By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
getmybox@hotmail.com
Napangiti na
lang ako sa pagkakita ko sa kanya sa stage. Tiningnan ko si Tita Clarissa.
Nginitian din niya ako sabay sabing, “Nagpumilit siyang tulungan ko raw siyang
mag-explain sa iyo. At dahil sinabi mo naman sa akin na mahal mo siya kung kaya
ay wala nang tanong-tanong pa. Isinama ko siya. Pasensya na, nakialam ako.” ang
paliwanag ni Ms. Clarissa.
“Ok lang po iyon. S-salamat po.” ang sagot ko naman.
Maya-maya lang ay nakarating sa harap namin si Kuya Renan. Dahil tapos na ang tugtog ng sound system, siya naman ang kumanta sa akin. Inilagay muna niya ang kanyang dalang mga rosas sa isang mesa. Pagkatapos ay kumanta na -
Oh babe, isang tingin mo lang
Para na 'kong tinutunaw
Pag ika'y lumapit na
Ang dibdib ko'y puro kaba
Oh babe, isang halik mo lang
Ang mundo ko'y nagugunaw
Pag ako'y niyakap mo
Kalas lahat ang buto ko
Oh babe, ako ay talagang patay sa 'yo
Sa true love mo ako mahihimlay
Ano nga bang tunay na sikreto mo
At ako ay nabihag mo nang husto
Oh babe, isang ngiti mo lang
Pawi na ang aking uhaw
Huwag ka lamang tatawa
Baka ako'y malunod na
May pa muestra-muestra pa siya habang kumakanata, iyong ilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib, iyong ituturo ako kapag sinambit na ang lyric na “babe” sa kanta, iyong dalawang kamay na ipinagdikit sa kanyang dibdib upang mapormang puso,
Nakangiti naman ang lahat ng empleyado habang nakatingin kay kuya Renan. At si Ms. Clarissa, pangiti-ngiti lang na lang, iyong pormang kinilig.
Pagkatapos niyang kumanta, dinampot niya ang kanyang mga rosas na naunang inilatag niya sa isa sa mga mesa at iniabot niya ang mga iyon sa akin.
Napako na lang ako sa aking kinaroroonan sa sandaling iyon. Sa loob-loob ko ay may naramdaman akong kilig ngunit mayroon ding galit lalo na nang sumingit muli sa aking isip ang mga litratong nakita ko sa cell phone ni Mico na ipinadala ni Anne.
Nanatili siyang nakatayo sa harap ko, nakaunat pa ang kamay na nakahawak sa kumpol ng rosas upang iabot sa akin.
Sa totoo lang, nmistulang naghilahan ang gusto ng aking isip. Gusto kong tanggapin ngunit gusto ko rin siyang sapakin at bulyawan. Ngunit nagsalita si Ms. Clarissa. “Tanggapin mo na Bugoy. Nangangawit na ang kamay ng Kuya mo.”
Kaya wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang mga iyon. Baka sabihin pang napaka-KJ ko naman. Nakakahiya kay Ms. Clarissa.
Nang natanggap ko na ang mga bulaklak, niyakap niya ako. Halos madurog ang mga bulaklak na hinarang ko pa sa aking tiyan. “Miss na miss ko na ang utol kong topakin!” sabay halik naman sa aking pisngi at pagkatapos ay pinisil ang magkabila noon.
“Galit ako sa iyo ah!” ang pigil kong pagbulyaw sabay hawi sa mga kamay niya sa aking magkabilang pisngi. Sobrang sakit pa kasi ang aking naramdamam. Hindi madali ang paglimot sa kanyang ginawa.
“Sorry na... Magpaliwanag ako mamaya.” ang sagot niyang hininaan ang boses upang huwag mapansin ng mga tao.
“Wala ka nang dapat ipaliwanag. Kitang-kita ko ang litrato!” ang pagmamaktol ko pa, pigil din ang boses.
“Huwag ka kasing basta-basta maniwala sa mga sinasabi ni Anne.”
“Huwag maniwala ngunit ikaw itong pumatol.”
“Mamaya nga mag-explain ako. Kulitttt!” ang sambit niyang halatang nairita na.
Hindi na ako nagsalita pa. Doon muna namin tinuldukan ang tungkol sa issue na iyon. Hindi ko na siya kinulit pa. Inenjoy ko na lang ang party, nakisaya sa mga tauhan ni Ms. Clarissa.
Bagamat nasa ganoon akong pagtitimpi ng galit, hindi ko rin maiwasang hindi kiligin sa mga ginagawa niya. Ewan ko ba. Iyong nagpipigil sa galit ang isip mo ngunit ang puso mo ay gustong magwala at kumarengkeng. Ang hirap intindihin. Kagaya niyan, naupo ako sa isang bangko katabi si Ms. Clarissa, hayan tumabi rin at hinahawak-hawakan pa ang kamay ko. At dahil galit ako, iniwas ko ang kamay ko sa kamay niya. Kapag maga-attempt uli siyang hawakan iyon, iwawaksi ko naman o di kaya ay tatampalin ito. Pero huwag ka, iyong puso ko, iyong mga mata ko, iyong pandinig at pang-amoy ko, lihim na nakatutok sa kanya, naku-kyutan sa kanya, nagtatatalon, nagtitilian, at nag-aaawitan ang aking puso, pati na ang baga, apdo, atay, at iba pang laman-loob ng aking katawan dahil sa sobrang kilig na hayan, sa tagal ng panahon na nawala siya sa akin, katabi ko uli siya, nagpapa-cute, at sinusuyo ako. Tahimik lang ako ngunit nakakabingi ang hiyawan sa aking isip. Kung titingnan ay galit ang mukha ko. Ngunit ventricle-to-ventricle naman ang ngiti ang aking puso. Nagkalabo-labo na talaga ang aking naramdaman. Parang naiihi ako na natatae. Naiinis na naiinspire. Gusto kong sumigaw sa galit, iyong pinakamalakas na sigaw sa tuktok ng aking baga, “MAHAL KITA, PUTANG-INA MOOOOOOOOOOOO!!!”
Ewan. Inilagay ko na lang ang mga rosas niya sa ibabaw ng isa sa mga mesa at pinabayaan iyon doon.
Maya-maya ay nag-announce ang emcee. “May laro tayo guys, Trip to Jerusalem. Ang twist, ang mga players ay may mga upuan maliban sa kung sino ang nasa gitna. Iyong nasa gitna ay may chance na maka-agaw ng upuan kapag nagtatakbuhan iyong naka-paligid sa kanya dahil magpapalitan ng upuan. Ngunit magtatakbuhan lang ang mga nakapaligid na players kapag may isang participant na tatanungin ng nasa gitna ng, "Mahal mo ba ako?"
Kapag ang sagot ay "Oo" magpapalitan ng upuan silang lahat at may chance na makaagaw ng upuan ang nasa gitna. Ngunit kapag ang sagot naman ay "Hindi" ang nasa gitna ay magfollow up ng tanong, "Sino ang mahal mo?" Sasagot ngayon ang tinanong kagaya ng, "Iyong may damit na puti..." kung saan ay magtatakbuhan lamang ang mga participants na may mga damit na puti. Kung ang sagot sa follow-up na tanong ay "Iyong mga nakasapatos ng itim", iyong may mga may sapatos na itim lang ang magtatakbuhan, magpapalitan ng upuan. Kung ano ang babanggitin na mahal niya ay siyang magtatakbuhan at magpalitan ng upuan. Game ba kayo?”
“Game!”ang sigaw ng mga dumalo.
Nagkagulo ang mga gustong sumali dahil may malaking premyo para sa mananalo. Ayaw ko sanang sumali dahil naimbyerna pa ako kay Kuya Renan ngunit hinila niya ako upang sumali raw kami. “Ayoko!” ang sagot ko sa panghikayat niya.
Ngunit muling sumingit si Ms. Clarissa. Marahil ay talagang minanmanan niya ang mga galaw namin ni Kuya Renan. Parang gusto niya talagang tuluyan ko nang tanggapin si Kuya Renan.
Wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod. Sumingit kami sa mga nakahilerang kasali sa laro at nakapormang paikot, may mga 30 ka tao ang sumali.
Ang unang nasa gitna ay isang babaeng empleyado, volunteer lang muna siya para lang makapagsimula ang laro. “Ellen” ang pangalan. Nabasa ko kasi ito sa kanyang name tag. May mga name tags kasi ang mga empleyado. SOP daw ito upang magkakilala ang isa’t-isa.
Nilapitan niya ang isang kaibigang babae. “Mahal mo ba ako?”
Sagot, “Oo”
Nagtatakbuhan kaming lahat. Nagkalayo kami ni Kuya Renan. Ang babaeng unang nasa gitna ay nakahanap ng upuan. Iyong hindi nakaupo ay tanggal. Nagtanggal ng isang upuan at ang tinanong na babae ay siya namang nasa gitna. “Mahal mo ba ako?” ang tanong niya sa isang kakilala sa grupo na lalaki.
Nagtawanan ang mga empleyado. Napapansin ko kasing may something sa kanila. Parang crush ni babae si lalaki. Kaso ang sagot ng lalaki ay, “Hindi.”
Tila nahiya ang babaeng nagtanong bagmat nahihiyang nakangiti pa rin. Napa-“Awwwww....” naman ang mga babaeng marahil ay may alam na kuwento tungkol sa kanila.
“Sino ang mahal mo?” ang follow up na tanong ng babae.
“Ikaw... at ang mga katulad mong babae na narito, pati na ang lahat na mga lalaking kasali.” Ang sagot naman ng lalaki.
Takbuhan ang lahat. Syempre, kasali pala kami.
Nagkahiwalay muli kami. Nang dumating ang puntong siya naman ang tinanong ng isang empleyadong babae na tila nahihiyang kinikilig, nilapitan siya nito, “Kuya... mahal mo ba ako?”
Tawanan ang lahat. Syempre, bagamat ‘di nila kilala si Kuya Renan ay nilapitan talaga siya niya. Sa isang bisitang guwapo at hunk na mala-artista ba namang porma niya, kikiligin talaga ang sino mang lalapit at magtanong pa ng “Mahal mo ba ako?”
Sinagot naman siya ni Kuya Renan. Pabiro pa. “Alam mo, noong una ko pa lang pagkakita sa iyo kanina, crush na kita. Pero ngayong tinanong mo na ako...” at nag-pose pa talaga ng pa-pogi, “Oo, mahal na rin kita.”
Tawanan at hiyawan naman ang mga empleyado sa kilig habang nagtatakbuhan at nag-agawan ng upuan.
Dahil si Kuya Renan ang huling tinanong, siya na ang nakatokang nasa gitna. Nagsisigaw ang aking isip na sana ay huwag niya akong lapitan at tanungin. Ngunit sadya sigurong balak niyang ilagay ako sa spot. Nilapitan niya ako. Nakangiti at tinitigan pa.
Yumuko ako. Ayaw kong salubungin siya ng tingin habang nasa ganyang nakangiti pa siya. Ayokong suklian ang kanyang ngiti. Naiinis pa ako. Ramdam ko naman na nakangiting kinilig ang mga kasama namin habang nakatayo lang siya sa harap ko na parang isang artistang umarte sa harap ng camera para sa isang eksenang love scene. Ako naman ay nagmamaktol sa loob-loob ko lang. Muling nanariwa sa aking isip ang mga nangyari sa Amanpulo. Muling sumagi sa isip ko ang mga litrato na nakita ko sa cell phone ni Mico.
Nahinto ang aking pagmuni-muni at bahagyang nabigla nang, "Mahal mo ba ako?" ang tanong niya.
Kaya sa pagkagulat ko ay nasagot ko siya ng, “Ewan ko sa iyo!”
Biglang natahimik ang lahat na parang mga tuod na nakatayo, hindi gumagalaw, ang mga mga mata ay nakatutok sa akin. “May ganyan bang sagot?” ang tanong ni Kuya Renan na mistulang bibigay ang bibig para sa isang tawa.
“Bakit?”
“Oo o hindi lang ang sagot eh!”
Mistula naman akong nasampal ng kaliwete. “E di, hindi!” ang padabog kong sabi.
“Kung ganoon, sino ang mahal mo?”
“Iyong mga manloloko!”
Nakita kong nagkatinginan ang mga kasali sa laro at hindi nagsitakbuhan. Ang iba ay nakangiti.
“See? Walang manloloko rito. Kaya walang nagtatakbuhan” Ang sambit ni Kuya Renan.
“Sila hindi. Pero ikaw...?”
Napangiti na lang si Kuya Renan ng hilaw. Hindi na pinatulan ang sinabi ko. “Sino ang mahal mo?” ang pag-ulit niya sa tanong.
“Iyong mga nakaranas ng panloloko at pagtataksil ng kanilang mga jowa!” ang sagot ko.
Parang gusto ko ring tumawa nang halos ang lahat ay nagtatakbuhan. Siyempre, marami pala kaming niloko. Tumakbo na rin ako, nang-agaw ng upuan.
Iyon ang naging dahilan upang ang sunod na mga sagot sa tanong na “Sino ang mahal mo?” ay mga ka-bitteran na sa pag-ibig. Gaya ng sagot na, “Iyong mga may lihim na pagmamahal sa iba” “Iyong mga ipinagpalit sa iba” “Iyong mga nagmahal nang sobra-sobra ngunit sinuklian ng kulang.” “Iyong may mga jowang manhid” “Iyong hindi maka-move on.” “Iyong may jowa na hindi makontento sa isa!” Mabuti na lang na walang sumagot ng “Iyong mga bakla” dahil kapag may sumagot noon, hindi ko talaga alam kung tatakbo ako, o kung may tatakbo rin bang ibang nagtatago ng kabaklaan. Nakakatuwa.
Pagkatapos ng palaro ay may seryosohang parte rin kung saan ay may heart-to-heart na exchanging gift. Ang tawag nila rito ay “Heart2heart regalo”. Tradisyon na raw kasi sa factory nila ang ganoon kung saan ay ang proseso ng pagbibigay ng regalo sa mga participants ay partner-partner at magbibigay ng mensahe sa magiging kapartner na kapalitan ng gift. May committee silang naghahandle nito kung saan ay ang sasadyaing magpartner na may “history” kagaya ng may misunderstanding na gusto nang magbati, mga mag ex na naka move on na, mga mag bestfriends, iyong may mga crush o lihim na pagmamahal o paghanga... mga ganoong kaso. Iyan ang trabaho ng committee, ang maghanap ng may history na maaaring i-partner sa pagi-exchanging gift.
Nag-announce muli ang emcee upang simulan ang exchanging gift. Tinawag ang dalawang babae. Nagpalakpakan ang mga dumalo. Naghiyawan ang iba. Tinanong ko ang nasa aking tabi kung ano ang mayroon sa kanila. Ang sagot niya ay magbest friends daw ang dalawa ngunit ang boyfriend ng isa ay napunta naman sa isa. Nasira ang kanilang friendship. Hanggang nalaman nilang dalawa na pareho pala silang niloko ng lalaki.
Nang nasa stage na ang dalawa at nag-exchange gift na, nagbigay sila ng mensahe sa isa’t-isa. Hingian ng tawad, nagkapatawaran. Hanggang sa nag-iyakan at nagyakapan, Medyo drama ang sa kanila.
Kinabahan naman ako. Alam ko kasing kami ni Kuya Renan ang ipares. Sino ba kasi ang puwedeng ipares sa akin? Wala naman akong kakilala na may “history” sa akin kundi siya lang. Bagamat may nakabalot na regalo para sa ibibigay ko sa aking magiging ka-partner, parang hindi ko pa kayang makipagbati talaga sa kanya. Kahit siguro mag-sorry pa siya, kahit mag explain pa siya, baka hindi ko pa rin kakayaning makipagmabutihang-loob sa kanya. Masakit pa rin kaya.
Ang sunod na tinawag ay limang babae at limang lalake. Nang nasa stage na ang sampung participants, piniringan sila. Nang nakapiring na ang lahat, minuwestrahan ng emcee na huwag gumawa ng ingay. Iyon pala ay tinanggalan kaagad ng piring ang apat na lalaki at apat na babang mga props lang, ang iniwan ang isang babae at isang lalaki na walang kaalam-alam na silang dalawa na lang ang natira sa stage. Guwapo ang lalaki. Janitor ang trabaho nito sa factory ngunit astig ang porma, matangkad, moreno, may hitsura at malakas ang appeal. Nagtanong uli ako sa aking katabi kung bakit ganoon ang set-up sa kanila. Ang sabi niya ay marami raw ang nagka-crush sa janitor na iyon sa mga kasama nilang trabahante. Pero mahiyain daw ito at may pagka torpe. Ang alam ng lahat, ang babaeng kaparehas niya ay crush din niya. Maganda rin naman si babae, bagamat isang staff ito at may pinag-aralan. Matangkad din ang babae at bagay sila. At alam din nilang crush din ni babae sa janitor. Kaya kinilig ang lahat nang silang dalawa na lang ang naiwan, parehong nakapiring.
“Ok, subukan mong kapain ang iyong magiging kapartner. Ang kamay na mahawakan mo ay siya na ang iyong partner.” Ang utos sa kanila ng emcee.
Syempre, dahil silang dalawa lang ang natira, sila ang nagkahawakan. May piring pa rin ang kanilang mga mata.
“Ok, para lalong mas exciting ang tagpo ninyo, bibigyan ko kayo ng pretzel....” pinalapit niya silang dalawa sa isa’t-isa upang magpang-abot ang magkabilang dulo ng pretzel stick sa kanilang mga bibig. “Sa pagbilang ko ng isa, dalawa, tatlo, go... ay simulan ninyong kainin ang pretzels. Kapag nagpang-abot na ang inyong mga bibig ay huminto kayo. Tatanggalin natin ang inyong mga piring sa mata upang malaman ninyo kung sino ang inyong partner. Ready... isa, dalawa, go!”
Tawanan at hiyawan ang mga dumalo sa loob ng function room na iyon sa ginawang pagkain ng pretzel ng dalawa. Hanggang sa nagpang-abot na ang kanilang mga bibig ay lalo pang naghihiyawan ang mga tao. Huminto sila. Lumapit ay emcee at tinanggal ang kanilang mga piring. Doon na nagkabukingan na sila na lang palang dalawa ang naiwan sa stage.
Tawanan ang mga tao. Kitang-kita naman ang pamumula ng mukha ng dalawa, ang babae ay itinakip ang mga palad sa kanyang mukha habang ang lalaki naman ay halos hindi makatingin sa babae.
“Ok... ngayon na nagkaalaman na kayong dalawa pala ang magpartner, may mensahe ka ba sa kanya torpe, este, Marbin?” ang biro ng emcee. Bakla kasi ang emcee at may pang-ookray ang kanyang style.
Umiling-iling ang lalaki. Halatang hiyang-hiya.
“Kung ganoon. Ako na ang magtatanong. Type mo ba si Miss Ellen?”
Hindi nakasagot agad ang lalaki.
Sumigaw ang emcee, panggulat. “Sagooooottttttt!” sabay dilat ng mga mata. “Kung hindi ka sasagot sige, hahalikan kita.” Dagdag niyang biro.
Walang nagawa ang lalaki kundi ang tumango.
Tawanan ang lahat.
“Confirmed.” ang sabi ng emcee. “Wala ka bang mensahe kay Ma’am Ellen?” ang tanong uli ng emcee.
“Eh...” ang nasabi lang ng lalaki.
“Yun lang ang mensahe mo sa kanya? ‘Eh..’?” ang pang-ookray uli ng emcee.
Napakamot sa ulo ang lalaki. “Sabihin mo kasing gusto mo siyang ligawan. Gusto mo ba siyang ligawan?”
Nahihiyang nakatingin lang ang lalaki sa kanya, ngumingiti ng hilaw. Tawanan uli ang mga tao.
“Gusto mo mag lips-to-lips na lang tayo? ang pang-ookray uli ng emcee. “Sagoottt!” sigaw uli niyang panggulat.
Napatango ang lalaki.
Tawanan uli ang mga tao.
“Confirmed uli!” ang sabi ng emcee. At baling niya sa babae, “Ma’am Ellen.. hindi na kita tatanungin kung crush mo itong si Torpe, este Marbin dahil alam na namin ang sagot....” nahinto siya dahil sa pagtatawanan ng mga tao. “Tatanungin na lang kita kung bukas ba ang pintuan ng iyong bahay kung sakaling aakyat ng ligaw itong si torpe, este marbin?”
Tawa naman nang tawa ang babae, itinakip pa sa kanyang bibiga ang kanyang palad.
“Tinanong kita, sasambunutan na kita d’yan.” ang pabirong naggalit-galitang sigaw ng emcee.
Kaya sumagot na rin ang babae ng, “Ikaw naman, syempre oo!”
Nahinto naman ang emcee at nagkunwaring galit. “Landi nito. O, iyang palda mo ay bukas rin! Mag zipper ka!” at baling sa lalaki, “Hayan, narinig mo? Bukas ang palda, este ang pintuan ng bahay niya para sa iyo. Kung hindi ka pa naman natuto...” nahinto at ibinulong ang sunod na sinabi, “pag-uumpugin ko na ang mga ulo ninyo.”
Tawanan uli ang mga tao. Binawi naman ng emcee ang sinabi. “Joke lang... O sye, may message ka para sa kanya?” ang tanong niya sa babae.
“Eh...” tiningnan niya ang lalaki. “Ipagpatuloy mo lang ang pagiging masipag at mabait. Kapag masipag ka, may patutunguhan ka. Iyon lang.”
“Ang patutunguhan ay itong pinto ng bahay niya.” Ang pagsingit ng emcee.
Tawanan at palakpakan.
“Hug naman d’yan!” ang sabi ng emcee.
Nag-hug ang dalawa.
“Group hug!” ang dagdag ng emcee na idinikit talaga ang pisngi sa lalaki, ipinahalatang tsumantsing siya.
Tawanan uli ang mga tao. Pagkatapos noon ay ang exchanging gift ng dalawa.
Dumating ang puntong ako na ang tinawag. Kinabahan man ay tumungo na ako ng stage. Nang naroon na ako sa stage, naghintay na lang ako na tawagin si Kuya Renan. Ngunit nang nagsalita na ang emcee, laking gulat ko nang ang tinawag ay si Ms. Clarissa!
Tila natulala na lang ako habang naglakad si Ms. Clarissa paakyat ng entablado. Nang naroon na siya, nginitian niya ako sabay yakap sa akin. Kinuha niya ang mikropono at nagsalita. “Ako ang nagrequest na ako ang partner mo, Bugoy. Bakit? Dahil simula nang makita kita sa Aman, alam kong nahanap ko na ang taong hinahanap ko sa aking buhay, ang isang pamilya. Ikaw ay naghahanap ng magulang na mag-aruga sa iyo, magmahal, kaya kong ibigay sa iyo iyan. Ako naman ay naghahanap ng isang kapamilya na siyang mag-aalaga sa akin sa aking pagtanda dahil wala akong anak, sana ay ikaw na iyon. At kung mamarapatin mo, gusto kong magiging legal ang lahat at aampunin kita bilang ‘anak’ ko.” Ang seryoso niyang sabi.
Nagpalakpakan ang mga tao. Ako naman ay halos hindi makapaniwala sa aking narinig. Napaluha na lang ako. Nang niyakap niya akong muli, sinuklian ko ang kanyang mga yakap. Feeling ko talaga ay kapamilya ko siya. Parang may naramdaman akong iyong parang familiarity sa kanya. Parang kilala ko na talaga si Ms. Clarissa.
Nang ibinigay na ang mikropono sa akin, sinabi kong lubos akong natuwa sa kanyang sinabi. At sa harap ng mga tao ay sinabi kong tinanggap ko ang offer ni Ms. Clarissa na ampunin niya ako.
“So gusto ko, simula ngayon, mommy na ang tawag mo sa akin. Puwede ba?” ang tanong ni Ms. Clarissa.
“P-puwede po...”
“Mommy.” Ang pagpaalala niya.
“M-mommy.” Ang sagot ko.
Nagpalakpakan ang mga tao. Niyakap niya akong muli atsaka nagpalitan kami ng regalo.
Tila lumulutang ako sa ulap habang bumaba ng entablado. Ang bilis lang ng mga pangyayari na parang hindi pa naaabsorb lahat ng utak ko.
Maya-maya ay si Kuya Renan naman ang tinawag. Tiningnan ko lang siya. Hindi na ako kinabahan dahil tapos na ako at sigurado namang hindi ako ang tatawagin.
Hindi nga ako nagkamali. Ang driver ni Ms. Clarissa ang tinawag na partner niya. Nang nagbigay ng mensahe ang driver kay Kuya Renan, ang sabi niya ay, “Ang sabi ni Ma’am Clarissa ay ipangako mo raw sa harap ng mga tao na alagaan mo si Bugoy at huwag mo siyang saktan...”
Napayuko na lang ako sa aking narinig. Ang isinagot naman ni Kuya Renan habang nakatingin kay Ms. Clasissa ay, “Makakaasa po kayo Ma’am...”
Nakita kong nginitian siya ni Ms. Clarissa at nag thumbs up pa ito sa kanya.
Halos walang kapaguran ang lahat na dumalo sa party na iyon. Pagkatapos ng activities ay may kainan pa. Syempre, hindi nawawala ang inuman.
“Laklakin mo ang lahat ng alak dito para malasing ka uli at maikama ka ng mga babaeng nagpapantasya sa iyo rito!” ang pigil kong pagsasalita kay Kuya Renan nang nilapitan kami ng serbidora at binigyan ng alak na nasa wine glass.
Napatingin sa akin si Kuya Renan. “Ayaw ko na nga lang uminom.” ang sagot niya na nagdadabog.
“E, di mabuti. Para sa ekonomiya ng Pilipinas!”
Bigla naman siyang natawa, iyong tawa na nabigla, parang naubo at nabilaukan, tumalsik pa ang laway. Itinakip pa niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig na napatingin sa akin.
“Bakit ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko?”
“Wala... cute mo!”
“Matagal na akong cute! Kaso may iba d’yan, hindi pinapahalagahan ang pagiging cute ko. Ganyan talaga siguro sila, mga paasa, mga salawahan, mga walang puso. Taksil! Dapat, kapag nanalo si Duterte sa pagkapangulo ay isali niya sa listahan ng mga ipapatay ang ganyang mga taong walang isang salita!”
“Grabe... gusto mo palang mamatay na ako.”
“Bakit salawahan ka ba? Taksil?”
Hindi na nakaimik pa ni Kuya Renan. Inismiran lang ako sabay tayo. “Makainum na nga lang.” at hinabol ang babae nagsi-seve ng alak at kumuha ng dalawang baso na may lamang alak.
Nang bumalik na, iniabot niya sa akin ang isang wine. “Gusto mong malasing din ako? Para kagaya mo na kapag nalasing ay ibibigay ang lahat?”
“Hindi... para maipalabas mo pa ang lahat ng saloobin mo. Ok lang iyan. Magsalita ka nang magsalita. Makikinig ako. Para rin iyan sa ekonomiya ng Pilipinas iyan.” ang sagot niyang pang-okray.
Hindi na ako kumibo. Tinanggap ko ang ibinigay niyang wine ngunit inilagay ko lang ito sa ibabaw ng mesa. Hindi ko talaga ininom. Ngunit nang bumalik uli ang babaeng nagsi-serve ng alak, kumuha ako nag isang basong wine at iyon ang aking ininom.
Iyan ang drama ko. Iyan ang aming kalagayan. Inaaway ko talaga siya, bagamat lihim lang dahil ayaw ko namang mapansin nila at masabing KJ ako. Si Kuya Renan naman, bagamat ino-okray ko ay parang wala lang din, nakunyaring nag-enjoy. Ewan ko lang din.
Natapos ang party na masayang-masaya ang lahat, halos alas-4 na ng umaga. Lahat sa kanila ay may mga bitbit na regalo at premyo sa iba’t-ibang mga palaro. May mga nakapanalo ng rice cooker, blender, washing machine, may mga damit, gamit sa bahay, may bisekleta rin at cell phone. At iba pa iyan sa cash na ibinigay mismo ni Ms. Clarissa. Panandaliang nawala ang pagkadismaya ko kay Kuya Renan sa puntong iyon.
Sa hotel kami pinatuloy ni Ms. Clarissa. Gusto raw niyang magkasama kami sa pasko. Sa isang kuwartong katabi rin ng kuwarto niya ay kami ni Kuya Renan ang magkasama. Pinareserve talaga niyao iyon para sa amin.
Nang nalaman kong sa iisang kuwarto kami matutulog, parang hindi ko alam ang tunay kong naramdaman. Bagamat may isang bahagi ng aking isip na nasasabik kay Kuya Renan, naroon pa rin ang galit ko sa kanya. Parang ayaw ko pa rin siyang makasama.
Bago kami pumasok sa aming kuwarto ay sinabi sa amin ni Ms. Clarissa na sabay kaming mag-lunch at pagkatapos ay magpahinga uli para mamasyal sa gabi.
“Galit ka pa ba sa akin ‘tol?” ang tanong kaagad ni Kuya Renan nang nasa loob na kami ng kuwarto.
“Tinatanong mo pa?! At mabuti namang hindi ka lasing ngayon dahil kung nagkataon, puputulin ko talaga iyang ari mo!” ang bulyaw ko naman habang tinumbok ang isa sa dalawang kama at diretsong humiga roon pagkatapos kong tanggalin ang aking sapatos.
“Sorry na ‘tol.” ang sagot naman niya habang tinumbok din ang kama na hinigaan ko, tinanggal din ang kanyang sapatos at humiga sa tabi ko.
“Doon ka sa kabilang kama ah!” ang bulyaw ko uli nang ipinatong niya ang kanyang braso sa aking dibdib. Tumagilid ako patalikod sa kanya.
“Na-miss kita eh.”
“Nandoon si Anne, naghihintay sa iyo. Doon ka sa kanya!” sabay rin hawi sa kanyang braso sa aking dibdib.
“Sorry na, please...”
Hindi na ako umimik.
“Inaamin ko, nagkamali ako sa pagpayag na magsama kami ni Anne sa isang kuwarto. Maling-mali ako roon. Ngunit kung ang litratong ipinadala niya ang pagbabasehan mo ng galit, walang nangyari sa amin. Maaaring nalasing ako ngunit promise, walang nangyari. Alam kong may ginawa siya sa katawan ko. May duda rin akong may inilagay si Anne na gamot sa ibinigay niyang tubig na ipinainum sa akin sa loob ng aming kuwarto. Dahil parang kakaiba ang epekto ng pagkalasing ko. Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Kaya bigo siyang angkinin ang pagkalalaki ko... Mabuti na rin iyon dahil ayaw ko naman talaga, dahil hindi ko siya gusto, at dahil alam kong magagalit ka. Pagkatapos kay Cathy, ipinangako ko sa aking sarili na para sa iyo lang ako. Kung inisip mo na ang nangyari sa amin ay kagaya nang nangyari sa atin nang nalasing ako, nagkakamali ka. Magkaiba ang dalawang pagkalasing ko. Noong nalasing ako at pinunasan mo ang buong katawan ko, alam ko ang ginagawa mo. At ako ang nag-udyok sa iyo na gawin mo ang bagay na iyon sa akin.”
“Bakit ipinagawa mo iyon sa akin?” ang tanong kong mataas pa rin ang boses.
“G-gusto ko lang.”
“Gusto mo lang? Ganyan lang? Iyong parang nakakita ka ng tinapay at gusto mo lang siyang kainin? Tapos, kapag nabusog ka na, wala nang silbi iyon. At kapag nagutom ka uli, ibang tinapay naman. Ganyan? Walang halaga sa iyo kundi ang gusto mo lang siya? Hindi mo inisip na iba ako, na tao ako at may naramdaman? Hindi mo inisip na dahil sa ginawa mo, palagi ko nang naaalala ang ipinapagawa mong iyon sa akin? Hinahanap-hanap ko... at kinasasabikan ang taong nagturo sa akin ng ganoon? Hindi mo alam na dahil sa ginawa mo ay nag-iba ang pananaw ko sa buhay? Na naging bakla ako?” ang sigaw ko na umiiyak na.
“G-gusto kita... mahal kita. Ayoko lang aminin sa iyo dahil bata ka pa, at gusto kong makasiguro sa aking sarili, at ikaw rin, sa sarili mo dahil napakabata mo pa. Noon pa man ay kakaiba na ang nararamdaman ko para sa iyo. Kaya ko pinatulan si Cathy ay dahil gusto kong pigilan ang sarili ko sa iyo, at upang mapawi ang sinabi mong naramdaman mo para sa akin, upang sana ay huwag kang maging bakla, dahil sabi mo nga, ayaw ng inay mo. Ngunit nang nasa Gensan na ako, ikaw palagi ang nasa isip ko ‘tol. Hinahanap-hanap kita. Para akong mababaliw sa kaiisip sa iyo.”
“Noong bata ka pa, alam mo ba, aaminin ko, naku-kyutan ako sa iyo. Iyon bang natutuwa ako kapag nakikita kitang dumadaan sa bahay... sumasaya ako. Kaya upang mapansin mo, kinakantyawan kitang supot. Ewan, gusto ko lang na makuha ang atensyon mo. Gusto kitang maging utol, gusto na kitang maging bahagi ng buhay ko. Sa panahong iyon, hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang naramdaman ko para sa iyo. Basta gusto kita, masaya ako kapag nakikita kita, lalo na kapag hinahabol mo ako at magagalit ka sa akin. Tapos kapag ganyang nagpupuyos ka sa galit, nagi-guilty naman ako. Parang gusto kong suyuin ka, kargahin sa mga bisig ko, kilitiin, patawahin, bigyan ng laruan o pagkain. Hanggang sa tinuli ka na at doon na kita dinala sa bahay kasi naawa ako sa kalagayan mo. Iyon na ang simula. Lalo pa akong na-attach sa iyo. Feeling ko talaga ay bahagi ka ng aking buhay.” Doon ko nakita ang mga luhang pumatak mula sa kanyang mga mata.
Mistulang isang yelo na natunaw naman ang aking puso. Parang may kiliti ito, gustong umiyak sa tuwa sa kanyang sinabi. Simula nang maging “magkuya” kami ni Kuya Renan, noon ko lang narinig mula sa kanyang bibig ang katangang “mahal kita” Iyon ang pinakamagandang salita na narinig ko mula sa kanya. Mistula akong lumulutang sa tuwa.
Hinila niya ako upang tumagilid paharap sa kanya. “Payakap naman si Kuya...” ang sambit niya.
Wala na akong nagawa kundi ang tumagilid paharap sa kanya.
Tinitigan niya ako at hinaplos ang mukha. “Mahal kita...” ang pag-ulit niya sa kanyang sinabi.
Doon ko na siya niyakap ng mahigpit. Hindi ko na napigilan ang aking sarili sa pag-iyak. “Mahal din kita Kuya. Mahal na mahal po. Para akong mamamatay sa kaiisip noong mga taon na hindi kita mahanap...”
“Mahal na mahal din kita ‘tol...”
Naramdaman ko na lang ang paglapat ng aming mga labi. Naghalikan kami. Mapusok, nag-aalab. Doon namin ipinalabas ang nagbabaga naming pananabik sa isa’t-isa.
“S-si Mico ba ay kasabwat sa plano ni Anne? Drama lang ba ang sinabi ni Anne na pagkalunod niya?” ang tanong ko nang matapos na kami at nanatiling nakahiga sa kama.
“Tol... mabait si Mico. Ako mismo ang makapagpatunay niyan. Kung hindi sa kanya ay hindi na sana ako nakarating dito sa Tuguegarao. Totoo siya, ‘tol... Tunay siyang kaibigan. Kaya nga, minsan gustuhin ko mang magselos sa kanya, hindi ko magawa dahil sa daming naitulong niya. Alam mo bang siya ang nagbigay sa akin ng pamasahe papunta rito? Siya rin ang nagbigay ng pera sa inay na naiwan ko sa Gensan, para raw panggastos sa mga pangangailangan niya roon habang narito ako. Mabait siya. Hindi siya kasali sa plano ni Anne. At...” hindi na naituloy pa ni Kuya Renan ang kanyang sasabihin. Bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan.
“A-ano?” ang tanong kong kinabahan din sa nakita sa kanyang mukha.
“T-totoong nalunod siya. Narito siya sa ospital ng Tuguegarao. Kasama niya ay si Anne. Nauna ang flight nila gamit ang maliit na eroplano ng resort na pang emergency. Hindi pa kasi nanumbalik ang kanyang malay... Hindi ako nakasama sa kanila dahil naroon ako sa villa ni Ma’am Clarissa nangungulit sa kanya tungkol sa iyo. Galit din kasi ako kay Anne sa pagkakataong iyon kaya hindi na ako sumama.”
“Ako na naman ang dahilan sa kapahaman niya. Ang dami na niyang isinakripisyo para sa akin.” Ang sambit ko. Lahat na yata ng kamalasan ni Mico ay ako ang dahilan.
“Huwag kang magsalita ng ganyan, ‘tol.” ang pag-alo ni Kuya Renan sa akin. “May pagkukulang din siya. Habang lumalangoy kami noon upang sundan ka, sinabihan ko siyang ako na ang bahala. Sinabi kong sanay ako sa dagat at dapat ay bumalik na siya sa dalampasigan dahil delikado kung malunod siya, hindi siya masyadong marunong lumangoy. Iyon. Akala ko ay bumalik siya sa dalampasigan dahil hindi ko na siya nilingon pa. Nakatutok kasi ang aking atensyon sa iyo, at kailangang wala akong oras na sasayangin upang maabutan kita. Doon ko na nalaman na tumuloy pa rin pala siya sa paglangoy at nalunod nang pareho na tayong nasa dalampasigan. Nauna na siyang sinagip ng life guard.”
“Kasalanan ko pa rin iyon Kuya... nang dahil sa galit ko sa iyo.”
“Kung ganoon ay ako ang may kasalanan kasi kung hindi sana ako pumayag na magsama kami ni Anne sa isang kuwarto, wala sanang pagkakataong magkaroon si Anne ng tsansang gamitin ang katawan ko upang makakuha ng litrato, dahilan para magalit ka.”
“Ako pa rin Kuya... kasi hindi ko na-control ang aking sarili.”
“Huwag mo na ngang sisihin ang sarili mo. Magiging okay rin si Mico.”
“Dalawin natin siya sa ospital bukas, kuya...” ang sambit ko.
Sabay kaming nagising ni Kuya Renan nang narinig namin ang tunog ng intercom. Nang sinagot ito ni Kuya Renan, napag-alaman kong si Ms. Clarissa pala ang nasa kabilang linya. Tinanong niya si Kuya kung kumain na ba kami ng agahan dahil mayroon naman daw buffet sa may lobby ng hotel. Sinagot siya ni Kuya Renan na hindi na gawa nang sobrang pagod at busog pa naman kami gawa ng daming pagkain sa party. Ipinaalam na lang niyang maghanda kami dahil sabay na lang kaming kakain ng pananghalian sa isang restaurant din sa Tuguegarao. Nang tiningnan ko ang aking relo, alas 12:30 na pala ng tanghali.
Sabay kaming bumalikwas ni Kuya Renan sa higaan. Tinumbok namin ang shower at sabay na naligo. Masaya ako sa tagpong iyon. Sobrang saya dahil sa wakas ay talagang nagtapat na sa akin ng pagmamahal si Kuya Renan. Tila pag-aari namin ang mundo sa sandaling iyon. Ang sarap ng pakiramdam na kasama ang mahal na kuya sa paliligo, nagyayakapan habang ang tubig sa shower ay tila wala ring humpay sa pagbagsak sa aming mga katawan. Naghihiluran din kami, nagtutulungan sa pagsabon sa aming mga katawan. Syempre, hindi nawala ang halikan na napunta sa pagpapaalpas ng init ng aming kasabikan.
Nagto-toothbrushan din kami. Iyong tooth brush ko na nanggaling sa aking bibig ay itotooth-brush ko sa ngipin niya, at ganoon din siya sa akin. Tapos tawanan. Syempre, masagwa ngunit ganyan naman talaga. Kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong bagay sa kanya ay magugustuhan mo. Kahit ang masagwa o madumi o nakakadiri para sa ibang tao, kapag kayong dalawa lang ay nagagawa ninyo at magtatawanan na lang kayo... Iyong mga katarantaduhan ninyong dalawa, iyong mga mga kabulastugan at kakengkoyan. Ito iyong mga bagay na kayo lang din ang nakakaalam. D’yan mo masusukat ang lalim ng pagkakakilanlan ninyo sa isa’t-isa.

Marami kaming pinag-usapan sa pananghalian naming
iyon. Ang isa na roon ay ang aking pag-aaral. Sinabi ko ang lahat kay Ms.
Clarissa na tatapusin ko na lang ang taon na iyon. Ga-graduate na kasi ako sa
darating na Marso. Tinanong din niya ako kung saan ako nag-aaral sa Tuguegarao.
Sinabi ko ang pangalan ng school sa kanya.
“Magangdang eskuwelahan iyan.” Ang sabi ni Ms. Clarissa. “Kung ako man ang papipiliin ng eskuwelahan mo, diyan kita ii-enrol.
“Alam niyo po ang school namin ni Mico?”
“Oo... sikat kasi iyan. Exclusive, at mataas ang standard at qaulity ng graduates nila. karamihan ng graduates niyan ay sa UP nagka-college. Ang iba ay sa mga pribadong university kagaya ng Ateno o Sto. Tomas.”
“mataas nga po ang standard. kaso, naiilang lang po ako. Parang plastikan kasi ang mga estudyante. Kasi ang pagbabayad ng tuition ay depende sa income ng pamilya. Kapag malaki ang income ng mga magulang, mas mahal ang tuition nila. Syempre, sa mga mayayaman, mayroon pa ring mas mayaman kaysa iba. Kaya minsan iyong may mas malaking binabayaran sa tuition, parang ang baba ng tingin nila sa iba...”
“Actually, ang history ng school na iyan ay nagsimula sa mga katolikong misyonariong pari. Noon ay libre ang lahat ng tuition d’yan. Mataas ang standard, disiplinado ang mga estudyante ngunit over the years, nag-withdraw ang mga pari. Nalungkot ang mga taga Tuguegarao dahil sa mataas na kalidad ng eskuwelahan. Ang ginawa ng bagong administrators ay tumanggap sila ng mga mayayamang estudyante ngunit ang babayaran nilang tuition ay depende sa laking income ng pamilya. Iyon bang tinatawag na pay-it-forward. Iyong philosophy na kung sino ang may mas abundant, siya ang magshare ng abundance niya sa mga less-privileged, sa kaso ng eskuwelahan sa mga mahihirap ngunit deserving na mga scholars na hindi bababa sa 50% ng population ng school. Ngayon ay fully privatized na iyan at bagamat isang pribadong tao na ang may-ari, ipinagpatuloy pa rin niya ang ganyang sistema. Maganda kasi ang konsepto, maganda ang value” ang paliwanag ni Ms. Clarissa.
“Ah, talaga po? Ang galing.”
“Oo. Kaya naparangalan ang eskuwelahan na iyan na isa sa may pinakamagandang management model ng bansa.”
“Kaso lang po, parang hindi nakikita ang value na iyan sa mga estudyante. Parang nagyayabang na kasi iyong iba eh.”
“I think, may kulang siguro sa approach ng pagtuturo ng values at pag-integrate ng concept sa policy ng school.”
“Sana nga po. Pero kung may pera lang sana ako, ayokong mag-aral sa mga ganoong school na may mga mayayaman. Ang tingin ko kasi sa kanila mga bully, mga plastik.”
“Hindi naman siguro lahat. Pero, saan mo naman gustong mag-aral pag-graduate mo?”
“Sa probinsiya na lang po namin.”
“Di ba delikado pa roon?”
Nilingon ko si Kuya Renan. “H-hindi na siguro.”
“Huwag tayong pakasiguro, ‘tol...” ang sagot ni Kuya Renan.
“Ganito na lang...” ang pagsiningit ni Ms. Clarissa. “Sa Maynila ka na lang mag college, at ako ang bahala sa tuition fee mo. Doon ka na rin titira sa akin. Pag-graduate mo ng high school, ipapalakad ko ang adption papers mo.” At baling kay Kuya Renan, “At ikaw Renan, sa Maynila ka na rin manarbaho, sa isang kumpanya ko. Dahil Engineer ka naman, puwede ka sa isang Engineering na puwesto. Dalhin mo ang inay mo kung gusto mo. Hahanapan ko kayo ng apartment para hindi na kayo maghiwalay ni Bugoy.
“M-maganda po iyan, Ma’am. Sige po, kausapin ko ang inay sa pag-uwi ko.” Ang sagot ni Kuya Renan.
Iyon ang plano na nabuo namin. Pagkatapos ng aming pananghalian ay nagpaalam kami kay Ms. Clarissa na dalawin namin ni Kuya Renan si Mico na nasa ICU pa rin daw. Pinayagan naman kami. Kaya pagkatapos na pagkatapos ng aming pananghalian ay imbes na magpahinga, dumiretso kami ni Kuya Renan sa ospital.
Nakumpirma namin na naroon nga si Mico sa ospital. Dali-dali kaming pumasok at tinumbok ang palapag at kuwarto ng ICU. Nang naroon na kami sa loob, nakita namin si Anne na nakaupo sa isang gilid, halata sa mukha ang pagod at lungkot. Sa tabi niya ay ang lola ni Mico. Nang ibinaling ko ang aking paningin sa kama, nakita ko si Mico, nakahiga sa kama, nakapikit ang mga mata at may mga nakakabit na aparato sa kanyang katawan. May oxygen tube ding nakakabit sa kanyang ilong at may isa pang tubo sa kanyang bibig.
Nanlaki ang mga mata ni Anne nang makita kami. Tumayo siya at hinarap ako. “Look who’s here?” ang sambit niya sa akin.
“Nandito kami para damayan si Mico, Anne.” ang sambit ni Kuya Renan.
Ibinaling ni Anne ang kanyang paningin kay Kuya Renan. “At isa ka pa! Alam mo kung ano ang ginawa mo sa akin! Hinalay mo ako!” ang pigil niyang pagsasalita.
“Anne, si Mico ang pakay namin dito at please, kung may ibang issue man, huwag nating pag-usapan iyan dito.”
“Oo, madaling sabihin iyan sa iyo dahil masaya kayo sa pasko ninyo! Pero kami... narito sa ospital!” Sa OSPITAL! Sinira ninyo ang aming masayang selebrasyon ng pasko! Kami ang inaagrabyado ninyo!!!”
“Aksidente ang lahat na nangyari Anne, alam mo iyan.”
“Aksidente?!!!” ang pagsigaw na ni Anne. “Aksidente ang lahat?!!!” at baling sa akin, “Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito! Kung hindi ka nagdrama sa paglalangoy mo patungo sa laot, hindi sana madamay si Mico! Dapat ikaw ang nariyan! Mamamatay-tao ka! Ang kapal ng mukha mo! Nagawa mo pang magpunta rito?!!!” sabay bitiw ng isang malakas na sampal sa aking mukha at pagkatapos ay sinambunutan niya ang aking buhok, kinaladkad ako patungo sa dingding at pilit na inumpog ang aking ulo.
Mabuti na lang at nahawakan siya ni Kuya Renan. Yumuko na lang ako, hinaplos ko ang aking nasampal na pisngi. Tanggap ko naman kasi ang mga sinabi niya. Para sa akin ay totoo ang mga binitiwan niyang salita. Ako ang dahilan kung bakit nalunod si Mico. At hirap akong patawarin ang aking sarili.
Hinarangan ni Kuya Renan si Anne upang hindi na niya ako masaktan pa.
“Umalis ka riyan! Papatayin ko ang gagong iyan!”
“Hindi kita papayagang saktan mo si Bugoy.” ang sambit ni Kuya Renan.
Doon na lalo pang nagwala si Anne. “Kinakalaban mo ba ako?”
“Hindi kita kinakalaban Anne. Gusto ko lang sana na isiksik mo sa isip mo na walang kasalanan si Bugoy.”
“Siya ang dahilan kung bakit nalunod si Mico! Hindi mo ba naintindihan?!!! At siya pa ngayon ang iyong papanigan?”
“Hindi ko siya pinapanigan. Sinasabi ko lang ang totoo. Sinabihan ko si Mico na bumalik sa dalampasigan dahil ako na ang bahalang humabol kay Bugoy. Ngunit hindi ko alam kung bakit hindi niya sinunod ang utos ko sa kanya... Kung sinunod sana niya, hindi siya mapahamak. Iyan ang totoo.”
“Aba! Matindi ka rin! Si Mico na pala ngayon ang may kasalanan? Nalunod na nga ang pinsan ko, siya pa itong may kasalanan? Ganoon ba iyon?!!!”
“Anne, Anne, huminahon ka. Huwag kang gumawa ng gulo.” ang pagsingint naman ng lola niya.
“Siya ang dahilan ng lahat ng ito, Lola...” ang turo ni Anne sa akin. “Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana mangyari kay Mico ang lahat. Puro ka-buwesitan at kamalasan ang dala niya sa buhay ni Mico, at sa atin! Iyan ba ang dapat na i-adopt ni Tito? Hindi tayo dapat na pumayag!”
“Okay, okay.... Idaan natin sa mahinahon na usapan at tamang proseso ang lahat.” ang sagot ng lola ni Anne.
“Lumayas kayo! Lumayas kayo rito at huwag nang bumalik paaaaaaaa!!!” ang sigaw ni Anne sa amin.
“O sige... alis na muna kayo, Bugoy. Alis muna kayo upang matahimik tayo rito.” ang sambit ng Lola ni Anne.
Walang imik na tumalikod kami ni Kuya Renan at tinumbok ang pinto ng kuwarto.
“At magsama kayong dalawa sa impiyerno! Tandaaan ninyo, gagantihan ko kayo!!!” ang pahabol na sigaw ni Anne.
Tulala ako habang naglakad kami patungo sa labasan ng ospital. Wala akong ibang taong sinisi kundi ang aking sarili. Awang-awa ako kay Mico. Matindi ang aking pagsisisi sa nangyari. “Ang laki ng kasalanan ko kay Mico, Kuya... Parang hindi ko mapapatawad ang aking sarili dahil sa nangyari.”
“Sinabi ko naman sa iyo na si Mico rin ay may kasalanan, di ba? Kaya huwag mong sisihin ang iyong sarili.”
Nang nakablik na kami ng hotel, dumiretso kami sa aming kuwarto ni Kuya Renan. Doon na kami nagpalipas ng oras. Ngunit hindi rin ako nakapagpahinga. Ang nangyari kay Mico ang tanging bumabagabag sa aking isip.
Alas 6 ng gabi nang muling tumawag sa intercom si Ms. Clarissa. Kakain daw kami sa labas at pagkatapos ay gagala sa park kung saan ay may mga rides. Pagkatapos naming magbihis ay sabay kaming nagpunta sa isang restaurant. Ibang restaurant naman ang pinuntahan namin sa pagkakataong iyon. Iyon iyong nasa mataas na building at tanaw ang kabuuan ng syudad ng Tuguegarao. Sa hapunan naman namin iyon ay napagkuwentuhan namin ang kalagayan ni Mico. Nalungkot si Ms. Clarissa. Ngunit kagaya ni Kuya Renan, pinayuhan niya akong huwag ma-guilty dahil si Mico man ay may pagkukulang din. Sa kuwentuhan rin naming iyon ay muli niyang sinabi sa akin na doon na muna ako titira sa accommodation na ibinigay niya sa akin sa Tuguegarao habang ipinagpatuloy ko ang aking natitirang dalawang buwan sa 4th year, kaming dalawa ni Kuya Renan habang nasa bakasyon pa siya.
“N-ang-alala kasi ako Tita...”
“Mommy. Di ba mommy mo na ako?”
Natawa ako ng hilaw. “M-mommy pala... kasi po, sila ang nagbayad ng tuition ko sa school tapos, ganyan ang nangyari. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sisingilin nila ako. Ang laki pa naman ng binabayaran nilang tuition sa akin.”
“Huwag kang mag-alala. basta ituloy mo lang ang iyong pag-aaral. Kung sisingilin ka nila, tell me. Babayaran natin sila.”
May tuwa naman akong nadarama sa sinabing iyon ni Ms. Clarissa. Ngunit naroon pa rin ang aking nararamdamang awa kay Mico at guilt sa nangyari sa kanya.
Pagkatapos naming maghapunan ay nagtungo nga kami sa plaza. Sumakay kami sa mga rides. Masayang-masaya kung tutuusin. Noon lang ako nakasakay ng mga ganoong rides kagaya ng sa Octopus ride, Roller Coaster ride, at marami pang iba. Subalit, hindi ko rin maiwaksi sa isip ko si Mico, at ang maaaring gagawin sa akin ni Anne.
KINABUKASAN ay bumalik na si Ms. Clarissa ng Maynila. May aasikasuhin pa raw siya roon ngunit inimbitahan niya kaming magpunta ng Maynila sa katapusan ng Disyembre upang doon magdaos ng new year. May party din daw ang isa nilang factory roon at kagaya ng branch nila sa Tuguegarao.
Mula December 26 hanggang December 29 ay ginugol namin ni Kuya Renan ang aming mga sarili sa pag-eenjoy na kapiling namin ang isa’t-isa. Parang bumawi lang kami sa ilang taon ding malayo kami sa isa’t-isa at walang komunikasyon. Masayang-masaya ang pasko kong iyon, maliban na lang sa aksidenteng nangyari kay Mico.
Napag-alaman ko rin mula sa ibang kaibigan kong classmates na hindi pa bumalik ang malay ni Mico bagamat steady naman daw ito. Kahit papaano ay naibsan ang aking pag-alala. Si Anne naman ay galit na galit pa rin daw sa akin. Pero hindi ko na siya masyadong iniisip pa. Kasi, plano ko na talgang umalis sa lugar na iyon pagkatapos ng aking graduation. Ang panalangin ko na lang ay mabuhay ni Mico at hindi na ako magpapakita pa sa kanila.
December 30 ay nagtungo kami ng Maynila ni Kuya Renan upang doon naman magcelebrate ng New Year. Tila walang mapagsidlan ang tindin ng kaligayahan ko sa paskong iyon. Naroon si Kuya Renan, at nagkaroon pa ako ng parang tunay ko na ring inay na nakakaintindi sa akin, si Ms. Clarissa. Kahit ganyan siya ka abala sa kanyang mga commitments, binibigyan pa rin niya ako ng oras.
Halos ganoon din ang party nila sa Tuguegarao. May mga palaro, may mga raffle, may exchnge gifts, at may mga talent presentations. Doon ay kumanta kami ni Kuya Renan. Nag-duet kami sa kantang “Forever”-
Now, while we're here alone
And all is said and done
Now I can let you know
Because of all you've shown
I've grown enough to tell you
You'll always be inside of me
How many roads have gone by
So many words left unspoken
I needed to be by your side
If only to hold you
Forever in my heart
Forever we will be
And even when I'm gone
You'll be here in me
Forever
Once, I dreamed that you were gone
I cried out trying to find you
I begged the dream to fade away
And please awaken me
But night took a hold of my heart
And left me with no one to follow
The love that I lost to the dark
I'll always remember
Forever in my heart
Forever we will be
And know that when I'm gone
You'll be near to me
Forever in my heart
You always thought I'd be
I'd be yours
Forever
Kenny Loggins - Forever
JANUARY 2 nang nagsimula na naman akong malungkot. Paano, kinabukasan ay aalis na si Kuya Renan pabalik ng Gensan samantalang ako ay mag-isang babalik sa Tuguegarao.
“Masaya ka ba?” ang sambit ni Kuya Rrenan nang kami na lang dalawa ang naiwan sa kuwarto, ilang oras bago namin siya ihahatid patungo sa airport.
“Sobra. Pero ngayon, nalulungkot na naman po ako. Natatakot.”
“Bakit ka naman nalulungkot at natatakot?”
“Syempre, aalis ka na. At ako na lang mag-isa. Tapos, natatakot akong baka mamaya ay hindi na naman kita ma-contact.”
“Hindi na mangyari iyan. Alam ko na ang lugar mo sa tuguegarao at kahit dito. At dalawang buwan na lang, di ba... April na at dito ka na sa Maynila mag-aaral. At ako naman, kapag pumayag ang inay na dito na kami, magsasama na tayo rito.”
“Paano kung hindi siya pumayag?”
“Sure akong papayag siya. Kung hindi siya papayag, ako na lang ang pupunta rito. Padadalhan ko na lang siya ng pera.”
“S-sa Tuguegarao, hindi ko rin alam ang gagawin doon. Dalawang buwan pa akong magtiis roon ngunit prang natatakot ako na baka may gagawin si Anne sa akin.”
“Huwag kang mag-alala. Basta palagi kang mag-text sa akin at kay Ma’am Clarissa. Syempre, palagi ka ring magdasal. Basta tiisin mo na lang ang dalawang buwan. Malapit na lang iyan. Ibigay mo ang best mo sa pag-aaral upang makamit mo ang medalya. Promise?”
“Opo...”
“That’s my babe...” ang sagot niya.
Napangiti naman ako. “Babe na ba ang tawagan natin?”
“Yes babe...” ang sagot niya.
Napangiti naman ako. “I love you... Pero Kuya pa rin ang tawag ko sa iyo ah.” ang sagot ko.
“Bakit?”
“Kasi parang ang lakas mo. Parang sa gitna ng kahinaan ko, ikaw lang ang aking sandalan. Iyong sinasabi nilang ‘my rock’. Parang kapag nabanggit ko ang salitang Kuya ay nabubuhayan ako ng loob, lumalakas at nai-inspire kasi nariyan ka na aking hinuhugutan ng lakas. Kaya Kuya pa rin kita.”
Ngumiti siya at niyakap niya ako. Tama ka. Pero ikaw... ikaw lang ang babe ng buhay ko. Ako na lang ang tatawag sa iyo ng ‘Babe’”
“Opo...”
Hinalikan niya ako. naghalikan kami, nagyakapan. Sa pagkakataong iyon ay pareho naming pinakawalan ang bugso ng aming kasabikan. Iyon ang huling pagkakataong nagsiping kami.
Nang nasa airport na kami, hindi ko naman mapigilan ang sariling hindi mapaluha.
“Huwag ka nang umiyak babe ko.”
“Hindi ko kasi mapigilan Kuya eh.”
Niyakap na lang niya ako. Natutuwa na rin ako kahit papaano dahil sa kabila ng maraming tao sa pre-departure lounge ay hindi niya ikinahihiyang yakapin ako. Marahil ay ang ibang tao, ang akala ay magkuya lang kami.
Bago siya pumasok sa check-in area, hinalikan niya ako sa bibig. Doon na ako nagulat. Lalo lamang itong nagpaigting sa aking naramdamang kalungkutan. Pinahid muna niya ang mga luha sa aking pisngi. “Mag-ingat ka palagi Baby ko.” ang bulong niya. At tumalikod na siya papask sa check-in loung habang patuloy na nakatutok ang aking paningin sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang nakapasok at hindi ko na siya nakita pa.
Ramdam kong nagsitinginan ang mga tao sa akin. Hindi kasi nila lubos maisip na ang guwapo at hunk na isang lalaki ay hahalikan ang isang lalaki rin sa bibig, na sa una ay akala nilang kuya ko lang.
Bumalik ako sa sasakyan kasama ang driver. Nang binaybay na ng sasakyan ang daan pabalik sa bahay ni Ms. Clarissa, sunod-sunod na ang text ni Kuya Renan. Kahit papaano ay nakabawas ito sa aking naramdamang pangungulila.
Kinabukasan, nang ako naman ang umalis patungo sa Tuguegarao ay hinatid ako ni Ms. Clarissa. “Sa sinabi ko Bugoy, tawagan mo lang ako o mag-text ka kung may problema ka ha? Di ako mag-aatubiling puntahan ka sa Tuguegarao at tulungan ka kapag may problema ka. Kapag inapi ka, makikita nila ang gagawin ko sa kanila kapag nagkataon...” ang sambit ni Ms. Clarissa.
Hapon na nang nakarating ako ng Tuguegarao. Nang nakapasok na ako sa aking kuwarto, doon ko na muling naramdaman ang matinding lungkot at pangungulila kay Kuya Renan. May kaba rin akong naramdaman kung ano ang mangyayari sa school na wala si Mico at kapag malaman ng lahat na ako ang dahilan sa pagkadisgrasya niya. Parang hindi ko kayang harapin sila. Lalo na si Anne. Napag-alaman ko kasing nasa comatose stage pa rin si Mico.
Hindi nga ako nagkamali. Kinabukasan, nalaman kong ipinagkalat na ni Anne sa buong campus na ako ang dahilan ng pagkalunod ni Mico. May mga nagpaparinig sa akin na wala raw akong utang na loob, ahas, traydor, makapal ang mukha, makati, malandi, balahura, higad, at kung anu-ano pa. Lalo na ang mga kaibigan ni Anne na mga mata-pobre, ipinamukha talaga sa akin na para akong isang hampas-lupa na nagpumilit na makatapak sa estado na tinatapakan nila.
Masakit. Ngunit tiniis ko iyon sa unang araw ko ng pagpasok.
Kinabukasan, doon na ako nagulat nang ipinatawag ako ng principal. Naroon din si Anne, at taas-noo na inismiran ako, tiningnan mula ulo hanggang paa.
“I called you up because a complaint was lodged against you...”
“A-about what, Miss?” Miss kasi ang gusto niyang itawag sa kanya dahil bata pa naman siya at single pa.
“You were responsible in Mico’s drowning. Is this true?”
“I...” doon na ako hindi nakasagot. Iyon bang feeling na guilty dahil ang iginigiit ng isip ko ay ako talaga ang dahilan bagamat hindi ko naman inutusan si Mico na sagipin niya ako.
“See? He is guilty! He can’t even say anything!” ang pagsingit ni Anne.
“Is this true, Bugoy?”
“N-no Miss.”
“Liar!” ang pagsingint uli ni Anne. “He went far out to the deep water and asked Mico to follow him even if he knew Mico could not swim! How dare you lied to the principal!” ang sigaw ni Anne.
“Bugoy, you know that it is not good to tell lies.”
“I’m not telling a lie, Miss!” ang pagreact ko sa sinabing “lie”
“Liar!” ang sigaw ni Anne.
“Bugoy... you know, Anne’s family and relatives have been our regular patrons since generations. The family pays the highest tuition in our bracket and whenever the school has projects, they generously donate. On the other hand, you are only a transferee here, and we don’t even know your background. So between you and the family of Anne, we trust them more. And they want you expelled because of what you did...”
“You mean you believe in them because they pay you more, and the family has been generous to your school?” ang palaban kong sagot.
“You can say that if you want to, but it’s more on their relationship with the school over the years. It’s the friendship and trust that we value... more than you.”
“So just because you value your relationship with them more, they can already ask you to expel a student regardless of the reason?”
“Bugoy, the reason why the school will expell you is because of what happened to Mico...”
“Miss, it’s not my fault!” ang pagtaas ng aking boses.
“Liar! It’s your fault, idiot!” ang pagsigaw rin ni Anne.
“No! It’s your fault Anne!” ang sagaw ko rin sa kanya.
“Okay... tell the principal how it now becomes my fault. She will listen to you. Go ahead. Tell her.”
Doon na ako natameme. Paano ko ba sasabhin na dahil nagseselos ako sa ipinadala niyang litrato nina Kuya Renan sa kama kung kaya napunta ako sa dagat at gustong magpakamatay sa tindi ng sama ng loob. Ayaw ko namang sabihin sa principal na dahil pala sa isang lalaki kung kaya nangyari ang lahat.
“Tell the principal Bugoy...”
Tiningnan ako ng principal. Ngunit hindi pa rin ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag.
“So if you can’t say anything, Bugoy. It’s now final. Today is your last day in school. You can pack up and go home. Don’t come back here anymore, except when you get your credentials. You can bring your parents or guardian with you.”
Kitang-kita ko ang pagbitiw ni Anne ng isang nakakalokong ngiti ni Anne, iyong ngiting may bahid na pagmamalaki. Nakita ko sa kanya ang isang ngiting demonyo.
“But Miss...” ang nasambit ko na lang.
“That’s all Bugoy. You may go now.”
Wala na akong nagawa kundi ang lumabas sa kuwarto ng principal. Naiwan si Anne na hindi ko alam kung ano pa ang mga pinag-uusapan nila.
Dali-dali kong tinumbok ang aking silid-aralan at kinuha ang aking bag. Ramdam kong nagsitinginan sa akin ang aking mga classmates. Ang iba ay nagbubulungan. Hindi ko na sila pinansin pa. Dali-dali akong lumabas ng kuwarto at nagtatakbong tinumbok ang gate. Mistula akong isang basang sisiw na nahiwalay sa kanyang inahin at kapwa mga sisiw sa kalagayan kong iyon.
Pakiramdam ko ay gumuho ang aking mundo sa bilis ng mga pangyayari. Iyong tila nabasag na mithiin na maka-graduate at makamit ang top honors. Sa policy kasi ng school nila ay puwedeng maging valedictorian kahit transferee.
Nang nakauwi na ako, nagmukmok ako sa aking kuwarto. Ni pagtext kay Kuya Renan at Ms. Clarissa ay hindi ko magawa. Sobrang nadepressed ako. Naalala ko noong Elementary ako, ipinangako ko sa aking inay na maging valedictorian ako at pati na rin sa aking pag high school, sisikapin kong maging valedictorian para sa kanya. Ngunit mukhang mabibigo ako. Umiyak na lang ako nang umiyak, kinakausap ang inay. “Nay... ginawa ko na po ang best ko ngunit mukhang hindi talaga para sa akin iyon. At mukhang hindi rin ako makaka-graduate. Ang sakit po. Sana po ay tulungan ninyo ako. Sana rin po ay malinawan ang isip ng principal. At si Mico po, Nay... sana rin po ay magising na siya. Naawa na po ako sa kanya. Pangako po na kapag nagkamalay na siya, hindi na po ako magpapakita pa sa kanya at sa pamilya niya. Sana po, ‘Nay ay tulungan ninyo po ako...”
Buong araw akong nagkulong sa aking kuwarto. Hindi ko pa rin sinagot ang mga texts ni Kuya Renan. Pagsapit ng gabi, tumawag si Ms. Clarissa. “Kumusta ang pag-aaral Bugoy!” ang tanong niya.
“O-ok lang po, Tita, M-mommy pala.” Ang sagot ko.
“Okay lang pero malungkot ang boses mo. Anong problema? Na-miss mo ba ang Kuya Renan mo?”
“Hindi naman po...”
“So tell me kung ano ang problema?”
Nahinto ako nang sandali. Feeling ko ay bibigay na ako para sa isang pag-iyak. “W-wala po, Mom.” Ang sagot ko, ngunit nag-crack ang boses ko kaya doon niya napansin na umiyak pala ako.
“Okay bakit ka umiyak. Tell me the truth, Bugoy. Ayaw ko nang batang nagsisinungaling.”
At doon na ako napahagulgol at sinabi sa kanya ang buong nangyari.
“What? The school did that?” ang gulat na sabi ni Ms. Clarissa.
“Opo... ngayon na lang po ang last day ko. Hindi ko po alam ang gagawin ko, Mom.”
“I can’t accept that Bugoy. Sino ang nagdismiss sa iyo?”
“Iyon pong principal ng school. Si Dr. Grace Binay po.”
“Bukas na bukas din ay pupunta ako riyan at kausapin ko ang principal na iyan. Hindi ako makapapayag na ganyan-ganyan na lang ang gagawin niya.”
Ramdam kong nabuhayan naman ako ng loob. “S-salamat po, Mom.” Ang sagot ko.
Tila naibsan ang aking kalungkutan sa narinig mula kay Ms. Clarissa. Doon ko na rin naisip na sagutin na ang mga text ni Kuya Renan. Sinabi ko na rin sa kanya ang lahat. Galit na galit siya kay Anne.
Alas 2 ng hapon ay dumating si Ms. Clarissa sa Tuguegarao. Sinundo ko pa siya sa airport dahil dinaanan ako ng driver ng factory nila. Utos daw iyon ni Ms. Clarissa. Pagkalabas niya ng airport ay dumiretso na kaagad kami sa eskuwelahan. Nakasuot lang siya ng maong na jeans, puting T-shirt, naka-shades, at ang buhok ay naka-pony tail lang. Halatang nagmamadali. Ni halos hindi na nagmake up.
Nang dumating kami sa eskuwelahan, agad kaming sumugod sa opisina ng principal. Nakasalubong pa namin si Anne sa lobby kasama ang kanyang mga kaibigan na halatang naintriga sa pagkakita nila sa amin. Nakita ko silang sumunod sa amin patungo sa office ng principal.
“Good afternoon. I would like to have a word with you” ang bungad ni Ms. Clarissa sa principal na nagulat sa biglang pagpasok namin. Nakabukas kasi ang pinto ng opisina niya kung kaya ay hindi na kumatok pa ni Ms. Clarissa, dagdagan pa na nagmamadali siya.
Nasa ganoong pagpapakilala si Ms. Clarissa sa sarili sa principal nang nakita ko namang pumasok rin si Anne sa loob ng office ng principal kasama ang dalawang kaibigan at umupo pa sila sa sofa sa loob ng office mismo. Hindi talaga siya nahiya, at hindi man lang nagbigay ng respeto kay Ms. Clarissa na naroon sa loob para sana bigyan kami ng privacy. Para bang ganyan na sila ka-close ng principal.
“H-have a seat please.” ang sambit ng principal. “What can I do for you, Ma’am?” ang dugtong niyang tanong.
Umupo si Ms. Clarissa sa harap na upuan ng desk ng principal. Umupo naman ako sa kabilang upuan sa harap ng inupuan ni Ms. Clarissa.
“Are you a new principal here? Because the last time I visited this school, the principal was a nun.”
“Yes, I’m new. The last principal, Sr. Rose, was elected superior by her congregation and resigned in order to focus with her new assignment.”
“Ah...” ang sagot ni Ms. Clarissa na tumango-tango pa.
“So what can I do for you?” ang tanong uli ng principal.
“I was informed that you dismissed this student? He is my... son.” ang pagturo sa akin ni Ms. Clarissa.
Nakita kong namang lumaki ang mga mata ni Anne sa narinig, itinakip pa ang mga mga kamay sa kanyang bibig habang binitiwan ang isang mapagmaliit at mapanghusgang ngiti. Iyong parang ang nasa isip ay, “Really? She looks so poor and look at how she dresses!”
“And I thought he is an orphan. It’s in our record.”
“Not anymore. I adopted him.”
“Ah...” tumango-tango ang principal.
“Now, did you expel him?” Ang tanong uli ni Ms. Clarissa.
“Yes... regretfully.” ang sagot naman ng principal na may bahid pagka-istrikto, tila ipinakita ang kanyang authority na magdesisyon sa ganoong bagay.
“And for what reason?” ang tanong uli niya ni Ms. Clarissa.
“For lying.”
Mistulang nagulat si Ms. Clarissa sa sagot ng principal. “You can’t expel a student for lying?” Tumaas na ang boses ni Ms. Clarissa.
“Can you please tone down your voice? You are here in my office!” ang halos pasigaw din na sagot ng principal, halatang nairita.
“How can I tone down my voice? You unilaterally expelled this kid without due process?” ang sagot ni Ms. Clarissa na mas lalong tumaas pa ang boses.
“Look, I’m the principal here and I can do whatever I want! And if you are only here to make me change my mind, sorry...” ang mas malakas pa na sigaw ng principal. Ayaw talaga niyang paawat.
“Even if the director of the school will himself tell you to apply due process to the case of this kid, you will still insist on your decision?”
“The director of the school, the president of the board of trustees, even the owner... I’m not aftraid of them! Now if you are only here to challenge my decision, you better leave!” ang sigaw pa rin ng principal na kitang-kita sa mukha ang galit.
Hindi na nakipag-argumento pa ni Ms. Clarissa. “Ok... fine.” Ang sagot lang niya.
Nakita ko naman si Anne na halatang tuwang-tuwa sa tapang na ipinakita ng principal. Iyon bang parang sa isip niya ay nanunulsol pa. “Sige... awayin mo iyan! Palayasin mo! Walang magagawa ang mga iyan dahil hampas-lupa naman ang mga iyan, susuportahan ka namin Miss!”
“And by the way, the main reason why Bugoy had to be expelled is because he is endangering the life of another student.” Ang dugtong ng principal.
“Ow... First there was lying and now, he is endangering a life of another student. Do you have proof for this? Was it his fault? Was it intentional? Did you conduct an investigation first before concluding he endangered the life of another student?”
“Ahm...” ang sagot lang ng principal na tila hindi malaman kung paano i-explain ang kanyang mga sagot. “Whatever. As I said, I am the principal and I can do whatever I have to do to impose discipline and order in this school!”
Nakita kong tumaas ng kamay si Anne. “With all due respect, and with your permission, may I narrate how the incident had happened?” ang pagsingit niya.
“Yes you may, Anne.” Ang sagot ng principal.
“And who are you?” ang tanong ni Ms. Clarissa kay Anne.
Na sinagot naman ni Anne ng taas-noo, iyong may bahid na pagmamayabang at pagka-arogante. “I’m the cousin of the victim. And in case you don’t know, my dad is the highest tuition payer of this school by virtue of the combined earnings of my parents.”
“Ow! Good for you!” Ang sarcastikong sagot naman ni Ms. Clarissa na humarap kay Anne, tinanggal ang kanyang suot na shades. “So tell me what happened?”
Bahagyang nahinto si Anne na napatitig kay Ms. Clarissa. Marahil ay may naalala. “I-I think I saw you in Amanpulo?”
“Yes, I saw you too. And I know what happened there.” Ang sagot ni Ms. Clarissa sabay tayo at dampot sa receiver ng intercom na nasa ibabaw ng mesa ng principal. “May I use your phone?” ang tanong niya sa principal.
“Yes you may. But that is only connected internally, within the school campus. This is an intercom.” Ang sagot ng principal.
“I know.” Ang sagot din ni Ms. Clarissa.
Nang na-dial na ni Ms. Clarissa ang number, nagsalita na siya. “Dr. Mar Duterte?” “Yes, I’m here.” “No, no. I’m in a hurry. Just come over to the principal’s office please, will you?” “Good.”
Nang ibinaba ni Ms. Clarissa ang receiver ng telepono, natahimik ang lahat. Pati ako ay natahimik rin. Iyon bang, “Wow... at akalain mong casual lang niyang kinausap ang direktor ng eskuwelahan? Ganyan sila ka close?” May tuwa akong nadarama. Nanumbalik muli ang aking pag-asa.
“Are you a friend of the school director?” ang pagbasag ng principal sa katahimikan. Marahil ay kinabahan din siya nang napansin ang casual na pakikipag-usap ni Ms. Clarissa sa Direktor. Hindi niya siguro akalain na ang estudyanteng basta-basta na lang niyang denisisyunan na i-expel ay may inay pala na malakas sa mismong Direktor ng eskuwelahan. Akala siguro niya nang sinabi niyang bring your parents with you ay isang hamak na tao lamang ang aking maiharap sa kanya.
“Ow yes! Very, very close! In fact, Dr. Mar Duterte is my best friend! We both obtained our graduate degrees in Economics at Wharton school, Uiniversity of Pennsylvania.” Ang sagot naman ni Ms. Clarissa.
Tila namutla ang principal sa kanyang narinig. Wharton graduate ba naman. Siguro ay natakot siya na baka masampal. Tila gusto kong matawa. May kuwento kasi ako narinig na sampalan ng dalawang lalaki kapag napatunayang nagsinungaling na graduate ng Wharton ang isa, at kapag tunay na nag-graduate nga ay ang nanghamon naman ang sampalin.
Nang tiningnan ko si Anne, tila natulala rin siya sa narinig. Ewan kung natakot rin siya na baka masampal.
Maya-maya lang ay sumulpot na ang nasabing direktor. “Oh my God! Look at you. It’s been a long time! You’ve become more and more beautiful! What did you do?” ang sambit na pabiro niya kaagad nang makita niya si Ms. Clarissa na tumayo na at nagbeso-beso sila. Sa ayos ng kanilang pananalita, walang duda na magbest friends nga sila.
“Why? What have I done?” ang natawang sagot naman ni Ms. Clarissa.
“You look so inspired and happy! Palagay ko ay nag move on ka na. Is there someone?” ang tanong ng Direktor.
“Ssshhhh! I’m here for a business purpose.” Ang pagmuestra naman ni Ms. Clarissa, inilagay ang kanyang hintuturo sa kanyang bibig, pahiwatig na tigilan na siya sa kanyang biro.
“Oh... sorry, Ma’am.” Ang sagot ng Direktor na tila nagbibiro pa rin. At baling niya sa principal na kasalukuyang napilitan nang tumayo at tila mas lalo pang namutla, ipinakilala siya nito, “Dr. Binay, this is Ms. Clarissa Espanto, the owner of the school...”
(Itutuloy)

Sir Mike, sa after nya mag New Year sa Maynila, saan sya nag stay si Bugoy Tuguegarao?
ReplyDelete