Author's note...
Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila. Pati na rin po pala iyung mga kanta.
May dalawang update na lang akong natitira.
Heto na po ang Chapter 62! Happy reading!
Chapter 63:
Attrition
Gerard's POV
「1 month ago...
Nang lumabas na ako sa library, nasalubong ko si Ronnie na mukhang hinahanap ako. Tumakbo agad ito sa akin papalapit nang nakita ako.
“Gerard, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko.
“Tungkol saan naman?" balik-tanong ko.
“Tungkol sa nangyari sa inyo ni Keifer," sagot niya.
“Ohh! Naikwento na sa iyo ni Keifer."
“Please, Gerard. Pag-usapan natin ito. Kaibigan ko pa rin si Keifer. Kung ano ang problema niya, parang problema ko na rin," pakiusap niya.
Nakaramdam ako ng inis sa sinasabi niya. Mapagkunyari. Baka kung anong problema ni Harry, problema ninyo. At kapag problema ni Keifer, problema niya na iyun?
“Saang tayo mag-uusap?" tanong ko.
“Sa basketball court. Tara," sagot niya.
Sa basketball court, kasalukuyan na may practice ang basketball club. Hindi pa lang ako nakakaupo sa gusto kong upuan ay naramdaman ko na ang mga titig ni Allan. Siguro ay nasabihan na niya ito tungkol sa nangyari sa amin.
“Ano ba ang nangyari sa inyo ni Keifer? Bakit kayo nag-away?" tanong ni Ronnie.
Humugot ako ng malalim na hininga. “Noong isang araw, may nararamdaman akong may sumusunod sa akin lately. Naramdaman ko din na gusto akong patayin ng taong ito," paliwanag ko.
“Paano mo alam?"
“Sixth sense. Kapag ikaw iyung pinagkakatiwalaan ng pamilya mo, kailangan may sense ka na malaman mo ang mga posibleng panganib sa paligid mo. Kagaya ngayon, nararamdaman kong nakatingin si Allan sa akin, pero ang tingin niya ay tingin na nag-iingat."
Sa buong pag-uusap namin ni Ronnie nakatingin kami ng masinsinan sa isa't isa. Bahagyang ihinawalay ni Ronnie ang tingin niya para makita ang sinasabi ko.
“Pero nagkamali ako kagabi. Bigla kong naalala na may phobia si Keifer sa baril. Kaya imposibleng siya ang naramdaman ko. Pero ang pakiramdam ko na nasa panganib ako, hindi maalis-alis. Ronnie, bukas pa ba iyung ino-offer mo sa akin?"
Infiltration. Kailangan makalapit ako sa kaniya para malaman ko kung anong nalalaman niya. Alam ko na kapag nagtagal, ako din ang hahabulin ng mga taong ito. Ginamit ko ang away namin ni Keifer para mabigyan ko siya ng inisyatibo na makalapit ako sa kaniya.」
Inayos ko ang aking sarili nang nakapasok ako sa bahay ni Ronnie. Nang pumasok ako ay sinalubong ako ng isang utusan.
“Wala pa ba si Ronnie?" tanong ko.
“Wala pa po," sagot ng utusan. “Antayin niyo na lang po siya. Nakakain na po ba kayo? Gusto niyo po bang ipaghain ko kayo?"
“Umm, sige."
Ilang minuto ang nakalipas, sa hapag-kainan, pumasok na din si Anthony. Oo, iyung Anthony ng Nicko at Jonas. Somehow, nakalabas siya ng kulungan at dito nagtatago sa isa pang village ng Rizal.
“Kumusta ang lakad?" tanong ko.
“Maaksyon," tugon niya habang inaayos ang sarili. “Iyung kaibigan mo, magaling humawak ng baril. Mabuti na lang at nakatakas ako at baka nasa hukay na ako."
“Nasa hukay na ang mga kasama mo?"
“Nilalangaw pa." Sinenyasan nito ang utusan saka umupo.
“Kumusta si Ronnie?"
“Okay naman po siya," sabat ng utusan habang minamasahe sa likod si Ronnie. “Nag-text po siya kanina at sinabing maghintay lang po kayo dito."
“So nasa ospital pa lang siya? Oi, tigilan mo na iyan at dito ka sa harap ko," utos ni Anthony.
Nagulat ako nang inilabas ni Anthony ang kaniyang pag-aari. Lumuhod naman agad ang utusan, ang babaeng utusan at tinrabaho ang bagay na iyun.
“Ahh! Shit! Ang sarap," ungol ni Anthony na mukhang nagde-deliryo na. “Hindi ba pwede kitang buntisin? Mamaya, ipuputok ko ito sa puke mo."
“Seryoso?" tanong ko na may halong disgusto. “Okay lang kung hindi malinaw na salamin iyung mesa ehh." Ibinaba ko ang mga hawak kong kubyertos. “Nawalan na tuloy ako ng gana kumain."
Sinenyasan ko naman ang isa pang utusan na iligpit ang pinggan. Tumayo ako at inayos ang aking sarili.
“Gerard, ahh! Saan ka pupunta?" tanong niya. “Ahh! Pota ang sarap mo."
“Sa lugar na hindi ko maririnig ang ungol mong iyan," sagot ko habang naglalakad na patungo sa likod ng bahay.
Makalipas ang ilang minuto, lumapit sa akin ang parehas na utusan na trumabaho kay Anthony.
“Andito na po si Ronnie," wika nito.
Sinenyasan ko na umalis siya. Tumayo na ako at inayos ulit ang sarili. Sa wakas ay dumating na siya. Nakakainip. Baka kapag bumalik pa ako sa hapag-kainan ay maabutan ko na lang na nagkakantutan pa rin si Anthony at iyung utusan.
Sa hapag-kainan, nakatayo si Ronnie malapit sa entrada. Tumayo naman ako sa kabila.
Nang dumaan na si Ronnie, bahagya kaming yumuko. Sinundan lang namin siya ng tingin hanggang sa nakaupo na ito sa kaniyang upuan.
“Pasensya na sa nangyari kanina," paghingi ng tawad ni Anthony. “Hindi ko natansya na babangga pala kayo sa konkretong pader."
“Wala sa akin iyun," kibit-balikat ni Ronnie. “Ang mahalaga ay nagawa ninyo ang mga parte ninyo. So ano ang nangyari? Tama ba ang iniisip ko na may phobia siya sa baril?"
Nagkatinginan naman kami ni Anthony. Tumango naman ako para bigyan siya ng signal na isiwalat ang kaniyang mga nalalaman.
“Mali ang iniisip mo. Talagang nakakahawak siya ng baril. At ang pagtira niya sa mga tao natin, asintado. Walang duda na siya ang taong pumatay sa pamilya Villaflores."
Sa galit, naihampas ni Ronnie kaniyang kamao sa mesa. Mukhang nagagalit siya.
“Ano na ang gagawin natin Ronnie? Itutumba na ba natin si Keifer?" tanong ko.
“Hindi," iling ni Ronnie. “Hindi natin gagawin iyan. Kailangan mag-usisa tayo ng mabuti dahil si Keifer ang pinagbibintangan natin."
“At kapag hindi kakilala ay huwag na usisain ng mabuti. Kapag wala kayong nakuhang sagot sa loob ng isang buwan o isang linggo, i-salvage na iyan," sarkastikong saad ni Anthony na karaniwan naman talagang nangyayari sa mundong ito.
Tiningnan ni Ronnie si Anthony ng matalim. Natamaan siguro sa sinasabi niya. Totoo naman.
“Wala kaming pakialam sa ibang tao. Pero sa mga malalapit sa amin, meron pa rin kahit papaano. At kung makita namin na ginawa niya ang bagay na iyun, gagawin namin ang dapat gawin." Humugot si Ronnie ng malalim na hininga. “Dismiss."
“Actually, huwag na muna," sabi ko.
Napatingin sa akin lahat pati si Anthony na paalis na. Pumirmi siya sa kinatatayuan at hinintay nila ako na magsalita.
“Gusto kong pag-usapan iyung nangyari kay Mang Luke. Ang usapan ay tatakutin lang ang matanda. Pero hindi iyun nangyari. Bakit mo siya pinatay?" tanong ko kay Anthony na hindi ko man lang tiningnan.
“Gusto kong mag-practice," direktang sagot ni Anthony na nakangiting humarap sa akin. “Siyempre, hanggang nagtatrabaho ako para kay Ronnie, kailangan kong mag-practice bago ko gawin doon sa mga totoong tao na papatayin ko."
“At okay ka lang doon?" tanong ko naman kay Anthony.
Umiwas ng tingin si Ronnie. “Pasensya na."
“Ronnie, alam mo naman na pinapahalagahan ko ang salitang binibitawan ng amo ko. Ang sinabi mo ay tatakutin lang. Hindi papatayin. Alam mo ba ang ginagawa ng dati kong amo kapag may sumuway sa sinasabi niya?"
Halos magkasabay kaming bumunot ng baril ni Anthony. Akmang itututok niya sa akin ito nang inunahan ko na siya ng baril. Tumama iyun sa baril niya na ikinagulat ni Anthony.
“Potang ina!" mura ni Anthony na mukhang nakikita niya ang kaniyang katapusan.
Biglang tumayo si Ronnie. “Tama na!" sigaw nito. “Gerard, ibaba mo ang baril."
“Hindi na natin kailangan ang taong ito. Kaya lang naman siya nandito ay para patayin lang sila Jonas at Nicko. Alam mo ba na hindi nagtatagal ang mga pamilya na hindi sinusunod ng kanilang tauhan? Kasi kadalasan ng mga tauhang iyun ay mga traydor at pabigat!"
Ngumisi si Anthony. “Kaya pala namatay ang pamilyang pinagsisilbihan mo."
Ipinutok ko ang baril pero idinaplis ko lang ito sa gilid ng bungo niya. Isang malaking pabor sa mga taong aagrabyaduhin nito ang patayin ko si Anthony.
Nagulat si Anthony sa ginawa ko at hinawakan ang dinaanan ng bala.
“Huwag na huwag momg pagsasalitaan ng masama ang dating pamilya na pinagsisilbihan ko o sa bungo mo na talaga tatama ang bala ng baril na ito!" seryosong banta ko. Mukhang sobra na itong ginahawa ko.
Ibinaba ko ang aking baril. Humarap naman ako kay Ronnie at bahagyang yumuko nang napagtanto ko na ako din pala ay hindi na sumusunod sa sinasabi niya. Ayokong magmukhang hipokrito sa mga taong ito.
“Pasensya na," paghingi ko ng tawad sa magalang na tono. “Ang sa akin lang naman ay magkaroon ka din ng malakas na pamilya, Ronnie. Alam mo naman na pagkatapos nito, aalis na ako sa pamilya mo. Wala akong pwedeng pagsilbhihan ng matagal kung hindi ang pamilya Villaflores lamang. Masyado akong attached sa kanila na kapag sa iba na ako magsilbi ay baka hindi maganda ang mangyari."
“Naiintindihan ko Gerard," tugon ni Ronnie na kumalma na. “Kaya lang, gaya mo, may pinag-usapan kami ni Anthony. Alam mo naman na kaya sumali ka sa akin ay para paghigantihan ang pamilya Villaflores. Siya, para patayin sila Jonas at Nicko. Sa kabilang banda, tama ang mga sinasabi mo." Itinuon niya ang tingin kay Anthony. “Kaya Anthony, huwag ka ng susuway sa mga utos ko. Dahil kung hindi ay baka hindi mo na magawa ang pinag-usapan natin. Mas mahalaga ang pamilya ko kaysa sa iyo."
Habang nakatingin sa akin si Anthony ay kinikiskis niya ang kaniyang ngipin sa galit. “Iyun lang naman pala. Sinabi mo iyan ha?"
Nakahinga ng maluwag si Ronnie. “Sige na. Dismiss na. Kakain pa ako."
Bahagya kaming yumuko ni Anthony saka humayo na sa mga pupuntahan namin. Bago makaalis ay kinutuban ako na may mangyayari. Humarap ako kay Anthony habang itinaas ang baril at hindi nagdalawang-isip na paputukan na naman siya sa bandang ulo. Ngayon ay hindi na talaga tumama sa kahit anong parte ng kaniyang bungo o katawan.
Galit na naman na tumayo si Ronnie. “Anthony?!" sigaw niya. “Tumigil ka na! Paghigantihan mo na lahat huwag lang iyang si Gerard!"
Ibinaba ko ulit ang baril at umalis na. Nang bigla akong may naalala, humarap ulit ako sa kanila.
“Siya nga pala Anthony, nabalitaan ko iyung ginagawa mo malapit sa bahay nila Nicko. Tigilan mo iyun. Baka kapag ginawa mo na naman iyang binabalak mo ay hindi ka na makabalik," babala ako.
Nagpatuloy na akong lumakad papalabas. Ngayon, pinakitaan ko si Anthony na respetuhin niya ako. Dahil kapag hindi ay sa bungo na niya tatama ang bala na nasa baril ko. Hindi pa naman ako sumasablay dahil ako ang hitman sa pamilya Villaflores, na trinaydor ko.
Edmund's POV
Habang naglalakad ako sa pasilyo ng mansyon, nasalubong ko na naman si Jasper na nakasimangot.
“Edmund, ano ba iyung pinapadala kong guard? Bakit wala pa rin?" naiinis na tanong ni Jasper habang sinasabayan ako sa paglalakad.
“Ahh? Iyun ba? Pinadaan ko muna sa screening ni Mang Gardu."
“Ha? Screening? Bakit? Kailangan pa ba iyun?"
“Hindi mo ba alam? Kahapon, nagkaroon ng security breach sa ating mansyon dahil may isang parang espiya sa mga tauhan ninyo. Tapos kagabi, namatay naman iyung traydor na pinagtatanungan namin dahil tumira pala ng cyanide."
Napahinto si Jasper dahilan para mapahinto din ako. Humarap ako sa kaniya.
“You mean nagpakamatay?" paglilinaw niya.
Nasapo ko ang aking ulo. “Parang ganoon na nga. Basta, iyun nga."
Nagpatuloy ako sa paglalakad, ngayon naman ay para puntahan ang pool area. Sumunod si Jasper sa akin.
“Alam mo kasi, iyung espiya daw ay binabantayan ang mga ginagawa ni Sir Simon mismo," paliwanag ko. “Pero kung ano ang intensyon kung bakit niya ginawa iyun ay hindi pa rin malinaw. Maraming teyorya sila Mang Gardu at Sir Simon pero hula lang ang mga iyun. Sa ngayon, nag-aantay kami na may masamang mangyari sa buhay ni Sir Simon para malaman namin kung ano ang pakay ng espiya, at sana walang senaryo na mamamatay ang Daddy mo."
“Sana hindi dahil magiging malaking problema ang kompanya kapag walang tagapagmana. Hindi pa naman ako interesado o kahit si Daryll sa kompanya ni Daddy," wika ni Jasper. “Anyway, pakibilisan sana ni Mang Gardu ang screening dahil kailangan na kailangan ko talaga."
Habang naglalakad, tinanguan ko naman iyung tao na naglilinis ng pool. “Okay. Pero magtatanong pa ba ako kung bakit?" Naglakad na naman ako patungo sa harapan at pinagmamasdan ang bawat halaman ng mansyon.
Sinabayan niya ako sa paglalakad. “Kagabi kasi, muntikan nang tumira ng iba si Kent. Naabutan ko siya sa isang lumang motel, kung saan kami dati unang nag-sex, na may kasamang iba. Mukha pa naman halimaw iyung kasama niya kagabi. Muntikan na rin niyang nakalimutan na simula noong gabing iyun na nag-sex kami, kami na."
“Ehh, anong ginawa mo pagkatapos noon?" tanong ko.
“Pinagbigyan ko siya. Pinaligaya ko siya habang nag-iisip na baka mangyari iyung eksena namin kanina na mag-aaway dahil may dala siyang bakla doon sa lumang motel. Kaya itong mga bodyguard, papabantay ko sa kaniya 24/7. Babayaran ko iyung babaeng bantay ng motel para hindi papasukin itong si Kent," kwento niya. Isa ka talagang Schoneberg.
“Sa kasamaang palad naman, mga ilang linggo pa para maimbestigahan ang mga bagong salta. Kaya easy lang. Kung hindi naman ehh paligayahin mo si Kent araw-araw." Tumigil ako sa paglalakad at humarap kay Jasper. “Makinig ka. Huwag kang mag-alala. Kapag natapos na imbestigahan iyung mga pinapakuha mo, ide-deploy na agad. Kung pwede ay i-salvage na natin."
“Edmund?" pinanlakihan niya ako ng mata.
Nakuha ko ang gusto niyang sabihin. “Oo, hindi isa-salvage. Nagbibiro lang. Pasensya lang. Bakit kasi biglang may espiya sa mansyon natin?" Tumunog ang phone ko.
“Sige. Una na ako. May fuckboy pa akong babantayan," paalam ni Jasper saka umalis na.
Sinagot ko ang phone. “Keifer? Balita?"
“Buhay pa rin," sagot niya. “Listen, ano sa tingin mo kung magbantay tayo malapit sa bahay nila Jonas gabi-gabi?"
“Para saan naman?"
“Well, baka sakaling magkasapak si Anthony at sugurin sila Jonas at Nicko ngayon."
Naaninag ko naman sa aking paningin ang pagpasok ng kotse ni Jasper na lumalabas habang ang kotse naman ni Sir Simon ay papasok. Naglakad ako sa entrada para maghanda sa pagsalubong kay Sir Simon.
“Hindi ba pa okay iyung security nila?"
Rinig kong humugot ng malalim na hininga si Keifer. “Nanood ka ba ng mga pelikula kung saan iyung isang lalaki na naghihiganti ay nilampasan lang ang mga guards at napatay niya ang kaniyang hinahanap, mag-isa?"
“Nanonood ako ng mga pelikula, kaya lang, totoong buhay ito. At isa pa, magagaling iyung mga kinuha nila. Nirekomenda kasi ni Sir Simon sa Lola ni Nicko na kumuha sa pinangkukunan namin. Kaya positibo ako na walang mangyayaring masama sa kanila," paliwanag ko.
Nang bumaba na sa sasakyan si Sir Simon ay dumiretso na ito papasok ng mansyon. Bahagya naman akong yumuko nang nasa tapat na niya ako.
Bigla naman itong huminto. “Was that Jasper's car?" tanong niya.
“Wait lang Keifer." Inalis ko ang phone sa tenga ko. “Yes, Sir Simon. Kay Jasper po iyun."
“Anong pinagkakaabalahan niya ngayon? Alam mo ba?"
“Hindi po," iling ko. “Pero mukha siyang inspirado."
“Inspirado? Huh." Nagpatuloy na sa paglalakad si Sir Simon papunta sa pangalawang palapag.
Ibinalik ko ang phone sa tenga ko. “About that, hindi mo ba alam na may tumumbang mga dalawang bodyguard kada gabi sa kanila? Tumumba na hindi patay," pagkaklaro ni Keifer. “Kung magaling iyung mga nirekomenda mong bodyguard, I'll say na magaling silang matulog agad."
Nabahala ako sa narinig niya. “Imposible. Okay. Pero bakit mo pa ba ako kailangan? Pwede naman na ikaw na lang ang mag-isang magbantay?"
“Para may excuse ako sa Mama ni Joseph. At tsaka kung ang alam nila ay kasama kita, mapapalagay ang loob nila."
“Ganoon ba. Okay. Susunduin kita mamaya."
“Maghihintay ako. Bye," paalam ni Keifer saka ibinaba ang phone.
Nang sumapit na ang gabi, sinundo ko si Keifer at pumunta sa bahay ni Jonas. Hindi kami pumasok sa bahay nila kung hindi tumambay kami malapit sa labas. Habang nagsu-surveilance, nakita ko na may hawak na mga papel si Keifer at nagsusulat.
“Anong ginagawa mo?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa mga guwardya na nagbabantay sa bahay nila Jonas.
“Proofreading," sagot niya. “Ibinigay sa akin ni Katya para may gawin ako since natatapos ko agad ang mga assignments ko sa Journalism Club."
“Hindi ba dapat sa bahay mo ginagawa iyan o sa school?"
“Busy ako sa studies, may ginagawa pa ako sa bahay ni Ren, kaya dito na lang habang nagsu-surveilance tayo."
“Kaya mo bang makipagsabayan kay Anthony kung sakaling makalaban mo?"
“Oo naman. Magaling magturo iyung nagturo sa akin."
“Si Gerard?"
“Yeah. Magaling magturo iyun."
Bigla kong naalala ang pinag-usapan namin ni Sir Simon kagabi. “Listen, ni-research ka na ni Sir Simon at naghihinala si Mang Gardu, iyung naka-toka sa seguridad nila, na ikaw daw ang pumatay sa pamilya mo."
Natigil si Keifer at napatingin sa akin. “Does it even matter?" Kumunot ang noo niya. “Well, hanggang wala kayong mga espiya ay okay lang. Dahil kung meron, patay tayo diyan. Baka gawin pang negosyo ang impormasyon na iyan. Pero hindi pa sila nag-conclude na ako iyung gumawa hindi ba? Teka? Kapag ba hiningi ko ang kamay ni Ren, ibibigay niya agad sa akin iyun dahil ako iyung taong nagligtas ng buhay niya?"
“Na-ko po."
Bumalik siya sa kaniyang ginagawa. “Bakit? Hindi siya papayag? Eitherway, kapag bumalik naman ang alaala ni Ren ay tiyak akong mas pipiliin niya ako kesa kay Allan. Or kahit si Mr. Schoneberg pa ang humarang ay hindi pa rin niya mapipigilan ang nararamdaman niya para sa akin."
Pinatunog ko ang aking dila. “Hindi iyun. Kasi habang pinag-uusapan ka namin, sa parehas na araw na iyun, may natuklasan iyung head of security namin na may traydor sa mga tauhan namin. At ang ginagawa ng traydor na ito ay binabantayan ang mga ginagawa ni Sir Simon." Tumingin ako kay Keifer. “Pati iyung pinagawa niyang imbestigasyon sa iyo, kasama iyun."
Habang tinitingnan ko si Keifer, naging neutral pa rin ang kaniyang emosyon. Nasapo na lang niya ang kaniyang ulo at tumingin sa bintana. Ako naman ay bumalik na sa binabantayang mga tao.
“Iyung espiya, natanong niyo ba kung kanino siya nagtatrabaho?" tanong niya matapos matahimik.
“Hindi iyun nagsasalita hanggang sa nagpakamatay ito. Parang may cyanide pill siyang ininom na agad niyang ikinamatay. Nangyari iyun habang nakakulong siya," paliwanag ko.
Umayos siya ng upo at tumingin sa binabantayan namin. “Hindi ito maganda. Baka tauhan iyun ni Ronnie, o nang ibang tao tapos malalaman ni Ronnie. Eitherway, hindi talaga maganda. Damn it! Letseng buhay ito, oo. Magtatago na lang ng sikreto, nakakalabas pa."
“Ano na ang gagawin mo? Assuming na alam na ni Ronnie ang sikreto mo?" tanong ko.
“H-Hindi ako pwedeng magtago," iling niya. “Iyung studies ko, iyung Journalism Club, kaya lang paano naman si Ren? Alam na din kaya nila ang bagay na iyun? Iyung mga katulad ni Ronnie versus sa ginawa ko, tiyak magpapatawag iyun ng tulong sa iba pa, at worst case scenario, ugh! Damn it!"
Nasabunutan ni Keifer ang sarili habang nag-iisip. Mukhang hindi na maganda ang gabi ni Keifer dahil sa mga nalalaman niya ngayon. Pero kung magkatotoo ang iniisip niya, dapat ko na kayang tawagan si Sir Simon at magdagdag ng mga mapagkakatiwalaang bantay malapit kay Ren?
Keifer's POV
“Keifer, Keifer," tawag sa akin ng isang boses.
Minulat ko ang aking mata at nakita si Jonas na inaalog ako para magising.
“May quiz tayo. Gising na diyan," sabi niya sabay bigay ng index card sa akin.
Naalimpungatan naman ako at hinanda na ang aking mga kailangan para sa quiz na ito. Nahuli ko naman ang mata ng professor namin na sa akin nakatutok.
“Kumusta ang tulog, Keifer?" tanong ni Prof.
“Kulang pa," matapat na sagot ko.
Bahagyang natawa naman ang buong klase dahil sa aking pagtatapat.
“Makinig ka ng mabuti. Magsisimula na akong mag-quiz tungkol sa pinag-aralan natin kanina. Iyun ay kung nakikinig ka," wika niya.
“Hindi rin ako nakinig," tugon ko.
Natawa na naman ulit ang buong klase.
“Bahala ka. Okay, number 1…"
“Keifer, Keifer," saad na naman ng boses ni Jonas na ginigising ako. “Tapos na iyung checking."
Gumising na ako. “Anong score ko?" tanong ko habang inuunat ang sarili.
“45/50. Parang nag-advance reading ka kung ganoon iyung score mo sa quiz. Buti na lang at sa bandang checking ka na inabutan ng antok."
“Ugh! Pasensya na Jonas at pina-check ko pa sa iyo iyung papel na nakuha ko. Inaantok talaga ako."
“Hindi ka ba nakatulog kagabi?" tanong ni Jonas.
“Oo. Hulaan mo kung saan ako kagabi?" makahulugang sabi ko.
“Kakain na kami. Sasabay ka ba sa amin?" yaya ni Nicko.
“Hindi na Nicko," pagtanggi ko. “Pupunta pa ako sa Journalism Club at i-submit iyung pinapagawa ni Katya. Next time na lang."
“Okay. Tulog-tulog din pag may time," paalam ni Jonas at umalis na kasama si Nicko.
Mga isang linggo na simula nang nagsu-surveillance kami pero hindi na literal na natutumba ang ilan sa mga gwardya nila. Iyung pakiramdam ni Nicko ngayon, bahagya siyang natatakot dahil nag-iisip siguro kung bakit biglang tumigil si Anthony sa pagtutumba ng gwardya. Nakahanap na ba ito ng paraan para pumasok nang hindi nagtutumba ng gwardya? Kailan kaya siya maghihiganti?
Sa kakapakinig ko ng pag-uusap nila, nag-aaway na sila ni Nicko na lumipat na ng bahay. Pero hindi papayag si Jonas. Ayaw niyang magpasindak sa ginagawa ni Anthony. Pinaplano niya bang patayin si Anthony kapag nakakuha siya ng pagkakataon?
“Keifer, Keifer," saad naman ng isang boses. Ngayon ay si Katya sa dahil nasa Journalism Club ako ngayon natutulog.
“Mukhang inaantok talaga siya," rinig kong sabi ng boses ni Ronnie.
Humikab ako para malaman nila na gising ako. “Good afternoon," bati ko. “Or evening?" Tiningnan ko ang phone ko kung anong oras na. Mga bandang ala-una pa lang. May klase pa ako sa alas-dos.
Ay nako! Ito pang nagdagdag sa mga alalahanin ko. Si Ronnie. Kung alam na niya o hindi, wala akong ideya. May espiya sa bahay ng Schoneberg at kung kanino iyun? Wala talaga akong ideya. Pwedeng mga kalaban sa negosyo, pero bakit naman magpapakamatay pa iyung espiya para lang hindi malaman kung kanino siya nagtatrabaho? At kung sa business naman, wala namang nangyayaring hindi pabor kay Mr. Schoneberg. Kung kay Ronnie, hindi ko alam.
「1 week ago...
“May ideya ka ba kung kailan niyo nakuha iyung espiya?" tanong ko. “Ang ibig kong sabihin, kailan siya nagsimulang magtrabaho sa inyo."
“Abril," sagot ni Edmund. “Mga bandang Marso, nagpakita siya sa harapan ng bahay ni Ren.」
Borderline siya ng most likely at less likely. Less likely, bakit naman niya paghihinalaan kaagad ang pamilya Schoneberg na may kinalaman sa pagkamatay ng pamilya ni Harry? Most likely, kung may nag-suggest sa kaniya na maglagay ng espiya para makakuha ng impormasyon. Biruin mo, nagpakamatay pa ang espiya nila nang nahuli siya?
“Oh sige. Maiwan ko na kayo," paalam ni Katya kay Ronnie.
Nag-unat muna ako. “Ronnie, balita?"
“Umm, Keifer, pwede bang mag-usap tayo sa labas?" diretso niyang tanong.
Hindi na niya hinintay ang kumpirmasyon ko at basta na lang lumabas ng kwarto. Weird. Ano kaya ang gusto pag-uusapan namin? Tungkol kaya sa mga nalaman ng espiya niya sa mansyon ng Schoneberg? Pagbabantaan na kaya niya ako dahil sa mga nalalaman niya? Patatahimikin ko na ba siya ng habangbuhay?
Nang lumabas ako, nadatnan ko siya na nakaupo sa upuan kung saan kami dati nag-usap. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya na medyo inaantok pa rin. Ano kaya kung tigilan ko na ang surveillance na ginagawa namin ni Edmund sa bahay ni Jonas? Pero kapag tinigilan namin, baka naman biglang may mangyari naman kila Jonas at Nicko? Ay! Wala pa akong wastong oras para sa pagtulog.
“Keifer, huy!" alog ni Ronnie sa akin.
Bigla kong ibinuka ang aking mata. Pambihira. May pag-uusapan pala kami ni Ronnie at tinutulugan ko siya.
“Alam mo, sa susunod na lang pag-uusapan natin. Hindi ka matinong kausap ngayon dahil nawawala-wala ang kamalayan mo," saway ni Ronnie sa akin. “Ano ba ang ginagawa mo at inaantok ka?"
“Marami," tugon ko. Tumayo naman ako. “Pero kung iyan ang sinasabi mo, sa tingin ko ay sa susunod na lang." Napatingin ako sa aking relong pambisig. “May klase pa ako sa loob ng ilang minuto. Itutulog ko na lang ang break ko. Pag-usapan natin ang gusto mong pag-usapan kapag ayos na ako, okay?"
“Okay," tango ni Ronnie.
Ronnie's POV
Tiningnan ko lang si Keifer na naglalakad pabalik sa Journalism Clubroom nang bigla siyang bumagsak. Napatayo ako bigla sabay takbo papalapit sa kaniya para iwasan na bumagsak ang ulo niya sa flooring. Huli na ako dahil medyo malayo na si Keifer at hindi ko siya naabutan. Sa halip ay nasalo siya ng kanilang presidente na saktong napadaan sa harapan niya.
“Hoy! Keifer!" sigaw nung presidente nila. Katya ata ang pangalan nun.
“Okay ka lang ba miss?" usisa ko sa babae.
“O-Okay lang. Kaibigan mo si Keifer, right?" tanong nito.
“Yeah, kaibigan niya ako. Pwedeng akin na siya? Dadalhin ko lang siya sa clinic para makapagpahinga."
“Bubuhatin mo?"
“Ahh, hindi. Papatulong ako. Hindi ko kaya iyang mag-isa."
“Tayong dalawa na lang ang magdala dito sa clinic. Dali, dito ako sa kanan at ikaw sa kaliwa."
Sinunod ko ang sinabi niya at binuhat namin si Keifer papunta sa clinic.
“Ay!" sigaw nito habang nakatingin sa pambisig na relo. “Male-late na ako. Una na ako sa iyo huh?"
“Oo naman. Una ka na. Salamat, Katya," wika ko.
“Walang anuman. Pakisabi kay Keifer na kapag ayos na siya, text niya ako para malaman ko kung ayos na siya," bilin niya.
“Okay."
“Kamag-anak niyo po ba siya?" tanong sa akin ng nurse, na mukhang ibang tao na ang nakatoka mula nang huling punta ko dito. Shifts?
“Kaibigan," sagot ko.
“Pwedeng makita ko ang ID niya para tawagan ko iyung nasa emergency contact niya?"
Umalis at bumalik sa kaniyang mesa. Kinuha ko ang ID na nakasabit sa uniform ni Keifer at tiningnan ang nasa emergency contact. Nakasulat dito iyung pangalan ni Divine, iyung President ng Student Council. Hindi iyung magulang ni Harry, hindi si Gerard.
Bumalik ang nurse na may stethoscope at hinarap ko ito.
“Actually, patay na iyung nasa emergency contact niya. Magulang ng kaibigan ko na pinsan niya iyung nasa contact at namatay sila sa isang sunog," paliwanag ko.
“So iyung pinsan niya-"
“Kasama din po sa sunog," pagputol ko sa nakaambang na tanong niya. “Bale ako na lang po ang bahala dito."
Tumango-tango ang nurse. “Okay. Tingnan ko lang ang kalagayan niya kung okay lang siya."
Hahawakan pa sana ng nurse ang noo ni Keifer. Pero natigil siya at tiningnan lang niya ito.
“Mukhang mahimbing siyang natutulog. Siguro, kulang siya sa tulog dahil mukhang hindi naman masama ang kalagayan niya. Napakapayapa at cute ng mukha niya habang natutulog," wika ng nurse na ngumiti. “Iwanan mo na siya dito at bumalik ka na lang kapag pasara na ang school. I assure you na ayos lang siya."
“Umm, huwag na lang. Gusto kong manatili dito kung pwede." Napahikab ako kunyari. “Mukhang kulang din po ako sa tulog."
Napailing ang nurse. “Oh no. Hindi pwede iyan. Baka may klase ka pa. May I have your number? Para kapag nagising na siya, malalaman mo agad. Huwag kang mag-alala. Safe ang kaibigan mo dito." Ibinigay ng nurse ang cellphone niya.
Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. “Okay." Nilagay ko sa phone niya ang number ko. “Ronnie nga pala."
“Okay. Balik na sa klase." Bumalik na ang nurse sa kaniyang mesa.
Bago umalis, tiningnan ko si Keifer na natutulog. Naniniwala akong hindi niya ginawa iyun.
Allan's POV
Sa cafeteria kasama si Ren, Alexis at Ronnie, hindi ko naman mapigilan na tumingin si counter kung saan ay dapat ay si Keifer ang tao. Ewan ko kung nag-aalala ako o ano.
“May problema ba?" usisa sa akin ni Alexis.
Tinuro ko ang counter. “Wala si Keifer. Break niya ngayon?" tanong ko.
“Ohh! Nasa clinic. Tulog," sagot ni Ronnie habang kinakain ang hawak na burger na galing pa sa labas.
“Bakit? Anong nangyari?"
“Kanina, may pinag-uusapan kami. Tapos napansin kong hindi pala siya nakikinig sa mga sinasabi ko dahil nakapikit siya. Iyun pala, nakatulog siya. Tapos nung pinaalis ko na siya dahil hindi matino kausap, saka na siya bumagsak," mahabang paliwanag ni Ronnie. “Sabi ng nurse, kulang sa tulog kaya ganoon. Ano ba ang pinaggagagawa ni Keifer sa bahay niyo?" Tumingin siya kay Ren.
“M-Mga normal lang na gawain," sagot ni Ren. “Pero hindi naman ganoon kabigat o katagal. Baka naman nag-advance reading siya kaya puyat siya."
Kumunot ang noo ni Ronnie. “Advanced reading? Parang noong nasa Cebu pa lang kami, nagbabasa na iyun ng mga medical books."
“Wait, nakatira ka sa Cebu?" tanong ko.
“Yeah. Uy! Cebuano ka din? Saan ka banda nakatira?"
“Malapit kami doon sa bagong bridge." Inalala ko kung ano ang pangalan ng lugar na iyun, pero nawala sa isip ko. “Basta malapit doon sa bagong bridge."
“Ako, malapit ako sa Pusok," sabat ni Ren.
“Talaga? Ako naman sa Cordova. Hanggang sa nagpasya ang mga magulang ko na mangibang bansa," wika ni Ronnie.
“Ako, taga-Rizal," sabat ni Alexis.
“Alam ko," sabi ko.
“Wait, kung taga-Pusok ka, hindi kaya ikaw iyung kalaro nila Keifer noong bata pa sila? I'll be damned kung ikaw nga iyun," turo ni Ronnie kay Ren.
Napatingin ako kay Ren habang nag-iisip siya ng sagot.
“Umm, hindi ko maalala," iling ni Ren. “Ang naaalala ko lang ay si Kuya Allan."
Nagpakawala lang ako ng maliit na ngiti. Duh! Alam ko naman na siya iyun. Pero mabuti na lang at hindi pa niya naaalala, sa ngayon.
“Allan, asaan si Keifer?" tanong sa akin ni Joseph na kararating lang sa eksena habang. “Wala na siyang pasok ngayon ‘di ba? Gusto ko sana na umuwi siya agad para tulungan si Mama dahil kailangan namin mag-praktis. Malapit na kasi iyung Battle of the Bands."
“Ohh! Joseph, bumagsak siya sa Clinic dahil kulang siya sa tulog," sagot ni Ronnie.
Humugot ng malalim na hininga si Joseph. “Hay nako! Kailangan pa naman ng tulong ni Mama kasi nilagnat. Persistent pa naman iyun. Kapag sinabi mong huwag gumalaw, gagalaw. Ay! Sino kaya ang maghuhugas ng mga pinggan doon? Dapat kasi hinugasan ko na ang mga pinggan doon bago pumasok."
“Kung ganoon, ako na lang," pagboluntaryo ko. “kasama si Ren. Huhugasan namin iyung mga plato. Sakto at vacant namin hanggang sa magsara ang school."
“Ay! Huwag na. Baka mabasag mo lang ang mga pinggan. Magpapaalam na lang ako kay Blue na uuwi ako ng maaga ngayon at bukas na lang mag-praktis."
Lihim na napatawa si Alexis.
“Kahit si Alexis, nag-a-agree na huwag kang maghugas ng plato."
“Huh? Hindi kaya," pagtanggi ni Alexis. “Natatawa kaya ako na maghuhugas ng plato si Allan. Hindi naman sa wala talaga siyang alam sa paghuhugas ng pinggan. It's just so Allan na kapag gusto niya ang isang tao, ipaghuhugas niya ito ng plato. Alam niyo noong pumunta iyan sa bahay namin, naghugas iyan ng plato. Pati kay Marcaux, at sa basketball team namin. Aba! Kung makita niyo lang kung gaano kagaling maghugas iyan. Sanay na sanay iyan."
Hindi makapaniwala si Joseph. “Hindi nga?"
“Remember noong isang taon matapos ikinasal si Keifer at Janice, naghanda si Ren para sa kanila at kaming dalawa ang naghugas ng mga pinggan."
Naguguluhan pa rin si Joseph sa mga sinasabi ko. “May nangyaring ganoon last year?" Ay, oo nga pala! Hindi niya alam iyun!
“Ohh! Naalala ko na. Nandoon din ako at kumain pag-uwi ko." Napakamot si Joseph sa ulo.
Tumayo na si Ren at ihinanda na ang kaniyang mga gamit. “Tara, Kuya. Alis na tayo."
Ngumiti lang ako at sinunod siya sa paglalakad.
Ren's POV
Sa bahay, naghuhugas kami ni Allan ng mga pinggan. Siya ang nakatoka sa pagsasabon at ako sa pagbabanlaw.
“Hanggang mamaya pa si Kuya Joseph mo ‘di ba?" tanong ni Allan sa mahinang tono. “Tapos si Mama mo, inaantok dahil sa gamot. Sa taas tayo pagkatapos. Paligayahin mo si Kuya."
Namula ako. “Huh? Anong paligayahin na sinasabi mo?"
“Sex tayo."
Napalunok ako sa sinasabi ni Kuya Allan. Kung dati ay oo lang ako ng oo, ngayon ay medyo nahihiya na ako. Napagtanto ko na napakahalay pala iyung ginagawa namin. Pero dahil mahal ko si Kuya, bakit hindi?
Habang naghuhugas, bigla akong may naalala na eksena. Ganito din ang nangyayari sa aking alaala. At ang ngiti ni Kuya Allan ay napakalapad. Pero nakatingin lang siya sa akin at hindi nagsasalita. At ang pakiramdam ko noong mga panahon na iyun, nasasaktan ako. Nadasaktan ako sa alin?
”Ren, okay ka lang?" usisa ni Kuya Allan.
“Ahh! Okay lang. May naalala lang ako sa ginagawa natin," sagot ko. “Naalala ko iyung nangyari na naghuhugas din tayo ng pinggan sa bahay. At nakatingin ka lang sa akin habang ako, pakiramdan ko ay nasasaktan ako. Ano naman kaya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan noong mga panahon na iyun?" Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari noon.
“Nasaktan ka noon dahil nagmahal ka. Nasaktan ka dahil akala mo ay magiging kayo hanggang sa huli, pero out of nowhere ay nagpakasal siya sa iba," malumanay na sagot ni Kuya Allan habang patuloy siya sa paghuhugas. “Pero palagay ko, hindi ganoon ang nangyari."
“Hmm, ano ba talaga ang nangyari Kuya?" tanong ko.
Nginitian niya ako. “Ikaw ang magsabi sa akin," sabi niya sabay abot sa akin ng huling pinggan na lilinisin namin.
Bigla akong kinabahan nang nahawakan ang plato. Iyung tingin niya na may ngiti, nakakakaba habang binabanlawan ko ang plato. Ayoko gawin ito. Kaya lang, si Kuya Allan iyan. Bakit ako tatanggi?
Nang nilagay ko na sa dispenser ang plato, hinawakan ni Kuya Allan ang kamay ko. Sumenyas naman siya na dahan-dahan kaming maglakad habang dumadaan kay Mama na natutulog sa sofa.
Nang umakyat na kami sa kwarto, humiga lang kami sa higaan ko. Ugh, anong gagawin ko? Hindi ko alam ang gagawin.
“Anong problema?" tanong ni Kuya Allan na nakatitig lang sa akin.
Nilaro-laro ko ang aking mga daliri. “Akala ko ba, magse-sex tayo," nahihiya kong sabi.
“Iyun ba? Binibiro lang kita. Pero kung gusto mo, sige." Wala pala siyang binabalak.
Napanguso ako sa sinabi niya. “So anong gagawin natin? Magsi-siesta ba tayo ngayon?" Humikab ako. “Medyo inaantok ako."
“Matulog ka lang," ngiti niya.
Ipinikit ko ang aking mga mata at natulog. Napakagaan talaga ng nararamdaman ko kapag nasa tabi ko lang si Kuya Allan.
Sa kalagitnaan ng pagtulog ko, nanaginip ako na natutulog. Mahimbing akong natutulog habang si Kuya Allan ay nakayapos sa akin. Umiiyak siya.
“Hindi ko kayang tumbasan ang ginawa niya para sa iyo," hikbi niya. “Ni hindi ko siya mahihigitan. Sapat ba para sa iyo na nasa tabi mo lang ako at pinapakita na mahal kita? Habang siya ay hindi niya pinapakita sa iyo kung hindi ginagawa niya na mahal ka niya? Gusto kong matumbasan ang ginawa niya. Pero paano?"
Bigla akong nagising sa panaginip na iyun. Pero nang nagising ako ay wala na siya sa tabi ko. Nag-aalala ako sa mga sinasabi ni Kuya. Sino ang tinutukoy niya? Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Pero kung ano man iyun, pipiliin ko si Kuya Allan dahil mahal ko siya. Ayokong makita si Kuya Allan na malungkot.
“Ren?" saad ng boses.
Hahanapin ko sana si Kuya Allan sa labas nang nakita siya sa CR ko. Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya.
“Kuya, ano iyung sinasabi mo kanina? Sino iyung sinasabi mo na nakakahigit sa iyo? Sino iyung tao na mas pipiliin ko kesa sa iyo?" sunod-sunod na tanong ko habang lumuluha.
Naramdaman ko na niyakap din niya ako. “Ren, wala akong sinasabing ganoon. Baka nananaginip ka lang," nagtatakang sabi ni Kuya Allan. “Huwag ka na umiyak. Masamang panaginip mo lang iyun, okay?"
Naramdaman kong inaalo ako ni Kuya. Oo, panaginip lang iyun. Pero sana ay hindi magkatotoo. Mahal ko si Kuya Allan. Mahal na mahal.
Kumalas ako ng yakap sa kaniya at hinalikan siya sa labi. Nang kumalas ako sa kaniya, gulat na ekspresyon ni Kuya Allan ang tumambad sa akin. Pero hindi iyun naging dahilan para tumigil siya.
“Kuya, gagawin ko ang lahat para sa iyo. Mahal na mahal kita."
Lumuhod ako sa harapan niya at itinuon ang tingin sa kaniyang zipper. Hahawakan ko na sana iyun nang pinigilan ako ni Kuya Allan.
“Ren, teka!" pagpigil niya. “Huwag ganito. Alam kong gusto ko ito pero huwag naman ganito. Sa ilang oras lang ay uuwi na si Kuya Joseph mo at ayoko na makita niya tayong may ibang ginagawa. Hindi mo kailangan na gawin ito. Alam ko naman na mahal mo ako."
Hindi ko na pinansin ang paglilitanya ni at ibibinaba ang kaniyang pantalon kasama ang kaniyang pang-ibaba. Nang dumaan ang bagay na iyun sa paningin ko, agad kong inilagay ito sa aking bibig at dinilaan na para bang natutunaw na ice cream.
“Ahh!" ungol ni Kuya Allan. “Naman. Sabi nang hindi na kailangan. Pero dahil mapilit ka, pagbibigyan kita."
Naramdaman kong inilagay ni Kuya Allan ang kamay niya sa ulo ko. Umulos siya habang inaabot ng bagay na iyun ang lalamunan ko. Ang sakit. Pero titiisin ko iyun.
Nagulat ako nang inilayo ni Kuya ang bagay na iyun sa akin. Pero naglabas ang bagay na iyun ng gatas sa mukha ko.
“Akala ko ba iinumin ko iyun?" tanong ko.
Ngumisi lang si Kuya Allan. “Ikaw naman."
“A-Ano?"
Pinatayo ako ni Kuya at siya naman ngayon ang lumuhod. “Hindi naman pwede na ako lang ang, masaya. Gusto ko masaya ka din."
Joseph's POV
“Okay guys. Dismiss," sabi ni Blue matapos niyang sabihin sa amin ang mga iba pang pointers sa aming rehearsal ngayon.
Kaagad naman namin hinanda ang mga gamit para umalis. Una agad na nagpaalam si Ethan at Blue habang si Paul naman ay umupo sa sofa at mukhang nagpe-Facebook.
“Una na ako sa inyo," paalam ko sa kanila sabay lakad na palabas.
“Joseph, pwede bang makiusap sa'yo?" tanong ni Jonas sa akin na humabol.
Hinarap ko siya at patuloy pa ring naglalakad patalikod. “Jonas, bakit?" Kumunot ang noo ko dahil makikiusap siya?
“Si Keifer pala, pwede ipaalala mo sa kaniya iyung report namin bukas? Mag-partner kami sa report na ipinapagawa ng gagong prof namin."
Humiwalay ako ng tingin at ibinalik ko ito sa kaniya. “Bakit ako pa? Pwede mo namang i-text o ano. At tsaka hindi kayo mag-partner ni Nicko?"
“Yeah. Kaya lang gusto kong manigurado ngayon. At narindi siguro iyung prof namin sa partnership namin ni Nicko. Magaling kaya kaming mag-report kapag kaming dalawa ang nagsama. Anyway, ipaalala mo kay Keifer ha. Nagpapaalala naman ako sa kaniya. Kaya lang, parang disconnected siya sa mundo lately. Palaging inaantok. Ano ba ginagawa nung tao at palaging tulog?"
“Ewan," kibit-balikat ko. “Kapag gabi kasi, sinusundo siya nung Edmund at pumupunta sila sa isang lugar. Baka nag-iinuman o ano. Ewan ko ba."
Humugot ng malalim na hininga si Jonas. “Buti na lang at tino-tolerate ng unibersidad na ito na pwede kang matulog sa kalagitnaan ng klase. Walang mga pakialam ang prof kapag natulog ka ng harap-harapan sa kanila."
Nanlaki ang mata ko sa nalaman. “Wait, pwede tayong matulog sa kalagitnaan ng klase? Hindi ba nakakabastos iyun sa mga prof natin?"
“Sure, nakakabastos iyun. Pero okay lang sa kanila iyun. I mean, binabayaran natin sila para turuan tayo. Kaya lang, kailangan gising ka kapag nagpa-quiz. Yari ka kapag tulog ka habang may quiz."
Bigla kong naalala ang mga panahon na inaantok talaga ako sa klase. Tapos pinipilit ko pa ang sarili na huwag matulog dahil alam ko, bawal ang matulog sa kalagitnaam ng klase. Pero alam niyo ba kung bakit ako inaantok? Napag-aralan ko na kasi iyung mga tinuturo ng prof namin. Kaya nabo-boring ako dahil alam ko na iyung sagot sa mga tanong ng prof.
Humarap ako sa daan na nilalakad ko at sinabayan ang bilis ni Jonas. “Baka naman kaya niya iyan kahit walang tulog."
“Yeah, kung hindi siya natutulog nang hanggang lunch break ng schedule namin. Joseph, kung hindi ko nga ginigising iyung tao, maraming quiz iyun na mami-miss. Ehh, buti na lang at ginigising ko. At buti naman at napag-aralan niya ang mga bagay na iyun. Kaya lang, habang nagki-quiz naman ay halos mawala-wala iyung ulirat niya. Iyun ba ang taong kayang magising habang walang tulog? Baka bukas, nagre-report kami tapos biglang bumagsak. Hay! Baka ako na lang din ang gumawa ng parte niya sa report namin."
Pinatunog ko ang aking dila. “Ha! Kanina nga, dinala iyun sa clinic kasi nga bumagsak."
“Basta. Ipaalala mo kay Keifer ha. Susuntukin ko iyun sa mukha kapag ngumanga o bumagsak siya sa report namin bukas. Bye Joseph. Ingat," paalam ni Jonas na lumakad na sa kasalungat na direksyon ko.
Kakauwi ko lang mula sa praktis namin sa Music Room. Medyo late na kaming natapos dahil nagpraktis talaga kami ng husto. Natalo na kami sa unofficial na laban. Ayoko na pati sa totoong Battle of the Bands ay matatalo din kami.
Nang nakapasok na ako sa sala, naabutan ko si Mama na mahimbing pa rin na natutulog. Aakyat pa sana ako para hulihin si Allan at Ren. Pero hindi na ako umakyat dahil nakita ko silang dalawa malapit sa hapag-kainan at naghahanda para sa hapunan.
“Huli ka na," pangisi-ngising wika ni Allan.
Hmm, bakit ko ba kailangan hulihin ang mga taong ito? Matatanda na sila at iyung isa ay technically matanda na din. Si Mama lang naman ang nag-e-enforce na huwag silang gumawa ng kalokohan kay Ren. Punyeta! Bahala sila magkantutan doon sa taas.
“Wala pa si Keifer?" tanong ko nang lumapit ako sa kanila para makita kung sino-sino ang nasa kusina. Sila lang pala ang nandito.
“Hindi pa po siya umuuwi Kuya Joseph," sagot ni Ren.
Habang nakikipag-usap sa kanila, nakarinig ako ng yapak na dali-daling umakyat sa taas. Umakyat naman ako para sundan siya.
Sa taas, dumiretso ako sa kwarto at kumatok sa kwarto niya.
“Keifer, baba agad para makakain na," wika ko.
“Oo," tugon sa akin ni Keifer.
Naalala ko iyung sinasabi ni Jonas. “Oo nga pala. Pinapasabi ni Jonas na iyung report niyo sa isang prof para bukas. Baka naman bukas, habang nagre-report kayo ay bumagsak ka dahil sa pagod."
Bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Nakita ko siya na nagpalit na ng pambahay.
“Nako! Mas nakakapagod iyung gagawin naming reporting. Hayaan mo. Hindi ako papalpak para sa kaniya at para na din sa sarili ko."
“Matanong ko lang. Ano ba ang ginagawa ninyo ni Edmund tuwing gabi? Kayo na ba?" diretsong tanong ko.
Natahimik si Keifer sa itinanong ko. Madaming ulit naman siyang umurong-sulong kung ano siguro ang isasagot niya. Edmund at Keifer? Pwede naman kaya lang iyung age gap, sugar daddy niya siguro si Edmund.
“Natameme ka? Oo at hindi lang naman ang isasagot mo," sabi ko.
Humugot siya ng malalim na hininga. “Hindi ko alam ang isasagot ko sa estupidong tanong na iyan," tugon ni Keifer. “Gusto kong sumagot ng oo para lokohin ka, at hindi para sa parehas na intensyon."
“Well, lumalabas kayong dalawa ni Edmund habang malalim pa ang gabi tapos uuwi ng bahay, gising na gising. Tapos pagdating sa unibersidad, bagsak ang katawan. Nice habit by the way. Aware ka din ba na nakakamatay ang taong gising ng mga 72 hours?"
“Pero bakit mo naman iisipin na kami na ni Edmund? Pwede mo naman ipalagay na baka naghahanap lang kami ng bakla na mapaglilipasan. Or nag-bar hopping kami. Nakakaloko ha."
“Umm, hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko," pagpapaalala ko.
“Watch me."
Lumakad si Keifer pababa ng bahay. Sinundan ko siya papunta sa hapag-kainan. Nang nasa dining room na kami, nagulat ako sa ginawa niya. Habang malalim ata ang pinag-uusapan ni Allan at Ren, biglang hinalikan niya si Ren. Naging torrid pa ang halikan nila na halos sumasagot na si Ren sa mga halik niya.
“Sarap talaga ng labi mo," sabi ni Keifer na binigyan pa ng isang halik si Ren bago umakyat sa taas.
Napatingin ako kay Allan na shocked sa mga nangyari. Si Ren naman ay naguguluhan.
“Ang potang inang iyun," nasabi ni Allan na mukhang sasabog pero kalmado.
Edmund's POV
Nakarating na ako sa loob ng bahay ni Ren. Kaagad naman akong sinalubong ng Mama ni Joseph na may ngiti sa labi nito.
“Edmund, andito ka na naman. Halika at kumain ka muna," yaya nito sa akin.
Ngumiti lang ako habang hinahainan ako ng Mama ni Joseph. Sa hapag-kainan, pakiramdam ko ay napakalamig ng paligid. Nakangiti si Ren habang kumakain, samantalang si Keifer at Allan ay nagpapayabangan sa pamamagitan ng kanilang mga mata. Anong nangyayari sa mga ito?
“Allan, palagi na kitang nakikita dito. Hindi pa ba umuuwi ang Mama mo?" pangungumusta ko dito.
“Paminsan-minsan," tugon niya habang nakatingin sa akin. “Kailangan niya kasing bantayan iyung business niya sa Maynila, pati iyung boyfriend niya. Tsaka ikaw din. Palagi na kitang nakikita dito."
“Bumibisita lang. Tsaka may pag-uusapan kami ni Keifer."
Ihinain na ng Mama ni Joseph ang pagkain sa harapan ko.
“Salamat po."
“Bakit? Aalis na ba siya dito?" excited na tanong ni Allan.
“Ay! Bakit naman? Napakalaking tulong pa naman na nandito si Keifer sa bahay," wika ng Mama ni Joseph.
“Umm, hindi po. Wala pong ganoon," pagtanggi ko. “Pribadong bagay po Tita. Oo nga pala Allan. Kumusta si Larson?"
“Nasa shop. Nagbabantay. Iyung taong iyun, hindi umuuwi sa bahay dahil devastated siya sa nangyari," wika ni Allan na medyo iiyak.
“Malalampasan din ni Kuya Larson iyun," malumanay na wika ni Ren.
Nang natapos na kaming kumain, nanatili kami ni Keifer sa kusina habang magkasama kami na naghuhugas ng mga pinggan.
“Alam mo, iniisip ko ngayon na itigil na muna natin iyung pagsu-surveillance kay Jonas. Mukhang hindi na ata aataki iyun," suhestyon ko.
“Iniisip ko din iyan," wika ni Keifer habang nagsasabon. “Kaya lang, hindi ba napaka-weird? Nang hindi tayo nagsu-surveillance, gabi-gabi daw na sinusubukan ni Anthony na makapasok. Tapos nang nagbabantay na tayo, hindi na siya nagtangka? Ano iyun? Natakot sa atin?" Inabot niya sa akin ang huling plato na hinuhugasan niya.
“Baka nagpasya na siyang sumuko." Binanlawan ko naman iyung plato saka nilagay na ito sa dispenser.
Natawa si Keifer. “Take it from me. Hindi option ang sumuko kapag naghihiganti. Hanggang may nararamdaman kang galit sa isang tao, hindi mawawala iyan hanggang hindi ka nagpapatawad." Lumakad siya papunta sa likod-bahay.
Sumunod naman ako. “Anyway, may ginawa ka na naman siguro kanina kaya't medyo galit sa iyo si Allan?"
Umupo siya sa isa sa mga bakal na upuan. “Ahh! Oo. Hinalikan ko lang naman si Ren sa harap niya. Si Joseph kasi, nagtatanong na kung ano ba daw ang ginagawa natin tuwing gabi. Sabi pa nga niya, baka naman lumalabas na tayo. Kaya hinalikan ko si Ren para patunayan sa kaniya na hindi tama iyung iniisip niya." Tumawa siya.
Tatawa pa sana ako kaya lang ay hindi ko alam kung dapat ba. Tiningnan ko lang si Keifer at nag-imagine na lumalabas kami. Hindi kami bagay? Medyo matanda ako sa kaniya.
Tumingin ng masama si Keifer sa akin. “Tigilan mo iyan."
Keifer's POV
Palakpak ang natanggap namin nang natapos na kami ni Jonas sa pagre-report. Umupo na kami sa aming mga upuan at nag-apir kami.
“Buti naman at hindi ka bumagsak habang nagre-report tayo," wika ni Jonas.
“Wala na kasi akong ginagawa sa gabi kaya nakatulog ako ng maayos. Ikaw Jonas? Nakakatulog ka ba ng maayos?" tanong ko.
Tuwing gabi habang nagbabantay kami, sinu-supervise pa mismo ni Jonas ang mga gwardyang nagbabantay sa labas. Si Nicko naman, mukhang nakakatulog ng mahimbing. Sinisigurado talaga ni Jonas na hindi mapahamak si Nicko. Kapag hindi nakakatulog ang taong nagbabalak ng masama, ganoon din sa mga taong pinagbabalakan ng masama. Maliban lang kila Tito. Sila Tito, natutulog pa iyun ng mahimbing dahil tiwala sila na walang babangga sa kanila. Doon sila nagkamali.
“Oo naman," sagot ni Jonas.
“Lunch naman tayo mamaya," yaya sa akin ni Nicko.
“Sure," nakangiting sagot ko.
Nang sumapit na ang gabi, naghahanda na akong umuwi nang nakasalubong ko si Ronnie. Pilit lang akong ngumiti habang papalapit ito sa akin.
“Okay ka na?" pangungumusta niya.
“Umm, oo," sagot ko. “Salamat nga pala sa paghatid mo sa akin sa clinic."
“Wala iyun," iling niya. “Siguro naman, pwede na natin pag-usapan ang isang bagay." At hindi talaga ako makakatakas dahil pag-uusapan talaga namin ang sikreto.
“Ano naman ang pag-uusapan natin?" Dahan-dahan kami na lumakad papalabas.
“Tungkol sa aksidente na nangyari. Dahil may ilang koneksyon ako sa mga pulis, naghukay-hukay ako at nalaman ko na hindi totoo na may bigilante na tumulong sa atin na bumaril sa mga taong nagtangka na kidnapin tayo. Keifer, alam ko na ikaw ang nagligtas sa amin."
Napatigil ako sa sinabi niya at hinarap siya. “At ano naman kung ako nga?"
“May phobia ka ba talaga sa baril o wala?" tanong niya.
Huminga ako ng malalim. “Oo, meron," natatawang sagot ko. “Sa ganoong paraan namatay ang mga magulang ako. Kaya natatakot ako sa baril na patayin ako nito. Iyun pala, hindi lang pala baril ang nakakapatay. Meron diyan na gunting, tubig, ballpen, lason, tape, o kaya unan. Gusto ko rin na magkaroon ng phobia sa mga bagay na nabanggit ko. Pero nagbago ang lahat nang nangyari sa atin ang bagay na iyun isang gabi. Sa saglit na oras na iyun, nawala ang phobia ko. Gusto ko kasi kayong iligtas sa mga kidnaper natin."
“P-Pero bakit ka nagsinungaling? Ano ang dahilan? Pwede mo naman na ipagtapat sa akin ang bagay na iyun. Walang mangyayaring masama sa iyo."
“Talaga? Walang mangyayaring masama sa akin? Ronnie, alam mo naman na iyung investor nila Tito ay hina-hunting iyung mga posibleng responsable sa pagkawala ng investment nila. Kapag nagtapat ako sa iyo, baka kumalat ito sa ating mumunting komunidad," sarkastikong sabi ko.
Nanlaki ang mata ni Ronnie. “Wala ka bang tiwala sa akin?" tanong niya.
“Talagang wala," diretsong sabi ko. “Ronnie, alam kong may mga koneksyon ka pa. Kaya kung sasabihin ko sa iyo noon na wala na akong phobia sa baril, wala akong tiwala na hindi mo ipapakalat ang bagay na iyun. At may pakialam ko ba kung may mangyayari sa akin? Huling naalala ko, kay Harry ka lang lagi may pakialam. Ako, sino ba ako? Bata na kasing-tanda mo, pero hindi mo ako pinapansin dahil si Harry lang ang kaibigan mo. Ngayon, pinapansin mo na ako dahil patay na siya?"
Nagpakawala ako ng kaunting luha habang nakatitig kay Ronnie at tahasang nagsisinungaling sa harapan niya. Habang ganoon, iniisip ko kung ano ang mangyayari kapag nalaman nga nila ang totoo? Ano ang mangyayari sa akin? Papatayin ba nila ako instantly? Pahihirapan? Sana nga ganoon lang. Huwag lang si Ren. Iaalay ko ang buhay ko para sa kaniya. Aamin ako sa mga kasalanan na ginawa ko talaga para sa kaniya. Gagawa ako ng istorya para lang sa kaniya. Tama na ang paghihirap na naranasan niya. Pero ang lahat ng mga pagsubok na ito, haharapin ko. Susubok at susubok ako na makawala sa pesteng buhay na ito.
“Kung iyan lang ang dahilan kaya ka nandito sa Rizal at nakikipag-usap sa akin, mas mabuting huwag mo na lang akong kausapin. Dati, wala ka lang din naman para sa akin. Ngayong may pakialam na ako sa iyo, ikaw na nga itong iniligtas sa mga kidnaper, paghihinalaan mo pa ako na ako ang pumatay sa pamilya ko."
“Okay, fine. Hindi na kita isusuplong," nasabi rin niya. “Keifer, kung ano man ang ginawa ko sa iyo noon, patawad. Ano lang kasi, iyung biglang namatay ang best friend mo habang nasa ibang bansa ka, tapos hindi lang pala ang best friend mo ang namatay kung hindi ang halos buong pamilya niya, nakakatakot. Iniisip ko, paano kung sa amin mangyari ang bagay na iyun? Paano kung ang susunod ay iyung mga taong malalapit sa akin? Keifer, gusto ko matapos na ito. Gusto ko na walang malalapit sa akin ang mapapahamak."
“Hindi mo ba alam? Iyan ang kapalit ng ginagawa natin, ng pamilya natin. Habang ang mga magulang natin ay nagpapakasasa sa pera, hindi nila alam na dahil sa mga ginagawa nila ay nagkakaroon sila ng mga kaaway. At ang solusyon na naisip nila, maglagay ng guard sa lahat ng sulok ng mansyon. Pero hindi nila alam, may tao pala na nalalampasan ang mga gwardya nila. Ronnie, sinasabi ko sa iyo. Lumayo ka na sa mga gusto ng magulang mo. Hindi pa huli para magbago. Baka bukas, kinabukasan, isa na sa atin ang susunod."
Humarap ako sa entrada ng eskwelahan at nagpatuloy sa paglalakad. Mabilis na pinunasan ko ang aking pekeng luha. Kailangan burahin ko ang mga agam-agam sa isip niya. Pero hanggang kailan tatagal ang mga kasinungalingan ko?
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment