Followers

Friday, September 8, 2017

Loving You... Again Chapter 55 - Rumor and Humor




  



Author's note...

Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Also kuya Peter!

Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila. Pati na rin po pala iyung mga kanta.

Hello po sa inyong lahat! Heto na po ang Chapter 55! Stay tuned po para sa Chapter 56! Bibilisan ko ng konti kasi sa susunod na taon, mag-aaral na naman ako sa college. Susubukan ko pong matapos ang Book 3 bago ako makapasok. Salamat ulit sa pagbabasa and, enjoy!





1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 | 37 | 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 | 47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 |








Chapter 54:
Rumor and Humor



































































Edmund's POV





          Sa isang kwartong hindi gamit sa bahay ni Ren, kasalukuyang ginagamit namin ni Gerard ang shower. Nililinis namin ni Gerard ang aming mga likod dahil sa hindi namin ito naaabot mag-isa. Habang naglilinis ay nagpapalitan kami ni Gerard ng mga papuri sa mga likod namin.





          “Oo, ang ganda ng likod ko," pagsang-ayon niya sa sinabi ko. “Gusto mo bang sakyan ko ang titi mo habang nakatalikod ako sa'yo?" maloko niyang tanong.





          “Gerard, na-a-appreciate ko iyang likod mo sa ibang posisyon din," pagtatama ko. “Tsaka, huwag nga muna ngayon. Kailangan natin umalis ng maaga bago pa gumising sila Joseph." Pinagpatuloy ko ang pagkuskus ng likod niya. “So, nakita ko kayo ni Larson na magkausap kanina. Ano ang pinag-usapan ninyo?"





          “H-Huh? Hmm, mga random na bagay. Gaya nang, parang tanga na naka-suit sila Allan at iyung mga kaibigan niya."





          “Talaga? Bakit nakita kitang gulat na gulat?"





          “Gulat na gulat ako dahil naniwala si Keifer na kailangan mag-suit. Apparently, iyung bagong kaibigan nilang si Ronnie, na-misinformed sa dress code ng party ni Ren. Nagkalat na kailangan mag-suit. Base pa naman sa social profile ni Ren, less likely na magpa-formal party siya."





          Tumunog bigla ang aking phone na nakalagay sa isang selyadong transparent na plastic. Inilapit ko lang ito sa akin at sinagot ang tawag. May tumatawag sa akin.





          “Umm, Sir Simon, good morning," bati ko.





          “Asaan ka?" agad na tanong niya.





          “Umm, nandito sa bahay ni Ren. Nakitulog.  Medyo late na po kasi kami na natapos." Pero hindi ko sasabihin na nag-drinking game pa sila, truth or dare at iba pa. Hindi nga umuwi iyung mga malapit na kaibigan ni Ren pati sila Daryll. Natutulog nga sila sa pool area gamit ang mga reserved na camping tent na nakalagay sa- Mahabang storya. Basta, maraming camping tent sila Ren. Provided pa ang kumot at unan.





          “Pinagbilin mo na ba ang iba sa mga gagawin nila sa mansyon?"





          “It's a daily task sir. Alam na po nila ang mga gagawin, at oo."





          “Good. I hate to cut your resting time short, but I need you in the address I'll provide after this call." Para atang nagmamadali si Sir Simon sa tono ng pananalita niya.





          “Okay, may problema po ba?"





          “Leon was found dead in that address," diretsong sagot ni Sir Simon. “so I need you in that address, now if possible. Magkita na lang tayo doon."





          “Naiintindihan ko po, Sir. Bye." Ibinaba ko ang aking phone.





          “May problema ba?" tanong ni Gerard na nagbanlaw na ng katawan.





          “Yeah," tanging nasagot ko. Tumunog ulit ang phone ko. “Anyway, umalis na tayo dito. May lugar pa tayong pupuntahan." Tumapat ako sa malakas na buhos ng shower para magbanlaw.





          “May problema ba?"





          “Yeah. Iyung kasamahan namin, natagpuang patay."





          Pagkarating namin sa isang lugar, malapit sa historical cave, mga tatlo o apat na sasakyan ang nakaparada. Tatlo dito ay sa pulis, ang isa ay ang sasakyan mismo ni Sir Simon na kararating lang. Nagkita kami at nag-antay sa labas ng crime scene hanggang sa pinapasok kami ng isang pulis na binigyan pa kami ng gwantes.





          “Kasama ba siya?" turo ni Christian kay Gerard.





          “Officer, huwag na tayo mag-aksaya ng oras. Papasukin mo na since baka kaibigan niya ang nakatabon na iyun at hindi ko lang alam," nagmamadaling litanya ni Sir Simon.





          “T-Tuloy po."





          “Salamat."





          Pagkatapos isinuot ang gwantes, pinapasok na kami sa loob ng crime scene. Pagkalapit ni Sir Simon, kaagad na inalis ni Geoffrey ang kalahating nakatabon sa bangkay para malaman namin kung sino ito. Nagulat kaming lahat matapos malaman na si Leon ang bangkay. At base sa mga pulang bagay na nakikita ko, mukhang brutal na pinatay si Leon.





          “Leon," nasambit na pangalan ni Sir Simon. “Edmund, day-off niya dapat ngayon, tama?"





          “Yeah."





          “May autopsy report na ba kayo?" tanong naman niya sa dalawang pulis.





          “Umm, Mr. Schoneberg, h-hindi pa po namin naiuuwi ang bangkay kaya hindi pa kami makakapagbigay ng autopsy report," pagpapaalala ni Gerard. “at hindi po kami ang nagbibigay ng autopsy report."





          “Pero may kaunting findings po ako," pagsalo ni Christian. “Tumatanggap po ba kayo ng immature findings?"





          “As long as malapit sa katotohanan ang findings mo," nagmamadaling sagot ni Sir Simon.





          “Okay. Okay. So base po sa mga marka sa kamay at paa niya, masasabi ko pong ginapos siya habang sinasaksak ng salarin. Iyung mga laman ng bag niya, hindi kompleto, wala rin po kaming nakita na pera sa mga bulsa o wallet niya. Iyung estimate na bilang po ng saksak sa katawan niya ay, mga bandang trenta. Ang tinitingnan po naming agulo ay pagnanakaw."





          “Mali ka. May galit sa kaniya ang salarin," sabat ni Gerard.





          Napatingin kaming lahat kay Gerard. Nagulat naman siya nang tumingin kaming lahat.





          “Teka, sarili ko lang pong opinyon iyun. Mga pulis kayo na nakapagtapos na kaya alam niyo iyan. Pasensya na sa pagsabat," paghingi niya ng dispensa.





          “Pero may point iyung sinabi mo," sabi naman ni Geoffrey. “Napaka-unusual na trenta iyung saksak na natamo niya, para lang magnakaw."





          Tiningnan ni Sir Simon ang bangkay. “Binibilang ko mula rito ang mga possible na stab wounds niya. Hindi ko mahanap ang sinasabi mong trenta."





          “Well, iyun po iyung estimate na bilang ko. Hindi pa po iyun eksakto. At iyung ilang stab wounds na natamo niya, nag-o-overlap. Kaya iyung isa na nabibilang ninyo, baka may lima o anim na nakapatong," paliwanag pa ni Christian.





          “Then may galit talaga sa kaniya ang gumawa nito. Baka ang pagnanakaw ng salarin sa pera niya ay panloloko lang para isipin natin na pagnanakaw ang motibo," wika ni Geoffrey.





          “Edmund, may naiisip ka bang pwedeng gumawa sa kaniya nito? May mga kagalit ba siya sa mansyon?" tanong ni Sir Simon.





          “Wala po," iling ko. “Wala po tayong mga kasambahay na mahirap pakisamahan. Marahil ay iba-iba ang mga ugali nila, pero harmonious sila kapag magkasama."





          Humarap si Sir Simon sa mga pulis. “Anyway, you have my go signal to investigate on my mansion. Feel free to ask all of my employee, kahit na kami ni Edmund. Gusto kong malaman kung sino ang gumawa nito, at dapat ay mananagot siya sa batas. Napakabait pa namang tao ni Leon." Nag-antanda siya at nag-alay ng kaunting dasal sa bangkay. “May kaso din ng pagpatay sa isa sa mga estudyante ko. Kayo ba ang humahawak ng kaso na iyun?" tanong niya sa mga pulis.





          “H-Hindi po. Sila Luke po ang may hawak," sagot ni Geoffrey.





          “Umuusad ba ang imbestigasyon?"





          Mapait ang ekspresyon na pinapakita ni Geoffrey. “Hindi po gaanong umuusad ang kaso lalo na't wala pong mga lumulutang na testigo."





          “Typical." Mabilis na tumalikod si Sir Simon at humarap sa akin. “Edmund, ikaw na ang magbigay ng balita sa mga kamag-anak niya. May meeting pa ako sa ilang mga investors. Pakisabi din sa kanila na kung may pangangailangan ang pamilya nila sa ilang mga bagay, I will be glad to help them."





          Pagkatapos magbigay ng ilang direksyon, umalis na si Sir Simon nang naabot nito ang sasakyan. Nang ibinaling ko ang tingin sa bangkay, nasa malapit na si Gerard. Itinaas naman niya ang kamay at kunyaring sinasaksak ito ng dahan-dahan, ng dahan-dahan, hanggang sa pabilis ito ng pabilis.





          “Anong ginagawa mo?" tanong ni Christian sa kaniya na nakatingin ng seryoso. “Hindi ba, ikaw iyung suspek sa pananaksak dito?" Tinuro niya ako.





          “Christian, hindi ba't si Edmund na rin ang nagsabi na hindi siya," pagtatama ni Geoffrey.





          “Probably, pinagsasaksak niya ang biktima ng mga isang minuto at ilang segundo. Kahit patay na itong biktima, hindi pa rin niya ito tinigilan. Posibleng pumatay sa kaniya ay isang adik na gusto lang magnakaw, o hindi naman kaya ay tao na may malalim na galit sa kaniya," walang prenong paliwanag ni Gerard.





          Hindi kami makapagsalita sa paliwanag niya. Alam niya iyun?





          “So ano ang ibig sabihin ng isang saksak lang sa bandang puso?" seryosong tanong ni Geoffrey.





          “Eksperto na mamamatay-tao na iyun. Gaya nung nangyari kay Edmund, 'di ba?"





          “Pero hindi naman ako namatay," dagdag ko.





          “Sir, may testigo po kaming nahanap," sabi ng isang pulis na pumasok sa eksena. “Kaya lang, medyo unreliable."





          “Bakit naman?" tanong ni Christian.





          “Kasi po, baliw," nag-aalangang sagot nito habang pinapaikot ang isang daliri sa tenga.





          “Tch! Tao nga, kahit hindi baliw, unreliable din na testigo," bulong ni Gerard sa sarili, pero narinig naming lahat ang sinabi niya.





          “Salamat. Kakausapin ko," wika ni Christian.





          Kasama si Geoffrey ay umalis na kami sa crime scene. Sumunod naman kami sa kanila doon sa testigo, pero dumistansya na kami. Gusgusin ang testigong ito at walang dudang, baliw. Lalaki siya at medyo mas matanda na sa amin ng konti. Pero ang nakapagtataka, hindi ganoon kahaba ang buhok o kahit ang buhok nito sa ibang parte ng katawan niya. Ginugupitan kaya ng baliw ang sarili niya?





          Itinanong agad ni Christian sa baliw ang ilang mga detalye kung nandito ba siya nang nangyari ang krimen at kung ano ang nasaksihan niya.





          “Oo. Nandito ako nang pinagpapapatay iyung lalaki," sagot ng baliw. “Gumagala kami dito ni Pedro at Juan sa lugar na ito nang nakita namin iyung lalaki. Galit, nagsisisigaw, tinatanong pa nga iyung lalaki kung sino ang mga kasama niya."





          “Si Pedro at Juan? May iba pa pong testigo maliban sa inyo?" naitanong ni Geoffrey.





          “Oo naman. Nandito sila, katabi ko," paliwanag ng baliw habang tinitingnan ang mga katabi na wala naman.





          Nadismaya si Christian. Mukhang imaginary friends ang kaibigan nung baliw.





          “Yeah. Nakikita po namin si Pedro at si Juan. Si Pedro po ba iyung matangkad?" Tinuro ni Gerard ang sa kaliwa ng baliw.





          Gulat na napatingin ang lahat kay Gerard.





          “Hindi. Ito si Pedro," turo ng matanda sa kanan niya.





          “Okay. Hi Pedro, hi Juan," bati niya sa mga taong wala naman. “Sakyan niyo na lang. Huwag ninyong iparamdam sa tao na-" baliw siya, walang boses na dugtong niya.





          “Napaka-suspicious ng boyfriend mo," komento ni Geoffrey sa akin. Humarap ito sa baliw. “So, maliban doon, may mga nakita po ba kayong kakaiba sa lugar? Gaya po ng, may kasama ba siya, may dalang sasakyan ba iyung tao, namumukhaan niyo ba iyung killer?"





          Sandaling natahimik ang matanda. Tumingin ito sa magkabilang-gilid niya at mukhang kinokunsulta ang kaniyang mga imaginary friends. “Baliw ka ba? Napakadilim at halos wala kang makikita sa lugar na ito. Nakatabon pa nga iyung buwan habang pinapatay iyung tao," sagot ng baliw. Tumingin ulit ito sa kaniyang gilid. “Anong sabi mo? Hindi ako baliw. Ikaw nga itong lumapit sa baliw na mamamatay-tao. Paano kung patayin ka kapag nakita ka? Akala mo ba, tutulungan ka namin ni Juan?"





          Natawa kami sa sagot ng baliw. Sinabihan ba namang baliw si Geoffrey.





          “This is useless," sabi ni Geoffrey sa sarili.





          “Ano? Nakita mo ang plate number?" biglang nasabi ng baliw sa sarili.





          Nabuhayan bigla si Geoffrey. “Plate number? Tanungin mo nga iyung kaibigan mo kung ano iyung plate number ng sasakyan?"





          Muling kinonsulta ng baliw ang kaniyang imaginary friends. Sang-ayon lang siya ng sang-ayon at ilang usapan ang nakalipas ay handa na niya ibigay ang plate number nang...





          “Ang plate number ng sasakyan ay letter G-"





          “Bang!"





          Napayuko kaming lahat dahil sa tunog ng baril na narinig namin. Nagsisisigaw naman ang matandang baliw at nakakabingi ito.





          “Hoy, ano ba iyun?" sigaw ni Geoffrey sa mga kasamahan niyang pulis.





          “Pasensya na. Nadulas iyung kamay ko sa gatilyo," paghingi ng paumanhin ng isang pulis.





          “Geoffrey, iyung baliw?" turo ni Christian.





          Nilingon namin ang baliw. Tumakbo pala ito palayo sa amin. Medyo nakakalayo na.





          Huminto ang baliw at humarap sa amin. “Hindi ako baliw!" sigaw pa nito bago tumakbo ulit papalayo.





          Tumakbo na papunta sa baliw si Christian.





          “Huwag mo ng habulin!" sigaw ni Geoffrey. “Hindi natin kailangan iyung baliw!"





          Huminto naman si Christian at lumingon sa amin.





          “Balik dito!" pautos na sabi pa ni Geoffrey.





          Sumunod naman ang pulis at bumalik sa pwesto niya. Napakamot naman ang dalawa sa ulo. Napansin ko naman ang tingin nila Gerard at Geoffrey sa pulis na nagpaputok ng baril kanina. Ang pangalan ng pulis ayon sa nametag niya ay Matteo.





          Bumalik na kami ni Gerard sa lugar na iyun. Pagkakuha ng mga pulis sa bangkay ni Leon ay umalis na rin ang mga ito sa lugar.





          “Sigurado akong bata nung suspek iyung Matteo na iyun," pag-akusa agad ni Gerard.





          “Talaga? Paano mo nalaman?" tanong ko habang nagmamaneho.





          “Bago natin narinig ang putok ng baril, nakita na ito nung baliw. Nakita mo ba ang reaksyon niya habang sinasabi ang plate number ng sasakyan? Bahagyang nanlaki ang mata niya pahiwatig na nakita niyang babaril talaga iyung pulis na iyun. Since nakatalikod tayo sa pulis na iyun, hindi natin iyun makikita. At isa pa, busy iyung ibang pulis na nasa lugar, maliban sa kaniya. Kaya kung magpaputok siya ng baril na sadya, walang makakakita sa kaniya. Sasabihin na lang niya na nadulas ang kamay niya sa gatilyo, which is a lame excuse."





          “So may nalalaman ba talaga ang baliw na iyun? Nakita niya nga ba talaga ang plate number ng sasakyan sa dilim ng lugar na iyun? At isa pa, iyung imaginary friend pa niya ang nakakita."





          “Hindi natin masasabi. Pero ang isang bagay na sigurado, ang baliw na iyun ang susi sa kaso na ito ngayon. Wala namang ibang testigo bukod sa kaniya. Ang tanong lang ngayon ay kakagat kaya iyung magsyotang pulis na iyun?"





          Nagulat ako. “M-Magsyota sila?"





          “Oo. Kung makasunod nga iyung Christian sa utos ni Geoffrey, parang mas mataas ang tingin niya dito. Parehas naman sila ng ranggo. At kung hindi iyun magsyota, magiging persistent iyung isa na habulin iyung baliw. Kahit na pinapatigil pa siya nito."





          “Ang dami mo namang alam."





          “Matatanda na tayo, Edmund. Ilang taon ka na nga ulit?"





          “Pero, reliable ba iyung mga sinasabi ng baliw? Gaya nung sinabi niya kanina na nakita niya ang plate number nung sasakyan? Pati ba iyung si Juan at Pedro ba iyun?"





          Malalim siyang nag-isip. “M-Medyo. At may sarili akong eksplenasyon diyan. Katulad nang, si Pedro at Juan. Iyung dalawang katauhan na kinakausap niya ay baka mga subconscious niya. Pero hallucunation in form para sa kaniya."





          “So iyung sinasabi nung mga imaginary friends niya, sa kaniya galing iyun?"





          “Oo. Sariling knowledge niya iyun. Pero dahil baliw siya, hindi niya alam iyun. Kaya kung reliable ba o hindi reliable ang sinasabi ng baliw na iyun, it remains to be heard. May chances din na baka pati iyung sasakyan na nakita niya ay ilusyon. O baka ang pagiging testigo niya ng pagpatay ay ilusyon din."





          “So iyung sinasabi niya na nagsisisigaw ang pumatay sa kaibigan ko, baka ilusyon din niya?"





          Bumuntong-hininga si Gerard. “Kahit na may tama ako sa sinabi niya, baka ilusyon niya din. Oo nga pala. Condolence."





          Nalungkot na naman ako matapos maibalik ang totoong nangyari ngayong araw na ito. “Salamat."





Joseph's POV





          Kasalukuyang nasa hapag-kainan kami ng mga kabanda ko kasama ang mga kahati nila sa buhay, maliban kay Ethan na wala daw. Nagluto na naman kasi si Mama ng pansit para sa mga nagugutom pa naming bisita. Alas-diyes na ng umaga ang oras.





          “Tita, salamat po sa pagkain. Salamat din po sa mga tent para magpahinga ng konti," wika ni Aldred na kakatapos lang kumain.





          “Walang anuman," sabi ni Mama. “Kain pa kayo kung gusto niyo pang kumain."





          “Ay! Tita, hindi ko na po kaya. Masyado na atang marami ang kinain ko ngayon," pagtanggi ni Ethan. “May sobra pa po ba kayong pagkain? Pwede pong magpabalot para sa kaibigan ko?"





          “Oo naman, oo naman. Sandali lang at ipagbabalot kita."





          “Teka, tulog pa ba si Ren?" tanong ni Jonas sa akin.





          “Oo, tulog pa," sagot ko. “Anong oras na iyun natulog. Matagal pa naman iyun matulog."





          “Nandoon din ba sa taas si Allan?" pilyong tanong ni Shrek habang sinusubuan ni Daryll.





          “Hindi pwede iyun. Umuwi sila nang inakyat ni Allan si Ren." Kumuha ako ng ilang hibla ng pansit na kinakain namin.





          Lumingon-lingon si Jonas. “Then, naisip mo na ba ang isasagot mo kapag tinanong niya kung bakit magkalapit ang edad ninyo?"





          “Huh? Oo nga ano. Matalino si Ren kaya, malayong hindi niya itanong iyun," nag-aalalang wika ni Blue.





          “O baka, matagal na niyang alam?" sabi naman ni Nicko. “Geo, may nababanggit na bang kakaiba sa'yo si Ren?"





          “Wala pa naman," iling ni Geo. “Maliban lang sa sinasabi niya na mahal na mahal niya ang Kuya Joseph niya. Kakaiba talaga iyun."





          “Oo nga ano. Bakit ganoon ang ginawa ni Papa? Alam naman niyang magkalapit ang edad ni Ren at ni Joseph, tapos gagawin pa silang magkapatid?" naitanong ni Daryll.





          “Baka dahil mukhang reliable na kapatid si Joseph?" hula ni Erika. “At tsaka, hindi naman malalaman ni Ren kung magkalapit ang edad ninyo. Unless, sinabi mo sa kaniya kung ilang taon ka na."





          “Wala siyang tinatanong na ganoon," sagot ko. “Teka, mukha ba talaga akong reliable na kapatid?"





          “Hindi kaya," pagsalungat ni Shrek. “Bagay ka kayang tawagin na, Daddy," malanding dagdag pa niya.





          “Daryll?" tawag ko sa pagong niyang boyfriend.





          Wala naman itong ginawa at ngumisi na lang.





          “Ay! Daryll, ikaw lang ang Daddy ko."





          “Oo, alam ko iyun," tango ni Pagong sabay subo pa ng pansit kay Shrek.





          “Tingnan mo itong si Daryll. Mukhang gusto din magkaroon ng kapatid," sabi ni Mama habang binibigay kay Ethan ang pinapabalot niya.





          “Oo nga pala, Mama. Kailan po lalabas iyung baby sa tiyan ninyo? Ang tagal-tagal na niyan. Mga ilang taon na rin? Baka naman malaki na iyang kapatid ko kapag lumabas?" asar ko dito.





          Agad na lumapit si Mama sa akin at marahan akong hinampas.





          “Aray ko!"





          “Ikaw talaga! Puro ka biro."





          “Sorry naman. Joke lang iyun, Mama. I love you." Agad akong sumubo ng isang pansit. “Ang sarap po ng pansit niyo, Mama. The best! Parte niyo po ba ang mga sahog na karne dito?"





          “Ito talaga si Joseph, ang sama-sama ng ugali. Tigilan mo na nga iyan! Mama mo iyan, huy!" saway ni Franz.





          “Ay! Gusto mo pa ba niyan anak?" tanong ni Mama. Kumuha ng maraming pansit si Mama tsaka nilagay niya ang lahat sa plato ko. “Kumuha ka pa para tumaba ka."





          “Mama, huwag naman," protesta ko.





          “Ubusin mo iyan. Hindi kita patatayuin diyan hangga't hindi mo nauubos iyan," banta ni Mama.





          Sinimulan ko na agad ang pag-ubos sa pansit ni Mama.





          “Tita, mahirap po bang alagaan si Ren?" naitanong ni Erika.





          “Nako! Ito naman si Erika. Hindi naman mahirap alagaan si Ren," sagot ni Mama. “Sa totoo nga lang, siya ang pinakamadaling alagaan ko, pangalawa dito kay Joseph."





          “Huh? Pangalawa ako?" protesta ko na naman. “Ako ang tunay na anak ahh? Napaka-unfair naman ni Mama."





          “Maisip ko lang iyun Tita, gusto kong mag-agree sa sinabi mo," pagsang-ayon ni Erika.





          Natawa naman ng palihim ang iba. Mukhang sumasang-ayon din sila sa sinasabi ni Mama.





          Nagpatuloy na ako sa pagkain habang sinasamaan sila ng tingin.





          “Napakaswerte naman ng mga magulang ni Ren. Siya nga pala, ano ang nangyari sa mga magulang niya? Bakit naiwan siya sa napakalaking bahay na 'to?" tanong ni Mama.





          Tumingin naman ang lahat kay Daryll.





          “Walang sinabi sa akin ni Papa," sagot ni Daryll. “Basta, isang araw, ipinasok niya sa bahay si Ren na walang malay."





          “Gaya nung nangyari sa bahay nung pasko?" tanong ni Franz.





          “Ganoon lang. Inisip ko nga, baka anak siya ni Papa sa ibang babae. Pero itinanggi ni Mama na bastardo si Ren. Mukhang kilala pa ata ni Mama kung sino ang mga magulang ni Ren. Kaya lang, hindi niya sinasabi sa akin."





          “Iyung kapatid ni Ren. Si Larson ba iyun? Bakit hindi kayo magtanong sa kaniya?" suhestyon ni Paul.





          Tumunog ang phone ni Franz. “Wait guys, tumatawag si Ate. Sagutin ko lang." Inilagay niya ang phone sa tenga habang naglalakad palabas. “Hello, Ate?"





          Bumuntong-hininga si Jonas. “Hindi ba't common sense na iyun? Mag-isa lang dito si Ren sa bahay, hiwalay siya sa kapatid niyang si Larson, ewan! Patay na sila? Kasi kung sasabihin ninyong pina-ampon si Ren sa mga Schoneberg, hindi ba dapat ay Schoneberg din ang apelyido niya? Imposible din naman na isang masamang tao si Mr. Schoneberg at ninakaw niya si Ren mula sa mga tunay na magulang niya si Ren."





          Kita kong nag-iba ang timpla ng mukha ni Mama. “Bakit Mama? May problema ba?"





          “Umm, kasi, paano kung dumating ang araw na bumalik na ng tuluyan ang mga alaala ni Ren? Paano kung malaman niyang hindi talaga ako ang tunay niyang Mama?" naitanong ni Mama sa sarili.





          Tumikhim si Erika. “Nako! Makakayanan niya iyan. Sobra-sobra na nga po kayo sa buhay niya. Mag-expect na lang po kayo na laging may bumibisita sa bahay ninyo maliban sa akin."





          “Alam niyo," singit ni Blue. “habang nag-uusap tayong lahat tungkol kay Ren, na-appreciate ko bigla ang mga magulang ko. Nagpapasalamat ako sa itaas na kahit papaano, andyan pa rin sila. Kasi iyung iba, kung walang Papa, parehas namang wala. Tapos iyung ibang mga tao, buhay nga ang mga magulang nila pero, hindi ina-appreciate."





          Napatingin ako ng masama kay Blue bigla.





          Agad na hinarang ni Red ang mata ni Blue. “Joseph, hindi ikaw iyun. Kung makapag-react ka naman."





          Natawa si Erika. “Paano, totoo."





          “Nako, tigilan niyo na iyan. Alam niyo naman na kahit ano ang mangyari, mahal ko pa rin ang asungot na 'to!" Pinisil-pisil pa ni Mama ang pisngi ko.





          Bumalik naman si Shrek na mukhang may mabigat na dinadala. “Umm, guys, natatandaan niyo ba iyung nagsusuot ng Lion costume kagabi sa party?"





          “S-Si Leon? Bakit? Ano ang tungkol doon? Type mo?" kaswal na tanong ni Erika. Sumubo pa si Erika ng ilang hibla pa ng pansit.





          Tiningnan muna kaming lahat ni Franz bago siya magsalita. “Natagpuan ang katawan niya malapit doon sa kweba nung ano, mga ninuno daw natin. Patay na siya."





          Natigil si Erika sa pagkain. “Oh, God!" Nag-antanda siya.





          Bumigat ang atmosphere sa paligid. Ilang saglit ay napa-antanda si Mama sa narinig.





Larson's POV





          Dumating na ako sa shop. Bago makapasok ay sinalubong ako ni Alexis.





          “Larson, nandito ka na pala," salubong niya sa akin.





          “Bakit? Anong meron? Siya nga pala, mamaya pa pupunta si Allan."





          “Ahh! Alam ko na iyun. Si ano kasi, si Manong. Bumalik na. Nasa likod. Mukhang takot na takot."





          “Ganoon ba?" Napatingin ako sa ibang daanan papunta sa likod ng shop. “Oh sige. Pumasok ka na."





          Nang pumasok na si Alexis sa shop, pumasok naman ako sa ibang daanan para pumunta sa likuran ng shop. Nadatnan ko naman na may tao sa paliguan, ko. Yeah, may paliguan sa likuran ng shop.





          Hindi naman naka-lock ang paliguan kaya dahan-dahan na binuksan ko ito. Nang nakita ko kung sino iyung tao sa likod, malakas na tinulak ko ang pintuan at kunyari'y nagulat ako sa nakita ko.





          “Wah!"





          “Wah!" sigaw din ni Manong sa paliguan. Ilang segundo ang nakalipas ay napagtanto ni Manong na ako lang pala ang taong nanggulat sa kaniya. “Larson, ikaw lang pala iyan! Ginulat mo kaming lahat!"





          Sinarado ko ulit ang pintuan. “Mang Luke, bumalik ka na naman. At mabuti, alam mo pa rin kung paano gumamit ng paliguan."





          “Hindi ko alam kung paano gumagana ang paliguan mo. Mabuti na lang at alam ni Juan at Pedro kung paano gamitin ito," tugon niya.





          Dumako ako sa mga maduduming damit ni Mang Luke. “Mabuti naman at marunong pa rin sila. Sandali lang at kunin ko iyung pamalit niyo. Huwag po kayong tatakas ulit."





          Pumasok ako sa shop. Bago pumunta sa pangalawang palapag kung saan ang mga damit ni Mang Luke, inutusan ko ang isa sa mga bantay ng shop na bumili na muna ng pagkain sa labas. Dalawa na pala ang bantay namin sa shop kada shift.





          Pagkakuha ko sa mga damit ni Mang Luke ay bumalik na ako sa paliguan. Naririnig ko pa rin ang agos ng shower mula sa loob.





          “Masarap bang maligo, Mang Luke?" tanong ko.





          “Oo! Ang sarap!" sigaw niya. Okay, hindi siya umalis.





          Kumuha naman ako ng basahan saka ng lamesa dito sa likod. Pinunasan ko ang lamesa na medyo natatabunan na ng alikabok. Hindi na ito kaya ng pamunas.





          Imbes na punasan, agad akong naghalo ng sabon at tubig. Tsaka binuhos ito sa lamesa para luminis agad. Binuhusan ko ulit ito ng tubig tsaka pinunasan ng tuyong basahan pagkatapos. Ayos! Wala ng problema.





          Ilang segundo ang nakalipas, natapos na ring maligo si Mang Luke. Sakto naman na dumating na iyung inutusan kong bumili ng pagkain. Habang nagbibihis siya ay hinanda ko na ang lamesa at naglagay ng apat na upuan sa palibot nito. Naglagay din ako ng apat na plato sa mesa. Nang nakapagbihis na siya ay niyaya ko na siya sa pagkain.





          “Mang Luke, kain na muna kayo," yaya ko. “Baka balak niyo pong umalis agad, na naman."





          “Ahh! Sige, sige. Salamat Larson." Tumingin ulit ito sa mga katabi niya na wala naman. “Juan, Pedro, maupo na kayo."





          Napangiti na lang ako matapos banggitin niya ulit ang pangalan ng kaniyang mga kapatid, na wala naman. Kahit na wala naman talaga ang kaniyang kapatid, dahil matagal na silang patay, inilalayo niya ang mga upuan sa lamesa.





          Si Mang Luke ay matagal ng mag-isa sa buhay. Ilang taon ang nakalipas, bago pa kami napadpad ng pamilya ni Allan dito sa Rizal, namatay ang buong pamilya ni Mang Luke dahil sa, sangkot din ang pamilya nila sa mga masasamang gawain gaya ng pamilya na kilala natin. Ang pamilya Villaflores. Mayaman na mayaman dati si Mang Luke hanggang sa, nagkaroon ng trayduran, at patayan, ganoon. Ganoon talaga kapag nakikipaglaro ka ng apoy.





          Ilang buwan ang nakalipas, matapos maitayo ang computer shop, natagpuan namin siya ni Mama sa harapan ng shop na natutulog. Imbes palayasin ang kawawang matanda, inuwi namin siya ni Mama sa bahay. Kaya lang, dahil sa sapak ng utak niya, sabi daw kasi ng mga kapatid niya, magiging delikado na doon siya tumira kaya umalis siya. Ilang buwan naman naming pinilit si Mang Luke na umuwi sa bahay namin, pero, wala talaga. Gusto talaga niya na sa labas. Kaya hinayaan na namin siya ni Mama. Pero kapag pumunta dito sa shop si Mang Luke at may kailangan, binibigay namin. Swerte nga lang na walang sinasabing masama iyung mga imaginary na kapatid niya.





          “Ano, Mang Luke? Kumusta ka na? Ano ng balita sa'yo?" sunod-sunod na tanong ko.





          Tumingin-tingin sa paligid si Mang Luke. “Hinahanap ako ng mga parak. Balak akong patayin," sagot niya sa mahinang boses.





          “Parak? B-Bakit?"





          Umayos ng upo si Mang Luke. “Kagabi kasi, habang gumagala ako doon sa malapit sa kweba, may lalaki. Pinagtatataga niya iyung isang lalaki habang nagsisisigaw. Mukhang galit na galit." Tumingin siya sa gilid na tila kinakausap ng mga imaginary niyang kapatid. “Oo, oo. Tapos itong si Juan, nakita iyung plate number ng sasakyan." Nako! Napakabigat nito! Naging saksi pala si Mang Luke sa isang murder scene.





          “At ano po iyung plate number?" tanong ko.





          Sa tanong kong iyun, nag-iba ang timpla ng mukha ni Mang Luke. Muli siyang tumingin sa gilid niya.





          “Nako, Larson! Pasensya na." Lumapit si Mang Luke sa tenga ko. “Ayaw ipasabi ni Juan. Mamaya, kapag sinabi ko ang plate number, biglang may magpaputok ng baril at patayin ako at baka madamay ka pa." Lumayo na siya at umupo ulit ng maayos. “Ayokong mangyari iyun sa'yo. Iyung nangyari sa akin," Tinuro-turo niya pa ang kanyang imaginary na mga kapatid. “namin, ayokong maranasan mo iyun."





          “Huwag kayong mag-alala Mang Luke. Safe na safe kayo dito sa balwarte," tinuro ko ang sahig. “natin. Tsaka, konti lang naman ang taong nakakaalam na may koneksyon kayo dito sa shop."





          “Iyan din ang nangyari sa amin noon."





          Tiningnan ko siya ng walang kabilib-bilib. “Pinapasok po ninyo ang mga kaaway ninyo sa mansyon ninyo."





          Sasagot pa sana si Mang Luke. Pero hindi na niya nagawa nang wala na siyang maibalik. Totoo naman. Alam ko kaya iyung totoong nangyari kay Mang Luke dahil kiniwento niya, kahit na baka hindi totoo dahil medyo nababaliw siya.





          “Sige na Mang Luke," pagpipilit ko. “kapag sinabi niyo sa akin, pwede akong gumawa ng kwento para paniwalaan ng mga pulis ang testimonya ko. Hindi po kayo mapapahamak dahil ako ang nagsabi."





          “Pero ikaw naman ang mapapahamak," concerned na wika niya.





          “Lahat naman tayo Mang Luke. Ikaw, kailan mo sasabihin iyan? Kapag naibaon ka na sa hukay? Kawawa naman iyung pamilya nung namatayan. Hindi nila makukuha ang hustisya para sa anak nila," pangungonsensiya ko pa. Kasi kapag hindi ko ginawa ito, hindi talaga niya sasabihin.





          Ilang segundo ang lumipas, nagkaroon na si Mang Luke ng agam-agam sa ginagawa niya. Humugot siya ng malalim na hininga.





          “Sige na nga. Sasabihin ko na," natalong wika niya. “Ito kasing si Pedro, magaling makipagtalo kay Juan." Baka ako ang magaling makipagtalo.





          “Ang plate number nung sasakyan ay G-"





          “Boom!"





          Kapwa nagulat kaming dalawa ni Mang Luke nang may narinig kaming isang malakas na pagsabog. Kaagad na pumasok si Mang Luke sa banyo at nagsisisigaw!





          “Sinasabi ko na nga ba! Sinasabi ko na nga ba!" sigaw niya. “May masama talagang nangyayari kapag sinasabi ko iyung pesteng plate number na iyun!" Ay! Sayang! Ano kaya ang pagsabog na iyun?





          “Mang Luke, diyan lang po kayo. Titingnan ko po kung ano ang nangyari," sabi ko.





          “Hinding-hindi na talaga ako lalabas dito!" tugon niya.





          Pumasok na ako sa shop at nadatnan na may crack sa malinaw na salamin namin. Natatabunan man ito nang mga taong umuusisa sa nangyari sa labas, hindi pa rin ito nakatakas sa mata ko.





          “Ano'ng nangyari?" tanong ko sa bantay, at sa lahat ng mga taong nakakarinig sa akin kung meron.





          “May sumabog na tanke sa kabilang kalsada, boss. Doon sa karenderya," sagot sa akin nung bantay.





          Napailing na lang ako sa nangyari. Bumalik ako sa likuran. Mukhang hindi pa rin umaalis si Mang Luke dahil nandyan pa iyung tsinelas niya. Kaya lang, dahil sa nangyaring pagsabog na wala naman talagang kinalaman sa kaso ni Mang Luke, mukhang mahihirapan na akong malaman kung ano ang plate number nung sasakyan na pumatay daw sa isa sa mga tauhan ng pamilya Schoneberg.





          Makalipas ang ilang oras, magpapalit na ng bantay. At dahil sa ako ang may-ari, ako na mismo ang nagkuwenta ng pera sa kaha.





          Habang nagkikwenta ay tumunog ang phone sa gilid ko na agad ko namang sinagot.





          “Hello?"





          “L-Larson," nag-aalalang boses ni Mama. “mabuti naman at ikaw agad ang sumagot. Tamang-tama at ikaw ang hinahanap ko. Kumusta diyan? Kumusta si Mang Luke, ang shop? Nabalitaan kong may sumabog na gasul sa kabilang kalsada."





          “Ayos lang naman po si Mang Luke. Ang shop," Napatingin ako sa nabasag na salamin at umiling. “may natamaang debri sa salamin kaya may crack. Pinapaayos ko na agad."





          “Nako! Ang sarap pa naman magluto ng pagkain iyung may-ari nung karinderya. Namatay pa," nanghihinayang na sabi ni Mama.





          “Siya nga pala Mama, may problema pala si Mang Luke ngayon. Natatandaan niyo po ba iyung balita na namatay malapit doon sa kweba, siya iyung pinakamalapit na testigo."





          “N-Nako!"





          “Noong humarap siya ng mga pulis, nang magsasalita siya, may nagpaputok ng baril sa grupo ng pulis. Ngayon naman dito, iyun nga, sasabihin niya sa akin iyung plate number, sumabog naman iyung kabila."





          “Aray! Mapamahiin pa naman si Mang Luke. Siguradong hinding-hindi na iyan magsasalita. Ikaw ba, gusto mong malaman kung ano ang nalalaman ni Mang Luke?"





          Humugot ako ng malalim na hininga. “Mama, may pinatay. Tapos tauhan pa ng mga Schoneberg. Sooner or later, madadamay tayo dahil napakadami nating koneksyon sa pamilyang iyun. Tapos-"





          Habang nagsasalita, nakarinig ako ng violin sa background ni Mama.





          “Mama, kaya ba kayo nakikipagkita sa, nagde-date na po ba kayo?" pag-iba ko sa usapan matapos may bumulong sa isip ko na posibleng ginagawa niya.





          “Huh? H-Hindi," pagtanggi niya.





          “Hindi nga? Nahuli ko po ngayong nakikipag-usap sa kaniya kagabi. Iba na po iyun kapag ganoon." Binulsa ko na ang mga papel at nag-iwan ng barya sa kaha.





          “Larson, nag-uusap lang kami tungkol sa mga posibleng ways para lumago ang business namin," depensa ni Mama.





          “Parang business din ang pag-ibig. Kailangan mong paglaanan ng kapital at panahon para lumago."





          Hindi sumagot si Mama ng mga ilang segundo.





          “Kaya lang Larson, hindi ba't masyado na akong matanda para dito? Over 40 na ako at, may asim pa ba ako?"





          Tinipa-tipa ko ang computer para i-update ang client namin sa computer. “Mama, life begins at 40. At huwag niyo ng isipin kung may asim pa po kayo. Ang problema nga lang ay-" Napakagat ako sa labi matapos sumagi sa aking isipan ang isang bagay na ayaw ko.





          “Kaya lang ay?"





          “Hindi ba siya homophobic o kung ano?"





          Muli, hindi na naman nakasagot si Mama. So oo ba o hindi ang sagot ni Mama? Well, hindi ko alam.





          “I have to go. Dadaanan ko diyan si Mang Luke pag-uwi ko. Ingat kayo palagi ni Allan," paalam ni Mama.





          “Kayo din po, Mama. Be safe palagi."





          Ibinaba na ni Mama ang kaniyang phone. Nang natapos na ako sa ginagawa ko sa shop, isang maliwanag na ilaw ang aking nakita sa labas. Kasunod nito ay isang malakas na kulog. Mukhang uulan ng malakas mamaya.





Joseph's POV





          Habang naghuhugas sa kusina, kitang-kita ng aking mata ang unang patak ng tubig na bumagsak sa labas. Kasunod nito ay mas marami pa ang bumagsak. Napakalakas naman ata ng ulan.





          “Ahh, ang sarap Ren!" ungol ni Mama.





          “Mama!" sigaw ko.





          Clarification, minamasahe ni Ren ang paa ni Mama. Kaya ganoon makaungol si Mama dahil siguro masarap. Kaninang umaga ay nabasa ni Ren ang ilang mga paraan kung paano magmasahe. At mukhang natutunan niya agad.





          Nang natapos na ako maghugas ay tumungo na ako sa sala. Mukhang natapos na si Ren sa pagmamasahe.





          “Kuya Joseph, ikaw naman," yaya ni Ren.





          “Pass!"





          “Ay, Joseph! Sige na. Pagbigyan mo na ang kapatid mo," pamimilit ni Mama. “Ang sarap kaya niya magmasahe." Mama, alam mo naman na hindi ko siya tunay na kapatid.





          Tiningnan ko ang mata ni Ren. Mukhang masayang-masaya siya na mai-apply sa lahat ng tao ang mga natutunan niya.





          Nang umupo na ako tumayo naman si Mama at humikab.





          “Inaantok na ako. Akyat na ako. Una na ako sa inyo matulog," paalam ni Mama saka naglakad papuntang second floor. “Salamat sa masahe mo Ren."





          “Sweet dreams, Mama," sabay naming sabi ni Ren.





          Umupo si Ren sa harapan ng paa ko at sinimulan na niya itong masahiin. Inabot ko naman ang remote na nasa sofa at binuksan ang TV.





          “Ahh!" react ko nang medyo sumasakit ang paa, pero hindi naman ganoon kasakit. Magandang senyales ba iyun kapag nasasaktan ako?





          “... at iyan po ang ulat ng panahon bukas. Balik sa inyo Aimee!"





          “At iyan po ang lahat ng mga maiinit na balita sa araw na ito, August 1, sa araw na ito nawala ang unang anak ng mga Harris na si Steven Harris. At kahit ilang taon na ang nakalipas, patuloy pa rin hinahanap ng mga Harris ang kanilang nawawalang anak. Hindi naman nawawalan ng pag-asa si Miss Evelyn at nananatili siyang positibo na mahahanap niya ito pagdating ng ara-"





          Hindi ko na pinatapos ang sinasabi nung reporter at inilipat na ang channel. Sakto naman na napagtanto ko na tumigil si Ren sa pagmamasahe. Nang tiningnan ko siya, nahuli ko ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Umiwas naman siya ng tingin.





          “Ano iyun? Tapos ka na magmasahe?" tanong ko.





          Imbes magsalita siya ay tumango na lang siya pero hindi nakatingin sa akin. Halatang may gusto siyang sabihin sa akin pero ayaw niya.





          “Ilabas mo kaya iyan. Hindi makakatakas iyang ganyang tingin mo kay Kuya," sabi ko para ma-pressure siyang magsalita. Tinanggalan ko din ng boses ng TV para mas lalo siyang magsalita. Ano gusto mo? Mamatay sa katahimikan o magsasalita ka?





          Habang nakatingin, palaging nagdadalawang-isip si Ren kung magsasalita ba siya o hindi.





          “K-Kuya, ampon ba ako?" naitanong din ni Ren sa wakas.





          Diretso ko pa rin siyang tiningnan. Ni hindi man lang ako nag-react nang sinabi niya iyun dahil ampon naman talaga siya ni Mama, o baka kami. Grabe naman. Kaninang umaga lang namin pinag-usapan ito.





          “Paano mo nasabing ampon ka?" tanong ko kahit na alam ko ang sagot.





          Tumungo si Ren habang nagsasalita. “Kasi, masyadong malapit ang edad natin. Alam mo iyun. Ikaw, mas matanda sa akin, at ilang buwan lang ang layo ng birthday natin. So noong nilabas ka ni Mama-"





          “Sa totoo nga lang, marami pang ilalabas si Mama sa tiyan niya. Pinigilan ko lang kasi noong lumabas ka, masyado ng matalino. Ako nga, masyado ng gwapo. Natakot ako baka masyado namang pangit at bobo ang lumabas," biro ko.





          Sa gitna ng seryosong usapan, napatawa ko si Ren. Sinabayan ko din siya ng tawa para hindi naman awkward.





          “Halika dito sa tabi ni Kuya," sabi ko habang tinatapik ang sofa.





          Umupo si Ren sa tabi ko. Hinawakan ko naman ang kamay niya habang medyo nakaharap sa kaniya.





          “Ren, ang totoo niyan, ako talaga ang ampon ni Mama," sinsero kong pagtatapat.





          Muli, natawa na naman si Ren sa pag-aakalang nagbibiro na naman ako. Pero diretso ko siyang tiningnan.





          Tumigil siya sa pagtawa. “Huh? Ikaw Kuya ang ampon?"





          “Oo. Mas nauna ako sa'yo kaya alam ko ang mga bagay-bagay. Nalaman ko lang din, dati pa. At for the record, pangalawang beses na nating pinag-usapan ito. At pinag-usapan na naman natin."





          “O-okay."





          Nakahinga na siya maluwag. Ako din, nakahinga ng maluwag. Mabuti at kinagat niya, na naman ang sinabi ko. Pero iyung sinabi ko, tingin niyo ba na hindi totoo iyun?





          “Kuya Joseph, baka tinanong ko na ito dati. Pero hinahanap mo pa rin ba ang mga magulang mo?" tanong ni Ren.





          Natahimik ako at nag-isip kung ano ang isasagot. Hindi niya alam pero unang beses niya lang itong naitanong, at siya ang pinakaunang nagtanong.





          “Sila ang maghahanap sa akin. After all, ako ang pinakaunang anak nila na magmamana sa mga ari-arian nila," proud kong sagot.





          Natawa si Ren sa sagot ko.





          “‘di, joke. Hindi ko alam kung hinahanap pa rin nila ako, hindi ko alam kung gusto kong manahin ang mga ari-arian nila o may mamanahin pa ako. Sa totoo lang, hanggang ngayon, wala pa akong ideya kung sino sila."





          Ngumiti si Ren. “Sana Kuya Joseph, malaman mo at makita mo ulit kung sino ang mga tunay mong mga magulang."





          “Malas nga lang nila na hindi ko na sila kailangan," walang emosyon kong sabi. “Ren, hindi ko naman sila primary requirement na mamamatay ako kapag hindi ko nakuha. Tsaka kayo ni Mama, sobrang-sobra na kayo. Alam mo ba ang isang bagay na natutunan ko sa buhay na ito? Minsan, kailangan mong makuntento sa bagay na meron ka ngayon. I-cherish mo hanggang nandyan pa. Dahil kapag nawala, hindi mo alam kung pansamantala o permanente na iyun. Saka mo na malalaman kapag dumating na ang panahon na iyun."





          Ahh! Nakapagsalita na naman ako ng malalim. Sa lalim nang sinabi ko, namangha si Ren. Kahit na halos kasinungalingan ang sinabi ko, totoo namang may experience ako sa mga bagay na, may nawala na sa akin ng pansamantala. Pero ayokong dumating ang araw na may mawawala ng permanente. Maliban lang dito kay Ren. Sana bumalik na nga ang alaala mo para mawala ka na sa buhay ko ng permanente.





          Napahikab si Ren. Kinusot-kusot na niya ang kaniyang mga mata. “Inaantok na ako Kuya Joseph."





          “Ehh di, matulog!" sarkastikong sabi ko. “Akyat ka na sa taas kung inaantok ka na. Huwag ka dito matulog sa baba."





          Tumango-tango si Ren at naglakad na paakyat ng pangalawang palapag. “Magandang gabi Kuya Joseph," paalam niya.





          Sinundan ko siya ng tingin. Nang nasiguro kong nakapasok na siya ng kwarto, kinuha ko ang phone ko para tawagan si Mr. Schoneberg. Sinagot naman agad nito ang phone.





          “Hello, Joseph. May problema ba?" kaagad na tanong ni Mr. Schoneberg.





          “Meron po. Kaya lang, kaunti lang," sagot ko. “at naayos ko na agad."





          “Huh? Anong klaseng problema?"





          Tumayo ako para maglakad papunta sa likod bahay. “Nalaman na po niya na kailangan may ilang buwan na gap sa pagitan naming dalawa at imposibleng manganak si Mama ng dalawang beses sa maliit na gap na iyun. Pero gaya po ng sinabi ko, naayos ko na," paliwanag ko.





          “Talaga? Ano naman iyun?"





          “Inamin kong ampon po ako ni Mama."





          Natahimik ng ilang segundo si Mr. Schoneberg sa sinabi ko. Sinasabi ko na nga ba. May nalalaman kaya siya?





          “Tanong ko lang po, Mr. Schoneberg? Kilala niyo po ba talaga ako?" tanong ko.





          “K-kilala ba talaga kita? Oo naman. Ikaw ang naging karibal ng anak ko, sa puso ni Franz," sagot niya.





          “Hindi po iyun ang tinutukoy ko."





          Muli na namang nanahimik si Mr. Schoneberg. Maya-maya ay may narinig akong boses na nagsalita. Boses niya. May tao siyang pinapaalis sa paningin niya. Pero hindi naman niya sinisigawan ng ‘get out of my sight'. Ano lang, alis daw muna saglit at mamaya na lang pag-usapan. Mukhang nasa kalagitnaan siya ng meeting nang tumawag ako. Mukhang wrong timing ang pagtawag ko.





          “Yes, Joseph. Kilalang-kilala kita," sagot din niya sa wakas. Sinasabi ko na nga ba!





          “So, itong pag-aalaga kay Ren, plano niyo ba?" sunod na tanong ko.





          “Plano ko, o plano ng Mama mo?" agad na balik-tanong niya. “Joseph, where you thinking that you are a pawn in my chessboard?"





          “Of course. Pero hindi pawn ang tingin ko sa sarili ko. Ako ang magiging reyna ng mga pawn na kapag nakaabot sa dulo ng board, siguradong makakain ang lahat."





          “At saan nanggaling ang hugot mong ito Joseph? Dahil ba sa anniversary ng pagkawala mo sa kanila? Bakit? Miss mo na ba sila?" matapang niyang sabi na may nang-aasar pang tono. “Good Lord, Joseph. Are you telling that I am using you for a grand plan?"





          “Hindi po ba obvious iyun? Hindi ba masyadong nakakahinala na ang isang katulad ko ay ganoon-ganoon lang nakapasok sa eskwelahan mo? Minsan nga, naiisip ko na plano mo din ang mapalapit iyung anak mo kay Franz. Dahil kapag nangyari iyun, magiging malapit ka sa akin."





          “Nakalimutan mo ata na hindi ko kayang kontrolin ang mga anak ko. At never ko silang kino-control para gawin ang gusto ko. Let me tell you this, Snow White. You alone are worth nothing to me!" madiin niyang sabi sa bawat salitang iyun.





          Napangiti ako matapos marinig ang mga salitang iyun mula kay Mr. Schoneberg. “Pero siyempre, joke lang iyun," biro ko.





          “Huh?" naguguluhang tanong niya.





          “Ang ibig kong sabihin, nagbibiro lang ako sa simula pa lang."





          “Hindi nakakatawa ang biro mo," medyo pagalit niyang tugon.





          “Alam ko. Pero mas hindi nakakatawa kapag nalaman kong may binabalak ang mga tao sa paligid ko dahil sa tunay na ako," seryosong sabi ko.





          “At kung iniisip mo na isa ka doon, huwag kang mangarap ng malaki. Pamilya ko lang ang iniisip ko. Kayong mga Harris, problemahin ninyo ang mga sarili ninyo.





          Nagulat ako nang ibinaba ni Mr. Schoneberg ang phone. Halatang naiinis siya kahit na nagbibiro lang ako sa mga sinabi ko kanina. Pero maganda na iyun. Sa ngayon, sigurado ako na magiging tahimik ang buhay ko mula sa tunay kong pamilya. Hindi magtatagal at mahahanap din nila ako.





Allan's POV





          Excited akong pumasok sa bahay ni Ren nang nadatnan ko sila sa sala. Seryoso nilang tinitingnan ang isa't isa. Napakatahimik naman nila. Nakakahiya dahil ako lang ang masigla.





          “At nandito na si Allan," wika ni Joseph. “Tandaan mo ang mga pagmumukha ng mga kaibigan mo at doon ka lang lumapit. Mahirap na kapag naulit na naman iyung nangyari sa'yo nitong bagong taon. Nakakakaba sa puso."





          Saglit na tiningnan ako ni Ren at bumalik naman ang tingin niya kay Joseph. Tumango-tango siya. Pagkatapos ay niyakap siya ng Mama ni Joseph.





          “Mag-ingat ka doon. Lagi kang magdadasal na pangalagaan ka ng Diyos. Okay?" sabi ng Mama ni Joseph kay Ren.





          “Opo Mama. Mag-iingat po ako at magdadasal," tugon ni Ren.





          Lumapit ako kay Joseph. “Anong meron?" bulong ko.





          “Si Ren at ang kanyang malayang sarili," sagot ni Joseph saka naghanda na para pumasok sa eskwelahan. “Male-late na ta'yo. Tara na!" sigaw pa niya sa labas.





          “Bye po, Mama," paalam ni Ren sa niyayakap niya.





          “Ikaw din. Mag-ingat ka," mangiyak-ngiyak na sagot ng Mama ni Joseph. Hindi ko masasabing umaarte itong Mama ni Joseph. Napaka-genuine niya.





          Nang kumalas na si Ren, tumango ako ng konti nang nagkatinginan kami ng Mama ni Joseph. Kaagad na lumabas na kami ni Ren at dinala na siya agad sa sasakyan ko.





          “Kidnapping iyan!" sigaw ni Joseph nang papasakay na siya sa kanilang sasakyan. Umiling na lang siya at sumakay na sa sasakyan.





          Nang nakapasok na kami ni Ren, kaagad na pinaandar ni Larson ang sasakyan. Napatawa naman kami ni Ren sa nangyari.





          “That's kidnapping," puna ni Alexis na nasa sasakyan din.





          “Shut up!" sabi ko.





          “Ren, hindi mo ba ginusto na sundan si Kuya Allan?" tanong ni Larson. “Pwede tayong dumaan sa istasyon ng pulis para ipakulong iyang Kuya mo."





          “Huwag naman po," magalang na sagot ni Ren.





Joseph's POV





          Nakarating na agad ako sa Schoneberg Academe. Nagulat naman ako nang nadatnan si Divine sa labas at nilalakihan ako ng mata.





          “Your car?" tanong niya.





          “Pakialam mo?" pasuplado kong balik.





          Sa likuran naman ni Divine, kararating naman ng sasakyan nila Allan. Nakita ni Allan si Divine na nakatayo sa harapan ko. Imbes binuksan nila ang pintuan doon sa malapit kay Divine, lumabas sila sa kabila. Mukhang si Ren pa rin ang hinahanap ng babaeng ito.





          Nilagay niya ang kanyang mga kamay sa ulo at mas lalo pa niyang dinilat ang kaniyang mata. “My God! Hindi ako makapaniwala. Iyan pala ang katas ng pagsali mo sa networking."





          “Networking? Ahh, oo na lang. Ikaw, open-minded ka ba sa business?" tanong ko.





          “No thanks," pagtanggi niya. “may sampu na kaming sasakyan."





          “Good for you." Nilabas ko ang aking pitaka at kumuha ng dilaw na papel mula dito saka binigay kay Manong Driver. “Pagkain niyo po at gas."





          “Salamat boss," tugon ni Manong Driver.





          “Iyung kinababaliwan mong fencer, hinahanap mo pa rin?" baling ko kay Divine na sa ibang sasakyan na nakamasid.





          “Oo," sagot niya.





          “Isang buwan na, baka patay na iyun," biro habang lumalakad papunta sa eskwelahan.





          Lumingon pa ako pabalik kung narinig ba ni Divine iyung sinabi ko. Since mukhang busy pa rin siya sa ginawagawa niya, mukhang hindi.





Keifer's POV





          Sa cafeteria, tahimik akong kumakain habang kasama ko ang Journalism Club na pinag-uusapan ang mga kaganapan sa party ni Ren. Ang highlight ngayon ay ang pakikipag-usap ni Katya kay Erika.





          “So yeah. Nagprangkahan kami ni Erika," kwento ni Katya. “nagtanong ako kung santa o demonya, ngumiti. Sinagot niya," Umakto naman siya na ginagaya si Erika nang kinausap niya ito. “why not both?"





          “Ay! Bongga!" reaksyon ni Andrea. “Sana ano, may kumuha sa kaniya sa showbiz, tapos ang debut niya, may movie siya. Sa umaga, anthropologist. Sa gabi, Robina Hood."





          Hindi ko naman maiwasan na ma-imagine ang sinasabi ni Andrea na Robina Hood. Hindi malayong mangyari lalo na't kapag nagkaroon siya ng proper training.





          “Napaka-original. Makagawa nga ng kwentong ganoon. Tapos with matching sketchs kung paano ang damit niya bilang Robina Hood," wika ni Alexa.





          “Oo nga pala guys. Nabalitaan niyo ba iyung nangyari sa ano, anong street ba iyun?" Sinubukang inalala ni Martin ang kaniyang sasabihin. “Ahh! Basta! Naaksidente daw iyung magaling din na kalaban nila Allan. Sila Zafe ba iyun."





          Nakakatuwa ang mga taong ito. May Facebook chatbox ang mga taong ito pero dito talaga sa cafeteria pinag-uusapan ang mga balita na naririnig nila. Ngayong napansin ko, anong nangyayari sa lugar na ito ngayon? Napakaraming balita ng mga taong namamatay. Naiintindihan ko iyung mga balitang sinalvage kasi iyung mga taong iyun, medyo alam ko ang dahilan kung bakit ganoon ang nangyari sa kanila. Dahil hindi ko sila pinatay, o ganoon. Pero sa kalahating buwan, medyo marami-rami ang mga namamatay, sa obserbasyon ko lang.





          “Keifer."





          Bumalik ako sa tunay na mundo nang may tumawag sa akin. Akala ko, itong mga nag-uusap ang tumawag sa akin. Si Ren lang pala na nasa likuran ko.





          “Si Allan? Bakit wala kang kasama?" tanong ko nang nilingon ko siya.





          “Hindi ko siya kasama," sabi niya. “Ano, gusto kitang makausap dahil sabi ni Erika, may regalo ka daw para sa akin. Pero hindi ko nakuha ang regalo mo nang nagbukas na ng mga, regalo?"





          Natahimik ang mga kasabayan kong kumain. Oo, nagbukas ng mga regalo bago matapos ang party ni Ren. At alam niyo naman na personally ko pang binigay ang regalo ko kay Ren pero binawi ko. Siyempre, ikaw na nag-celebrate, magtataka ka kung saan napunta iyung regalo nung isa. Hindi naman kasi iyun mawawala sa party, maliban na lang kung binawi.





          Tumikhim si Katya. “Guys, alis na tayo dito. Bili tayo ng ice cream. Libre ko."





          “Yay! Ice cream! Gusto ko iyan," excited na dagdag ni Andrea.





          “Tara, alis na tayo," nagmamadaling sabi naman ni Alexa.





          Lahat sila ay nagmadaling niligpit ang mga pinagkainan nila. Medyo nadudulas pa sa kanilang mga kamay iyung mga kubyertos.





          Nang tuluyan na silang umalis, pinaupo ko si Ren sa harap ko.





          Mula naman sa bag ko, nilabas ko ang maliit na kahon na ibinigay ko sa kaniya. Akmang hahawakan niya ang kahon nang pinigilan ko siyang hawakan to.





          “Ahh, ahh, ahh! Hindi ko pa pinapahawak sa'yo," sabi ko.





          “Pero regalo mo ito sa akin," dahilan niya.





          “Hindi ko pa binibigay ito sa'yo."





          “Binigay mo na. Binawi mo lang din noong birthday party ko."





          “Pagkakamali iyun nang nalaman ko na may bukasan ng regalo na mangyayari."





          “B-Bakit naman pagkakamali iyun?"





          Umiling ako. “Dahil hindi nila maiintindihan iyun. Kahit ikaw, hindi mo maiintindihan." Tinulak ko ang kahon palapit sa kaniya. “Buksan mo."





          Kung kanina ay atat na atat niyang hawakan ang kahon, medyo nahihiya na siya ngayon. Pero kahit ganoon, naghari ang curiosity niya kung ano ang laman ng kahon. Dahan-dahan na inalis ni Ren ang ribbon. Ayan na. At ang kailangan na niyang gawin ay buksan ang cover.





          Bahagyang nabuksan ni Ren ang kahon nang umeksena si Allan. Kaagad na sinara ni Ren ang kahon. Hindi ko nga alam kung nakita niya ba ang laman, o hindi. Nako naman! Hindi na lang tumingin sa malayo at mag-antay na matapos kaming mag-usap.





          “Wala ka talagang pasensya," sabi ko.





          Tumingin siya sa kahon. “Oi, ano ba ang laman nito?"





          Akmang hahawakan ni Allan ang kahon. Pero gaya ng ginawa ko kay Ren, pinigilan ko ang kaniyang mga kamay. Kung gaano kagaan ang pagkahawak ko sa kamay ni Ren, siya namang kabaligtaran kay Allan.





          “Hindi para sa mata mo ang laman ng kahon na iyan," banta ko sa kaniya.





          “Huh? At bakit naman? Ako ang boyfriend niya kaya karapatan kong malaman kung ano ang meron sa kahon na iyan," palaban niyang balik.





          Natawa ako sa sinabi niya. “Karapatan? May bago na bang legal na batas para sa magsyota?"





          “Wala akong pakialam sa mga legal na batas na iyan. Titingnan ko ang gusto kong tingnan dahil kapakanan ni Ren ang iniisip ko. Malay ko ba kung ano ang laman nung kahon. Ngayon, bitawan mo ang kamay ko kung ayaw mong masaktan."





          “G-Guys, t-tumigil na kayo," kinakabahang pakiusap ni Ren. “Nakakakuha na kayo ng atensyon sa mga tao."





          Tumingin ako sa paligid matapos magsalita si Ren. Tama siya. Nakatingin na ang mga tao sa amin.





          Agad na binitawan ko ang kamay ni Allan. Binawi naman niya ang sa kaniya at minasa-masahe ang pulso. Dapat binali ko na lang ang kamay niya.





          Ang mga tao naman sa paligid namin ay bumalik sa kani-kanilang ginagawa. Ahh! May maganda akong ideya.





          “Alam mo, napaka-uncivilized nating mga tao. Bakit hindi na lang natin tanungin si Ren kung gusto niya bang ipakita sa'yo ang nilalaman ng kahon," mayabang na mungkahi ko. “Siguro naman, kaya mo ng magdesisyon para sa sarili mo. O baka kailangan pa nating tawagin si Kuya Joseph mo para magdesisyon para sa'yo?"





          Galit na inambahan ako ni Allan. “Tigilan mo iyang pang-iinsulto mo sa kaniya."





          “Tama na," agad na sabi ni Ren nang napansin na naman niyang nakatingin ang mga tao sa amin.





          Kinuha naman agad ni Ren ang kahon tsaka tumakbo na palayo sa amin. Binitawan ako ni Allan at hinabol si Ren, pero nakaharap pa rin sa akin.





          “Hindi pa tayo tapos," sabi niya bago umalis.





          Ngumisi na lang ako nang hindi na siya nakikita ng mga mata ko.





Allan's POV





          Mabilis na naabutan ko si Ren na papunta sa Music Room.





          “Ren," tawag ko.





          Hindi siya sumagot at patuloy pa rin sa paglalakad.





          “Ren, ano iyan? Please, gusto ko iyang makita," pakiusap ko.





          Bigla siyang tumigil at humarap sa akin. “Ayoko!" sagot niya.





          Natigilan naman ako nang tinanggihan niya ako.





          “P-Pero malulungkot ako kapag hindi ko malalaman kung ano ang laman ng regalo ni Keifer."





          “Hindi pa rin," balik niya agad. “Pasensya na, Kuya Allan. Gusto kong lumayo ka sa kahon na hawak ko. Ang nilalaman nito ay amin lang ni Keifer. Hindi mo ito maiintindihan dahil kami lang ang nakakaintindi kung ano ang laman nito."





          Nagpatuloy na si Ren sa paglalakad dala-dala pa rin ang kahon. Bahagyang nasaktan ako dahil ayaw niya itong ipakita sa akin. Ano kaya ang nilalaman ng kahon na sila lang ang makakaintindi?






ITUTULOY...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails