Followers

Wednesday, March 7, 2018

Kuya Renan 20

By Michael Juha
getmybox@hotmail.com

***

Naging masaya uli ang aking kalagayan sa nangyari. Inamin din ni Kuya Renan na gawa-gawa lang niya ang sinabi niyang may babae siya. Gusto lang daw niyang maramdaman ko ang naramdaman niyang sakit nang malaman niya ang tungkol sa amin ni Jake at nasaksihan pa niya ang aming ginawa. Bagamat totoong namatay ang kanyang inay, gawa-gawa lang niya ang tungkol sa babae. Sobrang sakit daw ang kanyang nadarama kung kaya ay nagawa niyang mag-imbento ng kuwento.

“Bakit ka naman nagresign sa kumpanya mo sa Gensan?” ang tanong ko.

“Mahabang kuwento. Kilala mo si Alex di ba?”

“Oo, best friend mo iyon, di ba? At amo mo.”

“Gago iyon eh.”

“Bakit?”

“Akalain mo? Mahal pala ako noon?

“Huh!”

“Oo… nang isang beses ay nalasing kami, doon niya inamin. Kaso, wala eh. May iba na akong mahal.” Sabay kindat sa akin. “Kaya ang ginawa ko ay napagdesisyunang mag resign. Umiyak nga ang gago eh. Sabi ko, iyon lang ang paraan upang maturuan niya ang kanyang sarili na malimutan ako. Tanggap naman daw niya. At walang nagbago sa pagiging mag-best friends.”

Doon na ako napaisip sa nangyari sa akin kasama si Alex. “Kaya pala! Alam ko na!” ang sigaw ko.

“Bakit?”

“Noong nalasing kami, ramdam kong hinahalik-halikan niya ako. At kinabukasan, ang sakit ng katawan ko, pati ang aking likuran! Pinagsamatalahan niya ako!”

“Mabait na tao si Alex. At walang masamang hangarin iyon. Walang nangyari sa inyo!”

Tumaas ang aking boses sa tila pagtakip niya sa kanyang kaibigan. “Paano ka nakasisiguro? Siguro, may nangyari rin sa inyo ano kung kaya ka nagresign. May nangyari sa inyo!”

“Gago! Hindi ka ginahasa noon. Ako ang gumahasa sa iyo!” ang sambit niya.

“Huh! Paano nangyaring pinagsamantalahan mo ako?”

“Nang lasing na lasing ka na, tinawagan ako ni Alex. Ako na iyong yumayakap-yakap sa iyo sa bar. Lasing na lasing ka na noon at hindi na makapagsalita halos. Nagsusuka pa. Galit ako sa iyo kaya nagpanggap pa rin ako na si Alex. At oo, nilapastangan nga kita. At dahil sa inis ko sa iyo dahil sa nakita kong ginawa ninyo ng bodyguard mo, sinadista kita sa paggahasa. Kaya sumakit ang katawan mo. Nang matapos na ako, tinawagan ko uli si Alex para siya na ang makikita mo sa paggising mo. Nakalimang na putok din ako. Masarap din pala ang sex kapag sabik ka at inis na inis sa taong katalik.”

“Arrggggg!!!” ang sigaw ko habang pilit na inabot ko ang kanyang braso at kinagat-kagat iyon.

“Arekop! Masakit ah!”

“Ang daya kasi! Di ko na-enjoy!”

Natawa siya. “Gusto mo gawin ko uli sa iyo?”

Natawa na rin ako. Hanggang sa na nauwi ang lahat sa totohanang pagtatalik.

Buo na ang isip ni Kuya Renan na samahan ako sa Tuguegarao hanggang sa paggraduate ko. Pagkatapos ng graduation, ang plano naman namin ay uuwi muna siya ng Gensan upang kunin ang iba pa niyang mga gamit habang ako naman ay dideretso ng Maynila at doon na kami magkikita, sa bahay ni Ms. Clarissa base rin sa plano.

Halos normal na uli ang aking buhay sa sandaling iyon… maliban na lang kay Jake na siyang dati kong bodyguard ngunit bigla na lang naglaho, at ang pumalit sa lugar niya, sa mga gawain niya ay si Kuya Renan na. Si Kuya Renan na ang taga-sundo sa akin, siya na ang tagahanda ng aming makakain, ang taga pamalengke, taga-laba ng aming mga damit. Wala naman daw siyang trabaho kung kaya ay siya ang mag-aalaga sa akin, baka raw muli na namang mahulog ang loob ko sa iba, kung may ibang magbabantay sa akin. “Malandi ka pa naman.” Ang biro niya.

Syempre, masaya ako sa set-up namin. Nariyan lang siya sa tabi ko, at masayang-masaya ako na kasama ko siya. At dahil patapos na ang klase ay naibubuhos ko ang buong oras ko sa pag-aaral at pag-comply ng mga requirements sa eskuwelahan.

Sa eskuwelahan naman, sina Mico at Anne ay halos ganoon pa rin. Si Mico ay patuloy na pinanindigan ang pangakong hindi na maglalapit sa akin habang si Anne naman ay mapagmalaki pa rin, suplada bagamat hindi na kagaya ng dati na inaapi at binubully ako. Syempre, alam niya na inampon na ako ng may-ari ng eskuwelahan, mayamang babae ang makakabangga niya kapag nagkataon. Kaya siguro medyo nag-lie low na siya. Pero hindi ko na siya pino-problema. Marami naman kasi akong kaibigan sa eskuwelahan. Kagaya nina James, Ken, mga basketball players, at iba pang mga estudyante, lalo na ang mga mahihirap na scholars na tumitingala sa akin dahil kagaya nila, galing din ako sa mahirap na pamilya, at ulila pa.

Isang araw, nagkaroon kami ng retreat. Tradisyon na raw iyon ng eskuwelahan na magretreat ang mga graduating na estudyante. Ang venue ay isang retreat house na nasa tuktok ng isang mataas na bukid, ang paligid ay napalibutan ng malalaking kahoy ngunit sa harap naman nito, lalo na ang terrace nito ay nakaharap sa mismong syudad ng Tuguegarao. Dahil nasa tuktok kami ng bukid, tanaw na tanaw mula sa retreat house ang buong syudad. Sobrang ganda ng lugar, ng tanawin, dagdagan pa sa malamig at preskong simoy ng hangin.

Ang highlight sa retreat ay iyong tinatawag na “self-disclosure”. Isang pari ang naghandle ng retreat. Sa unang dalawang araw ay may mga lectures na ang mga topics ay mga tanong patungkol sa sarili, “Who Am I? “Why I Am Here?” “What Am I Here For?” “What Is My Self-Worth?” “What Is My Self-Value?” at iba pang topics na may kinalaman sa human inter-rationships and conflicts, kung paano kami nasaktan, paano na-cope up ang sakit, ano ang mga defense mechanisms, kung paano sinira ng pride ang relationship,  ang value ng pagpakumbaba at forgiveness, mga ganoong topics.

Dahil inintegrate sa lecture ang workshops at iba’t-ibang activity kung saan ay may mga interaction sa lahat ng mga participants, sobrang buhay na buhay ang aming diwa. Tila naglalaro lang kami, inihalintulad sa sinabi ng pari na ang buhay daw ay parang laro lang. Minsan, nag-eenjoy ang lahat, minsan naman ay nagkakapikunan. Kaya habang nage-enjoy kami, may mga leksyon pa kaming natutunan tungkol sa aming pagkatao at “existence” sa mundo, tungkol sa pagpapahalaga ng mga relasyon, tungkol sa pagpapakumbaba at pagpapatawad.

Sa pangatlong araw ay doon na pumasok ang highlight ng activity. Iyong sinasabing “self-disclosure”.

“Self-disclosure, according to known definition, is a process of communication by which one person reveals information about himself or herself to another, in our case, to the group. The information can be descriptive or evaluative, and can include thoughts, feelings, aspirations, goals, failures, successes, fears, and dreams, as well as one's likes, dislikes, and favorites. And, especially that you are graduating and will be starting an new phase of your life in college, we want you to share your experiences while you were in the school, good or bad – that is, if you trust us to know the bad.” Ang pag-explain ng pari na namuno sa retreat na iyon.

Tawanan.

“This is like you tell us everything that you have been keeping inside of you for the years that you have been in this high school. In other words unload them all, make some closures to your issues, and leave them all here in this retreat house so that when you start a new life in college, your burdens are gone and you are ready to face new challenges. In our activity, we will not only disclose ourselves to others, but we will also try to collectively advise or share similar feelings or experiences. And by “closure” of your issues or burdens, it means confronting these issues. If you feel something “against” or “for” someone, open it up, face it, and finally close it here. And then you are ready to move on, let go, and start a new chapter of your life. And since disclosing your inner fears or issues is a very sensitive matter, let us deal everything that is disclosed with an open-mind. Let us be accepting and forgiving. Let us bear in mind that although everyone is unique, no one is also perfect. We need to embrace each one’s uniqueness as well as each one’s imperfections.” Nahinto siya ng bahagya. “Is there any questions?” ang dugtong niya.

Walang nagtanong.

“Okay, since there are no questions, I guess ready na ang lahat. I want you to find a place or corner within this room where you feel you can do deeper recollection. You can bring with you your notes para kung gusto ninyong isulat ang mga gusto ninyong i-disclose ay may guide kayo.”

Nagsitayuan kami at naghanap ng isang lugar kung saan ay mapag-isa kami. Ang napili ko ay ang isang corner sa tabi ng isang indoor plant na mukhang gabi, may malalaking berdeng dahon.

Nang nakahanap na ng puwesto ang lahat, “Okay. I will give you 15 minutes para magmuni-muni, magself-discern, mag-recollect, balikan ang nakaraan sa school, sariwain ang mga relationships na nabuo at nasira, mga nakasalamuhang tao na nagbigay ng saya at inspirasyon, o lungkot at nagpahirap sa inyong kalooban o naging balakid sa inyong hangarin na magtagumpay, iyong mga achieved goals at unfinished issues, iyong mga masasaya at mapapait na karanasan…” ang sabi ng pari. Pagkatapos ay pinatugtog niya ang isang kanta. “As you do your soul searching, i-ukit niyo sa inyong mga isip ang mga kataga ng kantang ito habang nagmumuni-muni kayo…” ang dugtong ng pari habang nagsimula nang tumugtog ng mahina ang kanta.

When I am down and, oh my soul, so weary
When troubles come and my heart burdened be
Then, I am still and wait here in the silence
Until you come and sit awhile with me.

You raise me up, so I can stand on mountains
You raise me up, to walk on stormy seas
I am strong, when I am on your shoulders
You raise me up: To more than I can be.

There is no life - no life without its hunger
Each restless heart beats so imperfectly
But when you come and I am filled with wonder
Sometimes, I think I glimpse eternity.

You raise me up, so I can stand on mountains
You raise me up, to walk on stormy seas
I am strong, when I am on your shoulders
You raise me up: To more than I can be…

Sa kuwartong iyon ay walang ibang maririnig na ingay kundi ang napakasolemne ngunit napaka-soothing  na himig ng pinatugtog na kantang “You Raised Me Up”. Sa totoo lang tumulo na ang mga luha ko sa punto na iyon pa lang. Iyon bang feeling na napakatahimik ng paligid at iyan lang na mahinang kantang iyan ang maririnig at parang napaka-helpless mo. Sumisiksik sa sarili mo na bagamat minsan ay nakakaranas ka ng saya ngunit sa bandang huli ay hindi mo talaga alam ang buhay at may mga pagkakataon na feeling mo ay walang ibang makakatulong sa iyo kundi ang nasa taas. Tapos, habang pino-focus mo ang pagsasariwa sa mga nangyari sa iyong buhay na malungkot, may mga masasakit na karanasan, ano ang tunay na kahulugan ng buhay sa kabila ng mga pasakit, maraming katanungan ang pumasok sa iyong isip. Muli ring nanumbalik ang mga panahon kung kailan ay buhay pa ang aking inay at masaya kami kahit mahirap lang at payak ang aming pamumuhay. Hanggang sa nawala siya at naiwan akong mag-isa. Ngunit may tuwa rin naman akong nadarama dahil nakayanan ko ang lahat. At mula sa kaibuturan ng aking puso ay nagpapasalamat din ako sa kanya, sa itaas, dahil kahit saglit lang kaming nagkasama ng aking inay ay naipadama pa rin niya sa akin ang sarap at saya na nagkaroon ng isang inay na tunay na nagmahal sa. At bagamat nagtatanong ako tungkol sa aking pagkatao, sa aking sexual orientation na noong una ay mahirap tanggapin dahil hindi ko alam kung may tao bang tunay na magmahal sa akin habang ganoon ako, nagpasalamat pa rin ako dahil sa pagbigay niya sa akin kay Kuya Renan, na kahit maraming pagsubok ang pilit na humadlang sa aming pagmamahalan, nakayanan namin itong ipaglaban, at hanggang sa kasalukuyan ay matatag pa rin kami, ipinaglaban pa rin ako ni Kuya Renan. Syempre, nagpapasalamat din ako sa kanya dahil ibinigay niya sa akin ang mga taong katulad nina Mico, Jake, si Ms. Clarissa, at mga kaibigan ko na nagpagaan sa aking buhay. Kahit ang pagpapahirap nina Anne at Cathy sa buhay ko ay ipinagpasalamat ko na rin dahil mas tumatag pa ang kalooban ko at ang relasyon namin ni Kuya Renan nang dahil sa kanila.

Habang ako ay pigil na pigil sa sarili, may mga narinig naman akong mahihinang pag-iyak. Maya-maya lang ay mga hagulgol na ang aking narinig.

Nakakapanindig balahibo ang eksenang iyon. Iyon bang nasa isang paligid ka na sobrang taimtim at nakakalungkot ngunit tila nakapagpagaan din ng kalooban. Iyong gusto mong umiyak nang umiyak hindi dahil sa sobrang sakit ng iyong kalooban ngunit dahil narealize mo na kahit naranasan mo ang mga masasakit na at mahihirap na kalagayan, hindi ka pala nag-iisa, at bagamat may mga nagawa kang pagkukulang o kasalanan, may pag-asa pa sa buhay, may mga taong nakakaintindi dahil katulad mo rin sila. At higit sa lahat, na may isang nilalang sa taas na tanggap ka kung ano ka man, mahal ka sa kabila ng iyong mga ginawang kasalanan, gumagagabay sa iyo kapag naligaw ka sa tamang landas, at nauunawaan ang iyong mga kahinaan at mga pagkukulang at sa kabila noon, ay nariyan siya para sa iyo.

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Tuluyan na akong bumigay. At kasabay sa mga hagulgol ng kuwartong iyon, napahagulgol na rin ako…

Nang matapos na ang aming soul searching, tinawag kami ng pari at pinaupo sa orihinal naming posisyon, iyong paikot ang arrangement, naka cross-leg kami habang nakaupo sa carpeted na sahig.

Nagsalitang muli ang pari, “Uunahin anting I disclose ang mga issues na wala pang closure, mag issues na na willing at handa kang harapin ito, kagaya ng kung may nararamdaman ka pang galit sa isang tao, o iyong may nagawa kang kasalanan sa isang tao at handa kang manghingi ng sorry, this is your chance . I will not judge you, no one here should judge anyone. Ang intention natin ay upang gumaan ang inyong pakiramdam, ma-unload ang dinadala, and in the process make thing better for you and the affected.” Nahinto ang pari at tiningnan kami. “Is everyon ready?” ang dugtong niya.

Walang ni isa man ang sumagot.

“Well then, whoever is ready may speak now, or approach the person you want to say something.” Ang sambit uli ng pari. “And by the way, after you have spoken, get one of those roses and give it to the person you just have disclosed something about. You may also choose the color. If it is red, it’s love. If it is white, it’s peace, friendship, fresh start, forgiveness.”

Tiningnan namin ang isang mesa na may nakapatong na dalawang malalaking transparent na containers na ang laman ay mga rosas. Ang isang container ay puno ng malalaking pulang rosas at ang isa naman ay puno ng mga malalaking puting rosas.

Nang handa na ang lahat, pinatugtog niya sa mababang volume ang kanta, iyong tamang tama lang para sa ambiance na makakapag-introspect kami –

Lately I've been winning battles left and right
But even winners can get wounded in the fight
People say that I'm amazing
Strong beyond my years
But they don't see inside of me
I'm hiding all the tears

They don't know that I go running home when I fall down
They don't know who picks me up when no one is around
I drop my sword and cry for just a while
'Cause deep inside this armor
The warrior is a child

Unafraid because His armor is the best
But even soldiers need a quiet place to rest
People say that I'm amazing
Never face retreat
But they don't see the enemies
That lay me at His feet

They don't know that I go running home when I fall down
They don't know who picks me up when no one is around
I drop my sword and and cry for just a while
'Cause deep inside this armor
the warrior is a child

They don't know that I go running home when I fall down
They don't know who picks me up when no one is around
I drop my sword and look up for a smile
'Cause deep inside this armor
The Warrior is a Child

Tanging ang nakakapawing mahinang tugtog ng kanta lamang ang maririnig sa buong kuwarto na iyon. Sobrang tahimik ng lahat. Nang inikot ng aking mga mata ang paligid, lahat sila ay nakayuko, halos ang lahat ay pigil na pigil sa pag-iyak.

Nasa ganoon kaming katahimik sa sitwasyon nang may nagsalita. Si Myra. “G-gusto ko pong manghingi ng sorry kay Suzette dahil sa nangyaring hiwalayan nila ng kanyang boyfriend…” ang paunang salita ng estudyante na tinukoy ang isa ring estudyante na halos nasa harap lang niya dahil sa porma naming paikot na pag-upo sa sahig. “Lubos po akong nagsisi sa ginawa kong pang-aagaw sa boyfriend niya. Hindi ko po i-deny na inakit ko po siya, hanggang sa naging kami at hiniwalayan niya si Suzette. Alam kong masama po ang aking ginawa. Ako po ang may kasalanan dahil na inlove ako sa boyfirned niya at gumawa ako ng hakbang upang maagaw ko siya, hindi alintana ang sakit na mararamdaman ni Suzette. Ngayon po ay hiwalay na rin po kami dahil nkahanap siya ng iba. Ngayon ko nararamdaman ang sakit na naranasan din ni Suzette… Kung sakaling hindi man niya ako mapapatawad, maintindihan ko kasi alam kong napakasama ng aking ginawa. Ngunit natuto na po ako. Hinding-hindi ko na po gagawin ang ganoong bagay. Sana ay mapatawad pa rin niya ako.”

Tiningnan namin si Suzette na nakatingin na rin kay Myra. “Napatawad na kita Myra. Sa totoo, blessing in disguise din iyong nangyari kasi, nang naging boyfriend ko siya, palagi kaming nag-aaway ng mommy ko. Ayaw nila ng daddy ko na magboyfriend ako gawa ng bata pa raw ako. Pati ang kuya ko ay galit din sa akin. At least ngayon, happy kami ng family ko at nakapag move on na rin naman ako eh. Atsaka ngayon na wala akong boyfriend, naka-focus lang ako sa pag-aaral, di kagaya nang may boyfriend pa ako na marami akong iniisip, minsan nagaaway kami sa mga maliliit na bagay, o kaya ay nagseselos siya. Magulo ang buhay ko noon. Ngunit ngayon, ang saya namin ng family ko at kuya ko. Kaya wala na iyon sa akin.”

Tumayo si Myra at tinumbok ang lagayan ng mga rosas. Pinili niya ang puting rosas at nang makalapit na siya kay Suzette, ibinigay  niya ito. Tinanggap naman ito ni Suzette atsaka nagyakap sila. Nagpalakpakan kaming lahat.

Ang sunod na nagsalita ay si Makoy. Isa isya sa mga estudyanteng may pamilyang pinakamayaman sa school. Ang mga magulang niya ay nagmamay-ari ng isang minahan ng ginto at marami rin silang negosyo sa buong nothertn Luzon. Ngunit kung gaano sila ka yaman, kabaligtaran naman ang kanyang ugali sa eskuwelahan. Maingay, bully, hindi nakikinig sa mga guro, walang pakialam sa mga assignments at tests, iyon bang ugaling pasaway at palaging umeepal, nagpapapansin. Kaya maraming nainis sa kanya. Kung hindi lang siguro siya matalino, malamang ay hindi siya makaka-graduate.

Nang siya na ang nagsalita, ikinuwento niya na alam niyang maraming naiinis at galit sa kanya, marami na alam niyang marami siyang nasaktan sa kanyang pambubully; mga teachers, mga classmates. Ngunit ikinuwento rin niya ang kanyang kalagayan sa pamilya, ang naramdaman niyang inis sa kanyang mga magulang na walang panahon para sa kanya, na sabik na sabik siya na kahit sandaling bonding moments man lang sana ng buong pamilya nila at siya ay maibibigay nila. Ngunit di nila maibigay ito gawa ng sobrang busy nila. Kapag may sasabihin daw siya sa kanila, ang isasagot lang sa kanya ay, “Sabihin mo na lang sa yaya mo.” Ang turing raw sa kanya ay parang isang bata na ang yaya lang ang katapat sa mga pangangailangan. Nagseselos din daw siya sa ibang mg aka-edad niya na may mga magulang na palaging may oras para sa mga anak nila, na ka-kuwentuhan, nagbibigay ng payo, kasamang mamasyal, kumain, kuwentuhan at ang trato sa kanila ay taong may-isip, may damdamin. Pakiramdam niya ay nag-iisa lang siya sa mundo, walang karamay, walang nakakaintindi. Kaya minsan daw ay takot siyang umuwi ng bahay nila kasi, doon, parang siya lang ang nag-iisang tao. Minsan daw ay gumagamit din siya ng droga para lamang sumaya siya. Kaya raw ang pagiging pasaway niya ay paraan niya ng pagrerebelde niya sa kanyang mga magulang.

Tahimik ang lahat habang nagsasalita siya. At nang umiyak na siya at nanghingi ng patawad sa mga nasaktan niya, may lumapit sa kanya; isang lalaking estudyanteng alam naming palagi niyang binubully, si Glenn. Dala-dala ang isang puting rosas, ibinigay niya ito kay Makoy. “Ngayon ay naintindihan na kita Makoy. At hindi na ako galit sa iyo. Kung gusto mo, maging kaibigan na lang tayo. Puwede akong maging bunso mo, wala rin naman akong kuya eh. Puwede pa nga, dalawin kita sa bahay mo paminsan-minsan para hindi ka mag-isa roon.” Ang sabit ni Glenn.

Tiningnan ni Makoy si Glenn at nginitian. “Salamat bro…” ang sambit niya atsaka nag kamay, nag bro-hug. “Sige ba… gusto ko iyan.” Ang dugtong niya.

Nagpalakpakan kaming lahat sa tagpo na iyon. Tapos, isa-isa naming si Makoy at nag group hug kami. Inassure naman ng pari na pagkatapos ng retreat na iyon ay kausapin niya ang mga magulang ni Makoy.

Ang sunod namang nagsalita ay isang babae, si Nadine. Scholar lang si Nadine sa paaralan. Ibis sabihin, isa siyang anak-mahirap. Ikinuwento niya ang hindi na nila pagpansinan ng best friend niya na si Liza, na isa ring scholar, noong pumasok sa buhay nila ang isang lalaki kung saan ay naging boyfriend niya na lihim din palang nanligaw kay Liza. Nang sinabi ito ni Liza sa kanya, pinaghinalaan niya si Liza na inakit niya ang boyfriend at tangkang agawin ito mula sa kanya. Kahit anong paliwanag ni Liza na hindi niya ito inakit at wala siyang planong agawin ang lalaki, hindi niya pinaniwalaan si Liza, hanggang naging boyfriend na nga rin ni Liza ang lalaki. “Sa pagso-soul-searching ko kanina, bumalik-balik sa akin ang mga pinagsamahan natin, iyong mga moments na tila tayo lang ang tao sa paligid at wala tayong pakialam sa ating pagtatawanan, sa mga kakengkoyan at mga kabulastugan natin. Naalala ko rin iyong nagkasakit ang aking inay at ako lang ang mag-isang nag-asikaso sa kanya dahil ulila na nga ako sa ama at wala akong mga kapatid. Ngunit naroon ka para sa akin. Tinulungan mo akong maghanap ng paraan upang makalikom ng perang pambayad namin sa ospital at nang may ilang gabing wala akong tulog sa pagbabantay sa inay ay sinabi mong, ‘magpahinga ka muna, ako muna ang bahalang magbantay sa inay mo’. Sobrang naantig ako sa ginawa mo na nang gumaling ang inay ang laking pasasalamat din niya sa iyo, hindi lang dahil sa pag-aasikaso mo sa kanya kundi sa pagtulong mo rin sa akin. Hinid ko malimutan ang sinabi ng inay sa iyo, “Napakaswerte ng anak ko na nagkaroon ng kaibigang katulad mo.” At dahil d’yan ay hinding-hindi kita malilimutan, hindi ko malilimutan ang mga bonding natin, mga asaran natin, mga sharing naritin ng mga problema, mga masasayang galaan. Ang lahat ng iyon. At nasabi ko sa aking sarili na tama nga ang sinabi ng aking inay, napakaswerte ko na nagkaroon ng isang kaibigang tulad mo. Alam kong mahirap maghanap ng isang kaibigang tulad mo. Kaya nasabi ko rin sa aking sarili na walang sino mang lalaki o mga taong maaaring sumira sa aking paghanga sa iyo, sa aking pagrespeto sa iyo, sa aking pagtingala at pagpapahalaga sa iyo. Kaya sasabihin ko sa iyo, ikaw pa rin ang best friend ko. Ok lang sa akin kung nasa iyo na si Enrique, hindi siya mahalaga para sa akin. Iyong friendship natin ang mas mahalaga, Liza. Sana ay mapatawad mo ako, at sana ay ibalik natin iyong dating closeness natin.” Ang sambit ni Nadine habang pahid-pahid ang mga luhang dumaloy mula sa kanyang mga mata.

Hindi pa man nakakuha ng rosas si Nadine ay dali-dali nang tumayo si Liza at nagtatakbong nilapitan si Nadine atsaka niyakap niya ito, nakangiting nagtatatalon. “Matagal ko nang gustong makipagbati sa iyo, Bessy. Kaso natakot ako na baka ipahiya mo ako eh. Atsaka kapag nakatingin ka sa akin, parang may galit ka pa rin. At hoy! Iyang si Enrique ay hindi ko naman talaga love iyon. Sinagot ko siya dahil sa inis ko na inakusahan mo akong tinukso ko siya at aagawin ko pa sa iyo. Kaya sabi ko sa sarili ko, na ‘Ok, fine, you get what you want’ kaya iyon. Pero dahil di ko nga mahal iyong taong iyon, hiniwalayan ko rin. Salamat Bessy at bati na uli tayo!” at muli silang nagyakap na tila iyong magbest friends na matagal na matagal nang hindi nagkita. Tapos, saka nila tinumbok ang lagayan ng rosas at kumuha sila ng tig-iisang pulang rosas at ibinigay sa isa’t-isa. Nang bumalik naman sila sa kanilang upuan, iyong katabi ni Liza ay lumipat sa inuupuan ni Nadine upang ang dalawa ay magtabi sa pag-upo.

May iba pang nagsalita tungkol sa mga issues nila sa buhay. May isang ni-rape at minolestya ng sarili niyang tiyuhin noong bata pa at hanggang sa edad niyang iyon ay hindi pa rin siya naka move on. At dahil sobrang sensitive ng issue niya, ni-remind uli kaming lahat na kung ano man ang mga sama ng loob o mga disclosures na ipinalabas sa kuwartong iyon ay manatili lamang doon at ang tanging ang mga masasaya at positive na mga nangyari sa amin sa activity na iyon ay ang mga alaalang dadalhin lamanag namin sa aming paglisan sa kuwartong iyon.

Nakapagsalita na ang marami at ako naman ang nag-isip na magsalita tungkol sa issue naming ni Mico. Gusto kong manghingi ng patawad. Bagamat feeling ko ay may closure na iyong sa amin ngunit may isang bahagi ng aking utak na gustong ireconfirm iyon sa activity na iyon.

Magsalita na sana ako nang sa di inaasahan ay biglang nagsalita si Anne. “Gusto ko pong manghingi ng sorry sa isang tao na na-bully ko nang dahil sa isang lalaki. I know na marami akong kasalanan sa kanya at sobra ko pong narealize na napakasama ng aking ginawa. I was so full of pride and so cruel to him. Nagsisi na po ako at sana ay mapatawad niya ako. Ang taong ito ay si Bugoy…” Tiningnan ako ni Anne. “Sana Bugoy, you can forgive me at sana maging kaibigan din tayo. Sana ay hindi ka na galit sa akin at sana ay mabigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon upang ipakita sa iyo na nagsisi na ako sa aking pinaggagawa sa iyo.”

Napangiti na lang ako sa aking narinig. Sobrang saya ko kasi na hayun, gusto ni Anne na tuldukan na ang hindi namin pagpapansinan at iyong galit niya sa akin. Hindi ko na siya sinagot pa. Tumayo ako, nilapitan siya atsaka niyakap. “Wala na sa akin iyon, Anne. Ako rin naman ay maraming pagkukulang. Napatawad na kita at sana, kung ano rin iyong nagawa kong hindi maganda sa iyo ay patawarin mo rin ako.” Ang sambit ko.

Tumango si Anne. “Wala iyon sa akin, Bugoy. Kaya dapat friend na tayo para masaya ang lahat, di ba?” ang sambit niya na natawang tinuro ang rosas. Natawa na rin ako. Sabay naming nilapitan ang mga rosas. Binigyan ko siya ng puti, at ganoon din ang ibinigay niya sa akin.

“Let us be friends again.” Ang sambit ko. Tapos hinalikan ko siya sa pisngi.

Hinalikan din niya ako sa pisngi.

Pagkatapos ng disclosures of issues ay nag-explain muli ang pari na ang next disclosure naming ay ang pagpapasalamat sa mga taong nakapagbibigay sa amin ng inspirasyon o iyong mga taong may naiambag sa aming success o sa pag-abot namin kung ano man kami sa kasalukuyan.

Ang unang nagsalita ay si Churva. Tinatawg siyang Churva dahil hindi lang siya lantarang bakla kundi masayahin, maingay, at palaging positive. Bagamat may mga pagkakataong alam naming may problema siya gaya ng bagsak na scores sa exam, o pinapahiya ng ibang mga estudyante, ginagawa lang niya itong biro at hindi ipinapahalata sa mga kaibigan niya na medyo masama ang loob niya o nasasaktan siya. Kumbaga, makikita mong talagang matatag siya. “Ang gusto kong i-acknowledge na inspirasyon ko na nandito kasama natin ay… ayiiiiiiii!” ang pauna niyang salita na na tila kinilig at bigla ring nagpatawa sa lahat. Tiningnan niya ang pari “Ano kasi… father, sorry na lang ah.” Ang dugtong niya.

“Go ahead…” ang sabi ng pari.

“Ano kasi… ayyiiiiii” at muling itinakip ang kanyang mga kamay sa kanyang pisngi, iyong nahiya na kinilig, nanginginig at nagtatalon. “Ang insiprasyon ko po ay si…” bahagyang naudlot muli ang kanyang pagsasalita.

“Sige na ituloy mo. No one will judge you here, no one will question what you feel.” Ang pag-encourage ng pari.

“A-ang inspirasyon ko po kasi ay si… James! iiiiiiiiiiiihhhhhhh!” ang nasabi rin niya.

Si James ay iyong MVP ng school at tinaguriang “National Crush ng Bayan” ay kasali rin kasi sa graduating class at naroon din sa retreat na iyon.

Natawa ang lahat na nakatutok kay James. Ngumiti lang si James at imbes na si Churva ang kukuha ng rosas, si James na ang nagtungo sa lagayan nito at kumuha ng pulang bulaklak. Game na game na nilapitan niya si Churva na nakatayo na habang nilapitan niya, takip-takip ng kanyang dalawang palad ang kanyang mukha. At bago ibigay ni James ang pulang rosas, hinalikan niya muna ito atsaka inabot kay Churva sabay sabing, “Red rose means love.” Ang sambit niya na binitiwan ang isang tila nang-aakit na pamatay na ngiti.

Hindi naman magkamayaw si Churva sa pagtatalon. Pati ang lahat ay nagpalakpakan, ang iba ay sumisipol. “Ohhhhhhhhhh em Geeeeeeeee!!!”” ang sigaw ni Churva na hindi magkamayaw, nanginginig sa sobrang kilig at nagtatalon, halos hindi makatingin kay James.

“Proud ako na naging inspirasyon mo Churva. Kasi, mabait kang tao at marami kang napapasaya. Ang payo ko sa iyo ay dapat palagi kang ganyan, masayahin. Kasi, sa pagiging masayahin mo, hindi mo lang din alam na nakakapagbigay inspirasyon ka rin sa amin, sa mga katulad ko. Hangang-hanga ako sa katatagan mo, sa tapang mo na alam kong may mga problem aka rin ngunit imbes na magmukmok at magalit sa mundo, hayan, napasaya mo kami. Di ba nakaka-inspire iyon? Kaya idol din kita Kasi ako nga, anak-mahirap lang, walang tatay, at nangungulila sa pagmamahal ng isang ama. Ngunit minsan kapag nakita kita sa school, ang lungkot ko ay nagiging saya, natutuwa sa iyo, naibahagi mo sa akin na dapat happy lang  tayo palagi. Alam kong ikaw ay kagaya ko rin na may dinadalang problema, pero look at you, ang galing mong magpatawa, ang talino mo, at nakakahawa ang positive vibes mo. Kaya inspirasyon at idol din kita. At kung gusto mo, mula ngayon, friend na rin tayo.” Tiningnang niya si Churva. “At kung okay lang sa iyo, mag dinner date tayo paglabas natin dito. I-celebrate natin ang ating friendship.” Ang dugtong pa ni James.

Doon na napaiyak si Churva na niyakap naman ni James. Maya-maya ay pinahid niya ang kanyang mga luha at, “Oo ba, mula ngayon, friend na tayo. Ako pa ba ang choosy?”

Tawanan kaming lahat.

“At tungkol naman sa dinner data… ihhhhhhhhh! Wag ka ngang magbiro ng ganyan, sige ka papatulan kita baka magsisi ka.” Ang dugtong pa ni Churva.

Tawanan uli kaming lahat. Doon na rin ako mas lalo pang napahanga kay James. Guwapo na, mabait pa, walang kaartehan sa katawan.

“Totoo iyan. Saksi silang lahat” ang turo niya sa amin, “…at si father.” Ang sambit ni James.

Doon na muling niyakap ni Aura si James.

Pagkatapos ng pag-disclose ni Churva sa kanyang crush, ang sunod na nagsalita naman ay si Ken, iyong chinito na basketball player din na kasama ni James at siya iyong lumapit at naghatid sa akin sa bahay noong date nina Jake at James. “May isang taong nakakapag-inspire sa akin. Actually, matagal ko na siyang gustong kaibiganin, kaso nga lang, nasa ibang section siya… Nakita ako kasi siyang usually ay nag-iisa at hindi palakibo, nakaupo lang sa isang lugar minsan, parang palagi siyang malungkot. Pero nakita ko sa kanya ang kabaitan nang minsan ay nasa downtown ako, dala-dala ko ang kotse ko, may isang matandang babaeng nahirapang tumawid sa kalsada. Iyon sa sobrang tanda ay nakayuko na siya, nasa 80 na siguro ang edad, nanginginig maglakad na animoy matutumba ano mang saglit, hawak-hawak ang isang tungkod na kahoy at walang kasama. Huminto ako upang makatawid siya. Ngunit siya, hinid lang niya inihinto ang kotse niya, lumabas pa talaga siya mula sa kanyang kotse upang alalayan ang matandang iyon hanggang sa makarating ang matanda sa kabilang kanto. Sobrang namangha ako at napasabi sa sarili ng ‘Wow! Di ko nagawa iyon!’ L-lalaki po ang inspirasyon kong ito ngunit sobrang na-inspire talaga ako sa ipinakita niya na ang nasabi ko sa aking sarili, ay kapag nakakakita ako ng iba pang nangangailangan ng tulong, hindi lang ako dapat huminto at pagmasdan siya o sila. Dapat ay lalabas din ako sa aking kotse, o sa aking comfort zone upang matulungan sila...”

Habang nagsasalita si Ken, inikot ko naman ang aking mga mata sa aking mga kasamang lalaki. Doon ko napagtanto kung sino ang tinukoy ni Ken nang iyong tinukoy niya ay hindi mapakali sa pagngingiti, inilagay pa niya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha na tila nahihiya.

“Siya po ay si Mico…” ang sambit ni Ken.

“Wow! Bakla si Ken! Ng out na!” ang sigaw ng isang kaibigan ni Ken.

At sa comment na iyon ay sumingit ang pari. “I remind you, no labelling is allowed. No judging, no stereotyping . God does not judge feelings. Feelings are sacred. Everyone fears, everyone cries, everyone loves, everyone even hates – for some reasons. There is nothing wrong with experiencing them, much less disclosing them. In fact, we need to encourage everyone to disclose feelings. It’s the key to understanding and to sustaining lasting relationship. If people learn to respect and understand feelings… then the world will be a better place to live.”

Muling natahimik ang lahat.

Tumayo si Ken at timumbok ang lagayan ng rosas. Kinuha niya ang isang pulang rosas at nang nilapitan na niya si Ken, ibinigay niya ito. “Red rose because I love what you did, and because of that, you inspired me…”

Tinanggap naman ni Mico ang bulaklak at nag bro-hug silang dalawa. “Salamat bro. I never exected na nakita mo ako roon.

“Thanks to you!”

Pagkatapos noon ay may mga nagsalita uli tungkol mga inspiration nila, mga lihim na crush. Mayroon ding nagkabistuhan na iyong crush niya ay crush din siya. Positive naman result ng mga disclosures. Kaya happy at inspired ang mga nagdisclose.

Nang matapos na sila, ako na ang sumingit. Ang binanggit kong inspirasyon ay una, iyong nasa taas, at ang pangalawa ay ang aking inay na pumanaw na. Dahil kahit maaga niya akong iniwan, nakatatak pa rin sa puso’t isip ko ang mga aral na itinuro niya sa akin, ang pagmamahal at mga sakripisyo niya, at ang mga masasayang alaala naming dalawa. Nagpasalamat din ako kay Ms. Clarissa dahil sa pag-ampon niya sa akin, kay Kuya Renan, at ang lahat ng mga naging kaibigan ko. “At may isa pa akong inspirasyon…” ang sambit ko. “Si Mico. Para po sa kaalaman ng lahat, si Mico po ay nariyan para sa akin noong mga oras ng aking pangangailangan. Ilang beses po niyang iniligtas ang buhay ko. Ilang beses na rin siyang muntik mamatay nang dahil sa pagprotekta sa akin. At wala po siyang hinihiling na kapalit. Napakabait po niya. Napakalinis ng kanyang pagkatao. Siya po iyong kaibigan na masasab kong handang ibigay ang lahat, kahit buhay niya para sa isang kaibigan. Kahit po hindi na kami palaging nag-uusap ngayon, hinahangaan ko pa rin po siya sa kanyang katatagan at pagiging totoong kaibigan. Kahit kailan, habang may buhay pa ako, hinding-hindi ko siya malilimutan.” Ang sabi ko. At tinumbok ko ang lagayan ng mga rosas. Kumuha ako ng pula at nilapitan ko si Mico na tumayo. Ibinigay ko sa kanya ang rosas. Nag-hug kami. Umiyak siya, “Ako rin tol… hinding-hindi kita malilimutan. Kapag kailangan mo ako, nariyan lang ako palagi para sa iyo.” Ang sabi niya. At ikinuwento rin niya sa grupo ang transformation niya mula sa pagiging pasaway at bully hanggang sa kinaibigan ko siya at naapreciate ang pagtulong ko sa kanya sa school at ang kabutihang ipinakita ko sa kanya sa kabila ng pambubully niya sa akin. Hanggang sa nagbago siya at tumino. Pagkatapos niyang magsalita ay tinumbok niya ang lagayan ng rosas, pinili niya ang pula at ibinigay iyon sa akin.

Nang wala nang nag-disclose, nagsalita muli ang pari. Sinabi niyang sana ay gumaan ang aming mga dinadala at pakiramdam at ang mga issues naming ay na-address at na-unload. Sinabi rin niya n asana ay handa na kaming sumuung sa panibagong hamon sa buhay bilang mga college students. Muli rin niyang ni-remind sa amin na kalimutan ang lahat na mga na-disclose naming sa retreat house na iyon, lalo na iyong hindi maganda; babaunin lang daw namin ang mga positive na resulta bunsod ng aming disclosure. “Bago tayo pumunta sa kanya-kanyang tulugan, may pahabol pa siya. “I would like to request you to keep a moment of silence and to introspect the message of this song. Open your hearts and let the Lord come, letting him lead you…”

Pinatugtog ang kanta-

Lead me Lord
Lead me by the hand and help me face the rising sun
Comfort me through all the pain that life may bring
There's no other hope that I can lean upon
Lead me Lord, lead me all my life

Walk by me
Walk by me across the lonely roads that I may face
Take my arms and let your hand show me the way
Show the way to live inside your heart
All my days, all my life

You are my light
You're the lamp upon my feet
All the time my Lord I need You there
You are my light, I cannot live alone
Let me stay by Your guiding love
All through my life, lead me Lord

Lead me Lord
Even though at times I'd rather go along my way
Help me take the right direction
Take Your road
Lead me Lord and never leave my side
All my days, all my life…


NATAPOS DIN ang retreat at ramdam ng lahat ang pagbabago ng mga participants. Kung sa pagtungo namin sa retreat house na iyon ay halos hindi kami magpansinan o may kanya-kanyang grupo at barkada at mga pinipiling estudyanteng pinapansin, may grupo ng mga sosyal at mayayaman at may grupo rin ng mga scholars, iyong mga mahihirap, ngunit noong kinaumagahan pagkatapos ng disclosure, ang ingay-ingay na ng lahat sa breakfast. Ang saya-saya at napakagaan ng aming kalooban sa isa’t-isa. Wala nang grupo ng mayayaman, ng mahihirap, ng mga matatalino, wala nang aloof o na out of place na mga participants.  Bawat isa ay makikita mong sobrang friendly, sobrang respectful bagamat jolly. Iyon bang iyong mga hindi nagpapansinan ay sa isang iglap lang biglang nagbago, nalimutan lahat ang kung ano mang hiya o takot, o galit at naging comfortable at tanggap ng lahat ang bawat isa, naintindihan ang mga pinagdaanan at nariyan ang friendship at support nila. Lalo na si Churva, ang ingay-ingay at ramdam ang sobrang inspirasyon kay James. Iyong may mga issues ay hindi na nagkailangan. Pati si Mico at Anne ay lumalapit na rin sa akin at nakikipagkuwentuhan. Napakasaya. Feeling ko ay wala na akong problema sa mga tao, sa mga nasaktan ko at sa mga taong nakasakit sa akin.

Nang tuluyan na kaming sumakay sa bus upang bumalik na sa aming kanya-kanyang bahay, doon na naman nag-iiyakan ang iba. Paano kasi, ilang araw na lang at graduation na, tuluyan nang hindi magkikita-kita pa ang mga magbest friends.

Nang sumakay na kami ng bus, tinabihan ako ni Mico. Na-miss daw niya ang mga araw na sobrang close at saya namin. Gusto niyang ganoon pa rin daw kami, walang pagbabago. “Tanggap ko naman na si Kuya Renan mo ang mahal mo eh. At ako, nag move on na. Darating din for sure ang para sa akin. Kaya, okay lang sa akin kung friends na uli tayo.”

“Mabuti naman kung ganoon. Pero teka, may Ken ka na eh!” Ang sagot kong biro sa kanya.

“Ken ka jan…” ang sagot niyang halatang nahiya.

“Uy… nag-blush ka oh!” ang biro ko pang natawa.

“Huwag ka ngang maingay jan! Kakainis ka ah! Huwag nga nating pag-usapan iyong tao. Malinis iyong intension niya. Huwag haluan ng malisya.”

“Okay. Sinabi mo eh.” Ang sagot ko na lang.

Tahimik.

“Ano ang plano mo sa college? Saan ka mag-aaral? Anong course?” ang pagbasag ko sa katahimikan.

“Sa Amerika na siguro. Iyan ang sabi ng Daddy ko eh. Tapos, sa kurso naman, baka International Law, actually ‘di pa ako sure.”

“Wow! Bigatin! Anong rason ba’t sa Amerika? May mga ganyang kurso din naman tayo rito, di ba?”

“Kasi, doon nagtapos ang mga pinsan ko. May tita naman kami roon. Kaya walang problema. Pati si Anne ay doon na rin daw mag-aaral. Sabay kami.”

“Ay ang saya. Makakarating ka na rin ng Amerika.”

Ngumiti siya. “Ikaw, kaya mo naman magpunta roon eh, kung gusto mo. Mayaman si Ma’am  Clarissa.”

“Dito na lang ako sa Pinas, ‘tol. Sa Manila na rin kasi si Kuya Renan. Gagawin daw siyang Production Manager sa isang factory ni Ms. Clarissa.”

“Wow! At palagi pa kayong magsama niyan!”

Tumango na lang ako.

“I’m happy for you...” Ang sambit ni Mico habang inakbayan niya ako.

“Thanks.”


ARAW NG GRADUATION. Naroon ang lahat ng mga graduating students sampo ng kanilang mga magulang at mahal sa buhay. Masaya ang lahat na naroon, lalo na ang mga graduating students at mga magulang nila. Naroon si Ms. Clarissa, naroon si Kuya Renan, naroon din sina Mico at Anne, naroon din ang mga kasama sa basketball team na naging kaibigan na rin naming at syempre, ang lahat na dumalo sa retreat naming iyon.

Dahil transferee lang ako ay hindi ako nagqualify sa honors ngunit happy naman ako dahil isa ako sa nabigyan ng special citation for academic excellence. Ibinigay din sa akin ang award na special scholastic citation for transferees. Masaya pa rin ako syempre. Sigurado akong masaya rin ang aking namayapang inay sa pagtapos ko na may mataas na marka at may award din naman. Ang naging valedictorian at salutatorian sa graduating batch namin ay mga scholars ng school na nanggaling sa mahihirap na pamilya. Deserving din naman sila. At mas maganda nga ang nangyari kasi kapupulutan ng inspirasyon ang kanilang pagsusumikap. Masaya ako para sa kanila.

Pagkatapos ng graduation ay kumain pa kami sa isang sikat at mamahaling restaurant. Kaming tatlo lang ni Kuya Renan at Ms. Clarissa. Tinalakay naming ang magiging kurso ko sa College. Ang gusto ni Ms. Clarissa ay Accounting at mag proceed ng Law, o di kaya ay Business Management or a combination ng tatlong kurso na iyon dahil gusto niyang matuto ako sa negosyo at ako na raw ang mamahala ng mga ito, kami ni Kuya Renan, kapag gusto na niyang magretire. Dahil gusto ko rin naman ang business, ang sabi ko ay iyon na lang ang kunin ko plus abogasya. At kung sisipagin pa ako, saka ko na idagdag ang accounting. Doon kami nagkaintindihan.

Maliban sa kurso ko ay muli din naming napag-usapan ang aming plano na doon na ako titira sa Maynila. Ang napagkasunduan ay pagkatapos ilang araw, tutungo na ako ng Maynila. May mga aasikasuhin pa kasi ako sa Tuguegarao habang si Kuya Renan naman ay uuwi muna ng Gensan upang ayusin ang mga bagay-bagay sa kanila, magpaalam sa kanyang kapatid doon. Pagkatapos naman ng isang Linggo ay diretso na siya ng Maynila upang doon kami magkita at magsama.

Masayang-masaya ako sa mga plano naming iyon. Kumbaga, halos kumpleto at perpekto na ang lahat sa buhay ko. May Kuya Renan na ako na magiging kasama ko sa habambuhay, may mommy na mayaman, makapag-aral ako sa isang magandang paaralan… Kumpleto na, er… maliban na lang sa tatay, bagamat okay lang din naman sa akin dahil kahit papaano, nariyan si Kuya Renan na bubuo at pupuno ng lahat bilang kasintahan ko, kuya ko, at tatay ko na rin.

Paalis na kami mula sa restaurant kung saan kami nagsalo-salo. Nauna na sa sasakyan sina Ms. Clarissa at Kuya Renan gawa nang dumaan muna ako sa CR ng restaurant. Nang palabas na ako at tutumbukin na ang nakaparadang sasakyan namin, may narinig akong sutsot.

Nilingon ko ang pinagmulan noon. Laking gulat ko nang ang nakita ko ay si…

“Jake!” ang sambit ko.

Minuwestrahan niya ako na huwag mag-ingay. Agad ko siyang nilapitan, nakatayo kasi siya sa likod ng isang trimmed plant na halos bonsai na, tila nagtatago. “Anong ginagawa mo rito? At bakit ka narito?” ang tanong kong pabulong.

Gusto ko lang bumati sa iyo ng “Congratulations!”

“Eh… s-salamat!” Pero ba’t ka nagtatago riyan?”

“Ayokong makita ni Kuya Renan mo at ni Ma’am Clarissa.”

“B-bakit?”

“Basta ayoko lang.” ang sagot niya.

“Okay. Salamat sa pag-greet mo sa akin.” Ang sambit ko na lang.

“Walang anuman. Good luck na rin sa future plans mo. Alam kong magsucceed ka dahil matalino ka at focused sa iyong mga ginagawa.” Ang sambit niya.

“S-salamat. S-saan ka na ngayon nakatira?”

“Babalik ako ng probinsiya. Pero baka tutungo rin ng Maynila.”

“Bisitahin mo naman kami sa Maynila pag napunta ka roon!”

“Sige… Pero may sasabihin ako sa iyo.”

“A-ano iyon?”

“Mag-ingat ka kay Ms. Clarissa.”

“Ha???” ang gulat kong sagot. “B-bakit naman ako mag-iingat sa kanya?” Tila gusto ko ring matawa sa kanyang sinabi.

“Dalawa ang pinaghinalaan ko sa kanya. Una, si Ms. Clarissa ay isang masamang tao na nagpapanggap lang na matulungin. Pangalawa, bahagi siya ng iyong buhay ngunit itinago lang niya dahil may ginawa siyang isang malaking kasalanan na maaaring mag-ugnay sa iyo. Either way, dapat ay mag-ingat ka.”

“Si Ms. Clarissa na napakabait sa akin ay isang masamang tao?”

“Hindi lahat ng taong gumawa ng kabutihan ay may ginintuang-puso, hindi lahat ng taong nagdarasal ay tunay na maka-Diyos.”

“K-kung ganoon, s-sino ba talaga si Ms. Clarissa?”

“May kutob ako na siya ang –“

“Bugoy! Tara na! Sino ba yang kausap mo?” ang narinig kong sigaw ni Ms. Clarissa. Nang tiningnan ko, lumabas pala siya sa sakayan upang sunduin ako.

“S-sige, saka na lang tayo mag-usap. Mag-ingat ka!” ang pabulong na sabi ni Jake.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails