Author's note...
Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Also kuya Peter!
Long time no see ulit. Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa ng kwentong ito. Mukhang magtatagal pa ang kwento ng ilang taon, dahil sa bagal kong mag-update, ulit. Anyway, bukas ay may isa pang update na matutuloy talaga hangga't hindi nagloloko ang encoding, at wala ng language na kailangan i-translate. Pagpasensyahan niyo na po iyung botched bisaya at english ko. Heto na po ang Chapter 51!
Long time no see ulit. Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa ng kwentong ito. Mukhang magtatagal pa ang kwento ng ilang taon, dahil sa bagal kong mag-update, ulit. Anyway, bukas ay may isa pang update na matutuloy talaga hangga't hindi nagloloko ang encoding, at wala ng language na kailangan i-translate. Pagpasensyahan niyo na po iyung botched bisaya at english ko. Heto na po ang Chapter 51!
Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15 | Chapter 16 | Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21 | Chapter 22 | Chapter 23 | Chapter 24 | Chapter 25 | Chapter 26 | Chapter 27 | Chapter 28 | Chapter 29 | Chapter 30 | Chapter 31 | Chapter 32 | Chapter 33 | Chapter 34 | Chapter 35 | Chapter 36 | Chapter 37 | Chapter 38 | Chapter 39 | Chapter 40 | Chapter 41 | Chapter 42 | Chapter 43 | Chapter 44 | Chapter 45 | Chapter 46 | Chapter 47 | Chapter 48 | Chapter 49 | Chapter 50
Chapter 51:
Identical Twins
Larson's POV
Matapos ang hapunan namin ni Keifer, pumunta agad ako sa bahay ni Ren para sunduin si Allan. Ilang segundo lang ako nag-antay sa labas ng bahay, at lumabas agad si Allan. Kasunod niya ay si Ren na hawak-hawak ang kaniyang kamay. At nang naghiwalay na sila, masayang-masaya na kumaway si Ren sa kaniya.
“Bukas ulit,” masigasig na paalam ni Ren.
Mabilis namang hinalikan ni Allan sa labi si Ren at tumakbo ito papasok sa sasakyan ko, na nakabukas na ang pintuan para sa kaniya. Agad namang nag-iba ang timpla ng mukha ni Joseph, na kasunod ng dalawa, nang nakita niya ang mabilis na paghalik at pagtakbo ni Allan. Si Ren naman ay nakatulala lang, at ilang segundo ay pinagpatuloy ang kaniyang pagkaway kay Allan. Pinaandar ko na ang sasakyan para umuwi kami ni Allan.
“Napakasaya naman ng araw na ito,” masayang wika ni Allan.
“Kung ganoon, pasisiyahin ko pa ang araw mo,” sabi ko. “Kanina lang, nasa bahay na si Mama.”
“Ha? Talaga? Umuwi na siya?” gulat na tanong niya.
“Natapos na niya kasi ang mga kailangan niyang gawin sa Maynila kaya umuwi na siya.”
Sinuot ni Allan ang seatbelt niya. “Ganoon ba? Kung ganoon, bilisan mo na ang pagmamaneho ng sasakyan para makauwi na agad tayo!”
“Okay.” Medyo binilisan ko pa ang bilis ng sasakyan.
“Allan Villaflores, huh? Bakit parang nami-miss ko ang pangalan na iyun?” tanong ni Allan sa sarili.
“Pati rin ba iyung mga bagay na nakakabit sa apelyidong iyun? Nami-miss mo?”
“Hmm, hindi. Na-miss ko lang iyung pangalang iyun dahil, nakilala ko si Ren noong ganoon pa ang pangalan ko. At, maganda ang naging simula naming dalawa. Tapos sa kasalukuyan, nakilala ko ulit si Ren, pero iba na ang pangalan ko, pero iba din ang simula ng pagkakakilala namin sa isa’t isa. Hindi maganda.”
“May kabuluhan ba iyun? Siya nga pala, pinaalam ko na din kay Keifer na Tito ka niya. Teka?” Kumunot ang aking noo sa mga sinabi ko. “Tama ba? Hindi naman magkalayo ang edad niyong dalawa.”
“Huh? Kamag-anak ko si Keifer? Paano nangyari iyun?” gulat na tanong ni Allan.
“Nagpalit siya ng apelyido, gaya mo, at gaya ko. At gaya mo, ayaw ni Keifer na dalhin ang apelyidong Villaflores,” sagot ko.
“Siya nga pala, may balita ka na ba tungkol sa mga Villaflores? Miss na miss ko na ang mga kapamilya kong iyun, iyun ay kung buhay pa sila?” pabirong sabi niya. Literal na silang patay pero hindi ko sasabihin sa iyo.
Sa bahay, masayang sinalubong ni Allan ang kaniyang Mama. Umabot hanggang tenga ang ngiti niya nang nayakap na niya ito. Kahit na hindi dapat, medyo nasasaktan ako kapag nakikita ko silang dalawa na masaya, kahit malungkot, nasasaktan din ako. Ang gulo ko.
Nagpakawala lang ako ng isang ngiti nang lumapit ako habang hawak-hawak ang isang kahon ng tsokolate na binili namin ni Allan pauwi. “Mama, para po sa inyo ngayong Valentine’s Day.” Binigay ko ang kahon kay Mama.
Tuwang-tuwa na kumalas si Mama kay Allan at kinuha ang kahon na hawak ko. “Salamat sa inyo. Akala ko, nakalimutan niyo na akong bigyan ng tsokolate ngayong Valentine’s Day.”
“Si Allan lang po ang nakalimot. Masyado siya kasing occupied kay Ren.”
Sinuntok ni Allan ang tagiliran ko. “Anong nakalimutan ko? Hindi kaya!” galit na sabi nito.
“Kung hindi kita susunduin, paniguradong kakalimutan mo si Mama at hindi na uuwi,” pang-aasar ko pa.
“Tama na iyan,” pagpapatigil sa amin ni Mama. “Ang mag-aaway pa ay hindi makakakain ng pizza.”
“Siya po ang nagsimula,” sabay naming sabi ni Allan habang nagtuturuan.
“Oo, oo, alam ko na kung sino ang nagsimula. Kain na tayo bago pa lumamig ang pizza.”
Excited kaming lahat na pumunta sa hapag-kainan. Ganito ang ginagawa namin palagi kapag Valentine’s Day. Kahit na, single kaming lahat, masaya naman kami sa piling ng isa’t isa. Pagkatapos kumain ng pizza, manonood kami ng mga paboritong movie ni Mama. Huwag kayo, 007 ang mga paborito niya, na paborito rin namin ni Allan. Kaya ang Valentine’s Day namin, hindi ganoon kalungkot. Ang ganitong klaseng pamilya, bakit sa ibang pamilya ko pa ito nararanasan?
Ipapakilala ko ulit ang aking, sarili. Ang pangalan ko ngayon ay Larson Mercer, at ang orihinal kong pangalan ay Larson Villarica. 30 years old na ata ako. Anak ako ng mga magulang ko, kapatid ko si Ren, kakambal naman at kapatid ko si Lars. Nahiwalay ako sa kanila, 15 years na ang nakakaraan. Paano ba, nangyari iyun? Gaya ng sinabi ko kay Ninong Schoneberg noon, ako ang may kasalanan sa nangyari ni Ren. Pero bago muna ang lahat, ikikwento ko ang pamilya namin.
Ang mga magulang kong si Callisto at Vernise, okay, skip. Habang pinagbubuntis kami ni Mama, ang sabi daw ni Papa ay pinaglihi daw kami sa mga librong binabasa ni Mama. At ang mga librong binabasa ni Mama, hindi daw basta-basta. Paborito niyang basahin na libro ay Math at Science dahil iyun daw ang mga paborito niyang subject sa school. Iyun daw ang dahilan kaya matalinong-matalino daw kami ni Lars. At ang patunay nito ay noong unang taon pa lang namin, natuto na daw kaming magbasa at sumulat. Pero iyung sa pagsusulat, hindi iyung parang smooth ang pagkakasulat namin sa mga letra. Siyempre, dahil unang taon pa lang ang mga katawan namin, hindi pa maayos magsulat ang mga kamay namin. Ewan ko kung totoo ba iyung sinasabi ni Tatay tungkol sa paglilihi dahil naghahanap pa rin kasi ako ng mga kongkretong ebidensya na nakakaapekto ang paglilihi sa magiging anak mo.
Moving on, iyun nga, pinanganak na kami ni Lars. At dahil magkakambal kami, identical, ine-expect ng ibang mga tao kung sino ang malakas, sino ang mahina. Pero sorry na lang sila. Balanced kami ni Lars. Kung gaano siya kalakas, ganoon din ako, gaano katalino, ganoon din ako, lalong-lalo na sa pagmamahal sa amin ng mga magulang ko, noon. Tapos, iyung mga stepgrandfather and stepgrandmother namin, iyung mga Villarica, agawan ng yaman, skip. Tapos along the way, nagkakilala si Ninong Schoneberg at si Tatay, okay, skip. Hanggang sa nabuntis na naman si Nanay, kay Ren.
Kagaya sa amin daw ni Lars, ipinaglihi naman ni Mama si Ren sa mga kung ano-anong librong nababasa niya. Kaya lang, may nangyari habang ipinagbubuntis si Ren. Nagkasakit si Mama. Huwag na kayong maging interesado kung ano ang sakit ni Mama, basta napuwersa siya na uminom ng isang gamot, na talagang bawal gawin ng mga buntis dahil magdudulot ito ng implikasyon sa sanggol na dinadala niya. At iyun nga, nawala na iyung sakit ni Mama, ilang buwan ang nakalipas, ipinanganak na si Ren.
Tatlong taon ang lumipas, wala kaming nakita na problema kay Ren. Natuwa naman ang mga magulang namin dahil wala palang naging masamang epekto iyung gamot na nainom ni Nanay, or so we thought. By the way, sa tatlong taon na naman na lumipas, nagbuntis na naman si Nanay at pinanganak si, Sunshine. Nang nasikatan daw kasi ng araw si Nanay, bigla siyang nag-labor, at lumabas si Sunshine. Same habit din kung paano siya pinaglihi, dahil nakita ng mga magulang ko na matatalino kami kapag ganoon ang ginawa niya. At nang lumabas si Sunshine, nangako na sila Tatay at Nanay na hindi na sila gagawa dahil sa may lalaki at babae na sa pamilya. Seriously, may scientific basis ba iyung paglilihi? Someone explain it to me?
Isang araw, sa isa sa mga isla ng Cebu, nagpasya sila Nanay at Tatay na mag-date sa mainland, habang bumibili ng bagong crib para kay Sunshine. Hiniram kasi ng kapitbahay namin dito iyung isang crib, at nakakahiya naman na agad isauli ang crib na kahihiram pa lang. Kapapanganak pa lang kasi ng kapitbahay namin at iyung mga magulang ko, okay, mabait masyado.
Si Lars naman ay gustong mag-explore sa isla. Kaya kami na lang ni Ren at Sunshine ang naiwan sa bahay. Bago umalis, pinagbilin sa akin ni Nanay na alagaan ko ng mabuti sila Ren at Sunshine.
Habang naghuhugas ng mga plato, bigla kong narinig ang pag-iyak ni Baby Sunshine sa pangalawang palapag ng bahay. Si Ren naman ay naririnig na tinatawag ako. Nang pumunta ako papunta sa pangalawang palapag, nagulat na lang ako nang buhat-buhat ni Ren si Baby Sunshine, at hindi pa maayos ang pagkakabuhat niya dito. Kaya habang nagulat ako sa aking nakita, nahulog si Baby Sunshine sa hagdan. Naka-tatlong ikot ito habang nahuhulog sa hagdan, at saka ko nakuha si Baby Sunshine. Pero huli na ang lahat.
Nag-panic ako at hindi alam ang gagawin ng mga oras na iyun. Nakatulala lang si Ren at nag-iiyak, si Baby Sunshine naman ay hindi. Sakto naman na pumasok ang mga kapitbahay at nagtatanong sa akin kung ano ang nangyari. Habang nakatulala ako at nagpa-panic, mabilis na kinuha ng mga kapitbahay namin si Baby Sunshine at dinala sa pinakamalapit na pagamutan. Nang nahimasmasan na kami ni Ren at pumunta sa pinagdalhan kay Baby Sunshine, saktong-sakto na sinabi ng Doktor doon ang isang masamang balita. Patay na si Baby Sunshine.
Nang narinig iyun ni Ren, bigla siyang nahimatay. Si Ren naman ang sumunod ng pasyente ng Doktor. Nang nahimatay siya, dahan-dahan na gumuho ang aking mundo. Hindi ko alam kung paano haharapin ang mga magulang ko dahil sa mga nangyari. Nagkamali ako sa loob lang ng isang oras mula ng umalis sila Nanay at Tatay.
Nang dumating silang lahat, at nalaman ng mga magulang ko ang nangyari sa dalawang kapatid ko, nag-breakdown si Nanay at nagalit sa akin. Bakit ko ba daw hinayaan iyung mga kapatid ko? Ano ba daw ang ginawa ko habang wala sila? Hindi na ako nakasagot at tumungo na lang.
Kinabukasan, nagising na si Ren, at doon na namin nalaman kung ano ang problema sa kaniya. Nagising siya na walang maalala sa aming lahat. Nagising siya na hindi na niya kilala si Baby Sunshine, at hindi alam kung ano ang mga ginawa niya. Kaya nagpasya ang mga magulang ko na itago na lang kay Ren ang tunay na nangyari, at palayasin ako sa pamamahay dahil hindi makaya ni Nanay na tingnan ako sa mata, at maaalala ang araw na umuwi sila, at nalaman nilang patay na ang kanilang anak ni babae. Wala akong ginawa kung hindi sumunod sa gusto nila, at lumayas nga ako.
At sa paglalayas kong iyun, nakilala ko ang mag-inang ito. May munti silang business sa Lapu-lapu kung saan nagtrabaho ako para sa kanila. Noong una, ayaw ni Leah, ang pangalan ng Mama ni Allan, na magtrabaho ako sa kanila dahil underage pa lang ako. Pero nagpumilit ako, ipinakita ko ang kaigihan ko na magtrabaho, at pinatunayan ko na kaya ko.
Isang araw, habang nagtatrabaho ako, narinig ko na nag-aaway ang mag-ina. Hindi ko alam kung ano iyun, pero lumabas si Allan at tumakbo papunta sa kalsada. Sa kalayuan, may nakita akong trak na papunta kay Allan, at mabilis itong magpatakbo. Kaya hinabol ko si Allan at itinulak siya kasama ko sa kabilang bangketa. Nailigtas ko ang buhay ni Allan, mula sa katangahan niya. Laking pasasalamat naman ng Mama niya sa akin dahil sa ginawa ko at nangakong tutulungan niya ako, sa kung ano man daw ang kailangan ko. Kaya hiniling ko na magkaroon ng matitirhan, pansamantala. Ayoko kasi matulog doon sa mismong lugar ng tintrabahuan ko. Malamok. At noong araw na iyun nagsimula ang involvement ko sa pamilya ni Allan. Mula noon, tinuring na niya akong kuya, pero nagbabala naman siya na hindi niya ako rerespetuhin, at okay lang naman sa akin iyun. Hindi naman kasi ganoon ka pasaway si Allan, o ano.
Balik sa kasalukuyang pag-iisip, nang natapos na ang pinapanood naming pelikula tumayo na ako para umalis ng bahay.
“Larson, malalim na ang gabi. Pupunta ka ba sa shop?” nag-aalalang tanong sa akin ni Mama.
“Opo. May mga dapat akong ayusin. Iyung number 2 po kasi, nag-BSOD. Favorite spot pa naman iyun ni Kurt,” pagdadahilan ko.
“Ganoon ba? Ohh, sige. Mag-ingat ka papunta doon.”
“Opo.”
Pinalapit ko ang aking pisngi kay Mama Leah para halikan niya ito. Naglakad na ako palabas pagkatapos. At ipagpapatuloy ko na ang kwento ng nakaraan ko.
Ilang buwan na ang nakalipas nang pinalayas ako, at sa mismong kaarawan ko, natunton ako ng Tatay ko sa pinagtatrabahuan ko. Nagulat ako nag nagkita kaming dalawa dahil sa, hindi ko inaasahan na makikita ko siya, kahit kailan. Kasama naman ni Tatay ang kakambal kong si Larson. Masaya kong sinalubong si Larson dahil matagal ko na nga siya na hindi nagkikita.
「12 years ago…
“Larson!”
Mahigpit na yakap ang pagsalubong ko kay Larson nang nakita siya. Napakasaya ko dahil sa kaarawan ko pa siya nakita.
“Kanus-a ka?” (“Kumusta ka?") Pinisil ni Lars ang braso ko. “Naglobo gyud ang imong braso!” (“Napakalaki na ng braso mo, ahh!")
Pinisil ko din ang braso niya. “Ikaw ra gyud.” (“Ikaw din naman.")
Binalingan ko ng tingin si Tatay. Napakalamig ng titig niya sa akin, at halatang napipilitan siya. Hindi ko alam kung anong meron sa malamig na pakikitungo niya, pero hahayaan ko na lang siya. Masaya pa naman din akong makita si Tatay. Pero baka dahil sa hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari kay Baby Sunshine.
“Larson, hain ang imong balay? Hain ra ang imong amo?” (“Larson, asaan iyung tirahan mo? Iyung amo mo dito, asaan siya?") sunod-sunod na tanong ni Tatay.
Saktong lumabas si Mama Leah mula sa aking pinagtatrabahuan. Well, Mama ang tawag ko sa kaniya dahil siya ang nag-aalaga sa akin ngayon.
Napagtanto agad ni Tatay ang paglapit ni Mama sa kaniya at humarap dito.
“M-Maayong adlaw,” (“M-Magandang araw po sa inyo.") bati ni Tatay. “Kayo ra ba gyud ang amo ni Larson?” (“Kayo po ba ang amo ni Larson?")
“Oo,” sagot ni Mama. “At kinsa ka?” (“At kayo po?")
“Ako ra,” (“Ako po,") Lumunok muna si Tatay. “ako ra ang iyahang Tatay. Callisto Villaflores.” (“ako po ang kaniyang Tatay. Callisto Villaflores po.")
Bahagyang nanlaki ang mata ni Mama at napatingin sa akin. Ibinalik naman nito ang tingin kay Tatay. “Ahh! Ikaw ra ang Tatay ni Larson. Daghan ra gyud ang naikwento sa imuha ni Larson.” (“Ahh! Ikaw pala ang Tatay ni Larson. Medyo marami-rami rin ang naikwento sa akin ni Larson.") Tumingin si Mama kay Lars na may ngiti. “At ikaw ang kaluha ni Larson. Magmay-ong ra gyud kayong duha.” (“At ikaw ang kakambal ni Larson. Magkamukhang-magkamukha talaga kayong dalawa.")
“Mao gyud. Pag parehas gyud ang amuhang gisul-ob, di niyo gyud mahibaw-an kung kinsa si Larson, ug kinsa si Lars,” (“Talaga po. Kapag po parehas ang aming suot, hindi niyo po malalaman kung sino si Larson, at sino si Lars.") sabi ni Lars sa paraan ng aking pananalita at kilos.
Kami ni Lars ay identical twins. Kaya magkamukhang-magkamukha talaga kami sa kahit anong anggulo. Kung may palatandaan man kung sino sa amin ang tunay na Larson at Lars, balat, o palatandaan sa katawan, wala kayong makikitang pagkakaiba sa amin. Maliban na lang sa ugali naming dalawa. Si Lars ay ang liwanag, ako naman ay ang kabaligtaran, ang kadiliman. Kapag kaharap ang mga tao, hindi ako basta ngumingiti. Seryoso ako kapag kaharap ko ang mga tao, at baka may bad vibes na nararamdaman ang mga tao sa akin. Si Lars naman, gaya ng sinabi ko ay kabaligtaran. Maliwanag, masayahin, siguradong magiging masaya ka kapag naging kaibigan mo siya.
Nagulat si Mama sa sinabi ni Lars. “Nako! Kopyang-kopya ra gyud ang imong igsuon. Kung di lang gyud ko nahibaw-an sa gisul-ob ni Larson karun, di ko mahibaw-an kung kinsa ra gyud siya sa inyuhang duha,” (“Nako! Kopyang-kopya mo ang kapatid mo. Kung hindi ko lang alam ang sinuot ni Larson ngayon, hindi ko malalaman kung sino siya sa inyong dalawa.") pagpuri ni Mama sa kaniya.
Lumiwanag ang mukha ni Lars. “Tinuod na? Salamat gyud sa dayig!” (“Talaga po? Salamat po sa papuri!")
“Siya nga po pala. Naa ba gyud trabaho kining si Larson karong adlaw?” (“Siya nga po pala. May trabaho pa po ba si Larson ngayong araw na ito?) tanong ni Tatay. “Gusto kong mananghig sa inyuha kung okay lang. Ako ko siyang pakuyugun sa Mall para paubanun sa iyahang igsuon. Birthday man gud niya karon at ang igsuon niya. Okay ba?” (“Gusto ko po siyang ipagpaalam sa inyo kung okay lang. Gusto ko kasi siyang pumunta sa Mall kasama ang kaniyang kapatid. Birthday niya po kasi ngayon at ang kapatid niya. Okay lang po ba?")
Nagulat si Mama. “Birthday niya karon? Aba! Siyempre. Kinahanglan diay nga magluto ako!” (“Birthday niya ngayon? Aba! Siyempre naman. Dapat pala ay maghanda ako mamaya!
“Mama, ayaw ra ba,” (“Mama, huwag na po.) saway ko. “Okay nga ako sa atuhang kan-un nato unya.” (“Okay na po ako kung ano ang kakainin natin mamaya.")
“Nako! Dili nga mahimu. Karong nahibaw-an ko nga birthday mo karun.” (“Nako! Hindi iyan pwede. Ngayong nalaman ko na birthday mo pala ngayon.")
“Tsaka po, gusto kong makigsulti nimo nga tinud-anay, kung maayo ba?” (“Tsaka po, gusto ko pong makausap kayo ng masinsinan, kung pwede po?") tanong pa ni Tatay.
“M-Maayo ra man,” (“P-Pwede naman.) nag-aalangan na pagpayag ni Mama. “Hala, Larson. Pauli nga ug pag-ilis. Naa diha si Cedro para pulihan ka sa imuhang mga trabaho.” (“Hala, Larson. Umuwi ka na at magbihis. Nandito naman si Cedro para pumalit sa mga trabaho mo.")
“Okay!” tuwang-tuwa na wika ni Lars. “Mulakaw na ta!” (“Tara na.")
Matapos umuwi ng bahay, pumunta kami sa mall at nagliwaliw. Bumili kami ng ilang damit, naglaro sa arcade, at kumain ng masarap na pagkain. Sobrang saya ko talaga ngayong araw na ito.
“Mama ra diay ang tawag mo sa iyaha?” (“Mama na pala ang tawag mo sa kaniya?") out-of-the-blue na tanong ni Lars habang kumakain nanonood kami ng isang pelikula.
“O-Oo,” nag-aalangan na sagot ko. “Siya ang nag-amuma sa akua karon, at gidawat niya ako, kaya Mama ang tawag ko sa iyaha.” (“Siya ang nag-aalaga sa akin ngayon, at tinanggap niya ako, kaya Mama ang tawag ko sa kaniya.")
“Then, si Nanay, di mo nga diay siyang tawagung, Nanay?” (“Then, si Nanay, ayaw mo na ba siyang tawagin na, Nanay?")
Napatigil ako sa pagsubo ng popcorn. “Dili na. Ikaw nga mupadayon. Parehas naman tayu ug nawng.” (“Hindi na. Ikaw na ang magpatuloy na tumawag sa kaniya ng ganoon. Magkamukha naman tayo.")
Lumungkot ang mukha ni Lars. “Pasensya na. Kung di ko nigawas, ehh di sana…” (“Pasensya na. Kung hindi lumayas, ehh di sana…")
“Pagtarung gyud,” (“Umayos ka nga!") naiiritang pagputol ko. “Nahitabo na ang nahitabo. Wala nga tayong mahimo kung hindi ang magpadayon. At tsaka, okay naman ang tanan, hindi ba? Okay naman tayo? Unsa pa ba ang kaso? Si Nanay, ayaw sa akua? Naku! Wala iyun. Kung dili niya ako makit-an kay gipatay ko si Baby Sunshine, ehh, sige.” (“Nangyari na ang nangyari. Wala na tayong magagawa kung hindi ang magpatuloy. At tsaka, okay naman ang lahat, hindi ba? Okay naman tayo? Ano pa ba ang kaso? Si Nanay, ayaw sa akin? Naku! Wala iyun. Kung ayaw niya akong makita dahil sa ako ang pumatay kay Baby Sunshine, ehh, sige.")
Hindi sumagot si Lars ng mga ilang minuto. Tahimik na lang siya na nanood sa pinapanood namin.
“Kanus-a si Ren?” (“Kumusta si Ren?") naitanong ko.
“Si Ren?” Nagkibit-balikat si Lars. “Walay pagbag-o. Ahh! Nakit-an ko nga sa atuang tulo, luyahun kaayo ang iyahang lawas.” (“Ganoon pa rin. Ahh! Napansin ko na kumpara sa ating dalawa, mahina ang pangangatawan niya.")
“Pirmi ba siya magkasakit?” (“Palagi siyang nagkakasakit?")
“Dili inung-ana. Ano kasi, unsaun ko man isulti.” (“Hindi ganoon. Ano kasi, paano ko ba ito sasabihin.") Nag-isip muna si Lars. “Nahinumdom ba ka niadtung tulo pa tayong duha, gitudluan na ta ni Tatay ug paano mualsa ug timba nga naay sulod ug tubig? Si Ren, di niya kaya, bisan pa ug pinakagamay. Paspas gyud kaayo siyang makapuyan kung pinakabug-at nga ipabuhat mo iyaha. Kaya kapag naay lisod nga ipabuhat, excempted siya.” (“Hindi ba, noong apat na taong gulang pa lang tayo, tinuturuan na tayo ni Tatay na magbuhat ng timba na may lamang tubig? Si Ren kasi, hindi niya kaya, kahit iyung pinakamaliit pa. Ang bilis din niyang mapagod kapag mabigat ang pinapagawa mo sa kaniya. Kaya kapag may mga mabibigat na gawain, excempted siya.")
“Iyun lang pala. Di nga ko nasumpresa. Basin ug giilug nato ang nutrition nga para kay Ren.” (“Iyun lang pala. Hindi na nakakagulat iyun. Baka dahil inagaw na natin ang mga nutrition na dapat kay Ren.")
“Ha? Tungod ba balanse tayong duha?” (“Ha? Dahil ba balanse tayong dalawa?")
“Oo. Sa akuang nabasa, kasagaran sa mga kaluha, sa tiyan pa lang ng ginikanan, nag-aagawan nga ng nutrisyon. Kaya pag mugawas ang magkaluha, ayaw ra gyud makugang kung ang usa, superior, ug ang usa inferior,” (“Oo. Ayon sa nabasa ko, kadalasan sa mga magkakambal, sa tiyan pa lang ng magulang ay nag-aagawan na ng nutrisyon. Kaya kapag lumabas ang magkakambal, huwag na daw magtataka kung iyung isa ay superior, at ang isa ay inferior.") paliwanag ko.
“Pero Larson, dugay na ta sa gawas ng tiyan ni Nanay. Imposble gyud nga ang imong gisulti. Sa akong pagtan-aw, basin ug tungod kini sa tambal nga giinom ni Nanay.” (“Pero Larson, matagal na tayong nasa labas ng tiyan ni Nanay. Kaya imposible iyang sinasabi mo. Sa tingin ko naman, baka dahil ito sa gamot na nainom ni Nanay.")
“Ay! Oo diay. Di pwede sa mga buntis ang muinom ug tambal.” (“Oo nga pala. Bawal sa mga buntis ang uminom ng mga gamot.") Humugot ako ng malalim na hininga. “Napakamalas gyud ni Ren.” (Napakamalas naman ni Ren.")
“Larson, nasuko ka kay Ren?” (“Larson, galit ka ba kay Ren?") naitanong ni Lars.
Natahimik ako saglit. “Pamati na lang uy. Ingon nila, ang kaluha, konektado. Kaya kung unsa man ang akong pamati tungod kay Ren, mahibaw-an ra nimo,” (“Pakiramdaman mo na lang. Sabi nga nila, ang mga magkakambal ay konektado. Kaya kung ano ang nararamdaman ko kay Ren, nararamdaman mo din.") magulong sagot ko. Wala naman kasi akong intensyon na sagutin ang tanong niya.
“Nahibaw-an mo ba nga mahilig si Ren sa mga leyon?” (“Alam mo ba na mahilig pala talaga si Ren sa mga lion?") sabi ni Lars na nag-open na naman ng ibang topic tungkol kay Ren.
“Unsa na man sad?” (“Ano naman ang tungkol doon?")
“Naa koy nahuna-hunaan nga maayong buhaton. Pero gud, kinahanglan ko ng materyales,” (“May naisip kasi ako na magandang gawin. Kaya lang, kailangan ko ng materyales,") Napaisip si Lars. “ug ang tabang nimo. Nag-eskwela ka pa?” (“at ng tulong mo. Nag-aaral ka pa din hindi ba?")
“Kung ang imong giingon nga niadto pa gihapon ko sa eskwelahan, wala na. Pero kung pagbasa ug libro nga naay pulus, oo.” (“Kung ang tinutukoy mo ay pumupunta pa ba ako sa eskwelahan, hindi. Pero kung pag-aaral na nagbabasa ng mga libro na may mga makabuluhang bagay, oo.")
“Good,” masayang tugon ni Lars. “Naa koy ipatan-aw sa imuha unya. Kinahanglan ko ang imong tambag sa akung angay nga buhaton. Hindi pala. Natin.” (“May ipapakita ako sa iyo mamaya. Kailangan ko ang advice mo sa gagawin ko. Hindi pala. Natin.")
Naintriga ako sa ipapakita niya. “Mao ba, ipakita mo na sa akua dayon.” (“Kung ganoon, ipakita mo na sa akin ngayon na mismo.")
“Pero unsaon man ang atong gitan-aw na pelikula?” (“Pero paano iyung pinapanood nating pelikula?")
“Nitan-aw ba ka?” (“Nanonood ka ba?")
“Dili.” (“Hindi.")
“Mulakaw na ta.” (“Tara na.")
Tumayo ako para umalis sa sinehan. Sumunod naman sa akin si Lars na lumabas.
Pagdating sa isang computer shop, may ipinakita siya sa akin na parang blueprint. Ang title nito ay Mr. Lion. Isa itong furry suit ng isang leyon pero wala dito ang kakaiba. Ang kakaiba ay ang ilalagay sa maskara nung leyon. Dahil sa napanood naming anime na Detective Conan, naisip ni Lars na baka posibleng magawa iyung pag-iiba ng boses na ginagawa ni Conan para resolbahin ang mga kaso, sa pamamagitan ng pagpapatulog sa kaniyang uncle, at siya ang magsasalita sa dilim. Pero hindi ganoon ang purpose ng suit na ito. Ang purpose ng ginagawang ito ni Lars ay para pasiyahin si Ren, dahil nga sa tuwang-tuwa ito kapag nakakakita ng leyon. Favorite ngang movie ni Ren ay ang ‘The Lion King’. At tuwang-tuwa siya na maraming leyon doon. Ewan ko lang kung matutuwa pa siya kapag nakakita ng leyon sa totoong buhay dahil tiyak na kakainin siya ng buhay.
Wala namang halos problema sa purpose ng suit, pero ang problema ay ang mga materyales. Dito, hindi kami nagkasundo ni Lars sa isang bagay.
“Mangayo ka ug pabor kay Ninang Salome?” (“Hihingi ka ng pabor kay Ninang Salome?") gulat kong tanong.
“D-Dili man siguro dautan to,” (“H-Hindi naman siguro masama iyun.") pagdipensa ni Lars. “Kining materyales lang naman ang akung pangayuun sa iyaha ug wa nay lain.” (“Itong materyales lang naman ang hihingin ko sa kaniya at wala ng iba.")
“Lars, nahibaw ka man nga wa ko ganahi kay Ninang Salome karong, nahibaw ka na. Pamilya sila ng mga…” (“Lars, alam mo naman na ayaw ko doon kay Ninang Salome dahil nga, alam mo na. Pamilya sila ng mga…") Gumawa ako ng ilang hand gestures dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin na salita sa mga oras na ito. “Kriminal?”
“Oo, nasabtan ko na Larson. Pero, kini ra ang akong kinahanglan. Wa nay lain. Kaya, palihug lang. Bisan karun lang. Para ma ni kay Ren." (“Oo, naiintindihan ko iyun Larson. Pero, itong bagay lang naman ang kailangan ko. Wala ng iba. Kaya, pwede ba? Kahit ngayon lang. Para naman ito kay Ren. Please?) pakiusap niya sa akin.
“Dapat lang. Kay kung mahimo lang, bisan pa si Tatay, ayaw niya mangayo ug pabor sa tinuod na Villarica. Kahadlok pa man dad-on ang ilahang apelyido. Unya, naay Villaflores na duol sa atua ug lubaun ta.” (“Dapat lang. Kasi hangga’t maaari, kahit si Tatay, ayaw niya na magkaroon pa siya ng pabor mula sa mga tunay na Villarica. Nakakatakot pa naman na dalhin iyung apelyido nila. Mamaya ehh, may Villaflores na malapit sa atin at basta na lang tayong sasaksakin.") Sana naman ay makinig siya dito sa sinasabi ko.
“Oo, alam ko, alam ko. Promise, last na talaga ito,” pangako ni Lars.
Sa pagkakaalam ko, ang pamilya Villaflores at pamilya Villarica ay matagal ng magkaaway. Dati, iisa lang ang pamilyang ito, hanggang sa nahati sila. Hindi ko alam kung ano ang dahilan, pero dahil sa kayamanan. Iyun ang alam kong istorya, pero hindi ko alam kung totoo. Pero kahit ganoon, ayoko sa dalawang magkalaban na pamilya na iyun. Kung kanino ako kakampi, sasabihin ko na wala. Parehas kasi na masama ang ginagawa ng magkabilang pamilya para magkapera.
Oo nga pala, kami, at ang Tatay ko, dinadala namin ang apelyido ng Villarica. Sa simula, hindi Villarica ang apelyido ni Tatay. Hanggang isang araw, sumalo ng bala si Tatay para sa asawa ni Ninang Salome. Swerte naman na nabuhay si Tatay, at ganito, ganyan, ganire ang mga nangyari, naging isang Villarica si Tatay. Bilang isang Villarica, obligasyon ng bawat miyembro na gawin din ang mga illegal na gawain ng isang normal na Villarica. Pero dahil sa napakabait ni Tatay, at may utang na loob ang asawa ni Ninang Salome dito, hinayaan nila si Tatay sa kung ano ang gawin nito. Nag-aalala naman ang mga anak nila Ninang Salome sa desisyon ng asawa niya dahil sa pinayagan nga nila si Tatay sa kung ano ang gawin nito. Baka nga daw kasi magsumbong si Tatay sa mga pulis kaya dapat ay itumba na siya. Pero dahil iniutos ng asawa ni Ninang Salome, na pinakamataas sa pamilya, ginalang nila ang desisyon nito.
Nitong mga nakaraang araw naman, ilang miyembro ng pamilya Villarica ang namamatay. Napapabalita ito sa telibisyon kaya alam ko. At ang posibleng gumawa nito ay ang kalabang pamilya na Villaflores. Assumption ko lang na ang mga Villaflores ang may kagagawan sa mga nangyayaring patayan sa pamilya Villarica, pero hindi naman kasi malayong mangyari. Dahil sa mga patayan na nagaganap, nag-aalala tuloy ako para sa pamilya kong ito na dinadala pa rin ang pangalang Villarica. Ayoko naman kasi na paggising ko isang araw, mababalitaan ko na mamatay sila Tatay, Nanay, Ren, at Lars. Si Tatay naman kasi, ayaw pumayag na magpapalit ng apelyido.
Pagkatapos ng pagliliwaliw naming iyun ni Lars, bumalik na ako sa kasalukuyan kong tinitirhan, kila Allan. Sakto naman na paalis na si Tatay para sana sunduin kami. Nang akmang magtatagpo ang mga tingin namin, umiwas agad ako. Ayokong tumingin sa mga mata niya ngayong paalis na siya. Baka ma-miss ko pa ang pamilya ko. Pilit pa naman ang mga malalamig niyang tingin.
“Happy birthday, Lars, at Larson,” bati sa amin ni Tatay habang naglalakad siya paalis sa lugar na iyun, kasama si Lars.
“Salamat,” malamig ko kunyari na tugon. Pero ang totoo, tuwang-tuwa ako dahil narinig ko ulit ang pagbati ni Tatay ngayong taon na ito.
Nang pumasok na ako sa bahay, nagkausap kami ni Mama Leah tungkol sa mga pinag-usapan nila ni Tatay. Kiniwento niya ang lahat ng nangyari kay Mama Leah, at sinabi niya na sana ay intindihin ni Mama Leah ang kasalukuyan naming sitwasyon. Dagdag pa nito, gusto ni Tatay na magkaroon ako ng panibagong pangalan, at kung pwede raw, ang apelyido ko ay katulad sa apelyido ngayon nina Mama Leah. Mercer. Si Tatay na rin daw ang bahala sa pagiging legal ng ilang mga papeles para sa akin na kakailanganin ko, gamit siguro ang koneksyon ng pamilya Villarica. Hmppff! Ito na siguro ang pinakamagandang birthday gift ko.
Ilang araw ang nakalipas noon, pumunta sa akin si Lars, na may masamang binabalak. Gusto niya kasi na gawin namin ang dati naming ginagawa. Ang lokohin ang mga magulang namin kung sino si Lars, at sino si Larson. Pero ang totoo ay gusto niya na magpanggap ako bilang Lars. May mga dapat siya kasing puntahan na lugar na mas importante, at may kikitain din daw siyang mga tao sa parehas na araw na iyun. Bukod pa roon, pagkakataon ko din daw para magawa ko kahit papaano ang Mr. Lion. At kung may ginawa daw siyang mali, ayusin ko daw.
“Walang problema,” agad kong tugon nang hiningi niya akong magpanggap.
Sa totoo lang, napakadali namang gayahin si Lars, sa pag-uugali at demeanor. Ngumiti lang, pero kailangan ay natural, maging maliwanag ang awra mo, at presto, ako na si Lars. Walang kahirap-hirap. At siyempre, kailangan ko ng ilang mga importanteng impormasyon sa kung ano ba ang mga nangyayari ngayon sa bahay namin. Para kung may tanungin sa akin na tanging si Lars lang ang nakakaalam, alam ko kung ano ang dapat kong sagutin. At siyempre, ire-report ko kay Lars kung ano ang mga nangyayari habang nagpapanggap ako bilang Lars.
Sa pagkakataong ito, nakita ko ulit ang mga magulang ko. Walang kahirap-hirap. Naloko ko sila na ako si Lars. Kahit iyung pagtingin sa mga mata nila ng diretso, nagawa ko. Lalong-lalo na kay Nanay, nagagawa ko siyang tingnan ng diretso, kahit na siya ang nagpalayas sa akin. Pero wala na akong pakialam doon. Ang mahalaga, nasa tabi lang nila ako, kahit na hindi nila alam.」
Balik sa kasalukuyang panahon, kasalukuyan akong pumupunta sa apartment ni Keifer, ayon sa mga nakuha kong records sa Schoneberg Academe. At dahil sa, nakarating na din ako sa lugar na iyun. Isang beses na.
Nang nakarating ako, nadatnan ko si Gerard at Edmund na nagkakaigihan, at pumasok silang dalawa sa apartment. Nalungkot ako nang nakita ang dalawa. Ako naman kasi dapat ang nasa kinatatayuan ni Edmund, at hindi siya. Ako dapat iyun.
Papasakay ako ng sasakyan nang nakita si Keifer na nakatulala. May dala-dala pa siyang bag sa kaniyang likuran, at iba na ang kaniyang damit nang nagkita kami kanina. Oo nga pala. Ano kaya kung sabihin ko kay Keifer ang isang maliit na sikreto ko na magpapaganda ng mga pangyayari?
Pinaliwanag ko ang aking mukha, at natural na ngumiti sa kaniya. “Keifer, nagkita na naman tayo?” masaya kong bati sa kaniya.
“Ikaw,” nasabi niya. “Ikaw si Lars, tama? At hindi totoo na patay ka na. Nag-iisa ka lang.” Ay! Ano ba iyan?! Hindi iyan ang sagot na inaasahan ko.
Pinatunog ko ang aking dila at habang ginagaya ang pag-uugali ni Lars. “Maling sagot, Keifer. Ako si Lars,” Sineryoso ko ang aking pagmumukha at ibinalik ang masama kong awra. “at ako si Larson.” Ngumiti ulit ako ng natural at pinaliwanag ang mukha. “Nakuha mo na ba ang ibig kong sabihin?” Hay! Sumagot ka naman ng oo. Nakakapagod kaya ang umakto bilang si Lars, at ako mismo.
“H-Hindi ko maintindihan. Anong ginagawa mo? Bakit pinagpapalit-palit mo ang iyong, pag-uugali?” naguguluhang tanong ni Keifer.
Pinagpatuloy ko ang paraan ng pagsasalita ni Lars. “Hindi ganoon, Keifer. May bagay kasi kaming tinatago ng aking kapatid. Alam mo ba na noong mga bata kami, palagi namin itong ginagawa ni Lars para lokohin ang mga magulang namin. Si Lars, ginagaya kung paano maging ako, at ako naman ay ginagaya kung paano maging si Lars. At palagi naming ginagawa iyun, kahit na nagkahiwalay na kami. Oo nga pala. Hindi pala alam ng mga Villaflores na may kakambal si Lars, dahil binura na ni Tatay ang mga impormasyon tungkol sa akin. At kailan niyo ba nalaman na may kakambal si Lars? Ngayon lang. Surprise!”
“K-Kaya pala.” Palagay ko’y pumasok ang ilang mga ideya sa ulo ni Keifer. “Kaya pala kilala mo na ako kahit ngayon pa lang tayo nagkakilala, dahil matagal mo na akong kilala.”
“Bingo! At alam mo ba kung paano naging matagumpay ang ginawa naming iyun ni Lars? Nagpapalitan kami ng impormasyon at ibinabalita namin sa isa’t isa kung ano ang nangyari na isang araw na naging ako siya, at siya na bilang siya, sa akin. Lahat-lahat. Kahit ang nararamdaman namin kay Gerard.” Binuksan ko na ang sasakyan ko para umalis. “Kaya pakisabi kay Gerard, hindi lang si Lars ang nagmahal sa kaniya. Ako din, minahal ko siya.”
Habang gulat na tumingin sa akin si Keifer, sinarado ko ang pintuan nang may naalala ako. Binuksan ko ulit ang pintuan at may sinabi pa sa kaniya.
“Teka? Alam mo ba na sa Lapu-lapu din nakatira si Allan? At minsan, sinasama ko siya para makipaglaro kay Ren. At alam mo ba, ang sabi pa nga ni Ren tuwing nakikita si Allan, si Allan ang pinakapaborito niyang kalaro sa lahat dahil gusto niya si Allan. Ewan ko kung nagbibiro ba si Ren noon nang sinabi niyang, ang gusto niyang pakasalan ay si Allan. At ang first kiss pa niya ay si Allan din.”
Biglang kumulog matapos akong magsalita. Nagulat ako. Bakit ba kumulog? Cue ko ba iyun para tumigil na sa pagsasalita.
“Diyan ka na Keifer. Happy Valentine’s Day,” sarkastikong bati ko habang pinagpapatuloy pa rin ang pagpapanggap sa paraan ng pagsasalita ni Lars.
Sinarado ko na agad ang pintuan ng aking sasakyan at nagsimula namang bumuhos ang ulan. Ano ba itong ginagawa ko? Nandadamay? Ha! Oo, nandadamay ako. Malungkot ako ngayong araw na ito, kaya dapat ay may malungkot din na isa, o dalawang tao kasama ko. Oras na para malaman nila ang totoo. Oras na para magpakita ng mga baraha.
Keifer’s POV
Nagulat at pumirmi ako sa aking kinatatayuan nang nalaman ang ilan pang mga bagay na tinatago ni Larson. Hindi ko naisip na si Allan, ang Kuya Villarica na sinasambit ni Ren kapag mahimbing siyang natutulog. Maaaring naging kalaro nga ni Ren si Allan noon, dahil hindi naman namin palaging nakakalaro ito noong mga bata pa kami. Naiintindihan ko na. Ito talaga ang parusa sa ginawa ko sa aking mga kamag-anak.
“Bakit Keifer?” tanong sa akin ng isang boses.
Nagulat ako at nagising sa aking patuloy na pag-iisip sa mga sinabi ni Larson. Ilang oras na ang nakalipas kanina, pagkatapos kong kumain at matulog kagabi, nagpasya akong katukin ang pintuan ni Gerard para kausapin siya tungkol sa mga sinabi sa akin ni Larson. Imbes na si Larson ang lumabas mula sa pinto, si Edmund ang nadatnan ko na walang pang-itaas.
“Congratulations,” wala sa isip na bati ko. “Si Gerard, kakausapin ko,” tinugon ko.
“Ahh! Sandali lang.”
Sinara muli ni Edmund ang pintuan. Ilang segundo ang nakalipas, nakarinig ako ng tawanan, mukhang naghaharutan pa sila.
Nang bumukas ulit ang pinto, si Gerard na ang lumabas na nakangiti, at halatang maganda ang araw niya ngayon, kahit hindi pa ito natatapos. Sabay kaming pumunta sa apartment.
“Nakuha mo na?” agad na tanong sa akin ni Gerard. Ang tinutukoy niya ay ang listahan na hinahanap namin.
“Oo, nakuha ko,” sagot ko.
“Good. Wala naman palang problema.”
Akmang aalis siya nang pinigilan ko.
“Bakit? May problema pa ba?” naguguluhan niyang tanong.
Humugot ako ng malalim na hininga. “Kagabi kasi, nadatnan ko si Larson. At may sinabi siya sa akin.”
Ibinuka ko ang aking bibig, pero nag-alangan ako kung sasabihin ko sa kaniya ngayon. Ngayong araw, masayang-masaya siya siguro dahil baka opisyal ng sila na ni Edmund. Pero ang sasabihin ko sa kaniya ngayon ay siguradong magdadala ng kaguluhan sa kaniyang isip. Batid kong mahal na mahal niya talaga si Lars. Pero paano kung malaman niya na baka ang minahal niyang si Lars, ay baka si Larson din? Ang ibig kong sabihin, imbes na si Lars ang minahal ni Gerard, paano kung si Larson talaga ang taong iyun? Hay! Ang gulo. Sakit talaga sa ulo ang mga magkakambal tapos magkakamukha pa.
“Nagpapasalamat daw siya sa mga naitulong mo para kay Allan,” pagsisinungaling ko. Hindi ko kaya.
Diretso lang na nakatingin sa akin si Gerard, pero bahagyang nawala ang ngiti sa kaniyang labi. “Galit ka ba sa akin?” naitanong niya.
Nagulat ako sa tinanong niya. “B-Bakit naman?”
“Matagal ko ng alam na si Allan ay kamag-anak mo, ninyo ni Harry. Tsaka noong pinagawa ko sa iyo nitong huling bakasyon, totoong tao ang pinatay mo. Para doon, pasensya na kung nakapatay ka ng isang inosenteng tao. Bahagi kasi iyun ng aking, mga plano. Kung gusto mong bumuti ang pakiramdam mo sa ginawa mo noon, iyung taong pinatay mo, may malubha siyang sakit, at wala na siyang panahon. Iyung taong din iyun, wala na rin siyang mga kamag-anak. At-”
“Oo, okay na, okay,” pagputol ko. “Mercy kill iyung ginawa ko, okay, okay. Like, come on. Mabuti nga iyun para masamahan na niya iyung mga magulang niya sa kabilang buhay, iyun ay kung patay na sila,” biro ko. “At, iyun lang ang sinabi niya.”
“Still, pasensya na. Kung iniisip mo na nagiging katulad ka na sa mga kamag-anak mo…”
Hindi na tinapos ni Gerard ang sasabihin at lumabas na ng apartment. Hindi ko na siya hinabol, o kahit ano para sabihin sa kaniya ang totoong sinabi ni Larson. Ayokong sirain ang magandang araw nila ni Edmund ngayon.
Larson’s POV
“Larson, gising!” sigaw sa akin ng isang boses. “Larson, gumising ka!”
Naalimpungatan bigla ako sa sigaw ni Kurt. Naglalaro pa rin kasi kami ng Dota 2. Pagkatapos ng nangyari kagabi, dumiretso ako sa shop para ayusin ang paboritong pwesto ni Kurt. Hindi kasi magawang makatulog ni Kurt kagabi dahil sa may masamang nangyari sa eskwelahan nila. May naganap daw na barilan sa kasagsagan ng Valentine’s Day Special Play na ginagawa sa eskwelahan nila.
“Bata, pwede bang umuwi ka na lang sa inyo at matulog? Inaantok na ako,” reklamo ko habang binukabuka ang aking mga mata dahil hindi na ako halos makakita. “Tapos na iyung barilan na nangyari. Kaya pwede ka ng gumamit ng shabu. May kwarto sa taas. Gusto mo tabi tayong matulog?”
“Huwag mo nga akong inaasar diyan,” balik ni Kurt. “Hindi naman kasi ako nandito dahil doon. Kanina pa kaya tayo talo dahil hindi mo inaayos ang laro mo.” Sinungaling. Hindi iyan ang narinig ko kanina.
“Ahh! Basta!” Pinatay ko ang aking PC. “Matutulog na ako sa taas. Sumunod ka na lang kung gusto mo.”
Tumayo ako sa aking kinauupuan at pumunta sa pangalawang palapag. Sa palapag na ito, maraming nakasalansan na karton na dati ay naglalaman ng mga computer parts. At sa isa sa mga karton na ito, may laman itong kutson na halos kasinglaki ng kalahati ng kwartong ito, at isang stand fan na maliit, pero mahangin kapag binuksan. Dito kasi ako kadalasan na natutulog kapag naglalagi ako sa shop lalong-lalo na sa araw na ito.
Matapos maghanda, naabutan ako ni Kurt na papahiga pa lang.
“Ganito pala ang second floor ninyo,” sabi niya.
“Surprise,” sarkastikong wika ko. “So, dito ka matutulog ngayon? Paano ang mga magulang mo? Ang girlfriend mo? Hindi ba sila mag-aalala para sa iyo?” Sinimulan ko ng hubarin ang aking mga damit at tinapon lang basta-basta.
“Ano iyan? Matutulog ka na walang damit?” tanong niya habang nakaturo sa akin.
“Oo, ganito ako matulog. So, ano? Dito ka nga matutulog?” Binuksan ko ang electric fan at humiga na.
“Oo. May emergency iyung driver ko kaya kailangan na niyang umalis. Kaya walang magda-drive sa akin pauwi. Wala pa naman akong lisensya,” paliwanag niya.
“Kung ganoon, kumuha ka ng unan sa kahon na iyan.” Tinuro ko ang kahon na nasa gawing kaliwa ko. “May isa pang unan diyan. Kunin mo at, gawin mong komportable ang iyong sarili.”
Nagtaka si Kurt. “Dalawang unan, dito?” Lumakad siya papunta sa kahon at kumuha ng unan. “Ano ito? Benepisyo ba ito ng mga bantay sa shop? Hindi ba dapat ay isa lang?” Nilagay na niya ang unan sa kutson at humiga na din.
“Nakakatawang storya. Isang beses kasi, nahuli ko iyung kasalukuyang bantay ngayon na may ka-sex siyang babae dito.”
“Talaga?” natutuwang tanong ni Kurt. Tumagilid siya paharap sa akin. “Nakilala mo ba iyung babae? Sino? Sabihin mo sa akin? Sino?”
“Matutulog ba tayo o ano?” medyo nagagalit kong balik.
“Sige na. Kahit, blind item man lang?”
Ipinikit ko lang ang aking mga mata at nilunod ang sarili ko sa katahimikan. Kahit na kulitin pa ako ni Kurt sa kung sino ba iyung babaeng tinutukoy ko, hindi ko na siya maririnig pa. Alam ko kasi kung paano matulog agad na hindi kinakailangan magpalit ng posisyon, at mag-alay ng kung ano sa Diyos ng mga tulog. Basta, ipikit ang mga mata at lunurin mo ang iyung sarili sa katahimikan. Kahit na may ingay sa paligid, i-focus mo ang sarili sa katahimikan at yakapin mo ito.
「11 years ago…
“Larson,” tawag sa akin ni Allan nang papaalis na ako sa bahay.
“Ngano man?” (“Bakit?") lingon ko.
“Hain ka mupaduol?" (“Saan ka pupunta?”) tanong niya.
“Mugawas," (“Gagala.") mabilis na sagot ko.
“Talaga? Mukuyog ko." (“Talaga? Sama naman ako.”)
“Hep? Ang assignment mo, nahimo mo na ba?" (“Hep? Iyung mga assignment mo, nagawa mo na ba?”) tanong ni Mama Leah matapos marinig ang sinasabi ni Allan.
“Nahimo na, Mama. Sa eskwelahan ko gihimo," (“Opo, Mama. Sa eskwelahan ko po ginagawa.") sagot ni Allan dito. “Kaya Mama, pwede ba ako mukuyog kay Larson? (“Kaya Mama, pwede ba akong sumama kay Larson?”)
“Kuya Larson,” pagko-correct ni Mama sa pagtawag ni Allan sa akin. “Hay nako! Kapila ba nako tika giingnan. Larson, anak, ayaw gyud misugot na Larson lang ang itawag niya sa imuha. Mas tiguwang ka at kinahanglan mo siyang disiplinahin. (“Hay nako! Ilang beses ko bang kailangan sabihin. Larson, anak, huwag ka naman kasi pumayag-payag na Larson lang ang itawag niya sa iyo. Mas matanda ka at dapat disiplinahin mo siya. Paano na lang kapag may nakilalang ibang tao na mas matanda pa sa kaniya itong si Allan at hindi na lang niya ito rerespetuhin?”)
Napakamot ako sa ulo. “Mama, huwag po kayong mag-alala sa ugali ni Allan. Sa akin lang naman po siya ganyan. Sa ibang tao, hindi. Kaya okay lang po.”
“Kaya pwede ba akong sumama sa gala mo?” tanong ni Allan.
Inikot ko ang aking paningin. “Oo na. Tara, huwag kang lalayo sa akin dahil hindi na kita ililigtas ng isa pang beses. Okay lang po ba, Mama?” paghingi ko sa approval ni Mama.
“Sige. Basta huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Kuya Larson mo. Mag-iingat kayo,” pagpapaalala ni Mama.
“Opo, mag-iingat po kami.” Lumakad na ako palabas.
“Yehey! Alis na po kami,” masayang paalam ni Allan.
Pumara ako ng isang tricycle papunta sa Pusok. Ngayong araw, pupunta ako sa bahay ng mga magulang ko para ilabas si Ren sa parke. Ang alam ng mga magulang ko ngayon ay lumabas lang ako para pumunta sa isang kaibigan. Ang ibig kong sabihin, si Lars.
“Makinig ka, Allan. Iiwanan kita sa bakery at ipapakilala kita bilang kaibigan ni Ren. Maghintay ka lang doon hanggang sa bumalik ako, okay?”
Nagulat si Allan. “Ha? Iyung kapatid mo na si Ren? Kikidnapin mo?”
Mabilis na tinakpan ko ang bibig ni Allan. “Tumahimik ka nga! At huwag kang magsasalita ng kung ano-ano!”
Nagpumiglas si Allan sa pagtakip ko sa kaniyang bibig, pero hindi siya naging matagumpay. Napansin ko ang driver ng tricycle na tumitingin sa aming dalawa.
“Mama, niloloko lang ako ng bata. Huwag niyo pong seryosohin ang narinig ninyo,” sabi ko sa driver. “Nako, Allan. Kung hindi lang kita kapatid.” Inalis ko ang aking kamay sa bibig niya.
“Pero hindi mo naman ako kapatid.”
Natawa ako. “Oo. Nakalimutan ko. Basta, iyung sinabi ko sa iyo. Tandaan mo iyun. At huwag mo akong tatawagin na Larson.
“Ayoko ngang tawagin ka na Kuya Larson,” pagsusungit pa ni Allan.
“Hindi naman iyun. Tawagin mo akong Kuya Lars.” Tinakpan ko ulit ang kaniyang bibig nang ibubuka niya sana ito. “Kung hindi ka mananahimik, sasabihin ko sa Mama mo na may binagsak kang isang subject,” banta ko sa kaniya. Tinanggal ko ulit ang aking kamay.
“Hala! Wala namang ganyanan?!”
Nang nakarating na kami sa Pusok, ipinagkatiwala ko si Allan sa taong nagbabantay sa bakery. Pagkatapos, pumunta na ako sa bahay namin sa lugar na ito. Nang pumasok na ako sa bahay namin, nadatnan ko si Nanay na abala sa kaniyang sarili. Nagtagpo ang tingin naming dalawa at nagngitian kami sa isa’t isa. Ilang beses ko na ba itong ginagawa kaharap ang Nanay ko? Sa bawat ngiti at bawat galaw na ginagawa ko, hindi nila nahahalata na ako, ay si Larson. Siguro, dahil sa aking pag-uugali na ipinapakita sa mga magulang ko kapag kaharap sila. Ibang-iba talaga ako kay Lars.
“Nanay, lalabas kami ni Ren. Maglalaro kami sa base. Pwede po ba?” nakangiting pagpaalam ko.
“Oo,” walang pag-aalinlangan na pagpayag ni Nanay. “Basta umuwi kayo agad bago gumabi. At alagaan mo si Ren.”
Tumungo na ako sa kwarto ni Ren at nadatnan siya na nagbabasa ng mga kung ano-anong babasahin. Karamihan ay Math at ilang mga libro na may kinalaman sa teknolohiya. Ang bata-bata pa niya, naintindihan na niya kung paano makuha si ‘x’ sa isang mathematical equation. Ilang taon pa nga si Ren? 7 years, o 6 years old na nga ba siya?
Nang nakita ako ni Ren, masaya nitong isinara ang librong binabasa. Marahil, alam na niya kung ano ang meron sa pagpunta ko. Siyempre, lagi siyang excited kapag nakikita niya ako, o si Lars.
“Labas tayo?” tanong ko.
“Sige, labas tayo Kuya,” tugon agad ni Ren.
Binigay ko ang aking likuran para sakyan ni Ren. Nang nakasakay na siya, nagpaalam na kami kay Nanay at lumabas na ng bahay. Habang naglalakad papunta sa labasan, binilisan ko ang aking paglalakad habang pasan-pasan ko si Ren sa aking likuran. Humalakhak siya ng humalakhak at nagre-request na bilisan ko pa ang pagtakbo. Bakit ba kasi ito ay isa sa mga gusto niyang gawin kapag lumalabas sila ni Lars? Medyo nakakapagod, pero ayos lang. Kayang-kaya ko naman ang gusto ni Ren.
“Basta kumapit ka ng mabuti para hindi ka mapaano,” babala ko sa kaniya.
Wala pang dalawang minuto, nakarating na kami sa bakery kung saan ko iniwan si Allan. Hindi pa rin matigil sa paghalakhak si Ren dahil, bata siya?
Nang tumigil na siya sa paghalakhak, pinalapit ko si Allan.
“Kuya, sino naman siya?” nagtatakang tanong ni Ren.
“Ren, siya si Allan. Ang kalaro mo ngayong araw,” pagpapakilala ko sa kaniya. “Batiin mo siya.”
“Hello. Kumusta ka Allan?” tanong ulit ni Ren.
Sumimangot si Allan. “Okay lang,” sagot niya. “Napakataas mo naman. Hindi ka ba natatakot na mahulog?”
“Hindi naman. Hanggang nakakapit ako kay Kuya, hindi ako mahuhulog. Hindi ba, Kuya?”
“Oo naman. Hindi kita ipapahamak ulit,” pilit na sagot ko. “Alam niyo, tara na sa parke. Allan, huwag kang lalayo sa amin, at huwag kang basta-basta tumakbo.”
“Hayaan mo nga ako. Alam ko na kung ano at hindi dapat gawin,” supladong wika niya. Ngumiti naman ito nang tumingin kay Ren. “Tara.”」
Dahan-dahan na binuksan ko ang aking mga mata dahil sa nararamdaman kong may dinadaganan ako. Kinusot ko ang aking mata para malaman kung ano ang dinaganan ko. Wala naman akong kasama nang natulog ako. Ooops! Mali. May kasama pala ako. Akala ko ay umalis siya nang mas maaga, o nagising man lang nang mas maaga.
“Ang bigat mo,” tulak sa akin ni Kurt. “Makayapos naman to. Bakla ka ba?”
Pagkagulong ko ng isang beses, tumigil ako na nakatingin sa kisame. “Pasensya na,” paghingi ko ng dispensa. “Akala ka, wala na akang,” Humikab ako saglit. “kasama dito sa taas. Bakit hindi ka pa umuwi at humiga doon sa napakalambot ninyong kama?”
“Ewan. Basta.” Nag-unat-unat ng katawan si Kurt. “Napasarap ang tulog ko. Nasira lang nang yumapos ka sa akin.” Humikab din siya saglit. “Mukhang napakaganda ng panaginip mo kanina.”
Napaisip ako. “Panaginip? Heh! Mukhang hindi naman maganda. Nag-throwback Thursday lang naman ang utak ko. Naalala ko lang iyung mga magulang ko.”
“Sino? Si Tita Leah at ang asawa niya? Napanaginipan mo ba noong namatay ang Papa ninyo ni Allan?” inosenteng tanong niya. Hindi niya alam na hindi ko totoong magulang si Mama Leah.
“Namatay ang Papa namin ni Allan? Paano mo naman nasabi na iyun ang napanaginipan ko?”
“Lumuluha ka kanina habang nakayapos sa akin.”
Napabangon ako sa aking hinihigaan at tumingin sa kaniya ng masama. “Ilang oras mo akong pinapanood habang natutulog?”
“Hala! Oras daw. Minuto lang kung tama ang relo ng utak ko.”
“At wala ka man lang ginawa? Nakadagan pala ako sa’yo at pinapanood mo akong umiiyak?”
“Inaantay kasi kitang magsalita ng tulog para malaman ko kung bakit ka umiiyak. Para naman may bagay akong maiaasar sa iyo.” Napaisip si Kurt. “Kung bata ang tawag mo sa akin, ikaw naman ay isang umiiyak habang natutulog? Hmm, ano kaya ang magandang salita para pang-asar sa iyo?” Mag-isip ka. Wala kang maipang-aasar sa akin.
Nakarinig kaming dalawa ng pagbukas ng pinto papunta sa kwarto na ito.
“Kurt, andito na si Hela. Hinahanap ka,” sigaw nang bantay mula sa ibaba. Narinig naman naming dalawa na sinara nito ang pinto.
“O, ayan! Hinahanap ka na ng girlfriend mo na nagmula sa impyerno,” pang-aasar ko sa girlfriend nito.
“Hoy, hindi nagmula sa impyerno si Hela!” inis na sagot sa akin ni Kurt nang dahan-dahan siyang bumangon sa higaan. “Tsaka huwag mo ngang gaguhin ang girlfriend ko. Hindi ako katulad ng iba diyan na ginagago ang kanilang girlfriend kapag hindi nila ito kaharap.”
“Talaga? Bakit Hela ang pangalan niya? Alam mo, hiwalayan mo na iyang girlfriend mo. Sige ka. Kapag sumama ka sa kaniya, hehelahin ka niya papuntang impyeron,” patuloy ko pa ring pang-aasar.
Nang bumangon siya, lumapit siya sa akin at sinipa ng malakas ang aking tagiliran. Sabay mabilis siyang tumakbo sa labas. Itong taong ito. Akala niya, nakaganti na siya? Nasalag ko kaya ang ginawa niya kaya wala akong masyadong naramdaman. Humanda sa akin itong si Kurt sa susunod na araw dahil aasarin ko pa siya at ang girlfriend niya na nagmula ang pangalan sa impyerno.
Keifer’s POV
Sa room ng Journalism Club, nagsasagawa ako ng pangalawang proofreading sa pinakaunang kopya ng edisyon namin ngayon. Halos matatapos na ako sa aking ginagawa nang nabasa ko ang bandang hulihan ng school paper namin. Dito kasi nakalagay ang ilan sa mga question and answer portion na sasagutin naming mga miyembro. Ang isang tanong dito ay ang tungkol kay ‘Mystery Man’.
Keifer: Pasensya na. Noong nag-interview ako sa kanila, hindi ko mahanap si ‘Mystery Man’. Baka substitute lang nila iyun para kay Joseph. Baka galing siya sa ibang school, kaibigan ng isa sa mga miyembro ng ‘The Antagonist’, pero tikom pa rin ang bibig nila. Pasensya na kung hindi namin mareresolba ang misteryo ni ‘Mystery Man’.
Humugot ako ng malalim na hininga. Sana naman ay hindi nila hanapin pa kung sino si ‘Mystery Man’ dahil akin lang ang taong iyun.
“Ano?! Hindi ka na naman pupunta sa practice?!” rinig kong sigaw ni Marcaux.
Napalingon ang lahat ng tao sa kwarto kay Marcaux.
“Makinig ka nga Allan. Tapos na ang mga araw na pagbibigyan kita. Kaya ngayon, kailangan mo ng pumunta sa practice dahil kung hindi, sasabihin ko kay Coach na hindi ka paglaruin sa susunod na liga. At kapag sinabi kong liga, buong liga talaga na hindi paglalaruin. Pumunta ka ngayon at ayokong makarinig ng excuse mula kay Alexis kung bakit ka hindi pupunta!” Galit na binaba ni Marcaux ang kaniyang phone at nasapo niya ang kaniyang ulo.
“Marcaux, kumalma ka naman,” pagpapakalma ni Keith.
Dali-dali kong tinapos ang aking ginagawa at inilagay agad ito sa mesa ni Katya. Inayos ko agad ang aking mesa at lumabas na ng kwarto para hanapin sila Ren at Joseph. Una kong tinungo ang kwarto ng Music Club, pero bago pa lang ako makalapit sa kwarto, nadatnan ko ang dalawa sa lobby. Si Joseph ay may kinakausap sa phone niya, at mukhang galit na galit siya.
“Hindi sumasagot si Allan,” sabi niya nang ibinaba ito. “Paano iyan? Hindi ka makakapunta sa library? Kailangan mong sumama sa akin kapag ganito.”
“Ako,” pagprisinta ko sa dalawa. “ang magbabantay kay Ren.”
Tiningnan ako ng masama ni Joseph. “Hindi kita pinagkakatiwalaan kaya hindi pwede.”
“Then, kailangan mo akong pagkatiwalaan. Aalagaan ko ngayon si Ren para sa iyo.”
Bumuntong-hininga si Joseph. “Ren, kilala mo naman si Keifer, hindi ba? Okay lang ba na iiwan kita sa kaniya?”
Tumango si Ren.
“Okay. Ngayon, kung may ginawang kakaiba sa iyo iyang si Keifer, isumbong mo sa akin. Kung may iba pa siyang gustong gawin, isumbong mo sa akin. Tumanggi ka sa kung ano ang mga request niya. Okay?”
Tumango ulit si Ren.
“Sige, iiwanan ko si Ren sa iyo,” pagpayag na ni Joseph. “Huwag mo siyang iwawala sa mga tingin mo.”
“Ako pa,” confident na tugon ko.
“At kung may iba ka pang binabalak, huwag,” babala pa niya.
“Oo. Alam ko. Hindi naman ako katulad ni Allan na tuturuan siya ng mga hindi dapat gawin.”
Ipapasa sana niya sa akin si Ren nang hinatak niya ito pabalik sa kaniya. Teka, dapat ay hindi ko na sinabi ang bagay na iyun.
“Wala akong pakialam kung ano ang meron sa inyong dalawa, o tatlo, basta ang hinihingi ko at ni Mama, huwag na muna,” wika ni Joseph.
“Kung ano ang mga patakaran ngayon, susunod ako,” tugon ko.
Muli, ipinasa ni Joseph ang kamay ni Ren sa akin. Pagkatapos ay lumakad na si Joseph para sa susunod niyang klase.
“Mahal ka talaga ng kapatid mo. Ang swerte mo,” sabi ko kay Ren.
“Hindi ba, ganoon naman dapat sila?” tanong ni Ren.
Naalala ko si Larson. “Oo. Kaya lang may iba na hindi, ewan ko lang kung bakit. Kung nagkasama nga talaga kayong dalawa, hindi ba’t…”
“Ano iyun Keifer?”
“Ha? Ahh! Ang sabi ko, tara na sa library.”
Sa library, gaya ng inaasahan ay kumuha si Ren ng mga libro na may kinalaman sa matematika, teknolohiya, pati na rin sa siyensya. Bago ito. Hindi siya ganoon kahilig sa siyensya, o baka nahilig siya dito nang nalaman niya na may Math din dito. Teka, iisa lang naman iyun ‘di ba? Science and Technology?
“Bakit Keifer?” tanong ni Ren nang napansin niya ang pagtitig ko sa kaniya habang nagbabasa siya.
“W-Wala. Ano kasi, naninibago, ang ibig kong sabihin, naaalala ko lang iyung mga dating ginagawa, natin noon. Ikaw, nagbabasa ka sa mga libro ko, habang ako dito ay nahihirapan sa mga ginagawa kong assignment. Then, mapipiga ang utak ko, at mapapagod sa paggawa.”
Habang nagsasalita ako, napansin ko na nakatingin lang sa akin si Ren, pero malayo ang kaniyang tingin. Tumingin ako sa aking likuran kung may taong nakatingin sa kaniya, pero wala akong nakita. Pinatunog ko ang aking daliri sa pagmumukha niya at nagising naman siya.
“Okay ka lang? Ang layo ng tingin mo.”
“Oo, okay lang ako.”
Nasapo ni Ren ang kaniyang ulo at mukhang namimilipit siya sa sakit. Lalapit sana ako pero sinenyasan niya ako na okay lang siya.
“Masakit ang ulo mo? May gamot ka bang dapat inumin ngayon?” nag-aalalang tanong ko.
Umiling siya. “Hindi. Okay lang ako. Saglit lang naman na sumakit ang ulo ko. Okay na ako.”
“Sigurado ka? Okay ka lang talaga? Kailangan mo bang pumunta sa infirmary?”
“Hindi. Okay na talaga ako. Salamat sa pag-aalala.” Tumingin siya sa aking mga mata. “Ano lang kasi, may naalala ako sa ganitong formation natin. Dito ako, andyan ka, at may isa ka pang katabi sa upuan na iyan.” Si Harry, naalala niya.
“Ohh! Naaalala mo ang nakaraan nating dalawa. Well, maganda iyan. Tama ka. Andito ako, andyan ka, pero wala akong maalala na may katabi ako. Sigurado ka na ako talaga iyung naaalala mo? Baka hindi ako iyun,” biro ko.
“Oo. Nag-uusap pa nga kayong dalawa.” Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin.
Natawa ako sa tingin niya. “Oo, tama ka. May katabi nga ako.”
“Sino siya? Ano ang pangalan niya?” sunod-sunod niyang tanong.
Napatingin ako sa tabi at pini-picture sa utak ko si Harry. Nag-aalangan ako na sabihin kay Ren ang kanyang pangalan dahil baka mag-trigger na naman ang utak niya. Baka maalala niya ang ilang parte.
“Kapatid ko siya,” pagsisinungaling ko. “Ang pangalan niya ay Harry Salvador.”
“Harry Salvador? Asaan nga pala siya ngayon? Dito pa rin ba siya nag-aaral?”
Kunyari ay nalungkot ako. “Patay na siya. Nitong isang buwan, natagpuan siya ng mga pulis na may tama ng bala sa ulo. At, patuloy pa rin nilang inaalam kung sino ang may kagagawan sa nangyari.”
“P-Pasensya,” paghingi ni Ren ng tawad. “H-Hindi ko alam na patay na pala siya.”
“Okay lang. Alam ko naman na darating ang araw na magtatanong ka kung sino siya kapag naaalala mo na.”
“Iyung relasyon pala namin? M-Maganda ba?” maingat na tanong niya.
“Oo, maganda at maayos. Sa totoo lang, siya ang kauna-unahan mong kaibigan bago ako. Siya ang taong naka-discover sa iyo bago ako.”
“Ganoon ba? S-Saan siya nakalibing ngayon? Gusto ko siyang dalawin.”
Mabilis akong nag-isip ng palusot. “Nakalibing siya sa Zambales. Doon kasi kami talaga nakatira. Kaya nagpasya ang mga magulang namin na doon siya ilibing.”
Ngumuso si Ren. “Sayang naman.”
“Alam mo, kung gusto mo, pagkatapos ng pag-aaral natin dito, o baka sa bakasyon, o baka sa mga oras na libre ka, puntahan natin ang puntod niya.”
“Okay.” Bahagyang ngumiti si Ren at pinagpatuloy na ang pagbabasa ng libro.
Bigla akong may naalala. “Maalala ko. Nanonood ka pa rin ba ng mga cartoons, o anime sa computer mo? Teka, paborito mo pa rin ba ang mga ganoong panoorin? Pati na rin mga TV series na mula sa ibang bansa?”
Ibinaba ni Ren ang libro. “Mga cartoons o anime, nanonood pa rin ako, pero hindi sa computer ko. Pero TV series? Nanonood din pala ako ng mga ganoon?”
“Oo, nanonood ka ng mga ganoon. Pero ang TV series na tinutukoy ko, iyung mula sa ibang bansa. Iyung mga series na 45 minutes kada episode. Iyun iyung mga paborito mong panoorin dahil maganda ang storya. At isa pa, wala ka kasing mga natitirang kamag-anak kaya iyun ang mga nakahiligan dahil mag-isa ka lang sa bahay…”
Bigla akong natigil sa pagsasalita nang naalala kong hindi ko dapat sabihin kay Ren ang mga bagay na ganoon. Hindi naman makapaniwalang tiningnan ako ni Ren at naghihintay siya ng paliwanag ko sa aking mga sinasabi.
“Wait, hindi pala ikaw ang taong iyun. Iyung isa kong kaibigan iyung taong iyun. Hindi ikaw, pasensya na,” palusot ko. Kumagat ka. Kumagat ka.
Napasimangot siya. “Ahh! Akala ko, ako talaga iyung taong sinasabi mo. Huwag ka namang ganoon, Keifer. Buhay pa nga ang Mama ko, at si Joseph, pinapatay mo na sila.”
“Anyway, about doon sa tinanong ko kanina, ngayong May, may event na naman sa Mall of Asia. Ang event ay may kinalaman sa anime, at kung ano-anong mga bagay. Gusto sana kitang tanungin kung pupunta ka ba ngayong taon. Si Kuya Allan mo pala, pumupunta doon. Baka gusto mong makiusap sa kaniya na ilibre ka niya ng ticket at samahan ka sa araw na iyun. Masaya doon dahil marami kang makikilalang tao. Tapos, marami kang makikitang cosplayer na ginagaya iyung character na paborito nila.”
Nag-isip si Ren. “Ewan ko lang. Pero magpapaalam muna ako kila Kuya Joseph, at kay Mama. Baka kasi hindi nila ako payagan.”
Bumuga ako ng hangin. “Dati rati naman, hindi mo kailangan magpaalam sa kanila dahil alam nila na iyun ay isa sa mga bagay na magpapasaya sa iyo.”
“Pero kasi, baka idahilan niya na iba ang sitwasyon ngayon kesa noon.” Oo nga ano. Baka nga iyun ang idahilan nila.
“Then, kausapin mo si Kuya Allan mo na kumbinsihin sila na papuntahin ka. Kung hindi naman kaya ni Kuya Allan, ako ang gagawa.”
Ngumiti si Ren. “Salamat sa suhestyon mo. Susubukan ko iyan.”
Tumingin ako sa pambisig na relo ko para malaman ang oras. Oras na pala para sa susunod kong klase.
Nang tumayo na ako sa aking kinauupuan, sakto naman na niluwa ng pintuan si Joseph. Mukhang mabilis na tumakbo si Joseph dahil hinahabol niya ang kaniyang paghinga. Iniisip kaya niya na gagayahin ko ang ginawa ni Allan na may pahalik pa sa labi kapag nalulungkot? Hindi ako ganoong tao, pero hihigitan ko siya.
“Andito na si Kuya Joseph mo.” Inayos ko ang aking mga gamit. “Aalis na ako dahil may klase pa ako. Magkita na lang tayo sa susunod kung umaayon sa akin ang panahon.”
“Bye,” nakangiting paalam sa akin ni Ren.
“Bye,” nakangiti ko ding tugon.
Habang papalabas ako ng library, hindi pa man ako umaabot kay Joseph ay kinalabit ako ni Ren. Nagulat ako nang hawak ni Ren ang isang kapirason papel na naglalaman ng mga pangalan ng mga taong bumili ng ‘Amn’. Agad na kinuha ko ang papel sa pag-aakalang baka may isiping masama si Ren sa mga pangalan na nakita niya, at sa mga arrow signs pa na nakasulat. Siyempre, mga kilala na tao sa lugar na ito ang mga taong iyun, at baka kahit si Ren ay kilala ang ilan sa mga nakasulat.
“Pasensya na,” paghingi ko agad ng dispensa. “Importante kasi ang papel na ito.”
“Kagaya ng mga nakasulat sa papel na iyan? Puro mga, importanteng tao sila sa lugar natin. At may mga arrow signs pa. Anong ibig sabihin nun?” inosenteng tanong ni Ren. Sinasabi ko na nga ba. Kilala niya din ang mga taong ito.
“Naglalaro kasi ako ng FLAMES. Gusto kong malaman kung bagay ba iyung anak ng pamilya nung isa, at nung pamilya nung isa pa,” pagdadahilan ko. “Kapag bored kasi, ganito ang ginagawa ko.”
Tumango-tango lang si Ren.
“Sige, una na ako.”
Agad na akong umalis at nilampasan si Joseph na nagla-log-in pa lang sa library. Nilagay ko agad sa aking bag ang papel para hindi na ito mahulog pa dahil sa kapabayaan ko. Muntikan na ako doon. Buti at hindi niya nakita iyung ‘Amn’ sa pinakataas ng papel. At mabuti na lang ay kinalabit niya ako bago pa ako nakalayo ng tuluyan. Kung napunta iyun sa mga kamay ni Joseph, siguradong masama ang iniisip nun. Sigurado akong hindi tatalab ang dahilan ko na naglalaro ako ng FLAMES.
Nang papunta na ako sa susunod na klase, habang iniisip ang mga ngiting iginawad sa akin ni Ren, bigla na lang may taong bumangga sa akin. Dahil sa hindi ako gaanong aware sa nangyari, natumba ako. Mabilis naman akong bumangon nang nakita si Nicko pala ang taong bumangga sa akin, at mukhang takot na takot siya.
“Okay ka lang?” Inabot ko ang aking kamay para ibangon siya.
“O-Okay lang ako,” wika ni Nicko, at inabot niya ang aking kamay para bumangon. “S-Si Jonas? N-Nakita mo ba siya? Asaan siya? Nakita mo ba?”
“O-Oo. Pumunta na tayo sa classroom para sa susunod nating klase at makikita natin siya.”
Napansin ko na kung saan-saan tumitingin si Nicko. At mukhang takot na takot talaga siya. Lumingon naman ako sa paligid kung saan siya tumitingin para makita ang nakikita niya. Bakit siya takot na takot?
“Okay ka lang ba talaga? May humahabol ba sa iyo?” muling tanong ko.
Tumingin na sa akin si Nicko. “S-Si Anthony kasi, nakita ko siya kanina dito sa eskwelahan.”
Bigla akong naalarma sa sinabi ni Nicko. Nabalitaan ko din kasi iyun.
“Tara na. Puntahan na natin iyung susunod nating klase at baka nandoon na si Jonas. Tawagan mo na rin siya sa phone mo para makasiguradong okay siya. Tara na.”
Sinamahan ko si Nicko sa susunod naming klase. Nang nakita niya si Jonas, niyakap niya ito. Nagpasalamat naman siya sa maykapal dahil walang nangyari na masama sa kaniya. Lumingon naman ako sa paligid para malaman kung nanonood ba sa amin ngayon si Anthony. Wala akong nakita.
Hapon na nang bumalik ako sa Music Room. Kagagaling ko lang kasi sa mga guwardya para balaan sila tungkol kay Anthony. Binigay ko din sa kanila ang litrato ni Anthony para makilala nila agad ito.
“Okay na. Binalaan ko na ang mga gwardya para kapag nakita nila si Anthony, huhulihin agad nila,” wika ko.
“Nicko, sigurado ka bang si Anthony ang nakausap mo?” tanong ni Jonas.
“Oo, sigurado ako,” takot na takot na sagot ni Nicko. “Nakausap ko pa nga siya kaya siguradong-sigurado ako na siya ang nakausap ko.
“A-Ano ang sinabi niya sa iyo noong nakausap mo siya?”
“S-Sabi niya, humanda daw tayo sa kaniya. Hindi pa siya tapos sa ating dalawa. Pagbabayaran daw natin ang nangyari sa kaniya.” Ang kapal din naman ng mukha ng Anthony na ito. Siya na nga ang gumawa ng masama, tapos ito pang dalawa ang magbabayad sa pagkakakulong niya?
Tumunog ang phone ko at tiningnan ko ito. Isa itong reminder na pupunta ang buong miyembro ng Journalism Club sa isang kainan na may karaoke, at magkakasiyahan.
“Guys, aalis na ako,” paalam ko sa dalawa. “Magka-karaoke ang Journalism Club ngayong gabi kaya, aalis na ako.”
“Okay lang Kei. Salamat,” sabi ni Jonas.
“At siguro, hindi ko na kayo kailangan payuhan na mag-hire na kayo ng bodyguard para sa sarili ninyong proteksyon? Baka, alam niyo na. Sa susunod na kausapin niyo siya ay nakagapos na kayo.”
“Ginawa ko na. Tinawagan ko na ang mga guardian namin na mag-hire ng bodyguard. Salamat din sa payo.”
Humiwalay na ako sa dalawa. Hindi man alam ng dalawa, alam ko kung ano ang history ni Nicko doon sa Anthony. Sa computer ni Ren, may isang folder doon na ang pangalan ay ‘Accomplishments’. Ito iyung folder na ang laman ay mga bagay na natapos ni Ren na gawin. Gaya ng pag-iimbestiga kung sino ang taong ito, requests sa kaniyang site na nagawa niya, basta mga bagay na natapos na niya. Tapos, sa loob ng mga folders sa ‘Accomplishments’, may mga notes din siya para sa sarili niya.
“Kaibigan ko sila ngayon. Hindi ko alam na magiging magkaibigan kami dahil nakapasok si Kuya Jonas sa banda. Ang babait pa nila. Alam kong may importanteng papel ako na ginampanan sa buhay ng dalawa, pero sa akin na lang iyun.”
Kalakip pa ng note na iyun ay ang litrato nilang tatlo. Ano kaya kung tulungan ko ang dalawa na maipakulong ulit iyung Anthony na iyun? Tiyak, nagtatago na iyun dahil sa mga susunod na araw, may mga nakapaskil ng ‘Wanted Poster’ sa lugar na ito.
Natapos na ang kasiyahan ng Journalism Club. Sa labas ng kainan, nagsimula na kaming maghiwalay-hiwalay. Si Alexis, sumabay sa ilang kalalakihan, si Keith kay Marcaux, iyung mag-syotang si Alexa at Martin, si Katya sa kaniyang kasalukuyang kinikita ngayon. At ako, hindi pa ako umaalis. Dahil sa hindi kalayuan, may isang babaeng blonde na nakatingin sa akin mula sa malayo. Mukhang, may bagay siya na kailangan mula sa akin, pero ano naman kaya iyun?
Inobserbahan ko ang babae. Kung pagbabasehan ko ang edad ng babae, medyo matanda ito sa akin ng konti. Kaedad siguro niya si Gerard. Amerikana kaya siya? Canadian? Pero kahit anong klaseng tao pa siya, hindi na ako available.
“Hi,” bati ng babae.
Naalibadbaran ako sa pagbati niya at nagpasyang umiwas na lang. Kahit na tigang na tigang ako, hindi ko siya papatulan.
“I said, hi,” patuloy pa ring bati ng babae.
“Sorry, no english,” pagdadahilan ko.
Dali-dali akong pumunta sa aking motor para iwasan ang babae. Dalawang beses na niya akong binati, kaya ibig sabihin nun ay may kailangan siya sa akin, at hindi ko ibibigay sa kaniya iyun.
“Hi. I need your attention, please? I saw what you did on that poor policeman in a dark street.”
Mas lalo ko pang binilisan na pumunta sa aking motor. Agad ko itong pinaandar at pinaharurot ang motor. Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi ng babaeng iyun. Sino kaya ang babaeng iyun? Bakit alam niya ang ginawa ko kay Christian?
Nakahinga na ako ng maluwag nang nakarating na ako sa apartment. Pinakalma ko muna ang aking sarili dahil nagpa-panic ako. Baka nagkamali lang ako ng pagkakarinig kanina. Baka napa-praning na ako kaya kung ano-ano na ang naririnig ko. Walang alam ang babaeng iyun tungkol sa ginawa ko kay Christian. Wala. Kaya, Keifer Salvador, kalma lang.
Naglakad na ulit ako papunta sa aking kwarto. Nang dinaanan ko ang lamesa sa sala ng apartment, may mga nakalagay na blueprints dito. Ito na siguro iyung mga nakuhang blueprints ni Gerard, sa mga bahay na kailangan kong pasukin para makuha ko ang mga ‘Amn’ na hawak nila. Mabuti na lang at dumating na ito.
Kaya tinapos ko na ang araw na ito at dumiretso na sa higaan. Kakailanganin ko ang lahat ng aking lakas para makuha ko ang lahat ng ‘Amn’ na hawak ng mga tao sa lugar na ito.
Kinabukasan, nang nagising ako, nagtaka ako nang narinig ang ingay ng mga mantika sa sala. Rinig na rinig ito mula sa aking kwarto dahil hindi nakasara ang pintuan ko. Si Gerard, nagluluto para sa akin ngayon? Baka maganda ang gising?
Pagkalabas ko, nagulat ako nang nakita ko ang babae na nakita ko kagabi malapit sa bar, ang nagluluto ngayon sa aking sala. Kaagad na kinuha ko ang aking baril sa kwarto at itinutok sa babae. Muli, kinabahan na naman ako dahil sa pangyayari. Hindi ko alam na may mangyayaring ganito sa buhay ko ngayong araw na ito.
“Hands up, and face me, slowly!” sigaw ko sa babae.
Dahan-dahan nga na itinaas ng babae ang kaniyang kamay, at dahan-dahan din siyang humarap sa akin. “Good morning,” nakangiting bati nito. “I made you some fine breakfast for you. And now, I got a gun pointed in me.”
“Well, that’s what you get when you break in someone’s house here in this country,” paliwanag ko. “How did you get in? And why you are following me? Did I do something bad on you because I’ve never seen you before.”
“Relax. Let me answer it one by one. First, I entered thru your door. Second, I am here because like I said last night, you have the thing that I am after, that is why I am here,” sagot ng babae sa mga tanong ko. “And third, you didn’t do something on me.” Ano? Totoo talaga iyung mga sinabi niya kagabi? May alam siya sa ginawa ko kay Geoffrey?
“Then, what is that thing that you are after?” tanong ko ulit.
“First, let me introduce myself. My name is Scarlet Johanson, and the thing that I am after is this mysterious drugs that can wipeout your memories in just a dose. A drug named ‘Amn’.”
“Yeah, right. My name is Brett Dalton,” sarkastikong sabi ko.
“Oh no, I am serious. My name is Scarlet Johanson. And based on the name, I think that you get the picture already. Unless you don’t?”
Natawa ako. “Are you telling me that you are a sort of, spy? Because whenever I hear that name, all I can see in my head is her role in Marvel Universe as Black Widow.”
“Oh no. I am dead serious here. I am a spy. And just to warn you, if you kill me right here, right now, there are many other people who can replace me. And they will hunt you down until the ends of the earth.”
Mas lalo pa akong kinabahan sa sinabi niya. Hindi ko gusto ang mga naririnig ko mula sa kaniya. Kung totoo ngang isa siyang spy, sigurado ako na may backer siya na taga-gobyerno na hindi ko alam kung anong bansa. Hindi ko gusto na may taong maghahabol sa akin hanggang sa dulo ng mundo. Paano naman ang ilang mga bagay para sa akin? Paano ang sarili kong kaligayahan?
Nagpasya akong ibaba ang baril na hawak ko. Wala naman akong mapapala kung papatayin ko ang babaeng ito. Pero ang problema ay kung hindi ko siya mapapatay ngayon. Ang ibig kong sabihin, ano ang gusto niya? Kailangan ay mag-ingat ako.
“So you decided not to shoot me. A wise decision,” nakangiting sabi ng babae.
“Yeah. I think it will be good rather than someone hunt me until the end of this planet,” tugon ko.
“Okay. First of all, have a seat and let’s eat. I am hungry and tired of waiting for you in here. And I already studied those blueprints.” Tinuro ng babae ang mga blueprints na nakalagay na ngayon sa sofa.
Sinundan ko ng tingin ang tinuro ng kaniyang daliri. “Looks like it. Let’s discussed that after we eat.”
Matapos ang ilang minuto, tapos na kaming kumain. Napakasarap ng kaniyang iniluto, pero hindi dapat ako magtiwala sa taong ito.
“So, you said that you are after the mysterious drug named ‘Amn’. What would you do with it?” tanong ko.
“Well, my orders we’re to acquire a dose of the drug, then head back to a certain point that I only know. Then, I’m done,” sagot niya. Sinasabi ko na nga ba. Hindi maganda ito. Gusto niyang kumuha ng isa para may maibalik sa kanila.
“Then, what will happen if you won’t get any?”
Sumimangot siya at pinaglaro-laro ang kaniyang paa sa ilalim ng mesa. “Well, my superior will get mad because I didn’t procure the item. This thing is really urgent because the effects of the drug is really alarming. Imagine if it can wipeout a memory of a President with just a dose?”
“So, nothing bad will happen to you?”
“Well, that is remain to be seen if nothing bad will happen to me if I didn’t get this drug. For now, I am not quite sure on what will happen to me if I don’t get it. Because just now, you sounded that you need all of them?” naghihinala niyang sabi.
“You’re wrong. I don’t need all of them. I just need those 3 ‘Amn’ for something. I need to erase a memory of my few relatives, and make them start anew in a new environment. That is all.”
Nagtaka ang babae sa sinabi ko. “Really? You won’t use it to do bad things?”
“Bad things? I already did those,” natatawa kong sabi. “But not with ‘Amn’. I will use it to erase the bad things that I did to them so that, they will not hunt me until the ends of the earth. Rather than killing them, ‘Amn’ is the best solution that I thought.”
“Huh? I don’t know what will you do it, but I sense that you will use it for the greater good. Okay. Now, I think it’s time to study those blueprints. Let’s begin, shall we?”
Buong araw na iyun, kasama ang hindi kilalang babae, siniyasat namin ang blueprints na binigay sa amin ni Gerard. Sa pamamagitan ng blueprint, nagkaroon kaming dalawa ng mga ideya kung paano makakapasok, ano ang gagawin sa mga bantay, paano tatakas, at ano ang gagawin namin kung sakaling pumalpak ang gagawi namin. Lahat ng plano namin, nakalatag na. At ang matinding hamon sa amin ngayon, kailangan ay gawin namin ito sa loob ng isang gabi lang.
“So, are you in, or out?” tanong ng babae.
“This looks like a challenge for me. I’m in,” sagot ko.
Isang gabi ang lumipas, nakuha na namin ang apat na ‘Amn’ mula sa apat na iba’t ibang tao. Sa ginawa namin, nakatulong kami sa mga dapat panggamitan ng mga drogang ito dahil hindi na sila mabibiktima ng droga pang ito kahit kailan. Salamat sa aming dalawa ng babaeng ito. Sa galaw niya kanina habang kinukuha namin ang mga ‘Amn’, masasabi kong isa talaga siyang tunay na spy. Magaling siya. Marami akong bagay na natutunan sa kaniya.
Ngayon, may isa akong napakalaking problema. Ang totoo, apat na ‘Amn’ talaga ang kailangan ko. Kung hindi apat ang makukuha ko ngayon, kawawa iyung isang kamag-anak ko na maiiwan. Siguradong hindi ako nun patatawarin, hangga’t hindi ko naigamit sa kaniya ang ‘Amn’.
“Scarlet, can I talk to you?” tanong ko habang hinuhubad ang aking itim na maskara.
“Hey.” Pinatigil niya ako sa paghuhubad ng aking maskara. “You didn’t learn from your mistakes, no? Don’t put off your mask yet. Not until we are finish.”
“Right.” Nagpatuloy kaming naglakad. “So, there is something that I didn’t tell you, until now.”
“Is there? What is it?” tanong niya.
“I-I need all of these ‘Amn’,” nag-aalangan kong sagot. “I have four brothers who need these medicines.
Napatigil kami sa paglalakad. Humarap sa akin si babae at mukhang humahagikhik.
“Ahh! So that is the thing that you are not telling me,” natatawa niyang sabi.
“Please,” seryosong pakiusap ko. “I am begging you. I need these drugs. If it makes you better, we’ll get the other drugs that is probably in the hands of the maker. And I’ll bet a hundred, that we will succeed in taking it.”
“Yeah. And I’ll bet a hundred too for that. But, Brett, you see,” Huminto siya at humarap sa akin. “I don’t need the drug now. Just a moment, when we were in the middle of the mission, my contact got a hand of that drug. So, you can have it all you want. It won’t cost me a leg if I fail to get one. Our actual mission order, is when one of us get an ‘Amn’. And, we are done.”
Biglang nabuhayan ako sa sinabi niya. “R-Really? Is that true?”
“Yes. It is true. So now, you can have it, and use it. So, don’t worry. No one will hunt you in the ends of the earth.”
“T-Thank you very much,” pagpapasalamat ko. “You don’t know what it means to me to get all of these medicines.”
“And, thank you for not betraying me,” pagpapasalamat din niya. “I thought that out of nowhere, you will point a gun on me. But I was right to trust you.” Humarap siya sa daan at nagpatuloy sa paglalakad.
“W-Wow. You sounded like everytime, you are betrayed by the people you trust.”
“Oh no, I am not. It is just my instinct as I spy.” Bahagyang humarap siya sa akin. “That you can’t trust no one in this line of work. As a spy, you must be ready to kill everyone who gets in your way. Even that one of them is your family member.”
“Y-You killed a family member of your own in your line of work?” tanong ko.
“Yeah. I killed, some,” nag-aalangan niyang kwento. “But it is for the greater good.”
“We are the same,” pagsang-ayon ko. “But the difference is I killed all of them, for the greater good too.”
“For what reason?” tanong ng babae. “Mine, I killed some of my family member because, they are a double agent. They we’re working for our enemies.”
“Their line of work is defying most of the laws in this country,” matalinhaga kong sabi. “Once, they annihilated a family with the same line of work. They succeed, but almost. Thanks to my friend who tweeted an intel to that family.”
“Shallow,” pang-aasar ng babae. “I bet a hundred that it is not the real reason.”
“That’s because I’m not finished talking yet,” kontra ko. “There are three core reasons on why I did that. One, because I don’t want to be a part of their family forever. Two, because they were trying to kill me. And three, because they are trying to kill the person I loved.”
“Now that’s a heavy trigger, especially when the person you loved the most is involved. That person must be lucky to have you.”
Umiling ako. “But I was too late when I saved him.”
“Ohh! It’s a guy,” gulat na sabi ng babae.
“This drug, ‘Amn’ entered on him system. Because of that, he lost all of his memories in the process. Now, a family was taking care of him, then my nemesis. He is taking care of him now, and trying to get his heart.”
“Oh no, you should fight back!” naisigaw niya. “My advice, make him relieve the good memories that you both have.”
“I am doing that.”
“Make him fall in love again.”
Inikot ko ang aking paningin. “Again, in progress.”
“And tell him of the things that you did, to save him. That will make him choose you over your nemesis. And he should choose you over that nemesis of yours.”
“But, is it kind of, too much to tell him? I mean the memories that he had before ‘Amn’ entered his system, was very very bad. Furthermore, I don’t think that he’ll like me for telling him on what I did, for love. He too once saved a person, but that person didn’t know on what he did until someone of his friend told him.”
“Did he do it for love to save this friend of yours?” tanong niya.
“No,” sagot ko.
“Then tell him. Because the things that you did, you did it for love. In love, you must say everything to the person that you loved. Because if you do not, and your nemesis succeeded on getting his heart and you tell him on this, great deed that you did, you will just create trouble for the three of you. That kind of love story, is very unhealthy. What will happen to that nemesis of yours who is very in love to your guy, what will happen to your guy, and what will happen to you? A love expressed before a person, whose heart is not with someone, is pure and true. But a love expressed before a person, whose heart is already with someone, is a schemer and deceitful. ”
Medyo namangha ako sa sinabi niya. “Wow, you can be a love guru. Looks like you have many experiences in that field. I will keep your words in my mind.”
Nakarating na kami sa rendesvouz point namin. Huminto na kami at inalis na namin ang aming mga pagmumukha.
“This is the end of the road. I think that this is good bye,” sabi ni babae.
“Yeah. Me too.” Inangat ko ang aking kamay para makipagkamay sa kaniya. “Thank you again for helping me, and for giving many things to me.”
Ngumiti ng matamis si babae at kinuha ang kamay ko para kamayan. “Natasha Chernaya Vdova. That’s my name,” pagpapakilala niya sa sarili.
Nagulat ako sa ginawa niya. “Oh! Wait, isn’t that a tabboo? To reveal your real name to me?”
Natawa siya. “Tabboo? You must be joking. There is no such thing in this line of work. It’s actually the choice of the agent if he or she wants to reveal his or her indentity. And also, that means that you trust that person.”
“I see. You trust me. Very well. Keifer Salvador,” pagpapakilala ko din sa aking sarili.
Kinalas ni Natasha ang kaniyang kamay. “Well, see you next time, Keifer. I hope that the person you love chooses you. And I hope that you will be very happy with him. And, don’t forget about me,” mga huling salita na binitiwan ni Natasha bago siya lumakad papalayo sa akin.
Pagdating sa isang pasilidad para sa mga baliw, binigay ko sa mga kasabwat kong nurse ang mga nakuha kong ‘Amn’. At sa harap ko mismo, tinurok nila ito habang nagsisigaw, at nakatingin sa akin ng masama ang mga natitira kong kamag-anak. At dahan-dahan na ipinikit nila ang kanilang mga mata, hudyat na umeepekto na ang mga gamot.
“Sir, paano po si-”
“Ako na ang bahala,” pagputol ko sa sasabihin ng nurse. “Ako mismo ang gagawa.”
ITUTULOY…
Wag nang e translate to cebuano mas lalong gumulo; mali2 ang translation.
ReplyDeletesino yung last si harry...?
ReplyDeleteang gulo na...
ReplyDelete