi ko kilala exactly iyung ginampanan niya sa teleserye), akala ko mabubuhay o magmumulto siya. Pero nagmulto ka, kaya lang bigla akong nakulangan. Bigla ko tuloy naalala iyung sa "Basta't Kasama Kita" nila Judy Anne at Robin Padilla. Aksyon at romance na teleserye, tapos biglang naging horror nang mga bandang November. Na-possess kaya iyung character ni Judy Anne ng isang multo tapos kinalaban niya si Robin.

Anyway, wala akong GHOST STORIES na maikikwento sa inyo. Wala kasi akong nai-experience na ganoon pero mahilig akong magbasa. Naiinggit ako kasi gusto ko ding ma-experience iyung mga na-experience nila. Aba, ano kaya ang problema ng mga multo sa akin? Baka ang pangit-pangit ko kaya natatakot sila?

Heto na po ang Chapter 59! Happy reading!







Book 1: | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |


Book 2: | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 |
 
37 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 |


Book 3:
47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 54 | 55 | 56 | 57 | 58 |











Chapter 59:
Kennon Road
































































































Joseph's POV



          “Alam mo, na-realize ko kung gaano ka-slow ang utak ni Daryll," kwento ni Paul habang naglalakad kami sa hallway ng school. “Noong holy week, nakita kong kasama nila Ren, tapos pumunta pa sa dressing room para makita sila Erika. Tapos, hayun. Nawala sila ni Franz. Nang bumalik, ‘di announcement na ng panalo. Binanggit iyung pangalan ni Erika. Saka lang niya na realize na sumali si Erika sa beauty pagent."



          Tumawa kami pareho.



          “Ngayon, alam mo na kung bakit pagong ang tawag ko sa kaniya hanggang ngayon," natatawa kong sabi. “Naalala ko tuloy na niyaya ako ni Erika na mag-escort sa kaniya."



          “Teka, tinanggap mo ba iyun? Naalala ko na ginamit pa niya si Ren para makiusap."



          “Hay! Alam mo na ang kwento pagkatapos noon. Hindi!"



          Habang naglalakad para sa susunod kong klase, napansin ko ang isang poster na nakadikit sa pader. Napahugot ako ng malalim na hininga habang nakatingin dito.



          “May balak kang pumunta?" naitanong ni Paul na napahinto na din at napatingin sa poster.



          “Sana," nasabi ko na lang at nagpatuloy na naglakad.



          “Sana?" Nagtaas ng kilay si Paul. “Bakit naman? Anong problema? Hindi ba afford ng bulsa mo?"



          Umiling ako. “Hindi iyun ang problema. Kaya ko nga sumama ngayong taon, salamat sa allowance na binibigay ni Mr. Schoneberg para sa pag-aalaga namin kay Ren. Ang problema ko ay kung mag-e-enjoy ba ako. I mean, sa course ko, wala akong ibang kasundo maliban sa inyo na nasa iba't ibang course," pakumpas kong saad.



          “Ayst! Hindi problema iyan! Sumama ka sa field trip ng ibang course. Sama ka..." Natigil si Paul at nakaisip bigla ng ideya. “... sa amin? Sa amin ni Geo?"



          “Sa inyo ni Geo?" Napangiwi ako. “Paul, tandaan mo na bitter pa rin ako sa mga taong hindi single. At kahit ikaw na kasundo ko, hindi ka immune. Maghanap ka na lang ng ibang ka-third wheel sa inyong dalawa."



          “Ano ka ba? Hindi si Geo sasama sa akin. Ako ang sasama sa kaniya," paglilinaw niya. “At alam mo naman ang mga kasama ni Geo sa course niya."



          Narating na namin ang Music Room at pumasok. Wala kaming taong nadatnan. Nilagay lang namin ang aming mga gamit sa mesa at umupo kami sa sofa.



          “Sila Ren at Allan? Mas lalo na!"



          “Importante ba sila? Ang mahalaga ay ang mag-enjoy ka. At tsaka nandoon lang naman ako para samahan si Geo, dahil gusto niya makakuha ng kambal na strawberry. Huwag kang mag-alala. Mag-e-enjoy tayo doon. Hindi ka mabo-bored dahil, bagong experience iyun sa iyo. Baguio!"



          “Siguraduhin mo lang na sulit iyung pera na pambayad ko sa field trip, huh?" Nilabas ko ang aking pitaka para i-check kung nandoon pa rin iyung pambayad ko.



          “Tara, bayaran na natin," yaya ni Paul.



          Ilang araw ang nakalipas, araw na ng field trip. Mga hating-gabi na at naghahanda na kami ni Ren para sa mga dadalhin naming gamit. Si Mama naman ay aligaga sa paghahanap ng mga bagay na kailangan namin sa field trip. Tsine-check niya kung dala ba ni Ren ang ganito, dala ko ba ang ganyan. Of course, boys scout ako kaya nakahanda na lahat ang mga kailangan ko. Pero kahit ganoon, itse-check pa rin ni Mama iyung mga gamit ko.



          “Mama, okay na nga iyan. Hindi niyo na po kailangan i-check," sabi ko nang nag-check siya sa ikalimang beses.



          “Nako naman kasi anak! Aalis ka ngayon kaya dapat ay handa ka," nanggigigil at histerekal na sabi ni Mama. “Tsaka Baguio iyun. Malayong-malayo sa lugar natin!"



          “Mama, pangatlong beses niyo na pong tumingin sa mga dalahin namin," wika ni Ren na nakaupo sa sofa at halos papikit-pikit ang mga mata.



          “Alis na kami Mama. Matutulog na ito si Ren kapag nagpatuloy pa rin siyang nakaupo sa sofa. Ayokong buhatin siya papunta doon sa bus." Malakas na tinapik ko ang tagiliran niya para magising. “Gumising ka na diyan!"



          Naalimpungatan siya at napatayo agad. Lumapit naman sa amin si Mama at binigyan kami ng halik at mahigpit na mahigpit na yakap. Halos mapitpit ata ako sa higpit ng pagkakayakap ni Mama sa akin. Samantalang si Ren, parang wala lang iyung yakap. Mahigpit ba talaga siyang niyayakap ni Mama?



          “Mag-enjoy kayo doon! Mami-miss ko kayo dito sa bahay," sabi ni Mama.



          “Opo, Mama," sagot ni Ren.



          “At Mama, sa susunod po, isasama po namin kayo sa Baguio sa susunod na gusto naming pumunta. Pangako iyan," wika ko. “Kaya ingat din po kayo dito sa bahay at sa palengke."



          “Oo, oo!" May inayos naman ito kay Ren nang may napansin sa kaniya. “Basta Ren, kuha ka ng maraming litrato ng Baguio ha! Kuha ka din ng mga litrato ng kuya mo habang nakasimangot."



          Sumimangot ako. “Mama?"



          Isang flash ng ilaw ang biglang nakita ng mga mata ko. Iyun pala, kumuha na si Ren ng litrato ko habang nakasimangot.



          “Burahin mo iyan! Kung hindi ay bugbog ang aabutin mo sa akin!" banta ko sa kaniya.



          “Patingin nga anak?" Inusisa ni Mama ang nakuhang litrato ni Ren. “Nako! Ang pangit talaga ng anak ko kapag nakasimangot."



          Humagikhik silang dalawa.



          Inis na tumingin ako sa itaas at sumigaw. “Keifer, bumaba ka na! Paalis na kami! Tsaka kunin mo nga itong camera mo na hawak ni Ren!"



          Lumabas naman agad si Ren. Saktong nakalabas na siya nang bumaba naman si Keifer dala-dala ang kaniyang gamit.



          “Aalis na po kami," paalam namin ni Keifer habang nagmamadaling lumakad palabas.



          “Mag-iingat kayo ha!" paalam naman ni Mama sa amin. “I love you mga anak!"



          “I love you din po," reply ko. Inuntag ko si Keifer. “Oi, bawiin mo nga muna iyung camera na binigay mo kay Ren? Tsaka burahin mo nga iyung litrato ko doon na nakasimangot? Baka makalabas pa iyun o ano."



          “Hayaan mo. Sa akin naman babagsak ang mga litrato. Gusto mo, i-edit ko pa na nakangiti ka sa mga litrato mo na nakasimangot?"



          “Pwede?"



          “Oo. Ano? Gusto mo?"



          Natuwa ako sa sinabi niya. “Parang gusto na kitang maging kaibigan."



          Isang flash na naman ng ilaw ang naaninag ng mata ko. Kinuhaan na naman ko ni Ren ng litrato.



          “Kunin mo na nga muna iyan?!" galit kong sabi kay Keifer.



Allan's POV



          “... ang pagkakakilanlan ng serial killer sa Baranggay Camp 7. Samantala, magkakaroon ng cell site maintenance sa mga lugar sa Cordillera Administrative Region. Dahil dito ay makakaranas ang mga cellphone user sa lugar ng kawalan ng signal-"



          Pinatay ko ang TV nang nakapaghanda na ako para umalis. Ginamit ko ang aking motor para pumunta sa meeting point ng eskwelahan. Habang nagmamaneho hay pinatawag ko kay Siri si Mama. Nag-ring lang ito ng ilang beses pero sinagot niya ito agad.



          “Hello, anak!"



          “Mama, sinagot mo?" nagtataka kong sabi.



          “Aba siyempre. Anak kita kaya sasagutin ko talaga. Teka, naihanda mo na ba iyung mga kailangan mong dalhin para sa field trip? At tsaka tumatawag ka ba habang nagmomotor?!" Tumaas bigla ang tono ni Mama.



          “Opo Mama, medyo nagmamadali po ako," pag-amin ko. “At tsaka po, nakalagay naman sa tenga ko ang phone."



          “Allan, anak, huminto ka nga muna."



          “Pero Mama-"



          “Huminto ka sabi!" sigaw na niya.



          Halos nabingi ako sa sigaw ni Mama kaya hininto ko ang sasakyan.



          “Diyos ko anak! Hindi mo ba alam na may nadisgrasya dito malapit sa tinutuluyan ko? Tapos iyung nadisgrasya, may phone sa tenga kaya nadisgrasya!" nanggagalaiting litanya ni Mama. “Pakiusap huwag kang maglakad habang may headset, huwag kang magmamaneho ng motor habang may kinakausap sa phone, huwag mo naman ako pag-alalahanin! Alam mo ba na hindi ka focused sa daan kapag ganiyan?"



          “Oo na, Mama. Huminto na ako. Ano na ba ang sasabihin mo?" payak na tanong ko.



          “Anak naman kasi, alagaan mo ang sarili mo. Alam mo naman na marami ka pang gustong gawin sa buhay. Nako naman!" Rinig kong bumuntong-hininga si Mama. “Nadala mo na ba ang mga binilin ko sa iyo?" Mukhang kumalma na siya.



          “Opo Mama. Nadala ko lahat. Tsaka maingat naman ako sa pagmamaneho. Hindi ako ganoon kabilis magpatakbo."



          “Aba?! Iyung narinig ko kanina, hindi pa iyun mabilis para sa iyo?! Mabilis na iyun para sa akin!"



          “Sige na Mama. Hindi ko na bibilisan ang pagpapatakbo."



          “Siguraduhin mo lang! Siguraduhin mo lang na pag-uwi ka diyan ay buo ka pa! Sige na. Umalis ka na at baka ma-late ka pa. Bye, at I love you anak."



          “I love you din po. Ibababa ko na ang phone."



          Binaba ko na ang phone mula sa aking helmet at pinaandar ulit ang motor. Pero dahil pasaway ako, medyo binilisan ko ang pagmamaneho.



          Nakarating na din ako sa parking lot ng school. May mga ilang bus na ang naka-park dito, at ilang estudyante na nag-aantay ng signal sa kanilang mga professor na pumasok. Ito iyung mga bus na sasakyan namin papuntang Baguio.



          Bago pa man ako makalakad, tumunog ang aking phone. Nagpadala pala si Ronnie ng litrato kung asaan sila ngayon.



          Nang pinuntahan ko ang lugar na nasa litrato, nadatnan ko siya kasama si Alexis.



          “Ayun! Kumpleto na tayo!" bulalas ni Alexis.



          “Sila Ren? Nakita ninyo?" tanong ko agad habang nagbanggaan kami ng kamao.



          Ngumiwi bigla si Ronnie at may kinuhang tig-singkwentang papel sa bulsa niya at binigay iyun kay Alexis. Mukhang pumayag si Ronnie na makipagpustahan kay Alexis.



          “Ano ba iyan? Ibinigay sa akin na choice ay iyung hindi mangyayari," reklamo ng nagbigay.



          “Huwag ka kasi pumayag agad kapag nagyaya iyan ng pustahan," komento ko. “Sila Ren?"



          Muli, ngumiwi si Ronnie at nagbigay ng parehas na halaga kay Alexis. Teka, nagpustahan agad sila nang hindi ko nalalaman?



          “Sabi ko sa'yo, magtatanong siya agad ehh," natutuwang wika ni Alexis. “Hindi ko pa nakita iyung parang service nila. Baka parating na iyun."



          Tumingin sa relo si Ronnie. “Nako! Dalian na nila! Malapit ng umalis iyung bus. Tawagan mo nga at baka natutulog pa. Tatawagan ko naman si Keifer at baka nakatulog na din."



          Bubunot pa sana kami ng phone nang kinalabit ako ni Alexis at tinuro ang isang kotse. Iyung kotse na tinuturo niya ay ang service nila Ren. Mula dito ay niluwa ng sasakyan sila Keifer, Joseph, at Ren. Huh? Kasama si Joseph? Akala ko ba, wala siyang interes na sumama?



          Nang papalapit na sana si Ren sa akin, pinigilan siya ni Joseph at itinuro nito ang isang tao. Sumignal naman si Ren na lumapit na ako kaniya. Mukhang papasok na ata sila sa isang bus, at pwede na palang pumasok sa bus.



          “Tara na! Pwede na pala pumasok!" untag ko sa dalawa kong kasama.



          Pumasok na ako sa isang bus kung saan naka-assign kami ni Ren na pumasok. Nakita ko siya na malapit sa dulo at nasa tatluhang upuan. Bakante ang nasa aisle na upuan habang iyung nasa kaliwa ay si Keifer. Dali-dali naman akong lumapit sa kanila para ukupahin na ang natitirang upuan na nasa tabi ni Ren. Pagkalapit ko ay humalik sa labi ko si Ren. Siya mismo ang gumawa. Ni hindi man lang ako nagsabi na gawin niya iyun.



          Si Keifer naman ay nakita ang pangyayaring iyun. Nanlaki saglit ang mata niya.



          Napakamot ako sa ulo. “Hey, wala pa nga akong sinasabi."



          “Ayokong mag-antay. Iyun din naman kasi ang gusto mong gawin kapag nagkita tayo," tugon ni Ren.



          Sinibat ko ng tingin si Keifer. “Saktan ka ano?" pagpaparinig ko.



          “May mas masakit pa kesa diyan. Maganda nga lang at wala ka sa mga panahon na iyun," narinig kong sinabi niya.



          Tumingin-tingin pa ako sa paligid kung sino pa ang mga kasama namin. Nakita ko sila Geo at Paul na umupo naman sa kabilang row na inuupuan namin. Sila Ronnie, Alexis, at Joseph naman ay inukupa ang buong likuran. Walang taong nangahas na umupo sa likuran. Hindi naman sa tinatakot nila ang mga taong gustong umupo. Medyo konti din ang laman ng bus na sinasakyan namin lalo na nang umandar na ito. Palagay ko ay ito iyung huling batch ng bus.



          Nakarating na kami sa Kennon Road, ang pangunahing daan ng Baguio. Nagsimula ng magsalita ang professor, na parang tour guide sa bus namin, at sinabi na nandito na kami sa Baguio. Nagsabi naman ito ng ilang mga facts tungkol sa Baguio, at ang history ng Kennon Road. Pagkatapos ng kaunting lecture, pinababa kami saglit para makuhaan ng litrato ang famous na Lion Head.



          Sa tour namin sa Baguio, napaka-energetic ni Ren dahil natulog siya sa byahe. Sa tour na ito, napansin ko ang isa sa mga pattern niya. Kapag may nakita siyang bago, hinahatak niya ako at si Joseph para magpakuha ng litrato. Nayayamot na nga si Joseph sa ginagawa niya at minsan ay tinatanggihan si Ren. Pero dahil makulit ang peke niyang kapatid, wala siyang magawa kung hindi pagbigyan ito.



          Solo, duo, threesome, grupo, napakaraming litrato ang nakuha ng mga camera namin. At kahit si Joseph na akala ko'y sisimangot sa mga litratong kinukuha namin ay natural na ngingiti. Kahit na silang dalawa ni Ren ang nasa litrato, na ipapakita sa Mama nila, o kahit solo man lang, ngumingiti siya. Hindi pa iyan pinipilit. Mukhang mag-e-enjoy kaming lahat sa lakad na ito.



          Sa kalagitnaan ng trip namin, napuntahan namin ang isang lugar kung saan maraming nagbebenta ng souvenirs. Matapos mauna ang mga kasama namin, lumakad naman si Ren at nag-ikot-ikot. Sumunod naman si Joseph na mukhang naghahanap na ng bibilhin para sa Mama niya. Oo nga pala. Ano kaya ang magandang ibigay kay Ren na mula dito?



          Matapos mabili ang bagay na gusto ni Ren, hinanap ko siya. Nagkanya-kanya kasi kami para mahanap namin ang mga gusto naming kunin kesa grupo-grupo. Siguradong magugustuhan ni Ren itong ibibigay ko. Well, assuming na walang kopya itong binili ko at nakita na ni Ren, then binili niya. Pero sigurado akong tatanggapin niya ito. Galing naman kasi sa akin.



          Nang nahanap ko si Ren, nadatnan ko siya na kinakausap na ni Keifer. Mukhang nagpalit ata sila ni Joseph dahil nakita ko siya sa isang stall na naghahanap din.



          Lumapit ako para malaman kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa.



          “... hanggang sa pakiramdam ng pumalit ay magiging delikado na ang lahat," rinig kong sabi ni Keifer. “Papakawalan nila iyung niligaw nila at mamamatay ito dahil sa ginawa nung nanggaya sa kaniya."



          “Anong mamatay ang niligaw nila?" singit ko. “Anong pinag-uusapan ninyo?"



          Nginitian lang ako ni Keifer saka iniwan kami ni Ren. Binigyan ko si Ren ng nagtatanong na tingin.



          “Wala iyun," sagot ni Ren. “May pinaliwanag lang siya sa akin. Oo nga pala, saan ka galing?"



          “Ahh!" Pinakita ko sa kaniya ang regalo ko. “Tadah!"



          Nanlaki ang mata ni Ren. “Akala ko, walang ganito dito." Kinuha niya ang keychain at lumawak ang ngiti niya. Ang niregalo ko sa kaniya ay keychain ng maliit na replica ng ulo ng leyon sa Kennon Road. Siguradong magugustuhan niya dahil leyon.



          “Salamat, Kuya Allan. Nagustuhan ko ang regalo mo," wika niya habang nagliliwanag pa rin ang kaniyang mukha.



          “Anything for you."



          Mga bandang hapon, akala namin ay patapos na ang field trip. Akala ko ay may museyo pa kaming pupuntahan, may isa pang Banaue Rice Terraces, o kaya iyung mansyon ng presidente dito. Hindi kasama sa field trip namin na madaanan iyung mansyon niya. Bakit gusto kong makita? Wala lang. For my eyes only lang.



          Anyway, hindi pa natatapos ang field trip namin dahil aakyat pa kami ng bundok. Ngayon, aakyat kami sa Mount Pulag! Muntik na akong maghinayang sa binayad ko sa field trip na ito dahil aakyat pala kami ng bundok. Kaya pala ang mahal. At may mga tent pa pala kaming dadalhin sa mga likod namin. Mukhang mag-o-overnight kami dito sa Baguio. At ang mga tent na dinadala namin ay pangdalawahan! Yes! Pangdalawahan! Ibig sabihin nito, pwede na naman akong gumawa ng kalokohan!



          Bigla naman nawala ang kasiyahan ng loob ko nang nadaanan ng aking paningin si Gerard. Napansin din siya ni Keifer na nawala ang emosyon ng mukha, habang ang tinitingnan niya ay masaya at nakangiti pa sa mga kasamahan niyang babae. Oo nga pala. Dapat nga pala kami mag-ingat sa kaniya. Halos makalimutan ko na classmate namin si Gerard. Nasa ibang group kasi siya habang nagto-tour kami.



          Bilang tao na nagbabalak ng kalokohan, ako ang nagbuhat ng tent namin ni Ren habang umaakyat kami ng bundok. Si Joseph at si Paul na nagbubuhat ng kanilang tent, medyo nahihirapan. Kapag titingnan mo ang dalawa, mukhang nagmumura na sila sa isip nila ng maraming beses. Pero, kinakaya nila. Ang lalaki ng mga katawan nila kaya kaya nila iyan.



          Sa gitna ng pag-akyat namin, nahuli ko si Ren na nakatingin sa malayo at humihinto. Umiihip na naman ang hangin. Ahh! Oo, naaalala ko ang ugali niyang ito. Kapag banayad ng ihip ang hangin, tumitingin siya kung saan ito nanggaling. Titingin siya dito ng ilang segundo at iiwanan ang umiikot na mundo. Mukhang nadala pa rin kahit nawala niya ang kaniyang mga alaala.



          “Ren," tawag ko.



          Hindi siya sumagot. Siguradong hindi niya ako narinig.



          Lumapit ako at hinawakan ang kaniyang balikat. “Ren," tawag ko.



          Parang may nabasag akong hiwaga na bumalot sa kaniya. Dahan-dahan na humarap ang mukha niya sa akin hanggang sa nagkatinginan kami. Patuloy pa rin ang pag-ihip ng hangin.



          “Kuya Allan," sabi niya. Ngumiti siya. “Pasensya na. May naalala lang ako."



          “Talaga? Ikwento mo nga sa akin habang naglalakad tayo. Medyo nasa hulihan pa man din tayo ng pila." Inilahad ko ang aking kamay. “Pwede tayong magkahawak ng kamay hanggang sa maabutan natin sila."



          Patuloy pa rin na umiihip ang hangin. Kinuha ni Ren ang aking kamay. Nagsimula na kaming naglakad habang kinikwento niya ang kaniyang naaalala.



          12 years ago…



          “Duha," sabi ko sa sorbetero matapos siyang bayaran. (“Dalawa.")



          Pagkabigay sa akin ng ice cream, bumalik na ako sa parke. Banayad na naman kung umihip ang hangin. Tuloy-tuloy ang ihip na nakakagaan ng pakiramdam. Sa sobrang sarap sa pakiramdam, iyung kalaro ko, nahiwalay sa totoong mundo. Nakatulala lang kung saan galing ang ihip ng hangin. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa iyun. Pero iyun ay isa sa mga bagay na gusto kong malaman?



          “Hoy, kunin mo na ang ice cream mo," wika ko.



          Walang sagot na bumalik sa akin. Kahit ungol man lang ay wala. Nawala na talaga siya sa mundong ito.



          “Hoy," untag ko sa kaniya.



          Sa untag na iyun, nagulo ko siya. Bumalik siya sa mundong ito. Kaya lang, parang bumagal ang mundo niya dahil ang bagal niyang gumalaw.



          “Kuya Villaflores," bagong tawag niya sa akin. “Bakit ka-apelyido mo iyung mga kalaro ko?"



          Inikot ko ang paningin ko. “Baka magkamag-anak kami, baka coincidence lang iyun, ewan?" magulo kong sagot. “Iyan ba ang iniisip mo habang wala ang isip mo sa mundo?"



          “Alam mo, mas okay na Kuya Allan ang itatawag ko sa iyo."



          “Mas maganda na Kuya Villaflores, dahil iyung mga Villaflores na kilala mo ay may mga problema sa sarili. Bakit na naman ba sila nag-aaway? Nako! Kapag nakita ko talaga iyang iba mo pang mga kalaro, babatukan ko sila ng malakas sa ulo. Teka, mas malaki ba sila sa akin?" Ibinigay ko sa kaniya ang ice cream.



          “Kasinglaki lang ng mga batang katulad mo," sabay dila ng ice cream.



          “Ibalik mo nga sa akin ang ice cream na iyan kung sasabihin mo na bata pa ako. Hindi kaya ako bata. Matanda na ako. Matanda."



          “Allan, 7 ka pa lang. At ako din kaya, bata pa tayo."



          “Mali ka. 8 ako. At mas matanda ako sa iyo, ha!" pagmamayabang ko.



          Ngumiti ulit si Ren. “Bata ka pa talaga."



          “Ngayon, bata pa ba ako?" tanong ko sa kaniya.



          Ngiti lang ang isinagot ni Ren. Hindi siya tumugon. Siguro, hindi na niya ako matatawag na bata ngayon.



          Habang naglalakad, naisip ko na naman ang mga panahon na blanko ang ideya ko sa mga nangyari sa kaniya. Nanliit ang paningin ko sa aking sarili.



          Biglang napabitaw ako sa pagkakahawak sa kaniya. Natatanaw ko na kasi si Keifer na nakatayo at mukhang hinihintay kami.



          “Doon ka lang sa tabi ni Kuya Joseph mo. Huwag ka dito sa hulihan at baka mawala ka na naman," sabi ko sa kaniya saka pinalo ang kaniyang pwet.



          Sumunod si Ren sa sinabi ko. Nilampasan niya si Keifer. At kahit ganoon, nakatingin pa rin si Keifer sa akin.



          “Wala na bang nahuli?" tanong niya.



          “Wala na," iling ko.



          Malapit ng kainin ng kadiliman ang araw. Hindi pa namin naabot ang tuktok. Nagpasya ang tour guide namin na mag-camp na sa lugar na kinatatayuan namin.



          Bago kami nag-ayos, tinuruan muna kami ng tour guide kung paano gawin ang tent namin. Habang nagtuturo ay maririnig mong nagbubulungan ang mga babae. Napakagwapo kasi ng tour guide na nagtuturo. Mga kasing tanda ni Gerard. Teka, hindi ito iyung orihinal na tour guide namin sa base ng bundok.



          “Ahh! Masama daw iyung pakiramdam nung orihinal kaya nakipagpalit siya," sagot ni Alexis nang tinanong ko siya.



          “Ganoon ba? Mukhang okay pa naman iyung taong iyun ahh?"



          Gabi na nang natapos na kaming mag-setup. Kanya-kanya na kami na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan namin. Habang nangyayari iyun, minamatyagan namin ni Keifer si Gerard na walang humpay ang pakikipag-usap sa mga babae. May mga tinuturo kasi siya sa kanila.



          Maya-maya ay tumunog ang aking phone sa bulsa. Isang mensahe ang aking natanggap mula sa hindi kilala na number. Tiningnan ko kung ano ang mensahe.



          Nanlaki ang mata ko sa aking nabasa. Agad kong hinanap ang mga kaibigan ko para makausap sila ng pribado.



          “Anong meron?" kaswal na tanong ni Joseph na naglalakad sa paligid kasama si Paul.



          Ipinakita ko sa kanila ang mensahe na nakuha ko sa phone.



          “Shit!" napamurang sabi ni Paul matapos niyang basahin ang mensahe.



          Ang nakuha kong mensahe ay tungkol sa isang serial killer dito sa Baguio na ngayon lang nabigyan ng mukha ng mga pulis. Salamat sa artistic sketch na binigay ng isang testigo. At ang serial killer na iyun ay walang iba kung hindi tour guide namin. Ang tour guide namin ay hindi lang guide sa bundok kung hindi guide din sa kabilang buhay.



          Ang pangalan niya ay Jack Prierp, 35 years old. Pilipino, single, at nag-iisang anak. Isang araw, nawala daw siya sa kagubatan ng mga limang taon. Inakala ng mga pulis na posibleng patay na siya, nangibang bayan, nangibang bansa, basta! Basta na lang daw siyang nawala hanggang sa bumalik ito sa pamilya niya. Ilang buwan naman ang nakalipas matapos makabalik ay muli na naman siyang nawawala. Ang hindi alam ng magulang ay isa na siyang kilabot na serial killer dito sa Baguio. Signature ng kaniyang pagpatay ang mga taong nag-iisa sa buhay.



          “A-Anong gagawin natin kayo? Isa palang mamamatay-tao ang tour guide natin?" nag-aalalang tanong ni Alexis.



          “Kumalma lang tayong lahat," mungkahi ni Keifer. “We are safe dito sa camp. Lahat ng mga kasamahan natin ay may partner sa tent kaya walang nag-iisa. Wala siyang mabibiktina dito."



          “Paano ka naman nakakasiguro diyan na wala iyang papatayin kung magkakasama tayo?" naguguluhang tanong ni Joseph.



          “Dahil serial killer siya? At ang signature kill niya ay iyung mga taong nag-iisa?" pahulang sagot ni Ronnie. “Nako! Kailangan natin balaan iyung mga tao na huwag umalis ng walang kasama."



          “Teka, si Geo. Hahanapin ko lang," nag-aalalang sabi ni Paul at tumakbo na paalis.



          “Paul, huwag kang umalis mag-isa," pagpapatigil ni Keifer.



          Pero hindi tumigil si Paul at tumakbo para hanapin si Geo.



          “Sasamahan ko siya," habol ni Ronnie na tumakbo din.



          “Okay. ano ang gagawin natin? Tatawag na ba tayo ng pulis at magdasal na mabilis silang makakapunta dito?" tanong ni Joseph. “Teka, si Ren?"



          Kapwa namutla kaming tatlo sa itinanong ni Joseph. Lumingon ako sa paligid at umaasang nasa tabi-tabi lang si Ren. Hindi maaari. Na naman? Nawala na naman siya bigla?!



          “Potang ina, bakit ngayon pa?!" nanggigigil na mura ni Joseph.



          “Shhhhhhh!" pagpapatahimik ni Keifer. “Kumalma muna tayo. Tingnan niyo." May tinuro siya.



          Tiningnan namin ang tinuturo niya. Itinuro ni Keifer ang mamamatay-tao na tour guide na busy sa kaniyang ginagawa. Nakikita namin na hinahasa nito ang tibak na dala-dala niya.



          “Nandyan iyung mamamatay-tao. Which means safe si Ren kung nasaan siya, hangga't hindi nawawala sa paningin natin si Jack," paliwanag ni Keifer.



          “Okay, maganda iyan. Pero nawawala pa rin si Ren," kontra ni Joseph na binababaan na ang tono ng pananalita pero halatang nagagalit siya. “Nasa paningin nga natin iyung mamamatay-tao, paano naman kung kinantot pa tayo ng malas na may iba pang mamamatay-tao sa gubat? Kailangan natin mahanap si Ren kaagad dahil patay ako, patay si Mama, patay tayong lahat kay Mr. Schoneberg kapag hindi natin siya nahanap ng buhay."



          “Ang kailangan natin ay maghanap at magdasal," sabi ni Keifer. “Sa ngayon, gawin na natin ang mga bagay-bagay bago pa may mangyari. Joseph, tumawag ka na ng pulis. Alexis, kausapin mo si Aries na mag-announce siya na dapat ay magkakasama ang mga tao. Sa ganoong paraan, walang mabibiktima si Jack."



          Tumakbo na si Alexis para puntahan si Aries. Yup, kasama namin ang vice at president ng student council sa field trip to heaven na ito.



          “Keifer, biglang nawalan ng signal ang phone ko."



          “Ano?"



          Kinapa ko sa bulsa ang cellphone ko. Pero nakalimutan kong hawak ni Paul iyun. Teka, may signal naman kanina ahh? Kaya nga ako naka-receive ng text message dahil may signal ako tama?



          Tiningnan ni Keifer ang kaniyang phone. Pati din sa kaniya, wala ring signal. Anong nangyayari?



          “May signal jammer dito," anunsyo niya.



          Bigla kong naalala ang balita sa telebisyon kaninang umaga. “Masyado ka naman makapaghinala. May maintenance ngayon ang mga cell sites kaya walang signal. P-Pero, paano iyan? Paano natin mako-contact ang mga pulis?"



          Nakabalik na sa amin si Ronnie. “Guys, nagkita na sila Paul at Geo."



          “Si Ren? Nakita mo ba?" agad na tanong ni Joseph.



          Natulala si Ronnie. “Fuck!" Mukhang hindi din niya nakita.



          Hindi na namin namalayan na lumapit sa amin ang tour guide ng kamatayan.



          “Anong meron at nagmumurahan kayo?" tanong niya. “Alam ko, bawal iyan sa school niyo ahh?"



          Bumigat bigla ang atmosphere ng paligid. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan. Natahimik pa kami ng ilang segundo. Siguradong maghihinala ang mamamatay-tao na ito. Ano kaya ang magandang palusot? Iyung kapanipaniwala.



          “Nawawala po iyung kaibigan namin. Balak po namin siyang hanapin sa kagubatan," sagot ni Keifer.



          Napamura ang isip ko sa isinagot niya. Anong ginagawa niya sa pagsasabi ng totoo sa tour guide ng kamatayan?



          Nagulat si Jack. “D-Dito pa? Nako! Delikado pa naman sa gubat ngayon. May balita pa naman na may serial killer na gumagala dito" Gago ka ba? Ikaw kaya iyun?!



          Kunyari ay nabahala ako. “H-Ho? Talaga? Nako! Dali, hanapin na natin siya!"



          “Sasama ako," pagboluntaryo ni Ronnie.



          “Ako din," pati na rin si Keifer.



          “Ako din. Kabisado ko ang gubat kaya makakatulong ako," wika ni Jack. Kabisado ang gubat o gusto mong patayin ang isa sa amin?



          “S-Sasama ako," nasabi ko na lang.



          Lumapit si Keifer sa akin at inilayo kami mula sa mga tao ng ilang hakbang. “Delikado ito. Huwag ka ng sumama at dito na lang maghintay. Mas maganda na mabawas-bawasan ang mga alalahanin ko," bulong niya.



          “Kaya ko ang sarili. Kung akala mo na ikaw lang ang may kaya na iligtas si Ren sa sitwasyon na ito, puwes kaya ko rin. Boyfriend at kuya niya ako," matapang na bulong ko.



          Nasapo ni Keifer ang ulo niya. “Naiintindihan kita. Pero wala tayong dapat pag-awayan ngayon dahil hindi naman ito tungkol sa ating dalawa. Tungkol ito kay Ren at sa kaligtasan natin mula sa isang kilabot na serial killer. At mula kay-"



          Nahinto sa pagsasalita si Keifer. Iginala niya ang kaniyang paningin. May hinahanap pa siyang isang tao. Shit! Oo nga pala! Si Gerard, nawawala din sa kampo! Hindi pwede ito!



          “Ako ang sasama kay Jack, ikaw kay Ronnie. Huwag kayong maghihiwalay," bilin niya sabay bumalik sa grupo.



          Kita kong lumapit siya kay Jack at tumakbo sila sa isang direksyon. Si Ronnie naman ay lumapit sa akin tsaka sa salungat na direksyon naman kami pumunta. Ren, nasaan ka na ba? Bakit ka pa kasi umalis ng kampo?



Keifer's POV



          “Ren!" tawag ko sa pangalan niya sa gitna ng masukal na kagubatan.



          “Ren, asaan ka na?" tawag naman ng mamamatay-tao na si Jack.



          Kinain na ng tuluyan ang liwanag ng dilim. Kasalukuyang naghahanap pa rin kami kay Ren sa gitna ng masukal na kagubatan ng Mount Pulag. Bigla kasi siyang nawala sa kampo bago pa namin malaman na ang kasama naming tour guide ay isang mamamatay-tao.



          “Itong kaibigan ninyo, anong klaseng tao ba siya?" biglang tanong ni Jack habang naglalakad. “Loner ba siya, adventurous, ghost hunter o ano? Paranormal expert?"



          “Makakatulong po ba iyan sa paghahanap natin sa kaniya?" tanong ko habang patuloy pa rin na naghahanap.



          “Oo naman. Kung alam ko lang ang ugali niya, marahil ay alam ko kung saan siya pumunta. After all, kabisado ko ang lugar na ito."



          Nag-isip ako kung totoo ba ang sinasabi niya. Kung sasabihin ko ba, mas mabilis ko kayang mahahanap si Ren? Susugal na naman ba ako na mahahanap niya si Ren? Teka, hindi. Hindi dapat siya makalapit kay Ren. Dapat ay malapit siya sa akin. Dapat maisip niya na ako ang dapat patayin imbes si Ren. Nasa gitna kami ng gubat, nag-iisa ako, walang tutulong sa akin. Wala. Iyun ay kung kaya niya ako.



          “Hindi ko masabi," sagot ko. Humugot ako ng malalim na hinga. “Kakakilala ko lang sa tao kaya hindi ko alam. Hindi ko siya ganoon kakilala." Pasimple akong kumuha ng isang malaking tangkay na mula sa isang matanda na puno.



          “Kung ganoon, paunahan na lang tayo kung sino ang makakapatay sa kaniya."



          Kinutuban ako bigla sa sinabi niya. Naramdaman ko na may bagay na papalapit sa akin kaya ginamit ko ang malaking stick na hawak ko para masalag iyun.



          Nang nasalag ko ang isa ding malaking tangkay, nakumpirma ng utak ko ang mga mangyayari. Dahil sa kasama ko si Jack, tiyak na maiisip niyang unahin ako dahil sa nag-iisa ako kasama niya.



          Kitang-kita ko na nag-iba na din ang timpla ng mukha ni Jack. Malawak na malawak ang ngiti niya. Mukha ng isang taong marami ng pinatay.



          “Aba! Lumalaban ka?! Hindi ko gusto iyan!" nababaliw na sabi niya.



          “Hindi ko rin gustong maging tour guide ka namin paakyat ng bundok," sagot ko.



          Nakipaglaban ako sa kaniya gamit ang malaking tangkay. Sa bawat palo na ginagawa namin ay humihina ng humihina ang hawak naming tangkay. Mamalasin ang unang masisiraan ng tangkay.



          Sa mga ginagawa ko, dinadagdagam ko ng sipa at kung ano-ano pa. Pero naiilagan lang niya ang mga ginagawa ko. Sinusubukan ko naman tamaan ang mga kahinaan niya sa katawan pero matagumpay niya itong naisasalag. Ang galing niya. Para pa ngang sanay na sanay siya sa ginagawa.



          Nagtagal pa kami makipaglaban ng ilang minuto pa hanggang sa makakita ako ng pagkakataon na mapatumba siya. Subalit imbes na siya ang mapatumba, ako ang napatumba niya. Sinadya niyang buksan ang depensa niya para atakihin ako.



          Napabagsak ako sa lupa matapos matamaan ang aking katawan. Wala siyang sinayang na pagkakataon at pinalo pa ulit ang tiyan ko. Naramdaman ko ang sakit ang ginawa niya. Pero imbes na tapusin niya ako, bigla siyang umalis sa lugar at tumakbo. Bwisit! Hindi dapat ganito! Siguradong papunta siya kay Ren kung saan man siya!



          Sinubukan kong tumayo sa kabila ng nararamdaman ko. Wala akong oras para magpahinga. Kailangan masiguro ko na walang mangyayari kay Ren.



Ren's POV



          10 minutes ago...



          Nakita kong nag-e-enjoy sila Kuya Allan at Kuya Joseph sa trip na ito. Nakita kong nag-e-enjoy din ang iba kong mga kaibigan. Mabuti naman at masaya silang dalawa.



          Napabaling naman ako sa kawalan, sa madilim na kagubatan ng lugar na iyun. Ako ba, nag-e-enjoy ba ako? Oo naman. Pero mas mag-e-enjoy ako kung ma-e-explore ko ang kagubatan lalo na kapag gabi.



          Tumayo ako at hindi nagpaalam sa kanila. Gusto kong mapuntahan ang madilim na kagubatan.



          Lakad lang ako ng lakad sa madilim na kagubatan dala ang isang malaking flashlight hanggang sa nakaramdam ako ng pagod. Naghanap naman ako ng punong mauupuan para magpahinga. Hmm, ilang metro na ba ang nalakad ko?



          Nakahanap naman ako ng lugar kung saan ako makakaupo. Nang umupo ako, nawalan ng ilaw ang dala kong flashlight. Ang bilis naman naubos iyung battery ng flashlight ko. Bago ba iyung nakalagay dito?



          Kinapa-kapa ko ang aking tagiliran kung saan nakalagay ang aking reserba na mga baterya. Sa gitna ng kadiliman, nailagay ko ang mga reserba kong baterya sa loob ng flashlight. Iyung mga wala ng laman na baterya ay nilagay ko din sa lalagyan ko sa gilid. Naaalala ko iyung sinasabi ng tour guide namin na huwag magkakalat dito sa bundok. Dahil kung magkakalat ka, magagalit ang mga diyos na nakatira sa bundok.



          Natawa ako sa sinabi ng tour guide. Alam kong pampanakot lang ang kwentong iyun sa mga bata. Pero mensahe talaga nila ay huwag kang magkakalat sa bundok na ito. Ang ganda-ganda kaya ng lugar tapos tatapunan lang ng basura.



          Madilim, pero payapa ang paligid. Ang tanging maririnig mo lang sa paligid ay ingay ng mga kuliglig sa lugar na ito. Somehow, nagugustuhan ko ang moment na ito. Walang ibang tao kung hindi ako lang. Ganito ba ako noon? Walang tao sa paligid kung hindi ako lang? Parang pamilyar talaga sa akin ang pakiramdam na ito.



          Sa gitna ng katahimikan, nakarinig ako ng kaluskos. Nang nilingon ko ang pinanggalingan ng kaluskos, napalitan ang tingin ko sa paligid. Nakikita kong nasa sarili akong bahay at nakaupo sa sofa ng sala. Nakatingin ako sa entrada ng bahay. At sa entrada ng bahay ay may taong nakatayo.



          Saglit na nangyari iyun at bumalik ang tingin ko sa gubat. May tao talaga na nakatayo sa direksyon ng tingin ko. Hindi ko kilala dahil sa dilim ng paligid.



          “Ren?" tawag ng boses sa akin. Ahh! Kilala ko ang may-ari ng boses na ito. Ito iyung tour guide namin na si Jack.



          Binuksan ko ang flashlight at halos itinutok ito sa mukha niya. Bigla akong kinilabutan nang nakita ko ang nakakalokong ngiti ni Jack. Saglit naman na may iba akong tao na nakita sa mga ngting iyun at ang paligid ko ay nag-iba. Ano itong mga nakikita ko? Mga alaala ko ba ito?



          “Nandito ka lang pala," saad niya habang lumalapit. “Hinahanap ka na ng mga kaibigan mo."



          Sa bawat hakbang na ginagawa niya, umaatras ako. Iyun iyung dinidikta ng utak ko na gawin. Ang lumayo mula sa kaniya. Ewan ko ba kung bakit.



          Mga ilang hakbang ang ginawa niya at nang napansin niya na lumalayo ako ay tumigil siya sa paglapit. Nakita ko ang galaw ng labi niya na nayayamot sa ginagawa ko.



          “P-Pasensya na Kuya Jack," paghingi ko ng dispensa. “H-Hindi po kasi ako kumportable sa ibang tao. Natatakot pa rin po ako sa ibang tao."



          “Okay lang, okay lang. Ginagawa mo lang naman ang kailangan mong gawin." May binunot siya mula sa gilid niya. “Dahil alam mo, maya-maya, hihilingin mo na may taong sasagip sa'yo." Teka? Hindi ba't tibak ang binunot niya sa taligiliran niya? At anong mga pinagsasasabi niya? Nanakot ba siya?



          “Ren, alam mo ba kung anong oras na? Oras na para mamatay ka."



          Sa mga salitang binitiwan ni Kuya Jack, tumakbo na ako papalayo sa kaniya. Huwag lumingon pabalik. Takbo lang. Hinahabol ka niya.



          “Kuya Joseph, Kuya Allan, kung sino man ang nakakarinig diyan, tulungan niyo ako!" sigaw ko.



          Sa madilim na gubat na iyun, sigaw ako ng sigaw, takbo ako ng takbo. Umaasa na may makakarinig sa akin. Halos mawalan na ako ng boses. Si Kuya Jack, tumatawa at mukhang nag-e-enjoy sa ginagawa. Hindi pwede ito! Ayoko pa mamatay! Kailangan makaisip ako ng paraan para malampasan ito!



          Gaano ba ako kalayo sa kaniya? Mabilis ba siyang tumakbo? May flashlight ba siyang dala?



          Mabilis na tumalon ako sa gilid at tahimik na nagtago sa mga matatayog na halaman ng kagubatan na iyun. Pinilit kong gawing tahimik ang aking paghabol ng hininga, pero may konting ingay talaga na lumalabas. Pinatay ko din ang aking flashligh para hindi niya ako mahanap. Mga ilang segundo ang nakalipas, nakita ko siyang tumakbo papunta sa direksyon na tinakbuhan ko sana. Mabuti naman at hindi niya napansin na nagtago ako sa gilid.



          Nakahinga naman ako ng maluwag. Bakit niya ba ginagawa sa akin ito? Siya kaya iyung diyos ng kagubatan na ito? Pero hindi naman ako nagkalat. Bakit niya ako gustong patayin?



          Habang nag-iisip ako, bigla kong naalala ang nakita ko sa baba bago pa kami umakyat ng bundok.



          6 hours ago...



          Habang naghahanap ako ng souvenir kay Mama, nakaagaw ng atensyon sa akin ang telibisyon na pinalakas pa ng tindero ang volume. Isa itong flash report ng isang kilalang istasyon.



          “Nabigyan na ng mukha at pangalan ang ang kilabot na serial killer ng Baguio. Base sa artist sketch na nakuha ng mga pulis mula sa isang testigo, kinilala nila ito bilang si Jack Prierp, na napapabalitang nawawala." Parang natawa ang newscaster sa ibinalita niya pero hindi siya nagpahalata. Baka dahil sa weird na apelyido ng suspek.



          “Si Jack Prierp ay nabalitaan noon na nawawala hanggang sa natagpuan siya ng mga otoridad na gumagala sa kalsada. Matapos mahanap at ilang buwan naman ang nakalipas, nawala ulit siya sa hindi na naman malaman na dahilan. Kasalukuyan namang nakipag-ugnayan ang mga magulang ni Jack sa mga pulis para mahuli siya."



          Napansin ko naman si Keifer sa gilid ko at balak ko sanang ipaalam din sa kaniya ang nakita ko.



          “Keifer, tingnan mo. Ano ba iyan?" turo ko sa telebisyon.



          Lumapit naman siya at tumingin. Kaya lang, iba na ang pinapakita ng screen.



          “Ah! Tambal iyan," sagot niya.



          Serial killer ng Baguio. Siya ang taong iyun.



          Sa gitna ng aking pag-iisip, nakarinig ako ng kaluskos. Nagmula ito sa direksyon na pupuntahan ko sana. Sa kadiliman na iyun, may nakita akong madilim na pigura na gumagalaw. Siguro, sila Kuya Joseph na ito.



          Binuksan ko ang flashlight at itinuro sa itim na pigura. Namutla ako matapos malaman na si Jack pala ang pigurang iyun. Ipinatay lang niya ang flashlight para hindi ko malaman.



          Tumakbo ulit ako palayo, pero ilang hakbang lang ang ginawa ko ay nadapa ako dahil sa kahoy na nakatiwangwang sa lupa. Nako! Hindi maaari!



          Nilingon ko si Jack na dahan-dahang lumapit. Malawak na malawak ang ngiti niya.



          “Akin ka na ngayon Ren," mabagal na sabi ni Jack habang lumalapit.



          Akin ka lang Ren, akin ka lang," mabagal na sabi ni... habang lumalapit.



          Inipon ko ang aking natitirang lakas at sinubukang lumayo kay Jack.



          “Kuya Joseph, Kuya Allan, tulungan niyo ako dito!" sigaw ko habang umaatras.



          Hindi ko alam kung may nakakarinig na sa akin. Hindi ko alam kung darating sila dito para tulungan ako. Kasalanan ko ito. Dapat ay hindi ako lumayo sa kampo.



          Itinaas ni Jack ang kaniyang tibak. Pero bago pa niya ito ibinaba, isang pigura mula sa gilid ang sumugod.



          Sino iyun? Sino iyung nakarinig ng sigaw ko? Gusto kong malaman. Kaya lang, dumilim ang aking paligid.



Allan's POV



          Biglaang pinatigil ako ni Ronnie sa paglalakad. Nilagay naman niya ang kaniyang daliri sa labi na nagpapahiwatig na manahimik kami.



          “Narinig ko iyung sigaw na iyun," bulong ni Ronnie. “Kaya lang, hindi ko alam kung saan."



          “Nasa malapit lang siya kung ganoon. Ano pa ang hinihintay natin?" tanong ko.



          “Nasa malapit nga. Alam ba natin kung saang malapit si Ren? Mamaya, takbo nga tayo ng takbo, tapos hindi natin mahanap."



          “Paano kung hindi na iyun makasigaw dahil- hindi ko kaya ito!" Tumakbo na ako ng diretso.



          “Allan, sandali lang?!" pagpapatigil niya.



          Ayokong maghintay ng isa pang sigaw. Dapat mailigtas ko agad si Ren.



          Habang tumatakbo ako ay may parang pigura sa harapan ko na tumakbo papunta sa isang direksyon. Hindi ko alam kung sino ang pigura na iyun, pero sumunod ako sa pag-aakalang baka ito si Ren.



          “Ren?! Ren?!" tawag ko.



          Hindi huminto ni lumingon ang pigurang sinusundan ko. Hindi ito si Ren.



          Napahinto ako. Paano kung si Jack ang sinusundan ko at hindi si Ren?



          “Kuya Joseph, Kuya Allan, tulungan niyo ako dito!" rinig kong sigaw ni Ren sa direksyon na tinatahak ko.



          Kaagad na tumakbo ako sa pinanggalingan ng sigaw. Malakas ang pagkakasigaw ni Ren. Nalalaman ko sa sigaw na siya ay nasa mapanganib na kalagayan. Tinatawag niya ako! Kailangan niya ang tulong ko!



          Sa direksyon na tinahak ko, naulinagan ko ang isang flashlight sa lupa. Sa tabi ng flashlight ay isang katawan. Kaagad na lumapit ako. S-Si Ren!



          Kaagad na tiningnan ko ang kaniyang kalagayan. Wala naman siyang sugat maliban sa bandang tuhod niya. Normal pa rin ang paghinga niya. Okay lang siya. Nawalan lang siya ng malay.



          Nakahinga ako ng maluwag. Hindi siya napahamak, salamat naman.



          Sa kakatingin ko sa kalagayan niya, may narinig akong mga boses na naghihirap. Sakto naman na dumating si Ronnie.



          “May tao pa doon," turo ko sa direksyon ng mga boses. “Tingnan mo at baka si Gerard, o kung sinong tao man iyun!"



          Tumango si Ronnie at pumunta sa direksyon na tinuro ko. Nanatili lang ako sa tabi ni Ren at inayos ang kaniyang pagkakahiga. Teka, hindi dapat dito mahiga si Ren. Kailangan buhatin ko siya. Pero paano?



          “Bang! Bang! Bang!"



          Ano iyun? Tunog ng baril iyun ahh?



Keifer's POV



          “... Joseph, Kuya ... nakakarinig diyan, tulungan niyo ako!" rinig kong sigaw sa madilim na kagubatan.



          Hindi ko masyadong marinig lahat ang sinasabi ng sumigaw, pero sigurado akong si Ren iyun.



          Tumakbo agad ako papunta sa pinanggalingan ng sigaw. Shit! Mukhang nakita na siya nung Jack na iyun.



          Habang tumatakbo, nakarinig naman ako ng sigaw mula sa ibang tao.



          “Ren?! Ren?!" tawag ni Allan sa akin. Pero hindi ako si Ren kaya dumiretso ako.



          “Kuya Joseph, Kuya Allan, tulungan niyo ako dito!" rinig kong sigaw ni Ren sa direksyon na tinatahak ko.



          Habang tumatakbo ay may nakita akong ilaw. May pigura akong nakikita. Isang nakahiga at isang tao na nakatayo na may hawak na kung ano at dahan-dahan na itataas. Sila na iyun!



          Basta-basta ko na lang sinugod ang pigurang nakatayo. Dahil sa ginawa ko ay nagpagulong-gulong kami pababa ng bundok marahil. Nagtagal iyun ng ilang segundo. Nang natapos na ang paggulong, dinaganan ko si Jack at pinag-uulan ng suntok. Hinding-hindi ko mapapatawad ang taong ito. Ang mga magpapahamak sa kaniya ay pagbabayaran ko ng malaki!



          Hindi ko namalayan na nakaabot ang isang kamay ni Jack sa isang kahoy at hinampas ang aking ulo. Sinipa pa niya ako para makaalis sa ibabaw ko. Hindi ako nawalan ng malay kung hindi nahilo ako. Hindi dapat ganito. Dapat ay siya ang ililibing ko sa lupa at hindi ako.



          Ang susunod ko na lang na nakita ay si Jack na nakatayo. Nakangisi siya at hawak ang isang tibak.



          “Mukhang wala akong magagawa. Ikaw muna ang uunahin ko," sabi niya.



          Itinaas niya ang tibak para siguro isaksak sa katawan ko. Keifer, galaw! Hindi ka dapat mamatay dito!



          “Bang! Bang! Bang!"



          Nagulat ako nang nakarinig ako ng putok ng baril. Kita kong nangisay si Jack sabay bumagsak siya sa lupa. May nakita akong tuldok ng dugo sa likuran niya. Nang nilingon ko ang pinanggalingan ng putok, nalaman ko na galing ito kay Ronnie. May dala pala siyang baril.



          Sakto na nawala ang hilo ko sa ginawa niya. Shit! May baril siyang dala sa field trip?



          Lumapit agad siya sa akin at tinulungan akong makatayo. “Ayos ka lang ba?"



          Kinuha ko ang kamay niya at bumangon ako. “Hindi. Medyo nahihilo pa ako. Salamat."



          Nang nakabangon na ako, nilagay ni Ronnie ang baril sa kamay ni Jack na ewan ko ba kung wala siyang malay, o patay na. Pagkatapos ay tinapon niya ang baril sa direksyon kung saan siya bumaril.



          “May dala kang baril sa field trip natin?" nagulat kong tanong.



          “Umm, Keifer, nakalimutan mo na ata kung sino ang mga magulang ko," sarkastikong sagot niya.



          “Iyung baril, rehistrado ba sa'yo?" sunod na tanong ko.



          “Hindi. Alam mo na siguro ang isasagot mo kapag tinanong ka ng mga pulis hindi ba?"



          Tumango lang ako. “Halika na. Balikan natin sila Ren."



          Umakyat na ulit kami ng bundok. Mga ilang hakbang lang ay nakita namin si Allan na binabantayan si Ren. Agad namin silang nilapitan para malaman ang kalagayan niya.



          “Ayos lang ba siya?" tanong ko.



          Tumango lang si Allan. “Nawalan lang siya ng malay pero okay na siya. Tulungan niyo akong ilagay siya sa likod ko at bumalik na tayo sa kampo."



          Tinulungan namin si Allan sa gusto niya at umakyat na kami ng bundok. Anong oras na kaya? Napakalalim na siguro ng gabi. Ilang oras din ang ginawa naming paghahanap kay Ren dito sa gubat.



          Sa pag-akyat namin, nakarinig ako ng tunog ng phone. Phone ito ni Ronnie. Mukhang natapos na ang maintenance ng mga telco?



          “Hello Alexis," rinig kong sabi niya. “Oo, nahanap na namin si Ren. Oo, kumpleto kaming lahat. Pabalik na kami sa kampo."



          Biglang huminto si Ronnie. Huminto din ako para samahan siya habang si Allan ay nagpatuloy sa paglalakad.



          Nag-iba ang timpla ng mukha ni Ronnie. Nilingon naman niya ang tinahak naming daan.



          “Ano?!" rinig kong sigaw niya.



Joseph's POV



          Lakad ako ng lakad sa paligid ng kampo namin. Umaasa ako na may kung sinong lumabas mula sa madilim na gubat. Nag-aalala ako na baka may kung ano ang nangyari kay Ren. Shit naman kasi! Bakit pa niya kasi naisip na umalis? Bakit hindi siya nagpasama? Bakit hindi siya nagpaalam?!



          Sa paglalakad ko ay may nakita akong mga tuldok ng ilaw. Ilaw ito mula sa flashlight ng apat na tao. Apat na tao. Okay. Which means nahanap nila si Ren, at ano na kaya ang nangyari sa serial killer na tour guide namin?



          Nang maaninag ko kung sino ang mga taong ito, nanlumo ako. Hindi ito sila Ren. Ilaw ito mula sa mga classmate niya. Isang lalaki at tatlong babae?! Ano ba kasi ang ginagawa nila sa madilim na gubat na iyun?! Sabay-sabay silang tatlo na ilabas iyung anak ni anu mula sa ari niya?!



          Kita ko naman na lumapit si Divine sa grupo. Rinig kong pinagtaasan pa niya ito ng boses. Pinagalitan niya ang mga ito Mukhang alam din ni Divine ang sitwasyon.



          “Ahhhhhhh!" rinig naming sigaw.



          “Ano iyun?" tanong ko sa sarili.



          Tumakbo ako sa pinanggalingan ng sigaw. Habang tumatakbo ay may mga taong tumatakbo sa salungat na direksyon ko. Napahinto ako matapos makita ng mga mata ko ang mga nangyayari sa harapan ko. Si Jack ay hostage si Geo. Hawak nito si Geo at may nakatutok pa siyang baril sa ulo nito.



          “Paul, tulong," mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Geo. “Paul, ayoko pang mamatay." Ramdam na ramdam mo sa boses niya na natatakot siya.



          “Manahimik ka! Napakaingay mo! Walang magagawa iyang paghingi ng tulong mo!" balik ni Jack habang dinuduro pa sa ulo ni Geo ang baril.



          “Pre, kung ano man ang gusto mo, pag-usapan natin iyan," pakiusap ni Paul. “Gagawin ko ang lahat, huwag mo lang ituloy iyang gagawin mo."



          “Ang gusto ko? Simple lang. Iwanan niyo kami ng lalaking ito para mapatay ko siya ng pribado." Mas lalo pa nitong idinuro sa ulo ni Geo ang baril. “Kaya mo bang ibigay iyun?"



          “Geo?" tawag sa kaniya nung kaklase niya.



          Hindi ko pinansin kung ano ang ginagawa ng kaklase niya. Pero nakatingin si Geo. Kailangan mailigtas namin si Geo! Ano kaya ang magagawa ko? Kalabanin iyung killer? Pero may baril siya. Paano kung labanan ko nga pero baka barilin naman niya si Geo sa ulo? Joseph, ano ang gagawin mo?



          Maya-maya, biglang kinagat ni Geo ang kamay ni Jack. Wala sa isip kong tumakbo papalapit sa killer at hinawakan ang kamay niya kung saan hawak ni Jack ang kaniyang baril habang si Geo ay lumayo sa kaniya. Sininubukan niyang itutok ang baril sa mga taong nanonood, pero pinilit ko na huwag itutok doon. Ikinambyo ko paitaas ang baril at pinilit ang daliri ko sa gatilyo. Nagpaputok ako ng mga tatlong beses, pero naisipa niya ako dahilan para maghiwalay kami at matumba ako sa lupa. Biglang bumagal ang oras habang itinutok sa akin ni Jack ang baril. Katapusan ko na ata. Ano ba iyan Joseph? Bakit ka pa kasi nagpakabayani at nakipag-agawan pa ng baril sa serial killer? Si Mama, paano ka na kapag nawala ako? Dapat hindi ka nagpakabayani.



          Habang nakatingin sa aking katapusan, dalawang pares ng kamay ang biglang pumulupot sa leeg ni Jack. Ang sumunod na narinig ko ay ang paglagutok ng kung anong parte ng katawan niya saka bumagsak siya sa lupa. Sa likod ni Jack ay may lalaking nakatayo. Ito iyung kaklase nila Ren. Teka? Ano iyung ginawa niya? Binali niya ba iyung leeg ni Jack?



          Lumapit siya sa akin at inilahad ang kaniyang kamay. “Okay ka lang ba, Joseph?" tanong nito.



          Kinuha ko ang kaniyang kamay. “Salamat pre." Ibinangon niya ako sa pagkakahiga sa lupa.



          “Gerard. Iyun ang pangalan ko," pagpapakilala niya.



          Tiningnan ko ng mabuti si Gerard. Ahh! Naaalala ko. Kasama siya sa libro ng kung anong kalokohan ng school namin.



          Binitawan niya ang kamay ko saka tiningnan si Jack. May tatlong babae naman na lumapit sa kaniya at inaalam kung okay lang ba siya.



          “Gerard, okay ka lang ba?" tanong ng isa.



          “Nasaktan ka ba?" tanong naman ng isa.



          “Shunga! Hindi siya nakipagsuntukan. Pinatay niya agad iyung lalaki," pasarkastikong sabi ng huling babae.



          Bigla namang natulala ang mga babae sa paligid niya at tiningnan lang siya. Oo, pinatay niya ang lalaki. Binali niya ang leeg ni Jack kaya namatay siya.



          “He's a hero! He saved Joseph!" bulalas ng isa.



          Humarap si Gerard sa mga babae. Nagpakawala siya ng matipid na ngiti. “Tumawag na kayo ng pulis para kunin na tayo. Mukhang matatapos amg field trip natin ng mas maaga." Lumakad si Gerard papunta sa isang direksyon.



          “Pero hindi pa tayo nakakarating sa tuktok. Sayang naman ang binayad natin," reklamo ng isang babae habang sumabay kay Gerard.



          Lumapit si Divine kila Geo na yakap si Paul. “Okay ka lang ba?"



          “Yeah, okay lang siya," sagot ni Paul.



          “Bumalik na muna kayo sa tent ninyo at magpahinga," panuto niya. “Aries, pabalikin mo na iyung mga estudyante at bilangin mo. Baka may nawala sa gubat dahil ang gulo kanina. Ang daming nagsitakbuhan, napakadilim pa naman sa gubat."



          Umalis agad si Aries.



          “At itong tour guide natin, patay na ba ito o ano?"



          Kusa akong lumapit sa nakahandusay na tour guide namin at kinunan siya ng pulso. Wala na siyang pulso.



          “Patay na siya," anunsyo ko sa kaniya.



          Tumango-tango si Divine. “Okay, okay." Lumingon-lingin siya. “Iyung mga tent sa paligid, kung kanino ang mga iyan, palayuin niyo dahil crime scene na ito. Siguradong hindi kayo papalapitin ng pulis dito."



          May mga estudyanteng lumapit na at nagsimula ng umingay. Hinarap sila ni Divine.



          “Everyone, calm down, silence, manahimik kayong lahat. Patay na iyung tour guide natin na nangho-hostage. Sundin niyo lang iyung mga sasabihin ko at magiging ayos ang lahat. Iyung tungkol sa field trip natin, kokontakin na muna namin ang school kung tuloy pa ba, o hindi na. Dahil para sa akin, gusto kong ituloy ito dahil hindi pa tayo nakakaakyat ng bundok."



          Sa madilim na parte na naman ng gubat, may dalawang tuldok ng ilaw akong nakikita. Kinabahan ako dahil sa dalawa lang ang tuldok na nakikita ko. Tatlo silang umalis na hinahanap si Ren? Tapos dalawa lang ang nakabalik?



          Nang papalapit na ang ilaw, kita ko na may tao sa harapan at parang may binubuhat ng tao. Isa, dalawa, apat, sila na nga ito.



          Mabilis akong naglakad at sinalubong ang apat na taong ito. Okay silang lahat. Si Ren ay buhat ni Allan sa likod. Si Ronnie naman ay may kausap sa telepono.



          “Okay na, nandito na kami," rinig kong sinabi niya saka ibinaba ang phone. Nakahinga siya ng maluwag.



Keifer's POV



          “Nandito na kami," sabi ko matapos makita si Joseph.



          “Didiretso na kami sa tent namin," sabi ni Allan na diretsong naglakad papunta sa kampo.



          “Joseph, kayo? Okay lang ba?" tanong ni Ronnie. “Nalaman ko na nandito si Jack."



          “Oo, nandito siya, may dalang baril. Nang-hostage nga siya kanina. Hinostage si Geo," kwento ni Joseph.



          “May dala siyang baril?" nagtatakang tanong ko.



          “Wait, nandito pa ba iyung bangkay niya?" tanong ni Ronnie.



          “Nasa kampo," sagot ni Joseph.



          “Puntahan nga natin bago pa ma-imbestigahan ng mga pulis." Mabilis na naglakad si Ronnie papunta sa kampo.



          Nagtaka si Joseph at sumunod kay Ronnie. “Huh? Bakit?"



          Nang nakarating na kami sa kampo, nakadapa pa rin ang bangkay ni Jack. Kumuha si Ronnie ng panyo at ginawa niyang parang gloves sa kamay niya. Tapos ay inangat niya ang likuran ng t-shirt na suot nito. Nangilabot kami matapos makita na wala siyang mga butas sa likuran. Butas na mula sa baril ni Ronnie. Anong ibig sabihin nito?



          “Paano siya namatay?" tanong ko kay Joseph.



          “Binalian siya ng leeg ni Gerard, iyung kaklase nila Ren," sagot niya.



          “Hoy, ano iyan? Ano iyang ginagawa niyo?" sita sa amin ni Divine na nakita kami. “Lumayo kayo diyan. Crime scene iyan at baka masangkot pa kayo sa gulo. Huwag na kayong dumagdag sa mga kasalukuyang problema natin."



          Lumipat naman si Ronnie sa baril na hawak ng bangkay ni Jack. “Ohh! Ito pala iyung baril?" sabi niya na para bang ngayon lang siya nakakita ng baril.



          “Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko ha? Layo, layo!" taboy sa amin ni Divine.



          Lumayo na kami sa bangkay ni Jack gaya ng sinabi niya.



          “Keifer, hindi iyan iyung napatay natin sa gubat," sabi ni Ronnie.



          Nagulat si Joseph. “Ano?! Napatay sa gubat?! May pinatay kayong tao sa gubat?!"



          “Yeah, pinatay niya si Jack sa gubat para iligtas ako," paliwanag ko.



          “Ano?! Pakiulit? Pinatay niyo si Jack sa gubat?" naguguluhang tanong ni Joseph. “Sigurado ba kayong napatay niyo dahil mula dito sa kampo, buhay na buhay siya at hinostage si Geo."



          “Nandito din ako noong nangyari iyun," sabat ni Alexis na kararating lang.



          Inalala ni Ronnie ang mga nangyari. “Sa gubat, binaril ko siya ng ilang beses sa likuran."



          “At sa bandang spinal cord tumama ang mga bala kaya siguradong mamamatay siya," pagbigay ko ng medical insight.



          “Pero sino itong nasa kampo?" matigas na tanong ni Joseph. “Kamukha ni Jack. Nang-hostage pa kanina kaya siguradong hindi multo ang tao. At andyan pa iyung bangkay sa lupa." Tinuro niya ang bangkay ni Jack na nasa lupa pa rin.



          “At ang pagkakaalam ko, nag-iisa lang daw na anak iyang serial killer na iyan," dagdag ni Ronnie.



          Nag-isip ako ng lohikal na sagot sa tanong ng mga isip namin. Sino itong nasa kampo?



          Bigla akong may naalala. “Tambal," wala sa huwisyo kong sabi.



          “Tambal? Gamot?" naguguluhang sabi ni Ronnie.



          “Hindi Ronnie. Supernatural creature na tambal."



          7 hours ago...



          Habang tumitingin ng mga ibibiling souvernirs, tinawag ako ni Ren.



          “Keifer, tingnan mo. Ano ba iyan?" May itinuro si Ren sa telebisyon.



          Lumapit naman ako at tumingin. Isa itong informative channel na pinag-uusapan ang mga supernatural creatures.



          “Ah! Tambal iyan," sagot ko. “Mga supernatural creatures iyan sa gubat. Bale magkakambal sila at may kakayahan na magpalit anyo sa kahit na sino. Pero may dalawang kondisyon. Hindi sila basta-basta nakakapagpalit ng anyo, at isa lang sa kanila ang nakakapagpalit ng anyo. Iyung isa kasi, naghahanap ng mabibiktima at ililigaw niya ito sa gubat ng matagal na matagal na panahon. Iyung isa naman ang magpapalit ng anyo sa niligaw ng kakambal o katambal niya at siya ang papalit sa niligaw nila dito sa sibilisadong mundo. Maloko at unpredictable ang mga ugali ng supernatural creatures na ito. Kadalasan kasi sa kanila, gagawa ng masama. Tutal, hindi naman sa kanila talaga iyung anyo na kinuha nila kaya wala silang pakialam. Gagawa sila ng kasamaan hanggang sa pakiramdam ng pumalit ay magiging delikado na ang lahat. Papakawalan nila iyung niligaw nila at mamamatay ito dahil sa ginawa nung nanggaya sa kaniya."



          Nakita naman ng paningin ko si Allan na papalapit sa amin.



          “Anong mamatay ang niligaw nila?" singit niya. “Anong pinag-uusapan ninyo?"



          Nilingon ni Ren ang boses ni Allan. Nginitian ko lang siya at pasimple akong umalis at naghanap ng regalo. Damn it! Wala akong mahanap. Asaan na kaya iyun?



          Pinaliwanag ko sa kanilang lahat ang pinaliwanag ko kay Ren tungkol sa mga tambal.



          “Okay, ang gusto ko lang malaman na supernatural creatures ay multo. Kung may mga bullshit pang ganitong knowledge na idadagdag sa utak ko ay baka mabaliw ako," naiiritang sabi ni Joseph. “Kaya guys, magpahinga na tayo. Patay na iyung serial killer, malalim pa rin ang gabi matagal pa ata makarating ang mga pulis. Kaya, I take my leave here. Alexis, saan ba ang tent mo? Tayo ang mag-partner hindi ba?"



          “H-Halika. Sumunod ka sa akin," sabi ni Alexis.



          Tiningnan ko si Ronnie. Pangisi-ngisi lang siya sa mga sinasabi ko.



          “Supernatural creatures? Wala naman sigurong ganoon sa mundo natin hindi ba?" pagbibiro niya.



          “Ewan ko lang." Inikot ko ang aking paningin. “Listen, siguradong iimbestigahan tayo ng mga pulis."



          Lumingon-lingon si Ronnie. “Huwag mong sasabihin na sasabihin natin sa mga pulis na may kakambal na tambal si Jack sa gubat?" pabulong na sabi niya.



          “Of course, sasabihin natin para malaman natin kung tambal nga ba iyung isa sa kanila, or baka tinatago ng mga magulang niya na may kakambal siya. Kaya magsimula na tayo sa mga statement na sasabihin natin. Kailangan magkapareho at walang makitang butas ang mga pulis."



Allan's POV



          Biglang bumuka ang mata ko mula sa pagkakahimbing. Mukhang sinasabi ng body clock ko na oras na para gumising.



          Tumingin ako sa gilid ko kung nandito pa ba si Ren. Nandito si Ren at pinagmamasdan siguro ang mukha ko habang natutulog.



          “Good morning," bati ko. Napabangon ako. “Kumusta ka? Okay ka lang ba? May masakit ba sa iyo?"



          Hindi siya nagsalita pero umiling siya pahiwatig na wala, sa huling tanong ko sana.



          “Gutom ka ba? Nauuhaw? Ano?" tanong ko ulit.



          Iling na naman ang sinagot niya.



          “Okay. Teka, dito ka lang ha? Huwag kang aalis dito sa tent," panuto ko.



          Lumabas ako ng tent. Medyo maingay ang paligid at hindi masyadong mainit. Tinatakpan kasi ng mga ulap ang araw. Magandang umaga.



          May kaniya-kaniyang topic ang mga tao sa paligid. Isa dito ay iyung nangyari kagabi, tuloy pa ba ang pag-akyat sa bundok, at iyung iba naman ay malayo na sa lugar ang pinag-uusapan. Napansin ko na may mga hawak na mangkok ang ilan sa kanila. Palagay ko ay oras na ng agahan at nakakain na ang mga tao.



          Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Gerard na kinakausap ng isang pulis. Sila Keifer, Ronnie at Alexis ay ganoon din. Nang papalapit ako sa kanila ay bigla akong hinarangan ng isang pulis. Medyo nagulat ako dahil sa biglaang pagsulpot niya.



          “Allan Merker?" tanong nito habang nakatingin sa hawak na note.



          “M-Mercer. Mer-ser," pag-pronounced ko sa apelyido ko.



          “Ahh! Okay! Isa pala ako sa pulis na nag-iimbestiga dito. Pwede ko bang makuha ang statement mo sa nangyari kagabi?"



          “Sure."



          Ilang minuto ang ginugol ko sa pulis at tapos na siyang kumuha ng statement ko.



          “Okay. So may dala bang baril ang suspek?" naitanong niya.



          “Hindi ako sure," iling ko. “Narinig ko iyung pagputok ng baril pero hindi ko alam kung sino ang nagpaputok o kanino iyung baril. Iyun lang po."



          Sumulat-sulat ito sa hawak na maliit na notebook. “Iyung hinahanap ninyo sa gubat? Si Ren Severin Castillo? Asaan siya?"



          “Sa tent ko po. Magtatanong din po ba kayo sa kaniya?"



          “Kailangan."



          “Sige po. Sumunod po kayo sa akin."



          Naglakad kami saglit ng pulis papunta doon sa tent namin ni Ren. Bumukas ito at nadatnan pa rin namin si Ren sa loob.



          “Ren, labas ka muna. Kakausapin ka lang saglit ng pulis," wika ko sa kaniya.



          Bumangon naman siya at lumabas ng tent. “Ano po ba iyun? At bakit may pulis?" tanong niya sa akin.



          “Hijo, may itatanong lang ako sa iyo tungkol sa nangyari kagabi." Itinaas ng pulis ang kaniyang notepad. “Ano ba ang naaalala mo sa mga nangyari kagabi?"



          Saglit na natahimik kami ng pulis. Inaantay namin na bumuka ang bibig ni Ren at magsalita. Pero wala siyang sinasabi ni gesture ng mga ilang segundo.



          “Hijo, ano ang mga naaalala sa nangyari kagabi?" muling tanong ng pulis.



          Sa wakas ay bumuka ang bibig ni Ren at nagsalita. “Wala po akong naaalala sa mga nangyari kagabi."




ITUTULOY...

2 comments:

  1. Sna tuloytuloy n ung pgpost ng storie ni ren

    ReplyDelete
  2. Thanks po sa update

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails