By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
***
getmybox@hotmail.com
***
“Totoo ba?” ang
tanong uli ng abugado.
Tiningnan ako ni Mico. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang ibayong lungkot. Nang ibinaling niya ang kanyang tingin sa abugado, sumagot siya. “Opo. Masama po ang loob niya sa akin at siya po ang nagsabing sundan ko siya sa dagat. Pinilit niya po ako, sinabing kung gusto ko raw siyang patawarin ay dapat mag-usap kami sa dagat.”
Sobra ang pagkagulat ko sa narinig na sagot ni Mico, Iyon bang bigla akong napa “Oh my God! Ganyan na siya kasinungaling?” sabay takip sa bibig. Napalingon ako kay Kuya Renan na ang tanging nagawa lamang ay haplusin ang aking likod. Napayuko na lang ako. Nalungkot man, tinanggap ko na lang ito, isiniksik sa isip ang mga nagawang sakripisyo niya sa akin na marahil ay siningil niya sa pamamagitan ng pagtestigo at pag-imbento ng kuwento laban sa akin.
“Paano niya sinabi sa iyo na masama ang loob niya? At paano niya sinabing sundan mo siya?” ang tanong uli ng kanilang abugado.
“Sinabi lang niyang masama ang loob niya sa akin dahil ang gusto niya ay sina Renan ang magsama sa isang kuwarto. At hindi nangyari iyon dahil kami ang nagsama...” ang sagot ni Mico.
“Tapos... paano niya sinabing sundan mo siya sa dagat?”
“Sinabi niyang, Mico, galit ako sa iyo. Kung gusto mong mapatawad kita, sundan mo ako sa dagat at doon tayo mag-usap. Kapag hindi ka sumunod, hindi na kita kikibuin at uuwi na ako sa amin.’ Kaya wala na akong nagawa kundi ang sundan siya. Hindi ko naman alam na sa malayo pala ang pupuntahan niya.”
Grabe talaga ang pagkadismaya ko sa narinig. Tinitigan ko si Mico. Ngunit hindi na siya tumingin sa akin.
“No further questions, your honor.” Ang sambit ng abugado nila.
Tinawag ang aming abugado upang mag cross-examine. “Bakit ganoon na lang ang pagtulong mo kay Bugoy?” ang tanong niya kay Mico.
“K-kaibigan ko siya. Kapatid ang turing ko sa kanya. Siya ang nagpatino sa akin.”
“Alam naman nating hindi mo talaga siya kapatid, di ba? Pero sapat na ba iyan upang i-alay mo ang iyong buhay para sa kanya?”
“Objection your honor!” ang sigaw ng abugado sa kabila.
“Sustained!” ang sagot ng huwes. At baling sa aming abugado, “Please rephrase your question.”
“Di ba sa umaga ng araw na iyon ay may ipinadalang mga litrato si Anne sa iyong cell phone?”
“A-anong litrato po?”
“Sa kanila ni Renan at Anne?”
Tiningnan ni Mico sina Anne atsaka sumagot. “O-opo.” Ang pag-aalangan niyang sagot.
“Nasaan ang mga litrato na iyon ngayon?”
Tuminigin uli siya sa direksyon nina Anne. “N-nasa cell phone po.”
“At nasaan ang cell phone na ito ngayon?”
Muling tumingin si Mico sa kinaroroonan nina Anne. Nang nilingon ko si Anne, nakita kong umiling-iling siya. “D-di ko na po alam kung nasaan eh.” Ang sagot ni Mico.
“Well, it’s okay. Kahit nawala iyon may nakuha naman kaming litrato.” Ang sagot ng aming abugado habang minuwestra niya sa kanyang assistant na ilabas ang pinalaking limang litratong mahahalay nina Anne at Kuya Renan sa kanilang kuwarto sa araw na iyon. Noong nasa isla pa kami at nakita ko ang litratong ipinadala ni Anne sa cp ni Mico, naisipang kong i-forward ang iba noon sa aking cp dahil gusto kong kumprontahin si Kuya Renan. Isa-isang ipinakita ito ng abugado sa mga tao at sa judge mismo. “Di ba ang mga ito ang litrato na nasa cp mo?”
Kitang-kita ko naman ang pagkagulat ni Mico sa nakita. Nang nilingon ko ang kinaroroonan nina Anne, halatang nagulat din sila.
“Fabricated! Photoshopped!” ang sigaw ni Anne.
“Silence!” ang sigaw naman ng judge. At baling kay Mico, “Answer the question please.”
“O-opo, iyan nga po.” Ang sagot ni Mico.
“So ito ang dahilan kung bakit nagalit si Bugoy sa araw na iyon, di ba?”
“H-hindi ko po alam...” ang sagot uli ni Mico.
“No further questions, your honor.” Ang sambit ng aming abugado.
Ang sunod na ipinatawag ay si Kuya Renan. Tinanong siya sa mga basic na impormasyon tungkol sa kanya at pagkatapos noon ay tinumbok na ng aming abugado ang tungkol sa mga litrato. Inamin lahat ito ni Kuya Renan. Sinabi niya na wala siyang kaalam-alam sa mga ginawa ni Anne sa kanya gawa nang bigla siyang nanlumo na mistulang may ipinainum na gamot sa kanya upang mawalan ng lakas at makatulog. Sa pahayag ni Kuya Renan ay ipinalabas ng aming abugado na iyong mga litrato at ginawa nila ni Kuya Renan sa kuwarto nina Anne ang dahilan ng aking galit sa araw na iyo at hindi si Mico.
“Bakit nagalit si Bugoy sa inyo ni Anne sa ganoong postura? Ano mo ba si Bugoy?” ang tanong ng aming abugado kay Kuya Renan.
Mistula namang huminto ang paggalaw ng lahat sa aking paligid sa pagkarinig ko sa tanong na iyon. Hindi ko kasi inaasahan na itatanong pa iyon ng aming abugado. Pakiramdam ko ay namutla ang aking pisngi sa hiya at kaba na baka i-deny ni Kuya Renan ang tungkol sa amin at kung aaminin man ay baka lalong magagalit ang kampo nina Anne.
Natahimik ang lahat. Sa sobrang tahimik ay animoy maririnig mo pa ang ingay kapag may mahulog na karayom. Pati ang aking paghinga ay halos huminto rin, hinintay ang sagot ni Kuya Renan.
“M-magkasintahan po kami ni Bugoy. Noon pa man ay alam kong mahal na niya ako at mahal na mahal ko rin siya.” ang walang kiyemeng sagot ni Kuya Renan.
Hindi ko lubos maipaliwanang ang sobrang saya ko sa narinig. Ngunit kung gaano ako kasaya, kabaligtaran ito sa expression ng mga kasama nina Anne na nagbubulungan. Nang tiningnan ko si Mico, hindi pa rin siya tumingin sa akin. Ramdam kong nasaktan siya. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng lungkot. Feeling ko ay parang sobrang selfish ko, parang sobra-sobra na ang pagpapahirap ko sa kanya.
“So ito ang dahilan kung bakit nagalit si Bugoy sa iyo?” ang pagpapatuloy ng tanong ng abugado.
“Opo...” ang sagot ni Kuya Renan.
“No further questions your honor.” Ang sambit ng abugado namin sa judge.
Nag cross-examination ang abugado nina Anne kay Kuya Renan. Ngunit nasira na ni Kuya Renan ang credibility ng pagwi-witness ni Mico. Doon nagtapos ang session sa araw na iyon.
Papasok na ako sa aming sasakyan nang mula sa aking likuran ay may tumawag, Nang nilingon ko kung sino, nakita kong si Mico ito, nakatayo at seryosong seryoso nag mukhang nakatingin sa akin.
“B-bakit?” Ang tanong ko.
“W-wala. G-gusto ko lang mag-sorry, at mangungumusta. N-na-miss kita...” ang sambit niya.
Dahil sa inis ko pa rin sa nangyaring pagsisinungaling niya sa korte, sinagot ko siya nang may bahid na pagka-arogante. “Ok lang ako. Iyan lang ba?”
“H-hindi mo ba tatanungin kung okay na ako?”
Medyo nagulat din ako sa tanong niyang iyon. Sa galit ko sa kanya ay halos nalimutan kong muntik din pala siyang mamatay. Ngunit may inis pa rin ako sa ginawa niya kaya ang naisagot ko ay, “Halata namang okay ka na, di ba? Nakapagsalita ka na nga ng mga kasinungalingan sa korte, eh. Kapag ang isang tao ay nakapag-isip ng mga pang-iimbentong kuwento, walang duda na okay na okay ang pag-iisip niya. Sa mga sinabi mo nga ay dalang-dala sina Anne sa mga sinabi mo eh. Parang totoo talaga. Puwede ka na nga sigurong maging fiction writer. Ang galing! Kahit ang kuwento ng buhay ko ay true-to-life, ginawa mong fiction. Saklap!”
“S-sorry.” Ang nasambit lang niya at yumuko.
Napansin ko ang pagpatak ng kanyang ma luha na pilit niyang itinago. “Iyon lang ba?” ang tanong ko.
“P-puwede ba kitang mayakap?” ang tanong niya.
Tila umakyat naman ang lahat ng dugo ko sa aking ulo sa tanong niyang iyon. Tumaas ang aking boses. “Pagkatapos mo akong idiin sa korte? Pagkatapos mong ipamukha sa mga tao na sinungaling ako, heto ngayon at yayakapin mo ako? Ano to, lokohan? Manhid ka ba?”
“Sorry na please. M-mahal kita. H-hindi ko kagustuhan ang lahat?”
“Mahal mo ako? Hindi mo kagustuhan ang lahat? Wala ka bang paninindigan? Bakit? Madali namang sabihin sana ang totoo eh. Ngunit mas pinili mo ang panig ni Anne na puro kasinungalingan kaysa maipalabas ang katotohanan! Ganyan ba ang pagmamahal mo? Nababalot sa kasinungalingan?”
Hindi siya nakasagot agad. “H-huwag mo sana akong i-judge, ‘Tol.”
“Puwes, iyong judge mismo ay hindi naniniwala sa iyo!”
Hindi na siya sumagot.
“Sorry? Mico. Hindi kita mapapatawad.” Ang sambit ko.
“Mico! Tara na!” ang narinig kong sigaw ni Anne habang papalapit ito sa amin.
Tumalikod ako nang nakita ko si Anne. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan upang pumasok na. Ngunit nagsalita pa rin si Mico. “Ganoon pa rin ba ang number mo?”
“Hindi na! Iba na ang number ko ngayon kaya huwag mo na akong tawagan o i-text! Kalimutan mo na ang lahat!” ang mataray kong sagot.
“G-ganoon pa rin ang number ko...” Ang narinig kong huli niyang sinabi bago ko tuluyang isinara ang pinto ng sasakyan.
“Wala akong paki!” ang galit na bulong ko sa aking sarili.
Umandar na ang sasakyan ngunit naroon pa rin si Mico, nanatiling nakatayo at nakatingin sa papalayo naming sasakyan. Ewan kung ano ang naramdaman niya. Ngunit sa isip ko, mabuti na rin ang ganoon. Marahil ay sinadya talaga ng pagkakataon na magkamali siya sa pagpanig kay Anne upang magkaroon ako ng lakas at rason na maging matigas sa kanya at iwanan na siya. At sa side naman niya, hindi niya ako masisisi. At least patas na kami. May utang na loob ako sa kanya, siya naman, sinira niya ang tiwala ko. Wala nang dahilan pa upang manatili pa ang aming pagiging magkaibigan.
“Ano sa tingin mo ang estado ng kaso natin attorney?” ang narinig kong tanong ni Ms. Clarissa sa aming abugado.
“I think 90%. I am confident that the case will be dismissed. Wala silang kawala.”
“Good!” ang sagot naman ni Ms. Clarissa.
Naramdaman kong hinawakan ni Kuya Renan ang aking kamay at pinisil iyon nang mahigpit. Nang tiningnan ko siya, nakangiti siya. Alam ko, natuwa rin siya sa narinig.
Maya-maya ay may message alert ang aking cp. Nang binuksan ko ito, text ni Mico. “I’m sorry ‘Tol... sana ay mapatawad at maintindihan mo ako.”
Binitiwan ko na lang ang isang malalim na buntong hininga at agad ko ring pinatay ang aking cp gawa nang baka tatawag pa siya. Ayoko siyang makausap.
“Sino iyon?” Ang tanong ni Kuya Renan sabay naman akbay sa aking balikat.
“Si Mico.”
“Anong sabi?”
“Nanghingi ng tawad. Hindi raw niya kagustuhan...Puwede ba iyon?” ang sagot ko.
“Na-brainwashed iyon. Or na-pressured. Baka natakot na itakwil. Hindi natin alam.”
Hindi na lang ako kumibo.
“Na-miss kita... Na-miss ko ang babe ko.” ang paglihis niya sa usapan.
Kinurot ko naman ang kanyang tagiliran. Iyong nanggigigil. “Dito ka na lang kasi Kuya eh...”
“Alam mo naman, di ba? Pagkagraduate mo na ako pupunta ng Maynila, iyan ang usapan at doon na ako mag-work sa mommy mo. Tapos, doon na tayo magsama. Tiis lang muna tayo, baby ko.” Ang sagot niya.
Hinimas-himas ko na lang ang kanyang tagiliran.
“Pa-kiss naman...” ang sambit niya sabay hawak sa aking ulo at hinila iyon palapit sa kanyang mukha. Napadayo naman ang paningin ko sa aming likuran. Naalala kong naroon pala si Jake. Ang arrangement kasi sa aming pag-upo ay ang driver, katabi si Ms. Clarissa sa harap, sa likod naman nila ay kami ni Kuya Renan samantalang sa likod ay si Jake na katabi ang abugado na natutulog. Nang nilingon ko si Jake, nagkasalubong ang aming paniningin. Marahil ay narinig niya ang sinabi ni Kuya renan na “kiss” kung kaya ay kinuha na lang niya ang kanyang headset at inilagay sa kanyang tainga, saka ibinaling ang paningin niya sa labas na parang naiilang na naroon siya at maghahalikan kami.
Iniwas ko na lang ang aking ulo sa akmang paghawak nito ni Kuya Renan. “Bakit?” ang tanong niya.
Lihim kong itinuro si Jake sa likuran. Nilingon niya si Jake. “Ay sorry!” ang sambit niya kay Jake.
“Ok lang pare. Walang problema sa akin. Alam ko naman eh.”
Napataas naman ang kilay ni Kuya Renan na pabulong na nagtanong sa akin. “Bakit niya alam?”
Kinabahan naman ako sa kanyang tanong. Buti na lang at naisip ko pa ang eksena sa korte. “Halerrr. Di ba ibinulgar mo kanina sa Korte?” ang sambit ko.
“Ok lang talaga sa akin pare. Wala akong problema” ang sambit uli ni Jake nang nakitang nag-alangan si Kuya Renan.
Doon na biglaan at puwersahang ni-lock ng kanyang kamay ang aking ulo atsaka siniil ako ng halik. Sa ganoong postura naming naghahalikan, nabaling naman ang aking paningin kay Jake na nakita ko ang panakaw niyang tingin saamin. Ewan ko ba, parang feeling ko ay nainggit siya.
Pagkatapos naming maghalikan, inilingkis namin ang aming mga braso sa kaniya-kanyang baywang. Isininandal ko rin ang aking ulo sa dibdib ni Kuya Renan habang umaandar ang sasakyan. Iyan ang postura namin hanggang sa dumating kami sa airport kung saan namin inihatid si Ms. Clarissa at ang aming abugado. Nang bumalik na kami sa aking tinutuluyan, kaming tatlo na lang ni Kuya Renan at Jake.
“Puwede ba pare, gusto muna namin ng privacy?” ang sambit ni Kuya Renan kay Jake.
“Ok, walang problema pare. Sa terrace lang ako. Pag tapos na kayo, saka ako papasok.” Ang sagot naman ni Jake na agad na ding tinnumbok ang terrace.
“Iyong security guard mo ay dito rin natutulog sa kuwarto, kasama mo?” ang tanong ni Kuya Renan nang kaming dalawa na lang ang naiwan.
“Opo.” Ang sagot ko.
“Nakaka-insecure iyang bodyguard mo ah. Mas pogi pa kaysa sa akin eh. At kung makatingin ay parang papatayin na ako. Galit ba iyon sa akin?”
“Syempre, bodyguard iyon. Nagbabantay kung ang taong kasama ko ay may tangka bang masama sa akin.”
“So alam niyang may masama akong gagawin sa iyo?”
Napatawa na lang ako. “Oo alam noon.”
“Bubugbugin ko na iyon eh!”
“Ang yabang mo. Mas malaki kaya ang katawan noon kaysa sa iyo. At magaling iyon sa martial arts!”
“So sa kanya ka kumakampi?”
“Sinasabi ko lang ang tama!”
“So ako, mali?”
“Kuliiit!”
Tinitigan niya ako. “Sure ka ba talagang walang nangyari sa inyo?”
“Halerrr! Nagselos ba.” Ang sagot ko naman. “E kung may gagawin siya sa akin, sesante na kaagad siya. Isusumbong ko siya kay Ms. Clarissa.”
“Siya... malamang walang gagawin sa iyo. E, ikaw...?” ang sambit niyang ewan kung nagbibiro lang.
Inismiran ko siya. Syempre, may guilt akong naramdaman. “Okay, sige may gagawin ako sa kanya. Gusto mo ngayon na?” ang sagot ko at tinawag ko talaga si Jake. “Ja---!”
Ngunit hindi ko rin nabuo ang pangalan niya gawa ng mabilis na pagtakip ng kanyang palad sa aking bibig.
“O, takot ka?” ang sambit ko.
Tinitigan lang niya ako atsaka inilapat ang mga labi niya sa mga labi ko. Naghalikan kami. Matagal, mapusok, at nag-aalab ang aming mga pagnanasa sa isa’t-isa. Hanggang humantong ang lahat sa pagtanggal namin ng aming mga saplot at pigil na mga ungol. Iyon na ang puntong pinakawalan namin ang aming kasabikan sa isa’t-isa.
Nang nahimasmasan na, balik uli kami sa tawanan at kuwentuhan. Doon na bumalik ng kuwarto si Jake. “Opppsss! Sorry! Sorry!” ang sambit niya nang nakitang hubo’t-hubad pa kaming pareho ni Kuya Renan.
“It’s okay pare, walang problema. Pasok ka!” ang sambit naman ni Kuya Renan na tinakpan ng kumot ang kanyang katawan pati na ang sa akin.
Pumasok si Jake at dumiretso sa kusina. Doon na kami nagbihis. Nang nakabaik na siya sa kuwarto, pareho na kaming nakabihis ni Kuya Renan. Umupo naman sa kanyang kama si Jake.
Ipinagpatuloy namin ang aming kuwentuhan ni Kuya Renan habang si Jake ay tahimik lang na nakahiga sa kanyang kama at nagbasa ng libro. Hanggang sa nakatulog na kami.
Nagising kami kinabukasan nang narinig namin ang ingay ng pagbukas ni Jake sa kanyang locker upang maligo. Nagtaka ako dahil noong kaming dalawa lang ang naroon, nakahubad talaga siya, walang pakialam. Ngunit sa pagkakataon na iyon ay todo takip siya sa kanyang katawan. Naka-pajama, nakabath robe pa. Hinugot lang niya ang kanyang brief at damit mula sa locker niya at doon na naghubad sa loob ng shower. Parang gusto kong matawa sa kanyang inasta, sa isip ko lang ay, “Naka-shabu ba iyon? Ba’t biglang nag-iba ang ihip ng hangin?”
Anyway, wala na kaming nagawa ni Kuya Renan kundi ang maghintay na matapos siya atsaka kami naman ang sabay na naligo. Syempre, hindi nawawala iyong kulitan namin, iyong hipuan, iyong tawanan. Dating gawi. Walang nagbago. At muli, nauwi ang lahat sa ungol at papakawala sa kasabikan namin sa isa’t-isa.
Nang lumabas kami sa banyo ay nakahanda na rin ang aming almusal. Si Jake pa rin ang nagluto. Nang matapos kaming magbihis, dumiretso na kami sa hapag kainan. Kuwentuhan.
Pagkatapos naming kumain ay naghanda naman kami para sa flight ni Kuya Renan pabalik ng Gensan. Kailangan kasi niyang bumalik agad dahil may mahalagang project daw na ipinagawa sa kanya ng kanyang amo at kailangang-kailangang naroon siya. Sumama si Jake sa amin, siya ang nagdrive sa service car ng kumpanya ni Ms. Clarissa na ipinagamit sa amin.
Kagaya ng mga nakaraang eksena sa airport, madamdamin ang tagpo naming iyon. Syempre, sa bawat paglayo niya, natatakot akong baka may mangyari, o iyong pag-agam-agam na baka may ibang bagay na namang hahadlang sa aming muling pagtatagpo. Ngunit kagaya rin ng dati, pinapangako naman niyang babalik at magsama kami pagkatapos ng graduation ko, sa poder ni Ms. Clarissa sa Maynila. Iyon na lang ang aking pakunsuwelo sa aming kalagayan.
Nang magcheck-in na si Kuya Renan at naiwan na kami sa labas, binuksan ko agad ang aking cp upang magtext sa kanya. Ngunit pagbukas na pagbukas ko pa lang noon ay nagsilabasan na ang mga text ni Mico. Puro sorry at nagmamakaawa, gustong makipag-usap.
Inignore ko na lang ang mga texts niya. tinext ko si Kuya Renan. “Ma miss kita kuya, I love you. Hihintayin kita rito...” yan ang mga texts ko. Sinagot din naman niya. Muli ay nangako siya na babalik.
Habang umaandar na ang sasakyan namin pabalik sa accommodation, hindi na nagtext pa sa akin si Kuya Renan. Hinayaan ko na lang dahil nagbiyahe naman iyong tao, baka kako nasa loob na ng eroplano. Binabasa kong muli ang mga texts ni Mico. Pakiwari ko ay may naramdaman din akong awa sa kanya.
Tahimik lang ako.
“Na-miss mo na ang kuya mo?” ang pagbasag ni Jake sa katahimikan. Sa tabi ng driver’s seat lang kasi ako umupo.
“Oo...”
“Guwapo naman pala ang kuya mo eh. Bagay kayo. Pero sa tingin ko, playboy iyon. Maraming chick iyon.”
Bigla naman akong napatingin sa kanya. “Weee. Paano mo nasabi?”
“Guwapo eh. Kapag ganyang guwapo, marami iyan.”
“Huwag kang magbiro ng ganyan, uupakan kita!” ang sambit ko.
“Joke lang.” ang pagbawi rin niya.
Tahimik.
“S-si Mico ay naawa ako. Sa tingin mo ba ay dapat ko siyang kausapin?” ang pagbasag ko sa katahimikan.
“Handa ka naman? Pagkatapos ng kanyang pagtestigo laban sa iyo? Itanong mo kay Ma’am Clarissa muna.”
Agad kong tinwagan si Ms. Clarissa. Pinayuhan niya ako na kung handa ako at kung sa tingin ko raw ay honest-to-goodness ang intensyon ay wala raw siyang objection. Ngunit isama ko pa rin si Jake, dahil natatakot daw siyang baka naroon si Anne at may gagawing hindi maganda.
Nabuo ang desisyon kong kausapin na lang si Mico at sasabihin sa kanyang hindi na ako magpakita pa sa kanya at na siya naman ay turuan ang sariling kalimutan ako. Agad akong nagtext kay Mico at sinabi kong magkita kami sa isang restaurant upang mag-usap. Sabado kasi iyon kaya wala akong klase. Sa puntong iyon ay buo na ang aking isip.
Maganda ang ambiance ng restaurant na napili ni Jake. Bilang security guard, siya ang nagmungkahi na doon kami mag-usap sa restaurant na iyon. Kabisado kasi niya ang lugar, at ang pasikot-sikot. At may kaibigan din daw siya na nagtatrabaho sa restaurant na iyon. Kaya walang problema para sa kanya. Nasa gilid ng gulod ang restaurant, overlooking sa city, at sa gilid nito ay may maliit na talon. Presko ang simoy ng hangin at talagang nakakarelax.
“Sorry talaga sa nangyari ‘Tol...” ang sambit niya noong nasa loob na kami ng restaurant at natapos na kaming mag-order ng pagkain. Pansin ko ang saya sa kanyang ngiti.
Nag-usap muna kami tungkol sa kanyang pag-aaral kung wala bang problema gawa ng pagka-confine niya sa ospital ng maraming araw. Okay lang naman daw dahil bibigyan siya ng special assignment at tinulungan ng teacher na maka-catch up para sa nalalapit na graduation. Masaya ako sa aking narinig.
“Ikaw, okay ka na ba talaga? I mean, phsically, iyong nangyari sa iyo nang nalunod ka?”
“Okay lang, syempre. Ako pa...” ang pagmamayabang naman niya. “Hindi ko pa oras na mamatay.” Sabay tawa.
Binitiwan ko ang isang hilaw na ngiti. Yumuko na lang ako. Hindi ko kasi alam kung paano simulan ang sasabihin.
“B-bakit?” ang tanong niya, marahil sa nakita niyang lungkot sa aking mukha.
“N-naalala mo ba isang beses, sinabi mong tatlong status ng pag-ibig?”
“Oo. Una ay iyong ang taong mahal nila ay mahal din sila. Pangalawa ay iyong ang taong mahal nila, kahit hindi sila mahal, ay naintindihan sila. At ang pangatlo ay iyong ang taong mahal nila na hindi na nga sila mahal, ay nilayuan pa sila.”
“At sinabi mo rin na nasa pangalawang status ka at masaya ka na rito.”
“Oo... sabi ko nga, kagaya rin ng status ng facebook post natin. Mayroong commented, may liked, at may seen lang. At least ako, liked. Di ba? Nakakakilig pa rin” ang sagot niyang nakangiti pa rin.
Tahimk.
“K-kung bababa ang status mo sa ‘seen’ lang, kaya mo kaya?”
Doon na biglang lumungkot ang kanyang mukha.
“M-masakit.”
“K-kasi, napagdesisyunan kong... i-ito na ang huli nating pag-uusap at pagkikita eh.”
Kitang-kita sa kanyang mga mata ang pagkagulat. “B-bakit? Dahil ba sa pagtestigo ko laban sa iyo?”
“H-hindi iyon, ‘Tol. Naisip ko kasi na parang sobrang tragic ang mga nangyayari kapag magkasama tayo. Naaawa na ako sa iyo, naaawa na ako sa aking sarili, naguguluhan, nagi-guilty. Di ko alam kung ano ang aking gagawin. Atsaka, alam mo namang nariyan si Kuya Renan, di ba? Mahal niya ako. Inamin na niyang mahal niya ako. At ikaw, para maka move on na rin...”
Hindi na siya umimik. Yumuko na lang siya at nakita ko ang pagpatak ng mga luha mula sa kanyang mga mata. “Bakit ‘Tol? May nagawa ba akong ibang kasalanan? Hindi mo ba ako napatawad?” ang tanong niya.
“Napatawad na kita. Ako nga ang manghinig sa iyo ng tawad eh. Ang laki-laki ng utang na loob ko sa iyo. P-pero... mahirap kasi ang ganito. Kagaya ngayon, nagagalit si Anne sa akin. Tapos, ang mga kamag-anak mo ay galit din sa akin. Ang daddy at mommy mo, galit na rin sa akin dahil sa mga nangyari sa iyo. Mga kaibigan at kamag-anak ninyo rito, may galit din sa akin, at halos lalamunin na lang nila ako kung makatingin sila sa akin sa school. Ang hirap eh.”
“H-hindi.. hindi galit sa iyo ang mga kamag-anak ko, ‘Tol. Maniwala ka.”
“Huwag mo na silang takpan, ‘Tol. Nabasa ko sa mga texts ni Anne sa iyo nang naroon pa tayo sa Amanpulo. Sabi niya ay galit daw ang mga kamag-anak mo rito sa akin, pati na ang iyong lola. Hindi raw ako bagay maging kapamilya ninyo dahil nga mahirap lang ako, ni wala ngang kinikilalang ama. Wala sa akin iyon. Hindi ako galit sa kanila. Hindi ko sila masisisi. Ang problema lang, ako naman itong masasaktan kung nariyan silang galit sa akin. Iba na ang tingin nila sa akin. Mahirap nang ibalik iyon.”
“S-saan ka naman pupunta?”
“Pagkatapos ng graduation natin, pupunta na ako ng Maynila, kay Ms. Clarissa. At si Kuya Renan ay doon na rin magtrabaho sa isang kumpanya niya roon. Alam mo bang i-adopt ako ni Ms. Clarissa?”
“Oo... sinabi sa akin ni Anne.”
“Siguro naman ay masaya ka para sa akin, ‘Tol...”
Hindi na siya umimik pa. Marahil ay naisip niya iyong offer dati ng daddy niya na i-adopt ako ngunit malabo nang mangyari.
“S-sana ay maintindihan mo. Para rin ito sa iyo, para sa ikatatahimik nating lahat.”
“N-naintindihan ko naman ‘Tol...” ang mahina niyang sagot habang patuloy pa rin ang pagdalong ng luha sa kanyang mga mata.
“At sana... mahanap mo rin ang taong para sa iyo.”
“Sana ay hindi mo ako malilimutan...”
“Syempre naman, hindi.” Ang sagot ko.
“Sana ay sasagutin mo pa rin ang mga texts ko.”
“Sure naman...”
“At sana, i-like mo pa rin ang mga post ko sa fb. Kahit like lang, masaya na ako...”
Tumango ako at niyakap siya.
“Puwede pahalik sa huling pagkakataon?” ang sambit niya.
Hindi na ako sumagot. Inilapat ko na lang ang aking mga labi sa mga labi niya. Matagal kaming naghahalikan. Mahigpit ang kanyang yakap, iyong sinabi nilang tila wala nang bukas. Nang kumalas ako, nakita ko na naman ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi.
“Paalam ‘Tol.” Ang sambit ko.
“M-may ibibigay ako sa iyo.” Ang sambit niya, At tinanggal niya ang kanyang kwintas na ginto. “Ibibigay ko sa iyo. Souvenir natin. Bigay iyan ng daddy ko.”
“Huwag ‘Tol... masyadong mahal iyan. Baka hanapin sa iyo ng daddy mo at ako naman ang pagagalitan.”
“Please? Sana man lang ay sa kahuli-hulihang pagkakataon ay hindi mo ako tatanggihan dito.”
Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang kanyang ibinigay. “S-salamat...”
Tinanggal ko na lang din ang aking relo at inabot sa kanya. “Mumurahin lang iyan pero iyan lang ang kaya kong ibigay sa iyo.”
Napangiti siya. “Maraming salamat ‘Tol...”
Nagyakap kaming muli atsaka tumalikod na siya. Alam ko na habang naglalakad siya patungo sa kanyang sasakyan ay umiiyak siya.
Nang makabalik na kami ni Jake ng accommodation, tinext ko si Kuya Renan. Ngunit wala pa rin siyang reply. Tinawagan ko ang number niya ngunit ang sagot lang ng kanyang linya ay “out of coverage area” ito. Doon na ako nag-alala at natakot. Maraming bagay ang pumasok sa aking isip. Kung may nangyari bang kung ano, nalaglag ba ang cp niya at di mahanap, ninakawan ba siya, o ang mas malala, kung na-crash ang eroplano. Kung anu-ano na lang ang pumasok sa aking isip. Binuksan ko ang TV upang makinig ng balita ngunit wala namang balita kung may na-crash na eroplano kaya kampante na ako roon. Ngunit hindi ko naman maiwasang isipin na baka babae naman ang dahilan kaya hindi na siya nakapagtext sa akin. Nang gabing nakaraan kasi ay sinilip ko kasi ang cp niya at may isang message akong nabasa galing sa isang Enggr C at ang nakasulat ay “Musta ka na jan honeypie. Uwi ka na. Di ko na kaya rito. Mwah!” Nang tinanong ko siya kung sino iyon, ang sagot lang niya ay partner at best friend niya raw sa project nila, engineer din daw at honeypie ang tawagan nila. Ganoon lang daw talaga sila kapag nagbabangkaan, nagbibiruan o nagkakatuwaan. Parang mga timang. Pero wala namang meaning daw iyon. Lalaki raw kasi ang engineer na iyon at may girlfriend. Kaya hindi na ako nagtanong pa. Pero sa puntong iyon na sumiksik sa isip ko na baka ang “Enggr C” na iyon ay pangalan ng babae, at... “Cathy”? Nasundan siya sa Gensan? O baka rin totoong engineer na babae iyon at ang pangalan ay nagsisimula sa letrang “C”.
Gulong-gulo na talaga ang takbo ng isip ko at hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Ewan, basta sobrang kaba talaga ang naramdaman ko. Siguro ay iyon iyong sinasabi nilang girl “instinct” iyong may nararamdaman silang kutob kapag nagloko ang mga boyfriend nila. Kaso ang sa akin lang ay “beki-instinct”. Ewan.
Kaya kinausap ko na lang si Jake kung ano ang posibleng nangyari. Syempre, ang magagawa lang niya ang bigyan ako ng payo na huwag mag-alala at okay naman ang lahat, baka lang daw na-low batt lang iyong cp ng tao o baka nawala ang cp. Maghintay lang daw ako.
Ngunit hindi ako makapaghintay. Iyon bang feeling na gusto mo nang malaman ora-orada kung ano ba talaga ang nangyari sa mahal mo, kung may nangyari ba o may itinatago o may milagrong nangyari na hindi mo alam. Di ko tuloy maiwasan na makaramdam ng inis sa sarili kung bakit di ko iginiit ang itanong sa kanya kung sino ang “Enggr C” na iyon para naman hindi hindi ako nabitin at hindi papasok sa isip ko ang ganoong anggulo ng pag-alala. Di ko rin maiwasan ang hindi mainis na naman sa kanya na baka panibagong gulo at pasakit na naman ang dala ng Enggr C na iyon sa aking buhay.
Dahil hindi nga ako mapakali, at marahil ay naawa na rin sa akin dahil nag-iiyak na ako, inanyayahan ako ni Jake na mag-bar, mag-enjoy daw para makalimot sa inis at pag-alala. Tutal, wala namang klase iyon. Sabado kasi. Kaya pinagbigyan ko ang kanyang paanyaya.
Nang nasa bar na kami, gusto kong magwala. Kaya uminum talaga ako nang uminom. Noong una ay nagkuwentuhan lang kami ni Jake. Pormal. Ngunit nang dumating na sa puntong nalasing na ako ay doon ko na siya nilandi na naman. Iyong inaakbayan, inililingkis ang aking braso sa kanyang baywang, kinukurot ang pisngi, pinipisil ang ilong, tinitigan na ang mga mata ay nang-aakit. Pati iyong sa pag-inom kung saan ay ipinapakita ko rin sa kanya ang kilos-nanunukso. Kagaya nang iyong ilalagay ko ang hinturonng daliri sa bibig ng baso at hinahaplos-haplos ang gilid noon habang tinitigan siya, kakagatin ang aking ibabang labi. Iyong ilalagay ko ang aking hintuturo sa aking bibig at marahang sisipsipin ko iyon habang tititigan siya, iyong nanunuksong titig. Ewan.
Parang wala lang namang epekto iyon kay Jake, maliban sa natatawa siya na ewan kung kinikilig, o nalilibugan. May pailing-iling pa siya. Siguro ay hindi niya talaga ako type. Ngunit Ngunit ang hindi niya alam, may maitim na balak na naman ako sa kanya kapag dumating kami ng bahay.
Nang nakasakay na kami sa aming service para umuwi, panay naman ang haplos ko sa kanyang hita na paminsan-minsan ay iginagapang ko pa sa kanyang pagkalalaki. Parang wala lang talaga sa kanya. Naka-focus lang siya sa kanyang pagda-drive. Siguro, iniisip na lang niya na ganyan lang talaga ako at bunga lang iyon ng aking pagkalasin. Nang nasa bahay naman kami ay halos magpakarga na lang ako sa kanyang bisig.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa kuwarto ay agad kong ini-lock ang pinto at niyakap siya, idinampi ang aking mga labi sa kanyang mga labi. Walang pasabi. Kahit lasing ako ngunit alam ko ang aking ginawa. Noong una ay itinulak-tulak pa niya ako bagamat hindi naman iyong kalakasan. Dahil sa ginawa niya, lalo pang lumakas ang loob ko dahil kung talagang ayaw niya ay sana nilakasan niya ang pagtulak sa akin. Ang laki kaya niyang tao, magaling pa sa self-defense. O kaya ay bugbugin niya ako. Iyon bang parang ipinaramdam niya na gusto niya ngunit nag-aayaw-ayawan lang dahil nahiya o nag-aalangan, parang playing hard-to-get lang ang peg. Kaya lalo pa akong nalibugan sa kanyang inasta. Kahit malaking tao siya ay niyakap ko siyang patulak patungo sa dingding. Nang nakasandal na siya roon ay inabot ko ang kanyang magkabilang pisngi, hinawakan iyon at pilit na inabot ko at siniil ng halik ang kanyang bibig. Hinyaan lang niya ako. Ang kanyang dalawang kamay ay itinukod niya sa dingding, hinawakan iyon. Halos hindi niya ibinuka ang kanyang bibig para sa aking halik. Ngunit sa kalaunan ay bumigay din siya, bagamat ako lang naglalaro sa kanyang dila at labi at sa kaloob-looban ng kanyang bibig. Sinipsip-sipsip ko ang kanyang mga labi at dila. Doon ko na rin iginapang ang aking kamay sa kanyang matipunong dibdib, pababa sa tiyan at sa bukol ng kanyang pagkalalaki. Nang nasalat kong tumigas na ito, ipinasok ko ang aking palad sa loob ng kanyang pantalon at brief at hinawakan ang galit na galit niyang pagkalalaki.
Hindi ako bumitiw sa aming paghahalikan habang abala ang aking mga kamay sa pag tanggal ng kanyang sinturon at butones ng kanyang pantalon. Nang tuluyan nang nabuksan ito, hinila ko pababa ang kanyang pantalon at brief.
Dali-dali akong yumuko upang isubo ang kanyang pagkalalaki. “Ahhhhhh!” ang narinig kong ungol nya nang pumasok ang halos buong kahabann ng kanyang pagkalalaki sa aking lalamunan. Nang sinimulan ko nang itaas-baba ang aking bibig sa kanyang pagkalalaki, naramdamn ko nang tila nagdedeliryo siya at marahang ikinanyod-kanyod pa ang kanyng gitnang-katawan sa aking mukha habang hinawakan ang aking ulo ng kanyang kamay.
Maya-maya ay bumitiw ako sa pagsubo sa kanya. Tumayo akong muli at hinalikan siya. Muli siyang nakipaghalikan sa akin. Malakas na ungol ang aming pinakawalan. Sobrang libog na ako sa puntong iyon.
Akala ko ay tuloy-tuloy na ang lahat at maangkin ko na naman siyang muli. Ngunit sa pagkabigla ko, kumalas siy sa aming paghahalikan at dali-daling hinatak ang kanyang pantalon at brief pataas, isinara ang kanyang mga butones at isinukbit ang kanyang sinturon.
“A-anong nangyari?” ang gulat kong tanong sa kanya.
“H-hindi ko kaya...” ang sambit niya, habol-habol ang paghinga,
“B-bakit? Naroon na tayo, hindi mo kaya?”
“Ayaw ko na...”
Medyo tumaas ang boses ko sa hindi maintindihan niyang paliwanag. “Bakit nga?”
“B-basta ayaw ko lang talaga, Boss.”
“Bakit noong una ay pumayag ka naman? Sabi mo nga hindi ka basta-basta pumapatol sa ganito, na kapag papatatol ka ay siguradong gusto mo rin iyong taong gagawa sa iyo niyan? Nalimutan mo na ba?”
“Ayaw ko na lang talaga, Boss.”
“Ayaw mo bang makikipagtalik sa akin?”
“H-hindi naman sa ayaw, Boss.”
“So gusto mo?”
“Mahirap i-explain eh...”
“Hindi mo ba ako gusto?”
“G-gusto naman Boss. Pero...”
“Pero???”
“Eh... iba naman kasi ang pakikipagtalik sa taong gusto mo at pakikipagtalik sa gusto ng boss mo. Kung pumayag ako dati, iyon ay ayaw kong mapahiya ka, ayaw kong madisappoint ka sa akin. Ayaw kong magalit ka. Boss kita. Pero ayaw kong mabahiran ng ganito ang trabaho ko. Mahal ko ang trabaho ko, Boss. Iba ang personal na mahal kaysa mahal na trabaho.”
Mistulang hinataw ng isang matigas na bagay ang aking ulo sa binitawan niyang salita. Hindi ako nakasagot. Tulalang nakatitig lang ako sa kanya.
“At ikaw, Boss... m-may Kuya Renan ka na. Hindi ka ba nagi-guilty?”
Tuluyan na akong tumalikod nang sinabi pa niya iyon. Kung bago iyon ay nagbabaga ang aking katawan sa init ng pagnanasa, pagkasabi niya noon ay mistulang natunaw ako sa hindi maisalarawang naramdaman. Iyon bang napahiya, nainis dahil hindi ko na nga alam ang aking gagawin ay tila nanandya pa siya.
Tinumbok ko ang aking higaan at doon ay tahimik na humiga na nakatihaya.
“S-sorry Boss.” Ang sambit niyang nilapitan pa ako at umupo sa gilid ng aking kama.
“Okay lang... at tama ka naman. May Kuya Renan na ako...” Iyon lang ang sinabi ko. Ipinatong ko ang aking braso sa aking noo atsaka ipinikit ang aking mga mata, pahiwatig na gusto ko nang matulog.
Wala na siyang nagawa kundi ang tumayo. Narinig kong binuksan niya ang kanyagn locker, marahil ay naligo na naman. Hindi ko na siya sinilip pa kung ano ang kanyang ginawa. Gusto kong makatulog na lang sa gabing iyon.
Ngunit hindi ako dalawin ng antok. Maraming bagay ang naglalaro sa aking isip. Kahit lasing ako pagdating namin ng bahay, tila nawala ang kalasingan ko sa pagtanggi ni Jake sa gusto kong mangyari. Parang gusto kong magwala, magrebelde. May isang oras na nakahiga ako ngunit nanatiling gising pa rin ang aking diwa. Nang tiningnan ko ang aking relo, alas maga-alas 12 na pala ng hating gabi. Sinilip ko si Jake sa kanyang kama. Tulog na siya. Naka-brief lang, lantad ang umbok sa kanyang harapan. Hindi kasi natakpan ng kumot ang kanyang katawan.
Bumalikwas ako at patiyad na nilapitan ang kama niya, inaninag kung tulog na nga siya. Nang masigurong tulog na siya, dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kuwarto hanggan sa nakalabas ako ng main door, atsaka nagtatakbong tinumbok ang gate. Nang nakitang tulog ang guwardiya roon, inakyat ko ang sementong pader.
Matagumpay kong naakyat ang pader at nilundag ko na lang ang kabilang bahagi nito na gilid na ng hi-way. Doon na ako naghintay ng masasakyan. Tahimik ang hi-way sa oras na iyon. Tulog na yata ang mga tao lalo na sa compound namin. Inisip ko na pumuntang downtown at siguradong buhay na buhay pa ang mga bar.
Maya-maya lang ay may puting van na dumaan. Pinara ko ito, nagbakasakaling makasakay patungo ng down town. Huminto naman siya. Nang binuksan na nito ang pinto sa gilid, tuwang-tuwa akong sumakay. Isinara ng isang lalaki na naroon sa loob ang pinto. Nagpasalamat na sana ako na may nasakyan pa ngunit laking gulat ko nang natatawana silang mga nasa loob ng van. Napansin kong puro mga lalaki pala sila at ang laki-laki ng mga katawan.
“Ang suwerte nga naman! Kung kailan akala nating hindi na mahuhuli ang dalag, heto, kusang pumasok naman sa banyera.” ang sambit ng driver.
“Sobra bossing! Walang kaeffort-effort!” sabay tawanan.
Sa pagkagulat at takot ko sa narinig ay nagmamadali kong hinawakan ang pintuan ng van at akmang bubuksan ito upang makalabas kahit umaandar pa ang sasakyan. Ngunit mabilis ang isa sa kanila na hinawakan ako at nilagyan ng piring ang aking mga mata at pagkatapos ay iginapos naman nila ang aking mga kamay. “Pakawalan ninyo akooooo!!!” ang sigaw ko.
Ngunit nagtatawaanan lang sila at binusalan pa ang aking bibig. Hindi na ako nakagalaw gawa ng mahigpit na pagtali nila sa aking mga kamay sa gilid ng aking katawan. Hindi na rin ako nakagawa ng ingay. Nagpupumiglas ako ngunit wala akong lakas upang makaalpas sa kanilang pagtali sa akin. At naramdaman ko na lang ang isang matigas na bagay na humataw sa aking ulo. Iyon na ang huli kong natandaan.
Nagising ako kinabukasan na masakit ang aking katawan at ulo. Wala akong makita. Madilim ang aking paningin at hindi ako makagalaw. May naramdaman din akong mistulang tela na nakapasak sa aking bibig at hindi ako makasigaw. Doon ko na naalala ang nangyari sa gabing nakaraan. Pinilit kong makaalpas sa pagkatali sa akin. Ngunit hindi kaya ng aking lakas ang higpit ng kanilang pagkatali. Mistula akong suman na hindi makagalaw, nakaupo lamang sa isang silya kung saan ay itinali rin ang aking katawan upang hindi ako makaalpas. Pinilit ko paring gumawa ng ingay at pilit na umalpas.
“Wow! Gising na si Bugoy!” ang narinig kong tinig ng isang babae. “Tanggalin ang piring sa kanyang mga mata at ang busal sa kanyang bibig!” ang utos niya.
Agad kong naramdaman na may nagtanggal sa aking piring at busal sa bibig. Madilim-dilim pa rin ang aking paningin nang tinanggal ang piring. Maya-maya lang ay luminaw na ito at nang tiningnan ko ang babaeng nasa aking harapan, nakita ko si Anne na nakangiting-demonyo. “Surprise!” ang sigaw niya na humalakhak pa talaga. Lumapit pa siya sa akin at yumuko, inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. “Di ba sinabi ko sa iyo na mag-ingat ka? Kinakalaban mo ako eh! Inis na inis talaga ako sa iyo! Kumukulo ang dugo ko sa iyo!”
“Pakawalan mo ako, Anne!”
“Puwede naman. Basta magkasundo lang tayong tatlo.” Ang sabi niya.
“Tatlo? Bakit tatlo?” ang tanong ko.
Tumabi siya upang makita ko ang nasa aking harapan. “Surpriseee!!!”
Doon ko nakita si Kuya Renan na nakatali rin ang katawan sa kanyang upuan, duguan ang ulo at mukha, nakalaylay ang kanyang ulo sa kaliwang balikat. Wala siyang malay! “Kuya Renaaannnnnn!!!” ang sigaw ko. “Kuyaaaaa! Kuyaaaaaaaaa!” ang pagsisigaw ko na halos mabubuhat ko na ang aking inuupuan sa aking paglupasay.
Nagtawanan naman sina Anne at ang apat na hitman niya. “Ito naman o, masyadong OA. Hinid ka na mananalo ng acting award! Masyado kang OA.”
“Anong ginawa ninyo kay Kuya? Bakit ganyan iyan siya??!”
“Anong ganyan? Nakatulog lang iyan. Napagod sa love making namin kagabi.”
“Hindi ko akalain Anne, ganito ka pala kasama!”
“Actually, hindi naman talaga ako ganito kasama. Inumpisahan mo eh. Kinakalaban mo ako. Kay Kuya Ren, inagaw mo siya sa akin samantalang ang lalaki ay para naman sa babae, di ba. You are going against nature! Ikaw ang masama. At si Mico, di ba sobra-sobrang sakripisyo na niya sa iyo. Ilang beses na siyang muntik mamatay nang dahil sa iyo. Poor cousin! He doesn’t deserve to suffer! Pero ginawa niya iyan nang dahil sa iyo? Di ba ikaw ang walang hiya?”
Hindi agad ako nakasagot sa kanyang sinabi. “P-pakawalan mo na lang kami Anne, ipapangako ko sa iyo na hindi na ako magpapakita pa kay Mico. Nag-usap na kami ni Mico na lalayo na ako at hindi na magpapakita sa kanya.”
“Kayo ni Mico, baka okay na. Eh paano naman ako? Paano naman ang aming kalagayan ni Kuya Ren? Handa mo bang ibigay siya sa akin?”
Tila hinatawnaman ng matigas na bagay ang aking ulo sa huming tanong niya. Tiningnan ko si Kuya Renan na nanatiling walang malay pa rin. “I-itanong natin sa kanya. O-okay lang naman sa akin.” Ang sagot kong ramdam ang sakit sa kaloob-looban ngunit hindi ko ipinakita.
Natawa si Anne. Humalakhak pa. Nakitawa na rin ang kanyang mga hitmen. “Okay tanungin natin siya. Pero kapag hindi siya pumayag, wala akong magagawa kundi patayin ka, dahil ikaw ang hadlang sa pagmamahal ko kay Kuya Ren. Madali lang naman akong ibigin eh. Ngunit dahil nariyan kang bakla ka, siguro nilason mo ang isip niya kagaya ng paglason mo sa isip ni Mico kaya dapat kang mamatay. Wala namang makakaalam na ako ang nagpapatay sa iyo, di ba?” at baling sa kanyagn mga hitman, gisingin nga iyan!” ang pagturo niya kay Kuya Renan.
Dinampot ng isang hitman ang isang balde ng tubig at isinaboy ang laman noon sa mukha ni Kuya Renan. Nakita ko ang biglang pagmulat ng mga mata ni Kuya Renan nang dumampi sa kanyang mukha ang tubig. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang pagkagulat.
“Kuyaaaaaa! Kinidnap tayo ni Anne!” ang sigaw ko.
Tawa naman nang tawa si Anne. “Let’s just say ‘reunion’ Kuya Ren. Na-miss ko iyong eksena natin sa Amanpulo eh!”
Tiningnan ako ni Kuya Renan atsaka ibinaling ang tingin niya kay Anne. “Bakit mo idinamay si Bugoy rito Anne! Walang ganyanan. Kung gusto mo, ako na lang ang i-hostage mo, huwag lang si Bugoy!”
“Eh... sorry naman Kuya Ren. Gusto rin yata niya rito eh.” At baling sa akin, “Di ba Bugoy? Kung nasaan ang Kuya mo, naroon ka rin? Miss ka na raw niya eh!”
“Nababaliw ka na talaga, Anne!”
“Oo naman! Baliw na baliw ako sa iyo, Kuya. Ang sarap mo kasi eh. Kasalanan mo iyan, masyado kang guwapo. Eh ako pa naman, what Anne wants, Anne gets.”
“Pakawalan mo kami!!!” ang sigaw na ni Kuya Renan.
“Huwag naman mabilis. May usapan pa kami ni Bugoy eh. Dapat sumang-ayon ka. Sabi ni Bugoy, papayag na raw siya na tayo na. Hindi na siya hahadlang, pero dapat ay pumayag ka, dahil kung hindi naman, goodbye world kayong dalawa. Payag ka ba?”
Tiningnan ako ni Kuya Renan, iyong tingin na nalilito at hindi alam ang isasagot.
Yumuko na lang ako. Hindi ko rin kasi alam kung ibibigay ko ba talaga siya nang ganoon-ganoon na lang at hindi ko rin alam kung sa ganoong pagkakataon ay kaya ba niyang isugal ang kanyang buhay upang panindigan ang aming pagmamahalan.
“Sabihin mo Bugoy!!!” ang malakas na sigaw ni Anne sa akin, ang mga mata ay parang sa demonyo na nag-aalab.
Kaya napilitan akong magsalita. “P-payag ako k-kuya...”
Na siya namang pagtaas ng boses ni Kuya Renan. “Gago ka ba? Ibibigay mo na lang ako sa baliw na iyan nang ganoon-ganoon na lang? Hindi ako papayag. Mamatay man ako, hinding-hindi ako papayag na mapunta sa babaeng iyan.”
“Ouchhh! Ang sakit mo namang magsalita, Kuya Ren! Pagkatapos mong makuha ang aking iniingat-ingatang puri ay ganyan ka na magsalita.”
“Baliw ka Anne! Baliw!” ang sigaw ni Kuya Renan.
“Ok... so be it, Bugoy. Wala tayong magagawa, gusto ni Kuya Ren na papatayin kita eh.” Ang sabi ni Anne sabay muestra niya sa mga hitman niya.
Pinagtulungang buhatin ng hitman ang aking upuan kung saan ako nakatali. Itinabi nila ako kay kuya Renan.
“Pumayag ka na Kuya. Papatayin nila ako.”
“Sandali... kapag pumayag ba ako ay pakawalan ninyo si Bugoy?”
Tumawa ng malakas si Anne. “Now you’re talking Kuya Ren! Nakakatuwa ka talaga! Uhm... pag-isipan ko pa. Ay! Oo na pala iyong sabi ko kay Bugoy eh.” At baling niya sa mga hitman. “Di ba guys?” ang tanong niya.
Tumango-tango naman ang mga hitman.
“O, ano, confirmed na ba na papayag ka, Kuya Ren?”
“Basta walang mangyayari kay Bugoy, oo papayag ako.”
“Ayiiiii!!! Kinikilig ako! Nakakainggit ka talaga, Bugoy!” ang sigaw ni Anne.
Nasa ganoong pagtatawa si Anne nang tumunog naman ang kanyang cell phone. Sinagot niya ito. “Ano?” ang tila nagulat niyang sagot. Bakit nariyan siya? Paano niya nalaman na nandito ako?” “Anong sinabi ninyo?” “Ano pa bang magagawa ko, estupiso! Papasukin! Gago kang putangina mo!” ang pagmumura niya. Galit na galit.
Maya-maya lang ay may narinig kaming ingy na tila pagbukas ng sliding door na pintong bakal.
“Anne!” ang sigaw na narinig namin.
Nang nasa harapan na namin, doon ko nakitang si Mico pala. Nang nakita nniya kami, galit na hinarap niya si Anne. “I don’t like what you’re doing Anne! Nag-usap na tayo na walang ganito! Para sa iyo sinunod ko ang lahat sa suapan natin! Tumestigo ako laban kay Bugoy para lang huwag mo siyang idamay dito! Bakit mo pa rin sila ipinakidnap?!!!” ang galit na sambitni Anne.
“Tumestigo ka nga. Palpak naman. Talo tayo sa kaso Couz, talo! Naintindihan mo?” ang pasigaw ring sagot ni Anne.
“Wala tayong magagawa kung talo. Dapat nating tanggapin iyan, Anne!”
“Hindi ako tumatanggap sa salitang walang magagawa! Hindi ko matatanggap ang pagkatalo! Ang sabi ng daddy, wala raw taong talunan kung marunong manindigan at matapang na ipaglaban ang panindigan!”
“Ngunit mali ang pinanindigan mo Anne! Mali! At ngayon, heto, lalo kang mapahamak dito! Alam mo ba iyan?”
“Bakit naman ako mapahamak kung wala namang magsasalita, di ba? Bakit ikaw magsasalita ka ba? Isusumbong mo ba ako? Ha?”
“Iyan sila...” turo ni Mico sa amin, “...di ba sila magsasalita?”
“Paano magsasalitqa ang mga iyan, ililibing ang mga iyan dito mismo sa loob ng bodegang ito! Mga putang ina nila. PUTANG INA NILAAAAAAAAA!!!” Ang mas malakas na sigaw pa ni Anne na tila sinaniban ng demonyo.
Nasa ganoon kainit na pagtatalo ang mag-pinsan nang kahit nakatali pa rin siya sa kanyang inuupuan ay pinilit na tumayo ni Kuya Renan at akmang abutin ang baril sa hitman na nasa kanyagn gilid lang.
Dahil sa paglikha ng ingay napansin ito ni Anne at dali-daling hinablot din ang baril nang hitman na malapit lang sa kanya. Itinutok niya ito sa akin. “Putang ina ninyo talaga!!!”
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata sa bilis ng pangyayari. “Bang! Bang!” ang narinig ko. Naramdaman kong may dumagan sa aking katawan at natumba ang aking upuan, patihaya. Nang iminulat ko ang aking mga mata, nasa ibabaw ko pala si Kuya Renan! Siya ang sumalo sa mga bala! Kahit nakatali pa ang katawan niya sa silya ay pinilit niyang abutin ako upang iharang ang katawan niya sa akin.
“Kuyaaaaaaaaaaaaaa!!!” ang sigaw ko habang itinulak ko ang katawan niya sa gilid ko. Kitang-kita kong nakamulat pa ang kanyang mga mata na tila tulala, hindi na gumalaw o kumurap habang dinig ko ang tila nahihirapan niyang paghinga. “Kuya! Kuyaaaa!” ang pag-iiyak ko na.
Nang tiningnan kong muli si Anne, itinutok niyang muli ang kanyang baril sa akin na mistulang lalo pang nangalaiti sa galit. “Demonyo ka talagaaaaaa! PUTANG INA MOOOOOOOOO!!!” Ngunit sa puntong iyon ay nakita kong inagaw ni Mico ang baril sa kanya. Nag-agawan sila. “Bang!” ang narinig kong putok. At laking takot ko nang nakita si Mico na biglang bumagsak, hawak-hawak ang kanyang dibdib.
Muling itinutok ni Anne ang baril sa akin. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang mas matindi pang galit, tila sinaniban siya ng demonyo. PUTANG INA MOOOOOOOOO!!!” Wala na akong nagawa pa kundi ang muling ipikit ang aking mga mata, inihanda ang aking sarili sa kamatayan.
“Bang! Bang!”
(Itutuloy)

No comments:
Post a Comment